43. Pagbangon Mula sa Anino ng Pagpanaw ng Aking Anak

Ni Li Lan, Tsina

Sa mga taong ito bilang isang mananampalataya, noon pa man ay alam ko na sa teorya na ang ating kapalaran, kapanganakan, at kamatayan ay nasa mga kamay ng Diyos, pero sa realidad, wala akong tunay na pagkaunawa sa Diyos. Nang mamatnugot ang Diyos ng isang sitwasyon na hindi nakaayon sa mga kuru-kuro ko, nang biglaang mamatay ang anak ko sa isang aksidente sa motorsiklo, nagpakita ako ng ng mga reklamo, maling pagkaunawa at pagkahilig na makipagtalo, ganap akong nabunyag. Noon ko lang nabatid ang aktuwal kong tayog. At saka, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa mga mali kong pananaw tungkol sa pagkamit ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pananampalataya.

Noong Hulyo ng 2017, kami ng mister ko ay medyo kilala bilang mga mananampalataya sa aming lugar, hanggang sa ilang ulit na pumupunta ang mga pulis sa bahay namin para imbestigahan kami. Napilitan kaming iwan ang aming anak at gawin ang aming mga tungkulin sa labas ng tahanan. Kalaunan, patuloy na nag-usisa ang mga pulis tungkol sa amin kaya’t hindi na kami nakauwi ng mister ko sa aming tahanan sa loob ng huling pitong taon. Minsan, kapag naririnig kong tumatawag ang ibang bata ng “nanay,” bigla akong nakakaramdam ng lungkot. Umaasa lang ako na, sana balang araw ay makauwi ako at makita ang anak ko, pero dahil sa sitwasyon namin, hindi kami naglakas-loob na umuwi at nakakabalita lang kami tungkol sa anak namin mula sa mga kapatid sa aming nayon. Sa tuwing nababalitaan ko na malusog at ligtas ang anak ko, nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang pangangalaga at proteksiyon at nakakapagpatuloy ako sa paggawa ng tungkulin ko nang panatag ang isip.

Isang hapon noong Agosto ng 2023, nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking superbisor, ipinapaalam sa akin na nasawi sa isang aksidente sa motorsiklo ang anak ni Wang Kai. Si Wang Kai ang mister ko. Sinasabi nila na namatay ang anak ko. Parang imposible ito, at inisip ko na marahil ay nagkamali ang superbisor. Hindi talaga ako makapaniwala na namatay na ang anak ko. Kinusot ko ang mga mata ko at binasa kong muli nang maigi ang mensahe, pero napakalinaw ng pagkakasulat dito. Bumagsak ako sa sahig at hindi ko napigilang humagulgol. Paanong nangyari ang ganito sa pamilya ko? Ninais kong tubuan ng mga pakpak para makalipad ako pauwi at makita ang anak ko sa huling pagkakataon, pero pareho kami ng mister ko na pinupuntirya ng mga pulis at hindi ligtas na umuwi. Nang naisip ko na hindi kami makakauwi para makita ang aming namatay na anak, parang sinaksak ang dibdib ko sa sakit. Nagsimula akong magkamali ng pag-unawa sa Diyos at sinisi ko Siya, “O Diyos! Bakit hindi mo pinrotektahan ang anak ko? Simula nang pumasok kami sa pananalig, palagi kaming gumagawa ng mister ko ng mga tungkulin. Nahaharap sa pang-uusig at pagtugis ng malaking pulang dragon, nilisan namin ang aming tahanan at tinalikuran ang aming anak para gawin ang aming tungkulin hanggang sa ngayon. Kahit anong tungkulin ang itinalaga sa amin ng iglesia, hindi kami kailanman tumanggi. Tatlumpung taong gulang lang ang anak namin; bata pa siya. Kailangan kong ilibing ang sarili kong anak! Ang anak ko ang tanging pag-asa ko bilang isang ina, at ngayon ay walang-wala na ako at hindi ko man lang siya nakita bago siya pumanaw. Mas mabuti pa sana kung sabay kaming pumanaw at makakasama ko siya sa kabilang buhay.” Napagtanto kong naliligaw ako sa aking pag-iisip, na sinisisi ko ang Diyos at nagkakamali ako ng pag-unawa sa Kanya, kaya, dali-dali akong nagdasal nang tahimik sa Diyos, “O Diyos! Nang mabalitaan kong namatay ang anak ko sa isang aksidente sa motorsiklo, hindi ko ito matanggap kaagad, pero hindi Kita dapat sinisi at hindi ako dapat nagkamali ng pag-unawa sa Iyo. O Diyos! Pakiusap, protektahan Mo po ang puso ko at patahimikin Mo po ako sa harap Mo.” Paulit-ulit akong nagdasal sa Diyos para humingi ng tulong, at unti-unti akong kumalma. Gayumpaman, kapag naiisip ko na pumanaw na ang aking anak, at hindi ko na siya muling makikita kailanman, nahihirapan at nanghihina pa rin ako. Humihiga ako sa aking kama, tumatangging kumain o uminom at hindi nakakatulog buong gabi. Inisip ko ang mukha ng aking anak, at tinawag ang pangalan niya sa puso ko habang lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luha.

Sa mga sumunod na araw, namuhay ako sa masakit na alaala ng anak ko at wala akong ganang gawin ang anumang bagay. Wala akong motibasyon na subaybayan ang gawain ng ebanghelyo at naantala ang gawain. Alam kong hindi ako puwedeng malugmok sa gayong kalagayan dahil ako ang namamahala sa gawain ng ebanghelyo. Namatay na ang anak ko, pero kailangan kong patuloy na mabuhay at gawin nang maayos ang tungkulin ko! Pinunasan ko ang mga luha ko at lumuhod ako sa harap ng Diyos para magdasal, “O Diyos! Ayaw kong manatili sa kalagayang ito ng pagkasira ng loob. Pakiusap, gabayan Mo po ako na matuto sa sitwasyong ito at makawala mula sa kalungkutang ito.” Pagkatapos magdasal, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na ipinadala sa akin ng aking lider: “Ang ilang mangmang na magulang ay hindi nakakaunawa sa buhay o tadhana, hindi kinikilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at madalas silang gumagawa ng mga kamangmangan pagdating sa kanilang mga anak. Halimbawa, pagkatapos matutong magsarili ng kanilang mga anak, maaaring maharap ang mga ito sa ilang espesyal na sitwasyon, paghihirap, o seryosong insidente; ang ilan ay nagkakasakit, may ibang nasasangkot sa mga demanda, may nagdidiborsiyo, may nalilinlang at naii-scam, at may iba pa na nakikidnap, napapahamak, nabubugbog nang husto, o nahaharap sa kamatayan. May ilan pa nga na nalululong sa droga, at iba pa. Ano ang dapat gawin ng mga magulang sa mga espesyal at mabibigat na sitwasyong ito? Ano ang karaniwang reaksiyon ng karamihan sa mga magulang? Ginagawa ba nila ang nararapat nilang gawin bilang mga nilikha na may pagkakakilanlan bilang magulang? Napakadalang na makarinig ang mga magulang ng gayong balita at tumugon tulad ng gagawin nila kung nangyari ito sa isang estranghero. Karamihan sa mga magulang ay nagpupuyat hanggang sa mamuti ang kanilang buhok, hindi sila makatulog gabi-gabi, walang gana kumain sa araw, pinipiga ang utak nila sa kakaisip, at ang ilan ay mapait pa ngang tumatangis, hanggang sa mamula ang kanilang mga mata at maubusan na sila ng luha. Taimtim silang nananalangin sa Diyos, hinihiling na isaalang-alang ng Diyos ang sarili nilang pananalig at protektahan Niya ang kanilang mga anak, na paboran at pagpalain Niya ang mga ito, na kaawaan Niya ang mga ito at iligtas ang buhay ng mga ito. Bilang mga magulang sa ganitong sitwasyon, nalalantad lahat ang kanilang mga kahinaan bilang tao, pagkamarupok, at damdamin para sa kanilang mga anak. Ano pa ang ibang nabubunyag? Ang kanilang pagiging mapaghimagsik laban sa Diyos. Nagsusumamo sila sa Diyos at nananalangin sa Kanya, nagmamakaawa sa Kanya na ilayo ang kanilang mga anak sa kapahamakan. Kahit pa maganap ang isang sakuna, ipinagdarasal nila na hindi mamatay ang kanilang mga anak, na ang mga ito ay makatakas sa panganib, hindi mapahamak ng masasamang tao, hindi lumala ang mga sakit, bagkus ay gumaling, at iba pa. Ano ba talaga ang ipinagdarasal nila? (O Diyos, sa mga dasal na ito, mayroon silang mga hinihingi sa Diyos, nang may bahid ng pagrereklamo.) Sa isang aspekto, labis silang hindi nasisiyahan sa sitwasyon ng kanilang mga anak, nagrereklamo na hindi dapat hinayaan ng Diyos na mangyari ang mga gayong bagay sa kanilang mga anak. May halong reklamo ang kanilang kawalang-kasiyahan, at hinihiling nila sa Diyos na magbago ang isip Niya, na huwag Siyang kumilos nang ganito, na ilayo Niya ang kanilang mga anak mula sa panganib, na panatilihin Niyang ligtas ang mga ito, na pagalingin Niya ang sakit ng mga ito, na tulungan Niyang makatakas ang mga ito sa mga demanda, na makaiwas ang mga ito sa kalamidad kapag dumarating iyon, at iba pa—sa madaling sabi, na gawin ng Diyos na maayos ang lahat. Sa pagdarasal nang ganito, sa isang aspekto, nagrereklamo sila sa Diyos, at sa isa pa, humihingi sila sa Kanya. Hindi ba’t ito ay pagpapamalas ng pagiging mapaghimagsik? (Oo.) Sa pahiwatig, sinasabi nila na ang ginagawa ng Diyos ay hindi tama o mabuti, na hindi Siya dapat kumilos nang ganito. Dahil mga anak nila ito, at sila ay mga mananampalataya, iniisip nila na hindi dapat hayaan ng Diyos na mangyari ang mga gayong bagay sa kanilang mga anak. Ang mga anak nila ay hindi katulad ng iba; dapat makatanggap ang mga ito ng mga espesyal na pagpapala mula sa Diyos. Sapagkat nananalig sila sa Diyos, dapat Niyang pagpalain ang kanilang mga anak, at kung hindi Niya ito gagawin, sila ay mababagabag, iiyak, magmamaktol, at aayaw nang sumunod sa Diyos. Kung mamamatay ang kanilang anak, mararamdaman nilang hindi na rin nila kaya pang mabuhay. Ito ba ang sentimyentong nasasaisip nila? (Oo.) Hindi ba’t isa itong uri ng pagprotesta laban sa Diyos? (Ganoon nga.) Ito ay pagprotesta laban sa Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 19). Ganap na inilantad ng mga salita ng Diyos ang kasalukuyan kong kalagayan. Nang mabalitaan ko ang pagkamatay ng anak ko sa aksidente sa motorsiklo, hindi ako kumain o uminom at di-makatwirang nakipagtalo pa nga ako sa Diyos, nilabanan at sinisi ko Siya, at nagkamali ako ng pag-unawa sa Kanya. Ginawa ko ito dahil mali ang pananaw ko sa aking pananalig. Tinalikuran namin ng mister ko ang pamilya at trabaho namin para gawin ang aming mga tungkulin nang walang kahit katiting na reklamo tungkol sa mga paghihirap, at nagpatuloy pa nga kami sa paggawa ng aming mga tungkulin habang tinutuya kami ng aming mga kamag-anak at kapitbahay at tinutugis at inuusig ng mga pulis. Akala ko, basta’t tinalikuran ko ang mga bagay-bagay, iginugol ang sarili ko, at higit na nagdusa at nagbayad ng halaga sa aking tungkulin, tiyak na poprotektahan ng Diyos ang anak ko mula sa karamdaman at aksidente at pahihintulutan siyang mamuhay nang may magandang kalusugan. Nang mabalitaan kong namatay ang anak ko sa isang aksidente sa motorsiklo, nagsimula akong makipagtalo at lumaban sa Diyos, ginagamit kung ano ang tinalikuran at iginugol ko bilang kapital para makipagtalo sa Kanya, at sinisisi ko ang Diyos sa hindi pagpoprotekta sa anak ko. Naisip ko rin na dahil namatay na ang anak ko, wala nang saysay na patuloy akong mabuhay at mas mabuti pang makasama ko ang anak ko sa kabilang buhay! Sa pagninilay-nilay sa pag-uugali ko, nakita ko na lumalaban at hindi ako nasisiyahan sa sitwasyong ipinamatnugot ng Diyos. Ang kalikasan nito ay paghihimagsik at pagtutol laban sa Diyos—ito ay pagkontra sa Kanya! Ibinunyag ng pagkamatay ng anak ko ang tunay kong tayog. Malinaw kong nakita na ang matagal ko nang pagsasagawa ng pananalig, pagtalikod sa pamilya at propesyon, pagdurusa at pagbabayad ng halaga, ay pawang isang kalakalan lamang na gusto kong gawin sa Diyos kapalit ng biyaya at mga pagpapala. Naisip ko ang hindi kapani-paniwalang pagsubok na naranasan ni Job, nawala ang lahat ng kanyang ari-arian at ang kanyang mga anak, at nabalot siya ng mga pigsa, pero walang kondisyon siyang nagpasakop sa Diyos at pinuri pa nga niya ang pangalan ng Diyos at nanindigan siya sa kanyang patotoo sa Diyos. Nahiya ako pagkatapos kong ikumpara ang sarili kong pag-uugali sa pag-uugali ni Job. Kinailangan kong itigil ang paninisi sa Diyos. Kailangan kong umasa sa Kanya para manindigan sa aking patotoo at ipahiya si Satanas!

Pagkatapos niyon, patuloy akong nagbasa ng mga salita ng Diyos at nagsimulang magkamit ng pagkaunawa sa mali kong pananaw tungkol sa pananampalataya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi ba’t matagal nang lumipas ang panahon ng ‘Ang pananampalataya ng isang tao sa Panginoon ay naghahatid ng mga pagpapala sa buong pamilya’? (Oo, matagal na iyong lumipas.) Kung gayon, bakit nag-aayuno at nagdarasal pa rin nang ganito ang mga tao, walang kahihiyang nagsusumamo sa Diyos na protektahan at pagpalain ang kanilang mga anak? Bakit nangangahas pa rin silang magprotesta at makipaglaban sa Diyos, sinasabing, ‘Kung hindi ganito ang gagawin Mo, patuloy akong magdarasal; mag-aayuno ako!’ Ano ang ibig sabihin ng pag-aayuno? Ito ay ang magprotesta sa pamamagitan ng pagpapakagutom, na ang ibig ding sabihin ay pagkilos nang walang kahihiyan at pagmamaktol. Kapag ang mga tao ay kumikilos nang walang kahihiyan sa harap ng ibang tao, maaaring nagdadabog sila, sinasabing, ‘Naku, wala na ang anak ko; ayaw ko nang mabuhay pa, hindi ko na kaya!’ Hindi nila ito ginagawa kapag nasa harap sila ng Diyos; nagsasalita sila nang maayos, sinasabing, ‘Diyos ko, nagmamakaawa po akong protektahan Mo ang aking anak at pagalingin Mo ang kanyang sakit. Diyos ko, Ikaw ang dakilang manggagamot na nagliligtas sa mga tao—kaya Mong gawin ang lahat ng bagay. Nakikiusap po ako sa Iyo na bantayan at protektahan siya. Ang Iyong Espiritu ay nasa lahat ng dako, Ikaw ay matuwid, Ikaw ay isang Diyos na nagpapakita ng awa sa mga tao. Inaalagaan at pinapahalagahan mo sila.’ Ano ang ibig sabihin nito? Walang mali sa sinasabi nila, hindi lang ito ang tamang oras para sabihin ang mga bagay na iyon. Ang ipinapahiwatig niyon ay na kung hindi ililigtas ng Diyos ang iyong anak at poprotektahan ito, kung hindi tutuparin ng Diyos ang mga hiling mo, hindi Siya isang mapagmahal na Diyos, wala Siyang pagmamahal, hindi Siya isang mahabaging Diyos, at hindi Siya Diyos. Hindi ba’t ito ang nangyayari? Hindi ba’t ito ay pagkilos nang walang kahihiyan? (Oo.) Dinadakila ba ng mga taong kumikilos nang walang kahihiyan ang Diyos? Mayroon ba silang may-takot-sa-Diyos na puso? (Wala.) Ang mga taong kumikilos nang walang kahihiyan ay katulad lang ng mga taong may masasamang loob—wala silang may-takot-sa-Diyos na puso(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 19). “Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isa lamang hayagang pansariling interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng mga pagpapala. Sa madaling salita, ito ang relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho nang husto ang empleyado para lang makatanggap ng mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon na nakabatay lang sa interes, transaksiyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pagkakaunawaan, walang magawang pigil na galit at panlilinlang lamang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sinabi ng Diyos na ang panahon ng “Ang pananampalataya ng isang tao sa Panginoon ay naghahatid ng mga pagpapala sa buong pamilya” ay matagal nang lumipas. Pero pinanghawakan ko pa rin ang pananaw na ito sa aking pananampalataya. Sa pagninilay-nilay sa maraming taon ko sa pananalig, sa panlabas, maaaring tila tinalikuran ko ang pamilya at propesyon ko para gawin ang aking tungkulin, pero gusto ko lang talagang makatanggap ng biyaya mula sa Diyos. Nang mabalitaan kong maayos naman ang anak ko, malusog, at ligtas, anuman ang tungkuling itinalaga sa akin, masunurin kong ginagawa ito. Pero nang marinig ko ang kakila-kilabot na balita ng pagkamatay ng anak ko, nagsimula akong makipagtalo at lumaban sa Diyos at wala akong motibasyon na gawin ang tungkulin ko. Pinag-isipan ko pa ngang patayin ang sarili ko para makasama ang anak ko at puno ako ng mga maling pagkaunawa at reklamo tungkol sa Diyos. Sa paghahambing ng mga salita ng Diyos sa sarili ko, nakita ko na isa akong taong walang kahihiyan na nag-aalboroto. Maraming taon akong nanampalataya sa Diyos, kumain at uminom ng napakaraming salita Niya, pero wala akong kahit katiting na pagpapasakop o takot sa Kanya sa puso ko. Ginugol ko lang ang mga taong iyon sa pagdurusa at paggugol ng sarili ko para magkamit ng mga pagpapala, nakikipagtransaksiyon lang ako sa Diyos at hindi ko man lang tinutupad ang tungkulin ko para palugurin ang Diyos. Sa sandaling hindi ko natanggap ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos, nagsimula akong magprotesta at makipagtalo sa Kanya. Wala akong kahit katiting na pagkatao o katwiran!

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi na nakatulong sa akin na mas maunawaan kung bakit ang “Ang pananampalataya ng isang tao sa Panginoon ay naghahatid ng mga pagpapala sa buong pamilya” ay isang maling pananaw. Sabi ng Diyos: “May angkop na hantungan ang lahat, na natutukoy ayon sa diwa ng bawat tao, at ganap na walang kinalaman sa ibang mga tao. Ang masamang pag-uugali ng isang bata ay hindi maililipat sa kanyang mga magulang, o hindi maibabahagi sa mga magulang ang pagkamatuwid ng isang bata. Hindi maililipat sa kanyang mga anak ang masamang pag-uugali ng isang magulang, o hindi maibabahagi sa kanyang mga anak ang pagkamatuwid ng isang magulang. Pinapasan ng lahat ang kani-kaniyang mga kasalanan, at tinatamasa ng lahat ang kani-kaniyang mga pagpapala. Walang sinuman ang maaaring maging panghalili sa isa pang tao; ito ang pagiging matuwid(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na itinatakda ng Diyos ang mga kalalabasan ng mga tao ayon sa kanilang diwa at kabuuang pag-uugali. Bilang isang mananampalataya, responsabilidad ko ang paggawa ng tungkulin ko at wala itong kinalaman sa kapalaran at hantungan ng anak ko. Hindi magbabago ang kapalaran ng anak ko dahil lang sa nanampalataya ako sa Diyos. Pinamamahalaan ng Diyos ang kapalaran ng lahat, ng kapwa mga mananampalataya o walang pananampalataya. Palaging matuwid ang mga pagsasaayos ng Diyos at kaya, dapat lang akong magpasakop sa mga ito, ito ang makatwirang gawin. Pero sinunod ko ang maling panananaw ng “Ang pananampalataya ng isang tao sa Panginoon ay naghahatid ng mga pagpapala sa buong pamilya,” iniisip na dahil tinalikuran ko ang mga bagay-bagay, ginugol ang sarili ko at ginawa ang aking tungkulin, dapat lang na protektahan ng Diyos ang anak ko. Ang pananaw na ito ay nanggaling sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon, at hindi nakaayon sa katotohanan kahit kaunti.

Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng pagkaunawa sa mali kong pananaw tungkol sa pagkamit ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pananampalataya. Akala ko ay nalampasan ko na ang pagkamatay ng anak ko sa wakas, pero nang mamatnugot ang Diyos ng isa pang sitwasyon para sa akin at nalaman ko ang dahilan ng pagkamatay ng anak ko, muli akong nagreklamo. Noong Agosto 14, nakipagkita ako sa hipag ko, na isa ring mananampalataya, at sinabi niya sa akin na noong oras ng aksidente, tila hindi naman malubhang nasugatan ang anak ko. Dinala ang anak ko sa ospital para sa imaging at kalaunan ay pinauwi para makapagpahinga sa bahay. Pagkauwi niya sa bahay, nagsimula siyang kapusin ng hininga at kaya, bumalik siya sa ospital, pero bukod sa hindi bumuti ang kondisyon niya, lumala pa nga ito, kaya hiniling niya na mailipat sa ibang ospital, pero tumanggi ang doktor na nag-aasikaso sa kanya. Kalaunan, nang patuloy na mahirapang huminga ang anak ko, saka lang pumayag ang doktor na ilipat siya, pero habang nasa daan patungo sa ospital, tuluyan nang tumigil ang paghinga niya. Inihayag ng isang awtopsiya na ang isang nabaling tadyang ay nakasugat sa kanyang mga baga at nagdulot ng impeksiyon. Kung naoperahan lang sana siya sa tamang oras, baka hindi siya namatay. Ang maling diagnosis ng ospital ang nagtulak sa kanya sa kanyang kamatayan. Nang marinig ko ang mga detalyeng ito, talagang nabigla ako at muntik akong mahimatay. Para akong sinaksak sa dibdib sa emosyonal na sakit. Niyakap ko ang hipag ko at napahagulgol ako sa pag-iyak. Naisip ko, “Kung nandoon lang sana kami ng mister ko para igiit na mailipat siya sa tamang oaras, hindi sana siya mamamatay.” Sinubukan akong aluin ng hipag ko at sinabing, “May layunin ang Diyos sa karanasang ito; subukan mong tanggapin ito mula sa Diyos.” Nakatulong sa akin ang mga komento ng hipag ko para bigla kong mapagtanto na nagrereklamo na naman ako. Nagdasal ako sa Diyos sa puso ko, hinihiling sa Kanya na protektahan ang puso ko at tulungan akong magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Pagkatapos, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko ilang araw na ang nakalipas: “Ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay inorden at pinlano Niya. Ayos lang ba na gustuhin mong baguhin ito? (Hindi.) Hindi ito ayos lang. Kung gayon, ang mga tao ay hindi dapat gumawa ng mga kahangalan o mga hindi makatwirang bagay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 19). Sa pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang buhay at kamatayan ng tao ay inorden ng Diyos. Kahit pa nasa bahay kami at hinikayat namin ang doktor na mag-opera kaagad, kung oras na niya, mamamatay pa rin siya at wala kaming magagawa roon. Masyadong hindi makatwiran na magreklamo ako sa Diyos. Nang mapagtanto ko ito, mas gumaan ang pakiramdam ko. Handa akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at tumupad sa tungkulin ko nang may kapanatagan.

Kalaunan, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos sa isang video na nagbigay sa akin ng kaunting kabatiran tungkol sa maling pananaw sa paghahangad ng mga pagpapala sa pananalig ng isang tao. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o nagdurusa ng kasawian. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa kapag nagawang perpekto at nagtamasa ng mga biyaya ng Diyos ang isang tao matapos magdanas ng paghatol. Ang magdusa sa kasawian ay tumutukoy sa kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbago matapos siyang magdanas ng pagkastigo at paghatol; hindi niya nadanas na magawang perpekto kundi maparusahan. Ngunit nakatatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdurusa sa kasawian, dapat tuparin ng mga nilikha ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahangad sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang makatanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na magdusa ng kasawian. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Sa pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang paggawa ng tungkulin at pagiging pinagpala o isinumpa ay ganap na walang kaugnayan. Ang mga tungkulin ay atas ng Diyos sa mga tao, at ang mga ito ay mga hindi maiiwasang responsabilidad na natural at makatwirang dapat tuparin nating lahat. Isa akong nilikha, at binigyan ako ng Diyos ng buhay, kaya dapat kong tuparin ang tungkulin ko at hindi ko dapat gamitin ang pagtalikod ko sa mga bagay-bagay at mga paggugol ko bilang kapital para makipagpalitan sa Diyos para sa biyaya at mga pagpapala. Mga mananampalataya man o mga walang pananampalataya, ang kapalaran ng bawat tao ay isinasaayos at pinamumunuan ng Diyos. Ang kapanganakan, pagtanda, pagkakasakit at kamatayan ay pawang natural na penomenon, at dapat akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos.

Pagkatapos, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Minamahal at pinoprotektahan mo ang iyong mga anak, mayroon kang pagmamahal para sa iyong mga anak, hindi mo sila kayang bitiwan, at kaya hindi mo hinahayaan ang Diyos na gumawa ng anuman. May katuturan ba ito? Umaayon ba ito sa katotohanan, moralidad, o pagkatao? Hindi ito umaayon sa anuman, kahit sa moralidad, hindi ba? Hindi mo iniingatan ang iyong mga anak, pinoprotektahan mo sila—ikaw ay naiimpluwensiyahan ng iyong pagmamahal. Sinasabi mo pa nga na kung mamamatay ang anak mo ay hindi ka na magpapatuloy pang mabuhay. Dahil napakairesponsable mo sa sarili mong buhay at hindi mo iniingatan ang buhay na ibinigay sa iyo ng Diyos, kung gusto mong mabuhay para sa iyong mga anak ay sige lang, mamatay ka kasama nila. Hindi ba’t madali iyon gawin? Pagkatapos mong mamatay, at dumating ka sa espirituwal na mundo, maaari mong suriin at tingnan: magkaparehong uri ba ng espiritu kayo ng mga anak mo? May ganoon pa rin ba kayong pisikal na ugnayan? May pagmamahal pa rin ba kayo para sa isa’t isa? Pagbalik mo sa kabilang mundo, magbabago ka. Hindi ba’t totoo ito? (Oo.) … Saan sila mapupunta pagkatapos nilang mamatay? Sa sandaling mamatay sila, iyon na ang magiging huling hininga ng katawan nila, ang kanilang kaluluwa ay lilisan, at ganap na silang mamamaalam sa iyo. Hindi ka na nila makikilala, ni hindi sila mananatili kahit isang saglit, basta na lang silang babalik sa kabilang mundo. Pagbalik nila sa kabilang mundong iyon, iiyak ka, mangungulila ka sa kanila, at magiging miserable ka at mamimighati, sasabihing, ‘Wala na ang anak ko, at hindi ko na siya muling makikita kailanman!’ May kamalayan ba ang isang taong patay na? Wala siyang kamalayan sa iyo, hindi siya nangungulila sa iyo kahit kaunti. Sa sandaling lisanin niya ang kanyang katawan, agad siyang nagiging isang pangatlong partido, at wala na siyang ugnayan sa iyo. Ano ang tingin niya sa iyo? Sinasabi niya, ‘Ang matandang babaeng iyon, ang matandang lalaking iyon—sino ang iniiyakan niya? Ah, iniiyakan niya ang isang katawan. Pakiramdam ko ay kakahiwalay ko lang sa katawan na iyon: Hindi na ako gaanong mabigat ngayon, at wala na akong nararamdamang sakit mula sa karamdaman—malaya na ako.’ Iyan ang kanyang nararamdaman. Pagkatapos niyang mamatay at iwanan ang kanyang katawan, patuloy siyang umiiral sa kabilang mundo, nagpapakita sa ibang anyo, at wala na siyang anumang kaugnayan sa iyo. Umiiyak ka at nangungulila ka sa kanya rito, nagdurusa dahil sa kanya, ngunit wala siyang nararamdaman, wala siyang nalalaman. Paglipas ng maraming taon, dahil sa kapalaran o pagkakataon, maaaring maging katrabaho mo siya, o kababayan mo, o maaaring nakatira siya malayo sa iyo. Bagamat namumuhay kayo sa iisang mundo, kayo ay magiging dalawang magkaibang tao na walang koneksiyon sa isa’t isa. Kahit pa may taong makakilala na siya ay si ganito at ganyan sa nakaraang buhay dahil sa mga espesyal na sitwasyon o dahil sa isang espesyal na sinabi, wala siyang mararamdaman kapag nakita ka niya, at wala ka ring mararamdaman kapag nakita mo siya. Kahit siya pa ang anak mo sa nakaraang buhay, wala ka nang mararamdaman para sa kanya ngayon—ang naiisip mo lang ay ang yumao mong anak. Wala rin siyang nararamdaman para sa iyo: Mayroon na siyang sarili niyang mga magulang, sariling pamilya, at ibang apelyido—wala siyang kaugnayan sa iyo. Pero naroroon ka pa rin, na nangungulila sa kanya—saan ka nangungulila? Nangungulila ka lamang sa pisikal na katawan at pangalan na minsang kadugo mo; isa lang itong larawan, isang alaalang nananatili sa iyong mga kaisipan o utak—wala itong tunay na halaga. Siya ay muling ipinanganak, naging isang tao o anumang iba pang buhay na nilalang—wala siyang kaugnayan sa iyo. Samakatuwid, kapag sinasabi ng ilang magulang na, ‘Kung mamamatay ang anak ko, hindi na rin ako mabubuhay!’—iyon ay sadyang kamangmangan! Umabot na sa katapusan ang buhay niya, pero bakit ka dapat tumigil na mabuhay? Bakit ka nagsasalita nang napakairesponsable? Natapos na ang kanyang buhay, winakasan na ito ng Diyos, at mayroon na siyang ibang tungkulin—ano ang pakialam mo roon? Kung mayroon ka nang ibang tungkulin, wawakasan na din ng Diyos ang buhay mo; pero wala ka pang ibang tungkulin, kaya kailangan mong patuloy na mabuhay. Kung nais ng Diyos na mabuhay ka, hindi ka pwedeng mamatay. May kinalaman man ito sa mga magulang, anak, o sa sinumang iba pang kamag-anak o kadugo ng isang tao sa kanyang buhay, pagdating sa pagmamahal, dapat may ganitong pananaw at pang-unawa ang mga tao: Pagdating sa pagmamahal na umiiral sa pagitan ng mga tao, kung ito ay magkadugo, sapat na ang pagtupad sa responsabilidad. Maliban sa pagtupad sa kanilang mga responsabilidad, walang obligasyon o kakayahan ang mga tao na baguhin ang anumang bagay. Kaya, iresponsable para sa mga magulang na sabihing, ‘Kung wala na ang mga anak namin, kung kailangan naming mga magulang na ilibing ang sarili naming mga anak, ayaw na naming mabuhay pa.’ Kung talagang ililibing ang mga anak ng kanilang mga magulang, masasabi lang na ganoon lang kahaba ang panahon nila sa mundong ito, at kailangan na nilang lumisan. Pero nandito pa rin ang kanilang mga magulang, kaya’t dapat pa ring patuloy na mamuhay nang maayos ang mga magulang na ito. Siyempre, ayon sa kanilang pagkatao, normal lang para sa mga tao na isipin ang kanilang mga anak, ngunit hindi nila dapat sayangin ang natitira nilang oras sa pangungulila sa kanilang mga yumaong anak. Ito ay kahangalan. Kaya, sa pagharap sa usaping ito, sa isang aspekto, dapat maging responsable ang mga tao sa kanilang sariling buhay, at sa isa pang aspekto, dapat nilang lubusang maunawaan ang mga ugnayang pampamilya. Ang tunay na relasyon sa pagitan ng mga tao ay hindi nakabatay sa mga ugnayan sa laman at dugo, bagkus, ito ay isang relasyon sa pagitan ng isang buhay na nilalang at ng isa pang nilikha ng Diyos. Ang ganitong uri ng relasyon ay walang mga ugnayan sa dugo at laman; ito ay sa pagitan lamang ng dalawang buhay na nilalang. Kung iisipin mo ito mula sa ganitong anggulo, bilang mga magulang, kapag ang inyong mga anak ay minamalas na magkasakit o kapag nanganganib ang kanilang buhay, dapat ninyong harapin nang tama ang mga usaping ito. Hindi ninyo dapat isuko ang inyong natitirang oras, ang landas na dapat ninyong tahakin, o ang mga responsabilidad at obligasyon na dapat ninyong tuparin, dahil lang sa mga kasawian o sa pagpanaw ng inyong mga anak—dapat ninyong harapin nang tama ang bagay na ito. Kung tama ang iyong mga kaisipan at pananaw at malinaw mong nauunawaan ang mga bagay na ito, mabilis mong malalampasan ang paghihinagpis, pagdadalamhati, at pangungulila. Ngunit paano kung hindi mo malinaw na maunawaan ang mga ito? Kung magkagayon, maaaring maglagi ito sa iyo habang nabubuhay ka, hanggang sa araw ng iyong kamatayan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 19). Mas nalinawan ako nang husto pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos. Noong buhay ang anak ko, kami ay mag-ina at magkadugo. Dahil naipanganak ko siya at napalaki hanggang sa hustong gulang, natapos na ang responsabilidad ko. Tungkol sa kapalaran niya, kung kailan siya mamamatay, paano siya mamamatay, at ano ang kalalabasan at kahahantungan niya, lahat ng ito ay pinamunuan at isinaayos ng Diyos. Tapos na ang oras niya at binawi na ng Diyos ang kanyang hininga ng buhay. Sa sandaling namatay siya, nilisan na ng kanyang kaluluwa ang kanyang laman at pagkatapos, wala na akong ugnayan sa kanya kahit kaunti, at hindi na namin kilala ang isa’t isa. Nanampalataya ako sa Diyos sa loob ng maraming taon, nakabasa ako ng maraming salita Niya at nakagawa ng maraming tungkulin, at ang Diyos ang gumabay sa akin sa tamang landas sa buhay at nagbigay sa akin ng pagkakataong makamit ang katotohanan at maligtas. Pero nang maharap sa pagkamatay ng anak ko, ginusto ko lang na mamatay kasama niya at abandonahin ang tungkulin at ang pagkakataon ko na maligtas. Nakita ko na wala akong kahit katiting na konsensiya at katwiran. Alam kong kailangan kong bumangon mula sa kalungkutan ng pagkamatay ng anak ko, magpakatatag, at gamitin ang natitirang mga araw ko para gawin nang maayos ang aking tungkulin, ipakalat ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos at magdala ng mas maraming tunay na mananampalataya sa harap ng Diyos.

Kalaunan, kapag naiisip ko pa rin minsan ang anak ko, nagdarasal ako sa Diyos at kinakanta ko ang himno ng mga salita ng Diyos na “Paano Magawang Perpekto”: “Kapag nagdurusa ka, kailangan mong magawang isantabi ang pag-aalala sa laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili mula sa iyo, kailangan mong magkaroon ng pananampalatayang sundan Siya, panatilihin mo ang iyong pagmamahal nang hindi hinahayaang manlamig o maglaho. Anuman ang gawin ng Diyos, kailangang hayaan mo Siyang mamatnugot ayon sa gusto Niya at maging handa kang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, kailangan mong maging handang magtiis ng sakit ng pagsuko sa minamahal mo, at maging handang tumangis para palugurin ang Diyos. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at pananampalataya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Lubhang nakaantig sa akin ang pagkanta sa himnong iyon. Ang layunin ng Diyos ay palakasin ang determinasyon ko sa pamamagitan ng mga pagsubok, para magpasakop ako sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos at para tuparin ko ang tungkulin ko. Pagkatapos mapagtanto ang layunin ng Diyos, napaluha ako dahil sa pagkakonsensiya at pagkakautang at ayaw ko nang malugmok sa pagluluksa sa pagkamatay ng anak ko. Maaaring nawalan ako ng anak, pero mayroon pa rin akong Diyos, ang aking pinakamalaking suporta.

Sa panahon ng di-malilimutang karanasang ito, nagdusa nga ako, pero nagkamit naman ako ng mas malalim na pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at nakilala ko ang maling pananaw tungkol sa pananampalataya. Kung hindi ako nabunyag sa pamamagitan ng karanasang ito, hindi ko kailanman makikilala ang tunay kong tayog, katiwalian, at mga karumihan. Nakamit ko ang lahat ng ito sa pamamagitan ng patnubay ng mga salita ng Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng puso ko!

Sinundan:  42. Ako ay Nasilo ng Inggit

Sumunod:  44. Mali na Igiit ang Iyong Katagalan sa Posisyon Habang Gumagampan ng mga Tungkulin

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger