30. Naglakas-loob Na Ako Ngayong Harapin ang Aking mga Problema

Ni Yuxun, Tsina

Isang araw noong Setyembre 2023, nakatanggap ako ng liham mula sa mga nakatataas na lider, na nagsasabing hindi maganda ang mga resulta ng iba’t ibang aytem ng gawain ng aming iglesia, at tinanong nila kung paano namin sinusubaybayan ang gawain at kung anong mga problema ang natukoy namin sa mga larangan tulad ng gawain ng ebanghelyo, gawain ng pag-aalis, at gawaing nakabatay sa teksto. Tinanong din nila kung paano namin tinugunan ang mga isyung ito at kung ano ang aming mga plano sa hinaharap. Habang binabasa ang mga tanong sa liham, naisip ko, “Pangunahin kong responsabilidad ang pagsubaybay sa ilan sa mga gawaing itinatanong ng mga lider, ngunit namumuhay ako sa isang kalagayan ng pagpapakasasa sa kaginhawahan. Sa tuwing naiisip kong gumawa ng detalyadong gawain o lumutas ng mga aktuwal na problema at kung paanong kakailanganin nito na hanapin ko ang katotohanan at paglaanan ito ng pagsisikap at masusing pagninilay, at kung gaano ito makakaubos ng lakas ng isip, nag-aatubili akong gumugol ng pagsisikap at lakas para lutasin ang mga bagay na ito. Kontento na ako sa pagsubaybay at pag-apura sa pag-usad ng iba’t ibang aytem ng gawain at bihirang sumubaybay sa detalyadong gawain. Ngunit kung sasabihin ko ito sa aking feedback sa mga lider at makita nilang wala akong pagkaunawa sa ganito at ganoong gawain na aking pinangangasiwaan, o na hindi ko naipatupad ang ganito at ganoong gampanin, ano na lang ang iisipin nila sa akin? Tiyak na iisipin nilang kulang ako sa pagpapahalaga sa pasanin para sa aking mga tungkulin at hindi ako gumagawa ng aktuwal na gawain, at baka tanggalin pa nila ako. Kung malalaman ito ng mga kapatid, mapapahiya ako! Hindi, mas marami na lang akong sasabihin tungkol sa gawaing alam ko, para makita ng mga lider na bagama’t hindi maganda ang mga resulta ng aming gawain, may nagawa naman kami. Sa gayon, hindi ko na kailangang mag-alala na matanggal.” Ngunit pagkatapos ay naisip ko, “May ilang gampaning hindi natapos, at iyon na nga ang nangyari. Kung ang mabubuti lang ang babanggitin ko at hindi kailanman ang masama, hindi ba’t nanlilinlang ako? Hindi, hindi ko puwedeng gawin iyan.” Sobrang nagtatalo ang kalooban ko, na para bang may mabigat na batong nakadagan sa akin. Tinanong ko ang sarili ko, “Paano ko sasagutin ang liham na ito?” Kaya nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, sumulat ang mga lider para magtanong kung kumusta na ang aking gawain. Hindi ako gumawa ng aktuwal na gawain at nag-aalala akong tatanggalin ako ng mga lider kung malalaman nila. Nag-aalala ako sa aking dangal at katayuan, at nag-aatubili akong magsabi ng totoo dahil dito. Hindi ko alam kung paano ako dapat magsagawa. Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo ako.”

Kinaumagahan, naalala ko ang isang sipi ng pagbabahagi ng Diyos tungkol sa mga lider na nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain, kaya hinanap ko ito at binasa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Isang magandang bagay kung matatanggap mong pangasiwaan, obserbahan, at subukang unawain ka ng sambahayan ng Diyos. Makakatulong ito sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, sa pagkakaroon mo ng kakayanang magawa ang iyong tungkulin nang pasok sa pamantayan at para matugunan ang mga layunin ng Diyos. Kapaki-pakinabang at nakakatulong ito sa iyo, nang wala talagang negatibong epekto. Kapag naunawaan mo na ang prinsipyong ito, hindi ba’t hindi ka na makakaramdam ng paglaban o pagbabantay laban sa pangangasiwa ng mga lider, manggagawa, at mga taong hinirang ng Diyos? Bagama’t paminsan-minsan ay sinusubukan kang unawain ng isang tao, inoobserbahan ka, at pinangangasiwaan ang gawain mo, hindi mo ito dapat personalin. Bakit Ko sinasabi ito? Dahil ang mga gampaning nasa iyo ngayon, ang tungkuling ginagampanan mo, at anumang gawaing ginagawa mo ay hindi mga pribadong gawain o personal na trabaho ng sinumang tao; may kinalaman ang mga ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos at may kaugnayan sa isang bahagi ng gawain ng Diyos. Samakatwid, kapag may sinumang gumugugol ng kaunting oras para pangasiwaan o obserbahan ka, o umuunawa sa iyo nang malalim, sumusubok na kausapin ka nang masinsinan at tuklasin kung ano ang naging kalagayan mo sa panahong ito, at kapag medyo mabagsik pa kung minsan ang kanilang saloobin, at pinupungusan, dinidisiplina, at pinagsasabihan ka nila nang kaunti, lahat ng ito ay dahil matapat at responsable sila sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi ka dapat magkaroon ng anumang negatibong saloobin o emosyon tungkol dito(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (7)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kahit ginagawa natin ang ating mga tungkulin, hindi pa nagbabago ang ating mga tiwaling disposisyon. Madalas na pabasta-basta ang pagharap natin sa ating mga tungkulin, at ginagawa ang mga bagay ayon sa sarili nating kalooban. Responsabilidad ng mga lider na pangasiwaan at subaybayan ang gawain, at tuklasin at lutasin ang mga problema sa tamang oras, at ito ay ganap na para sa layuning protektahan ang gawain ng iglesia. Naging pabasta-basta at pabaya ako sa aking mga tungkulin. Pinangasiwaan at sinubaybayan ng mga lider ang aming gawain, at hiniling sa aming ibuod ang aming mga paglihis at gawin ang aming mga tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo, na kapaki-pakinabang para sa aming mga tungkulin. Ngunit hindi ko ito itinrato nang tama at nanatili akong mapagbantay. Inakala kong sa pamamagitan ng pag-alam sa aking gawain, layon ng mga lider na hanapin ang aking mga problema at tanggalin ako. Para protektahan ang aking dangal at katayuan, nagpakatuso ako, binabanggit ko lang ang gawaing nagawa ko na at hindi masyadong isinusulat ang tungkol sa hindi ko nagawa sa pagtatangkang mapagtakpan ang katotohanang hindi ako gumawa ng aktuwal na gawain. Talagang naging napakamapanlinlang ko! Hindi ko puwedeng gawin ito. Kinailangan kong linawin kung aling mga aspekto ng aking mga responsabilidad ang kasalukuyan ko nang naaasikaso, at alin ang hindi ko pa natutugunan o nasusubaybayan. Kinailangan kong magbigay ng feedback sa mga lider batay sa aktuwal na sitwasyon, para makapagbigay ang mga lider ng pagbabahagi at paggabay na may kaugnayan sa aming mga paglihis. Makakatulong ito sa akin sa aking mga tungkulin. Kaya iniulat ko nang tapat ang sitwasyon ng aming pagsubaybay sa gawain at ipinaliwanag ko rin ang aming mga plano para sa gawaing hindi namin nasubaybayan. Pagkatapos, pinagtuonan ko ang pag-alam at pagsubaybay sa mga detalye ng gawaing hindi ko pa nasusubaybayan dati. Sa pamamagitan ng komunikasyon, ilang kapatid din ang nagnilay sa kanilang mga paglihis at pagkukulang sa kanilang mga tungkulin at naging handang magbago at magsumikap para sa kanilang pagpasok. Sa pamamagitan ng pagsubaybay at pag-alam ng mga lider sa gawain, natuklasan ko ang ilan sa sarili kong mga problema. Nagkaroon ako ng kaunting direksyon at layunin para sa aking mga tungkulin, at bumuti ang kahusayan ko sa aking mga tungkulin.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos, at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa tungkol sa aking takot sa mga lider na nangangasiwa sa aking gawain. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung kayo ay isang lider o manggagawa, natatakot ba kayong tanungin at pangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang inyong gawain? Natatakot ba kayong matuklasan ng sambahayan ng Diyos ang mga kapabayaan at kamalian sa inyong gawain at pungusan kayo? Natatakot ba kayo na kapag nalaman na ng Itaas ang inyong tunay na kakayahan at tayog, maiiba ang tingin nila sa inyo at hindi kayo isasaalang-alang na taasan ng ranggo? Kung may ganito kang mga kinatatakutan, pinatutunayan nito na hindi para sa kapakanan ng gawain ng iglesia ang mga motibasyon mo, gumagawa ka alang-alang sa reputasyon at katayuan, na nagpapatunay na may disposisyon ka ng isang anticristo. Kung may disposisyon ka ng isang anticristo, malamang na tahakin mo ang landas ng mga anticristo, at gawin ang lahat ng kasamaang inihasik ng mga anticristo. Kung, sa iyong puso, hindi ka natatakot na pangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang iyong gawain, at nagagawa mong magbigay ng mga tunay na sagot sa mga katanungan at pag-uusisa ng Itaas, nang walang itinatagong anuman, at sinasabi kung ano ang nalalaman mo, kung gayon tama man o mali ang sinasabi mo, kahit ano pang katiwalian ang naibunyag mo—kahit naibunyag mo pa ang disposisyon ng isang anticristo—siguradong hindi ka tutukuyin na isang anticristo. Ang susi ay kung nagagawa mo bang alamin ang sarili mong disposisyon ng isang anticristo, at kung nagagawa mo bang hanapin ang katotohanan upang malutas ang problemang ito. Kung isa kang taong tinatanggap ang katotohanan, maaayos ang iyong anticristong disposisyon. Kung alam na alam mo na mayroon kang disposisyon ng isang anticristo pero hindi mo hinahanap ang katotohanan para lutasin ito, kung sinusubukan mo pang pagtakpan o pagsinungalingan ang mga problemang nagaganap at iwasan ang responsabilidad, at kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan kapag isinasailalim ka sa pagpupungos, kung gayon ay isa itong seryosong problema, at wala kang ipinagkaiba sa isang anticristo. Nababatid na may disposisyon ka ng isang anticristo, bakit hindi ka nangangahas na harapin ito? Bakit hindi mo ito maharap nang tapatan at sabihing, ‘Kung magtatanong ang Itaas tungkol sa aking gawain, sasabihin ko ang lahat ng alam ko, at kahit malantad pa ang masasamang bagay na nagawa ko, at hindi na ako gamitin ng Itaas sa sandaling malaman nila, at mawalan ako ng katayuan, sasabihin ko pa rin nang malinaw ang kailangan kong sabihin’? Ang takot mong pangasiwaan at kuwestiyunin ang gawain mo ng sambahayan ng Diyos ay nagpapatunay na mas pinahahalagahan mo ang iyong katayuan kaysa sa katotohanan. Hindi ba ito ang disposisyon ng isang anticristo? Ang pagpapahalaga sa katayuan nang higit sa lahat ay disposisyon ng isang anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). Sinasabi ng Diyos na natatakot ang mga taong mailantad ang kanilang mga pagkukulang at problema kaya tumatanggi silang tumanggap ng pangangasiwa mula sa Itaas, at para sa kapakanan ng kanilang reputasyon at katayuan, inililihim pa nga nila ang mga problema, pinagtatakpan ang kanilang mga pagkukulang, at sinusubukang dayain ang sambahayan ng Diyos. Ibinubunyag nito ang disposisyon ng isang anticristo. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang aking pagiging mapagbantay laban sa pangangasiwa at pagsubaybay ng mga lider sa gawain ay dulot ng labis kong pag-aalala sa aking reputasyon at katayuan. Nag-alala akong kung malalaman ng mga lider na hindi ako gumawa ng aktuwal na gawain at kulang ako sa pagpapahalaga sa pasanin sa aking mga tungkulin, tatanggalin nila ako, at nag-alala ako kung ano ang iisipin sa akin ng aking mga kapatid. Para protektahan ang aking reputasyon at katayuan, sinubukan ko ang lahat ng aking makakaya para pagtakpan ang katotohanang hindi ako gumawa ng aktuwal na gawain, at naisip ko pa ngang gumamit ng mga kasinungalingan at panlilinlang para pagtakpan ito, lahat ay para protektahan ang aking imahe sa mga mata ng mga lider. Naisip ko kung paanong ang matatapat na tao ay maaaring maging simple at bukas, at kung paanong nagagawa nilang tapat na ipahayag ang anumang mga paglihis o pagkukulang sa kanilang mga tungkulin at tanggapin ang pangangasiwa ng mga lider, at kahit na malaman ng mga lider ang tungkol sa kanilang mga isyu at pungusan sila, hangga’t maayos na umuusad ang gawain ng iglesia, wala silang problema rito. Ngunit hindi ko iniisip ang gawain ng iglesia. Ang tanging inaalala ko lang ay ang aking reputasyon at katayuan. Talagang naging makasarili at kasuklam-suklam ako! Hindi ko tapat na iniulat ang aking gawain o sinabi ang katotohanan sa mga lider, at kahit na hindi ako natanggal sa ngayon at nagawang linlangin sila, sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao, at walang sinuman ang makapanlilinlang sa Diyos, at ang mga bagay na ginagawa ng mga tao nang palihim ay hindi maiiwasang mabunyag pagdating ng panahon. Katulad ng mga anticristong iyon na, para protektahan ang kanilang reputasyon at katayuan, ay nag-uulat lamang ng mabubuting balita at hindi kailanman ang masama, hinding-hindi binabanggit ang mga paglihis at problema sa kanilang mga tungkulin, at nagsisinungaling pa nga at nanlilinlang, na nagdudulot ng malubhang pinsala sa gawain. Sa huli, sila ay nabubunyag at naititiwalag. Namumuhay ako sa isang kalagayan ng pagpapakasasa sa kaginhawahan, ayaw magdusa o magbayad ng halaga sa aking mga tungkulin, at gumagawa lamang ng mga bagay para magpakitang-tao, na nagpaantala sa gawain. Dapat sana ay iniulat ko sa mga lider ang aktuwal na sitwasyon ng aking mga tungkulin, ngunit para protektahan ang aking katayuan, gusto kong magsinungaling at manlinlang. Talagang naging mapanlinlang ako! Kung hindi ako magsisisi at magbabago, sa huli ay mabubunyag ako at matitiwalag.

Pagkatapos ay nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi naniniwala ang ilang tao na kayang tratuhin nang patas ng sambahayan ng Diyos ang mga tao. Hindi sila naniniwala na naghahari ang Diyos sa Kanyang sambahayan, at na naghahari doon ang katotohanan. Naniniwala sila na anumang tungkulin ang ginagampanan ng isang tao, kung magkakaroon ng problema roon, haharapin kaagad ng sambahayan ng Diyos ang taong iyon, tatanggalin ang kanyang karapatang gampanan ang tungkuling iyon, palalayasin siya, o paaalisin pa nga siya sa iglesia. Ganoon ba talaga iyon? Siguradong hindi. Pinakikitunguhan ng sambahayan ng Diyos ang bawat tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ang Diyos ay matuwid sa Kanyang pagtrato sa bawat tao. Hindi lamang Niya tinitingnan kung paano kumilos ang isang tao sa isang pagkakataon; tinitingnan Niya ang kalikasang diwa ng isang tao, ang kanyang mga intensyon, ang kanyang pag-uugali, at tinitingnan Niya lalo na kung kaya ba ng isang tao na pagnilayan ang sarili nito kapag nagkakamali ito, kung nagsisisi ba ito, at kung kaya ba nitong matarok ang diwa ng problema batay sa Kanyang mga salita, maunawaan ang katotohanan, kamuhian ang sarili nito, at tunay na magsisi. Kung walang ganitong tamang pag-uugali ang isang tao, at ganap na siyang nahaluan ng mga personal na layunin, kung puno siya ng mga tusong pakana at pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon, at kapag may mga dumating na problema, siya ay nagkukunwari, nanlilinlang, at nangangatwiran, at mahigpit na tumatangging akuin ang kanyang mga ginawa, kung gayon, ang ganoong tao ay hindi maliligtas. Hindi talaga niya tinatanggap ang katotohanan at ganap na siyang nabunyag. Iyong mga taong hindi tama, at hindi kayang tanggapin ang katotohanan kahit kaunti, ay kung gayon mga hindi mananampalataya at maaari lamang na itiwalag. … Sabihin mo sa Akin, kung nakagawa ng pagkakamali ang isang tao, ngunit kaya niyang tunay na makaunawa at handa siyang magsisi, hindi ba’t bibigyan siya ng pagkakataon ng sambahayan ng Diyos? Habang papatapos na ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos, napakaraming tungkuling kailangang gampanan. Pero kung wala kang konsensiya o katwiran, at pabaya ka sa iyong nararapat na gawain, kung nagkaroon ka ng pagkakataong gampanan ang isang tungkulin ngunit hindi alam kung paano iyon pahahalagahan, hindi hinahangad ang katotohanan kahit paano, hinahayaan mong makalampas ang pinakamagandang pagkakataon, kung gayon ay malalantad ka. Kung palagi kang pabasta-basta sa pagganap sa iyong tungkulin, at hindi ka man lang nagpapasakop kapag nahaharap ka sa pagpupungos, gagamitin ka pa rin kaya ng sambahayan ng Diyos para gumanap sa isang tungkulin? Sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan ang naghahari, hindi si Satanas. Ang Diyos ang may huling pasya sa lahat ng bagay. Siya ang gumagawa ng gawain ng pagliligtas sa tao, Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Hindi mo kailangang suriin kung ano ang tama at mali; kailangan mo lang makinig at magpasakop. Kapag nahaharap ka sa pagpupungos, dapat mong tanggapin ang katotohanan at magawang itama ang iyong mga pagkakamali. Kung gagawin mo ito, hindi aalisin sa iyo ng sambahayan ng Diyos ang iyong karapatang gampanan ang isang tungkulin. Kung natatakot ka palagi na matiwalag, laging nagdadahilan, lagi mong pinangangatwiranan ang sarili mo, problema iyan. Kung hinahayaan mong makita ng iba na hindi mo tinatanggap ang katotohanan kahit katiting, at na hindi ka tinatablan ng katwiran, may problema ka. Magiging obligado ang iglesia na harapin ka. Kung talagang hindi mo tinatanggap ang katotohanan sa paggampan mo sa iyong tungkulin at lagi kang natatakot na mabunyag at matiwalag, ang takot mong ito ay nababahiran ng intensyon ng tao at ng tiwaling satanikong disposisyon, at ng paghihinala, pag-iingat, at maling pagkaunawa. Wala sa mga ito ang mga pag-uugali na dapat mayroon ang isang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung bakit ako natatakot na matanggal. Ito ay dahil hindi ko naunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ang sambahayan ng Diyos ay pinamumunuan ng katotohanan. Hindi hinuhusgahan ng Diyos ang mga tao batay lamang sa kanilang pagganap sa isang bagay, bagkus ay isinasaalang-alang ang kanilang palagiang saloobin sa katotohanan at ang landas na kanilang tinatahak, at kung mayroon ba silang tunay na pagsisisi kapag nagkakamali sila. Kung kaya ng isang taong kapootan ang sarili niya at handa siyang magsisi, nagbibigay pa rin ng mga pagkakataong magsisi ang sambahayan ng Diyos. Hindi ako gumawa ng aktuwal na gawain at gusto kong maging tuso para pagtakpan ang aking mga pagkukulang, ngunit nang nagawa kong magnilay at makilala ang sarili ko at handa akong magbago, binigyan pa rin ako ng pagkakataong magsisi ng sambahayan ng Diyos, at hindi sinabi ng mga lider na tatanggalin nila ako. Sa kabaligtaran, kung hindi hinahangad ng isang tao ang katotohanan kahit kaunti, at nagdudulot ng pagkagambala at pagkakagulo nang hindi nagsisisi, sa huli ay mawawala sa kanila ang pagkakataong gawin ang kanilang mga tungkulin. Katulad ng isang brother na kilala ko. Pabasta-basta niyang ginawa ang kanyang mga tungkulin, pabaya, at may tendensiyang gampanan ang kanyang mga tungkulin batay sa sarili niyang kalooban. Maraming beses nang nagbahagi at tumulong sa kanya ang mga lider at manggagawa, at bagama’t nangako siya nang maayos at sinabing handa siyang magsisi, nagpatuloy siyang gawin ang kanyang mga tungkulin sa parehong paraan, at sa huli, tinanggal siya. Maaaring mayroon ding mga paglihis ang ilang kapatid habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin, ngunit kapag tinutukoy ng mga lider ang mga isyu, kaya nila itong tanggapin, hanapin ang katotohanan, at sadyang gumawa ng mga pagbabago at lutasin ang mga isyung ito. Hindi tinatanggal ang mga taong ito. Nakita kong hindi nakakatakot ang magkamali, ngunit ang mamuhay sa isang tiwaling disposisyon at hindi pagsisisi ang talagang nakakatakot. Naisip ko kung paanong ang matatapat na tao ay simple at bukas at tumatanggap ng katotohanan, at kung paano sila nakakapagpasakop at natututo ng mga aral sa mga sitwasyong isinaayos ng Diyos at sa gayon ay nagkakaroon ng mga pakinabang at lumalago. Pagkatapos ay tiningnan ko ang aking sarili, at nakita kong kapag nahaharap sa mga isyu, wala akong isang simple at mapagpasakop na puso, bagkus, napuno ako ng mga hinala at pagdududa, at may sarili akong mga tusong pamamaraan, at dahil dito, naging napakahirap para sa aking makamit ang katotohanan.

Kalaunan, hinangad kong mapagnilayan ang aking mga isyu sa aking mga tungkulin sa panahong iyon at nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang isang tao ay dapat na matutong isapuso ang pagganap sa kanyang tungkulin, at ang taong may konsensiya ay kayang isakatuparan ito. Kung ang isang tao ay hindi kailanman isinasapuso ang paggampan sa kanyang tungkulin, nangangahulugan iyon na wala siyang konsensiya, at ang mga walang konsensiya ay hindi makakamit ang katotohanan. Bakit Ko sinasabing hindi nila makakamit ang katotohanan? Hindi nila alam kung paano manalangin sa Diyos at hanapin ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, ni kung paano magpakita ng konsiderasyon sa mga layunin ng Diyos, ni isapuso ang pagninilay sa mga salita ng Diyos, ni hindi nila alam kung paano hanapin ang katotohanan, at paano hangaring maunawaan ang mga hinihingi ng Diyos at ang Kanyang mga pagnanais. Ito ang kahulugan ng hindi magawang hanapin ang katotohanan. Naranasan na ba ninyo ang mga kalagayan kung saan, ano man ang mangyari, o ano mang uri ng tungkulin ang inyong ginagampanan, madalas ninyong napatatahimik ang inyong sarili sa harap ng Diyos, at naisasapuso ang pagninilay sa Kanyang mga salita, at paghahanap sa katotohanan, at pagsasaalang-alang kung paano ninyo dapat gampanan ang inyong tungkulin upang umayon sa mga layunin ng Diyos, at kung aling mga katotohanan ang dapat ninyong taglayin para maayos na magampanan ang tungkuling iyon? Marami bang pagkakataon kung saan hinahanap ninyo ang katotohanan sa ganitong paraan? (Wala.) Ang pagsasapuso ng inyong tungkulin at pagkakaroon ng kakayahang umako ng responsabilidad ay nangangailangan ng inyong pagdurusa at pagbabayad ng halaga—hindi sapat ang pag-usapan lamang ang mga bagay na ito. Kung hindi mo isasapuso ang iyong tungkulin, sa halip ay palaging gusto mong kumayod, siguradong hindi magagawa nang maayos ang iyong tungkulin. Tatapusin mo lamang ito nang hindi nag-iisip at wala nang iba pa, at hindi mo malalaman kung nagawa mo ba nang maayos ang iyong tungkulin o hindi. Kung isasapuso mo ito, unti-unti mong mauunawaan ang katotohanan; kung hindi, hindi mo ito mauunawaan. Kapag isasapuso mo ang pagganap sa iyong tungkulin at hahangarin ang katotohanan, unti-unti mong mauunawaan ang mga layunin ng Diyos, matutuklasan ang sarili mong katiwalian at mga kakulangan, at maiintindihan ang iyong iba’t ibang kalagayan. Kapag ang pinagtutuunan mo lang ay ang pagsusumikap, at hindi mo isinasapuso ang pagninilay-nilay sa iyong sarili, hindi mo matutuklasan ang tunay na mga kalagayan sa iyong puso at ang napakaraming reaksyon at mga pagpapakita ng katiwalian na mayroon ka sa iba’t ibang kapaligiran. Kung hindi mo alam kung ano ang mga kahihinatnan kapag hindi nalutas ang mga problema, kung gayon, ikaw ay nasa malaking alanganin. Ito ang dahilan kung bakit hindi magandang manampalataya sa Diyos nang nalilito. Dapat kang mamuhay sa harap ng Diyos sa lahat ng oras, sa lahat ng lugar; anuman ang mangyari sa iyo, dapat lagi mong hanapin ang katotohanan, at habang ginagawa mo ito, dapat mo ring pagnilayan ang iyong sarili at alamin kung ano ang mga problema na mayroon sa iyong kalagayan, agad na hanapin ang katotohanan para malutas ang mga ito. Sa gayon mo lamang magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin at maiiwasan ang pag-antala sa gawain. Bukod sa magagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin, ang pinakamahalaga ay na magkakaroon ka rin ng buhay pagpasok at malulutas mo ang iyong mga tiwaling disposisyon. Sa gayon ka lamang makapapasok sa katotohanang realidad(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga responsableng tao ay kayang ilagay ang kanilang mga puso sa kanilang mga tungkulin at may masigasig at responsableng saloobin sa bawat gampanin, samantalang ang isang taong walang pagpapahalaga sa responsabilidad ay ginagawa ang kanyang mga tungkulin nang wala sa loob, iniraraos lang ang ginagawa. Ayaw niyang magdusa o magbayad ng halaga sa kanyang mga tungkulin, at sa huli, hindi lamang siya nabibigong magkamit ng buhay pagpasok, kundi naaantala rin niya ang gawain ng iglesia. Ang saloobin ko sa aking mga tungkulin ay ang mismong inilantad ng Diyos. Akala ko, ang paglutas sa mga problema ng aking mga kapatid ay mangangailangan ng malalim na pagsasaalang-alang at paghahanap ng katotohanan para makakita ng solusyon, na tila malaking abala at hirap, kaya ayaw kong magbayad ng halaga, at kontento na ako sa mababaw na pagsubaybay sa progreso at sa paggawa ng ilang simpleng gawain, at kapag nahaharap ako sa mga problema, ayaw kong pag-isipan ang mga ito nang mabuti o maghanap ng mga solusyon, ni hindi ko rin ibinubuod ang aking mga paglihis o pagkukulang, na nagdulot ng mga pagkaantala sa gawain. Namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason na “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya” at “Matutong maging mabait sa sarili.” Itinuring kong napakahalaga ng pagpapakasasa sa pisikal na kasiyahan, at sa lahat ng ginagawa ko, una kong isinasaalang-alang kung magdudulot ba ito sa akin ng pisikal na pagdurusa o pagkapagod. Palagi akong pabasta-basta sa pagharap sa mga tungkulin ko, nang hindi isinasaalang-alang ang aking mga responsabilidad, obligasyon, o ang gawain ng iglesia, at araw-araw kong ginagawa ang aking mga tungkulin sa tuliro at magulong paraan, nabibigong maglaan kahit ng kinakailangang pagsisikap, lalo na ang taos-pusong debosyon. Alam ng Diyos ang aking mga pagkukulang at ginamit Niya ang pangangasiwa ng mga lider para ilantad ang aking katiwalian, na nag-udyok sa aking hanapin ang katotohanan para lutasin ang aking kalagayan ng pagiging pabasta-basta at pagpapakasasa sa kaginhawahan sa aking mga tungkulin, para maging masigasig ako at makatuon sa mga detalye ng aking mga tungkulin. Narito ang masisidhing layunin ng Diyos, at ito ang Kanyang pagliligtas para sa akin.

Kalaunan, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, mas naunawaan ko nang kaunti pa ang kahalagahan ng gawain ng pangangasiwa ng mga lider. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga kayang tumanggap ng pangangasiwa, pagsusuri, at pagsisiyasat ng iba ang mga pinakamakatwiran sa lahat, may pagpaparaya at normal na pagkatao sila. Kapag nadiskubre mong may mali kang ginagawa o may pagbubunyag ka ng tiwaling disposisyon, kung nagagawa mong magtapat at makipag-usap sa mga tao, makakatulong ito sa mga nasa paligid mo para mabantayan ka nila. Talagang kailangang tumanggap ng pangangasiwa, ngunit ang pinakamahalaga ay magdasal sa Diyos at umasa sa Kanya, na isinasailalim ang iyong sarili sa palagiang pagsisiyasat. Lalo na kapag mali ang landas na natahak mo o nakagawa ka ng mali, o kapag akmang kikilos ka na nang pabasta-basta at nagsasarili, at binanggit ito ng isang tao sa malapit at binalaan ka, kailangan mong tanggapin iyon at magmadali kang pagnilayan ang iyong sarili, at aminin ang iyong pagkakamali, at itama iyon. Maaari nitong pigilan ka sa pagtahak sa landas ng mga anticristo. Kung may isang taong tumutulong at nagbababala sa iyo sa ganitong paraan, hindi ka ba pinoproktektahan nang hindi mo nalalaman? Pinoprotektahan ka—iyan ang proteksiyon mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang isang taong may normal na pagkatao ay kayang tumanggap ng pangangasiwa at pagsusuri ng iba, at kapag natuklasan nilang nakagawa sila ng mga pagkakamali o nagbunyag ng katiwalian sa kanilang mga tungkulin, kaya nilang buksan ang kanilang mga puso at makipagbahaginan sa lahat. Sa katunayan, ang kakayahang tumanggap ng pangangasiwa ng lahat ay kapaki-pakinabang para sa atin sa ating mga tungkulin, dahil tinutulungan tayo nitong iwasang tahakin ang maling landas at pinoprotektahan tayo. Dati, hindi ko nauunawaan ang kahalagahan ng gawain ng pangangasiwa ng mga lider, at palagi akong namumuhay sa isang kalagayan ng pagiging mapagbantay at maling pagkaunawa, ngunit ngayon ay kaya ko na itong itrato nang tama. Sa pamamagitan ng pangangasiwa at pagsubaybay ng mga lider sa gawain, nagkaroon ako ng kaunting direksyon kung paano mapapagbuti ang aking mga tungkulin, at nagawa kong isaalang-alang nang mas komprehensibo ang gawain ng pagsubaybay, pati na rin ang maunawaan ang mga paghihirap at ang mga kalagayan ng aking mga kapatid upang makapagbahagi ng mga solusyon sa mga tunay na problema. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagsubaybay sa gawain nang ganito, bumuti ang kahusayan ko sa aking mga tungkulin, at mas napanatag ako. Ngayon, hindi na ako gaanong nag-aalala tungkol sa pangangasiwa at pagsubaybay ng mga lider sa gawain tulad ng dati, at para sa anumang gawaing hindi ko pa nagawa o anumang mga paglihis na mayroon ako sa isang partikular na aytem ng gawain, nagagawa ko nang iulat nang tapat at itrato nang tama ang mga ito. Kapag tinutukoy ng mga lider ang aking mga paglihis at pagkukulang sa aking mga tungkulin, una akong nagpapasakop, kinikilala ang mga bagay na ito, tinatanggap ang mga ito, at sadyang sinusubukang gumawa ng mga pagbabago at tumupad ng aking mga responsabilidad. Mula nang magsimula akong magsagawa nang ganito, mas gumaan na ang pakiramdam ko. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  29. Ang Salita ng Diyos ang Nag-akay sa Akin Upang Bitawan ang Aking mga Pag-aalinlangan

Sumunod:  31. Pagninilay Tungkol sa Pagpapanggap

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger