48. Paano Nakapagbigay ng Pakinabang sa Akin ang Pagtanggap ng Patnubay at Tulong

Ni Zhou Yun, Tsina

Noong Setyembre ng 2023, napili akong maglingkod bilang isang mangangaral at inatasang mamuno sa mga gawain sa ilang mga iglesia. Matapos ang mahigit dalawang buwan ng paggawa sa mga iglesiang ito, bumuti lahat ang buhay iglesia at gawain ng pagdidilig sa mga baguhan, kaya inanyayahan ako ng nakatataas na lider ko na makipagpalitan ng mga ideya sa magagandang landas ng pagsasagawa. Medyo nasiyahan ako sa sarili ko at naramdaman ko na natupad ko ang ilang tunay na gawain. Gayumpaman, sa pagtatapos ng Nobyembre, napansin ko na kaunti ang naging paglago sa gawain ng ebanghelyo, kaya ibinuod ko ang ilan sa mga problemang mayroon sa gawaing iyon at pagkatapos ay ibinahagi ko sa ilang mga lider ng pangkat ng mga taga-ebanghelyo ang mga ideya at mungkahi ko tungkol sa mga problemang iyon. Nagbahagi rin ako sa kanila ng tungkol sa layunin ng Diyos nang sa gayon ay masigasig nilang maipangaral ang ebanghelyo. Matapos kong italaga ang gawain, naramdaman ko na sapat na ang ginawa ko, at na detalyado ang ginawa ko, kaya hindi nagtagal ay naging abala (na) ako sa ibang bagay. Makalipas ang ilang araw, nang tanungin ko ang mga lider ng pangkat tungkol sa paglago nila sa gawain ng ebanghelyo, nabigong tumugon ang ilan, habang sinasabi ng iba na ilang araw pa bago sila makipagkita sa mga manggagawa ng ebanghelyo. Nang makita na nakikipagtulungan ang ilan sa mga lider ng pangkat, hindi na ako nag-abala pang suriin ang usapin at unawain ang mga detalye ng sitwasyon. Makalipas ang higit sampung araw, sumulat sa akin ang nakatataas na lider ko, nagtatanong sa akin tungkol sa paglago ng gawain ng ebanghelyo, bakit hindi ito naging epektibo, kung paano nakikipagtulungan ang mga manggagawa ng ebanghelyo at kung ano ang mga tunay na isyu na nalutas ko. Dahil hindi ako nakatanggap ng mga liham mula sa mga lider ng pangkat, hindi naging klaro sa akin ang tungkol sa mga detalye ng paglago ng gawain ng ebanghelyo, kaya tumugon ako sa nakatataas na lider, nagsasabi na magbibigay ako ng isang buong ulat sa sandaling matanggap ko ang mga liham mula sa mga lider ng pangkat. Pagkatapos noon, pinilit ko ang mga lider ng pangkat na iulat ang mga resulta nila sa akin. Gayumpaman, pagkatapos ng pagpilit sa kanila nang ilang beses, hindi pa rin sila tumugon sa akin at nagalit ako, iniisip na nagiging sobrang iresponsable sila sa mga tungkulin nila. Habang sunud-sunod ang pagdating ng mga liham mula sa lider ko na nagtatanong tungkol sa paglago ng gawain, lalo akong nabalisa, pero naramdaman ko na wala akong magagawa dahil hindi tumutugon sa mga liham ko ang mga lider ng pangkat. Sinabi ko sa lider ko na hindi tumutugon sa mga liham ko ang mga lider ng pangkat, para malaman niya na ang problema ay nasa mga ito at wala sa akin.

Mabilis na tumugon sa akin ang lider ko, nagtatanong kung nauunawaan ko ba ang mga aktuwal na isyu at mga paghihirap ng mga lider ng pangkat at nagsasabi sa akin na sa pamamagitan ng pagsusuri sa gawain ko sa pamamagitan ng liham ko, mukhang hindi ko gaanong pinag-isipan at pinagsikapan ang tungkulin ko. Nang mabigo kaming makakuha ng mga resulta sa gawain namin, sinisi ko na lang ang ibang tao at hindi ko pinagnilayan ang mga sarili kong isyu. Sinabi rin niya na sa tuwing nanghihingi (ako) ng follow up sa gawain, minamadali ko lang ang mga lider ng pangkat para makakuha ng mga resulta at hindi ko inaalam ang mga aktuwal na isyu at binibigyan ang mga tao ng mga tiyak na landas ng pagsasagawa para makatulong na harapin ang mga isyu nila, walang paraan para makamit namin ang mga resulta sa gawain namin. Naging medyo mapanlaban ako nang mabasa ko ang liham niya, iniisip na, “Gusto kong gawin nang maayos ang gawain, nakikilahok ako sa gawain ng ebanghelyo at nagsusulat ako ng mga liham at nakikipagbahaginan ako sa mga lider ng pangkat tungkol sa mga kalagayan nila, hinihimok sila na makipag-ugnayan kaagad kung mahaharap sila sa anumang mga paghihirap. Kung hindi nila sinasabi sa akin kung ano ang mga isyu nila, anong gagawin ko? Nagkaroon ng mga paghinto sa gawain sa mga iglesing ito dati dahil sa mga malawakang pag-aresto, pero mahigit dalawang buwan lang pagkatapos kong dumating, nagkaroon na ng mga pagbuti sa lahat ng mga aspekto ng gawain. Sa tingin ko ipinapakita nito na maayos na ang takbo ng ginagawa ko ng mabuti, pero gusto mo na magnilay ako? Talagang hindi ko lang matanggap ang ganitong klase ng pagbabahaginan.” Noong panahong iyon, pakiramdam ko ay hindi ako tinrato nang tama, ayaw kong sumunod at madalas nakikipagtalo. Habang mas nag-iisip ako, nagiging mas negatibo ako at pakiramdam ko ay talagang hindi ko magagawa ang tungkuling iyon. Napagtanto ko na nasa isang maling kalagayan ako, pero hindi ko lang talaga maialis ang sarili ko rito at hindi ko alam kung ano ang dapat kong matutuhan mula sa sitwasyong ito. Kinalaunan, nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako para maunawaan ang layunin Niya. Natagpuan ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na binanggit sa isang video ng patotoong batay sa karanasan na malaki ang kaugnayan sa kalagayan ko ngayon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang ilang tao ay nahaharap sa pagpupungos habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin, at sinasabi nila na: ‘Dahil limitado lang ang aking mga abilidad, gaano ba talaga karami ang kaya kong gawin? Wala akong gaanong nauunawaan, kaya kung gusto kong gawin nang maayos ang trabahong ito, hindi ba’t kailangan kong matuto habang gumagawa ako? Magiging madali ba iyon para sa akin? Hindi lang talaga naiintindihan ng Diyos ang mga tao; hindi ba’t pamimilit ito sa isang tao na gumawa ng isang bagay na hindi nito kaya? Hayaang gawin ito ng isang taong mas higit na nakakaunawa kaysa sa akin. Ganito lang ang magagawa ko—hindi ko kayang gawin ang higit pa rito.’ Karaniwang sinasabi at iniisip ng mga tao ang mga ganoong bagay, tama ba? (Tama.) Magagawang aminin iyon ng lahat. Walang taong perpekto, at walang sinuman ang anghel; ang mga tao ay hindi nabubuhay nang nag-iisa. Ang bawat tao ay may ganitong mga kaisipan at mga pagbubunyag ng katiwalian. Ang bawat isa ay may kakayahang ibunyag ang mga bagay na ito at mamuhay nang madalas sa mga kalagayang ito, at hindi nila ito sinasadya; hindi nila maiwasang mag-isip nang ganito. Bago may anumang mangyari sa kanila, ang mga tao ay medyo may normal na kalagayan, ngunit naiiba ang mga bagay kapag may nangyayari sa kanila—napakadaling natural na ibunyag nila ang negatibong kalagayan, nang walang hadlang o pagpigil, at nang walang pang-uudyok o panunulsol ng iba; hangga’t ang mga bagay na kanilang kinakaharap ay hindi naaayon sa kanilang sariling kagustuhan, nabubunyag ang mga tiwaling disposisyong ito sa lahat ng oras at lugar. Bakit lumalabas ang mga ito sa lahat ng oras at lugar? Nagpapatunay ito na ang mga tao ay may ganitong uri ng tiwaling disposisyon at tiwaling kalikasan sa loob nila. Ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao ay hindi iginigiit sa kanila ng iba, hindi rin ikinikintal sa kanila ng iba ang mga ito, lalong hindi itinuturo, inuudyok, o isinusulsol ng iba ang mga ito; sa halip, ang mga tao mismo ang nagtataglay ng mga ito. Kung hindi lulutasin ng mga tao ang mga tiwaling disposisyong ito, hindi sila mamumuhay sa tama at positibong kalagayan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Paglutas Lamang sa Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago). Sinasabi ng Diyos na kapag ang mga tao ay hindi nahaharap sa mga isyu, madalas sila ay may normal na kalagayan, pero sa sandaling hindi umayon ang mga bagay-bagay sa kanilang mga kuru-kuro, hindi nila maiwasang magsimulang ibunyag ang kanilang mga paglaban, pagiging suwail, at kawalang-kasiyahan. Ang mga ito ay mga isyu sa kalikasan ng mga tao. Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, pinag-isipan ko ang mga ito sa liwanag ng sarili kong kalagayan. Nang sabihin ng lider ko ang kakulangan ko ng pagsisikap at pag-iisip sa gawain ng ebanghelyo at ang kabiguan kong gumawa ng tunay na gawain, pakiramdam ko ay hindi ako tinrato nang tama at lumalaban ako at inisip ko na iyon (na) ang pinakamainam na magagawa ko. Nakilahok ako sa gawain at nakipagbahaginan ako sa mga lider ng pangkat tungkol sa mga kalagayan nila at wala lang akong magawa dahil hindi sila nag-ulat ng mga kasalukuyang sitwasyon nila. Naramdaman kong hindi lang talaga nauunawaan ng lider ko ang sitwasyon ko. Nabuhay ako sa isang kalagayan ng masidhing pakikipagtalo, na nagpakita na hindi ko tinatanggap ang katotohanan. Nang makita kung gaano kalubha ang kalikasan ng problema ko, nanalangin ako sa Diyos, “O, Diyos ko, alam kong walang sinuman ang nagsisikap na pahirapan ako sa pamamagitan ng pagpupungos sa akin at ito ay may pahintulot Mo. Alam kong may mga bagay na dapat kong pagnilayan at danasin, pero hindi ko gaanong maunawaan kung ano ang mga ito sa ngayon. Nawa’y bigyang-liwanag at gabayan Mo ako para maunawaan ang sarili ko at matuto ng mga aral mula sa bagay na ito.”

Pagkatapos nito, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Anuman ang mga sitwasyong nagiging dahilan para pungusan ang isang tao, ano ang pinakamahalagang saloobing dapat taglayin ukol dito? Una, dapat mong tanggapin ito. Sinuman ang pumupungos sa iyo, anuman ang dahilan, hindi mahalaga kung malupit man ang dating nito, o anuman ang tono at pananalitang ginagamit, dapat mong tanggapin ito. Pagkatapos, dapat mong aminin ang nagawa mong mali, ang tiwaling disposisyon na ipinakita mo, at kung kumilos ka ba alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Unang-una sa lahat, ito ang saloobing dapat mong taglayin. At taglay ba ng mga anticristo ang gayong saloobin? Hindi; mula simula hanggang katapusan, ang saloobing inilalabas nila ay paglaban at pag-ayaw. Sa ganoong saloobin, kaya ba nilang maging tahimik sa harap ng Diyos at mapagpakumbabang tanggapin ang pagpupungos? Hindi, hindi nila kaya. Ano ang gagawin nila, kung gayon? Una sa lahat, pilit silang makikipagtalo at mangangatwiran, na ipinagtatanggol at ipinaliliwanag ang mga maling nagawa nila at ang tiwaling disposisyong nailantad nila, sa pag-asang makuha ang pag-unawa at pagpapatawad ng mga tao, upang hindi na nila kailangang managot o tumanggap ng mga salitang pumupungos sa kanila. Ano ang saloobing ipinapakita nila kapag nahaharap sila sa pagkakapungos? ‘Wala akong kasalanan. Wala akong nagawang mali. Kung nagkamali ako, may dahilan iyon; kung nagkamali ako, hindi ko iyon sinadya, hindi ako dapat managot para doon. Sino ang hindi nakagagawa ng ilang pagkakamali?’ Sinasamantala nila ang mga pahayag at pariralang ito, ngunit hindi nila hinahanap ang katotohanan, ni hindi nila kinikilala ang mga pagkakamaling nagawa nila o ang mga tiwaling disposisyong naipakita nila—at talagang hindi nila inaamin ang kanilang layon at mithiin sa paggawa ng kasamaan. … Paano man inilalantad ng mga katunayan ang kanyang tiwaling disposisyon, hindi niya iyon kinikilala o tinatanggap, kundi patuloy siya sa kanyang pagsuway at paglaban. Anuman ang sabihin ng iba, hindi niya tinatanggap o kinikilala iyon, kundi iniisip niya na, ‘Tingnan natin kung sino ang mas magaling magsalita; tingnan natin kung sino ang mas mahusay na tagapagsalita.’ Ito ay isang uri ng saloobin ng pagtrato ng mga anticristo sa pagkakapungos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na kapag nahaharap ako sa pagpupungos, tulong at pagpapayo, ano mang uri ng saloobin at tono ang ginamit nila sa akin, at gaano man hindi hindi nakaayon sa mga kuru-kuro ko ang sinabi nila, kailangan kong tanggapin ito mula sa Diyos, magpasakop at pagnilayan ang mga isyu ko. Ito ang uri ng saloobin na dapat taglayin ng mga tao. Ang mga anticristo ay lumalaban, mahilig makipagtalo, suwail at ipinapasa pa ang sisi sa tuwing nahaharap sa pagpupungos, pagpapayo at tulong. Wala silang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan man lang. Sa pagninilay ko nito sa liwanag ng sarili kong pag-uugali, noong sabihin ng lider ko ang mga isyu tungkol sa akin, lumaban ako at patuloy akong nakipagtalo sa kaibuturan ng puso ko, iniisip na nagbayad ako ng halaga at pinupungusan ako ng lider nang hindi niya nauunawaan ang sitwasyon. Labis kong naramdaman na hindi ako tinrato nang tama at nagawa ko na ang lahat ng magagawa ko. Nakaramdam ako ng pagiging mapanlaban, suwail at ibinubunyag ko ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Naisip ko kung paanong sa kabila ng pagtatalaga ng ilang gawain noong una, pagkatapos noon ay nabigo na akong aktuwal na makilahok at subaybayan ang gawain, minamadali ko lang ang mga tao para makakuha ng mga resulta nang hindi nag-aabalang unawain ang mga paghihirap o kalagayan ng mga manggagawa ng ebanghelyo. Sa pagsasagawa ng gawain ko sa ganitong paraan, nabigo akong tuparin ang responsabilidad ko. Nabigo rin akong malutas ang mga aktuwal na isyu—ito ay pagkabigong gawin ang tunay na gawain. Pinungusan ako ng lider dahil sa mga isyung kinahaharap ko, pero hindi ko tinanggap ang pagpupungos at lumaban pa nga, nakipagtalo at ipinasa ang responsabilidad sa ibang tao. Sa diwa, nabigo akong tanggapin ang katotohanan at sinalungat ko ang Diyos. Kapag hindi ako nagsisi at patuloy na nabuhay sa disposisyon ng katigasan ng kalooban na ito, sa huli ay magdudulot ito ng pagkasuklam at pagtitiwalag sa akin ng Diyos.

Kinalaunan, nakatagpo ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa iglesia, may mga nag-iisip na ang labis na pagsisikap o ang paggawa ng ilang mapanganib na bagay ay nangangahulugang nakapagtipon sila ng merito. Sa katunayan, batay sa kanilang mga kilos, tunay na karapat-dapat silang purihin, subalit kasuklam-suklam at karima-rimarim ang kanilang disposisyon at saloobin sa katotohanan. Wala silang pagmamahal para sa katotohanan, kundi tutol sila sa katotohanan. Ginagawa silang kasuklam-suklam maging ng nag-iisang bagay na ito. Walang kuwenta ang gayong mga tao. Kapag nakikita ng Diyos na mahina ang kakayahan ng mga tao, na mayroon silang partikular na mga kapintasan, at may mga tiwaling disposisyon o isang diwang sumasalungat sa Kanya, hindi Siya naitataboy ng mga ito, at hindi sila inilalayo ng mga ito sa Kanya. Hindi iyon ang layunin ng Diyos, at hindi ito ang Kanyang saloobin sa tao. Hindi kinasusuklaman ng Diyos ang mahinang kakayahan ng mga tao, hindi Niya kinasusuklaman ang kanilang kahangalan, at hindi Niya kinasusuklaman ang pagkakaroon nila ng mga tiwaling disposisyon. Ano ang pinakakinasusuklaman ng Diyos sa mga tao? Iyon ay kapag tutol sila sa katotohanan. Kung tutol ka sa katotohanan, dahil lamang diyan, hindi matutuwa sa iyo ang Diyos kailanman. Nakataga iyan sa bato. Kung tutol ka sa katotohanan, kung hindi mo mahal ang katotohanan, kung ang saloobin mo sa katotohanan ay kawalang-malasakit, mapanghamak, at mapagmataas, o kinasusuklaman, nilalabanan, at tinatanggihan mo pa ito—kung ganito ang pag-uugali mo, lubos kang kasusuklaman ng Diyos, at wala ka nang pag-asa, hindi ka na maliligtas. Kung talagang mahal mo ang katotohanan sa puso mo, at sadyang medyo mahina lang ang kakayahan mo at wala kang kabatiran, medyo hangal, at madalas kang nagkakamali, ngunit hindi mo intensiyong gumawa ng masama, at nakagawa ka lamang ng ilang kahangalan; kung taos-puso kang handang makinig sa pagbabahagi ng Diyos sa katotohanan, at taos-puso kang nasasabik sa katotohanan; kung ang iyong saloobin sa pagtrato mo sa katotohanan at mga salita ng Diyos ay may sinseridad at pananabik, at kaya mong pahalagahan at itangi ang mga salita ng Diyos—sapat na ito. Gusto ng Diyos ang gayong mga tao. Kahit na medyo hangal ka kung minsan, gusto ka pa rin ng Diyos. Mahal ng Diyos ang puso mo na nananabik sa katotohanan, at mahal Niya ang iyong sinserong saloobin sa katotohanan. Kaya, may awa ang Diyos sa iyo at palaging nagkakaloob ng biyaya sa iyo. Hindi Niya iniisip ang iyong mahinang kakayahan o ang iyong kahangalan, ni hindi Niya iniisip ang iyong mga pagsalangsang. Dahil sinsero at masigasig ang iyong saloobin sa katotohanan, at tapat ang iyong puso, kung gayon, dahil sa pagiging totoo ng puso mo at ng saloobin mong ito—lagi Siyang magiging maawain sa iyo, at gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, at magkakaroon ka ng pag-asang maligtas. Sa kabilang banda, kung sa puso mo ay mapagmatigas ka at pinalalayaw mo ang sarili mo, kung tutol ka sa katotohanan, hindi kailanman nakikinig sa mga salita ng Diyos at sa lahat ng may kinalaman sa katotohanan, at mapanlaban ka at mapanghamak sa kaibuturan ng puso mo, ano kung gayon ang saloobin ng Diyos sa iyo? Pagkasuklam, pagkamuhi, at walang-humpay na poot(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). Sinasabi ng Diyos na labis Niyang sineseryoso ang mga saloobin ng mga tao tungkol sa katotohanan. May ilang tao na karaniwang mukhang kayang magbayad ng halaga at medyo epektibo sa kanilang mga tungkulin, pero kapag naharap sa mga isyu, hindi nila tinatanggap at tutol pa nga sila sa katotohanan. Kinamumuhian ito ng Diyos. Sa pag-iisip sa nakalipas na dalawang buwan nang nagbayad ako ng halaga at nagkamit ng ilang mga resulta sa tungkulin ko, pakiramdam ko ay ginagawa ko na ang tunay na gawain at hindi na dapat ipinupunto pa ng lider ko ang aking mga isyu. Gayumpaman, napagtanto ko na tumitingin ang Diyos hindi lamang sa kung gaano nagdurusa ang isang tao, kung gaano karaming gawain ang nagawa nila o kung anong mga resulta ang nakamit nila, tinitingnan din Niya kung ano ang saloobin nila sa katotohanan at kung tinatanggap ba nila ang katotohanan. Kung, kapag mahaharap sa pagpupungos, patuloy ko itong lalabanan at hindi ito tatanggapin, at makikipagtalo at kikilos ako nang salungat sa Diyos, kamumuhian ako ng Diyos at hindi ko matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Nakita ko na ang pamumuhay sa disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan ay lubha talagang mapanganib. Talagang totoo na ang gawain ng ebanghelyo ay hindi epektibo sa kasalukuyan, kaya dapat kong tanggapin ang payo ng lider ko at aktuwal na lutasin ang mga problemang umiiral sa gawain ng ebanghelyo.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ko, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at hinanap ko ito. Sabi ng Diyos: “Hindi sila nakikilahok sa anumang tunay na gawain, hindi nagsusubaybay o nagbibigay ng direksyon at hindi sila nagsasagawa ng mga imbestigasyon o pagsasaliksik para malutas ang mga problema. Isinasakatuparan ba nila ang mga responsabilidad ng isang lider? Magagawa ba nang maayos ang gawain ng iglesia sa ganitong paraan? Kapag nagtatanong ang ang Itaas sa kanila para kumustahin ang gawain, sinasabi nila, ‘Normal ang lahat ng gawain ng iglesia. May isang superbisor na nangangasiwa sa bawat aytem ng gawain.’ Kung tatanungin pa tungkol sa kung may anumang mga problema sa gawain, itinutugon nila, ‘Hindi ko alam. Wala sigurong anumang mga problema!’ Ito ang saloobin ng isang huwad na lider sa gawain niya. Bilang isang lider, nagpapakita siya ng ganap na pagiging iresponsable sa gawaing itinalaga sa kanya; iniaatas ang lahat ng ito sa iba, nang walang pagsubaybay, mga pag-usisa, o pagtulong sa paglutas ng mga problema mula sa panig niya—nakaupo lang siya na parang walang pakialam na tagapag-utos. Hindi ba’t nagiging pabaya siya sa tungkulin niya? Hindi ba’t kumikilos siya na parang isang opisyal? Hindi gumagawa ng anumang partikular na gawain, hindi sumusubaybay sa gawain, hindi nilulutas ang mga tunay na problema—hindi ba’t pandekorasyon lang ang lider na ito? Hindi ba’t isa siyang huwad na lider? Ito ang perpektong halimbawa ng isang huwad na lider(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (4)). Isiniwalat ng mga salita ng Diyos ang kasalukuyang kalagayan ko: Ang gawain ng ebanghelyo ay isa sa mga pangunahing gampaning sinusubaybayan ng mga lider at na responsabilidad ko, pero pagkatapos ng pagtatalaga ng gawain, naisip ko na ang gawain ng ebanghelyo ay responsabilidad ng mga lider ng pangkat. Inisip ko na puwede akong umupo na lang at maghintay sa kanila na makakuha ng mga resulta at hindi ako tumutok sa pag-unawa sa mga kalagayan ng mga lider ng pangkat o sa kung anong mga problema ang lumalabas habang ginagawa nila ang mga tungkulin nila. Gayumpaman, nang tanungin ako ng lider ko tungkol sa paglago sa gawain namin, sinabi ko na hindi pa nakatutugon sa akin ang mga lider ng pangkat. Malinaw na ako ang tagapamahala sa gawaing iyon, pero hindi ko isinama ang sarili ko sa detalyadong pagsusuri sa paglago ng gawain at gumamit ako ng hindi direktang pamamaraan. Hindi ba ito pag-uugali ng isang huwad na lider? Sa puntong iyon, sa wakas ay natanggap ko na sa puso ko ang payo ng lider. Pagkatapos ay nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Ano ang ibig sabihin ng pangangasiwa? Ang pangangasiwa ay kinapapalooban ng pag-iinspeksiyon at pagbibigay ng gabay. Ang ibig sabihin nito ay partikular na pagtatanong tungkol sa gawain nang detalyado, pagkatuto at pag-arok sa pag-usad ng gawain at mga kahinaan sa gawain, pagkaunawa sa kung sino ang responsable sa kanilang gawain at sino ang hindi, at kung sino ang may kakayahan o walang kakayahan na gampanan ang gawain, bukod pa sa ibang bagay. Minsan, ang pangangasiwa ay nangangailangan ng pagkonsulta, pag-unawa, at pag-usisa tungkol sa sitwasyon. Minsan, kailangan nito ng harap-harapang pagtatanong o direktang pag-iinspeksiyon. Siyempre, mas madalas itong nangangailangan ng direktang pakikipagbahaginan sa mga taong nangangasiwa, nagtatanong tungkol sa pagpapatupad ng gawain, sa mga suliranin at problemang kinakaharap, at iba pa. Habang nagsasagawa ng pangangasiwa, matutuklasan mo kung sinong mga tao ang nagsusumikap lang sa kanilang gawain sa panlabas at paimbabaw lang na gumagawa ng mga bagay-bagay, kung sinong mga tao ang hindi marunong magpatupad ng mga partikular na gampanin, kung sinong mga tao ang marunong magpatupad ng mga ito pero hindi gumagawa ng tunay na gawain, at iba pang mga gayong isyu. Kung maagap na malulutas ang mga natuklasang problemang ito, iyon ang pinakamainam. Ano ang layunin ng pangangasiwa? Ito ay upang mas maayos na maipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain, para makita kung angkop ang isinaayos mong gawain, kung mayroong anumang pagkalingat o mga bagay na hindi mo isinaalang-alang, kung may mga bahagi na hindi naaayon sa mga prinsipyo, kung mayroong anumang mga baluktot na aspekto o parte na kung saan may nagawang mga pagkakamali, at iba pa—ang lahat ng isyung ito ay maaaring matuklasan sa proseso ng pagsasagawa ng pangangasiwa. Pero kung mananatili ka lang sa bahay at hindi mo gagampanan ang partikular na gawaing ito, matutuklasan mo ba ang mga problemang ito? (Hindi.) Maraming problema ang kailangang ipagtanong, obserbahan, at maunawaan sa aktuwal na lugar para malaman at maarok(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (10)). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, natutuhan ko na ang pangangasiwa sa gawain ay hindi lang basta kinabibilangan ng pagtatalaga ng gawain sa ibang tao at pagkatapos ay hihintayin silang makakuha ng mga resulta, sa halip ito ay aktuwal na pakikilahok sa gawain at pag-alam ng tunay na mga problemang umiiral sa pagpapalago ng gawain. Ang gawain bang itinalaga ay hindi angkop para sa mga tao, ang mga kapatid ba ay nasa mahirap na kalagayan, o ang mga tao ba ay may masasamang saloobin sa paggawa ng mga tungkulin nila? Dapat maunawaan at maarok ng mga lider ang mga bagay na ito nang detalyado at makipagbahaginan sa katotohanan para malutas ang mga ito sa oras. Ito ang bumubuo sa paggawa ng tunay na gawain. Pinagnilayan ko kung paano ko basta itinalaga lang ang gawain sa mga lider ng pangkat at pagkatapos ay patuloy na pinilit sila na makakuha ng mga resulta—hindi ko tinupad ang responsabilidad ko bilang isang lider kahit kaunti. Wala akong pinagkaiba sa mga opisyal ng malaking pulang dragon na umuupo lang sa posisyon ng katayuan nila pero hindi kailanman gumagawa ng anumang tunay na gawain. Kahit na anong gawain ang ginagampanan ng isang opisyal, bumibigkas lang sila ng mga islogan, nagpapasa ng mga tagubilin sa mga nasa mababang posisyon mula sa mga nakatataas at gumagawa ng mga gawain kung saan nagmumukha silang mahusay. Sa kaso ko, sinusuri ko lang ang gawain para makapag-ulat sa lider ko at hindi para malutas ang mga aktuwal na problemang umiiral sa gawain ng ebanghelyo. Kinamumuhian ng Diyos ang ganitong uri ng saloobin pagdating sa gawain. Kung hindi ko maitatama ang saloobin ko, magiging sanhi ako ng pagkapinsala sa gawain ng iglesia at sa gayon ay makagagawa ako ng kasamaan sa tungkulin ko. Pagkatapos noon, nagsimula akong kumilos ayon sa mga salita ng Diyos at nagmadali akong magsagawa para ituwid ang mga paglihis ko. Sa pagkakaroon ng aktuwal na pag-unawa, nalaman ko na ang ilan sa mga iglesia ay kulang pala sa mga manggagawa ng ebanghelyo, hindi nagawa ng ilan sa mga lider ng pangkat na magtalaga ng gawain nang may sapat na bilis, na humantong sa mabagal na paglago, at hindi nagagawa ng ilang kapatid nang normal ang tungkulin nila dahil sa mga pag-aresto at pagsubaybay ng CCP. Dahil dito at sa maraming iba pang mga isyu, hindi naging epektibo ang gawain ng ebanghelyo. Pagkatapos ay nakipagbahaginan ako at nilutas isa-isa ang mga isyung ito. Tumigil ako sa paghahanap ng mga palusot para maipasa ang mga responsabilidad sa iba at tumigil ako sa pagtuon sa kung ano ang ginagawa o hindi ginagawa ng ibang tao, sa halip ay pinili kong tumutok sa paggawa ng tungkulin ko nang ayon sa prinsipyo at paggawa ng mas higit pang mga tunay na gawain. Pagkatapos ng ilang panahon ng pakikipagtulungan, nagsimulang bumuti ang gawain ng ebanghelyo. Labis akong natuwa—Hindi ko kailanman naisip na pagkatapos ng pagwawasto ko sa kalagayan ko at sa aktuwal na pagsasagawa ng gawain ay masasaksihan ko ang patnubay ng Diyos.

Sa karanasang ito, natutuhan ko na ang pagpupungos, pagpayo at pagtulong ay nagmumula sa Diyos at na ang mga ito ay mga positibong bagay na tumutulong sa atin na iwasto ang mga paglihis sa mga tungkulin natin at pinahihintulutan tayo nitong gawin ang mga tungkulin natin sa paraang pasok sa pamantayan. Tinutulungan din tayo ng mga ito na malaman at malutas ang mga tiwaling disposisyon natin. Nasa likod ng lahat ng ito ang mabuting layunin ng Diyos. Dahil sa karanasang ito, natutuhan ko mismo ang tungkol sa mga pakinabang ng pagtanggap ng pagpupungos, payo at tulong, at nalaman ko din kung paano suriin at pangasiwaan ang gawain. Salamat sa Diyos para sa patnubay Niya!

Sinundan:  47. Ang Nakatago sa Likod ng Pagsisinungaling

Sumunod:  50. Paano Ituring ang Kabaitan ng Pagpapalaki ng mga Magulang

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger