Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)
Ang ilang tao ba ay nakarinig ng ilang negatibong tsismis kamakailan? (Oo.) Ano ang reaksiyon ninyo nang marinig ninyo ang mga tsismis na ito? Natakot ba kayo? Naging mausisa ba kayo? Gusto ba ninyong malaman kung tungkol saan ang mga tsismis na ito? (Ayaw naming malaman, dahil alam na namin na ang malaking pulang dragon ay madalas mag-imbento ng mga tsismis nang wala namang basehan. Anuman ang sinasabi nito, ito ay huwad. Samakatwid, hindi kami interesado sa mga detalye ng mga tsismis na ito at hindi namin gustong alamin ang mga maladiyablong salitang sinasabi nito.) Ang malaking pulang dragon ay nag-iimbento ng lahat ng uri ng tsismis para ilihis at itiwali ang mga tao, at maraming tao ang nalilihis pagkatapos marinig ang mga tsismis. Ang ilang tao ay natatakot at hindi nangangahas na tanggapin ang tunay na daan; ang ilang tumanggap nito ay nagiging puno rin ng pagdududa at ayaw nang manampalataya sa Diyos. Bago marinig ang mga tsismis ng malaking pulang dragon, ang mga taong ito ay tila may pananalig sa Diyos nang walang anumang mga pagdududa at handang sumunod sa Diyos at gawin ang kanilang tungkulin. Pero pagkatapos marinig ang mga tsismis, agad silang nagkakaroon ng mga pagdududa at wala na silang pusong sumunod sa Diyos at gawin ang kanilang tungkulin. Sa partikular, ang ilan sa mga naaaresto ng malaking pulang dragon, sa ilalim ng pamumuwersa ng malupit na pagpapahirap nito, ay sumusuko at itinatatwa ang pangalan ng Diyos, at ang ilan sa mga taong iyon ay pinipirmahan ang “Tatlong Pahayag” at napupuwersa pa ngang insultuhin ang Diyos nang pasalita. Marami-rami ang gayong mga tao. Kayong lahat ay nakarinig na ng maraming tsismis at negatibong propaganda at nakita rin ninyo na pagkatapos arestuhin ng malaking pulang dragon ang mga mananampalataya sa Diyos, bini-brain wash sila nito—marami-rami na ngang tao ang nalihis. Dagdag pa rito, ginagamit din ito ang mga nagkakanulo sa Diyos para magserbisyo rito, pinapasubaybayan sa mga ito ang iglesia at pinapasundan at pinapabuntutan ang mga mananampalataya sa Diyos. Para mapuksa ang relihiyosong pananampalataya at mawala ang iglesia ng Diyos, itinuturing ng malaking pulang dragon ang panunupil at pag-aresto sa hinirang na mga tao ng Diyos bilang mahalagang pambansang gawain, bilang isang pampolitikang misyon, at isinasakatuparan ito nang my labis na pagkadetalyado at pagsisikap. Idinudulot nito na maraming mananampalataya sa Diyos ang matakot, kaya hindi sila naglalakas-loob na manampalataya sa Diyos at hindi naglalakas-loob na gawin ang kanilang tungkulin. Lalo na pagkatapos marinig ang mga tsismis na inimbento ng malaking pulang dragon, maraming tao ang nalilihis. Tungkol sa mga tsismis na ito, matagal nang ibinuod at kinilatis ng sambahayan ng Diyos ang mga ito, kaya hindi na kailangang talakayin ang mga ito rito. Kung talagang mahaharap ka sa pagkaaresto, at ginagamit ng malaking pulang dragon ang mga tsismis na ito para subukan kang i-brainwash, puwersahin kang manindigan, at puwersahin kang pumirma sa “Tatlong Pahayag”, ano ang dapat mong gawin? Alam na ninyo ngayon na ang mga tsismis na inimbento ng malaking pulang dragon ay pawang huwad, mapanlihis, at mapanlinlang. Bagama’t ang inyong saloobin ay ang huwag makinig, huwag tumingin, at huwag maniwala sa mga ito, kung ilalagay sa harapan mo ang mga tsismis na ito, na nagdudulot sa iyo na marinig ang mga ito, makita ang mga ito, at isipin pa nga na makatotohanan ang mga ito, maiimpluwensiyahan ka ba? Ano ang iisipin mo sa puso mo? Gugustuhin mo bang malaman ang totoo tungkol sa mga katunayan? Gugustuhin mo bang iberipika ang mga ito? Tungkol naman sa pag-iimbento ng mga tsismis ng malaking pulang dragon para ilihis at takutin ang mga tao, o paggamit ng mga tsismis at ateismo para i-brainwash ang mga tao at magsagawa ng ideolohikal na gawain, kailangan ba nating pagbahaginan ang katotohanan para gawing matibay ang mga tao? Isa ba itong kinakailangang aytem ng gawain? Sinasabi ng ilang tao, “Napakaraming taon nang nag-iimbento ng mga tsismis tungkol sa atin ang malaking pulang dragon, lalo na ng mga tsismis tungkol kay kristo, tungkol sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu, at tungkol sa iglesia at sa gawain ng iglesia. Hindi natin kailan kailanman nilinaw ang mga ito, hindi kailanman kumilos para linawin ang ating saloobin o pananaw, hindi kailanman dumepensa—angkop ba ito?” Ang ilang tao, mula sa oras na nagsimula silang manampalataya sa Diyos hanggang ngayon, ay hindi kailanman nagawang malinaw na kilatisin ang iba’t ibang tsismis ng malaking pulang dragon at ng relihiyosong mundo. Sa puso nila, palagi silang may tandang pananong tungkol sa mga bagay na ito. Ang tandang pananong na ito ay hindi nangangahulugan ng ganap na hindi paniniwala, o ng ganap na paniniwala; sa halip, nangangahulugan ito na panggitna ang paninindigan nila sa pagtingin sa mga usaping ito, iniisip na ang mga bagay na ito ay maaaring pawang tsismis na inimbento ng malaking pulang dragon, o na maaaring katunayan ang mga ito. Ang “maaari” bang ito ay sumasalamin sa isang perspektiba ng paghahanap sa katotohanan? (Hindi.) Isa itong perspektiba ng paniniwala na ang mga tsismis ay kailangang iberipika at kumpirmahin, o isang perspektiba ng paghihintay at pagmamasid, naghihintay na ang ilang taong nakakaalam ay magsiwalat ng ilang tunay na sitwasyon. Sabihin ninyo sa Akin, ano ang mga kahihinatnan na magiging resulta ng pagkakaroon ng mga tao ng alinman sa dalawang perspektibang ito? Nasa panganib ba ang gayong mga tao? Alin sa dalawang perspektibang ito ang magbibigay-kakayahan sa mga tao na makapanindigan? (Wala sa dalawang perspektibang ito ang magbibigay-kakayahan sa mga tao na makapanindigan. Kung ang isang tao ay mayroong ganitong “maaaring” kaisipan, ipinapakita nito na hindi pa rin siya nakatitiyak tungkol sa tunay na daan at mayroon pa ring mga elemento ng pagdududa sa loob niya. Sa ganitong kaso, nagiging isang malaking tukso para sa kanya ang mga tsismis. Kung hindi makatiyak ang mga tao tungkol sa tunay na daan, kung hindi sila makapanampalataya sa katotohanan, at kung hindi nila makilatis ang diwa ng malaking pulang dragon, ang totoo ay nasa malaking panganib sila.) Hanggang ngayon, ang mga taong ito ay hindi pa rin nakakatiyak tungkol sa tunay na daan. Ano ng kanilang diwa? (Sa diwa, sila ay mga hindi mananampalataya.) Sila ay mga hindi mananampalataya. Marami bang taong pinanghahawakan ang alinman sa dalawang perspektibang ito? Tiyak iyon, marami-rami sila. Kapag nakakarinig ang mga taong ito ng mga tsismis, nagkakaroon sila ng mga pagdududa tungkol sa Diyos sa kanilang puso at gusto nilang alamin ang puno’t dulo ng mga tsismis, para alamin kung totoo o huwad ba ang mga ito. Gayumpaman, dahil hindi nila alam kung paano hanapin ang katotohanan para lutasin ang usapin, sa huli, hinahayaan na lang nila na hindi ito nalulutas. Sa katunayan, umiiral pa rin ang problemang ito sa kanilang puso, at hindi nalulutas. Kapag naririnig ninyo ang mga tsismis na ito, hinahanap ba ninyo ang katotohanan? Hinahanap ba ninyo ang katotohanan para himayin at kilatisin ang mga tsismis, o isa-isa ba ninyong sinisiyasat ang mga tsismis para tukuyin kung ang mga ito ay tama o hindi tama at tingnan kung kung ang mga ito ay totoo o huwad? Pagkatapos ninyong marinig ang mga tsismis, iniisip lang ninyo sa puso ninyo na hindi totoo ang mga ito, na ito ay ganap na pag-iimbento ng mga tsismis ng malaking pulang dragon at pagsasakatuparan ng isang kampanya ng paninirang-puri, pero hindi ninyo pinabubulaanan ang mga ito batay sa katotohanan at sa mga katunayan, at ang totoo ay mayroon pa rin kayong ilang pagdududa sa puso ninyo at ginagamit lang ninyo ang mga doktrinal na pahayag na ito para lutasin ang mga pagdududa ninyo. Ang pag-iisip ba sa ganitong paraan ay magbibigay-kakayahan sa inyo na makapanindigan? Ito ba ay paghahanap sa katotohanan? Ipinapakita ba nito na nauunawaan ninyo ang katotohanan at na nakamit ninyo ang katotohanan? Nalutas ba ang ugat ng problema? (Hindi.) Kaya, gusto ba ninyong gamitin ang katotohanan para lutasin ang problemang ito, para makilatis ninyo ang mga tsismis na ito, hindi malihis, mawalan ng anumang mga tanong sa inyong puso, at ganap na pawiin ang inyong mga pagdududa, paghihinala, at pagiging mapagbantay laban sa Akin? Iniisip ng ilang tao, “Mula sa oras na nagsimula kaming manampalataya sa Diyos hanggang ngayon, nakikinig na kami sa Iyong mga sermon at tinatanggap ang Iyong pagdidilig at pagpapastol, at may kaunti na kaming nakamit at nakausad na kami nang kaunti. Pero ang totoo ay hindi kami aktuwal na namuhay kasama Mo o nagkaroon ng totoong pakikisalamuha sa Iyo bilang isang tao. Kaya, ganap kaming nasa dilim at walang alam tungkol sa kung anong uri Ka ng tao, kung ano ang Iyong personalidad at karakter, at kung anong klase ng buhay ang ipinapamuhay Mo.” Ibig sabihin, pagdating sa iba’t ibang pagpapamalas at pagbubunyag ng pagkatao ng laman na ito, pati na sa buhay Ko, at sa saloobin Ko at mga partikular na pagpapamalas sa pakikitungo sa mga tao at usapin, palagi nang kinakabitan ng tandang pananong ng mga tao ang mga bagay na ito at nagkikimkim sila ng mga pagdududa tungkol sa mga ito. Sa isang banda, ang pagkikimkim ng mga tao ng mga pagdududa ay nagmumula sa pagiging hindi nila isang daang porsiyentong nakatitiyak tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at sa kabilang banda ay nagmumula ito sa pagkaimpluwensiya ng mga tao sa mga tsismis ng relihiyosong mundo o ng malaking pulang dragon dahil masyadong mababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan. Kaya, marami kayong mga paghihinala tungkol sa Akin. Siyempre, ang nilalaman ng mga hinalang ito ay tiyak na hindi positibo o wasto; tiyak na naglalaman ito ng ilang madilim at negatibong elemento. Ang pagkikimkim ng mga paghihinalang ito—isa ba itong mabuting bagay o masamang bagay para sa inyo? Isa ba itong hadlang, gapos, o isang pang-uudyok? Ano sa tingin ninyo? (Kung ang mga tao ay may ganitong mga negatibong hinala sa kanilang puso, hindi ito isang mabuting bagay kundi isang hadlang. Idudulot nito na ang mga tao ay maging mapagbantay sa Diyos; wala itong anumang magagawa para tulungan ang kanilang pananampalataya sa Diyos.) Ano ang epekto ng mga negatibong bagay na ito sa inyo? Ano ang mga kahihinatnang idudulot ng mga ito? Sa mga partikular na kapaligiran, mapanganib ba ang mga bagay na ito para sa iyo? (Oo.) Dahil ang mga bagay na ito ay isang hadlang at hindi isang mabuting bagay para sa iyo, dapat mo bang gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga ito? O dapat mo bang isantabi ang mga ito, huwag intindihin ang mga ito, at huwag isipin ang mga ito, naghihintay hanggang sa may isang isyu na aktuwal na lumitaw para tugunan ang mga ito? Ang inyong saloobin? (Nang makarinig ako ng mga tsismis, isinantabi ko ang mga ito at hindi ko inintindi ang mga ito. Pero ngayon lang, sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan ng Diyos, napagtanto ko na kapag lumilitaw ang mga problemang ito, dapat lutasin ang mga ito gamit ang katotohanan. Kung hindi, hindi mabibitawan ng isang tao ang hadlang na ito sa kanyang puso, at sa mga partikular na sitwasyon, maaari itong humantong sa masasamang kahihinatnan, sa pagiging mapaghinala pa nga sa Diyos at pagtatatwa sa Diyos, na napakamapanganib.) Bagama’t sinasabi mo sa panlabas na mga tsismis ang mga ito, kung hindi mo kailanman tunay na kinikilatis ang mga tsismis na ito kailanman ay wala kang tunay na tamang saloobin sa mga ito, at palagi mong dala-dala ang mga negatibong bagay na ito sa iyong puso, madalas kang mapipigilan ng mga ito. Ang mga tsismis na ito ay magiging isang de-orasang bomba para sa iyo, handang sumabog sa anumang sandali at sa anumang lugar. Ang mga kahihinatnan nito ay walang duda na magiging wala sa hinagap, at sasabog ka hanggang sa magpira-piraso. Hindi ba’t ang mga pumirma sa “Tatlong Pahayag” ang mga nagpasabog ng bomba at sumabog hanggang sa magkapira-piraso? Pagkatapos nilang pirmahan ang “Tatlong Pahayag”, hindi pa rin tumitigil ang malaking pulang dragon. Iginigiit nito na dapat silang magsabi ng ilang bagay na nang-iinsulto sa Diyos, at saka lang makokonsiderang tapos na ang usapin. Bagama’t sa puso nila ay ayaw nila, pakiramdam nila ay wala silang mapagpipilian, at nagpapailalim sila kay Satanas para makaiwas sa pagkakakulong. Pagkatapos insultuhin ang Diyos nang pasalita, pakiramdam nila ay wala na silang pag-asa na makatanggap ng mga pagpapala, na ganap nang katapusan nila. Hindi na nila kailangang isipin kung totoo ba o huwad ang mga tsismis na ito, at ganap na naglalaho ang mga pagkabalisa, pag-aalala, pagkatakot, at pangamba na dala-dala nila sa loob ng maraming tao, ng pananampalataya sa Diyos. Kasabay nito, nawawasak din ang pag-asa nila na maligtas. Sabihin mo sa Akin, kahit na ang mga tao ay mapaghinala sa nagkatawang-taong Diyos o sa agos na ito, dapat ba nilang insultuhin ang Diyos? (Hindi.) Kapag sinasabihan ka ng malaking pulang dragon na insultuhin ang Diyos, bakit mo ito sinusunod? Kahit sino pa ito, kahit pa itinatatwa ng isang tao ang tunay na daan, itinatatwa ang agos na ito, hindi pa rin niya dapat insultuhin ang Diyos. Anong uri ng mga tao ang nang-iinsulto sa Diyos? (Ang mga taong kayang insultuhin ang Diyos ay ang mga may masamang pagkatao at ang mga mayroong partikular na pagkamuhi sa katotohanan at nagpapasakop sa impluwensiya ni Satanas.) Sabihin mo sa Akin, kung tunay na nananampalataya ang mga tao sa puso nila na umiiral ang Diyos, naniniwala na ang Diyos ang Lumikha, na ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos, na ang buhay ng tao ay ipinagkaloob ng Diyos, at na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, iinsultuhin ba nila ang Diyos? (Hindi.) Hindi nila kailanman gagawin iyon. Anuman ang mga sitwasyon, hindi nila iinsultuhin ang Diyos. Kahit na mapaghinala sila sa pangalang Makapangyarihang Diyos o sa agos na ito na siyang gawain ng Makapangyarihang Diyos, hinding-hindi nila kailanman iinsultuhin ang Diyos. Kaya, ang uri ng tao na kayang insultuhin ang Diyos ay hindi lamang itinatatwa ang agos na ito at itinatatwa ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao kundi itinatatwa rin ang gawain ng Diyos at ang katotohanang ipinahayag ng Diyos. Kung gayon ay saang kategorya nabibilang ang ganitong uri ng mga tao? (Sila ay mga diyablo; sila ay mga taong nagtatatwa sa Diyos sa puso nila.) Ang ganitong uri ng mga tao ay bahagi ng mga kasapakat ni Satanas at mga diyablo; hindi sila hinirang na mga tao ng Diyos, hindi mga tupa ng Diyos—sila ay hindi tao. Pagkatapos maaresto ng malaking pulang dragon, dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan at wala silang pagkilatis, ang ilang tao ay nagiging puno ng pagdududa kapag nakakarinig sila ng mga tsismis. Nagkakaroon sila ng mga pagdududa tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, at sa ilalim ng mga pagbabanta, panunulsol, at pamumuwersa ng malupit na pagpapahirap, itinatatwa nila ang pangalan ng Diyos, itinatatwa ang agos na ito na siyang gawain ng Banal na Wspiritu, at itinatatwa ang iglesia. Katumbas na ito ng pagkakanulo sa Diyos. Pero ang ilang tao ay kaya pa ngang insultuhin ang Diyos—ito ay ganap na kawalan ng konsensiya at katwiran, wala itong kapatawaran, at ito ay paggawa ng kasalanan na hindi mapapatawad. Kapag nang-iinsulto ka ng mga tao, o kapag inaatake, hinuhusgahan, o sinisiraan mo sila, sa mga legal na termino, sa pinakamalala ay matutukoy ito bilang pagkakasala ng paninirang-puri, o sa pinakamalulubhang kaso, isa itong personal na pag-atake. Hindi ito masyadong malubha at hindi nagreresulta sa kamatayan. Gayumpaman, kapag kaya ng isang tao na insultuhin ang Diyos, nag-iiba ang kalikasan ng problema. Hindi na ito simpleng pang-iinsulto sa Diyos—ito ay paglapastangan sa Diyos! Ano ang ibig sabihin ng paglapastangan? Ibig sabihin nito ay direktang pag-atake, paninirang-puri, pangiinsulto, panininira sa mga positibong bagay, sa katotohanan, o sa Diyos—ang lahat ng ito ay maituturing na paglapastangan. Ang Diyos ay banal, ang Diyos ang pinakamataas, ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa buong sangkatauhan, ang Diyos ang Siyang nagtutustos ng buhay para sa sangkatauhan, at ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao. Ang diwa, pagkakakilanlan, at katayuan ng Diyos ay pinakamataas. Ang Diyos ay perpekto, mabuti, at banal, Siya ay walang kapintasan at hindi masusumbatan. Dahil mismo ang Diyos ay banal, perpekto, at pinakamataas, at dahil ang Diyos ang pinagmulan na nagtutustos ng buhay sa sangkatauhan, ang anumang paninira, pag-atake, o pang-iinsulto tungkol sa Diyos ng nilikhang sangkatauhan ay maituturing na paglapastangan. Dapat ay nauunawaan na ninyo ngayon kung ano ang “paglapastangan”, hindi ba? (Ang anumang pag-atake, pang-iinsulto, o paninira sa Diyos ay maituturing na paglapastangan.) Kung ipapaliwanag ang salitang “paglapastangan”, ibig sabihin nito ay paninira, paghusga, o pagkondena sa mga positibong bagay, at lalong ito ang paninira, paghusga, o pagkondena sa katotohanan o sa Diyos. Ito ay tinatawag na paglapastangan. Kaya, ang salitang “paglapastangan” ay maaari lang gamitin para ilarawan ang paninira, pang-iinsulto, pag-atake, o paghusga ng sangkatauhan sa Diyos—medyo naaangkop ito. Kapag ang mga tao ay nahuhusga, nang-iinsulto, nang-aatake o kumokondena ng ibang tao, kung ito ay hindi naaayon sa mga katunayan, sa pinakamalubha, ito ay paninirang-puri. Kung ito ay naaayon sa mga katunayan, hindi ito maituturing na paninirang-puri. Gayumpaman, ang paghusga at pagkondena ng mga tao sa Diyos ay pagbabaluktot sa mga katunayan at paggawang huwad sa katotohanan—ito ay maituturing na paglapastangan. Ano ang kalikasan ng mga tao na nangangahas na kondenahin ang Diyos? May kasalanan ba ang Diyos? (Wala.) Ang Diyos ay banal, ang Diyos ay walang kasalanan, kaya ang anumang paninira, pag-atake, paghusga, o pang-iinsulto sa Diyos ay tinatawag na paglapastangan. Iniisip ng mga nang-iinsulto sa Diyos, “Hangga’t magsasabi ako ng kaunting bagay na nang-iinsulto sa diyos, maaari akong makalaya at makatakas sa panganib. Dahil sa mga sitwasyon, hindi ito tatandaan ng diyos.” Mula sa perspektiba ng isang tao, kaunting pang-insulto lang ito, na tila hindi isang malaking problema. Pero paano tinitingnan ng Diyos ang usaping ito? Na kaya mo insultuhin ang Diyos ay nagpapakita na itinatwa mo na ang Diyos sa iyong puso. Tanging dahil nagkikimkim ka ng pagkamuhi sa Diyos sa iyong puso kaya nagagawa mo siyang insultuhin. Aktibo mo mang iniinsulto ang Diyos o pinuwersa ka man ng iba na insultuhin siya, isa itong pagpapamalas ng pagtatatwa sa Diyos at pagkamuhi sa Diyos. Samakatwid, ang ganitong pag-uugali at kilos ay isang ganap na paglapastangan.
Ang ilang tao ay hindi kailanman mabitawan ang iba’t ibang tsismis, palaging iniisip na maaaring totoo ang mga ito. Palagi nilang gustong iberipika kung totoo ba ang mga tsismis na ipinapakalat ng malaking pulang dragon, na siyang namumunong partido, ng relihiyosong mundo, at ng mga walang pananampalataya, lalo na ang mga tsismis at komento na naka-post sa online. Kung hindi kailanman ipapaalam ng Diyos ang Kanyang tindig o kung hindi kailanman magbibigay ng anumang paglilinaw ang Kanyang sambahayan, ganap silang maniniwala na totoo ang mga tsismis na ito, at itatatwa at ipagkakanulo nila ang Diyos—ano ang problema rito? Sa anong batayan ba sila nananampalataya sa Diyos? Kung ang pananampalataya nila ay batay sa kung totoo ang mga tsismis, iyon ay isang malaking pagkakamali. Sa katunayan, maraming tsismis na ang napakalinaw na hinimay at napabulaanan sa mga sermon at pagbabahaginan, at sa mga pelikula ng sambahayan ng Diyos, hindi Ko na kailangang magdetalye rito. Kaya, aling mga uri ng tsismis ang gusto pa rin ninyong iberipika? Isiwalat natin ngayon ang paksang ito. Kung gusto ninyong magberipika ng mga tsismis, sasabihin Ko sa inyo kung ano ang masasabi Ko tungkol sa mga ito, para hindi patuloy na mag-isip ang ilang tao, “May itinatago Ka ba sa amin na ayaw mong malaman namin? Palagi naming nadarama na hindi Ka namin ganap na matukoy. Bagama’t sumusunod kami sa Iyo at nakarinig na kami ng napakaraming katotohanan, hindi pa rin kami nakatitiyak sa puso namin kung totoo ba o hindi ang mga tsismis, kaya palagi kaming may ideya at kaisipan na iberipika ang mga ito.” Kung gusto ninyong iberipika ang mga ito, sabihin ninyo ito nang lakas-loob. Hayagan nating pag-usapan ang usaping ito. Sasabihin Ko sa inyo kung ano ang masasabi Ko tungkol sa mga ito—walang kailangang itago. May sinuman ba na nais na iberipika ang mga ito? (Wala.) Ang dahilan ba kaya ayaw ninyong iberipika ang mga ito ay naitatag sa pundasyon na hindi kayo naniniwala sa mga tsismis ng malaking walang dragon, dahil mayroon kayong saloobin ng, “Ayaw kong intindihin ang usaping ito—hahayaan ko na lang ito”? O dahil ba natatakot kayo na pagkatapos iberipika ang mga tsismis, kayo ay madidismaya at hindi ninyo magagawang harapin ang resulta, at hindi ninyo alam kung magagawa ninyong manindigan, at ayaw ninyong harapin ang gayong mga kahihinatnan? Anuman ng nilalaman ng mga tsismis na ito, gusto man ninyo o hindi na iberipika ang mga ito, gusto man ninyo o hindi na marinig kung ano ang masasabi Ko tungkol sa mga tsismis na ito o ang komento Ko sa mga ito, anuman ang saloobin ninyo, mayroon lang Akong iisang saloobin: Kung nauunawaan ninyo ang katotohanan, likas na magagawa ninyong kilatisin ang mga tsismis na ito; kung hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan at hindi ninyo hinahanap ang katotohanan, wala Akong komento. Ito ay dahil nakapagsabi na Ako ng napakaraming salitang nagpapahayag sa katotohanan; hindi Ko kailangang ipaliwanag ang mga tsismis na ito sa inyo—hindi ito ang gawain na dapat Kong gawin. Hindi pa rin ba ninyo kayang kilatisin ang mga tsismis kahit pagkatapos makinig sa napakaraming sermon? Kung hindi ninyo kaya, ibig sabihin nito ay hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan. Kahit gaano karami ang sinabi sa isang tao na hindi nakakaunawa sa katotohanan, wala itong silbi—para itong pakikipag-usap sa mga walang pananampalataya; kahit gaano karami ang sabihin mo, hindi sila makakaunawa. Samakatwid, wala Akong komento pagdating sa anumang mga tsismis! Ayaw Kong ipaliwanag ang anumang bagay, ayaw Ko ring magsabi ng anuman, ayaw Ko ring pangatwiranan o depensahan ang anumang bagay. Anuman ang sinasabi sa mundo sa labas, wala akong komento! Malinaw ba ninyong narinig ito? (Oo.) “Walang komento”—isa itong uri ng saloobin. Dagdag pa rito, ano ang nais Kong sabihin sa inyo tungkol sa usaping ito? Ito ay na, kahit kailan, ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos ay hindi magbabago, ang katayuan ng Diyos ay hindi magbabago, ang disposisyon ng Diyos ay hindi magbabago, ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay hindi magbabago, ang katunayan na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa sangkatauhan at nagtutustos ng buhay para sa kanila ay hindi magbabago, ang katunayan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi magbabago, at ang katunayan na ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay hindi kailanman magbabago. Ang mga salita bang ito ay sapat para lutasin ang mga pagdududa ninyo? (Oo.) Ito lang ang masasabi Ko sa inyo tungkol sa usaping ito. Kung nauunawaan ninyo, tanggapin ninyo ito. Kung hindi ninyo nauunawaan, maglaan kayo ng oras para pagbulay-bulayan ito. Kung mayroon ka pa ring mga pagdududa sa puso mo at hindi malulutas ng mga salitang ito ang mga pagdududa mo, wala na akong magagawa pa. Hayaan na lang ang natural na takbo ng mga bagay. Ito lang ang lahat ng kaya Kong sabihin at gawin para sa iyo. Angkop ba ang pamamaraang ito? (Oo.) Maaari bang magkaroon ng partikular na epekto sa mga tao ang mga salitang ito? Kapag nahaharap sa iba’t ibang komplikadong usapin, kung lilitaw ang isang lamat sa ugnayan sa pagitan mo at ng Diyos, kung magkakaroon ka ng mga seryosong pagdududa tungkol sa Diyos, at hindi kayang lutasin ng mga salitang ito ang problemang kasalukuyan mong hinaharap, kung gayon ay isa kang hindi mananampalataya. Ang tinatanggap mo ay hindi ang katotohanan kundi ang mga kasinungalingan ni Satanas at kung anumang maladiyablong mga salitang sinasabi ni Satanas. Katulad lang ito kay Adan at Eba noong simula—sinabi ng Diyos, “ Maaari kayong kumain mula sa lahat ng puno sa hardin, pero hindi kayo maaaring kumain mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama, dahil sa araw na kainin ninyo ito, tiyak na kayo ay mamamatay.” Pinanghawakan nila ang mga salita ng Diyos sa kanilang puso pagkatapos makinig sa mga ito. Pero nang sabihin sa kanila ni Satanas, “ Sinabi ng diyos na hindi kayo dapat kumain ng bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama—hindi naman talaga ito totoo. Kung kakainin ninyo ito, hindi tiyak na kayo ay mamamatay,” agad na napuno ng pagdududa si Adan at si Eba. Inabandon nila ang mga salita ng Diyos at pinaniwalaan nila ang mga salita ng ahas. Pinaghinalaan nila na isang kasinungalingan ang sinabi ng Diyos. Dahil sa sinabi ng ahas, hindi na sila naniwala sa Diyos o sumunod sa Diyos kundi ganap nang sumunod sa mga kasinungalingan ng ahas. Malinaw na nakikita kung ano ang huling kinahinatnan nito. Habang pinaniniwalaan at tinatanggap kung ano ang sinabi ng ahas sa kanila, itinatatwa rin nila kung ano ang sinabi ng Diyos, iniisip na isang kasinungalingan ang sinabi ng Diyos. Hindi na sila naniwala na totoo ang mga salita ng Diyos, at hindi na sila naniwala sa pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Sa halip, naging mapaghinala sila sa Diyos, pinaghihinalaan na mayroon Siyang mga lihim na motibo sa kanila at nililinlang sila gamit ang mga kasinungalingan. Sa kabaligtaran, naniwala sila natotoo ang sinabi ng ahas at na para sa kapakanan nila ang sinabi ng ahas. Ang huling kahihinatnan ay naakit sila ng ahas at natiwali ni Satanas. Lumihis sila mula sa pangangalaga ng Diyos, nawalan ng proteksiyon ng Diyos, at tumahak sa landas na wala nang balikan.
Nalutas na ba para sa inyo ang mga problema ng mga tsismis? Kung hindi pa nalutas ang mga ito, unti-unting iproseso ito nang kayo mismo. Tungkol naman sa kung paano tatratuhin ang mga tsismis, napakarami Ko nang naibahagi. Kung may mga tao pa rin na hindi kayang malinaw na makaunawa ng iba’t ibang tsismis at hindi makakilatis sa mga ito, magbahaginan kayo tungkol dito at lutasin ninyo ito nang kayo-kayo lang. Bagama’t ang usaping ito ay hindi maituturing na isang malaking usapin, sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao ay isa itong bagay na maaaring madalas na makagulo sa kanilang isipan at makagulo sa kanilang buhay. Bagama’t ang ilang tsismis ay hindi umaabot sa punto na kukuhain agad ang inyong buhay, ang mga ito ay isa ring uri ng panliligalig sa iyo, katulad ng isang nakakainis na langaw na hindi nangangagat ng mga tao pero pinandidirian nila—lumilitaw ang mga ito paminsan-minsan para guluhin ka. Lalo na kapag ikaw ay mahina, kapag ikaw ay nahaharap sa pagkabigo o mga problema, o kapag ikaw ay negatibo, lilitaw ang mga tsismis at maladiyablong salitang ito para guluhin ka, para pahirapan ka sa iyong puso, para hilahin ka pabalik, idinudulot sa iyo na unti-unting lumubog. Sa ganitong paraan mismo umatras at tumigil sa pananampalataya ang ilang tao. Kita mo, ang mga taong ipinadala sa mga grupong B o sa mga ordinaryong iglesia ay nasa malaking panganib—pero wala ba sa panganib ang mga taong gumagawa ng tungkulin nang full-time? Ang ilan sa kanila ay nasa malaking panganib din. Aling grupo sa kanila? Ang grupo ng mga tao na patuloy na nabibigong maunawaan ang katotohanan. Kahit gaano karami na ang mga salita ng Diyos na narinig nila, hindi nila nauunawaan ang mga ito. Sa puso nila, palagi silang puno ng pagdududa: “Bakit hindi ko matukoy kung alin sa mga salita ng Diyos ang katotohanan? Sinasabi ng lahat na ang katotohanan ang daan, ang buhay—bakit hindi ko nadarama na ito ang buhay? Narinig ko na rin ang marami sa mga salita ng Diyos, pero ang buhay sa loob ko ay hindi nagbago; ako pa rin ito, hindi ako nagbago!” Hindi nila kailanman nauunawaan kung ano ang katotohanan, hindi kailanman nauunawaan ang gawain ng Diyos, at palaging hindi malinaw sa kanila ang tungkol sa mga pangitain. Ang gayong mga tao ay nasa panganib. Ang ganitong uri ng mga tao, kapag nakakarinig ng mga tsismis, ay hindi kailanman hinahanap ang katotohanan para kilatisin ang mga ito; ang alam lang nila ay iwasan at tanggihan ang mga tsismis. Kung nagagawa nilang iwasan ang mga ito, suwerte silang nakakaiwas sa sakuna; kung hindi nila nagagawang iwasan ang mga ito, nadadagit sila ni Satanas. Sabihin mo sa akin, nagkataon lang ba na ang gayong mga tao ay maaaring madagit ni Satanas? (Hindi.) Ang mga hindi kailanman nakakaunawa sa katotohanan, ang mga hindi kailanman nakakaunawa kung ano ang pananampalataya sa Diyos—mga tupa ba ng Diyos ang mga taong ito? Kaya ba nilang maunawaan ang mga salita ng Diyos? (Hindi.) Ang mga taong ito ay hindi kailanman nauunawaan ang mga salita ng Diyos, hindi rin nila hinahanap ang katotohanan; at palagi nilang inaalala ang: “Kailan darating ang araw ng Diyos? Kailan tayo makakapasok sa kaharian ng langit?” Tungkol sa mga bagay na dapat maunawaan ng mga tao sa pananampalataya sa Diyos, wala silang nauunawaan sa mga ito. Napakagulo ng kanilang isipan! Sabihin mo sa Akin, kapag nakikipag-usap Ako sa ganitong uri ng taong magulo ang isip, anong damdamin ang mayroon Ako sa Aking puso? Ito ba ay karangalan o kapighatian? O isa ba itong damdamin ng galit? Naiirita Ako kapag nakikita ang mga taong ito. May makakamit ba ang mga taong ito na magulo ang isip mula sa pananampalataya sa Diyos? Pagkatapos silang arestuhin at i-brainwash ng malaking pulang dragon, sila ay nabubunyag at natitiwalag. Hindi nauunawaan ng mga taong ito ang katotohanan kahit kaunti, at ayaw ng Diyos sa gayong mga tao. Sila ay nabubunyag at natitiwalag sa pamamagitan ng malaking pulang dragon. Sabihin mo sa Akin, ito ba ay hindi mapagmahal? (Hindi ito hindi mapagmahal.) Kung ang gayong mga tao ay hindi naaresto ng malaking pulang dragon, at kung wala ang mga tsismis na ito na naglilihis sa kanila, palagi ba silang kakapit sa iglesia? Anong mga sitwasyon ang maaaring magdulot na umatras sila? ( Ito ay sa pamamagitan mismo ng mga tsismis ng malaking pulang dragon. Pagkatapos nilang marinig ang mga tsismis at maniwala sa mga ito, umaatras sila.) Ito ay sa pamamagitan mismo ng mga malademonyong kuko ng malaking pulang dragon, ng hambingang ito, kaya sila ay nadadagit at sa huli ay hindi na sila nananampalataya. Sa katunayan, hindi kayang maarok ng mga taong ito ang katotohanan, hindi nila kayang gumawa ng anumang tungkulin, at hindi nila kayang magbigay ng anumang serbisyo. Sa sambahayan ng Diyos, pandagdag lang sila sa bilang, palamunin at naghihintay ng kamatayan. Ang bawat isa sa kanila ay nasa kaawa-awang kalagayan, pero sinasabi nila na sila ay mga tagasunod ng Diyos, na sila ay hinirang na mga tao ng Diyos—hindi ba’t kahiya-hiya sila? Kahit papaano, ang mga sumusunod sa Diyos ay dapat na mga tao, hindi mga patay na tao na walang espiritu, mga hayop. Dapat sila ay mga tao na kayang maunawaan ang mga salitang sinasabi ng Diyos. Tanging ang mga kayang maunawaan ang mga salita ng Diyos at maunawaan ang katotohanan ay ang mga tupa ng Diyos. Tanging ang mga tupa ng Diyos ang kayang sinserong gawin ang kanilang tungkulin at sumunod sa Diyos. Ang mga hindi tupa ng Diyos ay hindi mga sinserong tagasunod. Pinapasok nila ang iglesia nang may pakay, iyon ay ang magkamit ng mga pagpapala. Wala ang Diyos sa kanilang puso. Kahit ilang taon na silang nananampalataya, imposible na kailanman ay magkaroon sila ng may-takot-sa-Diyos na puso. Ang mga diyablo, mga Satanas, at ang mga sinasapian ng maruruming demonyo at masasamang espiritu ay alam din na ito ang tunay na daan, at nagnanais din sila ng mga pagpapala. Pero gusto ba ng Diyos ang gayong mga tao? (Hindi.) Sinasapian ng iba’t ibang espiritu at maruruming demonyo ang mga hayop, at pagkatapos nilang sumailalim sa maraming taon ng paglilinang at maging mahihiwagang nilalang, palagi nilang gustong maging tao. Ayaw nilang manatili bilang maruruming demonyo, masasamang espiritu, o iba’t ibang espiritu ng hayop; gusto nilang umangat sa isang mas mataas na antas—ang maging isang tao. Gayundin, ang mga hangal na ito na magulo ang isip ay gusto ring iangat ang kanilang ranggo, gustong maging hinirang ng mga tao ng Diyos. Sabihin mo sa akin, gusto ba ng Diyos ng gayong mga tao. Hindi. Kahit na pasukin nilang iglesia, wala itong saysay; dapat silang paalisin anuman ang mangyari. Kapag napaalis na sila, magiging dalisay ang sambahayan ng Diyos, at magiging dalisay ang iglesia. Kahit papaano, ang mga nananatili ay dapat na mga taong kumikilala sa pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, kumikilala na ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at handang magserbisyo para sa Diyos. Kaya ba itong makamit ng mga hangal na iyon na magulo ang isip? Nakalayo na makamit nila ito. Lahat sila ay mga patay na tao na walang espiritu, pero palagi nilang gusto ng mga pagpapala, palaging gustong makapasok sa kaharian, palaging gustong makapunta sa langit. Hindi maliit ang kanilang ambisyon at pagnanais, pero hindi man lang nila tinitignan kung ano sila—labis-labis ang pagsukat nila sa kanilang sarili! Tama na itiwalag ang gayong mga tao. Pakiramdam ba ninyo ay sayang ito? (Hindi.) Mula sa simula, sinabi ng Diyos, “Ang ninanais Ko ay ang kahusayan ng mga tao, sa halip na malaking bilang nila.” Ito ang hinihinging pamantayan ng Diyos sa kanyang hinirang na mga tao, pati na ang hinihingi at prinsipyo tungkol sa bilang ng mga tao sa iglesia. “Ang ninanais Ko ay ang kahusayan ng mga tao”—dito, ang “kahusayan” ba ay tumutukoy sa mabubuting sundalo ng kaharian o sa mga mananagumpay? Hindi tumpak ang alinman sa mga ito. Sa tumpak na pananalita, ang “kahusayan” ay tumutukoy sa mga nagtataglay ng normal na pagkatao, sa mga tunay na tao. Sa sambahayan ng Diyos, kung kaya mong gumawa ng mga tungkulin na nararapat gawin ng isang tao, kung maaari kang gamitin bilang isang tao, at kung kaya mong tuparin ang mga responsabilidad, tungkulin, at obligasyon ng isang tao nang hindi ka hinihila, kinakaladkad, o itinutulak ng iba, at hindi ka walang silbing basura, hindi isang palamunin, hindi isang batugan—kaya mong pasanin ang mga responsabilidad at obligasyon ng isang tao at pasanin ang misyon ng isang tao—ito lang ang pagiging pasok sa pamantayan bilang isang tao! Ang mga batugan ba at ang mga hindi nag-aasikaso sa mga wastong gampanin ay kayang pasanin ang misyon ng isang tao? (Hindi.) Ang ilang tao ay ayaw magpasan ng responsabilidad; ang ilan ay hindi ito kayang pasanin—sila ay mga walang kwuentang basura. Ang mga hindi kayang magpasan ng mga responsabilidad ng isang tao ay hindi matatawag na tao. Tingnan mo ang mga may kapansanan sa pag-iisip, mga tunggak, may cerebral palsy, o paralisado ang katawan—maaari ba silang tawaging mga taong pasok sa pamantayan? (Hindi.) Bakit hindi? Ang gayong mga tao ay walang abilidad na mamuhay, walang abilidad na manatiling buhay, at walang abilidad na pangalagaan ang kanilang sarili. Ganap silang umaasa sa iba para sa tulong at pangangalaga, namumuhay nang walang abilidad na suportahan ang kanilang sarili, at hindi nila magawang pasanin ang mga responsabilidad at obligasyon ng isang tao. Ang mga hindi kayang pasanin ang sarili nilang tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay ang mga hindi normal na tao, at ayaw sa kanila ng Diyos. Ikaw man ay isang lider o manggagawa, o gumagawa ng partikular na gawain na kinasasangkutan ng mga propesyonal na kasanayan, dapat magawa mong pasanin ang gawaing responsabilidad mo. Bukod sa kakayahang pamahalaan ang sarili mong buhay at pananatiling buhay, ang iyong pag-iral ay hindi lang tungkol sa paghinga, tungkol sa pagkain, pag-inom, at pagsasaya, kundi tungkol sa pagpapasan sa misyon na ibinigay ng Diyos sa iyo. Ang gayong mga tao lang ang karapat-dapat na tawaging mga nilikha at karapat-dapat na tawaging tao. Ang mga nasa sambahayan ng Diyos na palaging gustong maging palamunin at palaging gustong manlinlang, umaasang magagawa nilang tusong maabot ang wakas at magkamit ng mga pagpapala, ay hindi kayang magpasan ng anumang gawain o ng anumang responsabilidad, lalo na ng anumang misyon. Ang gayong mga tao ay dapat na matiwalag, at hindi ito sayang. Ito ay dahil ang natitiwalag ay hindi isang tao—hindi sila kalipikado na matawag na tao. Maaari mo silang tawaging mga taong walang silbi, mga batugan, o mga tambay; ano’t anuman, hindi sila karapat-dapat na matawag na tao. Kapag itinatalaga mo sila sa isang gawain, hindi nila ito kayang tapusin nang sila lang; at kapag itinatalaga mo sila sa isang gampanin, hindi nila kayang pasanin ang responsabilidad nila o tuparin ang obligasyon na nararapat nilang tuparin—katapusan na ng gayong mga tao. Hindi sila karapat-dapat na mamuhay; nararapat silang mamatay. Ang hindi pagbawi ng Diyos sa buhay nila ay biyaya na Niya, ito ay isang katangi-tanging pabor.
Tungkol sa paksa ng mga tsismis, titigil na tayo rito, Kung mayroon pa rin kayong anumang mga problema, maaari ninyong banggitin ang mga ito at magbahaginan tungkol sa mga ito o hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito nang kayo-kayo lang. Hindi na natin ito pag-uusapan pa, okey? Mayroon bang anumang pagtutol ang sinuman? (Wala.) Kung mayroong anumang mga problema na hindi ko natalakay, maaari kayong mag-isip ng paraan para lutasin ang mga ito nang kayo-kayo lang. Sa usaping ito, natupad Ko na ang Aking responsabilidad. Ipagpalagay nang may nagsasabi, “Hindi pa namin nakukuha ang sagot na gusto namin; totoo ba o huwad ang mga tsismis ngayon? Pakiusap, bigyan Mo kami ng malinaw na sagot.” Kahit na bigyan Ko kayo ng isang malinaw na sagot, anong problema ang malulutas nito? Kaya Ko sinasabi na dapat ninyong hanapin ang sagot na ito nang kayo-kayo lang. Wala Akong komento rito. Lahat ng ito ay nakadepende kung kayo ba ay may pagkilatis. Ang mga nagtamo ng katotohanan ay hindi kailanman malilihis. Sa katunayan, ang mga tsismis na ito ay nagbunyag na ng maraming tao. Ang mga nananampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon pero hindi nagtamo ng katotohanan ay pawang nabunyag—ito ang karunungan ng Diyos. Ito ang sagot Ko. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Kaya, ano ang gusto Kong sabihin sa inyo? Ang gusto Kong sabihin ay pawang nasa mga tomo ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao at sa lahat ng sermon. Ang mga salitang ito ang siyang nais Kong sabihin sa inyo. Hindi ba’t sapat na ang mga ito? (Oo.) Kung iginigiit pa rin ng ilang tao, sinasabi na, “Kung gayon, tungkol sa mga tsismis, mayroon Ka bang anumang sagot?” Ang sinasabi Ko ay wala, wala pa rin Akong komento. Marami na Akong nasabi tungkol sa gusto Kong sabihin sa lahat ng sermon. Kung handa kayong hanapin ang katotohanan, at kaya ninyong tanggapin at sundin ang mga salitang ito, malulutas ang mga problema ninyo. Kung hindi ninyo tinatanggap ang mga salitang ito, ang mga problema ninyo ay mananatiling mga problema magpakailanman. Natupad Ko na ang aking responsabilidad; wala na itong kinalaman pa sa Akin. Malinaw ba ninyong narinig? (Oo.)
Ipagpatuloy natin ang pagbabahaginan tungkol sa paksa ng “Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan”. Sa panahong ito, tinatalakay pa rin natin ang nilalamang nauugnay sa “pagbitiw” sa loob ng “Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan”, pinag-uusapan ang tungkol sa malaking paksa ng “pagbitiw sa mga hadlang sa pagitin ng sarili at ng Diyos at sa pagkamapanlaban nila sa Diyos.” Ang unang aspekto ng paksang ito ay pagbitiw sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng isang tao tungkol sa Diyos. Sa aspektong ito, tinalakay natin ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao tungkol sa gawain ng Diyos, na kinasasangkutan ng isang medyo komplikadong isyu; ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Maraming detalye rito. Kapag nahaharap ang mga tao sa mga isyu sa pang-araw-araw na buhay, palagi silang nalilito sa mga konsepto at hindi nila malinaw na mapag-iba kung sa aling kategorya ba nabibilang ang isang isyu o kung paano mapag-iiba-iba ang mga ito. Halimbawa, tungkol sa ilang pagpapamalas, hindi mapag-iba ng mga tao kung ang mga ito ay nauugnay sa pagkatao o sa mga likas na kondisyon. At para sa ibang mga pagpapamalas, hindi matukoy ng mga tao kung ang mga ito ay mga isyu na nauugnay sa mga tiwaling disposisyon o pagkatao. Hindi mapag-iba ng mga tao ang mga usaping ito. Madalas na itinuturing ng mga tao ang ilang problema at kapintasan ng mga likas na kondisyon bilang mga tiwaling disposisyon, o itinuturing ang ilang depekto at problema ng pagkatao bilang mga tiwaling disposisyon. Minsan, kahit na ito ay isang pagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon, itinuturing nila itong isang pagbubunyag ng isang likas na kondisyon na hindi mababago. Samakatwid, madalas na labis na hindi malinaw ang pakiramdam ng mga tao tungkol sa mga isyu ng likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon sa proseso ng pananampalataya sa Diyos, at hindi nila mapag-iba-iba ang mga ito. Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa isang bahagi nito at siyempre ay nagbigay tayo ng ilang halimbawa, pero pakiramdam Ko ay hindi ito sapat na partikular. Ngayon, kukuhain natin ang mga isyu sa loob ng tatlong kategoryang ito at pagbabahaginan natin ang mga ito nang mas partikular. Tatalakayin Ko ang ilang partikular na mga pagpapamalas at mga halimbawa, at pagkatapos ay kikilatisin ninyo kung sa aling kategorya nabibilang ang mga ito: mga likas na kondisyon, pagkatao, o mga tiwaling disposisyon. Kung hindi ninyo makilatis ang mga ito, sama-sama nating siyasatin ang mga ito. Ano sa palagay ninyo? (Mabuti iyon.) Noong nakaraan, nagbahaginan tayo nang kaunti pa tungkol sa mga likas na kondisyon, kaya siyempre, ang inyong pagkilatis sa usaping ito ay medyo mas malinaw. Gayumpaman, may ilang bagay pa rin na medyo hindi alam kung saan nabibilang o kahalintulad sa ilang aspekto sa loob ng pagkatao, at hindi pa rin matukoy ng mga tao kung ang mga ito ay dapat bang ikategorya sa ilalim ng mga likas na kondisyon o pagkatao. Magmumungkahi Ako ng ilang pagpapamalas o ng ilang pag-uugali at kilos, at pagkatapos ay sasabihin ninyo kung sa aling aspekto dapat ikategorya ang mga ito. Ano ang pakinabang ng pagbabahaginan sa ganitong paraan? Kapag nalaman mo kung sa aling aspekto nabibilang ang isang pagpapamalas, malalaman mo kung paano ito haharapin at pangangasiwaan.
Simulan natin sa unang pagpapamalas: pagiging masinop sa paggawa ng mga bagay, ibig sabihin ay napakasipag ng isang tao. Sa aling aspekto ito nabibilang? (Isa itong pagpapamalas ng pagkatao ng isang tao.) Kung gayon, isa ba itong merito o isang depekto ng pagkatao? (Isang merito ng pagkatao.) Ang pagiging napakasinop at napakasipag ay isang merito ng pagkatao. Ang pagkahilig sa kaayusan at kalinisan, at pagpapanatili ng kalinisan ng katawan—anong uri ng pagpapamalas ito? (Isang merito ng pagkatao.) (Isa itong mabuting gawi ng pamumuhay, nasa ilalim ito ng mga likas na kondisyon ng isang tao.) Isa ba itong likas na kondisyon? Hindi ba’t isa ito merito at isang kalakasan ng pagkatao ng isang tao? (Oo.) Ngayon lang ay may nagsabi na isa itong likas na kondisyon; hindi ito tama. Kinasasangkutan ito ng pagkatao ng isang tao, pati na ng mga gawi sa pamumuhay; siyempre, isa rin itong merito at kalakasan ng isang pagkatao. Ang susunod na pagpapamalas: Ang ilang tao ay tamad; mahilig sila sa kaginhawahan at namumuhi sa pagtatrabaho, at ayaw nilang gumawa. Kapag hindi gumagawa, partikular na panatag ang pakiramdam nila, pero kapag nagsisimula na silang gumawa, sumasama ang lagay ng loob nila—sila ay nababagabag, naiirita at nagagalit. Kapag may gawaing kailangang gawin, mabigat ang katawan nila, wala silang sigla, at ayaw nilang gumawa. Gayumpaman, pagdating sa pagkain, pag-inom, at pagsasaya, walang hangganan ang enerhiya nila. Katamaran—anong uri ng problema ito? (Masamang pagkatao.) Sa pinakamababa, isa itong depekto ng pagkatao, isang kapintasan at isang malaking problema sa pagkatao. Hindi pa ito umaabot sa antas ng masamang pagkatao. Kung ang gayong mga tao ay mahilig mag-utos at magsamantala ng mga tao, pinapagawa sa iba ang gawain samantalang sila mismo ay walang anumang ginagawa, anong uri ng problema ito? (Masamang pagkatao.) Kapag sinasabihan silang gumawa ng kaunting gawain, naghahanap sila ng lahat ng uri ng dahilan at palusot para iwasan ito; sadyang ayaw nilang gumawa. Hindi nila hayagang ipinapahayag ang mga layunin nila kundi sa halip ay gumagamit sila ng iba iba’t-ibang pamamaraan, taktika, o kasinungalingan at mga pandaraya, sinusubukang ipagawa sa iba ang gawain samantalang iniiwasan nila ito para magtamasa sila ng pagliliwaliw. Anong uri ng problema ito? (Isang tiwaling disposisyon, isang buktot na disposisyon.) Isa lang ba itong tiwaling disposisyon? Una sa lahat, ang mga taong mahilig magsamantala ng iba at mag-utos sa iba ay mayroong masamang pagkatao at ubod ng samang karakter. Ikalawa, ang tusong pamamaraan nila ng pag-uutos sa iba ay naglalantad sa kanilang mapanlinlang at buktot na disposisyon. Ang kanilang mga pagpapamalas ng pagkahilig na magsamantala at mag-utos ng iba ay nagpapakita na kapwa mayroon silang masamang pagkatao at na ang kanilang tiwaling disposisyon ay malubha—mapanlinlang at buktot. Kita mo, ang ilang pagpapamalas ay sumasalamin lang sa masamang pagkatao o sa isang partikular na pagkukulang sa pagkatao ng isang tao, at hindi umaabot sa antas ng tiwaling disposisyon. Gayumpaman, ang ilang pagpapamalas, batay sa pundasyon ng ubod ng samang pagkatao, ay direkkang kinasasangkutan ng mga tiwaling disposisyon. Samakatwid, walang pagpapamalas ang ganoon kasimple. Ang ilang pagpapamalas ay hindi lang kinasasangkutan ng isang isyu, kundi ng dalawa.
Pagpapaimbabaw—sa aling aspekto ito nabibilang? (Isa itong depekto ng pagkatao.) Tama, isa itong depekto ng pagkatao. Kung ito ay tungkol lang sa pagkahilig na magbihis nang maayos, magpaganda, at pagkahilig na makatanggap ng mga papuri tungkol sa pagiging kaakit-akit, maganda, gwapo, o mukhang bata—gustong magkaroon ng positibong opinyon o positibong pananaw ang iba tungkol sa hitsura ng isang tao—kung gayon ay limitado ito sa pagiging isang isyu ng pagkatao. Anong uri ng isyu ng pagkatao? Malinaw na hindi ito isang merito kundi isang depekto. Maaaring sabihin ng ilang tao, “Ang lahat ay may pagmamahal para sa kagandahan—paanong isa ito depekto?” Kaya bakit Ko sinasabi na ang pagpapaimbabaw ay isang depekto ng pagkatao? Dahil ang pagpapaimbabaw ay isang depekto, hindi lehitimo ang mga pagpapamalas nito. Ang pagpapaimbabaw ay hindi tungkol sa pagmumukhang wasto, may dignidad, deboto, o seryoso, binibigyan ang iba ng impresyon ng dignidad at pagkadisente; wala ito sa antas ng pagmumukhang wasto, sa halip ay mas labis-labis ito at mas masidhi kaysa sa isang lehitimong pagtuon sa pagmumukhang wasto. Kapag mapagpaimbabaw ang mga tao, partikular silang nagbibigay-pansin sa pagbibihis nang maganda at pagpapasikat ng kanilang sarili, hinihikayat ang iba na tumuon sa kanilang imahe, hanggang sa punto ng pagiging walang kahihiyan pa nga—sa madaling salita, ang mga taong ito ay naiimpluwensiyahan at napipigilan ng hitsura sa maraming usapin. Isa itong depekto ng pagkatao. Halimbawa, ang ilang tao ay nahihiyang lumabas kapag walang kolorete. Nahihiya silang makipagkita sa iba maliban kung nakapagpabango sila. Palaging okupado ang isip nila ng mga usaping ito, palaging gustong magbihis nang maganda nang labis-labis para maging mataas ang tingin sa kanila ng ibang mga tao at magustuhan sila ng mga ito. Ito ay pagiging labis-labis na mapagpaibabaw—sa puntong ito, ito ay nagiging isang depekto. Ang depektong ito ay lumampas na sa saklaw at mga hinihinging pamantayan ng normal na pagkatao. Ang pagiging masyadong mapagpaimbabaw ay isang depekto ng pagkatao. Dito nagtatapos ang ating talakayan tungkol sa pagpapamalas na ito.
Ang susunod na pagpapamalas ay ang pagkahilig na maging bida. Anong uri ng pagpapamalas ito? (Isa itong kakulangan sa pagkatao ng isang tao; ito ay pagkahilig na iabante ang sarili, pagkahilig na magpakitang-gilas.) Kung gayon ay mayroon bang isang tiwaling disposisyon sa loob nito? (Mayroon, dahil kung mahilig ang isang tao na maging bida, gusto niyang magpakitang-gilas, gustong mamukod-tangi.) Ang pagkahilig na maging bida at palaging gustong magpakitang-gilas—anong uri ng problema ito? Ito ba ay dahil mayroon silang abilidad sa pamumuno, o dahil nauunawaan nila ang katotohanan at mayroon silang pagpapahalaga sa pasanin? Kung mayroon silang pagpapahalaga sa pasanin, mayroong mga kapabilidad sa gawain, at kayang magpasa ng aytem ng gawain, hindi ito pagkahilig na maging bida. Kung gayon ay anong uri ng problema ang pagkahilig na maging bida? Sa isang aspekto, isa itong depekto ng pagkatao ng isang tao. Ang ganitong uri ng mga tao ay mahilig maging bida. Saanman sila magpunta ay mahilig silang magpakitang-gilas, natatakot na hindi sila makita ng iba. Nagsasalita rin sila sa isang paraan na nagpapakitang-gilas, eksaherado, at malakas. Kapag mas maraming tao, mas nasasabik silang magsalita, palaging gustong magkaroon ng puwang sa gitna ng karamihan. Ang pagkahilig na maging bida ay hindi makokonsiderang isang pagpapamalas ng masamang pagkatao. Hindi ito kinasasangkutan ng karakter ng isang tao, at isa lang itong depekto ng pagkatao, isang uri ng kapintasan o problema. Bakit Ko sinasabi na isa itong kapintasan o problema ng pagkatao? Dahil isa itong pagpapamalas ng kawalan ng katwiran. Ang mga taong ito ay palagiang naghahangad na maging bida, pero talaga bang may kapabilidad sila na pasanin ang gawain? Bakit palagi nilang gustong maging bida? Ito ba ay dahil itinutulak sila ng ambisyon at pagnanais? Ito ba ay dahil mahal nila ang katayuan, ang maitaas, at ang maging sentro ng atensiyon? Ito ba ay dahil mahilig silang magkaroon ng katanyagan sa gitna ng mga tao, maging superyor sa iba, at mahilig na pangunahan ang iba? (Oo.) Hindi ba’t nalalantad ang pagkatao ng ganitong uri ng tao? Anong uri ng pagkatao ito? Wala itong katwiran. Hindi ba’t isa itong depekto ng pagkatao? (Oo.) Sa isang banda, isa itong depekto ng pagkatao. Sa kabilang banda, ang ganitong uri ng tao ay hindi lang paminsan-minsang inaabante ang kanyang sarili o nagpapakitang-gilas; sa halip, dahil siya ay itinutulak ng ambisyon at pagnanais, mahilig sa katayuan, kapangyarihan, at pagkakaroon ng huling desisyon, mahilig siyang maging bida. Kaya, hindi ba’t kinasasangkutan din ito ng isang tiwaling disposisyon? (Oo.) Anong uri ng tiwaling disposisyon ito? (Isang mayabang na disposisyon.) Ito ay kayabangan. Ano ang nagbibigay sa kanya ng karapatan na maging bida? Ano ang nagbibigay sa kanya ng karapatan na magkaroon ng huling desisyon at pamunuan ang iba? Sinasabi ng ilang tao, “Nauunawaan ko ang katotohanan at mayroon akong pagpapahalaga sa pasanin.” Kahit na mayroon kang pagpapahalaga sa pasanin, kailangan pa ring tingnan kung kaya mo bang gumawa ng totoong gawain. Hindi ito ang kaso na dahil lang mayroon kang pagpapahalaga sa pasanin at gusto mong gawin ito ay kaya mo na talaga itong gawin nang maayos. Walang lohikal na koneksiyon sa pagitan ng dalawang bagay na ito. Ang pagiging gustong gawin ito at pagkahilig na gawin ito ay hindi nangangahulugan na kaya mo itong gawin o na mahusay ka sa gawain ng pamumuno. Mahilig kang maging bida, mahilig ka sa katayuan—ibig sabihin ba niyon na dapat kang ihalal ng lahat? Ano ang mga prinsipyo sa paghahalal ng mga lider ng iglesia? (Dapat ay nakabatay ito sa kung ang isang tao ay may kapabilidad sa gawain, kung siya ay isang taong naghahangad sa katotohanan, at kung siya ay isang tamang tao.) Kahit papaano ay dapat na isa kang tamang tao. Dapat na mayroon kang espirituwal na pang-unawa, may abilidad na maarok ang katotohanan, at mayroon ding kapabilidad sa gawain. Saka mo lang matutugunan ang mga kondisyon para malinang at maging kandidato para sa paglilinang. Dapat ay matugunan mo ang lahat ng kondisyong ito. Kung hindi mo matutugunan ang anuman sa mga kondisyong ito, ihahalal ka ba ng lahat na maging isang lider dahil lang mahilig kang maging bida. Hindi kailanman mangyayari iyon. Kaya kung palagi kang mahilig na maging bida, palaging mahilig na magpakitang-gilas, hindi ba’t kayabangan ito? (Oo.) Ito ay kayabangan at labis-labis na pagsukat sa sarili. Ang kayabangan, mula sa perspektiba ng pagkatao, ay kawalan ng katwiran. Kung susukatin batay sa katotohanan, isa itong tiwaling disposisyon, at isa itong satanikong disposisyon. Ang pagpapamalas ng pagkahilig na maging bida ay kapwa isang depekto ng pagkatao at isang tiwaling disposisyon, na kinasasangkutan din ng dalawang isyu. Bagama’t ang pagkahilig na maging bida ay hindi umaabot sa antas ng pagkakaroon ng mahina o masamang pagkatao, isa pa rin itong partikular na pagpapamalas ng kawalan ng katwiran at isa ring pagpapamalas ng isang mayabang na disposisyon. Kung ang isang tao ay mahilig lang na maging bida, at hindi niya sinusupil o pinapahirapan ang mga tao, at hindi niya ginagamit ang mga pamamaraan ng masasamang tao para maghasik ng alitan o magpangkat-pangkat, isa lang itong depekto ng kanyang pagkatao. Gayumpaman, kung nagpapakita siya ng mga pagpapamalas ng masasamang tao o ng mga anticristo, at nakikibahagi din sa ilang masasamang gawa, kung gayon ay tumataas ang depekto ng pagkataong ito—ano ang nangyayari dito? Ang mahina, kahindik-hindik, at masamang pagkatao—ang mga aspektong ito ay ginagamit para ilarawan ang gayong pagkatao. Dagdag pa rito, ang mga pagpapamalas ng mga tiwaling disposisyon ng gayong mga tao ay nagbubunyag kapwa ng kayabangan at kalupitan; siyempre, marami ring mga partikular na pagpapamalas. Kaya, ang pagkatao ng gayong mga tao ay dapat na ilarawan batay sa antas ng kanilang pagbubunyag sa mga tiwaling disposisyong ito. Kung mahilig lang silang maging bida, at hindi sila nagpapakita ng mga pagpapamalas ng masamang pagkatao—hindi sinusupil o pinapahirapan ang mga tao, hindi nagpapangkat-pangkat at nagtatatag ng nagsasariling kaharian nang palihim, o gumagamit ng mga hindi pangkaraniwang pamamaraan para ilihis ang mga tao at mapasunod ang mga ito—kung gayon, ang pagkahilig na ito na maging bida ay isa lang depekto ng pagkatao. Pero kapag nagawa na ang gayong masasamang gawa, hindi na ito isang depekto lang ng pagkatao. Kung gayon ay ano nang uri ng problema ito? (Ito ay mahina, kahindik-hindik, at masamang pagkatao.) Mismo. Hindi na ito isang depekto ng pagkatao lamang, kundi sa halip, ito ay masamang pagkatao. Ang pagkahilig na maging bida ay isa lamang depekto ng pagkatao. Kung ang gayong tao ay may espirituwal na pang-unawa, isang partikular na kakayahan, at kapabilidad sa gawain, pipiliin ba ninyo siya bilang isang lider? (Oo.) Bakit ninyo siya pipiliin? (Dahil hindi siya isang masamang tao.) Ang kanyang pagkahilig na maging bida ay isa lamang pagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon. Walang elemento ng kasamaan sa kanyang pagkahilig na maging bida, at hindi siya isang masamang tao. Hangga’t natutugunan niya ang mga kondisyon ng pagiging isang lider, maaari siyang mahalal at higit na malinang. Bagama’t ang pagkahilig na maging bida ay isang pagpapamalas ng mahinang katwiran sa isang pagkatao, dahil kaya niyang gawin ang gawain, mayroon siyang kapabilidad sa gawain, mayroong espirituwal na pang-unawa, may abilidad na maarok ang katotohanan, at dagdag pa rito ay handa siyang gumawa ng ilang gawain at maging isang superbisor, maaari siyang ihalal. Bakit maaari siyang ihalal? Dahil ang pagkatao niya ay pasok sa pamantayan, gayundin ang kanyang kakayahan. Basta’t hindi siya isang masamang tao o isang anticristo, hindi niya pahihirapan o susupilin ang mga tao, at hindi siya susubok na magtatag ng isang nagsasariling kaharian, maaari siyang ihalal bilang isang lider. Pero kung ang kanyang pagkahilig na maging bida ay naglalaman ng mga elemento ng masamang pagkatao, dapat bang ihalal ang gayong tao? (Hindi.) Bago pa siya mahalal bilang isang lider, nagsimula na siyang gumamit ng mga tusong paraan, lihim na nagpapangkat-pangkat, pinapakialaman ang mga boto. Para makamit ang kanyang mga layon, gumagamit siya ng mga kaduda-dudang pamamaraan, at may kapabilidad pa nga siya na mag-imbento ng mga tsismis at magsabi ng masamang bagay tungkol sa ilang mabuting tao na medyo taimtim sa kanilang pagsisikap na matamo ang katotohanan at gawin ang kanilang mga tungkulin. Gumagawa siya ng maraming bagay na salungat sa katotohanan at sa mga moralidad ng tao, gumagawa ng ilang masamang gawa. Maaari ba ninyong ihalal ang gayong tao bilang isang lider? (Hindi.) Bakit hindi? (Dahil masama ang pagkatao niya.) Sa mas partikular, ito ay dahil isa siyang masamang tao; hindi niya natutugunan ang mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos para sa paggamit ng mga tao. Hindi gumagamit ang sambahayan ng Diyos ng masasamang tao. Ano ang mga kahihinatnan kung ang hinirang na mga tao ng Diyos ay mapasakamay ng masasamang tao? Sa isang banda, sila ay pahihirapan at susupilin. Sa kabilang banda, ang iglesia ay magkakahiwa-hiwalay na parang buhaghag na buhangin at magiging magulo. Sa ganitong kaso, hindi mo ginagawa ang mga tungkulin mo kundi ay naglilingkod ka sa masasamang tao, nakokontrol ng masasamang tao, at sumusunod sa masasamang tao. Ano ang magiging mga kahihinatnan nito? Mawawasak ang pag-asa mo na magkamit ng kaligtasan. Nauunawaan mo na ba ngayon? (Oo.) Kaya, kung ang dalawang tao ay parehong mahilig maging bida at parehong may mga tiwaling disposisyon, sa anong batayan mo pipiliin ang isa sa kanila na maging isang lider? (Batay sa kanilang pagkatao.) Tama iyan, batay sa kanilang pagkatao. Ang mga pagbubunyag ng iba’t ibang tiwaling disiplosisyon tulad ng kayabangan, panlilinlang, at katigasan ng kalooban ay unibersal; pare-pareho ang lahat sa aspektong ito. Kaya, nasaan ang pagkakaiba? Nasaa pagkatao ng mga tao. Sa panlabas, ang ilang tao ay may mas pagpipigil, habang ang ilan ay mas konserbatibo; ang ilan ay medyo magulo ang isip at padalos-dalos, habang ang iba ay medyo tuso at metikuloso. Ang iba ay mas extroverted at mas masayahin, habang ang iba ay mas introverted. Magkakaiba ang mga panlabas na pagpapamalas ng mga personalidad ng mga tao, at tiyak rin na hindi magkakapareho ang kanilang pagkataong diwa. Ang ilang tao ay may mga hangganan ng konsensiya at moralidad, habang ang iba ay wala. Ang ilan ay masama pa nga, walang awa, at malupit—pumapatay sila nang hindi kumukurap at nilalamon nila ang mga tao, pati ang mga buto ng mga ito. May kapabilidad silang gumawa ng anumang bagay. Samakatwid, para sa masasamang tao, ang pagpapahirap sa iba ay wala lang sa kanila. Kung mapapasakamay kayo ng masasamang tao, magiging katapusan na ng magagandang araw ninyo at pagkatapos ay mamumuhay kayo sa kadiliman. Kung ang isang tao ay mapapasakamay ng masasamang tao, katulad ito ng pagiging mapasakamay ng malaking pulang dragon. Naranasan na ba ninyo ito? (Oo.) Ang pinakaprominente at pinakahalatang mga pagpapamalas ng masasamang tao sa usapin ng kanilang pagkatao ay kasamaan, kalupitan, kawalang awa, at kawalan ng mga moral na hangganan, at kawalan ng mga pamantayan ng konsensiya. Batay sa kanilang saloobin sa Diyos at sa katotohanan, wala silang may-takot-sa-Diyos na puso kahit kaunti. Sila ay mapangahas at walang ingat, nangangahas na gawin ang anumang bagay, nang walang mga hangganan ng konsensiya. Tungkol sa katotohanan, hindi nila ito tinatanggap kahit kaunti. Sa panlabas, kaya nilang gumugol ng pagsisikap at magtiis ng paghihirap sa kanilang mga tungkulin, at kaya rin nilang magbigay ng mga abuloy. Gayumpaman, wala sila ni kaunting takot sa kung paano nila tinatrato ang Diyos at ang katotohanan. Tuwing pagdating sa pagpapatotoo sa Diyos, pagpapatotoo sa nagkatawang-taong Diyos, pagpapatotoo sa pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, pagpapatotoo sa mga gawa ng Diyos, o pagpapatotoo sa kung paano nagbabayad ng halaga ang Diyos para sa sangkatauhan at kung paano ginagamit ng Diyos ang dugo ng Kanyang puso at ang Kanyang buhay para iligtas ang sangkatauhan, wala silang nasasabi at ayaw nilang magsalita. Sa puso nila ay namumuhi sila sa Diyos. Pero kapag nagpapatotoo sila sa kanilang sarili, marami silang nasasabi at walang katapusan silang nagsasalita. Ang pagkahilig na maging bida ay isa lamang depekto ng pagkatao. Kung ang gayong mga tao ay hindi gumagawa ng kasamaan, at mayroong mga hangganan ng konsensiya at moralidad, kung gayon ay basta nauunawaan nila ang ilang katotohanan, sa pangkalahatan ay kaya nilang sukatin ang mga usapin ayon sa mga hangganan ng kanilang konsensiya; gumagana ang kanilang konsensiya. Halimbawa, kung makakakita sila ng isang tao na kasalungat ng kasarian na gusto nila at gusto nilang lapitan ito, dahil mayroon silang mga hangganan ng konsensiya sa kanilang pagkatao at mayroong pagpapahalaga sa integridad at kahihiyan, natural na pipigilan nila ang sarili nila. Gayumpaman, ang masasamang tao ay walang pakialam sa gayong mga bagay. Kung gusto nila ang isang tao, puwersahan nilang lalapitan ito; kung hindi sumasang-ayon ang kabilang partido, gagawa sila ng lahat ng uri ng paraan para pahirapan, supilin, o guluhin ang taong ito. Ang mga taong may hangganan ng konsensiya ay napipigilan ng kanilang konsensiya; may mga partikular na pagsalangsang na hindi nila gagawin at mga partikular na linya na hindi nila lalampasan dahil mayroon silang pakiramdam ng integridad at kahihiyan. Kung nauunawaan nila ang katotohanan, at ang pagtanggap nila rito ay medyo malalim at malakas, magkakaroon sila ng may-takot-sa-Diyos na puso. Dahil pinangangambahan at kinatatakutan nila ang Diyos, sa pangkalahatan ay hindi sila lalampas sa mga partikular na linya. Samakatwid, ang pagkakaroon ng isang tao na may mga hangganan ng konsensiya bilang isang lider ay labis na kapaki-pakinabang para sa inyo. Kahit papaano, hindi ka nila sasaktan, lalong hindi ka nila hahadlangan o pipinsalain, at maaari rin nila kayong alukin ng kaunting pagtustos at pagtulong. Gayumpaman, ang masasamang tao ay naiiba. Hindi lang sila gumagamit ng mga salita para ilihis ka; gumagamit din sila ng iba’t ibang paraan para pahirapan ka, apihin ka, tapak-tapakan ka. Kung hindi mo sila susundin, kung hindi ka makikinig sa kanila, o kung makikipagtalo ka sa kanila tungkol sa isang bagay, hindi ka lang nila aatakihin kundi kokondenahin ka rin nila, ipapahiya ka, at hahangarin pa nga na supilin ka. Sa ganitong paraan, ganap kang mapapasakamay nila. Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng mga ordinaryong tiwaling tao at ng masasamang tao ay makikita kung ang kanilang pagkatao ay mabuti o masama, at sa kung gumagana ba ang kanilang konsensiya. Ang masasamang tao ay walang konsensiya, kaya wala rin silang pakiramdam ng integridad o kahihiyan at may kapabilidad silang gumawa ng anumang uri ng masamang gawa. Ang mga ordinaryong tiwaling tao, bagama’t ang kanilang pagkatao ay mayroon ding mga depekto at kapintasan, ay napipigilan ng konsensiya at katwiran, kaya maraming uri ng linya ang hindi nila kayang lampasan. Kahit na hindi sila nananampalataya sa Diyos, hindi sila gagawa ng mga partikular na malilinaw na kasamaan; halimbawa, hindi nila kayang gumawa ng mga akto gaya ng seksuwal na imoralidad o pagnanakaw. Pag-isipan mo ito: bago ka nanampalataya sa Diyos, habang nasa mundo ka, magagawa mo bang makibahagi sa kalandian kung hahayaan ka ng isang tao? Ano ang tinutukoy ng kalandian? Tinutukoy nito ang pagkakaroon ng maraming seksuwal na kapareha, o nasasangkot pa nga sa ilang tao ng kabilang kasarian nang magkakasabay, nang hindi nakakaramdam ng anumang pakiramdam ng maling gawa o panunumbat sa kalooban. Kaya ba ninyong gawin ang gayong bagay? (Hindi.) Tingnan ninyo ang malalanding babaeng iyon, ang mga kalapating mababa ang lipad, ang malalaswa—kaya nilang gawin ang gayong mga bagay. Hindi ba’t naiiba kayo sa mga taong ito? (Oo.) Nasaan ang pagkakaiba? Ito ay makikita kung ang isang tao ay may konsensiya at katwiran ng pagkatao. Ang konsensiya at katwiran ay nagbibigay sa iyo ng pakiramdam ng integridad at kahihiyan, kaya hindi ka gagawa ng kalandian at mayroon kang pamantayan: “Ang pag-asal sa ganoong paraan ay hindi mabuti; ako magiging ganoong uri ng tao. Guguhit ako ng isang malinaw na linya sa pagitan ng aking sarili at ng mga taong iyon. Kahit na patayin ako sa bugbog, hindi ako makikibahagi sa kalandian.” Kung ipinagbibili sa ganoong uri ng sitwasyon, sinasabi ng ilang tao, “Mas gugustuhin kong mamatay kaysa maging ganoong uri ng tao!” Ang ilang tao ay nagtitiis ng kahihiyan at kawalang katarungan, labag sa loob na umaayon dito, pero sa puso nila ay ayaw nila at susunggaban nila ang anumang pagkakataon para makaalis sa naturang sitwasyon. Gayumpaman, ang iba ay sila mismo ang naghahanap ng ganoong kalagayan, kahit pa sinusubukan silang pigilan ng iba. Ginagawa nila ito kahit na wala silang kinikitang pera mula rito—sadyang nasisiyahan sila sa pakikibahagi sa kalandian, at wala talaga silang pakialam kahit na ito ay hindi mapagkakakitaan. Hindi ba’t magkaiba ang dalawang uri na ito ng mga tao? (Oo.) Ito mismo ang pagkakaiba sa pagitan ng pagkatao ng mga tao. Napakahalaga ng pagkakaiba sa pagkatao. Kung kaya ninyong makilatis ang mga pagkakaiba sa mga pagpapamalas ng pagkatao ng iba’t ibang uri ng tao, magagawa ninyong makilatis ang mga tao. Samakatwid, ang pagsusuri sa isang tao ay hindi puwedeng ganap na batay sa kanyang tiwaling disposisyon o sa kanyang mga pagpapamalas at pagbubunyag sa loob ng maiksing panahon o sa isang insidente. Sa halip, ang kanyang tunay na uri bilang isang tao ay dapat na suriin batay sa kanyang pagkatao at sa kanyang kalikasan diwa. Dito nagtatapos ang ating talakayan tungkol sa pagpapamalas ng pagkahilig na maging bida.
Pag-usapan naman natin ang isa pang pagpapamalas. Ang ilang tao ay ginagawa ang mga bagay nang metodikal, nang may balangkas sa isipan, at sa isang maayos na paraan; kaya nilang matukoy kung ano ang unang gagawin at kung ano ang gagawin kalaunan sa pamamagitan ng pag-iisip at pagsasaalang-alang. Sumusunod sila sa mga hakbang at mayroon silang mga plano sa halip na gawin ang mga bagay nang pabasa-basta. Anuman ang kanilang ginagawa, sumusunod sila sa mga hakbang, kahit sa mga pinakasimpleng gampanin gaya ng paglalaba ng mga damit. Pinaghihiwalay nila ang mga damit batay sa kulay, magkahiwalay na nilalabhan ang mga itim at mapuputing damit; alam nila kung gaano karaming tubig at sabon ang gagamitin batay sa dami ng labahan, nakakaiwas sa pag-aaksaya—ang lahat ng ito ay planado, labis na organisado, metikuloso, at matipid. Anong uri ng pagpapamalas ito? (Isa itong merito at kalakasan ng pagkatao.) Kung gayon ay makakatawan ba ng meritong ito na ang ganitong uri ng tao ay mayroong mabuting pagkatao? (Hindi.) Isa lamang itong merito at kalakasan ng kanilang pagkatao. Hindi ito umaangat sa antas ng pagsasangkot ng karakter ng isang tao o ng mga prinsipyo ng sariling asal, hindi rin ito kinasasangkutan ng isang tiwaling disposisyon. Isa lang itong nakagawiang estilo ng pamumuhay o isang saloobin sa buhay. Ang ilang tao ay ginagawa ang mga bagay nang may balangkas sa isipan, may plano; kaya nilang arukin ang mga padron, at kapag tapos na ang gampanin, nasisiyahan ang iba rito. Ang mga ito ay mga taong may mahusay na kakayahan. Pero para sa mga may mahinang kakayahan, iba ito—ginagawa nila ang lahat ng bagay nang wala sa ayos at nang napakagulo, nang walang balangkas sa isipan o pagpaplano, sa isang ganap na magulong paraan na nauuwi sa malaking aberya. Anong uri ng problema ito? (Isang depekto ng pagkatao.) Ano ang nasasangkot sa depektong ito ng pagkatao? (Labis na mahinang kakayahan.) Ang gayong mga tao na may labis na mahinang kakayahan ay tinatawag lang na walang utak. Ang ilang tao, kapag sinasabi Ko sa kanila, “Tunggak ka ba? Paanong hindi mo nauunawaan ang gayon kasimpleng bagay?” ay sumasagot, “Wala akong utak.” Ano ang ibig sabihin ng pagiging “walang utak”? Ang ibig sabihin nito ay kawalan ng kakayahan o pagkakaroon ng mahinang kakayahan—isa itong problema ng kakayahan. Saan nabibilang ang isyung ito? Hindi ba’t isa itong likas na kondisyon? (Oo.) Kung ang isang tao ay likas na walang utak, may silbi ba ang pagsasanay sa kanya? Ang gayong mga tao ay hinaharap ang lahat ng bagay nang walang pagpaplano o isang balangkas sa isipan. Inaabot sila ng buong araw sa isang simpleng gampanin, nakakaantala sa mahahalagang usapin. Ito ay kawalan ng kakayahan o pagkakaroon ng mahinang kakayahan. Ang mga walang pananampalataya ay madalas na inilalarawan ang mga taong may masamang pagkatao bilang walang kakayahan. Halimbawa, kapag nakikita ng isang tao na ang isa pang tao ay nagkakalat, marumi ang katawan, o malakas na sumisigaw sa publiko, ginugulo ang iba na nag-aaral o nagpapahinga, maaaring sabihin niya na ang taong iyon ay walang kakayahan. Para sa Akin, ito ay hindi pagkaunawa sa mga tradisyonal na pag-uugali at kawalan ng pagkatao—paano ito matatawag na kawalan ng kakayahan? Ang “kawalan ba ng kakayahan” ay tumutukoy rito? Ano ang tinutukoy ng “kakayahan”? Tumutukoy ito sa pagiging episyente at epektibo sa paggawa ng mga bagay—ito ay tinatawag na kakayahan. Kaya, ang mga tao bang gumagawa ng mga bagay nang walang balangkas sa isipan ay mahina ang kakayahan? (Oo.) Isa rin itong depekto ng pagkatao. Likas ba ang depektong ito? Madali ba itong baguhin? Maaari ba itong mabago sa pamamagitan ng pagsasanay? Ang isang baboy ba ay maaaring paakyatin ng puno? Hindi iyon kaya ng isang baboy—wala itong ganoong kakayahan. Ang kawalan ng balangkas sa isipan sa paggawa ng mga bagay ay isang problema ng kakayahan.
Ang paggawa ng mga bagay nang may malakas na umpisa pero may mahinang katapusan—sa anong uri ng isyu ito nabibilang? (Isang uri ng isang depekto ng pagkatao ng isang tao.) Isa itong depekto ng pagkatao ng isang tao. Ang ilang tao, kapag nagsisimula ng isang gampanin, ay pinaplano ito nang napakaayos, nagsisimula ng ilang engrandeng galaw, nagtitipon ng isang grupo ng mga tao, lumilikha ng mga ulat, nagtatalaga ng mga gampanin, at gumagawa pa nga ng malalaking pahayag ng determinasyon, pero habang nagpapatuloy sila, lahat ng ito ay naglalaho, at hindi sila nagsusubaybay, nagsusuperbisa o nagsisiyasat sa kung ano ang nangyayari. Kung walang taong nakakaunawa sa katotohanan ang naroroon para magbigay ng pagsusuperbisa at paggabay, maaaring ganap na mawala nang unti-unti ang gampanin, o maaari pa ngang lumitaw ang mga hindi kanais-nais na mga kahihinatnan, iniiwan ang gawain nang nakapagulo. Mayroon ding mga tao na kayang magsalita ng mga doktrina nang napakaliwanag at napakalinaw, pero pagdating sa aktuwal na paggawa ng mga bagay, wala silang ideya kung paano magpapatuloy at wala silang kongkretong plano. Kapag lumilitaw ang mga espesyal na sitwasyon o mga hindi inaasahang sitwasyon, hindi nila alam kung paano pangasiwaan ang mga ito, ni hindi sila nakikipagbahaginan sa iba, o naghahanap o kumokonsulta sa mga nasa itaas nila. Kapag nagsisimula silang gumawa ng isang bagay, may kumpiyansa sila at gumagawa sila ng engrandeng simula, para bang magsasakatuparan sila ng isang napakahalagang bagay, pero habang nagpapatuloy sila, nawawalan sila ng sigla at umaalis—naglalaho sila na parang bula. Kapag may nagtatanong sa kanila, “Ano ang ginagawa mo ngayon? Kumusta na ang takbo ng gampanin?” Sumasagot sila, “Hindi ito magagawa.” Pero nabibigo silang iulat nang maaga na hindi nila kayang gawin ang mga bagay, naaantala ang mga bagay sa loob ng dalawa o tatlong buwan nang walang mga resulta. Hindi ba’t nakakagalit ito? (Oo.) Ang gayong mga tao ay tunay na kamuhi-muhi! Ang ganitong uri ng tao ay may isa pang problema bukod pa sa paggawa ng mga bagay nang may malakas na simula pero may mahinang katapusan: ang lahat ng ginagawa niya ay lalong nagiging magulo habang mas ginagawa niya ito. Sa simula, maaaring mayroon siyang balangkas sa isipan, ilang ideya, at kaunting estruktura, pero habang nagpapatuloy sila, nagiging magulo ang mga kaisipan nila. Nalilimutan nila kung bakit nila sinimulan ang gampanin o kung anong mga resulta ang dapat nilang makamit. Kapag may nagpapayo sa kanila na gumawa ng ilang paghahanap, sinasabi nila, “Hindi kailangang maghanap ng anuman. Patuloy lang nating gawin ito sa ganitong paraan—ano’t anuman, wala namang taong walang ginagawa.” Kita mo, nagsisimula silang gawin ang mga bagay nang may malakas na buwelo, tulad ng sunod-sunod na pagkulog. Pero habang nagpapatuloy sila, unti-unting naglalaho ang mga bagay. Ang lahat ng ito ay pawang kulog lang at walang ulan—walang mga resulta kahit kaunti. Kung hindi ka magtatanong, magsusubaybay, o magsisiyasat sa gawain, hahayaan nila itong unti-unting maglaho nang hindi natatapos, nang hindi man lang nagbibigay ng ulat. Saan napunta ang determinasyon na ipinahayag nila sa simula? Nalimutan na ito. Paano naman ang inisyal na plano na isinulat nila? Nawala na parang bula. At paano naman ang mga ideyang iyon na mayroon sila sa simula? Naglaho na ang mga ito; nakalimutan na ang mga ito. Sadyang ganitong uri ng nilalang sila! Ang ganitong uri ng tao kapag nakikita mo ang kanilang sigla sa simula ay tila isang totoong gumagawa. Pero sa aktuwal, wala siyang silbi; sadyang hindi siya isang tao na gumagawa ng mga bagay sa isang praktikal na paraan; isang tao na hindi makontento. Handa lang siyang maging bida, pero ayaw niyang magtiis ng paghihirap at natatakot siyang umako ng responsabilidad. Ang lahat ng ginagawa niya ay naiiwang hindi tapos. Anong uri ng pagkatao mayroon ang gayong mga tao? (Masamang pagkatao.) Sabihin mo sa Akin, ang ganitong uri ba ng tao ay kayang magsakatuparan ng anumang bagay? (Hindi.) Palagi siyang nagsisimula nang malakas pero nagtatapos nang mahina, sa ganap na kaguluhan—ito ang kanyang estilo. Anumang tungkulin ang kanyang ginagawa, nagsisimula siya nang napakasigla, nakikinig sa musika at sumasabay sa pagkanta. Pero pagkalipas ng ilang sandali, nawawalan na sila ng interes at binibitawan na lang ang gawain at nagbibitiw. Anong uri ng mga nilalang sila? Hindi ba’t kamuhi-muhi ang gayong mga tao? (Oo.) Walang ingat silang umaako ng mga gampanin na alam nila na maaaring wala silang kapabilidad na maisakatuparan, sinusubukang ipakita ang kanilang kakayahan, nagyayabang, at gumagawa ng malalaking pahayag—hindi ba nila alam ang sarili nilang mga kapabilidad? Kung hindi nila kayang gawin ang trabaho o magluwal ng mga resulta, bakit hindi na lang sila magsabi? Hindi nila dapat antalain ang mga bagay! Sa halip ay nananahimik sila, inaantala ang gawain mo habang sinusubukan kang lokohin. Hindi ba’t mababa ang karakter nila? (Oo.) Masyadong mababa ang kanilang karakter! Maaari bang pagkatiwalaan ang gayong mga tao sa pangangasiwa ng mga bagay? (Hindi.) Karapat-dapat ba silang pagkatiwalaan? (Hindi.) Ang gayong mga tao ay hindi mapagkakatiwalaan. Kung ibibigay nila sa iyo ang kanilang salita, maglalakas-loob ka bang paniwalaan sila? (Hindi.) Anong uri ng mga tao sila? Hindi ba’t mga manloloko sila? (Oo.) Bagama’t hindi ka nila nililinlang alang-alang sa pinansyal na pakinabang o para sa mga seksuwal na pakay, ang paraan nila ng pag-asal at pangangasiwa ng mga bagay ay labis na kamuhi-muhi at kapoot-poot. Kaya, ano ang ugat na dahilan kung bakit labis na kapoot-poot ang mga taong ito? Mababa ang karakter nila, hindi alam ang kanilang wastong lugar sa kanilang pag-asal, mahilig silang magmayabang, mahilig ipakita kung anumang kakayahan ang pinaniniwalaan nilang mayroon sila, mahilig silang maging bida, at mahilig silang magpakitang-gilas. Hindi sila kailanman nananatili sa anumang bagay na ginagawa nila. Kasabay nito, labis-labis ang pagsukat nila sa kanilang sarili, at mangmang sila sa sarili nilang tayog at sa kung anong uri ng mga gampanin ang kaya nilang pangasiwaan. Pero sinusubukan pa rin nilang ipakita ang kanilang kakayahan, mapangahas na inaako ang anumang uri ng mahalagang gawain. Pagkatapos itong akuin, kahit kapag hindi nila ito ginagawa nang maayos o inaantala nila ang malalaking usapin, nananatili silang walang pakialam basta’t sila ang bida, ayos lang iyon para sa kanila. Hindi ba’t sila ay napakababa, hamak na mga tao? (Oo.) Kung makakatagpo ka ng gayong tao, maglalakas-loob ka bang pagkatiwalaan siya ng malalaki o mahahalagang bagay? (Hindi.) Halimbawa, kung kailangan mong lumabas para ipangaral ang ebanghelyo at kailangan mo ng isang tao para bantayan ang iyong batang anak, anong uri ng tao ang dapat mong hanapin para makatulong? Maglalakas-loob ka bang pumili ng isang taong ganito, na walang pagpapahalaga sa responsabilidad, hindi kayang manatili sa landas, at hindi katiwa-tiwala? (Hindi.) Bakit hindi? Maaari nilang mawala ang iyong anak. Kung tatanungin mo sila kung paano nawala ang iyong anak, sasabihin nila, “Hindi ko alam. Nakaidlip lang ako saglit, at nawala na ang bata. Paano mo ako masisisi roon? Ang bata ay may mga binti at kayang maglakad sa kanyang sarili—hindi siya nakatali sa akin. Hindi mo ako maaaring sisihin!” Umiiwas pa sila sa responsabilidad! Hindi ba’t isa itong walang kahihiyang salbahe? (Oo.) Ang mga usapin ng buhay at kamatayan ay hinding-hindi maaaring ipagkatiwala sa gayong mga tao. Sa kanilang sariling asal, sila ay hindi mapakali, at wala silang integridad o dignidad. Kapag lumilitaw ang mga problema, may lakas-loob silang maging walang hiya at magtatwa ng mga bagay. Bagama’t ang paggawa ng mga bagay nang may malakas na simula pero mahinang katapusan ay isa lamang depekto ng pagkatao, ang partikular na epektong ito ay isang napakalubhang isyu—isa itong isyu ng integridad. Ang ilang tao ay mahilig maging bida, at masigasig silang umaako ng mga gampanin, pero hindi sila nangangahas na umako ng responsabilidad. Sa sandaling maharap sila sa mga paghihirap, agad nilang iniiwasan ang responsabilidad at dumidistansya mula sa sitwasyon. Ganap silang iresponsable. Partikular din silang hindi mapakali at hindi kayang manatili sa anumang bagay na ginagawa nila. Kapag ganito na ito kalala, hindi na ito isang depekto lamang ng pagkatao—isa na itong usapinang pagkakaroon ng tunay na mababang karakter at masamang pagkatao. Bakit Ko sinasabi na ang gayong mga tao ay may masamang pagkatao? Ito ay dahil hindi sila mapagkakatiwalaan—hindi ka maglalakas-loob na pagkatiwalaan sila ng anumang bagay. Anumang gampanin ang ipagkatiwala mo sa kanila, agad-agad silang sumasang-ayon, pero sa sandaling tumalikod ka, naglalaho sila, at wala kang ideya kung ano ang ginagawa nila. Maaari pa ngang abutin ng ilang araw bago mo sila makitang muli. Kung hindi mo sila tatanungin kung kumusta ang pag-usad ng gampanin, hindi sila mag-uulat sa iyo, umaakto na parang walang nangyari. Anong uri ng mga nilalang sila? Ganap silang iresponsable! Bumabagsak pa nga sila sa pagsubok at hindi sila mapagkakatiwalaan pagdating sa isang bagay na kasingliit nito. Ano pa ang ibang bagay na sa tingin mo ay kaya nilang maisakatuparan? (Wala talaga.) Kung pagkakatiwalaan mo sila na bantayan ang isang bata, maaaring lumitaw ang mga problema sa anumang sandali. Maaaring bumagsak ang bata at masaktan, makakain ng isang bagay na hindi niya dapat kainin, o kapag lumalabas para maglaro, mapunta kung saan o makuha ng masasamang tao—ang lahat ng ito ay mga posibleng kalalabasan. Dahil sila ay iresponsable at labis na mababa ang karakter, at wala silang sinusunod na mga hangganan ng konsensiya sa lahat ng ginagawa nila at kumikilos lang sila para tugunan ang sarili nilang mga makasariling pagnanais, binabalewala ang lahat ng iba pa. Kapag pinagkakatiwalaan mo sila ng isang gampanin, pakiramdam nila na ang pagtanggi ay maaaring ikapahiya mo; sapagsasaalang-alang sa sarili nilang pride at para matugunan ang kanilang banidad, sumasang-ayon sila, pero pagkatapos, wala silang inaakong anumang pananagutan. Mayabang silang magsalita habang nabibigong maayos na isakatuparan ang gampanin. Ito ang ibig sabihin ng pagiging hindi mapagkakatiwalaan. Mabuti ba ang gayong mga tao? (Hindi.) Ang mga tao bang gumagawa ng mga bagay nang may malakas na simula pero mahinang katapusan ay maaaring ihalal bilang mga lider? (Hindi.) Bakit hindi? (Maaari nilang mapinsala ang gawain ng sambahayan ng Diyos.) Mismo. Kapag nagsasalita sila at gumagawa ng mga pangako, tila kaya nila ito, at handa ang mga tao na pagkatiwalaan ang mga mayabang magsalita. Pero pagdating sa aktuwal na paggawa ng mga bagay, hindi mahulaan ang mga kilos nila. Kahit na magkamali sila, hindi nila ipapaalam sa iyo; at kung lumitaw man ang anumang mga problema, hindi ka nila bibigyan ng paliwanag tungkol sa kung ano ang nangyari. Sabik kang umaasa na pangasiwaan nila nang maayos ang mga bagay, pero sa huli ay nagugulo nila ito at ganap pa nga silang walang pakialam tungkol dito, hindi nila sineseryoso kahit kaunti ang ipinagkatiwala mo sa kanila. Sa kanilang mga kilos, may tendensiya sila na hindi mapakali. Ang ilan sa kanila ay ginagawa ang mga bagay batay lang sa sarili nilang mga hilig, libangan, at pagkamausisa; ang ilan sa kanila ay mahilig magpapansin at ginagawa lang ang mga bagay para magpapansin at makita. Ang gayong mga tao ay hindi mapakali at iresponsable, at wala silang kapabilidad na gawin ang mga bagay sa isang praktikal na paraan. Ito ay labis na mapanggulo. Hindi pa natatalakay rito kung mayroon ba silang espirituwal na pang-unawa, kung kaya ba nilang tanggapin ang katotohanan, kung sila ba ay mapagpasakop, mga taong nagsisikap na matamo ang katotohanan—hindi pa nito natatalakay ang mga aspektong ito. Sa usapin lamang ng kanilang pagkatao, ang gayong mga tao ay hindi mapagkakatiwalaan. Ang gayong mga tao ba ay maaaring ihalal bilang mga lider? (Hindi.) Ang mga tao na ang pagkatao ay hindi pasok sa mga pamantayan ay wala man lang pagpapahalaga para sa paglilinang. Bakit wala? Dahil masyadong mababa ang kanilang karakter—wala sila kahit ng batayang integridad at dignidad. Samakatwid, hindi sila kalipikado na maging mga lider o na malinang bilang mga lider.
Susunod, talakayin natin ang pagiging maingat sa paggawa ng mga bagay. Anong uri ng pagpapamalas ito? (Isa itong merito ng pagkatao.) Ang pagiging maingat sa paggawa ng mga bagay, ang hindi pagiging walang ingat kapag lumilitaw ang mga usapin, ang magawang harapin ang mga ito nang kalmado, at hanapin ang katotohanan—isa itong merito ng pagkatao. Sa lipunang ito, sa gitna ng iba’t ibang grupo ng mga tao na may mga komplikadong pinagmulan, kailangan mong harapin nang may pag-iingat ang paglitaw ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay. Kahit kapag ginagawa mo ang tungkulin mo sa sambahayan ng Diyos, may ilang komplikadong sitwasyon sa gitna ng iba’t ibang bagay na nakakaharap mo, at dapat mong harapin ang mga ito nang may pag-iingat. Halimbawa, kapag nakakaharap ka ng masasamang tao na nagdudulot ng mga panggugulo habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, dapat ay matuto ka muna ng pagkilatis, at pagkatapos ay harapin ang sitwasyon ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Isa itong saloobin na dapat mayroon ka sa iyong tungkulin. Ano ang nasasangkot sa pagiging maingat sa paggawa ng mga bagay? Nasasangkot dito ang katwiran ng isang tao. Kapag nakakaharap ka ng mga usapin na hindi mo makilatis, kailangan mong maging maingat. Kahit na nakakaunawa ka ng ilang katotohanan, kapag hindi mo pa rin makilatis ang natatagong diwa at ang ugat na dahilan ng ilang espesyal na usapin, kailangan mo bang maging maingat? (Oo.) Ang gayong mga sitwasyon ay lalong nangangailangan na ikaw ay maging maingat. Ang pagiging maingat ay hindi pagiging konserbatibo o paggawa ng maliliit na hakbang, ni hindi ito hindi pangangahas na kumilos o pagiging takot na umako ng responsabilidad—hindi ito tumutukoy sa mga bagay na ito. Ang pag-iingat na binabanggit dito ay tumutukoy sa isang merito ng pagkatao. Ano ang mga partikular na pagpapamalas ng pag-iingat? Ito ay kapag ginagawa ang isang bagay, hinahanap mo muna ang mga katotohanang prinsipyo, at pagkatapos ay hinahanap ang mga partikular na hakbang ng pagsasagawa, partikular na landas ng pagsasagawa, at ang mga ninanais na kalalabasan para sa gampaning iyon o sa gawaing iyon. Ibig sabihin, hinaharap mo ang mahahalagang usapin at ang sarili mong tungkulin nang may maingat at mapagbantay na puso. Siyempre, ang ilang tao ay partikular na maingat din kapag humaharap sila sa iba’t ibang isyu na nakakatagpo nila sa kanilang pang-araw-araw na buhay; hindi sila walang ingat, kundi ay labis na mapagbantay. Hindi ito isang masamang bagay; maaari din itong tawaging isang merito ng pagkatao, hindi isang pagkukulang. Ang pag-iingat ay maaaring masabi na isang merito ng pagkatao; ang pagkakaroon ng isang maingat na saloobin ay maaari lang maging kapaki-pakinabang sa mga tao, at hinding-hindi ito makakapigil o gagapos sa mga tao sa anumang paraan. Kung hindi ka naglalakas-loob na magsalita kapag lumilitaw ang mga usapin, kung hindi ka naglalakas-loob na gumawa ng anumang bagay o makisalamuha sa sinuman—kung natatakot kang malaglagan ng isang nalalagas na dahon sa ulo—ito ay pagiging labis na maingat. Ang pamumuhay sa sarili mong maliit na mundo sa lahat ng panahon, pinalilipas ang iyong mga araw sa isang labis-labis na mapagbantay na paraan—ito ba ay pag-iingat? (Hindi.) Natatakot na kapag lumabas ka para mamili ay madadaya ka, natatakot na kapag nagbukas ka ng tindahan ay malulugi ka, natatakot na kapag bumili ka ng bahay ay magkakaroon ito ng negatibong reputasyon, natatakot na kapag bumili ka ng kompyuter ay magkakaroon ito ng mga virus—pagiging labis-labis na takot na hindi ka naglalakas-loob na gumawa ng anumang bagay at nahihirapan ka na humakbang ng kahit isang hakbang—ang mga ito ay tiyak na hindi ang mga pagpapamalas ng uri ng pag-iingat na tinatalakay natin dito. Ang mga pagpapamalas na ito ay nagpapahiwatig na ang isang tao ay mangmang, walang silbi at matatakutin, immature, at walang abilidad na mamuhay nang nagsasarili. Ang mga ito ay mga pagpapamalas ng mahinang kakayahan. Ibig sabihin, kapag ang gayong mga indibidwal ay nahaharap sa masamang lipunang ito at sa mga komplikadong grupo ng mga tao, wala silang anumang mga kontra-hakbang. Palagi silang nag-aalala, natatakot, at labis na nangangamba na umaatras sila at hindi naglalakas-loob na umabante. Takot sila na malansi at madaya, o natatakot sila na mapinsala o mapatay. Hindi sila naglalakas-loob na makisalamuha sa sinuman o pangasiwaan ang anumang usapin. Kapag pumupunta sila sa trabaho, natatakot sila na hindi sila paseswelduhin. Ang ilang babae ay hindi pa nga naglalakas-loob na magtrabaho sa takot na mamaltrato. Ang ilang tao ay hindi pa nga naglalakas-loob na umalis ng kanilang bahay, natatakot na baka makatagpo sila ng masasamang tao, at natatakot sila na kung bibili sila ng mga bagay ay mananakaw sa kanila ang mga ito. Sa madaling salita, takot sila sa lahat ng bagay. Hindi ba’t ito ay labis-labis na pag-iingat? Ito ay pagiging labis-labis na mapagbantay. Hindi ba’t baliw sila? Ang ilang tao ay may ganitong uri ng mentalidad, buong araw silang nag-aalala tungkol sa ganito at ganyan, at ang resulta ay hindi sila naglalakas-loob na pangasiwaan ang anumang usapin o lumabas para tagpuin ang mga tao, at nagagawa lang nilang manatili sa bahay. Anong uri sila ng tao? (Isang baliw na tao.) Baliw sila; hindi sila normal, hindi sila tao. Ang kawalan ng anumang abilidad na gumawa ng mga paghusga, walang mga prinsipyo o ng pinakamababang mga pamantayan sa anumang bagay na ginagawa nila, ang ganitong uri ng tao ay isang hayop na nabuhay ulit, wala silang normal na pagkatao, at ang kanilang labis na pagiging mapagbantay ay hindi pag-iingat. Ano ang tinutukoy ng pag-iingat? Ang ibig sabihin ng pag-iingat ay paggawa ng mga bagay sa isang sukat, metodikal, at sumusunod-sa-tuntunin na paraan, at sa pundasyon ng prinsipyong ito, pagkilos nang napakahigpit, at kapag nangyayari ang mga bagay, pagiging kalmado, hindi pagpapadalos-dalos, walang ingat, o nagpapadala sa bugso ng damdamin, at pagkakaroon ng kakayahan na hanapin ang mga katotohanang prinsipyo at hanapin ang matatalinong paraan. Ito ay tinatawag na pag-iingat, at tanging ang pag-iingat na ito ang isang merito ng pagkatao.
Ang pagkahilig na magsalita nang mapagmalaki at magyabang—maraming gayong tao. Isa rin itong kalakaran ng masamang lipunan. Maraming tao ang nagsasalita nang eksaherado, nag-iimbento ng mga bagay-bagay nang walang pakundangan, at basta na lang nagbubulalas ng kung ano-ano. Ang sinasabi nila ay hindi talaga naaayon sa mga katunayan at marami silang sinasabi na wala namang saysay. Naniniwala pa rin sila na mayroon silang kapabilidad, walang anumang pakiramdam ng integridad at kahihiyan. Karapat-dapat bang pagkatiwalaan ang gayong mga tao? (Hindi.) May integridad o dignidad ba ang gayong mga tao? (Wala.) Ang gayong mga tao ay walang integridad at dignidad, hindi karapat-dapat na respetuhin, at hindi mapagkakatiwalaan, Kung gayon ay mapagkakatiwalaan ba sila sa pangangasiwa ng mahahalagang usapin? (Hindi.) Kaya, anong uri ng problema ang pagkahilig na magyabang? (Isa itong depekto ng pagkatao.) Isa itong depekto ng pagkatao, pero kailangan mo ring tingnan ang pagkatao ng taong ito—kung masama ba ang kanyang pagkatao at kung kaya ba niyang tumanggap ng mga positibong bagay. Kung kasuklam-suklam lang siya at, dahil naiimpluwensiyahan ng buhay ng kanyang pamilya o ng kapaligirang panlipunan sa loob ng maraming taon, nagkaroon ng masamang gawi ng pagkahilig na magyabang at magsalita bang mapagmataas, nagsasalita nang iresponsable at nang walang pagsasaalang-alang sa mga kahihinatnan, isa lang itong depekto ng kanyang pagkatao. Hindi siya masama; nasa antas lang siya ng pagiging sobrang kasuklam-suklam. Kung ang gayong tao, maliban sa pagkahilig na magyabang, ay kumikilos din sa isang labis na dominante at malupit na paraan sa pakikisalamuha sa iba, at ang pakay niya sa pagsasalita nang mapagmataas at mayabang ay para supilin ang iba at para pagmukhain ang mga bagay na ipinagyayabang niya at ikinukwento niya nang eksaherado na maging tila mas matayog, mas mahusay, at mataas sa mga bagay na ginawa o tinaglay ng ibang mga tao, hindi na ito isang problema ng pagiging kasuklam-suklam niya. Anong uri ng problema ito? (Ito ang problema ng masamang pagkatao.) Ito ang problema ng masamang pagkatao. Kaya, may tiwaling disposisyon bang nasasangkot dito? (Mayroon.) Anong uri ng tiwaling disposisyon? (Isang malupit na tiwaling disposisyon.) Mayroon siyang mayabang at malupit na disposisyon. Ang ilang tao ay mahilig magyabang dahil lang labis silang kasuklam-suklam. Ito ay idinudulot ng mga gawi ng kanilang pamumuhay at kapaligiran ng pamumuhay. Sadyang hindi nila nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng pagsasalita nang tapat, pagsasalita nang mula sa puso, pagtatalakay ng mga tunay na sitwasyon, o pagtatalakay tungkol sa buhay at mga wastong usapin. Wala silang ganito kamalayan. Ang gayong edukasyon ay wala sa kanilang pamilya at mga kapaligiran sa paaralan, at lalong wala iyon pagkatapos nilang pumasok sa lipunan. Bilang resulta, labis na malubha ang kanilang likas na pagiging kasuklam-suklam. Sila ay walang galang at walang wastong asal, at mahilig lang magsalita nang mapagmataas at mayabang para magpakitang-gilas at tingalain sila ng iba. Sa puso nila, wala silang ibang mga ambisyon, pagnanais, o pangangailangan. Kung nagpapakita lang sila ng mga pagpapamalas na ito, pagiging kasuklam-suklam lang ito; isa itong depekto ng kanilang pagkatao. Pero kung may pakay ang kanilang pagyayabang, at sa pamamagitan ng pagyayabang ay ipiniprisinta nila ang kanilang sarili bilang may mataas na kapabilidad, napakahusay, at superyor, naiiba, at mataas kaysa sa mga ordinaryong tao, hindi na ito isang problema ng pagiging kasuklam-suklam. Ang pagkahilig nilang magyabang ay ginagabayan ng partikular na pag-iisip, itinutulak ng pagkauhaw sa katayuan, ambisyon, at pagnanais. Ginagamit nila ang pagyayabang bilang isang paraan para supilin at pahangain ang iba, ipinapadama sa iba na mas mababa ang mga ito sa kanila at hindi kasinggaling nila, at maging nagpipitaganan sa kanila at sumusunod sa kanila. Ito ang kasamaan ng kanilang pagkatao. Ang pagkahilig nilang magyabang ay may pakay na magkamit ng mas mataas na puwesto; “Anuman ang mayroon ka ay mayroon din ako. Anuman ang kaya mong gawin ay kaya ko ring gawin. Anuman ang alam mo ay alam ko rin. Anuman ang nakita mo ay nakita ko rin. Hindi ako mas mababa sa iyo!” Nangyayari pa nga na kapag nakakain ka ng isang partikular na pagkain, kahit na halata namang hindi pa nila ito nakakain ay sasabihin nilang nakakain na sila nito—at hindi lang iyon, sasabihin nila na mas marami na silang nakain nito, at na ang pagkaing nakain nila ay mas masarap kaysa sa pagkaing nakain mo. Ipagyayabang nila kahit ang mga bagay na hindi naman nangyari. Ano ang pakay ng pangyayabang nila? Ito ay para masapawan ka, para makipagkompetensiya sa iyo, at para ipadama sa iyo na mas magaling sila kaysa sa iyo, na kasinghusay mo sila sa lahat ng aspekto. Itinutulak sila ng ambisyon at pagnanais. Kaya, ang pagpapamalas ba ng pagkatao na itinutulak ng gayong ambisyon at pagnanais ay pagiging kasuklam-suklam lang, o ito ba ay masamang pagkatao? (Ito ay masamang pagkatao.) May tiwaling disposisyon bang nasasangkot dito? (Mayroon.) Ang matulak ng ambisyon at pagnanais—isa itong tiwaling disposisyon. Anong uri ng tiwaling disposisyon? (Kayabangan at kalupitan.) Mismo. May dalawang uri ng tiwaling disposisyong ito: kayabangan at kalupitan. Dagdag pa rito, mayroon ding kaunting kabuktutan. Ibig sabihin, anuman ang sinasabi mo, palagi nila itong pinagbubulay-bulayan sa kanilang puso, palaging sinusubukan na may palabasin mula rito, at palagi itong hinaharap nang may mga buktot na kaisipan at labis-labis na mga ideya. Halimbawa, kung sasabihin mo, “Toyota ang kotse ng pamilya namin; isa itong kotse mula sa Japan,” sinasabi nila, “Walang kwenta ang mga kotse mula sa Japan. Mas maganda ang mga kotse mula sa Germany. Ang kotse mula sa Germany na dati kong minamaneho ay hindi lang napakahusay ng takbo kundi mahigit sampung taon din itong tumatakbo nang hindi nasisira—hindi hamak na mas mahusay iyon kaysa sa kotse mo!” Kailangan talaga nilang sapawan ka. Sinasabi mo, “Ni hindi ako naka-gradweyt ng hayskul,” sinasabi nila, “Nakagradweyt ako ng hayskul. Naiinggit ka sa akin, hindi ba?” Sa realidad, ni hindi sila nakatapos ng middle school, pero gusto ka pa rin nilang sapawan. Nasisiyahan sila sa pakiramdam na naiinggit sa kanila ang iba, tinitingala sila ng iba, at hinahangaan sila. Kita mo, ang tugon nila sa impormasyong natatanggap nila mula sa sinuman ay palaging buktot at sukdulan. Wala sila ng pag-iisip ng normal na pagkatao. Kapag naririnig ng isang normal na tao na ang iba ay mayroong isang magandang bagay, maaari niyang sabihin, “Maganda na mayroon ka niyon. Maaari mo bang sabihin sa akin ang mga partikular na katangian at bentaha ito? Nais kong malaman ang higit pa tungkol dito.” Ang isang taong may normal na pagkatao ay tutugon sa ganitong paraan. Pero ang mga taong mahilig magyabang ay walang normal na pagkatao. Iniisip nila, “Bakit mayroon ka niyon at ako ay wala? Kahiw na wala ako nito. Kailangan ko pa ring sabihin na mayroon ako nito. At higit pa rito, kailangan kong sabihin na ang akin ay mas maganda kaysa sa iyo!” Kung sasabihin mo sa kanila na ilabas ito at ipakita sa iyo, sasabihin nila, “Hindi ko ito ipapakita sa iyo!” pero ang totoo ay wala talaga sila nito. Buktot ba ito? (Oo.) Sa madaling salita, kapag may anumang bagay na nangyayari sa kanila, o kapag nakakakita o nakakatanggap sila ng anumang impormasyon, ang tugon nila ay palaging sukdulan, hindi tugma sa pagkatao, at buktot, kaya mayroon ding kaunting kabuktutan sa kanilang disposisyon. Sa madaling salita, kapag normal kang nakikipag-usap o nakikipagbahaginan sa kanila, at pakiramdam mo ay wala kang nasabing anuman na maaaring magpukaw ng hindi makatwirang mental na reaksiyon, ang kanilang isip ay puno na agad ng napakaraming kaisipan. Naiinggit na sila sa iyo, at tutol at namumuhi sa iyo, habang gusto kang supilin. Ang isipan nila ay okupado ng mga bagay na ito. Hindi ba’t masasabi mo na buktot ito? (Oo.) Ang mga buktot na tao ay hindi dalisay. Ang karamihan sa mga pagpapahayag, salita, at kilos na ibinubunyag nila ay hindi tugma sa konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao. Posible na may kaunting agresyon sa kanilang mga salita, bukod sa pagkakaroon ng agresyon, ang ilan sa kanilang mga salita ay maaaring hindi totoo, at ang ilan ay maaaring mga pagyayabang. Ito ay dahil may mga buktot na kaisipan sila sa loob nila, at sa tulak ng mga buktot na kaisipang ito, ang mga salitang sinasabi nila ay pawang mga kasinungalingan, nagmumula kay Satanas at sa mga diyablo. Ang gayong mga tao ay walang pagkatao; sila ay hindi mga tao. Ang mga taong mahilig magyabang at magsalita nang mapagmataas ay maaaring hatiin sa dalawang uri. Dapat silang ilarawan batay sa diwa ng kanilang pagkatao. Ibig sabihin, dapat tingnan ng isang tao kung sila ba ay kasuklam-suklam at kung ang pagkatao ba nila ay masama para mahusgahan kung anong problema ang mayroon sila. Kung mayroon silang masamang pagkatao at labis silang kasuklam-suklam, may kapabilidad na gumawa ng maraming masamang gawa, hindi sila mabubuting tao at dapat silang ilarawan bilang masasamang tao. Gayumpaman, kung nakikibahagi lang sila sa kaunting pagsasalita nang mapagmataas at mayroong kaunting pagiging kasuklam-suklam, pero hindi nila kayang gumawa ng anumang masasamang bagay, mayroon pa ring kaunting konsensiya at katwiran, at kaya ring gumawa ng ilang mabuting bagay, maaari pa rin silang ituring na mga taong may mabuting pagkatao. Hindi ito isang malaking isyu, at kung mahusay ang kakayahan nila, maaari pa nga silang ihalal na maging mga superbisor o lider o manggagawa. Bagama’t ang dalawang uri ng mga taong ito ay pawang nagsasalita nang mapagmataas at mahilig magyabang, ang mahalaga ay kung mabuti o masama ang kanilang pagkatao. Kung kasuklam-suklam lang sila, isa lang itong depekto ng kanilang pagkatao at hindi kinasasangkutan ng isang tiwaling disposisyon. Gayumpaman, kung ang pagyayabang nila ay may intensyon at ambisyon sa likod nito, nagpapahiwatig ito ng masamang pagkatao, at hindi kinasasangkutan ng isang tiwaling disposisyon. Sa usapin ng kanilang pagkatao, ito ay masama; ang mga tiwaling disposisyong nasasangkot dito ay kayabangan, kabuktutanm o kalupitan. Kinasasangkutan ito kapwa ng mahinang karakter at ng mga tiwaling disposisyon, hindi ba? (Oo.)
Talakayin natin ang isa pang pagpapamalas: ang pagiging walang ingat. Ang pagiging walang ingat sa lahat ng bagay na ginagawa ng isang tao—sa anong aspekto ito nabibilang? (Isang depekto ng pagkatao.) Ang gayong mga tao ay tinitingnan ang lahat ng bagay sa isang hindi masinsin at pangkalahatang paraan, hindi maarok ang mahahalagang punto. Ang lahat ng ginagawa nila ay pabasta-basta. Hindi nila kayang gumawa ng metikulosong gawain, gaya ng gawaing nakabatay sa teksto o pamamahala ng dokumento. Hindi rin nila kayang pangasiwaan ang mga gampanin na nangangailangan ng katumpakan. Kapag gumagawa ng mga damit, kung minsan ay itinatahi nila ang mga pantalon sa bahagi na dapat ay sa mga manggas, kung minsan ay ginagawang short sleeves ang mga long sleeves, o ginagawang 24-inch ang baywang na dapat ay 26-inch. Masyadong malaki o masyadong maliit ang ginagawa nilang pananamit. Anuman ang ginagawa nila, palagi silang pabaya, walang ingat, labis na palpak na hindi nila kayang gawin ang anumang bagay nang maayos. Gaano sila kawalang-ingat? Kapag lumalabas para asikasuhin ang isang bagay, nagagawa pa nga nilang makalimutan ang mga bagay na dapat nilang dalhin. Halimbawa, kapag makikipagtagpo sa isang abogado para sa isang kaso, nalilimutan nilang dalhin ang kanilang id card, pati na ang ebidensya na hinihingi ng abogado. Naiiwan nila ang maraming bagay. Kung minsan ay hindi pa nga nila alam kung saan nila nailagay ang mahahalagang gamit at hindi sila nagsisikap na maalala ito. Bilang resulta, madalas silang nakakawala at nakalilimot ng mga bagay, at ang mga bagay na ginagawa nila at ang kanilang pang-araw-araw na buhay ay ganap na magulo. Ang gayong mga tao ay hindi kailanman taimtim sa kung paano nila tinatrato ang kanilang gawain o ang kanilang tungkulin. Ang anumang ginagawa nila ay palaging pahapyaw at padalos-dalos—palagi lang silang nagkakaroon ng hindi masinsing impresyon sa mga usaping pinagmamasdan nila, nagkakaroon lang ng hindi masinsing pagkaunawa sa mga salitang naririnig nila, nagsasabi lang ng mga bagay sa hindi masinsin at pangkalahatang mga termino, at natatandaan lang ang isang hindi masinsing balangkas ng mga bagay sa kanilang memorya. Bilang resulta, hindi nila magawang pangasiwaan ang mahalaga o kumpidensiyal na gawain; hindi sila nababagay sa gayong mga gampanin. Kung ang kanilang pagiging walang ingat ay kinasasangkutan lang ng kanilang personal na buhay o kalinisan sa katawan, nang hindi naaapektuhan ang ibang mga tao o ang anumang mahahalagang usapin, isa lang itong depekto ng kanilang pagkatao—anumang mga problema ang lumitaw, puwedeng umako na lang sila ng pananagutan at iyon na iyon. Gayumpaman, kung kinasasangkutan ito ng tungkulin, ng mahalagang gawain, ng kapalaran at kinabukasan ng isang tao, ng kung ang isang tao ay mananatili o aalis, at iba pa, ang gayong mga tao ay hindi naaangkop na pangasiwaan ang mga usaping ito dahil masyado silang walang ingat. Sa isang banda, hindi sila metikuloso sa mga usaping ito; tinitingnan lang nila ito nang hindi masinsinan, masyadong tamad para gamitin ang kanilang utak o gamitan ng isip at enerhiya para pangasiwaan ang mga ito. Sa kabilang banda, ang kanilang estilo at pamamaraan sa paggawa ng mga bagay ay palagiang pahapyaw at padalos-dalos, at madalas silang nakakawala at nakakalimot ng mga bagay. Kung kinasasangkutan lang ito ng personal nilang buhay, hindi ito isang malaking problema. Gayumpaman, kung kinasasangkutan ito ng mahalagang gawain o ng mga kumpidensiyal na usapin, maaari nilang magulo ang mga bagay-bagay o magdulot pa nga ng isang malaking sakuna. Halimbawa, ang isang tao ay apurahang kailangan na pumunta sa Paris, pero dahil sa kanyang pagiging walang ingat, nakabili siya ng tiket sa eroplano na papunta sa Roma. Tuwang-tuwa pa nga siya, sinasabi na, “Napakamura ng tiket na nabili ko ngayon!” Tinitingnan ito ng iba at sinasabi, “Siyempre mura ito—sa Paris ka dapat pupunta, bakit ka bumili ng tiket na papuntang Roma?” Ito ay pagiging masyadong walang ingat! Ang gayong mga tao ay tinitignan ng lahat ng bagay nang may mapagsawalang bahala at pabasta-bastang saloobin. Isang beses lang nilang sinusulyapan ang isang bagay para makakuha ng hindi masinsing ideya tungkol dito at iyon na iyon. Ito mismo ang uri ng responsabing saloobin na mayroon sila. Siyempre, ang saloobing ito ay nailalarawan din sa pamamagitan ng pag-ayaw na isapuso ang anumang bagay at sa pamamagitan ng katamaran—masyado silang tamad para isapuso ang anumang bagay para gamitin ang kanilang utak o para maglapat ng kaisipan sa pangangasiwa ng anumang bagay. Ang mga taong ganito na walang ingat ay hindi naaangkop para sa mahalagang gawain, lalo na sa mga gampaning kinasasangkutan ng gawaing nakabatay sa teksto, pamamahala ng dokumento, o sa gawaing kinasasangkutan ng kumpidensiyal na mga propesyonal na kasanayan. Kung gayon, kapag naging lider ang gayong mga tao, kakayanin ba nila ang gampanin? (Hindi. Ang gawain nila ay hindi kailanman nagagawa nang maayos; palagi itong nagagawa nang hindi masinsin at nang pabasta-basta, palagi itong naiiwan na hindi kumpleto. Hindi nila kayang gumawa ng totoong gawain.) Ang gayong mga tao ay walang detalye sa kanilang paggawa; palagi silang pahapyaw at padalos-dalos, pinapangasiwaan ang mga bagay sa isang paimbabaw at pabasta-bastang paraan. Ang mga salita nila ay palaging malabo, at may tendensiya silang gumamit ng mga termino gaya ng “halos,” “marahil,” “malamang,” o “posible”. Ang gayong mga tao ay walang kayang isakatuparan. Ang maraming aytem ng gawain sa sambahayan ng Diyos, gaya ng administratibong gawain, gawain ng mga tauhan, gawaing nauugnay sa buhay iglesia, at gawain ng ebanghelyo, ay kinasasangkutan ng mga partikular na detalye. Kapag nahaharap sa detalyadong gawain, ang gayong mga taong walang ingat ay sumasakit ang ulo at nalilito, at pakiramdam nila ay nasasakal sila; ayaw nilang makibahagi sa gayon kadetalyadong gawain. Mayroon silang ganitong tamad na saloobin, kaya pagdating sa paggawa ng gawain, palagi nilang iniisip, “Ayos lang ang paggawa ng isang hindi masinsin na trabaho; kung tutuusin, sapat na itong malapit sa kung ano ang sinasabi ng mga pagsasaayos ng gawain.” Palagi nilang pinananatili ang ganitong sapat na itong malapit na saloobin—maayos bang magagawa ang gawain kung ganito? (Hindi.) Kapag sinusuri nila ang mga tao, ginagawa nila ito nang hindi masinsinan—sinusuri nila ang mga lider at manggagawa nang hindi masinsinan, at sinusuri din nila ang mga superbisor ng bawat pangkat nang hindi rin masinsinan. Kapag may nagtatanong, “Gaano katagal nang nananampalataya sa Diyos ang superbisor na iyon?” sumasagot sila. “Tila mahigit tatlong taon na.” Pero ang isang tao na nananampalataya sa loob ng tatlong taon ay maaaring hindi pa nakapagtatag ng isang pundasyon—ang gayong tao ba ay maaaring maasahan bilang isang superbisor? Sadyang hindi ito makilatis ng mga taong walang ingat. Iyon ang dahilan kung bakit ang pananalita nila ay palaging puno ng mga termino gaya ng “halos,” “marahil,” “posible,” at “tila”; sadyang hindi sila kailanman gumagamit ng tumpak na pananalita. Kapag may nagtatanong, “Kailanman ba ay nagsilbi na siya bilang isang lider habang nananampalataya sa Diyos?” sumasagot sila, “Tila hindi pa. Dahil hindi ko pa narinig na binanggit niya ito.” Kita mo, Hindi niya kailanman mabusising itinuturing ang anumang bagay. Kung igigiit mo na magbigay siya ng mga detalye, umaasa lang siya sa mga damdamin at impresyon. Hindi niya sasabihin, “Agad akong magtatanong tungkol dito at kukumpirmahin ko.” Sadyang hindi nila ito mabusising tinatrato. Sa lahat ng bagay, itinuturing nila itong ayos na hangga’t ito ay “halos tama” o “sapat nang malapit”. Sinasabi ng ilang tao, “Bakit kailangang mamuhay ng isang tao nang napakametikuloso?” Habang totoo ito sa isang aspekto—para sa mga usaping nauugnay sa buhay ng laman, maaari kang maging medyo hindi masinsin—pagdating sa gawain ng iglesia, hindi ka maaaring maging hindi masinsin. Ang pagiging hindi masinsin sa gawain ay nakakaapekto sa mga resulta nito. Ang magagandang resulta sa anumang aytem ng gawain ay nakakamit lamang dahil sa detalyadong pagpaplano, mga pagsasaayos, mga pagsusubaybay, pagsusuperbisa at panghihimok. Kung ang mga gampanin ay isinasakatuparan sa isang hindi masinsin at pahapyaw na paraan, walang gawain ang makakapagluwal ng mga resulta kailanman. Samakatwid, ang pagiging walang ingat ay isang depekto ng pagkatao ng isang tao, at ang gayong mga taong walang ingat ay hindi kaya ang mahalagang gawain; sa partikular, hindi nila kayang gawin ang gawain ng mga lider at manggagawa. Anuman ang usapin, nakaririnig lang ang gayong mga tao ng isang hindi masinsin na balangkas at pagkatapos ay ipinagpapalagay na nila na nauunawaan nila ito. Halimbawa, sa gawain ng pagtatatag ng mga iglesia, kung paano magtatag ng isang iglesia, kung ilang katao ang kinakailangan para magtatag ng isang iglesia, kung ilang iglesia ang bumubuo sa isang distrito, kung ilang distrito ang bumubuo sa isang rehiyon—ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos ay may mga partikular na tuntunin para sa lahat ng ito, nang may mga dagdag na partikular na tuntunin para sa mga espesyal na sitwasyon. Gayumpaman, ang mga taong walang ingat ay hindi hinahanap ni sinusubukan na matutunan ang tungkol sa mga tuntuning ito, pero sinasabi pa rin nila na alam nila kung paano magpapatuloy. Kapag hinihiling sa kanila na magbigay ng mga detalye, tumutugon sila, “Pagtatatag lang ito ng mga iglesia, kapag may partikular na bilang na ng mga tao, magtatatag ka na ng isang iglesia.” Pero kapag tinanong sila, “Sa partikular, paano ito dapat itatag?” hindi nila alam at hindi sila makapagbigay ng mga detalye. Kung sila ay isang bagong lider at hindi pa nila alam kung paano magtatag ng isang iglesia, magiging kauna-unawa iyon. Ang problema ay na hindi nila alam pero hindi rin sila mabusisi tungkol dito, at hindi sila nag-aaral, at hindi rin naghahanap. Ang gayong mga tao ba ay kayang gawin ang gawain ng iglesia nang maayos? (Hindi.) Para sa gayong mga tao, may dalawang salita lamang tayo—“magbitiw na”! Hindi nila kaya ang gawain ng pamumuno. Walang gawain ang mas komplikado kaysa sa gawain na kinasasangkutan ng mga tao. Kung wala kang maingat at responsableng puso, at ang iyong gawain ay hindi masinsin at hindi ginawa ng metikuloso, kahit gaano pa kahusay ang kakayahan mo, hindi mo pa rin kakayanin ang gampanin. Ang pagiging masyadong walang ingat, paggawa ng lahat ng bagay nang hindi masinsin, pagtuon lamang sa balangkas, pagtuon lamang sa pagraos ng mga bagay, hindi pagtuon sa mga detalye, hindi pagkaalam kung paano mabusising tratuhin ang mga bagay—lahat ng ito ay nangangahulugan na hindi mo talaga kaya ang gawain ng mga lider at manggagawa. Nauunawaan mo ba? (Oo.)
Ang pagiging walang ingat ay isang depekto ng pagkatao. Kung gayon, ang pagiging metikuloso at masinsin sa paggawa ng mga bagay, at pati ang magawang maarok ang buod, mahahalagang punto, ang magawang matukoy kung nasaan ang mga problema at makilatis ang diwa ng problema—isa ba itong merito ng pagkatao? (Oo.) Ang saloobin ng mga metikulosong tao sa paggawa ng mga bagay-bagay ay medyo wasto; labis silang metikuloso at taimtim sa paggawa ng mga bagay, nagagawa nilang patahimikin ang kanilang sarili at hindi maging padalos-dalos—isa itong merito ng pagkatao. Bagama’t ang isang taong nagtataglay ng ganitong merito ng pagkatao ay kayang umako ng gawaing full-time, kung masyado siyang mabagal sa paggawa ng mga bagay at hindi mataas ang pagiging episyente ng kanyang gawain, hindi magiging labis na maganda ang mga resulta. Ano ang nasasangkot dito? Nasasangkot dito ang kakayahan, isa sa mga likas na kondisyon. Sa tingin mo ba na ang sinumang metikuloso ay tiyak na kayang gumawa ng mahusay na gawain? Hindi tama ang pananaw na ito. Ang ilang tao ay masyadong metikuloso sa paggawa ng mga bagay, hanggang sa punto ng pagiging medyo neurotic. Halimbawa, kapag naghuhugas ng mga gulay, hinuhugasan nila ang harap at gilid ng mga dahon at pagkatapos ay ang likuran, tinatanggal ang bawat dilaw na dahon, at tinatanggal ang bawat butas ng insekto, tinitiyak na ang mga gulay ay nahuhugasan nang ganap na malinis. Ang pagiging labis na metikuloso sa paggawa ng mga bagay ay isang merito ng pagkatao, pero kung ang isang tao ay labis na metikuloso hanggang sa punto ng pagiging walang prinsipyo, at paggawa ng labis-labis na hindi mahahalagang bagay, ito ay nagiging hindi kinakailangan at hindi episyente. Nagpapahiwatig ito ng isang mahinang kakayahan, ng kawalang kakayahan na magsakatuparan ng mga bagay, at kawalan ng kapabilidad na magpasan ng gawain. Ang ilang tao na metikuloso sa paggawa ng mga bagay ay naaarok ang mga prinsipyo, naaarok ang buod, ang mahahalagang punto, kumikilos nang mabilis at maliksi, nang may maagap na paghusga, at nagagawang lutasin ang mga problema nang mabilis—ito ay pagkakaroon ng mahusay na kakayahan. Ang pagiging metikuloso sa paggawa ng mga bagay ay hindi katumbas ng pagiging episyente sa paggawa ng mga bagay, hindi rin ito katumbas ng pagkakamit ng magagandang resulta sa paggawa ng mga bagay. Nangangahulugan lang ito ng kakayahan na manatiling nakatuon nang pasensyoso, pagiging tahimik, hindi pagiging padalos-dalos at hindi pagiging papansin at hindi pagiging walang ingat. Sa pinakamainam, isa lang itong merito ng pagkatao, at malayo ito sa mahusay na kakayahan. Ang ilang tao ay napakametikuloso sa paggawa ng mga bagay, nagmumukhang labis na masinop, hindi nagmamadali o natataranta, at labis na tahimik. Gayumpaman, hindi sila episyente sa pangangasiwa ng mga usapin, hindi nila magawang bigyang-priyoridad ang mga bagay batay sa kahalagahan at kaapurahan. Kumakapit sila sa kung anong hindi mahalagang gampanin at gumagawa rito nang walang katapusan, kaya ang iba ay nakadarama ng pagkabalisa at labis na pagkayamot, desperadong gusto na sipain sila nang malakas. Masyado silang mabagal gumawa, nang walang episyente kahit kaunti—sadyang wala silang kuwenta! Ang isang taong may normal na abilidad sa pananatiling buhay ay gumagawa ng sampu o dalawampung beses na mas mabilis kaysa sa kanila. Ginagawa nila ang mga bagay nang masyadong mabagal, at kahit gaano karami ang ginagawa nila, hindi sila makahanap ng isang pamamaraan, hindi makahanap ng mga prinsipyo, walang diskarte at walang pagiging episyente. Ang isang gampanin na dapat ay abutin lang ng isang oras ay maaaring abutin sila ng isang buong araw, ang isang gampanin na dapat ay abutin lang ng isang araw ay maaaring abutin sila ng limang araw, at ang isang gampanin na dapat ay abutin lang ng limang araw ay maaaring abutin sila ng sampung araw, kaya ikaw ay kapwa nagagalit at labis na nayayamot sa panonood sa kanila. Ang ilang babae ay mabigat ang katawan sa pangangasiwa ng mga usapin. Kahit na alam na alam nila na kailangan nilang lumabas para mag-asikaso sa isang bagay sa lalong madaling panahon, ipinipilit pa rin nilang maghugas ng kanilang buhok. Sa paghuhugas ng kanilang buhok, hindi sila makahanap ng pamamaraan. Sa halip na sabay-sabay nang hugasan ang kanilang buong buhok, hinuhugasan nila ang kada hibla nito, at pagkalipas ng kalahating oras ay hindi pa rin sila tapos. Hindi ba’t baliw sila? Dahil sa paghuhugas ng kanilang buhok, sa huli ay naaantala nila ang mga wastong usapin. Kapag mas apurahan ang mga usapin, mas lalong hindi nila nararamdaman ang kaapurahan, at mas tumutuon pa nga sila sa pangangasiwa sa hindi mahahalagang usaping iyon, inaantala ang mahahalagang usapin nang hindi nakakaramdam ng pagkabalisa o pag-aalala. Kung hihimukin mo sila, napakarami pa nilang mga palusot: “Paanong iiwanan ko na lang nang hindi tapos ang mga wastong bagay na ito?” Kapag nakakakita ka ng gayong mga taong, ano ang naiisip mo? Gugustuhin mo nang husto na sipain sila. Hindi ba’t karapat-dapat na sipain ang gayong mga tao? (Oo.) Para sa ganitong mga tao, kahit na may gawaing kailangang gawin, hindi na kailangang ipagawa sa kanila ito. Masyado silang mabagal gumawa at masyado silang walang kakayahan! Kapag nakakakita kayo ng gayong mga tao, na gumagawa ng mga bagay na kasingbagal ng suso, nababalisa ba kayo? (Oo.) Sinasabi nila, “Metikuloso ako sa aking gawain!” Sinasabi ko naman, “Ano ang silbi ng iyong pagiging metikuloso? Ang iba ay hindi naman mas hindi metikuloso kaysa sa iyo, pero mas marami silang nagagawang gawain kaysa sa iyo at mas nagagawa nila ito nang maayos. Kaya bang magkamit ng mga resulta ang pagiging metikuloso mo? Ito ang susi. Kung metikuloso ka sa paggawa ng mga bagay at nagkakamit ka rin ng pagiging episyente at ng magagandang resulta, may halaga ang pagiging metikulosong iyon. Pero kung metikuloso ka lang sa paggawa ng mga bagay at sa huli ay wala kang nakakamit na mga resulta ni ng pagiging episyente, kapaki-pakinabang ba iyon? Wala itong silbi!” Ang ilang tao ay labis na metikuloso sa paggawa ng mga damit, pero hindi sila kailanman tumatama sa mga sukat. Hindi nila kayang tumpak na husgahan kung magiging sukat ba ang mga damit sa dapat na magsuot nito, hindi nila matukoy kung ang mga manggas ay masyadong mahaba o masyadong maiksi, o kung ang mga damit ay masyadong masikip o masyadong maluwag, hindi nila alam kung ano ang pamantayang lapad ng laylayan ng manggas, at hindi nila alam kung naaangkop ang kwelyo. Ang mga damit na ginawa ng gayong mga tao ay tiyak na hindi magiging pasok sa pamantayan. Kung ang isang tao ay kapwa metikuloso at may prinsipyo, ito ay tunay na isang merito ng pagkatao. Pero kung ang isang tao ay metikuloso lang at walang mga prinsipyo, hindi magawang maarok ang mahahalagang punto, at palaging inaalala ang hindi mahahalagang usapin at pinag-iisipan nang husto ang mga ito nang walang silbi, ito ay nakakainis. Ang salitang “metikuloso”, sa pangkalahatan, ay itinuturing na isang positibong termino ng karamihan ng tao, pero hindi lahat ng sitwasyon ng pagiging metikuloso ay mga merito. Depende ito sa sitwasyon. Ang ilang tao ay metikuloso sa isang bulag na paraan nang walang anumang mga prinsipyo. Ito ay hindi pagiging metikuloso kundi pagiging neurotic at hindi magawang maarok ang mahahalagang punto; nagpapahiwatig ito ng mahinang kakayahan, at ito ay pagiging hindi magawang makahanap ng diskarte para sa paggawa ng mga bagay at hindi pagiging magawang maarok ang mga prinsipyo. Samakatwid, sa Aking pananaw, bagama’t ang pagiging metikuloso bilang isang pagpapamalas o paraan ng paggawa ng mga bagay ay isang merito ng pagkatao, kailangan mo ring tingnan ang kakayahan ng tao. Kung hindi isasaalang-alang ang kakayahan, mabuti pa rin ang pagkakaroon ng isang metikulosong saloobin sa paggawa ng mga bagay. Kung ang isang tao ay kapwa may kakayahan at pagiging episyente sa paggawa ng mga bagay, at kayang sumunod sa mga prinsipyo, at higit pa roon ay metikuloso, ang pagiging metikuloso na ito ay tunay na ang dagdag na kagandahan at isang tunay na merito ng pagkatao.
Pag-usapan natin ang tungkol sa isa pang pagpapamalas: ang pagkahilig na magpakitang-gilas. Sa anong uri ng isyu ito nabibilang? (Mga tiwaling disposisyon.) Halimbawa, ang ilang tao ay kayang mag-type nang napakabilis. Para maipaalam sa iba na mayroon silang ganitong kalakasan, sadya nilang tinitipa ang keyboard nang napakalakas, na para bang gusto nilang sabihin, “Pakinggan mo ang ritmo ng pagta-type ko, at malalaman mo kung gaano ako kabilis mag-type!” Ang ilang tao ay mga nagsipagtapos mula sa unibersidad, kaya nakagawian na nilang magsabi ng mga bagay tulad ng, “Noong nasa unibersidad kami,” “ang mga propesor namin sa unibersidad,” “ang kampus ng unibersidad namin,” at iba pa. Anong uri ng pagpapamalas ito? (Pagpapakitang-gilas.) Ito ay tinatawag na pagpapakitang-gilas. Ang ilang tao ay bumibili ng bagong kotse at natatakot na hindi malalaman ng iba na mamahaling sikat na tatak ito. Pagkatapos lumabas sa kotse, hindi sila umaalis kundi sa halip, sa isang sandali, tinitingnan nila kung may mga bakas ng daliri sa mga bintana, at sa susunod na sandali ay tinitingnan nila kung mayroong mga gasgas sa pintura. Bakit patuloy silang tumatambay sa paligid ng kotse? Ito ay para lang ipaalam sa iba na sa kanila ang kotse. Anong uri ng pagpapamalas ito? (Pagpapakitang-gilas.) Ang ilang tao ay may mamahaling telepono. Para maipakita ito sa iba, kahit wala nang baterya ang telepono, nagpapanggap pa rin sila na may katawagan. Ano ang tawag dito? (Pagpapakitang-gilas.) Bakit sila nagpapakitang-gilas? Hindi ba’t banidad ang nangyayari dito? Ang ilang tao ay nagsusuot ng mink coat, at kahit na pagkatapos pumasok sa isang silid na napakainit, hindi nila ito hinuhubad. Kapag may nagtatanong sa kanila, “Hindi ka ba naiinitan?” sumasagot sila, “Hindi. Mink ang suot ko—labis na mainit ito!” Ipinagpapalagay nila na walang alam ang iba tungkol dito! Kapag hinuhubad ito, sinisiguro nila na maipakita ang tatak nito, ipinaparada ito sa mga tao: “Hindi lang mink ang coat na ito, mula rin ito sa Ganito-at-ganyan, isang mamahalin na sikat na tatak. Ni hindi mo ito alam!” Kung hindi ito alam ng iba, bakit ka pa nagpapakitang-gilas? Hindi ba’t walang silbi ang pagpapakitang-gilas na iyon? Pinaparada pa ng ilang tao ang kanilang sarili sa Akin, sinasabi na, “Nakasuot ka ng duck down jacket? Dapat ay magsuot ka ng mink coat—napakainit nito!” Sinasabi Ko, “Mainit nga ito, pero napakabigat naman ng coat na iyon!” Nagsusuot sila ng mink coat at ipinaparada pa nga ang kanilang sarili sa harap Ko. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t mababaw ang gayong mga tao na mahilig magpakitang-gilas? Sa usapin ang kanilang pagkatao, mayroon silang dalawang problema. Ang isa ay na partikular silang mapagpaimbabaw. Pagdating sa mga panlabas na pag-aari at mga materyal na bagay tulad ng pagkaing kinakain nila, ang mga damit na sinusuot nila, at ang mga aytem na ginagamit nila, gusto nilang ibida ang lahat ng ito. Hindi nila mapigilan ang pagnanais na magpakitang-gilas at palagi nilang gustong ipakita sa iba ang mga bagay na ito, ipinapaalam sa iba na ang mga damit na sinusuot nila at ang mga bagay na ginagamit nila ay pawang mamahalin at katangi-tangi. Ano naman kung malaman ng iba? Kahit na makita ito ng iba at hindi sila tingalain ng mga ito, nagpapakitang-gilas pa rin sila. Hindi ba’t mababaw ito? (Oo.) Sila ay mababaw at parang bata—ito ang isa pang problema sa mga taong mahilig magpakitang-gilas. Sabihin mo sa Akin, ano ang makakamit nila mula sa pagpapakitang-gilas nang ganoon. Ito ba ay para lang iparamdam ang presensya nila? Kailangan ba ito? Hindi ba’t mababaw ito? (Oo.) Noong 1980s at 1990s, kung ang mga suwelas ng balat na sapatos na sinusuot ng isang tao ay naluma nang hindi pantay, papakuan nila ang mga ito ng mga iron tap, na maingay ang tunog kapag naglalakad. Ang ilang tao ay kailangang magpako ng iron tap sa mga bagong balat na sapatos bago pa man nila suotin ang mga ito, para lang ipaalam sa iba na nagmamay-ari sila ng isang pares ng balat na sapatos. Binigyan sila nito ng kumpiyansa at ipinaparamdam sa kanila ang isang pakiramdam ng kasiyahan. Naniwala sila, “Ang makuha ang atensiyon ng iba ay isang mabuting bagay. Pinatutunayan nito na kaakit-akit ako at na balido ang aking pag-iral. Kaya kailangan kong ibahagi ang aking mga kahusayan, kalakasan, at ang magagandang bagay na pag-aari ko sa lahat.” Talaga bang pamamahagi ito? Ito ay tinatawag na pagbibida. Hindi ba’t napakaraming tao sa mundong ito na mahilig magbida? (Oo.) Lahat ng tao ay iniisip na napakanormal nito, hindi ba? Walang nanghahamak sa gayong mga tao, ni walang tumitingin sa kanila nang kakaiba, dahil ang mundo ay puno ng gayong mga tao na nahuhumaling sa lahat ng uri ng kasiyahan na dulot ng materyal at salapi, at ng mga kasiyahan ng katayuan. Samakatwid, niluluwalhati ng mundong ito ang mga bagay na ito. Sa sambahayan ng Diyos, ang iba ay nasusuklam at namumuhi sa gayong mga tao. Bakit? Ang mga nananampalataya sa Diyos, mula sa simula ng pagtatatag ng pundasyon hanggang sa unti-unting pagkaunawa sa katotohanan at sa halaga at kabuluhan ng pagiging tao, ay nagsisimulang hindi na masyadong pahalagahan ang mga materyal na kasiyahan at ang ilang paimbabaw na bagay sa mundo. Naglalaho ang panloob na sigasig nila na maghangad ng mga panlabas na pag-aari, nagbabago ang mga layon at direksiyon ng kanilang paghahangad, at nag-iiba ang mga pangangailangan ng kanilang panloob na mundo. Nagkakaroon sila ng ibang perspektiba sa mga materyal na pangangailangan, nadarama na ang gayong mga bagay ay pawang hungkag at hindi matutugunan ang mga pangangailangan ng kanilang puso. Samakatwid, ang tendensiya nilang magpakitang-gilas at magbida ng lahat ng uri ng bagay ay nababawasan. Sa pinakamalala, ano ang ilang bagay na ipinapakitang-gilas o ibinibida ng mga mananampalataya sa Diyos? Maaaring ibida nila ang mga bagay tulad ng kanilang mga kasanayan o kalakasan. Halimbawa, ang ilang taong mahilig kumanta ay palaging gustong iparinig sa iba ang kanilang boses. Sinasabi nila, “Pakinggan ninyo kung gaano kaganda ang boses ko!” Natatakot sila na hindi malalaman ng iba na magaling silang kumanta, at palagi nilang gustong magpakitang-gilas sa ganitong aspekto. Sa pagbubuod, ang pagkahilig na magpakitang-gilas ay isang depekto ng pagkatao. Isa itong pagpapamalas ng pagiging immature, pagiging isip-bata, at pagiging mababaw sa pagkatao. Kapag ang mga tao ay nakakaunawa lang ng ilang salita at doktrina at hindi tunay na nagkamit ng katotohanan o nakapasok sa katotohanang realidad, mataas ang posibilidad na ipakita nila ang kapintasang ito ng pagkahilig na magpakitang-gilas, at ang depektong ito ng pagkatao ay hindi madaling mapagtagumpayan. Ito ay dahil, bago makamit ng mga tao ang katotohanan, ang mga bagay na kaya nilang ipakitang-gilas at ibida ay ang kanilang kapital at kumpiyansa sa sarili para sa pamumuhay. May kumpiyansa ka sa iyong sariling asal at motibasyon sa paggawa ng mga bagay dahil umaasa ka sa mga bagay tulad ng hitsura, tindig, mga kalakasan, antas ng edukasyon, mga kalipikasyon, o mga propesyonal na kasanayan para mamuhay. Samakatwid, ang karamihan ng tao, sa magkakaibang antas, ay nagpapakita ng kapintasan ng pagkahilig na magpakitang-gilas, at hindi ito madaling mapagtagumpayan, hindi madaling paghimagsikan. Kapag ang mga tao ay nakakaunawa sa katotohanan at nakakapasok sa katotohanang realidad, mayroon silang partikular na tayog, at nababawasan ang pakialam nila tungkol sa mga bagay na hindi nauugnay sa katotohanan, nakikita nila na hindi kailangang magpakitang-gilas o magbida, at na ang mga bagay na ito ay hindi kumakatawan na ang isang tao ay may pagkatao, ni na ang isang tao ay may tayog; at siyempre, higit pa rito, na hindi kinakatawan ng mga ito na ang isang tao ay naligtas o nagagawang magpasakop sa katotohanan at sa Diyos. Samakatwid, para sa ilang tao na dating mahilig magpakitang-gilas, habang nauunawaan nila ang katotohanan at nakakapasok sila sa katotohanang realidad, unti-unting naglalaho ang pagnanais na ito, at hindi namamalayan na napagtatagumpayan at naglalaho ang depektong ito ng pagkatao. Gamitin nating halimbawa ang isang tao na nagsusuot ng medyo mamahaling T-shirt. Kapag aksidente itong nadumihan nang kaunti, labis siyang nababalisa. Sinasabihan siya ng isa pang tao, “Bakit labis kang nababalisa? Hindi ba’t magiging maayos naman ito kung lalabhan mo lang ito?” Sumasagot siya, “Alam mo bang nagkakahalaga ng 200 yuan ang T-shirt na ito?” Pinipilit niyang banggitin ang presyo para ipaalam sa iba; saka lang siya nasisiyahan. Kung nauunawaan ng taong iyon ang katotohanan, kaya niyang harapin nang tama ang gayong mga usapin kapag nakaharap niya muli ang mga ito. Hindi niya babanggitin ang presyo, at sa puntong ito, mapipigilan ang kanyang banidad sa isang partikular na antas. Hindi ba’t ipapakita nito na ang kanyang pagkatao ay medyo hinog na at hindi na masyadong mababawi o parang bata? (Oo.) Kung gayon, ang kanyang pagkahilig na magpakitang-gilas, ang depektong ito ng kanyang pagkatao, ay mapagtatagumpayan.
Ang susunod na pagpapamalas ay hinahamak ang mahihirap at pinapaboran ang mayayaman. Ang ilang tao, kapag nakikita nila ang isang tao na mayaman, ay agad na nagpapalakas dito, nagsasabi ng mga bagay tulad ng, “Ang ganda ng balat mo. Ang ganda ng hitsura mo. Napakarangal mo, kahit ang laway mo ay mas mahal kaysa sa aming mahihirap na tao!” Kapag nakikipag-usap sa mayayamang tao at sa mga may posisyon at katayuan, labis silang malumanay. Pero kapag nakakakita sila ng isang magsasaka, palagi nilang gustong pagtawanan ito, at ang kanilang mga salita, direkta man o hindi direkta, ay nangmamaliit dito. Ganap na iba ang mga saloobin nila sa mahihirap at sa mayayaman. Handa silang magsilbi sa mga pangangailangan ng mayayaman, hanggang sa puntong handa silang maging alipin ng mga ito. Pero sa mahihirap, ibang istorya ito—kapag ang mahihirap ay nahaharap sa mga suliranin at nanghihingi ng tulong, binabalewala nila ang mga ito. Ang pagtrato nila sa mga tao na may mababang posisyon at mababang katayuan sa lipunan ay ganap na iba sa pagtrato nila sa mga may mataas na katayuan sa lipunan. Ito ay pangmamaliit sa mahihirap at pagpapabor sa mayayaman. Anong uri ng problema ito? (Isang depekto ng pagkatao.) Isa ba itong depekto ng pagkatao? Anong uri ng problema sa loob ng pagkatao ito? (Pagkakaroon ng mababang karakter.) Isa itong problema ng karakter sa loob ng pagkatao—ang pagkakaroon ng mababang karakter. Kapag nakakakita sila ng mayayamang tao, sila ay nagiging mga mapagpasakop na alipores, kumikilos sa paraang labis na nagpapakaalipin. Kapag nakakakita sila ng mahihirap na tao, gusto nilang kumilos na parang sila ang panginoon. Anong uri ng mga nilalang sila? Ang pagtrato sa mga tao sa ganitong paraan ay nagpapakita na wala silang mga prinsipyo! Ang mahihirap na tao ay medyo kulang lang sa pera at medyo may masahol na mga kondisyon sa pamumuhay—paano nila napasama ang loob mo? Ang masasamang tao ba ay tiyak na may masamang pagkatao? Ang mayayamang tao ba ay tiyak na may mabuting pagkatao? Ang mga tao ba na nangmamaliit sa mahihirap at nagpapabor sa mayayaman ay sinusukat at tinitingnan ang iba batay sa mga katotohanang prinsipyo? Malinaw na hindi. Naniniwala sila na ang sinumang may pera ay marangal at dakila, at ang sinumang mahirap ay hamak at mas mababa. Ang pamantayan ng pagsukat nila sa mga tao ay pera. Ang gayong mga tao ba ay mabubuting tao? Kumusta ang kanilang pagkatao? (Masama ang kanilang pagkatao.) Kapag nakakakita sila ng isang mayamang tao, ngumingiti sila nang sipsip; kapag nakakakita sila ng mahirap na tao, agad na nagdidilim ang kanilang mukha—napakabilis magbago ng kanilang mukha! Handa pa nga silang magbitbit ng arinola para sa isang mayamang tao, pero ni ayaw nilang magsalin ng isang basong tubig para sa isang mahirap na tao. Anong uri ng mga nilalang sila? Hindi ba’t mababa ang karakter nila? (Oo.) Mabuti ba na maging mga lider ang gayong mga tao? (Hindi.) Bakit hindi? Sa anong mga paraan sila hindi nababagay sa posisyon ng mga lider? (Wala silang mga prinsipyo sa kanilang pagtrato sa mga tao, it at ang kanilang pagpili at paggamit ng mga tao ay hindi batay sa mga katotohanang prinsipyo kundi sa halip ay batay sa kung ang isang tao ay may katayuan sa lipunan at may pera. Kung sila ay magiging lider, iaangat nila ang mga may katayuan at pera. Kung ang mga taong ito na naaangat ay masasamang tao, ang masasamang tao ay hahawak ng kapanyarihan sa iglesia, at iyon ay magiging isang sakuna.) Ang gayong mga tao ay hindi nababagay na maging lider. Sa isang banda, mababa ang karakter nila, at wala silang pamantayan ng konsensiya sa kanilang ginagawa. Sa kabilang banda, kung magiging lider sila, itutulad nila ang iglesia sa isang bagay na tulad ng lipunan—ang iglesiang pinamumunuan nila ay magiging isang panlipunang grupo. Iaangat nila ang mga mayaman at maimpluwensiya, ang mga may posisyon, katayuan, at mga koneksiyon, at ang mga namamayani sa lipunan, ginagawang mga lider ng pangkat at superbisor ang mga ito, habang tinatapak-tapakan ang mga magsasaka, mahihirap na tao, at ang mga mababa ang pinag-aralan at hindi mahusay sa pagsasabi ng mga salitang kaaya-ayang pakinggan na may mabuting pagkatao, may kakayahan, at nagsisikap na matamo ang katotohanan pero mababa ang katayuan sa lipunan. Hindi ba’t dahil dito ay magiging katulad lang ng lipunan ang iglesia? Ano pa ang magiging pagkakaiba? Sa lipunan, hindi ba’t ang mayayaman at mga may katayuan ang humahawak ng kapangyarihan? Hindi ba’t ang mga may posisyon, koneksiyon, kapangyarihan, at impluwensiya ang may hawak ng katayuan at nagiging bida sa lahat ng antas, larangan, at grupo sa lipunan? Kung ang sambahayan ng Diyos ay tulad ng lipunan, magiging sambahayan pa rin ba ito ng Diyos? Hindi na ito magiging sambahayan ng Diyos at hindi na matatawag na isang iglesia—ito ay magiging isang grupong panlipunan. Ang kahihinatnan ng pagiging lider ng mga taong nanghahamak sa mahihirap at nagpapapabor sa mayayaman ay ito mismo. Ang gayong mga tao ay nagiging alipores ng sinumang may katayuan. Sabihin mo sa Akin, ang mga tao bang kumikilos bilang mga alipores ay mayroong anumang mga prinsipyo? Mayroon ba silang mga hangganan sa kanilang sariling asal? (Wala.) Ang gayong mga tao ay walang mga prinsipyo o hangganan sa kanilang sariling asal. Kapag nahaharap sa isang mapanganib na kapaligiran, maaari silang maging Hudas. Kung babagsak ang kanilang bansa, magiging mga traydor sila. Kung magiging lider sila ng gobyerno, sila ay magiging mga pambansang traydor. Ganito sila mismong uri ng nilalang! Samakatwid, hindi sila nababagay na maging lider. Ito ay dahil hindi sila gagawa ng totoong gawain at pipinsalain nila ang mga kapatid, tinatapakan ang lahat ng mga tunay na nagsisikap na matamo ang katotohanan at may pagkatao habang inaangat ang mga may masamang pagkatao, ang mga may katayuan at prominente at maimpluwensiya sa lipunan; ito ay direktang salungat sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos para sa pag-aangat ng mga tao. Kung ang gayong mga tao ay mamumuno at hahawak ng kapangyarihan sa sambahayan ng Diyos, maaari bang makausad ang gawain ng iglesia nang maayos at nang walang hadlang? (Hindi.) Ang gawain ng iglesia at ang hinirang na mga tao ng Diyos ay masisira sa kamay ng mga taong ito. Ang mga taong ito ay magsasabwatan, maggagamitan, at magsusuportahan. Ang mga kapatid na nagsisikap na matamo ang katotohanan ay isasantabi at ibubukod—maaari pa nga na lahat sila ay maitalaga sa mga grupong B o mapaalis, kaya wala na silang malalabasan. Hindi ba’t maaaring maging ganito ang kaso? (Oo.) Kumusta ang mga ugnayan sa pagitan ng mga taong ito? Kapag nagsasama-sama sila, tinatawag nila ang isa’t isa na kaibigan, inaakbayan ang isa’t isa, at nagyayabang tungkol sa maluluwalhating kasaysayan sa lipunan, pinag-uusapan kung ano ang kaya nilang gawin para sa isa’t isa at pagkatapos ay itinatanong kung ano ang magagawa ng isa para sa kanila, kapwa ginagamit ang isa’t isa. May pagkakaiba pa ba ang mga taong ito mula sa mga tao sa lipunan? Kapag magkakasama sila, hindi nila kinakain at iniinom ang salita ng Diyos, hindi sila nagbabahaginan sa katotohanan, hindi nagbabahaginan tungkol sa kanilang personal na pagkaunawang batay sa karanasan, hindi pinag-uusapan ang tungkol sa pagkilala sa sarili, at hindi hinihimay ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Sa halip, pinag-uusapan lang nila kung gaano naging matagumpay ang takbo ng mga bagay para sa kanila sa lipunan, ang mga bagay na ginawa nila para maging bida sila, ang maluluwalhati nilang kasaysayan, kung sinong mga opisyal ang nakasama na nila sa inuman at hapunan, kung kaninong mga opisyal na sila nakapagpalakas—ang pinag-uusapan nila ay pawang ang mga bagay na ito. Ang mga tao bang ito ay mga mananampalataya sa Diyos? Nakikipagkompitensiya sila sa isa’t isa tungkol sa katayuan, pinagmulan, mga abilidad, mga pamamaraan, habang nakikipagsabwatan at ginagamit din ang isa’t isa—ganito ang kanilang ugnayan. Kung isa kang ordinaryong tao o isang magsasaka na walang anumang magagawa para sa kanila, ang tingin nila sa iyo ay walang halaga, isang tao na ganap na hindi kapansin-pansin para sa kanila, at ikaw ay isinasantabi. Ano ang pinag-uusapan nila kapag magkakasama sila? Tinatalakay nila kung aling tatak ng damit ang naglabas ng bagong aytem, kung anong bagong kotse ang nilabas, kung sino ang bumili ng diamante na may maraming karat, kung kaninong pag-aari ang nasubasta, kung kaninong stock ang bumaba o tumaas, kung kaninong kompanya naisapubliko, kung sino ang sumipsip sa mga opisyal ng gobyerno, kung sino ang nakipagsabawatan sa kung anong gang, o kung sino ang nagbigay ng maraming regalo at gumastos ng pera para ipagawa ang isang bagay—ito ang lahat ng bagay na ito. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t kasuklam-suklam ito? Kung palagi nilang pinag-uusapan ang ganitong mga bagay sa iglesia, hindi ba’t magugulo at masisira nila ang buhay iglesia at ang gawain ng iglesia? Sabihin mo sa Akin, ang gayong mga tao ba ay maaaring mapili bilang mga lider? (Hindi.) Sila ay mga oportunista. Kapag natuklasan ninyo ang gayong mga tao sa iglesia, dapat ninyo silang ilantad at paalisin—hindi pinapanatili ng sambahayan ng Diyos ang gayong mga tao. Ang mga oportunista sa sambahayan ng Diyos ay naroon lang para iraos ang mga bagay-bagay at tusong manguha ng mga pagpapala. Hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti at hindi tumatanggap ng anumang mga positibong bagay. Dagdag pa rito, ang mga taong ito ay ginagawa ang kanilang tungkulin nang walang anumang sinsaridad; ayaw nilang gumugol kahit kaunti at gusto lang nilang magkamit ng mga pakinabang. Kung walang mga pakinabang, wala silang anumang gagawin. Habang ang mga kapatid ay nakatuon sa paggawa ng kanilang mga tungkulin at paggawa nang masinop, isinasantabi nila ang kanilang mga tungkulin at nagpapakaabala sa mga personal na usapin, nagpapakasasa pa nga sa pagkain, pag-inom, at pagsasaya. Madalas din silang mag-online at gumugol ng maraming oras sa pagsasaliksik ng mga bagay na hilig nila o pinakagusto nila, tulad ng fashion, pagpapaganda at pag-iistilo ng buhok, at mga mamahaling produktong pangkalusugan. Saanman sila magpunta, kumikilos sila nang arogante at nililinlang nila ang iba; hinahanap nila ang mga taong kauri nila, at kapag nakakakita sila ng isang taong katulad nila, agad nila itong nakakasundo. Hindi nila makasundo ang mga tunay na kapatid, at sa iglesia ay hindi sila bagay at hindi mga tao. Kapag nakakakita kayo ng gayong mga tao, dapat ninyo silang layuan. Higit pa rito, kung ang karamihan ng tao o ang inyong mga lider ay walang pagkilatis at itinuturing pa rin sila bilang mga tunay na kapatid, dapat kayong kumilos para ilantad sila at paalisin sila. Nauunawaan na ba ninyo ngayon? Bakit dapat paalisin ang gayong mga tao? (Dahil ang gayong mga tao ay madaling nagdudulot ng mga panggugulo sa iglesia, nagdadala ng isang negatibong atmospera, at kayang makaimpluwensiya ng iba sa paggawa ng kanilang tungkulin at pagsisikap na matamo ang katotohanan.) Mismo, sinisira nila ang atmospera ng iglesia. Sila mismo ay hindi nagsisikap na matamo ang katotohanan at iniimpluwensiyahan din nila ang iba, pinipigilan ang mga ito. Para sa paggawa ng gawain na nagkakahalaga ng isang dolyar, iginitiit nila na pasahurin sila ng sampung dolyar. Ang paggamit sa gayong mga tao ay hindi man lang kasingsulit ng pagpapalaki sa isang aso. Kahit papaano, ang isang aso ay kayang magbantay ng bahay at maging tapat sa may-ari nito! Hindi ito nagpapakatuso kapag walang nakatingin, at hindi mo kailangang mag-alala na magdudulot ito ng problema kalaunan. Ano ang magiging mga kahihinatnan kung ang iglesia ay tutulutan ang mga tao na hinahamak ang mahihirap at pinapaboran ang mayayaman? Magagawa ba nilang tulungan ang hinirang na mga tao ng Diyos? Maaari ba silang maging kapaki-pakinabang sa iba? (Hindi.) Kapag sila ay nabunyag at nakilatis ng iba, dapat silang paalisin. Kung papayagan silang manatili, manggugulo at manggagambala lang sila, magdudulot lang ng problema, at magdadala lang ng kalamidad sa iglesia. Kung maghihintay ka hanggang sa magdulot sila ng isang malaking sakuna, at saka mo lang aayusin ang kaguluhan pagkatapos, magiging isang napakalaking problema niyon. Ayaw natin ng problema; mas gusto nating huwag na tayong maabala. Maraming gampanin at tungkulin ang dapat gawin ng mga tao—huwag nang imbitahan ang mga problemang ito.
May isa pang uri ng tao: ang mga mahilig magpalakas sa mga may kapangyarihan. Mabuti ba o masama ang mga taong nagpapalakas sa mga may kapangyarihan? (Masama sila.) Sa anong mga paraan sila masama? Ang ganitong uri ng tao ay labis na matapobre. Kapag nakakakita sila ng isang taong may katayuan, palagian silang nagsusumikap nang husto para magpalakas dito; nag-iinisyatiba sila na makipag-usap dito at magbukas dito, hainan ito ng pagkain, ipaglaba ito ng damit, at ipaglinis ito. Walang bagay na hindi sila handang gawin. Kung wala kang katayuan, nagpapanggap silang hindi ka nakikita, at kung nag-iinisyatiba kang lapitan sila, kapag nakikita ka nila, agad na sumasama ang ekspresyon ng mukha nila. Mabuti ba ang gayong mga tao? Sa anong aspekto nabibilang ang ganitong uri ng problema? (Ang ganitong uri ng tao ay mababa ang karakter at may masamang pagkatao.) Ang kanilang pagkatao ay masama at ang kanilang karakter ay mababa. Gaano kasama ang kanilang pagkatao? (Wala silang integridad o dignidad.) Mabubuting tao ba ang mga taong aktibong nagpapalakas sa mga may kapangyarihan? (Hindi.) Kung gayon ay anong uri ng mga tao sila? Ano ang karakter ng mga taong mahilig magpalakas sa mga may kapangyarihan? Mayroon silang dalawang magkaibang mukha kapag nakikitungo sa parehong tao. Hindi sila natatakot na makilatis ng iba at malaya pa ngang ipinapakita ang mga bahagi nilang ito. Ang mga taong ito ba ay may anumang pakiramdam ng integridad o kahihiyan? (Wala.) Ang mga taong ito ba na walang pakiramdam ng integridad o kahihiyan ay maaaring ikategorya bilang masasamang tao? (Oo.) Bakit sila maaaring ikategorya bilang masasamang tao? Mayroon silang dalawang magkaibang mukha sa kung paano nila tinatrato ang iba. Suriin natin ang ugat ng dalawang magkaibang mukhang ito. Ang mga taong ito ay partikular na nagmamahal sa katayuan, at minamahal nila ang mga taong may posisyon at kapangyarihan. Kapag nakakakita sila ng mga taong may katayuan, ngiting-ngiti sila, ganap na masunurin; sumisipsip at nagpapalakas sila sa mga ito nang walang anumang mga pag-aatubili, at walang kahihiyan na binobola ang mga ito. Ang pakay man nila ay sumipsip sa mga taong ito, mayroon man silang natatagong motibo ng pagkagustong mapahalagahan at maangat, ang saloobin nila sa iba ay problematiko at lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo. Kung gayon, mayroon ba silang ganitong uri ng saloobin sa mga taong may katayuan? (Alang-alang sa sarili nilang mga interes.) Pinatutunayan nito na partikulang nilang mahal ang katayuan. Sila mismo ay walang abilidad, o wala ng mga kalipikasyon, ng mga kondisyon, o ng mga oportunidad para magtamo ng katayuan. Gayumpaman, sa pamamagitan ng pagpapalakas at pakikipaglapit sa mga may katayuan, nagagawa nilang tugunan ang pagnanais nila para sa katayuan. Samakatwid, kaya nilang magpalakas at bolahin ang iba nang walang anumang mga pag-aatubili o kahihiyan. Napakababa ng karakter nila. Wala silang pakialam kung anong uri ng tao ang taong may katayuan, ni hindi nila kinikilatis kung ang pagkatao ng taong ito ay mabuti o masama, o kung ang taong ito ay masama. Basta’t ang taong ito ay may katayuan o pera, kahit na ang taong ito ay isang masamang tao, magpapalakas pa rin sila sa taong ito. Hindi ba’t ganap silang walang mga prinsipyo. (Oo.) Para sa kanila, anuman ang sinasabi ng mga taong may katayuan ay tama at mabuti, at sa paanong paraan man nagsasalita ang mga ito ay katanggap-tanggap. Basta’t ang isang tao ay may katayuan, mabuti sila sa taong iyon. Ganap silang walang mga prinsipyo at hindi normal ang pagiging mabuti nila sa taong iyon. Talagang wala silang pakiramdam ng integridad o kahihiyan na masasabi. Wala silang pakialam kung paano sila tinitingnan o sinusuri ng iba. Hindi mahalaga sa kanila kung ano ang iniisip sa kanila ng iba. Iniisip nila, “Gusto ko lang ang mga taong may katayuan. Gusto ko lang maging mabuti sa kanila. Ano ang mali sa pagkakaroon ng katayuan? Kayo na walang katayuan at hindi karapat-dapat sa kabaitan ko!” Ang ganitong mga tao ay walang mga prinsipyo o dignidad. Wala silang pakialam kung paano sila tinitingnan ng iba, ni kung paano sila sinusuri ng Diyos. Ang mga taong ito ay may mababang karakter. Sa pagkilos sa ganitong paraan, walang nadarama ang konsensiya nila, at ang katwiran nila ay walang pamantayan para sa paghusga. Wala silang pinakamababang mga pamantayan, at wala silang gulugod sa kung paano sila umasal. Kapag nakakatagpo ng isang taong may katayuan, agad silang yumuyuko at nagpapakasipsip at nagiging tulad ng isang alipin, inaako ang posisyon ng mapagpasakop na alipores nito. Ang sinumang may katayuan ay nagiging panginoon nila. Ang gayong mga tao ba ay may integridad o dignidad? (Wala.) May kapabilidad pa nga sila na makibahagi sa pinakakasuklam-suklam na pambobola sa mga taong may katayuan, at nangangahas silang gawin iyon sa harap ng anumang bilang ng mga tao. Wala silang pakialam sa mga pananaw ng iba o kung paano sila tinitingnan ng iba, at ang pakay lang nila ay tugunan ang sarili nilang mga pagnanais. Ganito sila kumilos sa mga taong may katayuan. Pero ano ang nangyayari kapag nawawalan ng katayuan ang taong may katayuan? Nagbabago ang kanilang mukha kapag nagkagayon. Kapag nagkagayon ay paano na nila tinatrato ang taong ito? (Agad silang nagsisimula na balewalain ito.) Agad na nagdidilim ang kanilang mukha, at ang saloobin nila ay nagiging ganap na iba: “Nawala ang katayuan mo, at gusto mo pa rin na maging mabuti ako sa iyo? Mangarap ka!” Kung ang isang taong nawalan ng katayuan ay hiniling sa kanila na magsalin ng isang baso ng tubig, binabalewala nila ito. Kung hinihiling sa kanila nito na tulungan ito, binabalewala nila ito. Kung gusto nitong makipag-usap sa kanila nang taos-puso, sinasabi nila, “Karapat-dapat ka ba? Mayroon ka ba ng mga kalipikasyon para makipag-usap sa akin? Sino ka ba sa tingin mo?” Napakalupit ng kanilang disposisyon! Krimen ba na hindi magkaroon ng katayuan? Nagbabago ba ang isang tao kapag natanggal na siya sa kanyang opisyal na posisyon? Hindi ba’t siya pa rin naman ang parehong tao? Bakit ngayon ay hindi na siya karapat-dapat na makipag-usap sa gayong mga tao? Bakit hindi siya matulungan ng gayong mga tao? Kahit na ito ay isang hayop na nahihirapan at nangangailangan ng tulong ng tao, dulot ng pakiramdam ng konsensiya, dapat pa ring tumulong ang mga tao, alagaan ito nang banayad, at pagmalasakitan ito—kung gayon ay paano pa kapag para sa isang tao? Pero wala sila kahit ng katiting na ito ng kabaitan ng tao. Dagdag pa sa mga pagpapamalas na ito, lumalagpas pa ang ilang tao. Iniisip nila, “Dati ay mabait ako sa iyo dahil may katayuan ka. Ngayong nawala na ang katayuan mo, inaasahan mo pa rin na irerespeto kita at tutulutan kang huwag mapahiya, umiwas na ilagay ka sa mga nakakaasiwang posisyon sa mga pag-uusap, at na sundin ang mga utos mo tulad ng dati? Asa ka pa! Dapat maging mapagpasalamat ka na hindi kita tinatapak-tapakan!” Anong uri ng nilalang nga ba sila? Kapag ang isang tao ay nahihirapan, bukod sa binabalewala nila ito, tinatapak-tapakan din nila ito kapag nakatalikod ito, naghahanap sila ng mga oportunidad para apihin at supilin ito. Anong uri ng tao sila? (Sila ay masasamang tao.) Ang kanilang tunay na mukha bilang masasamang tao ay lumilitaw sa ganitong paraan, hindi ba? Sa mga taong may katayuan, umaasal sila na parang mga mapagpasaop na alipores, metikuloso na wasto, binabati ang mga ito nang may ngiti. Magaling sila sa sipsip na pagsang-ayon sa ibang mga tao. Kung sasabihin ng kung sinong opisyal na ang mga patatas ay maaaring itanim sa buwan, susulsol sila, “Ang mga patatas na itinanim sa buwan ay labis na masarap!” Pero kapag ang opisyal na iyon ay nawalan ng katayuan, ganap na nagbabago ang kanilang saloobin. Anuman ang sinasabi ngayon ng dating opisyal, kahit na ito ay tama, hindi sila makikinig. Kahit na kung ang dating opisyal na ito ay may tunay na pagkaunawa, binabalewala nila ito at tumatangging tanggapin ito, nakikita lang ang opisyal nito bilang hindi kaaya-aya. Sa puso nila ay iniisip nila, “Wala kang katayuan, kaya walang anumang bigat ang anumang sinasabi mo. Kahit na tama ang sinasabi mo, ano ang silbi nito? Kahit na mayroon kang katotohanang realidad, ayaw ko pa rin sa iyo. Nasisiyahan lang ako sa pagtapak sa mga taong walang katayuan—kung hindi ko sila tatapakan, sayang ang pagkakataon!” Anong uri sila ng nilalang? Kung wala kang katayuan, hindi ka kaaya-aya para sa kanila. Kahit gaano ka kabuti sa kanila, wala itong silbi. Paano man sila ilagay sa kapantay na posisyon sa iyo at paano mo man sila tratuhin ayon sa mga prinsipyo, hindi nito mababago ang saloobin nila sa iyo. May pagkatao ba ang gayong mga tao? (Wala.) Ano ang pagpapamalas ng kawalan nila ng pagkatao? Hidi ba’t ito ay kalupitan? (Oo.) Ang disposisyon ng mga tao na mahilig magpalakas sa mga may kapangyarihan ay labis na malupit, at para sa akin ay labis na kasuklam-suklam ang gayong mga tao. Sa mga mata ng gayong mga tao, kapag may katayuan ka, ang iyong mga kapintasan at depekto ay pawang nakikita bilang mga merito at mga kalakasan. Pero kapag wala kang katayuan, ang mga kalakasan at merito mo ay pawang nakikita bilang mga kapintasan at depekto. Walang anumang bigat ang mga sinasabi mo, at ayaw nila ang lahat ng tungkol sa iyo. Palagi ka nilang gustong apihin, tapakan, at supilin. Mayroon silang malupit na disposisyon, hindi ba? (Oo.) Inaapi nila ang mga walang katayuan sa anumang paraang gusto nila. Pakiramdam nila ay isang kasalanan ang hindi pang-aapi sa mahihinang tao. Kahit na hindi mo sila galitin, aktibo silang maghahanap ng kapintasan sa iyo, aapihin ka at tatapakan ka, minamaliit ka nang may labis na paghamak. Para bang ang kawalan ng katayuan ay isang kasalanan, ginagawa kang hindi karapat-dapat na mamuhay o malagay sa kanilang presensiya; para bang nagdulot ka ng problema sa iyong sarili at nararapat sa iyo ang kamalasan kung wala kang katayuan. Anong uri ng nilalang sila? Ang gayong mga tao ba ay dapat na pahintulutang manatili sa iglesia? (Hindi.) Ang mga tao bang mahilig magpalakas sa mga may kapangyarihan ay maaaring mapili bilang lider? (Hindi.) Bakit hindi? Sadyang ganito sila umasal sa mga taong may katayuan—kung sila mismo ang magkakamit ng katayuan, hindi ba’t magiging diktador sila, gagawin ang kanilang sarili na pinakamataas? Magiging malaking sakuna iyon! Babalewalain nila ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, ang mga atas administratibo, at ang mga mungkahi ng mga kapatid, at susupilin pa nga ang mga walang katayuan anuman ang sinasabi o ginagawa ng mga ito. Sisirain nila ang iglesia. Ang ganitong mga tao ay may labis labis na pagnanais para sa kapangyarihan, at kapag nakuha na nila ang gusto nila, ang mga kahihinatnan ay hindi lubos maisip. Ang mga taong nagpapalakas sa mga may kapangyarihan ay partikular na malupit at labis na mababa ang karakter. Ano ang mga pangunahing katangian ng kanilang tiwaling disposisyon? (Kalupitan.) Kabuktutan, kalupitan, at ang pagiging tutol sa katotohanan. Ang talagang buktot ay kung paano sila gumagamit ng dalawang ganap na magkaibang mukha sa pakikitungo sa parehong tao, nagbabago nang labis namabilis. Hindi ba’t buktot ito? (Oo.) Kahit na hindi sila galitin ng mga taong walang katayuan, mag-iinisyatiba silang atakihin, apihin, at yurakan ang mga ito. Hindi ba’t malupit ito? (Oo.) May katayuan man o wala ang isa pang tao, hindi nila magawang kumilos nang ayon sa mga prinsipyo o tratuhin ang mga ito nang patas. Kapag sinasabi mo sa kanila, “Sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan ang may hawak ng kapangyarihan, at ang mga tao ay tinatrato nang patas,” tinatanggap ba nila ito? (Hindi.) Pumapasok lang sa ito sa isang tainga at lumalabas sa kabila, at iniisip nila, “Anong patas? Ang mga tao ay sadyang mataas o mababa, marangal o hamak. Ang mga may katayuan ay marangal; ang mga walang katayuan ay walang silbing basura!” Ito ang kanilang lohika at prinsipyo sa pagtingin at pagtrato sa mga tao. Hindi nila tinatanggap ang mga katotohanang prinsipyo at sinasabi pa rin nila ang kanilang baluktot na katwiran. Hindi ba’t tutol sila sa katotohanan? (Oo.) Hinaharap nila ang katayuan at kapangyarihan gamit ang sarili nilang lohika at mga prinsipyo para sa mga makamundong pakikitungo, at ginagamit ang sarili nilang mga perspektiba para sa mga makamundong pakikitungo, at ginagamit ang sarili nilang mga prinsipyo at paraan para sa mga makamundong pakikitungo para pangasiwaan ang mga usaping ito, sa halip na ang mga hinihingi at prinsipyo ng sambahayan ng Diyos para sa kung paano tratuhin ang mga tao. Hindi ba’t ito ay hindi pagtanggap sa katotohanan, hayagang pagtutol sa katotohanan? Sa puso nila, iniisip nila, “Kung may katayuan ka, ikaw ang amo sa puso ko.” Ang Diyos at ang katotohanan ay walang puwang sa puso nila. Anong uri ng disposisyon ito? Ang pagiging labis na dominante at hangal na matigas ang ulo—hindi ba’t ito ay hindi pagtanggap sa katotohanan? Hindi ba’t ito ay pagiging tutol sa katotohanan? (Oo.) Ganoong disposisyon mismo ito. Sa usapin lang ng kanilang pagkatao, ang gayong mga tao ay may mababang karakter, labis na kasuklam-suklam, at hindi karapat-dapat na makisalamuha sa mga ito. Pero sa usapin ng kanilang disposisyon, hindi lang ito isang usapin ng kung karapat-dapat bang makisalamuha sa mga ito. Ang mga taong ito ay may malupit at buktot na mga disposisyon, at hindi sila mga pakay ng pagliligtas. Lahat sila ay parurusahan at mamamatay; ang mga gawa nila ay katumbas ng isang malubhang krimen. Ang mga taong ito ay bulag na nagpapalakas sa mga may kapangyarihan at nagpapakita ng masunuring asal ng mga tuta, na siyang kasuklam suklam. Sa posisyon ng mga lider ng iglesia, ang gayong mga tao ay isang panganib. Kung pipiliin ninyo ang gayong mga tao bilang mga lider ng iglesia, mahaharap kayo sa kalamidad. Ang ilang lider ngg distrikto, dahil hangal sila at hindi makakilatis ng mga tao, ay itinatalaga pa nga ang ganitong uri ng tao bilang isang kandidato na maging lider ng iglesia, na nagreresulta sa panlilinlang sa mga kapatid sa iglesia. Ang ganitong uri ng mga tao, na mahusay sumipsip sa iba, at magpalakas sa mga may kapangyarihan, at sa panlabas ay mukhang napakasigasig at sumusunod sa bawat salita ng mga lider, ay madaling napipili bilang mga kandidato. Ito ay dahil ang ilang lider at manggagawa ay gusto ang mga sumisipsip sa kanila, at ang mga mapagpaalipin, at hindi nila makalatis ang mga kahihinatnang naidudulot ng ganitong uri ng mapagpaimbabaw na tao sa iglesia kapag ito ay naging isang lider. Madalas, kapag napili ang gayong mga tao at nagkamit sila ng katayuan, agad na lumalabas ang kanilang mapaminsalang bahagi at nagsisimula silang guluhin ang iglesia. Ang mga lider na pumili sa kanila ay pinagsisisihan ito kapag nakita nila na ang mga taong pinili nila ay masasamang tao, pero hindi nila malunasan ang mga kahihinatnan na idinulot ng mga kilos nila sa iglesia. Ito ang ganap na kahihinatnan ng pagkakaroon ng mga lider at manggagawa ng mga tiwaling disposisyon at pagkilos nang walang mga prinsipyo. Ang mga nagpipitaganan sa katayuan at kapangyarihan ay hindi mga taong nagmamahal sa katotohanan. Nagpapalakas sila sa sinumang may katayuan, at ngumingiti sila nang sipsip sa tuwing nakakakita sila ng mga lider at manggagawa. Ang ilang lider ay hindi kayang tiisin ang tuksong ito; labis silang nasisiyahan kapag nakakakita sila ng mga taong may sipsip na ngiti at gusto nilang iangat ang mga ito para maipakitang-gilas ang sarili nilang kapabilidad. Sa katunayan, kapag ang mga taong iyon ay sumisipsip sa kanila at nginingitian sila nang sipsip, mayroong masasamang matibo ang mga ito, pero iniisip ng mga lider na ito na ang mga taong iyon ay tunay na mabuti. Kapag ang mga taong iyon ay naging lider, ang mga ito ay hindi nagpapasakop sa kahit na sino, at binabalewala ng mga ito ang mismong mga lider na nag-angat sa kanila. Saka lang napagtatanto ng mga lider na iyon na ang mga taong ito ay hindi mabuti, at na mga maling tao ang inangat nila. Sa gayong sitwasyon, ano ang dapat gawin? Hindi ba’t dapat na malunasan ang sitwasyong ito? (Oo.) Paano ito dapat lunasan? (Ang mga taong ito ay dapat na agad na ilantad at pagkatapos ay tanggalin.) Ang mga taong ito ay hindi kayang gumawa ng totoong gawain; sila ay mga tao lang na magulo ang isip na ang alam lang ay magpalakas at sumipsip sa mga may kapangyarihan. Dapat silang tanggalin agad ng mga lider, at dapat magsisi ang mga lider na sa oras na iyon ay bulag ang pareho nilang mata at at ang puso nila at hindi nila nagawang kumilatis ng mga tao, kaya nakapili sila ng maling mga tao. Ngayon ay may oras pa para agad na lunasan ang sitwasyon. Nagagawa mo na bang kilatisin ngayon ang gayong mga tao na nagpapalakas sa mga may kapangyarihan? (Oo.) Walang silbi ang gayong mga tao.
Ngayon ay pag-usapan natin ang tungkol sa mga pagpapamalas na kinasasangkutan ng mga likas na kondisyon. Ang pagkakaroon ng napakahusay na memorya—sa anong aspekto nabibilang ang pagpapamalas na ito? (Mga likas na kondisyon.) Ang pagkakaroon ng napakahusay na memorya, pagkatanda sa mga bagay nang tumpak, pagkabisado sa mga artikulo, sa mga sipi ng salita ng Diyos, mga himno, o sa isang pagsasaayos ng gawain na ng napakalinaw at napakatumpak—sa anong aspekto ito dapat mapabilang? (Mahusay na kakayahan—isang likas na kondisyon.) Isa itong likas na kondisyon. Tungkol naman sa kung aling partikular na aspekto ng mga likas na kondisyon ito nabibilang, sa tingin ko ay hindi ito dapat mapabilang sa kakayahan. Kung ito ay pagkakaroon lang ng mahusay na memorya, kakayahang makaalala ng mga bagay, na makaalala ng marami, makaalala nang tumpak, at makaalala ng mga bagay nang mariin, sa pinakamainam ay nabibilang ito sa kategorya ng mga likas na kalakasan, talento, at abilidad. Tungkol naman sa kung mahusay o hindi ang kakayahan ng isang tao, depende iyon sa kung kumusta ang kanyang abilidad na makaarok. Kung ang isang tao ay may napakahusay na memorya, nagagawang magkabisado ng isang seksyon ng mga liriko, ng isang bahagi ng kaalaman at doktrina, o ng isang propesyonal na kasanayan nang napakahusay, nang napakabilis, at nang napakadiin, pero ang kanyang nakakabisado ay mga bagay na mapanuto at hindi pleksible, na hindi kinasasangkutan ng mga katotohanang prinsipyo at na hindi maaaring ilapat o ipatupad sa tunay na buhay o sa gawain—kung mayroon lang siyang mahusay na memorya—isa lang itong kalakasan at abilidad sa loob ng kanyang mga likas na kondisyon, hindi ito umaangat sa antas ng pagkakasangkot ng kanyang kakayahan. Gaya ng tinalakay natin kanina, ano ang kakayahan? (Pagiging episyente at epektibo sa paggawa ng mga bagay.) Kung mayroon kang mahusay na memorya at mahusay na kakayahan, anong uri ng mga pagpapamalas at katangian ang dapat mayroon ka? Ito ay na, tungkol sa mga bagay na naririnig mo, batay sa kakayahang makaalala nang tumpak, kaya mo ring maarok ang mahahalagang punto, mahanap ang mga prinsipyo, makahanap ng isang landas ng pagsasagawa at ng isang plano ng pagpapatupad, at pagkatapos ay nagagawang aktuwal na ilapat ang mga ito sa tunay na buhay at gawain, ginagawa ang mga bagay nang episyente at epektibo. Ibig sabihin nito na ang mga salita ng Diyos at ang mga katotohanang prinsipyong kinabisado mo ay hindi nananatili sa teoretikal na antas, kundi ipinapatupad sa paggampan ng iyong tungkulin at nagiging katotohang realidad mo, nagluluwal ng mga resulta sa gawain na kayang makita ng mga tao at pinapabuti ang pagiging episyente ng gawain. Hindi lang ito pagkakaroon ng mahusay na memorya kundi pagkakaroon din ng mahusay na kakayahan. Hindi ito ang kaso na ang pagkakaroon ng isang mahusay na memorya ay katumbas ng pagkakaroon ng mahusay na kakayahan. Sa halip, ang pagkakaroon ng abilidad na makaarok, ang magawang hanapin ang katotohanan at hanapin ang mga prinsipyo ng pagsasagawa sa katotohanan kapag sumasapit ang mga bagay sa iyo, at pagpapatupad ng gawain nang walang paglihis at paggawa nito nang tumpak, mabilis, at epektibo—ito lang ang pagkakaroon ng mahusay na kakayahan. Ang mahusay na kakayahan ay hindi tungkol sa pagkaunawa ng ilang doktrina at pagkatapos ay kakayahang maglitanya ng maraming doktrina. Sa halip, ito ay tungkol sa pagkaunawa at pagkaarok ng ilang katotohanang prinsipyo, at pagkatapos ay magawang pleksibleng ilapat ang mga ito sa iyong gawain at tungkulin, ginagawa ang mga ito na bahagi ng iyong tunay na buhay, at binabago ang mga ito mula sa isang teorya papunta sa isang realidad, na nagtutulot sa mga prinsipyo na magkaroon ng epekto at magkamit ng mga resulta sa mga tao, nagdadala sa mga tao ng mga pakinabang at bentaha. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng kakayahan. Kung naiipit ka sa antas ng pagkaunawa sa mga salita at doktrina at hindi mo maipatupad ang gawain, at hindi mo mahanap ang mga prinsipyo o ang mga pamamaraan—ibig sabihin, kung ang aspektong ito ng katotohanang prinsipyo ay palaging nananatili lang bilang isang teorya para sa iyo, at wala kang paraan, walang metodo, at walang landas para gawin itong realidad—ito ang ibig sabihin ng pagiging kawalang kakayahan o ng pagkakaroon ng mahina kakayahan. Gaano man kahusay ang iyong memorya, kahit na lumalampas ito sa memorya ng mga ordinaryong tao hanggang sa punto na halos nagiging isang ekstraordinaryong abilidad na ito, hindi iyon nangangahulugan na mayroon kang mahusay na kakayahan. Ano ang tinutukoy ng mahusay na kakayahan? Paano nasusukat ang kakayahan? (Hinuhusgahan ito batay sa kung kaya ng isang tao na maunawaan ang mga prinsipyo ng gawain at maipatupad ang mga prinsipyong iyon nang wasto para magkamit ng mga resulta.) Hinuhusgahan ito batay sa pagiging episyente at epektibo, tama ba? (Oo.) Ang ilang tao ay kayang tandaan ang mga pagsasaayos na gawain nang mabilis at tumpak, at kaya rin nilang maunawaan ang mga ito sa teorya. Gayumpaman, pagdating sa pagpapatupad, kung may magtatanong sa kanila, “Paano dapat gawin ang gawain ito? Mayroon ka bang mga ideya plano o hakbang?” sumasagot sila, “Wala, hindi ko alam kung paano ito gawin.” Ito ay kawalan ng kakayahan. Sa pinakamainan, isa lamang itong kalakasan sa isang larangan. Naaalala Ko na noong noong una tayong nagbahaginan sa paksang ito, tinalakay natin ang isyung ito. Maaaring nalimutan na ninyo, at sa pagkakataong ito ay kinategorya ninyong muli ang napakahusay na memorya sa ilalim ng kakayahan. Ang palaging maling pagkaunawa sa mga kalakasan at talento ng isang tao, at ang palaging pagkakategorya ng isang partikular na kalakasan o talento sa ilalim ng mahusay na kakayahan, ay isang malubhang pagkakamali. Kung nalutas ang isyung ito at nauunawaan ninyo kung ano ang kalakasan, kung ano ang talento o abilidad, at kung ano ang tunay na kakayahan, magiging kapaki-pakilabang ito para sa pagkilatis ng mga tao at para sa sariling paglago ng buhay ninyo. Sa pinakamababa, maaari ito makatulong na mapigilan ang inyong mayabang na disposisyon nang kaunti, para hindi na kayo magkakamali ng paniniwala na mayroon kayong napakahusay na kakayahan dahil lang kaya ninyong umawit o sumayaw nang mahusay. Kaya, kaya pa rin ba ninyong suriin ang usaping ito sa ganitong paraan ngayon? (Hindi.) Kung gayon, ano ang aktuwal na kailangang taglayin ng mga taong kayang kumanta para magkaroon ng mahusay na kakayahan? (Kailangan nilang magkaroon ng abilidad na makaarok, alamin kung anong paraan ng pagkanta ang naaayon sa katotohanan, at magkaroon din ng talas ng damdamin.) Napakahalaga ng talas ng damdamin. Kita mo, ang lahat ng taong ito ay nakakaalam ng kaunting teorya sa musika, pero magkakaiba ang epekto ng kanilang pagkanta. Ang ilang tao ay kayang kapain at hanapin ang isang landas para sa pagkanta. Nakikinig sila sa iba’t ibang kanta, iba’t ibang melodiya, at iba’t ibang istilo ng pagkanta mula sa iba’t ibang tao, at pinakikinggan nila kung anong mga teknik sa pagkanta ang nakakaantig at nakakatuwa. Nakakahanap sila ng isang partikular na damdamin mula sa prosesong ito at pagkatapos ay patuloy silang nagsisiyasat at nagsasanay batay sa damdaming iyon. Pagkalipas ng ilang panahon, nadarama nila na bumuti ang kanilang pagkanta, at ang iba ay handang makinig dito. Unti-unti, ikinukumpara nila ito sa mga teorya at kinukumpirma na ang landas na ito ng pagsasagawa ay tama. Nagagawa nilang matuklasan ang landas ng pagsasagawa para baguhin ang kanilang paraan ng pagkanta at itama ang dati nilang mga maling paraan ng pagkanta. Pagkatapos ay nagagawa nilang higit na ipatupad at ilapat ang mabuti, tama, at positibong mga elemento na nalutas nila sa sarili nilang pagkanta. Kaya nilang madama kung anong paraan ng pagkanta ang tama at kung anong paraan ang hindi tama, at kung anong paraan ng pagkanta ang nagdudulot ng isang mabuting damdamin at kung anong paraan ang nagdudulot ng isang masamang damdamin. Ito ay pagkakaroon ng mahusay na kakayahan. Kung mayroon lang silang teoretikal na kaalaman pero hindi nila kayang ilapat ang teorya sa kanilang aktuwal na pagkanta, at baluktot ang kanilang pagkaarok, hindi mahusay ang kanilang kakayahan. Tingnan mo ang ilang taong kumakanta—kapag tinutukoy ng iba na gumagamit sila ng huwad na boses, kaya nila itong tanggapin, at pagkatapos ng isa o dalawang taon ng pagsasanay, naitatama nila ito. Bagama’t hindi pa sila napakahusay sa pagkanta, kumakanta na sila gamit ang kanilang tunay na tono at boses. Sa kabilang banda, ang ilang tao ay kumakanta sa isang huwad na boses, at malinaw ito sa sinumang nakakarinig sa kanila, pero iniisip pa rin nila na kumakanta sila gamit ang kanilang totoong boses, ang kanilang tunay na tono at boses, hindi nila makilatis ang pagkakaiba. Nagpapakita ito ng kawalan ng kakayahan at ng kawalan ng talas ng damdamin, ng kawalan ng abilidad na madama ang mga bagay. Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng kakayahan at kalakasan. Kung mahusay ka sa pagkanta, kalakasan mo iyon; isa itong likas na kondisyon. Gayumpaman, kung kaya mong kumanta nang mahusay at madama ang diwa, mga prinsipyo, at mga esensyal sa larangang ito, sa propesyong ito, ay isang usapin ng kakayahan. Kung kaya mong madama ang diwa, mga esensyal, at mga prinsipyo, maaari kang maging isang mang-aawit, isang master vocalist. Kung mahilig kang kumanta, aralin mo ito nang mabilis, at tumpak na maging dalubhasa sa melodiya, ritmo, at pitch, maaari lang itong tawaging isang likas na kalakasan at pagiging mahusay sa partikular na propesyonal na kasanayang ito. Gayumpaman, dahil sa napakakatamtaman at napakalimitado mong kakayahan, palagi kang mananatili sa loob ng mga limitasyon ng pagiging mahusay dito. Hindi mo magagawang maabot ang antas ng pagkadalubhasa sa mga esensyal at hindi mo magagawang maging isang tunay na mang-aawit at master vocalist. Ito ang limitasyon na ipinapataw ng iyong kakayahan. Ang mga taong may mahusay na kakayahan ay may potensyal at pagkakataong humusay, habang ang mga may katamtaman o mahinang kakayahan ay walang potensyal o pagkakataong humusay. Kaya, nasaang larangan man ang iyong mga kalakasan, kung mahina ang kakayahan mo, hindi maiiwasan na malilimitahan ka ng iyong kakayahan. Gaano man kahusay ang talento mo sa isang partikular na larangan, gaano mo man ito kagusto, gaano man kalaki ang interes mo, hindi ka magkakaroon ng potensyal na humusay dahil sa iyong mahinang kakayahan, dahil hindi mo kayang higitan ang kakayahan mo. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Ngayong nasabi Ko na ito, mawawalan ba kayo ng kumpiyansa sa pagkanta? Sadyang tinatalakay Ko lang ang kasalukuyang usapin, ginagamit ang isa sa inyong mga kalakasan bilang halimbawa para pagbahaginan ang tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng kakayahan at mga kalakasan. Gayumpaman, hindi hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa inyo na maging mga tunay na master vocalist, na kumanta nang may mataas na antas ng katumpakan, na makabuo ng isang partikular na istilo ng pagkanta, o magkamit ng malaking tagumpay sa pagkanta. Hindi hinihingi ang mga ito. Gamitin lang nang mahusay ang inyong umiiral na kakayahan at mga kalakasan—ayos na iyon. Hangga’t may pagpapahayag ng mga tunay na damdamin at sinseridad, sapat na iyon. Sa puntong ito, huwag kayong panghinaan ng loob o sumuko dahil lang sinabi Ko na ang ilan sa inyo ay may mahinang kakayahan o my napakakatamtamang kakayahan na may maliit na pagkakataon para maging mahusay. Hindi iyon kinakailangan. Panghihinaan ba kayo ng loob? (Hindi.) Dapat ninyong harapin ang usapang ito nang tama. Kung hindi Ko ginamit ang mga sitwasyon ninyo bilang mga halimbawa, maaaring hindi ninyo ito maintindihan, maaaring hindi kayo magkaroon ng lubusang pagkaunawa, at maaaring hindi ninyo isapuso ang anumang sinabi Ko. Para matulungan kayong makaunawa nang lubusan, kailangan Kong magbigay ng ilang halimbawa para ang lahat ay magkaroon ng mas mahusay na pagkaunawa. Sa ganitong paraan, ang inyong pagkaunawa sa pagkakaiba sa pagitan ng kakayahan at mga kalakasan ay magiging mas tumpak din. Ayos lang ba sa inyo ang ganitong paraan ng pagbabahaginan? (Oo, ayos lang.) Mabuti naman na ayos lang sa inyo. Harapin ninyo ito nang tama. Magsagawa kayo ayon sa nararapat. Ang pagsasapuso mo rito, at ang pagsasagawa papunta sa isang mabuting layon at direksiyon ay palaging magiging mas mainam kaysa sa hindi pag-usad o pagkaipit sa mga dati mong gawi. Bagama’t ang kakayahan mo ay limitado o mahina, kailangan mo pa ring magsumikap na magsagawa at magpunyagi para makamit ang pinakakaya mo sa loob ng saklaw ng iyong limitadong kakayahan. Dapat nating ilaan ang buong puso natin at ang buong pagsisikap natin, ginagawa ang tungkuling ito at isinasakatuparan ang gawaing ito nang may saloobin ng responsabilidad at katapatan. Ito ang prinsipyo ng pagsasagawa na dapat mong sundin. Hindi ka dapat maging negatibo o sumuko dahil lang walang pagkakataon na umunlad ang iyong kalakasan at hindi ka magiging bida sa hinaharap. Hindi iyon katanggap-tanggap, at malinaw na hindi ito ang katotohanang prinsipyo na dapat mong sundin sa pagtrato sa usaping ito. Nauunawaan mo ba? (Oo.)
Sa loob ng bawat larangang ito—mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon—maraming partikular na detalye na kailangang maunawaan. Kailangan ba nating pagbahaginan ang mga usaping ito? (Oo.) Para sa maraming aspekto, ang mga tao ay mayroon lamang paimbabaw na pagkaunawa at hindi ito kayang ipaliwanag nang malinaw. Maaaring mayroon silang ilang kalakasan at pagkatapos ay iniisip na marangal ang kanilang karakter, naniniwala na sila ay kagalang-galang at walang mga tiwaling disposisyon, may mabuting pagkatao at mahusay na kakayahan. Ang lahat ng ito ay nagmumula sa kawalan ng abilidad ng mga tao na kilatisin nang malinaw ang mga isyung ito. Kapag mas maraming nasasangkot na detalye sa ganitong uri ng mga isyu, mas marami ang kailangang pagbahaginan; hindi ito maaaring talakayin sa isa o dalawang sesyon lamang, kundi nangangailangan ng maraming pagbabahaginan. Sige, dito na natin ititigil ang pagbabahaginan ngayon. Paalam!
Oktubre 14, 2023