24. Nasa Bingit ng Kapahamakan

Ni Zhang Hui, Tsina

Hindi pa nagtatagal matapos kong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinahagi ko ang ebanghelyo sa isang kapatid mula sa dati kong simbahan. Tapos isang hapon, dumating sina Pastor Li at Kasamahang Wang sa bahay ko. Kumakabog ang dibdib ko. Naisip ko, “Bakit sila nagpunta? Alam ba nilang tinanggap ko na ang Makapangyarihang Diyos? Noong tinanggap ng ibang miyembro ng simbahan ang Makapangyarihang Diyos, nagsimula sila ng tsismis, tinakot ang mga miyembrong iyon, at hinikayat ang mga pamilya nila na tumutol sa kanilang pananalig. Anong klaseng pamamaraan ang gagamitin nila laban sa akin?” Hindi nagtagal, dumating ang anak kong lalaki at ang anak kong babae. Naguluhan ako. Sinabi ng mga anak ko na talagang abala sila, kaya bakit pareho silang pumunta ngayong araw? Isinaayos ba ito ni Pastor Li? Napagtanto kong dati na nila itong pinaghandaan. Nagdasal ako kaagad sa Diyos, “O Diyos, hindi ko alam kung ano ang gagawin nila para subukin ako. Masyadong mababa ang tayog ko para malaman kung paano ito haharapin. Pakiusap gabayan Mo ako at tulungan Mo akong manatiling matatag sa tunay na daan.” Mas kumalma ako pagkatapos magdasal.

Pagkatapos noon, ngumiti si Pastor Li at sinabing, “Brother Zhang, narinig kong tinanggap mo na ang Kidlat ng Silanganan ngayon. Totoo ba iyon? Gaano man karaming katotohanan ang mayroon sa Kidlat ng Silanganan, hindi natin ito puwedeng tanggapin. Maraming taon na tayong lahat naniniwala sa Panginoon, at nangangaral at gumagawa para sa Kanya. Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at naging handog para sa kasalanan, na siyang tumubos sa atin mula sa ating kasalanan. Kailangan nating panghawakan ang pangalan at daan ng Panginoon sa lahat ng oras. Hindi tayo maaaring maniwala sa iba pang Diyos. Sa pagtalikod sa Panginoong Jesus at paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, hindi mo ba ipinagkakanulo ang Panginoon?” Tahimik lang ako, at sinabi ko nang mahinahon, “Pastor Li, kailangan nating maging obhetibo at praktikal. Dapat tayong sumunod ayon sa ebidensiya at hindi lang arbitraryong kondenahin ito. Hindi mo pa iniimbestigahan ang daan ng Kidlat ng Silanganan o binabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya paano mo nasabing ipinagkakanulo ko ang Panginoon dahil sa pagtanggap sa Kidlat ng Silanganan? Alam mo ba kung saan nagmumula ang katotohanan? Alam mo ba kung sino ang nagpapahayag ng katotohanan? Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay(Juan 14:6). Ang Diyos ang pinagmumulan ng katotohanan. Paano mo nasasabi na gaano man karaming katotohanan ang mayroon sa Kidlat ng Silanganan, hindi natin ito puwedeng tanggapin? Hindi ba iyon sadyang paglaban sa katotohanan, at paglaban sa Diyos? Kung gayon, mabibilang pa ba tayong mga mananampalataya sa Panginoon? Marami akong nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos kamakailan, at nakita kong katotohanan ang lahat ng ito, na nagbubunyag ang mga ito ng maraming katotohanan at misteryo. Lahat ng mga paghihirap ko sa mga taon ko ng pananalig ay nalutas sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Matatag akong naniniwala na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Ang pagsunod sa Makapangyarihang Diyos ay ang pagsalubong sa pagdating ng Panginoon. Sinasabi mong ang pananalig sa Makapangyarihang Diyos ay pagkakanulo sa Panginoong Jesus. Umaayon ba ito sa katotohanan? Nang dumating para gumawa ang Panginoong Jesus, maraming tao ang umalis sa templo para sumunod sa Kanya. Ibig bang sabihin noon ipinagkanulo nila ang Diyos na si Jehova? Kahit na ang gawain ng Panginoong Jesus ng pagtubos ay iba mula sa gawain ng pagpapahayag ng kautusan na ginawa ng Diyos na si Jehova, at nagbago rin ang pangalan ng Diyos, ang Panginoong Jesus at si Jehova ay ang iisang parehong Diyos. Sa paniniwala sa Panginoong Jesus, hindi nila ipinagkakanulo ang Diyos na si Jehova, kundi sinusundan nila ang mga yapak ng Kordero at nagkakamit ng kaligtasan ng Diyos. Sa katunayan, iyong mga naniwala sa Diyos na si Jehova ngunit hindi tinanggap ang Panginoong Jesus ang siyang mga tumatalikod sa Diyos at nagkakanulo sa Kanya. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay iba mula sa Panginoong Jesus at nagbago ang pangalan ng Diyos, ngunit Sila ay iisang Diyos. Gumagawa lamang ang Diyos ng magkakaibang gawain sa magkakaibang kapanahunan. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, na siya lamang pagpapatawad sa ating mga kasalanan. Hindi Niya nilutas ang makasalanang kalikasan ng sangkatauhan. Kaya Niya ipinangakong babalik Siyang muli para gawin ang gawain ng paghatol. Dumating na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ipinapahayag ang mga katotohanan para hatulan tayo sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoon para lutasin ang ating mga satanikong disposisyon at makasalanang kalikasan, at ganap tayong iligtas mula sa kasalanan upang makamit tayo ng Diyos. Lubos na tinutupad ng gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga propesiya ng Panginoong Jesus. Ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos ay hindi pagkakanulo sa Panginoong Jesus. Ito ay pagsunod sa mga yapak ng Kordero. Hindi ba ang paniniwala sa Panginoong Jesus nang hindi tinatanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay nagtutulad sa atin sa mga Pariseo, na naniwala lamang sa Diyos na si Jehova at itinanggi ang Panginoong Jesus? Iyon ang mga tipo ng taong nilalabanan at ipinagkakanulo ang Panginoon. Dapat maayos ninyong tingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nang makita ninyo mismo kung ang Kanyang mga salita ay ang tinig ng Diyos. Huwag ninyong arbitraryong hatulan at kondenahin ito, o baka kondenahin kayo sa pagtutol sa Panginoon.”

Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon, mukhang hindi talaga komportable si Pastor Li, kaya mabilis na inayos ni Kasamahang Wang ang mga bagay-bagay, sinabi niya, “Tutol kami sa Kidlat ng Silanganan at ayaw naming masangkot ang sinumang miyembro namin doon para protektahan ang simbahan, para bantayan ang kawan. Papaano naman kami isusumpa ng Panginoon dahil doon? Pakiramdam ni Pastor Li na responsable siya sa buhay mo. Ayaw niyang tahakin mo ang maling landas. Naging isa kang katrabaho, at marami kang nagawa para sa simbahan. Nirerespeto at pinagkakatiwalaan ka ng lahat. Madidismaya silang lahat kung aalis ka para manalig sa Makapangyarihang Diyos!” Nagmadaling makisali si Pastor Li, “Tama si Brother Wang. Nagtrabaho ka nang husto sa lahat ng taon na iyon. Sayang naman kung basta mo na lang tatalikuran ang reputasyon at katayuang nabuo mo para sa sarili mo! Bumalik ka na. Naghihintay ang lahat para sa iyo. Nagtayo ang ating simbahan ng isang retirement home, nakipag-ugnayan kami sa mga relihiyosong grupo sa ibang bansa at magbibigay sila sa atin ng suportang pinansyal. Kung babalik ka, bibigyan ka namin kaagad ng kotse. Kung gusto mong pangasiwaan ang retirement home, o pangasiwaan ang simbahan, o ipagpatuloy ang pangangalaga sa pananalapi ng simbahan, ikaw ang bahala.” Habang mas nakikinig ako sa kanila, mas nararamdaman kong parang may mali. Paano masasabi ng mga mananampalataya ang mga bagay na iyon? Naisip ko ang panunukso ng diyablong si Satanas sa Panginoong Jesus sa Bibliya: “Muling Siyang dinala ng diyablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa Kanya ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan, at ang kaluwalhatian nila; at sinabi nito sa Kanya, ‘Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa Iyo, kung Ikaw ay magpapatirapa at sasambahin Mo ako’” (Mateo 4:8–9). Hindi ba’t lahat ng mga sinasabi nilang iyon ay mayroong eksaktong parehong tono sa sinabi ni Satanas? “Pakana ito ni Satanas!” Naisip ko. “Inaakit nila ako papalayo sa totoong daan gamit ang katayuan at pera, para ipagkanulo ang Makapangyarihang Diyos. Sinusubukan nila akong bitagin, para makuha ako.” Mahigit sampung taon na akong nananampalataya at napakasuwerte ko na masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Alam kong hindi ako maaaring makuha ni Satanas at ipagkanulo ang Panginoon. Kaya sabi ko, “Narinig ko na ang tinig ng Diyos at nahanap ko na ang daan sa buhay na walang hanggan. Pinipili kong sumunod sa Diyos. Huwag na kayong magsalita pa. Hindi ko lilisanin ang Makapangyarihang Diyos.” At nagsimulang umiyak ang anak kong babae at sinabing, “Pa, makinig ka naman sa akin kahit isang saglit! Kamamatay lang ni Mama. Sobra na ang pagdurusa natin. Sa paniniwala mo sa Kidlat ng Silanganan at pagpapatalsik sa iyo sa simbahan, pati kami lalayuan din ng mga kapatid!” Ayokong nakikitang umiiyak nang ganoon ang anak kong babae. Nagkaroon ng matinding pagtatalo sa kalooban ko: “Kung papayag akong muling sumali sa simbahan, hindi ako itatakwil at mapapanatili ko ang posisyon ko, ngunit pagsasara iyon ng pinto sa Panginoon. Iyon ay pagkakanulo sa Panginoon.” Walang madaling pagpipilian. Sa gitna ng pasakit na ito tahimik akong tumawag sa Diyos, “O Makapangyarihang Diyos, nasa pagitan ako ng dalawang nag-uumpugang bato. Pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig at lakas para maiwasan ko ang panggugulo nila, at para magkaroon ako ng paninindigan at matatag na sumunod sa Iyo.” Naisip ko ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nabasa ko ilang araw na ang nakakalipas: “Dapat gising kayo at naghihintay sa lahat ng oras, at dapat kayong mas manalangin sa harapan Ko. Dapat ninyong makilatis ang iba’t ibang balak at mga tusong pakana ni Satanas, makilala ang mga espiritu, makilala ang mga tao, at makayang makilatis ang lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 17). Binigyan ako ng lakas at inalerto ako ng mga salita ng Diyos na kinakailangan kong isagawa ang pagkilatis. Nasa likod ng kinakaharap ko noong araw na iyon ang mga pakana ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang katayuan at mga alalahanin ko sa pamilya ko para subukang akitin at atakihin ako, gambalain ang isip ko sa layuning ipagkanulo ko ang Diyos. Hindi ako maaaring mahulog sa patibong ni Satanas! Sabi ko sa mga anak ko, “Tiningnan ko na ito at malinaw ang lahat. Ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoon! Matagal na tayong nananabik sa pagdating ng Panginoon sa lahat ng mga taon na ito. Ngayong dumating na Siya at ipinapahayag ang mga katotohanan para sa Kanyang gawain ng paghatol, kung tatanggapin natin ang paghatol at paglilinis ng Diyos, maliligtas tayo at makakapasok sa kaharian ng Diyos. Hindi tayo dapat matakot na tanggihan ng iba, kundi matakot na abandonahin at itiwalag tayo ng Panginoon, na mapalampas natin ang pagkakataong marapture kapag nagbalik na ang Panginoon. Iiyak tayo at magngangalit ang mga ngipin pagdating ng malalaking kalamidad!” Nang marinig ang mga salita ko, tumigil na ang mga anak kong ipilit ang isyu, at tahimik akong nagpasalamat sa gabay ng Diyos. Nang makita kung gaano katatag ang saloobin ko, galit na umalis na lang sina Pastor Li at Kasamahang Wang.

Bumalik si Pastor Li pagkatapos ng ilang araw para tuksuhin ako gamit ang isang potensyal na pag-aasawa. Sinabi ni Pastor Li, “Kamamatay lang ng asawa mo, may asawa na ang anak mong babae, at palaging wala ang anak mong lalaki. Napakahirap siguro para sa iyo na palaging mag-isa. Dapat talaga may isang tao rito para ipagluto ka. Wala ring asawa si Sister Wang na galing sa simbahan. May kaya siya sa buhay, gusto ng mga tao, at masigasig sa kanyang pananalig. Hindi ba maganda kung magkakasama kayo, magdadamayan, at paglilingkuran ang Panginoon nang magkasama?” Tinawagan ako ni Sister Wang nang gabing iyon, at pilit niya akong hinihimok na huwag nang maniwala sa Kidlat ng Silanganan. Sinabi rin niya na kung kulang ako ng pera para sa kasal ng anak kong lalaki, kailangan ko lang magsabi. Nagdalawang-isip talaga ako nang marinig iyon. Noong may sakit at nakaratay sa kama ang aking asawa, naaksidente ang kotseng sinasakyan ng anak kong babae habang bumibili siya ng gamot para sa asawa ko. Naospital siya noon. Nagpunta si Sister Wang para alagaan pareho ang asawa at anak kong babae. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Masasaktan ko ba ang damdamin ni Sister Wang kung hindi ko susundin ang payo niya? Ngunit ang pagsunod sa kanya ay pagkakanulo sa Panginoon. Nabagabag talaga ako, at nagdasal ako nang paulit-ulit sa Diyos. Medyo nahirapan talaga ako tungkol doon, pero marahan ko siyang hinindian.

Isang araw, dumating si Pastor Li at nakita niya ako habang nagtatrabaho sa bukid. Sabi niya, “Brother Zhang, kung hindi na para sa iyo, isipin mo na lamang ang mga anak mo. Ikakasal na ang anak mong lalaki, at ang buong pamilya ng mapapangasawa niya ay naniniwala sa Panginoon. Kapag nalaman nila na naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos, papayagan pa rin ba nila ang anak nilang ikasal sa pamilya mo? Hindi ba ito makapipinsala sa kasal ng anak mo? Dapat mo pa itong pag-isipan.” Dito, naisip ko, “Tinatakot mo ako gamit ang kasal ng anak ko para ilayo ako sa tunay na daan. Kasuklam-suklam iyan!” Sinabi ko nang diretsahan, “Ang pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos ay sarili kong pagpapasya. Wala itong kinalaman sa kasal ng anak ko. Isa pa, kung magiging maayos ang kasal niya ay nasa mga kamay na ng Diyos. Natukoy ko nang ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik at susunod ako sa Kanya hanggang sa huli. Kung hindi nauunawaan ng anak ko sa ngayon, balang araw ay mauunawaan din niya.” Noong una akala ko puro salita lang si Pastor Li, pero ang nakakagulat, ginamit talaga niya ang isang importanteng bagay gaya ng kasal ng anak ko para subukang ipagkanulo ko ang Makapangyarihang Diyos.

Nagpunta ako sa welding shop ng anak ko pagkatapos ng ilang araw. Magkasalubong ang kilay niyang sinabing, “Pa, sabi ng mapapangasawa ko nagpunta si Pastor Li sa pamilya niya at sinabi sa kanilang naniniwala ka sa Kidlat ng Silanganan. Sinabi niya na kung hindi mo raw isusuko iyan, hindi na matutuloy ang kasal.” Nangilabot ako at galit na galit. Talagang ginagamit ni Pastor Li ang kasal ng anak ko para takutin ako. Paanong ang isang mananampalataya sa Panginoon ay gumagawa ng isang bagay na kasuklam-suklam? Ang bigat sa loob ko na makitang nalulumbay ang anak ko. Labingwalong araw na lang bago ang kasal nila. Talaga bang hindi na iyon matutuloy nang ganoon na lang? Napuno ng luha ang mga mata ko. Nagpatuloy siya, “Pa, sinabi niya rin na may tatlo siyang kondisyon sa pagpapakasal. Una, ang putulin ang ating relasyon bilang mag-ama. Pangalawa, ang hindi ka alagaan sa iyong pagtanda. Pangatlo ay ang putulin ang lahat ng ugnayan ko sa pamilya. Wala na sa atin si Mama. Pakiusap, tigilan mo na ang paniniwala sa Kidlat ng Silangan para sa kapakanan ng ating pamilya.” Nang marinig ko ang mga sinabi ng anak ko at nang makita ko ang kanyang mukhang puno ng sakit, parang sinaksak ang puso ko. Dahil lang naniwala ako sa Makapangyarihang Diyos, tinatrato ako ng mga pastor tulad ng isang kaaway, pinipilit ang anak ko na putulin ang ugnayan sa akin. Labis na nakakasuklam iyan! Sinabi ko sa anak ko, “Anak, matanda ka na ngayon at hindi mo na ako kailangan para alagaan ka. Matanda na ako. Gusto ko lang isagawa ang aking pananalig at sumunod sa Diyos sa mga natitirang araw ko. Sana maintindihan mo.” Tapos tumalikod na ako at umalis sa shop. Pagbalik sa bahay, nagdasal ako sa Diyos, “Makapangyarihang Diyos! Ginagamit ng pastor ang lahat ng uri ng panlilinlang para guluhin at pilitin ako. Puputulin ng anak ko ang lahat ng ugnayan niya sa akin. Sobrang nanghihina ako ngayon. Pakiusap, gabayan at bigyan Mo ako ng pananalig.”

Nang sumunod na araw, pinuntahan ako ng isang brother mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sinabi ko sa kanya kung anong nangyayari. Binasa niya ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa akin: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng mga tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kailangan ng mga taong magbayad ng isang tiyak na halaga sa kanilang mga pagsisikap sa lahat ng kanilang ginagawa. Kung walang aktuwal na paghihirap, hindi nila mabibigyang-kasiyahan ang Diyos; hindi man lamang sila kalapitan sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos, at naglilitanya lamang sila ng mga hungkag na islogan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakipagbahaginan siya sa akin nang husto sa konteksto ng siping ito. Naintindihan kong kapag pinipigilan, ginugulo, at pinipilit tayo ng mga pastor, maaaring mukha itong gawa ng tao, pero ang totoo, ito ay si Satanas na sinusubukang gumamit ng mga tao para guluhin tayo. Kung saan man gumagawa ang Diyos, naroon si Satanas na nakikialam. Kinamumuhian ni Satanas ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan, kaya gumagamit ito ng lahat ng uri ng mga taktika at pakana para pigilan ang tao sa pagsunod sa Diyos, upang dalhin ang mga tao sa impiyerno kasama nito. Sinubukan ni Pastor Li at ng iba na ilayo ako mula sa tunay na daan, oras-oras akong ginugulo, sinasabing bibigyan nila ako ng sasakyan, ipapamahala sa akin ang pananalapi ng simbahan o ng retirement home. Nag-alok din sila na hanapan ako ng asawa. Nang walang gumana sa mga iyon, ginamit nila ang kasal ng anak ko para pilitin ako na ipagkanulo ang Diyos. Napakasama at napakamapaminsala nito! Nagbahagi pa ang brother ng higit na pagbabahaginan, “Nang nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, labis na kinamuhian ng mga pinuno ng Hudyong pananalig ang Diyos. Batid na batid nilang may awtoridad ang pangangaral ng Panginoong Jesus. Hindi lang sila tumanggi na siyasatin ito, ngunit hibang na nilabanan, kinondena, at nilapastangan Siya. Ginawa nila ang lahat upang mapigilan ang mga tao sa pagsunod sa Kanya at naging sangkot sa Kanyang pagkakapako sa krus. Ginawa nila ito dahil natatakot silang mawawala ang kanilang katayuan at kabuhayan kapag sumunod ang mga tao sa Panginoong Jesus. Tulad ng nasusulat sa Bibliya: ‘Ang mga punong saserdote at mga Pariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang magagawa natin? Sapagkat ang taong ito ay gumagawa ng maraming himala. Kung Siya ay ating pabayaang gayon, ang lahat ng tao ay magsisisampalataya sa Kanya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukuhain ang ating posisyon at gayon din ang ating bansa. … Kaya’t mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay Siya’ (Juan 11:47, 48, 53). Dumating ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawain ng paghatol upang linisin at iligtas ang sangkatauhan. Alam ng relihiyosong pastor na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, pero hindi nila hinahanap o sinisiyasat ang mga ito. Galit na galit pa nga nilang nilalabanan at kinokondena Siya, at pinipigilan ang iba sa pagsunod sa Kanya. Paanong naiba ang diwa nila sa mga Pariseong lumaban sa Panginoong Jesus? Kinondena at isinumpa na noon ng Panginoong Jesus ang mga mapagpaimbabaw na iyon. Sabi ng Panginoong Jesus: ‘Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). ‘Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Inilalantad din ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang diwa at pinanggagalingan ng paglaban ng mga relihiyosong pinuno sa Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa malalaking simbahan at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa mga layunin ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang “Diyos.” Sila ay mga taong nagdadala sa bandila ng Diyos pero sadyang kumokontra sa Diyos, na nagdadala ng bansag na nananampalataya sa Diyos habang kinakain ang laman at iniinom ang dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may “maayos na pangangatawan,” ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos).” Matapos marinig ang pakikipagbahaginan ng brother at sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, mas naintindihan ko ang mala-demonyong kalikasan ng mga relihiyosong pinuno na namumuhi sa katotohanan at nilalabanan ang Diyos. Lubos nilang nilalabanan at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos at nagsisikap sila nang husto na pigilan ang mga mananampalataya na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw dahil gusto nilang mapasakanila ang mga tupa ng Diyos, upang manatiling nasa ilalim ang mga ito ng kanilang pagkontrol. Pinipigilan nila ang mga mananampalataya na gawin ang hindi nila magawa—ang makapasok sa kaharian ng Diyos. Nilalabanan nila ang Diyos at mapupunta sila sa impiyerno, at hinihila pa nila ang iba na sumama sa kanila. Talagang isa silang pangkat ng mga demonyo! Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao na nagpapakita at gumagawa sa mga huling araw, ibinubunyag ang masasamang alipin at mga anticristong ito na nagtatago sa mga simbahan, at kung wala ang personal kong karanasan ng paghadlang at panggugulo ng mga relihiyosong pastor, hindi ko kailanman makikita ang kanilang mala-demonyong diwa ng paglaban sa Diyos. Nailigaw at nasira nila ako nang hindi naging matalino. Nakita ko nang malinaw ang kanilang mga mapagpaimbabaw, nakakakilabot na mukha at mas tumatag ang determinasyon kong sumunod sa Makapangyarihang Diyos.

Pagkatapos niyon, patuloy kong ibinahagi ang ebanghelyo sa mga kapatid mula sa dati kong simbahan. Isang umaga nang nasa isa kaming pagtitipon, dumating ulit sa bahay ko si Pastor Li at ang kanyang mga tauhan, at sinabing, “Paulit-ulit na naming sinabi sa iyo na talikdan ang Kidlat ng Silangan. Hindi ka lang tumangging makinig, ninanakaw mo pa ang aking tupa at ipinapangaral ang Kidlat ng Silangan sa kanila. Gusto mo ba talagang labanan ako?” Sinabi ko, “Pastor Li, hindi tamang sabihin mo iyan. Ang simbahan ay sa Diyos, at ang kawan ay sa Kanya rin. Isa ka lang pastor. Papaano mo nasabing ang mga tupa ay sa iyo? Ibinabahagi ko ang ebanghelyo sa mga kapatid para marinig nila ang tinig ng Diyos at bumalik sa harap ng Kanyang trono at tanggapin ang pagliligtas ng Diyos. Bakit mo hahadlangan iyon? Ang lahat ay nanghihina at negatibo. Sila ay espirituwal na tigang at nasa kadiliman. Wala silang nakukuhang kahit anong panustos sa buhay. Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, binibigyan tayo ng daan sa buhay na walang hanggan. Bakit ayaw mong basahin ng mga tao ang mga salita Niya? Bakit mo tatanggalin ang karapatan at kalayaan ng mga tao na siyasatin ang tunay na daan? Sa pagpigil sa kanilang gawin iyon, hindi ba’t hinahayaan mong mamatay sila sa uhaw at iniiwan silang nakakulong sa relihiyon? Iyon ba ay pagiging isang mabuting alipin o masama?” Mabilis na nagbago ang mukha ni Pastor Li at galit na galit siyang sumigaw, “Wala nang makakatulong sa iyo! Kung hindi ka susunod sa amin sa iyong pananalig, maghintay ka lang, mapaparusahan ka sa impiyerno!” Sinabi ko, “Wala kang karapatang sabihin kung mapupunta ba ako sa impiyerno. Ni hindi mo alam kung paano kilalanin ang tinig ng Diyos o salubungin Siya. Paano mo maakay ang iba sa Kanyang kaharian? Tanging ang Cristo ng mga huling araw ang ating pintuan papasok sa kaharian ng langit. Nakita ko ang daan ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya. Ang responsabilidad para sa buhay ko ay nakasalalay sa Diyos, at hindi sayo!” Bigo silang umalis pagkatapos kong sabihin iyon. Wala nang pumunta ulit para gambalain ako.

Nakakuha ako ng ilang pagkilala sa mga pakana ni Satanas matapos kong pagdaanan ang paghadlang at mga panggugulo ng pastor. Nakita ko ring ang mga pastor at elder sa relihiyon ay mga mapagpaimbabaw na Pariseo lamang, na sila ay mga anticristong lumalaban sa Diyos. Ganap akong napalaya mula sa kanilang mga gapos at pagpipigil. Inakay ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa bawat hakbang upang magtagumpay laban kay Satanas at manindigan sa tunay na daan. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos! Kapag binabalikan ko ang lahat ng pinagdaanan ko, lahat iyon ay isang malaking tukso. Nasa bingit ako ng buhay at kamatayan. Kung wala ang patnubay ng mga salita ng Diyos, hindi ko sana kailanman makikita ang mga pakana ni Satanas. Kung sinunod ko ang laman at yumuko ako kay Satanas, iniwan ang tunay na daan, ganap akong mawawalan ng pagkakataon sa kaligtasan. Nasa bingit talaga ako ng kapahamakan! Sobrang nagpapasalamat ako sa proteksyon at kaligtasan ng Diyos!

Sinundan:  23. Kung Bakit Hindi Ko Nais Magbayad ng Halaga sa Aking Tungkulin

Sumunod:  25. Mga Pagninilay sa “Ang Ayaw Mong Gawin sa Iyo, Huwag Mong Gawin sa Kapwa Mo”

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger