92. Ano ang Resulta ng Pagprotekta sa Huwad na Lider

Ni Li Yang, Tsina

Sa huling bahagi ng Oktubre 2020, tinanggal ako sa aking tungkulin bilang lider dahil nabigo akong gumawa ng tunay na gawain at bumalik ako sa aking lokal na iglesia. Dahil sa mga pag-aresto ng CCP, may mga isyu sa kaligtasan sa aking tahanan, kaya pansamantala akong hindi makadalo sa mga pagtitipon. Sobra akong nakaramdam ng pagkanegatibo at panghihina. Isang sister na nagngangalang Li Yan na nakatira sa aming nayon ay isang lider sa ibang iglesia. Kahit na hindi ako miyembro ng iglesiang pinangangasiwaan niya, kinukumusta niya ang kalagayan ko sa tuwing nagkikita kami at nagbabasa ng mga salita ng Diyos para matulungan ako. Sobra akong nagpapasalamat sa kanya dahil hindi niya ako hinamak sa pagkakatanggal ko bilang huwad na lider at tinulungan pa nga niya ako. Naisip ko, “Kung magkakaroon siya ng anumang mga problema sa hinaharap, tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya.”

Makalipas ang ilang buwan, ako ang namahala sa gawain ng pag-aalis sa iglesia at madalas kong katrabaho si Li Yan. Napansin kong lagi siyang huli sa mga pagtitipon dahil sa mga personal na dahilan at tuwing nagtitipon, iniraraos lang niya iyon at bihirang nagbabahagi ng mga salita ng Diyos. Kapag hindi matukoy ng mga kapatid ang mga hindi mananampalataya, mga anticristo o masasamang tao, hindi siya nagbabahagi sa kanila ng mga katotohanang prinsipyo. Narinig ko rin sa isang diyakono ng iglesia na madalas siyang makipagtalo sa kapareha niyang sister tungkol sa pinakamaliliit na isyu, kaya hindi nakapagpapatuloy nang normal ang mga pagtitipon. Nagalit ako nang husto nang marinig ko ito. Naisip ko na bilang lider, hindi lamang nabigo si Li Yan na gumawa ng tunay na gawain, kundi nagulo rin niya ang buhay iglesia, at na maaantala nito ang buhay pagpasok ng iba at ang gawain ng iglesia. Hinanap ko siya upang magbahagi sa kanya at ipaalam na hindi siya gumagawa ng tunay na gawain. Binalaan ko rin siyang kapag ipinagpatuloy niya ang ganito, magiging huwad na lider siya. Pero parang wala siyang pakialam at sinabing, “Sige, isa na akong huwad na lider. Dahil hindi ako nagbabahagi ng katotohanan sa kanila, bakit hindi na lang ikaw?” Pagkatapos noon, napansin kong may ilang miyembro ng iglesia na nagpapakalat ng pagkanegatibo at gumulo nang husto sa buhay iglesia. Hiniling ko kay Li Yan na alamin ang pagsusuri sa kanila ng lahat para malaman kung sila ba ay hindi mananampalataya at kailangang paalisin. Pero nagdahilan siya na abala siya, at lagi niya itong ipinagpapaliban, na nagtulot sa mga miyembrong iyon na ipagpatuloy ang panggugulo sa buhay iglesia. Nang makita ko kung gaano niya tratuhin nang magaan ang gawain ng iglesia, binanggit kong muli sa kanya ang problema niya, pero nangatwiran na naman siya. Napagtanto kong patuloy na nabibigo si Li Yan na gumawa ng tunay na gawain, hindi tumatanggap ng pagbabahagi at paggabay, at naantala na niya ang gawain ng iglesia. Kung pagbabatayan ang mga prinsipyo, naisip kong malamang na siya ay huwad na lider kaya gusto kong iulat ang kanyang sitwasyon sa mga nakatataas na lider. Pero naisip kong, “Tinulungan niya ako noong negatibo ang pakiramdam ko at tinrato ako nang mabuti. Kapag nalaman niyang iniulat ko siya sa mga nakatataas na lider, magkakaroon kaya siya ng pagkiling laban sa akin? Kung hahantong iyon sa pagkatanggal niya, sasabihin niya kayang wala akong konsensiya? Baka naman magbago siya kapag hindi ko siya iniulat ngayon at magbahagi pa ako nang kaunti sa kanya.” Kaya, tinalakay ko sa kanya ang kahalagahan ng gawain ng pag-aalis sa iglesia pati na rin kung paano niya dapat harapin ang kanyang tungkulin. Pero paglipas ng ilang panahon, hindi pa rin gumagawa ng tunay na gawain si Li Yan, at hindi pa rin niya kinukuha ang mga pagsusuri ng mga miyembrong iyon ng iglesia. Narinig ko rin na iresponsable si Li Yan sa kanyang gawain at nabigong pamahalaan ang pangangasiwa ng mga gamit sa iglesia, na humantong sa pagkasira ng ilang aytem, na nagdulot ng malulubhang pinansiyal na kawalan sa iglesia. Pagkatapos noon, hindi siya nagnilay sa sarili at sinubukan pa niyang ipasa ang sisi, sinasabing hindi itinago nang mabuti ng iba ang mga aytem. Nakita kong hindi siya gumawa ng anumang tunay na gawain. Tinrato niya nang magaan ang lahat ng mga gawain ng iglesia, at hindi tumanggap ng pagpuna. Nang magkaroon ng mga hadlang sa gawain ng iglesia at mapinsala ang mga ari-arian nito, hindi siya nakonsensiya kahit kaunti. Hindi ba’t tanda iyon ng isang huwad na lider? Pero hindi ko iniulat ang kanyang mga isyu sa oras. Nang mapagtanto ko ito, nakonsensiya talaga ako. Nakakita ako ng sipi ng mga salita ng Diyos: “Lahat kayo ay nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba ay isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba ay may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapahihintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matugunan sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba ay taong sumusunod sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mong isipin ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Pakiramdam ko pinagsasabihan ako ng mga salita ng Diyos. Lalo na nang makita ko ang parte na nagsabing: “Ikaw ba ay isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya?” “Ikaw ba ay may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas?” Hiyang-hiya ako at talagang nakonsensiya. Umaasa ang Diyos na isinasaalang-alang natin ang Kanyang layunin at mabilis na maninindigan upang ilantad at pigilan ang mga taong gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia para protektahan ang mga interes ng iglesia. Medyo matagal ko nang kilala si Li Yan at nasaksihan ko kung paanong hindi siya gumawa ng tunay na gawain at hindi tumanggap ng pagpuna, at alam na alam ko na kung hindi siya tatanggalin, parehong mapipinsala ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Pero naisip ko kung paanong tinulungan niya ako dati, at nag-alala akong kamumuhian niya ako kapag nalaman niyang iniulat ko siya at sasabihin niyang wala akong konsensiya. Kaya para protektahan ang aming relasyon, ayokong iulat ang kanyang mga problema, kahit malinaw kong nakitang nabibigo siyang gumawa ng praktikal na gawain, dahilan kaya ang ilang hindi mananampalataya ay hindi agad napaalis sa iglesia at patuloy na nakagugulo sa buhay iglesia. Napakamakasarili ko at napakakasuklam-suklam! Sa paglabag sa mga katotohanang prinsipyo, pagtulong at pagprotekta sa huwad na lider, at pagpapahintulot sa kanyang guluhin ang buhay iglesia, hindi ba’t naging sanggalang ako para sa huwad na lider na ito at naging kabahagi sa kanyang masasamang gawain? Nang mapagtanto ko ito, kinamuhian ko ang sarili ko sa hindi pag-uulat kay Li Yan sa oras at nagdesisyong iulat agad ang kanyang mga isyu sa mga lider.

Pagkatapos gawin iyon, pinakolekta sa akin ng mga nakatataas na lider ang mga pagsusuri ng mga kapatid kay Li Yan at pagkatapos ay maaari nang pagpasyahan batay sa kanyang palagiang pagganap kung dapat ba siyang tanggalin. Sinabi rin ng mga lider na kung mapatunayang isa siyang huwad na lider, sasama ako sa kanila at tatanggalin si Li Yan. Medyo nag-atubili ako nang sabihin iyon ng mga nakatataas na lider, iniisip kong, “Tinulungan ako nang husto ni Li Yan matapos akong matanggal dati. Kung ilalantad ko siya at tutulungan ang ibang tukuyin siya, sasabihin niyang wala akong konsensiya.” Nagtalo ang kalooban ko at ayoko siyang ilantad. Napagtanto kong mali ang kalagayan ko, kaya nanalangin ako sa Diyos, hinahangad na malutas ang aking pag-aalinlangan. Nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong mapaghimagsik laban sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananalig, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at tinatrato sila nang may konsensiya at pagmamahal, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba kakampi ng mga demonyo? Kung umabot na ang mga tao sa puntong ito at hindi pa rin nila mapag-iba ang mabuti sa masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang pagnanais na hangarin ang mga layunin ng Diyos o magawang ituring bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng konsensiya at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa pagpapahalaga sa katarungan? Kung kaayon ka ng mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba mapaghimagsik kung gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Aktuwal bang nagtataglay ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng pagkakonsensiya ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Tinamaan talaga ako sa mga salita ng Diyos. Malinaw na sinasabi ng sipi na ang mga taong naghahangad sa katotohanan at nagtataguyod sa gawain ng iglesia ay dapat tratuhin nang may pagmamahal, habang ang mga tutol sa katotohanan at gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia ay dapat na kasuklaman at tanggihan. Pero kahit malinaw ko nang nakitang hindi gumagawa ng tunay na gawain si Li Yan at ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, pinakitaan ko pa rin siya ng kabaitan at hindi ko siya agad iniulat. Tapos, nang panahon na para ilantad siya at tulungan ang ibang makamit ang pagkakilala at matutunan ang mga aral, binalot ako ng pag-aalala, at nabahala akong kamumuhian niya ako at sasabihing isa akong walang utang na loob na taksil. Kaya ipinagkanulo ko ang aking konsensiya, pinrotektahan at pinagtakpan siya. Wala talaga akong pagkatao. Nasaan ang katapatan ko sa Diyos? Hindi ba’t naging isa ako sa mga kasabwat ni Satanas? Kahit na tinatamasa ko ang labis na panustos ng Diyos, kinagat ko pa rin ang kamay ng nagpapakain sa akin. Ayos lang sa aking magdusa ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng aking mga kapatid, basta’t napapangalagaan ang mga personal kong interes. Wala talaga akong konsensiya at pagkatao! Kung patuloy akong mabibigong magsisi at magsagawa ng katotohanan, sa huli ay itataboy at ititiwalag ako ng Diyos.

Pagkatapos niyon, nagbasa pa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung gusto kang iligtas ng Diyos, kahit kaninong serbisyo pa ang gamitin Niya upang maisakatuparan ito, dapat mo munang pasalamatan ang Diyos at tanggapin ito na mula sa Diyos. Hindi mo dapat idirekta lang sa mga tao ang iyong pasasalamat, lalong huwag mong ialay ang iyong buhay sa isang tao bilang pasasalamat. Isa itong malaking pagkakamali. Ang mahalaga ay mapagpasalamat ang iyong puso sa Diyos, at tinatanggap mo ito mula sa Kanya(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 7). “Ang pagbibigay ng tulong sa isang taong nagkataong nangangailangan nito, sa isang angkop na oras at lugar, ay isang lubhang normal na pangyayari. Responsabilidad din ito ng bawat miyembro ng sangkatauhan. Isa lamang itong uri ng responsabilidad at obligasyon. Ibinigay ng Diyos sa mga tao ang mga likas na ugaling ito nang likhain Niya sila. … ang pagtulong sa mga tao at pagiging mabuti sa kanila ay napakadali para sa mga tao, ito ay nasa saklaw ng likas na gawi ng tao, at isang bagay na kayang-kayang gawin ng mga tao. Hindi na kailangang iranggo ito nang kasingtaas ng kabutihan. Gayunpaman, maraming tao ang itinutumbas ang pagtulong sa iba sa kabutihan, at palaging pinag-uusapan ito at patuloy na sinusuklian ito, iniisip na kung hindi, wala silang konsensiya. Mababa ang tingin nila sa kanilang sarili at hinahamak ang sarili, at nag-aalala pa na masusumbatan sila ng opinyong publiko. Kailangan bang mag-alala tungkol sa mga bagay na ito? (Hindi.) Maraming tao ang hindi ito makilatis, at patuloy na napipigilan ng isyung ito. Ganito ang hindi maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 7). Oo. Ang Diyos ang Lumikha; nasa Kanya ang kataas-tasaang kapangyarihan at namamatnugot Siya sa lahat ng bagay. Nang ako ay nasa pinakamahina at pinakanegatibo kong sandali, maaaring tila mabuti ang pakikitungo sa akin ni Li Yan sa kanyang pagtulong at pagbabahagi, pero, ang totoo, lahat ito ay kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos, hindi pagmamalasakit ni Li Yan sa akin. Dapat tinanggap ko iyon mula sa Diyos at nagpasalamat sa Kanya, sa halip na iniugnay iyon kay Li Yan. Bukod pa riyan, si Li Yan ay isang lider ng iglesia, kaya tungkulin niya talagang suportahan ang mga kapatid at lutasin ang anumang isyu sa kanilang buhay pagpasok. Nang suportahan ako ni Li Yan at bahaginan ng mga salita ng Diyos, tinutupad lang niya ang kanyang responsabilidad at tungkulin niya iyon. At saka, ang pagtrato sa mga kapatid nang may pagmamahal, ang pagtulong at pagsuporta sa isa’t isa ay isa sa mga hinihingi ng Diyos sa Kanyang mga hinirang. Dapat tinanggap ko ang tulong ni Li Yan mula sa Diyos at pinasalamatan ang Diyos. Sa halip, nakakalinlang na tinanggap ko ito bilang pagmamalasakit ni Li Yan sa akin kaya sa puso ko ay parati kong inaalala ang kabaitan niya. Paulit-ulit ko siyang pinrotektahan dahil sa aking personal na mga damdamin. Malinaw na alam kong isa siyang huwad na lider, pero hindi ako nanindigan para iulat at ilantad siya. Napakagulo ng isip ko! Dapat ay isinaalang-alang ko ang layunin ng Diyos, kumapit sa mga katotohanang prinsipyo, at inilantad ang huwad na lider para pangalagaan ang gawain ng iglesia. Ito ang dapat gawin ng isang taong may konsensiya at pagkatao. Kung si Li Yan ay isang taong tumatanggap sa katotohanan, kapag pinungusan at inilantad siya, pagninilayan at kikilalanin niya ang sarili, makikita niya nang malinaw ang sarili niyang katiwalian at pagkukulang, magsisisi at makakamit ang pagbabago. Makatutulong din ito sa kanya. Kung hindi siya isang taong tumatanggap sa katotohanan, at kapag pinungusan, hindi siya nagsisi, ibubunyag nito ang katunayan na hindi niya hinangad ang katotohanan at dapat siyang tanggalin. Makakatulong ito kapwa sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng iba. Mayroon akong kakatwang pananaw sa mga bagay: Lagi akong naniniwalang ang pagpupungos at paglalantad sa mga tao ay pagpapahiya at pananakit sa kanila. Itinuturing ko ang napakapositibong bagay bilang negatibo. Bilang resulta, patuloy akong pinipigilan ng nakakalinlang na paniniwalang ito at hindi ako naglakas-loob na ilantad ang mga isyu ni Li Yan. Hindi ko talaga naiintindihan ang katotohanan at lubha akong kalunos-lunos. Nang mapagtanto ko ang lahat ng iyon, nakaramdam ako ng ginhawa at tumigil akong iwasan ang aking responsabilidad.

Ilang araw pagkatapos, sa pamamagitan ng pagsiyasat sa palagiang pagganap ni Li Yan, natukoy ng iglesia na isa siyang huwad na lider, at siya ay tinanggal. Pagkatapos matanggal, hindi niya pinagnilayan o kinilala man lang ang sarili, at nagreklamo pa na siya ay ginawan ng mali. Nakipagtalo siya na maraming taon na siyang lider, na isinuko niya ang pagkakataong kumita ng pera sa mundo, at tiniis ang di-mabilang na paghihirap, kaya pakiramdam niya ay hindi patas ang pagtrato sa kanya ng iglesia. Matapos iyon, nahumaling siya sa kayamanan, nagtrabaho para kumita ng pera at tumigil na sa regular na pagdalo sa mga pagtitipon. Matapos siyang matanggal, nagsagawa ng halalan ang iglesia para pumili ng bagong lider, ang mga hindi mananampalataya ay pinaalis, hindi na nakaranas ng panggugulo ang buhay iglesia, at ang iba’t ibang aytem sa gawain ng iglesia ay nakapagpatuloy na nang maayos. Nang makita ang lahat ng ito, nakaramdam ako ng higit na kapanatagan. Masayang-masaya ako na nagawa kong hanapin ang katotohanan sa sitwasyong ito, tukuyin ang aking mga isyu sa tamang oras at tuparin ang aking tungkulin.

Kalaunan, nang makasalubong ko si Li Yan, nagalit siya sa akin, sinabing, “Ayokong makita ang pagmumukha mo! Ngayon sinasabi ng lahat na huwad na lider ako, at ikaw ang nagsabi sa kanila niyon. Kinamumuhian kita!” Medyo nalungkot ako nang marinig kong sinabi niya iyon, pero alam kong totoo ang lahat ng iniulat ko sa nakatataas na mga lider. Isa siyang huwad na lider at dapat ilantad at iulat. Ganap itong naaayon sa layunin ng Diyos. Pero bakit sobrang sakit marinig na kinamumuhian niya ako? Kalaunan, nakabasa ako ng sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng pagkaunawa sa ugat ng problema. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Bagama’t ang mga tao ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos araw-araw at nagbabasa nang padasal at madalas na pinagbubulayan ang mga ito, ang mga pangunahing pananaw, prinsipyo, at pamamaraan na pinagbabatayan kung paano nila tinitingnan ang mga tao at mga bagay, gayundin kung paano sila umaasal at kumikilos, ay nakabatay pa rin sa tradisyonal na kultura. Samakatuwid, naaapektuhan ng tradisyonal na kultura ang mga tao sa pamamagitan ng pagmamanipula, pangangasiwa, at pagkontrol nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Para itong anino nila na hindi nila maiwawaksi at matatakasan. Ano ang dahilan nito? Sapagkat ang mga tao ay hindi kayang isiwalat, siyasatin, o ilantad, mula sa kaibuturan ng kanilang puso, ang iba’t ibang ideya at pananaw na itinanim sa kanila ng tradisyonal na kultura at ni Satanas; hindi nila kayang kilalanin, kilatisin, labanan, o iwanan ang mga bagay na ito; hindi nila kayang tingnan ang mga tao at mga bagay, umasal, o kumilos sa paraang sinasabi sa kanila ng Diyos, o sa paraang itinuturo Niya at inuutos. Sa anong uri ng suliranin kasalukuyang namumuhay pa rin ang karamihan sa mga tao nang dahil dito? Sa isang suliranin kung saan mayroong pagnanais sa kaibuturan ng kanilang puso na tingnan ang mga tao at bagay-bagay, na umasal at kumilos batay sa mga salita ng Diyos, na huwag salungatin ang mga kalooban ng Diyos o ang katotohanan, gayunpaman, nang walang kalaban-laban at hindi sinasadya, patuloy pa rin silang nakikipag-ugnayan sa mga tao, umaasal, at pinangangasiwaan ang mga bagay ayon sa mga pamamaraan na itinuturo ni Satanas. Sa puso nila, nananabik ang mga tao sa katotohanan at nais nilang magtaglay ng matinding pagnanais para sa Diyos, na tignan ang mga tao at bagay-bagay, umasal, at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos, at hindi labagin ang mga katotohanang prinsipyo, subalit palaging salungat sa kanilang kagustuhan ang kinahahantungan ng mga bagay-bagay. Kahit matapos doblehin ang kanilang mga pagsisikap, ang resulta na nakukuha nila ay hindi pa rin ang gusto nila. Gaano man nahihirapan ang mga tao, gaano man kalaki ang kanilang pagsisikap, gaano man sila manindigan at maghangad na matamo ang pagmamahal para sa mga positibong bagay, sa huli, ang katotohanan na kanilang naisasagawa at ang mga pamantayan ng katotohanan na kanilang napanghahawakan sa totoong buhay ay kakaunti at madalang. Ito ang pinakanakakapagpabagabag sa mga tao, sa kaibuturan ng kanilang puso. Ano ang dahilan nito? Ang isang dahilan ay walang iba kundi ang patuloy na pangingibabaw sa kanilang mga puso ng iba’t ibang ideya at pananaw na itinuturo ng tradisyonal na kultura sa mga tao, at kinokontrol nito ang kanilang mga salita, gawa, ideya, gayundin ang mga pamamaraan at gawi ng asal nila. Kaya, kailangan sumailalim ang mga tao sa isang proseso upang makilala ang tradisyonal na kultura, upang suriin at ibunyag ito, upang kilatisin at unawain ito, at sa huli, upang abandonahin ito magpakailanman. Napakahalaga na gawin ito; hindi opsyonal ang paggawa nito. Ito ay dahil ang tradisyonal na kultura ay nangingibabaw na sa kaibuturan ng puso ng mga tao—pinangingibabawan pa nga nito ang kabuuan ng kanilang pagkatao. Nangangahulugan ito na sa kanilang buhay, hindi mapigilan ng mga tao na labagin ang katotohanan sa kung paano sila umasal, at kung paano nila pinangangasiwaan ang mga bagay-bagay, at hindi nila mapigilan ang kanilang sarili na makontrol at maimpluwensyahan pa rin ng tradisyonal na kultura, mula noon hanggang ngayon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan). Habang pinagbubulayan ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong namumuhay ako batay sa mga tradisyonal at kultural na pagpapahalaga at mga satanikong pilosopiya tulad ng “Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal” at “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian.” Ginamit ko ang mga ideyang ito bilang aking gabay na mga prinsipyo. Naniwala akong dapat kong gawin ang makakaya ko upang protektahan at suklian ang mga naging mabait at nakagawa ng mabubuting bagay sa akin mabubuti man sila o masasamang tao o kumikilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kahit sila ay nakagawa ng masama at ginambala at ginulo ang gawain ng iglesia, dapat ko silang pagtakpan, kung hindi, wala akong konsensiya at pagkatao. Napipigilan ako ng mga satanikong pilosopiyang ito at mga kamalian kaya kahit na malinaw ko nang nakikitang hindi gumagawa ng tunay na gawain si Li Yan at isang huwad na lider, ipinagpaliban ko ang paglalantad at pag-uulat sa kanya dahil tinulungan niya ako dati. Gusto ko siyang laging bigyan ng isa pang pagkakataon at maging maluwag, maging mabait at mapagmahal sa kanya. Hindi ko isinaalang-alang kung ang gawain ng iglesia at buhay pagpasok ng mga kapatid ay napinsala ba. Kinukunsinti ko ang paggawa ng masama ng huwad na lider at tumatayo sa panig ni Satanas, nagrerebelde at lumalaban sa Diyos. Nakita kong sa diwa, ang mga tradisyonal na pagpapahalagang ito ay pawang mga kasinungalingan at maladiyablong mga salita na ginagamit ni Satanas para manglihis at gawing tiwali ang mga tao. Hindi ito mga prinsipyong dapat nating sundin sa buhay. Lalo lang akong magiging kakatwa at katawa-tawa kung susundin ko ang gayong mga ideya sa buhay ko. Magiging lalong magulo ang isip ko, hindi matutukoy ang mabuti sa masama at lalabagin ko lang ang katotohanan at lalabanan ang Diyos.

Isang araw, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kung minsan, ang mga epekto ng konsensiya ng isang tao ay napipigilan at naiimpluwensiyahan ng kanyang mga damdamin, at kaya naman, ang kanyang mga desisyon ay sumasalungat sa mga katotohanang prinsipyo. Dahil dito, malinaw nating makikita ang isang katunayan: Ang epekto ng konsensiya ng isang tao ay mas mababa sa pamantayan ng katotohanan, at kung minsan ay nilalabag ng mga tao ang katotohanan habang kumikilos batay sa kanilang konsensiya. Kung nananalig ka sa Diyos, ngunit hindi ka namumuhay ayon sa katotohanan, at sa halip ay kumikilos batay sa iyong konsensiya, makagagawa ka ba ng masama at lalaban sa Diyos? Tunay kang makagagawa ng ilang masasamang bagay—talagang hindi masasabi na hindi kailanman mali ang kumilos batay sa konsensiya. Ipinapakita nito na kung nais ng isang tao na mapalugod ang Diyos at umayon sa Kanyang mga layunin, ang pagkilos batay lamang sa konsensiya niya ay talagang hindi sasapat. Dapat kumilos ang isang tao batay sa katotohanan upang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 2). Oo. Dapat lahat tayo ay may konsensiya, pero hindi iyon ang katotohanan at hindi makapapalit doon. Kung aakto at kikilos lang tayo ayon sa ating konsensiya sa halip na sundin ang katotohanan, malamang na sasalungat tayo sa katotohanan at lalaban sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na mahalin natin ang minamahal Niya at kamuhian ang kinamumuhian Niya. Ito ang prinsipyong dapat nating gamitin sa iba. Kung ang isang kapatid ay naghahangad ng katotohanan, pinakitaan man niya ako ng kabaitan o hindi, kapag nagkaproblema siya, dapat ko siyang tulungan nang may pagmamahal. Kung gumawa siya ng masasamang gawa o kung siya ay huwad na lider, masamang tao o anticristo, kahit na naging mabuti ang kalooban niya sa akin, dapat ko siyang tratuhin ayon sa mga prinsipyo at ilantad at iulat siya. Kaya nang ginambala at ginulo ni Li Yan ang gawain ng iglesia at hindi man lang tinanggap ang katotohanan, nabigong magsisi at magbago kahit anong pagbabahagi at pagtulong ang ginawa sa kanya, hindi ko siya dapat pinrotektahan dahil sa tinatawag kong “konsensiya,” sa halip, dapat ay inilantad at iniulat ko siya ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa hindi paggawa niyon, ipinapahamak ko lang ang mga kapatid at nagdudulot ng mas malalaking kawalan sa gawain ng iglesia. Nakapagbibigay-liwanag ang mapagtanto ito, at pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng landas ng pagsasagawa at mga katotohanang prinsipyong magagamit sa pagtrato ko sa iba. Kalaunan, sa sobrang mapanlaban at hindi nasisiyahan ni Li Yan sa pagkakatanggal niya hindi lang siya nagsimulang maghangad ng kayamanan at lumiban sa mga pagtitipon, kundi nagpakalat pa siya ng pagkanegatibo sa iba, itinuloy ang kanyang panggugulo sa buhay iglesia, at maraming beses na tumangging tumanggap ng pagbabahagi at pagpupungos. Dapat siyang paalisin ayon sa prinsipyo. Nang panahong iyon, hindi ko na siya pinrotektahang muli, sa halip tumulong ako sa mga lider na mangolekta ng mga pagsusuri sa kanya ng mga kapatid. Sa pagsang-ayon ng higit 80% ng mga kapatid, pinaalis sa iglesia si Li Yan.

Matapos lang maranasan ang lahat ng iyon saka ko napagtantong ang pamumuhay ayon sa mga pilosopiya ni Satanas ay nakakahadlang lamang sa pagsasagawa ng katotohanan at maaaring makagambala at makagulo pa sa gawain ng iglesia. Tanging ang mga kumikilos at tumitingin sa mga tao at bagay nang ayon sa mga salita ng Diyos ang tunay na may pagkatao at kayang protektahan ang gawain ng iglesia at umayon sa layunin ng Diyos. Itinama ng mga salita ng Diyos ang aking mga maling paniniwala at tinulungan akong maunawaan ang mga prinsipyo kung paano tratuhin ang iba.

Sinundan:  91. Hindi Ko Na Ginagamit ang Maluwag na Pamamaraan

Sumunod:  93. Paano Ko Binitiwan ang Isang Matatag na Trabaho

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger