Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (9)
Sa panahong ito, medyo malawak ang saklaw ng paksa ng ating pagbabahaginan, hindi ba? (Oo.) Nakapaloob dito ang ilan pang mas partikular na isyu ng pagkatao, at pati na rin ang ilang isyu sa buhay ng tao. Noong huling pagtitipon, nagbahaginan tayo tungkol sa mga paksang may kinalaman sa kakayahan, at pagkatapos ay nagbahaginan tayo tungkol sa kung paano kilatisin ang mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Sa kabuuan, natapos na ang pagbabahaginan natin tungkol sa paksa ng kakayahan; mula ngayon, maaari ninyong husgahan kung ano ang kakayahan ng isang tao batay sa nilalamang ito. Noong nagbabahaginan tayo tungkol sa tatlong aspektong ito—mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon—nagbahaginan tayo tungkol sa ilang pagpapamalas at pagbubunyag ng mga tao sa pang-araw-araw na buhay para mahusgahan kung ang mga ito ay kabilang sa kanilang mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Sa pamamagitan ng ating pagbabahaginan tungkol sa tatlong aspektong ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon, mayroon na ba kayong kongkretong pagkaunawa ngayon sa batayang estruktura ng mga tao bilang mga nilikha? (Mas nauunawaan na namin ito nang kaunti kaysa sa dati.) Ang dahilan kung bakit natin pinagbabahaginan ang tatlong aspekto ng mga pagpapamalas na nabubunyag sa buhay ng mga tao ay na ang nilikhang sangkatauhan ay binubuo ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Isa ka mang lalaki o babae, bata pa o matanda, anuman ang lahi mo o saang bansa ka man nakatira, saang panahon ka nabubuhay, o sa kung anong uri ng kapaligirang panlipunan at pinanggalingan ka namumuhay—sa madaling salita, anuman ang iyong panlabas na anyo—basta’t isa kang nilikhang tao, mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Sa ibang salita, ang bawat tao na kabilang sa tiwaling sangkatauhan ay binubuo ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at ng buhay ng mga tiwaling disposisyon. Ibig sabihin, ang bawat nilikhang tao ay nagtataglay ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Siyempre, ang mga likas na kondisyon ng isang tao ay inorden ng Diyos. Ang pagkatao ay bahagyang naimpluwensiyahan ng mga likas na kondisyon, at bahagya ring nakondisyon at naimpluwensiyahan ng pagpapalaki ng pamilya, ng kapaligirang panlipunan, at turo ni Satanas. Samantala, ang mga tiwaling disposisyon ay mga satanikong disposisyon at satanikong kalikasan ng isang tao na bunga ng panlilihis at pagtitiwali ni Satanas. Ang tiwaling kalikasang ito ay bahagyang nagmumula sa pamilya ng isang tao, baghayang nagmumula sa lipunan, at bahagyang nagmumula sa pagkokondisyon na nararanasan ng isang tao sa iba’t ibang kapaligiran. Mula sa perspektibang ito, ang bawat nilikhang tao ay hindi naman talaga isang uri ng misteryo, dahil binubuo sila ng tatlong aspektong ito: mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Samakatwid, ang pagkilatis sa kung anong uri ng tao ang isang tao ay dapat madali sa totoo lang. Kung isasantabi natin ang mga likas na kondisyong inorden at ipinagkaloob ng Diyos, ang natitira ay ang pagkilatis kung ano ang pagkatao ng isang tao at kung anong mga tiwaling disposisyon ang mayroon niya—ang mga ito ang tumutukoy kung ano ang diwa ng isang tao. Sa ganitong paraan ng pagkilatis, nagiging napakalinaw ng mga bagay-bagay. Ang pagkilatis sa diwa ng isang tao batay sa mga bagay na ito ay hindi isang mahirap na usapin. Ang pagkilatis sa ganitong paraan ay may batayan at mayroon ding pamantayan ng pagsukat.
Noong nakaraan, inilista natin ang ilang partikular na pagpapamalas ng mga likas na kondisyon na walang kinalaman sa mga tiwaling disposisyon. Ang mga likas na kondisyon ay ang pundasyon na inaasahan ng mga tao para sa pagtuloy na pag-iral, at ang mga ito ang mga kondisyon na dapat taglayin ng nilikhang sangkatauhan. Ito man ay mga kondisyong nauugnay sa kapanganakan ng isang tao, gaya ng oras, kapaligiran, at lugar ng kapanganakan, o mga aspekto gaya ng hitsura, kakayahan, mga kalakasan, instinto, mga hilig at libangan, at personalidad—ang lahat ng ito ay parte ng mga likas na kondisyon ng isang tao. Ang mga likas na kondisyong ito ay hindi nagtitiwali sa mga tao, at siyempre, ang mga likas na kondisyong ito ay hindi rin naglalaman ng anumang tiwaling disposisyon. Sa pangkalahatan, ang mga likas na kondisyon ay ilang batayang kondisyon na dapat taglayin ng isang nilikhang tao para patuloy na umiral at mamuhay. Ang pagkatao ay tumutukoy sa kung ano ang isinasabuhay kaugnay ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, na nabubunyag mula sa isang katawan na nagtataglay ng mga likas na kondisyon. Para naman sa mga tiwaling disposisyon, ito ay deretsahan—ang mga tiwaling disposisyon ay ang resulta ng pagtiwali ni Satanas sa buhay ng katawang ito na nagtataglay ng mga likas na kondisyon at pagkatao. Medyo abstrakto ba ito? Sa pangkalahatan, ang mga nilikhang tao ay mga nilikha na pinangingibabawan ng mga tiwaling disposisyon at nagtataglay ng batayang konsensiya at katwiran ng pagktao. Ang mga nilikhang ito ay mayroong iba’t ibang likas na kondisyon na inorden ng Diyos. Ito ang batayang estruktura ng sangkatauhang nilikha ng Diyos. Dito, mas madaling maunawaan ang mga likas na kondisyon at tiwaling disposisyon, pero maaaring medyo abstrakto ang pagkatao. Sa madaling salita, ang pagkatao ay isang natatanging katangian ng nilikhang sangkatauhan na naghihiwalay sa kanila mula sa ibang mga nilalang. Ang mga nilikha, na mayroon nitong natatanging katangian, ay nagtataglay ng konsensiya at katwiran, karakter, at pati ng abilidad na makilala ang kaibahan ng tama at mali. Ang mga natatanging katangiang ito, na naghihiwalay sa sangkatauhan mula sa ibang nilalang, ay bumubuo sa pagkatao. Siyempre, kabilang sa pagkataong ito ang abilidad na magpahayag gamit ang wika, ang abilidad na makilala kung ano ang tama at mali, ang abilidad na makaunawa, ang abilidad na tanggapin ang mga bagong bagay, ang abilidad na tanggapin ang salita ng Lumikha, at ang abilidad na tanggapin ang atas ng Diyos at pangasiwaan ang anumang usapin. Ito ay pagkatao. Ang pinakasimpleng pagkaunawa sa pagkatao ay na ito ay isang likas na katangian ng nilikhang sangkatauhan na naghihiwalay sa kanila mula sa ibang mga nilalang. Ang pinakabatayang kalikasan ng katangiang ito ay konsensiya at katwiran. Ito ang pinakasimpleng paraan para maunawaan ito. May ialng detalye sa loob nito, tulad ng integridad at karakter na dapat taglayin ng pagkatao, ang pagkakakilala sa kaibahan ng mga positibong at negatibong bagay, at ang pagpili at pagsasagawa ng mga positibong bagay. Sa madaling salita, ang mga bagay na ito ang dapat maunawaan at malaman ng mga tao tungkol sa tatlong aspekto ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Naisip na ba ninyo dati ang mga isyung ito? (Hindi pa namin naisip ang mga ito noon.) Sa pagharap sa mga isying ito sa unang pagkakataon, nauunawaan ba ninyo ang mga ito? Naaarok ba ninyo ang mga ito? (Medyo nauunawaan ang mga ito.) May sinuman ba na nakararamdam na masyadong malalim at medyo abstrakto ang paksang ito, at gaya ng pagtatalakay ng pilosopiya, ay medyo di-maarok? Batay sa mga partikular na pagpapamalas ng tatlong aspektong ito ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon na napagbahaginan natin nitong mga nakaraang araw, hindi dapat maging abstrakto para sa inyo kung ano ang napag-usapan kamakailan. Ang mga partikular na pagpapamalas ng tatlong aspektong ito ay dapat na nauunawaan ninyo. Dagdag pa rito, hindi ba’t dapat maging malinaw rin ang mga ugnayan sa pagitan ng tatlong aspektong ito? Ang pagkatao ay ang integridad, karakter, konsensiya, at katwiran na ibinubunyag ng isang tao batay sa pundasyon ng pagkakaroon ng mga likas na kondisyon. Ang mga tiwaling disposisyon ay ang kung ano ang isinasabuhay sa loob ng pagkatao sa pamamagitan ng mga likas na kondisyon, at ang mga ito ang iba’t ibang disposisyong isinasabuhay ng mga tao na pinangingibabawan ng buhay na ikinikintal ni Satanas sa kanila. Ibig sabihin, para makilatis kung ano ang diwa ng isang tao, tingnan ang mga disposisyong ibinubunyag niya. Kung ang mga disposisyong ibinubunyag niya ay ang mga tiwaling disposisyon ng kayabangan, pagkamatigas ng kalooban, panlilinlang, kabuktutan, o kalupitan, kung gayon, gaano mabuti man o masama ang kanyang karakter, ang taong ito ay kay Satanas sa kaibuturan, dahil ang buhay niya ay tiwaling disposisyon ni Satanas. Samakatwid, ang katangian ng isang tao ay nakasalalay sa kung buhay na taglay niya sa loob, hindi sa kanyang mga likas na kondisyon. Kung ang buhay niya ay tiwaling disposisyon ni Satanas, kung gayon, gaano man karangal o kaganda tingnan ang kanyang mga likas na kondisyon sa panlabas, ang mga ito ay kay Satanas sa kaibuturan, at siya ay isang miyembro ng tiwaling sangkatauhan. Kung ang buhay ng isang tao ay isang buhay kung saan ang katotohanan ay ang kanyang buhay, kung gayon, gaano man kaordinaryo, kanormal, o mukhang minamaliit ang kanyang mga likas na kondisyon sa panlabas—at kahit na may ipinapakita siyang ilang kahinaan, kakulangan, at mga depekto sa kanyang pagkatao sa panlabas—parte pa rin siya ng sangkatauhang iniligtas ng Diyos. Sa kabuuan, siya ay nabibilang sa Diyos, at hindi kay Satanas. Nagbabago ang diwa niya. Sa sandaling magbago ang diwa niya, nagbabago rin ang kinabibilangan niya—siya ay nabibilang sa katotohanan at sa Diyos. Samakatwid, ang salik na tumutukoy sa kinabibilangan, diwa, at huling kalalabasan ng isang tao ay hindi ang kanyang mga likas na kondisyon, at siyempre, hindi rin ang ganap niyang pagkatao, kundi kung ano buhay niya. Kung mula sa umpisa hanggang katapusan, ang buhay ng isang tao ay isang buhay kung saan ang mga tiwaling disposisyon ay ang kanyang buhay, at siya ay sa kay Satanas, kung gayon, ang kabibilangan niya ay kay Satanas; kung mayroon siyang katotohanan bilang ang kanyang buhay, siya ay nabibilang sa Diyos, at kaya, ang kabibilangan niya ay sa Diyos, sa magandang hantungang inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Batay sa iba’t ibang pagpapamalas at sa diwa ng mga tao sa lahat ng aspekto, ano ang kasalukuyang kinabibilangan ng mga tao? Ang mga tao ay mayroon bang isang buhay na kung saan ang katotohanan ay ang kanilang buhay? (Wala.) Kung gayon, saan ba mismo nakasalalay ang diwa ng isang tao? (Sa kung ano ang mayroon siya bilang buhay niya.) Mismo; anuman ang buhay o sa loob-loob, iyon ang diwa mo. Kung magbago ang buhay na nasa loob mo, at hindi na mga tiwaling disposisyon ang buhay mo, kundi ang katotohanan, kung gayon, pagdating sa diwa mo, nabibilang ka sa Diyos at sa katotohanan. Siyempre, hindi nagbabago ang katangian ng pagiging tao ng mga tao—tao pa rin ang mga tao, at pagdating sa kanilang katangian, sila ay mga nilikhang tao pa rin. Gayumpaman, dahil nagbago na ang buhay mo, nagbago na rin ang kinabibilangan mo. Sa kabuuran, ang mga likas na kondisyon ay mga batayang kondisyon na bumubuo sa nilikhang sangkatauhan. Ibig sabihin, hangga’t tinatawag kang isang nilikhang tao, dapat umiral sa iyo ang mga likas na kondisyong ito—ang mga ito ang mga batayang kondisyon. Ang pagkatao ay kung ano ang ibinubunyag at isinasabuhay sa normal na pagkatao ng isang tao habang namumuhay siya sa ilalim ng kanyang mga likas na kondisyon. Ang mga tiwaling disposisyon ay ang buhay na likas sa tiwaling sangkatauhan, nakatago ito sa ilalim ng mga likas na kondisyon at sa panlabas na anyo ng pagkatao. Ang mga ugnayan at pagkakaiba ng tatlong aspektong ito, pati na ang mga papel na ginagampanan ng mga ito o ang mga silbi ng bawat isa sa mga ito sa nilikhang sangkatauhan, ay gaya ng inilarawan. Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa ilang pagpapamalas kaugnay sa tatlong aspektong ito ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon na ibinubunyag ng mga tao. Gayumpaman, lagpas pa sa pinagbahaginan natin ang nilalaman kaugnay sa tatlong aspektong ito, kaya kailangan nating patuloy na magbahaginan tungkol sa paksang ito ngayon.
Saan tayo huminto noong huli tungkol sa iba’t ibang pagbubunyag ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon? Sa pagiging matakutin at pagiging matapang, tama ba? (Oo.) Natapos na ang pagbabahaginang iyon. Ngayon naman, tingnan natin ang pagkabulol at pagkautal kapag nagsasalita—anong klaseng problema ito? (Isang likas na kondisyon.) Isa itong likas na kondisyon at isa rin itong uri ng pisikal na depekto. Siyempre, magkakaiba ang mga anyo ng pagkabulol. May ilang taong nabubulol na nag-uunat ng isang pantig, samantalang may iba naman ay palaging paulit-ulit sa isang pantig, inaabot ng buong araw nang hindi nakakapagbigkas ng isang kompletong pangungusap. Sa madaling salita, isa itong likas na kondisyon at siyempre, isa rin itong uri ng pisikal na depekto. May kaugnay ba ito na tiwaling disposisyon? (Wala.) Wala itong kaugnay na tiwaling disposisyon. Kung may magsasabi na, “Nauutal ka kapag nagsasalita; siguradong tuso ka!” o, “Nabubulol ka kapag nagsasalita; paanong napakayabang mo?”—tumpak ba ang mga gayong pahayag? (Hindi.) Ang pagkabulol, bilang isang depekto o kapintasan, ay walang kinalaman sa anumang aspekto ng mga tiwaling disposisyon ng isang tao. Kaya, ang pagkabulol ay isang likas na kondisyon at isang uri ng pisikal na depekto. Malinaw na wala itong kinalaman sa mga tiwaling disposisyon ng isang tao at walang anumang koneksiyon sa mga ito. May isa pang sitwasyon kaugnay sa pagkabulol: Hindi karaniwang nauutal ang ilang tao kapag nagsasalita, pero kapag tinatanong mo sila, nag-aatubili at nauudlot sila sa pagsasalita; umaabot sila ng isang buong araw para lang makapagsalita ng isang pangungusap, at hindi mo pa rin matukoy kung ano ang sinusubukan nilang sabihin. Hindi kailanman sapat na espesipiko ang kanilang pananalita, palagi na lang pinapahulaan sa iyo ang ibig nitong sabihin—anuman ang hula mo, iyon ang nagiging kahulugan. Sa madaling salita, sadyang hindi nila direktang sinasagot ang katanungan mo. Halimbawa, tatanungin mo sila, “Saan ka galing?” Sasabihin nila: “Ako… ako… basta, naglibot-libot lang ako at …” Pagkarinig nito, hindi mo pa rin alam kung saan sila galing. O kaya, tatanungin mo sila, “Paano mo sinusuri ang kakayahan ng taong iyon?” Sasabihin nila, “’Ang … kakayahan niya, eh … ang lahat, alam mo … kaming lahat … um … ay hindi talaga … malinaw.” Bakit sila nagsasalita sa gayong paraan na pahinto-hinto at putol-putol? Ito ba ay pagkabulol o pagkautal? Mukhang hindi naman. Kung gayon, bakit sila ganito magsalita? Kung hindi ito dahil sa pagkabulol o pagkautal, ano ang dahilan? (Sila ay pinangingibabawan ng isang tiwaling disposisyon.) Malinaw na ito ay pagbubunyag ng isang disposisyon. Ibig sabihin, kapag ipinapahayag o ginagawa nila ang isang bagay, pinangingibabawan sila ng isang disposisyon, na parte ng buhay nila, na nagtutulak sa kanila na magsalita at kumilos para makamit ang isang partikular na pakay. Ano ang pakay na iyon? Ito ay ang itago ang mga katunayan, ang iwasang sabihin sa iyo ang mga katunayan; ayaw nilang ipaliwanag nang napakalinaw ang mga bagay-bagay. Bakit sila kumilos nang ganito? Dahil naniniwala sila na kapag ipinaliwanag nila kung ano talaga ang nangyayari, kakailanganin nilang pasanin ang mga kahihinatnan—maaaring mapasama ang loob ng isang tao o magdulot ng pinsala sa kanilang sarili. Ayaw nilang pasanin ang mga kahihinatnang ito; ayaw nilang malaman mo ang mga katunayan. Ganito ang paraan at estilo ng pagsasalita at pagkilos kapag pinangingibabawan ng isang tiwaling disposisyon. Ang buhay na nangingibabaw sa kanila para kumilos sa ganitong paraan ay kumakatawan sa kanilang kalikasan, at ang kanilang pagkilos sa ganitong paraan ay nagpapatunay na wala silang anumang katotohanan. Hindi sila nagsasalita ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung ganoon, paano dapat magsalita ang isang tao para makapagsaita ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Para magawa ito, dapat maging isang matapat na tao ang isang tao, gaya ng sinasabi ng Diyos: “Datapuwat ang magiging pananalita ninyo ay, ‘Oo, oo; Hindi, hindi.” Ginagawa ba nila ito? (Hindi.) Ano ang ginagawa nila? Hindi sila nagsasabi ng oo kapag ito ay oo, at hindi rin sila nagsasabi ng hindi kapag ito ay hindi. Anong pamamaraan ang ginagamit nila? Nagsasalita sila nang may iba’t ibang kaghulugan, gumagamit ng mga mapanlinlang at buktot na paraan para ipahayag ang ibig nilang sabihin, nang sa gayon ay makamit ang layon nilang maprotektahan ang kanilang sarili. Ginagamit nila ang mga pamamaraang itinuro at ikinintal sa kanila ni Satanas para pangasiwaan ang isang usapin o ipahayag ang isang bagay. Malinaw na ito ang tiwaling disposisyon ni Satanas. Hindi ito isang mababaw na pagbubunyag ng pagkatao, kundi isang pagbubunyag ng isang paraan ng pagkilos na pinangingibabawan ng tiwaling disposisyon ni Satanas.
Magpatuloy tayo sa isa pang pagpapamalas: pagkatuwa sa mga kapana-panabik at hindi pagkagusto sa kawalang-kawilihan; ginagawa ang lahat ng bagay at pinipili ang bawat istilo ng pamumuhay alang-alang sa mga kapana-panabik na bagay. Anong klaseng problema ito? Una sa lahat, kabilang ba ito sa mga hilig at libangan sa loob ng mga likas na kondisyon? (Oo.) Ganoon ba? Pag-isipang mabuti—nabibilang ba talaga ito roon? Normal ba sa pagkamakatwiran ng isang tao ang pagkatuwa sa mga kapana-panabik na bagay? (Hindi ito normal.) Kung gayon, naaangkop bang ikategorya ito sa ilalim ng mga likas na kondisyon? (Hindi.) Kung titingnan sa ganitong paraan, hindi ito naaangkop. Anong uri ng problema ang ganitong pagpapamalas? Kung sasabihin nating isang tiwaling disposisyon pagkatuwa sa mga kapana-panabik na bagay, anong uri ng disposisyon ito? Ito ba ay kayabangan, panlilinlang, o kalupitan? (Wala sa mga ito.) Wala itong kaugnayan sa anumang klase ng tiwaling disposisyon. Kung gayon, anong uri ng problema ito? (Ito ay isang problema sa pagkatao.) Anong uri ng problema sa pagkatao ito? Medyo wala ba ito sa lugar? (Oo.) Ito ay pag-asal nang hindi wasto at sa paraang wala sa lugar, pagkatuwa sa mga kapana-panabik na bagay, at pagiging galawgaw. Ang pagiging galawgaw ay nagpapahiwatig ng kakulangan sa normal na pagkatao. Wala itong kinalaman sa konsensiya pero ito ay pangunahing sumasalamin sa kakulangan ng pagkamakatwiran sa normal na pagkatao. Ang mga gayong tao ay hindi makapanatili sa isang gampanin o makagawa sa kanilang mga tungkulin sa isang paraan na sumusunod sa patakaran at responsable. Hindi nila magawa ang mga bagay-bagay gaya ng mga nasa hustong gulang; kulang sila sa mature na pag-iisip, mature na estilo ng pansariling asal, at mature na paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay. Sa pinakamababa, ito ay isang depekto ng kanilang pagkatao. Siyempre, hindi pa ito umaabot sa antas ng pagiging isang problema sa kanilang karakter, kundi nauugnay ito sa isang saloobin ng kanilang pag-asal at pagkilos. Ang pagkatuwa sa mga bago at kapana-panabik na bagay, pagiging paiba-iba anumang ginagawa nila, kawalan ng kakayahang magpursige, at ang pagiging galawgaw at hindi wasto, at palaging pagkagustong maghanap ng mga kapana-panabik na bagay at sumubok ng mga magarang, bagong bagay—ang mga ganitong klase ng isyu ay kabilang sa mga depekto ng pagkatao. Ang mga taong natutuwa sa mga mga kapana-panabik na bagay ay walang pagkamakatwiran ng normal na pagkatao; hindi madali para sa kanila na pasanin ang mga responsabilidad at gawaing dapat pasanin ng mga taong nasa hustong gulang. Anuman ang trabahong ginagawa nila, basta’t ginagawa nila ito sa loob ng mahabang panahon at hindi na ito bago, nababagot sila rito, nawawalan ng interes sa paggawa nito, at gusto nilang maghanap ng may pakiramdam ng pagiging bago at kapana-panabik. Kung walang mga kapana-panabik na bagay, pakiramdam nila ay hindi kawili-wili ang mga bagay-bagay at maaari pa ngang makaranas sila ng isang pakiramdam ng espirituwal na kahungkagan. Kapag ganito ang nararamdaman nila, hindi mapakali ang puso nila, at gusto nilang maghanap ng mga kapana-panabik na bagay o mga bagay na interesante para sa kanila. Palagi nilang gustong gumawa ng isang bagay na hindi kinaugalian. Sa tuwing nararamdaman nilang nakakabagot o hindi interesante ang gawaing ginagawa nila o ang mga usaping pinangangasiwaan nila, nawawalan sila ng pagnanais na magpatuloy. Kahit pa ito ay isang gawain na dapat nilang gawin o gawain na makabuluhan at may halaga, hindi nila kayang magpursige. Tingnan ninyo kung paanong, sa gitna ng mga walang pananampalataya, marami ang madalas na gumamit ng droga. Anuman ang mga dahilan sa likod nito, natutuwa silang gumamit ng droga para makahanap ng pakiramdam ng pananabik at makahanap ng mga di-makatwirang sensasyon na lampas sa taglay ng mga normal na tao. Ang mga taong natutuwa sa mga kapana-panabik na bagay ay katulad ng sa mga umaasa sa droga para sa pampasigla. Wala silang pagkamakatwiran ng mga normal na tao sa kanilang paraan ng pag-asal at palagi nilang gustong maghangad ng mga di-makatotohanan at lampas-taong sensasyon sa pagpili ng kanilang pamumuhay. Napakadelikado nito. Kadalasan, ang mga ganitong uri ng tao ay mukhang walang malalaking problema sa panlabas. Kung hindi mo kikilatisin ang gayong mga tao o malinaw na mauunawaan ang kanilang diwa o ang diwa sa ganitong uri ng problem, maaari mong isipin na, “Sadyang hindi lang matatag ang mga disposisyon ng mga taong ito; nasa trenta o kuwarenta na sila pero hindi pa rin mature na gaya ng mga bata.” Sa totoo lang, sa kaloob-looban nila, ang mga ganitong uri ng tao ay patuloy na naghahanap ng mga kapana-panabik na bagay. Anuman ang ginagawa nila, wala silang mga kaisipan at kamalayan ng mga taong nasa hustong gulang na, pati na ng diskarte at saloobin ng kung paano pinangangasiwaan ng mga taong nasa hustong gulang ang mga usapin. Kaya, ang gayong mga tao ay napakalaking problema. Marahil hindi naman masama ang pagkatao nila, at hindi naman talaga ubod ng sama ang karakter nila, pero dahil sa depektong ito sa kanilang pagkatao, napakahirap para sa kanila na maging mahusay para sa mahalagang gawain, lalo na sa partikular na mahahalagang aytem ng gawain. Kapag nakikipagbahaginan ka sa kanila tungkol sa katotohanan, sinasabi nila, “Nauunawaan ko ang lahat; hindi ko lang ito kayang gawin.” Hindi sila makapamuhay o makagawa nang maayos at responsable nang may mga kaisipan at saloobin ng mga normal na tao. Palaging hindi mapakali ang puso nila. Ang mga taong may gayong mga pagpapamalas ay napakalaking problema rin. Dito nagtatapos ang talakayan natin tungkol sa pagpapamalas ng pagkatuwa sa mga kapana-panabik na bagay.
Ngayon naman, pag-usapan natin ang tungkol sa pagkasensitibo. Gamitin natin ang pinakasimpleng paraan para ikategorya ito, magsimula tayo sa pamamaraan ng eliminasyon. Ang pagkasensitibo ba ay isang likas na kondisyon? (Hindi.) Kung gayon, isa ba itong tiwaling disposisyon? (Hindi rin.) Kung ang isang tao ay mayroong pagpapamalas ng pagkasensitibo, isa ba itong pagbubunyag ng tiwaling disposisyon? (Hindi.) Ang pagkasensitibo ay hindi tumutukoy sa pangangati pagkatapos makakain ng isang partikular na klase ng pagkain, o pagbahing at pagluha matapos makaamoy ng isang partikular na amoy; hindi ito tumutukoy sa isang pollen allergy, allergy sa mani, o anumang allergy sa mga pampreserba o mga kemikal—hindi ito tumutukoy sa pisikal na pagkasensitibo. Ang pisikal na pagkasensitibo ay tumutukoy sa pagkakaroon ng isang sensitibong pangangatawan, na madaling tamaan ng allergy na bunsod ng mga partikular na nakasasamang amoy o mga sangkap mula sa labas—ito ay pisikal na pagkasensitibo. Ang pisikal na pagkasensitibo ay isa lang instinto kabilang sa mga likas na kondisyon ng isang tao—parte ito ng likas na pangangatawan ng isang tao. Gayumpaman, ang pagkasensitibo na tinatalakay rito ay hindi tumutukoy sa bagay na ito. Matapos maihiwalay sa paksa ang mga likas na kondisyon, at sapagkat karaniwang hindi umaabot sa antas ng isang tiwaling disposisyon ang ganitong klase ng pagkasensitibo—ibig sabihin, walang partikular na pagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon—kung gayon, anong uri ng problema ang pagkasensitibong ito? (Isa itong problema ng pagkatao.) Isa ba itong kagalingan ng pagkatao o isang kahinaan? (Isa itong kahinaan ng pagkatao.) Malinaw na isa itong kahinaan sa pagkatao—kung hindi man lang ninyo ito makita, masyado kayong mangmang. Ang pagkasensitibo ba ay mabuti o hindi? Dahil isa itong kahinaan ng pagkatao, tiyak na hindi ito mabuti. Ano ang ibig sabihin ng pagkasensitibo? Sabihin ninyo sa sarili ninyong pananalita. (Pagkakaroon sobrang sensitibong pag-iisip.) Isa bang sakit sa pag-iisip ang pagkakaroon ng sobrang sensitibong pag-iisip? Sabihin ninyo sa Akin, karaniwan bang nagiging sobrang sensitibo ang mga ugat ng mga tao? Ang mga ugat ay nasa loob ng kalamnan at hindi nadadapuan ng hangin, alikabok, o iba pang mga sangkap—kaya paanong nagiging sobrang sensitibo ang mga ito? Kung ang isang tao ay palaging sensitibo, hindi ba’t isa itong problema sa kanyang mga kaisipan? Kung may problema sa kanyang mga kaisipan, nangangahulugan ba ito na may problema sa pag-iisip niya? (Oo.) Ang problema sa pag-iisip ay ginigiyahan ng kanyang mga kaisipan, kung ito ay ginigiyahan ng kanyang mga kaisipan, kung gayon, ito ay isang problemang nauugnay sa kanyang pagkatao. Pagdating sa isang tingin, isang salita, o isang pagpili ng parirala mula sa isang tao, o kapag nakakaranas sila ng isang kapaligiran o isang klase ng sitwasyon, labis nila itong binibigyang-pakahulugan, iniuugnay ito sa kanilang sarili, at pagkatapos ay nasasadlak sila sa mga emosyon ng pagkabalisa, pagipigil, kalungkutan, at pagkasira ng loob, o kawalan ng pag-asa, minsan pa nga ay nasasadlak sa pagkanegatibo—o ang mas malala pa—nagpapakita ng mga negatibong pagpapamalas ng paghahangad ng paghihiganti, pagkamapanlaban, at iba pa. Ganap na pinatutunayan ng mga pagpapamalas na ito na ang pagkasensitibo ay isang uri ng depekto sa pagkatao. Ang isang depekto ay nangangahulugan na kung mayroon kang ganitong uri ng problema, ang pagkataong ibinubunyag mo ay hindi normal. Ang problemang ito ay dulot man ng iyong mga kaisipan, estado ng pag-iisip, katwiran, o mga partikular na kuru-kuro at pananaw sa ilang aspekto, ano’t anuman, ito ay isang depekto sa loob ng iyong pagkatao. Nagsasanhi ito na maging hindi normal ang pagkataong ibinubunyag mo, na hindi umayon sa pagkamakatwiran at konsensiya ng normal na pagkatao, ni sa mga kaisipan at pananaw na bunga ng mga padron ng pag-iisip ng normal na pagkatao, o sa mga saloobin na dapat mayroon ang isang tao kapag nakikisalamuha sa iba at nangangasiwa ng mga usapin. Bilang buod, ang ibinubunyag sa aspektong ito ng pagkatao ay isang hindi normal na estado ng pag-iisip sa kaibuturan. Halimbawa, ang ilang tao ay nagiging sobrang sensitibo dahil may isang tao na hindi sinasadyang napapasulyap sa kanila—ipinagpapalagay nila na minamaliit sila ng tao, at nagiging malungkot sila at napapaiyak pa nga dahil sa pagkabagabag dito. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t isa itong hindi normal na estado ng pag-iisip? Hindi ba’t isa itong sakit sa pag-iisip? Tumpak ba ang sinasabi Ko? (Oo.) Ang pagpapamalas na ito ng pagkatao, sa tumpak na salita, ay isang sakit sa pag-iisip. Walang anumang ginagawa sa kanila ang ibang tao, pero hindi mapigilang umiiyak sila nang ilang araw at hindi makaraos dito. Isa itong depekto sa pagkatao. Kapag may ganitong mga klaseng tao sa paligid mo, lalo mong nararamdaman na nasasakal at nalilimitahan ka, hindi mo alam kung kailan ka maaaring makakuha ng gulo mula sa kanila o magsanhi ng mga problema sa sarili mo, at kailangan mong maging sobrang ingat kapag nasasalita sa harap nila, paulit-ulit na isinasaalang-alang ang mga salita mo: “Kung sasabihin ko ang salitang ito, iisipin ba nila na minamaliit ko sila? Kung hindi ko sila kakausapin, iisipin ba nila na mayroon akong lihim na motibo? Ano ba mismo ang angkop na paraan ng pagkilos?” Sa huli, mararating mo ang isang kongklusyon: Ang mga ganitong klase ng tao ay sadyang may sakit sa pag-iisip—tunay na mapanggulo! Paano mo man sila harapin, hindi ito kailanman magiging tama; anuman ang sabihin mo, o ang gawin mo, hindi nila ito kailanman iintindihin nang tama. Talagang hindi normal ang pagkatao nila. Matapos makasama ang gayong mga tao sa loob ng mahabang panahon, gugustuhin mo na lang na dumistansuya sa kanila at iwasan sila, ayaw mo na ng karagdagang pakikisalamuha. Ang mga ganitong uri ng tao ay walang pag-iisip ng normal na pagkatap—sila ay may sakit sila sa pag-iisip. Ang pagkasensitibo ay tumutukoy sa mga ganitong pagpapamalas; isa itong depekto sa pagkatao. Bagaman isa itong depekto sa pagkatao, hindi ito mas simple kaysa sa isang tiwaling disposisyon. Kapag ang isang tao ay may depekto o problema sa pagkatao, maraming gulo ang lilitaw kapag nakikisalamuha siya sa iba; magiging mahirap silang pakisamahan, at magiging mahirap din na iwasto sila. Isa itong pagpapamalas ng pagkatao.
Pag-usapan natin ang isa pang pagpapamalas—ang katigasan ng ulo. Anong uri ng problema ito? (Isa itong depekto ng pagkatao.) Una, ihiwalay muna natin sa paksa ang mga likas na kondisyon—tiyak na hindi likas na kondisyon ang katigasan ng ulo, hindi ito ipinagkaloob ng Diyos. Bukod pa roon, ang katigasan ng ulo ay hindi umaabot sa antas ng isang tiwaling disposisyon. Samakatwid, isa itong depekto ng pagkatao. Ano ang mga partikular na pagpapamalas ng katigasan ng ulo? Mayroon bang partikular na ugnayan sa pagitan ng katigasan ng ulo at kahangalan? (Mayroong kaunting ugnayan.) Sa partikular na antas, mayroong ugnayan. Kaya, ano ang mga pagpapamalas ng katigasan ng ulo? Magbigay ng halimbawa. Anong uri ng mga tao ang may tendensiyang maging matigas ang ulo? Anong mga salita at kilos ang mga pagpapamalas ng katigasan ng ulo? (Ang mga taong matigas ang ulo ay may tendensiyang mapako kapag nakaengkuwentro ng mga partikular na tao, pangyayari, at bagay.) Ang pagkakapako sa mga baga-bagay ay isang aspekto. Magbigay ng halimbawa—sa anong uri ng mga usapin bagay sila napapako? (Kapag may isang taong tumutukoy sa mga problema nila, mahilig silang magbigay ng mga palusot at gumamit ng mga nakalilinlang na pangangatwiran. Palagi silang kumakapit sa isang sa parirala o sa isang pagpili ng mga salita para ipagtanggol ang sarili nila, tumatangging tanggapin ang katotohanan o ang pagpupungos. Patuloy nilang iginigiit ang kanilang pangangatwiran para mabigyang-katwiran ang kanilang mga kilos.) Kapag pinupungusan sila ng iba o nakikipagbahaginan ang iba sa kanila tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, hindi nila ito tinatanggap. Sa halip, palagi nilang binibigyang-diin ang sarili nilang mga palusot at pagbibigay-katwiran, sinasabi na tama ang mga intensiyon nila, nang hindi man lang kinikilala ang sarili nilang mga pagkakamali. Ito ay isang pagpapamalas ng pagkapako sa isang bagay. Ang ilang tao ay nakakagawa ng mga walang ingat na maling gawa at sila ay tinatanggal, pero hindi nila pinagninilayan ang kanilang sarili. Sa halip, sinasabi nila, “Sabagay, hindi ako gusto ng Diyos, at hindi ako isang taong nagmamahal sa katotohanan, kaya iyon na iyon—walang saysay na magsumikap pa paitaas!” May nagpapayo sa kanila, “Hindi ka dapat gaanong maging negatibo. Pinahihintulutan ka ng kakayahan mo na maunawaan ang katotohanan—dapat kang magsumikap paitaas!” Sumasagot sila, “Kung inorden ng Diyos na hindi ka magkakaroon ng magandang hantungan, kahit magsumikap ka pa paitaas, wala itong silbi. Kahit gaano ka pa magsikap o gaano pa kahusay gumawa, wala itong silbi.” Sa puso nila, palagi silang nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos at nakikipagtuos sa Kanya. Kahit ano pa ang sabihin ng iba, tumatanggi silang tanggapin ito. Kahit gaano man kalapit na naaayon ang sinasabi mo sa kanilang kalagayan o gaano man ito makakatulong sa kanila na makapagnbago at magkamit ng kaunting paglago, hindi pa rin nila ito tatanggapin. Kumbinsido sila na tama ang sarili nilang mga kaisipan. Isa ba itong pagpapamalas ng katigasan ng ulo? (Oo.) Determinado at matatag nilang pinaniniwalaan na: “Ayaw sa akin ng Diyos. Kahit ano pang gawin ko, hindi Siya magpapakita sa akin ng biyaya—isinantabi na ako ng Diyos. Alam kong hindi ako isang taong nagmamahal sa katotohanan, kaya walang saysay na magsumikap paitaas. Kung makakagaw ako ng anumang tungkulin, gagawa lang ako nang kaunti. Kung tatawagin akong isang trabahador, eh di bahala na. Hindi bale, susunod na lang ako. Hangga’t may kaunting pag-asa, hindi ako aalis.” Sa katunayan, batay sa kanilang kakayahan at iba’t ibang kondisyon, hindi sila dapat maging ganito kanegatibo—may kakayahan pa rin silang gumawa ng mahahalagang bagay, at kayang magkamit ng ilang resulta sa paggawa ng kanilang mga tungkulin. Gayumpaman, dahil sa kanilang katigasan ng ulo, tumatanggi silang magsumikap paitaas, hindi nila binabago ang landas, at hindi nagsisisi; sa puso nila, naniniwala sila na hindi sila pakikitaan ng Diyos ng biyaya. Nakakatanggap ang iba ng iba’t ibang antas ng liwanag at kaliwanagan at madalas na pinapakitaan ng biyaya ng Diyos, pero hindi nila ito maramdaman, kaya nagkikimkim sila ng sama ng loob sa Diyos sa puso nila. Ito ba ay katigasan ng ulo? (Oo.) Iniisip ng ilang tao: “Iyong mga inaangat at nililinang sa sambahayan ng Diyos ay pawang ang mga sanay sa pagsasalita, may mga kaloob at kalakasan, at magaling pagpipresenta ng kanilang sarili. Ang mga taong katulad namin, na hindi marunong magpresenta ng aming sarili at hindi mahusay magsalita, ay nakakaligtaan ng sambahayan ng Diyos. Hindi kami binibigyan ng Diyos ng mga oportunidad. Kahit mayroon kaming mga talento, wala itong silbi. Kahit na mayroon kaming kakayahan at abilidad na makaarok, wala itong halaga—kailangan pa rin kaming tumayo sa gilid. Lalo na’t dahil galing kami sa mahihirap na sirkumstansiya, may mga pangkaraniwang hitsura, at hindi marunong magbihis nang maayos, hinding-hindi kami mamumukod-tangi kahit saan. Magiging ganito na lang ang buong buhay namin—walang katayuan sa mundo at walang katayuan sa sambahayan ng Diyos.” Isa ba itong pagpapamalas ng katigasan ng ulo? (Oo.) Mula sa dalawang halimbawang ito, maipapaliwanag ba ninyo nang malinaw kung ano ang katigasan ng ulo? (Mapagmatigas na paghawak sa sariling mga ideya at pagtangging makinig kaninuman.) (Pagkapit sa sariling matibay na pananaw.) Sa mga kolokyal na termino, tinatawag itong pagkapit sa sariling matibay na pananaw, pero hindi lahat ng uri nito ay katigasan ng ulo—nakadepende ito sa kung tama o hindi ang matibay na pananaw na kinakapitan nila. Kung tama ang matibay na pananaw na kinakapitan ng isang tao, katanggap-tanggap pa rin ito. Halimbawa, kung may isang taong kumakapit sa kanyang matibay na pananaw, nagsasabing, “Kahit kailan, dapat kumilos nang may konsensiya ang isang tao,” kung gayon, medyo positibo ito. Pero kung hindi tama ang matibay na pananaw na kinakapitan nila at hindi umaayon sa mga katunayan, subalit tumatanggi pa rin silang bumitiw at walang sinumang makakapagpabago ng mga kaisipan at pananaw nila anuman ang sabihin ng iba, kung gayon ito ay katigasan ng ulo. Ang katigasan ng ulo ay isang baluktot na paraan ng pag-unawa—ito ay kapag mapagmatigas na pinanghahawakan ng mga tao ang mga baluktot na kaisipan at pananaw. Hindi ito umaayon sa pagkatao o sa sentido kumon, lalong hindi ito umaayon sa mga hinihingi ng Diyos; siyempre, ganap na wala rin itong kinalaman sa katotohanan. Ang katigasan ng ulo ay tumutukoy sa pagpapatuloy sa mga baluktot na kaisipan at pananaw sa pangingibabaw ng pagkamainitin ng ulo at mga emosyon ng pagkatao. Ang mga taong nagpapakita ng ganitong uri ng mga pagpapamalas ay mga taong matigas ang ulo. Halimbawa, pagkatapos tanggapin ang pagkakapungos at pagkatapos makilala ang kanilang sarili, napagtanto ng ilang tao na nagkamali sila sa usaping ito at na dapat silang magsisi. Nakikita nila ito bilang isang pagsalangsang at naniniwala sila na tama lang na mapungusan, na sa kabutihang-palad ay dumating sa tamang oras ang pagpupungos, at na malamang na nagkaroon ng malaking pagkakamali kung wala ito. Gayumpaman, hindi ganito mag-isip ang mga taong matigas ang ulo. Sinasabi nila, “Ang pagpupungos sa akin ay pangmamaliit sa akin—ito ay pamumuna sa akin dahil hindi ako nakalulugod para sa kanila. Siguro ako lang talaga ang nasapul ng gulo at minalas. Nagkataon lang na galit sila at wala silang mapaglabasan, kaya sa akin nila ito ibinunton sa pamamagitan ng pagpupungos sa akin.” Sinasabi ng iba, “Hindi ito gaya ng iniisip mo. Bakit hindi mo suriin kung ano ang ginawa mong mali? Pinangasiwaan mo ba ang usaping iyon nang naaayon sa mga prinsipyo? Nilabag mo ba ang mga katotohanang prinsipyo?” Hindi nila sinusuri ang mga bagay na ito. Sa halip, inaanalisa, inuunawa, at hinaharap nila ang mga usapin nang may mga emosyon at pagkamainitin ng ulo. Sa kabuuran, sa karamihan sa mga pagkakataon, hindi tinatanggap ng mga taong matigas ang ulo ang mga positibong bagay o ang katotohanan—ni hindi sila tumatanggap ng mga positibong kaisipan at pananaw. Kahit ano pa ang mangyari sa kanila o anuman ang kapaligirang makatagpo nila, hinaharap nila ito nang may katigasan ng ulo at pinanghahawakan ito nang may ganap na katiyakan. Kahit pa nakikipagbahaginan ka sa kanila tungkol sa katotohanan, hindi nila ito tinatanggap at naniniwala sila na ang pinanghahawakan nila ay ganap na naaayon sa mga katunayan. Ano ang madalas nilang sinasabi? “Hindi maaasahan ang naririnig mo; tanging ang nakikita mo ang tunay. Ang nakikita ko ay ang mga katunayan. Kahit na ang sinasabi mo ay ang katotohanan, kung hindi mo pa ito nakita, wala kang karapatang magsalita tungkol dito.” Naniniwala sila na kung ano ang nakikita nila, iyon ang mga katunayan, at sa kabuuan, kung paano lumilitaw ang mga katunayang ito sa panlabas ay eksaktong ganoon ang mga ito. Kapag nagsasalita ka tungkol sa katotohanan, wala itong silbi—sa mga mata nila, ang katotohanan ay isa lang patsada, isang harapan lamang, mga kaaya-ayang pakinggang salita lamang. Kaya naman, hindi nila ito tinatanggap. Bulag silang naniniwala na, “Totoo ang sinasabi ko—hindi ito kasinungalingan—dahil nakita ko ang katotohanan ng mga katunayan. Nakita ko ang pagsisiwalat ng proseso ng mga katunayan.” Halimbawa, kapag nakakita ang isang taong matigas ang ulo ng mag-asawang nagtatalo, kung saan parehong nagsisigawan ang mag-asawa tungkol sa pagdidiborsiyo, ang kongklusyon nila ay na tiyak na magdidiborsiyo ang mga ito. Sinasabi ng iba, “Hindi ibig sabihin na gusto talaga nilang magdiborsiyo dahil lang sa nakikita mo silang nagtatalo tungkol sa diborsiyo. Nagsasabi ng masasakit na salita ang mga tao kapag galit sila. Sa katunayan, kadalasang mapagmahal ang mag-asawang ito—mayroong matibay na pundasyon ng relasyon nila. Kahit palagi silang nagtatalo, hindi nila kayang mabuhay nang wala ang isa’t isa. May sinabihan ang asawa na isang tao na nakakaalam sa sitwasyon na imposibleng maghiwalay sila ng mister niya. Kaya, batay sa mga katunayang ito at sa kanilang karaniwang pamumuhay, hindi posibleng magdidiborsiyo sila.” Hindi ito pinaniniwalaan ng taong matigas ang ulo. Kalaunan, pupuntahan nila ang mga ito para tingnan, at makikita nila na hindi talaga nagdiborsiyo ang mag-asawa, pero mapagmatigas pa rin silang naniniwala na, “Sa panlabas lang sila hindi nagdiborsiyo; sa likod nito, lihim na silang nagdiborsiyo. Hindi pa lang nila ito ipinaalam sa mga tao, alang-alang sa mga anak.” Kita mo, mapagmatigas pa rin silang kumakapit sa usaping ito. Pinaniniwalaan lang nila kung ano ang nakikita ng mga mata nila at kung ano ang sarili nilang paghuhusga, matigas na iginigiit na tama ang kanilang paghuhusga at mga kaisipan at pananaw. Kahit na hindi ganoon ang mga katunayan o ang diwa at ugat ng problema, ganoon pa rin ang paniniwala nila. Ang pagkaunawa nila sa lahat ng usapin ay nakabatay lang sa kanilang sariling mga maling palagay, pagkamainitin ng ulo, at mga emosyon—hindi sila humuhusga batay sa kalikasan ng mga katunayan o sa ugat ng problema. Kahit magbago pa ang sitwasyon, nanatiling hindi nagbabago ang kanilang paraan ng pag-unawa at ang kanilang mga kaisipan at pananaw. Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong matigas ang ulo.
Kapag nahaharap ang mga taong matigas ang ulo sa mga partikular na problema, may kaugnay na tiwaling disposisyon ang kanilang paraan ng pangangasiwa sa mga problema at ang disposisyong ibinubunyag nila. Ang katigasan ng ulo ay isang malaking depekto ng pagkatao. Siyempre, hindi ito umaabot sa antas ng karakter o integridad—ito ay nauugnay lamang sa saloobin, kaisipan, at pananaw nila sa pakikitungo sa iba at pangangasiwa sa mga usapin. Kapag ang isang tao ay matigas ang ulo, sapat na iyon para ipakita na may depekto ang kanyang pagkatao. Kapag nabunyag ang depektong ito sa isang partikular na usapin, ang ibinubunyag nila ay hindi na depekto lang sa pagkatao. Kung sa isang sitwasyon ay mapagmatigas nilang iginigiit ang kanilang baluktot na pagkaunawa at mga pananaw, naniniwalang umaayon ang mga ito sa katotohanan, at na sinuman ang makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan ay hindi nila ito matatanggap—at nagkakaroon pa nga sila ng mga mapagmatigas na kilos at pahayag—kung gayon, hindi na ito problema lang sa kanilang pagkatao. Umabot na ito sa antas ng pagiging isang problema sa kanilang disposisyon—umabot na ito sa antas ng isang tiwaling disposisyon. Halimbawa, pagdating sa pagtanggap sa pagkakapungos, kung nilalabag nila ang mga prinsipyo sa paggawa ng mga bagay-bagay at gumagawa sila ng mga walang ingat na maling gawa, dapat nilang tanggapin ang pagpupungos. Kahit hindi nila tinatanggap ang pagpupungos, dapat pa rin nilang tanggapin ang kaukulang kaparusahan at pagtutuwid. Gayumpaman, sa halip na maarok ito nang tama, nagrereklamo sila tungkol sa kanilang kamalasan, sinasabing, “Sadyang natahak ko lang ang landas ng panganib. Galit lang ang taong nagpupungos sa akin at wala siyang mapaglabasan ng kanyang galit—nagkataon lang na natagpuan niya ang isyu kong ito, kaya pinungusan niya ako.” Ang kanilang kaisipan, pananaw, at saloobin tungkol sa pagkakapungos ay isang pagbubunyag ng tiwaling disposisyon. Anong uri ng tiwaling disposisyon? (Pagkamatigas ng kalooban at pagiging tutol sa katotohanan.) Ang pagiging tutol sa katotohanan at pagkamatigas ng kalooban. Ang mga kaisipan at pananaw nila tungkol sa mga tao at bagay ay nabibilang sa katigasan ng kanilang pagkatao, pero ang mga tiwaling disposisyon na nagbubunsod sa mga mapagmatigas na kaisipan at pananaw na ito ay ang pagkamatigas ng kalooban at pagiging tutol sa katotohanan. Pinabibigat nito ang diwa ng problema—ang gayong mga tao ay mga hindi mananampalataya. Ang katigasa ng ulo ay isang depekto sa pagkatao. Ano ang mga pangunahing katangian ng mga tiwaling disposisyong kaugnay rito? Pagkamatigas ng kalooban at pagiging tutol sa katotohanan—dahil dito, umaabot na ito sa antas ng mga tiwaling disposisyon. Ano ang napapansin ninyo rito? Ang ilang depekto sa pagkatao, na may kinalaman sa mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng pag-asal at pagkilos ng mga tao, ay maaaring umabot sa mga tiwaling disposisyon. Halimbawa, ang isang taong nauutal ay mauutal kahit ano pa ang sabihin niya. Ang pagkautal mismo ay hindi isang tiwaling disposisyon at hindi ito umaabot sa antas ng isang tiwaling disposisyon. Gayumpaman, kung ang mga salitang binibigkas nang nauutal ay may hatid na nga partikular na kaisipan, at ang mga kaisipang ito ay bunga ng pangingibabaw ng isang tiwaling disposisyon, kung gayon, likas man na utal-utal ang isang tao o hindi, ang mga kaisipan sa likod ng mga salita niya ay may kaugnay na tiwaling disposisyon. Ang pagkautal ay isang problema sa pagsasalita—wala itong kaugnayan sa tiwaling disposisyon. Gayumpaman, ang mga kaisipan at pananaw sa likod ng paggamit ng pautal-utal na paraan ng pagsasalita ay inuudyukan o idinudulot ng isang tiwaling disposisyon. Kaya, kita mo, kapag ang isang depekto sa pagkatao ay may kinalaman sa mga likas na kondisyon, wala itong kinalaman sa tiwaling disposisyon. Pero kapag ang depekto sa pagkatao ay may kinalaman sa ubod ng sama, baluktot, o negatibo na mga elemento ng karakter ng isang tao, tunay nga itong kinapapalooban ng tiwaling disposisyon. Nauunawaan mo ba? (Oo.)
Talakayin natin ang isa pang pagpapamalas—ang pagiging manhid. Anong problema ito? (Isang depekto sa pagkatao.) Ang pagiging manhid ay isang depekto sa pagkatao. Ano-ano ang mga tipikal na pagpapamalas ng pagiging manhid sa mga tao? Mabagal na pagtugon, makupad na pagkilos, at kawalan ng kakayahang umangkop habang gumagawa ng mga bagay-bagay, at kapag nag-iisip tungkol sa mga problema, mayroong kakaunting ideya o nakakapagnilay-nilay lang sa kakaunting aspekto ng mga problema. Ang lahat ng ito ay tinatawag na pagiging manhid. Aling aspekto ng pagkatao ang kaugnay ng pagiging manhid? Kaugnay rito ang kalaliman ng pananaw ng isang tao tungkol sa mga tao at bagay, ang kalaliman ng sariling pag-asal at pagkilos ng isang tao, pati na rin ang katalinuhan o kakayahan ng isang tao sa pagtingin sa mga tao bagay at sa pag-asal at pagkilos. Sa pangkalahatan, anong uri ng tao ang inilalarawan ng terminong “manhid”? (Isang tao na medyo may mahinang kakayahan.) Ang pagiging manhid ay nangangahulugan na ang isang tao ay may mahinang kakayahan, mababang katalinuhan, at mabagal na pagtugon—ang pagkakaroon ng mga ganitong pagpapamalas ay pagiging manhid. Ang pagiging manhid na ito ay isang malaking depekto sa pagkatao. Hindi ito tumutukoy sa pagiging manhid ng iyong braso o binti at pagkawala ng sensasyon—hindi ito ganitong uri ng pisikal na kawalan ng pagkasensitibo. Hindi rin ito tumutukoy sa isang personalidad ng pagiging mapurol, matigas, at hindi nababaluktot. Sa halip, ito ay isang mental na reaksiyon o pagpapamalas ng katalinuhan ng isang tao sa pangangasiwa sa mga problema. Ang ganitong uri ng tao ay karaniwang nasa kalagayan ng pagiging manhid, mapurol ang isip, at walang reaksiyon pagdating sa mga tao, pangyayari, at bagay sa paligid nila. Ibig sabihin, nakikita nila ang mga bagay, pero hindi nila makilatis ang diwa ng mga bagay na iyon at hindi mapansin ang mga problema sa loob. Kapag pinaalalahanan mo sila na may problema rito, wala man lang silang reaksiyon at hindi nila alam na problema ito. Kahit may isang tao na nagbabanggit ng problema sa kanila, hindi pa rin nila malinaw na maunawaan ang kalubhaan ng problema o ang diwa ng problema. Dahil dito, napakabagal nilang pinangangasiwaan ang maraming usapin. Ito ay pagiging manhid. Ang pagiging manhid at ito mismo ay isang depekto sa pagkatao. Tungkol naman sa mga taong manhid, anuman ang edad nila o manhid man ang anumang parte ng kanilang pisikal na katawan, sa usapin ng pagpapamalas ng kanilang pagkatao sa aspektong ito, hindi nila kayang gumawa ng partikular na esensiyal na gawain, ni kayang pumasan ng gawain na may kaugnay na teknikal na nilalaman o na may likas na mataas ang espesyalisasyon. Siyempre, hindi rin kaya ng gayong mga tao na maging lider at manggagawa. Kung manhid ang isang lider o manggagawa, lilitaw ang gulo sa gawaing kanilang ginagawa, ito ay mahihinto at hindi makakausad. Hindi nila napapansin ang mga problema, at hindi nila agarang nalulutas ang mga ito, kaya, kapag may iba’t ibang problemang lumilitaw, hindi nila mapansin ang mga ito, at hindi malutas ang mga problema. Hindi nila makita ang mga problema gamit ang kanilang mga mata, kaya hindi nila masimulang lutasin ang mga ito, at hindi nila alam kung anong gawain ang pinakamahalagang gawin. Araw-araw, kaya lang nilang gumawa ng kaunting panlabas na gawain sa nakagawiang paraan. Anumang mga pagsasaayos ang iniaatas ng Itaas, Itaas, ipinapasa nila ang mga iyon, pero pagkatapos nilang ipasa ang mga iyon, wala silang ideya kung maipapatupad ba nang maayos ang mga ito, kung anong mga resulta ang maaaring matamo, o kung ano ang magiging kasunod na mga epekto. Hindi nila makilatis ang anumang bagay. Gaano man karaming tao sa paligid nila ang gumagawa ng kasamaan, o nagdudulot ng mga kaguluhan o pagkagambala, hindi nila ito mahiwatigan. Hindi rin nila alam kung gaano karaming gawain ang kailangang subaybayan o aling partikular na gawain ang kailangang maipatupad. May taong nagtatanong sa kanila: “Naitalaga at naisaayos mo ba ang gawain?” Sasabihin nila: “Naisayos na ang lahat. Nakipagbahaginan ako sa kanila at binasa ko nang malakas ang pagsasaayos ng gawain minsan—alam ito ng lahat.” Ito ba ay pagpapatupad sa pagsasaayos ng gawain? (Hindi.) Ang pagpapatupad sa pagsasaayos ng gawain ay nangangailangan muna ng maayos na pagtatalaga sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, pagtukoy kung sinong lider ang dapat humawak sa isang partikular na gawain, at pagsisiguro na ang bawat aytem ng gawain ay naitatalaga sa mga partikular na tao. Dagdag pa rito, dapat malinaw na masabihan ang mga lider at manggagawa kung paano ito gagawin at nang naaayon sa mga partikular na prinsipyo. Ang lahat ng usaping ito ay dapat malinaw na maipaliwanag para malaman ng bawat isa kung paano gawin ang gawain. Ito lang ang nangangahulugan na pagtatalaga ng gawain. Sa paggampan ng gawain, binabasa lang ng ilang tao nang malakas sa iba ang pagsasaayos ng gawain at hinahayaan ang bawat isa na magbahagi ng kanilang pagkaunawa at mga damdamin tungkol dito, at iyon na iyon. Basta’t nakikita nila na abala ang lahat sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, ipinagpapalagay nila na naipatupad na nang maayos ang pagsasaayos ng gawain. Sa puntong ito, kung tatanungin mo sila, “Mayroon bang anumang suliranin mga kapatid sa paggawa ng kanilang mga tungkulin? Mayroon pa bang anumang problema? Nakipagbahaginan ka ba para lutasin ang mga iyon?” sasagot sila, “Wala akong nabalitaang anumang problema—titingnan ko.” Sa totoo lang, hindi nagbanggit ng anumang problema o mga suliranin ang taong namamahala sa gawain, pero totoong umiiral ang suliraning iyon. Ito ay dahil masyado silang manhid na hindi nila mapansin ang mga iyon. Halimbawa, ni hindi nila nahihiwatigan kapag may dalawang tao na hindi magawang magtulungan sa isa’t isa at na nakikipag-agawan sa katayuan habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin, at nakakaapekto ito sa gawain. Sinasabi pa nga nila, “Medyo maayos naman ang ugnayan nila—nag-uusap at nakikipag-ugnayan sila sa isa’t isa. Kung hindi nila magawang magtulungan, hindi sila mag-uusap.” Tinatanong sila ng mga tao, “Nag-aagawan ba sila ng katayuan? Kaya ba nilang magtulungan nang maayos?” Sumasagot sila, “Hindi ko alam iyan.” Tanging pagkatapos ng isang pag-uusisa natutuklasan na hindi pala nila magawang magtulungan at nakikipagkompetensiya sila sa isa;t isa—nakikipagkompetensiya kung sino ang nangangaral ng mas matatayog na sermon, kaninong boses ang mas malakas, at kung sino ang nakakapagsalita nang mas matagal. Matagal nang napansin ng mga hinirang na tao ng Diyos ang mga bagay na ito. Kung tatanungin mo ang taong iyon, “Maagap ba na nalutas ang mga problemang ito?” sasagot siya, “Hindi, hindi pa nalutas ang mga ito. Hindi ko alam na ito pala ay gawaing dapat kong gawin.” Ni hindi nila alam kung paano lutasin ang ganoon kalaking problema—hindi ba’t mahina ang pag-iisip nila? (Oo.) Isang beses nilang binasa nang malakas ang mga pagsasaayos ng gawain at pagkatapos ay hinihingi nila na gumawa ang lahat ng deklarasyon at panata na gawin nang maayos ang tungkulin ng mga tao, at pagkatapos niyon, itinuturing nila na tapos na ang kanilang trabaho. Sinasabi nila sa kanilang sarili, “Naaalala ko kung sino ang lider ng iglesia, kung sino ang partikular na responsable sa isang aytem ng gawain, at kung sino ang namamahala sa gawain ng paggawa ng pelikula,” pero hindi talaga nila makita kung paano dapat isagawa ang partikular na mga aytem na iyon ng gawain. Ganito ang anyo ng pagiging manhid at mapurol ang isip—sila ay mga hangal na indibidwal. Hindi nila mapansin ang anumang problema at hindi nila alam kung paano magbahagi tungkol sa anumang aspekto ng mga katotohanang prinsipyo. Pagdating sa mga problemang may kinalaman sa mga katotohanang prinsipyo, hindi nila alam kung paano ibahagi ang katotohanan para malutas ang mga ito. Pagdating sa mga problemang may kaugnayan sa mga tauhan o gawaing administratibo, hindi rin nila mahiwatigan ang alinman sa mga ito. Kahit na totoong nakikita nila na hindi kayang gawin ng isang tao ang gawain, hindi nila alam kung paano ito lutasin. Hindi nila makilatis ang anumang bagay. Ito ang ibig sabihin ng maging manhid. Marunong lang silang magsalita ng ilang doktrina, pero hindi sila mahusay sa gawain—may hitsura sila ng pagiging manhid at mapurol ang isip. Sabihin mo sa Akin, isa bang lider na pasok sa pamantayan ang isang taong gaya nito? (Hindi.) Kapag manhid ang mga lider at manggagawa, malaking problema ito—talagang hindi sila makakagawa ng anumang gawain. Kung hindi nila ginagawa ang gawaing dapat nilang gawin, at kapag may isang taong nag-uulat ng problema, hindi rin nila ito inasikaso, kung gayon, hindi na ito simpleng isyu ng pagiging manhid, bagkus, ito ay kawalan ng normal na pagkatao, at pagkawala ng normal na paggana ng konsensiya at katwiran.
Ang pagiging manhid ay isang depekto sa pagkatao. Bagaman ang depektong ito ay hindi umaabot sa antas ng isang tiwaling disposisyon, sa loob nito at ito mismo ay isang nakasasawing problema. May isang tao na buhay na nakatayo roon, nang may mga gumaganang pandama at mga biyas, pero sadyang wala siyang abilidad ng isang normal na tao para tingnan ang mga tao at bagay, o umasal at kumilos. Kapag gumawa siya ng gawain, para siyang isang walang silbing tao na walang mga kaisipan—hindi niya mapansin ang anumang problema, lalo pang hindi niya kayang lutasin ang mga problema kapag binabanggit ng mga tao ang mga ito, at hindi nila makita kung anong gawain ang dapat gawin. Sa isipan nila, para bang wala silang inaalala. Bilang resulta, hindi sila makagawa ng anumang gawain—isa siyang walang kuwenta, isang walang silbi na tao. Hindi ba’t sapat na malubha ang problemang ito? Kita mo, ang mga taong matigas ang ulo at sensitibo ay may mga aktibong kaisipan kahit papaano—nagtataglay sila ng pag-iisip ng isang normal na tao; ibig sabihin, palaging gumagana ang isipan nila. Pero simple lang ang isipan ng mga manhid na tao; parang paralisisado ang kanilang isipan, para bang sila ay patay. Bagaman mayroon silang mga mata, anuman ang makita nila, walang reaksiyon sa kanilang isipan, at hindi nila ito pagbubulay-bulayan sa kanilang isipan; wala silang mga kaisipan at sila ay ganap na mga rebultong kahoy. Ano ang mga rebultong kahoy? Sila ay mga taong inukit sa kahoy; kahawig sila ng mga tao sa panlabas, pero kapag kinakausap mo sila, hindi sila tumutugon. Uutusan mo sila na bantayan ang bahay, pero kapag ninakawan ang bahay, wala silang gagawin. Tatanungin mo sila, “Bakit hindi mo binantayan ang bahay?” at hindi pa rin sila tutugon. Kung walang reaksiyon ang isang tao sa anumang bagay, napakalaking problema ito. Sa madaling salita, ang mga papel na dapat gampanan ng mga instinto ng pagkatao—tulad ng mga papel ng kaisipan at kamalayan, at mga papel na dapat gampanan ng mga mata, tainga, utak, at puso—ay hindi maisagawa. Hindi sila nagtataglay o kulang sila ng mga kaisipang dapat taglayin ng mga taong may normal na pagkatao. Ito ang tinatawag na pagiging manhid. Hindi gaanong naiiba ang mga manhid na tao sa mga taong walang silbi. Sinasabi ng ilang tao, “Sinasabi mo na manhid ang mga ganitong uri ng tao, na hindi magampanan ng kanilang mga mata, tainga, at utak ang kanilang mga papel.” Pero kung iinsultuhin mo sila, tutugon sila. Kung magdurusa sila ng kawalan, tutugon sila. Kaya, maituturing pa ba sila na mga hangal na tao?” Maging ang ilang hayop ay nakakaintindi ng wika ng tao—naiintindihan nila ang parehong mabubuti at masamang bagay na sinasabi mo tungkol sa kanila. Kung ang isang tao, bilang tao, ay hindi makaintindi ng pananalita ng tao, kung gayon, hindi niya naaabot ang pamantayan ng pagiging tao. Kaya, para masukat kung ang isang tao ay tao, dapat gamitin ang pamantayan para sa mga tao. Bakit Ko binabanggit ang mga hayop? Ito ay para malaman mo isa kang buhay na nilalang na nasa loob ng kategorya ng mga nilikhang tao, hindi isang hayop. Kung ikaw, bilang tao, ay walang mga kaisipan na kahit mga hayop ay nagtataglay, kung gayon, masyado kang malayo sa pamantayan. Kahit ang mga hayop ay marunong maging mabait at makipaglapit sa mga mabuti ang trato sa kanila at nagbibigay ng kanilang pang-araw-araw na pagkain. Kung ikaw, bilang tao, ay walang gayong pagkamakatao, karapat-dapat ka pa bang tawaging tao? Bakit Ko ito kinukumpara? Ito ay para ipaalam sa iyo na hindi ka isang hayop o isang mataas na uri ng hayop; isa kang tao, ikaw ang pinakamataas na antas ng nilalang sa lahat ng nilikha ng Diyos—isang tao. Mayroon kang abilidad sa wika, abilidad sa pag-iisip, at abilidad na umunawa sa katotohanan. Nilikha ka ng Diyos para maging superyor sa lahat ng bagay, para pamahalaan ang lahat ng bagay at ibang buhay na nilalang. Ikaw ang tagapamahala ng lahat ng buhay na nilalang sa lahat ng bagay. Para mapamahalaan ang mga ito, dapat mas nakahihigit ka sa mga ito. Dapat mas mahusay ka kaysa mga ito para magkaroon ka ng abilidad na pamahalaan ang mga ito. Samakatwid, ang pagbabanggit sa mga hayop ay hindi para maliitin ka kundi para paalalahanan at ipaunawa sa iyo na dapat mas mahusay ka kaysa sa mga ito. Dapat mong gamitin ang mga abilidad na dapat taglay ng iyong pagkatao, pati na ang iba’t ibang uri ng sentido komun at abilidad na natutunan mo mula pa noong isinilang ka, para pamahalaan at pamunuan ang mga ito, ginagawa ang dapat gawin ng isang tao, kung ano ang iniatas ng Diyos na gawin mo. Kung itinuturing mo ang sarili mo bilang isang nilikhang tao, dapat mong gamitin ang pamantayan para sa nilikhang sangkatauhan para sukatin ang iyong pagkatao at ang iyong diwa. Hindi dapat mas mababa ang pamantayang ito kaysa sa pamantayang itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan. Samakatwid, para masukat ang kakayahan ng isang tao at ang mga problema sa iba’t ibang aspeto ng kanyang pagkatao, kailangang gamitin ang pamantayan para sa mga tao. Maraming tao ang manhid ang pag-iisip at mabagal tumugon sa usapin ng pagkatao, na nagsasanhing hindi nila magampanan nang maayos ang marami sa kanilang mga tungkulin sa panahong ginagawa nila ang mga ito—hindi sila mahusay sa gawain ng iglesia, at hindi sila makapagsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kaya, dapat mong kilalanin ang sarili mo at alamin kung ano ang abilidad mo. Kung hindi mo taglay ang ganitong uri ng kakayahan o pagkatao, o kung taglay mo ang depekto ng pagiging manhid sa iyong pagkatao, hindi ka dapat makipag-agawan sa pagiging lider o superbisor. Kung ikaw ay magiging isang lider o superbisor, alinmang gawain ng iglesia ang responsabilidad mo, magiging paralisado ang iglesiang iyon. Anumang aytem ng gawain ang responsabilidad mo, magiging lubos na magulo ang gawaing iyon. Kung hindi mo kayang maging mahusay rito, dapat tumabi ka na lang at hayaang ang mga may kakayahan na gumawa nito. Naiintindihan mo ba? (Oo.) Ang pagkakaroon ng kamalayan sa sarili, at ang matutong magbigay-daan sa mga mas may kakayahan at ang irekomenda ang iba—ito ang prinsipyo ng pagsasagawa. Sinasabi ng ilang tao, “Napakamanhid ko na hindi ko matukoy kung sino ang magaling—paano ko mairerekomenda ang sinuman?” Kung hindi mo matukoy kung sino ang may mahusay na kakayahan at hindi makagawa ng mga rekomendasyon, ailangan mong matuto ng ilang aral. Kapag may nakikita kang isang tao na nakakaunawa sa katotohanan at kayang kumilatis sa iba, dapat kang matuto mula sa kanila. Sa pamamagitan ng higit na pakikipagbahaginan sa kanila, matututo ka ng ilang bagay. Dahil taglay mo ang depekto ng pagiging manhid sa iyong pagkatao, huwag kang maging mapili o maarte sa mga tungkuling ibinibigay sa iyo. Taglay mo mismo ang depektong ito, kaya hindi maraming uri ng gawain at mga tungkulin ang kaya mong gawin. Kung sakaling kahit gaano kahirap ay nakahanap ka ng isang angkop na posisyon para sa iyo, at nagiging mapili at maarte ka pa rin, hindi na ito isang problema ng pagiging manhid o isang depekto sa pagkatao, bagkus, ito ay isang tiwaling disposisyon. Anong klaseng tiwaling disposisyon? Iyon ay tiwaling disposisyon ng kayabangan, ng hindi pagpapasakop, at ng hindi pagkilala sa sarili mong abilidad. Ikaw ay walang kuwenta, isa lang inutil, isang tunggak, pero gusto mo pa ring gumawa ng mga tungkulin na marangal, na hindi nakakapagod, at na tinitingala ng iba—nagpapahiwatig ito ng mayabang na disposisyon. Kung napakamanhid mo, na mayroon kang gawaing dapat mong gawin at mga usaping dapat mong asikasuhin pero hindi mo naman ginagawa o napapansin, kung hindi ka man lang nag-aabalang tumulong kapag nagkakaproblema ang mga bagay-bagay, at kahit kapag nakikita mo na may isang bagay na nakapipinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, binabalewala mo ito at iniisip mong, “Hindi naman sa sarili kong pamamahay ang problemang ito, kaya hindi ako mag-aalala tungkol dito,” hindi na ito simpleng pagiging manhid, kundi ito ay kawalan na ng konsensiya at katwiran. Kung mayroon kang kahit kaunting konsensiya at katwiran at itinuturing mo ang mga usapin ng sambahayan ng Diyos bilang sarili mong mga usapin, kung gayon, dapat mong tuparin ang iyong responsabilidad at huwag hayaang mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Pero kung wala ka nitong mabuting layunin at wala kang ginagawang kahit isang mabuting bagay, hindi ba’t ikaw ay isang taong mapurol ang isip at manhid? Na nagtatapos sa aming talakayan sa pagpapakita ng pamamanhid. Diyan nagtatapos ang talakayan natin tungkol sa pagpapamalas ng pagiging manhid.
Pag-usapan natin ngayon ang pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha. Anong uri ng problema ang pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha? (Isang depekto sa pagkatao.) Isa ba itong depekto? Isa itong problema ng mababang karakter.) Ang mababang karakter ay nangangahulugan na masamang pagkatao. Aling aspekto ng pagkatao ang kaugnay ng pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha? Kaugnay rito ang konsensiya at katwiran, pati na ang integridad at dignidad. Kaugnay rito ang aspekto ng karakter ng isang tao. Ano-ano ang mga partikular na pagpapamalas ng pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha? Anumang mga walang kahihiyang bagay ang ginagawa nila ay tiyak na mga pagpapamalas ng pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha. Ang pambobola at pagpapalapad ng papel nang hindi man lang naaasiwa sa bagay na ito—hindi ba’t iyon ay pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha? (Oo.) Bakit natin sinasabing ito ay pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha? Dahil ang paggawa nito ay nagpapahiwatig na walang pakiramdam ng kahihiyan ang isang tao. Kaya niyang magsabi ng ilang salita na lumalabag sa konsensiya ng normal na pagkatao o na hindi umaayon sa mga katunayan, gaano man kanakakaasiwa o kahindi kasiya-siya ang mga salitang iyon, nang hindi man lang namumula ang mukha o bumibilis ang tibok ng puso, at wala silang pakialam kung ano ang tingin ng iba sa kanila matapos silang marinig; kahit pagtawanan sila ng iba, wala silang pakialam. Wala silang pakiramdam ng kahihiyan, hindi ba? (Oo.) Ang kawalan ba ng pakiramdam ng kahihiyan ay ang mismong pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha? Isa pa, kapag malinaw na walang kuwenta ang isang tao, pero hayagan pa rin siyang nakikipag-agawan para sa katayuan at para maging lider—hindi ba’t ito ay pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha? (Oo.) Hindi lang sila nakikipag-agawan nang hayagan, kundi sa panahon ng mga halalan, pinepeke nila ang mga balota. Habang ang iba nagbibigay ng isang boto kada tao, dinodoble nila ang boto para sa sarili nila—hindi ba’t ito ay pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha? (Oo.) Kapag hindi sila ibinoboto ng iba, ibinoboto nila ang kanilang sarili. Ang gayong mga tao ay nakikipag-agawan para maging lider nang hindi nahihiya at walang anumang pakiramdam ng kahihiyan—talagang sila ay di-nahihiyang makapal ang mukha! Sa pangkalahatan, ang mga nagmamahal sa katayuan at may ambisyon ay pawang nagnanais na ipresenta nang maayos ang kanilang sarili para maaari silang piliin ng iba bilang lider. Sa sandaling mapili sila bilang lider, labis silang nakakaramdam ng pagmamalaki sa sarili, pero kung hindi sila mapili, nalulungkot at nadidismaya sila—isa itong normal na pagpapamalas. Gayumpaman, hindi ganito ang mga di-nahihiyang makapal ang mukha. Gagamitin nila ang kahit anong paraang kinakailangan para maging isang lider. Sinasabi nila, “Ayaw sa akin ng lahat at ayaw nila akong iboto, pero hahanap ako ng paraan para maging lider. Kahit pa kakailanganin kong mandaya at gumamit ng mga pakubling pamamaraan, ipapaboto ko sa akin ang lahat bilang lider!” Sinasabi naman ng iba, “Kahit pa maging lider ka, hindi ka pa rin magugustuhan ng lahat. Wala kaming magandang opinyon tungkol sa iyo, at masama ang reputasyon mo. Kung magsasaayos ka ng anumang gawain, walang makikinig sa iyo.” Sasagot sila ng, “Kahit hindi kayo makinig sa akin, sisikapin ko pa ring maging lider!” Talagang labis na di-nahihiyang makapal ang mukha ng mga gayong tao! Batay rito, hindi ba’t walang kamalayan sa sarili ang mga gayong tao? (Oo.) Wala silang kamalayan sa sarili at mayroon silang medyo malupit na katangian. Batay sa mga kaisipan at pananaw ng mga di-nahihiyang makapal ang mukha patungkol sa kanilang sariling asal, wala silang pakiramdam ng kahihiyan sa kanilang pagkatao, wala silang pakialam tungkol sa integridad o karakter, walang konsensiya o pakiramdam ng kahihiyan, wala rin silang pakialam tungkol sa moralidad at sa batayan ng kanilang sariling asal—binabalewala nila ang lahat ng ito. Batay sa kanilang mga kaisipan at kamalayan, sila ay sobrang hangal, mangmang, at mababang-uri. Kaya naman, sinasabing mayroon silang mahinang, masamang karakter. Kaya, ang mga walang-kahihiyang bagay na ginagawa nila ay tiyak na bunsod ng kanilang mga maling kaisipan at pananaw. Sa panahon ng mga halalan sa iglesia, iginigiit nilang piliin ang kanilang sarili, iboto ang kanilang sarili, at maging lider—hindi katanggap-tanggap para sa kanila ang mabigong maging lider, at kung hindi sila magiging lider, kamumuhian nila ang mga kapatid dahil sa hindi pagboto ng mga ito sa kanila. Sa sandaling malaman nila na hindi mo sila binoto, hindi sila malulugod sa iyo. Kahit ano pa ang sabihin mo, pabubulaanan nila ito. Lubha silang mabagsik kapag nakikiusap sa iyo, na para bang bumubuga sila ng apoy. Iniisip din nila kung paano ka gagantihan o pahihirapan, at maaari pa ngang tumanggi silang makipag-usap sa iyo sa buong buhay nila. Ang ibinubunyag sa mga partikular na kilos na ito ng mga gayong tao ay isang tiwaling disposisyon. Anong uri ng tiwaling disposisyon ito? (Kalupitan.) Sa simpleng salita, ito ay kayabangan at pagiging masyadong bilib sa sariling mga abilidad—sadyang gusto nilang maging lider. Gayumpaman, batay sa kanilang mga paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay at iba’t ibang pagpapamalas, sila ay mga taong may malupit na disposisyon. Kitang-kita ang tiwaling disposisyon nitong mga di-nahihiyang makapal ang mukha na may ubod ng samang pagkatao. Ang lahat ng kilos nila ay maaaring umabot sa antas ng mga tiwaling disposisyon. Ang pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha ay isang pagpapamalas ng kanilang karakter; sa kanilang pananalita at mga kilos, pinamumunuan sila ng aspektong ito ng karakter nila, at dahil dito ay nakakagawa sila ng maraming walang kahihiyang gawa, at nagbubunyag sila ng iba’t ibang tiwaling disposisyon, gaya ng kayabangan at kalupitan. Samakatwid, sa isang banda, ang mga ubod ng samang pagpapamalas na nabubunyag mula sa karakter ng isang tao ay kabilang sa mga tiwaling disposisyon; ang mga pagpapamalas na ito ay pawang konektado at nakatali sa kanilang kalikasang diwa, at ang kanilang mga partikular na pagbubunyag ng anumang tiwaling disposisyon ay nagmumula sa kanilang ubod ng samang karakter. Kaya, ang ubod ng samang karakter at mga tiwaling disposisyon ay magkakaugnay. Ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao ay nabubuo pagkatapos magawang tiwali ni Satanas ang mga tao. Halimbawa, ang mga aspekto ng ubod ng samang karakter sa loob ng pagkatao ng mga tao, gaya ng pagiging matigas ang ulo, makitid ang utak, at di-nahihiyang makapal ang mukha, lahat ay resulta ng pagtiwali at pag-impluwensiya ni Satanas sa mga tao. Bago tanggapin ang katotohanan, pawang tinatanggap muna ng mga tao ang pagtitiwali at panlilihis ng maraming nakalilinlang, masama, at negatibong kaisipan at pananaw—tinatanggap nila ang mga nakalilinlang na bagay na ito sa kanilang puso bilang kanilang buhay, at nangangahulugan ito na nagiging buhay nila ang mga tiwaling disposisyon.
May ilan pang ibang pagpapamalas ang pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha. Ang ilang lider at manggagawa ay nagsasagawa ng mga halatang pagkilos—pagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, nililinlang ang mga nakatataas sa kanila habang nagtatago ng mga impormasyon mula sa mga nasa ilalim nila, o sumasalungat sa mga pagsasaayos ng gawain, at ang mga kilos nila ay nagdudulot pa nga ng malaking pinsala sa gawain ng iglesia. Pero bukod pa sa hindi nila pinagninilay-nilayan at nakikilala ang sarili nilang mga problema o inaamin ang katunayan ng paggawa nila ng masama ng panggugulo sa gawain ng iglesia, sa kabaligtaran, naniniwala pa nga sila na mahusay ang nagawa nila, at gusto nilang maghangad ng mga kredito at gantimpala, ipagmamalaki at pinatotohanan kahit saan kung gaano karaming gawain ang nagawa nila, kung gaano katinding pagdurusa ang tiniis nila, kung gaano karaming kontribusyon ang nagawa nila sa kanilang gawain, kung gaano karaming tao ang nakamit nila sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo habang gumagawa, at iba pa. Hindi nila inaamin kahit kaunti kung gaano kalaking kasamaan ang nagawa nila o kung anong malaking kapinsalaan ang naidulot nila sa gawain ng iglesia. Siyempre, hindi rin sila nagsisisi, at lalong hindi nila binabaliktad ang sitwasyon. Sabi mo sa Akin, hindi ba’t ang gayong mga tao ay di-nahihiyang makapal ang mukha? (Ganoon nga sila.) Kung tatanungin mo sila ng, “Isinagawa mo ba ang gawain ng iglesia ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Umayon ka ba sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos?” iiwasan nila ang paksa. Kung ilalantad ng ibang tao na nagdulot sila ng malulubhang kawalan sa mga handog ng Diyos habang nasa kanilang gawain—umaabot ng ilang daang yuan ang ilang kawalan, ang iba ay ilang libo, at ang ilan ay umaabot pa nga ng sampu-sampung libo—ano ang magiging reaksiyon nila kapag pinapabayaran ang mga iyon sa kanila? Ang mga normal na tao na may konsensiya, katwiran, at pakiramdam ng kahihiyan ay mahihimatay pagkarinig nito, nakakaramdam ng pagkapahiya at kahihiyan mula sa kaibuturan ng kanilang puso. Paniniwalaan nila na hindi nila nagampanan nang maayos ang gawain nila at na labis silang nagkautang sa Diyos, at kaya, susubukan nilang pangatwiranan ang kanilang sarili; kahit na gumawa sila ng kaunting kongkretong gawain at nagtiis ng matinding pagdurusa, hindi nila iisipin na karapat-dapat itong banggitin. Kung tunay na nagawa nila nang maayos ang gawain nila, makakapagdulot ba ito ng labis na pinsala sa gawain ng sambahayan ng Diyos? Hindi. Batay lang sa pinsalang naidulot nila, mapatutunayan na hindi nagawa nang maayos ang gawain nila, kaya dapat silang umamin sa pagkakamali at magsisi. Nangangailangan man ng kabayaran o hindi ang mga kawalang idinulot nila, kahit papaano, dapat nilang aminin ang katunayan na nakapagdulot ng mga kaguluhan at pagkagambala sa gawain ng iglesia ang kanilang gawain. Tanging ang mga taong lubos na walang kahihiyan ang tatangging umamin sa katunayang ito. Sasabihin nila, “Kahit bayaran ko pa ang mga kawalan, hindi ko aaminin na nagkamali ako o na may ginawa akong mali sa gawain ko. Kahit mabayaran ko ang mga utang, isa pa rin akong karapat-dapat na tao, mas mahusay kaysa sa isang karaniwang tao sa sambahayan ng Diyos. Nagkaroon ako noon ng maluwalhating kasaysayan!” Anong uri ng pagkatao ito? Sabihin mo sa Akin, mayroon bang pakiramdam ng kahihiyan ang mga ganitong uri ng tao? Kaya man lang ba nilang baybayin ang mga salitang “pakiramdam ng kahihiyan”? Kung tunay na wala silang pakiramdam ng kahihiyan, problema iyon. Kung malinaw nilang alam sa puso nila na nakagawa sila ng kasamaan pero mapagmatigas silang tumatangging aminin iyon nang pasalita, hindi ba’t napakatigas ng kalooban ng mga gayong tao? Kung napagtatanto nila sa puso nila na may nagawa silang kasamaan at kaya nila itong aminin nang pasalita, kung gayon, maituturing pa rin na nagtataglay sila ng konsensiya—mayroon pa rin silang pakiramdam ng kahihiyan sa loob nila. Kung bukod sa tumatanggi silang aminin ito nang pasalita ay masuwayin din sila sa puso nila, palaging tutol at nagpapakalat pa nga ng mga pahayag na hindi sila tinatrato nang patas ng sambahayan ng Diyos at na sila ay mga biktima ng kamalasan, kung gayon, malubha ang problema nila. Gaano kalubha? Wala silang anumang konsensiya at katwiran. Ang konsensiya ay dapat parehong may kasamang pagpapahalaga sa katarungan at kabutihan. Tanging kapag alam ng mga tao kung ano ang kahihiyan sila maaaring maging matuwid, na magkaroon ng pagpapahalaga sa katarungan, at magmahal sa mga positibong bagay at kumapit sa mga ito. Gayumpaman, kung wala kang pakiramdam ng kahihiyan sa iyong konsensiya at sa iyong pagpapahalaga sa katarungan, at hindi mo alam kung ano ang kahihiyan—at kung, kahit matapos makagawa ng mali, hindi ka nahihiya tungkol dito, at hindi mo alam kung paano magnilay-nilay o kamuhian ang iyong sarili, at wala kang nararamdamang pagsisisi, at wala kang pakialam kung paano ka inilalantad ng iba, at hindi namumula ang mukha mo at wala kang nararamdamang kahihiyan—kung gayon, may problema sa konsensiya mo bilang tao, at masasabi rin na wala kang konsensiya. Sa ganoong kaso, mahirap tukuyin kung masama ba o buktot ang puso mo—posible na buktot ang puso mo, na ito ang puso ng isang lobo; hindi positibo kundi negatibo. Ang mga taong walang konseniya at walang pagkatao ay mga demonyo. Kung may ginawa kang mali at wala kang nararamdamang anumang kahihiyan, at walang nararamdamang anumang pagsisisi o pagkakonsensiya, at bukod sa hindi ka nagninilay-nilay sa iyong sarili, ikaw rin ay nakikipagtalo, kumokontra, at nagtatangkang ipagtanggol at pangatwiranan ang iyong sarili, nagbibihis para maging maganda ang anyo, kung gayon, kung susukatin ayon sa pamantayan ng pagkatao, may problema sa pagkatao mo. Gaano ka man kamakatwiran, kung kulang ka sa pamantayan ng konsensiya, mahirap tukuyin kung mayroon ka nga bang pagkatao o wala. Huwag nating pag-usapan kung ano ang iyong panloob na espiritu, kung saan ka nanggaling, o kung anong kasamaan ang nagawa mo noon; huwag nating pag-usapan ang iyong nakaraang buhay. Sa usapin lang ng konsensiyang dapat mayroon ka sa buhay na ito, kung wala kang pakiramdam ng kahihiyan, hindi ka pasok sa pamantayan bilang isang tao. Sinasabi ng ilang tao, “Isa akong di-nahihiyang makapal ang mukha, kaya basta kong kinukuha ang kahit anong gusto ko.” Pero depende iyon kung saan mo ito ginagawa—hindi iyon uubra sa sambahayan ng Diyos. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi isang lugar na puwede mong huthutan. Kung igigiit mong maging palamunin doon, nakatakda kang magdulot ng kalamidad sa sarili mo. Sinasabi ng ilang tao, “Kasingkapal ng buwaya ang balat ko. Kahit saan ako magpunta, ganito ako kumilos, nagmamartsa na parang ako ang may-ari ng lugar! Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sa akin—walang magagawa ang sinuman laban sa akin.” Maaaring walang magawang anuman ang mga tao tungkol sa iyo, pero dahil nananampalataya ka sa Diyos, dapat mong bigyang-pansin kung paano sinusukat at sinusuri ng Diyos ang lahat ng ginagawa mo, kung paano ka Niya tinitingnan at anong hatol ang ibinibigay Niya sa iyo. Kung hindi mo ito binibigyang-pansin, isa ka pa rin bang taong nananampalataya sa Diyos? Kung wala ka man lang pakialam tungkol dito, isa kang hindi mananampalataya. Maaaring binabalewala mo ang sinasabi ng mga tao tungkol sa iyo, pero hindi ba’t dapat may pakialam ka sa pagsusuri ng Diyos tungkol sa iyo, sa Kanyang pananaw sa iyo, at sa mga hatol na ibinibigay Niya sa iyo? Kung ang pagsusuri ng Diyos sa iyo ay na ikaw ay di-nahihiyang makapal ang mukha, patay na sa pagkapahiya, at walang pakiramdam ng kahihiyan, na maraming kulang sa pagkatao mo, at na may ilang napakahalagang bagay na wala sa iyo, kung gayon, dapat kang magsimulang umasal nang panibago—dapat kang magsisi at huminto sa pagbuo ng sarili mong pangangatwiran. Kahit na mayroon kang libo-libong dahilan, ang nag-iisang katunayan na ikaw ay di-nahihiyang makapal ang mukha mo ay sapat na para matukoy na mayroong napakalaking problema sa pagkatao at konsensiya mo. Sa ganito lamang na pagsukat, napakalubha na ng problema mo. Kung nauunawaan mo ang sinasabi Ko, dapat kang magsisi at huminto sa pag-isip ng sarili mong pangangatwiran sa loob ng puso mo. Ang pangangatwiran mo ay nagmumula sa pagkamainitin ng ulo, sa mga emosyon, kay Satanas—kahit pa naniniwala ka na tama ang pangangatwiran mo, hindi ito ang katotohanan. Hindi lubos na nakabatay sa iyong mga tiwaling disposisyon ang pagsusuri ng Diyos sa iyo. Bago isaalang-alang ang iyong mga tiwaling disposisyon, tinitingnan muna ng Diyos ang pagkatao mo. Kung ano ang iyong pagkatao at ang iyong saloobin sa bawat usapin ay natutukoy ng iyong karakter. Kung ano ang nakikita ng Diyos ay tiyak na tumpak, at ang pamantayang ginagamit Niya sa pagsukat sa iyo ay umaayon din sa katotohanan. Kahit sino ang sukatin Niya, hindi ito kailanman nababatay sa panlabas na anyo, kundi sa kung ano ang aktuwal na ginagawa ng tao, sa mga pagbubunyag at mga pagpapamalas nito sa pangaraw-araw na buhay, sa mga kaisipan, pananaw, at saloobin nito kapag nangangasiwa sa bawat usapin, pati na sa saloobin nito tungkol sa mga positibong bagay, sa katotohanan, at sa Diyos. Kahit paano ka tukuyin o suriin ng Diyos sa huli, hindi ka magagawan ng mali. Hindi ito nakabatay sa iyong pansamantalang pagpapamalas o paminsan-minsang pagsalangsang; ito ay isang pagsusuri batay sa kabuuan ng iyong mga pagpapamalas. Kaya, tumpak at obhetibo ang pagsusuri ng Diyos sa bawat tao. Hindi ba’t totoo? (Oo.) Ang pagpapamalas ng pagiging di-nahihiyang makapal ang mukha ay kaugnay sa karakter ng isang tao. Siyempre, sa isang banda, umaabot din ito sa antas ng tiwaling disposisyon. Dahil mayroong ganitong aspekto ng pagkatao ang mga gayong tao, tinutulak sila nito na gumawa ng nga partikular na bagay, at kapag ginagawa nila ang mga bagay na ito, ibinubunyag nila ang kanilang tiwaling disposisyon. Anumang uri ng tiwaling disposisyon ang ibinunyag, ang mga tiwaling disposisyong ibinunyag at ang mga pagkilos ng mga taong di-nahihiyang makapal ang mukha ay hindi nahihiwalay sa kanilang pagkatao. Kaya, kung maaaring magbago at maiwaksi ang mga tiwaling disposisyon ng isang tao ay nakasalalay sa kung ano ang karakter niya. Kung ang karakter niya ay masama, kung nilalabanan niya ang katotohanan, umaayaw at tutol siya sa katotohanan, at tumatangging tanggapin ang katotohanan, kung gayon, magiging mahirap iwaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon, at hindi siya magkakamit ng kaligtasan. Gayumpaman, kung sa usapin ng kanilang karakter ay hindi siya isang masamang tao, at kaya niyang arukin at tanggapin ang katotohanan, hindi siya matigas ang ulo, at wala siyang mga problema ng ubod ng samang karakter, kung gayon, makakayang iwaksi ang kanyang tiwaling disposisyon. Ang lahat ng tao ay may mga tiwaling disposisyon, pero ano ang tumutukoy sa kung kaya bang iwaksi ng isang tao ang katiwalian at kamtin ang kaligtasan? (Nakasalalay ito sa kung ano ang karakter ng isang tao.) Mismo—nakasalalay ito sa kung mabuti ba o masama ang pagkatao ng isang tao.
Ngayon, pag-usapan naman natin ang pagiging madaling maghinala. Aling pagpapamalas na katatalakay lang natin ang medyo katulad ng pagiging madaling maghinala? (Pagkasensitibo.) Anong uri ng problema ang pagkasensitibo? (Isang depekto sa pagkatao.) Ang pagiging madaling maghinala ay mas mataas nang isang antas kaysa sa pagkanegatibo; mas malubha ang problema. Ang pagkasensitibo ay simpleng palatandaan ng medyo hindi pa hinog na pagkatao, na parang bata pa, samantalang ang pagiging madaling maghinala ay may kasamang mga partikular na kaisipan at pananaw—ito ang karaniwang tinatawag na labis na pag-iisip, na nagpapahiwatig ng mahinang karakter. Halimbawa, may isang tao na humihiling sa isang taong madaling maghinala na tumulong sa pagbili ng isang aytem na nagkakahalaga ng sampung yuan at espesyal na binibigyang-diin na, “Hindi ka talaga puwedeng lumampas sa sampung yuan. Kung masyasdong mahal, huwag mong bilhin.” Pagkarinig dito ng taong madaling maghinala, nag-iisip-isip siya, “Nagpapakamapagkakumbaba ka lang ba? Ang totoo ay gusto mo ng isang aytem na nagkakahalaga ng isang daang yuan pero nahihiya ka lang na sabihin ito. Kung gayon, bibilhan kita nito, para mapasaya kita at para gumanda ang impresyon mo tungkol sa akin.” Pagkatapos, nang dahil niya ang aytem pabalik, sinabi ng taong nagpabili, aytem, sasabihin ng nagpabili: “Masyado itong mahal. Sampung yuan lang ang dala ko; wala akong ganoon kalaking pera.” Kaya, sa pagbili niya ng aytem na nagkakahalaga ng isang daang yuan para sa taong iyon, hindi ba’t nalugi lang ang ito? Subalit, hindi sila makaunawa sa taong ito at sa halip ay nagkikimkim sila ng mga pagdududa na ayaw gumastos ng mas malaking pera ang taong ito at na sinusubak siya nitong samantalahin. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t napakamapanggulo ng mga gayong tao na madaling magduda? (Oo.) Sa anong paraan sila mapanggulo? (Masyadong komplikado ang mga kaisipan nila.) Ang mga taong may sobrang komplikadong mga kaisipan ay mahirap pakisamahan. Sabi mo sa Akin, handa bang makisama sa gayong mga tao ang mga taong may prangkang personalidad? (Hindi.) Hindi mo alam kung ano ang iniisip nila sa loob-loob o kung aling direksiyon patutungo ang mga kaisipan nila, at hindi mo makilatis ang kanilang mga intensiyon o kung paano ka nila pinagdududahan. Kaya, kapag mayroon kang ipinagkakatiwala sa kanila para asikasuhin, bagaman na malinaw na napakasimpleng maliit na bagay lang ito, ginagawa nila itong komplikado at nakasasagabal. Dahil sobra nilang ginagawang komplikado ang mga bagay-bagay, ikaw mismo ay sobrang napapagod at naiisip mo na mas maiging ikaw na lang sana ang gumawa. Ayaw mong makisalamuha sa gayong mga tao at mas gusto mo na lang silang iwasan. Halimbawa, sabihin nating mayroon kang isang gamit na hindi mo na kailangan, at na nakakalungkot kung itatapon mo na lang ito, kaya ibibigay mo ito sa isang ganitong uri ng tao na madaling maghinala. Bukod sa hindi pinahahalagahan ng taong ito ang ibinigay mo; pinagdududahan din niya ito sa puso niya: “Bakit mo ako binibigyan nito? Tiyak na may lihim na motibo rito. Sinusubukan mo bang kumbinsihin ako na isa kang mabuting tao, para magkaroon ako ng utang na pabor sa iyo, o may sinusubukan kang ipagawa sa akin?” Hindi mo kailanman inasahan na masyado siyang mag-iisip tungkol sa isang napakaliit na usapin, na ang pagbibigay mo sa kanya ng munting bagay ay maaaring humantong sa labis na pagdududa. Kailangan mo pang magsalita ng mahabang paliwanag para maiwaksi ang mga pagdududa nila. Hindi ba’t sobrang nakakainis iyon? Unti‑unti kang nasusuklam sa taong ito at pagkatapos niyon, kapag may isang gamit ka na hindi mo na kailangan, mas gugustuhin mo nang itapon ito kaysa ibigay sa kanya. Bakit hindi na lang ibigay sa kanya? Hindi dahil sa wala kang puso ka, kundi ayaw mo lang mag-udyok ng gulo. Noong nakaraan, may isang taong kauupa lang sa isang lugar, at walang mga kagamitang panglinis sa loob nito. Kaya nagdala Ako ng ilang mga panlinis galing sa bahay; ang ilang panlinis ay mga punong bote, ang iba naman ay kalahati nang ubos. Tiningnan ng taong umuupa ang mga iyon at sinabing: “Kahit na libre Mong ibinigay sa akin ang mga bagay na ito, hindi Kita papasalamatan—nagamit na ang mga ito. Kung bago ang mga ito, ibibigay Mo pa kaya sa akin?” Hindi ba’t nakakasakit ng damdamin ang mga salitang ito? (Oo.) Bakit nakakasakit ng damdamin ang mga ito? (Binaluktot niya sa ganitong paraan ang isang mabuting kalooban.) Inisip niya na masamang kalooban ang Aking mabuting kalooban. Hindi Ko hinihinging pasalamatan mo Ako, ni pinapabayaran sa iyo ang mga aytem. Sadyang may inuupahan ka lang na lugar, at walang mga kagamitang panlinis sa loob nito, at makakaabala lang para sa iyo na lumabas at bilhin ang mga ito. Dinalhan lang kita ng ilang gamit na mayroon Ako para maging madali na lang sa iyo ang mga bagay-bagay. Hindi Ko sinusubukang manuyo sa iyo sa pagpapagamit sa iyo ng mga bagay na ito—wala Akong anumang pagkakautang sa iyo, at hindi Ko rin hinihingi na magkautang ka sa Akin ng anumang pabor. Naging mapaghinala siya tungkol sa ganoon kasimpleng bagay: “Hmph! Ano ba ang napakaespesyal tungkol dito? Dinalhan mo ako ng kaunting gamit at ngayon ay iniisip Mong may utang ako na pabor sa Iyo! Hindi naman maganda ang gamit na dala mo—paanong maganda ito kung ipinamimigay Mo lang?” Talagang mahirap pakisamahan ang taong ito. Hindi Ko naman sinabing mga pambihirang kagamitan ang mga ito—mga ordinaryong panlinis lamang ang mga ito. Kung ayaw mong gamitin ang mga ito, hindi mo naman kailangang gamitin. Bakit pa gawing komplikado ang mga bagay-bagay? Napagtanto ko na mahirap pakisamahan at pakitunguhan ang taong ito. Hindi ba’t mas walang gaanong problema kung hindi na lang ako nagdala ng anumang bagay? Hindi naman sa ganoon. Ang hindi pagdala ng anumang bagay ay malamang na magdudulot din ng problema. Malamang ay inisip pa rin nila na, “Inuupahan ko ang lugar na ito at hindi Mo man lang ako dinalhan ng anumang kagamating panlinis. Dapat sana ay mga kapatid tayo, pero wala Kang ipinakita sa aking pagmamahal kahit kaunti!” May masasabi at masasabi pa rin sila. Napakababa ng karakter ng gayong mga tao. Palagi nilang ginagamit ang sarili nilang mga kagustuhan at pamantayan para sukatin kung mabuti ba o masama ang iba. Palagi nilang sinisiyasat at sinusukat ang iba nang may matalim na tingin, iniisip na sila lang ang nakatataas sa moral samantalang ang iba ay pawang may masamang pagkatao sa mga ito, at na palaging may sariling mga motibo ang mga tao kahit paano kumilos ang mga ito, samantalang sila lamang ang hindi tiwali at ang perpekto.
Ang mga taong madaling maghinala ay may mahinang karakter. Dahil mayroon silang mahinang karakter, hindi maiiwasang kikilos sila sa ilalim ng pangingibabaw ng ganitong karakter. Ang ibinubunyag nila ay mga tiwaling disposisyon, tiyak na hindi normal na pagkatao. Kung hindi ito normal na pagkatao, ano nga ba ito? Nauugnay ito sa mga tiwaling disposisyon. Pagdating sa pagiging madaling maghinala, ang mga tipikal na tiwaling disposisyong ibinubunyag ng gayong mga tao sa kanilang mga kilos at pakikisalamuha sa iba ay tiyak na kabuktutan at panlilinlang. Sadyang ganoon kakomplikado ang mga kaisipan nila, ganoon kabuktot at kamapanira. Dahil sila mismo ay hindi tumutulong maliban kung may mapapala sila rito, inaakala nilang ganoon din ang lahat ng tao. Kahit hindi ka ganoong uri ng tao, hindi nila ito paniniwalaan, at kahit na subukan mong magpaliwanag, hindi ito makakatulong—sadyang ganoon ang tingin nila sa iyo. Gumagamit sila ng buktot na pamamaraan at buktot na disposisyon para tingnan ang lahat ng bagay at usapin at lahat ng tao. Kahit na wasto ang ginagawa mo, naaayon sa mga pangangailangan ng pagkatao, naaayon sa pagkamakatwiran ng pagkatao, o naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, sunod-sunod nila itong kukuwestiyunin at tatanungin ka nila, “Bakit mo ito ginagawa? Ano ang motibo mo?” Sasabihin mo, “Wala akong motibo,” pero talagang hindi sila maniniwala rito—iginigiit nilang akusahan ka na may motibo at pinapaamin sa iyo ito. Hindi ba’t mapanggulo ang gayong mga tao? (Oo.) Mahirap para sa mga taong madaling maghinala na makisama sa iba. Ang gayong mga tao ay tiyak na hindi simple at bukas, at siyempre, hindi sila matatapat na tao. Sa kanilang karakter, halos wala nang katotohanan, kabutihang-loob, o pagkamakatwiran. Kaya’t ang mga elemento ng pagkamatapat, kabaitan, at pagkamakatwiran ay pawang wala sa pangkalahatan. Kaya, ano ang mga pangunahing bahagi ng kanilang karakter? Paranoia, panlilinlang, kabuktutan, kawalan ng pagiging simple, at pagiging hindi matapat. Itinuturing nila ang lahat ng tao at ang lahat ng isyu bilang napakakomplikado. Kahit na makipag-usap ka sa kanila nang matapat, susuriin at pagninilayan nila kung bakit mo ito sinabi. Kahit matagal ka na nilang nakakasalamuha at alam nila kung ano ang karakter mo, madalas pa rin silang magkakaroon ng isang saloobin ng paghihinala tungkol sa iyo kapag nakikipag-usap, nag-aasikaso ng mga usapin, o nakikisalamuha sa iyo. Kaya, ang gayong mga tao ay napakamapanggulo. Nagdaragdag ng maraming pasanin at pormalidad ang pakikisalamuha sa kanila, at kailangan mo ring gumawa ng maraming takdang aralin at kilalanin sila—alamin kung anong mga bagay ang hindi nila gusto, at kung ano ang ayaw nilang gawin o ayaw pag-usapan. Kung hindi, kung hindi ka maingat, maaaring mapasama mo ang loob nila o, sa tingin nila, maaaring masaktan mo sila, Ganito nila tinatrato ang mga tao, kaya paano nila tinatrato ang Diyos? (Ganoon din ang pagtrato nila sa Diyos.) Tatratuhin ba nila ang Diyos nang may sinseridad? (Hindi.) Halimbawa, kapag isinasaayos ng iglesia na gumawa sila ng isang tungkulin, nagsisimula silang mag-isip-isip, “Alam kaya ng Diyos na ginagawa ko ang tungkuling ito? Tatandaan kaya Niya ito? Gaano ako dapat magsikap para magawa ito nang sapat lang at para matandaan ito ng Diyos?” Pagkatapos gawin ang kanilang tungkulin sa loob ng ilang panahon, sinisiyasat din nila kung paano sila tinitingnan ng mga lider at manggagawa at kung mayroon bang anumang negatibong pagsusuri ang mga ito tungkol sa kanila. Anong uri ng pagkatao ito? Batay sa ipinamalas na pagkatao sa pamamagitan ng saloobin nila sa paghawak sa mga usapin, napakamapanggulo ng gayong mga tao, at hindi madali sa kanila na tanggapin ang katotohanan. Bakit ganoon? Dahil nahihirapan silang maging matatapat na tao; walang pagpapahalaga sa katarungan ang kanilang konsensiya, hindi matibay ang katwiran nila, at hindi makatwiran ang kanilang paraan ng paghusga sa mga bagay-bagay. Bakit Ko sinasabing ito ay hindi makatwiran? Dahil sila ay medyo labis-labis, madaling mapako sa mga bagay-bagay, at ubod ng sama—hindi nila tinitingnan ang mga bagay-bagay gamit ang paraan ng pag-iisip ng normal na pagkatao. Hindi sila bukas at makatotohanan, kundi namumuhay sila sa isang napakadilim na paraan. Subalit hindi nila kailanman nararamdaman na namumuhay sila sa isang madilim na paraan at iniisip pa nga nila na mas matalino sila kaysa sa iba, at na namumuhay sila nang mas may delikadesa at atensiyon sa detalye kumpara sa iba. Partikular nilang hinahangaan ang sariling pagkamautak. Ito ay tinatawag na pag-aakalang mautak ang sarili. Ang mga taong nag-aakalang mautak sila ay sobrang kulang sa katwiran ng kanilang pagkatao, at sa pagpapahalaga sa katarungan sa loob ng kanilang konsensiya. Samakatwid, mababa ang pagkatao ng gayong mga tao, at ayaw ng iba na makipag-ugnayan sa kanila. Kahit sino pa ang may sasabihin, gagawan ito ng isyu ng mga gayong tao. Ang binibigyan nila ng pakahulugan ay pawang mga labis-labis na bagay na baluktot, ng pagkamainitin ng ulo, ng kay Satanas, at ng mga emosyon—ang mga ito ay pawang mga bagay na madilim at negatibo, mga bagay na salungat sa katotohanan at lumalaban sa katotohanan. Hindi kayang gabayan ng mga bagay na ito ang mga tao tungo sa tamang landas sa anumang paraan.Kaya, ang mga ganitong uri ng tao ay napakakasuklam-suklam at napakanakayayamot. Nakatira sila sa madidilim na sulok at sa sarili nilang maliit na mundo. Sila ay talagang narcissistic at humahanga sa sarili, iniisip na namumuhay sila nang mas katangi-tangi, marangal, at kagalang-galang na buhay kaysa sa iba—walang sinuman ang puwedeng kumanti sa kanila. Sa katunayan, napakaaba ng karakter ng gayong mga tao, at wala silang tunay na dignidad. Ang ibig sabihin ng kawalan ng tunay na dignidad ay na talagang mababa ang kanilang pagkatao, dahil ang lumilitaw mula sa kanilang pagkatao ay pawang madidilim na bagay na hindi puwedeng maihayag, mga hindi matuwid at tuwirang bagay. Samakatwid, ang mga taong ito ay walang dignidad na dapat pag-usapan. Anong mga kahihinatnan ang malamang na maidudulot ng pagiging madaling maghinala ng mga tao? Sa madaling salita, ang gayong mga tao ay puno ng tusong panlalansi. Ang pagiging madaling maghinala ay nangangahulugan na ang mga taong ito ay nagkikimkim ng maraming tusong pakana. Tingnan mo kung paano inaapi at inaaresto ng mga demonyong hari ang hinirang na mga tao ng Diyos—nagkikimkim sila ng napakaraming tusong pakana, napipinsala ang mga tao sa huli hanggang sa puntong mawasak ang kanilang mga pamilya, nang may ilang kapamilya na namamatay, at nagkakahiwa-hiwalay sa isa’t isa. Iyan ang ginagawa ng mga demonyo at mga demonyong hari. Kaya, walang anumang mabuti sa mga taong madaling maghinala. Dapat tingnan ng mga mananampalataya sa Diyos ang mga tao at bagay batay sa mga katotohanang prinsipyo, hindi sila dapat basta-bastang maghinala, at dapat may ebedensiya sa sinasabi nila. Kapag tinitingnan mo ang isang tao o isang usapin, kahit papaano ay dapat positibo at katanggap-tanggap sa iba ang mga kaisipang nabubuo mo. Ang mas mainam, dapat naaayon ang mga ito sa mga katotohanang prinsipyo, nakakatulong sa iba, at may positibong impluwensiya sa kanila. Gayumpaman, wala sa mga kaisipan at pananaw na ito na nabubuo ng mga taong madaling maghinala ang umaayon sa katotohanan; sa pinakamababa, ang mga ito ay hindi mga positibong bagay—ibig sabihin, ang perspektiba kung saan tinitingnan ng mga gayong tao ang mga problema o ang mga kaisipang binubuo nila ay sadyang hindi umaayon sa katotohanan. Samakatwid, ang ganitong uri ng mga tao ay namumuhay sa madidilim na sulok at wala silang integridad o dignidad na dapat pag-usapan. Ang mga bagay na nagmumula sa kanilang mga kaisipan ay puro madilim at buktot—hindi umaayon ang mga bagay na ito sa mga katotohanang prinsipyo at hindi magkakaroon ng positibong impluwensiya sa mga tao o sa buhay nila. Kung tatanggapin mo ang iba’t ibang kaisipan at pananaw na nagmumula sa paghihinala ng mga tao, malalason ka at mahahatak pababa ng mga ito—katumbas ito ng pagiging tiniwali ni Satanas. Gayumpaman, kung mayroon kang pagkilatis sa gayong mga tao at itinuturing mo silang negatibong halimbawa, makakagawa ka ng kaunting pag-usad sa pag-unawa sa mga negatibong bagay. Dito nagtatapos ang talakayan natin tungkol sa pagiging madaling maghinala.
Susunod, pag-usapan naman natin ang kawalang-kakayahan. Nauunawaan ng lahat kung ano ang ibig sabihin ng kawalang-kakayahan—tumutukoy ito sa pagiging hindi kayang pangasiwaan nang maayos ang anumang bagay, pagmumukhang inutil, katulad ng kapag madalas sinasabi ng mga tao na: “Bakit sobra kang walang kakayahan? Wala ka talagang kinabukasan!” Mabuting bagay ba ang kawalang-kakayahan? (Hindi.) Kung gayon, ikategorya natin ito—ano ito? (Isa itong depekto sa pagkatao.) Malinaw na isang depekto sa pagkatao ang kawalang-kakayahan. Ang kawalang-kakayahan ay nangangahulugan na ang isang tao ay may napakababang katalinuhan sa pangangasiwa ng mga usapin at may mahihinang abilidad para sa pananatiling buhay—ito ay tinutukoy bilang kawalang-kakayahan. May ilang taong malamyang magsalita, hindi magawang ipahayag ang kanilang sarili; ang ilan ay mayroon pa ngang mahiyain at di-palakibong personalidad—kapag kailangan nilang magsalita sa harap ng maraming tao o maging sentro ng atensiyon, nagkakaroon sila ng takot sa entablado, nahihiya, at hindi naglalakas-loob na magsalita, at madalas silang inaapi ng iba. Naniniwala ang ilang masamang tao na may katwiran ang pang-aapi sa gayong mga tao, at na napakasaya at kasiya-siya nito—pinagtritripan at tinutukso nila ang mga ganitong uri ng tao araw-araw. Mahina ang abilidad ng mga taong walang kakayahan sa pangangasiwa ng mga usapin. Maaaring ang ilan sa kanila ay mayroon ding mahihinang abilidad sa patuloy na pag-iral, hindi magawang kumita ng pera, at palaging napakamatatakutin at masyadong maingat sa paligid ng iba. Kapag nakakakita sila ng malalakas na tao, iniiwasan nila ang mga ito at hindi sila naglalakas-loob na magsaita. Kahit na inaapi sila, hindi sila naglalakas-loon na lumaban, natatakot na baka mapasama nila ang looob ng iba. Batay sa mga pagpapamalas ng kawalang-kakayahan sa pagkatao ng ganitong uri ng mga tao, isa lamang itong depekto sa pagkatao. Ang kawalang-kakayahan ng sinuman ay hindi kailanman nagdulot sa kanila na magkaroon ng mga maling kaisipan at pananaw o magdulot ng anumang masasamang epekto sa kanilang sarili o sa iba; samakatwid, ang kawalang-kakayahan ay isa lang depekto sa pagkatao. May sinuman ba na gustong maging isang taong walang kakayahan? (Wala.) Walang sinuman na gustong maging isang taong walang kakayahan—bakit kaya? Ang mga taong kawalang-kakayahan ay inaapi, at minamaliit sila ng lahat, hindi ba? (Oo.) Kung papipiliin ka sa pagitan ng pagiging masama at pagiging walang kakayahan, tiyak na pipiliin mong maging masama kaysa sa walang kakayahan? Iisipin mo: “Hinding-hindi ako magiging isang taong walang kakayahan!’ Sa lipunang ito, ang mga taong walang kakayahan ay minamaltrato at inaapi, hindi sila sikat; saan man sila magpunta, minamaliit at tinatapak-tapakan lang sila ng iba. Bukod sa wala silang pakiramdam ng presensiya, maaari ding maalis ang kanilang karapatang patuloy na umiral. Pero iba ang pagiging isang masamang tao—saan man magpunta ang masasamang tao, kinatatakutan at labis silang iginagalang ng iba. Walang nangangahas na galitin sila. Saan man sila magpunta, nagtatamasa sila ng mga pribilehiyo at puwede pa nga nilang hamak-hamakin ang iba. Umuunlad ang masasamang tao kahit saan sila naroroon sa mundong ito.” Kung papipiliin kayo ngayon, wala ni isa sa inyo ang pipiling maging isang taong walang kakayahan—pipiliin ninyong lahat na maging masamang tao. Tama ba ang pananaw na ito? (Hindi.) Bakit hindi ito tama? Anong katotohanang prinsipyo ang nilalabag nito? Ang kawalang-kakayahan ay isang depekto sa pagkatao. Ang mga pinakakaraniwang pagpapamalas ay ang kawalan ng kakayahang pangasiwaan nang maayos ang anumang bagay, at madiskrimina at mabukod. Dahil naaapi ang mga taong walang kakayahan, at tinatapak-tapakan sila sa lipunan, walang may gustong maging isang taong walang kakayahan. Kinaiinggitan ng lahat ng tao ang mga may kakayahan at kasanayan, at ninanais pa nga nilang lahat na mamukod-tangi sa iba, na magkamit ng kapangyarihan at impluwensiya, at hamakin ang iba, na magkaroon ng mga pribilehiyo at katanyagan sa loob ng anumang grupo, hindi lang iniiwasan na maapi ng iba kundi magawang apihin din ang iba ayon sa gusto nila. Tama ba ang ganitong uri ng kaisipan at pananaw? Umaayon ba ito sa katotohanan? (Hindi.) Napakinggan ninyo ang napakaraming katotohanan, pero kahit ngayon ay sinasang-ayunan ninyo ang masasamang tao—ibig sabihin, napakabuktot din ng inyong disposisyon. Ang sinumang nakikita mong masama, kinaiinggitan at hinahangaan mo. Alam na alam ninyo sa puso ninyo na buktot ang masasamang tao, pero hindi ninyo maiwasang sumunod sa kanila dahil pakiramdam ninyo ay nagkakaroon kayo ng suporta at naiiwasan ninyo ang maapi sa paggawa nito. Kapag nakakakita kayo ng mga taong walang kakayahan, nakakaramdam kayo ng pagkasuklam sa kanila at minamaliit ninyo sila, gusto pa nga ninyong yurakan sila. Pero ni minsan ba ay naisip mo kung gaano kasama ang gagawin mo at kung gaano kalaking ganting-parusa ang matatanggap mo kung susunod ka sa masasamang tao? Ano ba ang mga posibilidad na makakatanggap ka ng pagliligtas kung susunod ka sa masasamang tao? Maiiwasan mo bang gumawa ng masama kung susunod ka sa masasamang tao? Sabihin nating sumusunod ka sa masasamang tao, naglilingkod nang tapat at kumikilos bilang kanilang nasasakupan. Maaaring bigyan ka nila ng parte ng kanilang mga pakinabang, at nasusundan mo sila sa panghahamak sa iba at nakukuha mo ang mga pinakamasarap na pagkain at inumin, nakakaranas ng labis na kasiyahan, naiiwasang maapi, at nagkakamit ng katayuan kasama ang iba sa buhay na ito. Pero kailangan mo pang gumawa ng malaking kasamaan matamasa ang mga bagay na ito! Alam mo ba kung gaano kalaki ang ganting-parusa at kung gaano katindi ang kaparusahang matatanggap mo? Ito ba ang tamang landas? (Hindi.) Kung gayon, handa pa rin ba kayong magsakripisyo na piliin ang paggawa ng kasamaan at tumanggap ng kaparusahan, lahat para lang hindi maging isang taong walang kakayahan at maiwasan ang apihin—isinasakripisyo ang iyong hantungan at kapalaran kapalit ng kasiyahan sa buhay na ito? Ito ba ang kaisipan at pananaw ninyo? Sa totoo lang, pinanghahawakan ng ilang tao ang ganitong uri ng pananaw—mas pipiliin nilang maging masamang tao kaysa maging walang kakayahan at maapi. Hindi ba’t ito ay pagnanais na tumahak sa landas ng masasamang tao? Ang kawalang-kakayahan ay isang depekto lang sa pagkatao—ano ba ang masama roon? Mas mainam ba talagang piliin ang mang-api ng iba at gumawa ng masama? Kung hindi ka hinahayaan ng Diyos na magutom at binibigyan ka Niya ng makakain, maaari ka ba talagang mamatay sa gutom? Kung tinutulutan ka ng Diyos na mamuhay nang may kagalakan, kalayaan, kaligayahan, katuwaan, at kapayapaan, hindi ka magkukulang sa mga bagay na ito. Ano ngayon kung inaapi ka ng iba? Walang makakaalis ng mga bagay na ito mula sa iyo—kung ano ang ipinagkakaloob sa iyo ng Diyos, walang sinuman ang puwedeng mag-alis nito. Kung susunod ka sa masasamang tao at tatahakin mo ang landas ng masasamang tao, ang mga kasiyahang natatamasa mo ay magiging puro makasalanan. Dagdag pa rito, ang anumang pera o materyal na kasiyahang nakukuha mo sa pamamagitan ng paggawa ng kasamaan ay matatamo sa pamamagitan ng puwersahang pang-aagaw, ang kasiyahang nararanasan mo sa buhay na ito ay hihigit pa kaysa sa ipinagkaloob ng Diyos sa iyo, kaya kakailanganin mong suklian ito ng maraming buhay sa hinaharap. Ang pagtamo ng mga kasiyahan sa laman sa buhay na ito kapalit ng pagtanggap ng kaparusahan—hindi ba’t ito ay hindi pagtahak sa tamang landas? Mas pipiliin ninyong maging masamang tao kaysa maapi—sumasalamin ito sa inyong persepsiyon at pagpapahalaga sa kasamaan sa kailaliman ng inyong puso. Kaya, ano ba ang masama sa pagiging walang kakayahan? Kung titingnan ito mula sa perspektiba ng pagkatao, isa itong klase ng depekto, pero isa rin itong likas na kondisyon, na isang bagay na hindi kayang baguhin ng mga tao. Ang mga taong walang kakayahan ay hindi naging mga taong walang kakayahan dahil sa sarili nilang kagustuhan. Bagama’t isa itong depekto, hindi ito isang tiwaling disposisyon, hindi ito isang problema sa karakter. Kaya, ano ba ang masama roon? Kung, dahil sa iyong kawalang-kakayahan at mababang katayuan, ay madalas kang inaapi at lubos mong nauunawaan ang kawalan ng katarungan at kasamaan sa mundong ito, at ang kadiliman ng lipunang ito, at bilang resulta ay taos-pusong kang lumalapit sa Diyos para tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at kusang-loob na magpasakop sa kapamahalaan at mga pamamatnugot ng Diyos, hinahayaan ang Diyos na mamahala sa iyong kapalaran—kung gayon, hindi ba’t ang kawalang-kakayahang ito ay isang uri ng proteksiyon para sa iyo? Ang kawalang-kakayahan ay hindi isang negatibong bagay; isa lamang itong depekto sa pagkatao. Ano ang ibig tinutukoy ng depekto? Nangangahulugan ito ng kakulangan, isang maliit na isyu, isang dungis—isa lamang itong bagay na hindi perpekto, medyo kulang, hindi ganap na nagugustuhan ng isang tao, o hindi ideyal, pero hindi ito nagpapahiwatig na mahina o ubod ng samang karakter. Bakit bakit hindi ninyo matiis ang maliit na depektong ito? Higit pa rito, ang maliit na depektong ito ay maaaring magdulot ng malalaking pakinabang sa iyong buhay pagpasok. O masasabi natin na mas may kakayahan ang ilang tao na buong-pusong sumunod sa Diyos hanggang wakas dahil tinataglay nila ang ganitong depekto sa pagkatao, ganitong likas na kondisyon. Sa huli, dahil kaya nilang tanggapin ang katotohanan, magpasakop sa Diyos, at nagtataglay ng may-takot-sa-Diyos na puso, nagagawa nilang iwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nakakatanggap sila ng kaligtasan. Mula sa perspektibang ito, isa itong pagpapala—hindi dapat tanggihan ng mga tao ang maging isang taong walang kakayahan. Ano ba ang masama sa pagiging walang kakayahan? Hindi lalala ang tiwaling disposisyon ng isang tao dahil lang sa kawalang-kakayahan. Hindi mamaliitin ng Diyos ang isang tao o tatanggihang iligtas siya dahil lang sa siya ay walang kakayahan, at hindi rin maaapektuhan ng kawalang-kakayahan ang kanilang pagtanggap sa katotohanan o ang kanilang pagkaligtas. Kaya, kailangang magbago ang inyong kaisipan at pananaw—malayong-malayo pa ito sa tama. Sinasabi ng ilang tao, “Mas gugustuhin kong maging isang masamang tao kaysa sa isang taong walang kakayahan. Walang kinabukasan ang mga taong walang kakayahan, minamaliit sila ng lahat, at maging sila ay nangmamaliit sa kanilang sarili. Walang saysay na maging isang taong walang kakayahan; ang pagiging isang masamang tao ay astig—puwede mong gawin ang kahit anong gusto mo, apihin ang sinumang madaling apihin, at walang sinumang nangangahas na lumaban. Napakabonggang mamuhay nang ganoon!” Anong pakinabang ang mayroon sa kabonggahan? Kung uunlad at magiging bongga ang pamumuhay sa mundo, masisira ang iyong kinabukasan at hantungan. Hindi ka na makakalapit sa Diyos, at hindi ka na makakaramdam ng pagkamalapit sa Diyos; hindi ka na mahahalina ng Diyos, at hindi ka na mawiwili sa sitwasyon ng pamumuhay at gawain ng sambahayan ng Diyos. Iiwan mo ang Diyos at maghahanap ka ng isang sitwasyon ng pamumuhay kung saan magagamit mo ang iyong mga kalakasan at mapapansin ang iyong halaga. Ipinagbabawal ng sambahayan ng Diyos ang paggawa ng masama, at walang masamang tao ang may mapapala o ang makakapanindigan sa sambahayan ng Diyos. Kung gusto mo ang masasamang tao at nais mong maging isa sa kanila, maaari ka bang manatili sa sambahayan ng Diyos? Sa malao’t madali, ikaw ay aalisin. Bukod sa mabibigo kang magtamo ng magandang hantungan, pagkatapos mamatay, makakatanggap ka rin ng kaparusahan dahil sa kasamaang ginawa mo.Samakatwid, bagama’t isang depekto sa pagkatao ang kawalang-kakayahan, hindi ito isang tiwaling disposisyon, at hindi rin ito nangangahulugan na ang pagkatao ng isang tao ay masama. Sino ba ang walang mga kapintasan? Ang kawalang-kakayahan ay katulad lang ng ilang tao na ipinanganak nang may utal o medyo hindi kaaya-ayang itsura—lahat ng ito ay mga likas na depekto. Magkakaiba ang kulay ng balat ng mga tao—ang ilan ay ipinanganak na maputi, may ilan na madilaw, at may ilan din na maitim. Isa itong likas na kondisyon. Ang mga taong madilaw ang balat ay maaaring mukhang hindi gaanong malusog, nang may hindi gaanong kaaya-ayang kutis—isa itong maliit na depekto. Ang mga taong may maitim na balat ay mukhang mas matipuno, pero walang may gusto na magkaroon ng maitim na balat. Ang mga taong mapuputi ang balat ay kadalasang kinaiinggitan, pero maging sa kanila, pakiramdam ng ilan ay hindi rin maganda ang maging sobrang maputla, kaya gusto nilang magpa-tan para maging kulay kayumanggi ang balat nila, naniniwala sila na magmumukha silang mas malusog at magbibigay-kinang ito sa kutis nila. Kita mo, ang kawalang-kakayahan ay katulad lang ng iba’t ibang likas na kondisyon ng mga tao—sadyang isa lang itong uri ng depekto. Kaya, malaking problema ba ito? (Hindi.) Samakatwid, kahit na isang depekto sa pagkatao ang problemang ito, hindi ito nakakaapekto sa iyong pagtanggap sa katotohanan o sa iyong pagkaunawa sa katotohanan. Kaya, tumututol pa rin ba kayo na maging isang taong walang kakayahan? (Hindi na.) Aapihin pa rin ba ninyo ang mga taong walang kakayahan kapag nakita ninyo sila? (Hindi.) Medyo inaapi ninyo sila noon, hindi ba? Ngayon, kapag nakakita kayyo ng mga taong walang kakayahan, hahamakin at mamaliitin pa rin ba ninyo sila? (Hindi.) Kung ikaw mismo ay isang taong walang kakayahan, mas lalong hindi mo dapat maliitin ang sarili mo. Kung wala kang kakayahan, hayaan mo ito—magsanay ka na maging isang matapat na tao ayon sa mga salita ng Diyos. Kahit wala kang kakayahan, dapat kang maging matapat at hindi maging mapanlinlang, at ganitong uri ng tao ang gusto ng Diyos. Ano ang gusto ng Diyos? Hindi ang kawalang-kakayahan mo. Ito ay na dahil sa kawalang-kakayahan mo, handa kang maging isang matapat na tao; na dahil minamaliit ka ng mga tao at hindi pinapaboran ng mga tao, nag-iisip ka ng mga paraan para maging isang matapat na tao, upang mapasaya at mapalugod ang Diyos, at ginagawa mo ang anumang sinasabi ng Diyos. Sa ganitong paraan, nagiging isang pakinabang ang iyong kawalang-kakayahan, hindi ba? (Oo.) Nagbago na ba ang pananaw ninyo ngayon? (Oo.) Siyempre, hindi ibig sabihin na lahat ng taong walang kakayahan ay nagagawang tumanggap sa katotohanan. Ang ilang tao ay mayroon ding mga problema sa kanilang karakter, bukod pa sa pagkakaroon ng depekto ng kawalang-kakayahan sa kanilang pagkatao. Hindi ito puwedeng gawing pangkalahatan. Ang kawalang-kakayahan mismo ay hindi isang malaking problema, pero kailangan mo ring tingnan kung ano ang karakter ng isang tao. Kung ang isang tao ay mapanlinlang o may ubod ng samang ang ugali—kung siya ay di-nahihiyang makapal ang mukha, madaling maghinala, sensitibo, matigas ang ulo, o may malupit na disposisyon pa nga—kung gayon, hindi talaga mabuti ang taong ito. Kaya, hindi palaging nangangahulugan na may mabuting karakter ang isang taong walang kakayahan. Sige, iyan na muna ang lahat para sa ating talakayan tungkol sa kawalang-kakayahan.
Ang susunod na pagpapamalas ay ang kabutihang‑loob. Ang pagpapamalas na ito ay isang merito ng pagkatao. Matapos ng naparakami nating tinalakay, umabot na tayo sa wakas sa isang merito ng pagkatao; tunay na walang maraming merito ang pagkatao. Ang kabutihang‑loob ay isang klase ng merito ng pagkatao. Sapagkat isa itong merito, kailangan nating pag-usapan ito nang detalyado dahil karamihan sa mga tao ay hindi nagtataglay ng mga pagpapamalas ng ilang merito ng pagkatao na matatagpuan sa mga tao. Kaya, tingnan natin, saan matatagpuan ang mga merito ng kabutihang-loob? Ang kabutihang-loob ay nangangahulugan na medyo taos-puso ang isang tao. Kapag pinangangasiwaan nila ang mga bagay-bagay, medyo napapanatag ang iba. Nagbubuhat sila ng pasanin para mapangasiwaan nang maayos ang mga gampaning ipinagkatiwala sa kanila.) (Ang mga taong mabuti ang loob ay may magandang wastong asal, isasaalang-alang nila ang iba, at iisipin ang kapakanan ng iba.) Iniisip ang kapakanan ng iba—isa itong marangal na gawi! Marangal ang mga gayong tao, pero hindi napakarangal ba ng kabutihang‑loob? (Hindi.) Ang kabutihang‑loob ay nangangahulugan lang na hindi gaanong masalimuot ang mga kaisipan ng isang tao; siya ay medyo simple lang, hindi mapandaya; siya ay mapagkaloob at hindi marahas sa iba, at hindi siya nagkakalkula ng mga pansariling pakinabang at kawalan kapag nakikisalamuha sa iba. May nang-iinsulto sa kanya, at saglit na sumasama ang loob niya, pero pagkatapos, iisipin niya, “Kalimutin na lang natin,” at hahayaan na lang ang isyu. May isang taong matagal nang may utang na pera sa kanya, nang hindi nagbabayad, at pinag-iisipan niya ito: “Nakakahiya naman kung pakikiusapan ko siya na magbayad. Isa pa, mahirap ang lagay niya, at noong panahong iyon, mas nakaluluwag ako kaysa sa kanya. Pinahiram ko ang pera, at iyon na iyon. Iisipin ko na lang na pagtulong ito sa mahihirap.” Kita mo, ang mga kaisipan niya ay mapagbigay at mapagparaya. Halimbawa, kapag nagkakamali ng pag-unawa sa kanya ang iba, hindi niya ito iniintindi at hindi niya ipinagtatanggol ang kanyang sarili. Kagpag hinuhusgahan siya ng iba at tinatawag siyang hangal, wala siyang pakialam. Kapag ginagawa ang kanyang tungkulin, hindi niya nararamdamang nakakapagod ito, at ginagawa niya ang mga bagay na ayaw gawin ng iba. May isang taong nangungutya sa kanya, nagsasabing, “Nagpapahinga ang lahat, kaya bakit nagtatrabaho ka pa rin?” Sasagot siya, “Ano ba ang masama kung magtrabaho pa ako nang kaunti? Hindi naman ako napapagod. Nauubos ba talaga ang isang tao sa kakatrabaho? Kung hindi ito ginagawa ng iba, hayaan na lang sila. Dahil kaya ko namang gawin ito, magtatrabaho pa ako nang kaunti.” Hindi niya masyadong pinoproblema ang mga pakinabang at kawalan, ni masyadong pinoproblema ang reputasyon o katayuan. Kahit siya mismo ay nagdurusa ng mga kawalan, hindi niya ito binabanggit. Kapag nahaharap sa mga suliranin ang iba, nagkukusa siyang tumulong. Ang pagtulong niya ay walang sariling intensiyon at layunin, at kung nais man siyang suklian ng pabor ng iba, pakiramdam niya ay hindi malaking bagay ang kaunting pagtulong at isa itong bagay na dapat niyang gawin. Kahit hindi pinahahalagahan ng iba ang tulong na ibinigay niya, hindi niya pinoproblema ang mga gayong bagay. Kapag oras na para tumulong sa iba, tutulong pa rin sila. Marami ba ang gayong uri ng mga tao? (Hindi marami.) Hindi marami ang gayong uri ng mga tao. Bagama’t may mabuting loob sila, mayroon silang mga partikular na hangganan sa kanilang pag-asal. Halimbawa, may ibang mga tao na palaging gustong samantalahin ang gayong tao na may mabuting loob, itinuturing itong hangal. Pagkatapos magsamantala, nagsasabi sila ng matatamis na salita para palambutin ang loob ng taong ito, at pagtagal-tagal, sasamantalahin nila itong muli. Kapag nakita ng taong may mabuting loob na walang katapusan ang ganitong pagtrato, hindi niya ito pinalalaki, hindi siya nagkikipagtalo, o nangangatwiran sa kanila. Sa puso niya, alam niya na hindi mabuti ang gayong mga tao at hindi angkop pakisamahan, kaya hindi na niya pinapansin ang mga ito mula noon. Gayumpaman, hindi niya hinuhusgahan ang mga ito nang patalikod. Kadalasan, kapag may nagtatanong tungkol sa ganitong uri ng tao, sinasabi niya, “Gusto lang ng taong iyong na makakuha ng mga kaunting pakinabang.” Hindi niya pinalalaki ang isyu, at hindi rin niya hinuhusgahan ang mga tao nang may pagkamainitin ng ulo; sinasabi lang niya kung ano ang kailangan. Talagang maganda ang pagkatao ng mga taong may mabuting loob. Ang kanilang merito ay na hindi nila masyadong pinalalaki ang mga bagay-bagay. Anuman ang ginagawa nila, hindi sila kumikilos batay sa pagkamainitin ng ulo, mga emosyon, o mga damdamin; ginagawa lang nila ang nararapat gawin ng mga tao at tinutupad ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga tao. Sa loob ng saklaw ng normal na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao, ginagawa nila ang dapat nilang gawin; anuman ang kaya nilang gawin, ginagawa nila ang buong makakaya nila para gawin ito, nagsusumikap na tulungan ang iba, ginagawa nila ito nang taos‑puso at taimtiman. Ang ilan sa kanila ay hindi pa nga naghahangad ng anumang gantimpala, iniisip nila, “Tumutulong lang ako. Hindi mo kailangang maramdaman na malaki ang utang mo sa akin, o na kailangan mo akong suklian dahil lang sa may ganitong maliit na utang ka sa akin, palaging kumikilos na parang alipin at sobra-sobrang magalang sa harap ko. Hindi iyon kinakailangan.” Ang gayong mga indibidwal ay may pinamakabuting pagkatao sa gitna ng mga tao. Hindi sila madaya, hindi rin sila malupit sa iba. Sila ay mapagmalasakit, at may mabait na parte sa kanilang pagkatao. Ginagawa nila ang anumang kaya nilang gawin, hindi nila masyadong pinoproblema ang mga pansariling pakinabang at kawalan, at wala silang masyadong pakialam sa mga gantimpala. Isa itong merito ng pagkatao. Tumingin kayo sa paligid ninyo at tingnan kung sino ang nagtataglay ng gayong mga merito. Kung ang isang tao ay nagtataglay ng gayong karakter, maituturing siyang isang mabuting tao, isang disenteng tao, sa gitna ng tiwaling sangkatauhan. Hindi nila pinalalaki ang mga bagay-bagay, hindi sila mapandaya, hindi malupit sa iba, at tinutulungan nila ang iba nang hindi naghahangad ng pakinabang. Sila ay lubos na mapagparaya at mapagpaubaya sa kanilang sariling asal. Ano ang ibig sabihin ng pagiging lubos na mapagpaubaya? Nangangahulugan ito ng hindi pagpapalaki sa maliliit na usapin nang walang katapusan, at hindi pagkimkim ng sama ng loob kapag sinasamantala sila ng iba. Ito ay tinatawag na pagiging mapagpaubaya, at isa itong malaking merito ng pagkatao. Isa ring merito ang kabutihang-loob, at ang pagiging mapagpaubaya ay isang merito rin. Hindi ito katulad ng mga makitid ang isip, madaling maghinala, sensitibo, at matigas ang ulo—walang katapusang pinalalaki ng mga taong ito ang maliliit na usapin, agad-agad silang nagagalit, napupuno sa galit, mayroong nakakatakot na malamig na ekspresyon sa mukha, hindi pinapansin ang sinumang nakikipag-usap sa kanila, at wala nang ibang iniisip kundi maghiganti sa iba. Wala sa mga ito ang dapat taglayin ng mga normal na tao. Ang mga taong may mabuting loob ay wala niyong mga komplikadong usapin sa kanilang mga kaisipan, ni walang kahina-hinalang mga kaisipan tungkol sa iba. Ang lahat ng nasa puso nila ay kung ano ang dapat taglayin ng mga normal na tao; partikular na umaayon ito sa konsensiya at katwiran ng pagkatao, pati na sa pamantayan ng isang pagpapahalaga sa katarungan at kabutihan sa pagkatao. Kapag nakikisalamuha ka sa kanila, napakaluwag ng pakiramdam mo at pakiramdam mo ay napakasimple lang ng mga bagay-bagay—hindi gaanong marami ang mga mapanggulong usapin, at hindi mo kailangang magbantay-bantay laban sa anumang bagay. Hindi mo kailangang maghaka-haka tungkol sa mga kaisipan nila o magmistulang manghuhula. Kahit aksidenteng masaktan mo sila, hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa anumang kahihinatnan—hindi mo rin kailangang magpasan ng anumang kahihinatnan. Posible na kapag galit ka, nagiging mainitin ang ulo mo at sumisigaw ka ng ilang malulupit na salita sa kanila, at sa mga oras na iyon, nakikipag-away at nakikipagtalo rin sila sa iyo, pero pagkatapos ng pagtatalo, hindi sila nagkikimkim ng sama ng loob, ni nagpapakana laban sa iyo o naghihiganti sa iyo. Hindi mo kailangang mag-alala na kung magkamit man sila ng katayuan, pahihirapan ka nila o hahanapan ka nila ng mali, ni hindi mo kailangang mag-alala na pupuntiryahin ka nila nang walang dahilan. Wala silang ganoong mga bagay sa loob nila—simple lang sila. Tiyak na hindi sila patuloy na magkikimkim ng mga bagay na ito laban sa iyo mula sa puntong iyon. Sa sandaling matapos na ang usapin, tapos na ito. Pagkatapos, kapag kinakausap ka nila, tinatrato ka pa rin nila nang normal. Kahit pa galit sila sa oras na iyon at nakipag-away sa iyo, hindi sila nagkikimkim ng sama ng loob laban sa iyo pagkatapos. Alam nilang nakapagsalita ka lang ng ilang galit na salita, at kaya nilang intindihin ito: “Sino ba ang hindi nakakapagsalita ng malulupit na salita kapag nagagalit? Hindi naman ito sinasadya. At saka, mayroong mga tiwaling disposisyon ang lahat ng tao, ang lahat ay may mga oras kung kailan masama ang lagay ng kalooban nila, at ang lahat ay may pakamainitin ng ulo. Pagkatapos, basta’t huminahon ang lahat, umamin sa kanilang mga kasalanan, at magnilay-nilay sa katunayan na nagbunyag sila ng mga tiwaling disposisyon, at nabigong kumilos ayon sa mga prinsipyo, ayos lang iyon.” Patatawarin ka nila, hindi tulad ng masasamang tao, na walang humpay ma tumutugis sa iyo at hindi titigil hanggang sa masira ka nila. Karaniwang walang hilig sa paghihiganti ang mga taong may mabuting loob. Kung may ginagawa ka na nakakasakit ng loob nila, maaaring kamumuhian ka nila minsan, pero tiyak na hindi nila lalabagin ang moralidad ng pagkatao at hindi sila gagamit ng mga kasuklam-suklam na paraan para pahirapan ka. Kahit may mga tiwaling disposisyon ka at maaaring magsabi o gumawa ka ng ilang bagay batay sa mga tiwaling disposisyon—gaya ng pagbanggit ng mga pagkakamaling ginawa mo sa nakaraan o pagpupungos sa iyo—hindi sila mag-iimbento ng mga bagay-bagay nang walang basehan o gagamit sa kapangyarihang taglay nila para mambatikos o maghiganti sa iyo. Kahit gusto ka nilang batikusin o gantihan at mayroon silang ganitong uri ng tiwaling disposisyon, dahil tinataglay ng kanilang pagkatao ang merito ng kabutihang‑loob, kapag gusto nilang maghiganti, mapipigilan sila, at magagawa nilang panatilihin ang mga bagay-bagay sa mga wastong hangganan. Kung kaya pa ring kamtin ng isang tiwaling taong may kapangyarihan ang antas na ito, ito ay labis nang kapuri-puri. Ang karamihan sa mga tao, kung hindi nila taglay ang meritong ito, ay hindi nakakapagkamit ng kahit ganitong antas ng pagpipigil at hindi hindi nila maiwasan ang mambatikos at maghiganti sa iba.
Ang pagpapamalas o pagbubunyag ng kabutihang-loob ay isang merito ng pagkatao. Ang meritong ito ng pagkatao, sa malaking bahagi, ay pipigil o mang-uudyok sa mga tao, binibigyang-kakayahan sila na magkamit ng isang partikular na antas ng kontrol at pagpipigil kapag nabubunyag ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung ang gayong taong may mabuting loob ay isang taong may espirituwal na pang-unawa, na kayang umarok sa katotohanan at tumanggap sa katotohanan, kung gayon, ang meritong ito ng pagkatao nila ay maaaring magbigay-kakayahan sa kanila na sumunod sa mga katotohanang prinsipyo nang mas mahigpit kapag tinitingnan nila ang mga tao at bagay, at kapag umaasal at kumikilos sila, hindi ba’t ganoon? (Oo.) Sa kabilang banda, ang isang tusong tao ay mas matinik at naiiba sa isang taong may mabuting loob. Pagkatapos gumawa ng masamang bagay, hindi lamang sila nagninilay-nilay sa kanilang sarili, kundi pinatitindi pa nila ang kanilang maling gawain at ipinagpapatuloy ito hanggang wakas. Ginagawa sila nito na isang diyablo, ganap na salungat sa mga prinsipyo ng pagkilos ng isang taong may mabuting loob. Halimbawa, kung ang isang tao ay may mabuting loob at nagtataglay ng meritong ito ng pagkatao, kung gayon, kapag nakikipagtalo sa iyo, nagsasalita siya batay sa mga katunayan. Hindi niya palalakihin ang mga bagay-bagay, mag-iimbento ng ilang negatibong bagay tungkol sa iyo nang walang basehan, o sisiraan ka at iinsultuhin ang iyong integridad dahil galit siya sa iyo. Talagang hindi niya gagawin ang mga ganoong bagay. Kapag nakikipagtalo sa iyo, maaaring magbunyag siya ng isang mayabang o malupit na disposisyon, pero ang mga salitang sinasabi niya ay ganap na napipigilan ng kanyang konsensiya, katwiran, at may kabutihang-loob na pagkatao. Sa ganitong paraan, sa isang partikular na antas, nababawasan ang tindi ng pinsalang naidudulot niya sa iyo. Gayumpaman, ang masasamang tao ay walang aspekto ng kabutihang-loob sa pagkatao. Paano ba nag-aaway ang masasamang tao? “Isa kang puta, isang pokpok! Iniinsulto at isinusumpa ko ang walong henerasyon ng mga ninuno mo!” Magsasabi sila ng iba’t ibang uri ng malupit at mapaminsalang bagay. Ganito ang masasamang tao—ubod ng sama ang karakter nila. Hindi sa mga katunayan ibinabatay ng ilang taong may ubod ng samang karakter ang kanilang pang-iinsulto. Bakit hindi nila ibinabatay ang mga ito sa mga katunayan? Dahil wala silang konsensiya at hindi bila natutugunan ang mga pamantayan ng konsensiya. Kapag iniinsulto nila ang iba, hindi sila nililimitahan ng kanilang konsensiya. Walang pakundangan silang bumabato ng pang-aabuso, sinasabi ang anumang mga insultong maisip nila. Anumang mga salita ang makakapagbulalas ng kanilang hinanakit, makakasugat nang malalim sa puso mo, at magpapabaliw sa iyo sa galit—iyon ang mga salitang sasabihin nila. Halos ikamamatay mo sa sobrang galit ang mga pang-iinsulto nila. Ang gayong mga tao ay walang kabutihan sa puso nila at puno sila ng masamang hangad. Ang pangunahing ibinubunyag ng masasamang tao ay kayabangan at kalupitan, ang dalawang uri ng disposisyong ito. Sa diwa, ang mga salitang ibinabato nila ay naghahatid ng mga sumpa, puno ng masamang hangad ni Satanas, at may sapat na mapangwasak na kapangyarihan; kaya pa nga nilang magbato ng pinakamapaminsalang salita ng pagsumpa. Kung may pagkatao ka o kung ang pagkatao mo ay may kabutihang-loob, hindi mo kayang sabihin ang gayong mga pang-iinsulto; higit pa rito, hindi mo kayang mag-imbento ng mga bagay-bagay nang walang basehan. Ito ay dahil may pakiramdam ka ng konsensiya at mayroon kang pagkamakatwiran, at labis kang napipigilan at nakokontrol ng aspekto ng pagiging mabait at may mabuting loob sa iyong konsensiya, ginagawang imposible na magsabi ka ng gayong mga pang-iinsulto. Kapag may isang taong nang-iinsulto sa iyo, nakakaramdam ka ng galit at gusto mong insultuhin ang walong henerasyon ng kanyang mga ninuno at sumpain sila, sinasabing dapat silang mapunta sa impiyerno, pero pinag-iisipan mo ito nang mabuti: “Ano ba ang karapatan ko para sumpain sila? Hindi ako Diyos, hindi ako ang may huling salita.” Gusto mo rin silang gantihan ng insulto gamit ang mga bulgar na salita, pero pinag-iisipan mong mabuti: “Kapag gagamit ako ng mga bulgar na saita, maging sarili ko ay makakaramdam ng pagkasuklam—ano na lang ang iisipin sa akin ng mga taong nasa paligid ko? Hindi ba’t nangangahulugan iyon na wala akong integridad o dignidad? Hindi ba’t kumikilos ako na parang palaaway? Hindi ako magiging ganoong uri ng tao.” Hindi mo sila magawang insultuhin. Kaya, sa malaking parte, napipigilan ang pananalita mo, at napakalimitado ng kung ano ang nagagawa mong sabihin. Maaaring ang kaya mo lang sabihin ay, “Satanas ka, malubha ang iyong tiwaling disposisyon, hindi mo makakamit ang kaligtasan, at ayaw sa iyo ng Diyos.” Maaaring kaya mo lang magsalita ng ilang ganoong bagay, pero pagkatapos ay pinag-iisipan mo nang mabuti: “Hindi ako ang magpapasya kung ayaw ng Diyos sa isang tao,” kaya wala kang kumpiyansa kapag sinasabi mo iyon. Kapag iniinsulto at isinusumpa ka ng isang tao, sinasabi sa iyo na magpunta sa ikalabingwalong antas ng impiyerno, iniisip mo: “Ang sumpain ang isang tao, sinasabihan siya na magpunta sa ikalabingwalong antas ng impiyerno—masyado namang malupit ang mga salitang iyon! Hindi ko kayang sabihin ang ganoong bagay. Kailangan kong maging mas banayad sa pananalita ko!” Bakit nagagawa mong magkaroon ng mga ganitong kaisipan? Dahil ang umiiral sa loob ng iyong pagkatao ay naiiba sa kung ano ang nasa masasamang tao. Kung mayroon kang mabuting loob at mabait ka, at mayroon kang konsensiya at katwiran, magiging napakamakatwiran ng mga salitang sinasabi mo. Sa loob ng mga hangganan ng iyong konsensiya, maaaring nagsasabi ka ng ilang galit na salita o nakakapagbitaw ka ng ilang ilang salitang galit o makapagbitaw ng ilang bastos na salita, pero pagkatapos sabihin ang mga iyon, ikaw mismo ay nakakaramdam ng sama ng loob at hindi mo nasaktan ang ibang tao—kulang ng mapangwasak na lakas ang mga salita mo. Mas lalong natutuwa ang masasamang tao habang mas iniinsulto nila ang iba, samantalang ikaw naman, mas sumasama ang loob mo habang mas iniinsulto mo ang iba—iniisip mo: “Huwag na lang, ang bumaba sa parehong antas ng ganoon kasuklam-suklam na karakter at masamang tao ay walang kuwenta at walang kabuluhan. Hindi na ako makikipag-away sa kanila.” Lubos na walang saysay ang makipagtalo sa masamang tao ay kasing-hawa na walang silbi gaya ng pagtatangkang magsalita tungkol sa katotohanan kay Satanas. Hindi kailangang makipagtalo o mag-aksaya ng oras sa kanila. Iwasan mo na lang ang gayong mga tao sa hinaharap. Iisipin mo ba na ipahamak sila? Iisipin mo ba na maghiganti sa kanila at maghanap ng pagkakataon para turuan sila ng leksiyon? Wala kang ganoon kalupit na puso. Paulit-ulit mo lang na sinasabi sa sarili mo, “Hindi bale na. Walang anumang kawalan sa akin ang ilang pang-iinsulto mula sa kanila; hindi ako gagawa ng problema sa kanila tungkol dito.” Inaalo pa nga ng ilang tao ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsasabing, “Tutal, hindi naman ako isinumpa ng Diyos. Walang anumang epekto ang mga sumpa nila.” Sa katunayan, dahil mayroon kang konsensiya at katwiran, at ikaw ay may mabuting loob at mabait ka sa loob ng iyong pagkatao, sadyang hindi mo kayang sabihin ang mga pang-iinsultong iyon. Marumi at mapanghamak ang tingin mo sa mga iyon. Kung lalabas sa bibig mo ang mga salitang iyon, mararamdaman mo na lumalabag ang mga iyon sa iyong konsensiya. Lalo na pagdating sa mga imbento o mga walang batayang usapin, mas lalo pang hindi mo kayang sabihin ang mga iyon. Ang hindi magawang sabihin ang mga iyon ay itinuturing mong isang pananggalang. May malaking mapangwasak na lakas ang mga salita nila at nakapagdulot sa iyo ng pinsala—ito ang masamang gawa nila. Paano nagkaroon ng ganitong masamang gawa? Dahil naglalaman ng mga ubod ng samang katangian ang kanilang pagkatao. Kapag mayroon silang mga hidwaan o pagtatalo, lumulubo ang kanilang tiwaling disposisyon nang walang hangganan, at kaya ka nilang sumpain nang walang pakundangan. Mayroon sila ng ganitong uri ng ubod ng samang karakter, kaya likas na nagbubunyag sila ng tiwaling disposisyon. Sa kabilang banda, kung isa kang taong may mabuting loob at mabait, na may konsensiya, katwiran, at pagkatao, sa ganitong sitwasyon, bukod sa hindi mo ilalabas ang iyong tiwaling disposisyon, labis ding pipigilan ng iyong pagkatao ang pagkakabunyag ng iyong tiwaling disposisyon. Labis itong nakakabuti para sa iyo. Sa panlabas, tila nagdusa ka ng kawalan, na dehado ka, at hindi mo sila matalo sa awayan, nagiging isang katatawanan ka ng iba. Sa katunayan, pinrotektahan ka ng pagkatao mo, pinipigilan kang makagawa ng kasamaan, gumawa ng mga bagay na hindi kalugod‑lugod para sa Diyos, o magsabi ng mga salita na hindi kalugod‑lugod para sa Diyos. Sa ganitong paraan, hindi ba’t, sa isang banda, pinrotektahan ka nito? (Oo.) Ang meritong ito ng pagkatao, sa malaking bahagi, ay nagprotekta sa iyo, pinipigilan kang higit pang gumawa ng mga bagay na hindi kasiya-siya o mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos, magsabi ng mga salitang kinasusuklaman at kinokondena ng Diyos, kapag nagbubunyag ng tiwaling disposisyon. Bagama’t hindi ito maituturing na mabuting gawa, kahit papaano, hindi ka nakagawa ng kasamaan. Ang ginawa mo sa sitwasyong ito ay hindi kokondenahin, at hindi ka mapaparusahan dahil dito. Sa kabaligtaran, hindi lamang kokondenahin ang masasamang tao, kundi paparusahan din sila dahil sa mga bagay na ginawa nila habang pinangingibabawan ng kanilang ubod ng samang karakter. Kakailanganin nilang pasanin ang mga kahihinatnan at managot. Samakatwid, ang mga taong nagtataglay ng iba’t ibang merito sa kanilang pagkatao ay maaaring magmukhang napahiya, nawalan ng katayuan at dignidad sa ilang usapin, at lalong nawalan ng pagkakataon na magkusang igiit ang kanilang katwiran, pero hindi ito pagdurusa ng kawalan. Sinasabi ng ilang tao, “Kung hindi ito pagdurusa ng kawalan, ibig bang sabihin niyon ay pananamantala ito?” Hindi ito nasusukat batay sa pagdurusa ng mga kawalan o sa pananamantala. Kung gayon, paano ito dapat sukatin? Ganito ito dapat sukatin: Ang pagdurusa ng kawalan sa isang sitwasyon ay hindi mahalaga; ang susi ay na maaari kang magkamit ng pakinabang mula rito. Sa sitwasyong ito, ang mga merito ng iyong pagkatao ang nagsanggalang sa iyong pag-uugali, pinipigilan kang makagawa ng kasamaan at sinisiguro na hindi ka kinokondena ng Diyos. Hindi ba’t pagkamit ito ng pakinabang? Ngayon, hindi posibleng magdusa ka ng kaparusahan bilang resulta ng paggawa ng kasamaan. Hindi ba’t mabuting bagay ito para sa iyo? (Oo.) Bagama’t hindi isang mabuting gawa ang kusa mong ginawa, ni isang pagkilos ng kusang pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo, sa loob ng balangkas ng pagkakaroon ng mga merito sa iyong pagkatao, nakagawa ka ng isang bagay na hindi lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo. Sa ganitong paraan, protektado ka. Bagama’t hindi ito matatandaan, kahit papaano, hindi ito kinokondena. At kaya hindi mo kailangang managot o magdusa ng kaparusahan. Hindi ba’t mabuting bagay ito? (Oo.) Sa proseso ng pagsunod sa Diyos, umaayon man sa katotohanan o hindi ang ginagawa mo at anuman ang tingin ng Diyos dito, kahit papaano, mayroon kang malinis na konsensiya. Kahit hindi ito natatandaan ng Diyos, kahit papaano, naiiwasan mong makondena ng Diyos o na kamuhian ka ng Diyos. Ito ang pinakabatayang prinsipyo na dapat mong sundin. Hindi ba’t napakahalaga ng mga merito ng pagkatao para sa mga tao? (Oo.) Kaya huwag kang palaging mag-alinlangan dahil lang sa inaakala mo na ang pagkakaroon ng ilang merito ng pagkatao ay dahilan para hindi ka magustuhan ng mga tao, palaging mong mapapalampas ang makakuha ng mga bentaha o magkamit ng mga pakinabang, at makukuha ng iba ang lahat ng bentaha, samantalang palaging ikaw ang magdurusa ng kawalan. Ano ba ang masama ng pagdurusa ng kawalan? Sa pinakamaliit na batayan, ang tinatamasa mo ay ang unang ibinigay sa iyo ng Diyos, at hindi mo kinuha kung ano ang pagmamay-ari ng iba. Kung mananamantala ka, hindi iyon tama—ibig sabihin niyon, kinuha mo ang parte ng iba. Kung kukunin mo ang hindi mo pag-aari, kokondenahin ka ng Diyos. Hindi dapat gawin ng mga tao ang mga bagay na kinokondena ng Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko alam kung anong uri ng mga pagkilos ang dapat kong gawin na matatandaan ng Diyos.” Pero alam mo ba kung aling mga pagkilos ang kinokondena ng Diyos? Kung ganoon, kahit papaano, dapat kang sumunod sa hangganang ito: Huwag gumawa ng mga bagay na kinokondena ng Diyos. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Ngayong mas natalakay na natin ang mga usaping ito, dapat nauunawaan mo na.
Karamihan sa mga tao ay walang merito ng kabutihang‑loob sa pagkatao. Gayumpaman, kung ang isang tao ay tunay na nagtataglay ng meritong ito, siya ay tunay na isang mabuting tao sa gitna ng tiwaling sangkatauhan—napakabihira ng gayong mga tao. Kung tunay mong tinataglay ang meritong ito, pagpapalain ka ng Diyos, pakikitaan ka ng Diyos ng biyaya sa bawat pagkakataon. Sa usapin ng tao, ibig sabihin nito, aalagaan ka ng Diyos sa bawat pagkakataon. Paano ka Niya aalagaan? Ang pag-aalaga ng Diyos sa iyo ay na kahit palagi mong iniisip ang iba at isinusuko mo ang sarili mong mga interes, at sinasamantala ka ng iba, hindi nila matatanggap ang mga pagpapala ng Diyos. Maaari lang silang mamuhay sa pamamagitan ng pananamantala sa iba at kakailanganin nilang pagbayaran ito sa susunod na buhay. Gayumpaman, namumuhay ka sa mga pagpapala ng Diyos. Bagama’t maaari kang samantalahin ng iba, sa katunayan, walang anumang nawawala sa iyo. Sabihin mo sa Akin, mabuting bagay ba ito? (Oo.) Kita mo, sa panlabas, tila palaging nagdurusa ng mga kawalan ang mga taong may mabuting loob. Ang tingin ng mga tao sa kanila ay simple at isang taong totoo, kaya, kapag nagsasalita at kumikilos, palagi silang sinasamantala ng mga tao, tinatrato sila na parang mga hangal, inaapi sila, ginagatasan sila ng parehong pera at mga pakinabang, at inaagaw ang maraming pag-aari nila. Pero nakikita mo ba na may anumang kulang sa mga taong may mabuting loob? Walang kulang sa kanila. Sila ay masaganang tinutustusan sa lahat ng bagay. Kapag gumagawa ng mga bagay-bagay, mayroon silang katalinuhan at karunungan sila at hindi sila nag-aalala. Anuman ang tungkuling itinatalaga sa kanila ng sambahayan ng Diyos, hindi nila pinoproblema ang mga pakinabang at kawalan, ni hindi sila nakikipag-away o nakikipagkompetensiya. Ginagawa lang nila ang anumang ipinagagawa sa kanila. Kahit ano pa ang gampamnin, bihira silang nagkakamali. Kahit nagkakaroon ng paminsan-minsang maliliit na problema o pagkakamali, hindi sinasadya ang mga iyon. Isinasapuso nila ang kanilang ginagawa, natutugunan nila ang pinakamababang pamantayan pagdating sa kanilang konsensiya at katwiran, at kaya nilang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos. Kaya naman, nakakatanggap ang gayong mga tao ng mga pagpapala ng Diyos. Sapagkat alam mo na ang kabutihang‑loob ay isang merito ng pagkatao, dapat mo bang pagsumikapan ito sa iyong sariling asal? (Oo.) Huwag palakihin ang maliliit na isyu, at huwang maging kagaya ng isang taong napakabugnutin na walang sinumang nangangahas na lumapit o galitin ito—huwag maging ganoong uri ng tao. Kung sinasamantala ka nang kaunti ng iba, huwag mong palaging iparamdam sa iyong sarili na inaapi ka nila. Ano ba ang masama sa pagiging mas simple at totoong tao? Ang ilang tao ay sobrang matalas at palagi nilang gustong patunayan na hindi sila hangal, sinasabing, “Huwag mo akong gawing hangal. May utak ako! Nakikita ko kung sino ang ayaw sa akin o hbindi maganda ang trato sa akin. Alam ko kung sino ang nangmamaliit sa akin at kung kaninong mga salita ang puno ng sarkasmo o mga nakatagong patutsada.” Wala namang silbi ang makita o marinig ang gayong mga bagay. Ito ay kaunting katalinuhan at katalasan. Ang pagkakaroon ng kaunting katalasan na ito ay hindi nangangahulugan na mayroon kang karunungan o na tunay kang matalino. Sa kabaligtaran, mamaliitin ka ng iba, dahil maging ang mga hayop ay nagtataglay ng ganitong uri ng katalasan at ganitong makikitid na pag-iisip. Bakit Ko sinasabi ito? Alam ito ng lahat ng may malapit na ugnayan sa mga hayop: Maging ang maliliit na hayop ay nakakaintindi kapag may sinasabi kang kaaya-aya o hindi kaaya-aya na mga bagay tungkol sa kanila. Halimbawa, kapag narinig ng isang aso na may sinasabi kang mga hindi kaaya-ayang salita, agad itong malulungkot, samantalang natutukoy rin nito kapag may sinasabi kang ilang halatang kaaya-ayang salita. Kung palaging gumagamit ang mga tao ng mga bagay na maging ang maliliit na hayop ay nagtataglay para sukatin ang sarili nila, hindi ba’t ibinababa niyon ang sarili nilang katangian ng pagiging tao? Sa pamamagitan ng pagpapababa sa pamantayan ng pagsukat sa nilikhang sangkatauhan, inaalisan mo ng halaga ang iyong sarili. Huwag palaging sabihin ang mga bagay gaya ng, “Huwag mong isiping hangal ako o tratuhin ako na parang isang tatlong taong gulang na bata. Kung bibigyan mo ako ng cornbread, tiyak na hindi ko kakainin ito; dalhan mo na lang ako ng siomai. Wala bang nakakaalam na masarap ang mga siomai?” Huwag gumamit ng gayong mga hangal na salita para subukang patunayan na hindi ka hangal. Kung tunay na hindi ka hangal, pagsikapan mong matugunan ang mga pamantayan ng pagkatao. Ano ang dapat na naroon sa konsensiya at katwiran ng mga tao, ano ang mga pagpapamalas ng mga merito ng pagkatao, ano ang mga pagpapamalas ng mga pagkukulang ng pagkatao at mahinang karakter—makipagbahaginan at unawain ang mga aspektong ito. Makipagbahaginan nang kaunti kung ano ang dapat taglayin ng mga tao sa kanilang pagkatao, at kung ano ang dapat taglayin ng nilikhang sangkatauhan, pagkatapos, magpursige para dito at magsumikap para taglayin ang mga bagay na ito. Hindi ba’t itataas nito ang iyong personal na halaga? May mararating ka ba kung palagi mong ikinukumpara ang sarili mong katalinuhan doon sa isang tatlong taong gulang na bata? Lalago ka ba sa ganoong paraan? Sinasabi ng isang tatlong taong gulang na bata, “Kaya kong uminom ng gatas mula sa plastik na bote,” at sasabihin mo, “Kaya kong uminom mula sa babasaging bote, at hindi ako natatakot na mapaso ang mga kamay ko.” Sasabihin ng tatlong taong gulang na bata, “Alam ko kung ano ang kaliwa o kanan kapag nakasuot ng sapatos,” at sasabihin mo, “Alam ko kung ano ang harapan o likuran kapag nagsusuot ng sweater. Kaya mo ba iyon?” May mararating ka ba sa pagiging ganito? Kung ang iyong katalinuhan, karakter, at iba’t ibang abilidad na dapat taglayin ng iyong pagkatao ay nananatili sa antas ng isang tatlong taong gulang na bata o menor de edad, magiging napakahirap para sa iyo na maging isang taong mature na o na tratuhin ka ng iba bilang isang taong nasa hustong gulang. Ano ang gagawin mo para tratuhin ka ng iba bilang isang taong nasa hustong gulang? Kailangan mong gumawa ng mga bagay na dapat gawin ng mga taong nasa hustong gulang at ng mga bagay na dapat gawin ng mga nilikhang tao. Dapat mong taglayin ang pagkatao na dapat taglayin ng mga nilikhang tao. Ano ang dapat taglayin ng pagkataong ito, sa pinakamababa? Konsensiya, katwiran, at iba’t ibang aspekto ng mabuting karakter. Sa ganitong paraan, unti-unti kang bubuti at uusad kaugnay sa mga depekto at problema ng iyong pagkatao. Pagkatapos, magiging mas higit na madaling pumasok sa katotohanan, at magiging mas kaunti ang mga sagabal.
Ang merito ng kabutihang-loob sa pagkatao ay medyo bihira at hindi tinataglay ng karamihan sa mga tao. Kaya, paano makakamit ng isang tao ang meritong ito? Kapag wala kang nauunawaang anumang mga katotohanan, napakahirap taglayin ang ganitong merito ng pagkatao at maging ganoong uri ng tao. Gayumpaman, sa sandaling maarok mo ang ilang katotohanan, magkakaroon ka ng landas tungo sa pagiging ganoong uri ng tao, at magkakaroon ka ng pag-asa na makamit ito. Tungkol sa kung makakamit mo ba ito at magkaroon ng mga resulta sa huli, nakadepende ito sa kung makakamit mo ba ang katotohanan at kung magkakaroon ka ba ng buhay pagpasok. Paano dapat magsagawa ang isang tao para makamit ang meritong ito? Anuman ang gawin o sabihin ng isang tao sa iyo, huwag mo itong tratuhin batay sa pagkamainitin ng ulo o mga emosyon. Huwag mong suriin kung ano ang mga intensiyon niya sa iyo, kung gaano kalaking pinsala ang naidulot niya sa iyo, o kung gaano kalaking sira ang nagawa niya sa reputasyon mo. Huwag mong tratuhin ang alinman sa mga usaping ito batay sa iyong isipan, kaloobang pantao, o mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo. Kung gayon, paano mo dapat tratuhin ang mga ito? Tratuhin ang lahat ng bagay batay sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Pagsumikapang tiyakin na sa bawat kapaligiran at kapag kinakaharap ang bawat tao, kinakausap man sila, pinakikisamahan, o pinangangasiwaan ang isang partikular na usapin, hinahanap mo ang mga katotohanang prinsipyo at kumikilos ka ayon sa mga ito. Ang ganitong pagharap, sa malaking bahagi, ay pagpapabuting epekto sa iyong pagkatao. Ibig sabihin, magbibigay ito ng tiyak na kaunting suporta sa konsensiya at katwiran ng iyong pagkatao, tinutulungan kang magkaroon ng pagpapahalaga ng katarungan at binibigyan ka ng kakayahang makita ang mga tao at bagay mula sa tamang posisyon at perspektiba. Ito ang tinatawag na pagpapabuti. Ang pagpapabuti ay paggawang mabuti sa iyong dating masamang pagkatao, ginagawa itong normal. Kaya, paano nga ba nabuo ang iyong dating masamang pagkatao? Nagresulta ito mula sa impluwensiya at pangingibabaw ng mga tiwaling disposisyon. Ngayon, kung umaasal at kumikilos ka batay sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo, kung gayon, kapag kumikilos ka, lubos na maiimpluwensiyahan ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan ang pagkatao mo. Ang impluwensiyang ito ay ang tinatawag na pagpapabuti. Siyempre, ang pagpapagbuting ito ay hindi nangangahulugan na magbabago ang iyong pagkatao at magiging marangal ang iyong karakter sa pamamagitan ng iisang pangyayari. Sa halip, nagmumula ito sa pagsasagawa at pagdanas ng pagtrato mo sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan bilang iyong pamantayan, estilo, at patnubay sa pagkilos sa loob ng mahabang panahon, na kung kailan mas lalo mong mauunawaan ang katotohanan at pangangasiwaan ang mga usapin nang mas may pagsunod sa mga prinsipyo. Sa ganitong paraan, unti-unting magbabago at uunlad ang pagkatao mo sa positibong direksiyon. Mas lalo kang magkakaroon ng pakiramdam ng konsensiya, magiging mas lalong mabait, at mas lalong may pagpapahalaga katarungan. Lalong mas magiging normal ang katwiran mo, at hindi ka na kikilos batay sa pagkamainitin ng ulo o maging pabigla-bigla. Kaya naman, sa malaking bahagi, mas lalong titibay ang pagpipigil ng iyong pagkatao sa iyong tiwaling disposisyon. Sa pundasyon ng gayong kondisyon ng pagkatao, mas lalo pang titibay at magiging mas malakas ang pagpipigil doon sa mga pagbubunyag ng iyong mga tiwaling disposisyon. Kaya naman, mas lalong mababawasan ang mga pagbubunyag mo ng mga tiwaling disposisyon, at mas lalong magiging hihina ang tindi nito. Ang mga kilos mo o ang mga pananaw na ibinubunyag mo ay mas lalong aayon sa mga positibong bagay at sa mga katotohanang prinsipyo. Ang ganitong uri ng penomenon, ang ganitong uri ng pagbubunyag, ay nagpapahiwatig na sumasailalim sa pagrereporma ang buhay ng isang tao. Sa partikular, kung tinitingnan mo ang mga tao at bagay, at umaasal at kumikilos ka, nang ayon sa mga salita ng Diyos, gamit ang katotohanan bilang pamantayan mo, kung gayon, mas lalong magiging normal ang pagkatao mo, mas lalong mababawasan ang mga pagbubunyag mo ng mga tiwaling disposisyon. Unti-unti mong maiwawaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Isa itong positibong siklo. Gayumpaman, kung tinitingnan mo ang mga tao at bagay, at umaasal at kumikilos ka, nang ayon sa lohika ni Satanas, kung gayon, sa malaking bahagi ay dudungisan at sisirain nito ang pagkatao mo. Mas lalong lalaki at magiging matindi ang iyong tiwaling disposisyon. Isa itong nakasisirang siklo. Ang pagtingin sa mga tao at bagay, at pag-asal at pagkilos, nang ayon sa mga salita ng Diyos ay isang positibong siklo. Ang pagtingin sa mga tao at bagay, at pagkilos ayon sa lohika ni Satanas ay magdudulot lanmang sa iyo ng walang katapusang paikot-ikot sa buhay at kalagayan ng isang nakasisirang siklo, hindi kailaman makakalaya. Kung nais mong makapasok sa positibong siklo, ang pinakasimple at pinakatuwirang paraan ay ang magsimulang magnilay-nilay at umunawa sa iyong sarili mula sa mga depekto ng iyong pagkatao at mga pagbubunyag mo ng katiwalian, nilulutas ang mga tiwali mong disposisyon gamit ang mga salita ng Diyos at mga katotohanang prinsipyo bilang batayan, sa gayon ay nakakamit ang resulta ng kakayahang isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Sa ganitong paraan, papasok sa isang positibong siklo ang buhay mo, mas lalong magiging normal ang pagkatao mo, at unti-unting marereporma at maiwawaksi ang iyong mga tiwaling disposisyon. Ito ang proseso ng buhay pagpasok at ang kinakailangan din na proseso para maiwaksi ng mga tao ang kanilang mga tiwaling disposisyon at magkamit ng kaligtasan. Siyempre, isa rin itong landas tungo sa pagpasok. Ang mga depekto at kapintasan ng pagkatao, pati na ang mga problema ng ubod ng samang karakter at kawalan ng integridad, na tinalakay natin—kung natutukoy mo ang mga problemang ito sa sarili mo, dapat mong hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Pagkatapos, palitan mo ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Sa ganitong paraan, makakapasok ka sa isang positibong siklo. Sa huli, hindi lamang pagrereporma sa pagkatao ang makakamtan mo kundi pati na ang pagwawaksi sa mga tiwaling disposisyon. Marereporma ang pundasyon ng iyong mga tiwaling disposisyon na inaasahan mo para sa patuloy na pag-iral. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay nagbibigay sa iyo ng pag-asang makamit ang kaligtasan. Gayumpaman, kung hindi mo hinahanap ang katotohanan o isinasagawa ang katotohanan sa paraang ito, at iniisip mo sa puso mo na, “Sinasabi mong makitid ang isip ko, na mayroon akong mga depekto at kapintasan sa pagkatao ko tulad ng pagiging matigas ang ulo, hindi nahihiyang makapal ang mukha at madaling maghinala. Puwes, ganoon talaga ako, at ganoon ako mamumuhay. Hindi ako magbabago. Sabihin mo na ang anumang gusto mo! Tutal, talagang ayaw kong magdusa ng mga kawalan. Hangga’t makikinabang ako, ayos lang ako!”—kung ganito ang mga kaisipan at pananaw mo, kung gayon, sa kasamaang-palad, masasadlak ka sa kakila-kilabot na pag-ikot ng isang nakasisirang siklo, habambuhay na hindi makakalabas. Ano ang magiging huling kahihinatnan? Ito ay isang malamang na hindi mo gugustuhing makita: Ang iyong mga tiwaling disposisyon ay magpakailanman na magiging buhay mo. Gagapusin ka nito nang mahigpit sa buong buhay mo, magiging malalim na nakaugat sa iyong mga kaisipan at sa kaibuturan ng iyong kaluluwa, at magiging imposible para sa iyo na maiwaksi ang mga ito. Ano ang ibig sabihin ng pagiging imposibleng maiwaksi ang mga ito? Ibig sabihin, wala kang pag-asa na magkamit ng kaligtasan, at wala kang parte sa hantungang inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Ito ang kahihinatnan. Kung ayaw mong makita ang kahihinatnang ito, magsimula kang pumasok at magsagawa kasama ang landas na inilarawan Ko, at magkamit ng isang positibong siklo; at sa huli, tiyak na aani ka ng mga resulta. Nauunawaan mo ba? (Oo.)
Bagama’t hindi natin nasaklaw ang maraming iba’t ibang paksa sa pagbahaginan ngayong araw, marami tayong tinalakay na nilalaman. Tapusin natin dito ang pagbabahaginan ngayong araw. Ipagpapatuloy natin ang pagbabahaginan tungkol sa iba pang mga paksa at nilalaman sa ibang pagkakataon. Paalam na!
Disyembre 2, 2023