90. Nang Muling Nahaharap sa Karamdaman
Noong 1998, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at sinalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natutunan ko kung paano ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang linisin at iligtas ang sangkatauhan, na ginagabayan ang mga tao tungo sa isang magandang destinasyon. Naisip ko, dapat gumugugol, nagdurusa, nagbabayad ng halaga at naghahanda ako ng mabubuting gawa kung gusto ko ng Kanyang mga pagpapala at upang maabot ang isang mabuting destinasyon. Kaya sinimulan kong ipalaganap ang ebanghelyo at paminsan-minsang nagpapatuloy sa bahay ng mga kapatid, at ginawa ko ang aking makakaya upang gawin ang lahat ng magagawa ko. Nagbigay pa ako ng anumang sobrang perang mayroon ako sa mga kapatid na naghihirap. Minsan habang ipinalalaganap ang ebanghelyo, inaresto ako ng mga pulis, pinahirapan at hinatulan pang makulong. Kahit noon, hindi ko ipinagkanulo ang Diyos at hindi naging Hudas kailanman. Akala ko napakarami ko nang nagawang mabubuting gawa at tiyak na pagpapalain ako ng Diyos. Tapos, noong 2018, ang aking sakit sa puso dalawampung taon na ang nakalilipas ay biglang nagbalik, at nagkaroon din ako ng alta-presyon at dalawang beses na na-ospital. Naisip ko sa aking sarili, anuman ang mangyari, hindi ako maaaring magreklamo. Dapat akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Sa gulat ko, matapos lang ang dalawang linggo, gumaling ako at pinalabas na ng ospital. Labis akong nagpasalamat sa Diyos. Naisip ko na dahil hindi ako nagreklamo kahit na nagkasakit ako nang matindi, at nagpatuloy pa nga akong gawin ang aking tungkulin matapos palabasin, na tunay akong tapat at mapagpasakop sa Diyos. Tapos, noong Pebrero 2019, bigla na lang bumalik ulit ang aking sakit sa puso at alta-presyon at mas malubha ito kaysa dati. Hindi nagtagal, nasuri din ako na mayroong diabetes, at may napakalubhang herniated disc. Hindi ko maalagaan ang sarili ko—kinailangan kong kumain nang nakahiga at kinailangan ko ang aking manugang na babae para buhatin ako papunta sa banyo. Nakahiga ako sa kama buong araw at halos walang lakas para magsalita o kumurap.
Isang gabi, biglang lumala ang aking kalagayan at sobrang sumakit ang puso ko na natakot ako maski huminga—na para bang kapag huminga ako, tapos na ang lahat. Nasa kalahating oras tumagal ang sakit at pakiramdam ko puwede akong mamatay anumang sandali. Sobrang sakit ng naramdaman ko at inisip ko na lang, “Malubhang-malubha ang sakit ko na halos wala akong lakas ikurap ang aking mga mata—ito na ba ang katapusan? Kung ako ay mamamatay, paano ako makapapasok sa kaharian? Hindi na ako makababahagi sa mga pagpapala ng kaharian kailanman o makasusulyap sa napakaganda nitong tanawin. Tapos na ba ang lahat para sa akin? …” Habang lalo akong nag-iisip, mas sumasama ang pakiramdam ko. Nanalangin ako, pero hindi ko maunawaan ang layunin ng Diyos. Sa paglipas ng panahon, ang walang humpay na paghihirap ng aking karamdaman ay naging sanhi para mawalan ako ng pagnanais na mabuhay. Pero alam ko rin na ang mamatay ay hindi ang layunin ng Diyos para sa akin. Hindi ko alam ang gagawin at hindi ko namalayan na nagsimula na akong sapilitang humingi sa Diyos, “Kailan ako gagaling? Lahat ng mga sister na kakilala ko na ka-edad ko ay mas malulusog kaysa sa akin, pero hindi naman ako gumugol o nag-ambag nang mas kaunti kaysa sa kanila. Napakarami kong ibinigay para sa Diyos, nagtipid ako para makapagbigay sa mga kapatid na nangangailangan. Aktibo kong ginampanan ang bawat tungkulin na kaya ko. Kahit noong ako ay naaresto, nakulong at labis na naghirap, hindi ko itinatwa o ipinagkanulo ang Diyos kailanman. Hindi pa ba ako nakagawa ng sapat na mabubuting gawa? Bakit hindi ako pinagpala, pinrotektahan at binigyan ng Diyos ng malakas na katawan?” Lagi akong dumadaing at nasa madilim na dako ang aking puso. Kalaunan, pagkatapos lang na magsimulang mas lumala ang sakit ng puso ko, na ako lumapit sa harap ng Diyos para manalangin at maghanap. Nanalangin ako sa Diyos, sinabing, “O Diyos, biglang lumala ang aking sakit sa puso. Hindi ko maunawaan ang Iyong layunin at hindi ko alam kung paano ko dapat danasin ito. Mahal na Diyos, ayokong magrebelde o sumalungat sa Iyo. Bigyang-liwanag at gabayan mo sana ako para matuto ako mula sa karanasang ito.” Pagkatapos manalangin, isang sipi ng mga salita ng Diyos ang pumasok sa isip ko: “Paano mo dapat danasin ang karamdaman kapag dumarating ito? Dapat kang lumapit sa Diyos at magdasal, maghanap at mag-arok sa layunin ng Diyos; dapat mong suriin ang iyong sarili para malaman kung ano ang nagawa mong salungat sa katotohanan, at kung ano ang katiwaliang nasa iyo na hindi pa nalulutas. Hindi malulutas ang iyong tiwaling disposisyon nang hindi ka sumasailalim sa pagdurusa. Sa pagpapatatag lang ng pagdurusa hindi magiging imoral ang mga tao, at makakapamuhay sa harap ng Diyos sa lahat ng oras. Kapag nagdurusa ang isang tao, palagi siyang nagdarasal. Hindi niya naiisip ang mga kasiyahan ng pagkain, pananamit, at iba pang kasiyahan; palagi siyang nagdarasal sa kanyang puso, sinusuri ang kanyang sarili para malaman kung may mali siyang nagawa o kung saan siya maaaring nakasalungat sa katotohanan. Karaniwan, kapag humaharap ka sa isang malubhang karamdaman o kakaibang sakit na nagdudulot sa iyo ng matinding pagdurusa, hindi ito nagkataon lang. May karamdaman ka man o nasa mabuting kalusugan, naroon ang layunin ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananampalataya sa Diyos, Pinakamahalaga ang Pagkakamit ng Katotohanan). Matapos pagbulay-bulayan ang mga salita ng Diyos, mas malinaw kong naunawaan ang Kanyang layunin. Hindi ginagamit ng Diyos ang karamdamang ito para kitilin ang buhay ko, ni para pagdusahin ako nang walang dahilan. Sa halip, ang karamdaman ang Kanyang paraan upang ibunyag ang aking tiwaling disposisyon at tulungan akong matuto ng isang aral—paraan ito ng Diyos para iligtas ako. Hindi ako dapat magkamali ng pagkakaintindi o sisihin ang Diyos, kailangan ko talagang pagnilayan ang aking sarili.
May ilang sipi ng salita ng Diyos na nakatulong para higit kong maunawaan ang aking kalagayan nang panahong iyon. Sinasabi ng salita ng Diyos: “Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking kapangyarihan upang itaboy ang maruruming espiritu mula sa kanilang mga katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming nananampalataya sa Akin para maiwasan ang pagdurusa ng impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming nananampalataya sa Akin para lang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad magkamit ng anuman sa mundong darating. Kapag ipinagkakaloob Ko ang Aking matinding galit sa mga tao at binabawi Ko ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati nilang taglay, napupuno sila ng pagdududa. Kapag ipinagkakaloob Ko sa mga tao ang pagdurusa ng impiyerno at binabawi Ko ang mga pagpapala ng langit, nagagalit sila nang husto. Kapag hinihiling sa Akin ng mga tao na pagalingin Ko sila, at hindi Ko sila pinapakinggan at namuhi Ako sa kanila; nililisan nila Ako upang sa halip ay hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Kapag inaalis Ko ang lahat ng hiningi ng mga tao sa Akin, naglalaho silang lahat nang walang bakas. Samakatwid, sinasabi Ko na ang mga tao ay may pananalig sa Akin sapagkat masyadong masagana ang biyaya Ko, at dahil masyadong maraming pakinabang na makakamit” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). “Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isa lamang hayagang pansariling interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng mga pagpapala. Sa madaling salita, ito ang relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho nang husto ang empleyado para lang makatanggap ng mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon na nakabatay lang sa interes, transaksiyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pagkakaunawaan, walang magawang pigil na galit at panlilinlang lamang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). “Tinrato Ko ang tao sa mahigpit na pamantayan sa buong panahon. Kung may kaakibat na mga layunin at kondisyon ang katapatan mo, mas nanaisin Ko pang wala ang tinatawag mong katapatan, sapagkat nasusuklam Ako sa mga nanlilinlang sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga layunin at nangingikil sa Akin sa pamamagitan ng mga kondisyon. Hiling Ko lamang na maging lubos na tapat sa Akin ang tao, at gawin ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng—at para patunayan ang—isang salita: pananalig” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?). Ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay parang matalim na kutsilyong tumagos sa puso. Hiyang-hiya ako at agad na natauhan. Sinimulan kong pagnilayan ang sarili ko—ano ba talaga ang naging layunin ko sa lahat ng taon ng aking pananampalataya? Naisip ko kung paanong matapos akong maging mananampalataya, tumutulong ako sa tuwing nakikita ko ang aking mga kapatid na nasa mga paghihirap, gagawin ko ang anumang tungkuling kinakailangan sa iglesia sa abot ng aking makakaya, at kahit nang ako ay inaresto, ikinulong at pinahirapan ng CCP, hindi ko ipinagkanulo ang Diyos. Akala ko nakagawa talaga ako ng maraming mabubuting gawa. Pero sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos at pagkakalantad ng mga katunayan, napagtanto ko na hindi ako gumugol at nagsakripisyo para magpasakop at mapalugod ang Diyos, kundi para makamit ang Kanyang biyaya at mga pagpapala, mapanatili ang malusog na pangangatawan at sa huli ay marating ang isang magandang destinasyon. Kaya sa unang beses na nagkasakit ako, inakala ko na dahil labis akong gumugol para sa Diyos, hindi Niya ako hahayaang mamatay sa kabila ng aking karamdaman, kaya nga hindi ko sinisi ang Diyos. Sa ikalawang pagkakataon, nang lumubha pa ang aking kalagayan at hindi ko maalagaan ang sarili ko, habang ako ay lumalaban sa matagal nang pagdurusa at sa banta ng kamatayan, napagtanto kong maliit ang tsansa na makakamit ko ang mga pagpapala ng kaharian ng langit, at pinagsisihan ko ang paggugol ng sarili ko noon. Ginamit ko pa ang mga nakalipas kong sakripisyo at paggugol para mangatwiran at makipagtalo sa Diyos. Nakikipagtransaksiyon, nililinlang at ginagamit ko ang Diyos—malayong-malayo sa tunay na paggugol para sa Kanya! Pinagnilayan ko kung bakit ako naging hindi makatwiran. Gaya ng naibunyag ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng nakalilinlang na pananaw na dahil gumugol ako at nagsakripisyo para sa Diyos, dapat akong pagpalain ng Diyos, at bigyan ako ng malusog na katawan at magandang destinasyon, gaya ng sa sekular na mundo, itinuturing na patas ang magbayad batay sa kung gaano nagtatrabaho ang isang tao. Itinuring ko ang aking paghihirap at mga sakripisyo bilang puhunan na maaari kong gamitin para makipagkalakalan sa Diyos para sa magandang destinasyon, at nang hindi ko ito nakuha, napuno ang puso ko ng mga pagrereklamo at pagsalungat. Lubos akong hindi makatwiran! Ang Diyos ay banal at matuwid—nais Niyang magsakripisyo tayo nang taos-puso. Pero ako, dahil sa aking kasuklam-suklam na mga motibo, ay nais na makipagtawaran sa Diyos. Nililinlang at nilalabanan ko Siya. Kung hindi ako agad magsisisi, masusuklam ang Diyos sa akin at ititiwalag ako.
Nanalangin ako sa Diyos at sinikap na maunawaan ang pinagmulan ng isyu sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Kalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay nananampalataya sa Diyos para sa kanilang sariling kapakanan; kapag tinatalikdan nila ang mga bagay-bagay at ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, ito ay para pagpalain, at kapag tapat sila sa Kanya, ito ay para pa rin magantimpalaan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa hangaring pagpalain, gantimpalaan, at makapasok sa kaharian ng langit. Sa lipunan, nagtatrabaho ang mga tao para sa kanilang pansariling pakinabang, at sa sambahayan ng Diyos, gumagawa sila ng tungkulin para pagpalain. Alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala kaya tinatalikdan ng mga tao ang lahat at nakatitiis sila ng matinding pagdurusa. Wala nang mas maganda pang katibayan ng satanikong kalikasan ng tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Isiniwalat ng mga salita ng Diyos ang aking kalikasang diwa. Ang dahilan kung bakit ako nakipagtransaksiyon sa Diyos at nilinlang at ginamit Siya ay dahil labis akong nagawang tiwali ni Satanas. Ang mga saloobin at kuru-kuro ko ay naimpluwensiyahan lahat ng lason ni Satanas. Namuhay ako ayon sa satanikong lohika at mga prinsipyong gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” at “Huwag magpaagrabyado,” laging kumikilos dahil sa sariling interes, at gumugugol lang para sa Diyos upang makipagtawaran sa Kanya. Lagi akong naghahanap ng mapapala mula sa Diyos at na ipagpalit ang maliliit kong paggugol para sa mga pagpapala ng Diyos. Namuhay ako ayon sa lason ni Satanas at naging makasarili, mababa, at naghangad lang ng personal na pakinabang. Nang hindi ako nakatanggap ng mga pagpapala o benepisyo, nagreklamo pa ako laban sa Diyos. Wala ako ni katiting na pagkatao! Naisip ko kung paanong para mailigtas ang sangkatauhan, ang Diyos, sa Kanyang unang pagkakatawang-tao ay nagdusa sa pagkakapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan, at sa Kanyang pangalawang pagkakatawang-tao, dumating Siya sa bansa ng malaking pulang dragon, at inusig ng CCP at kinondena at tinanggihan ng relihiyosong mundo. Nagtiis ang Diyos ng napakalaking pagdurusa at kahihiyan at ipinahayag pa rin ang katotohanan upang diligan at tustusan tayo. Hindi kailanman hiningi sa atin ng Diyos na bigyan Siya ng anuman, kundi noon pa man ay tahimik na ginugugol ang Kanyang sarili para sa sangkatauhan. Ako naman, hindi ko naisip na suklian ang pag-ibig ng Diyos, at sapilitan pang hiningi na ibigay sa akin ng Diyos ang kapayapaan at ang Kanyang mga pagpapala at isang magandang destinasyon. Nang hindi ko nakuha ang gusto ko, nagreklamo ako laban sa Diyos. Nasaan ang aking konsensiya? Halos hindi ako karapat-dapat na tawaging tao, lalong hindi ako nararapat na pumasok sa kaharian ng Diyos. Matapos ko mapagtanto ang lahat ng ito, talagang namuhi ako sa aking sarili, at nakaramdam din ng pagpapasalamat sa Diyos. Kung hindi ako nagkasakit, naratay at nakaramdam ng banta ng kamatayan, hindi pa ako magninilay sa aking sarili at nanatili sanang bumababa sa parehong maling landas, inabandona at itiniwalag ng Diyos nang walang kaalam-alam kung ano ang nangyari. Labis akong naantig at nanalangin sa Diyos, “Mahal na Diyos! Nakikita ko na ngayon na ang karamdamang ito ay bahagi ng Iyong pagliligtas at pag-ibig sa akin. Handa akong magpasakop. Sa pamamagitan lang ng ganitong uri ng paghatol, pagkastigo, pagsubok at pagpipino, ko maaaring matukoy ang aking hindi akmang mga motibo bilang isang mananampalataya at simulang baguhin ang aking tiwaling disposisyon. Handa akong baguhin ang mga mali kong hangarin at kuru-kuro at gawin ang aking tungkulin bilang isang nilikha.” Kalaunan, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o nagdurusa ng kasawian. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa kapag nagawang perpekto at nagtamasa ng mga biyaya ng Diyos ang isang tao matapos magdanas ng paghatol. Ang magdusa sa kasawian ay tumutukoy sa kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbago matapos siyang magdanas ng pagkastigo at paghatol; hindi niya nadanas na magawang perpekto kundi maparusahan. Ngunit nakatatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdurusa sa kasawian, dapat tuparin ng mga nilikha ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahangad sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang makatanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na magdusa ng kasawian. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Naunawaan ko na isa akong nilikha. Ang pagsasakripisyo at paggugol para sa Diyos ay ganap na natural at makatwiran, at ito ay aking tungkulin. Hindi ako dapat sapilitang humihingi sa Diyos, pero ako, dala ng aking kasuklam-suklam na mga motibo, ay ninais na bigyan ako ng Diyos ng mga pagpapala at magandang destinasyon kapalit ng aking mga iginugol. Hindi ako naging makatwiran! Kung may malusog akong katawan at isang magandang destinasyon o wala, dapat ko pa ring sundan ang Diyos at gugulin ang sarili ko para sa Kanya sa aking mga tungkulin, gaya ng isang bata na dapat laging gumagalang sa kanyang mga magulang paano man siya tinatrato ng mga ito at kung maaari man siyang magmana ng ari-arian o hindi. Dahil ito ay mga responsabilidad at obligasyon. Kahit na hindi pa ako nakakabawi at medyo masama pa rin ang pakiramdam, hindi na mali ang pagkaintindi ko sa Diyos o nagrereklamo laban sa Kanya. Gagaling man ako o hindi, handa akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos.
Sa totoo lang, hinggil sa kung ano ang mabibilang na mabuting gawa at kung anong mga uri ng paggugol at pagsasakripisyo ang aani ng pagsang-ayon ng Diyos, dati-rati, lagi kong hinuhusgahan ang mga ito batay sa aking sariling mga kuru-kuro at imahinasyon, pero hindi ito naaayon sa layunin ng Diyos. Kalaunan, matapos lang makahanap ng isang pamantayan ng paghatol sa mga salita ng Diyos, naging malinaw sa akin kung ano ang bumubuo ng isang mabuting gawa. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang pamantayang ginagamit para husgahan kung mabuti o masama ang mga ikinikilos at inaasal ng isang tao? Ito ay kung taglay ba niya o hindi, sa kanyang mga iniisip, ibinubunyag, at ikinikilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng katotohanang realidad. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi mo ito isinasabuhay, walang duda, isa kang masamang tao. Ano ang tingin ng Diyos sa masasamang tao? Para sa Diyos, ang mga iniisip at ipinapakita mong kilos ay hindi nagpapatotoo sa Kanya, ni ipinapahiya o tinatalo si Satanas; sa halip, nagbibigay ang mga ito ng kahihiyan sa Kanya, at puno ang mga ito ng mga marka ng kasiraan ng puri na idinulot mo sa Kanya. Hindi ka nagpapatotoo para sa Diyos, hindi mo ginugugol ang sarili mo para sa Diyos, ni ginagampanan ang mga responsabilidad at obligasyon mo sa Diyos; sa halip, kumikilos ka para sa iyong sariling kapakanan. Ano ang kahulugan ng ‘para sa iyong sariling kapakanan’? Sa tiyak na pananalita, ang ibig sabihin nito ay para sa kapakanan ni Satanas. Samakatuwid, sa bandang huli, sasabihin ng Diyos, ‘Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.’ Sa mga mata ng Diyos, hindi ituturing na mabubuting gawa ang iyong mga ikinilos, ituturing ang mga ito na masasamang gawa. Hindi lamang mabibigong makamit ng mga ito ang pagsang-ayon ng Diyos—kokondenahin pa ang mga ito. Ano ang inaasahang makamit ng isang tao mula sa ganitong pananalig sa Diyos? Hindi ba mabibigo sa huli ang gayong paniniwala?” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). “Yamang nakatitiyak ka na ito ang tunay na daan, kailangan mo itong sundan hanggang sa dulo; kailangan mong panatilihin ang iyong katapatan sa Diyos. Yamang nakita mo na ang Diyos Mismo ay naparito sa lupa upang gawin kang perpekto, dapat mong ibigay nang lubusan ang iyong puso sa Kanya. Kung masusundan mo pa rin Siya anuman ang Kanyang gawin, magpasya man Siya ng isang hindi kaaya-ayang kalalabasan para sa iyo sa pinakadulo, ito ay pagpapanatili ng iyong kadalisayan sa harap ng Diyos. Ang pag-aalay ng isang banal na espirituwal na katawan at isang dalisay na birhen sa Diyos ay nangangahulugan ng pagpapanatili ng isang pusong taos sa harap ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang pagiging taos ay kadalisayan, at ang kakayahang maging taos sa Diyos ay pagpapanatili ng kadalisayan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na nais ng Diyos na maging tapat tayo, na kusang loob na magsakripisyo para sa Diyos nang hindi humihingi na masuklian at na magsagawa ng katotohanan at magpatotoo para sa Diyos sa ating mga tungkulin. Ito ang tunay na kahulugan ng mabubuting gawa. Mayroon akong isang panig na pagkaunawa sa mabubuting gawa noon. Akala ko na basta’t ako ay gumugugol, nagdurusa at nagbabayad ng halaga, nag-iipon ako ng mabubuting gawa at matatandaan ako ng Diyos. Tapos naisip ko kung paanong sa Kapanahunan ng Biyaya, sinang-ayunan ng Panginoong Jesus ang mahirap na balong babae na nagbigay ng handog. Para sa karamihan, para bang naghandog lang siya ng dalawang barya, na napakaliit ng halaga, pero walang pakialam ang Diyos kung magkano ang inihahandog ng mga tao, ang mahalaga sa Kanya ay ang kanilang layunin. Ginugol ko ang aking sarili at nagbigay nang maraming beses na mas malaki kaysa sa ibinigay ng balong babae, kaya bakit hindi ako sinang-ayunan ng Diyos? Hindi nasuklam ang Diyos sa aking mga ginugol, nasuklam Siya sa aking mga mapanlinlang na motibo at sa aking panlalansi. Hindi ako naging taos sa Diyos; ang aking paggugugol ay transaksiyonal at hindi dalisay. Kahit gaano man ako nagbigay sa ganitong paraan, hindi ito maituturing kailanman na mabuting gawa. Matapos mapagtanto ang layunin ng Diyos, nanalangin ako sa Kanya, sinasabi na gagaling man ako o hindi, o magkakaroon man ako ng magandang destinasyon o hindi, taos-puso ko pa ring gugugulin ang aking sarili para sa Diyos upang suklian ang Kanyang pag-ibig. Kalaunan, ang aking herniated disc ay hindi pa rin bumuti ang lagay at ang sakit ko sa puso ay nagpabalik-balik, pero hindi na ako napigilan ng aking karamdaman o nagapos ng aking pagnanais sa mga pagpapala—regular na akong nakakakain at nakaiinom ng mga salita ng Diyos, nakadadalo sa mga pagtitipon at nagagawa ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya.
Nagkaroon ako ng pagkakataon sa buong buhay ko na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at naging mapalad na marinig ang tinig ng Diyos—ang lahat ng ito ay ang Diyos na gumagawa ng eksepsiyon upang itaas ako. Sa pamamagitan ng paglalantad at paghatol ng mga salita ng Diyos, nakita ko kung gaano ako sobrang nagawang tiwali ni Satanas na halos wala na akong wangis ng tao. Ngayon pa lang ako nagkamit ng kaunting katwiran at pagpapasakop sa harap ng Diyos. Ngayong napagdaanan ko na ang mga pagbabagong ito, kahit na mamatay man ako, hindi ako nabuhay nang walang kabuluhan. Nang pakawalan ko ang aking pagnanais sa mga pagpapala at tumigil nang mapigilan ng aking karamdaman, nadama ko na mas higit akong nakatuntong sa lupa. Kalaunan, hindi ko ipinagamot ang aking karamdaman, pero unti-unti pa rin akong nagsimulang gumaling. Ngayon ay nakakaupo na ako at nakakasulat sa kompyuter at nagsasanay ako na magsulat ng mga artikulo para magpatotoo sa Diyos. Kaya ko na ring alagaan ang sarili ko ngayon. Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso, sa paggamit sa karamdaman upang tulungan akong matuto ng aral, at pagpapahintulot sa aking makita ang Kanyang kaligtasan at pag-ibig sa akin. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa kanilang pananalig sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang mithiin sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong hangarin at inaasam, subalit ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino. Sa alinmang mga aspeto na hindi ka nadalisay at nagpakita ka ng katiwalian, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang mapino—ito ang pagsasaayos ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon ay malaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa huli, umaabot ka sa punto kung saan mas gugustuhin mong mamatay para maisuko ang iyong mga intensiyon at mga ninanasa at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Samakatuwid, kung ang mga tao ay walang ilang taon ng pagpipino at kung hindi sila nagtitiis ng itinakdang dami ng pagdurusa, hindi nila maaalis sa sarili nila ang pagpipigil ng katiwalian ng laman sa kanilang mga saloobin at sa kanilang mga puso. Sa alinmang aspeto, ang mga tao ay napipigilan pa rin ng kanilang satanikong kalikasan, at sa alinmang aspeto na mayroon pa rin silang sarili nilang mga ninanasa at hinihingi, ito ang mga aspeto kung saan dapat silang magdusa. Sa pagdurusa lamang natututunan ang mga aral, ibig sabihin ay nakakamit ang katotohanan, at nauunawaan ang mga layunin ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi).