28. Ang Matatanda ay Puwede Pa Ring Magpatotoo sa Diyos

Ni Liu En, Tsina

Nagsimula akong manampalataya sa Panginoong Jesus sa edad na 62. Ang malaman na ipinapangako ng Panginoon sa Kanyang mga tagasunod ang pagpasok sa kaharian ng langit at ang buhay na walang hanggan ay nagbigay sa akin ng pag-asa sa buhay na ito, at napakasaya ng puso ko kapag naiisip ko na makakatanggap ako ng gayon kalaking pagpapala. Nagsimula akong magsumikap at gugulin ang sarili para sa Panginoon, punong-puno ako ng hindi maubos na lakas araw-araw. Makalipas ang tatlong taon, masuwerte kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Masayang-masaya ako na masalubong ang pagbabalik ng Panginoon, at na magkaroon ng pag-asa na ganap na mailigtas at makapasok sa kaharian ng langit. Kaya, lalo pa akong nagsumikap sa aking paghahangad, higit pa akong nagsakripisyo at gumugol ng sarili ko, aktibong nangangaral ng ebanghelyo at ginagawa ang aking tungkulin, lumalabas pa nga ako para ipangaral ang ebanghelyo sa gabi. Kalaunan, inihalal ako ng mga kapatid bilang lider ng iglesia at pagkatapos ay bilang mangangaral. Talagang sumaya ako nang magkaroon ako ng pagkakataong magawa ang gayong mahahalagang tungkulin sa aking matandang edad. Lalo kong ikinarangal nang makita ko na bagama’t ako ang pinakamatanda sa mga pagtitipon namin, nagagawa ko pa ring magdaos ng mga pagtitipon at tulungan ang iba na malutas ang kanilang mga problema. Naisip ko na hangga’t nagsusumikap ako sa aking paghahangad, tiyak na maliligtas ako tulad ng ibang mga nakababata, kaya ibinuhos ko ang buong puso ko sa aking tungkulin.

Mabilis na lumipas ang pito o walong taon, at ang kalusugan at lakas ko ay hindi na tulad ng dati. Pagkatapos ay na-stroke ako noong 73 na ako, pero pagkatapos maswero sa loob ng dalawang araw, halos nawala ang mga sintomas ko nang walang anumang nalalabing mga isyu. Pakiramdam ko ay nakita ng Diyos na handa akong igugol ang sarili ko nang buong-puso para sa Kanya, kaya pinagpala at pinrotektahan Niya ako. Talagang nagpapasalamat ako, at ipinagpatuloy ko ang tungkulin ko. Subalit, nang isaalang-alang ang kalusugan ko, binago ng lider ang tungkulin ko at itinalaga ako sa pagpapatuloy ng ibang kapatid sa bahay. Nalungkot ako dahil alam kong may ilang tungkulin na hindi ko na magagawa, at na magpapatuloy na lang ako ng mga kapatid sa bahay. Kinainggitan ko ang lahat ng nakababatang kapatid na punong-puno ng lakas, at abala sa iba’t-ibang tungkulin. Naisip ko na, “Matanda na ako at mahina na ang kalusugan ko. Hindi ko na kayang pumunta kung saan-saan ngayon kahit gaano ko pa kagusto, at maraming uri ng tungkulin na hindi ko na magagawa. Hindi ba’t ibig nitong sabihin na wala na akong silbi? Sana ay maibalik ko ang 10 o 20 taon sa nakaraan at makagawa ako ng iba’t ibang tungkulin tulad nila. Kung magkagayon ay magiging lubhang mas malaki ang tsansa kong mapagpala at makamit ang kaligtasan! Subalit ngayong matanda na ako, sadyang hindi ko na mapapantayan ang mga mas nakababata.” Nawalan ako ng motibasyon nang maisip ko iyon, at bago ko pa namalayan, nasiraan na ako ng loob. Binalikan ko rin sa isipan ko noong na-stroke ako at na isa itong sakit na maaaring maulit, kaya kung mai-stroke uli ako balang araw, maaaring iyon na ang maging katapusan ko, at hindi ko na makikita ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos. Kung gayon ay paano ako maliligtas? Ano pa ang punto ng pananampalataya sa Diyos? Malungkot at nakakasira ng loob ang mga isiping ito para sa akin. May ilang panahon na hindi man lang ako makabasa ng mga salita ng Diyos o makapakinig sa mga himno. Sa paghihirap ko, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos! Pakiramdam ko ay wala na akong pag-asang maligtas. Sobrang negatibo ako at nanghihina. O Diyos, ayaw ko pong ilayo ang sarili ko sa Iyo. Alam ko pong wala ako sa tamang kalagayan, pero hindi ko alam kung paano ito aayusin. Pakiusap gabayan Mo po akong makaalis sa maling kalagayang ito.”

Upang hindi malugmok sa mga negatibong kaisipan na ito, tinulak ko ang sarili kong magbasang muli ng mga salita ng Diyos. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos isang araw: “Ang nais ng Diyos ay magawang perpekto ang bawat tao, sa kahuli-hulihan ay makamit Niya, ganap na malinis Niya, at maging mga tao na Kanyang minamahal. Sinasabi Ko man na kayo ay paurong o may mahinang kakayahan, pawang totoo ang mga ito. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na binabalak Kong talikuran kayo, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa inyo, na ang ibig sabihin ay ang gawain na Aking ginagawa ay isang pagpapatuloy ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Basta’t ikaw ay handa, basta’t patuloy kang naghahangad, sa huli ay magagawa mong makamit ang resultang ito, at walang sinuman sa inyo ang matatalikuran. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa katunayan na ikaw ay may pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga hihingin sa iyo ay magiging alinsunod sa kakayahang ito; kung sinasabi mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pagdalo sa iba’t ibang mga pangkalahatang usapin, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagpapasakop hanggang sa pinakahuli, at ang paghahangad na magkaroon ng pinakadakilang pag-ibig sa Diyos—ito ang kailangan mong tuparin, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Nilinaw kaagad sa akin ng mga salita ng Diyos ang mga bagay-bagay. Hindi tinutukoy ng Diyos ang mga kalalabasan ng mga tao batay sa kung gaano na sila nagdusa para sa Kanya, sa hangganan ng kanilang mga kalipikasyon, o sa saklaw ng kanilang mga tungkulin. Hangga’t tunay nilang ginugugol ang kanilang sarili para sa Kanya, hinahangad ang katotohanan, nagpapakita ng tunay na pagpapasakop sa Kanya, ginagawa ang kanilang tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan, at nagpapatotoo sa Kanya, sasang-ayunan Niya ang mga taong ito. Pero hindi ko naunawaan ang layunin Niya at hindi ko alam kung anong klase ng mga tao ang Kanyang inililigtas. Noon pa man ay naniniwala na ako na sa paggugol ng sarili ko para sa Diyos, pagdurusa at pagbabayad ng halaga, at paggawa ng maraming gawain, ay sasang-ayunan ako ng Diyos. Pero dahil tumatanda na ako at hindi na makapagtrabaho nang kasing-igi ng mga kabataan, hindi na ako umasa pang maililigtas ako. Nalugmok ako sa pagkanegatibo at mga maling pagkaunawa; napakarebelde ko laban sa Diyos! Ang totoo, bagama’t matanda na ako at hindi na makagagawa ng mga tungkulin na kasingdami ng sa mga kabataan, hindi naman katulad ng sa kanila ang hinihingi sa akin ng Diyos. Hindi Niya rin ako pinagkakaitan ng mga pagkakataong hangarin ang katotohanan at gawin ang tungkulin ko. Buo pa rin ang isipan at katwiran ko; nababasa ko pa rin ang mga salita ng Diyos at nagagawa ang lahat ng aking makakaya sa tungkulin ko. Pero nang hindi hinahanap ang layunin ng Diyos, binansagan ko na ang sarili ko na isang matanda at walang silbi, na hindi na pinapaboran ng Diyos. Hindi ba’t panghuhusga na iyon tungkol sa Diyos? Hindi kailanman sinabi ng Diyos na ang paggawa ng maraming tungkulin ay makapagliligtas sa isang tao, o na kapag tumatanda ang isang tao ay ititiwalag na siya ng Diyos at hindi na ililigtas. Sa katunayan, napakalinaw ng sinabi Niya sa kung paano dapat hangarin ng matatandang tao ang katotohanan at paano nila dapat harapin ang kanilang tungkulin. Hangga’t ako ay tapat at mapagpasakop hanggang sa wakas, at kaya kong magsumikap na mahalin ang Diyos, may pag-asa akong maligtas. Napakahangal ko para hindi tratuhin ang mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos. Itinuring ko ang sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon bilang ang katotohanan, sa buong panahong ito ay mali ang pagkaunawa ko sa layunin ng Diyos. Nakonsensiya talaga ako nang mapagtanto ko ito, at lumapit ako sa Diyos sa panalangin, “O Diyos! Hihinto na po ako sa pagiging negatibo at paglaban dahil sa aking mga maling pananaw. Hangga’t may kakayahan akong gawin ang tungkulin ko ng isa pang araw, patuloy akong magpupunyagi at gagawin ang pinakamakakaya ko para hangarin ang katotohanan.” Nagbigay sa akin ng kaginhawahan ang panalangin at ang patnubay ng mga salita ng Diyos—hindi na ako gaanong nalungkot. Naisip ko, “Hangga’t nasa tamang pangangatwiran pa ako at nakakagalaw pa ako, aasa ako sa Diyos para maging isang mabuting tagapagpatuloy sa aking mga kapatid, gagawin ang lahat ng aking makakaya sa aking tungkulin, at ihahandog ang taos-puso kong paglilingkod sa Diyos.”

Pero may isang bagay pa rin akong hindi maintindihan. Bakit ako naging negatibo nang makita kong hindi ako kasinghusay ng mga kabataan, umabot pa nga sa puntong naisip ko nang ipagkanulo ang Diyos? Ano ang ugat niyon? Sa aking paghahanap, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Nananampalataya ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t umiiral ito sa puso ng lahat? Isang katunayan na umiiral nga ito. Bagama’t hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at hangaring magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay hindi matinag-tinag noon pa man. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang kaalaman na batay sa karanasan ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang halagang binabayaran nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagpapakapagod para dito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung mawawala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). “Nananampalataya ang mga anticristo sa Diyos para lamang sa layon na makapagtamo ng pakinabang at mga pagpapala. Kahit na magtiis sila ng kaunting pagdurusa o magbayad ng kaunting halaga, ito ay pawang para makipagtawaran sa Diyos. Napakalaki ng kanilang layunin at pagnanais na magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at mahigpit nila itong pinanghahawakan. Wala silang tinatanggap na kahit ano sa maraming katotohanang ipinahayag ng Diyos, sa puso nila ay palagi nilang iniisip na ang pananampalataya sa Diyos ay pawang tungkol sa pagtatamo ng mga pagpapala at pagtitiyak ng isang magandang hantungan, na ito ang pinakamataas na prinsipyo, at na walang makakalampas dito. Iniisip nila na hindi dapat manampalataya ang mga tao sa Diyos maliban na lang para sa kapakanan ng pagkamit ng mga pagpapala, at na kung hindi dahil sa mga pagpapala, ang pananampalataya sa Diyos ay magiging walang kahulugan o halaga, na mawawalan ito ng kahulugan at halaga. Ikinintal ba ng ibang tao ang mga ideyang ito sa mga anticristo? Nagmumula ba ang mga ito sa edukasyon o impluwensiya ng iba? Hindi, itinatakda ang mga ito ng likas na kalikasang diwa ng mga anticristo, na isang bagay na walang sinuman ang makakabago. Sa kabila ng pagsasalita ngayon ng napakaraming salita ng Diyos na nagkatawang-tao, walang tinatanggap na kahit na ano sa mga ito ang mga anticristo, sa halip ay nilalabanan at kinokondena nila ang mga ito. Hindi kailanman magbabago ang kalikasan nila na tutol sa katotohanan at namumuhi sa katotohanan. Kung hindi sila makakapagbago, ano ang ipinahihiwatig nito? Ipinahihiwatig nito na buktot ang kanilang kalikasan. Hindi ito isyu ng paghahangad o hindi paghahangad sa katotohanan; isa itong buktot na disposisyon, walang pakundangan itong pagtutol sa Diyos at paglaban sa Diyos. Ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo; ito ang totoong mukha nila(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Mapaminsala, at Mapanlinlang (Ikalawang Bahagi)). “Itinuturing ng mga anticristo ang tungkulin nila bilang isang transaksiyon. Ginagawa nila ang tungkulin nila nang may layunin na makipagtransaksiyon at magkamit ng mga pagpapala. Iniisip nila na ang pananampalataya sa Diyos ay alang-alang sa pagkakamit ng mga pagpapala, at na angkop lang na magkamit ng mga pagpapala sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin nila. Binabaluktot nila ang positibong bagay na paggampan sa tungkulin at hinahamak nila ang halaga at kabuluhan ng paggampan sa tungkulin bilang isang nilikha, habang hinahamak din nila ang pagiging lehitimo ng paggawa nito; ginagawa nilang isang transaksiyon ang tungkulin na dapat natural na ginagampanan ng mga nilikha(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na nananampalataya lang ang mga anticristo sa Diyos para makatanggap sila ng mga pagpapala; hinding-hindi nagbabago ang kanilang transaksiyonal na pag-iisip, at hinding-hindi sila susuko gaano man maging kahirap o kamiserable ang mga bagay-bagay. Kung ganap silang mawalan ng pag-asang mapagpala, para bang ganap nang nawala ang buhay nila. Pakiramdam nila ay wala nang kabuluhan ang patuloy na manampalataya sa Diyos, at nilalabanan nila ang Diyos. Sa pagkukumpara sa sarili ko sa mga salita ng Diyos, nakita ko na kumikilos ako na tulad mismo ng isang anticristo. Nang manampalataya ako sa Panginoon, tuwang-tuwa ako nang marinig ko na makakapasok ako sa kaharian ng langit dahil sa pananampalataya ko sa Diyos. Pakiramdam ko na para magkamit ng biyaya sa buhay na ito, at pagkatapos ay buhay na walang hanggan sa mundong darating, magiging sulit ang anumang pagdurusa para sa Diyos. Ang mapagpala at makapasok sa kaharian ng langit ang naging layon ng pananalig ko, at inakala ko na kapag mas nagsakripisyo ako at ginugol ang sarili ko, mas lalaki rin ang mga pagpapala ko sa hinaharap. Matapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, lalo ko pang naramdaman na ang pangarap kong mapagpala ay matutupad, at mas ginanahan ako sa tungkulin ko. Kahit na 66 na ako noong panahong iyon, hindi ko talaga nakita ang sarili ko na matanda na. Nagsumikap lang talaga ako sa aking tungkulin. Nagbisikleta ako papunta sa kung saan-saan para sa mga pagtitipon at kahit na-stroke ako kalaunan, hindi ako nabahala. Gusto ko lang magsikap na gawin ang tungkulin ko, gamitin ang paghihirap at pagdurusa ko bilang puhunan kapalit ng mga pagpapala. Pero nang makita kong tumanda na ako at hindi na gaya ng dati ang dami ng tungkuling kaya kong gawin, na hindi na ako puwedeng maglibot-libot gaya ng dati, at unti-unti na akong nawawalan ng kakayahang gumawa ng maraming bagay, pakiramdam ko ay lumiliit na ang pag-asa ko na mapagpala. Ayaw kong tanggapin ito. Bagama’t wala akong sinabi, sa puso ko ay sinisi ko ang Diyos; ayaw kong tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos kaya naging negatibo ako, naging mapanlaban at nawala sa katwiran. Ang motibo ko sa pananalig ko ay para pagpalain, na siyang pakikipagtawaran sa Diyos. Hindi ba’t iyon ay nakalilinlang na pananaw ng isang anticristo sa pananampalataya sa Diyos? Binaluktot ko ang isang positibo at napakagandang bagay tulad ng paggawa ng isang tungkulin. Ang alam ko lang ay gamitin ang tungkulin ko at paglilibot paroo’t parito bilang isang paraan para makipagtawaran sa Diyos kapalit ng mga pagpapala ng kaharian ng langit, tinatrato ang tungkulin ko bilang isang kasangkapan at bentaha para matugunan ang aking mga ambisyon at pagnanais. Nalula talaga ako ng pagnanais ko na mapagpala at ang naisip ko lang ay ang makapasok sa kaharian ng langit. Ang inalala ko lang ay kung mapagpapala ba ako, at kung ano ang magiging kalalabasan at hantungan ko. Hindi ko inisip na masuklian ang pagmamahal ng Diyos o maunawaan ang Kanyang taimtim na mga layunin. May konsensiya man lang ba ako? Binigyan ako ng Diyos ng hininga ng buhay at ng pagkakataong makagawa ng isang tungkulin. Ito na ang Kanyang dakilang biyaya sa akin. Pero nagrereklamo pa rin ako sa Diyos, palagi kong sinusubukang mangatwiran sa Kanya, nagiging negatibo at mapanlaban. Napakarebelde ko, at kahit na bawiin ng Diyos sa akin ang buhay ko, magiging katuwiran Niya ito. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, hinihiling sa Kanya na gabayan ako na mabitiwan ang aking mga motibo para sa mga pagpapala, at na makapagpasakop ako sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, senyoridad, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na matauhan. Napagtanto ko na kapag tinutukoy ng Diyos ang ating kalalabasan at hantungan, wala itong kinalaman sa kung gaano na kalaki ang isinakripisyo at ginugol natin para sa Kanya, kung gaano na karami ang ating ginawa o pagdurusa. Ito ay batay sa kung nakamit na ba natin ang katotohanan, at kung nagbago na ba ang ating mga disposisyon. Ang paggawa ng maraming tungkulin ay hindi nangangahulugang nagtataglay tayo ng katotohanan o na nagbago na ang ating disposisyon. Gaano man karaming tungkulin ang gawin ko, ang susi ay kung nasa landas ba ako ng paghahangad sa katotohanan. Dati, marami akong tungkulin at naglakbay sa iba’t ibang lugar, pero hindi ko kailanman hinanap ang katotohanan. Gusto kong gamitin ang panlabas kong pagsisikap para ipagpalit ng magandang hantungan. Hindi ko nakita na nasa kaibuturan ko ang transaksiyonal at sumasalungat na pag-iisip sa Diyos. Sa huli, nang gumuho ang pagnanais ko na mapagpala, nakipagtalo ako sa Diyos at sinalungat Siya. Ang totoo, kung magpapakaabala lang ako at gugugulin ang sarili ko nang hindi hinahangad ang katotohanan, magiging mas makasarili at mayabang lang ako, at hindi kailanman magbabago ang disposisyon ko. Hahantong ako sa pangangatwiran at pakikipagtalo sa Diyos tungkol sa gawaing nagawa ko, at sasama ako nang sasama. Tulad ito mismo ni Pablo—marami siyang ginawa, at mahusay siyang gumawa, pero ginawa lang niya ang gawaing iyon para ipagpalit sa isang korona ng katuwiran. Simula’t sapul ay isa itong transaksiyon sa Diyos. Hindi siya nagsisi kahit nasa bingit na ng kamatayan, at pinarusahan siya ng Diyos sa huli. Si Pedro naman, sa kabilang banda, ay hindi gumawa ng maraming gawain, pero sa kanyang pananalig ay hinangad niya ang katotohanan nang buong puso, at sa lahat ng bagay ay hinanap niya ang layunin ng Diyos at hinangad na magpasakop sa Diyos. Wala siyang kondisyon at hindi niya inisip kung pagpapalain siya. Sa huli, natamo niya ang sukdulang pagmamahal sa Diyos at pagpapasakop hanggang kamatayan, nakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at ginawa siyang perpekto ng Diyos. Parehong mananampalataya sina Pablo at Pedro, pero ang kanilang mga motibo at pananaw sa paghahangad ay magkaiba, at gayundin ang kanilang mga kinalabasan. Mula rito ay makikita natin na ang Diyos ay matuwid, at kapag hinahangad natin ang katotohanan at pagbabago ng disposisyon ay saka lamang tayo aayon sa layunin ng Diyos. Ang hinahangad ko at ang landas na tinatahak ko ay kasinghangal at kasingmali ng kay Pablo, at siguradong magiging pareho ng sa kanya ang dapat na kalalabasan ko. Buti na lang, binigyang-liwanag at pinatnubayan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan ang Kanyang layunin, at kung anong pananaw ang dapat kong taglayin sa pananalig ko. Natutunan ko ring magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at na maging isang makatwirang nilikha. Ito ang pagmamahal ng Diyos. Bumuti nang husto ang kalagayan ko matapos kong maunawaan ang layunin ng Diyos, at lubos akong nagpapasalamat sa Kanya. Pagkatapos niyon, kapag dumarating ang mga kapatid para magtipon, magiliw ko silang tinatanggap. Kapag hindi sila pumupunta, tahimik kong binabasa ang mga salita ng Diyos at hinahanap ang katotohanan ayon sa kalagayan ko.

Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos isang araw: “Hindi lamang basta nagbabayad ng halaga ang Diyos para sa bawat tao sa mga dekada mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kasalukuyan. Tulad ng pagtingin dito ng Diyos, nakarating ka na sa mundong ito nang maraming beses, at muling nabuhay nang maraming beses. Sino ang namamahala rito? Ang Diyos ang namamahala rito. Hindi mo malalaman ang mga bagay na ito. Tuwing dumarating ka sa mundong ito, personal na gumagawa ng mga pagsasaayos ang Diyos para sa iyo: Isinasaayos Niya kung ilang taon ka mabubuhay, ang uri ng pamilya kung saan ka isisilang, kung kailan ka magkakaroon ng pamilya at propesyon, gayundin kung ano ang gagawin mo sa mundong ito at kung paano ka maghahanapbuhay. Nagsasaayos ang Diyos ng paraan para makapaghanapbuhay ka, upang maisakatuparan mo ang iyong misyon sa buhay na ito nang walang hadlang. At patungkol naman sa dapat mong gawin sa iyong susunod na buhay, isinasaayos at ibinibigay ng Diyos ang buhay na iyon sa iyo ayon sa nararapat na mapasaiyo at ano ang nararapat na ibigay sa iyo…. Nagawa na ng Diyos ang mga pagsasaayos na ito para sa iyo nang maraming beses, at, sa wakas, isinilang ka na sa kapanahunan ng mga huling araw, sa iyong kasalukuyang pamilya. Nagsaayos ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo kung saan maaari kang maniwala sa Kanya, tinulutan ka Niyang marinig ang Kanyang tinig at bumalik sa Kanyang harapan, upang masundan mo Siya at makagampan ka ng tungkulin sa Kanyang sambahayan. Dahil lamang sa gayong patnubay ng Diyos kaya ka nabubuhay hanggang sa ngayon. Hindi mo alam kung ilang beses ka na naisilang sa piling ng tao, ni kung ilang beses nang nagbago ang iyong hitsura, ni kung nakailang pamilya ka na, ni kung ilang kapanahunan at dinastiya ka na nabuhay—ngunit laging nakasuporta sa iyo ang mga kamay ng Diyos, at lagi Siyang nakasubaybay sa iyo. Kaylaki ng pagpapagal ng Diyos para sa kapakanan ng tao! Sabi ng ilang tao, ‘Animnapung taong gulang na ako. Sa loob ng animnapung taon, binabantayan ako ng Diyos, pinoprotektahan ako, at ginagabayan ako. Kung, kapag matanda na ako, hindi ko magampanan ang isang tungkulin at wala akong magawang anuman—pangangalagaan pa rin ba ako ng Diyos?’ Hindi ba’t katawa-tawang sabihin ito? Ang Diyos ang namamahala sa kapalaran ng tao, at binabantayan Niya ito at pinoprotektahan hindi lamang sa iisang haba ng buhay. Kung tungkol lamang ito sa iisang haba ng buhay, iisang pagkabuhay, mabibigo iyang ipamalas na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at may kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang tinatrabaho ng Diyos at ang halagang ibinabayad Niya para sa isang tao ay hindi lamang para isaayos ang gagawin nito sa buhay na ito, kundi ang isaayos para sa mga ito ang napakaraming pagkabuhay. Inaako ng Diyos ang buong responsabilidad para sa bawat kaluluwang reinkarnado. Alisto Siyang gumagawa, ibinabayad ang halaga ng Kanyang buhay, ginagabayan ang bawat tao at isinasaayos ang bawat buhay nila. Nagpapagal at nagbabayad ng halaga ang Diyos sa ganitong paraan para sa kapakanan ng tao, at ipinagkakaloob Niya sa tao ang lahat ng katotohanang ito at ang buhay na ito. Kung hindi gagampanan ng mga tao ang tungkulin ng mga nilikha sa mga huling araw na ito, at hindi sila babalik sa harap ng Lumikha—kung, sa bandang huli, ilang buhay at henerasyon man ang kanilang isinabuhay, hindi nila ginagawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin at nabibigo silang tugunan ang mga hinihingi ng Diyos—hindi ba’t magiging napakalaki ng kanilang pagkakautang sa Diyos? Hindi ba’t hindi sila magiging karapatdapat sa lahat ng ibinayad na halaga ng Diyos? Magiging masyado silang walang konsensiya, hindi sila magiging karapatdapat na tawaging mga tao, dahil magiging napakalaki ng pagkakautang nila sa Diyos. … Ang biyaya, pagmamahal, at habag na ipinapakita ng Diyos sa tao ay hindi lamang isang uri ng saloobin—katunayan din ang mga iyon. Anong katunayan iyon? Iyon ay na inilalagay ng Diyos ang Kanyang mga salita sa iyong kalooban, nililiwanagan ka, upang makita mo kung ano ang kaibig-ibig sa Kanya, at kung tungkol saan ang mundong ito, upang ang puso mo ay mapuspos ng liwanag, na nagtutulot sa iyo na maunawaan ang Kanyang mga salita at ang katotohanan. Sa ganitong paraan, nang hindi mo nalalaman, natatamo mo ang katotohanan. Gumagawa ang Diyos ng napakaraming gawain sa iyo sa napakatotoong paraan, na nagbibigay sa iyo ng kakayahang matamo ang katotohanan. Kapag natamo mo ang katotohanan, kapag natamo mo ang buhay na walang hanggan na siyang pinakanatatanging bagay, natutupad ang mga layunin ng Diyos. Kapag nakikita ng Diyos na hinahangad ng mga tao ang katotohanan at handa silang makipagtulungan sa Kanya, masaya Siya at kontento. Sa gayon ay nagkakaroon Siya ng isang saloobin, at habang taglay Niya ang saloobing iyon, gumagawa Siya, at sinasang-ayunan at pinagpapala Niya ang tao. Sinasabi Niya, ‘Gagantimpalaan kita ng mga pagpapalang nararapat sa iyo.’ At pagkatapos ay matatamo mo na ang katotohanan at ang buhay. Kapag mayroon kang kaalaman sa Lumikha at natamo mo ang Kanyang pagpapahalaga, makadarama ka pa rin ba ng kahungkagan sa puso mo? Hindi na. Madarama mo na kontento ka na at may kagalakan. Hindi ba’t ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng halaga ng buhay ng isang tao? Ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang buhay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagbabayad ng Halaga Para Makamit ang Katotohanan ay Mayroong Malaking Kabuluhan). Labis na nakagiginhawa at nakakaantig sa akin ang mga salita ng Diyos. Hindi mahalaga kung gaano man ako katanda o ano man ang kondisyon ng kalusugan ko; hangga’t minamahal at hinahangad ko ang katotohanan, hindi ako kamumuhian ng Diyos. Sa kasamaang palad, mali ang naging pagkaunawa ko sa layunin ng Diyos. Inakala ko na dahil matanda na ako at walang silbi, hindi na ganoon karami ang magagawa kong tungkulin. Naisip ko na isang araw ay puwede akong magkasakit nang malubha at mawala na lang bigla, nang walang pag-asang maligtas. Pakiramdam ko ay walang kabuluhan ang pananampalataya sa Diyos, at ayaw kong magsikap na magpunyagi. Dahil naimpluwensiyahan ako ng mga maling pananaw ko, naging mali ang pagkaunawa ko sa layunin ng Diyos. Nasadlak ako sa panghihina at negatibong kalagayan, at pinaglaruan ako ni Satanas. Dati, hindi ko alam na bilang isang nilikha, dapat akong magpasakop sa Diyos at palugurin Siya. Noong wala pa ang pakiramdam na iyon, nanalig lang ako para ipagpalit sa biyaya at mga pagpapala—nakikipagtawaran ako sa Diyos. Ngayon ay nakikita ko na kapag may ganoong hangarin, kahit pa mabuhay ako nang ilang daang taon, wala itong magiging kabuluhan o halaga. Halimbawa, nang harapin ni Job ang mga sakunang iyon, kahit minsan ay hindi niya inisip kung ano ang kanyang natamo o nawala. Noong tinubuan siya ng maraming pigsa at naging napakahirap nang mabuhay, hindi niya kailanman sinisi ang Diyos. Mayroon siyang tunay na pananampalataya sa Diyos, nagpasakop siya sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at pinuri ang ngalan ng Diyos. Matunog siyang nagpatotoo para sa Diyos sa harap ni Satanas, at sa huli ay pinagpala siya ng Diyos. Nariyan din si Pedro, na laging hinahangad na mahalin at palugurin ang Diyos sa buong buhay niya, at tumuon siya sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon sa tunay niyang buhay. Sa huli, siya ay ipinako sa krus nang patiwarik para sa Diyos, na nagpapakita ng kanyang sukdulang pagmamahal at labis na pagpapasakop sa Diyos, isinasabuhay ang isang makabuluhang buhay, at nakakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ngayon ay naunawaan ko na bilang isang mananampalataya, ang paghahangad na magpasakop sa Diyos at palugurin ang Diyos sa lahat ng bagay, ang paggawa nang maayos ng tungkulin ng isang nilikha, ang pagkaunawa at pagkamit ng katotohanan sa paggawa ng tungkulin ng isang tao, at pagpapasakop at pagmamahal sa Diyos, ay ang paraan upang hindi mamuhay nang walang saysay, at upang mamuhay nang makabuluhan. Ito lang ang tanging paraan para makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang palaging pagsusumikap na makipagtawaran sa Diyos, at ang paggamit sa pagsisikap at paggugol ng sarili para ipagpalit sa mga pagpapala ng kaharian ng langit ay napakasamang asal, at humahantong ito sa isang buhay na walang kabuluhan o halaga. Hindi ko puwedeng patuloy na isipin kung mapagpapala ba ako sa hinaharap o hindi. Dapat hangarin ko na lang ang katotohanan sa bawat araw na nalalabi sa akin, gagawin ang lahat ng aking makakaya upang tuparin ang tungkulin ko sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos, at hahangarin ang disposisyonal na pagbabago. Kahit pa isang araw ay magkasakit ako nang malubha at maharap sa kamatayan, at mawalan na ako ng kakayahang magampanan ang tungkulin ko, magpapasakop pa rin ako sa mga pagsasaayos ng Diyos. Ang dapat kong pagtuunan ngayon ay ang paggawa ng lahat ng makakaya ko upang magawa ang tungkulin ko at matupad ang responsabilidad ko sa buhay na ito. Anuman ang maging kalalabasan ko, buhay man o kamatayan, ay nasa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos na ng Diyos. Hindi ito isang bagay na dapat kong isipin bilang isang nilikha. Labis na gumaan ang pakiramdam ko nang isipin ko iyon sa ganoong paraan.

Pagkatapos niyon, regular akong nagbasa ng mga salita ng Diyos at nakinig ng mga himno araw-araw. Nang mapagtanto ko na naglalantad ako ng katiwalian, nanalangin ako, hinanap ko ang katotohanan, kinilala ang aking mga satanikong disposisyon, at nagtapat sa paghahanap at pakikipagbahaginan kasama ang mga kapatid ko. Unti-unti akong may kaunting nakamit mula sa lahat ng iyon. Karaniwan, kapag may tungkulin na kailangan kong gawin, aktibo akong nakikibahagi, at ipinangaral ko ang ebanghelyo sa mga nakapaligid sa akin hangga’t maaari. Nang makita kong nagsusulat ang mga kapatid ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan, nagsanay rin akong isulat ang mga karanasan ko para maging mga artikulo upang magpatotoo sa Diyos. Ang paggawa ng lahat ng ito ay nagbigay sa akin ng pakiramdam ng kasiyahan at kapayapaan.

Isang araw, narinig ko ang himnong ito ng mga salita ng Diyos: “Ang Isang Nilikha ay Dapat Magpasailalim sa Pamamatnugot ng Diyos.” Naantig talaga ako nito. Partikular akong naantig ng ikalawang sipi na nagbabanggit ng karanasan ni Pedro. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Noon, si Pedro ay ipinako sa krus nang pabaligtad para sa Diyos; subalit dapat mong bigyang-kasiyahan ang Diyos sa mga huling araw na ito, at ubusin ang lahat ng iyong lakas para sa Kanya. Ano ang maaaring gawin ng isang nilikha para sa Diyos? Dapat mong ibigay samakatwid ang iyong sarili sa Diyos nang maaga, para mapamatnugutan ka Niya sa paraang nais Niya. Hangga’t napapasaya at nabibigyang-kaluguran nito ang Diyos, kung gayon ay hayaan Siyang gawin kung ano ang kalooban Niyang gawin sa iyo. Ano ang karapatan ng tao na bumigkas ng mga salita ng pagdaing?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob,” Kabanata 41). Paulit-ulit ko itong pinakinggan, at hindi ako nagsawa. Ang bawat linya nito ay nagbibigay-inspirasyon at nakakaantig sa akin, at hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha ko. Isa akong nilikha na ginawang tiwali ni Satanas at umabot ako sa ganito katandang edad, pero nagkaroon pa rin ako ng pagkakataong sundan ang Diyos at maranasan ang Kanyang gawain, gawin ang aking tungkulin at magpatotoo sa Diyos. Napakalaking pagpapala nito! Ngayon, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang sarili kong mga katiwalian, at binago ko na ang aking makasarili at masasamang motibo para sa mga pagpapala. Ito ay biyaya ng Diyos! Pupurihin ko ang Diyos hanggang sa pinakahuli, kahit pa wala Siyang ibigay sa akin. Magiging makabuluhan pa rin ang buhay ko kung magkagayon! Hahangarin kong maging isang nilikha na makatwiran at mapagpasakop sa Diyos. Anuman ang kondisyon ng kalusugan ko o anuman ang kalalabasan ko, handa akong hayaan ang Diyos na mamatnugot ayon sa gusto Niya.

Sinundan:  27. Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Ako Tumanggap ng Pangangasiwa

Sumunod:  29. Ang mga Pasikot-Sikot sa Aking Paglalakbay Papunta sa Diyos

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger