47. Ang Nakatago sa Likod ng Pagsisinungaling

Ni Yaqing, Tsina

Noong Nobyembre 2023, habang gumagawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto sa iglesia, pinangasiwaan ko ang pagsasanay sa mga kasanayan, pero minsan, kapag abala ang gawain, ipinagpapaliban ko ito, kaya may mga kasanayang dapat sanang pag-aralan pero hindi napag-aaralan. Napansin ng superbisor ang paglihis na ito at hinimok niya ako, “Kailangang magpursigi ka sa pagdaraos ng mga sesyon ng pag-aaral ng mga kasanayan, ito ang pinakakulang sa atin ngayon,” at nakipagbahaginan din siya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga kasanayan. Pagkatapos, tinanong ako ng superbisor, “Naitala mo ba ang bawat paglihis at isyu na tinukoy sa atin ng mga lider?” Nagulat ako, iniisip na, “Sa umpisa, inorganisa ko ang ilan sa mga ito, pero tumigil din ako. Pero kung sasabihin ko ang totoo, ano ang iisipin ng superbisor sa akin? Sasabihin ba niya, ‘Ikaw ang responsable para sa pagsasanay sa mga kasanayan, pero ikaw mismo ay ayaw matuto!’ Kadalasan, pagkatapos sabihin sa akin ng superbisor kung ano ang gagawin, sumasang-ayon lang ako at determinado kong sinisimulan ang trabaho, binibigyan ng impresyon ang lahat na ako ay maaasahan at determinado sa gawain ko. Pero kung sasabihin ko na nakalimutan kong iorganisa ang mga materyal na ito, hindi ba’t bibigyan niyon ng impresyon ang superbisor na iresponsable ako sa mga tungkulin ko?” Kaya, nagsinungaling ako at sinabi ko, “Naitala ko.” Medyo nakonsensiya ako at hindi man lang naglakas-loob na tumingin sa superbisor. Bigla kong naisip ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat ninyong malamang gusto ng Diyos ang mga matapat. Sa diwa, tapat ang Diyos, kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang mali at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya, kung kaya gusto ng Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya. Ang pagkamatapat ay nangangahulugang pagbibigay ng puso ninyo sa Diyos, pagiging totoo sa Diyos sa lahat ng bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi pagtatago kailanman ng mga katunayan, hindi pagtatangkang manlinlang ng mga nasa itaas at nasa ibaba ninyo, at hindi paggawa ng mga bagay para lamang sumipsip sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay pagiging dalisay sa inyong mga kilos at salita, at hindi panlilinlang sa Diyos o sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Napagtanto ko na hindi hinahalo ng matatapat na tao ang mga katotohanan sa mga kasinungalingan kapag nagsasalita at kumikilos sila. Sila ay prangka at taos-puso at kaya nilang simple at hayagang ipahayag ang mga kaisipan nila sa Diyos at sa iba. Pagkatapos, naisip ko ang sarili kong asal. Nang tanungin ako ng superbisor kung naorganisa ko na ba ang mga paglihis at isyu sa mga pamamaraan namin, bagaman kasisimula ko pa lang mag-organisa sa mga bagay na ito, at hindi ko pa naorganisa ang natitira, natakot ako na masisira ang imahe ko kung sasabihin ko ang totoo, kaya, sinabi ko sa superbisor na naorganisa ko na ang dapat kong organisahin. Hindi ako nagiging matapat at nagsisinungaling ako. Malinaw na ipinapahayag ng Diyos na gusto Niya ang matatapat na tao at kinasusuklaman Niya ang mga mapanlinlang. Napaisip ako, “Dapat ba akong maging bukas at maging matapat sa superbisor? Pero paano ako magsisimula? Kung basta na lang akong magsasalita, ano ang magiging tingin ng superbisor sa akin? Sasabihin ba niyang nagsisinungaling pa nga ako sa ganitong maliliit na bagay? Hindi, hindi maaari. Hindi ako puwedeng magsalita. Kung gagawin ko iyon, ipapahiya ko lang ang sarili ko.” Maya-maya, biglang sinabi sa akin ng superbisor, “Hindi ba’t inorganisa mo ang mga problema at paglihis? Kung gayon, magdaos tayo ng sesyon ng pag-aaral ng pangkat ngayong hapon.” Pagkasabi nito ay umalis na siya. Para maiwasang ibunyag ang katotohanan at mapahiya ang aking sarili, kinailangan kong lihim na iorganisa ang mga bagay na ito sa oras ng aking lunch break, pero hindi ako mapalagay. Naisip ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Kung hindi minamahal ng isang tao ang katotohanan, hindi niya ito maisasagawa kahit pa nauunawaan niya ito, dahil sa kaibuturan, ayaw niyang gawin iyon at hindi niya gusto ang katotohanan. Ang gayong tao ay hindi na maililigtas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). Alam na alam ko na gusto ng Diyos ang matatapat na tao, pero patuloy akong nagsisinungaling at nagiging mapanlinlang, at lubha akong nababagabag. Nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, handa akong maging isang matapat na tao at buksan at ilantad ang sarili ko sa superbisor.” Kaya sinabi ko ang totoo sa superbisor, at sa gulat ko, hindi ako pinagsabihan ng superbisor. Nang maglaon, pinagnilayan ko ang sarili ko at napagtanto ko na madalas kong hinahaluan ang mga katotohanan ng mga kasinungalingan sa aking pang-araw-araw na pananalita. Maraming beses, kapag nag-uusisa ang superbisor tungkol sa gawain ko, hindi ko pa nasisiyasat ang sitwasyon o hindi ko pa ito natitingnan, pero nag-alala ako na kung sasabihin ko ang katotohanan, mamaliitin ako ng superbisor, kaya nagsisinungaling ako at sinasabi ko na siniyasat ko na ito o nagawa ko na. Habang mas pinag-iisipan ko ito, mas napagtatanto ko kung gaano karaming kasinungalingan ang sinasabi ko!

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na labis na nakaantig sa akin. Sabi ng Diyos: “Sa kanilang pang-araw-araw na buhay, ang mga tao ay madalas na nagsasalita ng walang kabuluhan, mga kasinungalingan, at mga bagay na kamangmangan, kahangalan, at depensibo. Sinasabi nila ang karamihan sa mga bagay na ito dahil sa banidad at pride, upang bigyang kasiyahan ang mga sarili nilang ego. Inihahayag ng pagsasalita nila ng gayong mga kasinungalingan ang mga tiwaling disposisyon nila. Kung lulutasin mo ang mga tiwaling elementong ito, madadalisay ang puso mo, at unti-unti kang magiging mas malinis at tapat. Sa katotohanan, alam ng mga tao kung bakit sila nagsisinungaling. Dahil sa pansariling pakinabang at pride, o para sa banidad at katayuan, sinusubukan nilang makipagkompetensiya sa iba at magpanggap. Gayunman, sa huli, ang kasinungalingan nila ay ibinubunyag at inilalantad ng iba, at napapahiya sila, at nasisira ang dignidad at karakter nila. Ang lahat ng ito ay dulot ng sobra-sobrang kasinungalingan. Masyado nang dumami ang mga kasinungalingan mo. Ang bawat salitang sinasabi mo ay may halo na at hindi sinsero, at ni isa ay hindi maituturing na totoo o matapat. Kahit na hindi mo nararamdamang napahiya ka kapag nagsisinungaling ka, sa kaibuturan, nakakaramdam ka ng kahihiyan. Inuusig ka ng konsensiya mo, at mababa ang pagtingin mo sa sarili mo, iniisip na, ‘Bakit nabubuhay ako nang kahabag-habag? Ganoon ba kahirap ang magsalita ng katotohanan? Kailangan bang magsinungaling ako para sa pride ko? Bakit sobrang nakakapagod ang buhay ko?’ Hindi mo kailangang mamuhay nang nakakapagod. Kung makakapagsagawa ka bilang isang matapat na tao, magagawa mong mamuhay nang magaan, malaya, at maalwan. Gayunman, pinili mong itaguyod ang pride at banidad mo sa pamamagitan ng pagsisinungaling. Bunga nito, nakakapagod at miserable ang pag-iral mo, na ikaw mismo ang may gawa. Maaaring magkaroon ng pakiramdam ng pagmamalaki ang isang tao sa pamamagitan ng pagsisinungaling, ngunit ano ba ang pakiramdam ng pagmamalaki? Ito ay isang bagay lang na walang kabuluhan, at ganap na walang halaga. Ang pagsisinungaling ay nangangahulugan ng pagkakanulo ng iyong karakter at dignidad. Tinatanggalan nito ng dignidad at karakter ang isang tao; hindi ito nakalulugod sa Diyos, at kinasusuklaman Niya ito. Ito ba ay kapaki-pakinabang? Hindi. Ito ba ang tamang landas? Hindi. Ang mga taong madalas na nagsisinungaling ay namumuhay alinsunod sa mga satanikong disposisyon nila; namumuhay sila sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Hindi sila namumuhay sa liwanag, ni hindi rin sila namumuhay sa presensya ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Inilalantad ng Diyos na kapag ang isang tao ay nagsisinungaling, nababagabag siya at ang puso niya ay nababalot ng pagkabalisa at pagkakonsensiya, pero dahil hindi niya maisantabi ang kanyang reputasyon at mga interes, madalas siyang namumuhay nang nasisilo ni Satanas, nagsisinungaling at nanlilinlang. Masyado kong kinagigiliwan ang aking reputasyon at katayuan. Nang tanungin ako ng superbisor kung naibuod at naorganisa ko na ba ang mga teknikal na paglihis, bagaman malinaw na hindi ko nagawa ito, natakot ako na kung sasahihin ko iyon, maaapektuhan ang magandang impresyon ng superbisor sa akin, kaya, nagsinungaling ako at sinabi kong nagawa ko ang dapat kong gawin. Napagtanto ko na nagsisinungaling at nanlilinlang ako, at alam kong dapat kong isagawa ang pagiging isang matapat na tao, pagiging bukas at paglalantad ng sarili ko ayon sa mga salita ng Diyos. Pero hindi ko pa rin maisantabi ang pride at katayuan ko, at dahil natakot ako na lalo akong mamaliitin ng superbisor kung ihahayag ko ang katotohanan, binalewala ko ang pakiramdam ng pagkakonsensiya at patuloy kong itinago ang mga katunayan. Walang kahihiyan akong nagsinungaling alang-alang sa aking reputasyon at katayuan. at alam na alam ko ang katotohanan pero hindi ko ito isinagawa. Talagang kinasuklaman at kinapootan ng Diyos ang pag-uugali ko!

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang pagkatao ng mga anticristo ay hindi matapat, ibig sabihin ay hindi sila nagpapakatotoo kahit kaunti. Lahat ng sinasabi at ginagawa nila ay may karumihan at nagtataglay ng sarili nilang mga intensiyon at layon, at nakatago sa lahat ng ito ang kanilang mga hindi masabi at napakasamang panlalansi at pakana. Kaya naman ang mga salita at kilos ng mga anticristo ay lubos na kontaminado at punong-puno ng kawalang-katotohanan. Gaano man sila magsalita, imposibleng malaman kung alin sa kanilang mga sinasabi ang totoo, alin ang hindi totoo, kung alin ang tama, at alin ang mali. Ito ay dahil hindi sila matapat, at ang kanilang isipan ay lubhang komplikado, puno ng mga mapanlinlang na pakana at sagana sa mga panlalansi. Wala silang sinasabi nang prangkahan. Hindi nila sinasabi na ang isa ay isa, ang dalawa ay dalawa, ang oo ay oo, at ang hindi ay hindi. Sa halip, sa lahat ng bagay, paligoy-ligoy sila at pinag-iisipang mabuti nang ilang beses ang mga bagay-bagay sa kanilang isipan, pinag-aaralan ang mga kahihinatnan, tinitimbang ang mga pakinabang at kawalan mula sa bawat anggulo. Pagkatapos, binabago nila ang gusto nilang sabihin gamit ang wika kaya lahat ng sinasabi nila ay medyo masalimuot sa pandinig. Ang matatapat na tao ay hindi nauunawaan kailanman ang kanilang sinasabi at madali nilang malinlang at maloko ang mga ito, at sinumang nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan sa gayong mga tao ay napapagod at nahihirapan. Hindi nila sinasabi kailanman na ang isa ay isa at ang dalawa ay dalawa, hindi nila sinasabi kailanman ang kanilang iniisip, at hindi nila inilalarawan kailanman ang mga bagay-bagay sa kung ano talaga ang mga ito. Lahat ng sinasabi nila ay hindi maarok, at ang mga layon at intensiyon ng kanilang mga kilos ay napakakomplikado. Kung malantad ang katotohanan—kung mahalata sila ng ibang mga tao, at mabisto sila—agad silang nagtatahi ng isa pang kasinungalingan para makalusot. Ang ganitong uri ng tao ay madalas magsinungaling, at matapos magsinungaling, kailangan nilang magsinungaling ulit para suportahan ang kasinungalingan. Nililinlang nila ang iba para itago ang kanilang mga intensiyon, at nag-iimbento sila ng lahat ng uri ng pagdadahilan at pangangatwiran para suportahan ang kanilang mga kasinungalingan, kaya hirap na hirap ang mga tao na masabi kung ano ang totoo at ano ang hindi, at hindi alam ng mga tao kung kailan sila nagsasabi ng totoo, lalo nang hindi alam ng mga ito kung kailan sila nagsisinungaling. Kapag nagsisinungaling sila, hindi sila namumula o kumukurap, na para bang nagsasabi sila ng totoo. Hindi ba’t ibig sabihin nito na palagian silang nagsisinungaling?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus). Inilalantad ng Diyos na palaging nagsasalita ang mga anticristo ng kanilang sariling mga intensiyon at pakay, at nakatago sa loob ng lahat ng ito ang mga napakasamang pakana. Sa malalaki o maliliit na usapin, para makamit ang sarili nilang mga layon, pinoproseso muna nila ang kanilang mga salita sa kanilang isipan, at sinasabi ang anumang makakabuti para sa kanila. Ipinapakita nito na sa kanilang diwa, nakagawian na ng mga anticristo na magsinungaling. Madalas akong nagsisinungaling sa aking buhay at gawain. Nang magtanong ang superbisor ko tungkol sa aking gawain, kahit na malinaw na hindi ko ito nagawa, natakot ako na ang pagsasabi ng totoo ay makakaapekto sa aking reputasyon at katayuan, kaya nagsinungaling ako at sinabi kong nagawa ko ito. Minsan kapag hindi ako pamilyar kung kumusta na ang gawain, kapag sinusubaybayan ito ng superbisor, iniuulat ko ang sitwasyon na natingnan ko noon na para bang ito ang kasalukuyang sitwasyon. Kahit tungkol sa maliliit na bagay, kapag tinatanong ako ng nakapareha kong brother o ng superbisor, nagsisinungaling ako. Namumuhay ako ayon sa aking mapanlinlang na disposisyon, paulit-ulit na pinag-iisipan ang mga bagay-bagay bago magsabi ng kahit ano, at pagkatapos magsinungaling, namumuhay ako sa takot na malantad ang mga kasinungalingan, kaya, mabilis akong nag-iisip ng mga paraan para pagaanin o pagtakpan ang mga ito. Sa pagninilay-nilay sa lahat ng iba’t ibang kahiya-hiyang pag-uugali ko pagkatapos ng bawat kasinungalingan, nakita ko na isa lang akong mapanlinlang na tao na hindi kayang mamuhay sa liwanag. Hinihingi ng Diyos na maging matapat na tao tayo, at magsalita at kumilos ayon sa mga katunayan. Ang mga salita natin ay dapat na nakaayon sa mga katunayan, at dapat nating ipahayag kung ano ang nasa mga puso natin. Pero sa palaging pagsisinungaling at panlilinlang, hindi ba’t sinusubukan kong linlangin ang Diyos? Naalala ko na sinabi ng Panginoong Jesus: “Kayo ay sa inyong amang diyablo, at ang mga nasa ng inyong ama ay inyong gagawin. Siya ay isang mamamatay-tao buhat pa noong una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kanya. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa sarili niya: sapagkat siya ay isang sinungaling, at ama nito(Juan 8:44). Ang ibinubunyag ko ay isang maladiyablong disposisyon. Sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay. Ang mga kasinungalingan kong ito ay pansamantala lang na makakapanlinlang ng mga tao, at sa malao’t madali, malalantad ang mga ito. Kung hindi ako magsisisi, kung gayon, sa oras na masira ang aking integridad at dignidad, magiging isa na akong ganap at lubos na sinungaling. Pagkatapos ay naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, ‘Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anumang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit’(Mateo 18:3). Sinasabi rin ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunos-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at banal, at tanging ang matatapat sa puso nila ang makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kung sa pagtatapos ng gawain ng Diyos ay isa pa rin akong taong nagsisinungaling, tiyak na malilipol ako kasama ng mga diyablo at Satanas. Binibigyan pa rin ako ng Diyos ng pagkakataong magsisi, at kailangan kong isagawa ang pagiging isang matapat na tao.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na maunawaan kung paano tratuhin nang tama ang mga paglihis at mga isyu na lumilitaw sa gawain ko. Sabi ng Diyos: “Kung, matapos makagawa ng pagkakamali, matatrato mo ito nang tama, at mapapayagan mo ang lahat ng iba pa na pag-usapan ito, na pinahihintulutan ang kanilang komentaryo at pagkilatis dito, at kaya mong magtapat tungkol dito at himayin ito, ano ang magiging opinyon ng lahat sa iyo? Sasabihin nila na isa kang matapat na tao, dahil bukas ang puso mo sa Diyos. Sa pamamagitan ng iyong mga kilos at pag-uugali, makikita nila ang nasa puso mo. Ngunit kung susubukan mong magkunwari at linlangin ang lahat, liliit ang tingin sa iyo ng mga tao, at sasabihin nila na hangal ka at hindi matalino. Kung hindi mo susubukang magkunwari o pangatwiranan ang sarili mo, kung kaya mong aminin ang iyong mga pagkakamali, sasabihin ng lahat na matapat ka at matalino. At ano ang ikinatalino mo? Ang lahat ng tao ay nagkakamali. Ang lahat ng tao ay may mga pagkukulang at kapintasan. At ang totoo, lahat ng tao ay may magkakaparehong tiwaling disposisyon. Huwag mong isipin na mas marangal, perpekto, at mabait ka kaysa sa iba; lubos na pagiging hindi makatwiran iyan. Sa sandaling malinaw na sa iyo ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao at ang diwa at totoong hitsura ng kanilang katiwalian, hindi mo na susubukang pagtakpan ang sarili mong mga pagkakamali, ni hindi mo isusumbat ang pagkakamali ng ibang tao sa kanila—mahaharap mo nang tama ang dalawang ito. Saka ka lamang magkakaroon ng kabatiran at hindi gagawa ng mga kahangalan, na siyang ikatatalino mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na dapat kong tratuhin nang tama ang mga problema ko kapag hindi nagagawa nang maayos ang gawain ko o kapag nagkakamali ako, at na dapat akong maging bukas at ilantad ang sarili ko sa lahat, at dapat kong tanggapin ang patnubay at tulong nila. Ito ang ginagawa ng isang matalinong tao. Sa pagninilay-nilay, napagtanto ko na kapag hindi ko nagawa nang maayos ang gawain ko at nagtatanong ang iba tungkol dito, palagi akong nag-aalala na kung sasabihin ko ang totoo, mamaliitin nila ako. Pero sa realidad, hindi ito ang kaso. Halimbawa, ngayong buwan, hindi ko napamunuan ang lahat na matuto ng mga kasanayan, pero nang malaman ito ng superbisor, hindi niya ako sinisi o minaliit. Sa halip, nakipagbahaginan siya sa akin tungkol sa kahalagahan ng pagkatuto ng mga kasanayan at matiyaga niya akong tinulungan. Pero nag-alala ako na mamaliitin ako ng iba kung mabubunyag ang mga pagkukulang ko. Sa mga katunayang nasa harap ko mismo, nakita ko na masyado akong nag-iisip at talagang mapanlinlang ako. Ang lahat ng tao ay may mga pagkukulang at kakulangan sa kanilang mga tungkulin, pero kung patuloy akong magtatakip, magsisinungaling, at makikibahagi sa panlilinlang, hindi hinahayaan ang iba na makita ang mga pagkukulang ko, kung gayon, sa paglipas ng panahon, makikilatis ng aking mga kapatid ang mga kasinungalingan at panlilinlang ko, at ilalantad at itatakwil nila ako. Higit pa roon, malamang na alam ng ilang tao ang tungkol sa mga isyu ko, kaya sa totoo lang, nililinlang ko lang ang sarili ko at sadyang binabalewala ang mga problema. Ang kailangan kong gawin ay harapin nang tama ang mga pagkukulang ko, at mahinahong harapin ang mga problema sa gawain ko. Kung ang gayong problema ay isang pansamantalang pagkalingat, dapat ko itong ayusin kaagad, at kung isa itong usapin ng pagiging pabaya sa mga tungkulin ko, dapat akong maging bukas at ilantad ang sarili ko sa lahat, at pagnilayan at kilalanin ang sarili ko. Ito ang ginagawa ng isang matalinong tao.

Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, at naunawaan ko kung paano lutasin ang isyu ng pagsisinungaling at pagiging mapanlinlang. Sabi ng Diyos: “Kadalasan ay mayroong mga hangarin sa likod ng mga kasinungalingan ng mga tao, ngunit mayroong ilang kasinungalingang walang anumang nakatagong hangarin, hindi rin sadyang ipinlano ang mga iyon. Sa halip, likas lang na lumalabas ang mga iyon. Ang gayong mga kasinungalingan ay madaling lutasin; ang mga kasinungalingang may nakatagong hangarin ang mahirap lutasin. Ito ay dahil nagmumula ang mga hangaring ito sa kalikasan ng isang tao at kumakatawan ang mga ito sa pandaraya ni Satanas, at ang mga ito ay mga hangaring sadyang pinipili ng mga tao. Kung hindi minamahal ng isang tao ang katotohanan, hindi niya magagawang maghimagsik laban sa laman—kaya dapat siyang manalangin sa Diyos at umasa sa Kanya, at hanapin ang katotohanan para lutasin ang isyu. Pero ang pagsisinungaling ay hindi ganap na nalulutas lahat nang agad-agad. Magkakaroon ng paminsan-minsang pagbalik sa dati, maging ng marami pa ngang pagbalik sa dati. Normal na sitwasyon ito, at basta’t nilulutas mo ang bawat kasinungalingang sinasabi mo, at ipinagpapatuloy ito, darating ang araw na malulutas mo ang lahat ng mga ito. Ang paglutas sa pagsisinungaling ay isang pangmatagalang labanan: Kapag lumabas ang isang kasinungalingan, pagnilayan mo ang iyong sarili, at pagkatapos ay manalangin ka sa Diyos. Kapag may isa pang lumabas, pagnilayan mo ang iyong sarili at manalangin ka muli sa Diyos. Kapag mas nananalangin ka sa Diyos, mas lalo mong kapopootan ang iyong tiwaling disposisyon, at mas lalo kang mananabik na isagawa ang katotohanan at isabuhay ito. Sa gayon, magkakaroon ka ng lakas na talikuran ang mga kasinungalingan. Pagkatapos ng isang panahon ng gayong karanasan at pagsasagawa, makikita mo na nabawasan na ang mga kasinungalingan mo, na namumuhay ka na nang mas mapayapa, at na hindi mo na kailangang magsinungaling o pagtakpan pa ang iyong mga kasinungalingan. Bagamat maaaring hindi ka gaanong magsasalita araw-araw, ang bawat pangungusap ay magmumula sa puso at magiging taos, nang may napakakaunting kasinungalingan. Ano kaya ang pakiramdam ng mamuhay nang ganoon? Hindi ba’t magiging maluwag at magaan ito sa pakiramdam? Hindi ka pipigilan ng iyong tiwaling disposisyon at hindi ka matatali rito, at kahit papaano ay magsisimula ka nang makakita ng mga resulta ng pagiging isang matapat na tao. … Siyempre pa, maaaring may ilan sa inyo na, kapag nagsimula kayong magsagawa, ay mapapahiya pagkatapos magsalita ng matatapat na salita at maglantad ng inyong sarili. Mamumula ang inyong mukha, mahihiya kayo, at matatakot kayong mapagtawanan ng iba. Ano ang dapat ninyong gawin, kung gayon? Kailangan pa rin ninyong manalangin sa Diyos at hilingin na bigyan Niya kayo ng lakas. Sabihin mo na: ‘O Diyos, gusto ko pong maging isang matapat na tao, ngunit natatakot po akong pagtawanan ako ng mga tao kapag sinabi ko ang totoo. Hinihiling ko po na iligtas Mo ako mula sa gapos ng aking satanikong disposisyon; hayaan Mo po akong mamuhay sa Iyong mga salita, at mapalaya.’ Kapag nagdasal ka nang ganito, magkakaroon ng higit na liwanag sa puso mo, at sasabihin mo sa sarili mo: ‘Mabuting isagawa ito. Ngayon, naisagawa ko na ang katotohanan. Sa wakas, naging isang matapat na tao rin ako.’ Habang nagdarasal ka nang ganito, bibigyang liwanag ka ng Diyos. Gagaawa ang Diyos sa puso mo, at aantigin ka Niya, tinutulutan kang pahalagahan kung ano ang pakiramdam ng maging isang tunay na tao. Ganito dapat isagawa ang katotohanan. Sa pinakasimula ay wala kang landas, ngunit sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan ay makahahanap ka ng landas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). Mula sa mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Kapag nagsasalita ako at gusto kong maging mapanlinlang para protektahan ang pride at reputasyon ko, dapat akong magdasal sa Diyos kaagad at tanggapin ang Kanyang pagsisiyasat. Dapat akong sadyang maghimagsik laban sa sa aking sarili at humiling sa Diyos sa Kanyang pagsaway at pagdidisiplina. Kapag dumating ang mga oras kung saan natagpuan kong nagsinungaling ako o nadumihan ko ang mga katunayan, Dapat akong magdasal sa Diyos, isantabi ko ang aking pride para isagawa ang pagiging isang matapat na tao, at maging bukas at ilantad ang sarili ko sa mga kapatid, nang sa gayon ay mahimay namin ang mga intensyon ko. Kalaunan, sadya akong nagsimulang magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos. Isang beses, hiniling sa akin ng superbisor na ipatupad ang isang gampanin at paulit-ulit niya akong pinaalalahanan. Kalaunan, tinanong ako ng superbisor tungkol sa pagpapatupad at napagtanto ko na nakalimutan kong ipatupad ang gampaning ito. Naisip ko, “Kung sasabihin ko ang totoo, ano ang iisipin ng superbisor sa akin? Hindi kaya niya ako tatawaging hindi maaasahan at hindi mapagkakatiwalaan? O dapat bang sabihin ko na lang na naipatupad ko ito?” Nang ibuka ko ang bibig ko para magsinungaling, napagtanto ko na magiging mapanlinlang na naman ako, kaya nagdasal ako sa Diyos sa puso ko, “Diyos ko, nagtatanong ang superbisor tungkol sa gawain ko, at gusto ko na namang magsinungaling. Diyos ko, ayaw ko nang mamuhay ayon sa aking mapanlinlang na disposisyon at ayaw ko nang magsinungaling sa mga kapatid ko. Handa akong magsumikap na maging isang matapat na tao, at hinihiling ko na bigyan Mo ako ng resolusyon na isagawa ang katotohanan at maghimagsik laban sa aking maling intensiyon.” Pagkatapos magdasal, mas kumalma ako at sinabi ko sa superbisor na nakalimutan kong ipatupad ang gampanin. Pagkatapos, nakipagbahaginan sa akin ang superbisor at ginabayan ako sa isyung ito, at napagtanto ko na isa itong paglihis sa gawain ko at handa akong itama ito.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa mapanlinlang na disposisyon sa likod ng aking pagsisinungaling at panlilinlang, at nakahanap ako ng ilang paraan para malutas ang aking pagsisinungaling at maging isang matapat na tao. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  46. Kung Bakit Ayaw Kong Linangin ang Iba

Sumunod:  48. Paano Nakapagbigay ng Pakinabang sa Akin ang Pagtanggap ng Patnubay at Tulong

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger