Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (2)
May ilang panahon na rin nating tinatalakay ngayon ang unang pangunahing aytem ng pagsasagawa ng kung paano sikaping matamo ang katotohanan, ang “pagbitiw.” Noong nakaraan ay nagbahaginan tayo tungkol sa ikatlong aytem hinggil sa “pagbitiw”—pagbitiw sa mga hadlang sa pagitan ng sarili nila at ng Diyos, at sa pagkamapanlaban nila sa Diyos—na isang bagong-bagong nilalaman. Hindi lang iisa ang aspekto ng nilalamang ito; kinabibilangan ito ng maraming aytem at maraming nilalaman. Ang mga nilalamang ito ang dinaranas ng mga tao sa proseso ng gawain ng Diyos, at ang mga ito ay direktang nauugnay sa mga buhay at paghahangad ng mga tao, kaya ang unang aspekto na dapat talaga natin pagbahaginan ay ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao tungkol sa Diyos. Isa itong paksa na hindi maiiwasan ng mga tao sa proseso ng paglakad sa landas ng pananampalataya sa Diyos. Nakipagbahaginan Ako sa bahagi ng nilalamang ito noong nakaraan. Maaari bang may magsabi sa atin kung ano ang partikular Kong ibinahagi. (Noong nakaraan, nakipagbahaginan ang Diyos tungkol sa pagbitiw sa mga hadlang sa pagitan ng sarili nila at ng Diyos, at sa pagkamapanlaban nila sa Diyos. Unang inilantad ng Diyos ang ating mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa gawain ng Diyos. Halimbawa, may mga kuru-kuro at imahinasyon tayo tungkol sa araw ng Diyos, at naniniwala rin tayo na ang gawain ng Diyos ay labis na mahiwaga at na hangga’t ang Banal na Espiritu ay gumagawa at umaantig sa mga tao, magagawa ng mga tao na malutas ang anumang mga problema at mababago ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Habang inilalantad ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito, sinabi sa atin ng Diyos na ang mga resultang nilalayon niyang makamit sa Kanyang gawain ay ang isagawa ang Kanyang mga salita sa atin, para kapag sumapit sa atin ang mga bagay sa ating pang-araw-araw na buhay, magagawa nating magsagawa nang ayon sa mga salita ng Diyos at mga katotohanang prinsipyo—ito ang hinihingi ng Diyos sa bawat isa sa atin.) Sino pa ang makapagdaragdag doon? (Noong nakaraan ay nakipagbahaginan din ang Diyos sa katunayan na naniniwala ang mga tao na hinahatulan sila ng Diyos batay sa kanilang mga pansamantalang pagpapamalas, at iniisip din nila na sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panlabas na regulasyon at panlabas na mabubuting pag-uugali ay pinapalugod nila ang Diyos at kaya nilang magtamo ng kaligtasan—ang mga ito ay pawang mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao. Dagdag pa, kapag ang mga tao ay mahina at nagbubunyag ng pagkamapaghimagsik at katiwalian, naniniwala sila na didisiplinahin at paparusahan sila ng Diyos—isa rin itong kuru-kuro at imahinasyon. Mula sa paglalantad ng Diyos sa mga kuru-kuro at imahinasyong ito ng mga tao, naunawaan natin na ang gusto ng Diyos ay hindi ang panlabas na mabubuting pag-uugali natin, ayaw Niya rin na sumunod tayo sa ilang panlabas na pagsasagawa at regulasyon. Sa halip, umaasa Siya na kapag sumapit sa atin ang mga bagay, nagagawa nating hanapin ang mga katotohanang prinsipyo at makapasok sa katotohanang realidad.) Ang lahat ay may mga ganitong kuru-kuro at imahinasyon sa magkakaibang antas, hindi ba? (Oo.) Bago simulan ng mga tao na sikaping matamo ang katotohanan, o kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan at hindi pa nakakamit ang katotohanan, may tendensiya silang gamitin ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito para bumuo ng mga palagay tungkol sa kung paano gumagawa ang Diyos o para basta-bastang bumuo ng mga kongklusyon tungkol sa paano gagawa ang Diyos. Kasabay nito, may tendensiya rin silang gamitin ang mga palagay na ito para hatulan ang sarili nila, ang sarili nilang kalalabasan, at kung sila ba ay mapagpapala o magdurusa ng kasawiang-palad sa hinaharap. Samakatwid, sa proseso ng pagsisikap ng mga tao na matamo ang katotohanan, labis nang naging mga hadlang ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito sa pagtanggap ng mga tao sa gawain ng Diyos, sa kanilang pagsisikap na matamo ang katotohanan, at sa kanilang pagkakamit sa katotohanan. Ibig sabihin, kung hindi mabitiwan ng mga tao ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito, at palagi nilang itinuturing ang mga ito bilang kanilang motibasyon at ang ugat na dahilan ng kanilang pananampalataya at pagsunod sa Diyos, ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito ay labis na makakahadlang sa kanila mula sa paghahangad at pagkakamit sa katotohanan. At sa huli ay magagawa lang nilang gamitin ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon para matukoy ang sarili nilang halaga, pagkakakilanlan, at katayuan sa harap ng Diyos, at para matukoy kung anong uri ng pagtrato ang matatanggap nila sa sambahayan ng Diyos, kung ano ang magiging hantungan nila at kung anong mga pagpapala ang makakamit nila sa hinaharap, kung gaano kataas ang magiging awtoridad nila at kung ilang lungsod ang pamamahalaan nila, at kung sila ba ay magiging haligi o permanente sa langit, o kung gaano karami ang makakamit nila sa buhay na ito at kung gaano karami ang makakamit nila sa mundong darating. Dahil ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito ay kinabibilangan ng mga buhay at paghahangad ng mga tao, nakakaimpluwensiya ang mga ito sa mga landas na tinatahak ng mga tao at, siyempre, nakakaimpluwensiya rin ang mga ito sa huling kalalabasan at hantungan ng mga tao. Ang mga tao ay namumuhay at naghahangad sa gitna ng kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon; kaya, hindi maiwasang tingnan nila ang lahat ng bagay, at husgahan at pagpasyahan ang tungkol sa lahat ng bagay, batay sa mga kuru-kuro at imahinasyong ito. Kaya, paano man ipagkaloob ng Diyos ang katotohanan at sabihin sa mga tao kung anong mga pananaw ang dapat nilang panghawakan at anong landas ang dapat nilang tahakin, hangga’t hindi binibitiwan ng mga tao ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, patuloy silang mamumuhay ayon sa mga ito, at ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito ay natural na magiging buhay ng mga tao at ang mga batas para manatili silang buhay, at hindi maiiwasan na ang mga ito ang magiging mga gawi at pamamaraan ng pagharap ng mga tao sa lahat ng uri ng pangyayari at bagay. Sa sandaling ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao ay maging ang mga prinsipyo at pamantayan ng pagtingin nila sa mga tao at bagay at ng pag-asal at pagkilos nila, kung gayon, paano man sila manampalataya sa Diyos, o paano man sila maghangad, at gaano mang paghihirap ang pagdusahan nila o gaano mang halaga ang bayaran nila, mawawalan ng saysay ang lahat ng ito. Hangga’t ang isang tao ay namumuhay ayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon niya, ang taong ito ay lumalaban sa Diyos at mapanlaban sa Kanya; wala siyang tunay na pagpapasakop sa mga kapaligirang inilatag ng Diyos o sa mga hinihingi ng Diyos. Sa huli, kung gayon, magiging lubhang kalunos-lunos ang kalalabasan niya. Kung maraming taon ka nang nananampalataya sa Diyos, at ginugol mo ang sarili mo para sa Kanya, nagpapakaabala ka at nagbabayad ng malaking halaga, pero ang simula at pinagmulan ng lahat ng ginagawa mo ay ang sarili mong mga kuru-kuro at imahinasyon, hindi ka tunay na tumatanggap at nagpapasakop sa Diyos. Ang mga kuru-kuro at imahinasyon mang ito ay nagmumula sa mga aklat, sa lipunan, o sa iyong mga personal na pagnanais at interes, sa madaling salita, hangga’t ang mga ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon, hindi ang katotohanan ang mga ito; at hangga’t hindi ang katotohanan ang mga ito, antagonistiko ang mga ito sa katotohanan, isang hadlang sa pagtanggap ng mga tao sa katotohanan, at isang kaaway ng Diyos at ng katotohanan, Samakatwid, hangga’t namumuhay ka sa iyong mga kuru-kuro at imahinasyon, susukatin at titingnan mo ang lahat ng bagay nang ayon sa mga kuru-kuro at imahinasyong ito, at dahil sa mga ito, sa huli ay tiyak na maghihimagsik ka sa mga kapaligirang inilalatag ng Diyos para sa iyo, at maghihimagsik laban sa paggabay at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa iyo. Sa madaling salita, walang tunay na pagtanggap at pagpapasakop dito. Bakit ganoon? Dahil ilang paghihirap man ang pagdusahan mo o gaano kalaking halaga man ang bayaran mo, hangga’t namumuhay ka ayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon mo, ang mga paghihirap na pinagdurusahan mo at ang halagang ibinabayad mo ay hindi naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, at walang kinalaman sa katotohanan; masasabi na ang mga paghihirap na pinagdurusahan mo at ang halagang ibinabayad mo ay batay sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at sa mga kagustuhan mo, at para sa pakay ng pagpapalayaw sa mga pagnanais ng iyong laman at pagpapalugod sa ilang pakay mo. Katulad lang ito mismo ng ipinamalas ni Pablo: Marami siyang ginawang gawain at nagpakaabala siya nang husto, ipinangangaral niya ang ebanghelyo sa malaking bahagi ng Europa, pero gaano mang paghihirap ang pinagdusahan niya at gaano mang halaga ang ibinayad niya, o gaano man siya nagpakaabala, hindi siya kailanman nagkaroon ng mga kaisipan at pananaw na naaayon sa katotohanan, hindi niya kailanman tinanggap ang katotohanan, at hindi siya kailanman nagkaroon ng saloobin at tunay na karanasan ng pagpapasakop sa Diyos—palagi siyang namumuhay sa loob ng sarili niyang mga kuru-kuro at imahinasyon. Ano ang kanyang partikular na karanasan at imahinasyon? Ito ay na kapag natapos na niya ang takbo at nakipagbaka na ng mabuting pakikibaka, may putong ng katuwirang nakahanda para sa kanya—ito ang kuru-kuro at imahinasyon ni Pablo. Ano ang partikular na teoretikal na batayan ng kanyang kuru-kuro at imahinasyon? Na tutukuyin ng Diyos ang kalalabasan ng isang tao batay sa dami ng pagpapakaabalang ginawa niya, sa halagang ibinayad niya, at kung gaano karaming paghihirap ang pinagdusahan niya. Sa ganoon lamang na teoretikal na batayan ng kanyang kuru-kuro at imahinasyon na hindi namalayan ni Pablo na tumahak siya sa landas ng mga anticristo. Bilang resulta, nang marating niya ang dulo ng daan, wala siyang anumang pagkaunawa sa kanyang pag-uugali at mga pagpapamalas ng paglaban sa Diyos o sa kanyang diwa ng paglaban sa Diyos, lalong wala siyang anumang pagsisisi. Pinanghawakan pa rin niya ang kanyang orihinal na kuru-kuro at imahinasyon habang nananampalataya sa Diyos, at hindi lang sa wala siyang ni katiting na pagpapasakop sa Diyos, kundi sa kabaligtaran, naniwala siyang mas may karapatan siyang makatanggap ng mabuting kalalabasan at hantungan mula sa Diyos bilang kapalit. Ang “bilang kapalit” ay magandang pakinggan, sibilisadong paraan ng paglalarawan nito, pero sa katunayan ay hindi ito isang palitan, ni isang transaksiyon—direkta niyang hinihingi sa Diyos ang mga bagay na ito, malinaw na hinihingi ang mga ito sa Diyos. Paano niya hiningi ang mga ito sa Diyos? Tulad lang ng sinabi niya, “Natapos ko na ang aking takbo, nakipagbaka na ako ng mabuting pakikibaka—sa akin na ngayon ang putong ng kaluwalhatian. Ito ang nararapat sa akin at ito ang dapat na ibigay ng diyos sa akin.” Ang landas na tinahak ni Pablo ay isang landas ng paglaban sa Diyos, na nagdala sa kanya sa pagkawasak, at ang huling kinalabasang sumapit sa kanya ay ang pagpaparusa. Hindi ito maihihiwalay mula sa kanyang kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos. Palagi siyang pursigidong kumakapit sa kanyang sariling kuru-kuro at imahinasyon; isinantabi at binalewala niya ang sinabi ng Diyos, ang mga katotohanan—ang daan ng buhay—na itinutustos ng Diyos sa mga tao, gumagamit pa nga ng saloobin ng paghamak at pangmamaliit, at ni hindi niya kinilala na si Jesucristo ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Nang marating na niya ang dulo ng daan, pursigido pa rin siyang kumapit sa kanyang kuru-kuro at imahinasyon gaya ng dati, at patuloy na nakipagtagisan sa Diyos, sa huli ay papunta na sa di-maiiwasang kalalabasan ng pagkasira. Samakatwid, sa proseso ng pananampalataya sa Diyos, kung nagagawa ng mga taong bitiwan ang lahat ng kanilang iba’t ibang negatibong emosyon, at nagagawang bitiwan ang ilang bagay sa tunay na buhay na nakakahadlang sa kanilang sikaping matamo ang katotohanan, pero hindi makabitiw sa mga hadlang sa pagitan nila at ng Diyos, o sa kanilang pagiging mapanlaban sa Diyos, ito ay magiging isang labis na nakakasising bagay at isang trahedya, at sa huli, aanihin ng mga tao ang parehong kalalabasan ng pagkaparusa gaya ng nangyari kay Pablo. Tiyak iyon, walang kaduda-duda. Samakatwid, sa proseso ng “pagbitiw,” ang aytem ng “pagbitiw sa mga hadlang sa pagitan ng sarili nila at ng Diyos, at sa pagkamapanlaban nila sa Diyos” ang pinakakrusyal at pinakamahalaga at hindi maaaring kaligtaan. Ito ang dapat mong suriin nang madalas: Sa iyong ugnayan sa Diyos at sa proseso ng pagdanas sa gawain ng Diyos, ang mga kuru-kuro at imahinasyon na mayroon ka pa rin na hindi naaayon sa katotohanan, sa mga pagnanais ng Diyos, o sa mga hinihingi ng diyos at na humahadlang sa pagitan mo at ng Diyos. Dapat mong suriin ang mga ito, ikumpara ang mga ito sa mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay bitiwan ang mga ito. Ang pakay ng pagbitiw ay hindi ang dumaan sa isang proseso, kundi ang tanggapin ang katotohanan, ang tanggapin ang mga katotohanang prinsipyo sa aspektong ito na inilatag ng Diyos sa mga tao, at gamitin ang mga katotohanang prinsipyong ito para palitan ang iyong mga kuru-kuro at imahinasyon, at baguhin ang perspektiba sa likod ng iyong paghahangad at ang direksyon ng iyong paghahangad, para maging kaayon ka ng Diyos sa buhay mo at sa proseso ng pagsunod sa Diyos, sa halip na maging kaayon ng iyong mga kuru-kuro at imahinasyon. Ang gawain ng Diyos ay ang lutasin ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, at tinutustusan Niya ang mga tao ng katotohanan para lutasin din ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon. Sa pamamagitan ng paglutas sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, binibigyang-kakayahan ng Diyos ang mga tao na magkaroon ng mga tamang kaisipan, pananaw, opinyon, at perspektiba para sa pagharap sa bawat kapaligirang inilalatag Niya, at para sa pagharap sa bawat usaping hinaharap nila sa buhay. Ginagawa ng Diyos ang gawain Niya at tinustusan ang mga tao ng katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita hindi para tuparin ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, kundi para kontrahin ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, at sa huli ay bigyang-kakayahan sila na bitiwan ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon at magtamo ng kaalaman sa Diyos.
Noong nakaraan ay nagbahaginan tayo tungkol sa ilang kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao tungkol sa gawain ng Diyos. Dagdag pa sa mga kuru-kuro at imahinasyong ito, ang mga tao ay may iba ring mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa gawain ng Diyos na dapat nilang bitiwan sa proseso ng pagsisikap na matamo ang katotohanan. Halimbawa, naniniwala ang mga tao na, pagkatapos matanggap ang gawain ng Diyos, kung nagagawa nilang sikaping matamo ang katotohanan, ganap silang magiging bagong muli, at na sa sandaling magkaroon sila ng mga salita ng Diyos bilang buhay nila, magkakaroon sila ng ganap na bagong buhay, at isisilang silang muli bilang isang bagong tao. Naniniwala sila na uunlad ang kakayahan nila at na medyo magbabago rin ang kanilang mga likas na gawi, at kaya madalas na mangyayari sa kanila ang mga bagay na hindi nila kailanman inasahan. Ibig sabihin, bukod sa magagawa nila ang mga bagay na lagpas sa sarili nilang kakayahan at mga likas na gawi, magagawa rin nila ang mga ito nang labis na madali at maayos. Higit pa rito, sa proseso ng pananampalataya sa Diyos, madalas pang nadarama ng ilang tao na simula nang magsimula silang magsikap na matamo ang katotohanan, bumuti ang kanilang personalidad at pasensya, mas maningning na ang mga mata nila kaysa dati, at mas malakas na ang pandinig nila kaysa dati. Paminsan-minsan, tumitingin sila salamin at nadarama na lalo silang nagiging katulad ng mga anghel; nadarama na lalo silang gumaganda, at mas lalong maliksi kaysa dati. Nadarama pa nga ng ilang tao na ang ilang nakagawian nila sa buhay ay nagbago at na nag-iba ang kanilang mga pattern ng pamumuhay—noon, kapag nagpupuyat sila, walang-tigil silang humihikab, pero simula nang umpisahan nilang sikaping matamo ang katotohanan, nawala ang mga reaksiyong ito, at malaking himala ito para sa kanila. Sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, naniniwala sila na sa sandaling simulan nilang sikaping matamo ang katotohanan, gagawa ang Diyos ng ilang gawain sa kanila para sumailalim sila sa mga di-inaasahang pagbabago. Kinabibilangan ito ng pag-unlad sa kanilang kakayahan sa loob lang isang magdamag—mula sa pagkakaroon ng katamtaman o napakahinang kakayahan ay magiging sobrang matalino sila, may kakayahan, may karanasan, magiging isang taong may kakayahan at karunungan, at ang saklaw ng pag-iisip nila ay aangat din. Kapag unang nagsimulang manampalataya sa Diyos ang mga tao at magpasya na magsikap na matamo ang katotohanan, mayroon silang mga enggrandeng labis-labis at di-makatotohanang imahinasyon tungkol sa pagsisikap na matamo ang katotohanan, sa madaling salita, wala sa kanila ang talagang umaayon sa realidad. Naniniwala ang mga tao na hangga’t nagsisikap sila na matamo ang katotohanan, maraming aspekto nila ang maaangat at labis na uusad, at na sa ilang larangan ay mahihigitan pa nga nila ang mga ordinaryong tao. Kaya, pinapangalanan ng ilang tao ang sarili nila na Lyu Chao, ang iba ay Ma Chao, at ang iba naman ay Niu Chao. Ang mga pangalang ito ay nangangahulugan ng pagiging higit sa mga asno, kabayo, at baka—ibig sabihin, pagiging mas mabilis na tumakbo kaysa sa isang kabayo at pagiging mas malakas kaysa sa isang asno o baka. Sa pangkalahatan, ang mga asno ay napakalakas sa paghila ng mga bagay, ang mga kabayo ay may napakalalakas na mga hita, at ang mga baka ay may napakatibay na katawan, kaya ang mga taong ito ay tinatawag ang kanilang sarili na Lyu Chao, Ma Chao, at Niu Chao. Kita mo, nagbibigay sila ng espesyal na pagsasaalang-alang sa mga pangalang pinipili nila. Mula sa mga pangalang pinipili ng mga tao para sa sarili nila, makikita na ang mga tao ay may sarili nilang pagkaunawa sa gawain ng Diyos; sa kasamaang palad, ang pagkaunawang ito ay hindi naaayon sa katotohanan at hindi positibo—isa itong kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao. Ang kuru-kuro at imahinasyon mang ito ay baluktot o labis-labis, sa madaling salita, hindi ito tugma sa mga katunayan at sa katotohanan; napakahungkag nito at may kinalaman sa mahihiwagang bagay. Ang prinsipyo ng paggawa ng Diyos sa mga tao ay ito: Anumang uri ng kakayahan mayroon ang mga tao, o kung anong uri ng kapabilidad sa gawain o abilidad na humarap sa mga bagay ang mayroon sila, anuman ang kanilang mga natural na likas na gawi, at anuman ang kanilang mga personalidad, gawi, pattern sa pamumuhay, mga interes at libangan, o maging anuman ang kanilang kasarian, sa madaling salita, ang gawain ng Diyos ay ang makamit ang resulta ng pagbibigay-kakayahan sa mga tao na maunawaan ang katotohanan, matanggap ang katotohanan, magpasakop sa katotohanan, at pagkatapos ay pumasok sa katotohanang realidad, batay sa kanilang likas na kakayahan, mga likas na gawi, personalidad, mga gawi, sa kanilang tamang pattern ng pamumuhay, at pati sa kanilang lehitimong mga interes at libangan, at iba pa. Kaya, sa anong batayan nakakamit ang resultang ito? Nakakamit ito sa batayan ng pagkakaroon ng mga tao ng abilidad na maunawaan at maarok ang katotohanan, at sa batayan ng pagkakaroon nila ng normal na pagkatao. Hindi ito nakakamit sa batayan ng isang diumanong angat na pagkatao, ni hindi ito nakakamit sa batayan ng isang mahiwagang pagkatao. Samakatwid, alinmang aspekto ng katotohanan ang pagbahaginan natin, ang lahat ng ito ay para bigyang-kakayahan ka na makapasok sa mga ito sa batayan na nagtataglay ka ng normal na pagkatao at ng abilidad na maarok ang katotohanan. Gayumpaman, ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao ay ang mismong kabaligtaran nito. Naniniwala ang mga tao na ang resultang nakakamit ng mga tao sa pamamagitan ng gawain ng Diyos at sa Kanyang pagpapahayag sa katotohanan ay salungat sa kanilang likas na kakayahan at mga likas na gawi, at salungat din sa kanilang personalidad, mga gawi, interes, at libangan. Madalas na umaasa ang mga tao na may himalang mangyayari sa kanila, na ang isang mahiwagang bagay o isang bagay na hindi inaasan at lampas sa sarili nilang kakayahan at mga likas na gawi ang mangyayari sa kanila, sa halip na magsikap na hanapin ang katotohanan sa praktikal na paraan. Ano ang pinatutunayan ng katunayang ito? Hindi ba’t ito ay na tinitingnan ng mga tao ang pagsisikap na matamo ang katotohanan bilang isang bagay na partikular na mahiwaga at hungkag? Hindi ba’t ito ay na tinitingnan nila ang mga paraan ng paggawa ng Diyos sa mga tao bilang partikular na mahiwaga at hungkag? (Oo.) Madalas na umaasa ang mga tao na kapag mas sinisikap nilang matamo ang katotohanan, magiging mas mahusay ang kakayahan nila, o na pagkatapos makinig sa maraming sermon at pagtanggap at pag-unawa sa maraming katotohanan, magiging mas mahusay ang kakayahan nila kaysa dati. Isa itong kuru-kuro at imahinasyon, hindi ba? (Oo.) Gamitin nating halimbawa ang pag-aaral ng isang propesyon: Noong nag-aaral ka sa paaralan, kung gusto mong maging dalubhasa sa isang propesyon, kailangan mong paulit-ulti na kabisaduhin ang kaalaman ng propesyong ito, at mag-aral mula pagsikat at paglubog ng araw, ginugugol ang libre mong oras sa pagsisikap na matutunan ito. Simula nang magsimula kang manampalataya sa Diyos, iniisip mo na hangga’t gumagawa ang Banal na Espiritu, uunlad ang kakayahan ng mga tao, magbabago sila, at mag-iiba na sila kumpara dati. Kaya, natutukoy mo na paano man gumawa ang Diyos, kailangan lang makipagtulungan ng isang tao, at na hindi na kailangang magsikhay sa pagsisikap na matamo ang katotohanan at pagkatuto ng propesyonal na kaalaman; sapat nang gawin ng isang tao ang kanyang tungkulin—magkakaroon pa rin ng pag-usad ang isang tao sa pananampalataya sa Diyos sa ganitong paraan. Hindi ba’t ganito ito sa imahinasyon ng mga tao? (Oo.) Sabihin mo sa akin, ito ba ang tamang paraan ng paghahangad? Ang paghahangad ba sa ganitong paraaan ay maaaring humantong sa isang tunay na pagbabago? (Hindi.) Hindi posibleng magkaroon ng pagbabago. Halimbawa, iniisip ng ilang tao na para gumaling sa pagkanta ay kailangan nilang magsanay mula pagsikat hanggang paglubog ng araw, nakawin ang mga teknik ng iba, at makinig sa lahat ng uri ng kanta para matuto mula sa mga merito ng ibang mga tao, at na sa ganitong paraan lang sila magkakaroon ng mga nakakamit. Sa kabaligtaran, naniniwala ang ilang tao na ang pagkanta ay depende sa talento; iniisip nila na kung ang isang tao ay may talento sa pagkanta at mahilig kumanta, magiging magaling siya sa pagkanta, at na kung ang isang tao ay walang talento sa pagkanta o ng pagkahilig sa pagkanta, kakailanganin niyang umasa sa pagkaantig sa kanya ng Banal na Espiritu para gumaling siya sa pagkanta, para makakanta nang may emosyon, para masiyahan ang iba kapag narinig nila siyang kumanta. Bunga nito, karamihan ng tao ay laging nagkikimkim ng ganitong uri ng delusyon; umaasa sila sa Banal na Espiritu para antigin sila, kung hindi ay hindi nila ibubuka ang kanilang bibig para kumanta. Isa itong kuru-kuro at imahinasyon, hindi ba? Iniisip ng ilang tao na hindi na kailangan pang pagsikapang mabuti ang pag-aaral ng propesyonal na kaalaman, at na hangga’t sinisikap ng mga tao na magtamo ng katotohanan, gagawa ang Diyos, at na walang silbi at walang saysay na gawin ang mga sakripisyong iyon na walang halaga. Iniisip nila na sa sandaling gumawa ang Diyos, mas kapaki-pakinabang ito kaysa sa anumang pagsisikap na inilalaan ng mga tao, kaya hangga’t sinserong ginagawa ng mga tao ang mga tungkulin nila at handa silang ilaan ang puso nila sa Diyos, gagawa ang Banal na Espiritu sa kanila, at ang kanilang kakayahan at mga abilidad ay agad na aangat, nang lagpas sa saklaw ng normal na pagkatao—magagawa nilang maunawaan ang mga bagay na hindi nila naiintindihan dati, at bagama’t dati ay ni hindi nila mabasa ang kada dalawang linya ng teksto, mababasa na nila ang kada sampung linya at maitatatak ang lahat ng ito sa memorya nila pagkatapos nilang manampalataya sa Diyos. Pero gaano man sila magsanay, hindi pa rin nila ito makamit, kaya nagbubulay-bulay sila, “Hindi ba ako pinagkakalooban ng Diyos ng biyaya? Hindi ba ako sapat na masikap at sinsero sa paggawa ng tungkulin ko?” Ganito ba ang kaso? (Hindi.) Iniisip mo na kapag mas lalo mong nakakamit ang mahiwaga, kapag nahihigitan mo na ang saklaw ng sarili mong kakayahan at abilidad, mas napapatunayan nito na gawain ito ng Diyos; na kung mas lalong tumitindi ang katapatan mo at ang kagustuhan mong makipagtulungan, lalo pang higit na gagawa ang Diyos sa iyo, at mas huhusay ang kakayahan at mga abilidad mo. Hindi ba’t ito ay isang kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao? (Oo.) Napapaisip din ba kayo nang ganito? (Oo.) Ano ang resulta ng pag-iisip ninyo sa ganitong paraan? Hindi ba’t ang palaging kabiguan at kawalan ng pagsasakatuparan? Nagiging negatibo pa nga ang ilang tao, sinasabing, “Ibinigay ko na ang lubos kong sinseridad sa Diyos—bakit hindi ako pinagkakalooban ng Diyos ng mahusay na kakayahan? Bakit hindi ako bigyan ng Diyos ng mahihiwagang abilidad? Bakit ba lagi pa rin akong mahina? Hindi pa rin humuhusay ang kakayahan ko, hindi ako makakita nang malinaw, at nalilito ako kapag nahaharap ako sa mga komplikadong bagay. Ganito na ito dati, bakit ganito pa rin ngayon? Dagdag pa rito, sa paggampan ko ng tungkulin ko at sa pangangasiwa ko sa mga problema, bakit hindi ko kailanman malampasan ang aking laman? Nauunawaan ko ang ilang doktrina, pero, hindi ko pa rin makita nang malinaw ang bagay-bagay, at pagdating sa pagharap sa mga usapin, hindi pa rin ako makapagpasya, at malayo pa rin ako sa mga may mahusay na kakayahan. Mahina rin ang kakayahan ko sa gawain, at hindi mahusay ang pagganap ko sa aking tungkulin. Hindi talaga humusay ang kakayahan ko! Ano ba ang nangyayari? Hindi kaya sapat ang sinseridad ko sa Diyos? O hindi ba ako gusto ng Diyos? Saan ako nagkukulang?” Ang ilang tao ay naghahanap ng iba’t ibang dahilan at sumubok ng maraming pamamaraan para baguhin ang katunayang ito, katulad ng pakikinig sa mas maraming sermon, pagkakabisado ng mas maraming salita ng Diyos, pagsusulat ng mas maraming tala ng espirituwal na debosyon, pati na higit na pakikinig sa pagbabahaginan ng mga tao sa katotohanan, at higit na paghahanap, pero nakakadismaya pa rin ang resulta sa huli. Katulad pa rin ng dati ang kakayahan nila sa gawain, hindi humuhusay kahit tatlo hanggang limang taon na silang nananampalataya sa Diyos. Pagkatapos ay tumitingin sila sa sarili nilang personalidad at nakikita na kasingduwag pa rin sila ng dati, kasingbagal ng isang matandang baka, o na mayroon pa rin silang hindi mapagpasensyang personalidad, pinapangasiwaan ang lahat ng bagay nang natataranta—walang naging pagbabago! Naoobserbahan ng iba na kamakailan ay hindi nagbago ang kanilang mga interes at libangan, at na ang ilan sa kanilang mga kahinaan, gawi, at kapintasan ay hindi rin nagbago. Napapansin din ng ibang mahilig magpuyat at gumising nang tanghali na nananatiling hindi nagbabago ang mga gawi sa buhay na ito. Kaya nagtataka silang lahat, “Ano ba ang nangyayari? Maaari kayang hindi gumagawa sa akin ang Banal na Espiritu? Inabandona na ba ako ng Diyos? Hindi ba nalulugod sa akin ang Diyos? Maling landas ba ang tinatahak ko? Maling daan ba ang hinahangad ko? Hindi ko ba sapat na isinapuso ang paggawa sa tungkulin ko? Hindi ba sapat ang ibinayad kong halaga?” Naghahanap sila ng lahat ng uri ng dahilan, pero sa huli ay wala pa rin silang mga resulta. Ano ang dahilan ng kawalan nila ng resulta? (Ito ay dahil palagi silang namumuhay sa sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon. Iniisip nila na matapos manampalataya sa Diyos, basta’t sinsero sila sa Kanya, sa sandaling gumawa ang Diyos, uunlad ang kanilang kakayahan at kapabilidad sa gawain—ang gayong mga ideya nila ay nagmumula sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon.) Ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao ang nagpapasya ng mga layon at paraan ng kanilang paghahangad, ng mga landas na tinatahak nila, at sa huli ay ang nagpapasya ng kanilang mga nakakamit at kinalalabasan. Ano ang makakamit ng mga tao kung mayroon silang gayong mga kuru-kuro at imahinasyon?Makakamit ba nila ang katotohanan? Magkakamit ba sila ng tunay na pananalig sa Diyos at ng tunay na pagmamahal para sa Diyos? Magkakamit ba sila ng tunay na pagpapasakop sa Diyos? (Hindi.) Hindi nila makakamit ang anuman sa mga bagay na ito.
Sa pananampalataya sa Diyos, dapat maunawaan ng mga tao kung ano mismo ang nilalayong baguhin ng gawain ng Diyos tungkol sa mga tao, kung paano nilulutas ng Diyos ang problema ng katiwalian ng mga tao, at kung ano ang nilalayon Niyang maisakatuparan sa mga tao—ang mga ito ay mga isyung dapat mapagbahaginan nang malinaw, hindi ba? Sa pagbubuod, dapat maunawaan mismo ng isang tao kung anong mga epekto ang nilalayong makamit ng Diyos sa mga tao sa Kanyang gawain. Una, sa yugtong ito ng gawain ng Diyos, ipinapahayag Niya ang katotohanan at nagtutustos Siya ng buhay. Ang gawain ng pagtutustos sa mga tao ng katotohanan ay malinaw na pagbabahaginan sa mga katotohanang prinsipyo na dapat sundin ng mga tao kapag nahaharap sila sa lahat ng uri ng tao,pangyayari, at bagay sa tunay na buhay, para pagkatapos nilang maunawaan ang mga ito, magagawa nilang tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos batay sa mga katotohanang prinsipyong ito, at sa batayang ito ay nalulutas ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at nabibigyang-kakayahan silang iwaksi ang mga tiwaling disposisyong ito at tunay at ganap na magpasakop sa Diyos. Siyempre, isa rin itong tanda ng pagiging naliligtas, at isa itong tunay na pagmamalas ng pagiging naliligtas na maaaring makita sa mga tao sa huli. Sa buong proseso ng pagtutustos ng Diyos sa mga tao ng katotohanan, ano ang mga pangunahing isyu na kailangang malutas? Sa pangunahin ay may dalawang uri ng isyu na kailangang lutasin. Ang unang uri ng isyu na dapat lutasin ay ang mga kuru-kuro ng mga tao. Ang iba’t ibang uri ng mapanlinlang, baluktot, at mahigpit-na-kinakapitang kaisipan at pananaw ng mga tao na nagmumula kay Satanas ay kolektibong tinatawag na mga kuru-kuro ng mga tao. Ang mga maling kaisipan at pananaw na ito ay kinokontrol ang mga kaisipan at pag-uugali ng mga tao, at naging batayang teorya ng kaisipan na sa kanilang pagtingin sa mga tao at bagay, at sa kanilang pag-asal at pagkilos, at kaya dapat lubusang malutas ang mga ito. Isa itong isyung nauugnay sa mga kaisipan ng mga tao na kailangang malutas. Ang isa pang uri ng isyu na dapat lutasin ay ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Ang mga tiwaling disposisyon ay isang paksa na madalas na pinagbabahaginan, tinatalakay, at hinihimay sa buhay iglesia. Ang ilang tiwaling disposisyon ay idinudulot ng mga mapanlinlang na kaisipan at pananaw ng mga tao, habang ang ibang mga tiwaling disposisyon ay pawang mga satanikong disposisyon lang. Ang dalawang bagay na nilalayong lutasin ng Diyos sa mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita ay ang kanilang mga kuru-kuro at ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Ang nauna ay nauugnay sa kung paano tinitingnan ng isang tao ang mga tao at bagay, samantalang ang nahuli ay nauugnay sa kung paano umasal at kumilos ang isang tao. Kapag ang dalawang bagay na ito ay nalutas at ang mga tao ay nagtamo ng katotohanan at nagagawang magpasakop sa Diyos at maging katugma Niya, makakamit ng gawain ng Diyos ang epekto nito, at matatapos na ang gawain ng Diyos. Gayumpaman, sa buong proseso ng gawain ng Diyos—ito man ay ang paraan ng paggawa ng Diyos, ang mga partikular na hakbang ng Kanyang gawain, o ang bawat isa sa mga katotohanang ipinapahayag Niya—wala sa mga ito ang nakapuntirya sa mga aspekto tulad ng mga personalidad, kakayahan, abilidad, likas na gawi, gawi sa buhay at pattern sa pamumuhay ng mga tao, o sa kanilang mga hilig at libangan. Sa madaling salita, ang layon, pakay, at kahalagahan ng gawain ng Diyos ay hindi ang baguhin ang mga likas na kakayahan at abilidad, mga likas na gawi, mga personalidad ng mga tao, at iba pa. Anuman ang kakayahan o kapabilidad sa gawain na taglay mo, o kumusta man ang iyong likas na personalidad, mga gawi sa buhay, mga likas na gawi, at iba’t iba pang aspekto, hindi tinitingnan ng Diyos ang anuman sa mga bagay na ito. Tinitingnan lang Niya kung isa kang taong may normal na pagkatao, at sa batayang ito ay tinutustusan ka Niya ng katotohanan at gumagawa Siya sa iyo. Anumang aspekto ng katotohanan ang itinutustos ng Diyos sa iyo, o anumang uri ng gawain ang ginagawa Niya sa iyo, sa huli, ito ay hindi para baguhin ang iyong likas na kakayahan at mga likas na gawi, hindi ito para itaas ang iyong kakayahan o mga likas na gawi at paunlarin ang mga ito, o para gawing partikular na mahiwaga ang mga ito—wala sa mga aspektong ito ang nais baguhin ng Diyos sa Kanyang gawain. Samakatwid, kahit ilang taon ka nang nananampalataya sa Diyos, o kahit ilang sermon na ang napakinggan mo, o gaanong pagsisikap man ang inilaan mo sa mga salita ng Diyos, ang iyong likas na kakayahan ay mananatiling ganoon pa rin at hindi magbabago. Hindi ito magbabago dahil nanampalataya ka sa Diyos sa loob ng maraming taon, nakinig sa mga sermon sa loob ng maraming taon, at nagpakaabala at iginugol ang sarili mo sa loob ng maraming taon. Siyempre, gayundin sa iyong personalidad, mga likas na gawi, mga gawi sa buhay, mga hilig, libangan, at iba pa; hindi magbabago ang mga ito dahil nanampalataya ka sa Diyos sa loob ng maraming taon at ginawa ang tungkulin mo sa loob ng maraming taon. Sa mga kuru-kuro ng mga tao, ang pagbabagong ito ay tiyak na hindi nangangahulugan ng pagbababa, kundi ng pagtataas—ginagawa ang mga bagay na ito na mas mataas at mas mainam kaysa dati. Ibig sabihin, nasaang yugto man ang gawain ng Diyos, o anumang paraan ang ginagamit Niya para gawin ito, ang binabago ng gawain Niya ay hindi ang mga likas na kakayahan, mga kapabilidad sa gawain, mga likas na gawi, mga personalidad ng mga tao at iba pa. Kaya, kung mahina ang kakayahan mo at hindi mo kasalukuyang taglay ang kakayahan na maging isang lider o manggagawa, o maging isang superbisor para sa isang partikular na aytem ng gawain, hindi mo rin ito tataglayin pagkalipas ng 20 o 30 taon; at kahit na maligtas ka sa huli dahil sa pagsisikap mong matamo ang katotohanan, hindi mo pa rin ito tataglayin. Hindi magbabago ang kakayahan mo. Magbabago ba ang mga likas mong gawi kung gayon? Ang lahat ay nakakaranas ng pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at pagkamatay, at kapag nahaharap sa malalaking kaganapan, sila ay kakabahan, matatakot, mangangamba, at iba pa—hindi rin magbabago ang mga likas na gawing ito. Halimbawa, kapag nakarinig ang mga tao ng partikular na malakas na ingay, lahat sila ay tatakpan ang kanilang ulo at magtatago sa isang ligtas na lugar—likas na gawi ito. Kapag nahawakan ng kamay mo ang apoy o ibang bagay na mainit, likas mong iaatras ang kamay mo, o kapag nakarinig ka ng hindi magandang balita, kikilabutan ka sa loob-loob mo at matatakot ka. Kapag nahaharap ka sa panganib, ang likas na una mong iisipin ay, “Ligtas ba ako? Sasapit ba sa akin ang panganib na ito?” Ito ay likas na gawi. Dagdag pa, kapag inambahan ka ng isang tao para suntukin ka, likas kang iiwas para protektahan ang sarili mo; kapag nalagyan ng alikabok o tubig ang mata mo, likas mong isasara ang mga ito; at kapag masakit ang ngipin mo, madalas mong hahakawan ang ngipin mo. Likas kang magkakaroon ng natural na reaksiyon, magkakaroon ng partikular na pagpapamalas, o gagawa ng likas na kilos. Ang mga tao ay isinilang nang may ganitong mga likas na reaksiyon. Walang makakapag-alis ng mga ito, at hindi rin babaguhin ng Diyos ang mga ito. Ang mga likas na reaksiyong ito ay itinakda ng Diyos sa mga tao nang nilikha Niya sila, at ang mga ito ay para protektahan ang mga tao. Ang mga ito ay isang bagay na dapat taglayin ng isang nilikhang tao. Hindi aalisin ng Diyos ang mga likas na gawing ito, at hindi rin mawawala sa iyo ang mga ito dahil sa iyong pagsisikap na matamo ang katotohanan. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Ibig Kong sabihin, hindi mangyayari na hindi ka na matatakot kapag may apoy o na hindi mo na mararamdamang napapaso ang kamay mo kapag inilagay mo ito sa isang kawali ng mainit na langis dahil sinisikap mong matamo ang katotohanan, naunawaan mo ang maraming katotohanan, at mayroon kang tunay na pagpapasakop sa Diyos—imposible ito. Ano ang iisipin mo kung may isang taong magbigay ng gayong patotoo? Kaiinggitan at hahangaan mo ba siya? Anong uri ng pagsusuri at paglalarawan ang mabubuo mo tungkol dito? Kahit papaano, isa itong mahiwagang penomenon, at hindi ito gagawin ng Diyos. Tungkol naman sa mga likas na gawi na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan, hindi aalisin ng Diyos itong mga likas mong gawi dahil sinisikap mong matamo ang katotohanan, ni hindi Niya gagawing mga mahiwagang kapangyarihan ang mga likas na gawing ito. Halimbawa, sabihin nating nasa madilim na lugar ka at wala kang makitang kahit na ano; likas kang mangangapa para madama mo ang paligid mo, at makikinig kang mabuti gamit ang mga tainga mo para matukoy ang mga tunog sa paligid mo, likas na kinakapa ang iyong daan pasulong. Hindi mo malalagpasan ang laman dahil sinisikap mong matamo ang katotohanan—hindi mangyayari na habang mas dumidilim, mas liliwanag ang pakiramdam ng mga mata mo, at mas malinaw mong makikita ang mga bagay at magiging mas madali na maunawaan ang sitwasyon mo—ito ay mahiwaga, at ito ay isang bagay na hindi ginagawa ng Diyos. Kahit na nakaunawa ka ng maraming katotohanan, at nagagawa mong magpasakop sa katotohanan at isagawa ang katotohanan, kung ang mga likas mong gawi sa aspektong ito ay nananatiling ganoon pa rin at hindi nababawasan, ayos na ayos na iyon, pero gusto mo pang maging mahiwaga ang mga ito—imposible iyon! Dagdag pa, ang abilidad ng isang tao na tingnan ang mga bagay at pangasiwaan ang mga bagay at ang abilidad niya na lumutas ng mga problema ay hindi rin ang nilalayon ng Diyos na baguhin sa Kanyang gawain. Ang abilidad ng isang tao na pangasiwaan ang mga bagay ay nakadepende, sa isang banda, sa kanyang kakayahan, at sa kabilang banda, sa kanyang likas na IQ, at ang kanyang IQ ay kinabibilangan ng kanyang mga kaloob. Ang ilang tao ay isinilang nang partikular na nagtataglay ng ilang abilidad at kaloob para sa pangangasiwa ng mga panlabas na usapin, ibig sabihin, magaling sila sa pag-iisip at pakikipagkapwa-tao, isinilang sila nang may espesyal na abilidad sa pakikipagkapwa-tao, at marunong silang makisalamuha sa mga tao, tumingin sa mga bagay, at mangasiwa ng mga partikular na usapin. Sa isip nila, malinaw ang mga daloy ng isip nila pagdating sa lahat ng uri ng bagay, na napakalohikal din. Kapag may tinitingnan silang isang bagay, kaya nilang maarok ang pinakabuod ng usapin, nang walang anumang paglihis o pagkabaligho, at pangasiwaan ang mga problema sa medyo tumpak na paraan. Ang ganitong uri ng tao ay nagtataglay ng abilidad na pangasiwaan ang mga usapin. Ang ilang tao ay hindi isinilang nang may ganitong abilidad, at mahilig lang silang magbasa ng mga aklat, mag-alaga ng mga bulaklak, magtanim ng damo, mag-alaga ng mga ibon, at mga ganoong bagay. Ano ang tawag dito? Ang tawag dito ay pagkakaroon ng pino at maginhawang gawi sa buhay. Ang mga ito ay mga taong naghahangad ng pagiging elegante at pino. Hindi sila magaling sa pakikipagkapwa-tao at pangangasiwa ng mga panlabas na usapin, wala sila ng ganitong kapabilidad. Kapag kailangan nilang lumabas at mangasiwa ng mga usapin, na kumonsulta sa abogado o makisalamuha sa ilang personahe, nagiging kimi at takot sila at hindi naglalakas-loob na tingnan sa mata ang taong iyon, at kapag tinatanong sila, nag-aatubili sila at hindi alam kung ano ang sasabihin. Wala silang silbi, hindi ba? Kapag ang taong ito ay hindi nahaharap sa isang isyu, magaling talaga silang magyabang, sinasabing, “Ginawa ko ang ganito at ganyang bagay, mayroon akong ganito at ganyang enggrandeng nakaraan, minsan akong nakisalamuha sa ganito at ganyang tao, at kilala ko si ganito at ganyang sikat na tao….” Gayumpaman, kapag aktuwal silang pinadala para pangasiwaan ang isang bagay, naglalaho sila nang walang bakas. Lumalabas na ang kaya lang nilang gawin ay magyabang, at wala silang totoong talento o kaalaman, at walang abilidad na pangasiwaan ang mga usapin. Ang katunayan ba na ang isang tao ay hindi mahusay sa pangangasiwa ng mga usapin ay mababago ng paghahangad nila sa katotohanan? Sa kasamaang-palad, hindi. Tingnan ang mga indibidwal na iyon na may introverted na personalidad at takot na humarap sa ibang tao simula pagkabata. Kapag nasa edad bente o trenta na sila, kabadong-kabado pa rin sila kapag nakikipag-usap sa mga tao o nangangasiwa ng mga usapin na kinasasangkutan ng pakikisalamuha sa mga tao. Kapag nasa katanghalian na sila ng edad, nahihiya at namumula pa rin sila kapag nagsasalita sa harap ng maraming tao. Ang gayong mga tao ay hindi kailanman magagawang humarap sa mas malawak na mundo sa buong buhay nila. Iba naman ang ibang tao, mahilig na silang makipag-usap at makisalamuha sa mga tao simula noong tinedyer pa lang sila. Kahit anong personahe ang makasalamuha nila, hindi sila matatakot, at anuman ang ginagawa nila, hindi sila nababalisa o natataranta. Matalas ang isip nila, at kaya hindi sila nagdurusa sa stage fright. Kapag mas maraming tao, mas lalo silang sumasaya at sumisigla, at mas lalo nilang gustong magtanghal. Maaari bang magbago ang personalidad ng isang tao at ang kanyang abilidad na mangasiwa ng mga usapin sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng Diyos? (Hindi.) Hindi binabago ng Diyos ang mga bagay na ito sa mga tao. Alam ng ilang tao na ang kanilang mahinang abilidad na mangasiwa ng mga usapin ay isang kahinaan sa kanilang pagkatao, kaya nagsisikap silang mapagtagumpayan ito. Maaari na, kapag nasa katanghalian na sila ng edad o matanda na, pagkatapos makaranas ng deka-dekada ng pagpapanday at pagkatapos makaipon ng malawak na karanasan, medyo nakakaya nilang pangasiwaan ang ilang agarang usapin; pero hindi pa rin sila magkakaroon ng abilidad na pangasiwaan ang mga kritikal, buhay-at-kamatayan na usapin. Sa partikular, may ilang taong hindi kayang pangasiwaan ang anumang bagay nang sila mismo kapag matanda na sila; anumang subukan nilang pangasiwaan, labis silang pumapalpak dito—sadyang hindi nila ito makayanan—at ni hindi nila maako ang pasanin ng pag-aasikaso sa sarili nilang mga usaping pampamilya. At ano ang ginagawa nila? Sa ilang kaso, ang mga anak nila ay may abilidad na pangasiwaan ang mga usapin, kaya hinahayaan ng mga taong ito ang mga anak nila na tulungan sila, habang tinatamasa nila ang mga bagay na nagawa na para sa kanila. Iniisip nila, “May naambag na ako, mayroon akong abilidad na mangasiwa ng mga usapin,” pero sa aktuwal, wala sila ng kapabilidad na ito. Ang mga anak nila, na ngayon ay malalaki na at kaya nang mamahala, ang umako sa mga usaping ito. Ang mga taong ito ay maaaring hindi na ngayon kasingkabado o kasingmatatakutin kapag humaharap sa mga bagay kumpara noong bata pa sila, pero hindi iyon nangangahulugan na ang abilidad nilang pangasiwaan ang mga usapin ay nagbago na o umunlad. Ano ang ibig nitong sabihin? Ang ibig sabihin nito ay mas matanda na sila, nagkamit na ng karanasan, at hindi na takot sa mga bagay. Ano ang tinutukoy ng “hindi na takot sa mga bagay”? Ito ay na nagagawa na nilang tingnan ang mga usapin nang may mas bukas na isipan dahil naranasan na nila ang maraming bagay at natuklasan na ang maraming pattern ng bagay, at kaya kapag talagang naharap sila sa kaunting panganib, hindi na sila matatakot, at iisipin nila: “Buweno, narito ako. Kung gusto mo ng pera, wala akong pera; kung gusto mong kuhain ang buhay ko, heto na—gawin mo ang gusto mo!” Nagkaroon ba ng anumang pag-usad ang gayong mga tao? Wala silang naging anumang pag-usad—napakapabaya at napakagulo pa rin ng isip nila pagdating sa pangangasiwa ng mga bagay. Mapusok at mainipin pa rin sila gaya ng dati. Nabigo silang isakatuparan ang mga bagay noon, at kahit ngayon ay hindi sila nagbago kahit kaunti. Sadyang ganoon sila. Sabihin mo sa akin, hindi ba’t ganito talaga ang mga bagay?
Iba-iba ang edad ninyo. Kailanman ba ay may naranasan na kayong isang espesyal na bagay—sa proseso ng pagsisikap na matamo ang katotohanan, ang iyong kakayahan ba ay ganap na nagbago at naging mas mahusay kaysa dati, o nagbago ba ang iyong mga likas na gawi? Nagkaroon na ba kayo ng gayong karanasan? (Hindi.) Buweno, may sinuman bang nagsabi na, “Dati ay wala talaga akong silbi. Hindi ako mahusay magsalita, wala akong anumang mga abilidad o kasanayan, at wala akong anumang abilidad sa pakikipagkapwa-tao. Ngayong tinanggap ko na ang gawain ng Diyos, nagagawa ko nang magsalita nang mahusay, mayroon na akong mga abilidad sa pakikipagkapwa-tao, at pagdating sa pangangasiwa ng mga bagay, matalino ako at may diskarte, at alam ko kung paano pakitunguhan ang mga bagay”? May sinuman bang nagkaroon na ng ganitong uri ng karanasan? (Wala.) Sinasabi ng ilan, “Bagama’t hindi nangyari sa akin ang mga bagay na iyon, sa proseso ng pagdanas sa gawain ng Diyos matapos manampalataya sa Diyos, pakiramdam ko ay nagbago na ang personalidad ko. Dati ay mabagal akong magsalita, at tinatawag ako ng lahat na ‘mabagal kumilos.’ May isa pa rin akong palayaw, ang ‘usad pagong.’ Simula nang mag-umpisa akong manampalataya sa Diyos, mas bumilis na ang mga reaksiyon ko kaysa dati, at nagsasalita at kumikilos ako nang mas mabilis. Pinapangasiwaan ko rin ang mga bagay nang mas mabilis at episyente.” Nangyayari ba ang gayong mga bagay? (Hindi.) May isang kaso kung saan maaaring posible ito. Halimbawa, kapag nag-aaral ang ilang tao ng banyagang wika at unang nagsasanay na magsalita nito, nagsasalita sila nang napakabagal, paisa-isang salita lang. Iniisip ng iba na ang mga taong ito ay nagsasalita nang napakabagal dahil siguro ipinanganak sila nang may mabagal na ugali. Makalipas ang tatlo o limang taon, dahil ang mga taong ito ay madalas na nakikisalamuha sa mga nagsasalita ng banyagang wikang iyon, sa huli ay nasasalita na nila ito nang napakahusay, kasingbilis ng pagsasalita nila ng katutubong wika nila, at ang iba na walang alam sa sitwasyon ay iniisip, “Nagbago na ang personalidad ng taong iyon. Dati siyang mabagal magsalita at naiinip ang mga tao habang nakikinig sa kanya, pero ngayon ay napakahusay na niyang magsalita—naging mabilis na tao na siya. Batay sa deretsahan at malinaw na paraan ng kanyang pagsasalita, malalaman mong pinapangasiwaan niya ang mga bagay nang masigla at mayroon siyang mabuting personalidad.” Sa kasong ito, nagkaroon ba ng pagbabago sa kanilang personalidad? (Wala.) Sa katunayan, isa itong normal na pattern. Isa itong proseso ng normal na pag-usad sa pagkatuto ng isang uri ng propesyon—hindi ito isang proseso ng pagbabago ng personalidad. Ito man ay kakayahan, abilidad, at mga likas na gawi, o personalidad, mga gawi, hilig, at libangan, wala sa mga aspektong ito ang mga bagay na gustong baguhin ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Kung lagi kang naniniwala na ang paggawa at pagsasalita ng Diyos para tustusan ang mga tao ng katotohanan ay para sa layuning baguhin ang lahat ng likas na katangian ng mga tao—, at iniisip na saka lamang maituturing ang isang tao na ganap na isinilang na muli, tunay na isang bagong tao na gaya ng sinabi ng Diyos—, ikaw ay talagang nagkakamali. Kuru-kuro at imahinasyon ito ng tao. Pagkatapos mong maunawaan ito, bitiwan mo na dapat ang gayong mga kuru-kuro, imahinasyon, haka-haka, o damdamin. Ibig sabihin, sa proseso ng paghahangad sa katotohanan, hindi ka dapat laging umasa sa mga damdamin o palagay para sumahin ang mga bagay na ito: “Humusay na ba ang kakayahan ko? Nagbago na kaya ang mga likas na katangian ko? Kasingsama pa rin ba gaya ng dati ang personalidad ko? Nagbago na ba ang gawi ng pamumuhay ko?” Huwag mo nang pagnilayan ang mga ito; walang silbi ang gayong pagninilay-nilay, dahil hindi ang mga aspektong ito ang nilalayong baguhin ng Diyos, at hindi kailanman pinuntirya ng mga salita at gawain ng Diyos ang mga bagay na ito. Hindi kailanman nilayon ng gawain ng Diyos na baguhin ang kakayahan, ang mga likas na gawi, personalidad ng mga tao, at iba pa, ni hindi kailanman nagsalita ang Diyos para sa layuning baguhin ang mga aspektong ito ng mga tao. Ang implikasyon ay na nagtutustos ng katotohanan ang gawain ng Diyos sa mga tao batay sa mga likas na kalagayan nila, na naglalayong ipaunawa ang katotohanan sa mga tao, pagkatapos ay para tanggapin ng mga tao ang katotohanan at magpasakop sila rito. Sa madaling salita, kahit ano pa ang uri ng kakayahang mayroon ka, at kumusta man ang personalidad at mga likas mong gawi, ang gustong gawin ng Diyos ay ang isagawa sa iyo ang katotohanan, ang baguhin ang mga dating kuru-kuro at tiwaling disposisyon mo, sa halip na baguhin ang iyong likas na kakayahan, mga likas na gawi, at personalidad. Nauunawaan mo na ngayon, tama ba? Ano ang nilalayong baguhin ng gawain ng Diyos? (Nilalayon ng gawain ng Diyos na baguhin ang mga lumang kuru-kuro at tiwaling disposisyon sa loob ng mga tao.) Ngayong naiintindihan mo na ang katotohanang ito, bitiwan mo na dapat ang mga imahinasyon at kuru-kurong iyon na hindi makatotohanan at nakatuon sa mahihiwagang bagay, at huwag mo nang gamitin ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito para sukatin ang sarili mo o humingi sa sarili mo. Sa halip, dapat mong hanapin at tanggapin ang katotohanan batay sa iba’t ibang likas na kalagayang ibinigay sa iyo ng Diyos. Ano ang pinakamithiin nito sa huli? Iyon ay ang maunawaan mo ang mga katotohanang prinsipyo, ang maunawaan mo ang bawat isang katotohanang prinsipyo na dapat isagawa sa harap ng iba’t ibang sitwasyong nakakaharap mo, at tingnan mo ang mga tao at bagay—at umasal ka at kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyong ito, batay sa mga likas na kalagayan mo. Matutugunan ang mga hinihingi ng Diyos kung gagawin ito. Ito ay dahil ang pakay ng mga salita at gawain ng Diyos ay ang isagawa ang mga katotohanan sa mga tao para ang mga ito ay maging mga prinsipyo at pamantayan nila sa pagsasagawa, at para ang mga ito ang maging mga batayan nila sa pagtingin sa mga tao at bagay, at pag-asal at pagkilos, at para ang mga ito ay maging buhay nila, sa halip na gawin nito ang mga tao na mga superhuman o mga taong may mga mahiwagang kapangyarihan. Ano ang ibig Kong sabihin sa “mga superhuman” at mga “taong may mga mahiwagang kapangyarihan”? Ang magawa ng isang tao na lagpasan ang mga likas niyang gawi, lagpasan ang saklaw ng kanyang abilidad, lagpasan ang kanyang kakayahan, at lagpasan pa nga ang kanyang kasarian, at ang magawang mamuhay nang lagpas sa kanyang kasarian—hindi ba’t ang mga ito ay mga mahiwagang kapangyarihan? (Oo.) Halimbawa, ang ilang tao ay nakapagsasalita ng ilan o higit pa sa sampung wika nang hindi nakikibahagi sa espesyal na pag-aaral ng wika. Mahiwaga ba ito? (Oo.) Ang kahiwagahang ito ay lagpas sa kakayahan, abilidad at likas na gawi ng tao, hindi ba? (Oo.) Higit pa rito, kapag nagsasalita ng iba’t ibang wika, nagagawa pa nilang pleksibleng gumamit ng iba’t ibang boses ng lalaki at babae. Hindi ba’t mas mahiwaga ito? (Oo.) Gaano karaming wika man ang nasasalita nila, hindi nila napaghahalo-halo ang mga ito, at hindi sila napapagod kahit gaano katagal silang magsalita, at kahit na hindi sila uminom ng kaunting tubig, hindi sila nauuhaw. Higit pa rito, habang mas nagsasalita sila, mas nagniningning ang mga mata nila, mas nagliliwanag ang mukha nila, at kumikinang ang buong katawan nila. Hindi ba’t mahiwaga ito? (Oo.) Kahit na mabaril sila habang nagsasalita, ayos lang sila at patuloy lang na nagsasalita. Mas lalong mahiwaga iyon, hindi ba? (Oo.) Kapag nakita nila ang bala, hindi nila ito sinusubukang iwasan, sa halip ay hinaharap nila ito nang direkta. Tumatagos ang bala sa kanilang dibdib, pero tumatayo sila nang matatag at hindi aalinlangan. Hindi sila naaapektuhan sa anumang paraan, at ni isang hibla ng buhok nila ay hindi nasasaktan. Ito ay paglagpas sa likas na gawi, hindi ba? Ang lahat ng penomenong ito ay lumalagpas sa likas na gawi ng tao. Ang pinakaseryosong bagay sa lahat ay na naging di-pangkaraniwang tao na sila, ibig sabihin, isang taong iba sa mga ordinaryong tao, na lagpas sa kakayahan at mga abilidad ng mga normal na tao, at lumalagpas din sa mga likas na gawi ng mga normal na tao. Ang mga pagpapamalas nila sa lahat ng aspekto ay naiiba sa mga ordinaryong tao at partikular na mahiwaga. Problema ito. Normal na tao pa ba sila? Hindi. Ano sila kung gayon? (Isang masamang espiritu.) Sila ay isang masamang espiritu. Gusto ba ninyong hangarin ito? (Hindi.) Wala sa inyo ang may gusto, kaya sa tingin mo ba ay kayang baguhin ng gawain ng Diyos ang mga tao hanggang sa ganoong antas? Ang pakay ba ng gawain ng Diyos ay gawing mga di-pangkaraniwang tao ang mga indibidwal? (Hindi.) Ito ay para tanggapin mo ang katotohanan at danasin ang mga kapaligirang inilatag Niya para sa iyo sa loob ng saklaw ng normal na pagkatao, para mula rito ay maunawaan mo ang mga masinsinang layunin sa paggawa ng Diyos sa Kanyang gawain, o ang sarili mong mga kakulangan at kahinaan, o ang sarili mong mga tiwaling disposisyon, at pagkatapos, sa batayan ng pagkaunawang ito, hanapin ang katotohanan at isagawa ito, at unti-unting pumasok sa katotohanan—ang prosesong ito ay mabagal at hindi talaga mahiwaga. Kapag ang ilang tao ay nagiging negatibo, mahilig silang magsabi nito: “Ano ang nakamit ko mula sa pananampalataya sa Diyos sa loob ng napakaraming taon?” Sinasabi mong wala kang anumang nakamit, pero dapat pag-isipan mong mabuti ang mga sumusunod. Dahil napakaraming taon mo nang nananampalataya sa Diyos, mayroon ka na ba ngayong malinaw na pananaw sa maraming bagay? Totoo ba na kapag mas matagal ka nang nananampalataya, mas payapa at praktikal na ang pakiramdam mo, at mas nadarama mo na ito ang tamang landas sa buhay? Kung ganito ang nadarama mo, ibig sabihin ay may nakamit ka na nga. Bagama’t hindi ka nagkamit ng anumang materyal na bagay, bagama’t hindi ka nagkamit ng pera, katayuan, kasikatan, pakinabang—mga bagay na kayang mawakan ng kamay mo o makita ng mga mata mo—nakaunawa ka pa rin ng ilang katotohanan sa puso mo. Nagkamit ka ng kaunting pagkaunawa sa aktuwal na pag-iral ng Diyos at sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Dagdag pa rito, naunawaan mo rin ang mga layunin ng Diyos at ang Kanyang mga hinihingi sa mga tao, at alam mo kung ano ang isang nilikha at kung anong tungkulin ang dapat mong gawin. At kung, sa ngayon, hindi ka pinahintulutang gumawa ng isang tungkulin, maghihinagpis ka at madarama mong hungkag ang buhay mo. Hindi ba’t ipinapakita ng lahat ng ito na may mga nakamit ka na mula sa pananampalataya sa Diyos? Ang nakamit mo ay mas mahalaga kaysa sa anumang materyal na bagay. Ito ang mga epektong nakakamit ng gawain ng Diyos sa mga tao. Hindi Niya nilalayon na bigyang-kakayahan ang mga tao na sumailalim sa ilang mahiwaga, di-makatotohanang pagbabago na lagpas sa pagkatao, mga likas na gawi ng tao, o sa mga normal na pangangailangan at normal na pagpapamalas ng laman. Sa halip, nilalayon Niyang bigyang-kakayahan ang mga tao na maranasan ang lahat ng uri ng kapaligiran sa loob ng saklaw ng normal na pagkatao, at sa prosesong ito, na unti-unti at dahan-dahang makamit ang lahat ng uri ng pagkaunawa at karanasan. Sa madaling salita, sa buong panahon ng unti-unti at mabagal na prosesong ito, ang mga kaisipan at kuru-kuro ng mga tao ay nababago nang paunti-unti, nababago ang kanilang mga perspektiba sa pagtingin sa mga tao at bagay, ang kanilang mga pananaw at paraan ng pakikitungo sa lahat ng uri ng tao, pangyayari at bagay ay nababago, ang ilan sa kanilang mga tiwaling disposisyon ay hindi na kasinghalata nang dati, at ang kanilang konsensiya at katwiran ay nababalik na sa ilang antas. Natatamo nila ang mga tunay na pakinabang na ito, sa halip na ang mga bagay na di-makatotohanan, mala-ilusyon, hungkag, mababaw, o mahiwaga pa nga.
Ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan sa isang dahan-dahang paraan, at siyempre ay mayroong isa pang pangunahing prinsipyo, iyon ay na sa paggawa ng Kanyang gawain, hinahayaan ng Diyos na natural na tumakbo ang mga bagay. Ang prinsipyong ito na “hayaan ang natural na takbo ng mga bagay” ay maaaring medyo mahirap na maunawaan para sa mga tao. Ano ang ibig sabihin ng hayaan ang natural na takbo ng mga bagay? Ibig sabihin nito na, gumagawa man ang Diyos sa mga tao o nagsasalita sa mga tao, hindi Niya kailanman pinupuwersa ang sinuman na gumawa ng mga bagay. Naglalatag ang Diyos ng mga kapaligiran para sa iyo, at tinutustusan ka ng katotohanan gaya lang ng ginagawa Niya para sa ibang mga tao. Tungkol sa kung paano mo dapat tingnan at unawain ang mga kapaligirang inilalatag Niya, at kung anong pananaw at saloobin ang dapat mong gamitin para harapin ang mga ito, ang Diyos ay may malilinaw na salita at sinabi Niya sa iyo ang malilinaw na katotohanang prinsipyo. Tungkol naman sa kung paano mo haharapin ang mga ito, malayang pagpili mo na iyon. Maaari mong piliing tanggapin ang katotohanan at kilalanin ang sarili mo, o maaari mong piliin na tanggihan ang katotohanan; maaari mong piliin na tanggapin ang pagbubunyag sa iyo ng mga kapaligiran na pinamamatnugutan ng Diyos, o maaari mong piliing balewalain ang gawain ng Diyos—mayroon kang kalayaan na pumili, malaya kang pumili. Halimbawa, pagdating sa tungkuling dapat mong gawin, maaari mong piliin na gawin ito nang buong puso at nang buong lakas mo, o maaari mong piliin na gawin ito nang may pabasta-bastang saloobin. Ito ay ganap na batay sa personal mong pagpili, at siyempre, batay rin ito sa sarili mong kakayahan, mga abilidad, mga likas na gawi, at iba pa. Hindi gumagawa ang Diyos ng karagdagang gawain—ibig sabihin, sa mga normal na sitwasyon, hindi gumagawa ang Diyos ng anumang karagdagang gawain ng panghihikayat, o pamimilit. Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito na naglalatag ang Diyos ng mga kapaligiran para sa iyo—para lang Siyang naglatag ng isang piging para sa iyo, na may maiinit at malalamig na ulam, kanin at sabaw, mga prutas, mga inumin, at kung ano-ano pa, at pagdating sa kung ano ang pinipili mo, binibigyan ka ng Diyos ng kalayaan—ano man ang piliin mo, may kalayaan kang gawin iyon, at hindi nakikialam ang Diyos, tumutuon lang siya sa pagpapahayag ng katotohanan para itustos sa mga tao. Ang ilang tao ay mabilisan lang na tinitingnan ang piging, nang hindi tinitikman mismo kung ano ang lasa ng masasarap na ulam. Nagkokomento lang sila sa piging, nagsasalita ng ilang doktrina, at pagkatapos ay umaalis na. Ang iba ay pinipili lang na tignan ang piging, balewalain ang masasarap nitong pagkain, at umaalis nang walang anumang saloobin o anumang opinyon. May iba na personal na tinikman at dinanas ang masasarap na ulam nito, at inaral din kung paano gawin ang isa sa masasarap na pagkain. Sa kapaligirang inilatag ng Diyos, anuman ang iyong saloobin—ito man ay ang salubungin ito, o ang tanggihan o itatwa ito, o hamakin ito at maging mapanlaban dito, at iba pa, ang lahat ng ito ay mga saloobin kung ang Diyos ang tatanungin. Paano hinaharap at pinapakitunguhan ng Diyos ang iba’t ibang saloobin ng mga tao? Dahil natustusan na niya ang mga tao ng napakaraming katotohanan, ang saloobin ng Diyos sa kanila ay ang magbantay lang at magtala. Tungkol naman sa kung ano ang pinipili ng mga tao o kung ano ang saloobin nila, hindi nakikialam ang Diyos—ang usaping ito ay walang kinalaman sa Diyos. Kung gayon, saan may kinalaman ang usaping ito? May kinalaman ito sa kung anong landas ang pinipili mo, kung ano ang nakakamit mo sa huli, at sa iyong huling kalalabasan. Sa usaping ito, ang Diyos ay hindi gumagawa ng karagdagan, pamamahalang gawain, tinutupad lang Niya ang mga responsabilidad at obligasyon na dapat Niyang tuparin. Pagkatapos Niyang itustos sa iyo ang katotohanan at sabihin sa iyo ang mga prinsipyo para sa pakikitungo sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay, maaari din Siyang maglatag ng mga kapaligiran para sa iyo. Gayumpaman, hindi nakikialam ang Diyos sa kung ano mismo ang mga huli mong pagpili o kung anong uri ng landas ang tinatahak mo—hinahayaan ka Niyang pumili para sa sarili mo. Halimbawa, kung ikaw ay nahalal na maging isang lider o manggagawa, maaari mong piliin na kumilos nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo at sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, o kumilos nang pabasta-basta at walang ingat nang ayon sa sarili mong mga kagustuhan. Kung pipiliin mong pangasiwaan ang lahat ng bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo at gawin ang tungkulin mo nang ayon sa mga pagsasaayos ng gawain, ang Diyos ay mag-oobserba at magtatala tungkol dito, at sa huli, makakamit mo ang katotohanan at makapagpapasakop ka sa Diyos—isang kalalabasan ito. Kung gagawin mo ang mga bagay ng ayon sa sarili mong kagustuhan, at kikilos ka nang pabasta-basta at nang walang ingat, nilalabag ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos at ang mga katotohanang prinsipyo, isa rin itong pagpili at kinakatawan nito ang landas na tinatahak mo, at oobserbahan din ito ng Diyos at itatala ito, at siyempre, alam na agad kung ano ang iyong kalalabasan. Kung nakamit mo ang katotohanan at buhay, bibigyang-kakayahan ka rin ito na makamit ang pagsang-ayon ng Diyos at matitiyak nito ang isang magandang hantungan para sa iyo.
Naniniwala ang mga tao na ang gawain ng Diyos ay kinasasangkutan ng Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos. Kaya, ano ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao? Ang mga ito ay isang uri ng pagmamanipula, ibig sabihin, palihim na tinatakpan ng Diyos ang mga tao gamit ang isang malaking lambat, minamanipula ang lahat ng kanilang pag-uugali at ang mga kapaligirang kinapapalooban nila, at binabantayan ang lahat ng ginagawa nila. Ang mga ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon na mayroon ang mga tao, hindi ba? (Oo.) Dahil dito, nagsisimula ang mga tao na maging mapagbantay at matakot sa Diyos sa kanilang puso, at ito ay idinulot ng kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Ang pagiging takot at mapagbantay nila sa ganitong paraan ay hindi tunay na pagpapasakop at pagkatakot sa Diyos, kundi isang anyo ng pagkamapaghimagsik at paglaban. Iniisip ng mga tao na ang Diyos ay omnipotente at omnipresente, at na ano man ang gawin nila, totoo na “kapag kumikilos ang tao, nagmamasid ang Langit.” Iniisip nila na palaging nagbabantay sa kanila ang Diyos at nagmamasid sa kanila, nang may pakay na pigilan ang kanilang puso, ang kanilang mga kamay at paa, hindi sila binibigyan ng kalayaang pumili, at pinipilit silang isagawa ang katotohanan, pinipilit silang baguhin ang kanilang mga kaisipan at pananaw, at pinipilit silang gawin ang mga bagay nang ayon sa mga kahilingan ng Diyos. Ang mga ito ay pawang mga kuru-kuro ng tao. Sa mahigpit na pananalita, isa itong uri ng paglapastangan laban sa Diyos. Sa katunayan, hindi kailanman nilayon ng Diyos na pilitin, igapos, o manipulahin ang mga tao. Hindi kailanman pinipigilan o pinipilit ng Diyos ang mga tao, at lalong hindi niya pinupuwersa ang mga tao. Ang ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay masaganang kalayaan—tinutulutan Niya ang mga tao na piliin ang landas na dapat nilang tahakin. Kahit na nasa sambahayan ka ng Diyos, at kahit na pauna ka nang itinadhana at hinirang ng Diyos, malaya ka pa rin. Maaari mong piliin na tanggihan ang iba’t ibang hinihingi at pagsasaayos ng Diyos, o maaari mong piliin na tanggapin ang mga ito; binibigyan ka ng Diyos ng pagkakataon na pumili nang malaya. Pero anuman ang piliin mo, o paano ka man kumilos, o anuman ang pananaw mo sa pangangasiwa ng isang usapin na nakakaharap mo, o anuman ang mga gawi at paraan na ginagamit mo sa huli para lutasin ito, dapat mong panagutan ang mga kilos mo. Ang iyong huling kalalabasan ay hindi batay sa iyong personal na mga paghusga at pagtukoy, at sa halip ay nag-iingat ng isang talaan ang Diyos tungkol sa iyo. Pagkatapos makapagpahayag ng Diyos ng napakaraming katotohanan, at pagkatapos marinig ng mga tao ang napakaraming katotohanang ito, mahigpit na susukatin ang Diyos ang mga tama at mali ng bawat tao at tutukuyin ang huling kalalabasan ng bawat tao batay sa Kanyang sinabi, sa kung ano ang kanyang hinihingi, at sa mga prinsipyong dinisenyo Niya para sa mga tao. Sa usaping ito, ang pagsisiyasat ng Diyos, at ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos ay hindi pagmamanipula ng Diyos sa mga tao, o paggapos Niya sa mga tao—ikaw ay malaya. Hindi mo kailangang maging mapagbantay laban sa Diyos, ni hindi mo kailangang matakot o mabalisa. Isa kang malayang tao mula simula hanggang dulo. Binibigyan ka ng Diyos ng isang malayang kapaligiran, ng kalooban na gumawa ng mga malayang pagpili, at ng espasyo na makapili nang malaya, tinutulutan ka na pumili para sa iyong sarili, at anuman ang kalalabasan mo sa huli ay ganap na tinutukoy ng landas na tinatahak mo. Patas ito, hindi ba? (Oo.) Kung, sa huli, maliligtas ka, at isa kang taong nagpapasakop sa Diyos at kaayon ng Diyos, at isa kang taong tinatanggap ng Diyos, iyon ang nakukuha mo dahil sa iyong mga tamang pagpili; kung, sa huli, hindi ka maliligtas, at hindi mo magagawang maging kaayon ng Diyos, at hindi ka nakakamit ng Diyos, at hindi ka isang taong tinatanggap ng Diyos, iyan ay dahil din sa iyong sariling mga pagpili. Samakatwid, sa Kanyang gawain, binibigyan ng Diyos ang mga tao ng maraming espasyo para pumili, at binibigyan Niya rin ang mga tao ng ganap na kalayaan. Ito ay dahil ginagamit ng Diyos ang katotohanan para sukatin ang lahat ng tao, pangyayari, at bagay, kabilang na ang mga kalalabasan at hantungan ng mga tao. Ang mga kalalabasan at hantungan ng mga tao ay tinutukoy rin gamit ang katotohanan—ito ang prinsipyo ng gawain ng Diyos, na hindi kailanman nagbabago. Hindi ka tatanggapin ng Diyos, hindi ka Niya papakitaan ng biyaya, at hindi ka Niya tutulutang maligtas dahil natatakot ka sa Kanya, mapagbantay ka laban sa Kanya, at naglalakad ka nang kimi at sunud-sunuran hanggang sa dulo ng daan; ni hindi ka tutulutan ng Diyos na maligtas sa huli dahil sa anumang mga ambag na ibinigay mo. Sa madaling salita, walang magiging mga eksepsiyon kung saan ang isang tao ay magkakaroon ng kalalabasan o mabuting hantungan na hindi nararapat sa kanya—anuman ang kalalabasan ng bawat tao ay tinutukoy ng landas na tinatahak niya. Bibigyan kita ng halimbawa. Sabihin natin na naglatag ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo, at sa kapaligirang ito, ang dapat mong gawin ay pagnilayan at kilalanin ang sarili mong mga pagsalangsang, at kilalanin ang sarili mong mga tiwaling disposisyon, mapaninlang na kaisipan at pananaw, kahinaan at kakulangan, o ang ilan sa iyong mga maling pagkaunawa at reklamo tungkol sa Diyos. Dapat mo ring itigil ang pagpapalusot o pagbibigay ng mga tusong argumento para ipagtanggol ang sarili mo at sa halip ay dapat mong magawang magpasakop, hanapin ang mga nauugnay na katotohanan para baguhin ang kasalukuyan mong sitwasyon, at tanggapin ang katotohanan papasok sa iyo at pagkatapos ay kumilos nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa paggawa nito ay makakamit mo ang ninanais na epekto. Kapag nangyari sa iyo muli ang mga katulad na bagay, natural kang magsasagawa nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at hindi na kakailanganin pang maglatag ang Diyos ng mga espesyal na kapaligiran para alalayan ka. Ito ay isang bagay na kayang makamit ng mga tao, at kung kaya nila itong makamit, hindi gagawa ang Diyos ng anumang hindi kinakailangang gawain. Pero pagdating sa mga hindi naghahangad sa katotohanan, iba ang saloobin ng Diyos. Ang ilang tao ay hindi naghahanap ng katotohanan o nagninilay-nilay sa sarili nila kapag sumasapit ang mga bagay sa kanila, sa halip ay patuloy lang silang nagiging negatibo at reklamador, nagrereklamo tungkol sa Diyos at sa ibang tao. Hindi lang sila nakakabuo ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, kundi hinuhusgahan din nila Siya. Kung may isang taong magpupungos at maglalantad sa kanila, maghahanap sila ng mga dahilan para pangatwiranan ang sarili nila, at maaari din silang maging pasibo at maging tamad sa kanilang gawain, o hindi pa nga pahalagahan ang mga bagay. Ang gayong mga tao ay hindi na matutubos, at sila ang mga itinataboy ng Diyos. Kung mayroon kang kaunting interes sa katotohanan habang nananampalataya sa Diyos, at handa kang makinig sa mga sermon at magsikap para sa katotohanan, at mayroon kang kaunting positibong saloobin, sisiyasatin ng Diyos ang puso mo, at aantingin ka nang kaunti kapag hinanap mo ang katotohanan, at pagkatapos ay sisayasatin Niya kung nagagawa mong isagawa ang katotohanan. Pero kung pipiliin mong maging negatibo at magpakatamad sa gawain mo, na magpalusot at pangatwiranan ang sarili mo, at masyadong magalit sa kung saan-saang lugar, at hindi mo pinipiling kilalanin ang sarili mo o magsisi, ano ang gagawin ng Diyos at paano ka Niya pakikitunguhan? Tahimik lang na mag-oobserva ang Diyos sa mga pagbabagong nagaganap. Hindi ka aantigin ng Diyos, ni hindi ka Niya hihimukin na basahin ang Kanyang mga salita at hanapin ang katotohanan. Ang Diyos ay hindi makikisangkot o makikialam—hahayaan ka Niyang gumawa ng eksena hangga’t gusto mo. Kapag nagising ang konsensiya mo at naisip mo, “Hindi ko dapat ginawa ito,” o paminsan-minsan kang nakakarinig ng patotoong batay sa karanasan na kahawig ng kasalukuyan mong sitwasyon at nalalaman mo kung paano kumilos ang taong iyon, at bigla mong nadarama na ang ginawa mo ay hindi naaangkop, hindi makatwiran, at hindi disente, at may kaunting kirot sa iyong puso, mula sa puntong iyon, hindi ka na magiging negatibo o mahina, at mahihiya ka nang ibuka ang iyong bibig para pangatwiranan ang sarili mo, at ang iyong mga ideya o kilos na nanggugulo at hindi nagpapahalaga sa mga bagay ay uunti na nang uunti, at mababawasan na nang mababawasan ang kalubhaaan ng mga ito. Gaano man kalayo ang marating nito, ano’t anuman, ito ay pawang sarili mong pag-uugali. Ang Diyos ay palihim at tahimik na nanonood, nang may pakay na makahanap ng ebidensya para suriin ka sa huli. Katulad lamang noong malapit nang mawasak ang lungsod ng Nineve, pinadala lamang ng Diyos si Jonas para iparating ang mensahe sa mga taga-Nineve. Hindi sila inantig ng Diyos para ikumpisal nila ang kanilang mga kasalanan, para magsisisi sila, o unawain ang sarili nilang mga problema—hindi Niya ginawa ang mga bagay na ito. Ipinadala lang ng Diyos si Jonas para iparating ang mensahe, at kasabay nito ay palihim siyang nagmasid para makita kung anong mga serye ng mga tugon at kilos ang gagawin nila pagkarinig sa pabatid na ito, at para makita kung ano ang mga plano ng lahat ng iba’t ibang tao mula sa pinakamataas at pinakamababa, at kung ano ang mga saloobin nila tungkol sa pabatid na ito mula sa Diyos. Ang tanging ginawa niya ay magmasid nang palihim. Ano ang ibig sabihin ng “magmasid”? Ibig sabihin nito ay pinapanood ng Diyos, tulad ng isang miron, ang proseso ng kung paano ang nagiging takbo ng mga bagay at ang direksiyon ng pagbabago ng mga bagay, at hindi Siya nakikialam sa anumang paraan. Bukod sa pagpapadala kay Jonas para iparating ang ilang pangungusap na iyon, hindi gumawa ang Diyos ng anumang karagdagang gawain, ni hindi Siya gumawa ng anumang gawain ng pagpapayo sa mga tao, at lalong walang mga karagdagang salita na dapat iparating, yaong kaunting mga pangungusap lang na nagmula sa bibig ni Jonas. Siyempre, ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos sa mga tao ngayon ay nananatiling hindi nagbabago—gumagawa pa rin siya sa ganitong paraan, ito ang saloobin ng Diyos sa sangkatauhan mula umpisa hanggang dulo. Gusto man niyang baguhin ang isang tao o isakatuparan ang isang bagay sa isang tao, ang saloobin, mga prinsipyo, at mga pamamaraan ng Diyos sa Kanyang gawain ay hindi nagbabago. Bakit ganoon? Ang nilikha ng Diyos ay mga buhay na tao, mga nilikhang tao na may malayang kalooban, at hindi mga makina o papet. Kapag ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan o kapag gusto Niyang maisakatuparan ang isang bagay, madalas ay una Niyang nilalatag ang isang kapaligiran para bigyan sila ng kakayahan na hangarin na maarok ang Kanyang mga layunin, at minsan ay direkta Niyang sasabihin sa mga tao kung ano ang Kanyang mga layunin at hinihingi; ang natitira ay depende sa mga taong gumagawa ng mga desisyon batay sa malaya nilang kalooban at sa iba’t ibang kondisyon na tinataglay nila. Ito ang salooobin ng Diyos sa mga taga-Nineve, at ang Kanyang saloobin sa mga tao na gusto niyang iligtas ngayon ay nananatiling hindi nagbabago. Ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos ay hindi nagbago; palaging gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan, at ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa mga tao na nilikha Niya ay palaging ganito. Pagkatapos magbigay ni Jonas ng pabatid sa mga taga-Nineve, naghanap siya ng lugar kung saan siya makakapagpalamig at pinanood niya ang mga tao ng lungsod mula sa gilid para makita kung anong uri ng gulat at aktibidad ang mapupukaw sa gitna ng mga taga-Nineve sa sandaling maiparating ang mensahe ng Diyos mula sa itaas at baba ng lungsod, at nalaman ng lahat ang balita na wawasakin ng Diyos ang Nineve—ang ginawa lang niya ay magmasid. Siyempre, tumagal ng ilang panahon ang pagmamasid na ito, at sa prosesong ito, pinapanood ng Diyos ang mga pagbabago sa lahat ng bagay na ito. Kung ang mga bagay ay tatakbo sa isang mabuting direksiyon, siyempre ay matutuwa ang Diyos; kung tatakbo ang mga bagay sa isang masamang direksiyon, maaaring maghinagpis Siya, pero depende iyon sa sitwasyon. Maghihinagpis ang Diyos dahil ang mga tao ay nilikha ng Diyos, at naghihinagpis ang Diyos kapag ang mga tao ay nahaharap sa pagkawasak, o kapag ang isang buhay ay mawawala na. Gayumpaman, kapag nahaharap sa mga tiwalang tao na nagiging sobrang manhid at mapurol ang isip, at napakamapaghimagsik, hindi naghihinagpis ang Diyos. Gagawin ng Diyos ang dapat Niyang gawin ayon sa Kanyang orihinal na plano, ayon sa mga paraan ng Kanyang paggawa, at ayon sa mga paraan at prinsipyo ng Kanyang pakikitungo sa mga nilikha. Walang mga damdamin o emosyon ng tao rito, tanging ang mga prinsipyo at pamantayan ng Lumikha sa paggawa ng mga bagay. Kaya, sa aspektong ito, dapat bitiwan ng mga tao ang kanilang sariling mga kuru-kuro at tumpak na arukin ang saloobin at mga pamamaraan ng Diyos sa pagtrato sa mga tao, sa halip na gamitin ang makitid na isipan ng mga nilikhang tao para gumawa ng mga espekulasyon at palagay tungkol sa mga kaisipan at ideya ng Diyos. Gumagawa ang Diyos sa iyo, naglalatag ng mga kapaligiran para sa iyo, at nagsasaayos ng mga tao, pangyayari, at bagay para sanayin ka at bigyang-kakayahan ka na magsagawa, at gusto Niyang isagawa ang katotohanan sa iyo—saan nakabatay ang orihinal na layunin ng Diyos sa paggawa ng mga bagay sa ganitong paraan? Nakabatay ito sa prinsipyo ng pagrespeto at pagpapahalaga sa buhay. Hindi ito isang damdamin na mayroon ang Lumikha patungkol sa mga nilikhang tao—ang Diyos ay walang mga damdamin. Ang prinsipyo ng orihinal na layunin na ito ay lampas sa mga damdamin ng makalamang ugnayan ng tao, at siyempre, hindi rin ito isang uri ng pagmamahal—lumilitaw ito dahil sa prinsipyo ng pagpapahalaga at pagrespeto sa buhay. Sinasabi ng ilang tao: “Ito ba ang lawak ng isip ng Diyos? Ito ba ang Kanyang mataas na antas ng pagkadiyos?” Sa tingin ba ninyo ay ganoon ang kaso? (Hindi.) Maaari ninyong gamitin ang mga terminong” antas ng pagkadiyos” at “lawak ng isipan” para ilarawan ang mga tao, pero huwag gamitin ang mga ito sa Diyos. Hindi ito lawak ng isipan ni isang antas ng pagkadiyos. Sa isang banda, masasabing ito ang pagiging kaibig-ibig ng Lumikha, at sa kabilang banda, masasabi rin na ito ay isang pagbubunyag ng pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Pinapahalagahan at nirerespeto ng Diyos ang buhay ng anumang nilikha, pero batay sa pagpapahalaga at pagrespetong ito, hindi nakikipagkompromiso ang Diyos sa Kanyang mga prinsipyo, at ang mga prinsipyong ito ay hindi sa mga damdamin o sa laman. Sa ano ang mga ito? Ang mga ito ay mga prinsipyo ng katotohanan, na nabibilang lang sa Diyos. Pag-isipan ito, kung may mga anak ang mga tao, labis-labis nilang kinagigiliwan ang mga ito at mayroon silang malalalim na damdamin para sa mga ito. Hinihiling pa nga nila na makarga nila ang mga anak nila sa bisig nila at makasama ang mga ito buong araw. Walang mga gayong damdamin o pagmamahal ang Diyos para sa mga tao. Dahil sa ugnayan nila sa dugo, nagkakaroon ang mga tao ng mga ganoong uri ng damdamin para sa mga anak nila, at dahil sa mga ganoong uri ng damdamin ay mawawalan ang mga tao ng kanilang katwiran at mga prinsipyo. Ang mga ito ay mga hindi natural o normal na pagbubunyag ng normal na pagkatao, ni hindi isang pagpapamalas ng pagmamahal. Ang mga ito ay pawang mga damdamin at pagkamainitin ng ulo lang—ang mga ito ay mga damdamin na lumilitaw dahil sa mga unayan sa dugo. Ang mga damdamin ay hindi mga katotohanan, at ang mga ito ay hindi ang dapat taglayin ng normal na pagkatao; ang mga ito ay mga negatibong bagay. Ang Diyos ay hindi nagigiliw o nagpapalayaw sa sangkatauhan. Ano ang saloobin ng Diyos sa sangkatauhan? Pinili ka ng Diyos, at may pananagutan Siya sa iyo, at gumagawa Siya at nagbabayad ng halaga para sa iyo, at nagbibigkas ng mga salita para tustusan ka ng katotohanan at ng buhay, batay sa prinsipyo ng pagpapahalaga sa buhay ng mga nilikhang tao at pagrespeto sa buhay. Pero ang paraan ng paggawa ng Diyos ay hindi tulad ng nasa imahinasyon ng mga tao, ibig sabihin, sa pamamagitan ng pagsunggab sa iyo nang mahigpit, o sa mas karaniwang pananalita, sa panggigipit sa iyo. Hindi ito ganoon. Hindi ginigipit ng Diyos ang mga tao; hindi Niya kailanman pinupuwersa ang mga tao na gumawa ng anumang bagay. Para magkamit ng mga pagpapala, sa kanilang pananampalataya sa Diyos ay palaging gusto ng mga tao na gipitin ang Diyos, at palaging gustong puwersahin ang Diyos na bigyan sila ng mga pagpapala, at gusto ring kumapit sa Diyos at gipitin Siya para hayaan Niya silang makapasok sa kaharian ng langit. Hindi ba’t ganito ang kaso? (Oo.) Hindi ka ginigipit ng Diyos. Hindi maganda na gamitin ang kolokyal na terminong ito na” gipitin ka,” pero medyo malinaw ito at madaling maintindihan ng mga tao. Hindi ka sinusunggaban ng Diyos nang mahigpit—malaya ka. Kung pahahalagahan mo ang lahat ng gawaing ito na ginagawa sa iyo ng Diyos dahil nirerespeto, itinatangi, at pinapahalagahan Niya ang buhay mo, hindi mo dapat piliin na maging mapagbantay, magkimkim ng mga maling pagkaunawa, makaramdam ng paglaban, o tumanggi sa Diyos kapag namamatnugot at nagsasaayos Siya ng anumang kapaligiran para sa iyo. Sa halip, dapat mong gawin ang nararapat na gawin ng isang nilikha at ipakita ang saloobin na dapat mayroon ang isang nilikha para sa Lumikha—ang pagpapasakop at pagtanggap. Hindi ba’t ganito dapat? (Oo.) Malinaw nang napagbahaginan ngayon ang aspektong ito.
Ang paraan ng pagharap ng mga tao sa gawain ng Diyos ay naglantad na sa isa sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon. Ano ang kuru-kuro at imahinasyong ito? Binibigyang-kahulugan ng mga tao ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos bilang pagmamanipula at pagkontrol Niya sa kanila. Ganito ba gumawa ang Diyos? (Hindi.) Sa kaibuturan ng puso ng mga tao, mayroon silang di-halatang pagkatakot sa Diyos. Kapag nababanggit lang ang Diyos, nadarama nila na Siya ay katakot-takot at hindi kaibig-ibig. Naniniwala sila na kung hindi ka makikinig sa mga salita ng Diyos at hindi magpapasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos, magagalit Siya sa iyo hanggang sa makinig ka sa Kanyang mga salita at magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos, at na hindi Siya susuko hanggang magawa ka Niyang ganap. Hindi ba’t isa itong kuru-kuro na mayroon ang mga tao? Ano ang nasa imahinasyon ng mga tao tungkol sa Diyos? Hindi ba’t nasa imahinasyon nila na Siya ay isang diktador? Iniisip nila na dapat mong tanggapin ang Kanyang pamumuno, tanggapin ang Kanyang mga polisiya, at maging magalang sa Kanya at gawin ang anumang sinasabi Niya sa iyo, at na hindi mo Siya puwedeng pag-usapan kapag nakatalikod Siya, at na dapat mong tanggapin ang mga kapaligirang inilalatag Niya para sa iyo, at na kung hindi mo ito tatanggapin, mapaparusahan ka at magdurusa ng pagganti. Talaga bang ginagawa ng Diyos ang mga bagay sa ganitong paraan? (Hindi.) Nirerespeto ka ng Diyos at pinananagutan ka Niyd. Pinapahalagahan ng Diyos ang buhay ng mga nilikhang tao. Hindi dapat mabigo ang mga tao na makita kung ano ang mabuti para sa kanila, o maging hindi mapagpahalaga sa Kanyang kabaitan. Kung pinapahalagahan mo ang kabaitan ng Diyos, dapat mong tanggapin ang mga kapaligirang inilalatag Niya at tanggapin ang mga ito mula sa kanya. Kahit hindi mo tinatanggap ang mga katotohanan na nasa loob ng mga ito, at hindi nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyong nasa loob ng mga ito, at hindi nauunawaan kung ano ang dapat mong isagawa o baguhin, kahit papaano, hindi ka dapat maging mapagbantay laban sa Diyos o magkamali ng pagkaunawa sa Kanya—ito ang dapat mong makamit. Kahit na wala kang makamit mula sa mga kapaligirang ito, huwag magkamali ng pagkaunawa sa mga pagnanais ng Diyos. Hindi hinahangad ng Diyos na magkamit ng anuman mula sa iyo. Isa ka lang munting nilikha, ano naman ang hahangarin ng Diyos na makamit mula sa iyo? Ang iyong buhay at ang lahat ng bagay na tinatamasa mo ngayon ay ibinigay sa iyo ng Diyos, pati na rin ang kaunting doktrinang nauunawaan mo. Ang iyong malayang kalooban, kakayahan, mga kaloob, at ang iyong mga abilidad at kasanayan, kapwa malaki at maliit, ay pawang ibinigay sa iyo ng Diyos. Ano naman ang hahangarin ng Diyos na makamit mula sa iyo? Kung magkakamit ang Diyos ng kaluwalhatian pagkatapos niyang isagawa ang katotohanan sa iyo, idinudulot na magpasakop ka sa Kanya at matakot sa Kanya, at iniisip mo na ito ang hinahangad ng Diyos na makamit mula sa iyo, hindi ba’t hinuhusgahan mo Siya batay sa iyong sariling ubod na samang mga pamantayan? Ito ay paglapastangan laban sa Diyos, hindi ba? (Oo.) Anong kaluwalhatian ang makakamit ng Diyos mula sa mga tao? Sa huli, ang mga tao mismo ang nagtatamo ng mga kongkretong pakinabang. Bago matapos ang Kanyang gawain, nagkamit na ng kaluwalhatian ang Diyos, dahil ang Diyos Mismo ay maluwalhati—ang Kanyang katotohanan at awtoridad ay ebidensiya ng pagkatalo ni Satanas, at ang mga ito ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Ang Diyos Mismo ay maluwalhati, kaya, kailangan pa ba Niyang magkamit ng kaunting kaluwalhatian mula sa munting nilikhang katulad mo? Hindi hinahangad ng Diyos na magkamit ng anumang bagay mula sa mga tao. Kung hinahangad Niya na magkamit ng anumang bagay, ito ay ang bigyang-kakayahan ang mga tao na matugunan ang mga hinihingi Niya sa huli nang ayon sa Kanyang plano ng pamamahala, at sa sandaling magtamo ang mga tao ng kaligtasan at nagagawa na nilang maging kaayon ng Diyos, magpapahinga na Siya—dahil sa kaligtasan ng lahi ng tao, makakapagpahinga na ang Diyos bilang kapalit—ito ang hinahangad na makamit ng Diyos. Kaya, hindi ba’t ang mga tao ang siyang nagtatamo ng mga kongkretong pakinabang sa huli? Matatamo ng mga tao ang katotohanan, hindi na nila mararamdaman na naliligaw sila sa buhay—magkakaroon sila ng direksiyon at landas—at magiging kaayon na sila ng Diyos at hindi na sila maghihimagsik laban sa Kanya, hindi na sila makukuha ng anumang masamang puwersa, sila ay magiging mga tunay na nilikha, at hindi na sila haharap sa kamatayan—napakalaking karangalan niyon! Ang mga nagtatamo ng pinakamalalaking kongkretong pakinabang ay ang mga tao, ang mga tumatanggap sa gawain ng Diyos at sa pagliligtas ng Diyos. Malinaw na bang napagbahaginan ang aspektong ito? Ano ang kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao sa loob nito? (Binibigyang-kahulugan nila ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos bilang Kanyang pagmamanipula at pagkontrol sa mga tao.) Kung hindi natin pinagbahaginan ang tungkol dito, ang mga tao ay palaging magkakaroon ng ilang kaisipan at pananaw sa isip nila na hindi nila maipahayag o na hindi nabuo sa isang sistematikong teorya. Bagama’t hindi sila napipigilan ng mga bagay na ito sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, o nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa isang halatang paraan, malubhang nakakaapekto ang mga ito sa kanilang paghahangad sa katotohanan, sa kanilang saloobin sa Diyos, at sa kanilang ugnayan sa Diyos. Samakatwid, ang mga bagay na ito ay dapat bitiwan ng mga tao. Kapag nalutas na ang problemang ito, nabitiwan mo na ang hadlang sa pagitan mo at ng Diyos, at matatanggal ang isang uri ng hadlang sa iyong landas ng pagsisikap na matamo ang katotohanan, kaya magiging mas madali para sa iyo na sikaping matamo ang katotonanan. Kapag nalulutas ang mga totoong paghihirap, mababawasan ang mga harang at hadlang sa pagitan mo at ng Diyos, kaya magagawa mong gawin ang iyong tungkulin at maisasagawa ang katotohanan nang mas madali. Para lang itong pagpunta sa isang digmaan—Sa tingin ninyo, ano ang mas mainam kapag pumupunta kayo sa isang digmaan, ang magdala ng magaang bitbitin o ang magdala ng mabigat na pasanin? Alin ang mas komportable? (Ang pumunta sa digmaan nang may dalang magaan na bitbitin). Ang pumunta sa digmaan nang may magaang bitbitin, ang magbitbit lang ng sandata sa iyong likuran ay sapat na—ito ay simple at madali sa ganong paraan. Kung bukod doon ay may dala ka pang mga kawali at bagahe, o mga kolorete at kagamitan sa pag-eehersisyo, magiging masyadong mabigat ang pasanin; masakit na magdala ng napakaraming bagay sa digmaan, at hindi magiging madali na lumaban. Ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito ay tulad ng iba’t ibang uri ng pasanin na dala-dala ng mga tao, at mga abala at sagabal sa kanila saanman sila magpunta. Sa madaling salita, paminsan-minsan, ang mga bagay na ito ay makakaapekto at makakahadlang sa iyo mula sa pagsisikap na matamo ang katotohanan at pagsasagawa nito. Kapag walang mga kritikal na isyu, magmumukha na tila wala kang malalaking problema. Pero sa sandaling lumitaw na ang mga kritikal na problema ng prinsipyo, magkakaroon ka ng harang ng mga bagay na ito na humihiwalay sa iyo mula sa Diyos. Kapag lumabas ang mga bagay na ito, madarama mo na may problema sa iyong ugnayan sa Diyos, na may tunggalian sa pagitan mo at ng Diyos; ang iyong puso ng pananampalataya sa Diyos ay hindi na magiging labis na dalisay, at magkakaroon ka ng maraming paghihirap. Pero kapag binitawan mo ang mga bagay na ito, gaganda ang pakiramdam mo, giginhawa at mapapalaya ang puso mo, at hindi na mapipigilan o magagapos. Bagama’t ang mga bagay na ito ay paminsan-minsang lilitaw sa kailaliman ng iyong utak o sa iyong mga isipan, sa pangkalahatan ay malulutas mo na ang mga ito, kapag ginawa mong muli ang mga bagay, mas magiging kampante ka na sa paggawa ng mga ito at magagawa mo na ang mga ito nang mas simple. Bagama’t ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito ay maaaring mayroon pa ring di-halatang epekto sa kailaliman ng iyong isipan, kahit papaano, malinaw mo nang makikilatis sa iyong subhetibong kalooban na ang mga ito ay hindi mga positibong bagay, kaya subhetibo mong bibitawan ang mga ito at hindi na maaapektuhan ng mga ito. Sa ganitong paraan, sa pangkalahatan ay nabitiwan at nalutas mo na ang hadlang na ito sa pagitan mo at ng Diyos.
Madalas tayong nagbabahaginan sa ganitong paraan sa paksa ng pagsisikap na matamo ang katotohanan. Nadarama ba ninyo ang kahalagahan ng pagsisikap na matamo ang katotohanan? Kapag nakita ninyo ang mga tao sa paligid ninyo na kakilala ninyo na pinapangasiwaan ng iglesia, na ang ilan ay napapaalis o napapatalsik pa nga, nagkaroon ba kayo ng anumang mga kaisipan tungkol dito? Nakakuha ba kayo ng anumang karanasan o mga aral mula rito? Ano ang mga pangunahing problema ng mga nailipat sa mga grupong B at sa mga napaalis? (Nang makita ko ang ilang tao sa paligid ko na kakilala ko na nalilipat sa mga grupong B o napapaalis, napukaw nito ang puso at isip ko. Bagama’t maraming taon na silang nananampalataya sa Diyos, hindi talaga nila sinisikap na matamo ang katotohanan, at kung hindi ko rin sisikaping matamo ang katotohanan at hindi ko hahanapin ang katotohanan sa tuwing sumasapit sa akin ang mga bagay, sa huli ay matitiwalag ako kagaya nila.) Alam mo ba kung ano ang mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos para sa pangangasiwa sa mga taong ito? Pinaalis ba sila ng sambahayan ng Diyos dahil lang mababa ang pagkatao nila at hindi nila sinisikap na matamo ang katotohanan, at dahil hindi ito natutuwa sa kanila? (Hindi.) Kung gayon, ang nangyari ba ay na ang lahat ng hindi napangasiwaan ay walang mga problema sa kanilang pagkatao, na lahat sila ay nagmamahal sa katotohanan, nagsisikap na matamo ang katotohanan, at kayang magpasakop sa katotohanan, at magmahal at matakot sa Diyos? Ganoon ba ang nangyayari? (Hindi.) Ang mga taong iyon ba ay napaalis o nailipat ng sambahayan ng Diyos sa mga grupong B dahil lang hindi sila nagmamahal sa katotohanan at tutol sila rito? Napangasiwaan ba sila dahil mababa ang pagkatao nila at ganap silang tumututol na tanggapin ang katotohanan, o dahil sa kanilang hindi kaaya-ayang hitsura o sa kung anong pansamantalang pagsalangsang? Ito ba ang prinsipyo ng pangangasiwa ng sambahayan ng Diyos sa mga tao? (Hindi.) Ito ba ay dahil hindi sinisikap ng isang tao na matamo ang katotohanan kaya pinapangasiwaan siya ng sambahayan ng Diyos, dinidiskwalipika sa paggawa ng tungkulin, at itinataboy siya? (Hindi.) Kaya bakit nito pinangasiwaan at itinaboy ang mga taong ito? (Dahil hindi sila kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo at ginambala at ginulo nila ang gawain ng iglesia, nagdudulot ng malulubhang kawalan sa gawain ng sambahayan ng Diyos.) Ito ba ang pangunahing dahilan? (Oo.) Ano pa ang ibang mga dahilan? May sinuman bang nataboy dahil sa palagiang pagsisinungaling? (Wala.) May sinuman bang nataboy dahil hindi nila minamahal ang katotohanan at tutol sila sa katotohanan? May sinuman bang nataboy dahil hindi sila tapat sa paggawa ng tungkulin nila? (Wala.) Sa tingin mo ba ay sayang naman na nataboy ang mga taong ito? Naagrabyado ba ang sinuman sa kanila? (Hindi.) Wala talagang naagrabyado sa kanila. Ayon sa masasamang gawa na ginawa ng mga taong ito, nararapat silang mamatay nang labingwalong beses kapag pumunta sila sa espirituwal na mundo, at lahat sila ay dapat na maparusahan—mamatay at mabuhay muli, at maparusahan uli, at mamatay uli, at mabuhay uli, at maparusahan uli, at mamatay uli—nararapat sa kanilang mamatay nang labing walong beses sa kabuuan. Gumawa sila ng maraming masamang gawa at ang mga kasalanan nila ay kahindik-hindik! Bakit pinangasiwaan at pinatalsik ang mga taong ito, kung gayon? Ito ay dahil ang hindi pangangasiwa sa kanila ay hindi isang opsiyon—hindi nila ginagawa ang mga tungkulin nila, nagdudulot sila ng mga paggambala at panggugulo, at sinasabotahe nila ang mga bagay! Iniisip pa ng ilan na ang mga taong ito ay napapangasiwaan dahil mahilig silang magsinungaling at mababa ang pagkatao nila, o dahil nakikipag-agawan sila sa katayuan at kapangyarihan at hindi sila tapat sa paggawa ng mga tungkulin nila; sinasabi ng ilang taong magulo ang isip na ito ay dahil hindi nila mahal ang katotohanan at hindi sinisikap na matamo ang katotohanan. Kaya, mahal ba ninyo ang katotohanan? Lahat ba ng hindi itinaboy ay nagmamahal sa katotohanan at nagsisikap na matamo ang katotohanan? (Hindi.) Hindi katunayan ang mga ito. Sa aktuwal talaga, ang mga taong ito ay pinangasiwaan at pinatalsik dahil sa proseso ng paggawa ng mga tungkulin nila, ginampanan nila ang papel ng pagdudulot ng mga paggambala at panggugulo at pananabotahe ng mga bagay, gumawa sila ng mga bagay na gustong gawin ni Satanas at ng mga diyablo at ng malaking pulang dragon pero hindi magawa ng mga ito, malubhang nilalabag ang mga atas administratibo ng sambahayan ng Diyos at labis na ginagalit ang Diyos. Tinaboy lang sila dahil ang hindi pagtataboy sa kanila ay hndi opsiyon. Hindi sa hindi mapagmahal at na malupit ang sambahayan ng Diyos sa mga tao, at hindi sa hindi binibigyan ng Diyos ang mga tao ng mga pagkakataon. Sa halip, sumobra na ang mga taong iyon sa kanilang mga kilos, nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, at ang mga kawalang idinulot nila sa gawain ng iglesia ay napakalubha. Hindi nila ginagawa ang mga tungkulin nila, at ni hindi sila nagtatrabaho; nagdudulot sila ng mga paggambala at panggugulo, at gumagawa sila ng kasamaan. Wala sa hinirang na mga tao ng Diyos ang gusto na may mga ganitong tao sa iglesia. Kung may sasabihin kang mapangutya o kung magsisinungaling ka sa iglesia, personal na pag-uugali mo lang ito, sadya lang na hindi mo minamahal ang katotohanan at hindi hinahangad ang katotohanan, at hangga’t hindi ito nagdudulot ng paggambala o panggugulo, walang mangangasiwa sa iyo; kung minsan ay medyo pabaya ka sa paggawa ng iyong tungkulin, pero kadalasan naman ay epektibo ka, hangga’t hindi ka nagdudulot ng paggambala o panggugulo, bibigyan ka ng sambahayan ng Diyos ng pagkakataon na manatili at gumawa ng tungkulin, tinatrato ka nang ayon sa mga prinsipyo. Gayumpaman, nagdulot ang mga taong ito ng mga paggambala at panggugulo. Walang habas silang gumawa ng masasamang gawa, at lumabag sila sa mga prinsipyo sa lahat ng aspekto, nagdudulot ng matinding kaguluhan; ang lahat ng aspekto ng gawain ng iglesia ay nasabotahe, at ang mga bunga ng mga tungkulin na ginawa ng maraming kapatid ay ganap na nasayang. Ang mga kahihinatnan ng kanilang mga paggambala at panggugulo ay napakalubha, at aabutin ang di-mabilang na tao ng di-mabilang na oras para ayusin ang mga ito, kaya kinailangang itaboy ang mga taong ito! Sa ganitong paraan lang posible na protektahan ang mga kapatid para magawa nila ang mga tungkulin nila nang normal at makapagkamit sila ng magagandang resulta. Sa pamamagitan lang ng pag-aalis sa masasamang tao at mga anticristong ito naging posible na makalikha ng naaangkop na kapaligiran sa paggawa at pamumuhay para sa mga kapatid. Kung mananatili sa iglesia ang masasamang tao at mga anticristong ito, magiging salot lang sila, at magkakaroon ng marumi at magulong atmospera at kaguluhan saan man sila magpunta.Wala silang ginawa na nakapasok man lang sa pamantayan ng pagtatrabaho. Ang ginawa lang nila ay manggulo, manabotahe, at manira. Ang lahat ng ginawa nila ay para manggambala at manggulo ng gawain ng iglesia at ng buhay iglesia. Hindi ba’t mga alipin sila ni Satanas? Maaari bang manatili sa iglesia ang gayong mga tao? Hindi sila mga ordinaryong tiwaling tao, kundi mga alipin ni Satanas! Ano ang ginawa ng mga taong ito? Nilustay nila ang mga handog sa Diyos at ibinigay ang mga ito sa mga walang pananampalataya nang walang kondisyon—labis silang mapagbigay sa pamimigay ng pera sa mga walang pananampalataya, ipinipilit ito sa mga ito kahit na hindi naman ito hiningi ng mga ito. Kapag hiniling nila sa mga walang pananampalataya na gumawa ng isang gawain at sinabi ng mga walang pananampalataya na sapat na ang isandaang dolyar, pinipilit nilang magbayad ng tatlong daan, at kapag humingi ang mga walang mananampalataya ng tatlong daang dolyar, pinipilit nilang magbayad ng limang daan, binibigyan pa ang mga walang pananampalataya ng mga karagdagang bonus matapos nilang mabayaran ang sahod ng mga ito. Kahit ilang handog ang magagastos, hindi nila tatanungin ang Itaas tungkol dito, at sa halip ay sila na lang ang nagpapasya. Anumang gawain ang ginawa nila, hindi nila ito ginawa nang ayon sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, o nang ayon sa mga prinsipyong ibinigay ng sambahayan ng Diyos, at siyempre, tiyak na hindi nila ito ginampanan nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sinunod lang nila ang sarili nilang mga pagnanais at ginawa ito sa paanong paraan mang gusto nila, nang hindi dinedepensahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Mas pipiliin nilang depensahan ang mga walang pananampalataya kaysa ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at nilustay nila ang mga handog sa Diyos kung saan-saan. Iyon ba ay pera na kinita nila? Hindi talaga sila nagpigil pagdating sa pagbibigay ng mga bonus at regalo sa mga walang pananampalataya, at walang puwedeng hindi sumang-ayon sa kanila, at pinabulaanan nila ang sinumang hindi sumasang-ayon sa kanila. Sa tingin mo, ang ganito mga tao ba ay mga taong nananampalataya sa Diyos at sumusunod sa Diyos? Mga latak sila, hindi ba? Dapat bang paalisin ang ganitong mga tao? (Oo.) Ano pa ang ibang mga kasamaan na ginawa ng mga taong ito? Sa pangangaral ng ebanghelyo ay nag-ulat sila ng mga huwad na numero para linlangin ang sambahayan ng Diyos, at walang awa nilang pinahirapan at sinupil ang sinumang hindi nag-ulat ng mga huwad na numero. Pinuwersa nila ang iba na magulat ng mga huwad na numero, hindi binibigyan ang mga ito ng opsiyon kundi ang gawin ito. Anong klaseng mga tao ang mga ito. Mga tao pa ba sila? Kung sasabihin mo na mababa lang ang pagkatao nila, hindi sila nagmamahal sa katotohanan, at hindi nagsisikap na matamo ang katotohanan, may lohika ba ang pahayag na ito? Hindi ba’t wala itong katuturan? (Wala nga.) Hindi lang nila hindi minamahal ang katotohanan at hindi sinisikap na matamo ang katotohanan, kundi ni hindi sila nagtataglay ng normal na pagkatao, lalong hindi nila minamahal at sinisikap na matamo ang katotohanan—mga diyablo sila! Malinaw mo na itong nakikita ngayon, hindi ba? (Oo.) Ano ang kalikasan ng mga taong ito? (Ang kalikasan ng mga diyablo.) Mayroon silang kalikasan ng mga diyablo. Matapos mapaalis, tumututol ang mga taong ito, at nadarama pa nga na naagrabyado sila, sinasabing “Inosente ako, hindi ko ginawa iyan!” Nasa harap na nila mismo ang mga katunayan, pero tumatanggi silang aminin ito at matigas pa nga silang kumakapit sa kanilang mga palusot at nananatiling tutol hanggang sa huli; bat’t pinapatunayan nito na tama na pinaalis sila? Ano ang mga kahihinatnan kung ang ganitong uri ng mga tao ay hindi pinaalis? Magsisisi ba sila? Kahit na bigyan mo sila ng pagkakataon na patuloy na gumawa ng tungkulin at pupungusan mo lang sila, maaari ba silang magsisi at magbago para sa ikabubuti? (Hindi.) Imposible talaga na makapagsisisi sila. Ano ang kalikasang diwang ito? Anong uri ng mga tao ang hindi makapagsisi, at hindi nagsisisi kahit kapag nahaharap sa mga katunayan? (Mga diyablo.) Ang mga diyablo, ang mga taong may diwa ni Satanas, masasamang espiritu, at ang maruruming demonyo ay hindi magsisisi; gaano mo man ibahagi ang katotohanan, hindi sila magsisisi. Ni hindi nila kinakilala ang mga katunayan ng paggawa nila ng masama, kaya matatanggap ba nila ang katotohanan at makikilala ang kanilang sarili? Hinding-hindi nila gagawin iyon? Kung magagawa nilang kilalanin ang mga katunayan ng kanilang paggawa ng masama, magkakaroon sila ng pagkakataon na tanggapin ang katotohanan, pero ni hindi nila inaamin ang mga katunayan, at hindi nila kinikilala o tinatanggap ang kalikasan ng kanilang mga gawa—imposibleng makapagsisi ang gayong mga tao. Katulad lang sila ng mga taga-Sodoma—kung sasabihin mo sa mga taga-Sodoma, “Kung hindi kayo magsisisi, wawasakin ng Diyos ang lungsod na ito,” tatanggapin ba nila ito? Ano ang magiging saloobin nila pagkarinig sa mga salitang ito? Kikilos sila na parang hindi nila narinig ang mga ito at patuloy nilang gagawin ang mga bagay nang ayon sa sarili nilang mga kagustuhan, ginagawa ang anumang gusto nila, nang hindi talaga nagsisisi. Samakatwid, ang huling kalalabasan nila ay mawawasak sila. Tungkol naman sa mga taong ito na nagdulot ng mga paggambala at panggugulo sa iglesia, binigyan sila ng Diyos ng mga pagkakataon pero hindi nila pinahalagahan ang mga ito o hindi sila nagsisi, at iginiit nila na tumutol sa Diyos hanggang sa huli. Ang mga taong ito ay walang konsensiya o katwiran— karapat-dapat ba silang kaawaan? (Hindi.) May sinuman bang nagtanggol sa mga taong ito na hindi karapat-dapat na kaawan? May sinuman bang humahanga sa kanila, nadarama na nagdusa sila at nagbayad ng halaga sa loob ng maraming taon, at na nagsikap sila nang husto at nang napakasipag, at na ang ilan sa kanila ay may napakahusay na kakayahan, at nagtataglay ng mahusay na kapabilidad sa gawain at mga kasanayan sa pamumuno, at na sayang na itinaboy sila? Sayang ba ito (Hindi.) Hindi ito sayang, na ibig sabihin ay tama na itaboy sila. Mag-obserba lang at tingnan kung ang mga taong ito ay kayang tanggapin ang katotohanan at kung anong landas ang tinatahak nila. Kung nadudulot pa ang mga tao ng mga paggambala o panggugulo habang gumagawa ng mga tungkulin nila, sila ay mga latak ng sangkatauhan! Tama lang na gawin ng mga nilikha ang kanilang mga tungkulin, at anuman ang tungkuling iyon, dapat nilang tuparin ang kanilang responsabilidad. Kahit na ang paggampan nila sa kanilang tungkulin ay hindi pasok sa pamantayan, kahit papaano ay hindi sila dapat magdulot ng mga paggambala at panggugulo! Ang pagdulot ng mga paggambala at panggugulo ay isang bagay na ginagawa ni Satanas; hindi ito dapat maging isang bagay na ginagawa ng mga tiwaling tao. Ang mga tiwaling tao ay natiwali ni Satanas at hindi nila maiwasang labanan ang Diyos; gayumpaman, mga taong may normal na pagkatao, konsensiya, at katwiran ay hindi sadyang magdudulot ng mga paggambala at panggugulo habang gumagawa ng kanilang mga tungkulin. Ito ay dahil pinipigilan sila ng kanilang konsensiya at katwiran, at kaya hindi nila gagambalain, guguluhin, o isasabotahe ang gawain ng sambahayan ng Diyos sa proseso ng paggawa ng kanilang tungkulin. Kahit na hindi magawa ng isang tao ang kanyang tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan, ayos nang gawin ito hanggang sa isang katamtamang pamantayan, at kahit papaano ay natutugunan nito ang pamantayan ng konsensiya at katwiran. Gayumpaman, ni hindi kayang tugunan ng mga taong ito ang pamantayang ito, kaya sa huli ay nauuwi lang sila sa ganitong punto—ang mapaalis o mapatalsik mula sa sambahayan ng Diyos dahil sa kanilang maraming masamang gawa. Ang mga ito ang mga latak ng sangkatauhan.
Susunod, pag-usapan natin ang tungkol sa mga problema ng mga kuru-kuro at imahinasyon sa “pagbitiw sa mga hadlang sa pagitan ng sarili nila at ng Diyos, at sa pagkamapanlaban nila sa Diyos,” na ang ikatlong aytem sa “pagbitiw” sa loob ng pagsasagawa ng kung paano sikaping matamo ang katotohanan. Pinag-usapan natin kanina ang ilan sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao tungkol sa gawain ng Diyos. Kung titingnan ito ngayon, hindi ba’t may ibang mga kuru-kuro at imahinasyon ang mga tao tungkol sa gawain ng Diyos? Makakaapekto ba ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito sa kung paano tinatrato ng mga tao ang gawain ng Diyos, kung paano nila dinaranas ang gawain ng Diyos, at kung paano nila nauunawaan at nakikilala ang gawain ng Diyos? Sa iba’t ibang uri ng mga tao na lumilitaw sa iglesia, ang isang uri ay masasamang tao at mga anticristo. Anumang kasamaan ang ginawa nila na nagdulot sa kanila na mapangasiwaan, at anumang mga usapin ang nagdulot sa iglesia na paalisin sila o patalsikin sila, palaging may ilang tao na may mga partikular na kuru-kuro tungkol sa pagpapaalis ng sambahayan ng Diyos sa mga hindi mananampalataya, masasamang tao, at mga anticristo, at ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito ay dahil sa katunayan na wala silang anumang pagkaunawa sa gawain ng Diyos o sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, ang iglesia ay ang lugar kung saan gumagawa ang Diyos sa lupa, kaya ang iglesia ang pinakadirektang lugar para makita ng mga tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at masasabi rin na ito ang pinakadirekta at pinakahalatang lugar kung saan naipapamalas ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gayumpaman, sa lugar na ito, madalas na nakikita ng mga tao ang ilang tao, pangyayari, at bagay na lumilitaw na hindi tugma sa kanilang mga kuru-kuro. Sa mga kuru-kuro ng mga tao ay iniisip nila na, dahil ang iglesia ay isang lugar na may kaugnayan sa gawain ng Diyos, dapat itong maging isang kalmado at payapang lugar na puno ng pagkakaibigan at kapayapaan, pagmamahal at pagpaparaya, at kagalakan at kaginhawahan. Naniniwala sila na ang mga indibidwal na tulad ng masasamang tao at mga anticristo ay hindi kailanman dapat lumitaw sa iglesia, at na wala dapat mga kaganapan ng paggawa ng masasamang tao ng kasamaan. At iniisip nila na sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, siyempre ay dapat walang mga kaganapan kung saan nalalabag ang mga katotohanang prinsipyo sa iglesia, lalong wala dapat anumang uri ng mga taong hindi sumusunod sa mga batas o mga ilegal na bagay, o mga bagay na hindi tugma sa kalooban ng tao, mga damdamin ng tao, at sa pagkatao. Naniniwala sila na ang lahat ng bagay ay dapat na payapa, tahimik, kaaya-aya, positibo optimistiko, at nakakapagpataas ng moral sa iglesia, at dapat ay walang anumang awayan, o anumang kahindik-hindik o mga pangit na bagay na nangyayari na hindi tugma sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay mga kuru-kuro ng mga tao. Gayumpaman, ang mga katunayan ay hindi tugma sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao. Anuman ang panahon o ang yugto ng gawain, sa iglesia, palaging may mga insidente na nagaganap kung saan ang ilang masasamang tao at mga anticristo ay nanggugulo at nanggagambala sa gawain ng iglesia, na nagdudulot sa ilang aspekto ng gawain ng sambahayan ng Diyos na masabotahe, na masira at magulo ang ayos ng gawain ng iglesia, at iba pang gayong mga bagay. Kapag nangyayari ang mga bagay na ito, nadarama ng mga tao na hindi nila ito lubos-maisip, at ang puso nila ay puno ng kawalang-magawa, di-pagkaarok, at pagkalito at napapaisip sila, “Umiiral ba talaga ang Diyos? Paano mismo may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa sangkatauhan at namamahala sa Kanyang iglesia, namamahala sa Kanyang sambahayan? Talaga bang inaalala ito ng Diyos o hindi? Nasaan ang Diyos? Bakit kapag nangyayari ang mga ilegal na bagay na ito at kapag lumilitaw ang mga tao at nagdudulot ng kaguluhan, walang kumikilos para pigilan sila, at hindi rin kumikilos ang Diyos para pigilan sila? Ano ba mismo ang nangyayari dito? Hindi ba’t ang iglesia ang sambahayan ng Diyos? Hindi ba’t ang mga sumusunod sa Diyos ay ang Kanyang hinirang na mga tao? Bakit hindi binabantayan o pinoprotektahan ng Diyos ang Kanyang sambahayan? Bakit hindi pinoprotektahan ng Diyos ang Kanyang hinirang na mga tao para sila ay makapamuhay nang payapa sa isang ligtas na lugar, sa isang kanlungan?” Ang mga pagdududang ito at ang hindi pagkaarok na ito na mayroon ang mga tao ay dulot ng iba’t ibang kuru-kuro ng mga tao, hindi ba? (Oo.) Kaya, sa pangunahin, tungkol saan ang mga kuru-kurong ito? Hindi ba’t ang mga ito ay tungkol sa gawain ng Diyos at sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? Dahil ang gayong mga usapin tulad ng paggawa ng masasamang tao ng kasamaan at pagdudulot ng mga paggambala at panggugulo ay nangyayari sa iglesia, at dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga usaping ito, mahirap para sa kanila na makilatis ang mga pinagmulan ng mga usaping ito at kung ano ang magiging huling resulta ng mga ito. Dahil hindi makilatis ng mga tao ang mga usaping ito, nakakabuo sila ng lahat ng uri ng ideya, at kuru-kuro tungkol sa Diyos. Iniisip ng ilang tao, “Ang sambahayan ng Diyos ay dapat magpakita ng pagmamahal sa masasamang tao at mga anticristo. Kung hindi magpapakita ang sambahayan ng Diyos ng pagmamahal sa kanila, hindi ba’t magiging katulad ito ng lipunan? Sa lipunan, palaging may isang grupo ng mga tao na nagpapahirap sa ibang grupo ng mga tao, lahat ay alang-alang sa pakikipag-agawan ng kapangyarihan at impluwensiya. Sa pamamagitan ng pag-aalis at pagpapatalsik ng mga tao, hindi ba’t pinapahirapan din ng sambahayan ng Diyos ang mga tao? Hindi ganoon kaligtas na manatili sa sambahayan ng Diyos! Kung talagang maharap ka sa anumang magugulong sitwasyon, maaaring maagrabyado ka at mapaalis, at walang maglilinis ng pangalan mo! Nasaan ba mismo ang Diyos? Bakit hindi lumabas ang Diyos at magsalita o gumawa ng isang bagay? Tingnan natin ang iyong pag-iral, tingnan natin ang iyong pagkamakapangyarihan-sa-lahat, tingnan natin ang iyong kataas-taasang kapangyarihan gamit ang sarili naming mga mata, sa ganoong paraan ay makakampante kami, hindi ba?” Sa iglesia, sa tuwing nararanasan ng mga tao ang ilang kaganapan na para sa kanila ay hindi maarok, ang mga damdamin tulad ng pagiging hindi kampante at pagdududa ay lumilitaw sa ilan sa kanila, kung saan ang ilan ay gusto pa ngang iwasan ang mga kaganapang ito, at ang iba ay nasasadlak sa pagkanegatibo; ang ilan, dahil nalihis at naloko ng mga anticristo, ay partikular na sumusuko sa kanilang sarili, at ang ilan, dahil nalihis at nasamantala ng mga anticristo at naging mga kasabwat ng mga ito, ay nabubukod pa nga para sa pagninilay-nilay sa sarili o napapaalis ng iglesia. Kasabay ng paghahanap ng lahat ng bagay na ito na hindi maarok, pinagdududahan din ng mga tao ang pag-iral ng Diyos. Ito ay dahil ang pangunahing pinagmulan ng pananalig ng maraming tao sa Diyos ay ang pananampalataya nila na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at sa lahat ng usapin. Ibig sabihin, maraming tao ang naniniwala na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng usapin, sa lahat ng bagay, at sa kapalaran ng sangkatauhan, at kaya naniniwala sila sa pag-iral ng Diyos, at sa pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Gayumpaman, ang mga bagay na ito na nangyayari sa paligid nila ay nagdudulot sa kanila na magduda at mag-alinlangan sa kanilang pananampalataya sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at pagkatapos ay nagsisimula silang magduda sa katunayan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at pagkatapos, ang pananalig nila sa Diyos ay nagsisimula ring mag-alinlangan, at kaya, ang buong serye ng mga problemang ito ay lumilitaw. Ang mga tao ay may lahat ng uri ng mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito ay tiyak na hindi naaayon sa katotohanan o sa mga katunayan, at sa halip ay mga mapanlinlang na interpretasyon o maling pagkaunawa ng mga tao. Kaya, susunod ay pagbabahaginan natin kung paanong may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng tao, pangyayari, at bagay sa paligid mo na makikita at madarama mo, kung ano ang mga prinsipyo para sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng ito, at kung ano ang pakay na nilalayon Niyang makamit.
Ang terminong “kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos” ay tumatalakay sa napakalawak na saklaw ng nilalaman. Kung isasantabi muna ang mas malawak na kapaligiran, pagdating sa iglesia, ang katunayan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ay totoo. Ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay hindi isang hungkag na parirala, hindi rin ito isang penomenon lang, kundi sa halip ay may mga aktuwal na halimbawa nito, at mga aktuwal na resulta. Kaya, ano ang mga prinsipyo ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa iglesia? Pag-isipan muna natin ito: Ang Diyos ba ay may kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos sa kung aling mga tao ang tatanggapin sa iglesia? (Oo.) Hindi ito hungkag. Kung sa aling mga tao darating ang ebanghelyo ng Diyos at ang mga salita ng Diyos, at kung aling mga tao ang nagagawang tumanggap sa gawain ng Diyos, at kung aling mga tao ang makakapasok sa iglesia—ang lahat ng ito ay inorden ng Diyos. Sa ngayon, huwag nating pag-usapan ang tungkol sa pagkatao ng mga taong ito, at kung sila ba ay masasamang tao; ang katunayan na nagagawa nilang pumasok sa iglesia ay nangangahulugan na inorden ito ng Diyos. Ang ordinasyon ba ng Diyos ay aspekto ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? (Oo.) Una sa lahat, may isang bagay na makakatiyak tayo, na ang bawat pagpasok ng mga tao sa iglesia ay inorden ng Diyos. Ang terminong “ordinasyon ng Diyos” ay tila medyo abstrakto, kaya sabihin na lang natin na “Ang Diyos ang may huling salita, ang Diyos ang nagbabantay sa pinto.” Ang Diyos ang tarangkahan sa kaharian at ang tarangkahan din sa iglesia. Binabantayan ng Diyos ang pinto pagdating sa kung anong uri ng mga tao ang puwedeng opisyal na maging mga miyembro ng iglesia, ng sambahayan ng Diyos. Sila man ay mga hindi mananampalataya o masasamang tao na nakapasok sa iglesia, o mabubuting tao na interesado sa pananampalataya sa Diyos, o nagagawang tumanggap sa katotohanan at sumunod sa Diyos, kung aanib sila sa iglesia at maging mga miyembro ng iglesia, hindi ito isang bagay na maaaring pagpasyahan ng sinumang tao, ito ay dahil sa kataas-taasang kapangyarihan, mga pagsasaayos, at ordinasyon ng Diyos. Nagkikimkim man sila ng ilang partikular na natatagong motibo o ng mga layon para sa pananampalataya sa Diyos, o kung kamusta man ang kanilang pagkatao o anuman ang antas ng kanilang pinag-aralan o pinagmulan sa lipunan, ang Diyos ang nagpapasya kung puwede silang umanib sa iglesia at lumapit sa harapan Niya—ang Diyos ang nagbabantay sa pinto. Magagawa ba ng mga tao na bantayan ang pinto nang maayos? (Hindi.) Hindi kayang pagpasyahan ng mga tao ang usaping ito, hindi ito nakadepende sa kalooban ng mga tao. Halimbawa, kapag nakita mo na ang isang tao ay tuso at may katayuan sa lipunan, iniisip mo, “Magiging maganda kung pupunta ang taong ito sa sambahayan ng Diyos para maging lider ng iglesia. Ang iglesia namin ay walang gayong mga tao.” Pero ayaw sa kanila ng Diyos; hindi Niya inaantig ang mga ito. Kapag ibang mga tao ang nangangaral ng ebanghelyo at nakikipagbahaginan sa kanila tungkol sa mga salita ng Diyos, hindi nila nauunawaan ang kanilang narinig. Kapag nakikinig sila sa ibang bagay, naaarok nila ito; kapag nakikinig sila sa mga salita ng Diyos ay saka lang sila hindi nakakaunawa, at para silang mga hangal—ang gayong mga tao ba ay puwede pa ring pumasok sa iglesia? Bagama’t interesado sila sa pagkakamit ng mga pagpapala, hindi nila magawang patahimikin ang puso nila at hindi sila mapakali kapag nakikinig sa mga salita ng Diyos at pakikipagbahaginan sa katotohanan, at pagkatapos makinig sa dalawa o tatlong sermon, tumitigil na sila sa pagpunta. ang gayong mga tao ay walang tunay na pananalig, kaya magkakaroon ba ng anumang epekto ang iyong mabubuting layunin sa kanila? Magagawa mo ba silang dalhin sa iglesia? Hindi. Ang Diyos ang may huling salita roon. Sinasabi ng Diyos na ayaw Niya sa gayong mga tao, at ito man ay para sa pagseserbisyo o paggampan sa isang papel, ayaw Niya sa kanila. Kaya, kahit na may mabubuti kang intensyon sa pagdadala sa kanila, magiging walang silbi ito, at sa huli, kakailanganin pa rin nilang umalis. Imposible na maging mga miyembro sila ng iglesia; kahit sino pa ang magdala sa kanila, wala itong magiging silbi. Isa itong usapin na hindi puwedeng pagpasyahan ng mga tao; ito ay inorden ng Diyos, at binabantayan ng Diyos ang pinto. Ang ilang tao ay walang katayuan sa lipunan, hindi sila mga importanteng personalidad, at mayroon silang katamtamang kakayahan at hindi kapansin-pansin ang hitsura nila, pero napakasimple nila at deretsahan, at interesado sila sa mga usapin ng pananampalataya sa Diyos. Anumang mga paghihirap ang mayroon sila, hindi sila mahihiwalay sa Diyos, at ang kasigasigan nila ay labis na matindi—masaya ang mga kapatid na makita ang masiglang enerhiyang ito, at nalulugod din ang Diyos na makita ito—at sa katunayan, kaya sila labis na masigla ay dahil inaantig sila ng Espiritu ng Diyos. Matapos nilang makapasok sa iglesia at makita na ang mga tao sa iglesia ay pawang mabubuting tao, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos at nagbabahaginan sa katotohanan araw-araw, nahihikayat sila rito nang husto at nadarama na ito ang tamang landas ng buhay, kaya nagsisimula silang mangaral ng ebanghelyo at gawin ang mga tungkulin nila at maging mga tagasunod ng Diyos. Sino ang nagpapasya na maaari silang manampalataya sa Diyos? (Ang Diyos ang nagpapasya.) Ang Diyos ang nagpapasya. Maaari lang silang manampalataya sa Diyos dahil tinutulutan ng Diyos na makapasok sila sa iglesia. Kung ang Diyos ay hindi gumagawa at hindi sila inaantig, hindi nila magagawang manampalataya sa Diyos, at kung puwersahan silang dinala sa iglesia, kakailanganin nilang umalis sa malao’t madali. Ang mga tao ay walang pakultad sa loob ng kanilang mga likas na katangian para sa pagtanggap sa katotohanan; ang katunayan na kaya nilang mahalin ang katotohanan at tanggapin ang katotohanan ay nagpapatunay na gumagawa ang Diyos sa kanila. Kung gumagawa ang Diyos sa kanila, maaari silang maging mga miyembro ng iglesia—isa itong pangunahing rekisito para sa lahat ng uri ng mga tao na pumapasok sa iglesia, ang pangunahing rekisito ay na gusto sila ng Diyos. Anumang papel ang ginagampanan nila sa iglesia, ano’t anuman, binabantayan ng Diyos ang pinto sa Kanyang sambahayan. Kung hindi Niya sila tinutulutang pumasok, nasa labas sila ng pinto; kung tinutulutan Niya silang pumasok, nasa loob sila ng pinto. Samakatwid, ang pagiging miyembro ng iglesia ay hindi gayon kasimpleng bagay. Pagdating sa kung anong mga partikular na prinsipyo ang naglilingkod bilang batayan sa pagtanggap ng Diyos sa mga tao, ang Diyos, siyempre, ay may sarili Niyang mga prinsipyo. Hindi tayo magbabahaginan tungkol sa kung anong uri ng tao ang gusto ng Diyos at kung anong uri ng tao ang ayaw Niya—napakakomplikado nito. Bakit Ko sinasabing napakakomplikado nito? Ang Diyos ay may plano para sa kung sino ang papasok sa iglesia, kung anong papel ang gagampanan niya sa kung anong panahon, at kung anong tungkulin ang gagawin niya o kung anong mahalagang gawain ang papasanin niya sa kung anong panahon, at kung sa anong panahon siya aayon sa mga pangangailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos at sa mga pangangailangan ng mga tauhan nito. Ang Diyos ay nag-aayos at nagkokontrol sa isang makroskopiko at pangkalahatang antas, sa halip na kumilos lang sa kasalukuyang sandali—isa itong napakakomplikadong usapin, at hindi maipapaliwanag nang malinaw nang gamit lang ang ilang salita, kaya hindi na natin ito idedetalye. Sa madaling salita, kung makakapasok ang isang tao sa tarangkahan ng sambahayan ng Diyos ay hindi pinagpapasyahan ng sinumang tao; ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan dito at nagsasaayos nito. Pagkatapos makapasok sa sambahayan ng Diyos, ang lahat ng uri ng mga tao ay gumagawa ng lahat ng uri ng mga tungkulin, gumagampan ng lahat ng uri ng papel, at lumalakad sa lahat ng uri ng landas. Ang lahat ng iba’t ibang uri ng mga taong ito ay may lahat ng uri ng iba’t ibang pagpapamalas, mabuti man o masama, positibo man o negatibo, aktibo man o pasibo—ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at kapamahalaan ng Diyos.
Ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay nangangahulugan na ang lahat ng bagay ay nangyayari at nagaganap ayon sa natural nitong takbo sa ilalim ng Kanyang kapamamahalaan; walang kaganapan ang nangyayari nang nagkataon lang, at saanmang mga pag-unlad at pagbabago sumasailalim ang anumang kaganapan ay hindi inumpisahan o tinukoy ng sinumang tao—Ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng ito. Siyempre, ang huling resulta at paglalarawan ng anumang kaganapan ay nakabatay rin sa diwa ng uri ng kaganapang iyon at sa diwa ng mga uri ng mga taong nasasangkot dito, at ang batayan ng paglalarawan sa kaganapan ay ganap na ang mga salita ng Diyos at ang mga hinihinging prinsipyo ng Diyos. Walang uri ng kaganapan ang nangyayari nang nagkataon lang, at ang huling resulta ng anumang uri ng kaganapan ay hindi pinagpapasyahan ng mga tao. Sa katunayan, ang simula ng anumang uri ng kaganapan na nangyayari ay isinasaayos at pinalilitaw ng Diyos. Kapag pinalilitaw ng Diyos ang anumang uri ng kaganapan, isinasaayos Niya ang isang uri ng tao na kumilos dito, at ang uri ng taong iyon ay maaaring gumanap ng papel ng isang tagapagserbisyo o isang hambingan, maaari siyang gumampan ng isang negatibong papel, o maaari siyang gumampan ng isang positibong papel. Pero anumang papel ang ginagampanan niya, ang simula ng lahat ng bagay na ito ay isinaayos ng Diyos. May dalawang paliwanag ng Diyos na nagsasaayos sa aspektong ito. Ang isang paliwanag ay na personal na gumagawa ang Diyos ng ilang positibong pagsasaayos at nagbibigay ng ilang positibong direksiyon at superbisyon, idinidulot Niya na ang ilang positibong personalidad ang magsimula ng isang kaganapan—ito ay isang paliwanag ng mga “pagsasaayos ng Diyos.” Ang isa pang paliwanag ay na nagpapapunta at nagpapadala ang Diyos ng isang uri ng espiritu para gumawa ng mga partikular na bagay. Ang mga bagay na ito ay negatibo at buktot sa mga mata ng tao, at kaya ang mga negatibo at buktot na karakter na ito ay tiyak na mga negatibong personalidad, ibig sabihin, ang mga uri ng mga tao na inoorden ng Diyos mula sa simula na pumasok sa Kanyang sambahayan bilang mga hambingan at mga negatibong materyal para sa pagtuturo. Idinudulot ng Diyos na gampanan nila ang mga papel na ito, dahil sa kalikasang diwa mayroon sila, ang mga ito lang ang mga papel na maaari nilang gampanan, at hinahayaan Niya sila na gumampan hanggang gusto nila at gawin ang nararapat nilang gawin bilang mga hambingan hangga’t gusto nila. Sa buong proseso, ito man ay ang mga pagpapamalas ng mga positibong personalidad o ng mga negatibong personalidad, ang prinsipyo ng Diyos sa pagharap at pangangasiwa ng lahat ng usaping ito ay ang hayaan ang mga ito na natural na tumakbo. Sa pagtingin at pakikitungo sa mga usaping ito, ang mga positibong personalidad ay may ilang positibong pananaw, at ilang pananaw na naaayon sa pagkatao at sa pamamatayan ng konsensiya. Bagama’t ang ilan sa mga ito ay nagbubunyag ng ilang tiwaling disposisyon—nagtataglay ng ilang pagpapamalas ng pagiging mapagpalugod ng mga tao, o nagbubunyag ng iba pang mga tiwaling disposisyon—kahit papaano, ang mga ito ay kumakapit sa konsensiya at katwiran ng pagkatao, ibig sabihin, ang mga ito ay kumakapit sa pundamental na pamantayan ng pag-asal. At pagdating sa mga negatibong personalidad, hindi nakikialam ang Diyos o hindi Niya ginagabayan ang anumang ginagawa nila, kundi hinahayaan silang sundan ang natural nilang takbo; gumagampan din sila hangga’t gusto nila, at inilalantad nila ang kanilang pagiging kahindik-hindik at gumagawa ng ilang bagay hangga’t gusto nila. Tagumpay nilang ginagampanan ang mga papel ng mga negatibong personalidad na inilalantad ng Diyos, katulad ng masasamang tao at mga anticristo, binibigyang-kakayahan ang iba na makita nang malinaw, sa tunay na buhay, kung anong uri ng mga tao ang mga diyablo, kung anong uri ng mga tao ang masasamang tao, at kung anong uri ng mga tao ang mga anticristo, at kung ano mismo ang kahindik-hindik na hitsura ng mga anticristo, masasamang tao, mga Satanas, at mga diyablo na inilalantad ng Diyos. Kung ang mga negatibong personalidad na ito ay hindi ginagamit bilang mga buhay na materyales ng pagtuturo sa tunay na buhay, sa iyong isipan, ang mga diyablo at Satanas ay hindi magiging kongkreto magpakailanman. Pero ngayon ay nasa harap mismo ng iyong mga mata ang mga buhay na halimbawang ito, at ang mga diyablong ito na nakasuot ng balat ng tao ay namumuhay nang malinaw sa harap mismo ng iyong mga mata, at ang kanilang pananalita at pag-asal, ang kanilang bawat salita at kilos, ang mga ekspresyon ng kanilang mukha, at maging ang tono ng kanilang boses, ay pawang lumilitaw nang malinaw sa iyong buhay, sa mismong harapan mo, at tumatatak sa isipan mo. Hindi ito isang masamang bagay para sa iyo. Ang ganitong uri ng bagay ay paulit-ulit na nangyayari sa iglesia. Sa unang beses na mangyari ito, hindi ka mapakali at iniisip mo na kailangan mong magdasal sa Diyos. Sa pangalawang beses na mangyari ito, iniisip mo, “Dapat kong matutunan na gamitin ang katotohanan para protektahan ang aking sarili, at sa susunod na makaharap ko ang ganitong uri ng tao, dapat ko siyang iwasan,” at nagsisimula kang mag-isip tungkol sa kung paano poprotektahan ang iyong sarili at lalayo sa masasamang tao. Sa pangatlong beses na lumitaw ang ganitong uri ng tao, pinagbubulay-bulayan mo, “Bakit nagsasalita ang mga taong ito nang mismong katulad ng malaking pulang dragon, ng katulad ni Satanas? Hindi ba’t nakalilihis ang mga bagay na sinasabi nila? Hindi ba’t masasamang tao sila? Tila sinabi ng mga salita ng Diyos na ang mga taong nagpapakita ng ganitong mga pagpapamalas ay mga anticristo. Dapat ko silang kilatisin at ilantad, hindi nila ako maaaring malihis, at dapat akong lumayo sa kanila.” Sa pamamagitan ng pagdanas ng ganitong uri ng bagay nang paulit-ulit, nagtatamo ka ng mas malinaw at mas lubusang pagkaunawa sa pagkilatis sa mga anticristo, masasamang tao, mga Satanas, at mga diyablo, at kung ano ang mga paggambala at panggugulo. Ang pagkaunawa mo ay hindi na tumitigil sa mga salita at doktrina, at lalong hindi sa mga imahe. Sa halip, mas nagagawa mong tukuyin ang mga bagay na ito sa tunay na buhay, at kasabay nito, nagagawa mong tukuyin ang mga taong ito gamit ang katotohanan, at lutasin ang mga bagay na ito na nangyari gamit ang katotohanan. Siyempre, kapag nangyayari ang mga bagay na ito, palagi mo ring itinatama ang iyong mga pananaw at opinyon, iniisip kung ano mismo ang dapat mong maging opinyon tungkol sa mga taong ito, kung ano ang dapat mong maging perspektiba tungkol sa kanila, at kung anong uri ng ugnayan ang dapat mong panatilihin sa kanila. Kapag naharap ka sa mga bagay na ito, hindi mo mamamalayan na pagbubulay-bulayan mo ang mga isyung ito, palaging hahanapin ang katotohanan para hanapin ang mga sagot at bumuo ng mga kongklusyon, at sa huli ay may makamit. Sa prosesong ito, ang ginagawa lang ng Diyos ay tustusan ang mga tao ng katotohanan at bigyang-kakayahan sila na maunawaan ang katotohanan, ito man ay sa pagbabahaginan ng katotohanan o pagbibigay-kakayahan sa mga tao na maunawaan ang katotohanan sa mga bagay na sumasapit sa kanila—sa pagbubuod, hindi agad na pinapatigil ng Diyos ang sitwasyong ito. Kung dapat na mangyari ang bagay na ito, at kapaki-pakinabang ito sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos at sa gawain ng iglesia, tutulutan ng Diyos na mangyari ito sa mga tao, at hindi Niya ito pipigilan, kundi hahayaan itong mangyari sa natural nitong takbo. Ang pakay ng Diyos sa paggawa sa ganitong paraan ay, sa isang banda, para itiwalag ang mga tao, at sa kabilang banda, para gawing perpekto ang mga tao. Siyempre, sa pagtitiwalag ng mga tao, tiyak na pinupuntirya Niya ang mga nagsisilbi bilang mga hambingan at ni hindi karapat-dapat na mag-serbisyo, samantalang sa pagpeperpekto ng mga tao, pinupuntirya Niya ang Kanyang mga hinirang—ang mga handa sa kanila na magsikap na matamo ang katotohanan. May dalawang aspekto ang kahalagahan nito. Ang isang kahalagahan ay na sa pamamagitan ng paggampan na ginagawa nila, ang masasamang tao ay nabubunyag, natitiwalag, at napapaalis sa iglesia. Ang isa pa ay, sa proseso ng unti-unting paggampan ng masasamang taong ito at pagseserbisyo bilang mga hambingan, ang hinirang na mga tao ng Diyos ay nabibigyang-kakayahan na matutong kumilatis, at na maunawaan ang katotohanan sa mga salita ng Diyos; sa ganitong paraan, isinasagawa ng Diyos ang katotohanan sa mga tao sa isang praktikal na paraan—ibig sabihin, tinutulutan ng Diyos ang lahat ng iba’t ibang pagpapamalas ng buktot na diwa ng lahat ng uri ng masasamang tao, anticristo, Satanas, at diyablo na inilalantad Niya para maipakita sa tunay na buhay ng mga tao, at binibigyang-kakayahan nito ang mga tao na magkaroon ng malinaw na pagkaunawa at kaalaman sa iba’t ibang uri ng mga buktot, kahindik-hindik, at negatibong personalidad, kaganapan, at bagay. Halimbawa, sabihin nating sinasabi sa iyo ng Diyos, “Hindi mo maaaring hawakan ang mga nagbabagang uling gamit ang iyong mga kamay; mapapaso ang mga daliri mo at masasaktan ang mga ito.” Hindi mo alam kung ano ang hitsura ng nagbabagang mga uling, hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na mahawakan ang mga ito, at pagkatapos Niya itong sabihin sa iyo, ang nauunawaan mo ay isang doktrina. Pagkatapos, ang nasa imahinasyon ng mga tao ay na ang isang nagbabagang uling ay isang bola o isang mahabang hibla. At ano ang kulay ng mga nagbabagang uling? Ano ang pakiramdam kapag hinawakan ang mga ito? Ano ang pakiramdam ng sakit kapag hinawakan ang mga ito? Hindi mo alam. Ang impresyon mo sa mga nagbabagang uling ay isa lang larawan ng nagagawang buuhin ng isip mo sa iyong imahinasyon, at hindi ito kailanman magkakaroon ng anumang kaugnayan sa tunay na bagay. Kaya, isang araw, nang maglabas ang Diyos ng isang trey ng mga nagbabagang uling at inilagay ito sa iyong harapan, hindi mo alam kung ano ang mga ito, at nadarama mo lang na tila napakainit ng mga ito. Atubili mong inabot ang mga ito gamit ang iyong kamay, para makita kung mas maiinitan ba ang iyong mga daliri kapag hinawakan mo ang mga ito. Sinasabi ng Diyos, “Maaari mo itong subukan, pero huwag mo itong hawakan nang masyadong matagal, kung hindi ay masusunog ang iyong balat.” Ang ilang tao ay hangal—inuunat nila ang lahat ng limang daliri at sinusunggaban ang uling, at ang buong kamay nila ay napapaso at nagkakapaltos. Ang iba ay matalino at maingat—inaabot lang nila ang isang daliri at bahagyang hinihipo ang uling at agad na umaatras nang wala pang isang segundo, sinasabing, “Aray, masyado itong mainit! Talagang nakakapaso ito!” Gumagamit ka man ng limang daliri o isang daliri para hawakan ito, ano’t anuman, ang nahahawakan mo ay ang tunay na bagay sa halip na isang imahe o mga salita, at sa natitirang bahagi ng buhay mo, hindi mo kailanman malilimutan ang pakiramdam at karanasan ng paghawak sa nagbabagang mga uling, at kung ano ang ibig sabihin sa iyo ng mga nagbabagang uling. Kapag nakakita kang muli ng mga nagbabagang ulin, sasabihin mo sa iba: “Maaari mong gamitin ang mga ito para makapagpainit ka, at para makapagpatuyo ng mga damit at makapagtosta ng mga tinapay, pero hindi mo kailanman dapat hawakan ang mga ito gamit ang iyong mga kamay. Mapapaso at magkakapaltos ka kung hahawakan mo ang mga ito.” Maaaring sabihin ng mga tao: “Ano naman ang mangyayari kung mapapaso at magkakapaltos ako?” At sasagot ka: “Sa pinakamababa, hindi mo magagawang hawakan ang mga bagay gamit ang iyong mga kamay, at hindi rin magiging madali para sa iyo na kumain at lalong hindi magiging madali para sa iyo na gumawa ng pisikal na gawain.” Ito ay pagsasalita batay sa karanasan, hindi ba? Matapos ang malalim na karanasang iyon, ang nakakapasong sensasyon ng maiinit na uling ay malalim na matatatak sa iyong memorya, at kaya hinding-hindi ka na uli basta-bastang hahawak sa mga nagliliyab na uling. Ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at nagsasaayos ng lahat ng uri ng bagay na mangyari sa mga tao para matuto sila ng mga aral at makinabang mula sa mga ito, at para ang mga katotohanan at salita na tinutustos Niya sa mga tao ay tunay na maisasagawa sa kanila, at kapag nagkagayon, ang mga salita ng Diyos at ang mga katotohanan ay hindi na mga doktrina, islogan, o regulasyon sa puso ng mga tao, kundi magiging buhay nila, at ang mga prinsipyo at sukatan na aasahan nila para manatiling buhay, at bahagi ng kanilang buhay—sa ganitong paraan, makakamit ng gawain ng Diyos ang epekto nito.
Pagdating sa usapin ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang dapat makita ng mga tao ay na isinasaayos ng Diyos ang simula ng isang kaganapan, at pagkatapos ay ginagabayan at pinapangunahan ang takbo ng pag-unlad nito; tungkol naman sa kung ano ang resulta ng kaganapan sa huli, kung ano ang nakakamit dito ng mga nagsisikap na matamo ang katotohanan at kung gaano karami ang kanilang nakakamit, kung saan nauuwi ang kaganapang ito at ang mga tao at bagay na sangkot dito, at kung paano naisasaayos ang mga ito sa wakas, ang mga ito ay tinutukoy din ng Diyos, siyempre—ito ay isang prinsipyo ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Pauna lang na itinatakda ng Diyos ang simula, proseso, at resulta ng bawat kaganapan, at tinutulutan Niya ang buong kaganapan na umunlad nang malaya sa direksiyon na itinakda Niya, ang pakay nito ay para ang lahat ng bagay ay umayon sa mga natural na pattern, o para hayaan ang lahat ng bagay na gumanap ng papel nito nang hindi sumasailalim sa anumang pagkabaluktot o anumang pagpoproseso, para makamit ang epekto na nilalayon ng Diyos na makamit. Hindi ba’t totoo ito? (Oo.) Halimbawa, kapag isinasaayos ng Diyos na magsimula at mangyari ang isang kaganapan, sinisimulan naman Niyang obserbahan ang mga saloobin ng mga tao na nakikibahagi sa kaganapang ito, at kung ano ang mga pananaw nila tungkol dito—kung tinitingnan ba nila ito nang mapagmatyag o hindi sila interesado sa pagpansin dito, at kung nakikibahagi ba sila rito nang may puso o tinatanggihan, nilalabanan, at iniiwasan ito—inoobserbahan ng Diyos ang mga pagpapamalas ng iba’t ibang uri ng tao. Kaya, nakikialam ba ang Diyos sa mga pagpapamalas ng iba’t ibang uri ng tao? Hindi nakikialam ang Diyos. Binibigyan ka ng Diyos ng kalayaan na pumili nang malaya. Maaari mong labis na pahalagahan ang kaganapang ito at maging labis na taimtim tungkol dito, o maaari kang magkaroon ng saloobin ng pagbabalewala rito at pagiging walang pakialam dito, at siyempre, maaari ka ring magkaroon ng saloobin ng pagpipigil, pag-iwas dito, at hindi pakikilahok dito—tahimik lang na nag-oobserba ang Diyos. Pero ang paglitaw at pangyayari ng buong kaganapan ay sinimulan ng Diyos. Ito ang pang-unang hakbang ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa isang kaganapan. Kapag nagsimulang mangyari ang kaganapang ito, tungkol sa kung sinong mga tao ang nakikilahok dito, sinong mga tao ang nasasangkot dito, at sa kung sa aling direksiyon mapupunta ang kaganapan kapag nakisangkot na sila rito, siyempre, ang Diyos ang nagmamaniobra at nagsasaayos sa lahat ng taong ito, para ang kaganapan ay umusad sa direksiyon at nang may epekto na gusto ng Diyos. Sa parehong paraan, kapag ang kaganapang ito ay naisapubliko at ang buong usapin ay umabot sa rurok, pinapanood pa rin ng Diyos ang mga saloobin, pagpapamalas, opinyon, at pananaw ng iba’t ibang uri ng tao. Pinapanood Niya kung talagang isinasapuso mo ang kaganapang ito, kung ikaw ba ay labis na seryoso, masigasig, at taimtim tungkol sa kaganapang ito, o kung wala kang pakialam dito, binabalewala mo ito, at labis kang manhid tungkol dito, o mayroon kang saloobin ng pag-iwas at pagkasuklam tungkol dito, Nanonood Siya para makita kung ikaw ay isang taong nagmamahal sa katotohanan, at kung ikaw ay isang taong taimtim pagdating sa mga salita ng Diyos, mga hinihingi ng Diyos, at sa katotohanan. Sa proseso ng pag-usad ng buong kaganapan, lalong nagiging halata ang iyong saloobin, at mas malinaw na makikita ng Diyos ang iyong saloobin sa katotohanan, ang iyong saloobin sa mga kapaligirang inilalatag Niya, at malinaw rin Niyang makikita ang iyong saloobin sa pagsisikap na matamo ang katotohanan. Kapag umusad ang buong kaganapan hanggang sa kaduluhan nito at nagkaroon na ng hindi maiiwasang resulta nito, pinapanood pa rin ng Diyos kung ano ang nakamit mo mula sa buong kaganapan, kung ano ang iniisip mo sa iyong utak, at kung ano ang iyong kinakalkula. Tinitingnan Niya kung nakatutok ka lang sa pagkakamit ng karanasan at pagkuha ng mga aral mula sa kaganapang ito para protektahan ang sarili mo—bilang isang mapagpalugod ng mga tao—o kung ginagawa mo ang mga bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo at hindi na naguguluhan tulad ng dati. Titingnan din ng Diyos kung ano ang iyong saloobin tungkol sa kaganapang ito, kung nananatili ka bang tahimik at hindi nagpapahayag ng anumang pananaw, dumidistansya mula sa anumang bagay na hindi personal na nakakaapekto sa iyo, o kung kapag nahaharap ka sa kaganapang ito ay hindi ka lang walang dalisay na pagkaarok, kundi lalo pang lumala ang iyong mga maling pagkaunawa at pagrereklamo tungkol sa Diyos, at nagkaroon ka pa ng mas maraming kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Kanya, hanggang sa punto pa nga na gusto mo nang iwasan ito. Ang iba’t ibang uri ng tao ay may iba’t ibang kaisipan at pananaw kapag ang lahat ng uri ng kaganapan ay nangyayari, at inoobserbahan at itinatala ng Diyos ang lahat ng ito. Sa anumang taon, o sa anumang araw, at sa anumang oras, minuto, o segundo, ang iyong iniisip, sinasabi, kinakalkula, pinaplano, kung anong aspekto ng mga katotohanan ang nauunawaan mo, kung ano ang iyong saloobin kapag nakikipagbahaginan ang isang tao tungkol sa isang aspekto ng katotohanan, kung nilalabanan mo ba ito o tutol ka rito at ayaw mong makinig dito, o pinaplano mo ang pagtakas mo—sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay na ito. May ilang tao rin na kailanman ay walang anumang saloobin tungkol sa mga tao, pangyayari, at bagay na lumilitaw sa iglesia, sa sambahayan ng Diyos, o sa paligid nila, na manhid at mapurol ang isip na parang mga hangal. Mahigpit lang silang kumakapit sa sarili nilang mga pananaw, iniisip na: “Hangga’t hindi ako gumagawa ng kasamaan at hindi nagdudulot ng mga paggambala o panggugulo, o nanghuhusga ng iba, at hindi ako nagkokomento o wala akong anumang saloobin o pananaw kapag nahaharap ako sa sinumang tao, anumang pangyayari, o bagay at umaakto lang ako na parang isang robot at ginagawa nang maayos ang tungkulin ko at nagtatrabaho nang maayos sa isang masunuring paraan, sapat na iyon.” Ito rin ay isang uri ng kaisipan at pananaw. Siyempre, oobserbahan at itatala rin ng Diyos ang ganitong uri ng kaisipan at pananaw. Ang pakay ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay at pangyayari at sa bawat partikular na bagay na nangyayari sa paligid ng mga tao ay ang maglatag ng mga kapaligiran para sa mga tao at tustusan sila ng mga buhay na materyales sa pagtuturo, para sa harap ng lahat ng uri ng bagay, ang iba’t ibang uri ng tao ay ipapakita ang kanilang pinakatunay na bahagi, at ipapakita ang kanilang mga pinakatunay na kaisipan at pananaw, at ang kanilang pinakatunay na saloobin sa Diyos at sa katotohanan. Ang mga saloobin na ito na mayroon ang mga tao ay ganap na naipapamalas sa isang kalagayan ng kalayaan at paglaya. Ang Diyos ay hindi kailanman nakikialam, nanghihimasok, o nagmamanipula, tinutulutan lang Niya ang lahat ng uri ng tao na ipahayag ang kanilang mga kaisipan, pananaw, at saloobin hangga’t gusto nila at ayon sa natural na takbo ng mga ito, sa huli ay ibinubunyag at tinatrato ang iba’t ibang uri ng tao ayon sa mga pagpapamalas ng mga ito. Sino ang kabilang sa “ang iba’t ibang uri ng tao”? Anong mga pagsasaayos ang ginagawa ng Diyos para sa iba’t ibang uri ng tao? Binibigyang-kakayahan ng Diyos ang mga nagmamahal sa katotohanan na matamo ang katotohanan; binibigyang-kakayahan Niya ang mga hindi interesado sa katotohanan pero handang magtrabaho para maging matatag na gawin iyon; tungkol naman sa mga nasusuklam at tutol sa katotohanan, ibinubunyag Niya ang saloobin ng mga ito ng pagiging tutol sa katotohanan, pero kung magagawa nilang magserbisyo o kung nababagay sila para sa pagseserbisyo, pipiliin ng Diyos ang mga mas mainam na ito at tutulutan ang mga ito na magserbisyo, samantala, kung sila ay hindi nababagay para sa pagseserbisyo, o sila ay tutol sa katotohanan hanggang sa punto na maaari silang magdulot ng mga paggambala at panggugulo, aalisin sila ng Diyos kapag tama ang oras at okasyon. Ang lahat ng gawaing ito na ginagawa ng Diyos ay hindi tugma sa mga kuru-kuro ng mga tao, hindi ba? (Oo.) Nakikita ba ng mga tao ang pagpaparaya at pagiging kaibig-ibig ng Diyos sa lahat ng ito? (Sa mga bagay na ito, makikita natin na sa pamamagitan ng praktikal na gawaing ito, inaakay ng Diyos ang mga tao na dumanas, at sa likod ng lahat ng gawaing ito ay ang pagmamahal ng Diyos para sa tao.) Sa loob ng gawaing ito ay ang mga masinsing layunin ng Diyos, ang karunungan ng Kanyang gawain, at ang Kanyang responsableng saloobin sa mga taong nilalayon Niyang iligtas. May isa pang aspekto, iyon ay na ang mga pag-aari at pagka-Diyos ng Diyos ay hindi mga bagay na mayroon ang mga tao. Ang Diyos ay labis na masigasig at taimtim sa lahat ng bagay na ginagawa Niya, at hindi kailanman pabaya. Partikular na pagdating sa usapin ng pagkakamit ng mga tao sa katotohanan, labis Siyang masigasig at taimtim; para panagutan ang mga buhay ng mga tao at ang mga kalalabasan ng mga tao, dapat kumilos ang Diyos nang ganito. Siyempre, para sa Diyos, ganito mismo ang Kanyang diwa at ang Kanyang mga pag-aari. Anuman ang iyong saloobin sa iyong buhay, at sa iyong kalalabasan at hantungan, ito man ay isang seryoso at masigasig na saloobin o isang pabasta-bastang saloobin, ano’t anuman, para sa Diyos, dahil pinili ka Niya at dahil tinustusan ka Niya ng katotohanan at gusto ka Niyang iligtas, ganap Niyang aarukin ang iyong bawat salita at kilos, at ang iyong mga saloobin sa lahat ng bagay, at tutukuyin Niya sa huli ang iyong kalalabasan batay sa lahat ng iyong saloobin. At batay sa lahat ng iyong saloobin, titingnan Niya kung sa huli ay ikaw ba ay magiging isang tao na nagtatamo ng katotohanan, at isang taong magagawang magpasakop sa Diyos at magiging kaayon Niya. Maaaring hindi ka kailanman naging taimtim tungkol sa usapin ng pagliligtas ng Diyos sa mga tao, hindi mo pa ito kailanman pinagbulay-bulayan nang mabuti, at hindi mo alam kung paano inililigtas ng Diyos ang mga tao. Gayumpaman, bilang ang Lumikha na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng nilikhang tao, hindi magulo ang isip Niya at hindi Siya nalilito katulad ng mga tao; ginagawa Niya ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan sa isang seryosong paraan. Nilikha ka Niya at pinili ka Niya. Ipinangako Niya sa mga tao na iniligtas Niya ang mga ito nang lubusan, kaya isasakatuparan Niya ang gawaing ito at magiging responsible Siya hanggang sa huli. Samakatwid, may mga tunay na pagpapamalas at aktuwal na nilalaman ng gawain sa pagsasakatuparan ng Diyos sa Kanyang gawain at pag-ako ng responsabilidad hanggang sa huli. Ganito gumagawa ang Diyos, at ito ang Kanyang singsero at taimtim na saloobin. Hindi magiging pabasta-basta ang Diyos sa iyo, o hindi ka lolokohin gamit ang isang slogan, at ang gawain ng Diyos, sa partikular, ay mas mainam na sumasalamin sa tunay na halagang ibinabayad ng Diyos para iligtas ang mga tao, at sa Kanyang responsableng saloobin sa mga tao.
Kapag naunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo at pakay ng pagliligtas ng Diyos sa mga tao at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, hindi ba’t medyo malulutas na ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos sa aspektong ito? (Oo.) Ano ang dapat maunawaan ng mga tao sa aspektong ito? Ito ay na, ito man ay sa lahat ng uri ng usapin o sa isang partikular na usapin na may kataas-taas ang kapangyarihan ng Diyos, ang pakikipagtulungan ng mga tao ay bumubuo sa 80 o maging sa 90 porsiyento, at ang kanilang mga kaisipan at pananaw, at ang kanilang mga saloobin tungkol sa naturang usapin ay napakahalaga sa mga mata ng Diyos. Huwag isipin na kung wala kang sasabihin at hindi mo ipapakita ang iyong opinyon kapag sumapit sa iyo ang mga bagay, hindi ka papansinin ng Diyos o na babalewalain ka Niya. Kung gusto mong balewalain ka ng Diyos, mabuti pang huwag ka nang manampalataya sa Diyos. Dahil ikaw ay nasa sambahayan ng Diyos at dahil pinili ka ng Diyos, hinding-hindi ka babalewalain ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay sinisiyasat ng mga mata ng Diyos, lalo na ikaw, na isang munting tao. Kahit na isa kang langgam, kung pinili ka ng Diyos, palagi ka pa ring sisiyasatin at aakayin ng Diyos. Dahil sinisiyasat ka ng Diyos, kailangan mo lang tanggapin ang mga bagay na sumasapit sa iyo. Huwag mong iwasan ang mga ito—ang pag-iwas ay hindi isang matalinong pagpili. Dapat mong harapin ang mga ito. Kapag naharap mo na ang mga ito at mayroon ka nang malinaw na saloobin ay saka ka lang magkakaroon ng pagkakataon, sa mga kapaligirang inilatag Niya para sa iyo, na magtamo ng mga katotohanan na hinahayaan ka ng Diyos na maunawaan, samantalang ang pag-iwas sa mga ito ay hindi ka tutulutan na maunawaan ang mga katotohanan sa iyong katahimikan. Bukod sa mga katotohanan tungkol sa mga pangitain, ang ibang mga katotohanan—tulad ng lahat ng uri ng katotohanan tungkol sa buhay at pag-iral ng tao—ay ipinapahayag sa pamamagitan ng isang kapaligiran o sa pamamagitan ng konteksto ng pag-uugali ng isang uri ng tao na lumilitaw. Tunay lang na maaarok ng mga tao ang mga realidad na mga katotohanang ito matapos nilang magkamit ng tunay na karanasan at pag-unawa. Karamihan ng tao ay hindi makita nang malinaw ang puntong ito, at ang saloobin nila sa iba’t ibang uri ng katotohanan ay maligamgam, at palagi rin nilang gustong iwasan ang mga kapaligirang ito, at ayaw nilang hanapin ang katotohanan tungkol sa mga tunay na problema. Hindi nila natututunang makilatis ang iba’t ibang uri ng tao at kaganapan batay sa katotohanan, ni hindi sila nagsasanay sa paglalapat ng katotohanan para lutasin ang iba’t ibang problema. Anuman ang sumasapit sa kanila, wala silang saloobin o mga pananaw, at hindi sila nakikibahagi sa pagbabahaginan at mga talakayan. Kontento na sila sa pagdarasal lang sa Diyos, pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pag-aaral ng mga himno, at pagtupad ng kanilang mga tungkulin araw-araw, at iyon na iyon. Sasabihin ko sa iyo ang isang bagay, iyon ay na ang mga katangian ng isang trabahador ay na handa lang siyang gumugol ng pagsisikap, at hindi siya interesado sa anumang aspekto ng katotohanan o hindi siya handang maging taimtim tungkol sa anumang aspekto ng katotohanan, at tingin niya ay isang abala ang paggawa niyon—ito ay isang trabahador. Kung hindi ka alipin ni Satanas, o ng kung sinong masamang tao o anticristo, sa pinakamainam ay maaari ka lang maging isang trabahador. Pero iba ito para sa mga tao ng Diyos na maaaring magtamo ng kaligtasan. Hindi sila kontento sa pagtatrabaho lang at paggugol ng kaunting pagsisikap, kundi natututunan at nauunawaan nila ang iba’t ibang katotohanan sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay, at pagkatapos ay tinitingnan at pinapakitunguhan ang iba’t ibang uri ng tao at pangyayari batay sa mga katotohanang ito. Sa ganitong paraan, ang iba’t ibang katotohanan ay unti-unting naisasagawa sa kanila, at unti-unting nagiging buhay nila at ang mga prinsipyo sa kanilang pagkilos at pag-asal. Kapag ang katotohanan ay naging buhay mo ay saka mo lang magagawang magpasakop sa Diyos at matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan; kung hindi, ang epektong ito ay hindi makakamit. Huwag matakot na maranasan ang mga bagay, at huwag matakot na kilatisin ang mga tao. Hindi isang masamang bagay na nangyayari ang lahat ng uri ng kaganapan, at may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos dito. Dahil ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at ang Siyang gumagawa ng mga pagsasaayos, ano ang dapat mong ikatakot? Dahil ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at ang Siyang naggagawa ng mga pagsasaayos, para sa iyo, ang pangyayari ng isang kaganapan, sa pinakamababa, ay hindi mapaminsala o isang tukso. Sa halip, ito ay para matuto ka ng mga aral, para mapatibay at makinabang ka, at para magawa kang perpekto. Kung magagawa mong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, kung mahaharap mo ang nangyayari sa iyo bilang mga positibong materyales ng pagtuturo, at hahanapin mo ang katotohanan at matututuhan ang mga aral na dapat mong matutunan, natural at di-halatang maisasagawa sa iyo ang katotohanan at magiging buhay mo. Samakatwid, mali para sa karamihan ng tao na magkaroon ng saloobin ng kawalang-pakialam, pag-iwas, di-pakikilahok, at di-pakikibahagi, at ang hindi magpahayag ng mga pananaw o makipagbahidan, kapag nahaharap sila sa iba’t ibang kaganapan—hindi ito mainam. Bakit ko sinasabing mali ito at hindi mainam? Ipinapakita ng saloobing ito sa Diyos na hindi ka interesado sa Kanyang kaligtasan o sa Kanyang mabubuting layunin, at na hindi ka interesado na magawang perpekto ng Diyos, at hindi mo ito pinapansin at tinatanggihan mo ito. Kapag nakita ng Diyos na ito ang iyong saloobin, gugustuhin pa rin ba Niyang iligtas ka? At kahit na gusto kang iligtas ng Diyos, paano ka Niya ililigtas kung hindi ka makikipagtulungan? Gaya ng kasabihan, “Wala nang magagawa,” at ang kasabihang ito ay partikular na tumutukoy sa ganitong uri ng tao.
Sa loob ng buong plano ng pamamahala ng Diyos, lalo na sa loob ng huling yugto ng Kanyang gawain, nagpahayag na Siya ng napakaraming katotohanan, at narinig mo na ang lahat ng iyon. Kahit ilan na sa mga iyon ang naranasan at naunawaan mo na, kahit papaano ay alam mo ang mga iyon, kaya hindi na gagawa ang Diyos ng anumang karagdagang gawain ng panghihimasok at pamamahala. Hinihintay lang ng Diyos ang iyong saloobin, pati na ang iyong pakikipagtulungan sa lahat ng sumasapit sa iyo—gusto Niyang makita ang iyong saloobin, mga pananaw, mga paghahangad, at ang landas na tinatahak mo. Kung, sa tuwing nakakaharap ka ng mga tao, pangyayari, o bagay, itinatala ng Diyos na wala kang saloobin o mga pananaw, at na palagi kang walang nasasabi, sabihin mo sa Akin, hindi ba’t isa kang hangal? Anong mga tao ang palaging walang nasasabi? Hindi ba’t ang mga bingi, pipi, mangmang, o hangal? Ang itinatala ng Diyos ay na wala kang saloobin, kaya kapag binigyan ka Niya ng puntos sa huli, wala kang makakamit na puntos. Kapag may sumasapit sa iyo, tinatanong ng Diyos, “Handa ka bang magbayad ng halaga?” At sinasabi mo, “Oo!” At tinatanong Niya, “Mayroon ka bang determinasyon? Nanumpa ka ba?” At sumasagot ka, “ Oo!” Kung mayroon ka lang ganitong determinasyon, pero kapag tinatanong ka kung ano ang nakamit mo mula sa pagdanas sa kapaligirang ito, wala kang masabi, at wala kang nakamit mula sa bawat kapaligirang naranasan mo, sa huli, kapag binigyan ka ng Diyos ng puntos, magiging dalawang puntos lang ito. Bakit dalawang puntos? Ito ay dahil sa maliit mong determinasyon kaya ka nagkamit ng dalawang puntos. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t magiging katapusan mo na kung gayon? Magkakaroon ka pa rin ba ng pag-asa na maligtas? Ang pag-asang maligtas ay natatamo sa pamamagitan ng pagsisikap mo mismo para dito. Ito ang bunga na nakukuha mo kapalit ng pagpili na lumakad sa landas ng pagsisikap na matamo ang katotohanan. Kaya anuman ang sumapit sa iyo, huwag kang matakot dito o umiwas dito, at huwag takpan ang iyong ulo ng iyong mga kamay at umatras sa iyong talukab gaya ng isang pagong—sa halip, harapin ito nang positibo at aktibo. Kung ikaw ay duwag at takot sa mga bagay, at hindi naglalakas-loob na magbigay ng pagsusuri sa anumang bagay—kahit kanino ito nauugnay—sa takot na malantad at makilatis ng iba kapag may nasabi kang mali, at palagi kang natatakot at hindi kailanman nakikilahok, ibig sabihin nito ay pinapalagpas mo ang iyong pagkakataon! Maaaring naglaan ka ng maraming enerhiya sa paggawa ng iyong tungkulin, pero ang katunayan ay na matagal mo nang natukoy ang iyong sariling kalalabasan. Sa huli, makakakuha ka lang ng dalawang puntos, kaya Hindi ba’t ikaw ay isang munting hangal? Hindi ba’t ang pagkakamit ng dalawang puntos ay kapareho ng pagiging isang munting hangal? At dahil makakakuha ka lang ng dalawang puntos, hindi ba’t mawawalang-saysay ang pananampalataya mo sa Diyos sa buhay na ito? Ito ang huling yugto ng gawain ng Diyos, kung ang iyong pananalig ay walang saysay sa panahong ito, matatakda na ang iyong kalalabasan. Hindi na muling gagawin ng Diyos kailanman ang gawain ng pagliligtas sa mga tao. Ito ang huling pagkakataon—kung hindi mo pa rin ito pagsisikapan at hahayaan mo itong makalampas, at hindi ka makapagtamo ng kaligtasan, sayang naman iyon! Kahit ilang taon mo nang naranasan ang gawain ng Diyos, kahit papaano ay dapat makakuha ka ng puntos na pasado, kapag nagkagayon ay magkakaroon pa rin ng pag-asa na manatili kang buhay. Kung ang iyong pagtatrabaho ay ni hindi pasok sa pamantayan, at nagdulot ka rin ng maraming paggambala at panggugulo, wala kang maaaning anumang bunga, at mawawalan ka ng pag-asa na magtamo ng kaligtasan. Sa bawat kapaligirang inilalatag ng Diyos, huwag maging isang miron; maging isang kalahok, maging bahagi nito. Pero may isang prinsipyo na dapat mong sundin sa pinakamababa: Huwag magdulot ng mga panggugulo. Maaari kang makilahok at magpahayag ng sarili mong mga opinyon at pagsusuri, at kahit na magsalita ka tulad ng isang taong walang kasanayan at nagsasalita lang ng mga salita at doktrina, hindi ito mahalaga. Gayumpaman, dapat kang makilahok sa bawat usapin nang may prinsipyo at layunin na hanapin ang katotohanan, isagawa ang katotohanan, at magpasakop sa Katotohanan—saka lang magkakaroon ng pag-asa ang iyong kaligtasan. Sa anong batayan nakatatag ang pag-asa ng kaligtasan? Nakatatag ito sa batayan ng kakayahan mong magsikap tungo sa katotohanan, magbulay-bulay sa katotohanan, at magsikap para sa katotohanan kapag nangyayari ang bawat usapin. Sa ganitong batayan mo lang mauunawaan ang katotohanan, maisasagawa ang katotohanan, at makakamit ang kaligtasan. Gayumpaman, kung ikaw ay palaging isang miron kapag nangyayari ang mga bagay-bagay—hindi nagbibigay ng anumang mga pagsusuri o paglalarawan, at hindi nagpapahayag ng anumang mga personal na opinyon—at wala kang mga pananaw sa anumang bagay, o, kahit na may mga pananaw ka, hindi mo ipinahahayag ang mga ito, at hindi mo alam kung tama o mali ang mga ito, pero itinatago mo lang ito nang maigi sa isip mo at iniisip ang mga ito, mauuwi kang hindi natamo ang katotohanan. Pag-isipan mo ito, tulad ito ng pagkagutom habang dumudulog sa isang masaganang piging. Hindi ba’t kaawa-awa ka? Sa gawain ng Diyos, kung sampung taon ka nang nananampalataya at naging isang miron sa buong panahong iyon, o kung 20 o 30 taon ka nang nananampalataya at naging isang miron sa buong panahong iyon, kung gayon, sa huli, kapag oras na para tukuyin ang kalalabasan mo, ang marka na ilalagay ng Diyos sa talaan mo ay dalawang puntos, at kaya ikaw ay magiging isang hangal na walang halaga, at ang pagkakataon mong matamo ang katotohanan at ang pag-asa mong maligtas ay ganap na masisira ng sarili mo mismo. Sa pinakahuli, mababansagan ka bilang isang hangal na walang halaga, at magiging nararapat lang sa iyo ito, hindi ba? (Oo.) Ano ang sikreto para hindi maging isang hangal na walang halaga? (Ang sikreto ay ang huwag maging isang miron.) Huwag maging miron. Nananampalataya ka sa Diyos, kaya dapat mong danasin ang gawain ng Diyos para makamit mo ang katotohanan. Maaaring itanong ng ilan, “Kaya, hinihiling Mo ba sa akin na makilahok ako sa lahat ng bagay? Pero sinasabi ng mga tao, ‘Huwag kang makialam sa hindi mo problema.’” Ang paghingi sa iyo na makilahok ay nangangahulugan ng paghingi sa iyo na hanapin ang katotohanan at matuto ng mga aral mula sa mga bagay na nararanasan mo. Halimbawa, kapag nakakatagpo mo ang isang partikular na uri ng tao, dapat kang magkamit ng pagkilatis mula sa mga pagpapamalas Niya at mula sa mga bagay na ginagawa Niya. Kung nilalabag Niya ang katotohanan, dapat mong kilatisin kung ano ang ginawa Niya na lumalabag sa katotohanan. Kung sinasabi ng iba na isang masamang tao ang taong ito, dapat mong kilatisin kung ano ang sinabi at ginawa Niya at kung anong mga pagpapamalas ng paggawa ng masama ang mayroon siya para mailarawan siya bilang isang masamang tao. Kung sinasabi ng iba na hindi ipinagtatanggol ng taong ito ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at tinutulungan ang mga tagalabas sa kapinsalaan nito, dapat kang magtanong-tanong kung ano ang ginagawa ng taong ito. At pagkatapos mong malaman, hindi sapat na malaman lang ang mga bagay na ito. Dapat mo ring pagbulay-bulayan: “Magagawa ko kaya ang gayong mga bagay? Kung walang nagpaalala sa akin, maaaring magawa ko rin ang mga parehong bagay, at kapag nagkagayon, hindi ba’t matutulad ng sa taong iyon ang magiging kalalabasan ko? Hindi ba’t magiging mapanganib ito? Buti na lang, inilatag ng Diyos ang kapaligirang ito para ihanda ako, na siyang pinakadakilang proteksiyon para sa akin!” Pagkatapos itong pagbulay-bulayan, napagtatanto mo ang isang bagay: Hindi mo maaaring sundan ang landas na sinusundan ng ganoong uri ng tao, hindi ka maaaring maging ganoong uri ng tao, at dapat mong pagsabihan ang sarili mo. Anumang mga bagay ang makaharap mo, dapat kang matuto ng mga aral mula sa mga ito. Kung may mga bagay na hindi mo lubusang nauunawaan at na pakiramdam mo sa puso mo ay kakatwa, dapat kang magtanong tungkol sa mga ito at alamin ang tungkol sa mga ito, at tiyakin ang tunay na kalagayan ng mga usapin sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan. Hindi ito pagkamausisa; pagiging taimtim ito. Ang pagiging taimtim ay hindi nangangahulugan ng paggawa ng pabasta-basta o pagsunod sa nakararami—isa itong saloobin ng pag-ako ng responsabilidad. Sa pamamagitan ng pagkakamit ng kalinawan tungkol sa mga problema at pagkatapos ay paghahanap sa katotohanan para lutasin ang mga ito, kapag nahaharap sa parehas na uri ng sitwasyon sa hinaharap, saka ka lang magkakaroon ng landas ng pagsasagawa, maisasagawa mo ito nang tumpak, at magkakaroon ng pakiramdam ng pagiging payapa at panatag. Nagiging taimtim ka batay sa prinsipyo ng pagsubok na maunawaan ang mga katunayan at ang tunay na kalagayan ng mga usapin at mula sa mga ito ay makamit ang katotohanan at matuto kung paano tingnan ang mga tao at bagay, sa halip na sumunod sa ibang tao at sumunod lang sa agos sa lahat ng usapin. Sa pamamagitan ng pagiging taimtim sa mga kilos mo, saka mo lang magagawang isagawa ang katotohanan at kumilos batay sa mga prinsipyo. Iyong mga hindi taimtim ay malamang na sumunod sa ibang mga tao at sumunod sa agos, at sa ganitong paraan, malamang na malabag nila ang mga katotohanang prinsipyo. Halimbawa, sabihin nang ang isang tao ay palaging gumagawa ng kanyang tungkulin sa isang pabasta-bastang paraan at kaya nadiskuwalipika siya mula sa paggawa ng kanyang tungkulin. Sinasabi mo, “Mukha naman siyang maayos sa panlabas. Paanong hindi ko napansin na nagiging pabasta-basta siya? Nalihis ba niya ako? Sa anong mga paraan niya iniraraos lang ang kanyang tungkulin? Anong mga bagay ang ginawa niya sa isang pabasta-bastang paraan?” Kapag sinabi sa iyo ng isang tao ang ilan sa mga paraan na umasal nang pabasta-basta ang taong iyon, sinasabi mo, “Talagang magaling ang taong iyon sa pagpapanggap! Mukha siyang maayos sa panlabas, at nagsabi siya ng talagang magagandang bagay. Sinabi niya, “Binigyan tayo ng Diyos ng labis na biyaya—hindi puwede na wala tayong konsensiya, dapat nating gawin nang maayos ang ating mga tungkulin!’ Nang marinig kong sinabi niya iyon, inakala ko na ginagawa niya nang tapat ang kanyang tungkulin; hindi ko kailanman naisip na napakapabasta-basta niya! Hindi ba’t nalihis ako? Wala akong pagkilatis sa mga tao, hindi ko tiningnan ang mga tao at bagay o tinrato ang mga tao batay sa mga katotohanang prinsipyo. Bumatay lang ako sa kung gaano kakaaya-aya magsalita ang taong iyon, nang hindi tinitingnan ang mga resultang nakuha niya sa kanyang tungkulin, o sa kanyang partikular na pag-uugali at mga pagpapamalas, o sa kanyang diwa—sa usaping ito ay nagkamali ako. Lumalabas na ang mga taong mukhang mabuti sa panlabas ay hindi tiyak na tunay na mabuti, at bagama’t nagsasabi sila ng mga bagay na kaaya-ayang pakinggan, maaaring hindi talaga nila ginagawa ang sinasabi nila, at hindi tiyak na sila ay mga taong may konsensiya at pagkatao. Simula ngayon, dapat kong tingnan ang mga tao batay sa mga salita ng Diyos, at dapat akong matutong kumilatis ng mga tao. Hindi na ako puwedeng maloko muli!” Kita mo, anuman ang mangyari, hangga’t ikaw ay medyo taimtim at naghahanap sa katotohanan, at pagkatapos ay bumubuo ng mga kongklusyon, mayroon kang makakamit. Kung makakamit mo nga ang mga pakinabang na ito, Hindi ba’t isa iyong mabuting bagay? (Oo.) Mayroon kang matututunan at medyo makikinabang ka sa usapin ng pagkilatis sa mga tao—ito ang nakakamit mo sa pagiging taimtim at pagsisikap kaugnay sa katotohanan. Ipagpalagay nang hindi ka taimtim sa ganitong paraan. Kapag narinig mo na itinaboy ang isang tao dahil palagi siyang pabasta-basta sa paggawa ng kanyang tungkulin, hindi mo tinatanong “Bakit siya pabasta-basta? Bakit siya itinaboy?” Sa halip, iniisip mo lang, “Ano naman kung pabasta-basta? Ano’t anuman, hindi ako itinaboy, kaya maayos naman ang lahat.” Sa ganoong kaso, nakatanggap ka ba ng kaunting babala, natuto ng kaunting aral, o nagkaroon ka ba ng kaunting pagkilatis mula sa usaping ito? Hindi. Bakit hindi? Dahil hindi ka interesado o seryoso sa gayong mga bagay, at hindi ka talaga nagdadala ng pasanin para sa sarili mong buhay pagpasok o pagsisikap na matamo ang katotohanan, at hindi ka interesado at nakikilahok sa pakikipagbahaginan ng ibang tao sa mga usapin ng pagsisikap na matamo ang katotohanan at sa buhay pagpasok, at sa pinakamainam, pabasta-basta ka lang bumibigkas ng ilang salita ng pagsang-ayon at iyon na iyon. Marami bang ganitong uri ng tao? Kapag sumasapit sa kanila ang mga bagay, partikular silang mahilig na maging pabasta-basta at iraos lang ang mga bagay, at hindi talaga magdala ng pasanin para sa sarili nilang buhay pagpasok o pagsisikap na matamo ang katotohanan. Bukod sa pagiging mahilig na makipag-tsismisan nang kaunti kapag nakikisalamuha sa iba, wala talaga silang interes sa mga bagay tulad ng mga kinasasangkutan ng buhay pagpasok o sa mga aral na dapat matutunan ng mga tao sa mga kapaligirang inilalatag ng Diyos. Pagkatapos nila sa kaunting gawain nila sa kasalukuyan, umuupo sila at tumutulala, gusto na lang matulog o magpahinga saglit, at hindi talaga sila nagdadala ng anumang pasanin para sa sarili nilang buhay pagpasok. Bukod sa kaunting determinasyon at kaunting kahilingan na mayroon sila, ang mga taong ito ay walang makakamit na katotohanan sa dulo, at sa huli, ang kabuuang puntos nila ay maaari lang maging dalawa, hindi nila magagawang iwaksi ang kanilang munting kahangalan, at kaya, magiging katapusan na nila sa buhay na ito. Kung katapusan mo na sa panahong ito, talagang magiging katapusan mo na, at hindi ka na magkakaroon ng pag-asa na mailigtas, dahil maitatakda na ang iyong kalalabasan. Ang puntos na natatanggap ng isang nilikha sa huli ay direktang nauugnay sa kanyang kalalabasan. Kung makakatanggap ka ng puntos na pasado, ang iyong kalalabasan ay na maliligtas ka. Kung hindi ka makakatanggap ng puntos na pasado, hindi ka magkakaroon ng magandang kalalabasan. Ito ang panahon kung kailan matutukoy sa wakas ang kalalabasan ng mga tao, at kapag naitakda na ang isang kalalabasan, permanente na ito at hindi magbabago. Hindi na magkakaroon ng isa pang pagkakataon para magsikap para sa isang mabuting kalalabasan at wala nang magiging pagkakataon para baguhin ito—pinal nang matutukoy ang iyong kapalaran. Naunawaan mo ba? Ito ba ay para takutin ka? (Hindi.) Pag-isipan mo ito—ginagawa ng Diyos ang gawain ng pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan, at tinutustos Niya sa mga tao ang iba’t ibang katotohanang dapat nilang taglayin—ilang beses puwedeng gawin ng Diyos ang ganitong uri ng gawain? (Itong isang beses lang na ito.) Hindi pa ito nagawa kailanman noon, at hindi na muling magagawa kailanman. Ito lang ang tanging panahon, at kapag natapos na ito, ganap nang maisasakatuparan ang dakilang gawain ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng “ ganap nang maisasakatuparan”? Ibig sabihin ay hindi na Niya ito gagawin muli, at wala na Siyang planong gawin ito. Samakatwid, anuman ang huling kalalabasan ng mga tao sa panahong ito, ang mga ito ay mapipinal na at hindi na mababago. Hindi na bibigyan ng Diyos ng pagkakataon ang mga tao na gumampan uli o na ipamuhay uli ang kanilang buhay. Ang oras na lumipas ay hindi na maibabalik kailanman, at hindi na magkakaroon ng anumang pagbabago. Kaya, kung hindi mo susunggaban ang pagkakataong ito, mapapalampas mo ang pagkakataong maligtas. Kung babalewalain mo ang iba’t ibang kapaligiran at ang iba’t-ibang tao, pangyayari, at bagay na inilatag ng Diyos, kung ikaw ay manhid at mapurol ang isip pagdating sa mga ito, at tinatrato mo ang mga ito nang walang pakialam, ikaw ay isang munting hangal. Kahit ikaw ay hindi sineseryoso ang sarili mong kalalabasan at hantungan, kaya sino ang makikinig sa iyo? Napakaraming beses na itong sinabi sa iyo pero hindi mo ito sineseryoso, kaya ano ka kung hindi ka isang munting hangal? Wala nang kasinghalaga pa ng usapin ng kaligtasan. Hindi ba’t ganoon ang kaso? (Oo.) Siyempre, gaya ng kakasabi Ko lang, ang kalalabasan sa huli ng isang tao ay natutukoy ng kanyang mga pangkalahatang pagpapamalas sa iba’t ibang kapaligirang may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos, kaya dapat bigyang-pansin ng mga tao ang kanilang mga pangkalahatang pagpapamalas sa pang araw-araw na buhay. Ang layunin dito ay hindi ang hilingin sa iyo na magtsismis o makisali sa mga alitan, kundi ang himukin ka, batay sa umiiral mong kapaligiran at mga kondisyon, at hangga’t maaari, na maunawaan ang katotohanan at makapasok sa katotohanan, na tumahak sa landas ng pagsisikap na matamo ang katotohanan, at na magsikap, sa humigit kumulang, na makapasok sa tatlong aytem ng “pagbitiw” na pinagbahaginan natin, bago matapos ang gawain ng Diyos—kapag nagkagayon ay makakapasa ka nang may puntos na 60 o higit pa, at ikaw ay magiging isang tao na naligtas. Gayumpaman, kung hindi ka man lang makalalapit pagdating sa anuman sa tatlong aytem na ito, o kung hindi ka makakapasa sa anuman sa mga ito, at kung wala kang aktuwal na pagpasok sa anuman sa mga ito, hindi ka makakakuha ng puntos na pasado, at hindi ka magiging pakay ng pagliligtas. Naunawaan mo ba? (Oo.)
Ano ang dapat ninyong tutukan lahat na isagawa ngayon? Ang paghahanap sa katotohanan at pagkatuto ng mga aral sa mga kapaligirang inilalatag ng Diyos. Kung araw-araw ay kontento ka na gumugol lang ng pagsisikap at gumampan ng gawain nang hindi talaga sinisikap na matamo ang katotohanan, isa ka lang trabahador. Kung gumugol ka ng pagsisikap, dumanas ng iba’t ibang kapaligirang inilatag ng Diyos, at nakaunawa ng ilang katotohanan; at ilang katotohanan man ang iyong nakamit, sa huli ay may mga nakamit ka, malaki o maliit man ang mga ito, marami o kaunti; at kahit abutin ka ng napakatagal para makamit ang mga bagay na ito at mabagal ang pag-usad mo, kahit papaano ay nasa daloy ka ng gawain ng Diyos, at ikaw ay isang tao na may mga nakamit; kung gayon ay magkakaroon ka ng pagkakataon na maligtas. Ano ang pinakabatayang bagay na dapat ninyong gawin ngayon? Dapat kayong umalis mula sa lahat ng iba’t ibang uri ng komplikado at walang kabuluhang usapin at itakda ang inyong puso sa pagsisikap na matamo ang katotohanan; dapat ninyong pagsikapan, sa loob ng maikling panahon, na pangasiwaan ang inyong iba’t ibang kalagayan, na kilalanin ang inyong mahinang bahagi, ang inyong mga kahinaan, at ang inyong mga problema, at pagkatapos ay hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito, para mayroon kayong landas na susundan at layon na hahangarin, at malilinaw na katotohanang prinsipyo na susundin sa gawaing ginagawa ninyo. Dapat kang magkaroon ng malinaw na layon at direksiyon na hahangarin kaugnay sa sarili mong mga kahinaan, sa sarili mong tungkulin, at sa sarili mong kapaligiran, sa halip na magpakaabala nang walang direksiyon, napupunta kung saan ka man bulag na dinadala ng iyong mga binti, na mapanganib. Kailangan mong iwaksi ang kalagayan at ang kasalukuyang sitwasyon ng iyong buhay kung saan gumugugol ka lng ng pagsisikap pero hindi nagkakamit ng katotohanan. Huwag maging miron, at huwag masangkot sa lahat ng uri ng alitan. Kung ayaw mong masangkot sa mga ito, dapat mong matutunan na pagsikapan ang mga katotohanang prinsipyo. Kung nauunawaan mo ang bawat isa sa mga katotohanang prinsipyo, matatakasan mo ang ganitong mga uri ng alitan. Bakit Ko sinasabi iyon? Kapag naunawaan mo ang iba’t ibang katotohanan, saka ka lang makakapasok sa mga ito at magkakaroon ng pag-asa na makapasok sa katotohang realidad. Pagkatapos, kapag lumahok ka sa iba’t ibang bagay, magkakaroon ka ng mga prinsipyo at malalaman mo kung paano humarap sa mga bagay na ito. Kung titigil ka lang na maging miron, pero ganap kang naguguluhan tungkol sa bawat katotohanan, at hindi mo nauunawaan ang anumang mga katotohanan, at ang nauunawaan mo lang ay mga doktrina at kaunting salita, at hindi mo alam kung paano kilatisin ang iba’t ibang uri ng tao, at kapag nahaharap ka sa mga isyu ay itinatala mo lang ang mga takbo ng kaganapan, at hinuhusgahan mo kung sino ang tama at kung sino ang mali at wala nang iba pa, at sa huli ay hindi mo nakakamit ang katotohanan, kung gayon ay walang silbi ang pakikilahok mo sa anumang usapin. Ano ang nangyayari sa ganitong uri ng pakikilahok? Pumupukaw ito ng mga alitan. Samakatwid, dapat mong matutunan na pagsikapan ang mga katotohanang prinsipyo, at kapag lalo nang nagiging malinaw sa iyo ang paglapat sa mga ito—at lalong nagiging tumpak ang paggawa mo ng mga ito—magkakaroon ka ng pag-asa na makapasok sa katotohanan, at pagkatapos ay magkakaroon ka rin ng pag-asa na maligtas.
Tungkol sa kung paano matatamo ng mga tao ang katotohanan sa mga kapaligirang inilalatag ng Diyos para sa kanila, ilang mga prinsipyo ng pagsasagawa ang pinagbahaginan natin sa kabuuan? Huwag maging miron, at ano pa? (Huwag lang magsikap.) Iwaksi ang uri ng kalagayan kung saan kontento ka na sa paggugugol lang ng pagsisikap pero ayaw mong sikaping matamo ang katotohanan. Ano pa ang mayroon? (Huwag masangkot sa lahat ng uri ng alitan.) Huwag masangkot sa lahat ng uri ng alitan, huwag masangkot sa lahat ng uri ng komplikadong usapin—huwag palitan ang pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo ng mga bagay na ito. Dapat kayong sumunod sa lahat ng prinsipyong ito. Kung kakapit kayo nang mahigpit sa mga ito, hindi ka malalayo sa pagsisikap na matamo ang katotohanan at hindi magtatagal ay makakapasok ka na sa realidad ng pagsisikap na matamo ang katotohanan. Madali ba itong isagawa? Nakisalamuha ako sa mga tao sa iglesia sa loob ng napakaraming taon, pero napakakaunti ng mga taong nagtatanong sa Akin tungkol sa buhay pagpasok o tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, at napakakaunti ng mga taong nagtatalakay tungkol sa mga personal nilang kalagayan at pagkatapos ay naghahanap ng mga landas ng pagsasagawa. Sa halip, ang ilang tao ay nagtatanong tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa katotohanan, at gumagamit pa nga sila ng mga salita tulad ng “maghanap,” nakikinig Ako nang napakabuti at napakaseryoso, nasa kanila ang buong atensyon Ko, pero kapag lumalabas na nagtatanong sila tungkol sa isang maliit na panlabas na usapin, nasusuklam Ako. Sinasabi Ko, “Ang usaping itinatanong mo ay walang kinalaman sa gawain ng iglesia o sa buhay pagpasok. Huwag mong gamitin ang salitang ‘maghanap.’” Maaari bang magamit nang hindi wasto ang salitang “maghanap”? (Hindi.) May nagtanong pa nga sa Akin, “Ang anak ko ay may nunal sa kanyang likod. Sinasabi ng ilang tao na ang nunal na ito ay nangangahulugan na malas siya, at sinasabi ng iba na maaaring may karamdaman ang bahagi kung saan tumutubo ang nunal. Ano’t anuman, wala akong pakialam kung malas siya o hindi, pero kung talagang mapanganib ito sa kanyang kalusugan, sa tingin Mo ba ay dapat ipatanggal ang nunal na ito?” Kung kayo ang tatanungin nito, paano kayo sasagot? Sa tingin ba ninyo ay may kaugnayan ito sa katotohanan? May kaugnayan ba ito sa gawain ng iglesia? (Wala.) Hindi ito nauugnay sa mga bagay na ito, kaya obligado ba Akong alalahanin ang usaping ito? (Hindi.) Wala Akong gayong obligasyon. Kaya sinabi Ko, “Ang katunayan na may nunal sa kanyang katawan ang anak mo ay walang kinalaman sa katotohanan. Huwag mo Akong tanungin tungkol dito, magtanong ka sa doktor. Hindi ako ang doktor ng pamilya mo.” Sa tingin ba ninyo ay dapat Kong alalahanin ang tungkol sa usaping ito? (Hindi.) Kahit sino ang tanungin mo, walang may gustong alalahanin ang usaping ito. Hindi sa takot silang managot. Sa halip, ito ay na wala silang obligasyon na alalahanin ang gayong mga bagay. Makakaapekto ba sa gawain ng iglesia ang pagtatanggal o hindi pagtatanggal ng nunal ng anak mo? Makakaapekto ba ito sa sarili mong paggampan sa iyong tungkulin? Ang usaping ito ay walang kinalaman sa Akin. Huwag mo itong itanong sa Akin, isa itong walang saysay na usapin. Wala itong anumang kinalaman sa katotohanan, pero ginagamit mo pa rin ang salitang “maghanap.” Dinudungisan mo ang salitang “maghanap”—kasuklam-suklam ito! May nagtanong din: “Nakapasok ang isang pagong sa bakuran ko, dapat ko ba itong hulihin o hindi? Nais kong maghanap mula sa Iyo.” Itinanong Niya ang tanong na ito para maghanap ng sagot mula sa Akin—sa tingin mo ba ay dapat Ko siyang sagutin? (Hindi.) Sabi Niya, “ Paano kung malalabag ko ang batas sa paghuli nito? Kung malalabag ko ang batas at hindi Mo ako pipigilan, Ikaw ang mananagot!” Ano ang sasabihin mo? (Ikaw ang nagpasyang hulihin ito gamit ang iyong sariling malayang kalooban—ang paglabag mo sa batas ay walang kinalaman sa akin.) Lalabagin mo man ang batas o hindi ay sarili mong usapin, at walang kinalaman sa Akin. Maaari mo Akong tanungin tungkol sa mga bagay tulad ng mga prinsipyo ng gawain ng iglesia at mga katotohanang prinsipyo, pero pagdating sa mga legal na usapin, maghanap ka ng abogado—kumonsulta ka sa isang abogado kung nasaang bansa ka namumuhay. Hindi Ako isang abogado, kaya huwag mo Akong tanungin tungkol sa gayong mga usapin. Narito Ako para ipaghayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Itinutustos Ko lang ang katotohanan at nakikipagbahaginan Ako sa mga prinsipyo. Tungkol sa kung maaari ka bang maligtas o hindi, wala iyong kinalaman sa Akin; sariling usapin mo iyon. At lalo na tungkol sa mga pribadong usapin sa sarili mong buhay—lalong hindi mo Ako dapat tanungin tungkol sa mga iyon, at hindi Ako obligadong sagutin ka. Ganoon iyon, hindi ba? (Oo.)
Ang paksa tungkol sa gawain ng Diyos ay di-hiwalay na nauugnay sa mga huling kalalabasan ng mga tao, kaya hindi puwedeng magdala ng mga kuru-kuro at imahinasyon ang mga tao kapag tinanggap at dinanas nila ang gawain ng Diyos; dapat nilang bitiwan ang ugat ng mga kuru-kuro at imahinasyong ito at hindi nila dapat tulutan ang mga ito na umiral sa pagitan ng kanilang sarili at ng Diyos. Sa pagharap sa gawain ng Diyos nang may mga tamang kaisipan, pananaw, at saloobin, saka lang magkakaroon ang mga tao ng pagkakataong maunawaan at matamo ang katotohanan; sa pagharap sa gawain ng Diyos nang may mga tamang saloobin at mga tamang kaisipan at pananaw, saka lang tunay na mauunawaan at mararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, at sa huli, mula sa loob ng gawain ng Diyos, matatamo nila ang mga katotohanan na dapat nilang matamo. Samakatwid, anuman ang bitiwan mo, sa pagbubuod, ang lahat ng ito ay para bigyang-kakayahan ka na makalakad sa tamang daan at makatahak sa landas ng pagsisikap na matamo ang katotohanan, ang huling resulta at pakay ay walang iba kundi ang bigyang-kakayahan ka na maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo at matamo ang katotohanan. Ito ang pinakapakay ng pagbabahaginan natin sa nilalamang ito. Anuman ang napagbahaginan natin, ang pinakapakay ay ang bigyang-kakayahan ang mga tao na makapasok sa katotohanang realidad. Kung nauunawaan mo ang katotohanan, at mayroon kang mga katotohanang prinsipyo bilang batayan mo sa maraming usapin, at hindi ka na walang direksiyon, walang pakay, o hindi alam ang gagawin sa paggawa ng mga bagay, hindi ibig sabihin nito na umunlad na ang iyong kakayahan, kundi na mayroon ka ng katotohanan ng Diyos, mga salita ng Diyos, bilang ang mga sukatan sa iyong mga kilos at pag-asal. Ibig sabihin, batay sa likas mong kakayahan, mga abilidad, at mga talento, naunawaan mo ang katotohanan at mayroon kang mga sukatan para sa iyong pag-asal, at kaya ikaw ay isang nilikhang tao na nakakapamuhay nang nagsasarili sa mundong ito at sa gitna ng lahat ng bagay. Ang gayong tao lang ang tunay na pasok sa pamantayan bilang isang nilikhang tao—isa itong nilikhang tao na pasok sa pamantayan. Naunawaan mo ba? (Oo.) Kung gayon, dito nagtatapos ang pagbabahaginan natin ngayon. Paalam!
Hulyo 15, 2023