29. Ang Salita ng Diyos ang Nag-akay sa Akin Upang Bitawan ang Aking mga Pag-aalinlangan

Ni Bai Lu, Tsina

Isang araw sa kalagitnaan ng Nobyembre 2023, nakatanggap ako ng isang liham mula sa nakatataas na pamunuan, na nagsasabing ibinoto ako ng mga kapatid para maging lider ng distrito at nagtatanong kung handa ba akong gampanan ang tungkuling ito. Sa harap ng hindi inaasahang tungkuling ito, biglang nabagabag ang puso ko at naisip ko, “Katamtaman lang ang kakayahan ko at hindi ako mahusay magsalita. Bagaman dati na akong naging lider at manggagawa, medyo may kakulangan ako sa pakikipagbahaginan ng katotohanan para malutas ang mga problema, at hindi ko kaagad tinanggal ang mga huwad na lider noong ako ay tagapangaral, na nagdulot ng kaguluhan sa iglesia at nag-iwan sa akin ng mga pagsalangsang. Ngayon, napili ako bilang lider ng distrito. Alam kong sa tungkuling ito ay kakailanganin ko na makipagbahaginan ng katotohanan para mas malutas pa ang mga isyu, at kakailanganin kong patnubayan ang iba’t ibang aytem ng gawain at magkaroon ng pagkilatis sa mga tao. Makakaya ko ba ito? Kung hindi ko nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, ginagambala at ginugulo ang gawain, at mauuwi ako sa pagkakatanggal, hindi lang ang tunay kong kakayahan ang mabubunyag, kundi mag-iiwan din ako ng malalaking pagsalangsang, at maaaring hindi ako magkaroon ng mabuting kakalabasan o hantungan.” Patuloy akong nag-aalinlangan at tinatanong ang sarili, “Dapat ko ba itong tanggapin o hindi?” Nang gabing iyon, papalit-palit ako ng puwesto sa kama, hindi makatulog. Ang pag-iisip na tanggapin ang tungkuling ito ay parang isang bundok na dumadagan sa akin, at palagi akong natatakot na kung hindi ko magagampanan nang maayos ang tungkuling ito, mabubunyag at matatanggal ako. Kaya dumulog ako sa Diyos upang manalangin, “Diyos ko! Alam ko na ang tungkuling ito ay pagtataas Mo sa akin, at dapat akong magpasakop nang walang kondisyon, pero patuloy kong iniisip ang hinaharap at ang kinabukasan at landas ko, at kaya hindi ako makapagpasakop. Pakiusap, bigyang-liwanag Mo ako para maunawaan ang Iyong layunin.”

Kinabukasan, sa aking debosyonal, nabasa ko ang isang sipi mula sa Salita ng Diyos: “Ngayon, kung ano ang kinakailangan sa inyo na kamtin ay hindi mga karagdagang hinihingi, kundi ang tungkulin ng tao, at ang kailangang gawin ng lahat ng tao. Kung kayo ay walang kakayahan na gampanan man lamang ang inyong tungkulin, o magawa ito nang mainam, hindi ba’t pinahihirapan ninyo lamang ang inyong mga sarili? Hindi ba’t sinusuyo ninyo ang kamatayan? Paano pa kayo makakaasa na magkaroon ng hinaharap at mga posibilidad? Ang gawain ng Diyos ay ginagawa para sa kapakanan ng sangkatauhan, at ang pakikipagtulungan ng tao ay ibinibigay para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos. Pagkatapos na nagawa ng Diyos ang lahat ng nararapat Niyang gawin, ang tao ay kinakailangang maging pursigido sa kanyang pagsasagawa, at makipagtulungan sa Diyos. Sa gawain ng Diyos, ang tao ay hindi dapat magkulang sa pagsisikap, nararapat mag-alay ng kanyang katapatan, at hindi dapat magpasasa sa napakaraming kuru-kuro, o maupo nang walang-kibo at maghintay ng kamatayan. Kayang isakripisyo ng Diyos ang Kanyang Sarili para sa tao, kaya bakit hindi maibigay ng tao ang kanyang katapatan sa Diyos? May iisang puso at isip ang Diyos tungo sa tao, kaya bakit hindi makapag-alok ng kaunting pakikipagtulungan ang tao? Gumagawa ang Diyos para sa sangkatauhan, kaya bakit hindi magampanan ng tao ang ilan sa mga tungkulin niya para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos? Nakarating na ang gawain ng Diyos nang ganito kalayo, gayunman kayo ay nakakakita pa rin ngunit hindi kumikilos, kayo ay nakakarinig ngunit hindi gumagalaw. Hindi ba’t ang mga taong ganyan ay ang mga layon ng kapahamakan? Nailaan na ng Diyos ang Kanyang lahat para sa tao, kaya bakit, ngayon, hindi pa rin magampanan ng tao nang masigasig ang kanyang tungkulin? Para sa Diyos, ang Kanyang gawain ay ang Kanyang uunahin, at ang gawain ng Kanyang pamamahala ay ang pinakamahalaga. Para sa tao, ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pagtupad sa mga kinakailangan Niya ay kanyang unang prayoridad. Ito ay dapat maunawaan ninyong lahat(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang tungkuling ito ay isang pagtataas mula sa Diyos at isang responsabilidad na hindi ko dapat takasan. Kung iiwasan o tatanggihan ko ang tungkuling ito para pangalagaan ang aking kinabukasan at hantungan, mawawala ang tunay na kahalagahan ng buhay ko bilang isang nilikha, at kung mangyayari iyon, ang pananampalataya sa Diyos hanggang sa huli ay hindi pa rin hahantong sa Kanyang pagsang-ayon sa kahuli-hulihan. Naalala ko ang aking nakaraan bilang isang mangangaral noong nanggambala at nanggulo ako sa gawain at nagsalangsang, pero hindi ako tinrato ng Diyos ayon sa mga pagsalangsang ko. Ngayon, binibigyan pa rin ako ng iglesia ng pagkakataon na gampanan ang tungkulin ko bilang isang lider, kaya hindi ko na ito maiiwasan pa. Naisip ko, “Medyo kulang ako sa pakikipagbahaginan sa katotohanan para lutasin ang mga problema. Mahaharap ako sa lahat ng uri ng pagsubok at problema sa papel ng isang lider, at magkakaroon ako ng maraming pagkakataon para maisagawa ang paglutas ng mga problema sa pamamagitan ng katotohanan. Hindi ba ito mas mainam na paraan para makapagsanay at makabawi ako sa mga pagkukulang ko? Hindi lang nito mapapabuti ang mga propesyonal na kasanayan ko sa iba’t ibang gampanin, kundi magkakaroon din ako ng pag-unlad sa pagkilatis sa mga tao. Kasabay nito, magbibigay rin ito ng motibasyon sa akin na magtuon sa paghahangad sa katotohanan sa tungkulin ko para maiwaksi ko ang aking tiwaling disposisyon. Hindi ba ito pagbibigay ng pabor sa akin ng Diyos?” Nakita ko kung gaano kadakila ang pagmamahal ng Diyos, at alam ko na kung mananatili akong makasarili at kasuklam-suklam, at susubukang pangalagaan ang sarili sa pamamagitan ng pagtanggi ko sa aking tungkulin, ipagkakanulo ko ang mabubuting layunin ng Diyos. Sa paggawa nito, talagang wala akong pagkatao!

Naisip ko ang isang sipi sa mga salita ng Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o nagdurusa ng kasawian. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa mga pagpapalang natatamasa ng isang tao kapag siya ay ginawang perpekto matapos makaranas ng paghatol. Ang pagdurusa sa kasawian ay tumutukoy sa kaparusahang natatanggap ng isang tao kapag ang kanyang disposisyon ay hindi nagbago matapos siyang sumailalim sa pagkastigo at paghatol—ibig sabihin, kapag hindi niya nararanasan na magawang perpekto. Ngunit nakatatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdurusa sa kasawian, dapat tuparin ng mga nilikha ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahangad sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang makatanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na magdusa ng kasawian. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik. Sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas nagagawa mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan kang matatanggap, at magiging mas totoo ang iyong pagpapahayag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Malinaw na sinasabi ng mga salita ng Diyos na anuman ang tungkulin ng isang tao, wala itong kaugnayan sa kanilang pagtanggap ng mga pagpapala o kasawian. Bilang isang nilikha, ang paggawa ng tungkulin ng isang tao ay ganap na likas at may katiwran, ito ay responsabilidad nati bilang tao, at dapat itong tanggapin at sundin ng mga tao nang walang kondisyon. Nagkamali ako ng inisip na ang mga lider ay mabilis na nabubunyag at itinitiwalag, pero sa realidad, kahit hindi ako naging lider, kung hindi ko hinangad ang katotohanan at tinahak ang maling landas, hindi ba mauuwi rin ako sa pagkakabunyag at pagkakatiwalag? Matagal nang sinabi ng Diyos na ang pagtupad sa tungkulin ay walang kinalaman sa pagtanggap ng mga pagpapala o kasawian; ang mahalaga ay kung hinahangad at iniibig ba ng isang tao ang katotohanan. Ngayon na hinirang ako ng mga kapatid upang maging lider ng distrito, dapat ko muna itong tanggapin at isagawa, at tungkol naman sa mga problema at pagkukulang ko sa tungkulin, maaari akong maghanap ng mga solusyon kasama ang mga katuwang ko na sister, at kung may mga bagay na hindi pa malinaw, maaari rin akong humingi ng gabay mula sa mas nakatataas na pamunuan. Kaya, sumagot ako na handa akong gampanan ang tungkuling ito. Nang isagawa ko ito, naramdaman ko ang kapanatagan at kapayapaan sa aking puso.

Isang umaga, nakapanood ako ng isang video ng patotoong batay sa karanasan na may pamagat na “Ano ang Nasa Likod ng Pagtangging Maging Lider,” at may isang sipi mula sa mga salita ng Diyos sa video na talagang tumugma sa aking kalagayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag may ginawang maliit na pagbabago sa kanilang tungkulin, dapat tumugon ang mga tao nang may saloobin ng pagsunod, gawin ang ipinagagawa sa kanila ng sambahayan ng Diyos, at gawin ang makakaya nila, at, anuman ang gawin nila, gawin ito nang maayos sa abot ng makakaya nila, nang buong puso nila at buong lakas nila. Ang ginawa ng Diyos ay walang pagkakamali. Ang ganoon kasimpleng katotohanan ay maaaring isagawa ng mga tao na may kaunting konsensiya at katwiran, ngunit lampas ito sa mga kakayahan ng mga anticristo. Pagdating sa pag-aakma ng mga tungkulin, agad magbibigay ang mga anticristo ng mga argumento, panlilinlang, at pagtutol, at sa kanilang kaibuturan ay ayaw nilang tanggapin iyon. Ano ba talaga ang nasa puso nila? Paghihinala at pagdududa, pagkatapos ay sinusuri nilang mabuti ang iba gamit ang lahat ng uri ng pamamaraan. … Bakit nila gagawing napakakumplikado ang isang simpleng bagay? Iisa lamang ang dahilan: Hindi kailanman sinusunod ng mga anticristo ang mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at palagi nilang mahigpit na iniuugnay ang kanilang tungkulin, kasikatan, pakinabang, at katayuan sa inaasam nilang pagtamo ng mga pagpapala at sa kanilang hantungan sa hinaharap, na para bang sa sandaling mawala ang kanilang reputasyon at katayuan, wala na silang pag-asang magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at pakiramdam nila ay katulad ito ng mawalan ng buhay. Iniisip nila, ‘Kailangan kong mag-ingat, hindi ako dapat maging pabaya! Ang sambahayan ng diyos, ang mga kapatid, ang mga lider at manggagawa, at maging ang diyos ay hindi maaasahan. Hindi ko mapagkakatiwalaan ang sinuman sa kanila. Ang taong pinakamaaasahan mo at ang pinakakarapat-dapat mong pagkatiwalaan ay ang iyong sarili. Kung hindi ka nagpaplano para sa iyong sarili, sino ang mag-aasikaso sa iyo? Sino ang mag-iisip sa kinabukasan mo? Sino ang mag-iisip kung makatatanggap ka ba ng mga pagpapala o hindi? Kaya, kailangan kong magplano at magkalkula nang maingat para sa sarili kong kapakanan. Hindi ako puwedeng magkamali o maging pabaya kahit kaunti, kung hindi, ano ang gagawin ko kung may sumubok na manamantala sa akin?’ Kaya, nagiging mapagbantay sila laban sa mga lider at manggagawa ng sambahayan ng Diyos, natatakot na may makakilatis o makahalata sa kanila, at na pagkatapos ay matatanggal sila at masisira ang mga pinapangarap nilang pagpapala. Iniisip nila na dapat nilang panatilihin ang kanilang reputasyon at katayuan para magkaroon sila ng pag-asang magkamit ng mga pagpapala. Itinuturing ng isang anticristo ang pagiging pinagpala na higit pa kaysa sa kalangitan, higit pa kaysa sa buhay, mas mahalaga pa kaysa sa paghahangad ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, o personal na kaligtasan, at mas mahalaga pa kaysa sa maayos na paggawa sa kanilang tungkulin, at pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan. Iniisip niya na ang pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan, ang paggawa nang mabuti sa kanyang tungkulin at pagkaligtas ay pawang mumunting mga bagay na hindi na kailangang banggitin o pagkomentuhan pa, samantalang ang pagtatamo ng mga pagpapala ay ang tanging bagay sa buong buhay niya na hindi kailanman malilimutan. Sa anumang masagupa niya, gaano man kalaki o kaliit, inuugnay niya ito sa pagiging pinagpala, at napakaingat at napakaalisto niya, at lagi siyang may nakahandang malulusutan para sa kanyang sarili(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na kapag ang isang anticristo ay itinatalaga sa ibang tungkulin, hindi nila isinasaalang-alang kung paano magpapasakop sa Diyos at susundin ang Kanyang layunin, kundi unang iniisip kung ang tungkuling ito ay makakabuti sa kanilang reputasyon o katayuan, o kung ito ay makakaapekto sa kanilang kalalabasan at kahahantungan. Nakita ko na ang mga anticristo ay nananampalataya sa Diyos para sa mga pagpapala at pakinabang, at mas pinahahalagahan nila ang pagtanggap ng mga pagpapala kaysa sa maayos na pagtupad sa kanilang tungkulin. Naisip ko sa aking sarili, “Hindi ba kapareho rin ng sa isang anticristo ang naging pagbubunyag ko sa muling pagtatalaga sa akin sa ibang tungkulin?” Dapat sana’y naging mapagpasalamat ako sa pagtaas ng Diyos sa akin sa pagbibigay ng pagkakataong magsanay bilang isang lider ng distrito, at dapat ay ginawa ko nang maayos ang aking tungkulin upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ngunit paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili, “Noong ako ay isang mangangaral, sumalangsang ako dahil hindi ko agad tinanggal ang mga huwad na lider. Kung magiging lider ako ng distrito at magkakaroon ng mas maraming responsabilidad, hindi ba’t mas lalo akong magsasalangsang at mabubunyag nang mas mabilis? Kung may mangyayaring hindi maganda, mawawasak ang pag-asa ko na makatanggap ng mga pagpapala sa aking pananalig.” Para maprotektahan ang hinaharap at kahahantungan ko, gusto kong iwasan ang tungkuling ito. Isa lamang itong normal na pagtatalaga sa akin sa ibang tungkulin, pero nagkamali ako ng inakala na gusto akong ibunyag at itiwalag ng Diyos sa pamamagitan ng tungkuling ito. Nagkamali ba ako ng pagkaunawa sa Diyos? Noon, inakala kong dalisay ang aking puso sa pananalig, at anuman ang tungkuling ipagkaloob sa akin ng simbahan, ako ay nagpapasakop, pero iyon ay dahil hindi nito naaapektuhan ang mga interes ko. Ngayon na nararamdaman kong ang tungkuling ito ay sumasakop sa hinaharap at hantungan ko, gusto ko itong tanggihan. Nakita ko na ganap na wala akong pagkatao, at na isa lamang akong kasuklam-suklam at makasariling tao na naghahangad lamang ng pakinabang! Sa realidad, tinanggal ako bilang isang tagapangaral hindi dahil sa posisyon ko, kundi dahil hinangad ko ang reputasyon at katayuan at hindi ako gumawa ng aktuwal na gawain. Gayumpaman, hindi ako itiniwalag ng sambahayan ng Diyos dahil dito, sa halip ay binigyan ako ng pagkakataong magnilay at magsisi, at patuloy akong binigyan ng tungkulin. Naisip ko rin ang mga anticristong pinatalsik mula sa iglesia, na hindi nabunyag at natiwalag dahil lang sa matataas nilang posisyon, kundi dahil tanging reputasyon at katayuan ang kanilang hinangad, bumuo ng mga paksyon, nagpasimuno ng inggitan at alitan, sa gayon ay nagdulot ng pagkagambala at kaguluhan sa gawain. Kahit matapos na makipagbahaginan sa kanila, matigas pa rin ang kanilang pagtanggi na magsisi, at doon lamang sila tuluyang itiniwalag. Mula rito, nakita ko na kung ang isang tao ay hindi naghahangad ng katotohanan, siya ay mabubunyag at matitiwalag anuman ang tungkuling ginagampanan niya.

Kaya tinanong ko ang aking sarili, “Ano pang maling pananaw ang nagiging dahilan ng aking pag-aalinlangan na maging lider ng distrito?” Di naglaon, napagtanto ko na inakala kong ang pagiging isang lider ng distrito ay nangangahulugan ng pagiging responsable sa lahat ng gawain, at na dapat ay kaya kong gabayan ang mga kasanayang propesyonal sa iba’t ibang aytem ng gawain at na marunong akong kumilatis ng tao, kung hindi ay hindi ako magiging karapat-dapat sa tungkuling ito. Gayumpaman, marami akong kakulangan pagdating sa mga teknikal na kasanayan. Dahil dito, palagi kong gustong iwasan ang tungkuling ito. Naaayon ba sa katotohanan ang pananaw na ito? Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Bilang isang lider, matapos isaayos ang gawain, dapat mong subaybayan ang pag-usad ng gawain. Kahit hindi ka pamilyar sa larangang iyon ng gawain—kahit wala kang anumang kaalaman tungkol dito—makakahanap ka ng paraan para magawa ang gawain mo. Makakahanap ka ng isang taong tunay na nakakaarok dito, na nakakaunawa sa naturang propesyon, para magsuri at magbigay ng mga mungkahi. Mula sa kanilang mga mungkahi matutukoy mo ang angkop na mga prinsipyo, kaya magagawa mong subaybayan ang gawain(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (4)). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa. Bagaman kulang pa rin ako sa kasanayan sa maraming teknikal na aspeto ng tungkulin ko bilang lider ng distrito, hindi kailanman sinabi ng Diyos na dapat maunawaan ng isang tao ang bawat kasanayan upang magampanan ang tungkuling ito. Ang layunin ng Diyos ay para ituon ko ang aking sarili sa paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo habang aktuwal na nagsasanay, para mapunan ang mga kakulangan ko, at unti-unting makapasok sa mga katotohanang realidad. Dahil kulang ako sa mga teknikal na kasanayan, dapat akong makipagtulungan sa mga kapatid na nakakaunawa ng mga ito, at magkakasama naming mahahanap ang mga katotohanang prinsipyo para malutas ang mga paglihis at isyu sa aming gawain, at kung may mga bagay na talagang hindi ko maunawaan, maaari akong humingi ng tulong sa nakatataas na pamunuan. Kung tunay kong gagawin ang aking makakaya upang makipagtulungan, at sa huli ay malaman kong talagang hindi sapat ang tayog at kakayahan ko para sa tungkuling ito, maaari akong magbitiw at hilingin sa mga lider na bigyan ako ng mas angkop na tungkulin. Ang pag-unawa sa layunin ng Diyos ay nagbigay-liwanag sa aking puso, at tuluyan kong binitawan ang aking mga alalahanin at pangamba.

Noong Enero 2024, nalaman ng nakatataas na pamunuan na hindi naging maganda ang resulta ng gawain ng pagdidilig na aking pinangangasiwaan, at na ang mga tagadilig ay hindi umuusad at hindi nakatuon sa paglilinang ng mga bagong mananampalataya, kaya sumulat sila para alamin kung nararanasan ba namin ang mga problemang ito at kung paano namin sinusubaybayan ang gawain ng pagdidilig. Nagulat ako at naisip, “Ako ang pangunahing responsable sa gawain ng pagdidilig, at abala ako araw-araw. Paano ko hindi napansin ang mga problemang ito sa aking gawain? Mukhang talagang kulang ang kakayahan ko sa gawain.” Muli akong nabahala at naisip, “Kung hindi maayos na nadidiligan ng mga tagadilig ang mga baguhan at sila ay lumisan, hindi ba ako sumalangsang Hindi ba nangangahulugan ito na hindi magiging maganda ang kalalabasan ko?” Napagtanto ko na muli ko na namang isinasaalang-alang ang kalalabasan at hantungan ko, kaya inalala ko ang ilang salita ng Diyos: “Dapat ninyong tuparin ang inyong sariling tungkulin nang may bukas at tapat na mga puso, at maging handang magbayad ng anumang kinakailangang halaga. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi tatratuhin nang masama ng Diyos ang sinuman na nagdusa o nagbayad ng halaga para sa Kanya. Ang ganitong uri ng paniniwala ay karapat-dapat na panghawakan, at nararapat lamang na hindi ninyo ito kailanman kalimutan. Sa ganitong paraan lamang mapapalagay ang isipan Ko ukol sa inyo. Kung hindi, magpakailanman kayong magiging mga taong sanhi ng hindi pagkapalagay ng isipan Ko, at magpakailanman kayong magiging mga pakay ng Aking pag-ayaw. Kung masusunod ninyong lahat ang inyong konsensiya, at ibibigay ang inyong lahat para sa Akin, nang walang hindi pagsusumikapan para sa Aking gawain, at mag-uukol ng buong buhay na pagsusumikap sa Aking gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t laging lulukso sa tuwa ang Aking puso dahil sa inyo? Sa ganitong paraan, lubos Kong mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, hindi ba?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan). Ang layunin ng Diyos ay ang maperpekto tayo para makapasok tayo sa lahat ng aspekto ng katotohanan habang ginagampanan natin ang ating mga tungkulin. Nagnilay ako sa aking kabiguan sa paggawa ng aktuwal na gawain. Hindi ko agad natugunan ang mga paglihis at problema sa gawain ng pagdidilig, na nakaapekto sa pagiging epektibo ng pagdidilig sa mga baguhan. Kailangan kong agad na itama ang mga paglihis na ito at lutasin ang mga isyung ito. Tanging sa ganitong paraan ko tunay na matutupad ang aking mga responsabilidad. Kaya, tapat kong iniulat sa nakatataas na pamunuan ang mga paglihis at problema sa aking gawain, at aktuwal kong hinarap ang kalagayan ng mga tagadilig at ang mga isyu ng mga baguhan. Napagtanto rin ng mga tagadilig ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa katotohanan, at natagpuan nila ang landas ng pagsasagawa sa kanilang tungkulin. Naramdaman ko na kung kaya nating bitiwan ang ating pagiging mapagbantay laban sa Diyos, hindi isinasaalang-alang ang ating hinaharap at hantungan, at buong pusong italaga ang ating sarili sa ating tungkulin, sa paggawa natin ng mga tungkulin ay makikita natin ang paggabay ng Diyos.

Sinundan:  28. Humahantong ba sa Isang Masayang Buhay ang Paghahangad sa Kasikatan at Pakinabang?

Sumunod:  30. Naglakas-loob Na Ako Ngayong Harapin ang Aking mga Problema

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger