35. Paano Tratuhin ang Pag-aaruga at Pagprotekta ng Isang Ama

Ni Gu Nian, Tsina

Noong 2019, inaresto ng CCP ang 18-taong-gulang na si Mu Xi dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, hinatulan siya ng dalawa’t kalahating taong pagkakakulong, at pinalaya noong Abril 2022. Lumabas siya sa istasyon ng tren at nakita niya ang kanyang ama na nakatayo sa gilid ng kalsada, malungkot ito habang balisang nakatitig sa labasan. Labis na nasabik si Mu Xi, dahil hindi niya nakita ang kanyang ama sa nakalipas na tatlong taon. Habang nasa bilangguan, nalaman ni Mu Xi na lumubha ang rayuma ng kanyang ama at iniisip niya kung bumuti na ba ang kalusugan nito sa ngayon. Nang maisip niya ito, mabilis na naglakad si Mu Xi patungo sa kanyang ama. Habang papalapit siya, napansin niya na bahagyang kumuba ang likod ng tatay niya at ang mukha nito ay may bakas ng kalungkutan at katandaan. Bumugso ang kalungkutan sa puso mi Mu Xi, at nakaramdam siya ng kirot sa ilong niya at tumalikod siya upang punasan ang luha niya. Nang makauwi sa bahay, habang nakikipag-usap siya sa tatay niya, nalaman niyang palagi itong nag-aalala sa kanya sa nakalipas na mga taon. Hindi makapaniwala ang kanyang ama nang matanggap nito ang abiso ng pag-aresto mula sa kagawaran ng pulisya noong taong iyon, at hindi rin ito matanggap ng kanyang ama. Inaresto at ikinulong ang labingwalong taong gulang niyang anak, at hindi niya alam kung paano papahirapan ng mga pulis ang anak niya. Ginugol niya ang kanyang mga araw sa sobrang pag-aalala na hindi siya makatulog o makakain nang maayos. Higit pa roon, nagdulot sa kanya ng pangmatagalang karamdaman ang mga taon ng mabigat na pagtatrabaho, at lumubha ang rayuma sa kanyang mga binti. Bihira na siyang makagawa ng mabigat na gawain at paika-ika siya kapag matindi ang kirot, at natatakot siya na kung mamamatay siya nang mag-isa sa bahay, walang sinuman ang makakaalam. Nakita ni Mu Xi na namumula ang mga mata ng kanyang ama na karaniwanang malakas, at ikinuwento nito ang mga nangyari sa nakalipas na mga taon nang may boses na bahagyang nanginginig. Nakaramdam si Mu Xi ng matinding kirot sa kanyang puso, at tumulo ang mga luha sa kanyang mukha. Naalala ni Mu Xi na noong siya ay labing-isang taong gulang, tinugis ng mga pulis ang kanyang ina dahil sa pananampalataya nito sa Diyos, kaya kinailangan nitong magtago. Ang kanyang ama ang mag-isang gumanap sa parehong papel ng ama at ina, habang inaalagaan at pinapalaki siya. Hindi lang nagtrabaho bilang drayber ng trak ang kanyang ama, pati ang pagsasaka ay ginawa rin niya, at pagkatapos ng mahabang araw ng mabigat na pagtatrabaho, wala na siyang oras para magpahinga dahil kailangan pa niyang alagaan ang kanyang anak. Kalaunan, nang umalis ng bahay si Mu Xi upang gampanan ang mga tungkulin niya, madalas pumupunta ang mga pulis sa kanyang bahay upang tanungin ang kanyang ama tungkol sa kanyang kinaroonan, at ang kanyang ama ang mag-isang humarap sa lahat ng ito, tiniis nito ang malulupit na tingin at pag-aalipusta ng mga kamag-anak at kapitbahay, habang palaging nag-aalala sa kaligtasan nilang mag-ina. Pagkatapos, naisip niya kung paanong araw-araw ay naiiwang mag-isa ang kanyang ama sa malamig at walang lamang bahay, nagdurusa sa sakit nang walang sinuman sa kanyang tabi na makakausap o mag-aalaga sa kanya. Nakaramdam si Mu Xi ng mas matinding pagkakautang sa kanyang ama at napuno siya ng pagkakonsensiya, iniisip niya na tumanda na siya ngunit hindi man lang niya natulungan ang ama niya sa anumang hamon ng buhay, at naging sanhi pa siya ng pag-aalala ng kanyang ama. Hindi ba’t hindi siya naging mabuting anak? Palihim na sinabi ni Mu Xi sa kanyang sarili na, “Ngayong nakabalik na ako, dapat akong manatili sa tabi ng tatay ko at tumulong na maibsan ang kanyang paghihirap.” Sa mga sumunod na araw, nagsimulang magtrabaho si Mu Xi upang kumita ng pera at maingat na inasikaso ang mga pangangailangan ng kanyang ama.

Hindi nagtagal, lumipas na ang kalahating taon, ngunit patuloy pa ring sinusubaybayan ng pulisya ang kinaroroonan ni Mu Xi, hinahadlangan siyang mamuhay ng buhay iglesia at gampanan ang kanyang mga tungkulin, na nagdulot sa kanya ng pakiramdam ng pagkahungkag at pagkabagabag. Isang araw, tinanong ng lider ng iglesia si Mu Xi kung handa ba siyang pumunta sa ibang lugar upang gampanan ang mga tungkulin niya. Labis na nasabik si Mu Xi, dahil sa wakas ay makakapagtipon na sila ng kanyang mga kapatid, makakakain at makakainom ng mga salita ng Diyos, at magagampanan na niya ang tungkulin niya. Ibinahagi ni Mu Xi ang balitang ito sa kanyang ama, ngunit sa pagkagulat niya, biglang nabalisa ang kanyang ama, at sinabi nito, “Paano mo hinahayaang makita ko na lang kayong pareho na umaalis nang paulit-ulit?” Nang makita niya na labis na emosyonal ang kanyang ama, nabagabag si Mu Xi, at nakadama siya ng malalim na pagkakautang sa kanyang ama. Naisip niya na, “Kung talagang aalis ako sa bahay, sino ang makakaalam kung kailan ako makakabalik, iisipin ba ng tatay ko na pagkatapos ng lahat ng kanyang pagsisikap sa pagpapalaki sa akin, wala akong kahit kaunting paggalang sa kanya bilang magulang?” Pagkatapos, naisip ni Mu Xi ang kalusugan ng kanyang ama at hindi niya maatim na lalo pa itong saktan. Ngunit alam niya na kung wala ang proteksyon at pagkalinga ng Diyos, hindi niya makakayanan ang mahigit na dalawang taon sa bilangguan, at hindi makatuwiran kung hindi niya gagampanan ang tungkulin ng isang nilikha! Lubhang nagtalo ang kalooban ni Mu Xi, at sa huli, isinuko niya ang pagkakataong gampanan ang tungkulin niya. Sa sandaling magdesisyon siya nang ganito, labis na nakonsensiya si Mu Xi, kaya agad siyang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos upang hanapin ang mga layunin ng Diyos.

Sa kanyang paghahanap, nagbasa si Mu Xi ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi mo kailangang labis na suriin o siyasatin ang usapin ng pagkakaroon ng malubhang sakit ng iyong mga magulang o ang pagdanas nila ng malaking kasawian, at lalong hindi mo ito dapat paglaanan ng lakas—walang silbi na gawin ito. Ang pagkasilang, pagtanda, pagkakasakit, pagkamatay, at pagharap sa iba’t ibang malaki at maliit na bagay sa buhay ng mga tao ay mga napakanormal na pangyayari. Kung nasa hustong gulang ka na, dapat kang magkaroon ng mature na pag-iisip, at dapat mong harapin ang bagay na ito nang mahinahon at tama: ‘May sakit ang mga magulang ko. Sinasabi ng ilang tao na iyon ay dahil masyado silang nangulila sa akin, possible ba iyon? Totoong nangulila sila sa akin—paanong hindi mangungulila ang isang tao sa sarili niyang anak? Nangulila rin ako sa kanila, kaya bakit hindi ako nagkasakit?’ May tao bang nagkakasakit dahil nangungulila siya sa kanyang mga anak? Hindi iyon ganoon. Kung gayon, ano ang nangyayari kapag nahaharap ang iyong mga magulang sa mahahalagang usaping ito? Masasabi lamang na pinangasiwaan ng Diyos ang ganitong uri ng bagay sa kanilang buhay. Ito ay pinangasiwaan ng kamay ng Diyos—hindi ka maaaring tumuon sa mga obhektibong dahilan at mga sanhi—nakatakda talaga na mahaharap ang iyong mga magulang sa bagay na ito kapag umabot na sila sa ganitong edad, nakatakda nang matatamaan sila ng sakit na ito. Naiwasan kaya nila ito kung nandoon ka? Kung hindi isinaayos ng Diyos na magkasakit sila bilang parte ng kanilang kapalaran, walang mangyayari sa kanila, kahit na hindi ka nila nakasama. Kung nakatadhana silang maharap sa ganitong uri ng malaking kasawian sa kanilang buhay, ano ang maaaring naging epekto mo kung nandoon ka sa tabi nila? Hindi pa rin naman nila ito maiiwasan, hindi ba? (Tama.) … Ang mga magulang mo ay nasa hustong gulang na; ilang beses na nilang naranasan ang ganito sa lipunan. Kung nagsasaayos ang Diyos ng isang kapaligiran upang alisin sa kanila ang bagay na ito, kung gayon, sa malao’t madali, ito ay ganap na maglalaho. Kung ang bagay na ito ay isang pagsubok sa buhay para sa kanila, at dapat nilang maranasan ito, kung gayon, ang Diyos na ang bahala kung hanggang kailan nila ito dapat maranasan. Isa itong bagay na dapat nilang maranasan, at hindi nila ito maiiwasan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17). “Anuman ang gawin, isipin, o planuhin mo, hindi mahalaga ang mga bagay na iyon. Ang mahalaga ay kung kaya mong unawain at tunay na paniwalaan na ang lahat ng nilikha ay nasa mga kamay ng Diyos. Taglay ng ilang magulang ang pagpapala at tadhanang makapagtamasa ng kaligayahan sa tahanan at ng saya ng isang malaki at masaganang pamilya. Kataas-taasang kapangyarihan ito ng Diyos, at isa itong pagpapalang ibinibigay ng Diyos sa kanila. May ilang magulang na walang ganitong kapalaran; hindi ito isinaayos ng Diyos para sa kanila. Hindi sila pinagpalang matamasa ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya, o matamasa ang pananatili ng kanilang mga anak sa piling nila. Pamamatnugot ito ng Diyos at hindi ito maipipilit ng mga tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). Isinaalang-alang ni Mu Xi ang mga salita ng Diyos at hindi niya napigilang malugmok sa malalim na pag-iisip. Sa tuwing naiisip niyang mag-isa lamang sa bahay ang kanyang ama sa loob ng mga taong iyon, at na wala ni isa man ang naroon upang alagaan ang kanyang ama kapag mayroon itong sakit, napuno ng pakiramdam ng pagkakonsensiya at pagkakautang ang kanyang puso. Nais lamang niyang alagaan ang kanyang ama at hayaan itong magtamasa ng kaunting ginhawa, ngunit pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan niya na ang pagdurusang dapat pagdaanan ng bawat tao sa buhay, at ang lahat ng mga karamdaman at kalamidad na dumarating sa kanya ay itinakda ng Diyos, at walang sinuman ang makakapagbago noon. Naalala ni Mu Xi na noong nalaman niyang lumulubha ang rayuma ng kanyang ama habang nasa bilangguan siya, labis siyang nag-alala para sa tatay niya. Natakot siya at naisip niya kung paano ba makakaraos ang kanyang ama kapag lalo pang lumubha ang kalagayan nito at walang sinumang mag-aalaga rito. Subalit nakakulong siya sa bilangguan at hindi niya magawang alagaan ito, at ang tanging magagawa niya noon ay magdasal pa sa Diyos at ipagkatiwala ang kanyang ama sa mga kamay ng Diyos. Matapos siyang makalaya mula sa bilangguan, nalaman niyang bagama’t malubha ang kalagayan ng kanyang ama, at walang sinumang nag-alaga rito, unti-unti namang bumuti ang rayuma nito. Napagtanto niya na ang kalagayan ng katawan ng isang tao at ang kanyang kaligtasan ay nakasalalay sa paunang pagtatakda at sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at na ang pagpapasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos at ang pagkakatiwala ng kanyang ama sa Diyos ang makatwirang bagay na dapat gawin. Nang mapagtanto ito, mas labis na napanatag ang puso ni Mu Xi, at hindi na siya labis na nag-aalala o nababalisa.

Nais ni Mu Xi na pumunta sa ibang lugar upang gampanan ang mga tungkulin niya, ngunit sa tuwing nakikita niya ang kanyang ama na pagod na pagod matapos ang mahabang araw ng pagtatrabaho at naaalala niyang mataas din ang presyon nito at buong araw na nakakaranas ng pagkahilo, muling nakadama si Mu Xi ng pag-aalinlangan, naisip niya, “Labis na naghirap ang tatay ko upang alagaan ako, dapat ba akong manatili sa bahay at alagaan siya nang mas matagal pa?” Ngunit kung gagawin niya iyon, mangangahulugang hindi niya magagampanan ang kanyang tungkulin, at nakonsensiya siya tungkol doon. Madalas na ipinagdarasal ni Mu Xi ang mga bagay na ito sa Diyos, hinihiling niya sa Diyos na bigyan siya ng determinasyon upang isagawa ang katotohanan. Kalaunan, nabasa ni Mu Xi ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa kanya ng tamang landas ng pagsasagawa na dapat niyang sundin sa kanyang magiging mga desisyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagpapakita ba ng pagiging mabuting anak sa mga magulang ang katotohanan? (Hindi.) Ang pagiging mabuting anak sa mga magulang ay isang tama at positibong bagay, ngunit bakit natin sinasabing hindi ito ang katotohanan? (Dahil ang mga tao ay hindi nagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang nang may mga prinsipyo at hindi nila nakikilatis kung anong uri talaga ng tao ang kanilang mga magulang.) Ang paraan kung paano dapat tratuhin ng isang tao ang kanyang mga magulang ay nauugnay sa katotohanan. Kung naniniwala ang iyong mga magulang sa Diyos at tinatrato ka nang mabuti, dapat ka bang maging mabuting anak sa kanila? (Oo.) Paano ka naging mabuting anak? Iba ang pakikitungo mo sa kanila sa pakikitungo mo sa mga kapatid. Ginagawa mo ang lahat ng sinasabi nila, at kung matatanda na sila, dapat kang manatili sa kanilang tabi upang alagaan sila, na pumipigil sa iyo na lumabas upang tuparin ang iyong tungkulin. Tama bang gawin ito? (Hindi.) Ano ang dapat mong gawin sa gayong mga pagkakataon? Depende ito sa mga pangyayari. Kung kaya mo pa rin silang alagaan habang tinutupad mo ang iyong tungkulin nang malapit sa iyong tahanan, at hindi tinututulan ng iyong mga magulang ang pananalig mo sa Diyos, dapat mong tuparin ang iyong responsabilidad bilang isang anak na lalaki o babae at tulungan ang iyong mga magulang sa ilang gawain. Kung mayroon silang karamdaman, alagaan mo sila; kung may bumabagabag sa kanila, aliwin mo sila; kung ipahihintulot ng iyong kalagayang pinansiyal, ibili mo sila ng mga bitamina na pasok sa budget mo. Subalit, ano ang dapat mong piliing gawin kung ikaw ay abala sa iyong tungkulin, walang magbabantay sa iyong mga magulang, at sila rin naman, ay nananampalatya sa Diyos? Anong katotohanan ang dapat mong isagawa? Yamang ang pagiging mabuting anak sa mga magulang ay hindi ang katotohanan, kundi isa lamang responsabilidad at obligasyon ng tao, ano, kung gayon, ang dapat mong gawin kung ang iyong obligasyon ay sumasalungat sa iyong tungkulin? (Gawing prayoridad ang aking tungkulin; unahin ang tungkulin.) Ang isang obligasyon ay hindi naman tungkulin ng isang tao. Ang pagpili na gampanan ang tungkulin ng isang tao ay pagsasagawa ng katotohanan, samantalang ang pagtupad sa isang obligasyon ay hindi. Kung ganito ang kondisyon mo, maaari mong tuparin ang responsabilidad o obligasyong ito, pero kung hindi ito pinahihintulutan ng kasalukuyang kapaligiran, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong sabihin na, ‘Kailangan kong gawin ang aking tungkulin—iyon ang pagsasagawa ng katotohanan. Ang pagiging mabuting anak sa aking mga magulang ay pamumuhay ayon sa aking konsensiya at hindi ito pagsasagawa sa katotohanan.’ Kaya, dapat mong unahin ang iyong tungkulin at itaguyod ito. … Alin ang katotohanan: ang pagiging mabuting anak sa mga magulang o ang pagganap sa tungkulin? Siyempre, ang pagganap sa tungkulin ang katotohanan. Ang pagganap sa tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay hindi lamang tungkol sa pagtupad sa obligasyon at paggawa ng kung ano ang dapat gawin. Ito ay tungkol sa pagganap sa tungkulin ng isang nilikha. Ito ang atas ng Diyos; ito ay obligasyon mo, responsabilidad mo. Isa itong tunay na responsabilidad, na tuparin ang iyong responsabilidad at obligasyon sa harap ng Lumikha. Ito ang hinihingi ng Lumikha sa mga tao, at ito ang dakilang usapin ng buhay. Samantalang ang pagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang ay responsabilidad at obligasyon lamang ng isang anak. Talagang hindi ito iniatas ng Diyos, at lalong hindi ito naaayon sa hinihingi ng Diyos. Samakatwid, sa pagitan ng pagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang at pagganap sa tungkulin, walang duda na ang pagganap sa tungkulin ng isang tao, at iyon lang, ang pagsasagawa ng katotohanan. Ang pagganap sa tungkulin bilang isang nilikha ay ang katotohanan, at isa itong obligasyon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). Naunawaan ni Mu Xi mula sa mga salita ng Diyos na ang pagiging mabuting anak ay isang positibong bagay at responsabilidad ng isang anak, ngunit ito ay isang bagay lamang na dapat gawin ng isang taong may normal na pagkatao, at hindi ito nangangahulugan na isinasagawa ng taong iyon ang katotohanan. Tanging sa paggawa ng tungkulin ng isang nilikha lamang naisasagawa ng isang tao ang katotohanan. Kapag ang tungkulin niya ay hindi nakakahadlang sa kanyang pagiging mabuting anak sa mga magulang niya, dapat niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang alagaan ang kanyang ama, dapat niya itong kausapin nang mas madalas at tulungang mapagaan ang mga alalahanin nito, dahil ito ang kanyang responsabilidad bilang isang anak. Ngunit kapag kailangan niyang gampanan ang tungkulin niya at hindi niya magawang samahan ang kanyang ama upang alagaan ito, kailangan niyang ipagkatiwala ang kanyang ama sa Diyos. Bilang isang nilikha, ang kanyang responsabilidad at obligasyon ay gampanan ang kanyang tungkulin at tapusin ang kanyang misyon. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa katotohanan at ito ang dapat niyang gawin. Pagkatapos, naalala ni Mu Xi ang dalawa’t kalahating taon na ginugol niya sa bilangguan. Nakilala niya doon ang isang sister sa gitna ng kanyang pagdurusa at kawalan ng pag-asa, at nagkaroon sila ng pagkakataong tulungan at suportahan ang isa’t isa, at magkasamang magbahaginan ng mga salita ng Diyos. Unti-unti siyang nakaraos sa pamamagitan ng kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos. Naramdaman ni Mu Xi na inaalagaan, pinoprotektahan at pinagkakalooban siya ng Diyos ng napakaraming biyaya, at kung uunahin niya ang mga damdamin ng laman kaysa sa tungkulin niya, magiging tunay na mapaghimagsik iyon. Nang mapagtanto ito, nagdasal si Mu Xi at ipinagkatiwala niya sa Diyos ang kanyang mga pangamba at alalahanin. Tinapos niya ang mga gawaing kailangang gawin sa bahay at pagkatapos ay bumili siya ng ilang nutritional supplement, mga gamot, at iba pang pangangailangan para sa kanyang ama. Pagkatapos niyon, nakipag-usap si Mu Xi sa kanyang ama at nagpunta sa ibang lugar upang gampanan ang kanyang tungkulin.

Kalaunan, narinig ni Mu Xi ang mga patotoong batay sa karanasan ng kanyang mga kapatid tungkol sa pagtrato sa mga magulang, at ito ang nagbunsod sa kanya upang magnilay. Naisip niya kung paano ginampanan ng kanyang ama ang parehong papel ng isang ina at ama sa pagpapalaki sa kanya mula noong siya ay maliit pa, at kung paano ito labis na nagsakripisyo para sa kanya. Naramdaman niya na napakalaki ng utang na loob niya sa kanyang ama, at sa tuwing hindi siya maaaring manatili sa tabi ng tatay niya upang alagaan ito, nararamdaman niyang hindi niya nagagampanan ang responsabilidad niya bilang isang anak, at nakakaramdam siya ng pagkakautang at pagkakonsensiya sa kanyang konsensiya. Ngayon, ang paggawa sa tungkulin niya nang malayo sa kanyang ama ay madalas na nakakaapekto sa kalagayan niya at nakakalimita rin sa kanya, at nais niyang malaman kung paano lulutasin ang isyung ito. Sa kanyang paghahanap at pagninilay-nilay, natagpuan niya ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “May kasabihan sa mundo ng mga walang pananampalataya: ‘Sinusuklian ng mga uwak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapakain dito, at ang mga tupa ay lumuluhod para makatanggap ng gatas mula sa kanilang ina.’ Nariyan din ang kasabihang ito: ‘Ang isang taong walang galang sa magulang ay mas mababa pa kaysa sa hayop.’ Napakaganda pakinggan ng mga kasabihang ito! Sa totoo lang, ang penomena na binabanggit ng unang kasabihang, sinusuklian ng mga uwak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapakain dito, at ang mga tupa ay lumuluhod para makatanggap ng gatas mula sa kanilang ina, ay talagang umiiral, at ang mga ito ay katunayan. Gayunpaman, ang mga ito ay penomena lamang sa loob ng mundo ng hayop. Ang mga ito ay isang uri lang ng batas na itinatag ng Diyos para sa iba’t ibang buhay na nilalang, na sinusunod ng lahat ng uri ng buhay na nilalang, kabilang na ang mga tao. Ang katunayan na ang lahat ng uri ng buhay na nilalang ay sumusunod sa batas na ito ay higit na nagpapakita na ang lahat ng buhay na nilalang ay nilikha ng Diyos. Walang buhay na nilalang ang maaaring lumabag sa batas na ito, at walang buhay na nilalang ang makakalampas dito. Kahit na ang mga medyo mabangis na karniboro tulad ng mga leon at tigre ay nag-aalaga sa kanilang mga supling at hindi nila kinakagat ang mga ito bago umabot sa hustong gulang ang mga ito. Ito ay likas na gawi ng isang hayop. Anuman ang kanilang species, sila man ay mabangis o mabait at maamo, lahat ng hayop ay nagtataglay ng ganitong likas na gawi. Ang lahat ng uri ng nilalang, kabilang ang mga tao, ay maaari lamang magpatuloy na dumami at mabuhay sa pamamagitan ng pagsunod sa likas na gawi at batas na ito. Kung hindi sila sumusunod sa batas na ito, o wala silang ganitong batas at likas na gawi, hindi sila makapagpaparami at mabubuhay. Hindi iiral ang biological chain, at gayundin ang mundong ito. Hindi ba’t totoo iyon? (Oo.) Sinusuklian ng mga uwak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapakain dito, at ang mga tupa ay lumuluhod para makatanggap ng gatas mula sa kanilang ina ay tumpak na nagpapakita na ang mundo ng hayop ay sumusunod sa ganitong uri ng batas. Ang lahat ng uri ng buhay na nilalang ay may ganitong likas na gawi. Sa sandaling maipanganak ang mga supling, sila ay inaalagaan at tinutustusan ng mga babae o lalaki ng species na iyon hanggang sa umabot sila sa hustong gulang. Kayang gampanan ng lahat ng uri ng buhay na nilalang ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon sa kanilang mga supling, matapat at masigasig na pinapalaki ang susunod na henerasyon. Mas lalong totoo ito pagdating sa mga tao. Ang mga tao ay tinatawag ng sangkatauhan bilang mas matataas na antas ng hayop—kung hindi nila masusunod ang batas na ito, at wala sila ng likas na gawing ito, kung gayon, ang mga tao ay mas mababa kaysa sa mga hayop, hindi ba? Samakatuwid, gaano ka man tinutustusan ng iyong mga magulang habang pinapalaki ka nila, at gaano man nila ginagampanan ang kanilang responsabilidad sa iyo, ginagawa lang nila ang dapat nilang gawin sa loob ng saklaw ng mga kakayahan ng isang nilikhang tao—likas na gawi nila ito. … Mayroon ding ilang espesyal na hayop, tulad ng mga tigre at leon. Kapag nasa hustong gulang na ang mga hayop na ito, iniiwan nila ang kanilang mga magulang, at ang ilang lalaki ay nagiging magkaribal pa nga, nangangagat, nakikipaglaban, at nakikipagtunggali kung kinakailangan. Normal lang ito, ito ay isang batas. Hindi sila napapamunuan ng kanilang mga damdamin, at hindi sila namumuhay ayon sa kanilang mga damdamin gaya ng mga tao, nagsasabing: ‘Kailangan kong suklian ang kabutihan nila, kailangan kong bumawi sa kanila—kailangan kong sundin ang aking mga magulang. Kung hindi ako magiging mabuting anak sa kanila, kokondenahin, kagagalitan ako ng ibang tao, at pupunahin nila ako habang nakatalikod ako. Hindi ko kakayanin iyon!’ Ang gayong mga bagay ay hindi sinasabi sa mundo ng hayop. Bakit sinasabi ng mga tao ang gayong mga bagay? Dahil sa lipunan at sa loob ng mga grupo ng mga tao, mayroong iba’t ibang maling ideya at karaniwang opinyon. Matapos maimpluwensyahan, masira, at mabulok ang mga tao sa mga bagay na ito, nagiging iba’t iba ang pagbibigay-kahulugan at pagharap nila sa relasyon ng magulang at anak, at sa huli ay tinatrato nila ang kanilang mga magulang bilang kanilang mga pinagkakautangan—mga pinagkakautangan na hinding-hindi nila mababayaran sa buong buhay nila. Mayroon pa ngang mga taong nakokonsensiya pagkatapos mamatay ang kanilang mga magulang, at iniisip nila na hindi sila karapatdapat sa kabutihan ng kanilang mga magulang, dahil sa isang bagay na ginawa nila na hindi nakapagpasaya sa kanilang mga magulang o hindi nagustuhan ng mga ito. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t kalabisan ito? Ang mga tao ay nababalot ng mga damdamin sa kanilang buhay, kaya maaari lamang silang maapektuhan at mabagabag ng iba’t ibang ideyang nagmumula sa mga damdaming ito. Ang mga tao ay namumuhay sa isang kapaligirang kinukulayan ng ideolohiya ng tiwaling sangkatauhan, kaya’t naaapektuhan at nagugulo sila ng iba’t ibang nakalilinlang na ideya, na ginagawang nakakapagod at hindi gaanong simple ang kanilang buhay kumpara sa mga ibang buhay na nilalang. Gayunpaman, sa ngayon, dahil ang Diyos ay gumagawa, at dahil ipinapahayag Niya ang katotohanan para sabihin sa mga tao ang katotohanan ng lahat ng katunayang ito, at para bigyan sila ng kakayahang maunawaan ang katotohanan, pagkatapos mong maunawaan ang katotohanan, hindi na magpapabigat sa iyo ang mga nakalilinlang na ideya at pananaw na ito, at hindi na magsisilbing gabay sa kung paano mo pangasiwaan ang relasyon mo sa mga magulang mo. Sa puntong ito, magiging mas maluwag ang buhay mo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17). Pinag-isipan ni Mu Xi ang mga salita ng Diyos at nakadama siya ng kaliwanagan. Lumalabas na lahat ng uri ng nilalang ay may kakayahang maingat na alagaan at responsableng palakihin ang kanilang mga supling. Ito ay isang prinsipyo at batas na itinakda ng Diyos para sa lahat ng nilalang na may buhay, at isa itong likas na gawing ipinagkaloob ng Diyos sa kanila. Tulad ng mababangis na tigre at leon, kapag ang kanilang mga supling ay musmos pa at hindi pa kayang mamuhay nang mag-isa, maingat nilang inaalagaan at pinoprotektahan ang mga ito, hinahanapan ng pagkain, at ginagawa ang kanilang makakaya upang magbigay ng ligtas at komportableng kapaligiran para sa paglaki ng mga ito. Kung hindi nila susundin ang prinsipyong ito sa pananatiling buhay, at hindi nila aalagaan at papalakihin ang kanilang mga supling pagkatapos nilang manganak, hindi mabubuhay ang susunod nilang henerasyon, at masisira ang pagpapatuloy ng bagong buhay sa buong kaharian ng mga hayop. Ganoon din ang mga tao. Bago matutong mabuhay nang mag-isa ang kanilang mga anak, buong puso silang pinapalaki at inaalagaan ng kanilang mga magulang, dumadanas pa nga sila ng matinding paghihirap upang magawa ito, ngunit tinutupad lamang nila ang kanilang responsabilidad at obligayon bilang mga magulang, at sinusunod lamang nila ang mga prinsipyo sa pananatiling buhay na itinakda ng Diyos para sa lahat ng may buhay, at hindi ito maituturing na kabutihan. Naisip din ni Mu Xi kung paanong habang lumalaki ang mga bata, itinatanim ng mga paraalan at pamilya ang pananaw na “Ang isang taong walang galang sa magulang ay mas mababa pa kaysa sa hayop.” Ipinapahiwatig nito na kung nagagawa ng mga hayop na suklian ang kanilang mga magulang kapag lumaki na ang mga ito, tiyak na lalong mas dapat maging magalang ang isang tao sa kanyang magulang at suklian nito ang kanilang biyaya ng pag-aaruga. Kung hindi ito magawa ng isang tao, nangangahulugang wala itong pagkatao at walang anumang pagpapahalaga sa damdamin ng tao. Dahil naturuan siya sa ganitong paraan simula pagkabata, palaging itinuturing ni Mi Xu na isang kabutihang-loob sa kanya ang responsabilidad at obligasyon ng kanyang ama sa pagpapalaki sa kanya, at tinrato niya ang tatay niya na para bang ito ay pinagkakautangan niya. Sa tuwing naiisip niya na hindi niya masuklian ang biyaya ng pag-aaruga ng kanyang ama, nakakaramdam siya ng pagkakonsensiya at panunumbat sa kanyang puso, nararamdaman niya na wala siyang konsensiya. Bagama’t alam niyang ang kanyang tungkulin ay ang responsabilidad na dapat niyang tapusin bilang isang nilikha, nanatili siyang nakagapos at nalilimitahan ng mga nakalilinlang na pananaw, at natagpuan niya ang sarili niyang handang isantabi ang pagkakataong gampanan ang kanyang tungkulin at hangarin ang katotohanan. Sa ganitong paraan, naghihimagsik siya laban sa Diyos at ipinagkakanulo niiya ang Diyos! Nakita ni Mu Xi kung gaano kadesperado ang kawalan ng tamang pananaw sa mga bagay-bagay, hindi niya ganap na matukoy kung alin ang positibo at kung alin ang negatibo. Napagtanto ni Mu Xi na ang buhay niya ay kaloob ng Diyos, at kung wala ang paunang pagtatakda at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, wala sana siya sa mundong ito, lalong hindi siya lalaki nang ligtas, at bahagi pa rin ng kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos ang katunayang ipinanganak siya sa kanyang pamilya na may taos-pusong pangangalaga ng kanyang ama. Sa halip na makaramdam ng pagkakautang sa sinumang tao, dapat siyang magpasalamat sa biyaya ng Diyos. Nang mapagtanto ito, nagdasal si Mu Xi sa Diyos, “Diyos ko, iginapos ako ng mga nakalilinlang na tradisyonal na ideya sa loob ng maraming taon, at palagi kong itinuturing na kabaitan ang mga responsabilidad ng aking ama. Dahil dito, naramdaman kong nalilimitahan at nasusumbatan ako kapag hindi ko siya magawang alagaan, at nabalewala ko ang tungkulin ko. Diyos ko, ayaw ko nang maghimagsik laban sa Iyo. Nais kong magsisi sa Iyo.”

Pagkatapos, nagbasa si Mu Xi ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Una sa lahat, pinipili ng karamihan sa mga tao na umalis ng bahay para gampanan ang kanilang mga tungkulin dahil parte ito ng pangkalahatang mga obhetibong sitwasyon, kung saan kakailanganin nilang iwan ang kanilang mga magulang; hindi sila maaaring manatili sa tabi ng kanilang mga magulang para alagaan at samahan ang mga ito. Hindi naman sa kusang-loob nilang iiwan ang kanilang mga magulang; ito ang obhetibong dahilan. Sa isa pang banda, ayon sa pansariling pananaw, lumalabas ka para gampanan ang iyong mga tungkulin hindi dahil sa gusto mong iwan ang iyong mga magulang at takasan ang iyong mga responsabilidad, kundi dahil sa misyon ng Diyos. Upang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, tanggapin mo ang Kanyang misyon, at gampanan ang mga tungkulin ng isang nilikha, wala kang magagawa kundi ang iwan ang iyong mga magulang; hindi ka maaaring manatili sa kanilang tabi para samahan at alagaan sila. Hindi mo sila iniwan para makaiwas sa mga responsabilidad, hindi ba? Ang pag-iwan sa kanila para makaiwas sa iyong mga responsabilidad at ang pangangailangang iwan sila para tugunan ang misyon ng Diyos at gampanan ang iyong mga tungkulin—hindi ba’t magkaiba ang kalikasan ng mga ito? (Oo.) Sa puso mo, mayroon ka ngang emosyonal na koneksiyon at mga saloobin para sa iyong mga magulang; hindi walang kabuluhan ang iyong mga damdamin. Kung pahihintulutan ng mga obhetibong sitwasyon, at nagagawa mong manatili sa kanilang tabi habang ginagampanan din ang iyong mga tungkulin, kung gayon, kusang-loob kang mananatili sa kanilang tabi, palagi silang aalagaan, at tutuparin ang iyong mga responsabilidad. Subalit dahil sa mga obhetibong sitwasyon, dapat mo silang iwan; hindi ka maaaring manatili sa tabi nila. Hindi naman sa ayaw mong tuparin ang iyong mga responsabilidad bilang kanilang anak, kundi dahil hindi mo lang ito magawa. Hindi ba’t iba ang kalikasan nito? (Oo.) Kung iniwan mo ang tahanan para iwasan ang pagiging mabuting anak at pagtupad sa iyong mga responsabilidad, iyon ay pagiging masamang anak at kawalan ng pagkatao. Pinalaki ka ng iyong mga magulang, pero hindi ka makapaghintay na ibuka ang iyong mga pakpak at agad na umalis nang mag-isa. Ayaw mong makita ang iyong mga magulang, at wala kang pakialam kapag nabalitaan mo ang pagdanas nila ng kaunting hirap. Kahit na may kakayahan kang tumulong, hindi mo ginagawa; nagpapanggap ka lang na walang narinig at hinahayaan ang iba na sabihin ang kung ano-anong gusto nila tungkol sa iyo—sadyang ayaw mo lang tuparin ang iyong mga responsabilidad. Ito ay pagiging hindi mabuting anak. Ngunit ganito pa ba ang nangyayari ngayon? (Hindi.) Maraming tao ang umalis na sa kanilang bayan, lungsod, probinsiya, o maging sa kanilang bansa para magampanan ang kanilang mga tungkulin; malayo na sila sa kanilang lugar na kinalakhan. Dagdag pa rito, hindi madali para sa kanila na makipag-ugnayan sa kanilang pamilya sa iba’t ibang kadahilanan. Paminsan-minsan, tinatanong nila ang tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang mga magulang mula sa mga taong galing sa parehong lugar na kinalakhan nila at nakakahinga sila nang maluwag kapag nababalitaan nilang malusog pa rin ang kanilang mga magulang at maayos pa rin na nakakaraos. Sa katunayan, hindi ka masamang anak; hindi ka pa umabot sa punto ng kawalan ng pagkatao, kung saan ni ayaw mo nang alalahanin ang iyong mga magulang o tuparin ang iyong mga responsabilidad sa kanila. Dahil sa iba’t ibang obhetibong dahilan kaya mo kinakailangang gawin ang ganitong pasya, kaya hindi ka masamang anak. … Kaya, sa kabuuan, mayroong kamalayan ang mga tao sa kanilang konsensiya tungkol sa mga responsabilidad na tinutupad nila sa kanilang mga magulang. Anuman ang saloobin sa mga magulang ang hatid ng kamalayang ito, ito man ay pag-aalala o pagpapasyang pumaroon sa kanilang tabi, sa alinmang paraan, hindi dapat makonsensiya o magkaroon ng mabigat na pasanin sa konsensiya ang mga tao dahil sa hindi nila matupad ang kanilang mga responsabilidad sa kanilang mga magulang sapagkat apektado sila ng mga obhetibong sitwasyon. Ang mga isyung ito, at ang iba pang katulad nito, ay hindi dapat maging problema sa mga buhay ng pananampalataya sa Diyos ng mga tao; ang mga ito ay dapat bitiwan. Pagdating sa mga paksang ito na nauugnay sa pagtupad sa mga responsabilidad ng isang tao sa mga magulang, dapat magkaroon ang mga tao nitong mga tumpak na pagkaunawa at hindi na dapat makaramdam ng pagpipigil(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 16). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ni Mu Xi na ang hindi niya pananatili sa bahay upang alagaan ang kanyang ama ay hindi kawalan ng galang sa magulang, dahil hindi naman ito nangangahulugang ayaw niyang tuparin ang mga responsabilidad niyang alagaan at manatili kasama ang kanyang ama, kundi dahil sa pag-uusig at pag-aresto ng CCP, kaya napilitan siyang lumayo sa kanyang pamilya. Dagdag pa rito, bilang isang nilikha, kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkulin at tuparin ang kanyang mga responsabilidad at obligasyon bilang isang nilikha. Naisip ni Mu Xi ang mga banal sa buong mga kapanahunan, na iniwan ang kanilang mga magulang at pamilya para maglakbay, magpakalat at magtrabaho upang magpatotoo sa at mangaral ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus, na sa huli ay nagpahintulot sa kanilang ipakalat ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa lahat ng sulok ng mundo, na naging sanhi upang matanggap ng mga tao ang pagliligtas ng Panginoon. Ang kanilang mga sakripisyo at paggugol ay mga kilos ng kabutihan at ito rin ang pinakamakatwirang layunin. Ngayon ay isang mahalagang panahon upang ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian, at maraming tao ang nag-aasam sa pagpapakita ng Diyos na namumuhay sa kadiliman at hindi pa naririnig ang tinig ng Diyos, at alam ni Mu Xi na kailangan niyang mag-ambag sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Nang mapagtanto ito, nakaramdam si Mu Xi ng higit na kalayaan at kapanatagan, hindi na siya namumuhay na may pakiramdam ng pagkakautang sa kanyang ama, at mas lalo niyang inialay ang kanyang puso sa kanyang tungkulin.

Sinundan:  34. Kumakatawan Ba ang Kabaitan sa Mabuting Pagkatao?

Sumunod:  36. Pinalaya Ako Ng Mga Salita Ng Diyos Mula Sa Pakiramdam ng Pagkakasikil

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger