Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (13)

Ang paksang pinagbahaginan natin noong nakaraan ay may kinalaman sa kung paano kilatisin at tingnan ang mga tao. Masasabing interesado ang mga tao sa ganitong uri ng paksa, pero dahil medyo espesyal ang paksang ito at may kaugnayan sa mahalagang isyu ng kinabukasan at tadhana ng mga tao, nagdudulot ito sa mga nakikinig ng ilang damdaming naiiba sa mga napupukaw ng ibang mga aspekto ng katotohanan. Para sa ilan, hindi masyadong kaaya-aya ang mga damdaming ito. Pagkatapos marinig ang paksang ito, maaaring makaranas ang ilang tao ng malaking pagkabagabag sa kalooban, at iyong mga manhid ay maaaring makaranas din ng kaunting pagkabagabag sa kalooban. Tama? (Oo.) Anuman ang mga reaksiyon ng mga tao, ano’t anuman, pagkatapos mapagbahaginan ang mga paksang ito, ang hinirang na mga tao ng Diyos ay nagkakaroon ng kaunting tulong sa pagkilatis sa mga tao at sa pagtalos sa iba’t ibang usapin, at nabibigyang-kakayahan sila na magtamo ng kaunting kabatiran at kaunting pagkilatis. Tama? (Oo.) Noong nakaraan, pinagbahaginan natin ang ilang pagpapamalas at katangian ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop. Kung gayon, ano ang mga pangunahing katangian ng ganitong uri ng mga tao? (Noong nakaraan, pinagbahaginan natin na ang mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay may apat na katangian: Una, mayroon silang baluktot na pag-arok; ikalawa, sila ay lubhang manhid; ikatlo, sila ay lubhang magulo ang isip; at ikaapat, sila ay lubhang hangal.) Ang apat na katangiang ito ang mga esensyal na katangian ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop. Kung gayon, naibuod na ba ninyong lahat kung ano ba talaga ang mga esensyal na pagpapamalas ng ganitong uri ng mga tao? Sa madaling salita, kung pagbabatayan ang kanilang panlabas—ang kanilang pananalita at asal, at ang iba’t ibang pagpapamalas ng kanilang pagkatao—anong mga pagpapamalas ang mayroon sila na may kaugnayan sa apat na katangiang ito? Halimbawa, ano ang mga katangian ng kung paano nila tinatrato ang katotohanan, at ng konsensiya at katwiran ng kanilang pagkatao? Siyempre, ang mga katangiang ito ay pangunahing nasasaklaw sa loob ng apat na katangian ng baluktot na pag-arok, pagkamanhid, pagiging magulo ang isip, at kahangalan, tama? (Oo.) Ngayon, batay sa ilan sa mga pagpapamalas na nakikita at nararanasan ninyo sa tunay na buhay, ipaliwanag ninyo nang mas detalyado ang apat na katangiang ito. Ano pang ibang mga pagpapamalas ang alam ninyo? Halimbawa, ang mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay napakamanhid. Kung tutukuyin mo ang problema nila sa pamamagitan lang ng pagbibigay ng isang simbolikong halimbawa, hindi pa rin nila ito mauunawaan kahit pa sabihin mo sa kanila ang tungkol sa problemang ito nang ilang beses. Kaya, kailangan mong sabihin nang tahasan, “Ikaw ang tinutukoy ko,” para mapagtanto nilang tungkol ito sa kanila. Kung hindi, ipapalagay nilang tungkol ito sa problema ng ibang tao, na wala itong kaugnayan sa kanila, at iisipin nilang maayos naman ang ginagawa nila. Hindi ba’t pagkamanhid ito? (Oo.) Kailangan mo pang ilagay ito sa mismong harapan nila para lang tumugon sila nang bahagya. Kung gayon, kaya ba nilang maarok ang katotohanan? (Hindi.) Bakit hindi nila kayang maarok ang katotohanan? (Dahil mabagal silang tumugon at hindi nila maunawaan ang kahulugan ng mga salita ng Diyos. Kapag tinutukoy ng iba ang mga problema nila, isang doktrina o isang regulasyon lang ang kanilang naaarok; hindi nila ito kayang arukin mula sa isang positibong perspektiba, at sa gayon ay imposible para sa kanila na magkaroon ng positibong pagpasok.) Ito ay kawalan ng abilidad na umarok. Sa usapin ng pagkamanhid, kapag may tumukoy sa isang uri ng kalagayan, sadyang hindi nila napagtatanto kung ano ang kinalaman nito sa kanila, kung mayroon ba talaga silang ganitong uri ng kalagayan o wala, at kung mayroon ba talaga sila mismo ng ganoong uri ng problema—hindi nila mapagtanto ang mga bagay na ito ni maunawaan ang sinasabi ng ibang tao. Kahit na tukuyin mo pa kung aling bagay ang ginawa nila, aling mga salita ang sinabi nila, o aling pagpapamalas ang ipinakita nila sa isang partikular na araw, at alam nilang sila ang tinutukoy mo, ang naaarok lang nila ay isang usapin, isang pahayag, o isang pangungusap, at isinasaulo nila ito sa isang malabo at mababaw na paraan. Pagkatapos itong maisaulo, kumakapit na lang sila sa isang regulasyon: Huwag sabihin ang mga salitang iyon, at huwag gawin ang mga bagay na iyon; gawin ang mga bagay na ito, at kumilos sa ganoong paraan. Kaya nilang kumapit sa regulasyong ito habambuhay, tumatangging tumanggap ng pagbabahaginan ninuman, at kahit pa sampung kabayo ay hindi sila mahihila palayo. Habang nagbabago ang sitwasyon, dahil sa mga pagbabago sa panahon, mga heograpikal na kapaligiran, mga tao, pangyayari, at bagay, at iba pa, sinasabi mo sa kanila na hindi na uubra ang pagkilos sa paraang ginawa nila noon at na kailangan nilang iangkop ang kanilang diskarte o estratehiya—bagama’t hindi naman talaga nagbago ang prinsipyo—pero hindi nila ito kayang maarok. Sinasabi nila, “Napakaraming taon na akong nagsasagawa sa ganitong paraan, at sa pakiramdam ko ay ayos lang naman ito. Nagsasagawa ako batay sa pakikipagbahaginan ng mga lider at manggagawa maraming taon na ang nakalipas. Bakit ko dapat baguhin kung paano ako nagsasagawa?” Mayroon pa nga silang batayan, pero sa realidad, kumakapit lang sila sa isang regulasyon sa loob ng maraming taon nang hindi nila mismo napagtatanto.

Pagdating sa katangian ng pagkakaroon ng baluktot na pag-arok, karamihan sa mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay nagpapakita ng mga pagpapamalas ng baluktot na pag-arok. Ang paraan nila ng pag-iisip ay naiiba sa paraan ng mga normal na tao. Ang kanilang mga ideya ay labis na di-pangkaraniwan, kakatwa, at kung minsan ay lubhang hindi inaasahan—sadyang hindi mo lubos-maisip kung bakit sila mag-iisip sa ganoong paraan, at hindi mo kailanman inakala na may sinuman sa mundong ito na magsasaalang-alang sa mga isyu sa ganoon kakakatwang paraan. Maaari kang mapatigagal sa kanilang mga ideya. Ito ay dahil ang mga taong may normal na pag-iisip ay karaniwang nag-iisip ng mga isyu ayon sa isang normal na paraan ng pag-iisip, samantalang ang paraan ng pag-iisip ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay labis na kakaiba. Madalas silang magpahayag ng ilang kakatwa at di-pangkaraniwang mga pahayag, at kapag narinig sila ng isang taong may normal na pag-iisip, magugulat ang taong iyon. Kung susubukan mong sundan ang kanilang paraan ng pag-iisip para isaalang-alang ang isang isyu, matutuklasan mong ito ay labis na kakatwa at walang patutunguhan. Dahil mayroon silang ganitong paraan ng pag-iisip, sa tunay na buhay—sila man ay gumagampan sa kanilang mga tungkulin, nakikisalamuha sa iba, o nahaharap sa mga partikular na sitwasyon, mga tao, pangyayari, at bagay—ang kanilang mga ideya ay palaging labis na kakatwa, at hindi nila makasundo ang karamihan ng tao. Hindi sila mukhang mga nilalang na namumuhay sa mundo ng mga tao, kundi sa halip ay tila namumuhay sila sa ibang mundo. Hindi mo kailanman mauunawaan kung bakit sila nag-iisip sa paraang ginagawa nila o kung bakit sila nakakaisip ng gayong mga kaisipan. Ang paraan ng pagsasaalang-alang nila sa mga isyu ay madalas na lumalampas sa saklaw ng pag-iisip ng normal na pagkatao at lumilihis mula sa tamang landas ng normal na pag-iisip. Ang huling resulta ay na sa tingin ng lahat ay labis na kakatwa ang kanilang paraan, paninindigan, at mga prinsipyo sa pagsasaalang-alang ng mga isyu. Kung naroroon ang gayong tao habang isinasaalang-alang o pinagbabahaginan ng lahat ang isang isyu, at karamihan sa mga taong naroroon ay walang pagkilatis, walang sariling mga opinyon, o hindi nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, madalas na mangyayari na ang takbo ng kanilang pag-iisip ay matitigil o na ang isang normal na talakayan ay magugulo at maaantala dahil sa isa sa mga baluktot na kaisipan at pananaw ng taong iyon. At ano ang resulta sa huli? Pagkatapos ng palitan ng mga ideya, natutuklasan ng mga tao na ang pananaw na inilahad ng taong iyon ay lumilihis mula sa tamang landas, na ito ay hindi obhetibo ni praktikal, at na, higit pa rito, ito ay lubhang kakaiba, at na ang paraan niya ng pagsasaalang-alang sa mga isyu ay sukdulang kakatwa pa nga. Kapag nag-uusap at nagkukuwentuhan ang mga normal na tao, lalong sumisigla ang usapan, lalong nagiging malinaw sa lahat ang mga isyung pinag-uusapan, at lalong umuusad ang paksa habang lalo silang nag-uusap. Ngunit kapag sumingit ang taong ito para magpahayag ng opinyon, lumilihis sa paksa ang usapan. Nawawalan ng masasabi ang ibang mga tao, nararamdaman nilang lahat na masyadong kakatwa ang mga salita ng taong ito, at hindi sila makatugon dito. Sa gayon, naaantala ang paksang pinag-uusapan. Bagama’t ang ganitong uri ng tao ay may “natatanging” mga kaisipan at pananaw, palaging naiiba ang mga ito sa mga pananaw na inilalahad ng mga may normal na pag-iisip. Ang kanilang mga kaisipan at pananaw ay hindi ang dapat taglayin ng normal na pagkatao, at ang mga ito ay wala sa saklaw ng pag-iisip ng normal na pagkatao, kaya ang mga sinasabi nila ay tila kakatwa sa pandinig ng ibang mga tao o hindi pa nga lubos-maisip, at ang kanilang mga solusyon at landas ay hindi nakakatulong sa mga tao, at higit pa rito ay may kalikasan ng paggambala, panggugulo, pagpapahina, at pananabotahe. Ayos lang kung mananatili silang tahimik, at medyo nananatiling malinaw ang takbo ng pag-iisip ng lahat, ngunit sa sandaling sumingit sila para magpahayag ng kanilang opinyon o magbigay ng isang mungkahi, nagugulo at nagagambala ang lahat kapag naririnig nila ito, lumilitaw ang mga paglihis sa paksang tinatalakay, at mahirap makamit ang magagandang resulta. Gayumpaman, ang isang taong may tunay na mahusay na kakayahan ay kayang tukuyin ang pinakabuod ng isang isyu, at kaya niyang maarok ang mahalagang punto nito at magbahagi ng isang tamang landas para malutas ang problema. Kahit papaano man lang, kaya niyang magbigay ng ilang makabuluhan at mahalagang mungkahi na nakaayon sa takbo ng pag-iisip ng ibang mga tao. Kung maglalahad siya ng isang mungkahi, at sa tingin ng lahat ay angkop ito at handa silang tanggapin ito, nangangahulugan ito na ang mungkahi na inilahad ng taong ito na may mahusay na kakayahan ay natumbok ang mahalagang punto, dahil kaya ng taong ito na matalos ang diwa ng mga bagay. Kung hindi siya magsasalita, maaaring magtalakayan ang lahat sa loob ng tatlong araw nang hindi nakakarating sa isang konklusyon. Kita ninyo, ang dalawang uring ito ng mga tao ay parehong may mga natatanging pananaw na naiiba sa ibang mga tao, ngunit ang mga pananaw na inilalahad ng isang taong may mahusay na kakayahan ay makakatulong sa iba na makilatis ang diwa ng isang isyu, at makakatulong sa mga tao na mahanap ang tamang direksyon at landas ng pagsasagawa kapag sila ay nalilito. Iba naman ang isang taong may baluktot na pag-arok. Ang kanyang mga pananaw at baluktot na paraan ng pag-iisip ay madalas na may epekto na pagbuwag at panggugulo kapag nagtatalakayan ang mga tao ng mga usapin o nagkakaroon ng mga normal na pag-uusap. Kaya, kung ang isang taong may baluktot na pag-arok na nagreinkarnasyon mula sa isang hayop ay kasangkot sa anumang iglesia o anumang aspekto ng gawain, malamang na magdulot siya ng mga panggugulo at paggambala, at masusuya sa kanya nang todo ang lahat, iisipin nila, “Bilisan ninyo at paalisin na siya—masyado siyang nakakainis! Nagsasalita siya ng mga walang-kaugnayang kalokohan araw-araw pero itinuturing pa rin ang sarili niya na napakalalim, gayong sa realidad, ang sinasabi niya ay pawang mga maling kaisipan.” Sa simula, maaaring idolohin siya ng ilang tao, ngunit sa paglipas ng panahon, makikilatis siya ng mga ito at sasabihin nila, “Walang anumang malalim na kabatiran ang taong ito. Nagkukunwari lang siyang isang matalinong tao buong araw sa isang di-natural na paraan. Ang totoo, ang mga pananaw at ideyang inilalahad niya ay lubos na baligho at sadyang walang kinalaman sa mga isyung dapat pangasiwaan.” Magsisimulang mairita at masuklam sa kanya ang mga ito. Kaya, kung ang ganitong uri ng tao ay responsable para sa ilang lubhang teknikal o propesyonal na gawain o gumagawa ng ilang mahalagang gawain habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, mabilis silang magdudulot ng inis sa iba dahil ang mga pananaw at hinihingi na kanilang inilalahad ay palaging iniiwan ang mga tao na hindi makapaniwala at hindi sigurado sa angkop na paraan ng pagkilos. Kung sila ay isang ordinaryong tagasunod lamang, na sumusunod lang sa mga tagubilin at utos, madalas na lilitaw ang ilang paglihis sa mga bagay na ginagawa nila. Ang mga lider, manggagawa, at mga nakapaligid sa kanila ay kailangang patuloy na subaybayan at pangasiwaan sila. Sa sandaling maalis sa kanila ang paningin ng mga ito, magkakamali sila, at palaging kailangang tulungan sila ng iba na itama at remedyuhan ang kanilang mga pagkakamali, at ayusin ang mga gulong iniwan nila. Sa huli, kapag nakita ng lahat na wala nang pag-asa ang ganitong uri ng tao, sasabihin ng mga ito, “Palagi silang nagdudulot ng mga panggugulo dito, at walang sinuman ang napapayapa. Hindi ba sila puwedeng paalisin? Hayaan silang pumunta kung saan man nila gusto!” Iyon ang magiging reaksiyon ng lahat. Sa simula, pagpapasensiyahan sila ng mga ito, iisipin, “Lahat tayo ay magkakapatid, wala sa atin ang may mataas na tayog, at mababaw ang pagkaunawa natin sa katotohanan—suportahan at tulungan natin ang isa’t isa.” Ngunit sa katagalan ng pakikipag-ugnayan sa kanila, makikita ng mga ito ang tunay nilang pagkatao. Lumalabas na ang isyu nila ay hindi ang pagkakaroon ng mababang tayog—may problema sa kanilang kakayahan at pagkaarok. Hindi sa mababaw ang kanilang pag-arok o isip-bata sila; sa halip, baluktot ang kanilang pagkaunawa. Ang paraan nila ng pagtingin sa mga bagay at ang kanilang mga kaisipan at pananaw ay labas sa saklaw ng normal na pag-iisip, at madalas na iba ang kanilang mga opinyon sa opinyon ng lahat. Tumatanggi silang tanggapin ang sinasabi ng iba kahit na ito ay tama, at hindi sila makikinig sa anumang uri ng paliwanag. Sa sandaling manindigan sila sa sarili nilang ideya, kahit pa sampung kabayo ay hindi sila mahihila palayo mula rito. Ibig sabihin, hindi nila kayang mapag-iba ang mabuti sa masama. Ang mga bagay na itinuturing nilang mabuti sa kanilang mga kaisipan at pananaw ay, para sa mga taong may pag-iisip ng normal na pagkatao, pawang mga baluktot na bagay—mga bagay na hindi mailalabas sa publiko. Ang kanilang mga pananaw ay hindi lang isip-bata o mababang-uri at walang halaga; sadyang hindi mga kaisipan o pananaw ang mga ito na nagmumula sa pag-iisip ng normal na pagkatao. Kaya, hindi makasundo ng ganitong uri ng tao ang karamihan sa mga tao. Hindi ito dahil sa isang tiwaling disposisyon, o sa mga balakid na dulot ng pagkakaiba sa mga gawi sa pamumuhay o pagkakaiba ng mga wika, at tiyak na hindi ito dahil sa paggawa nila ng ilang masasamang gawa o pagpapakita ng mga kakatwang pag-uugali. Pangunahin itong dahil sa mga katangiang ito na ipinapakita ng kanilang pagkatao—baluktot na pag-arok, pagkamanhid, pagiging magulo ang isip, at kahangalan—na siyang dahilan kung bakit imposible para sa kanila na makasundo ang karamihan sa mga tao. Siyempre, hindi rin makasundo ng masasamang tao at mga anticristo ang karamihan sa mga tao, ngunit bagama’t mayroon sila ng parehong katangiang ito, ang diwa o penomenon ng kanilang kawalan ng kakayahang makasundo ang iba ay iba sa diwa o penomenon ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop. Hindi makasundo ng masasamang tao at mga anticristo ang iba dahil sa diwa ay mga diyablo sila, samantalang ang mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay ganap na walang pag-iisip at talino ng normal na pagkatao, pati na rin ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, kaya napakahirap para sa mga normal na tao na makipag-usap sa kanila—maaari lang silang mag-usap tungkol sa mga di-mahalaga at pambahay na usapin na hindi nagsasangkot ng mga prinsipyo, kaya nagiging napakalimitado ng saklaw ng pag-uusap. Ang mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop, kung tutuusin, ay hindi ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, naiiba sila sa mga ganoong uri ng mga tao, at nabibilang din sila sa isang kategorya ng mga buhay na nilalang. Kaya, hangga’t hindi nasasangkot ang mga pangunahing prinsipyo, kaya pa rin nilang makisama, makipag-usap, at makisalamuha sa iba sa kanilang pang-araw-araw na buhay o habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Gayumpaman, sa sandaling masangkot ang mga pangunahing katotohanang prinsipyo o mga pagpili tungkol sa kung aling landas ang tatahakin, ang ganitong uri ng tao ay nagiging ganap na hindi kaayon ng karamihan ng mga tao at hindi na sila makasundo. Halimbawa, nakikipag-usap ka sa ganitong uri ng tao tungkol sa mga pang-araw-araw na paksa sa buhay—kung anong mga pagkain at putahe ang gusto mo, kung paano lutuin ang mga ito nang maayos, ang mga bagay tungkol sa iyong bayang pinanggalingan, at iba pa. Habang mas nag-uusap kayo, mas marami kayong nasasabi at lalong nagiging magiliw ang usapan. Nangangahulugan ba ito na magkaayon kayong dalawa? Nangangahulugan ba ito na nabibilang kayo sa iisang kategorya? (Hindi.) Hindi mo masasabi ang mga bagay na iyon batay lang sa ganitong uri ng pag-uusap. Ngunit kapag nag-uusap kayo tungkol sa mga paksang tulad ng kung bakit ka nananampalataya sa Diyos at ang mga pananaw mo sa pananampalataya sa Diyos, mga paksang kinasasangkutan ng mga kaisipan at pananaw, mga katotohanang prinsipyo, mga pananaw sa buhay, mga pagpapahalaga, mga landas na tinatahak ng mga tao, mga hinahangad ng mga tao, at iba pa, ang inyong mga kaisipan at pananaw at ang inyong mga paraan ng pag-iisip ay lalong nagkakalayo, at wala na sa iisang landas, at natitigil ang usapan. At bakit ganoon? Dahil baluktot ang kanyang pag-arok. Noong una mo siyang marinig na magsalita, iniisip mong medyo matalas siya, ngunit sa paglipas ng panahon ay natutuklasan mong mga salita at doktrina lang ang sinasabi niya at medyo mayabang siya. Nagbabago ang damdamin mo sa kanya, hindi na ito ganoon kagiliw, lumilitaw ang mga hadlang, at napag-iiba na ang mga kategoryang kinabibilangan ng bawat isa sa inyo. Tingnan ninyo, kapag tinatalakay ninyo ang buhay-pamilya o ang inyong personal na nakaraan, o nag-uusap kayo tungkol sa mga paksang saklaw ng pang-araw-araw na buhay tulad ng pagkain, inumin, paglilibang, mga hilig, at mga libangan, nakakapag-usap pa rin kayo. Ngunit sa sandaling mapunta ang usapan sa mga kaisipan at pananaw, mga katotohanang prinsipyo, mga pananaw sa buhay, mga pagpapahalaga, mga landas sa buhay, o mga saloobin sa Diyos at sa tungkulin, natitigil ito. Nagbabago ang pananaw mo sa kanya, at nagbabago rin ang pananaw niya sa iyo. Nagsisimula kang makaramdam ng kaunting inis sa kanya sa iyong puso, at nagkakaroon ng mga hadlang sa iyo ang puso niya. Hindi ka niya gusto, at hindi mo rin siya gusto. Unti-unti, nagkakalayo kayo at hindi na kayo magkaintindihan. Sa gayon, napag-iiba ang iba’t ibang kategorya ng mga tao. Samakatwid, para makilala kung sa aling kategorya nabibilang ang isang tao, dapat tingnan kung ano ang abilidad niyang umarok, kung nagtataglay ba siya ng konsensiya at katwiran ng isang normal na tao, at kung mayroon ba siyang normal na pag-iisip at talino. Para naman sa ganitong uri ng tao na nagreinkarnasyon mula sa isang hayop, hindi na tayo partikular na magbabahaginan tungkol sa kanila. Susunod, magpapatuloy tayo sa pagbabahaginan tungkol sa dalawa pang uri ng mga tao. Pagkatapos nating gawin iyon, babalikan at paghahambingin natin ang tatlong uring ito. Sa pamamagitan ng paghahambing na ito, magiging lalong malinaw at tiyak kung paano kilatisin ang tatlong uring ito ng mga tao.

Noong nakaraan, nabanggit natin na ang mga tao ay malawak na nahahati sa tatlong kategorya. Paano napag-iiba ang tatlong kategoryang ito? Napag-iiba ang mga ito batay sa kanilang pinagmulan. Ang unang kategorya ay ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop, ang ikalawang kategorya ay ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, at ang ikatlong kategorya ay ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga tao. Natapos na nating talakayin ang mga katangian ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop, at ngayon ay pag-usapan naman natin ang mga katangian ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo. Anong mga pangunahing katangian ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ang naiisip ninyo? (Antagonistiko sila sa katotohanan at sa Diyos.) Isa itong medyo pangkalahatang pahayag; kailangan ninyong ilarawan ang kanilang mga esensyal na pagpapamalas, at kailangan ninyong ibuod ang mga katangian ng ganitong uri ng mga tao gamit ang kanilang pang-araw-araw na mga pagbubunyag at ang kanilang mga partikular na pagpapamalas sa buhay. Alam ba ninyo kung ano ang isang katangian? Ang isang katangian ay isang pagpapamalas na kumakatawan sa diwa ng isang partikular na uri ng tao. Kung nagtataglay ang isang tao ng mga katangian ng isang partikular na uri ng tao, mayroon siyang diwa ng ganoong uri ng tao, at kung ang isang tao ay ganoong uri ng tao, natural niyang tataglayin ang mga katangiang iyon—walang sinuman ang eksepsiyon. Iyon ang isang katangian. Naiisip ba ninyo ang mga katangian ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo? (Sila ay lubhang tutol at namumuhi sa katotohanan. Tumutugon sila nang may galit at pagkasuklam kapag naririnig ang katotohanan.) Ang pagtugon nang may galit at pagkasuklam sa sandaling marinig ang katotohanan ay isang partikular na pagpapamalas. Ano pa ang naiisip ninyo? (Sila ay buktot at lihim na mapanira. Hindi ko alam kung maituturing ba iyon na isang katangian?) Medyo may kaugnayan iyan. (Sila rin ay walang awa at mapagmataas.) Ang pagiging walang awa ay isa pang partikular na pagpapamalas. Ang pagmamataas ay isang karaniwang katangian na taglay ng mga tiwaling tao, at hindi lang ito taglay ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo; taglay rin ito ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop at ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga tao—ang dalawang uring ito. Bukod sa mga partikular na satanikong tiwaling disposisyong iyon, anong mga partikular na katangian ang taglay ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo sa usapin ng kanilang pagkatao? Ibig sabihin, ano ang mga pangunahing katangian ng kanilang ibinubunyag, sinasabi, at ginagawa sa kanilang pang-araw-araw na buhay? (Kalupitan.) Isa itong katangian. Ano pang ibang mga katangian ang mayroon? Ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo at ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay parehong nagtataglay ng ilang partikular at esensyal na katangian, ngunit ang mga katangian ng dalawang uring ito ay ganap na magkaiba. Ang mga katangian ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay baluktot na pag-arok, pagkamanhid, pagiging magulo ang isip, at kahangalan. Bakit ang mga katangiang ito? Sapat na ang mga katangiang ito para patunayan na, sa usapin ng kanilang diwa, ang ganitong uri ng tao ay kapos sa mga katangian ng tao, at kapos sa wastong talino at paraan ng pag-iisip na taglay ng mga tao. Samakatwid, pinatutunayan ng mga napakatipikal na katangiang ito na ang ganitong uri ng mga tao ay nagreinkarnasyon mula sa mga hayop. Ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay iba sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop. Ano ang kanilang mga katangian? Dahil sila ay nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, sila ay mga diyablong naging tao. Ang kanilang panloob na diwa ay sa isang diyablo. Bagama’t hindi sila mga hayop—hindi sila hangal, o manhid, at marahil ay wala silang baluktot na pag-arok—hindi rin sila tao, at wala silang normal na pag-iisip ng mga tao. Dahil sila ay nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, tiyak na sila ay ganap na naaayon at katulad na katulad ng mga diyablo sa usapin ng diwa at tunay na anyo, nang walang anumang mga pagkakaiba. Kaya, ano ang mga katangian ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo? Ang unang katangian ay ang pagiging likas na sinungaling. Paano man sila magsinungaling, hindi namumula ang kanilang mukha, hindi kumakabog ang kanilang puso, at kumikilos sila nang lubhang normal at natural, nang hindi nagkakamali o nagpapakita ng anumang butas. Walang sinuman ang makakakilatis kung alin sa kanilang mga salita ang totoo at alin ang hindi. Ang ikalawang katangian ay pagkalihis. Nabanggit ninyo ang ikatlong katangian ngayon-ngayon lang, ang kasamaan. Ang mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay may tatlong katangian—bagama’t kulang ito ng isang katangian kumpara sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop, ang mapanirang kapangyarihan at antas ng malubhang pinsalang idinudulot nila sa mga tao ay higit na mas malaki kaysa sa pasakit o kapahamakang dulot ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop, dahil sila ay mga diyablo. Sa usapin ng antas, ang mga paraan ng matinding pamiminsala ng mga diyablo sa mga tao ay higit na mas malubha kaysa sa pananakit ng mga hayop sa mga tao. Ang pambibitag, pagyurak, pagpapamanhid, panlilihis, at matinding pamiminsala sa mga tao ay likas sa mga diyablo; ito ang kanilang kalikasang diwa. Tungkol naman sa mga hayop, hangga’t hindi mababangis ang mga ito, sa pangkalahatan ay walang malaking mapanirang kapangyarihan sa mga tao ang mga ito; ilang partikular na hayop lang ang medyo matinding namiminsala sa mga tao, kumakain ng laman ng tao o nananakit ng mga tao dahil sa instinto. Iba ang mga diyablo. Hindi mahalaga kung sila ay malalaki o maliliit na diyablo—hindi na kailangang pag-ibahin ang iba’t ibang uri ng mga diyablo—lahat sila ay nagdudulot ng parehong pasakit at matinding pinsala sa mga tao. Ang anumang diumano’y mga pagkakaiba ay naipapamalas lamang sa mga paraan o metodo, ngunit sa usapin ng diwa ng mga diyablo, ito ay palaging para matinding pinsalain ang mga tao. Ginalit mo man sila o hindi, ang kanilang kalikasang diwa ay ang palaging manakit ng mga tao. Hangga’t lumalapit ka sa kanila, hangga’t nasasangkot sila sa malalaki o maliliit na usapin sa iyong buhay, malamang na mapinsala ka nila. Kung nauunawaan mo ang ilang katotohanan, kung nagtataglay ka ng ilang katotohanang realidad, at may pagkilatis ka tungkol sa mga diyablong ito, ang antas ng pamiminsala nila sa iyo ay medyo mababawasan o maiibsan. Ngunit kung mababa ang iyong tayog, kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at ikaw ay isang taong walang katotohanan at buhay, ang antas ng magiging pamiminsala sa iyo ay madaling mahihinuha—paano man nila gustong pinsalain ka, pipinsalain ka nila sa ganoong paraan, at hanggang sa anong antas ka man nila gustong pinsalain, mapipinsala ka hanggang sa ganoong antas. Ito ang pinsalang idinudulot sa mga tao ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo. Nakikita mo, kapag nasa kapangyarihan ang mga diyablo, kahit na suportahan mo sila, pipinsalain ka pa rin nila, at kung hindi mo sila susuportahan o sasalungatin mo sila, mapipinsala ka pa rin. Hangga’t pinamumunuan ka nila, hangga’t nasa ilalim ka ng kanilang kapangyarihan, hangga’t sumusunod ka sa Diyos ngunit hindi mo pa natatamo ang katotohanan o hindi ka pa ganap na natatamo ng Diyos, ikaw ay, walang-duda, ang talunang kalaban ng mga diyablo, ang kanilang biktima, at walang sinuman ang eksepsiyon dito. Tumutukoy ito sa malalaking diyablo. Tungkol naman sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, sila ay maliliit na diyablo sa tunay na buhay, sila ay iba’t ibang uri ng mga diyablo. Kung mamumuhay kang kasama nila, isa sa mga pinakakaraniwang pangyayari ay na likas silang magsisinungaling. Palagi ka nilang malilinlang at palagi ka nilang maloloko; hindi mo malalaman kung alin sa kanilang mga salita ang totoo at alin ang hindi, at magugulo ka hanggang sa punto na mababalisa ka araw-araw. “Totoo ba o hindi ang sinabi nilang ito? Sinusubukan na naman ba nila akong linlangin? Paano ko makikilatis kung tama o mali ang sinasabi nila?” Kita mo, kung mamumuhay kang kasama nila, labis kang magdurusa sa kanilang pamiminsala. Ang usapin lang na ito ng kanilang patuloy na pagsisinungaling ay guguluhin ka hanggang sa punto na ikaw ay ganap na maguguluhan, at araw-araw ang iyong puso ay walang kapanatagan, kapayapaan, o kagalakan.

Para sa uri ng tao na nagreinkarnasyon mula sa isang diyablo, likas sila kung magsinungaling, at lahat ng ginagawa nila ay napakatuso. Anuman ang lihim nilang sabihin sa iba o anuman ang gawin nila nang patago, hindi nila sinasabi ang totoo tungkol dito pagkatapos; sa halip, mayroon silang ibang bersyon ng kuwento. Sinisiraan nila ang ibang tao sa iyo, at sinisiraan ka nila sa ibang tao. Bunga nito, nagkakaroon ng mga hadlang sa pagitan mo at ng ibang mga taong iyon, at nagkakaroon kayo ng masamang palagay sa isa’t isa. Ang totoo, hindi naman talaga kayo pamilyar sa isa’t isa, at hindi ninyo gaanong kilala ang isa’t isa. Dahil mismo sa diyablong ito na gumawa ng mga kuwento para pag-awayin kayo kung kaya’t naging magkaaway kayo. Pinaglaruan ka na ng diyablo pero hindi mo pa rin alam kung ano ang nangyayari, at iniisip mong totoo ang sinabi ng diyablo at na mabuti sila sa iyo. Kita ninyo, kayang paglaruan ng isang taong likas na sinungaling ang mga tao nang ganito katindi. Palagi silang nagsisinungaling; madalas silang magtsismis, maghasik ng alitan, at walang pakundangang gumawa ng mga tsismis sa pamamagitan ng pagpapalabis at pagdaragdag sa mga kuwento at paggawa ng mga walang batayang paratang kapag kasama ka nila. Ginugulo ka nito hanggang sa punto na hindi ka na mapakali, at palagi mong kailangang kumilatis at mag-ingat: “Ano bang masasamang bagay ang sinabi ni Ganito-at-ganyan tungkol sa akin? Paano ko dapat tratuhin si Ganito-at-ganyan?” Ginugulo ka nila hanggang sa punto na ganap ka nang gulong-gulo, sinisira ang takbo ng iyong buhay, ang mga kinagawian sa iyong pamumuhay, at ang kasalukuyan mong kondisyon. Kapag mababa ang iyong tayog at hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at kapag hindi mo pa natatamo ang katotohanan, madalas kang napapasailalim sa kanilang impluwensiya, at naililihis, nagugulo, nalilimitahan, at nagagapos pa nga ng ilan sa kanilang mga kasinungalingan. Halimbawa, ipagpalagay na nahalal ka bilang isang lider ng iglesia, at sinabi nila sa iyo, “Sinabi ni Ganito-at-ganyan tungkol sa iyo: ‘Akala ng taong iyan ay kaya niyang maging lider? Wala naman talaga siyang kuwenta, pero ang lakas pa rin ng loob niyang makipagbahaginan ng katotohanan sa mga tao!’” Sa realidad, hindi naman talaga ito sinabi ng taong iyon; iyon ang gustong sabihin ng diyablong ito, at ibinibintang niya ito sa ibang tao. Ang isang komentong ito lang mula sa kanya ay nagpapahina sa iyo, at lumalapit ka sa harap ng Diyos at nananalangin, “O Diyos, tunay na mababa ang aking tayog at hindi ko kayang pasanin ang gawaing ito. May pagkakautang ako sa Iyo, hindi ko nagawa nang maayos ang aking gawain. Gusto kong magbitiw sa tungkulin, pero natatakot akong iyon ay kawalan ng katapatan. Ano ang dapat kong gawin?” Ginulo ka nila hanggang sa punto na hindi mo na maipagpatuloy ang iyong gawain; kahit na ipagpatuloy mo pa, ginagawa mo ito nang may isang uri ng negatibong emosyon, unti-unting nawawala ang pagpapahalaga mo sa pasanin para sa gawain ng iglesia, hanggang sa huli, napaparalisa ang gawain. Nagulo ka, hindi ba? (Oo.) Talagang napakamapanggulo ang mamuhay, makisalamuha, at magtrabaho kasama ang ganitong uri ng tao. Masyadong maraming kasinungalingan sa kanilang mga salita, masyadong maraming halo, masyadong maraming sarili nilang kalooban, at masyadong maraming sarili nilang motibo; lahat ng sinasabi nila ay kasinungalingan. Palagi mong kailangang kilatisin: “Alin sa mga salita nila ang totoo at alin ang hindi? Ano ba talaga ang ginawa nila noong walang nakakakita at ano ang hindi nila ginawa? Isa ba silang tunay na mananampalataya sa Diyos? Sinasabi nilang tiyak na gagampanan nila nang maayos ang kanilang tungkulin sa hinaharap at tiyak na magiging karapat-dapat sila sa pag-aangat na ito na ibinigay sa kanila ng sambahayan ng Diyos—talaga bang taos-puso ang mga salitang ito? Kikilos ba sila ayon sa panunumpa na kanilang binitiwan at sa determinasyong ipinahayag nila?” Kapag nakikita mo ang kanilang pag-uugali, napupuno ang iyong isipan ng sunud-sunod na mga tanong. Madalas mong nararamdaman na nakakatakot sila, pero ang mga salita nila ay tila kapani-paniwala at makatwiran. Subalit, sa iyong mga panaginip sa gabi, nakikita mong ang mukha nila ay naging mukha ng isang diyablo, na ipinakikita nila ang kanilang mga pangil at iwinawasiwas ang kanilang mga kuko, at napapaisip ka, “Tao ba talaga sila? Alin sa mga salita nila ang totoo at alin ang hindi? Bakit hindi ko sila matalos? Masyadong nakakatakot ang ganitong uri ng tao!” Nararamdaman mong sila ay nakakatakot at hindi mapagkakatiwalaan, ngunit kapag sinusuri mo ang kanilang gawain, masasabing katanggap-tanggap naman ito, at kapag nakikinig ka sa kanilang pagsasalita, wala kang napapansing anumang pagkakamali. Gayumpaman, sadyang hindi mo sila matalos—mayroon kang hindi maipaliwanag na pagdududa sa iyong espiritu, at palagi mong nararamdaman sa iyong puso na kaya nilang gumawa ng gulo, palaging nararamdaman na ang kanilang mga salita ay hindi taos-puso at hindi lubos na totoo. Marahil isang araw ay malantad ang kanilang kalikasan na magsinungaling, at mapapatunayan ang iyong pakiramdam tungkol sa kanila: Matutuklasan mo na tama ang hinala at pakiramdam mo tungkol sa kanila noon, at na bagama’t labis na magandang pakinggan at kapani-paniwala ang mga salitang binitiwan nila, lahat ng iyon ay huwad at panlilinlang; sa likod ng mga eksena, wala talaga silang ginawang anumang tunay na gawain. Kaya, maaari pa bang pagkatiwalaan ang ganitong uri ng tao? (Hindi.) Bagama’t sa puso mo ay nararamdaman mong hindi na sila mapagkakatiwalaan, kapag nakaharap mo silang muli at narinig silang magsalita, ang kanilang pag-arok ay tila napakadalisay, maganda pakinggan ang kanilang sinasabi, at wala kang makitang anumang problema sa kanilang mga salita, at sa panlabas ay kaya rin nilang magtiis ng paghihirap at magbayad ng halaga. Napagbubulayan mo, “Ano ang nangyayari dito? Baka nagkamali ako ng paghusga sa kanila, baka naging mapagmalisya lang ako. Hayaan mong pagkatiwalaan ko sila nang isa pang beses. Tutal, sa ngayon ay wala akong mahanap na angkop na tao para pumalit sa kanila sa gawaing ito, kaya gagamitin ko sila nang isa pang beses.” Pagkatapos ay patuloy mo silang gagamitin, at ang huling resulta ay pareho pa rin: Natutuklasan mong nalinlang ka na naman nila. Maganda silang magsalita, pero ang totoo, sa likod ng mga eksena, isinasakatuparan lang nila ang sarili nilang proyekto at hindi sila gumagawa ng anumang tunay na bagay. Kung magkakamit sila ng sampung tao sa isang buwan ng pangangaral ng ebanghelyo, igigiit nilang limampu iyon. Sadyang hindi sila magsasabi ng totoo. Sila ay likas na sinungaling, isang eksperto sa pagsisinungaling. Pinagkakatiwalaan at ginagamit mo sila nang paulit-ulit, at bunga nito, nalilinlang ka nang paulit-ulit. At sino ang nagdurusa ng kawalan sa huli? Siyempre, sa pamamagitan ng pagdanas sa mga bagay na ito, nagkakaroon ang mga tao ng pagkilatis sa iba, lumalago ang kanilang kabatiran, dumarami ang kanilang karanasan, at nagiging mas mahusay sila sa pagkilatis sa mga tao, ngunit ano ba talaga ang nagdurusa ng kawalan? Ito ay ang gawain ng iglesia. Kaya sabihin ninyo sa Akin, itong isang kalikasang diwa lang ba ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo—ang pagiging likas na sinungaling—ay nagdudulot ng malaking pinsala sa iba o hindi? (Nagdudulot ito ng malaking pinsala.) Gaano kalaki ang pinsalang ito? Kaya ka ba nilang ilihis? (Oo, puwede kaming mailihis at masamantala.) Puwede kang mailihis, masamantala, at magulo—puwede ba itong umabot sa punto na mamanipulahin ka na nila? (Oo.) Kung bata ka pa at kulang sa karanasan, at hindi mo nauunawaan ang katotohanan at hindi mo matalos ang mga bagay-bagay, puwede ka nilang manipulahin. Ano ang ibig sabihin ng mamanipula nila? Ibig sabihin, wala kang magawa laban sa kanila, kontrolado ka nila, itinali nila ang iyong mga kamay at paa, ang iyong paraan ng pag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay at ang iyong mga kaisipan at pananaw ay naiimpluwensiyahan at naaakay nila, ang susunod mong gagawin ay ganap na naaayon sa kanilang plano, at ganap kang nahuhulog sa bitag na idinisenyo nila para sa iyo—ito ang ibig sabihin ng mamanipula. Pauna na nilang pinaplano ang lahat sa likod ng mga eksena, gamit ang lahat ng uri ng taktika para magplano laban sa iyo. Talos na talos ka nila—kung ano ang nauunawaan mo at kung ano ang hindi mo matalos, kung sa anong mga bagay ka may pagkilatis at kung sa ano ang wala, kung ano ang iyong mga hangganan, kung paano ka maaaring samantalahin, at kung anong mga salita ang makakapaglihis sa iyo. Sa huli, sinasamantala nila ang iyong mga kapintasan at iba’t ibang kahinaan para mag-imbento ng mga kasinungalingan at linlangin ka. Sa puso mo, malinaw sa iyo na mali ang ginawa nila, o na may problema sa sinabi nila at nagsisinungaling sila, pero wala kang karunungan para harapin ito; nababagabag ka pero wala kang magawa laban sa kanila, at maaari ka lang maging sunud-sunuran sa kanila. Hindi ba’t minamanipula ka na nila? (Oo.) Sa huli, ang direksyon ng pag-usad ng sitwasyon, hanggang sa mismong panghuling resulta, ay naaayon sa kanilang plano—nangangahulugan itong minanipula ka na nila. Ibig sabihin, ganap kang nawawalan ng kakayahang kontrolin ang direksyon ng pag-usad ng sitwasyon, at ganap kang nagiging sunud-sunuran sa kanila. Sa huli ay nakukuha nila ang gusto nila sa usapin ng anumang layon ang nais nilang makamit, anuman ang nais nilang isakatuparan, sinuman ang nais nilang samantalahin, at paano man nila gustong gawin ang mga bagay-bagay. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t pagmamanipula nila ito sa inyo? (Oo.)

Sabihin ninyo sa Akin, kung pagbabatayan lang ang kalikasan ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo na maging likas na sinungaling, malaki ba o hindi ang pinsalang idinudulot nila sa hinirang na mga tao ng Diyos, at lalo na sa gawain ng iglesia? (Malaki.) Napakalaki ng pinsala! Kaya bukod sa pag-apekto sa pang-araw-araw na buhay ng ilang indibidwal, ano pang malaking pinsala ang idinudulot nila sa mga tao? (Napakalubha ng panggugulong idinudulot ng mga kilos ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo sa mga nasa paligid nila. Nakasalamuha ko na dati ang isang taong ganoon; saanman siya naroroon, ang lugar na iyon ay mapupuno ng intriga at pag-aagawan sa kapangyarihan at katayuan, magkakaroon ng mga hadlang sa pagitan ng mga tao, at makakaramdam din ng kadiliman sa kanilang puso ang mga kapatid.) Nagdulot ito ng kaguluhan, hindi ba? (Oo.) Ang idulot na maghinala sa isa’t isa at mag-awayan ang mga tao, at pumasok sa isang kalagayan ng kaguluhan—napakalaki ng pinsalang ito! Kaya pagkatapos, nagkaroon ba ang lahat ng pagkilatis sa diyablong ito? (Oo.) Pinaalis ba siya? (Pinaalis siya.) Pagkatapos siyang paalisin, ibinuod ba ng lahat ang mga bagay-bagay? Ang mga pangunahing partikular na pagpapamalas ng kanyang pagsisinungaling, ang mga kasinungalingang sinabi niya, ang mga bagay kung para saan siya nagsinungaling, ang mga pamamaraan at tono ng boses na ginamit niya noong nagsinungaling siya, ang layuning nais niyang makamit—ibinuod ba ninyong lahat ang mga partikular na pamamaraan at pagpapamalas na ito? (Oo. Halimbawa, likas siyang sinungaling; ang kanyang mga salita ay may kalikasan na malito sa kung alin ang tama at mali at tawaging puti ang itim, ginagawang negatibo ang mga positibong tao at ginagawang positibo ang mga negatibong tao. Magpaparatang siya ng mga walang batayang akusasyon sa sinumang kinaiinggitan o kinamumuhian niya, at uudyukan din niya ang mga kapatid na salungatin ang mga ito, na lumilikha ng kaguluhan. Sinusupil din niya ang ilang mabuting tao o ang mga nagkakaroon ng mga resulta sa kanilang mga tungkulin, habang inaangat ang mga taong gusto niya at nanunuyo sa kanya.) Isa itong anticristo, hindi ba? (Oo.) Ano ang mga pangunahing paraan ng pagsisinungaling na ginagamit ng ganitong uri ng tao? Pag-iimbento ng mga bagay mula sa wala, pagdaragdag at pagpapalabis sa mga kuwento, pagbabaling ng sisi sa iba, paggawa ng mga kuwento para lumikha ng alitan, at paghahasik ng pagkakawatak-watak—ano pa? (Pagsusulsol.) Pagsusulsol at pagpapatindi ng mga alitan. Halimbawa, dalawang tao ang may magandang pagsasama, ayaw makipagtalo tungkol sa anuman o makipag-away kaninuman, ngunit sinusulsulan sila ng ganitong uri ng tao para magsimula silang mag-away. Kung makikita niyang nag-aaway ang dalawang taong iyon, masisiyahan na siya, at nagtagumpay na ang kanyang masamang balak. May ilang ganitong uri ng tao sa bawat grupo. Lahat ng tao ay may mga tiwaling disposisyon, ngunit gagawin ba ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga tao ang mga bagay na ito? (Hindi.) Bakit hindi? Ano ang pagkakaiba nila sa mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo? (Ang mga normal na tao ay may batayang pamantayan ng konsensiya.) Tama iyan. Mayroon silang batayang pamantayan ng konsensiya; sa kanilang sariling asal, pinipigilan sila ng konsensiya. Hindi nila gagawin ang mga bagay na ito na tiwali sa moralidad, ang mga bagay na ito na nangangahulugan ng pagkawala ng integridad at dignidad, o ang mga bagay na ito na nakakapinsala sa iba at nakikinabang sila. Ang pagkakaroon ng konsensiya ay nangangahulugang mayroon silang pinakamababang pamantayan, at sa gayon ay napipigilan ang kanilang mga kilos. Kaya, mayroon bang konsensiya ang mga taong ito na nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo? (Wala.) Kung gayon, anong uri ng puso ang mayroon sila? (Mga pusong mapaminsala.) Mayroon silang pusong mapaminsala at buktot, kaya nakapagsisinungaling sila nang likas, at paano man sila magsinungaling, hindi sila nababagabag sa loob nila. Bakit hindi sila nababagabag? Dahil sila ay mga diyablo at walang konsensiya, kaya kapag nagsisinungaling sila at gumagawa ng kasamaan, hindi sila nababagabag, ni nakakaramdam ng panunumbat. Sa kabaligtaran, kung hindi sila nagsisinungaling, at kung—kung nasaan man sila—hindi sila gumagawa ng kaunting kasamaan o nagdudulot ng kaunting kaguluhan at kalituhan, at lahat ay namumuhay nang payapa at may kagalakan, at lahat ay namumuhay sa harap ng Diyos, nakakaramdam sila ng pagkainis at hindi mapalagay ang loob nila. Bakit sila hindi mapalagay? Ito ay dahil lahat ay lumalapit sa harap ng Diyos, pinagbubulayan ang Kanyang mga salita, kumikilos ayon sa Kanyang mga salita at sa mga katotohanang prinsipyo, namumuhay sa loob ng normal na pagkatao, at hindi sila sinasamba; hindi sila namumukod-tangi sa mga tao o nakakaramdam na mahalaga sila, kaya iniisip nila, “Labis na nakakabagot mamuhay nang ganito, hindi ito masaya!” Para maging masaya, gawing interesante ang buhay, mamuhay nang kagalang-galang at makaramdam ng kahalagahan, kailangan nilang gumawa ng ilang gulo at magdulot ng ilang problema, manggulo at magdulot ng kaguluhan at kalituhan sa mga tao. Ano nga ba ang kasabihang iyon? Paggawa ng gulo. Gusto ng ganitong uri ng tao na gumawa ng gulo saanman sila naroroon; ayaw nilang manatili sa kanilang tamang lugar. Gusto ng mga normal na tao na manatili sa kanilang tamang lugar—na mamuhay nang matatag, at gawin kung ano ang nararapat nilang gawin sa nakagawiang paraan—ayaw nilang gumawa ng mga gulo. Ngunit ang mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay hindi nananatili sa kanilang tamang lugar. Bakit hindi sila nananatili sa kanilang tamang lugar? Dahil isang diyablo ang nananahan sa loob ng ganitong uri ng tao, at gusto ng mga diyablong magdulot ng mga problema sa anumang grupo na kinaroroonan nila. Kahit pa hindi mo sila ginalit o ininis, nagsisimula lang sila ng gulo nang kusa—ito ay paggawa ng gulo. Anumang grupo ang kinaroroonan ng ganitong uri ng tao, tingnan mo man ito mula sa malayo o mag-usisa ka man tungkol sa mga sitwasyon ng mga miyembro nito, palagi mong nararamdaman na mayroong isang malademonyong atmospera doon. Paminsan-minsan, naririnig mo na may alitan si Taong A kay Taong B, na hindi nakakasundo ni Taong C si Taong D at hindi sila nagpapansinan, na may mga hindi pagkakasundo si Taong E kay Taong F sa kanyang gawain, na palaging nakikipagkumpetensya para sa katayuan si Taong G, at palaging kailangang ulitin ang kanyang gawain. Kung makakakita ka ng alinmang iglesia kung saan palaging may magulo at malabong atmospera, kung saan walang kapayapaan, kung saan palaging hindi magkasundo o maayos na makapagtulungan ang mga tao, mayroong isa o maraming diyablo pa nga na nanggugulo sa loob nito. Gaano man karaming diyablo ang nanggugulo sa isang iglesia, ang ibang mga tao na may kaunting batayang pamantayan ng konsensiya at gustong kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo ay lubhang napipinsala nila. Sa sandaling mapaalis na ang lahat ng uri ng mga diyablo, kapag muli nang sama-samang namumuhay ng buhay iglesia at gumagawa ng kanilang mga tungkulin ang lahat, naiiba na ang atmospera. Bagama’t hindi mo masasabing nag-aalab ang damdamin ng lahat, kahit papaano ay nararamdaman ng lahat na ang mga tao roon ay may pagmamalasakit ng tao at hindi gumagawa ng gulo; hindi malademonyo ang atmospera doon, isa itong atmospera ng tao. Sa mga lugar kung saan malademonyo ang atmospera, kapag nag-uusap ang mga tao, may mali sa tingin sa kanilang mga mata, pati na rin sa tono ng kanilang boses at sa atmospera kapag nagsasalita sila. Hindi sila tumitingin sa mata kapag nakikipag-uusap; bukod pa rito, napakasimple ng kanilang sinasabi, walang sinuman sa kanila ang gustong magsalita nang mula sa puso, at walang berbal na usapan. Para bang may pader sa pagitan nila. Walang komunikasyon sa pagitan nila; nagkikimkim sila ng pagkamuhi sa kanilang puso. Posibleng ang mga taong ito ang mga biktima. Biktima man o nambibiktima ang mga taong ito, sa madaling salita, may mga diyablong nakahalo at nanggugulo sa loob ng grupong ito, ginugulo ang mga puso ng mga tao hanggang sa punto na nagkakagulo na sila at hindi makahanap ng kapayapaan. Kapag sama-samang namumuhay ang mga tao sa grupong ito, palagi nilang nararamdaman na hindi kasiya-siya at hindi maayos ang takbo ng mga bagay-bagay, hindi sila makapamuhay nang magkakasama nang may pagkakasundo, at siyempre, lalong hindi posible ang maayos na pakikipagtulungan. Kapag nagsasalita, kumikilos, at gumagampan ng kanilang mga tungkulin sa grupong ito, palaging hindi masaya ang pakiramdam ng mga tao sa loob nila, at mayroon ding mga hadlang sa pagitan nila. Ito ay dahil may mga diyablong nanggugulo sa grupong ito, kaya lahat ay nalilimitahan at nakakaramdam ng kalungkutan.

Naranasan ng ilang tao ang matinding panggugulo ng mga diyablo at sa pangkalahatan ay minanipula sila ng mga ito. Nang makita Ko sila pagkatapos ng isa o dalawang buwan, tila may mali sa kanilang mukha, na para bang pinaglaruan sila. Maaari kayang wala silang gawain ng Banal na Espiritu at presensiya ng Diyos? Paanong labis na nakakaasiwa ang hitsura nila? Kalaunan, sa pamamagitan ng maingat na pag-uusisa, nalaman Kong mayroon ngang nangyari: Kinontrol ng dalawang diyablo ang lahat ng taong ito. Hanggang sa anong antas sila kinontrol ng mga diyablo? Ginawa ng mga diyablo ang anumang gusto ng mga ito; ang mga pagsasaayos ng gawain na ibinigay ng Itaas at ang mga prinsipyong ibinahagi ng Itaas ay hindi maipatupad—pawang umiral ang mga iyon sa pangalan lang. Dahil humahadlang ang dalawang diyablong ito, walang nangahas na magbigay ng opinyon o mag-ulat ng mga problema. Pagkatapos, sobrang nagalit ang ilang tao kapag nababanggit ang dalawang diyablong ito kaya napapahagulgol sila. Bakit hindi mo sila inilantad noon? Kahit napakaraming tao roon, walang nangahas na tumindig at ilantad ang mga diyablo—gaano kaya kalakas ang kapangyarihan ng mga diyablong iyon? Sa panlabas ay mukha silang tao, ngunit ang kanilang diwa ay talagang diwa ng isang diyablo. Ang ganitong uri ng tao ay kinatatakutan ng ibang tao saanman sila magpunta. Kailangan lang silang makasalamuha ng mga tao para matakot ang mga ito, para kilabutan. Kung makakatagpo ng isang bata ang ganitong uri ng tao, maiiyak ito sa takot. Hanggang sa anong antas natatakot ang mga taong totoo kapag nakakatagpo nila ang ganitong uri ng tao? Kapag nasa harap na nila ang mga ito, hindi sila nangangahas na huminga nang malakas o magsalita nang malakas, at sinusubukan pa ngang agad na iwasan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-iiba ng daan. May isang taong nakakita na hindi ipinapatupad ng mga diyablong ito ang gawain ayon sa mga pagsasaayos ng gawain at sinabi, “Hindi tama ang paggawa nito sa ganitong paraan; hindi ito naaayon sa mga prinsipyong ibinahagi ng Itaas.” Gumanti ng sagot ang isa sa mga diyablong iyon, “Ako ang nasusunod dito. Kung susuway ka, maniwala ka man o hindi, kaya kitang patalsikin ngayon din!” Labis na ikinatakot ito ng tao kaya namutla ang kanyang mukha, at hindi na siya nangahas na magbigay muli ng opinyon, sinabi niya nang lumuluha, “Nagkamali ako. Magkunwari ka na lang na wala akong sinabi. Pakiusap, huwag mo akong patalsikin!” Nakita ito ng iba at sinabi, “Masyado siyang dominante, napakalaki ng kapangyarihan niya! Patatalsikin niya ang sinumang hindi sumunod sa kanya! Mahirap makamit ang pagkakataon nating gampanan ang ating mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Kung patatalsikin niya tayo, saan tayo magsusumbong? Hindi ba’t magiging katapusan na natin? Hindi ba’t mawawala na ang pag-asa nating maligtas? Talagang hindi tayo dapat magbigay ng ating mga opinyon; hindi tayo dapat mapatalsik dahil sa isang sandali ng kawalang-ingat.” Tingnan ninyo, ganito sila katakot. Sa huli, nang inilalantad na ang mga diyablo, inilantad ng ilang tao kung paano naghasik ng alitan at bumuo ng mga paksyon ang mga diyablo, habang inilantad naman ng iba ang mga maling kaisipang ikinalat ng mga diyablo para ilihis ang mga tao. Sa katunayan, malinaw na nakita ng mga taong ito ang kasamaang ginawa ng mga diyablo noong panahong iyon; iyon nga lang ay walang nangahas na magsalita o lumaban. Ang ilan ay umiyak pa habang nagsasalita, na mukhang kahabag-habag. Pero bakit hindi sila lumaban noong minamanipula at kinokontrol sila ng mga diyablo? Bakit wala silang lakas noon? Ngayong pangangasiwaan na ng Itaas ang mga diyablo, lumakas ang loob nila. Sabihin mo sa Akin, kung hindi binantayan at pinrotektahan ng Diyos ang mga taong ito na mababa ang tayog at hindi nakakaunawa sa katotohanan, at kung hindi sila nagkaroon ng pangangalaga ng Diyos, hindi ba’t lubha na sana silang napinsala ng mga diyablo hanggang sa maging katapusan na nila? Hindi ba? (Oo.) Kita mo, hindi gaanong natatakot ang mga tao sa Diyos, pero kapag pinahihirapan ng mga diyablo at mga Satanas ang mga tao, labis silang natatakot na nanginginig ang buong katawan nila at hindi man lang sila makaiyak nang maayos—takot na takot sila! Nang ilantad at pangasiwaan ng Itaas ang dalawang diyablong ito, narinig ng mga taong iyon ang balita at sa wakas ay nakaramdam sila ng kalayaan. Sa loob ng ilang buwang iyon, kinontrol sila ng mga diyablo at namuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, nalugmok sila sa kadiliman, nang walang liwanag sa dulo ng landas, at walang makasagot sa kanilang mga daing. Labis na kahabag-habag ang buhay nila! Sa wakas, pinaalis ang dalawang diyablong ito, at lahat ay nakalaya at naging masaya. Napaisip Ako, “Pinaalis ng Itaas ang dalawang diyablong ito sa pagkakataong ito, kaya kung makaharap muli ng mga taong ito ang mga diyablong gumagawa ng masama at kumokontrol sa mga tao, makikilatis kaya nila ang mga ito? Matatanggal kaya nila sa puwesto ang mga diyablo nang hindi na kailangang umaksiyon ang Itaas para lutasin ang usapin? Magagawa kaya nilang lahat na sama-samang ilantad ang mga diyablo, ibuod ang lahat ng masasamang gawa ng mga ito at pagkatapos ay tanggalin ang mga ito sa mga puwesto, at hindi pakinggan ang mga ito, hindi malimitahan ng mga ito sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, at palayasin ang mga ito sa iglesia?” Pero batay sa kanilang tayog, natatakot Akong hindi nila iyon makakamit. Bagama’t ang mga taong ito ay taos-pusong nananampalataya sa Diyos, may determinasyong magdusa, handang gampanan ang kanilang tungkulin nang may debosyon, at handang hangarin ang katotohanan, masyado lang talaga silang duwag. Nang lumabas ang isang maliit na diyablo lang para manggulo, gaano man sila katanda, ang mga taong ito ay umatras at natakot, lahat sila ay kayang kontrolin ng mga ito at hindi nangahas na lumaban. Nang makita ito, naging malinaw sa Akin kung gaano kahabag-habag ang mga taong ito. Kung hindi pinrotektahan, pinagmalasakitan, at binantayan ng Diyos ang mga tao, ang sangkatauhang ito ay walang paraan para manatiling buhay. Tingnan ninyo ang mga bagay na ito na nangyayari sa tunay na buhay: Ang pag-uugali ng iba’t ibang diyablo, ang kanilang mga layunin, at ang kanilang mga pamamaraan at taktika sa paggawa ng mga bagay-bagay, sa pangkalahatan, ay magkakatulad at madaling kilatisin, subalit kapag lumalabas ang iba’t ibang diyablo para magdulot ng mga paggambala at panggugulo, at limitahan, kontrolin, gapusin, at lubhang pinsalain ang hinirang na mga tao ng Diyos, iilan lang ang nangangahas na tumindig at lumaban, walang nagkukusang ilantad ang mga diyablong ito, tanggalin ang mga ito sa puwesto, at alisin ang mga ito sa iglesia; hinahayaan lang nila ang mga diyablo na kontrolin ang hinirang na mga tao ng Diyos at guluhin at isabotahe ang gawain ng iglesia. Tinitiis lang ng mga kahabag-habag na taong ito ang lahat; nababagabag sila sa kanilang puso, at umiiyak sila ng mapapait na luha habang nananalangin sa Diyos, ngunit wala silang mga solusyon; wala silang matatalinong pamamaraan, at hindi nila ginagamit ang katotohanan bilang isang makapangyarihang sandata para labanan ang mga diyablo, at para harapin ang mga ito. Walang gumagawa nito, ni nangangahas na gawin ito; wala man lang silang lakas ng loob na labanan ang mga diyablo. Sa alinmang iglesia, kung may lumitaw na masasamang tao o mga diyablo para kontrolin ang mga tao at gambalain at guluhin ang gawain ng iglesia, karamihan sa mga tao ay nagtitiis lang. Sa huli, ang sambahayan ng Diyos ang kumikilos para pangasiwaan ang iba’t ibang uri ng mga diyablong ito, winawakasan ang kanilang panahon sa iglesia, na nagbibigay-daan sa mga kapatid na maprotektahan, mamuhay nang normal sa iglesia, normal na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at normal na gampanan ang kanilang mga tungkulin, at nagbibigay-daan sa maayos na pag-usad ng iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia. Lubos na sa pamamagitan ng pagpapadala ng Diyos ng mga tao, at ng personal na pagsasaayos at paggabay ng sambahayan ng Diyos sa pagsasagawa ng partikular na gawaing ito, kaya napoprotektahan ang mga taong ito na kulang pa sa paglago, mangmang, at mahina mula sa panlilihis at lubhang pamiminsala ng masasamang tao at mga anticristo. Labis na kahabag-habag ang mga hangal at mangmang na taong ito na hindi nakakaunawa sa katotohanan! Sa mas malawak na kapaligiran, ang buong sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas; sa mga partikular na kapaligiran ng pamumuhay, ginugulo, kinokontrol, at lubhang pinipinsala ang mga tao ng iba’t ibang diyablo. Ang ilang tao ay mababa ang tayog at mababaw ang pundasyon, kaya kapag nakakaharap nila ang mga panggugulo ng masasamang tao, hindi nila matalos ang mga bagay na ito. Palagi nilang iniisip na hindi dapat umiral ang masasamang tao sa iglesia, at iniisip na walang pagmamahal o pagmamalasakit ng tao sa pagitan ng mga tao. Ang ilan ay ayaw na ngang gampanan pa ang kanilang mga tungkulin, sinasabing, “Mas mabuti pang manampalataya sa Diyos sa bahay. Bakit pinapahintulutang umiral ang gayong mga tao sa iglesia?” Hindi matalos ng mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan ang mga bagay na ito. Hindi nila kayang matuto ng mga aral mula sa mga bagay na ito; hindi nila alam na nasa likod ng pagharap nila sa gayong mga bagay ang mabubuting layunin ng Diyos; hindi nila alam kung kanino sila dapat pumanig o kung paano haharapin ang mga bagay na ito gamit ang mga katotohanang prinsipyo; hindi nila kayang makipagkaisa sa mga tunay na kapatid para salungatin at labanan ang mga diyablo. Hindi ba’t ito ay pagiging mababa ang tayog? Hindi ba’t ito ay kahabag-habag? (Oo.)

Ang unang katangian ng uri ng tao na nagreinkarnasyon mula sa isang diyablo, na nabubunyag sa kanilang pang-araw-araw na buhay ay ang likas na pagsisinungaling. Anuman ang edad, kasarian, o pinagmulan, kahit ilang taon na siyang nananampalataya sa Diyos, hangga’t ang pananalita ng isang tao ay palaging naglalaman ng mga kasinungalingan, hangga’t puno siya ng kasinungalingan at likas kung magsinungaling, siya ay nagreinkarnasyon mula sa isang diyablo; hindi siya tao. Nagsisinungaling din ang mga tao, dahil mayroon silang mga tiwaling disposisyon; ang pagiging mapanlinlang at ang kabuktutan sa loob ng mga tiwaling disposisyon ay maaaring maging sanhi para magsinungaling ang mga tao. Ngunit ang antas ng pagsisinungaling ng tao ay iba sa antas ng pagsisinungaling ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo. Kung likas kung magsinungaling ang isang tao, ang katunayang ito pa lang ay sapat na para patunayan na, sa kanyang diwa, hindi siya tao, kundi isang diyablo. Dahil sa epekto ng konsensiya, talagang imposible para sa mga tao na umabot sa punto ng likas na pagsisinungaling. Bagama’t may mga pagkakataon ding nagsisinungaling at nanlilinlang ang mga tao, ang kanilang pagsisinungaling ay isa lamang normal na pagbubunyag ng tiwaling disposisyon; kinasasangkutan ito ng paminsan-minsang pagsisinungaling tungkol sa mga partikular na bagay. Bagama’t maaaring magkamukha sa panlabas ang pagsisinungaling ng mga tao at ng mga diyablo, sa diwa, mayroong pagkakaiba ang mga ito. Kapag nagsisinungaling ang mga diyablo, hindi sila kailanman nakakaramdam ng panunumbat sa sarili o pagsisisi. Bukod dito, sila ay natutuwa sa kanilang sarili, nasisiyahan, at nakakaramdam ng tagumpay tungkol sa mga kasinungalingang sinasabi nila at sa mga panlilinlang na ginagawa nila. Kung hindi matagumpay ang isang kasinungalingan, lalo pa nilang pag-iigihan ang pagsasabi ng mas maraming kasinungalingan at paggamit ng mas sopistikadong mga taktika ng panlilinlang para makapanlinlang ng mas maraming tao. Ngunit pagkatapos magsinungaling ng mga normal na taong may mga tiwaling disposisyon, hindi mapalagay ang kanilang konsensiya at nakakaramdam sila ng panunumbat, at pakiramdam nila ay masyado na silang nasiraan ng puri para mabuhay pa. Kung nalinlang nila ang isang tao, medyo nahihiya sila kapag muli nila itong nakakaharap. Kung hihilingin sa kanila na aminin sa publiko na nagsinungaling sila at mangakong hindi na muling magsisinungaling kundi magsasabi na lang ng totoo, hindi pa sapat ang kanilang kasalukuyang tayog para doon. Gayumpaman, mayroon silang panloob na kamalayan; nakakaramdam sila ng kahihiyan, pagkakasala, at pagkabagabag para sa mga kasinungalingang sinabi nila; nakakaramdam sila ng panunumbat sa loob. Ngunit ang ganitong uri ng tao na nagreinkarnasyon mula sa isang diyablo ay likas kung magsinungaling. Pagkatapos nilang magsinungaling, wala silang nararamdamang panloob na pag-uusig at walang pagkaramdam ng pagkakonsensiya. Bakit hindi sila nakakaramdam ng pagkakonsensiya? Dahil sila ay isang diyablo. Ang makaramdam ng pagkakonsensiya sa mga tao o sa Diyos, ang makaramdam ng pag-uusig sa puso ng isang tao—iyan ang normal na kamalayan ng isang tao. Dahil sila ay isang diyablo, wala silang gayong kamalayan. Samakatwid, kaya nilang magpatuloy na magsinungaling, at lalo pa ngang pag-igihan ito; magpapatuloy sila sa pagsisinungaling at hindi kailanman magbabago. Sa huli, kailan ba hihinto ang kanilang pagsisinungaling? Pagkatapos lang ng huling hininga ng kanilang pisikal na buhay, kapag hindi na sila makapagsalita, saka lang titigil ang kanilang pagsisinungaling. Ngunit ang espiritu ng sinungaling na diyablo sa loob nila ay muling magrereinkarnasyon sa ibang tao, at ang taong iyon ay patuloy na magsisinungaling. Samakatwid, ang kalikasan ng mga diyablo na magsinungaling ay hindi kailanman nagbabago. Ito ang likas na pagsisinungaling. Ang mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay nanlilinlang ng kahit sino at kayang magsabi ng anumang kasinungalingan. Kaya nilang magsinungaling sa anumang sitwasyon at tungkol sa anumang bagay, at ang kanilang mga taktika sa pagsisinungaling ay partikular na sopistikado; walang sinuman ang makakakita na nagsisinungaling sila. Tingnan mo, kapag ang mga taong madalas magsinungaling ay nagsasabi ng kasinungalingan, para silang isang normal na taong nagsasabi ng totoo—tila napakanatural, nang walang anumang kapansin-pansing kapintasan. Maaaring isipin mong nagsasabi sila ng totoo. Kung ituturing mong totoo ang kanilang mga kasinungalingan, pagtatawanan ka nila sa kanilang puso, iisipin, “Hangal, nagbibiro lang ako at tinuring mo ito na totoo? Talagang napakahangal mo!” Sa susunod na makita ka nila, magsisinungaling pa rin sila at paglalaruan ka nila, para lang makita kung ano ang iyong reaksyon pagkatapos marinig ang kasinungalingan. Kung muli mo itong ituturing na totoo, lalo pa silang sasaya, magkakaroon ng mas malaking pagkaramdam ng pagtatagumpay, at lalo pang mararamdaman na matagumpay sila sa kanilang paraan ng pag-asal. Sabihin ninyo sa Akin, tao ba sila? Mayroon ba silang kamalayan ng tao? Mayroon ba silang pagkaramdam ng konsensiya ng tao? Malinaw na wala. Habang mas epektibo ang kanilang mga kasinungalingan, mas natutuwa at mas sumasaya sila sa loob, mas lumalaki ang kanilang pagkaramdam ng pagtatagumpay, at mas nararamdaman nilang may kakayahan sila. Kung lumipas ang isang araw na hindi sila nagsinungaling para linlangin o paglaruan ang isang tao, pakiramdam nila ay hindi naging komportable at hindi naging sulit ang araw na iyon, at kailangan nilang humanap ng pagkakataon para manlinlang ng mga tao. Halimbawa, kung makita ng isang diyablo na may magandang relasyon ang dalawang tao at maayos silang nagtutulungan sa kanilang mga tungkulin, hindi siya komportable sa loob niya at nagbubulay-bulay siya, “Maghahasik ako ng kaunting alitan at magsisimula ng ilang tsismis para pag-awayin kayong dalawa, at hindi na kayo magbabati kahit pa gustuhin ninyo.” Sa ilang salita lang, binibitag ng diyablong ito ang dalawang taong iyon sa isang sapot ng kalituhan, at pagkatapos ay nagkakaroon sila ng mga hindi pagkakasundo at alitan at hindi na sila kasingmagkasundo gaya ng dati, kaya ang diyablong ito ay natutuwa, labis na masaya. Ang mga diyablong nakatago sa iglesia ay palaging gumagawa ng ganitong uri ng mga bagay. Malupit na inaaresto ng mga diyablo ng mundong walang pananampalataya ang mga kapatid. Hangga’t sinasabi mong hindi ka na nananampalataya o sumusunod sa Diyos, o kung nagrereklamo ka tungkol sa Diyos o ipinagkakanulo mo ang Diyos, masaya sila. Puwede mong gawin ang kahit ano—puwede kang kumain, uminom, makiapid, at magsugal; puwede kang manunog, pumatay, at magnakaw; puwede kang gumawa ng anumang krimen—hangga’t hindi ka nananampalataya sa Diyos, masaya sila. Mayroon bang koneksyon sa pagitan ng mga bagay na ginagawa ng mga diyablo sa gitna ng mga tao at ng mga bagay na ginagawa ni Satanas sa espirituwal na mundo? Mayroon bang anumang mga pagkakatulad? Lubos na kinamumuhian ng mga diyablong ito ang sinumang nananampalataya sa Diyos at lumalakad sa tamang landas. Sinumang naghahangad sa katotohanan, o palaging nagpupumilit na kumilos ayon sa mga prinsipyo, o madalas na nagpapatotoo sa Diyos, o gumagampan ng kanilang tungkulin nang may debosyon—kapag nakikita nila ang gayong mga tao, nagagalit sila at itinuturing nilang mga kaaway ang mga ito. Hindi ito inggit; ito ay pagkamuhi. Para makamit ang layunin na mambuwag, isa sa mga pamamaraang ginagamit nila ay ang panlilinlang sa pamamagitan ng pagsisinungaling para guluhin ka, ilihis ka, at hilahin ka pababa. Ang paggawa nito ay maaaring hindi magdulot sa kanila ng anumang pakinabang, ngunit sa sandaling mahila ka na nila pababa para mawalan ka ng pananalig sa Diyos, para maging negatibo at mahina ka at ayawan mo nang gampanan ang iyong tungkulin, o hindi mo na magawang makipagtulungan nang may pagkakasundo sa iba, nakamit na nila ang kanilang layunin, at masaya na sila, at nawawala na ang kanilang mga alalahanin. Hindi ba’t ito ang ginagawa ng mga diyablo? (Oo.) Ang katunayan na likas na sinungaling ang mga diyablo ay tiyak na walang duda. Tingnan mo ang sinumang tao—anuman ang kanyang lahi, kanyang hitsura, matangkad man siya o pandak, mataba o payat, pangit o maganda, anuman ang antas ng kanyang edukasyon o personalidad, malaki man o maliit ang kanyang mga kaloob, mayroon man siyang mga kalakasan, anuman ang kanyang mga hilig at libangan—kailangan lang niyang magtaglay ng isang katangian, na kaya niyang magsinungaling nang likas at hindi kailanman magbago. Hindi ito paminsan-minsang pagsisinungaling, ni kawalan ng pagpipilian, ni pangangailangang gumamit ng karunungan sa isang partikular na bagay, kundi sa halip, kinakailangan man o hindi, anuman ang sitwasyon o kaligiran, anuman ang usapin, nagpupumilit siyang magsinungaling, mag-imbento, manlinlang, at gumawa ng maliliit na pakana. Kung taglay niya ang katangiang ito, ang uring ito ay isang ganap na diyablo. Huwag na huwag paniwalaan na kaya niyang maging isang mabuting tao, at huwag na huwag paniwalaan ang magagandang pakinggan na mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Kahit pa magpahayag siya ng determinasyon o gumawa ng mga kakila-kilabot na panunumpa, huwag siyang paniwalaan, dahil siya ay isang diyablo at hindi tao. Kahit pa gumawa ng mga kakila-kilabot na panunumpa ang mga diyablo, ito ay para lang pansamantalang harapin ang sitwasyon; lahat ng ito ay panlilinlang. Talagang hindi nila kayang kumilos ayon sa mga panunumpa nila. Kung paniniwalaan mo sila, hangal ka; hindi mo matalos ang diwa ng mga diyablo. Kaya nilang magsinungaling tungkol sa anumang bagay, kaya ang mga kakila-kilabot na panunumpa na ginagawa nila ay mga kasinungalingan din. Dahil hindi sila kailanman naniniwala na sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi sila naniniwala na gagantihan ng Diyos ang bawat tao ayon sa mga pagkilos nito—hindi sila naniniwala na kayang kumilos ng Diyos sa ganitong paraan, kaya sumusunod lang sila sa sarili nilang kalooban sa kanilang mga pagkilos, nagsisinungaling at nanlilinlang ayon sa gusto nila; kaya nilang gawin ang anumang bagay para makamit ang kanilang mga layunin. Ito ay isang katangian ng mga diyablo, at ito rin ang kanilang kalikasang diwa. Malinaw na ninyong nakikita ang bagay na ito ngayon, hindi ba? (Oo.)

Ang mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay nagsisinungaling din na tulad ng mga diyablo dahil mayroon silang mga tiwaling disposisyon, ngunit kapag pinagsasabihan, kahit paano ay aaminin nila ito sa kanilang puso. Bagama’t kaya nilang aminin ito, dahil sa kanilang katangiang hayop ay hindi nila kayang maarok ang katotohanan, kaya hindi nila kailanman nauunawaan kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng hindi pagsisinungaling o kung ano ang ibig sabihin ng pagkilos ayon sa mga prinsipyo. Kahit pa sabihin nilang, “Hindi na ako muling magsisinungaling, gusto kong magsalita ng katotohanan,” kapag sinusubukan nilang isagawa ito, mukha silang labis na walang ingat at hangal. Nakikita ito ng iba bilang katawa-tawa, sinasabing, “Sino ba ang nagsasagawa ng katotohanan nang ganito? Ngayon ko lang ito nakita—talagang lumawak ang aking isipan!” Ito ay tulad ng isang hayop na tumatayo at tuwid na naglalakad na parang tao; mukha itong napakaalanganin at kakatwa. Nais din ng ilang taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop na maging matapat at gumawa ng ilang mabuting bagay, ngunit hindi nila mahanap ang mga tumpak na prinsipyo ng pagsasagawa. Kapag nagsasagawa sila, ito ay napakabaligho at nagiging isang katatawanan. Nakikita ito ng iba bilang katawa-tawa, subalit iniisip pa rin ng mga taong ito na sila ay nagiging matapat. Hindi ba’t katawa-tawa ito? Ipagpalagay na sabihin mo sa kanila, “Kung gusto mong maging isang matapat na tao, dapat mong tiyaking hindi ka magsisinungaling, magdadahilan, susubukang pangatwiranan ang sarili mo, o makikipagtalo nang wala sa katwiran. Sapat na ang paggawa nito. Ito ang pagiging matapat. Kung gumawa ka ng mga bagay na lumalabag sa katotohanan at sa gayon ay sumalangsang, maaari kang maging bukas at ilantad ang iyong sarili. Tanggapin mo lang ang anumang sinasabi ng sinuman na umaayon sa katotohanan. Huwag kang gumawa ng mga bagay na wala sa katwiran o katawa-tawa.” Ngunit hindi nila ito nauunawaan. Kapag isinasagawa nila ito, nagkakamali sila. Ano sa tingin ninyo ang pinakamalaking problema sa ganitong uri ng tao? Ito ay na hindi sila pasok sa pamantayan ng mga normal na tao. May pagkakaiba ba sa pagitan ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop at mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo? (Mayroon.) Ano ang pagkakaiba? (Ang baluktot nilang pagsasagawa ay hindi dahil sila ay mga diyablo na may maladiyablong kalikasan, kundi pangunahin dahil wala silang kakayahan at hindi nila kayang makamit ang normal na pag-iisip at katwiran na dapat taglayin ng mga tao.) Tama, nagkukulang ang kakayahan nila. Maaaring subhetibong gusto ng mga taong mahina ang kakayahan na isagawa ang katotohanan, ngunit hindi nila kayang maarok ang mga prinsipyo; kaya lang nilang kumapit sa mga regulasyon. Kaya ang pagsasagawa nila ay radikal, hangal, at mangmang. Nais silang tulungan ng mga tao, ngunit ang disposisyon nila ay parang isang parkupino na nababalutan ng mga tinik, hindi malaman ng mga tao kung paano magsisimula. Paano man ibahagi sa kanila ang katotohanan, tila hindi nila ito kayang maunawaan o maarok. Pagkatapos ng lima o anim na taon ng tulong at suporta, nauunawaan lang nila ang kaunting salita at doktrina at hindi pa rin nila kayang isagawa ang katotohanan. Napakahina ng kakayahan nila. Subalit ang mga hangal na taong ito ay palaging gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay. Kapag hindi ito tungkol sa malalaki o mahahalagang usapin, dahil sa kagandahang-asal o para hindi mapahiya, kaya mo pa ring piliting kausapin sila. Ngunit sa sandaling masangkot na ang mahahalagang usapin, halimbawa, kapag tinatalakay ang paggampan ng mga tungkulin o gawain, nakakaramdam ka ng pagkailang at hindi ka nagiging komportable, dahil natatakot kang sasalungat o tututol sila sa anumang paraan at mapapahiya ka. Ang ganitong uri ng tao ay hindi karapat-dapat na kausapin tungkol sa mahahalagang usapin. Sadyang hindi ka puwedeng makipag-ugnayan sa kanila; ang pakikipag-ugnayan sa kanila ay nagdudulot ng napakaraming problema at makakaapekto rin sa mga wastong usapin. Palagi silang naglilitanya ng mga baluktot na pangangatwiran at mga pahayag na wala sa paksa, na talagang nakasusuklam pakinggan. Ano pang ibang mga baluktot na bagay ang nagawa ng ganitong uri ng tao? Kung magkagusto sila sa isang tao ng kabilang kasarian at magkaroon sila ng buktot na pagnanasa, iniisip nilang dapat silang maging isang matapat na tao, at na dapat silang maging bukas tungkol dito at hindi ito dapat kimkimin, kaya sa isang pagtitipon, hayagan nilang tinatalakay ang usaping ito. Ang tao ng kabilang kasarian na gusto nila ay nakakaramdam ng pagkaasiwa at hindi komportable sa pagkarinig nito, at napapahiya ito. Kung susubukan mo silang pigilan, sumasama ang loob nila, sinasabing, “Nagsasalita ako mula sa puso at nagiging matapat. Anong karapatan mong pigilan ako sa pagsasagawa ng katotohanan? Ito ang karapatan ko! Sa wakas ay nagkalakas-loob akong magsalita tungkol dito, pero pinipigilan mo ako! Ni hindi nga ako pinipigilan ng Diyos, kaya ano ang karapatan mong gawin iyon? Binibigyan pa nga ako ng Diyos ng pagkakataong maging isang matapat na tao; ikaw lang ang mababa ang tingin sa akin at ayaw akong hayaang maging matapat. Kung kikimkimin ko ang usaping ito at hindi ko ito sasabihin, hindi ba’t pagtatago iyon ng mga katunayan? Hindi ba’t pagiging isang mapanlinlang na tao iyon? Kung gayon, hindi ako magiging isang matapat na tao. Kung hindi ako isang matapat na tao, ililigtas pa rin ba ako ng Diyos?” Tulad ng nakikita mo, ang lahat ng nakikinig ay nakakaramdam ng pagkaasiwa at napapahiya, subalit iginigiit pa rin ng taong ito na magdetalye, at hindi mo man lang sila mapigilan. Sabihin mo sa Akin, tungkol sa usaping ito, dapat bang maging mapagparaya at mapagpasensiya, o dapat bang pagbahaginan ang mga katotohanang prinsipyo para pigilan sila? (Dapat nating pagbahaginan ang mga katotohanang prinsipyo para pigilan sila.) Kung susubukan munang tumulong dahil sa pagmamahal, hinihikayat sila na huwag nang sabihin sa hinaharap ang gayong mga bagay na hindi nakapagpapatibay sa iba, mauunawaan at matatanggap ba nila ito? (Hindi.) Kung gayon, ang ganitong uri ng tao ay baluktot, medyo hangal, at hindi gaanong matino ang katwiran, kaya ang tanging magagawa ay pigilan sila. Lahat ng tao ay may buktot na pagnanasa, at paminsan-minsan ay maaaring magkaroon ng kaunting damdamin o magkimkim ng kaunting kaisipan para sa isang tao ng kabilang kasarian. Sapat nang kilalanin ito nang sarilinan. Kung patungo sa masamang direksiyon ang mga bagay-bagay, dapat bawasan ang pakikipag-ugnayan sa taong iyon o iwasang mapag-isa kasama siya sa hinaharap. Ang mga taong may normal na pagkatao ay gagamit ng matatalinong pamamaraan at kikilos ayon sa mga prinsipyo kapag hinaharap ang gayong mga usapin. Alam nilang hindi maaaring pangasiwaan ang ganitong uri ng usapin sa pamamagitan lamang ng paglalapat ng mga prinsipyo ng pagsasagawa para sa pagiging isang matapat na tao, at na kailangan ding ilapat ang ilang prinsipyo ng karunungan. Ngunit hindi alam ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga hayop kung paano pangasiwaan ang gayong mga usapin, at itinuturing pa nga nilang pagiging matapat ang hayagang pagiging bukas tungkol sa gayong mga bagay. Hindi nila alam kung anong mga kahihinatnan ang idudulot nito. Kapag sinusubukan nilang maging matapat, kumakapit lang sila sa isang regulasyon at isang pormalidad. At ano ang resulta? Nagdudulot sila ng problema sa kanilang sarili, sa taong gusto nila, at sa lahat ng iba pa. Ang taong gusto nila ay naaapektuhan at nalilimitahan ng usaping ito, pakiramdam nito ay hindi nito kayang harapin ang sitwasyon. Ang lahat ng iba pa ay medyo napapahiya rin sa pagkarinig nito, iniisip na, “Kung makikinig kami, para kaming nakikialam sa pribadong buhay ng isang tao; pero kung hindi, igigiit pa rin nilang magsalita, naniniwalang sila ay nagiging matapat.” Nakikita mo, para sa lahat, ang usaping ito ay matinik at mapanggulo. Hindi ba’t masasabi mo na ang ganitong uri ng tao ay isang malaking problema? Kung pagbabahaginan mo ang mga prinsipyo, hindi nila tinatanggap ang mga ito, sinasabing: “Kapag kayo ay nagiging matapat at nagiging bukas, kahit ano ay puwede ninyong sabihin, pero kapag ako ang nagsasabi ng isang bagay, hindi puwede. Hindi ba’t nagiging matapat din ako? Bakit wala akong karapatang magsalita?” Hindi man lang nila binibigyang-pansin kung ano ang sinasabi ng iba. Angkop ba na pagbahaginan sa publiko ang usapin nilang iyon? Hindi lang talaga matalos ng ganitong uri ng tao ang bagay na ito at hindi niya nauunawaan ang mga prinsipyo ng pagiging matapat. Sa huli, ipinadarama niya sa lahat na napakahirap pangasiwaan ng sitwasyon. Gagayahin sila ng mga taong kauri nila, sinasabing, “Tingnan ninyo, kaya pa nga nilang makipagbahaginan tungkol sa mga ganyang bagay. Talagang may determinasyon sila, talagang matatapat sila!” Pagkarinig dito ng mga may dalisay na pag-arok, malalaman nila na mali ang kanilang pagsasagawa, at na ito ay lumihis. Kung gusto mo silang tulungan, sadyang hindi nila ito tatanggapin. Ano ang sasabihin nila? “Hindi mo ako matutulungan. Iba ang pag-arok ko sa iyo. Ganito na lang ako magsasagawa.” Ano ang magagawa kung gayon? Kaya mo ba silang tulungan? (Hindi.) Kung talagang susubukan mo silang tulungan, lalo lang itong makakasama; hindi lang nila ito hindi tatanggapin, kundi makikipagtalo pa sila sa iyo at guguluhin ka nila. Hindi ba’t mapanggulo ito? (Oo.)

Ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay nagpapakita rin ng mga pagpapamalas ng pagsisinungaling, ngunit ang kanilang pagsisinungaling ay hindi nagpapamalas nang eksaktong kapareho ng sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo. Ang kanilang mga saloobin sa pagsisinungaling at ang mga pamamaraang ginagamit nila sa pagsisinungaling ay magkaiba rin. Kapag nalantad ang mga kasinungalingang sinabi ng mga diyablo, kahit pa, dahil wala nang pagpipilian, ay aminin nila sa panlabas na nagsinungaling sila, pakiramdam pa rin nila ay nasa katwiran sila. Iniisip nilang hindi ito malaking bagay. O kahit pa ipahayag nila ang kanilang paninindigan at aminin sa harap ng lahat na mali ang kanilang pagsisinungaling, sa likod ng mga eksena ay nagsisinungaling at nanlilinlang pa rin sila nang ganoon din, nang hindi nagbabago ni katiting. Sadyang hindi nila itinuturing ang pagsisinungaling bilang isang buktot na bagay o isang negatibong bagay. Ito ang sandata nila para manatiling buhay—paano nila ito isusuko? Ang mga taong likas nang sinungaling ay naniniwala, “Sa pamumuhay sa mundong ito ng mga tao, kung hindi magsisinungaling ang isang tao, kung magiging bukas sila at ilalantad ang lahat nang hayagan sa iba, at kung malalaman at maaarok ng iba ang lahat ng bagay, magkakaroon pa ba sila ng sariling pagkatao? Magkakaroon pa ba ng anumang kabuluhan ang buhay? Magkakaroon pa ba sila ng dignidad? Bukod pa rito, kung palaging magsasalita ng payak na katotohanan ang isang tao tungkol sa lahat ng bagay, magiging labis na nakakabugnot at walang kabuhay-buhay ang buhay! Kailangan lang talagang magsinungaling, may dahilan man o wala.” Mula sa anumang perspektiba, sinasadya man nila o hindi na magsinungaling, isa itong likas na pagbubunyag ng kanilang kalikasan. Sa madaling salita, ang likas na pagsisinungaling ay isang pangunahing katangian ng mga diyablo—tiyak at walang duda ito. Kung isasaalang-alang ito mula sa puntong ito lamang, talagang imposible para sa ganitong uri ng mga tao na tanggapin ang katotohanan at maging matatapat na tao; talagang hindi nila ito magagawa. Higit pa rito, nakakaramdam sila ng paghamak sa hinihingi ng Diyos na maging isang matapat na tao. Nahaharap man sila sa isang partikular na usapin o hindi, ang saloobin nila sa hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat ay palaging paghamak, panunuya, pagkasuklam, at pagkamuhi. Tinitingnan nila nang may paghamak ang hinihingi ng Diyos at ang prinsipyo ng sariling asal tungkol sa pagiging isang matapat na tao. Mula sa kaibuturan ng kanilang puso, sila ay tutol at hindi tumatanggap sa katotohanan; tahasan pa nga silang sumasalungat sa pagiging, at tumatangging maging, matatapat na tao.

Ang likas na pagsisinungaling ay isang napakalinaw na katangian sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo. Hangga’t mayroon kang malapit na pakikipag-ugnayan sa kanila, hangga’t nakikipag-ugnayan, nakikipag-usap, at nakikisama ka sa kanila sa gawain o sa buhay, ang katangiang ito o ang tunay na mukha ng kanilang likas na pagsisinungaling ay unti-unting malalantad. Samakatwid, napakadaling kilatisin ang ganitong uri ng tao. Hindi mo kailangang tingnan ang mga iniisip at pananaw ng isang tao tungkol sa ibang mga tao, pangyayari, o bagay. Hangga’t natutuklasan mo na sila ay isang taong likas nang sinungaling, batay sa puntong ito lamang, masasabi mo nang may isandaang porsiyentong katiyakan na sila ay isang diyablo, hindi tao. Nagtatanong ang ilang tao, “Mayroon bang kahit isang porsiyentong posibilidad na ang isang taong likas nang sinungaling ay hindi isang diyablo at may pag-asa pa ring magtamo ng kaligtasan?” Sinasabi Ko sa iyo, talagang walang posibilidad. Sinumang likas na nagsisinungaling ay isandaang porsiyentong isang diyablo; wala kahit isang porsiyentong posibilidad na hindi. Nauunawaan ba? Sinasabi ng ilang tao, “Maaari kayang ang ilang tao ay likas na nagsisinungaling dahil sila ay labis na nagawang tiwali, sila ay masyadong naimpluwensiyahan ng masasamang kalakaran ng lipunan, at ang konsensiya at katwiran ng kanilang pagkatao ay natabunan, o sila ay ganap nang natulad sa mga diyablo, kaya naman sila ay likas na nagsisinungaling? Kung, pagkatapos ng isang panahon ng tulong at suporta mula sa mga kapatid, at pagkatapos na madiligan at mapakain ng mga salita ng Diyos, ang kanilang konsensiya ay unti-unting magigising at ang kanilang katwiran ay unti-unting manunumbalik, hindi ba’t magbabago sila at titigil sa likas na pagsisinungaling?” Sinasabi Ko sa iyo, walang gayong posibilidad, kahit isang-sa-sampung-milyong posibilidad. Samakatwid, sinumang likas na nagsisinungaling ay isang diyablo, talagang hindi tao, na walang kahit katiting na normal na pagkatao. Nauunawaan ba? (Nauunawaan.) Tiyak ito; walang mga eksepsiyon at walang mga espesyal na sitwasyon. Dapat ninyong makita nang malinaw ang tungkol sa usaping ito. Marahil ay nakikita mo ang isang tao na, kapag nangangasiwa ng isang usapin, ay nagsasabi ng isang bagay na hindi totoo sa mga walang pananampalataya—isang bagay na parang kasinungalingan—upang pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at protektahan ang mga kapatid. Pagkatapos ay nagdududa ka tungkol sa usaping ito, iniisip, “Dati, akala ko ay isa siyang taong naghahangad sa katotohanan, kaya paano siya makapagsisinungaling tungkol sa gayon kalaking isyu? Kung kaya niyang magsinungaling tungkol sa malaking isyung ito, isa ba siyang diyablo? Ang paghahangad ba niya sa katotohanan ay paimbabaw lamang?” Tama ba ang ganitong paraan ng pag-unawa? (Hindi.) Ano ang mali rito? Paano dapat tingnan nang tama ang usaping ito? (Hindi nila nakilatis ang intensiyon sa likod ng mga kilos ng taong iyon o ang epektong nakamit. Kung may nagsabi ng isang bagay na hindi totoo, ngunit ginawa ito para makamit ang isang positibong epekto—upang pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at protektahan ang mga kapatid—hindi ito pagsisinungaling; isa itong uri ng karunungan. Hindi nila nakilatis ang pagkakaiba sa pagitan ng pagsisinungaling at paggamit ng karunungan.) Dapat mong makita nang malinaw ang kalikasan ng pagsisinungaling. Tingnan mo kung sa anong prinsipyo nakabatay ang isang kasinungalingan at kung anong layunin ang nilalayon nitong makamit. Kung may nagsabi ng isang bagay na hindi totoo para makamit ang isang positibong epekto at itaguyod ang mga prinsipyo, hindi ito pagsisinungaling—ito ay karunungan. Dagdag pa rito, obserbahan mo kung sila ba ay isang taong likas na nagsisinungaling sa pang-araw-araw na buhay. Kung nagsinungaling lang sila sa isang pagkakataon, hindi mo matutukoy na sila ay isang sinungaling o na sila ay likas na nagsisinungaling, tama ba? (Oo.) Kung, sa isang malaking usapin, nagsabi sila ng isang bagay na hindi totoo para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at tinukoy mo silang isang taong likas na nagsisinungaling, ito ay pagiging baluktot. Ang paglalarawan at pagtingin sa mga tao sa ganitong paraan ay hindi umaayon sa mga prinsipyo. Kung nagsinungaling sila sa isang pagkakataon para protektahan ang sarili nilang reputasyon at karangalan, ngunit sa pangkalahatan ay hindi nagsisinungaling sa karamihan ng mga usapin, at kahit pa magsinungaling sila, kaya nila itong itama pagkatapos, kung gayon, ang gayong tao ay hindi rin matutukoy na likas na nagsisinungaling. Tanging ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ang likas na nagsisinungaling. Sinasabi ng ilang tao, “Sinasabi mong sila ay likas na nagsisinungaling, ngunit kung minsan ay nagsasabi rin sila ng totoo. Halimbawa, may binili silang isang bagay, at nang may nagtanong ng presyo, sinabi nila ito nang totoo; hindi sila nagsinungaling tungkol doon. Paano mo nasasabing sila ay likas na nagsisinungaling?” Kapag hindi nasasangkot ang pribadong buhay, mga interes, katayuan, o reputasyon, hindi nila kailangang magsinungaling. Nakakapagod din para sa kanila ang pagsisinungaling, kaya para makaiwas sa abala, hindi sila nagsisinungaling tungkol sa maliliit na bagay. Gayumpaman, dahil lang sa hindi sila nagsinungaling sa isang pagkakataon o hindi sila nagsisinungaling tungkol sa maliliit na bagay ay hindi nangangahulugang hindi sila likas na nagsisinungaling. Kailangan mo lang obserbahan kung nagsisinungaling ba sila kapag nakikipag-usap sa iba, naglalarawan o nagsasalaysay ng malalaking pangyayari, kapag nasasangkot ang sarili nilang mga interes, kasikatan at pakinabang, katayuan, kinabukasan, o mga responsabilidad, o kapag nasasangkot ang sarili nilang mga pananaw. Sa gayong sitwasyon, obserbahan mo kung gaano karami ang kawalan ng katotohanan sa kanilang mga salita, gaano ito katotoo, at gaano kapani-paniwala. Kung ang kanilang mga salita ay naglalaman ng labis na kawalan ng katotohanan, na halos ginagawang puti ang itim, nag-iimbento ng mga bagay mula sa wala, ibinabaling ang sisi sa iba; kung ibinibintang nila sa iba ang masasamang bagay na ginawa nila, at inaangkin ang mabubuting bagay na ginawa ng iba; kung nagkamali sila sa isang usapin at dapat managot, ngunit nangatwiran sila para makalusot, ganap na tinatakasan ang kanilang responsabilidad at ipinapasa ito sa iba; kung hindi nila ginawa nang maayos ang kanilang gawain, o hindi nagbayad ng halaga o tumupad sa kanilang responsabilidad, o hindi nila ito ginawa dahil natakot sila sa panganib, at nagsinungaling sila, nagbibigay ng isang medyo makatwirang dahilan para itago ang katotohanan at absuweltuhin ang kanilang sarili sa responsabilidad—hindi ba’t mga kasinungalingan ang mga ito? (Oo.) Ang mga ito ay pawang mga kasinungalingan. Ito ang likas na pagsisinungaling. Ibig sabihin, sa tuwing nasasangkot sa mga usapin ang kanilang mga pansariling interes, mga responsabilidad, reputasyon, katayuan, at iba pa, nagsisinungaling sila sa lahat ng iyon. Halimbawa, may isang taong bumili ng isang silya para sa isang pamilyang nagpapatuloy sa kanilang bahay na nagkakahalaga ng pitumpung yuan. Nang iulat ang gastos pagkabalik, naisip niya, “Labis na nakakapagod ang biyaheng ito, at hindi maaaring nagpabalik-balik ako para sa wala. Kailangan kong kumita ng tatlumpung yuan kahit papaano. Ang tatlumpung ito ay para sa pagtatrabaho, para sa pag-aasikaso ng ipinagawa.” Kaya, sinabi niyang ang silya ay nagkakahalaga ng isandaang yuan. Kita ninyo, nagsinungaling siya, hindi ba? Bakit siya nagsinungaling? (Gusto niyang makinabang nang kaunti.) Gusto niyang kumita nang kaunti. Sabihin nating gumagampan sila ng tungkulin kasama ang mga kapatid, at nang makita na nagkakasundo ang dalawang tao, naisip niya, “Walang nakikipagkaibigan sa akin, mababa ang tingin sa akin ng lahat, at wala akong nakakasundo. Hayaan ninyong gumawa ako ng isyu sa pagitan ninyong dalawa at maghasik ng kaunting alitan sa inyong relasyon.” Kaya, sinabi niya sa isang tao, “Sinabi ni Ganoon-at-ganito na sa tingin mo ay may mataas kang pinag-aralan, at na kung ganoon kataas ang pinag-aralan mo, bakit hindi ka makapagsulat ng mga artikulo?” Pagkatapos ay pumunta siya sa isa pang tao at sinabi, “Sinabi ni Ganoon-at-ganito na bagama’t matangkad ka, hindi maayos ang proporsiyon ng iyong katawan, at ang iyong pang-itaas at pang-ibabang katawan ay wala sa proporsiyon.” Sa iilang salitang ito, naghasik siya ng alitan sa pagitan ng dalawa. Kapag muling nagkita ang dalawa, naaalala ang mga salitang mapanghati, hindi na maganda ang tingin nila sa isa’t isa at naaasiwa sila sa isa’t isa. Anong pakinabang ang nakuha ng nag-udyok? Sa panlabas, tila wala siyang nakamit, ngunit ang makita ang dalawa na magkalayo at masira ang kanilang relasyon ay nagpapadama sa kanya ng kaginhawahan sa loob at hindi na siya nagseselos. Naniniwala siya kung gayon na nakalamang siya. Samakatwid, nagsisinungaling pa nga siya sa usaping ito. Maaaring sabihin ng isang tao, “Hindi ba’t pamiminsala ito sa iba nang hindi nakikinabang ang sarili? Kung mag-uusap ang dalawang iyon, hindi ba’t malalaman nila na ikaw ang nag-udyok ng mga bagay-bagay sa pagitan nila? Hindi ba’t nagdulot ka ng sakuna sa iyong sarili?” May pakialam ba siya rito? Wala siyang pakialam. Hangga’t magkahiwalay ang dalawa, hindi na siya nagseselos at naniniwala siyang nakalamang siya. Hindi ba’t ito ay isang bagay na ginagawa ng mga diyablo? (Oo.) Ganito lang talaga kumilos ang mga diyablo.

Ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay maaaring magsalita nang totoo tungkol sa maliliit at di-gaanong mahalagang bagay, ngunit hindi ito nangangahulugang wala silang kalikasang sinungaling. Sa lahat ng usapin, mahalaga man o hindi gaanong kapansin-pansin, hangga’t naniniwala silang nasasangkot ang kanilang imahe, hangga’t hindi sila komportable, o gusto nilang makakuha ng ilang pakinabang o makamit ang isang layunin—hangga’t mayroon silang intensiyon at gustong kumilos—ang kanilang pamamaraan ay tiyak na ang paggamit ng mga kasinungalingan para maisakatuparan ito. Ito ang likas na pagsisinungaling. Marahil ay hindi sila nagsisinungaling pagdating sa mga usapin ng pagkain, pananamit, o tirahan; karaniwan, hindi sila mag-aabalang pagurin ang kanilang isip para magsinungaling para sa maliliit na bagay. Bukod pa rito, sa kanilang paningin, ang ilang tao ay sadyang hindi nila kapareho ang antas o kategorya, hindi man lang nila pinapansin ang mga ito, at wala silang nakukuhang anumang pakiramdam ng tagumpay mula sa paglalaro o pagmamanipula sa mga ito, kaya wala silang interes na gumawa ng anuman laban sa mga ito. Kung kikilos sila laban sa isang tao, dapat ay isang taong itinuturing nilang kapareho nila ng antas, isang taong puwede nilang makalaro, at kanilang karibal—saka lang nila kikilalanin ang taong iyon. Isa pa itong katangian ng mga diyablo. Kung ikaw ay isang ordinaryong tao, iniisip nilang kulang ka sa talino, na wala kang kakayahan o hindi ka karapat-dapat na makipaglaro sa kanila, at sa tingin nila ay hindi ito kawili-wili, kaya binabalewala ka nila. Ang mga diyablo ay mapili kung sino ang kanilang paglalaruan. Kapag namumuhay sila sa tabi mo, marahil ay hindi mo sila kailanman nakikitang magsinungaling o hindi mo kailanman napapansin na sinasadya nilang magsinungaling tungkol sa anumang bagay, ngunit hangga’t sila ay mga diyablo, tiyak na magsisinungaling sila; ito ang likas na kalikasan ng mga diyablo. Kung hindi sila nagsisinungaling sa iyo, maaaring dahil hindi ka nila itinuturing na karapat-dapat. Iniisip nila, “Hmp! Ni hindi ako mag-aabala na magsinungaling sa iyo, pero natatakot ka pang paglalaruan kita. Sino ka ba? Akala mo ba ay kung sino ka?” Sadyang wala kang halaga sa kanila; huwag mo nang asahang magsisinungaling sila sa iyo, dahil hindi man lang sila mag-aabala na kausapin ka. Ito ay tulad ng kapag tinanong mo ang isang taong magulo ang isip tungkol sa relasyon niya sa isang tao, at sinabi niya, “Hindi ko sila kalebel. Mas mahusay ang kakayahan niya kaysa sa akin, matalino siya. Ako ay isang hamak na tao, hindi kasingrangal niya. Ayaw niyang makipag-ugnayan sa akin.” Kahit ang mga taong magulo ang isip ay ganito ang nararamdaman. Ngayon, tingnan natin kung sino ang gustong paglaruan ng mga diyablo, sino ang gusto nilang kalabanin, sino ang gusto nilang iligaw, samantalahin, at manipulahin. Hindi ba’t mayroon din silang mga pamantayan at isang partikular na saklaw? (Oo.) Kapag pumipili sila ng isang grupo ng mga tao, ang mga taong iyon ay dapat iyong mga nakikibahagi sa mga laro ng isipan at mga nanlalansi tulad nila. Tanging kapag nakikipag-ugnayan sa gayong mga tao sila nakakaramdam ng saya at nakikita nilang nakakatuwa ito, at saka lang sila makakakuha ng kaunting pakiramdam ng tagumpay mula sa kanilang mga laro. Samakatwid, pagdating sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, dapat matalos ng isang tao ang kanilang katangian at diwa ng likas na pagsisinungaling. Dahil lang sa hindi sila nagsinungaling sa iyo ay hindi nangangahulugang hindi sila nagsisinungaling, at hindi ito nangangahulugang wala silang kalikasang sinungaling. Kung hindi naging malapit ang pakikisama nila sa iyo, at hindi ka man lang nila kinikilala, at iniisip lang nila na ikaw ay isang ordinaryong mananampalataya, na hindi ka isang taong may mataas na pinag-aralan—isang maybahay o isang magsasaka lamang—at wala silang anumang pagpapahalaga sa iyo, iisipin nilang ang pagsisinungaling sa iyo ay mangangahulugan ng pagpapababa sa kanilang sarili, na mangangahulugan ito ng pagsasayang ng kanilang pag-iisip, at hindi man lang sila mag-aabalang magsinungaling sa iyo. Kung gayon, paano mo matatalos ang ganitong uri ng tao? Dahil sila ay mga diyablong likas na nagsisinungaling, mabubunyag ang kanilang kalikasan sa ibang mga angkop na sitwasyon kahit na hindi ito nabunyag sa isang ito. Dahil lang sa hindi sila nagsinungaling sa iyo ay hindi nangangahulugang hindi sila magsisinungaling. Hangga’t taglay nila ang diwa ng isang diyablo, tiyak na malalantad ang kanilang kalikasang sinungaling; hindi ito maaaring manatiling nakatago. Itago man nila ito nang mabuti o hindi, gaano man karami nito ang malantad, hangga’t mayroon silang kalikasang sinungaling, at madalas silang magsinungaling, kung gayon, sila ay mga diyablo; talagang hindi sila mga tao. Ang mga tunay na tao ay hindi madalas magsinungaling; ibig sabihin, ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga tao ay hindi madalas magsinungaling. Bakit Ko sinasabing hindi sila madalas magsinungaling? Dahil sa sandaling magsinungaling sila, sinasaway at inaakusahan sila ng kanilang konsensiya. Kung magsabi sila ng isang malaking kasinungalingan na humantong sa mga kahihinatnan, masusuklam sila sa kanilang sarili habambuhay; magsisimula silang makaramdam ng pagkasuklam sa pagsisinungaling sa kanilang puso at hindi na magsisinungaling tungkol sa mga hindi kinakailangang bagay. Kaya, paunti nang paunti ang kanilang pagsisinungaling. Dahil sinasaway sila ng kanilang konsensiya, pipigilan nila ang kanilang sarili para mas kakaunting katulad na pagkakamali ang magawa nila, na sa huli ay aabot sa punto na hindi na nila ito ginagawa. Ito ay isang bagay na kayang makamit ng mga tao. Ngunit hindi ito kayang makamit ng mga diyablo. Pagkatapos nilang magsinungaling, wala silang nararamdamang pananaway, kaya kapag gusto nilang magsinungaling, walang mga pumipigil; walang makakapigil sa kanila—walang kapaligiran ang makakapigil sa kanila, ni sinumang taong may posisyon o katayuan, at ang katotohanan, siyempre, ay wala ring kapangyarihang pumipigil sa kanila. Ang paglalantad sa kanila ng ibang tao ay imposibleng makapigil sa kanila, lalo na ang katotohanan, na para sa kanila ay tekstong nakasulat lang sa papel, mga doktrina at regulasyon lamang, at talagang hindi sila mapipigilan nito. Kung walang mga pumipigil, ang pagsisinungaling nila ang kanilang likas na pagbubunyag; anumang oras, saanmang lugar, maaari silang magsabi ng iba’t ibang kasinungalingan kung kinakailangan. Ito ang kanilang kalikasan; hindi ito kailanman magbabago sa anumang oras. Kung gayon, paano matatalos ng isang tao ang kanilang kalikasan? Tingnan mo kung paano sila tinatasa ng mga nasa paligid nila. Kung sinasabi ng mga taong pamilyar sa kanila, “Ang taong iyan ay likas na nagsisinungaling, lahat ng lumalabas sa bibig niya ay kasinungalingan, nagsisinungaling siya nang hindi namumula ang mukha o hindi man lang kinakabog ang dibdib, at kaya niyang magsinungaling tungkol sa kahit ano; walang sinumang nangangahas na maniwala sa kahit isang salitang sinasabi niya,” kung gayon ay matutukoy na sila ay mga diyablo, hindi mga tao. Ngayong napakarami Ko nang nasabi, matatalos na ba ninyo ang katangiang ito ng likas na pagsisinungaling sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo at matiyak ang presensiya nito sa kanila? Sa lahat ng oras, ang panuntunang ito, ang kongklusyong ito—“Ang mga taong likas na nagsisinungaling ay katumbas ng mga diyablo”—ay nananatiling hindi nagbabago. Nauunawaan ba? (Nauunawaan.)

Malinaw bang napagbahaginan ang unang katangian ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo—ang likas na pagsisinungaling? (Oo, malinaw.) Ang nilalamang ito ay dapat madaling tanggapin at maunawaan. Bakit? Dahil madalas ninyong nakikita ang ganitong uri ng tao sa inyong pang-araw-araw na buhay; iyon nga lang, dati, itinuturing ninyo ang kanilang mga pagpapamalas ng pagsisinungaling bilang mga normal na pagbubunyag ng katiwalian. Ngayon, sa pamamagitan ng pagbabahaginan, nalaman ninyo kung bakit hindi kailanman nagbabago ang kanilang kalikasang sinungaling at mga pagpapamalas ng pagsisinungaling—lumalabas na ito ay itinatakda ng kanilang katangian, kaya hindi makapagbago ang ganitong uri ng tao. Ano ang dapat gawin kapag nakakatagpo ng gayong mga tao sa hinaharap? (Hindi na kailangang makipagbahaginan o tumulong sa gayong mga tao. Kung sila ay mga superbisor, dapat silang tanggalin. Kung nagpakita na sila ng ilang pagpapamalas ng masasamang gawa at nagsimula nang gambalain at guluhin ang gawin ng iglesia, dapat silang alisin kung kinakailangan, at hindi pahintulutang manatili sa iglesia nang kahit isang araw pa.) Ang mga diyablo ay likas na nagsisinungaling; tiyak na hindi sila makapagbabago. Gayumpaman, mayroong isang uri ng diyablo na may ilang kaloob o kalakasan sa mga partikular na larangan. Kung handa silang magserbisyo, maaari silang gamitin para sa serbisyo. Ginagamit ng Diyos ang lahat ng bagay para magserbisyo sa Kanyang gawain; ang malaking pulang dragon ay isang gayong gamit-panserbisyo at hambingan. Para magtrabaho sa sambahayan ng Diyos, kailangang magkaroon ng karunungan; isa rin itong prinsipyo. Kung ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay handa o angkop na magserbisyo, gamitin sila para sa serbisyo. Kung hindi man lang sila makapagserbisyo, o mas nakakapinsala kaysa nakakatulong ang kanilang serbisyo at nagdudulot ng labis na kapahamakan, at walang nakukuhang positibong epekto ang sambahayan ng Diyos mula sa paggamit sa kanila kundi kailangan pa silang alalahanin, kung gayon ay hindi sila angkop para magserbisyo, kaya dapat bawiin ang kanilang karapatang magserbisyo. Angkop bang gawin ito? (Oo, ang paggawa nito ay may prinsipyo.) Dapat silang pakitunguhan ayon sa mga prinsipyo. Isang pamamaraan ang pagkilatis, ngunit pagdating sa kung paano sila pakikitunguhan, dapat kayong magkaroon ng karunungan at mga prinsipyo, at gawin ito batay sa aktuwal na sitwasyon. Ang layunin ng pagbabahaginan sa mga usaping ito ay para magkaroon ka ng pagkilatis, para malaman nang malinaw kung ano ang mga diwa ng iba’t ibang uri ng mga tao, at sa pamamagitan ng diwa ng isang tao, matukoy kung kaya ba niyang tanggapin ang katotohanan at magtamo ng kaligtasan. Gayumpaman, hindi ito para ilapat mo ang iisang paraan sa lahat, pinapangasiwaan ang lahat ng mga inilarawan bilang mga diyablo sa pamamagitan ng pag-aalis sa kanila. Sa halip, ito ay para epektibo mong magamit ang mga diyablo para sa serbisyo ayon sa mga prinsipyo at sa mga pangangailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Ipagpalagay na sinasabi ng ilang diyablo, “Dahil nakikita ninyong ako ay isang diyablo, gusto ninyo akong gamitin para sa serbisyo. Kung hindi ako makapagtatamo ng kaligtasan, hindi ako magseserbisyo!” Ano ang dapat gawin sa sitwasyong ito? (Kung ayaw nilang magserbisyo, hayaan silang umalis.) Kung ayaw man lang nilang magserbisyo, hayaan silang umalis kaagad. Sinasabi ng ilang diyablo, “Gusto ninyo akong gamitin para sa serbisyo? Hinding-hindi! Hindi ako magseserbisyo para sa inyo! Wala akong gagawing masama, iraraos ko nalang ang mga bagay sa sambahayan ng Diyos. Kapag oras nang magtrabaho, magiging pabasta-basta lang ako, iraraos ko lang ang gawain; hindi ko ito gagawin nang buong-puso para sa iyo!” Ano ang dapat gawin kapag natuklasan ang gayong mga tao? (Dapat silang alisin.) Sa sandaling malinaw na matukoy ang isang diyablo, alisin lang siya kaagad; huwag maawa. Kung ang ilang diyablo ay maayos ang pag-uugali, at alam nilang sila ay likas na nagsisinungaling at mga diyablo, at na hindi sila maaaring maging matatapat na tao at hindi makapagtatamo ng kaligtasan dahil idinidikta ito ng kanilang kalikasan, ngunit pagkatapos makinig sa katotohanan sa loob ng napakaraming taon, gusto rin nilang sumunod sa Diyos at sa huli ay magkamit ng mga pagpapala, at ginagawa nila ang anumang ipinagagawa sa kanila ng sambahayan ng Diyos—kung ang gayong mga tao ay hindi nagdudulot ng mga kaguluhan at mayroong angkop na gawain para sa kanila, maaari silang bigyan ng pagkakataong magserbisyo. Pagdating sa tungkuling ibinigay ng Lumikha, lahat ng nilikha, anuman ang uri ng kategoryang kinabibilangan nila, ay dapat ituring ito bilang sarili nilang tungkulin; ito ay isang tungkuling hindi matatalikuran. Kahit pa ang isang tao ay isang diyablo at isang Satanas, kung kusang-loob silang magseserbisyo para sa Diyos, hindi sila tatratuhin ng Diyos nang hindi patas; ito ang prinsipyo ng Diyos sa Kanyang pagtrato sa lahat ng nilikha. Kung itinuturing mo ang iyong sarili na isang nilikha, at anuman ang iyong katangian, handa kang sambahin ang Lumikha, handang magpasailalim sa kapamahalaan ng Lumikha, at tuparin ang iyong tungkulin bilang isang nilikha, at handa kang magserbisyo kahit na walang mabuting kalalabasan o destinasyon para sa iyo sa huli, ito ay pinahihintulutan din. Hindi ito tinatanggihan ng Diyos; binibigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong magserbisyo. Nakasalalay lang ito sa kung paano hinaharap ng mga tao ang usaping ito. Sinasabi ng ilang tao, “Dahil hindi maganda ang likas kong katangian, at walang pag-asa na magtamo ako ng kaligtasan anuman ang tungkuling gawin ko, hindi na ako gagawa ng tungkulin, hindi na ako magseserbisyo! Gusto ninyo akong gamitin para sa serbisyo, at sa huli, kayo ay magkakamit ng mga pagpapala at makakapasok sa kaharian ng langit, ngunit walang magiging bahagi para sa akin, kaya hindi na ako mananampalataya!” Napakainam niyan. Kung gustong umalis ng mga diyablo, hayaan silang umalis. Kung hindi sila aalis, ang pagpapaalis sa kanila ay ganap na umaayon sa mga prinsipyo. Sinasabi ng ilang diyablo, “Hindi ko maikakaila na likas akong nagsisinungaling, nagsisinungaling ako sa lahat, kahit sa Diyos. Ngunit, gamitin man ako ng sambahayan ng Diyos para magserbisyo, o gumanap bilang isang hambingan—paano man ako tratuhin, kahit pa hindi ako tratuhin bilang tao, wala akong mga reklamo. Ano pa bang magagawa ko na isa akong diyablo, hindi ba? Anumang serbisyo ang ipagawa sa akin, anumang pagsisikap ang ipagawa sa akin, handa akong gawin ito.” Dapat bang tanggapin ang gayong mga tao? (Oo.) Ayon sa prinsipyo, maaari din silang tanggapin. Hangga’t mayroong katiting na pag-asa para sa kanilang kaligtasan, dapat silang tanggapin. Hindi alintana kung inaamin man nilang sila ay mga diyablo, kahit papaano ay mayroon silang kaunting pagkakilala sa sarili, handa silang magserbisyo, at may kaunting pagpapasakop; sapat na iyon para matugunan ang mga kondisyon para sa pagtanggap. Tungkol naman sa kung kaya ba nilang gawin ang kanilang tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan, titingnan pa iyon, tama ba? (Oo.) Sa madaling salita, anuman ang uri ng isang tao, kahit pa nakilatis na ang kanyang katangian, dapat pa ring kumilos ayon sa mga prinsipyo sa pagtrato sa taong iyon. Siyempre, hindi lang iisa ang prinsipyo rito—hindi sa lahat ng diyablo ay dapat tanggihan at paalisin, na lahat ng diyablo ay dapat ihagis sa impiyerno; hindi iyon ang tanging prinsipyo. Ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at ginagamit ang lahat ng bagay para magserbisyo. Kung aling mga bagay ang maaaring magserbisyo, kung anong serbisyo ang ginagawa ng aling mga bagay at kung paano nagseserbisyo ang mga ito, kung sa aling yugto nagseserbisyo ang mga ito, kung gaano katagal nagseserbisyo ang mga ito, kung gaano karaming serbisyo ang ginagawa ng mga ito, kung sa anong mga pagkakataon hindi na ginagamit ang mga ito, at kung sa anong mga pagkakataon maaaring patuloy na gamitin ang mga ito—mayroong mga prinsipyo para sa lahat ng ito, at mayroong karunungan ng Diyos sa lahat ng ito. Hindi maaaring harapin ng mga tao ang usaping ito nang mainitin ang ulo; dapat nilang hanapin ang mga prinsipyo. Kung naniniwala ang lahat na ang pagkilos sa isang partikular na paraan ay tama at umaayon sa mga prinsipyo, kung gayon ay kumilos sa paraang iyon; kumilos sa anumang paraan na nararapat. Ang paglabag sa mga prinsipyo, ang pikit-mata at walang batayang pagtrato sa isang tao batay sa pansamantalang galit, ay isang saloobin ng hindi pagiging mahigpit sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos; sa mahigpit na pananalita, isa rin itong pagpapamalas ng kawalan ng may-takot-sa-Diyos na puso, kaya talagang huwag kumilos sa ganitong paraan. Iyan na sa pangkalahatan ang mapagbabahaginan tungkol sa unang katangian ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo—ang likas na pagsisinungaling; malinaw nang naipaliwanag ang mga prinsipyo sa lahat ng aspekto.

Ang ikalawang katangian ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay ang “paglihis.” Dahil isa itong katangian, hindi ito isang pansamantalang pagpapamalas, kundi isang bagay na madalas na naibubunyag mula sa kanilang kalikasan, at lubos nitong kinakatawan ang kanilang mga kaisipan at pananaw, at ang kanilang mga disposisyon at diwa. Kaya, ano ang mga partikular na pagpapamalas ng katangian ng “paglihis” ng mga taong diyablo? Ano ang paglihis? Sa anong salita madalas na ipinapares ang paglihis? (Kabuktutan.) Ano pa? (Lihis na kalikasan.) Lihis na kalikasan, buktot na pagnanasa. Anong iba pang mga pagpapamalas ang lihis? Pagiging tuso at hindi normal, tama ba? (Oo.) Bukod sa pagiging tuso at hindi normal, ano pa? (Pati na rin ang pagiging labis na mapagkalkula at hindi maarok, pagiging beteranong tagapagpakana, na nagbibigay ng pakiramdam na medyo di-maarok.) Sa esensiya, kasama ang lahat ng ito. Pagiging tuso, lihim na mapanira, madaya, mapagkalkula at hindi maarok, at pagiging beteranong tagapagpakana—lahat ng ito ay mga partikular na pagpapamalas at katangian ng paglihis. Kung gayon, sa anong mga bagay ipinapamalas ng mga diyablo ang mga katangiang ito? Sa diwa, bukod sa naiisip ng mga tao—ang pagiging tuso, lihim na mapanira, madaya, at iba pa, na may kaugnayan sa disposisyon o ipinapamalas sa mga paraan ng pag-asal at pagharap sa mga bagay-bagay—ano ang isa pang uri ng paglihis? Ito ay ang buktot na pagnanasa ng mga tao; ang ganitong uri ng paglihis ay dapat tawaging kahalayan. Dahil ginamit na ang salitang “paglihis,” hindi natin pinag-uusapan ang mga normal na pangangailangang pisyolohikal o reaksiyon ng laman, kundi kahalayan—ito ay tinatawag ding paglihis. Ang pagiging tuso, lihim na mapanira, at iba pa, na binanggit kanina ay may kaugnayan sa disposisyon; ang kahalayan ay paglihis na may kaugnayan sa laman. Hindi ba’t napakaangkop ng salitang “kahalayan”? (Oo.) Narito ang isa pang termino na mas angkop pa—pagiging seksuwal na mapang-akit. Madalas sabihin ng mga walang pananampalataya na ang isang tao ay lihim na puno ng pagnanasa, isang hitad; lahat ng terminong ito ay tumutukoy sa aspekto ng buktot na pagnanasa. Bukod sa kahalayan at pagiging seksuwal na mapang-akit, mayroon pa bang iba? (Isa ba rito ang pagiging mababang-uri?) Hindi; iba ang pagiging mababang-uri sa kahalayan. Ang pagiging mababang-uri ay may kaugnayan sa dignidad at integridad ng isang tao, samantalang ang kahalayan at pagiging seksuwal na mapang-akit ay pangunahing may kaugnayan sa mga isyu ng asal ng isang tao sa pakikipag-ugnayan sa iba. Ang kakasabi lang natin ay dalawang aspekto ng paglihis: ang isa ay may kaugnayan sa disposisyon, ang isa naman ay may kaugnayan sa pagnanasa ng laman. May isa pang aspekto, iyon ay na ang ganitong uri ng tao ay madalas na nakakaranas ng mga guni-guning naririnig at iba pang guni-guning pandama—palagi silang may ilang hindi normal na pagpapamalas. Halimbawa, madalas nilang sabihin, “Ibinunyag sa akin ng Diyos na sa ikaanim ng umaga ngayon ay dapat akong pumunta sa silangan; isang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo roon ang gustong makipagkita sa akin.” “Kagabi ay nanaginip ako; marahil ay may dalawang kapatid na pupunta sa bahay ko ngayon.” Madalas silang magkaroon ng mga guni-guning naririnig at nadarama, palagi silang namumuhay batay sa mga penomena tulad ng mga di-pangkaraniwang panaginip, mga pangitain, o biglaang pagsulpot ng mga salita, at kapag may nangyaring hindi karaniwan, kumikilos sila sa paraang hindi normal—sila ay partikular na sukdulan. Minsan ay bumabangon sila nang alas-tres o alas-kuwatro ng umaga para manalangin at magbasa ng mga salita ng Diyos; minsan naman sa gabi kapag nagpapahinga na ang lahat, nananatili silang gising sa kalahati ng gabi, ipinagpipilitang magbasa ng mga salita ng Diyos o matuto ng mga himno. Natutulog sila kapag kumakain o nagtatrabaho ang iba, at nagiging masigla kapag nagpapahinga ang iba; palagi silang hindi normal, palaging naiiba sa mga normal na tao. Maituturing din ba itong isang pagpapamalas ng paglihis? (Oo.) Mayroon bang angkop na salita para ilarawan ang abnormalidad na ito? Ipagpalay na ang isang tao ay mukhang normal sa panlabas, ngunit palagi niyang ginagawa at inaarok ang mga bagay sa isang partikular na baluktot at sukdulang paraan; paano ka man makipagbahaginan sa kanila, hindi nila maintindihan. Minsan ay nakakaranas sila ng mga guni-guning naririnig at nadarama; sa ibang mga pagkakataon, bagama’t walang malinaw na boses o pahayag, mayroon silang mga kakatwang kaisipan sa kanilang kalooban na nagsasabi sa kanilang gawin ito o iyon. Ngunit anuman ang gawin nila, wala itong kinalaman sa katotohanan, at hindi man lang ito umaabot sa pagsunod sa mga regulasyon. Wala kayong maisip na angkop na salita para ilarawan ang ganitong uri ng tao, hindi ba? (Oo, wala po.) Sa tingin ba ninyo ay angkop ang salitang “kakaiba”? Ang kanilang panlabas na pag-uugali ay tila partikular na kakatwa at hindi normal, at palagi silang pabagu-bago ang kilos at magugulatin. Ngunit kung kokondenahin mo sila, wala kang maituturong anumang malalaking problema na mayroon sila, at kung ituturing mo sila bilang isang mabuting tao, tila medyo kakatwa pa rin sila—medyo hindi mo sila matalos. Kapag paminsan-minsan mo lang silang naririnig na magsalita, tila maayos naman sila, ngunit kung palihim mo silang oobserbahan, matutuklasan mo na ang kanilang mga kilos ay napakakakatwa, punong-puno ng anomalya. Hindi ito isang magandang senyales; hindi mo masasabi kung ano ang maaari nilang gawin. Kalaunan, natuklasan na kaya nilang magsalita sa ibang mga wika habang nananalangin; karaniwan, palagi rin nilang kinakausap ang kanilang sarili, na para bang nakikipag-usap sila sa isang tao, tumatawa pa nga habang ginagawa ito, na mukhang nakakapangilabot. Isa rin itong pagpapamalas ng paglihis. Gamitin muna natin ang salitang “kakaiba” para ilarawan ang aspektong ito. Sa madaling salita, naibuod na natin ang mga pagpapamalas ng paglihis ng mga taong diyablo. May tatlong aspekto sa kabuuan: Ang isa ay ang buktot na pagnanasa ng laman; ang isa ay ang palaging pagkakaroon ng ilang hindi normal na pagpapamalas, pagiging partikular na kakaiba; at ang isa pang aspekto ay may kaugnayan sa disposisyon—ang pagiging napakatuso. Ang pagiging tuso ay nangangahulugan na ang ganitong uri ng tao ay taksil at tuso sa isang partikular na antas, hindi maarok ng mga ordinaryong tao. Kapag nakikisalamuha ang mga tao sa ganitong uri ng tao, madalas silang makaramdam ng pag-aalala, pagkabalisa, at takot; madalas silang matakot na sa huli ay ipagkakanulo sila ng mga ito at nagpapaloko pa rin sa kanila—natatakot silang mahulog sa mga patibong ng mga ito. Ang ganitong uri ng tao ay partikular na lihim na mapanira at madaya. Maaari silang magsalita sa iyong harapan sa isang napakagalang at pinong paraan, ngunit sa iyong likuran, nagpapakana sila laban sa iyo, matagal ka na nilang kinakalaban nang hindi mo nalalaman. Kapag natuklasan mo ito, pagpapawisan ka nang malamig, iisipin mo, “Mabuti na lang, pinrotektahan ako ng Diyos! Kung hindi ako nanampalataya sa Diyos, napahamak na sana ako sa kanila; baka nawala pa nga ang buhay ko!” Ito ang kabuktutan ng ganitong uri ng diyablo. Bakit Ko sinasabi na ang gayong mga tao ay lihis? Tunay na hindi madaling sabihin batay sa kung ano ang kanilang panlabas na anyo; dapat kayong magsimula sa mga bagay na binabalak nilang gawin at sa mga salitang ibinubunyag nila araw-araw—sapat na ito para malinaw mong makita ang lihis na diwa at kalikasan ng ganitong uri ng tao.

Ano ang pinag-iisipan ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo araw-araw? Halimbawa, ipagpalagay na isang sister ang naiangat para maging isang lider. Pagkatapos ay pagbubulay-bulayan nila, “Naiangat ang babaeng iyon para maging lider sa ganoong kabatang edad. Paano siya naging mas mahusay kaysa sa akin? Dati ay minamaliit ko siya, hindi ako kailanman nagpalakas sa kanya, o nakipag-ugnayan nang maayos sa kanya. Ngayon ay isa na siyang lider, ang direktang nakatataas sa akin, kaya dapat akong magpalakas sa kanya. Kailangan kong tingnan kung kailangan niya ng tulong sa kanyang pang-araw-araw na buhay, o sa materyal o espirituwal na paraan. Kung hindi siya malilinlang niyon, kung hindi ko makukuha ang kanyang loob, susubukan ko ang iba pang malumanay na paraan—magsasabi ako ng ilang malumanay na salita, ilang salita ng pagpapasakop, ilang salitang mapanuyo sa kanyang harapan. Kailangan ko munang tingnan kung anong paraan ang uubra sa kanya. Nadadala ba siya sa pagpapalakas, o sa mga taktika ng masasamang tao na parang mga tampalasan? Mahilig ba siya sa pagkain o sa kasiyahan? Mahilig ba siya sa mga damit o alahas? Ano ang gusto niya? Dapat ko siyang kilatisin, dapat akong mapalapit sa kanya, magpalakas sa kanya, makipag-ugnayan nang maayos sa kanya, at subukang tantyahin siya.” Sinuman ang maging lider, pinagbubulayan nila kung paano mapapalapit sa lider na iyon at makikipag-ugnayan nang maayos dito. Dati, noong hindi pa lider ang sister na ito, mapanlaban sila sa anumang sinasabi nito. Halimbawa, kung sinabi nito, “Magtipon tayo minsan sa isang linggo mula ngayon,” pagkatapos itong marinig, pagbubulayan nila, “Ang ibang mga iglesia ay nagtitipon dalawang beses sa isang linggo, pero tayo ay magtitipon nang minsan. Bakit naman kami susunod sa sinasabi mo? Sino ka ba sa tingin mo?” Ngayon na lider na ang sister na ito, iba na ang reaksiyon nila kapag nagsasalita ito; hindi na sila nagsasalita ng mga salita ng pagtutol tulad ng dati, sa halip ay sinasabi nila, “Ang sinasabi ng sister na iyon ay ang katotohanan!” Sa panlabas, kumikilos sila nang napakamapagpasakop, na para bang sila ay isang taong kayang sumunod, ngunit sa kalooban nila ay sinasabi nila, “Ano ba ang alam mo? Ilang araw ka pa lang namang lider! Dati ay ako ang gumagawa ng gawaing ito, ngunit ngayon ay lider ka na. Sige, ang lider ang may huling salita. Sasang-ayon muna ako sa iyo, ngunit kung paano ako kikilos sa iyong likuran ay desisyon ko na. Paglalaruan lang kita!” Ang ilang tao ay nahahalal bilang mga lider, at kapag tinanong, “Ang paghahalal ba ng mga lider sa inyong iglesia ay isinagawa ayon sa mga prinsipyo?” pagbubulayan nila, “Kung isinagawa ito ayon sa mga prinsipyo, maaari pa rin ba akong maging lider? Ngunit hindi ko masasabi sa iyo ang katotohanan.” Kaya sinasabi nila, “Isinagawa ito ayon sa mga prinsipyo. Dalawang termino na akong naglingkod bilang lider ng iglesia. Sa simula ay ayaw ko na itong gawin muli; natakot ako na tututol ang mga kapatid kung magiging lider uli ako, kaya binawi ko ang aking kandidatura. Ngunit sa huli, pinili pa rin ako ng mga kapatid, kaya ginagawa ko ito nang labag sa aking loob. Kapag mayroon nang bagong kandidato para sa pagiging lider, bababa ako sa puwesto.” Maganda itong pakinggan, ngunit talaga bang nilalayon nilang gawin iyon? Wala silang anumang intensyong gawin ito. Pinagsusunalingan at pinaglalaruan ka lang nila, sinasabi lamang ang mga bagay na magandang pakinggan, na nakapagbibigay-kasiyahan sa iyo, na kayang manlinlang at manlihis sa iyo. Pagdating sa mga nakatataas na lider, pinagbubulayan nila kung paano magpapalakas sa mga ito at kukuhain ang loob ng mga ito, at kung paano ililigaw ang mga ito, para pahalagahan at iangat sila ng mga lider na ito. Kung hindi sila maiangat, pinagbubulayan naman nila kung paano maitatago sa mga lider ang mga kapintasan, paglihis, at pagkakamaling idinulot nila noon habang gumagawa, pati na rin ang mga pagsalangsang at mapanlinlang na pag-uugaling ginawa nila nang palihim para hindi malaman ng mga lider ang tungkol sa mga ito, kung paano sila makakalusot sa mga bagay na ito nang hindi nananagot. Ang mga ito ba ay mga pagpapamalas na dapat taglayin ng pagkatao? Positibo ba ang mga ito o negatibo? (Negatibo.) Hanggang sa anong antas negatibo ang mga ito? Hanggang sa antas na bago pa man may sumubaybay o mag-inspeksiyon sa kanilang gawain, napaghandaan na nila ang mga bagay na ito sa kanilang isipan, matagal na silang handa sa isip—matagal nang puno ng mga bagay na ito ang kanilang isipan. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t mapanlinlang ito? (Oo.) Ang ganitong uri ng tao ay tusong nagsasalita para bumagay sa kanilang kausap, nagsasabi ng iba’t ibang bagay sa iba’t ibang lider. Kung babae ang lider, pinupuri nila ito bilang isang diyosa; kung lalaki ang lider, pinupuri nila ito bilang isang guwapong lalaki, isang matipunong lalaki. Hindi ba’t mapanlinlang ito? (Oo.) Isa itong pangunahing katangian ng paglihis. Ang kanilang saloobin at mga pagpapamalas sa mga lider ay ganito—napakatuso at napakamapanlinlang. Ang kanilang panloob na mundo ay lubhang masalimuot; napakaraming kaisipan ang nagsisiksikan doon, ngunit wala ni isa sa mga ito ang positibo. Hindi nila pinagbubulayan ang pagkatao, ang katothtohanan, o ang tamang landas; ang tanging pinagbubulayan nila ay kung paano magpalakas sa mga lider at kuhain ang loob ng mga ito, kung paano pananatilihin ang sarili nilang katayuan, kung paano makakalusot sa mga bagay-bagay, kung paano magpapatuloy sa pagpapalipas-lipas ng araw, kung paano magpapatuloy sa pagiging palamunin ng iglesia, kumakain at umiinom nang walang anumang isinusukli nang hindi natutuklasan, nang hindi nananagot. Sa kanilang isipan, tanging ang mga isyung ito ang kanilang pinaplano, binabalak, at iniisip; gumagamit sila ng lahat ng uri ng panlalansi, at hindi kailanman nakakaramdam ng anumang panunumbat o pag-uusig ang kanilang konsensiya. Kapag dumarating sila sa isang grupo ng mga tao, sinusuri nila ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang mga mata: “Walang kabatiran ang iilang maybahay na iyon; imposibleng magkaroon sila ng anumang pagkilatis sa akin. Hindi nila matatalos ang mga panlalansing ginagawa ko. Kahit pa kaya nila, hindi nila ako mapapabagsak. Hindi makakagawa ng malalaking alon ang mga dilis; hindi sila magiging problema. Hindi na kailangang kilalanin sila. Para naman sa iilang natitira, ang isa ay lider ng iglesia, ang isa pa ay isang matandang sister na maraming taon nang nananampalataya sa Diyos, at ang isa pa ay isang nakababatang sister na nag-aral diumano ng sikolohiya sa unibersidad. Ang iilang ito ay medyo banta sa akin. Sino ang dapat kong harapin muna? Sino ang dapat kong samahan at kunin ang loob muna? Paano ako magiging isa sa kanila? Paano ako magkakaroon ng katanyagan? Sino ang magiging katulong ko, at sino ang magiging kalaban ko? Sino ang dapat kong kaibiganin, sino ang dapat kong iwasan, at kanino ako dapat maging mapagbantay? Ang mga bagay na ito ay nangangailangan ng pangmatagalang pagpaplano; kailangan kong pag-isipan ang mga ito.” Pagkatapos mag-obserba sa loob ng ilang araw, natutukoy nila kung sino ang dapat nilang samahan at kasabwatin, kung sino ang maaaring akitin at samantalahin, kung sino ang bumubuo sa kanilang kalabang puwersa, at kung sino ang nakakaunawa sa katotohanan at nagtataguyod ng mga prinsipyo at dapat bantayan—nalalaman nila ang lahat ng bagay na ito. Pinagbubulayan nila sa kanilang puso, “Dapat akong maging mapagbantay laban sa mga may pagkilatis sa akin. Hindi ko maaaring pasamain ang loob nila, ni hindi ako dapat mapalapit sa kanila. Dapat ko silang lubos na iwasan, kundi ay baka ako magkamali at matalos nila ako. Kapag nariyan sila, hinding-hindi ako dapat magsalita nang walang ingat, kundi ay baka makahanap sila ng magagamit laban sa akin para ilantad at himayin ako sa iglesia. Kung magkakaroon ng pagkilatis ang mga kapatid, aalisin nila ako. Hindi puwede iyon!” Araw-araw, ang mga bagay na ito lamang ang iniisip nila. Kung sino ang lalabanan at kung paano lalaban para magkamit ng katanyagan at magmukhang magaling, kung sino ang uugnayan para magkaroon sila ng mga kalamangan nang hindi nagdurusa ng mga kawalan, kung paano makakabawi sa mga kawalang pinagdusahan nila sa ilang partikular na bagay—ang mga bagay na ito lamang ang pinagbubulayan nila buong araw. Maaari pa nga silang gumugol ng kalahating araw sa pag-iisip sa kung paano sila tiningnan ng isang tao: “Kahapon, napakatalas ng tingin sa akin ni Ganito-at-ganyan. Ano ang ibig sabihin niyon? May pagkilatis ba sila sa akin? Hindi ito magandang senyales. Anong problema ko ang nakita nila? Kailangan kong mag-ingat sa mga susunod na araw, at huwag hayaang may magpahalata. Isa pa, kailangan kong matutong bumasa ng mga bagay mula sa mga tingin ng iba, at hindi ako dapat maging pabaya. Kumikibot ang talukap ng aking mata nitong nakaraang dalawang araw; tila may masamang mangyayari. Dapat akong mag-ingat, sana talaga ay walang mangyaring masama; baka maalis ako kung hindi ako mag-iingat.” Walang mga problemang makikita mula sa labas sa kung paano sila nakikisalamuha sa mga tao. Ang kanilang mga pagkain, pagtulog, at gawain ay tila pawang normal. Ngunit ang nasa kanilang puso at isipan ay hindi normal. Ano ang mga pagpapamalas ng abnormalidad na ito? Ito ay na ang mga bagay na iniisip nila ay pawang labis na tuso, hindi kayang maarok ng iba.

Ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay namumuhay nang labis na hindi marangal. Ang lahat ng bagay sa kanilang mga isipan ay maaari lamang pagbulayan, kalkulahin, planuhin, at paghandaan sa madidilim na sulok. Ang kanilang mga puso ay ganap na puno ng mga bagay tulad ng pag-aagawan para sa katanyagan at pakinabang, pagpapakana, paghahambing, paninibugho, pakikipagtunggali, paghihiganti, at iba pa. Hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan kahit katiting. Anumang bagay ang kanilang hinaharap, hindi nila ito inilalatag para pagbahaginan at pagpasyahan sa isang hayagan at tapat na paraan; sa halip, palihim silang naghahanap ng iilang tao at kasama ang mga ito gumagawa ng desisyon. May ilang ganitong uri ng tao sa bawat iglesia. Sila ay matipid magsalita at hindi nagpapakita ng emosyon; anuman ang kanilang makaharap, pinipili nilang manahimik at hindi kailanman kaagad na ipinapahayag ang kanilang paninindigan. Sa panlabas, magalang silang magsalita sa mga tao, ngunit hindi sila kailanman nagsasabi ng katotohanan o nagbubunyag kung ano talaga ang nasa kanilang puso; wala silang anumang taos-pusong salita para sa sinuman. Halimbawa, may ilang tao na hindi kailanman nagbubunyag ng kanilang kaloob-loobang mga iniisip sinuman ang kanilang nakakaugnayan; maging ang kanilang pinakamalalapit na miyembro ng pamilya ay hindi alam kung ano ang iniisip nila araw-araw. Maging ang kanilang pamilya ay hindi sila nauunawaan, lalo na ang mga tagalabas. Kahit pa ikaw ang kanilang matalik na kaibigan, isang kaibigan mula pagkabata, isang matagal nang kaibigan, o isang mabuting kasamahan sa trabaho, hindi mo pa rin alam kung ano ang kanilang kinakalkula; walang sinuman ang makakaarok sa kanila. Paano man sila magsalita o kumilos, walang sinuman ang makakatalos sa kanila. Ngunit paminsan-minsan, maaari silang makapagbitiw ng ilang salita: “Mas mahusay sa akin si Ganito at ganyan, ano naman ngayon! Isang araw ay malalampasan ko sila, tingnan mo lang!” May mas malalim na kahulugan sa likod ng mga salitang ito na “tingnan mo lang”; nangangahulugan ito na sila ay nagmumuni-muni at nagbubulay-bulaysa kanilang puso at isipan araw-araw. Sa panlabas, mukha silang kalmado at payapa, ngunit sa loob ng kanilang puso, mayroong nagngangalit na bagyo at kaguluhan. Ano ang mga bagay na iniisip nila? Kung ang mga ito ay mga hayagan at tapat na bagay, mga positibong bagay tulad ng tamang landas sa buhay, pagsasagawa ng katotohanan, pagkilos ayon sa konsensiya, kung paano umasal, kung paano mahalin ang Diyos, at kung paano gampanan ang kanilang tungkulin nang deboto—kung madalas nilang iniisip, hinahanap, pinagbubulayan, sinusuri, at sinusubukang unawain ang mga bagay na ito sa kanilang puso, kung gayon ang kanilang kalooban ay magiging labis na kalmado at magtataglay ng kapayapaan at kagalakan, at mamumuhay sila nang higit at higit na normal, hindi sa paraang tuso. Ang mga taong namumuhay sa mga positibong kalagayang ito ay, paminsan-minsan, magkakaroon ng espirituwal na pag-uugnayan at pakikipag-usap sa mga nasa paligid nila at sa mga medyo malapit sa kanila. Ngunit ang pinagbubulayan at iniisip ng mga diyablo sa kanilang mga puso ay pawang mga bagay na tuso. Ang katusuhan ay tumutukoy sa mga bagay na hindi nahahawakan na hindi kayang makita ng mga normal na tao, mga bagay na medyo abnormal, mga bagay na nakatago sa madidilim na sulok na mahirap matuklasan at mapansin ng mga tao, mga bagay na hindi kailangan ng mga normal na tao. Ang madidilim na sulok na ito ay ang mga panloob na mundo ng mga diyablo. Ang kanilang puso ay puno ng mga bagay na ito na tuso. Araw-araw, inihahambing nila ang sarili sa iba, nakikipagtunggali sa iba, gumagamit ng mga pakana at panlalansi sa iba, nag-aagawan para sa katayuan, reputasyon, at huling salita; ang mga bagay na ito lamang ang iniisip nila. Kung tatanungin mo sila kung mayroon na silang landas ngayon para sa pagiging isang matapat na tao, hindi ka nila kakausapin, hindi ka nila papansinin, at ayaw nilang banggitin ito. Ito ay dahil ang kanilang mga puso ay puno ng mga negatibo at tusong bagay na ito; ang mga bagay na ito lamang ang iniisip nila. Kapag paminsan-minsan ay kailangan nilang mag-isip nang kaunti tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa mga teknikal o propesyonal na aspekto, ginagawa lamang nila ito nang pansamantala, dahil sa mga pangangailangan ng kanilang gawain o buhay. Sa sandaling matapos ang kanilang gawain sa aspektong ito, agad silang nagsisimulang mag-isip muli tungkol sa mga bagay na iyon na tuso, nagbubulay-bulay, “Kaninong mga kaloob ang mas dakila kaysa sa akin? Sa anong aspekto ako mas malakas kaysa sa kanila, sa anong aspekto sila mas mababa sa akin? Hindi ba’t tila sinadya akong maliitin ni Ganito-at-ganyan noong huli siyang nakipag-usap sa akin? Tila matagal nang hindi normal na nakikipag-usap ang dalawang taong iyon—ano ang nangyari sa kanila? Kung may lumitaw na hidwaan o problema sa pagitan nila, makakakuha ba ako ng ilang pakinabang mula rito? Ang isa sa kanila ay kapaki-pakinabang sa akin at makakatulong sa akin, at gusto ko talagang makisama sa taong iyon, ngunit hindi niya ako kailanman kinikilala. Kung may hidwaan sa pagitan nilang dalawa, maaari ko bang samantalahin ang pagkakataong ito at gamitin ang magandang oportunidad na ito para makapagtatag ng ugnayan sa taong iyon?” Ang lahat ng kanilang pinagbubulayan at iniisip sa kanilang puso ay walang kinalaman sa mga positibong bagay, at walang kinalaman sa pananampalataya sa Diyos at paghahangad sa katotohanan. Nakakatakot ba ang ganitong uri ng tao? (Oo.) Kung makikisalamuha ka sa kanila, katumbas ito ng pakikisalamuha sa isang diyablo. Hindi ka nagpapakana laban sa kanila, ngunit nagpapakana sila laban sa iyo at inoobserbahan ka araw-araw, pinagbubulayan ka at pinag-aaralan ka kapag nakatalikod ka: “Ano ang ibig nilang sabihin doon? Nakatuon ba iyon sa akin? Paano ako sasagot para hindi nila ako matalos? Paano ako sasagot sa paraang makikinabang ako? Kung hindi ako sasagot, iisipin ba nilang hangal ako, madaling apihin, o na hindi ako tunay na nananampalataya sa Diyos? Iisipin kaya nila iyon? Kailangan kong alamin ang totoong iniisip nila.” Kapag palagi kang namumuhay sa gitna ng kanilang mga pakana, komportable ba ang iyong puso? (Hindi.) Para kang may katabing hindi nakikitang demonyo; hindi ka makakaramdam ng kapayapaan o kagalakan. Kapag nakikisalamuha ka sa kanila, iisa lang ang iyong nararamdaman: isang palagiang pakiramdam ng pagkabalisa. Ang pagkabalisa na ito ay labis na normal, dahil ang intuwisyon o kutob ng mga normal na tao ay nagpaparamdam sa kanila ng pagkabalisa sa mga diyablo, sa mga abnormal na nilalang na nasa paligid nila. Kahit pa hindi mo sila gaanong kilala, at hindi mo maipaliwanag kung ano talaga ang mali, palagi kang nakakaramdam ng pagkabalisa kapag kasama mo sila, na para bang may masamang mangyayari. Sapat na ito para patunayan na may masama silang hangarin, na nagpapakana sila laban sa iyo, at may masasamang balak sa iyo. Namumuhay ka sa ilalim ng kanilang mga mapanubaybay na mata, at pinag-aaralan ka nila araw-araw—ito ay nagpaparamdam sa iyo ng higit na pagkabalisa kaysa kapag may katabi kang tigre o leon sa iyong tabi. Kung ang tigre o leon ay pinalaki mo, kahit pa ito ay isang mabangis na hayop, hindi ka kailanman makakaramdam ng pagkabalisa. Ngunit kung may diyablo sa tabi mo, dahil mayroon silang isang lihis na kalikasang diwa, nakakaramdam ka ng pagkabalisa. Ang pagkabalisa na ito ay isang pakiramdam sa espiritu; ito ay sanhi ng isang diyablong kumikilos. Marahil ang diyablo ay hindi sadyang naglalayong lubhang saktan ka sa anumang antas, ngunit ang kanyang palagiang pagpapakana laban sa iyo at pantitiktik sa iyo ay magpapabalisa sa iyong espiritu. Kung may diyablo sa tabi mo, hinding-hindi ka mamumuhay nang may kapayapaan at kagalakan, maliban kung hindi siya isang diyablo, o mayroon kang sapat na tayog at sapat na pananalig sa Diyos, o mayroon kang katotohanan bilang iyong buhay—maliban kung natutugunan ang isa sa mga kondisyong ito, kung saan hindi siya magdudulot ng anumang banta sa iyo o magkakaroon ng anumang epekto sa iyo, at hindi ka makakaramdam ng pagkabalisa. Kung walang natutugunan sa mga kondisyong ito, kapag palagi kang tinitiktikan ng isang diyablo, makakaramdam ka ng pagkabalisa. Hanggang sa anong antas ito unti-unting hahantong? Makakaramdam ka ng pagkasuklam sa kanya at magiging mapagbantay ka laban sa kanya, mababagabag ka sa iyong kalooban, at mahihirapan ka, malilimitahan, at magagapos sa maraming bagay. Kung siya ay nasa malapit, kapag gumagawa ka ng mga bagay o nagsasalita, palagi mong kailangang isaalang-alang ang tingin sa kanyang mga mata, ang kanilang kilos, o ang kanyang mga opinyon. Maaari mo pa ngang palaging subukang alamin, “Ano kaya ang iisipin niya sa akin? Bakit hindi ko siya matalos? Bakit pakiramdam ko ay mapagkalkula siya at hindi maarok? Bakit tila hindi ngiti ng pagsang-ayon ang ngiting iyon? Bakit ako labis na natatakot? Bakit labis akong naiimpluwensiyahan niya?” Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at wala kang pagkilatis, pagkatapos makisalamuha sa ganitong uri ng tao sa loob ng isang panahon, natural kang maiimpluwensiyahan niya at hahantong ka sa gayong kalagayan, na labis na nakakatakot.

Batay sa kung ano ang natural nilang ibinubunyag sa kanilang pang-araw-araw na buhay at kung ano ang iniisip nila sa kanilang puso, ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay maaaring ilarawan bilang mayroong isang lihis na diwa. Kung hindi ka pa nagkaroon ng mas malalim at mas malapit na pakikipag-ugnayan sa kanila, marahil ay hindi mo nauunawaan ang kanilang mga panloob na mundo, ngunit ang pinakadirekta at pinakaprangkang paraan para makilatis ang ganitong uri ng tao ay isang katangian sa kanilang panlabas na anyo: Madalas nilang ibunyag ang isang buktot na tingin sa kanilang mga mata at isang tusong ngiti. Ang buktot na tingin na iyon ay nangangahulugan ng isang pabagu-bagong tingin, isang tingin na hindi gaanong malinis at malinaw, o hindi gaanong tapat at taos-puso, kundi sa halip ay tila hindi maarok. Nararamdaman mo na mayroong natatagong kahulugan sa tingin na ito, ngunit sadyang hindi nila sasabihin sa iyo kung ano ito. Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng banayad na pagpapahiwatig ng mga bagay kapag sila ay nagsasalita, ginigiya ka nilang mag-isip-isip, gumagamit ng mga salita para magpahiwatig ng mga bagay at magdulot sa iyo na magkamali ng akala na nag-iisip sila sa isang partikular na paraan, ngunit ang totoo, isa lamang itong panglihis ng atensiyon. Ang naaarok mo ay hindi talaga ang kanilang tunay na kahulugan; gusto ka lang nilang paglaruan at tuyain. Wala kang mahanap na anumang sinseridad sa kanilang tingin; ang tingin na ito ay pabagu-bago at palibut-libot, mayroong isang malabo at mailap na pakiramdam dito. Sa sandaling makita mo ang tingin sa kanilang mga mata, biglang sumusulpot ang pagdududa sa iyong puso, at naghihinala ka na mali ang iyong sinabi o ginawa. Kung hindi mo makikita ang tingin sa kanilang mga mata, nararamdaman mo na tama ang iyong opinyon, na dalisay ang iyong sariling pag-arok, na ang mga bagay na ito ay naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, at na dapat kang kumilos sa isang partikular na paraan, at mayroon kang matatag na pananalig na gawin ito. Ngunit sa sandaling magtama ang inyong mga mata o titigan ka nila ng buktot na tingin na iyon, hindi mo namamalayang bigla kang kikilabutan. Bagama’t walang tahasang salitang binibigkas, ang buktot na tingin na iyon sa kanilang mata ay nagbibigay sa iyo ng isang sikolohikal na mungkahi, inililigaw ka nito, na nagiging sanhi upang agad mong pagdudahan ang iyong sarili: “May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong mali? Saan ako nagkamali?” Ang usapin at prinsipyo na pinag-uusapan ay malinaw na napakalinaw at hindi mapag-aalinlanganan, at tiyak ka na dapat itong gawin sa ganoong paraan at na ito ay tama, ngunit pagkatapos magtama ang inyong mga mata, sa halip ay nagiging mapag-alinlangan ka. Ang ganitong uri ng tingin ay ang tingin ng isang diyablo. Ito ay isang aspekto: Ang buktot na tingin nila ay nagdudulot sa iyo na mag-alinlangan. Ang isa pang aspekto ay na minsan, mayroong isang partikular na kahulugan sa loob ng buktot na tingin na iyon—paghamak. Ikaw ay bata pa, mababaw ang karanasan, kulang sa karanasan sa buhay, at maaaring mayroon pa ngang ilang depekto sa pagkatao, kaya kapag nagtama ang inyong mga mata, agad kang nawawalan ng tiwala sa sarili, pinanghihinaan ka ng loob, at agad mong pinagdududahan ang iyong sarili, pakiramdam mo ay napakaliit mo, pakiramdam mo ay mas mababa ka kaysa sa kanila, at nanghihina ka sa kanilang harapan. Ito ang tingin ng isang diyablo. Ang buktot na tingin na ito ay gumugulo minsan sa isipan ng mga tao, minsan ay gumagambala sa tiwala sa sarili ng mga tao, at minsan ay nagpaparamdam din sa mga tao na maging negatibo at manlumo.

Pagdating sa pagkilatis sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, kung wala ka pang karanasan sa pagkilatis sa kanila sa pamamagitan ng pagmamasid sa tingin ng kanilang mga mata, tingnan mo kung ano ang iniisip nila sa araw-araw, kung ano ang paksa kapag nakikipag-usap sila sa mga tao araw-araw, at kung mayroon bang normal na komunikasyon. Kung walang normal na komunikasyon, at hindi sila nauunawaan ng karamihan ng mga tao, at ang prinsipyo nila sa pakikisalamuha sa karamihan ng tao ay ang manatiling tikom ang bibig, at kahit ang mga pinakamalapit sa kanila ay hindi alam kung ano ang iniisip nila araw-araw, at hindi madaling maarok ang kanilang mga eksaktong kaisipan at pananaw o matanto kung ano talaga ang iniisip nila, kung gayon ay malinaw na ang gayong mga tao ay talagang mapagkalkula at hindi maarok. Ang pananahimik nila ay hindi nangangahulugang wala silang mga kaisipan at pananaw; sa katunayan, ang tunay nilang mga iniisip ay nakatago sa kanilang isipan, hindi lang nila sinasabi ang mga ito. Kung hindi nila sinasabi ang mga ito, paano mo matutuklasan na sila ay tuso? Mayroon silang isang uri ng tusong ngiti; madalas silang magpakita ng huwad na ngiti. Kapag kaharap ka nila, nagpapakita sila ng huwad na ngiti, ngunit kapag tumalikod na sila, nagiging walang ekspresyon ang mukha nila, walang anumang ngiti. Ang ganitong uri ng tao ay nakakatakot, nakakakilabot; isa silang diyablo. Nauunawaan ba? (Nauunawaan.) Halimbawa, ipagpalagay na may tinatalakay ka sa kanila. Pagkatapos mong sabihin ang iyong pananaw, hindi nila ipinapahayag ang kanilang paninindigan, kundi nagpapakita sila ng isang tusong ngiti. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng isang tusong ngiti? Nangangahulugan ito na hindi mo alam kung ang ngiting ito ay pagsang-ayon o pagtutol, at hindi mo alam kung talaga bang nauunawaan nila ang ibig mong sabihin. Nagbibigay lang sila ng isang “heh heh” na tawa. Tungkol sa sinabi mo, hindi nila sinasabing tama ito o mali ito, hindi nila sinasabing nauunawaan nila ito o hindi nila nauunawaan, kaya hindi mo maarok kung ano talaga ang ibig sabihin ng tawang ito. Tumugon nga sila sa iyo, ngunit ang tugon na ito ay kapareho lang ng walang tugon. Kung hindi sila tumugon, iisipin mong marahil ay hindi nila naunawaan; sa halip, ang pagtugon nila sa ganitong paraan ay nagdudulot sa iyo ng pagkalito. Hindi mo alam kung ang tawang ito ay nangangahulugan ng panunuya, paghamak, pangungutya, o pagsang-ayon at pag-apruba. Kung hihingin mo ang kanilang pananaw, muli silang tatawa ng “heh heh,” sasabihing, “Sige, sige,” at pagkatapos magsalita, biglang magdidilim ang kanilang ekspresyon. Sa paraang hindi mo namamalayan, nagdudulot ito ng matinding panggigipit sa iyo. Kung mababa ang iyong tayog, at wala kang tunay na paninindigan, o mga tamang kaisipan at pananaw, maaari kang masindak sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit tinatawag na tusong ngiti ang ngiti nilang ito—ang pagiging mapanlinlang at tuso ay tinatawag na katusuhan. Hindi nila basta-basta inilalantad ang kanilang mga pananaw. Naniniwala sila na ang pagsasabi ng isang salita ay masyadong kaunti, ang dalawang salita ay masyadong marami, at na sa sandaling malinaw na naipahayag ang isang pananaw o tumutukoy ito sa isang partikular na bagay, isa itong kabiguan, isang pagkakamali. Kaya ang pinakamainam na paraan para sa kanila ay ang ngumiti at hayaan kang mag-isip-isip—maaari mong isipin ang anumang kahulugang gusto mo, maaari kang mag-isip sa anumang paraang gusto mo, ngunit kahit papaano ay nararamdaman mong hindi sila mapanlaban sa iyo, at sa gayon ay nakakamit nila ang kanilang layon. Pagmasdan ninyo ang matatandang tusong iyon na nagpapakana at sukdulang mapanlinlang, at ang mga taong iyon na lihim na mapanira at tuso, at gumagamit ng malulupit na taktika: Hindi sila gaanong nagsasalita, ni walang gaanong ekspresyon ang kanilang mukha, ngunit ang tingin sa kanilang mga mata at ang kanilang mga ngiti ay lihis. Ang mga normal na tiwaling tao at iyong mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay pawang tumatakas mula sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo; ayaw nilang makisalamuha sa gayong mga tao, at ang makasama ang gayong mga tao ay nakakatakot para sa kanila, kinikilabutan sila. Bakit sila kinikilabutan? Dahil ang gayong mga tao ay hindi tao, sila ay mga diyablo, at kayang gawin ng mga diyablo ang kahit ano. Kapag ang mga normal na tao ay nakikisalamuha sa isang tao, hindi sila nagdudulot ng kilabot sa taong iyon. Ang mga normal na tao ay may konsensiya at katwiran, kumikilos sila nang may pagtitimpi at pagpipigil, at mayroon silang mga pinakapangunahing pamantayan. Sa pinakamalala, kapag galit sila, maaari ka nilang murahin nang kaunti, at magsabi ng ilang hindi magagandang salita na medyo makakasakit sa iyong pagpapahalaga sa sarili. Ngunit iba ang mga diyablo; hindi ka nila minumura o hindi nila sinasaktan ang iyong pagpapahalaha sa sarili, ngunit pinipinsala ka nila. Kapag nakatalikod ka, pinagbubulayan nila kung paano ka ililigaw; gumagawa sila ng isang hukay at pinatatalon ka roon. Pagkatapos mong tumalon, pinapanood ka nila mula sa itaas, nagagalak sa iyong kasawian, habang nagkukunwari ding isang mabuting tao, sinasabi, “Ililigtas kita! Paano ka nahulog diyan? Akala ko alam ng karamihan na may hukay rito.” Gusto pa nilang gumanap bilang mabuting tao, pinapaniwala ka sa pagpapanggap nila. Hindi ba’t nakakatakot ang ganitong uri ng tao? Sila ang gumawa ng hukay na iyon, at isinadya nila iyon para sa iyo; kung hindi ka tatalon doon, sino pa? Pagkatapos mong tumalon sa hukay, iuunat nila ang isang kamay para iligtas ka, at habang inililigtas ka, sasabihin nila, “Bakit ka tumalon?” Habang nagagalak sa iyong kasawian, idinudulot din nila na hindi mo mapagtanto na sila ang gumawa ng hukay. Malinaw na sila ang puminsala sa iyo, ngunit pinaparamdam pa nila sa iyo na dapat kang magkaroon ng malaking pasasalamat sa kanila. Hindi ba’t ito ay paglihis? (Oo.) Ito ay sukdulang paglihis!

May isang bagay na madalas gawin ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, na nakita na ng lahat: Pinakamagaling ang mga diyablo sa pagsasabi ng magagandang pakinggan na salita para kunin ang loob ng mga tao. Halimbawa, kapag nakita ka ng gayong tao na nagtatrabaho, nagtatago siya sa loob at nagmamasid. Kapag natapos mo na ang gawain, lalabas siya at sasabihin, “Aba, nagtatrabaho ka pala! Bakit hindi mo ako sinabihan? Tinulungan sana kita at nakibahagi sana ako sa pasanin mo. Kung nakakapagod ito, maaari natin itong gawin nang magkasama. Sa susunod na magtatrabaho ka, sabihan mo lang ako—maliit na bagay lang naman ito. Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa akin!” Kapag narinig mo ito, gagaan ang pakiramdam mo, at iisipin mong bagama’t hindi siya tumulong, mayroon siyang intensyong gawin iyon, at sapat na ang mga salita niya. Nililinlang ka nila gamit ang kanilang magagandang pakinggan na salita. Kita mo, talagang nagagawa nilang sabihin ang gayong mga bagay, at hindi sila nakakaramdam ng kahihiyan sa pagsasabi ng mga iyon. Kaya paano mo malalaman na hindi totoo ang mga salita nila? Sa susunod na matapos mo ang iyong mga gampanin, darating sila at muling magsasabi ng magagandang pakinggan na salita: “Bakit hindi mo ako sinabihan na nagtatrabaho ka? Palagi mo na lang akong hindi tinatawag para tumulong; talagang itinuturing mo akong ibang tao. Bakit ba napaka-pormal mo sa akin?” Pagkatapos itong mangyari nang dalawa o tatlong beses, malalaman mo na sa totoo lang ay ayaw ka nilang tulungan sa gawain, at na nagsasabi lang sila ng ilang magandang pakinggan na salita para linlangin ka at kunin ang loob mo. Kapag mayroon talagang isang bagay na nangangailangan ng tulong nila, hindi na sila mahagilap. Anong uri ng tao ito? Isa itong diyablo, tiyak na hindi isang tao. Ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay magsasabi ng magagandang pakinggan na salita sa sinumang makasalamuha nila para linlangin ang mga ito at makamit ang sarili nilang mga layunin. Puno sila ng mga tusong pakana; hindi sila mga tao, kundi mga diyablo. Mayroon bang anumang halaga sa pakikisalamuha sa mga taong tulad nito? Hindi mo nga sila dapat pansinin. Mayroon bang gayong mga tao sa iyong pang-araw-araw na buhay? (Mayroon.) Ganito ang pag-uugali ng gayong tao sa usaping ito, at sa iba pang mga usapin, ganoon din ang pag-uugali nila—palagi nilang nililinlang ang mga tao. Ganoon sila kalihis; hindi sila sinsero sa mga tao.

Kayong lahat ba ay medyo kayang kilatisin ang isang pagpapamalas ng “paglihis” na katangian ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo—partikular na, ang katusuhan? (Oo.) Ang ganitong uri ng tao ay partikular na mapanlinlang, partikular na tuso, at partikular na lihim na mapanira at madaya. Kung itinuturing mo pa rin ang kanilang mga pagpapamalas bilang mga normal na pagbubunyag ng katiwalian at tinutulungan at sinusuportahan mo pa rin sila bilang mga kapatid, hindi ba’t isa itong pagpapamalas ng kahangalan? (Oo.) Hindi mo na dapat gawin ang mga kahangalang ito sa hinaharap; hindi sila tao, kundi mga diyablo, at hindi sila ang dapat mong tulungan at suportahan. Alam nila sa kanilang puso kung ano ang katotohanan, at na mabuting maging isang matapat na tao. Ngunit iba ang pagkaalam; wala silang gayong hinihingi para sa kanilang sarili at hindi nila kailanman isinasagawa ang pagiging isang matapat na tao. Hindi sa gusto nilang isagawa ito ngunit hindi nila kaya; sa halip, hindi nila kailanman nilalayong magsagawa sa ganitong paraan. Pag-isipan ito—ano ba ang kanilang binubuong pakana at plano sa kanilang puso? Walang ni isang bagay ang may kaugnayan sa mga positibong bagay, at walang ni isang kaisipan na may kaugnayan sa mga positibong kaisipan at pananaw. Wala silang intensyong isagawa ang katotohanan, ni hindi nila nilalayong tahakin ang tamang landas, kaya hindi nila kailanman hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo sa kanilang puso, ni hindi nila hinahanap kung paano kumilos nang naaayon sa mga layunin ng Diyos. Hindi rin nila nilalayong tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, o maging deboto at ialay ang kanilang katapatan. Ang lahat ng kinakalkula nila ay mga tusong pakana. Sinasabi ng ilang tao, “Ang kinakalkula nila ay isang usapin ng kanilang panloob na mundo—hindi ito madaling kilatisin. Paano malalaman ng iba kung ano ang iniisip nila kung hindi sila nagiging bukas at nakikipagbahaginan tungkol dito? Maayos naman ang kilos nila sa panlabas, at abala rin sila sa mga gampaning nasa kanilang harapan. Bakit mo sinasabi na sila ay tuso at inilalarawan mo sila bilang mga diyablo?” Sinasabi naman ng iba, “Nagpapakita lang sila ng kaunting buktot na tingin sa kanilang mga mata, ng kaunting tusong ngiti; hindi pa rin natin matalos ang iniisip nila sa kanilang panloob na mundo.” Kaya paano makikilatis ng isang tao na sila ay mga diyablo? Ang mga kaisipan ng isang tao ay hindi nahahawakan; kung hindi nila ipapahayag ang mga ito, hindi mo makikita o matutuklasan ang mga ito, at hindi mo sila makikilatis. Gayumpaman, anuman ang mga kaisipan at pananaw na mayroon ang isang tao, anuman ang inaasam o kinakalkula niya sa kanyang panloob na mundo, tiyak na kikilos siya para makamit ang kanyang mga layunin, kaya palagi siyang magkakaroon ng ilang bagay na isasabuhay niya, ilang pagpapamalas. Hangga’t namumuhay siya sa gitna ng mga tao, makikita o masasalamuha ng iba ang mga bagay na ginagawa niya. Maaaring hindi mo alam kung ano ang kanyang kinakalkula, binabalak, at pinaplano sa kaibuturan ng kanyang puso, ngunit ang mga bagay na kanyang binabalak, pinaplano, at kinakalkula ay ibubunyag at ipamamalas din nila balang-araw; gagawin nilang realidad ang mga ito, at gagawa sila ng ilang pagkilos sa gitna ng mga tao. Kapag nangyari ang mga bagay na ito sa mismong harapan mo, hindi mo ba sila makikita? Hindi mo ba makikilatis ang taong iyon? Sinasabi ng ilang tao, “Kahit na makita ko ang kanilang mga pagpapamalas, hindi ko pa rin alam kung paano kilatisin o ilarawan ang ganitong uri ng tao.” Madali lang iyan; ang ganitong uri ng tao ay may ilang katangian, at makikilatis mo sila sa pamamagitan ng mga katangiang ito. Ang unang katangian ay na palagi silang kumikilos ayon sa sarili nilang kalooban at hindi kailanman hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo. Anuman ang gawin nila, pinaplano nila ito nang patiuna at kumikilos sila nang ganap na ayon sa sarili nilang mga plano, takbo ng pag-iisip, at intensyon, ganap na ayon sa sarili nilang kalooban. Hindi nila hinihingi ang opinyon ng lahat, at, siyempre, lalong hindi nila hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo o kumikilos ayon sa mga pagsasaayos ng gawain. Kung makikita mo ang mga pagpapamalas na ito, hindi ba’t ganap nang nalalantad ang mga diyablo? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao, “Marahil ay nauunawaan nila ang katotohanan at alam nila ang mga katotohanang prinsipyo, kaya alam nila kung ano ang gagawin nang hindi na nakikipag-usap sa iba.” Mali muli ang pahayag na ito; sumasalamin ito sa kawalan ng kakayahang matalos ang mga bagay-bagay. Para sa inyo, ang mga bagay na sinasabi at ginagawa ng mga diyablo ay isang serye ng mahihirap na hadlang. Hiningi man nila ang mga opinyon ng mga kapatid o hindi, dapat mong makita nang malinaw kung ang layunin, motibo, panimulang punto, at prinsipyo ng kanilang mga kilos ay para pangalagaan ang sarili nilang reputasyon, katayuan, at dangal, o para pangalagaan ang gawain ng iglesia, at kung ang panghuling epektong nakamit ay nangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, at kung nagdudulot ito ng mga kawalan, pinsala, at pananabotahe o mga pakinabang sa karamihan ng mga tao. Anuman ang gawin ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, palagi itong para pangalagaan ang sarili nilang mga interes; isa pa itong katangian ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo. Sa kanilang mga mata, ang kanilang mga interes ay nakahihigit sa lahat ng iba pa, tulad lang ng isang mangangalakal na nagnenegosyo: ang mga interes ang pinakamahalaga. Kaninong mga interes ang pinakamahalaga? Ang sariling interes ng mga diyablo ang pinakamahalaga. Kung mapangangalagaan ng paggawa ng isang bagay ang kanilang mga interes, dangal, katayuan, reputasyon, o mga materyal na pag-aari at pera, hinding-hindi sila magpipigil, kundi isasakatuparan nila ito hanggang sa wakas, gagawin ito hanggang sa kadulu-duluhan. Kahit pa sumalungat ang mga nakatataas na lider o mga kapatid at hindi na ito maisulong pa, at mabigo sila, gagamit pa rin sila ng mga paligoy-ligoy na taktika, susubukan ang lahat ng paraan para alisin ang lahat ng kalaban at tanggalin ang lahat ng hadlang, para maipagpatuloy ang gusto nilang gawin. Hinding-hindi sila magpipigil; ang tanging pinangangalagaan nila ay ang sarili nilang mga interes. Ngayon, malinaw na ninyo itong makikita: Maging ito man ang mga plano, o ang mga paraan, o ang mga diskarte, o ang mga hakbang na kanilang pinapakana, pinaplano, at nililikha, ang mga bagay na ito ay pawang nakalkula na sa kanilang isipan; ang tanging iniisip nila ay mga interes, at ang kanilang isipan ay puno ng mga pag-iisip tungkol sa mga interes; kung sino ang gagamitin, kung kanino makikipaglapit, kung kanino lalayo, kung sino ang susuportahan, kung sino ang sasalungatin, kung sino ang tatanggalin—bumubuo sila ng estratehiya tungkol sa lahat ng bagay na ito ayon sa kanilang mga interes. Kung, sa paggawa ng gawain at paggampan ng kanilang tungkulin, ay umabot sila sa puntong ito, kung gayon sila ay mga anticristo, mga diyablong nagbubunyag ng kanilang tunay na pagkatao. Ang gayong mga tao ay sukdulang hindi maarok at mapagkalkula; pinagbubulayan nila ang mga bagay na ito araw-araw. Kung lubusan nilang maaarok ang lahat ng tao sa iglesia, gaano katagal iyon aabutin? Kapag mayroon na silang napakalinaw na pagkaarok sa sitwasyon ng lahat ng miyembro ng iglesia, sa mga aktuwal na problema at tunay na paghihirap ng bawat tao, at hinog na ang panahon, saka lang sila magsisimulang kumilos, ginagawa ang anumang gusto nila—hindi sila nagpapakita ng pagpapaubaya kaninuman, at walang sinuman ang makahahadlang sa kanila. Isinasagawa nila ang sarili nilang negosyo sa ilalim ng pagkukunwaring ginagawa ang gawain ng iglesia, nagsusumikap na magkamit ng mga pakinabang para sa kanilang sarili. Sa huli, ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng mga kapatid ang nagdurusa ng mga kawalan. Nakamit nila ang kanilang layon na gawing pinakamahalaga ang pagtugon sa kanilang mga personal na interes kapalit ng pagsasakripisyo sa buhay pagpasok ng lahat ng kapatid at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa puntong ito, hindi ba ninyo sila malinaw na nakikita? Kung huhusgahan mula sa paraan ng paggawa nila ng mga bagay-bagay at sa mga panghuling resulta, sila ay mga diyablo; hindi sila tao. Buong araw ay tila napakakaunti ng sinasabi nila at bihirang magpahayag ng kanilang mga pananaw, ngunit sa katunayan ay ginugugol nila ang bawat araw sa pagkalkula kung paano kikilos para sila ay magkamit ng mga pakinabang. Bagama’t sa panlabas ay sila ay tila medyo kalmado, medyo pino, medyo mahinhin, at medyo mabait, at hindi madaldal, sa loob-loob nila ang kanilang puso ay magulo, na parang isang nagngangalit na dagat. Lubusan nilang naaarok ang mga bagay na ito, at pagkatapos ay ipinapatupad nila ang mga planong naisip na nila, at ang panghuling resulta ay nagtatagumpay sila tulad mismo ng kanilang pinakana. Hindi ba’t ito ang gawain ng isang diyablo? (Oo.) Ito ang gawain ng isang diyablo. Sa puntong ito, hindi ba’t kaya ninyo silang matalos?

Ang isang napakalaking problemang lumitaw sa gawain ng ebanghelyo noong nakaraang taon ay direktang may kaugnayan sa ilang diyablo, direktang may kaugnayan sa mga kilos ng mga diyablo. Ang mga diyablong iyon ay hindi kailanman naghanap ng mga katotohanang prinsipyo nang kumilos sila. Pagkatapos magtalaga ng gawain ng ang Itaas, tinanggap nila ito kaagad nang personal, ngunit nang magpunta sila para gumawa sa mga iglesia, naghasik lang sila ng lagim sa paggawa ng masasamang bagay. Hindi nila pinangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at bilang resulta, nagdusa ng mga kawalan sa mga handog sa Diyos, nagdusa ng mga kawalan sa gawain ng ebanghelyo, at nagdusa ng mga kawalan sa buhay iglesia; nagdusa ng mga kawalan sa ilang larangan, at nagdulot din sila ng kaguluhan sa gawain ng iglesia. Maaaring hindi mo matalos ang iniisip ng isang diyablo, ni hindi mo alam kung naghanap ba sila ng mga prinsipyo. Ngunit kapag kumilos sila, at makita mo ang mga unang pahiwatig, malalaman mo na mali ang pamamaraan at pinagmulan ng kanilang mga kilos, na ganap nilang ipinapakitang-gilas ang kanilang sarili, gumagawa ng mga bagay ayon sa sarili nilang kalooban, at kumikilos nang basta-basta at sutil at nagtatatag ng nagsasariling kaharian. Bukod dito, pinoprotektahan ng mga pangkat ng diyablo ang isa’t isa; wala sa kanila ang nangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Anuman ang gawin ng malalaking diyablo, ginagawa ng mga tagasunod at maliliit na diyablo ang lahat para purihin at bolahin sila. Ang malalaking diyablo ay kumikilos nang walang pakundangan at sutil, at ang maliliit na diyablo ay gumagaya, at labis na sumisipsip sa kanila—nagsasabwatan sila. Sinasabi ng ilang tao na hindi pa rin nila matalos ang katunayan na ang diwa ng isang tao ay diwa ng isang diyablo. Kung gayon, tingnan ninyo ang kalikasan ng isang bagay na ginagawa nila at ang mga kahihinatnan nito. Kung ang kalikasan at mga kahihinatnan ay napakalubha, kung gayon ay makatitiyak ang isang tao na ito ay gawain ng isang diyablo. Halimbawa, tungkol sa usapin ng pag-uulat ng mga huwad na bilang ng mga taong nakamit sa pangangaral ng ebanghelyo, sinabi ng ilang tao, “Hindi ba’t labag sa mga prinsipyo ang pag-uulat ng mga huwad na bilang? Dapat nating iulat ang mga aktuwal na bilang; kung gaano karaming tao ang nakamit, iyon ang bilang na dapat nating iulat. Paano natin magagawang magsinungaling sa ating mga ulat? Paano natin iuulat ang isang libo kung isang daan ang nakamit, o sampung libo kung isang libo ang nakamit?” Ano ang sinabi ng isa sa mga huwad na lider na ito? “Dapat ninyo itong iulat sa ganitong paraan; lahat ay nag-uulat nito sa ganitong paraan. Ito ang daloy ng Banal na Espiritu!” Makikilatis ba ninyo ang pahayag na ito? Ang pag-uulat ng mga huwad at gawa-gawang bilang ay malinaw na isang pagtatangkang linlangin ang Diyos. Paanong posible itong maging daloy ng Banal na Espiritu? Isa itong masamang kalakaran. Hindi kailanman sinabi ng Banal na Espiritu sa mga tao na magsinungaling o mag-ulat ng mga huwad na bilang; mga diyablo lang ang makapagsasabi ng gayong mga bagay. Makikilatis ba ninyo ito? Dahil nagawa ng huwad na lider na iyon na magbitiw ng gayong mga walang katuturang salita, hindi siya isang normal na tao; ang huwad na lider na iyon ay nabibilang din sa kategorya ng mga diyablo. Matatalos ba ninyo ang usaping ito? Makikilatis ba ninyo na ang gayong mga salita ay sinasalita ng mga diyablo? Tanging mga diyablo at mga Satanas ang makapagsasabi ng gayong mga bagay. Kung hindi ninyo matalos ang usaping ito, kung gayon ay labis kayong nagkukulang sa pagkilatis. Kung hindi ito matalos ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop, medyo mapagpapaumanhinan pa iyon, dahil hindi sila tao; wala silang espiritu ng tao. Kung tunay kang may pagkilatis at kaya mong matalos ang usaping ito, natupad mo na ba ang iyong responsabilidad? Tumindig ka ba para pigilan at ilantad ang usaping ito? Ipagpalagay na sinabi mo, “Natalos ko na ito, ngunit walang gaanong bigat ang aking mga salita dahil sa hamak kong katayuan, at ako ay mahina at nag-iisa; hindi ako nangangahas na pigilan o ilantad ito!” Kung gayon, isa kang walang-silbing duwag! Hindi ka naging matatag at hindi ka nanindigan sa iyong patotoo; hindi ka tapat na lingkod ng Diyos, hindi mo natupad ang responsabilidad ng isang tao. Isa ka lang taong magulo ang isip, isang walang-silbing duwag. Sabihin ninyo sa Akin, gusto ba ng Diyos ang mga walang-silbing duwag? (Hindi.) Ipinagkakaloob sa iyo ng Diyos ang buhay, tinutustusan ka Niya ng katotohanan, at pinoprotektahan ka Niya mula sa pinsala ni Satanas sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ngunit lumalabas na hindi mo tinatanggap ang katotohanan at sa halip ay sinusunod mo si Satanas sa paggawa ng masama, namumuhay sa gitna ng mga diyablo at hinahayaang pinsalain ka ni Satanas. Malinaw mong nakikita ang mga tunay na mukha ng mga Satanas, ngunit hindi mo sila inilalantad. Paghahanap iyan ng gulo; nararapat lang sa iyo na maloko ni Satanas. Tinutustusan ka ng Diyos ng katotohanan upang lumago ka sa pagkilatis. Kung mayroon kayong pagkilatis ngunit nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ka pa rin, hindi tumitindig para ilantad ang mga huwad na lider at mga anticristo, kung gayon ay isa kang walang-silbing duwag! Hindi mo natupad ang responsabilidad na dapat tuparin ng isang tao; nagpapabaya ka sa iyong responsabilidad, isa kang basura, isang walang-silbing duwag, isang palamunin, isang walang-kuwentang tao! Ang pagpipilit ng mga diyablo sa mga tao na mag-uulat ng mga huwad na bilang sa pangangaral ng ebanghelyo—ang gawaing ito ay dapat na halatang-halata at hindi mahirap kilatisin. Ipagpalagay na may isang taong sumipa sa iyo o sumuntok sa iyo. Hindi mo alam kung bakit ka niya ginaganito at hindi mo makilatis kung ano ang ibig niyang sabihin dito. Pagkatapos ay sinaksak ka niya sa leeg gamit ang isang kutsilyo, at saka mo lang napagtanto, “Pinagtatangkaan niya akong patayin!” Sabihin mo sa Akin, gaano ka ba kahangal? Sinipa ka niya nang may mapaminsalang intensyon, ngunit hindi mo man lang masabi na siya ay isang masamang tao, at sinusubukan mo pa ring mangatwiran sa kanya, “Hindi naman kita inagrabyado, bakit mo ako sinisipa? Mayroon ka bang anumang pagkatao?” Kung sinipa ka niya nang walang dahilan, hindi ba’t isa siyang masamang tao? Mayroon bang anumang silbi ang pakikipangatwiran sa isang masamang tao? Kung sasalakayin ka niya gamit ang isang kutsilyo, huli na ang lahat para sa mga pagsisisi. Sa oras na sumigaw ka para humingi ng tulong, huli na ang lahat; tapos na ang buhay mo. Tingnan mo kung gaano kababa ang iyong tayog, kung gaano ka kahangal! Kapag nakakatagpo ng mga Satanas, dapat kang magkusa na sumalakay, huwag kang maging pasibo. Kung palagi kang pasibo, tumutugon lang at sumisigaw sa Diyos na iligtas ka kapag malapit nang kunin ng mga Satanas ang iyong buhay, iyan ay masyadong pasibo, masyadong mapurol ang isip! Hindi gusto ng Diyos ang gayong mga tao.

May ilang taong nag-uulat ng mga isyu tungkol sa mga huwad na lider at mga anticristo sa isang labis na paligoy-ligoy na paraan. Hindi sila naglalakas-loob na iulat ang mga ito sa kanilang lokal na iglesia, at sa halip ay pumupunta pa sa mga iglesia sa ibang lugar para gawin ito, dahil natatakot na may isang tao sa kanilang lokal na lugar na ikakalat ang balita, at malalaman ng masasamang tao at pahihirapan sila. Napakababa ng tayog ng mga taong ito. Nananampalataya ka sa Diyos, pero takot na takot ka sa masasamang tao at mga diyablo? Mayroon bang ganoong kalaking kapangyarihan ang mga diyablo? Kaya bang kunin ng mga diyablo ang buhay mo? Nasa mga kamay ba ng mga diyablo ang tadhana mo? Bakit ka takot na takot sa kanila? Masasamang tao lang sila; ano ang magagawa nila sa iyo? Kahit sa pinakamalalang sitwasyon, may mga batas ang bansang ito—ano ang ikinatatakot mo? Hindi ito ang Tsina kung saan nag-aamok ang mga diyablo; isa itong demokratikong bansa na nasa ilalim ng batas. At bukod pa riyan, mayroon kang mga kapatid sa iglesia—ano ang magagawa sa iyo ng masasamang taong iyon? Ganito katakot ang ilang tao sa pag-uulat lang ng mga isyu sa mga lider at manggagawa. Hindi ito problema ng pagkakaroon nila ng kaunting pananalig; ang mga ito ay mga inutil na duwag at lampa na hindi man lang karapat-dapat na mabuhay! Sayang lang sa iyo ang hiningang ibinigay ng Diyos; mas mabuti pang ibinigay na lang ito sa isang hayop. Maging ang isang hayop, kapag ginipit, ay kayang mangagat ng tao. Buhay ka pero wala ka man lang kahit kaunting katatagan ng loob; masyado kang duwag! Bagama’t hindi naglalakas-loob ang ilang tao na labanan nang harapan ang masasamang tao kapag nakakaharap nila ang mga ito, gumagamit sila ng karunungan para pangalagaan ang gawain ng iglesia. Iniuulat nila ang mga isyu ng masasamang tao sa mga nakatataas at nakikipagsanib-puwersa sa mga nagmamahal sa katotohanan para tanggalin ang masasamang taong iyon sa kanilang mga puwesto. Mayroon silang ganitong uri ng determinasyon: “Isa kang masamang tao, pero hindi ako takot sa iyo. Hindi kita hahayaang gumawa ng masama para guluhin at sirain ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi kita hahayaang magtagumpay. Itataya ko ang buhay ko para labanan ka—ano ang magagawa mo sa akin? Sa pinakamalala, kukunin mo ang buhay ko, pero hangga’t may hininga ako, lalabanan kita hanggang sa huli!” Mayroon ka bang ganitong pananalig? Walang ganyang pananalig ang mga walang-silbing duwag na iyon. Kapag nakikita nilang ginugulo ng mga diyablo ang gawain ng iglesia, alam nila sa kanilang puso na mali ito, na ang mga ito ay mga diyablo at anticristo na gumagawa ng masama. Pero iniisip nila, “Hindi ko sila puwedeng ilantad o iulat; hindi ako dapat magdulot ng gulo sa sarili ko. Mas kaunting gulo, mas mainam; napakahalaga na protektahan ko ang sarili ko. Kung mapatalsik ako sa iglesia ng masasamang tao dahil sa paglalantad sa kanila, at mawalan ako maging ng pagkakataong manampalataya sa Diyos at makamit ang kaligtasan, at hindi ko man lang magawa ang tungkulin ko, hindi ba’t ganap na akong natiwalag?” Hindi sila naglalakas-loob na ilantad ang masasamang tao, dahil sa labis na takot sa paghihiganti ng mga ito. Kaya, kapag marahas na sinusupil at inuusig ng malaking pulang dragon ang hinirang na mga tao ng Diyos, tiyak na natatakot din sila, at kung maaaresto, tiyak na magiging mga Hudas sila at ipagkakanulo ang Diyos. Kaya, kung takot ka sa masasamang tao sa iglesia, at hindi ka naglalakas-loob na ilantad sila kapag nakikita mo silang gumagawa ng masama, hindi ba’t pagsuko ito kay Satanas? Tinutustusan ka ng Diyos ng katotohanan, binibigyan ka Niya ng pananalig, at pinrotektahan ka Niya at pinanatiling buhay hanggang ngayon. Hinihinga mo ang hiningang ibinigay sa iyo ng Diyos, tinatamasa mo ang katotohanang itinutustos Niya sa iyo, at tinatamasa mo ang Kanyang biyaya. Mayroon kang napakagandang mga kondisyon ng buhay iglesia at namumuhay ka nang labis na maginhawa. Pero kapag may masasamang taong nagdudulot ng mga panggugulo sa sambahayan ng Diyos, nakikita mo ito at nakikilatis mo ito, pero hindi ka naglalakas-loob na magsalita ng kahit isang salita, hindi ka man lang naglalakas-loob na huminga nang malakas—anong uri ka ng nilalang? Hindi ka man lang karapat-dapat na mabuhay! Hindi mo inuulat ang mga isyu sa iyong lokal na iglesia sa mga lokal na lider, kundi sa halip ay pumupunta ka pa sa mga iglesia sa ibang lugar para iulat ang mga ito. Sa ganitong uri ng makitid at duwag na pag-iisip, makakagawa ka ba ng mga dakilang bagay? At sinasabi mo pa na gusto mong magpatotoo sa Diyos at maging isang mananagumpay—wala kang kuwenta, mas masahol ka pa sa isang hayop! Maging ang isang aso ay alam kung paano protektahan ang amo nito. Kapag may dumating na estranghero, tumatahol ang aso nang buong lakas, dahil natatakot na manganib ang kaligtasan ng amo nito. Ang ilang aso ay hindi malalaki at kayang patumbahin sa isang sipa lang, pero hindi sila natatakot at tumatahol pa rin nang buong lakas—ginagawa nila ito para protektahan ang kanilang mga amo. Itinatataya pa nga ng ilang aso ang buhay nila para protektahan ang kanilang mga amo. Ang mga taong ito ay wala man lang kahit kaunting pananalig na ito at hindi kasingtapat ng isang asong bantay sa amo nito—lahat sila ay mga walang kuwentang buhong! Malaya nilang tinatamasa ang biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang isinusukli, at itinuturing pa ngang dapat lang na mahalin ng Diyos ang mga tao at kahabagan sila. Kapag nakikita nilang ginugulo at sinasabotahe ang gawain ng iglesia, hindi sila nababagabag sa kanilang puso. Nangangahulugan itong mas masahol pa sila sa isang hayop, malayong mas masahol kaysa sa isang asong bantay. Ano ang dapat mong gawin kapag muli kang makaharap ng mga diyablo sa hinaharap? Kung hindi mo sila matalos, at hindi mo alam kung anong masasamang bagay ang binabalak nilang gawin kapag ngumingiti sila, o kung anong buktot na mga intensyon ang nakatago sa tingin ng kanilang mga mata, puwede mo muna silang obserbahan. Maghanap ka ng isang mapagkakatiwalaang tao para pangasiwaan sila, at tingnan mo kung ano ang sinasabi at ginagawa nila nang palihim, at kung ano ang pinaplano nila kasama ng kanilang mga kasabwat. Dapat mong sugpuin sa simula pa lang ang lahat ng kanilang mga balak at pakana, hindi sila hinahayaang magtagumpay, at hindi pinapahintulutang dumanas ng kawalan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. May ganitong uri ng determinasyon ang ilang tao: “Dapat kong bantayan nang maayos ang tarangkahan ng sambahayan ng Diyos, dapat akong maging isang mabuting asong bantay. Hindi ko alam kung paano haharapin ng iba ang usaping ito, pero para sa akin, hindi ko ito palalampasin; lalabanan ko ang mga diyablo hanggang sa huli!” Ito ang tinatawag na katapatan sa Diyos; hindi ito pagtatangka na patunayan kung gaano sila kahusay. “Aasa ako sa Diyos para gawin ito; walang pagkakataon ang sinumang diyablo na makapamayani o magtagumpay kapag narito ako! Babantayan ko ang tarangkahan para sa sambahayan ng Diyos, poprotektahan ko ang mga kapatid, poprotektahan ko ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at pangangalagaan ko ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Walang pagkakataon ang sinuman na magdulot ng mga panggugulo o makibahagi sa pananabotahe—kung makikita ko ang sinumang gumagawa ng mga bagay na iyon, hindi ako magiging maluwag sa kanila. Kung dapat silang tanggalin, tatanggalin sila, kung dapat silang patalsikin, papatalsikin sila, at kung dapat silang paalisin, paaalisin sila. Hinding-hindi ako mag-aatubili!” Mayroon ba kayong ganitong pananalig? (Mayroon.) Kung medyo mahusay ka pagdating sa pakikipaglaban sa mga tao o hayop, pero kapag kailangan mo nang labanan ang mga diyablo, nagiging kimi at takot ka, at nababahagag ang buntot mo, kung gayon ay sinasabi ng Diyos na tapos ka na, wala kang kuwenta, hindi mo makakamit ang katotohanan, at hindi mo matatamo ang kaligtasan. Ang pakikipaglaban sa mga diyablo ay isang tunay na labanan; isa itong labanan para magpatotoo sa Diyos. Isa itong labanan na dapat kaharapin ng mga mananagumpay, mga banal, at mga tagasunod ng Diyos, ang paninindigang dapat nilang taglayin, at ang determinasyon at pasyang dapat na mayroon sila. “Labanan ang mga diyablo hanggang sa huli! Sila o ako! Hinding-hindi ako matatakot, hinding-hindi ako uurong, at hinding-hindi ako panghihinaan ng loob!” Mayroon ba kayong ganitong determinasyon? (Ngayon ay mayroon na kami.)

Masyadong mababa ang tayog ng ilang indibidwal. Kapag nakakaharap sila ng mga taong may kapangyarihan at katayuan, lalo na iyong mga mukhang mabangis, sanay na at sukdulang tuso, pati na rin iyong mga lihim na mapanira at madaya, nakakaramdam sila ng takot sa kanilang puso. Kahit na alam na alam nilang mga diyablo ang mga taong ito, iginigiit pa rin nilang purihin, suyuin, at pagbigyan ang mga ito, at hindi sila naglalakas-loob na salungatin ang mga ito kahit kaunti, lalo pa ang ilantad ang mga ito. Kapag nakikita nila ang mga diyablo at mga Satanas, hindi sila naglalakas-loob na magtaguyod ng anumang mga prinsipyo, ni wala silang anumang kagandahang-asal ng isang banal. Sinasabi pa nga ng ilan, “Dapat tayong makibagay sa mga taong ito at bumuo ng magandang relasyon sa kanila, kung hindi ay hindi makakausad ang gawain ng iglesia.” Malinaw na walang anumang mabuting layunin ang mga taong ito sa sambahayan ng Diyos, at malinaw na sila iyong mga inilarawan bilang mga diyablo at anticristo, at iyong mga dapat patalsikin o paalisin, pero kinukunsinti sila ng ilang indibidwal. Pakiramdam ng mga indibidwal na ito ay hindi nila kayang talunin ang mga taong iyon; sila ay natatakot at nasisindak sa kanilang puso, nag-aalala sa sarili nilang sitwasyon, at nag-aalala na ihiwalay o pag-initan sila ng mga ito. Wala silang karunungan para harapin ang mga ito, wala silang sapat na tayog para labanan ang mga ito, at paulit-ulit silang umurong, at paulit-ulit na sumusuko at nakikipagkompromiso. Bilang resulta, lumilipas ang tatlong buwan, pagkatapos ay anim na buwan, at ang gawain ng iglesia ay humahantong sa pagkaparalisa, at ang buhay iglesia ay humahantong sa kaguluhan. Malinaw nilang nakikita ang masasamang tao at mga diyablong ito na nagdudulot ng mga panggugulo, nakikita nila ang mga lokal na maton na ito na naghahari-harian sa iglesia, pero hindi sila naglalakas-loob na ilantad o pangasiwaan ang mga ito, dahil natatakot na madamay ang sarili nilang kaligtasan, katayuan, reputasyon, at mga interes. Paanong naging napakahalaga ng iyong katayuan, reputasyon, at personal na kaligtasan? Hindi ba’t mas mahalaga ang anumang aytem ng gawain sa sambahayan ng Diyos kaysa sa maliit na buhay mong iyan? Kahit pa, sa pinakamalalang sitwasyon, ay malagay ka sa ilang panganib dahil sa katapatan sa Diyos, hindi ba’t poprotektahan ka ng Diyos? Kung gagamit ka ng karunungan at kikilos ka ayon sa mga prinsipyo para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ibibigay ka ba ng Diyos sa mga Satanas para abusuhin ka nila at lubhang saktan kapag gusto nila? (Hindi.) Labis na pinahahalagahan ng Diyos ang ganitong uri ng tao, sobra-sobra ang pagpapahalaga Niya sa kanila; paano ka Niya ibibigay sa mga Satanas? Masyadong maliit ang pananalig mo. Katulad ka lang ni Pedro noon—tinawag siya ng Panginoong Jesus mula sa dagat, sinasabing, “Halika,” na nangangahulugang dapat lumakad si Pedro sa dagat na para bang ito ay patag na lupa, pero habang mas naglalakad si Pedro, lalo siyang natatakot, at nawalan siya ng pananalig sa Diyos. Kung hihilingin sa iyo ng Diyos na lumapit, nangako na Siya sa iyo at tiyak na kaya ka Niyang protektahan; hindi Niya hahayaang makaranas ka ng panganib. Kahit pa nasa panganib ang buhay mo, paano mo dapat harapin ito? Hindi ba’t dapat kusang-loob mong ipagkatiwala ang iyong buhay sa Diyos? Ano ba ang problema roon? Ganoon ba talaga kahindik-hindik ang mga diyablo? Sinusupil at inaaresto ng malaking pulang dragon ang mga mananampalataya, pero nagagawa mong magpursigi sa iyong pananalig; hindi ka nasisindak ng gayon kalupit na kapaligiran. Gayumpaman, kapag may ilang maliit na diyablong lumitaw sa iglesia, labis kang natatakot na agad na nababahag ang iyong buntot, at napipilitan kang sundan sila sa paggawa ng masama. Hindi ba’t pagkawala ito ng iyong patotoo? (Oo.) Masasabing ang pagtatagumpay ng mga diyablo sa ilang iglesia at sa ilang partikular na kapaligiran ng gawain, na nagdudulot ng gayong kaguluhan sa gawain ng iglesia at iniiwan itong magulo gaya ng nais nila, na humahantong sa pagkukulang ng mga kapatid ng angkop na kapaligiran para sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, ay may kaugnayan sa ilang taong nakakatalos sa mga diyablong ito pero hindi tumitindig para labanan ang mga ito, at sa halip ay nakikipagkompromiso sa mga diyablo at Satanas na ito para protektahan ang sarili nila. Masasabing sinasadya ng mga taong ito na hayaan ang mga diyablo na gumawa ng masama at guluhin ang gawain ng iglesia. Kung nakikilatis mo ang mga diyablong gumugulo sa gawain ng iglesia pero hindi mo sila nilalabanan o inilalantad, hindi ba’t pagpapahintulot ito sa mga diyablo na gumawa ng masama? Kung, sa sandaling matuklasan mo ang mga diyablong gumagawa ng masama, ay agad mo silang ilalantad, papangasiwaan, at pipigilan, mababawasan ang mga kawalan at maiibsan ang kaguluhan sa isang antas. Hindi ba’t kapaki-pakinabang ito kapwa sa gawain ng sambahayan ng Diyos at sa buhay pagpasok ng mga kapatid? Kaya bakit hindi mo ito ginagawa? Kung hindi mo ito gagawin, wala kang katapatan sa Diyos. Ikaw man ay isang lider o manggagawa sa anumang antas, o isang ordinaryong tagasunod, hangga’t natatalos mo ang mga diyablong gumagawa ng masama at gumugulo sa gawain ng iglesia pero hindi mo sila inilalantad para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kung gayon ay hindi ka nanindigan sa iyong patotoo, isa kang taong magulo ang isip, at hindi ka karapat-dapat na mabuhay! Hindi mo natupad ang responsabilidad ng isang tao, kaya hindi ka karapat-dapat na hingahin ang hiningang ibinigay sa iyo ng Diyos. Nauunawaan ba ninyo? (Nauunawaan namin.) Ano ang dapat gawin ng mga tao sa usaping ito? Anuman ang uri ng diyablong kaharap mo—sila man ay lihis, lihim na mapanira, walang awa, o tuso—at anuman ang layunin nila, hangga’t nakikita mo silang gumugulo sa gawain ng iglesia at nakikilatis mo ito, dapat kang tumindig para ilantad at pigilan sila. Dito nakasalalay ang iyong responsabilidad. Sinasabi ng ilan, “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin para pigilan sila.” Kung gayon ay manalangin ka sa Diyos at harapin mo sila gamit ang matatalinong pamamaraan. Sa ngayon, huwag mo silang galitin; huwag mo silang galitin sa pamamagitan ng direktang paglalantad sa kanila. Sa halip, subukan mo ang lahat ng paraan para pigilan silang magtagumpay sa kanilang mga pakana at layunin. Una, pangalagaan mo muna hangga’t maaari ang gawain ng iglesia at tiyaking napoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Pagkatapos, maghanap ka ng pagkakataon para kumonsulta sa mga nakakaunawa sa katotohanan, o sa mga lider at manggagawa, tungkol sa pinakaangkop na paraan para pangasiwaan ang diyablo. Dapat gawin ang gawaing ito nang may karunungan. Sa isang banda, dapat mong labanan si Satanas, pigilan ang masasamang gawa ng mga Satanas at diyablo, tulungan ang mga kapatid na magkamit ng pagkilatis, at protektahan ang mga kapatid pati na rin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa kabilang banda, dapat mo ring protektahan ang iyong sarili hangga’t maaari. Kung talagang kinakailangang harapin mo ang panganib o paghihirap, dapat mo itong gawin bilang tungkulin na obligasyon mo, nang hindi isinasaalang-alang ang sarili mong labasan o kaligtasan. Ito ay dahil sa mga pangangailangan ng gawain ng iglesia at narito ang iyong responsabilidad. Dapat mo itong gawin, at nararapat mo itong gawin; kung hindi, hindi ka magiging karapat-dapat sa buhay na ibinigay sa iyo ng Diyos, at sa panustos na ibinibigay Niya sa iyo sa loob ng napakaraming taon. Hindi ba’t ganoon nga? (Oo.) Dapat taglayin ng lahat ang gayong paninindigan pagdating sa pagtrato sa mga diyablo. Isa kang nilikhang ginawa ng kamay ng Diyos. Kabilang ka man sa kategorya ng mga tao o sa ibang kategorya ng mga nilalang na may buhay, hangga’t ang kasalukuyan mong pagkakakilanlan ay tao, isang nilikhang tao, dapat mong pasanin ang mga responsabilidad ng isang nilikhang tao, hindi mo puwedeng takasan ang mga ito. Ipagpalagay na alam mong may isang taong nagnanakaw ng mga handog pero wala kang pakialam at hindi ka nagtatanong tungkol dito, sinasabing, “Takot akong sumalungat sa kanila. Kung ilalantad ko sila at sasalungat ako sa kanila, hindi lang nila ako pahihirapan nang patalikod, kundi hindi rin nila ito palalampasin kailanman. Masama silang tao! Hindi ako naglalakas-loob na ilantad o iulat sila!” Kung gayon, tapos ka na, isa kang walang-silbing duwag, at nabigo kang tuparin ang iyong responsabilidad. Kaya, ano ang dapat mong gawin kung gusto mong tuparin ang iyong responsabilidad? Maghanap ka ng pagkakataon na sumulat ng isang mensahe sa iyong lider, huwag mong lagdaan ng iyong pangalan, at malinaw na isalaysay ang mga katunayan para malaman ng lider at para maagap niyang mapangasiwaan at mapigilan ito, at sa gayon ay maprotektahan ang mga handog mula sa mga kawalan. Hindi kailangang malaman ng lider kung sino ang nag-ulat nito; sapat nang alam ito ng Diyos. Kaya, ano ang prinsipyong dapat itaguyod sa usapin ng pagprotekta sa mga handog? Ano ang tamang mentalidad? Ito ay ang protektahan ang mga handog mula sa mga kawalan at huwag hayaang magtagumpay ang masasamang tao. Ito ang iyong responsabilidad. Hindi hinihiling ng sambahayan ng Diyos sa lahat na malagay sa panganib para protektahan ang mga interes nito, para protektahan ang mga kapatid, para pangalagaan ang gawain nito, at para protektahan ang mga handog sa Diyos; hindi nito hinihiling sa inyong lahat na magkasala sa ibang tao o ilagay ang inyong sarili sa mahihirap na sitwasyon para dito. Hindi iyan ang ibig sabihin ng sambahayan ng Diyos. Kung takot ka sa masasamang tao o na salungatin ang mga tao, puwede mong iulat ang mga isyu nang hindi nagpapakilala; puwede mo ring ilantad ang masasamang tao at mga diyablo nang hindi nagpapakilala. Sa ganoong paraan, bagama’t hindi mo inilagda ang iyong pangalan, natupad mo pa rin ang iyong responsabilidad at obligasyon, at hindi mo tinalikuran ang iyong responsabilidad. Kung magagawa mo ito, hindi ka nagpabaya sa iyong responsabilidad. Ito ay dahil mayroon kang ganitong puso, nararamdaman mong narito ang iyong responsabilidad, at na dapat mong tuparin ang responsabilidad na ito, pinangangalagaan ang gawain ng sambahayan ng Diyos at pinoprotektahan ang mga interes nito. Isa itong mabuting gawa, at tatandaan ito ng Diyos. Narito ang malinaw na katotohanan para sa inyo: Walang nakatakdang paraan para sa pakikipaglaban sa mga diyablo; ang magawang talunin ang mga diyablo, pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, protektahan ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, protektahan ang buhay iglesia, at pangalagaan ang buhay pagpasok ng mga kapatid—ito ang pinakamataas na prinsipyo. Nauunawaan ba ninyo? (Nauunawaan namin.) Walang nakatakdang paraan para sa pakikipaglaban sa mga diyablo; puwede mong gamitin ang paraan ng pagpupungos sa kanila, puwede mong gamitin ang paraan ng paglalantad sa kanila, at siyempre, puwede mo ring gamitin ang paraan ng pagtatanggal sa kanila at pagtatalaga sa kanila sa ibang tungkulin, pati na rin ang paraan ng pakikipag-usap sa kanila at pag-aalo sa kanila para mapahinahon sila—gamit ang iba’t ibang matatalinong pamamaraan para limitahan ang mga diyablo habang kasabay nito ay pinangangalagaan ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia. Ito ay pagiging madunong. Alam mo sa iyong puso na ang mga taong ito ay mga diyablo, at na paano mo man sila tratuhin, hindi ito mali, dahil hindi sila mga tunay na kapatid, hindi sila mga tunay na tao, at hindi sila pinili ng Diyos. Pumarito sila sa sambahayan ng Diyos bilang mga alipin ni Satanas para guluhin ang iglesia. Dapat ay mayroon kang ganitong saloobin sa mga diyablo: “Kung pumarito ka para magdulot ng mga panggugulo, hindi ako magiging maluwag sa iyo. Kung pumarito ka para makibahagi sa pananabotahe, hinding-hindi iyan pinapayagan! Kung hindi ka magdudulot ng mga panggugulo o makikibahagi sa pananabotahe, at tatahimik ka lang sa isang sulok sa iglesia, hindi kita papansinin. Pero sa sandaling kumilos ka o magsalita, nagbabalak na gumawa ng masama, hindi ako magiging maluwag sa iyo! Anumang masasamang bagay ang gusto mong gawin, anumang mga maling kaisipan ang gusto mong ikalat, kailangan mo munang dumaan sa akin—tingnan natin kung palalampasin kita o hindi. Kung hindi, huwag mo nang isipin man lang na guluhin ang gawain ng iglesia!” Ito ang saloobin at prinsipyong dapat taglayin ng mga tao sa kung paano nila tinatrato ang mga diyablo, at ito rin ang patotoong dapat taglayin ng mga tao.

Bakit ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at tinutustusan ang mga tao ng katotohanan? Ito ay para makamit ng mga mananampalataya sa Diyos ang katotohanan bilang kanilang buhay, at para makilatis ng mga tao ang mga diyablo, mapaalis ang mga diyablo, at lubusang maghimagsik laban kay Satanas, ang masamang diyablo. Napakarami nang katotohanang narinig ng mga tao at napakarami nang panustos ng katotohanan ang natanggap nila, pero sa huli, kapag nakakaharap nila ang mga diyablong gumagawa ng masama at nagdudulot ng mga panggugulo, nabibigo silang kilatisin ang mga ito. May ilang taong may kaunting pagkilatis sa mga diyablo pero hindi naglalakas-loob na ilantad ang mga ito, at lalo nang hindi naglalakas-loob na pangasiwaan ang mga ito—ang mga ganitong uri ng tao ay mga walang-kuwenta. Wala kang patotoo, at hindi ka nanindigan sa panig ng Diyos—sinaktan mo ang puso ng Diyos. Ang layunin ng paghahangad at pag-unawa ng mga tao sa katotohanan ay para iwasan nila ang mga diyablo, tanggihan ang mga diyablo, at magawang makamit ang tunay na pagpapasakop sa Diyos, manindigan sa panig ng Diyos, at tuparin ang ibinigay na gawain ng Diyos. Pagdating sa mga diyablo, kapag may natutuklasang isang diyablo, paalisin ang isang iyon, at kapag may natuklasang dalawa, paalisin ang dalawang iyon, para manatiling dalisay ang iglesia. Sa ganitong paraan, lubusang mapapahiya si Satanas at ang mga diyablo at hindi na nila magagawang guluhin ang gawain ng iglesia. Wala na tayong pakialam sa kung paano sila nagdudulot ng mga panggugulo sa sekular na mundo; kung anong mga ilegal na gawain ang ginagawa nila, kung anong masasamang bagay ang ginagawa nila, at kung sino ang kinakalaban nila sa sekular na mundo ay walang kinalaman sa atin. Hindi tayo nakikialam dito ni nag-uusisa tungkol dito, at wala rin tayong pakialam dito. Pero mayroon lang isang bagay: Ang pagdudulot nila ng gayong mga panggugulo sa sambahayan ng Diyos ay hindi pinahihintulutan, at dapat silang pangasiwaan, pigilan, at paalisin. Una, dapat manguna ang mga lider at manggagawa sa paggawa ng gawaing ito; dapat nilang ituring ito bilang kanilang hindi matatakasang responsabilidad. Pangalawa, ang lahat ng superbisor, lider ng pangkat, at ordinaryong mga kapatid ay dapat magtaglay ng ganitong tayog at magkaroon din ng ganitong patotoo. Sinasabi ng ilang tao, “Naglulunsad ba ng anumang uri ng kilusan ang sambahayan ng Diyos? Pagpapahirap ba ito sa mga tao?” Hindi ito pagpapahirap sa mga tao; ito ay pagpapahirap sa mga diyablo. Ang pagpapahirap sa mga diyablo ang dapat gawin; hindi natin pinahihirapan ang mga tao. May mga pagbubunyag ng katiwalian ang mga kapatid, pero sila ay mga normal na tao, at mayroon silang konsensiya at katwiran, pati na rin mga pinakapangunahing pamantayan sa kanilang mga kilos at sariling asal. Kahit na medyo mahina ang paghahangad nila sa katotohanan at ang buhay pagpasok nila, at mababa ang tayog nila at hindi masyadong nagtataglay ng katotohanang realidad, dapat tayong maging mapagparaya at mapagpasensiya sa kanila, tratuhin sila nang tama, at pangasiwaan sila ayon sa mga prinsipyo. Pero iba ang prinsipyo sa kung paano tratuhin ang mga diyablo. Kung handa silang magserbisyo, puwede natin silang gamitin para magserbisyo. Kung ayaw nilang magserbisyo, dapat natin silang pangasiwaan sa pamamagitan ng pagpapaalis sa kanila; hindi tayo dapat maging maluwag sa kanila kahit kaunti! Ito ang prinsipyo sa pagtrato sa mga diyablo. Kapag may mga kahinaan o pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon ang mga kapatid, puwede silang patawarin at pagpaumanhinan, at tratuhin nang may pagpaparaya at pag-unawa. Pero ang mga diyablo ay hindi mga kapatid. Kung nagsasabi lang sila ng ilang negatibo o iresponsableng bagay, pero hindi sila nagkakalat ng mga maling pananampalataya o maling kaisipan para ilihis ang mga tao, at hindi sila nagdulot ng anumang mga paggambala o panggugulo, puwede silang palampasin, at puwede kang magbulag-bulagan sa kanila. Kung makita mong malapit na silang magdulot ng ilang problema at gumawa ng masama, at umaabot na ito sa isang partikular na antas, dapat silang ilantad at limitahan. Kung hindi sila malimitahan, direktang paalisin sila. Iniisip ng mga diyablo na madaling lugar ang iglesia para iraos ang mga bagay-bagay; iniisip nila na kahit sino ay puwedeng maghasik ng kaguluhan sa iglesia, tulad lang sa lipunan. Mali sila sa pag-iisip sa ganitong paraan. Ang iglesia ay isang lugar para sa hinirang na mga tao ng Diyos na hangarin ang katotohanan at makamit ang kaligtasan, hindi isang lugar para sa mga diyablo na maghasik ng kaguluhan, ni isang lugar para sa mga diyablo na isagawa ang sarili nilang mga gawain o tuparin ang sarili nilang mga pangarap, at lalong hindi ito isang lugar para sa mga diyablo na tugunan ang kanilang mga ambisyon at pagnanais. Sa sandaling malantad na ng mga diyablo ang kanilang sarili at malapit na nilang isagawa ang sarili nilang mga proyekto, itatag ang sarili nilang nagsasariling kaharian, at guluhin at sirain ang gawain ng iglesia—sa sandaling lumabas na ang kanilang sungay—ano ang dapat mong gawin sa panahong ito? Kumilos ayon sa mga prinsipyo; dapat tumindig ang mga kapatid at labanan ang mga diyablong ito, at hinding-hindi sila dapat magpakita ng awa o maging maluwag. Kung palagi kang maluwag sa mga diyablo, nagiging malupit ka sa iyong sarili. Palagi nilang inililihis at ginugulo ang mga tao sa iglesia, at sinasabotahe ang gawain ng iglesia. Sa gayong mga sitwasyon, ang pananalig at kaalaman sa Diyos na natamo mo sa loob ng maraming taon ng pananampalataya ay mauubos sa loob lang ng ilang araw sa pamamagitan ng panlilihis at panggugulo ng mga diyablong ito. Samakatwid, kung gusto mong makamit ang katotohanan, dapat kang maagap na tumindig para labanan at makipagtunggali sa mga diyablo. Kapag nakita mong ganap nang nalantad ang kanilang sungay at nabunyag na ang kanilang pangit na mukha, dapat mo silang ilantad at ilarawan ang kanilang diwa, at pagkatapos ay alisin sila. Hindi ba’t ito ang dapat gawin ng hinirang na mga tao ng Diyos at ang responsabilidad na dapat nilang tuparin? (Oo.) Ito mismo ang patotoong dapat taglayin ng mga mananagumpay. Dapat itong maunawaan ng lahat at hindi kailanman kalimutan. Ang hindi pagkatakot sa mga Satanas at diyablo ay hindi nangangahulugan ng paglayo sa kanila bilang isang pormalidad, sa halip ay nangangahulugan ito ng pagtindig para labanan ang mga diyablo sa harap ng malalaking isyu ng tama at mali, sa harap ng mga usapin ng prinsipyo, sa usapin ng pagpili ng landas ng isang tao, at sa mga usaping may kinalaman sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, pinipigilan ang kanilang masasamang gawa, pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at pinangangalagaan ang normal na kapaligiran para magampanan ng mga kapatid ang kanilang mga tungkulin. Ito ang obligasyon ng bawat isa sa hinirang na mga tao ng Diyos.

Hindi ba’t halos natapos na natin ang ating pagbabahaginan tungkol sa dalawang pagpapamalas na ito—ang likas pagsisinungaling at pagkalihis—ng mga may diwa ng isang diyablo? Malinaw ang pananaw at paninindigang dapat taglayin ng mga tao sa ganitong uri ng tao, at malinaw rin ang mga responsabilidad na dapat nilang tuparin. Kaya, anong isyu ang susunod ninyong kakaharapin? Ito ay kung paano kunin ang mga pagpapamalas at pagbubunyag na napagbahaginan na natin at itugma ang mga iyon sa mga taong ito, at pagkatapos ay kilatisin sila, at matalos ang diwa ng ganitong uri ng tao. Sa sandaling magkaroon na kayo ng pagkilatis, magiging malinaw sa puso ninyo kung ano ba talaga ang mga katangian ng iba’t ibang uri ng mga tao, magiging mas tumpak ang inyong mga prinsipyo sa kung paano tratuhin ang mga tao, at hindi na kayo gagawa ng mga hangal o mangmang na bagay, o mababawasan na ang paggawa ninyo sa mga iyon. Hanggang dito na lang ang pagbabahaginan natin sa araw na ito. Paalam.

Enero 27, 2024

Sinundan:  Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)

Sumunod:  Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (14)

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger