93. Paano Ko Binitiwan ang Isang Matatag na Trabaho
Ipinanganak ako sa isang mahirap at atrasadong pamilya sa kanayunan. Bata pa lang ako, mariin nang hiniling ng ama ko na mag-aral akong mabuti, para sa hinaharap, makapasok ako sa magandang unibersidad, magkaroon ng magandang kinabukasan, at sa gayon ay magtamasa ng masaganang buhay. Pero hindi nangyari ang inaasahan. Bumagsak ako sa entrance exam ng high school nang tatlong magkakasunod na taon. Dahil dito, nalito ako sa magiging landas ko sa buhay sa hinaharap, at nawalan ako ng kumpiyansa. Noong panahong iyon, sobra ang stress sa isipan ko, at labis akong nasaktan. Hanggang sa ika-apat na taon, kung kailan sa wakas ay natanggap ako sa isang paaralan ng railway engineering; pagkatapos ng graduation, nakakuha ako ng matatag na trabaho sa opisina ng Railway Bureau.
Noong Marso ng 1999, tinanggap namin ng asawa ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Aktibo akong gumawa ng tungkulin ko at sumali sa buhay iglesia, at pagkaraan ng anim na buwan, napili akong mamuno ng iglesia. Pero pagkatapos maging lider, habang gumugugol ako ng mas maraming oras sa mga pagtitipon at sa tungkulin ko, lumitaw ang mga problema sa trabaho. Para maiwasang lumiban sa mga pagtitipon, kailangan kong mag-leave ng ilang beses sa isang buwan. Bukod sa mga kaltas sa suweldo, nawalan din ako ng bonus sa katapusan ng buwan. Dismayadong sinabi ng boss ko, “Kakasimula mo pa lang sa trabahong ito, kaya kailangan mong gumampan nang maayos. Kung palagi kang hihingi ng leave, malaki ang mawawala sa suweldo mo, at mawawala ang bonus mo; hindi ba ito kahangalan? Inalagaan kita nang mabuti, pero kung palagi kang hihingi ng leave, magiging mahirap na ipromote ka.” Kalaunan, nang humingi ako ulit ng leave, naasiwa ako nang husto. Naisip ko, “Mabait sa akin ang boss ko rito. Kung palagi akong hindi papasok at magbibigay sa kanya ng masamang impresyon sa akin, mahihirapan akong mapromote. Hindi na ako puwedeng humingi ng leave sa pagkakataong ito, o hindi matutuwa sa akin ang boss ko.” Pero naisip ko, bilang lider ng iglesia, kung hindi ako pupunta sa mga pagtitipon, hindi ako magkakaroon ng maraming kaalaman tungkol sa gawain ng iglesia o sa mga kalagayan ng aking mga kapatid, kaya paano ko magagawa nang maayos ang gawain ng iglesia? Lubha akong naguguluhan. Wala akong paraan para malagpasan ito, kaya ilang beses kong piniling manatili sa trabaho. Dahil dito ay naantala ang gawain ng iglesia, at labis akong nakonsensiya tungkol dito.
Minsan, inabisuhan ako ng aking nakatataas na lider tungkol sa isang pagpupulong ng mga katrabaho, at nagtalo uli ang kalooban ko, kaya nanalangin ako sa Diyos para hanapin ang layunin Niya. Pagkatapos, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng mga tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kailangan ng mga taong magbayad ng isang tiyak na halaga sa kanilang mga pagsisikap sa lahat ng kanilang ginagawa. Kung walang aktuwal na paghihirap, hindi nila mabibigyang-kasiyahan ang Diyos; hindi man lamang sila kalapitan sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos, at naglilitanya lamang sila ng mga hungkag na islogan! Mabibigyang-kasiyahan ba ng mga hungkag na islogang ito ang Diyos? Kapag naglalaban sa espirituwal na mundo ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo. Bagama’t maaaring hindi mukhang mahalaga ang mga ito sa panlabas, kapag nangyayari ang mga bagay na ito, ipinakikita ng mga ito kung mahal mo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal mo, makakapanindigan ka sa iyong patotoo sa Kanya, at kung hindi mo naisagawa ang pagmamahal sa Kanya, ipinapakita nito na ikaw ay hindi isang taong nagsasagawa ng katotohanan, na ikaw ay walang katotohanan, at walang buhay, na ikaw ay ipa!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Mula sa salita ng Diyos, nakita ko na sa panlabas, ang mga tao, pangyayari, at bagay na nakakaharap natin araw-araw ay mukhang pakikisalamuha ng tao. Gayumpaman, sa likod ng mga ito, naroroon ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos, at kailangan nating manindigan sa ating patotoo sa Diyos. Nang sumapit kay Job ang mga pagsubok sa kanya, nawala ang lahat ng kayamanan niya sa loob lang ng magdamag. Sa panlabas, mga magnanakaw ang kumuha sa kanyang ari-arian, pero sa likod niyon ay ang panunukso at pang-aatake ni Satanas. Nang manindigan si Job sa kanyang patotoo sa Diyos, umatras si Satanas sa kahihiyan. Kinailangan kong mamili sa pagitan ng pagpasok sa trabaho o pagdalo sa pagtitipon, at naramdaman ko ang mga pagpigil ng sinabi sa akin ng boss ko. Sa panlabas, sinabi iyon ng boss ko dahil sa pag-aalala at malasakit niya sa akin—gusto niya akong ipromote. Pero ang totoo, nasa likod nito ang panggugulo ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at kayamanan para akitin ako na tumuon lamang sa pagtatrabaho at pagkita ng pera. Ito ay para sirain ang normal kong ugnayan sa Diyos, at ilayo ako sa Diyos, para mawalan ako ng oras na makipagtipon o magawa ang tungkulin ko. Nasa likod nito ang masamang layunin ni Satanas. Nang maisip ito, nanalangin ako sa Diyos na hinding-hindi ako papayag na magtagumpay ang pakana ni Satanas. Kalaunan, nakahanap ako ng lakas ng loob na humingi ng leave sa boss ko at dumalo sa pagpupulong ng mga katrabaho.
Habang lalong nagiging abala ang gawain ng iglesia, maraming bagay ang kailangang isaayos at ipatupad kaagad. Kung gusto kong gawin nang maayos ang tungkulin ko, kailangan kong higit na lumiban sa trabaho. Noong panahong iyon, labis akong nahihirapan, at maraming beses na hindi ko ito mapagtagumpayan, bilang resulta, naapektuhan ang gawain ng iglesia. Kung minsan, naiisip kong umalis na lang sa trabaho ko, para hindi ko maantala ang gawain ng iglesia, pero nag-aalala ako na kung gagawin ko iyon, hindi ako magkakaroon ng masaganang buhay. Napakagandang trabaho nito kaya nag-aalinlangan akong umalis, at para bang may walang tigil na labanan sa puso ko. Pag-uwi ko, sinabi ko sa asawa ko na gusto ko nang umalis sa trabaho, at ibinahagi ko ang mga saloobin ko. Sabi ko, “Hindi ko kayang talikuran ang trabahong ito. Maraming taon akong nag-aral nang mabuti para sa matatag na trabahong ito, at malaki ang suweldo. Kung aalis ako, ano kaya ang iisipin sa akin ng mga kamag-anak, kaibigan, at kaklase ko? Tiyak na magagalit ang mga magulang ko kapag nalaman nila. At saka, kung aalis ako sa trabaho ko, malamang na habambuhay tayong magiging mahirap. Pero ngayon, nabasa ko na ang napakaraming salita ng Makapangyarihang Diyos, at nauunawaan ko ang mga layunin ng Diyos. Pinili ako ng mga kapatid na maging lider ng iglesia. Kung naaantala ko ang gawain ng iglesia dahil sa trabaho ko, hindi ba’t tinatalikuran ko ang tungkulin ko?” Pagkatapos makinig sa akin, hiniling sa akin ng asawa ko na higit pang manalangin sa Diyos at gumawa ng sarili kong pasya. Noong gabing iyon, hindi ako mapalagay, at hindi ako makatulog, kaya’t nanalangin ako sa Diyos at hiniling na gabayan Niya ako. Isang araw, nabasa ko sa salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sino ang tunay at ganap na makagugugol ng kanilang sarili para sa Akin at makapaghahandog ng lahat-lahat nila para sa Akin? Lahat kayo ay walang gana; nagpapaikot-ikot ang inyong mga kaisipan, iniisip ang tahanan, ang mundo sa labas, ang pagkain at damit. Sa kabila ng katotohanang ikaw ay nasa harap Ko, gumagawa ng mga bagay-bagay para sa Akin, sa puso mo ay iniisip mo pa rin ang iyong asawa, mga anak, at mga magulang na nasa bahay. Lahat ba ng ito ay pag-aari mo? Bakit hindi mo ipinagkakatiwala ang mga ito sa Aking mga kamay? Wala ka bang sapat na pananalig sa Akin? O ito ba ay dahil natatakot ka na gagawa Ako ng mga di-karapat-dapat na mga pagsasaayos para sa iyo? Bakit ka laging nag-aalala sa pamilya ng iyong laman at nabahahala para sa iyong mga mahal sa buhay? Mayroon ba Akong puwang sa puso mo? Nagsasalita ka pa rin tungkol sa pagpapaubaya sa Aking magkaroon ng kapamahalaan sa loob mo at sakupin ang iyong buong pagkatao—lahat ng ito ay mapanlinlang na mga kasinungalingan! Ilan sa inyo ang buong pusong tapat sa iglesia? At sino sa inyo ang hindi nag-iisip tungkol sa mga sarili ninyo, kundi kumikilos para sa kaharian ng ngayon? Pag-isipan nang buong ingat ang tungkol dito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 59). Inilalantad ng salita ng Diyos na ang mga tao ay walang tunay na pananalig sa Diyos, at hindi sila naglalakas-loob na ilagay ang kanilang kinabukasan at tadhana sa mga kamay ng Diyos. Palagi silang nag-aalala at nagpaplano para sa kanilang sariling laman, natatakot na hindi mabuting isasaayos ng Diyos ang mga bagay-bagay. Walang lugar ang Diyos sa puso ng gayong mga tao. Hindi ba’t wala rin akong pananalig sa Diyos? Palagi akong nag-aalala na kung aalis ako sa trabaho, hindi ako mabubuhay dahil sa kakulangan ng pera. Napakaliit ng pananalig ko sa Diyos. Wala akong kahit katiting na totoong pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid: sapagkat ang mga ito’y hindi naghahasik, ni umaani, ni nagtitipon man sa mga kamalig; ngunit ang mga ito’y pinakakain ng inyong Ama sa langit. Hindi ba lalong higit ang halaga ninyo kaysa sa mga ito?” (Mateo 6:26). “Hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos, at ang Kanyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” (Mateo 6:33). Nagagawa kong bigkasin ang mga talatang ito, at madalas kong ginagamit ang mga salitang ito para himukin ang iba, pero nang mangyari sa akin ang mga bagay-bagay, wala akong tunay na pananalig sa Diyos. Habang pinagbubulayan ko ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang kinabukasan at tadhana ng bawat isa ay nasa mga kamay ng Diyos, at ang Diyos ay palaging gagawa ng naaangkop na mga pagsasaayos. Ipinangako ng Diyos na hindi Niya pagmamalupitan ang mga taos-pusong gumugugol para sa Kanya. Bakit wala akong tiwala sa Diyos? Sa puntong ito, gusto kong magbitiw na kaagad sa trabaho ko at gawin nang maayos ang aking tungkulin. Pero pagdating ko sa opisina, pinag-uusapan ng mga katrabaho ko ang tungkol sa pagtataas ng kanilang suweldo at mga bonus at nagsimula akong mag-alinlangan, ayaw na isuko ang trabaho ko. Alam kong may kabayaran para maisagawa ang katotohanan, kaya nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na patnubayan ako na mapagtagumpayan ang laman, nang sa gayon ay makaalis na ako sa trabaho ko at magawa ang aking tungkulin nang maayos.
Hindi nagtagal, may naranasan akong nakakakilabot na naging dahilan para pagnilayan ko ang magiging landas ko sa buhay sa hinaharap. Isang gabi, nagtatrabaho ako kasama ang drayber ng tren, yardmaster, at iba pa para ikonekta ang mga bagon ng tren. Nakatayo ako sa hagdan ng umaandar na tren, gamit ang walkie-talkie para turuan ang konduktor sa pagkonekta ng sasakyan. Napakabilis ng takbo ng tren. Bilang pagsunod sa proseso ng trabaho, nag-utos ako na bagalan ang takbo kapag nasa sampung bagon na ang layo namin mula sa bagon ng tren na ikokonekta namin. Pero hindi binagalan ng drayber, at walang magawang pinagmasdan ko habang pabangga ang tren sa bagon na nakaparada sa riles. Napakabilis ng takbo nito kaya hindi ako makatalon—wala akong nagawa kundi lumayo mula sa hagdan papunta sa bagon na sinasakyan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko, kumapit sa gilid ng bagon para hindi ako tumilapon sa labas, at paulit-ulit akong tumawag sa Makapangyarihang Diyos sa puso ko. Sa isang malakas na kalabog, nagbanggaan ang tren at ang bagon. Nabali ang braso ng katuwang na drayber, at isinugod siya sa ospital para magamot magdamag. Mas natakot ako kaysa nasaktan—hindi man lang ako nagasgasan. Pagkatapos niyon, habang mas pinag-iisipan ko iyon, mas lalo akong natatakot sa nangyari! Maraming tao sa railway shunting na propesyon ang naaksidente. Ang ilan ay nadurog ang mga braso, at ang ilan ay nadurog ang mga binti. Sa harap ng panganib, hindi mapapanatiling ligtas o mapoprotektahan ng isang matatag na trabaho ang buhay ng tao. Ang paghahangad ng pera ay magdudulot lamang ng pansamantalang kasiyahan ng laman. Kung mawawala sa akin ang pangangalaga at proteksiyon ng Diyos alang-alang sa pagkita ng pera, habang ibinubuwis ang buhay ko, ano ang silbi ng matatag na trabahong ito? Hindi ko na puwedeng hayaang hadlangan ng matatag na trabaho ko ang aking tungkulin. Nagpasya akong mamuhay ayon sa salita ng Diyos, ipagkatiwala sa Diyos ang lahat ng mayroon ako, umasa sa Kanya, at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Bilang isang normal na tao, na naghahangad na mahalin ang Diyos, ang pagpasok sa kaharian upang maging isa sa mga tao ng Diyos ang iyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi naniniwala sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan. Ang grupong ito lamang ng mga tao, na pinili ng Diyos, ang magagawang isabuhay ang isang buhay na pinakamakabuluhan: Walang sino pa man sa lupa ang magagawang isabuhay ang isang buhay na may gayong halaga at kahulugan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). Labis na nakakaantig ang mga salita ng Diyos. Totoo ito—iyong mga taos-pusong nagmamahal sa Diyos ay hindi namumuhay para sa kasikatan, kayamanan, o kasiyahan ng laman, namumuhay sila para sa Diyos. Tanging ang mabuhay para sa Diyos ang kapaki-pakinabang at makabuluhang buhay. Na naging mapalad akong marinig ang tinig ng Lumikha, maunawaan ang ilang katotohanan, at magkaroon ng pagkakataong makagawa ng isang tungkulin ay isang napakagandang bagay. Napagtanto ko na dapat akong huminto sa pamumuhay sa sarili kong maliit na mundo at sa paghahangad ng pera at materyal na kasiyahan. Dapat akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at gampanan nang maayos ang tungkulin ko bilang isang nilikha.
Pagkatapos niyon, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Paano mo ipapasa ang iyong nakita at naranasan sa mga taong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa katuwiran at naghihintay sa iyo na akayin sila? Anong klaseng mga tao ang naghihintay sa iyo na akayin sila? Naiisip mo ba? Alam mo ba ang pasaning nasa iyong mga balikat, ang iyong atas, at ang iyong responsabilidad? Nasaan ang iyong pakiramdam ng makasaysayang misyon? Paano ka magsisilbi nang wasto bilang isang pinuno sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang malakas na pakiramdam sa pagiging pinuno? Paano mo ipaliliwanag ang pinuno ng lahat ng bagay? Ito ba talaga ang pinuno ng lahat ng nabubuhay na nilalang at lahat ng pisikal na bagay sa mundo? Ano ang mga plano mo para sa pagsulong ng susunod na yugto ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo na ipastol sila? Mabigat ba ang iyong gampanin? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nalilito, dumaraing sa kadiliman—nasaan ang daan? Lubha silang nananabik sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at itaboy ang mga puwersa ng kadiliman na nang-api sa tao sa loob ng maraming taon. Balisa silang umaasa, at nananabik, sa araw at gabi, para dito—sino ang makakaalam kung gaano ito katindi? Kahit sa isang araw na nagdaraan ang kumikinang na liwanag, ang mga taong ito na labis na nagdurusa ay nananatiling nakakulong sa isang madilim na piitan nang walang pag-asang mapalaya; kailan sila titigil sa pagluha? Grabe ang kasawian ng marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan, at matagal nang patuloy na nakagapos sa kalagayang ito ng walang-awang mga gapos at napakong kasaysayan. At sino na ang nakarinig sa ingay ng kanilang pagdaing? Sino na ang nakakita sa kanilang kaawa-awang kalagayan? Naisip mo na ba kung gaano kalungkot at kabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niya matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan, na nilikha ng sarili Niyang mga kamay, na nagdaranas ng gayong paghihirap? Kunsabagay, ang sangkatauhan ang kapus-palad na mga biktimang nalason na. At bagama’t nanatiling buhay ang tao hanggang sa araw na ito, sino ang makakaalam na matagal nang nalason ng masamang nilalang ang sangkatauhan? Nalimutan mo na ba na isa ka sa mga biktima? Hindi ka ba handang magsikap, dala ng iyong pagmamahal sa Diyos, upang iligtas ang mga natirang buhay na ito? Hindi ka ba handang ilaan ang lahat ng iyong lakas upang suklian ang Diyos, na nagmamahal sa sangkatauhan na parang sarili Niyang laman at dugo? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, paano mo bibigyang-kahulugan ang pagkakasangkapan ng Diyos sa iyo upang maipamuhay mo ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang matibay na pasya at tiwala na ipamuhay ang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at mapaglingkod sa Diyos?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?). Mula sa salita ng Diyos, naramdaman ko ang pagmamahal at pagmamalasakit Niya sa sangkatauhan, pati ang apurahan Niyang layunin na iligtas ang mga tao. Ngayon, tayo ay nasa mga huling araw na, at tumitindi ang mga sakuna. Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol at pagkastigo, para iligtas ang mga tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Ngayon, naging mapalad ako na marinig ang tinig ng Diyos at matanggap ang pagliligtas Niya, na biyaya ng Diyos. Pero maraming nananabik sa pagpapakita ng Diyos ang hindi pa nakasalubong sa Panginoon, ang nililihis at kinokontrol pa rin ng mga anticristong pastor at elder sa mundo ng relihiyon, at walang paraan para marinig ang tinig ng Diyos. Kung lahat ay kasingmakasarili ko, kung inaalala lamang nila ang ginhawa ng laman, at hindi ipinangangaral ang ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos, kung gayon, kailan makasasalubong sa Panginoon iyong mga nananabik at naghihintay sa pagpapakita ng Diyos? Pagkatapos pagbulayan ang layunin ng Diyos, naunawaan ko kung ano ang dapat kong piliin at hangarin. Kaya, nagpasya akong bitawan ang trabaho ko at gawin nang maayos ang aking tungkulin para ipalaganap ang ebanghelyo. Gayumpaman, kung kailan gusto ko nang magbitiw, biglang dumating ang pangalawang direktor ng istasyon para makipagkita sa akin, para turuan ako tungkol sa kung paano magbigay ng mga regalo at tungkol sa kung sino ang makakatulong sa akin para mapromote. Pinakitaan niya ako ng labis na pag-aalala at pagmamalasakit. Alam ko na hindi lahat ay may pagkakataong mapromote, at na malaki ang itataas ng sahod ko. Pagkatapos ng kaunting talakayan, nag-alinlangan na naman ako sa pagpapasya kong magbitiw sa trabaho.
Hindi nagtagal pagkatapos niyon, nakaranas ako ng isa pang nakakatakot na bagay na lubos na nagpabago ng pag-iisip ko. Isang araw, sa pang-umagang shift, isang tren ng kargamento ang kailangang idiskonekta at iayos pagkatapos makapasok sa istasyon. Pagkatapos gawin iyon, responsabilidad ko na ilagay ang mga kalso sa ilalim ng mga gulong. Pagkatapos ng pahinga sa tanghalian, bago umandar ang tren, nakalimutan kong tanggalin ang mga kalso. Nagsimulang magmaneho ang drayber, at nakaladkad ng mga gulong ang mga kalso sa riles. Napansin niyang may mali at agad niyang inihinto ang tren nang malapit na nitong marating ang switch, kaya naiwasan ang pagkadiskaril, o maging ang isang rollover. Sa araw na iyon, kung wala ang proteksyon ng Diyos, kung nadiskaril ang tren o nag-rollover, magiging napakalubha sana ng mga kahihinatnan. Natakot ako, at hindi ko maiwasang magnilay-nilay sa sarili ko at magtanong kung bakit nangyari ito. Napagtanto ko, bilang lider ng iglesia, alam kong naging hadlang ang trabaho ko sa aking tungkulin, na lubhang nakaapekto sa gawain ng iglesia. Pero sakim ako sa pera at kasiyahan ng laman, hindi ako kailanman naging handang isuko ang mga ito, at madalas kong nililinlang ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga kapasyahan sa harap Niya at pagkatapos ay hindi pagsunod sa mga ito. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Nakatanggap kayo ng hindi-mabilang na biyaya mula sa Akin, at nakakita kayo ng walang-katapusang mga hiwaga mula sa langit; ipinakita Ko pa sa inyo ang mga apoy ng langit, ngunit hindi Ko maatim na sunugin kayo. Gayunman, gaano karami ang naibigay ninyo sa Akin bilang kapalit? Gaano karami ang handa kayong ibigay sa Akin?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Masyadong Hamak ang Pagkatao Ninyong Lahat!). Sa panlabas, hindi maganda ang nangyari, pero malinaw kong naunawaan na ito ay pagmamahal ng Diyos, pati na ang Kanyang paalala sa akin. Ang Diyos ay nagpahayag ng napakaraming katotohanan, at napakalinaw na ipinaliwanag ang mga kalalabasan at hantungan ng mga tao. Nais lamang Niyang maunawaan natin ang Kanyang apurahang layunin, wastong maghangad sa katotohanan at gampanan ang mga tungkulin ng isang nilikha, at makamit ang Kanyang pagliligtas. Pero matigas ang ulo ko. Palagi kong iniisip na mananatili akong buhay at mamumuhay ng magandang buhay sa pamamagitan ng pag-asa sa aking matatag na trabaho, kaya ayokong isuko ito, sumunod sa Diyos, at gawin ang aking tungkulin. Ang dalawang nakakatakot na pangyayaring ito ang lubusang gumising sa akin. Sa harap ng sakuna, walang halaga ng pera ang makapagliligtas sa buhay ko. Naalala ko na sinabi ng Panginoong Jesus: “Sinuman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad Ko” (Lucas 14:33). Ngayon ko lang talaga naunawaan ang kahulugan ng mga salita ng Panginoong Jesus. Kapag pinahahalagahan natin ang pera at materyal na kasiyahan, sinasakop ng mga bagay na ito ang mga puso natin, at hindi natin magagawang tunay na mahalin at sundan ang Diyos, gumugol para sa Diyos, at gawin ang ating mga tungkulin bilang mga nilikha. Ang gayong mga tao ay nananabik pa rin sa laman at sa mundo, at hindi karapat-dapat na maging mga tagasunod ng Diyos. Ayoko nang maghimagsik laban sa Diyos o biguin ang Diyos. Kailangan kong baguhin ang pananaw ko sa mga bagay-bagay, sumunod sa Diyos nang buong puso, gumugol para sa Kanya, at suklian ang Kanyang pagmamahal. Kaya, sinabi ko sa boss ko na gusto ko nang magbitiw at dumaan ako sa mga proseso para tapusin ang kontrata ng trabaho. Sa sandaling iyon, napakagaan ng pakiramdam ko. Para akong ibon na lumilipad palabas ng hawla. Hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa paghingi ng leave, at hindi ko na kailangang magdusa dahil naaantala ang gawain ng iglesia dahil sa trabaho ko. Tuwang-tuwa ako na ginawa ko ang ganoong pasya.
Galit na galit ang ama ko nang marinig niyang nagbitiw ako. Pinuntahan niya ako at sinabing, “Nagsumikap ako para palakihin ka. Nanghiram ako ng pera para sa pag-aaral mo. Sa wakas ay nakakuha ka ng matatag na trabaho, at ngayon ay ayaw mo rito? Anong iniisip mo? Isang magandang bagay na magkaroon ng trabaho sa Railway Bureau. Manampalataya ka sa Diyos kung gusto mo, pero paano mo nagawang magbitiw sa trabaho mo? Kung wala kang trabaho, paano ka mabubuhay sa hinaharap?” Nalungkot ako nang makita ang galit na ekspresyon ng ama ko. Naalala ko kung paano nagtipid at nag-ipon ng pera ang mga magulang ko para makapag-aral ako, sa pag-asang makakahanap ako ng magandang trabaho, makakaahon sa kahirapan, at mamumuhay ng magandang buhay. Gusto ko ring dalhin ang mga magulang ko mula sa kanayunan patungo sa lungsod para manirahan sa isang mataas na gusali at magtamasa ng masaganang buhay. Pero pinili ko ang landas ng pananampalataya sa Diyos at hindi na hinangad ang pera at materyal na kasiyahan; hindi ko sila mabigyan ng ganoong uri ng buhay, at naramdaman kong may pagkakautang ako sa kanila. Nahaharap sa sinabi ng ama ko, hindi ko alam ang isasagot. Nangilid ang mga luha sa mga mata ko, at hindi ako nangahas na tumingin sa kanya. Pero malinaw sa puso ko na tama ang pasya ko, dahil alam kong ang Tagapagligtas ay nagpakita na at gumagawa ng Kanyang gawain sa mga huling araw. Ipinapahayag Niya ang katotohanan para iligtas tayo mula sa madilim at masamang mundong ito, at ito ang tanging paraan para makaligtas at makapasok sa kaharian ng langit. Ito ay isang pambihirang pagkakataon. Paanong isusuko ko ito dahil hangad ko ang kaginhawahan ng laman? Paanong hahayaan ko ang mga problema sa trabaho na pigilan ako sa paghahangad sa katotohanan at paggawa sa tungkulin ng isang nilikha? Nasasaktan, tahimik akong nanalangin sa Diyos, at hiniling sa Kanya na protektahan ang puso ko na hindi maguluhan. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala rito ang tao, isang nabubuhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Sumunod, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mabuhay sa loob ng ordinasyon ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanilang paglaki hanggang sa kanilang pagtanda. Sa panahon ng prosesong ito, walang nakadarama na lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala sila na ang tao ay lumalaki sa ilalim ng mapagmahal na pangangalaga ng kanyang mga magulang, at na ang likas na pag-uugali niya sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang likas na pag-uugali niya sa buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng pag-iral ng buhay niya, at na ang mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang naaalala ang tao, at sa ganitong paraan niya inaaksaya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala ni isa sa sangkatauhang ito na pinangangalagaan ng Diyos gabi at araw ang nagkukusang sambahin Siya. Patuloy lang ang Diyos na gumawa sa tao, nang walang anumang inaasahan, tulad ng naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa panaginip nito at biglang matatanto ang halaga at kahulugan ng buhay, ang halagang katumbas ng lahat ng naibigay ng Diyos sa kanya, at ang sabik na kahilingan ng Diyos na bumalik ang tao sa Kanya” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). “Dapat kang magdusa ng paghihirap para sa katotohanan, dapat mong isakripisyo ang iyong sarili para sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa kasiyahan ng isang matiwasay na buhay-pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng buong buhay mo alang-alang sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng maganda at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makabuluhan. Kung namumuhay ka ng gayong isang di-mahalaga at makamundong buhay, at wala kang anumang layong hahangarin, hindi ba’t pag-aaksaya ito sa iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong paraan ng pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa isang katotohanan, at hindi mo dapat itapon ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang integridad o dangal; walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Binigyang-liwanag ako ng mga salita ng Diyos. Akala ko ay ang mga magulang ko ang nagpalaki sa akin, at ang nag-impok at nag-ipon para makapagtapos ako ng pag-aaral, kaya kung hindi ko sila pakikinggan at isusuko ko ang trabaho ko para sa aking tungkulin, hindi ako magiging karapat-dapat sa kanila. Pero katawa-tawa ang opinyon ko. Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao, at ang lahat ng buhay natin ay nagmumula sa Kanya. Lahat ng mayroon tayo ay ang Kanyang panustos at pagpapala. Kung wala ang Diyos, hindi mapapasaatin ang alinman sa mga ito. Ang pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko hanggang sa maging husto ako sa gulang ay ang kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Dapat akong maging magpasalamat sa Diyos at suklian ang pagmamahal Niya. Dapat akong magpakita ng normal na pagrespeto at pagmamalasakit sa mga magulang ko. Kasabay nito, dapat kong ibahagi sa kanila ang ebanghelyo at ipaalam sa kanila ang kahulugan ng pananalig sa Diyos. Kung hindi sila mananampalataya, hindi ko puwedeng isuko ang tungkulin ko sa ilalim ng mga pagpipigil nila. Isa akong nilikha, at ang paggawa ng tungkulin ko ay ganap na likas at may katwiran. Kung hindi ko matutupad ang tungkulin ko, kahit na mayroon akong matatag na trabaho at nagtatamasa ng magandang materyal na buhay kasama ang aking pamilya, hindi ito magkakaroon ng anumang halaga o kabuluhan. Ang mga pansamantalang kasiyahang ito ay hindi makapagbibigay-daan sa akin na maunawaan ang katotohanan at magkamit ng buhay. Bukod dito, para sa Diyos, maghimagsik laban sa Kanya, at hindi ko makakamit ang pagsang-ayon Niya. Upang makamit ang katotohanan, kailangan kong magdusa at masakit na talikdan ang mga bagay na minahal ko. Sa ganitong paraan lang ako mabubuhay nang may integridad at dignidad, at saka ko lamang makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Habang mas iniisip ko ito, mas lumalakas ang pakiramdam ko. Kaya, muli akong nagpatotoo sa aking ama tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos, at sinabi ko sa kanya na kung walang pananampalataya sa Diyos, ang lahat ng hangarin ay walang saysay at walang halaga o kabuluhan. Ngayon, naparito na ang Tagapagligtas upang ipahayag ang katotohanan para iligtas ang mga tao; at sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, pagwawaksi sa kasalanan, at tunay na pagsisisi sa Diyos, makakaligtas ang mga tao sa mga sakuna at makakapasok sa Kanyang kaharian. Lahat ng naghahangad sa mundo, gaano man kayaman ang kanilang materyal na buhay, sa huli ay malulugmok sa mga sakuna at mapaparusahan. Pero kahit anong sabihin ko, hindi pa rin sumang-ayon ang ama ko sa aking pagbibitiw, at gusto niyang pabalikin ako sa trabaho. Sa wakas, nang makita niyang hindi ako natitinag, sa huli ay umalis siya sa galit.
Kalaunan, hiniling ng ama ko sa aking mga kamag-anak na pumunta para kumbinsihin ako. Sinabi nilang lahat na ang isang posisyon sa Railway Bureau ay isang matatag na trabaho, at na hindi madali para sa maraming tao na makakuha ng gayong trabaho sa patagong paraan gamit ang mga regalo at pera. Sinabi nila na sa pagbibitiw ko, hindi ko alam kung ano ang mabuti para sa akin, na isa akong hangal dahil nananampalataya ako sa Diyos, at na walang saysay ang pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko. Nang marinig ko ang mga akusasyon ng aking mga kamag-anak, alam ko na ginagamit sila ni Satanas para batikusin ako at hadlangan ako sa pagtalikod at paggugol para sa Diyos. Naisip ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa iyong kalooban at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap ka sa mga kamag-anak na hindi nananampalataya. Gayunman, para sa Akin, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit anong mga puwersa ng kadiliman. Magtiwala ka sa Aking karunungan upang makalakad sa perpektong daan; huwag hayaan ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari. Ibuhos ang lahat ng iyong pagsisikap sa paglalagay ng iyong puso sa Aking harapan, at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kaligayahan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Matapos pagbulayan ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng kumpiyansa, at nagkalakas-loob akong sabihin sa aking mga kamag-anak, “Ngayon, talagang sumasamba ang mga tao sa pera, kasikatan, at katayuan. Para sa mga bagay na ito, nag-aagawan ang mga tao, nagpapakana, nag-aaway-away, at ang mga mag-asawa ay nangangaliwa at pinagtataksilan pa ang isa’t isa. Lahat ng tao ay namumuhay nang ganito, kaya kahit na makahanap sila ng maayos at matatag na trabaho at wala na silang mahihiling pa sa buhay, posible ba talagang maging masaya? Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Sasapit ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang mangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65). Ngayon, tumitindi ang mga sakuna. Ang pagsunod lamang sa Makapangyarihang Diyos ang magpoprotekta sa atin mula sa mga sakuna. Ang pananampalataya ko sa Diyos at pagpapalaganap ng ebanghelyo ay mas mahalaga kaysa sa trabaho ko. Ang ganitong pagpapasya ay hindi hangal na pananampalataya, gaya ng iniisip niyo. Nang ipangaral ni Noe ang ebanghelyo, sinabi ng mga tao na isa siyang baliw, pero nang dumating ang baha, sa buong sangkatauhan, tanging ang walong miyembro ng pamilya ni Noe ang nakaligtas. Si Noe ay hindi baliw o hangal—siya ay matalino at pinagpala ng Diyos. Sa mga huling araw, ang kasamaan at katiwalian ng sangkatauhan, at ang paglaban nila sa Diyos, ay umabot na sa puntong pupuksain Niya ang sangkatauhang ito na labis na tiwali. Matatanggap lang natin ang proteksiyon ng Diyos at mananatili lang tayong buhay sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsamba sa Kanya. Sinasabi ko sa inyo ang magandang balitang ito ngayon sa pag-asang matatanggap niyo rin ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Huwag niyo na akong subukang kumbinsihin, dahil nakapagdesisyon na ako. Susunod ako sa Makapangyarihang Diyos sa natitirang bahagi ng buhay ko.” Pagkatapos kong sabihin ito, ang tiyahin ko, na nananampalataya sa Panginoon, ay sinabing, “Salamat sa Diyos! Malakas ang pananalig mo sa Diyos, at ang pagpili na ipangaral ang ebanghelyo ng Diyos ay nakalulugod sa Diyos.” Sinabi niya sa iba, “Ang landas na pinili niya ngayon ay ang tamang landas. Hindi mahalaga ang pagiging mayaman. Ang mahalaga ay buhay. Dapat nating igalang ang kanyang pasya.” Pagkatapos niyon, hindi nagsalita ang iba. Masayang-masaya ako noong sandaling iyon. Nang manindigan ako at piliing palugurin ang Diyos, walang nagawa ang mga kamag-anak ko kundi ang umatras sa kahihiyan. Simula noon, hindi na ako napipigilan ng mga tao, pangyayari, at bagay sa paligid ko, at nagagawa ko na ang tungkulin ko nang full-time.
Kalaunan, nang makitang maraming tao ang tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakaramdam ako ng di-mailarawang ligaya sa puso ko. Ang maibalik sa sambahayan ng Diyos ang mga taong tapat na nananabik sa Kanya ay isang napakamakabuluhang bagay, at ang pinakanakapagbibigay-aliw para sa Diyos. Ang pagpiling magbitiw sa aking matatag na trabaho at tahakin ang landas ng pananampalataya sa Diyos ay ang pinakamatalinong desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Ang magawang gugulin at ialay ang buhay ko sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay mas mahalaga at makabuluhan kaysa sa anumang bagay na magagawa ko!