62. Mga Pagninilay Matapos ang Bulag na Pagsamba sa mga Tao

Ni Jiang Ling, Tsina

Noong ako ay isang lider ng isang iglesia noong 2019, nakilala ko ang dalawang nakatataas na lider. Kapag sila ay nagbabahagi tungkol sa katotohanan at tumutugon sa mga isyu, natutukoy nila ang puno’t dulo ng usapin, ibinabahagi at hinihimay ang mga bagay mula sa ibabaw, hanggang sa lumalim, sa maayos na paraan. Ramdam ko na ako ay nakikinabang sa pakikinig dito. Naisip kong may malawak silang pananaw sa mga bagay-bagay, na sila ay may katotohanang realidad. Sa aking limitadong karanasan sa buhay, naisip kong kapag may mga ganyang tao na gagabay sa akin, tiyak na mabilis akong uunlad at matututuhan ko ang mas marami pang katotohanan, at masisiguro ang aking kaligtasan. Pagkatapos niyon, anumang isyu o paghihirap ang hinaharap ko sa aking gawain, ang una kong ginagawa ay sulatan sila, humihingi ng tulong. Mabusisi sila at nagbibigay ng mga direksiyon sa patnubay sa kanilang mga tugon, nagbibigay ng mga solusyon sa mga problema ko. Hinangaan ko sila at lalo pa akong umasa sa kanila. Sa paglipas ng panahon, hinahanap ko sila para humingi ng tulong na lutasin ang bawat isyu, malaki at maliit, kahit sa mga pangkalahatang usapin. Sa tuwing ako ay nasa negatibong kalagayan, hindi ako tumutuon sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at paghahanap ng katotohanan, o sa pagbabahagi sa sister na kapareha ko, bagkus ay naghihintay ako ng pagtitipon kasama ang mga lider na iyon para malutas ito. Kapag nakikipagbahaginan sila sa mga pagtitipon, nakikinig ako nang masinsinan at masigasig na nagtatala, natatakot na may makaligtaan ako. Sa mga pagtitipon, madalas nilang ipaalam at himayin ang aming mga problema, at agad nila kaming pupunahin kung makikipagtalo kami at ipagtatanggol namin ang aming mga sarili kapag pinupungusan kami. Minsan kapag nagpakita ako ng katiwalian na mismong ako ay walang kamalayan, naipapaalam nila ang mga nakatagong motibo sa mga iyon at nahihimay ang kalikasan ng mga kilos ko. Lalo nitong pinalakas ang pakiramdam ko na nauunawaan nila ang katotohanan at tinataglay ang realidad nito, kaya lalo ko pa silang tiningala at hinangaan. Pero matapos ko silang makilala sa maikling panahon, napagtanto ko na kapag lumulutas sila ng mga problema, ipinapaalam lang nila ang tiwaling disposisyon na aming ipinakita, pero halos hindi nakikipagbahaginan sa ipinakita nilang katiwalian o ang kanilang mga aktuwal na pagkaunawa na batay sa karanasan. Kadalasan ay sinasabi lang nila ang sarili nilang positibong pagpasok, na para bang wala silang kahit na anong katiwalian at tunay na nakapagsasagawa sila ng katotohanan. Medyo nadama ko na tila nakatuon silang ganap sa gawain at wala silang anumang buhay pagpasok, gayumpaman, naisip ko na nagagawa nilang makita ang mga isyu ng iba at nagagabayan nila ang aming gawain, kaya hindi ba’t iyon ay pagkakaroon ng kaunting buhay pagpasok at realidad? Kaya, patuloy ko silang hinangaan, inidolo, at ginaya ko pa ang kanilang estilo ng paggawa. Nang makakita ako ng mga isyu sa mga tungkulin ng mga kapatid, o ng tiwaling disposisyon na kanilang ibinunyag, katulad ng mga lider na iyon, walang habas ko silang inilantad at pinungusan. Bilang resulta, ang iba sa kanila ay nalugmok sa pagiging negatibo at natakot sa akin; napigilan ko sila. Masyado kong hinangaan ang mga lider, kaya nang naharap ako sa mga isyu, hindi ako sumandal sa Diyos at naghanap ng katotohanan, bagkus ay sila ang aking hinanap para ayusin ang mga bagay-bagay. Unti-unti, naramdaman kong ang aking pag-iisip ay lalong lumalabo at mas naguguluhan ako sa mga bagay-bagay. Sa kalagayan ng mga kapatid at mga isyu sa gawain, hindi ko talaga maintindihan ang mga bagay-bagay. Hindi ko alam kung anong gagawin sa mga problemang nalulutas ko naman noon. Pero hindi pa rin ako nagnilay sa aking sarili.

Isang araw noong Abril, nakatanggap ako ng hindi inaasahang balita na ang dalawang lider na iyon ay umamin sa pagkakamali at nagbitiw, na sila ay nabunyag bilang mga huwad na lider, mga taong hindi naghahanap ng katotohanan. Hindi talaga ako makapaniwala na ito ay totoo. Sa loob ng ilang araw, isip ako nang isip kung paano nila nagawang umamin sa pagkakamali at magbitiw. Napakarami nilang alam na mga katotohanang prinsipyo at may kakayahan sa gawain. Naibunyag sila bilang mga taong hindi naghahanap ng katotohanan at hindi ako pumantay sa kanila, kaya magagawa ko ba nang mabuti ang tungkulin ko at maililigtas ba ako ng Diyos kung patuloy kong isasagawa ang aking pananalig nang ganoon? Balisa talaga ako noong panahong iyon. Naisipan ko pa ngang umamin sa pagkakamali at magbitiw. Pero malinaw na malinaw kong nakikita na wala ako sa tamang kalagayan. Tinanong ko ang aking sarili kung ang aking pananalig ay nasa Diyos, o nasa mga tao. Bakit magkakaroon ng ganoon kalaking epekto sa akin ang pagbibitiw ng dalawang nakatataas na lider, hanggang sa puntong pakiramdam ko ay wala akong pag-asa na mailigtas ng Diyos? Napagtanto kong nananampalataya ako sa Diyos pero sumasamba ako sa mga tao at walang puwang para sa Diyos sa puso ko, na nasa napakamapanganib na kalagayan ako. Nakararamdam ng takot, dali-dali akong nagdasal, hinihiling sa Diyos na gabayan ako para malaman ko ang sarili kong katiwalian.

Kinabukasan, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ang pinakamabuting gawin ng mga taong nagsasabi na sumusunod sila sa Diyos ay imulat ang kanilang mga mata at tumingin nang husto upang makita kung sino talaga ang pinaniniwalaan nila: Ang Diyos ba talaga ang pinaniniwalaan mo, o si Satanas? Kung alam mo na hindi ang Diyos ang pinaniniwalaan mo, kundi ang sarili mong mga idolo, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Kung talagang hindi mo alam kung sino ang iyong pinaniniwalaan, muli, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Ang pagsasabi niyon ay kalapastanganan! Walang sinumang pumipilit sa iyo na maniwala sa Diyos. Huwag ninyong sabihing naniniwala kayo sa Akin; sawa na Ako sa ganyang pananalita, at ayaw Ko nang marinig iyong muli, dahil ang pinaniniwalaan ninyo ay ang mga idolo sa inyong puso at ang lokal na mga maton sa inyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay nakapupukaw-damdamin para sa akin, lalo na ang bahagi na, “Ang pinakamabuting gawin ng mga taong nagsasabi na sumusunod sila sa Diyos ay imulat ang kanilang mga mata at tumingin nang husto upang makita kung sino talaga ang pinaniniwalaan nila.” Labis iyong nakaaantig para sa akin—naramdaman kong tinatawag ako ng Diyos. Sa pagbabalik-tanaw sa lahat ng aking mga interaksyon sa mga lider na iyon, dahil nakita kong malinaw at sistematiko ang paraan nila ng paglutas sa mga bagay-bagay at organisado sila sa kanilang pananalita, pakiramdam ko ay alam nila ang katotohanan at taglay nila ang katotohanang realidad, at kung mas makikipagbahaginan ako sa kanila mas mabilis akong uunlad sa buhay at masisiguro ko ang aking kaligtasan. Kaya anumang mga isyu o paghihirap ang aking nakaharap, imbes na sumandig sa Diyos at hanapin ang katotohanan para sa resolusyon, lagi ko silang hinahanap at sinasandigan, at ginagawa ang anumang sabihin nila. Sa aking puso, naging mga idolo ko na sila, mga sandigan ko. Ngayon na umamin sila sa pagkakamali at nagbitiw, pakiramdam ko ay wala akong direksiyon, walang landas sa sarili kong tungkulin. At sa wakas napagtanto ko na noon pa ay sumasandig at umaasa ako sa mga tao, hindi sa Diyos. Sa panlabas, may pananalig ako sa Diyos at gumagawa ng tungkulin, at araw-araw akong nananalangin sa Diyos, pero wala talagang puwang para sa Diyos sa aking puso. Lagi akong naghahanap ng mga tao at nakikinig sa kanila sa tuwing nahaharap sa mga isyu. Malinaw na nananampalataya ako sa mga tao, pero sinasabi ko pa ring nananampalataya ako sa Diyos. Dinadaya ko ang Diyos, nilalapastangan Siya! Naisip ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay dapat magpasakop sa Diyos at sumamba sa Kanya. Huwag mong itaas o tingalain ang sinumang tao; huwag ilagay sa una ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ipangatlo ang iyong sarili. Walang sinumang taong dapat magkaroon ng lugar sa iyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang iyong mga iginagalang—na kapareho ng Diyos, na Kanyang kapantay. Hindi ito katanggap-tanggap para sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). Naramdaman ko talaga na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi maaaring salungatin. Ang Diyos ang Lumikha, at ang tao, bilang mananampalataya sa Diyos, ay dapat sambahin ang Diyos at dakilain Siya. Hindi tayo dapat sumamba o umasa sa mga tao. Pero sa pananalig ko, sumamba ako sa mga tao, na talagang kinamumuhian ng Diyos. Kung nagpatuloy ako nang ganito, masasalungat ko ang disposisyon ng Diyos!

Sa ilang sandali, nanalangin ako sa Diyos nang husto, at nagnilay kung bakit labis kong hinangaan ang dalawang lider na iyon. Nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos na nakatulong sa aking maunawaan nang bahagya ang isyu na ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi ang pagpapakumbaba ni Cristo ang hinahangaan mo, kundi ang mga huwad na pastol na iyon na may bantog na katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o ang karunungan ni Cristo, kundi iyong mahahalay na nakalublob sa karumihan ng mundo. Tinatawanan mo ang pasakit ni Cristo na walang lugar na mapagpahingahan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan mo ang mga bangkay na naghahanap ng mga handog at namumuhay sa kabuktutan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, ngunit masaya mong inihahagis ang sarili mo sa mga bisig ng mga walang habas na anticristo, kahit na tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga salita, at kontrol. Kahit ngayon, bumabaling pa rin sa kanila ang puso mo, tungo sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, sa kanilang impluwensiya. Gayumpaman patuloy kang nagtataglay ng saloobin na nahihirapan kang paniwalaan ang gawain ni Cristo at hindi mo ito matanggap. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong kulang ka sa pananalig upang kilalanin si Cristo. Ang dahilan kung bakit ka sumunod sa Kanya hanggang ngayon ay dahil lamang wala kang ibang pagpipilian. Nangingibabaw sa puso mo magpakailanman ang isang serye ng matatayog na imahe; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, ni ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at kamay. Sa mga puso ninyo, sila ay kataas-taasan at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ganito para sa Cristo ng kasalukuyan. Wala Siyang halaga sa puso mo magpakailanman, at hindi karapat-dapat na katakutan magpakailanman. Sapagkat napakakaraniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensiya, at malayo sa pagiging napakatayog(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?). “Anuman ang antas ng isang lider o manggagawa, kung sinasamba ninyo siya dahil sa pagkaunawa sa katiting na katotohanan at sa pagkakaroon ng kaunting kaloob, at naniniwala kang taglay niya ang katotohanang realidad at matutulungan ka niya, at kung titingalain mo siya at umaasa sa kanya sa lahat ng bagay, at sa pamamagitan nito, sinusubukan mong matamo ang kaligtasan, kahangalan at kamangmangan ito. Sa huli, ang lahat ng ito ay mauuwi lang sa wala, dahil ang pinagsimulan mo ay likas na mali. Kahit gaano pa karaming katotohanan ang nauunawaan ng isang tao, hindi sila makahahalili kay Cristo, at kahit gaano pa kagaling ang isang tao, hindi ibig sabihin nito na taglay niya ang katotohanan—kaya ang sinumang sumasamba, tumitingala, at sumusunod sa ibang tao ay ititiwalag at kokondenahin lahat sa huli. Ang mga nananampalataya sa Diyos ay maaari lamang tingalain at sundan ang Diyos. Ang mga lider at manggagawa, anuman ang kanilang ranggo, ay mga karaniwang tao pa rin. Kung itinuturing mo sila bilang mga direktang nakatataas sa iyo, kung sa pakiramdam mo ay nakalalamang sila kaysa sa iyo, na mas magaling sila kaysa sa iyo, at na dapat ka nilang pamunuan, na lagi silang nakatataas sa lahat ng iba pa, mali ka—isa iyong kahibangan. At anong mga kahihinatnan ang idudulot sa iyo ng kahibangang ito? Magiging dahilan ito para sukatin mo ang iyong mga lider laban sa mga hinihingi na hindi naaayon sa realidad, at hindi mo magagawang tratuhin nang tama ang mga problema at pagkukulang na mayroon sila; kasabay nito, nang hindi mo namamalayan, maaakit ka rin nang lubusan sa kanilang pambihirang katangian, mga kaloob, at mga talento, kaya bago mo pa malaman, sinasamba mo na sila, at sila na ang iyong diyos. Ang landas na iyon, mula pa nang nagsisimula na silang maging huwaran mo, pakay ng pagsamba mo, hanggang sa maging isa ka sa kanilang mga tagasunod, ang aakay sa iyo palayo sa Diyos nang hindi mo namamalayan. At kahit habang unti-unti kang lumalayo sa Diyos, maniniwala ka pa rin na sumusunod ka sa Diyos, na ikaw ay nasa Kanyang sambahayan, na ikaw ay nasa Kanyang presensya, samantalang ang totoo, natangay ka na pala palayo ng mga kampon ni Satanas, ng mga anticristo. Ni hindi mo ito mararamdaman. Isa itong lubhang mapanganib na kalagayan. Para malutas ang problemang ito, sa isang bahagi, nangangailangan ito ng kakayahang matukoy ang kalikasang diwa ng mga anticristo, at ng kakayahang mahalata ang pangit na itsura ng pagkamuhi ng mga anticristo sa katotohanan at ng paglaban nila sa Diyos; gayundin, kinakailangang maging pamilyar sa madadalas na gamiting diskarte ng mga anticristo sa panlilihis at panlilinlang ng mga tao, pati na ang paraan kung paano nila ginagawa ang mga bagay-bagay. Ang isa pang bahagi ay na dapat ninyong hangaring malaman ang disposisyon at diwa ng Diyos. Dapat maging malinaw sa inyo na si Cristo lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, na ang pagsamba sa kaninumang tao ay magdudulot sa inyo ng kapahamakan at kasawian. Dapat magtiwala kayo na si Cristo lamang ang makapagliligtas sa mga tao, at dapat ninyong sundan at magpasakop kay Cristo nang may lubos na pananalig. Ito lamang ang tamang landas ng buhay ng tao. Maaaring sabihin ng ilan: ‘May mga dahilan ako sa pagsamba sa mga lider—sa puso ko, natural kong sinasamba ang sinumang may talento. Sinasamba ko ang sinumang lider na naaayon sa aking mga kuru-kuro.’ Bakit mo ipinipilit na sambahin ang tao bagaman nananampalataya ka sa Diyos? Matapos ang lahat, sino ba ang magliligtas sa iyo? Sino ang tunay na nagmamahal sa iyo at nagpoprotekta sa iyo—hindi mo ba talaga nakikita? Kung nananampalataya ka sa Diyos at sinusundan mo ang Diyos, dapat kang makinig sa Kanyang salita, at kung may nagsasalita at gumagawa nang wasto, at umaayon ito sa mga katotohanang prinsipyo, magpasakop ka na lang sa katotohanan—hindi ba’t ganoon lang iyon kasimple? Bakit napakasama mo? Bakit ka nagpupumilit na humanap ng isang taong sinasamba mo para sundan? Bakit mo ba gustong maging alipin ni Satanas? Bakit hindi ka na lang maging isang lingkod ng katotohanan? Dito, nakikita kung may katwiran at dignidad ang isang tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Aytem). Noong nabasa ko ang mga sipi na ito, naramdaman kong ako ay isang alipin ni Satanas, tulad ng inilarawan ng Diyos. Ginusto kong sambahin at sundan ang mga tao. Hinangaan ko iyong mga may katayuan, may mga kaloob, mga magaling magsalita. Nang makitang nauunawaan ng mga nakatataas na lider na iyon ang pinakamahalagang bahagi ng mga bagay-bagay sa tuwing nagbabahagi tungkol sa katotohanan at lumulutas ng mga isyu, idagdag pa ang makitang malinaw at maayos ang kanilang pakikipagbahaginan, naakit ako sa kanilang mga kaloob at sa kanilang mga kakayahan sa paggawa. Naramdaman kong nauunawaan nila ang katotohanan at taglay nila ang katotohanang realidad, kaya bulag akong humanga at umasa sa kanila. Akala ko sa pangunguna nila sa akin, matututuhan ko ang katotohanan at magagawa ang aking tungkulin nang maayos, na mabilis akong uunlad sa buhay at magkakaroon ng pag-asang mailigtas, at kung wala ang kanilang tulong at patnubay, ang aking pag-asa sa kaligtasan ay liliit. Gulong-gulo ako, bulag na bulag! Ang Diyos ang pinagmumulan ng katotohanan. Ang Diyos lamang ang makapagbibigay sa mga tao ng katotohanan, makalulutas sa ating mga problema at paghihirap, at makapagliligtas sa atin mula sa mga puwersa ni Satanas. Gaano man kataas ang katayuan ng isang tao, anuman ang kanilang taglay na mga kaloob o abilidad, isa pa rin silang taong ginawang tiwali ni Satanas, at hindi natin sila maaaring sandigan o sambahin. Kahit na bilang isang mananampalataya, walang puwang ang Diyos sa puso ko. Sa pagharap sa mga problema, hindi ako kailanman umasa sa Diyos o naghanap ng katotohanan, bagkus ako ay naghintay sa mga taong iyon na dumating at ayusin ang mga bagay-bagay. Hindi ba’t kahangalan iyon? Ang mga lider na iyon ay may kabatiran sa ilang problema at kaya nilang ipaliwanag ang kanilang pagkaunawa, pero ito na ang lahat ng natutuhan nila mula sa mga salita ng Diyos. At saka, gaano man sila kahusay o kagaling magsalita, mga tiwaling tao lang sila at hindi man lang nagtataglay ng katotohanan. Kinailangan din nilang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at kailangan nila ang pagliligtas ng Diyos. Pero sinamba at tiningala ko sila. Ginusto ko pa ngang umasa sa kanila sa aking landas ng pananalig patungo sa kaligtasan. Isa talaga akong mangmang. Nakatatakot para sa akin na makita ito. Kailanman ay hindi ko naisip na titigil ako sa paghahanap ng katotohanan, na ako ay bulag na sasamba sa mga tao, na maglalagay ako ng isang tao sa pedestal sa aking puso na mas mataas pa sa Diyos. Inilayo ko na ang aking sarili sa Diyos at ipinagkanulo Siya—nasa landas ako na laban sa Diyos! Pinuno ako ng kaisipang ito ng pagkakonsensiya at pagsisisi, at gusto kong magsisi sa Diyos.

Kalaunan, nalaman ko ang mga dahilan ng pagbibitiw ng dalawang nakatataas na lider na iyon. Ang isa sa kanila ay naghahangad ng reputasyon at katayuan, at laging gustong magpakitang-gilas at hangaan sa kanyang gawain. Noong walang mga resulta sa kanyang gawain, siya ay naging negatibo at nagpakatamad. Maraming beses sinubukan ng mga kapatid na magbahagi at tumulong sa kanya, pero hindi siya nagbago. Sa huli, wala siyang natatapos na anumang tunay na gawain, kaya siya nagbitiw. Ang isa naman ay nakaharap ng mga paghadlang mula sa kanyang pamilya at nagreklamo tungkol sa hirap ng pananampalataya sa Diyos, kaya isinuko niya ang kanyang tungkulin at umuwi upang mamuhay kasama ang kanyang pamilya. Nagulat ako nang marinig ko iyon. Karaniwan silang nagsasalita nang may kayabangan sa kanilang pakikipagbahaginan sa mga pagtitipon at matatas sa paglutas ng problema ng iba, kaya paanong nanghina sila nang sila mismo ang humarap sa kaparehong mga isyu? Bakit hindi nila maisagawa ang katotohanan? Akala ko dati ay kaya nilang isagawa ang katotohanan, na taglay nila ang katotohanang realidad, pero sa wakas nakita ko na wala talaga silang taglay na katotohanang realidad. Nagmaktol sila at binalewala ang kanilang mga tungkulin nang may magkompromiso sa kanilang mga interes. Hindi talaga nila hinangad ang katotohanan. Ang matayog na imahe nila sa aking puso ay gumuho sa isang iglap.

Kalaunan, nabasa ko ang ilang salita ng Diyos tungkol sa isyung ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang panghawakan ang mga salita ng Diyos at magawang ipaliwanag ang mga ito nang hindi nahihiya ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang realidad; ang mga bagay ay hindi kasing-simple ng iyong iniisip. Kung nagtataglay ka ng realidad ay hindi nababatay sa kung ano ang iyong sinasabi; sa halip, nababatay ito sa iyong isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagpapahayag mo ang mga salita ng Diyos, saka lamang masasabi na taglay mo ang realidad, at saka ka lamang maituturing na nagkamit ng tunay na pagkaunawa at aktuwal na tayog. Kailangan mong matagalan ang pagsusuri sa loob ng mahabang panahon, at kailangan mong maisabuhay ang wangis na hinihingi ng Diyos. Hindi ito dapat maging pakitang-tao lamang; kailangan itong likas na dumaloy mula sa iyo. Saka ka lamang tunay na magtataglay ng realidad, at saka ka lamang magkakamit ng buhay. … Gaano man kabagsik ang hangin at mga alon, kung nakakaya mong manatiling nakatayo nang wala ni katiting na pagdududang pumapasok sa iyong isipan, at nakakaya mong manindigan at manatiling malaya sa pagkakaila, kahit wala nang iba pang natitira, ituturing kang mayroong totoong pagkaunawa at tunay na nagtataglay ng realidad(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan ang Pagtataglay ng Realidad). “Ang mabubuting kawal ng kaharian ay hindi sinanay na maging isang grupo ng mga tao na kaya lamang magsalita tungkol sa realidad o magyabang; sa halip, sinanay silang isabuhay ang mga salita ng Diyos sa lahat ng oras, manatiling hindi sumusuko anumang mga dagok ang kinakaharap nila, at patuloy na mamuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos at hindi na bumalik sa mundo. Ito ang realidad na sinasabi ng Diyos; ito ang kinakailangan ng Diyos sa tao. Sa gayon, huwag ituring na napakadali ng realidad na binabanggit ng Diyos. Ang kaliwanagan lamang mula sa Banal na Espiritu ay hindi kapantay ng pagtataglay ng realidad. Hindi gayon ang tayog ng tao—ito ang biyaya ng Diyos, kung saan walang iniaambag ang tao. Bawat tao ay kailangang tiisin ang mga pagdurusa ni Pedro, at, higit pa rito, taglayin ang kaluwalhatian ni Pedro, na kanilang isinasabuhay matapos nilang matamo ang gawain ng Diyos. Ito lamang ang matatawag na realidad(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan ang Pagtataglay ng Realidad). “Naaayon man sa katotohanan ang kaalamang sinasabi mo ay lubhang nakasalalay sa kung ikaw ay may praktikal na karanasan doon. Kapag may katotohanan sa iyong karanasan, magiging praktikal at mahalaga ang iyong kaalaman. Sa pamamagitan ng iyong karanasan, magtatamo ka rin ng pagkilatis at kabatiran, mapapalalim ang iyong kaalaman, at madaragdagan ang iyong karunungan at sentido kumon tungkol sa kung paano ka dapat umasal. Ang kaalamang ipinapahayag ng mga taong walang taglay na katotohanan ay doktrina, gaano man iyon katayog. Ang ganitong uri ng tao ay maaaring napakatalino pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa laman ngunit hindi matukoy ang mga kaibhan pagdating sa mga espirituwal na bagay. Iyan ay dahil ang gayong mga tao ay wala ni isang karanasan man lamang sa mga espirituwal na usapin. Sila ang mga taong hindi naliliwanagan sa mga espirituwal na usapin at walang espirituwal na pang-unawa. Anumang uri ng kaalaman ang ipahayag mo, basta’t tungkol iyon sa iyong pagkatao, iyon ay iyong personal na karanasan, iyong tunay na kaalaman. Ang tinatalakay ng mga taong nagsasalita lamang ng doktrina—yaong mga taong walang taglay na katotohanan ni realidad—ay maaari ding tawaging kanilang pagkatao, dahil nakuha nila ang kanilang doktrina sa pamamagitan lamang ng malalim na pagninilay-nilay at ito ang bunga ng kanilang malalim na pagbubulay-bulay. Subalit ito ay doktrina lamang, walang iba kundi imahinasyon!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao). Ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay nakamumulat para sa akin. Labis kong hinangaan ang dalawang lider na iyon dahil hindi ko nauunawaan kung ano ang doktrina at kung ano ang realidad. Nang makita ko kung gaano katayog ang kanilang naging pakikipagbahaginan sa mga pagtitipon, at na kaya nilang maglantad at maghimay ng katiwalian ng ibang tao, inakala kong taglay nila ang katotohanang realidad. Pero pagkatapos, natutuhan ko sa mga siping ito na ang pagbabahagi ng pang-unawa sa mga salita ng Diyos at paghihimay sa ilang isyu ay hindi pagtataglay ng katotohanang realidad. Ang pagkakaroon ng realidad ay tungkol sa pagbabasa ng mga tao ng mga salita ng Diyos, tapos ay pagtanggap at pagsasagawa sa mga iyon, magawang makapagpasakop sa Diyos anumang pagsubok ang harapin nila, at pagkakaroon ng patotoo mula sa pagsasagawa ng katotohanan. Ang mga taong totoong may realidad ay tunay na nauunawaan ang sarili nilang tiwaling kalikasan, at may personal na karanasan sa mga salita ng Diyos. Kaya nilang gamitin ang kanilang mga tunay na karanasan para gabayan at tulungan ang mga kapatid na pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Iyong mga may katotohanang realidad ay gumagawa ng mga bagay-bagay sa isang maprinsipyong paraan at gumagawa ng kanilang tungkulin nang tapat. Anuman ang sitwasyon na kanilang harapin, maitataguyod nila ang gawain ng iglesia at matutupad ang kanilang sariling tungkulin. Kadalasang matatas na matatas ang dalawang lider na iyon sa kanilang pakikipagbahaginan at tila kaya nilang lutasin ang mga problema ng ibang tao. Pero sa harap ng tunay na mga isyu, isinuko nila ang kanilang mga tungkulin para protektahan ang kanilang sariling mga interes. Nakita kong nagbabahagi lamang sila ng doktrina, na ito ay hindi praktikal, at bumagsak sila sa unang tikim ng realidad. Pinatunayan niyon na hindi sila naghangad ng katotohanan, at wala talaga silang taglay na katotohanang realidad. Gayundin, kapag tinutugunan nila ang mga problema ng ibang tao, ikinukumpara nila ang mga isyung iyon sa kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos para matulungan ang mga ito gamit ang kanilang pang-unawa, pero halos hindi sila nagsasabi ng kanilang sariling katiwalian at mga pagkukulang, o hinihimay ang kanilang sariling mga maling motibo. Bihira ko silang marinig na magsalita tungkol sa kanilang pagkaunawang batay sa karanasan ng kung paano nila hinanap at isinagawa ang katotohanan. Kadalasan ay nagmamataas sila, basta-bastang hinihimay at kinokondena ang iba, na para bang hindi sila tiwaling mga tao, na para bang wala silang mga tiwaling disposisyon. Ang ilang kapatid ay napaluha ng kanilang pagpuna at namuhay nang negatibo at may kahinaan, natatakot na makita sila, at nararamdam na napipigilan nila. Sa wakas, malinaw kong nakita na ang dalawang lider na iyon ay hindi man lamang nakapaglutas ng mga problema gamit ang katotohanan. Gumamit lang sila ng mga hungkag na salita at doktrina, at umasa sa kanilang mga utak at karanasan sa gawain. Talagang hindi nila kayang lutasin ang aming mga isyu sa buhay pagpasok. Noon ay wala akong pagkakilala, bagkus ay sinamba at tiningala ko lang sila, at ginaya pa nga ang kanilang estilo ng paggawa. Napakabulag ko!

Nang makaranas ako ng mga paghihirap sa aking gawain matapos iyon, siniguro kong sumandig sa Diyos, umasa sa Kanya, at maghanap ng mga katotohanang prinsipyo. Sa sandaling panahon, may ilang gawaing hindi ko alam kung paano tatapusin at may mga isyung hindi ko alam kung paano tutugunan. Kaya, nagdasal ako at sumandig nang husto sa Diyos, at hinanap ko ang mga katotohanang prinsipyo. Naghanap at nakipagbahaginan din ako kasama ang aking mga kapatid. Ang ilan sa mga isyung iyon ay nalutas sa ganoong paraan. Nakamit ko rin ang pagkaunawa sa ilang katotohanang prinsipyo at umusad ako nang kaunti sa aking gawain. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ako ng mas malaking pananalig sa aking tungkulin at umunlad ako sa aking buhay pagpasok. Nakaramdam ako ng kasiyahan. Sa puntong ito, matindi kong naramdaman na ang pag-asa sa Diyos sa aking tungkulin ay ang tanging paraan para magkaroon ng daan pasulong. Kung gusto kong magawa ang aking tungkulin nang maayos at makamit ang katotohanan, hindi talaga ako maaaring mawalay sa patnubay ng Diyos.

Sinundan:  61. Hindi Ako Nakapag-isip Nang Malinaw Dahil sa Aking Emosyon

Sumunod:  63. Narinig Ko Na sa Wakas ang Tinig ng Diyos

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger