27. Hindi na ako Naghahangad ng Suwerte

Ni Chenxiao, Tsina

Noong katapusan ng Abril 2023, nakatanggap ako ng isang liham mula sa aking nakatataas na lider na nagsasabi na tinanggal ang isang lider ng partikular na iglesia dahil hindi siya gumagawa ng tunay na gawain. Dahil hindi pa nakahanap ng angkop na kapalit, pansamantala nilang isinaayos na ako muna ang umako sa gawain ng iglesia. Matapos basahin ang liham, wala na akong masyadong oras para mag-isip at dali-dali akong pumunta sa iglesia. Napag-alaman ko na ang ilang tagadilig ay tamad at pabaya sa kanilang mga tungkulin at kailangan nang palitan, at maraming baguhan ang negatibo, mahina, at hindi regular na nagtitipon, na nangangailangan ng agarang pagdidilig at suporta. Hindi rin epektibo ang gawain ng ebanghelyo ng iglesia. Naisip ko, “Bakit ako ipinadala ng pamunuan sa iglesiang ito na may hindi magagandang resulta sa gawain? Kung mananatili ako rito nang matagal at mabibigo akong mapabuti ang gawain, ano ang iisipin ng pamunuan ko tungkol sa akin? Sasabihin ba nila na hindi ako angkop para sa tungkuling ito? Dahil nandito na ako, aasa ako sa Diyos at gagawin ko ang makakaya ko para makipagtulungan.” Sa pag-iisip na kailangan ko munang italaga sa ibang tungkulin ang mga tauhan para magawa nang maayos ang gawain, nagtrabaho ako mula madaling araw hanggang gabi, abala sa mga gampaning ito araw-araw.

Pagkaraan ng ilang panahon, natapos na ang mga pag-aayos sa mga tauhan, at unti-unting nagpakita ng ilang resulta ang gawain ng pagdidilig. Kalaunan, napili si Sister Li Ming, isang manggagawa ng ebanghelyo, bilang lider ng iglesia. Tuwang-tuwa ako, dahil may pagpapahalaga sa pasanin ang sister na ito sa kanyang mga tungkulin at nakatuon sa buhay pagpasok, at napakagandang makipagtulungan sa kanya sa paggawa ng gawain ng iglesia. Pero sa hindi inaasahan, hindi nagtagal matapos mapili si Sister Li, bigla kaming nakatanggap ng liham mula sa nakatataas na pamunuan na nagsasabing tinutugis ng CCP si Li Ming at na hindi na ligtas para sa kanya na gawin ang tungkulin niya sa lokal na lugar, at na kailangan niyang mailipat. Nang mabasa ko ang liham na ito, naisip ko, “Kakatapos lang naming makapili ng isang lider ng iglesia, at ngayon, kailangan na niyang umalis. Umasa pa naman ako na sa pangangasiwa ni Li Ming sa gawain ng ebanghelyo, mababawasan nang kaunti ang pasanin ko, pero ngayon, bukod sa hindi nabawasan ang pasanin ko, ililipat pa nila ang isang bihasang manggagawa sa ebanghelyo. Kung mananatiling di-epektibo ang gawain, ano na lang ang iisipin ng nakatataas na pamunuan sa akin?” Bagaman nag-aatubili, wala akong ibang magawa kundi magpasakop. Kalaunan, nakahanap ako ng dalawang manggagawa ng ebanghelyo na makakatuwang sa gawain ng ebanghelyo, pero pagkatapos, sinira ng isang malawakang pang-aaresto ang mga plano ko. Sa mga sumunod na araw, paulit-ulit kong naririnig ang balita tungkol sa mga kapatid na sunod-sunod na inaaresto, kasama na ang mga manggagawa ng ebanghelyo na bago ko lang nahanap. Dahil dito, para akong naparalisa at naisip ko, “Bakit ba napakamalas ko? Ang dami ko nang naharap na mga balakid sa loob ng dalawang buwan simula nang dumating ako sa iglesiang ito, at sa wakas ay nagawa kong ayusin ang mga tauhan, pero tingnan ninyo kung ano ang nangyayari ngayon. Bukod sa hindi bumuti ang mga resulta ng gawain, naaresto pa ang mga tauhan na maaari sanang makipagtulungan. Para bang malas lang talaga ako! Maayos at matatag ang kalagayan ng dating lider sa panahon ng kanyang tungkulin. Bakit napakamalas ko na nangyayari sa akin ang lahat ng masamang bagay na ito? Nasayang lang ang lahat ng pinagsikapan ko kamakailan! Tiyak na iisipin ng nakatataas na pamunuan na wala akong mga kayayahan sa gawain.” Habang iniisip ko ito, hindi ko napigilang umiyak at lubos akong nasiraan ng loob. Dahil walang mga resulta sa gawain, nawalan ako ng motibasyon na subaybayan ang mga isyu at ginusto ko pa ngang lisanin ang lugar na ito. Habang namumuhay ako sa ganitong kalagayan, natagpuan ko na lang na lalo pang nasasadlak sa kadiliman at kawalan ng pag-asa ang espiritu ko.

Kalaunan, kumain at uminom ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na kaugnay sa kalagayan ko. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ano ang problema sa mga taong palaging iniisip na malas sila? Palagi nilang ginagamit ang pamantayan ng suwerte upang sukatin kung tama o mali ang kanilang mga ikinikilos, at upang timbangin kung aling landas ang dapat nilang tahakin, ang mga bagay na dapat nilang maranasan, at ang anumang problema na kanilang hinaharap. Tama ba iyon o mali? (Mali.) Nilalarawan nila ang masasamang bagay bilang malas at ang mabubuting bagay bilang suwerte o kapaki-pakinabang. Tama ba o mali ang perspektibang ito? (Mali.) Ang pagsukat ng mga bagay mula sa ganitong uri ng perspektiba ay mali. Ito ay isang sagad-sagaran at maling paraan at pamantayan ng pagsukat ng mga bagay-bagay. Dahil sa ganitong uri ng pamamaraan, madalas na nalulugmok ang mga tao sa pagkalumbay, at madalas silang hindi napapalagay, at pakiramdam nila ay hindi kailanman nangyayari ang mga gusto nila, at na kailanman ay hindi nila nakukuha ang gusto nila, at sa huli, dahil dito ay palagi silang balisa, iritable, at hindi mapalagay. Kapag hindi nalulutas ang mga negatibong emosyon na ito, patuloy na nalulugmok ang mga taong ito sa pagkasira ng loob at nararamdaman nilang hindi sila pinapaboran ng Diyos. Iniisip nila na mabait ang Diyos sa iba ngunit hindi sa kanila, at na inaalagaan ng Diyos ang iba ngunit sila ay hindi. ‘Bakit lagi akong hindi mapalagay at balisa? Bakit palaging nangyayari sa akin ang masasamang bagay? Bakit hindi kailanman nangyayari sa akin ang mabubuting bagay? Kahit isang beses lang, iyon lang ang hinihiling ko!’ Kapag tinitingnan mo ang mga bagay-bagay gamit ang ganitong maling paraan ng pag-iisip at perspektiba, ikaw ay mahuhulog sa bitag ng suwerte at malas. Kapag ikaw ay patuloy na nahuhulog sa bitag na ito, patuloy kang makadarama ng pagkasira ng loob. Sa gitna ng pagkasira ng loob na ito, lalo kang magiging sensitibo sa kung ang mga bagay na nagaganap sa iyo ay suwerte ba o malas. Kapag ito ay nangyari, pinapatunayan nito na kontrolado ka na ng perspektiba at ideya ng suwerte at malas. Kapag ikaw ay kontrolado ng ganitong uri ng perspektiba, ang iyong mga pananaw at saloobin sa mga tao, pangyayari, at bagay ay wala na sa saklaw ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, at sa halip ay naging sagad-sagaran na. Kapag ikaw ay naging sagad-sagaran na, hindi ka makakaahon sa iyong pagkasira ng loob. Paulit-ulit kang masisiraan ng loob, at kahit na ikaw ay karaniwang hindi nakakaramdam ng pagkasira ng loob, sa sandaling may mangyaring hindi kanais-nais, sa sandaling madama mo na may nangyaring kamalasan, agad kang malulugmok sa pagkasira ng loob. Ang pagkasira ng loob na ito ay makakaapekto sa iyong normal na paghusga at pagpapasya, at maging sa iyong kaligayahan, galit, lungkot, at kasiyahan. Kapag ito ay nakaapekto sa iyong kaligayahan, galit, lungkot, at kasiyahan, guguluhin at sisirain nito ang pagganap mo sa iyong tungkulin, pati na rin ang iyong kalooban at pagnanais na sumunod sa Diyos. Kapag ang mga positibong bagay na ito ay nasira, ang ilang katotohanan na iyong naunawaan ay mawawala na parang bula at hindi talaga makakatulong sa iyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (2)). Sinasabi ng Diyos na ang paglalarawan sa anumang bagay na masama bilang “malas” at anumang bagay na mabuti bilang “masuwerte” o “kapaki-pakinabang” ay ang pananaw ng isang taong umaasal nang sobra-sobra, isang taong may mga maling perspektiba. Ganitong-ganito ako noon. Nang dumating ako sa iglesiang ito para gawin ang mga tungkulin ko at natuklasang mahina ang resulta ng iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, na walang pagpapahalaga sa kanilang mga pasanin ang mga tagadilig, na maraming baguhan ang negatibo at mahina, at na hindi nagkakaroon ng magagandang resulta ang gawain ng ebanghelyo, pakiramdam ko ay malas ako. Para magawa nang maayos ang gawain, nagpakaabala ako mula madaling araw hanggang dapit-hapon, nakipagtipon at nakipagbahaginan, at nagtalaga sa ibang mga tauhan. Makalipas ang ilang panahon, nang makita kong unti-unting umuusad sa positibong direksiyon ang gawain ng pagdidilig, natuwa ako at nagkaroon ng motibasyong gawin ang tungkulin ko. Pero kalaunan nang mailipat ang isang bihasang manggagawa ng ebanghelyo, at hindi nagtagal, nangyari ang isang malawakang pang-aaresto pagkatapos nito at hinuhuli ang mga manggagawa ng ebanghelyo, at walang maaaring makipagtulungan sa gawain ng ebanghelyo, nasadlak ako sa mga emosyon ng pagkasira ng loob at hindi ako makaipon ng lakas para gumawa ng anumang bagay. Ang ganitong mga pag-uugali ko ay nag-ugat mula sa mali kong perspektiba. Kapag nagbubunga ng magagandang resulta ang gawain at maayos ang takbo ng lahat, pakiramdam ko ay nakamit ko ang paghanga ng nakatataas na pamunuan, at masaya ako dahil dito. Pero kapag hindi nagbubunga ng magagandang resulta ang gawain at hindi nangyayari ang mga bagay-bagay ayon sa gusto ko, negatibo at mahina ang pakiramdam ko, sinisi ko ang kamalasan ko, at ginusto ko pa ngang isuko ang tungkulin ko. Naisip ko kung paanong hindi kailanman tinatanggap ng mga hindi mananampalataya bilang mula sa Diyos ang anumang bagay na nangyayari sa kanila, at kapag lumilitaw ang mga hindi kanais-nais na sitwasyon, nagrereklamo sila at nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos, at ipinagkakanulo pa nga Siya. Naunawaan ko na kung hindi mababago ang kalagayan ko, talagang nasa panganib din ako. Kaya, nagdasal ako sa Diyos, umaasang gagabayan Niya ako upang makaalis sa maling kalagayan kong ito.

Kalaunan, higit pa akong nagbasa ng mga salita ng Diyos: “Ang mga taong ito na laging nag-aalala kung sila ay suwerte o malas—tama ba ang paraan ng kanilang pagtingin sa mga bagay? Mayroon bang suwerte o malas? (Wala.) Ano ang batayan para sabihin na hindi umiiral ang mga ito? (Ang mga tao na ating nakakasalamuha at ang mga bagay na nangyayari sa atin araw-araw ay itinatakda ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Wala talagang suwerte o malas; lahat ng bagay ay nangyayari dahil sa pangangailangan at may kabuluhan sa likod nito.) Tama ba ito? (Oo, ito ay tama.) Ang pananaw na ito ay tama, at ito ang teoretikal na batayan para sabihing hindi umiiral ang suwerte. Anuman ang mangyari sa iyo, maging ito man ay maganda o masama, lahat ng ito ay normal lamang, tulad lang ng panahon sa apat na season—hindi puwedeng araw-araw ay maaraw. Hindi mo maaaring sabihing ang mga araw na masikat ang araw ay isinaayos ng Diyos, samantalang ang mga araw na maulap, ang ulan, hangin, at mga bagyo ay hindi. Ang lahat ay itinatakda ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at ito ay nagmumula sa natural na kalikasan. Ang natural na kalikasan na ito ay umuusbong ayon sa mga batas at tuntunin na isinaayos at itinakda ng Diyos. Lahat ng ito ay kinakailangan at mahalaga, kaya anuman ang lagay ng panahon, ito ay nagmula sa mga batas ng kalikasan at idinulot ng mga ito. Walang maganda o masama rito—ang mga damdamin lang ng mga tao tungkol dito ang maganda o masama. Hindi maganda ang pakiramdam ng mga tao kapag umuulan, mahangin, o maulap, o kapag umuulan ng yelo. Lalong ayaw ng mga tao kapag maulan at basa ang paligid, sumasakit ang mga kasu-kasuan nila at nanghihina sila. Maaaring hindi mo gusto ang mga araw na maulan, pero masasabi mo bang malas ang mga araw na maulan? Ito ay pakiramdam lamang na idinudulot ng panahon sa mga tao—walang kinalaman ang suwerte sa katunayan na umuulan sa araw na iyon. Maaaring sabihin mo na mainam kapag maaraw. Kung maaraw sa loob ng tatlong buwan, nang walang kahit isang patak ng ulan, maganda ang pakiramdam ng mga tao. Araw-araw nilang nakikita ang araw, at tuyo ang paligid at hindi maginaw at paminsan-minsan ay humahangin, at nakakalabas sila ng bahay kailanman nila gustuhin. Pero hindi ito nakakayanan ng mga halaman, at ang mga pananim ay namamatay dahil sa tagtuyot, kaya’t walang ani sa taon na iyon. Kaya, talaga bang maganda ito dahil lang sa pakiramdam mong maganda ito? Kapag dumating ang taglagas, at wala kang makain, sasabihin mo, ‘Naku po, hindi rin maganda na masyadong mahaba ang tag-araw. Kung hindi uulan, magdurusa ang mga pananim, walang maaaning pagkain, at magugutom ang mga tao.’ Sa puntong ito, mapagtatanto mo na hindi rin maganda ang walang katapusang tag-araw. Ang totoo, ang pagkagusto o hindi ng isang tao sa isang bagay ay batay sa kanyang sariling mga motibo, ninanais, at pansariling interes, sa halip na sa diwa ng bagay na iyon mismo. Kaya naman, ang batayan ng mga tao sa pagsukat kung ang isang bagay ay maganda ba o masama ay hindi tumpak. Dahil ang batayan ay hindi tumpak, ang pangwakas na mga kongklusyon na kanilang nabubuo ay hindi rin tumpak. Bumalik tayo sa paksa ng suwerte o malas, ngayon ay alam na ng lahat na ang kasabihang ito tungkol sa suwerte ay walang saysay, at na ito ay hindi maganda at hindi rin masama. Ang mga tao, pangyayari, at bagay na nakakaharap mo, maging ang mga ito man ay maganda o masama, ay pawang itinatakda ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, kaya dapat harapin mo nang wasto ang mga ito. Tanggapin mo ang magandang bagay mula sa Diyos, at tanggapin mo rin ang masamang bagay mula sa Diyos. Huwag mong sabihing suwerte ka kapag mabubuting bagay ang nangyayari, at na malas ka kapag masasamang bagay ang nangyayari. Masasabi lamang na mayroong mga aral na dapat matutunan ang mga tao sa lahat ng bagay na ito, at hindi nila ito dapat tanggihan o iwasan. Pasalamatan ang Diyos para sa mabubuting bagay, ngunit pasalamatan din ang Diyos para sa masasamang bagay, sapagkat ang lahat ng ito ay isinaayos Niya. Ang mabubuting tao, mga pangyayari, bagay, at kapaligiran ay nagbibigay ng mga aral na dapat matutunan nila, ngunit may mas higit pa na matututunan sa masasamang tao, mga pangyayari, bagay, at kapaligiran. Lahat ng ito ay mga karanasan at senaryo na dapat maging bahagi ng buhay ng isang tao. Hindi dapat gamitin ng mga tao ang ideya ng suwerte para sukatin ang mga ito. Kaya, ano ang mga iniisip at perspektiba ng mga taong gumagamit ng suwerte para sukatin kung ang mga bagay ay mabuti ba o masama? Ano ang diwa ng gayong mga tao? Bakit masyado nilang binibigyang-pansin ang suwerte at malas? Ang mga taong masyadong nakatuon sa suwerte ay umaasa ba na suwerte sila, o umaasa ba silang malas sila? (Umaasa silang suwerte sila.) Tama iyan. Sa katunayan, hinahangad nila ang suwerte at na mangyari sa kanila ang mabubuting bagay, at sinasamantala lang nila ang mga ito at pinakikinabangan ang mga ito. Wala silang pakialam kung gaano man magdusa ang iba, o kung gaano karaming paghihirap o suliranin ang kailangang tiisin ng iba. Ayaw nilang mangyari sa kanila ang anumang bagay na sa tingin nila ay malas. Sa madaling salita, ayaw nilang mangyari sa kanila ang anumang masama: walang mga dagok, pagkabigo o pagkapahiya, walang pagpupungos, walang kawalan, pagkatalo, o pagkalinlang. Kapag nangyari ang anuman sa mga iyon, iniisip nilang malas ito. Sinuman ang nagsaayos nito, kung mangyari ang masasamang bagay, malas ito. Umaasa sila na ang lahat ng mabubuting bagay—mula sa maiangat, mamukod-tangi, at ang masamantala ang iba, hanggang sa pakikinabang mula sa ibang bagay, kumita nang malaki, o maging opisyal na mataas ang ranggo—ay mangyayari sa kanila, at iniisip nila na suwerte iyon. Palagi nilang sinusukat batay sa suwerte ang mga tao, pangyayari, at bagay na nakahaharap nila. Hinahangad nila ang suwerte, hindi ang malas. Sa sandaling magkaroon ng aberya sa kaliit-liitang bagay, sila ay nagagalit, nayayamot, at hindi nasisiyahan. Sa mas prangkang pananalita, makasarili ang ganitong uri ng mga tao. Hinahangad nilang masamantala ang iba, makinabang, manguna, at mamukod-tangi. Masisiyahan sila kung sa kanila lang mangyayari ang lahat ng mabubuting bagay. Ito ang kanilang kalikasang diwa; ito ang tunay nilang mukha(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (2)). Mula sa mga salita ng Diyos, Nakita ko na madalas hinuhusgahan ng mga tao ang kanilang suwerte batay sa personal nilang pakinabang. Kung kapaki-pakinabang sa kanila ang sitwasyon, tinatawag nila itong “suwerte,” at kung hindi, tinatawag nila itong “kamalasan.” Ang mga taong may ganitong pag-iisip ay gusto lang ng mga pakinabang para sa kanilang sarili, at lubha silang makasarili. Sa realidad, mabuti ang bawat sitwasyon na isinasaayos ng Diyos, at walang gayong bagay na “suwerte” o “kamalasan.” Ang mga sitwasyong mukhang paborable o hindi paborable sa mga tao ay lahat naglalayong matuto ang mga tao ng mga aral at pawang nakakabuti sa kanilang buhay pagpasok. Katulad na lang ng panahon, ang mga tag-araw at tag-ulan na mga araw ay mahalaga sa sangkatauhan. Ang palagiang tag-araw ay madaling makatutuyo ng mga pananim, at ang matagal na pag-ulan ay makalulunod sa mga ito. Kaya, maaraw man o maulaw, lahat ng ito ay parte ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at nakakabuti para sa sangkatauhan. Dati kapag nahaharap ako sa mga bagay na hindi naaayon sa mga kahilingan ko, palagi kong iniisip na malas lang ako, pero ito ay dahil mayroon akong mga ambisyon at pagnanais sa loob ko at palagi kong hinahangad ang paghanga ng iba, at kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko, nakararamdam ako ng lungkot at kamalasan, nagmamaktol at nagrereklamo ako tungkol sa Diyos, at namumuhay sa isang kalagayan ng pagkasira ng loob. Sa pagninilay-nilay ko sa sarili ko, matapos akong dumating sa iglesiang ito, noong una ay ninais kong gawin nang maayos ang tungkulin ko para makamit ang paghanga ng iba, kaya nagtrabaho ako mula madaling araw hanggang takipsilim nang walang reklamo. Pero nang hindi umayon sa gusto ko ang mga bagay-bagay at naaresto ang mga manggagawa ng ebanghelyo, nag-alala ako na kung walang mga tao na nakikipagtulungan sa gawain, imposibleng magkakamit ng magagandang resulta, at nang hindi matugunan ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan, pakiramdam ko ay malas ako, at mabilis na naglaho ang dati kong sigasig. Naantala na ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesiang ito dahil sa kawalan ng tunay na gawain ng dating huwad na lider, at lalo pang nakahadlang sa normal na pag-usad ng marami sa mga gawain ang mga pag-aresto sa mga kapatid. Itinalaga ako ng nakatataas na pamunuan dito sa pag-asang maipapakita ko ang pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, maisusulong ang iba’t ibang aytem ng gawain, at mapoprotektahan ang mga interes ng iglesia. Pero nang makita ko ang malalaking suliraning kinakaharap ko, nasiraan ako ng loob, nawalan ng motibasyon para sa aking tungkulin, at nagreklamo tungkol sa aking “kamalasan.” Tunay na nasuklam ang Diyos dahil sa pag-uugali kong ito. Ang isang tao na tunay na tapat sa Diyos, kapag nakikita ang iglesia na nahaharap sa matinding pang-aaresto sa lahat ng mga kapatid na ito na hinuhuli, ay magbubuhos ng kanyang buong pagsisikap sa paggawa ng lahat ng kanyang makakaya, itinatalaga ang ibang mga tauhan, at binabawasan ang mga kawalan. Pero sa isang kritikal na panahon na gaya nito, nag-alala lang ako tungkol sa sarili kong reputasyon at katayuan. Tunay akong naging makasarili at walang konsensiya at pagkatao! Nauunawaan ko na ngayon na pinahintulutan ng Diyos na mangyari sa akin ang sitwasyong ito para mabago ang aking tiwaling disposisyon, dahil masyadong malaki ang pagpapahalaga ko sa reputasyon at katayuan, at kailangan ko ang sitwasyong ito para makatulong sa pagbunyag at pagbago sa akin.

Isang umaga, habang nagdedebosyonal ako, higit pa akong nagbasa ng mga salita ng Diyos: “Kapag binitiwan mo ang iyong mga ambisyon at ninanais, kapag hindi mo na tinututulan o iniiwasan ang anumang kasawian na iyong nararanasan, at hindi mo na sinusukat ang gayong mga bagay batay sa kung gaano ka kasuwerte o kamalas, marami sa mga bagay na dati mong itinuturing na kasawian at masama, ay iisipin mo na ngayon na mabuti—ang masasamang bagay ay magiging mabubuti. Ang iyong mentalidad at kung paano mo tingnan ang mga bagay-bagay ay magbabago, na magbibigay-daan sa iyo na magbago ng damdamin tungkol sa iyong mga karanasan sa buhay, at kasabay nito ay magkakamit ka ng iba’t ibang gantimpala. Ito ay isang kakaibang karanasan, isang bagay na magdadala sa iyo ng mga di-inaasahang gantimpala. Ito ay isang mabuting bagay, hindi masama. … Huwag mong hangarin ang diumano’y ‘suwerte’ at huwag mong tanggihan ang diumano’y ‘malas.’ Ibigay mo ang iyong puso at buong pagkatao sa Diyos, hayaan mong Siya ang kumilos at mamatnugot, at magpasakop ka sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos. Ibibigay sa iyo ng Diyos ang kailangan mo sa tamang sukat kapag kailangan mo na ito. Pamamatnugutan Niya ang mga kapaligiran, tao, pangyayari, at bagay na kinakailangan mo, ayon sa iyong mga pangangailangan at kakulangan, upang matuto ka ng mga aral na dapat mong matutunan mula sa mga tao, pangyayari, at bagay na iyong pagdaraanan. Siyempre, ang pangunahing kondisyon para sa lahat ng ito ay dapat may mentalidad ka ng pagpapasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (2)). Sinasabi ng Diyos na kapag huminto tayo sa pagtingin sa mga pangyayari bilang “suwerte” o “kamalasan,” maaari tayong makakuha ng di-inaasahang kabatiran sa mga sitwasyong isinasaayos ng Diyos para sa atin at makita ang mga gawa at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga karanasan. Samakatwid, kapag nahaharap sa masasamang sitwasyon, dapat nating tanggapin ang mga ito mula sa Diyos sa halip na subukang takasan o iwasan ang mga ito. Sa likod ng mga pangyayaring itinuturing ng mga tao na “masama,” palaging naroroon ang layunin ng Diyos at ang mga karanasang kailangan nating pagdaanan. Ginagamit ng Diyos ang gayong mga sitwasyon para sanayin tayo, pinahihintulutan ang buhay natin na lumago—ito ang Kanyang mabuting layunin. Napagtanto ko na kailangan kong itama ang aking maling perspektiba at gawin ang makakaya ko sa pamamagitan ng pag-asa sa Diyos. Naniniwala ako na ihahanda ng Diyos ang tamang mga tao para makipagtulungan sa gawain ng iglesia. Nang mag-isip ako nang ganito, bumuti nang husto ang kalagayan ko. Kaya, nagsimula akong maghanap ng mga taong tutulong sa gawain ng ebanghelyo. Noong panahong iyon, may isang sister na nakararamdam ng panghihina at pagkadismaya dahil sa mga pasanin sa pamilya. Nakipag-ugnayan kami sa kanya at nag-alok ng pakikipagbahaginan at suporta. Pagkatapos ng ilang panahon ng pagkikipagbahaginan, bumuti ang kalagayan niya at naging handa siyang akuin ang tungkulin niya. Naging handa rin ang isa pang sister na akuin ang mga tungkulin niya pagkatapos ng aming pakikipagbahaginan. Napagtanto ko na isinaayos ng Diyos ang kapaligirang ito para turuan akong gumawa ng tunay na gawain, tulad ng pakikipagbahaginan para lutasin ang mga isyu ng mga kapatid. Sa sandaling maunawaan nila ang layunin ng Diyos, aktibo silang makikipagtulungan. Higit pa rito, nakatulong sa atin ang kapaligirang ito na linangin ang mas maraming tao para simulang gawin ang kanilang mga tungkulin. Nagpapasalamat ako sa Diyos!

Noong Setyembre, bigla akong nakatanggap ng liham na nagsasabing naaresto ang diyakono ng ebanghelyo. Sa sumunod na mga araw, nagkaroon pa ng mas maraming balita ng pagkakaaresto sa mga kapatid. Naisip ko, “Kung kailan naayos na namin sa wakas ang pangkat at nakakita kami ng ilang resulta, inaaresto na naman ngayon ang mga manggagawa ng ebanghelyo. Bakit ba napakamalas ko? Paulit-ulit na lang na nangyayari sa akin ang mga kasawiang ito!” Pero napagtanto ko na hindi tama ang kalagayan ko, kaya dali-dali akong nagdasal sa Diyos nang tahimik, hinihiling sa Kanya na gabayan ako sa sitwasyong ito. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Ang totoo, ang pagkagusto o hindi ng isang tao sa isang bagay ay batay sa kanyang sariling mga motibo, ninanais, at pansariling interes, sa halip na sa diwa ng bagay na iyon mismo. Kaya naman, ang batayan ng mga tao sa pagsukat kung ang isang bagay ay maganda ba o masama ay hindi tumpak. Dahil ang batayan ay hindi tumpak, ang pangwakas na mga kongklusyon na kanilang nabubuo ay hindi rin tumpak. Bumalik tayo sa paksa ng suwerte o malas, ngayon ay alam na ng lahat na ang kasabihang ito tungkol sa suwerte ay walang saysay, at na ito ay hindi maganda at hindi rin masama. Ang mga tao, pangyayari, at bagay na nakakaharap mo, maging ang mga ito man ay maganda o masama, ay pawang itinatakda ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, kaya dapat harapin mo nang wasto ang mga ito. Tanggapin mo ang magandang bagay mula sa Diyos, at tanggapin mo rin ang masamang bagay mula sa Diyos. Huwag mong sabihing suwerte ka kapag mabubuting bagay ang nangyayari, at na malas ka kapag masasamang bagay ang nangyayari. Masasabi lamang na mayroong mga aral na dapat matutunan ang mga tao sa lahat ng bagay na ito, at hindi nila ito dapat tanggihan o iwasan. Pasalamatan ang Diyos para sa mabubuting bagay, ngunit pasalamatan din ang Diyos para sa masasamang bagay, sapagkat ang lahat ng ito ay isinaayos Niya. Ang mabubuting tao, mga pangyayari, bagay, at kapaligiran ay nagbibigay ng mga aral na dapat matutunan nila, ngunit may mas higit pa na matututunan sa masasamang tao, mga pangyayari, bagay, at kapaligiran. Lahat ng ito ay mga karanasan at senaryo na dapat maging bahagi ng buhay ng isang tao. Hindi dapat gamitin ng mga tao ang ideya ng suwerte para sukatin ang mga ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (2)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na madalas hinuhusgahan ng mga tao kung mabuti ba o masama ng isang sitwasyon batay sa kanilang mga personal na pagnanais at mga interes, hindi batay sa katotohanan. May pahintulot ng Diyos ang nangyaring pag-aresto sa diyakono ng ebanghelyo; isinasaayos ng Diyos kung sino ang huhulihin ayon sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pamamatnugot, at ang mga ito ay mga karanasang kailangang pagdaanan ng mga tao. Dapat akong magpasakop, asikasuhin ang kalalabasan, at gawin ang aking makakaya para makipagtulungan. Pagkatapos nito, sinimulan kong pangasiwaan ang kinalabasan. Kalaunan, nalaman ko na ang lider ng pangkat ng ebanghelyo ay nagpatuloy sa pagtitipon at pangangaral ng ebanghelyo kasama ang tatlong baguhan. Hindi sila natakot sa malaking pulang dragon, at naging mas epektibo pa nga kaysa dati ang kanilang gawain ng ebanghelyo. Higit pa roon, may ilang sister na nagkusang gumawa sa kanilang mga tungkulin, dahil sa kanilang pag-aalala tungkol sa epekto sa gawain sa iglesia. Nang makita ko ang lahat ng ito, labis akong naantig. Napagtanto ko na may layunin ang bawat sitwasyong isinasaayos ng Diyos. Ang mga naaresto ay may mga karanasang kailangan nilang pagdaanan, at ang mga hindi naaresto ay may mga patotoong kailangang ibigay. Ginagamit ng Diyos ang pag-uusig ng malaking pulang dragon para magserbisyo sa pagpeperpekto sa mga tao.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, naunawaan ko na ang mga sitwasyong ito ay hindi nangyari dahil lang sa “kamalasan” o dahil matataas ang mga hinihingi ng Diyos sa akin. Sa halip, ginagamit ng Diyos ang mga ito para dalisayin at baguhin ako. Nang ayusin ko ang aking pag-iisip at tunay na nakipagtulungan, nakita ko ang paggawa ng Diyos. Hangga’t taos-puso akong nagdarasal at buong-pusong ginagawa ang mga tungkulin ko, magbubukas ang Diyos ng landas para sa akin. Sa hinaharap, handa akong patuloy na umasa sa Diyos para tuparin ang mga tungkulin ko.

Sinundan:  25. Pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa Panahon ng Pandemya

Sumunod:  28. Humahantong ba sa Isang Masayang Buhay ang Paghahangad sa Kasikatan at Pakinabang?

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger