52. Ang Natutuhan Ko Pagkatapos Matanggal

Ni Shelly, USA

Noong 2021, nagdidilig ako ng mga baguhan sa iglesia. Dahil sa pabasta-bastang pamamaraan ko sa tungkulin ko, maraming baguhan ang hindi regular dumadalo sa mga pagtitipon. Dagdag pa roon, dahil sa mapagmataas kong disposisyon ay palaging napipigilan ang iba kapag nakikipagtulungan sa akin. Kaya, tinanggal ako ng mga lider at itinalaga para mangasiwa ng mga pangkalahatang gawain. Nang mabalitaan ito, sobra akong nabagabag. Naisip ko kung paanong mahigit sampung taon na akong sumasampalataya sa Diyos, at na pagkatapos talikuran ang pag-aaral ko, mula noon ay ginagawa ko na ang tungkulin ko sa iglesia. Higit pa rito, dahil may kaunting kaalaman ako sa isang banyagang wika, palagi kong nararamdamang mas may kakayahan ako kaysa sa ibang mga kapatid. Hindi ko inasahang sa kritikal na sandaling ito ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ay matatanggal at maitatalaga ako sa isang hindi kapansin-pansing tungkulin ng pangangasiwa ng mga pangkalahatang gawain. Ang pagkakatanggal kaya na ito ay paraan ng Diyos ng pagbubunyag at pagtitiwalag sa akin? Nang maisip ko ito, napuno ako ng halo-halong pagkabigo, kirot, at pag-aalala. Sa puso ko ay sinabi ko sa sarili ko, “Sa hinaharap, kailangan kong maging maingat at metikuloso sa paggawa ng mga tungkulin ko para maiwasang makapagdulot ng anumang problema na puwedeng humantong sa muling pagkakatanggal ko. Kung hindi, baka talagang mawalan na ako ng lahat ng pag-asang maligtas.”

Pagkalipas ng ilang panahon, nabalitaan kong natanggal ang ilang kapatid dahil sa hindi magagandang resulta sa mga tungkulin nila. Bigla akong nabalisa at naisip ko, “Paano ko ba ginagawa ang mga tungkulin ko kamakailan? Nanganganib din ba akong matanggal?” Agad kong sinimulang pag-isipan kung anong mga isyu ang maaaring umiiral pa rin sa mga tungkulin ko, kung ano ang saloobin ng superbisor sa akin, at kung may anumang palatandaang matatanggal ako. Nang makita kong may ilang isyu sa mga tungkulin ko at hindi masyadong maganda ang mga resulta, sobrang hindi ako mapakali, napapaisip na, “Balang araw ba ay tatanggalin ako ng superbisor? Kung matatanggal ulit ako, baka tuluyan na akong matiwalag.” Noong panahong iyon, napakaingat kong ginagawa ang mga tungkulin ko, nangangambang baka makagawa ako ng anumang pagkakamali. Minsan kapag pinapadalhan ako ng mga mensahe ng superbisor ko, nag-aalala akong baka pinaplano niyang tanggalin ako. Namuhay ako sa isang kalagayan ng pagbabantay at paghihinala, masyadong napipigilan, na para bang may isang malaking batong nakadagan sa akin.

Isang araw sa isang pagtitipon, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa sarili kong kalagayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi naniniwala ang ilang tao na kayang tratuhin nang patas ng sambahayan ng Diyos ang mga tao. Hindi sila naniniwala na naghahari ang Diyos sa Kanyang sambahayan, at na naghahari doon ang katotohanan. Naniniwala sila na anumang tungkulin ang ginagampanan ng isang tao, kung magkakaroon ng problema roon, haharapin kaagad ng sambahayan ng Diyos ang taong iyon, tatanggalin ang kanyang karapatang gampanan ang tungkuling iyon, ititiwalag siya, o paaalisin pa nga siya sa iglesia. Ganoon ba talaga iyon? Siguradong hindi. Pinakikitunguhan ng sambahayan ng Diyos ang bawat tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ang Diyos ay matuwid sa Kanyang pagtrato sa bawat tao. Hindi lamang Niya tinitingnan kung paano kumilos ang isang tao sa isang pagkakataon; tinitingnan Niya ang kalikasang diwa ng isang tao, ang kanyang mga intensyon, ang kanyang pag-uugali, at tinitingnan Niya lalo na kung kaya ba ng isang tao na pagnilayan ang kanyang sarili kapag nagkakamali siya, kung nagsisisi ba siya, at kung kaya ba niyang mahanap ang diwa ng problema batay sa Kanyang mga salita, maunawaan ang katotohanan, kamuhian ang kanyang sarili, at tunay na magsisi. … Kung hindi mo man lamang tinatanggap ang katotohanan sa pagganap sa iyong tungkulin at lagi kang natatakot na mabunyag at matiwalag, ang takot mong ito ay nababahiran ng intensyon ng tao at ng tiwaling satanikong disposisyon, at ng paghihinala, pag-iingat, at maling pagkaunawa. Wala sa mga ito ang mga pag-uugali na dapat mayroon ang isang tao. Dapat kang magsimula sa pamamagitan ng paglutas sa iyong takot, gayundin sa iyong mga maling pagkaunawa sa Diyos. Paano umuusbong ang mga maling pagkaunawa ng isang tao sa Diyos? Kapag maayos ang takbo ng mga bagay-bagay para sa isang tao, talagang hindi siya nagkakamali ng pag-unawa sa Kanya. Naniniwala siyang ang Diyos ay mabuti, na ang Diyos ay kagalang-galang, na ang Diyos ay matuwid, na ang Diyos ay maawain at mapagmahal, na ang Diyos ay tama sa lahat ng bagay na ginagawa Niya. Gayunman, kapag naharap siya sa isang bagay na hindi umaayon sa kanyang mga kuru-kuro, iniisip niya, ‘Mukhang hindi masyadong matuwid ang Diyos, kahit paano ay hindi sa bagay na ito.’ Hindi ba’t maling pagkaunawa ito? Paanong hindi matuwid ang Diyos? Ano ang nagpausbong sa maling pagkaunawang ito? Bakit nagkaroon ka ng ganitong opinyon at pagkaunawa na hindi matuwid ang Diyos? Masasabi mo ba kung ano iyon? Aling pangungusap iyon? Aling bagay? Aling sitwasyon? Sabihin mo, para mapag-isipan ng lahat at makita kung may katwiran ka. At kapag nagkakamali ng pagkaunawa ang isang tao sa Diyos o nahaharap sa isang bagay na hindi umaayon sa kanyang mga kuru-kuro, ano ang saloobing dapat niyang taglayin? (Yaong naghahanap sa katotohanan at nagpapasakop.) Kailangan niyang magpasakop muna at isipin: ‘Hindi ko maunawaan, pero magpapasakop ako dahil ito ang ginawa ng Diyos at hindi ito isang bagay na dapat suriin ng tao. Dagdag pa riyan, hindi ko maaaring pagdudahan ang mga salita ng Diyos o ang Kanyang gawain dahil ang salita ng Diyos ay ang katotohanan.’ Hindi ba’t ganito ang saloobing dapat taglayin ng isang tao? Kapag may ganitong saloobin, magdudulot pa rin ba ng problema ang iyong maling pagkaunawa? (Hindi na.) Hindi nito maaapektuhan o magagambala ang pagsasagawa mo ng iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Katulad lang ako ng inilarawan ng Diyos: Kapag nakakagawa ako ng mga pagkakamali sa tungkulin ko, palagi akong natatakot na matanggal. Dahil ito sa pagiging mapagbantay ko laban sa Diyos at sa maling pagkaunawa ko sa Diyos, sa hindi pagkaunawa sa mga prinsipyo sa likod ng pagtatanggal sa mga tao sa sambahayan ng Diyos o hindi pagkilala sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Inakala kong basta may kaunting isyu o pagkakamali sa paggawa ng tungkulin ng isang tao, o kung hindi maganda ang mga resulta sa loob ng ilang panahon, matatanggal siya, katulad lang ng pagtatrabaho sa mundo ng mga walang pananampalataya, kung saan humahantong ang mga pagkakamali sa pagsita at posibleng pagtatanggal, kaya kailangang maging napakaingat ng isang tao para mapanatili ang posisyon niya. Pero sa sambahayan ng Diyos, binibigyan ng Diyos ang mga tao ng pinakamaraming pagkakataong magsisi hangga’t maaari, at ang pagtatanggal sa mga tao ay batay rin sa mga prinsipyo. Hindi totoo na natatanggal ang isang tao dahil lang nakagawa siya ng maliit na pagkakamali sa tungkulin niya o nagkaroon ng hindi magagandang resulta sa maikling panahon. Bagkus, batay ito sa isang komprehensibong pagsusuri ng palagiang pagganap at kalikasang diwa ng tao na iyon, lalo na kung kaya niyang pagnilayan at kilalanin ang sarili niya, at magpakita ng tunay na pagsisisi pagkatapos makagawa ng pagkakamali. Halimbawa, noong ginagawa ko ang tungkulin ko ng pagdidilig sa mga baguhan, dahil sa mapagmataas na disposisyon ko, palagi kong napipigilan ang iba kapag nakikipagtulungan ako sa kanila. Ipinaalam na sa akin ng mga kapatid ang isyung ito. Gayumpaman, sumama lang ang loob ko nang ilang panahon at pagkatapos ay hindi ko na binigyang-pansin ang pagwawasto sa mapagmataas kong disposisyon. Dagdag pa rito, kapag nagdidilig ng mga baguhan, pabasta-basta ako, gumagawa lang ng mababaw na gawain. Kapag may mga suliranin ang mga baguhan at hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon, hindi ako nagbibigay ng tulong o suporta. Kapag ibinubuod ang gawain at nakikitang napakaraming baguhan ang hindi regular na dumadalo, saglit lang na sumasama ang loob ko, pero pagkatapos, hindi pa rin ako nagsisikap na tugunan ang mga isyung ito. Tinanggal ako ng iglesia batay sa palagiang pagganap ko, pero hindi inalis ang pagkakataon kong gawin ang tungkulin ko, at sa halip ay itinalaga ako para gawin ang tungkulin ng pangkalahatang gawain, binibigyan ako ng pagkakataong magsisi; gayumpaman, hindi ko pinagnilayan at inunawa nang wasto ang sarili ko, bagkus ay nagkimkim ako ng pagiging mapagbantay at maling pagkaunawa sa Diyos. Talagang masyado akong mapanlinlang! Ngayon, kahit na nagkakaroon ako ng ilang isyu at paglihis sa tungkulin ko ng pangkalahatang gawain, pagkatapos malaman ng superbisor ang tungkol dito, binibigyan niya ako ng kaunting payo o nakikipagbahaginan siya sa akin tungkol sa mga prinsipyo. Nang sundin ko ang mga mungkahing ito, nalutas ang mga problema sa tungkulin ko, at hindi ako tinanggal ng iglesia dahil sa mga iyon. Nakita ko na ang pagtatanggal sa mga tao sa sambahayan ng Diyos ay talagang ginagawa ayon sa mga prinsipyo, at na talagang panlilinlang at pagpipigil sa sarili ang pagiging mapagbantay at ang maling pagkaunawa ko.

Kalaunan, nag-isip-isip pa ako, napagtatantong bukod sa paglutas sa pagiging mapagbantay at sa maling pagkaunawa ko, kailangan ko ring lutasin itong takot na matatanggal ako kung makakagawa ako ng pagkakamali sa tungkulin ko. Pinag-isipan ko: Bakit ba ako natatakot? Nagdasal ako sa Diyos at naghanap tungkol sa isyung ito. Isang araw, sa pagdedebosyonal ko, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Nakaranas ang ilang tao ng ilang kabiguan noon, gaya ng pagkatanggal dahil sa hindi paggawa ng anumang totoong gawain bilang isang lider o dahil sa pag-iimbot sa mga benepisyo ng katayuan. Pagkatapos matanggal nang ilang ulit, ang ilan sa kanila ay sumailalim nga sa bahagyang tunay na pagbabago, kaya ang pagkatanggal ba ay isang mabuting bagay o isang masamang bagay para sa mga tao? (Ito ay isang mabuting bagay.) Noong una silang matanggal, ang pakiramdam ng mga tao ay pinagsasakluban sila ng langit at lupa. Para bang basta na lang nadurog ang kanilang puso. Hindi na nila masuportahan ang kanilang sarili at hindi nila alam kung aling direksiyon ang tutunguhin. Ngunit pagkatapos ng karanasang ito, iniisip nila, ‘Hindi naman iyon gayon kalaking isyu. Bakit napakaliit ng tayog ko dati? Bakit para akong isang musmos?’ Ito ay nagpapatunay na nagkaroon sila ng pag-usad sa buhay, at na naunawaan nila nang bahagya ang mga layunin ng Diyos, ang katotohanan, at ang layunin ng pagliligtas ng Diyos sa tao. Ito ang proseso ng pagdanas sa gawain ng Diyos. Dapat mong aminin at tanggapin ang mga pamamaraang ito na ginagamit ng Diyos sa Kanyang gawain, ibig sabihin, ang palaging pagpupungos sa iyo, o ang paghatol sa iyo, na sinasabing wala kang pag-asa, sinasabing hindi ka isang taong maliligtas, at maging ang pagkokondena at pagsusumpa sa iyo. Maaaring maging negatibo ang pakiramdam mo, ngunit sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan at sa pagninilay-nilay sa iyong sarili at pagkilala sa iyong sarili, hindi magtatagal ay magagawa mong makaahon, at sumunod sa Diyos at gampanan ang mga tungkulin mo nang normal. Ito ang ibig sabihin ng lumago sa buhay. Kaya, ang pagdanas ba ng mas maraming pagkatanggal ay mabuti o masama? Tama ba ang pamamaraang ito na ginagamit ng Diyos sa Kanyang gawain? (Tama ito.) Gayunman, minsan ay hindi ito kinikilala ng mga tao, at hindi nila ito matanggap. Partikular na noong una nilang maranasang matanggal, pakiramdam nila ay hindi patas ang pagtrato sa kanila, palagi silang nangangatwiran sa Diyos at nagrereklamo laban sa Diyos, hindi nila magawang mapagtagumpayan ang balakid na ito. Bakit hindi nila ito mapagtagumpayan? Ito ba ay dahil naghahanap sila ng sigalot laban sa Diyos at sa katotohanan? Ito ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, hindi nila alam kung paano pagninilay-nilayan ang kanilang sarili, at hindi nila hinahanap ang mga problema sa kanilang sarili. Palagi silang tumatanggi na sumunod sa kanilang puso, at kapag sila ay tinanggal, nagsisimula silang hamunin ang Diyos. Hindi nila matanggap ang katunayan ng pagkatanggal sa kanila at sila ay napupuno ng sama ng loob. Sa oras na ito, ang mga tiwaling disposisyon nila ay napakalala, ngunit kapag binalikan nila ang bagay na ito kinalaunan, makikita nilang tama lang sa kanila ang matanggal—lumabas na ito ay isang mabuting bagay, na nagbigay sa kanila ng kakayahang makausad sa buhay. Kapag sila ay naharap sa pagkatanggal muli sa hinaharap, hahamunin pa rin ba nila itong muli sa ganitong paraan? (Paunti nang paunti sa bawat pagkakataon.) Normal na ito ay bubuti nang paunti-unti. Kung walang nagbabago, ito ay nagpapatunay na hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan at na sila ay mga hindi mananampalataya. Pagkatapos sila ay lubos na nabubunyag at itinitiwalag, at walang paraan upang magtamo ng kaligtasan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naantig ako nang husto. Nakakaranas man ng pagtatanggal o natutukoy bilang isang taong hindi maliligtas, dapat natin itong tanggapin mula sa Diyos. Kung kaya nating magpasakop, hanapin ang katotohanan, pagnilayan, at kilalanin ang sarili natin, uusad ang buhay natin, at isa iyong mabuting bagay. Gayumpaman, kung patuloy tayong magdadahilan at magrereklamo nang hindi pinagninilayan ang sarili natin, talagang mabubunyag at matitiwalag tayo. Sa pagninilay sa panahong natanggal ako sa tungkulin ko ng pagdidilig, kahit na napakasakit nito, natauhan ako rito. Idinulot nito sa aking pagnilayan at unawain ang sarili ko, at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa pagiging pabasta-basta ko sa paggawa ng tungkulin ko at sa mapagmataas kong disposisyon. Dati, kapag nakikita kong hindi regular na dumadalo ang mga baguhan sa mga pagtitipon, iniisip kong masyadong matrabahong unawain ang mga suliranin nila at hanapin ang mga salita ng Diyos para lutasin ang mga problema nila, kaya ayaw kong maingat na gumawa ng mga sakripisyo para tugunan ang mga isyung ito, at gusto ko lang gumawa ng ilang simpleng gampanin na magpapaganda sa imahe ko. Pagkatapos matanggal, napagtanto kong masyado akong tamad at nagpapakasasa sa kaginhawahan ng katawan. Nakita kong sa paggawa sa mga tungkulin ko nang may ganoon kasamang kalikasan ay naging pundamental na hindi ako mapagkakatiwalaan. Ngayon, kapag ginagawa ang mga tungkulin sa pangkalahatang gawain, sinimulan kong pag-isipan kung paano gagawin ang mga tungkulin ko sa isang praktikal na paraan. Anuman ang mga kakayahan ko sa gawain, tumuon lang ako sa paggawa rito nang buong puso at lakas ko. Kahit na minsan ay nakakapagod ito, napalagay ang puso ko. Isa pa, dati, palagi kong hinahamak ang mga kapatid na mahina ang kakayahan o mahina ang mga propesyonal na abilidad. Kapag tinatalakay ang gawain, madalas ay malupit ang tono ko, na nagdulot ng pagpipigil at pinsala sa kanila. Pagkatapos matanggal, nagsimula akong huminahon at magnilay sa sarili ko. Napagtanto kong ang panghahamak ko sa iba ay dahil sa mapagmataas kong disposisyon. Kalaunan, kapag nakikita ang mga kapatid na dati kong hinahamak, natutuklasan kong marami silang kalakasan at mabuting katangian. Ngayon, kapag ipinapaalam ng mga kapatid ang mga problema at pagkukulang ko, natatanggap ko ang mga iyon at nagpagninilayan at nakikilala ang sarili ko. Hindi na napipigilan sa akin ang mga kapatid. Ipinakita nito sa akin na ang pagtatalaga sa ibang tungkulin at pagtatanggal ay hindi naglalayong magbunyag at magtiwalag ng sinuman. Labis akong nagawang tiwali ni Satanas at nagkaroon ako ng maraming tiwaling disposisyon, kaya kailangan kong dumanas ng maraming kabiguan at pagbubunyag habang ginagawa ang tungkulin ko. Kung kaya kong hanapin ang katotohanan, pagnilayan ang sarili ko, at taimtim na magsisi, magiging isa itong mabuting bagay para sa akin at isang mahalagang sandali para sa pagbabago ng disposisyon ko. Pero hindi ko kayang tratuhin nang tama ang mga kabiguan at pagbubunyag sa akin sa tungkulin ko. Hindi ko kayang huminahon para hanapin ang katotohanan at pagnilayan nang wasto ang sarili ko. Sa halip, palagi akong nagpaplano at nag-aalala tungkol sa huling hantungan at kalalabasan ko, na humantong sa pagiging negatibo at pagdurusa ko. Puno ako ng paglaban sa mga kapaligirang isinaayos ng Diyos. Kung hindi ako magsisisi, talagang maipapahamak ko ang sarili ko. Ngayon, ang kailangan kong gawin ay tanggapin at magpasakop sa mga kapaligirang isinaayos ng Diyos, tumuon sa paghahanap sa katotohanan at pagninilay at pagkilala sa sarili kong katiwalian at mga kapintasan, matuto ng mga aral, at magkaroon ng pag-usad sa buhay pagpasok ko. Nang maunawaan ko ito, mas napalagay ang puso ko.

Pagkalipas ng ilang buwan, itinalaga ako ng iglesia para magdilig ng mga baguhan. Hindi ko inasahang mabibigyan ako ng isa pang pagkakataong gawin ang tungkuling ito, nakadama ako ng di-mailalarawang emosyon at pinasalamatan ko ang Diyos sa puso ko. Pagkalipas ng ilang panahon, naharap ako sa ilang suliranin sa pagdidilig ng mga baguhan. Ang ilan sa kanila ay masyadong abala sa trabaho, ang ilan ay may karamdaman, at ang ilan ay may mga kuru-kuro tungkol sa gawain ng Diyos, kaya tumigil sila sa pagdalo sa mga pagtitipon. Pagkatapos silang diligan at suportahan sa loob ng ilang panahon nang hindi nakakakita ng anumang malinaw na resulta, sobra akong nabalisa, “Kung hindi ko agad malulutas ang mga isyung ito, matatanggal ba ako? Patindi na nang patindi ang mga sakuna, at malapit nang matapos ang gawain ng Diyos. Kung matatanggal ako sa kritikal na sandaling ito, maliligtas pa rin ba ako?” Nagdulot sa akin ng matinding pagkabagabag ang mga kaisipang ito. Nang dumating ang superbisor para suriin ang gawain ko, pinaalalahanan niya akong maging mas masipag at lutasin ang mga isyung ito sa lalong madaling panahon. Medyo pinanghinaan ako ng loob, “Nagsisikap naman ako nitong mga huli, pero bakit hindi gumanda ang mga resulta? Kung patuloy akong magiging hindi epektibo sa tungkulin ko, baka matanggal ako. Kung maitatalaga ako sa ibang tungkulin, kakailanganin kong matuto mula sa umpisa. Paano kung patuloy akong magiging hindi epektibo at matanggal na naman ako? Kung gayon ay tuluyan na akong mabubunyag at matitiwalag!” Habang mas iniisip ko ito, lalo akong pinanghihinaan ng loob, at namomroblema at bumibigat ang isip ko. Nang makita kong hindi regular na dumadalo ang mga baguhan sa mga pagtitipon, nawalan na ako ng ganang kumustahin sila. Nagkaroon pa nga ako ng kaunting reklamo sa puso ko, “Nagtatrabaho ako nang husto nitong mga huli, bakit hindi ako pinapatnubayan ng Diyos? Kahit gaano ko katinding subukan, parang wala namang nagbabago. Hindi madaling lutasin ang mga isyung ito, at baka kahit pagkatapos ng lahat ng pagsisikap ko ay matanggal pa rin ako.” Noong panahong iyon, masyado akong negatibo at hindi ako makakuha ng lakas na gawin ang tungkulin ko. Kalaunan, sinimulan kong pagnilayan ang sarili ko, “Bakit ba palagi kong inaalala na matatanggal ako sa tuwing may nangyayari?” Napagtanto kong nauudyukan ako ng layuning magkamit ng mga pagpapala, kaya naghanap ako ng mga nauugnay na salita ng Diyos para kainin at inumin.

Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kapag may katayuan at kapangyarihan ang isang anticristo sa sambahayan ng Diyos, kapag kaya niyang manamantala at samantalahin ang bawat pagkakataon, kapag tinitingala at binobola siya ng mga tao, at kapag tila abot-kamay lang niya ang mga pagpapala at gantimpala, at ang isang magandang hantungan, kung gayon, sa panlabas ay mukhang nag-uumapaw siya sa pananalig sa Diyos, sa mga salita ng Diyos at Kanyang mga pangako sa sangkatauhan, at sa gawain at kinabukasan ng sambahayan ng Diyos. Subalit, pagkapungos na pagkapungos sa kanya, kapag nalagay sa alanganin ang pagnanais niyang pagpalain, saka siya nagkakaroon ng mga hinala at maling pagkaunawa patungkol sa Diyos. Sa isang kisapmata, naglalaho ang tila masagana niyang pananalig, at hindi na ito masumpungan. Ni hindi na siya makahugot ng lakas para lumakad o magsalita man lang, nawawalan na siya ng ganang gawin ang tungkulin niya, at nawawala na ang lahat ng kanyang sigla, pagmamahal at pananalig. Nawala na ang katiting na kabutihang-loob na mayroon siya, at hindi na siya nakikinig sa sinumang nakikipag-usap sa kanya. Bigla siyang nagbabago na para bang ibang tao na siya. Nabunyag na siya, hindi ba? Kapag pinanghahawakan ng ganoong tao ang pag-asa niyang pagpalain, mukha siyang hindi mauubusan ng lakas, at mukhang tapat siya sa Diyos. Kaya niyang bumangon nang maaga at magpuyat sa pagtatrabaho, at nagagawa niyang magdusa at magbayad ng halaga. Pero kapag nawalan na siya ng pag-asang pagpalain, para siyang isang umimpis na lobo. Gusto na niyang baguhin ang kanyang mga plano, maghanap ng ibang landas, at isuko ang pananalig niya sa Diyos. Nasisiraan siya ng loob at nadidismaya siya sa Diyos, at napupuno siya ng mga hinanakit. Ito ba ang pagpapahayag ng isang taong naghahangad at nagmamahal sa katotohanan, ng isang taong may pagkatao at integridad? (Hindi.) Nasa panganib siya(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). “Hindi kailanman sinusunod ng mga anticristo ang mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at palagi nilang mahigpit na iniuugnay ang kanilang tungkulin, kasikatan, pakinabang, at katayuan sa inaasam nilang pagtamo ng mga pagpapala at sa kanilang hantungan sa hinaharap, na para bang sa sandaling mawala ang kanilang reputasyon at katayuan, wala na silang pag-asang magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at pakiramdam nila ay katulad ito ng mawalan ng buhay. Iniisip nila, ‘Kailangan kong mag-ingat, hindi ako dapat maging pabaya! Ang sambahayan ng diyos, ang mga kapatid, ang mga lider at manggagawa, at maging ang diyos ay hindi maaasahan. Hindi ko mapagkakatiwalaan ang sinuman sa kanila. Ang taong pinakamaaasahan mo at ang pinakakarapat-dapat mong pagkatiwalaan ay ang iyong sarili. Kung hindi ka nagpaplano para sa iyong sarili, sino ang mag-aasikaso sa iyo? Sino ang mag-iisip sa kinabukasan mo? Sino ang mag-iisip kung makatatanggap ka ba ng mga pagpapala o hindi? Kaya, kailangan kong magplano at magkalkula nang maingat para sa sarili kong kapakanan. Hindi ako puwedeng magkamali o maging pabaya kahit kaunti, kung hindi, ano ang gagawin ko kung may sumubok na manamantala sa akin?’ Kaya, nagiging mapagbantay sila laban sa mga lider at manggagawa ng sambahayan ng Diyos, natatakot na may makakilatis o makahalata sa kanila, at na pagkatapos ay matatanggal sila at masisira ang mga pinapangarap nilang pagpapala. Iniisip nila na dapat nilang panatilihin ang kanilang reputasyon at katayuan para magkaroon sila ng pag-asang magkamit ng mga pagpapala. Itinuturing ng isang anticristo ang pagiging pinagpala na higit pa kaysa sa kalangitan, higit pa kaysa sa buhay, mas mahalaga pa kaysa sa paghahangad ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, o personal na kaligtasan, at mas mahalaga pa kaysa sa maayos na paggawa sa kanilang tungkulin, at pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan. Iniisip niya na ang pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan, ang paggawa nang mabuti sa kanyang tungkulin at pagkaligtas ay pawang mumunting mga bagay na hindi na kailangang banggitin o pagkomentuhan pa, samantalang ang pagtatamo ng mga pagpapala ay ang tanging bagay sa buong buhay niya na hindi kailanman malilimutan. Sa anumang masagupa niya, gaano man kalaki o kaliit, inuugnay niya ito sa pagiging pinagpala, at napakaingat at napakaalisto niya, at lagi siyang may nakahandang malulusutan para sa kanyang sarili. … Ang pagtamo o hindi pagtamo ng isang tao sa pagsang-ayon ng Diyos ay hindi nakabase sa tungkuling ginagawa niya, kundi sa kung taglay ba niya ang katotohanan, kung tunay ba siyang nagpapasakop sa Diyos, at kung tapat ba siya. Ang mga ito ang pinakamahahalagang bagay. Sa panahon ng pagliligtas ng Diyos sa mga tao, kailangan nilang pagdusahan ang maraming pagsubok. Lalo na sa pagganap sa tungkulin nila, dapat silang dumaan sa maraming kabiguan at hadlang, pero sa bandang huli, kung nauunawaan nila ang katotohanan at may tunay silang pagpapasakop sa Diyos, magiging isa siyang taong may pagsang-ayon ng Diyos. Sa usaping ukol sa pagkakalipat nila sa kanilang tungkulin, makikita na hindi nauunawaan ng mga anticristo ang katotohanan, at talagang wala silang kakayahang makaarok(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, nakita ko na kaya hindi maharap nang tama ng mga anticristo ang mga pagtatalaga sa ibang tungkilin o pagtatanggal sa mga tungkulin nila ay dahil ginagawa nila ang mga tungkulin nila para lang magkamit ng mga pagpapala, sinusubukang makipagtawaran sa Diyos, at hindi para makamit ang katotohanan o magpasakop sa Diyos. Kaya, kapag may nagiging problema o kapag naitatalaga sa ibang tao ang mga tungkulin nila o natatanggal sila, palagi nila itong iniuugnay sa pagtanggap ng mga pagpapala. Kapag nakikita nilang wala silang pag-asang magkamit ng mga pagpapala, pinanghihinaan sila ng loob, nadidismaya, at napupuno ng mga hinaing, nawawalan sila ng motibasyong gawin ang mga tungkulin nila, at nawawalan pa nga ng pagnanais na sumampalataya sa Diyos. Taglay ko rin ang mga pagpapamalas na ito ng mga anticristo. Kapag umuusad nang maayos ang mga tungkulin ko at pakiramdam ko ay may pag-asa akong makatanggap ng mga pagpapala, kaya kong talikuran ang pag-aaral ko, at magtiis ng pagdurusa at magbayad ng halaga para sa mga tungkulin ko. Gayumpaman, kapag nakakakuha ako ng hindi magagandang resulta sa mga tungkulin ko at may panganib pa nga na matanggal ako, pakiramdam ko ay naglaho na ang pag-asa kong magkamit ng mga pagpapala. Ang resulta, pinanghihinaan ako ng loob, nadidismaya, nagiging negatibo, at nagpapakatamad, at ginagawa ko ang mga tungkulin ko na parang ganap na ibang tao ako. Ang totoo, napakanormal lang na matanggal, o makatanggap ng mga payo o pagpupungos dahil sa paglitaw ng mga problema sa mga tungkulin ng isang tao. Gayumpaman, palagi kong inaalala na, “Matatanggal ba ako? Kung matatanggal ulit ako, hindi ba’t tuluyan na akong mabubunyag at matitiwalag? Kung ganoon ay hindi na ako masyadong magkakaroon ng pagkakataong maligtas at makapasok sa kaharian ng langit.” Ginawa ko nang isang transaksyon ang paggawa ng mga tungkulin ko, sinusubukang ipagpalit ang mga sakripisyo, paggugol, at resulta ng gawain ko para sa pagpapala ng kaharian ng langit. Katulad lang ito ni Pablo. Ipinangaral niya ang ebanghelyo para lang makatanggap ng mga gantimpala at pagpapala, hindi para makamit ang katotohanan, hanggang sa puntong kaya niyang sabihin, “Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, napanatili ko ang pananalig: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8) Ang implikasyon ay na nagbayad na siya ng malaking halaga sa paggawa ng tungkulin niya, at na kailangan siyang bigyan ng Diyos ng mga gantimpala at pagpapala, kung hindi ay makikipagtalo siya sa Diyos at lalaban sa Kanya. Hindi ba’t tinatahak ko ang landas na pareho ng kay Pablo? Handa akong magbayad ng halaga para magkamit ng mga pagpapala, pero noong pakiramdam ko ay hindi ko matatanggap ang mga iyon, naging negatibo at nagpakatamad ako, nagreklamo pa nga na hindi ako pinapatnubayan ng Diyos. Hindi ba’t tahimik kong nilalabanan ang Diyos? Nang maisip ko iyon, talagang natakot ako, napagtatanto na masyadong mapanganib ang paggawa ng mga tungkulin para lang magkamit ng mga pagpapala at subukang makipagtawaran sa Diyos. Isa itong landas ng paglaban sa Diyos!

Kalaunan, nakabasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dahil ang mapagpala ay hindi isang naaangkop na layuning dapat hangarin ng mga tao, ano ang isang naaangkop na layunin? Ang paghahangad ng katotohanan, ang paghahangad ng mga pagbabago sa disposisyon, at ang magawang magpasakop sa lahat ng pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos: ito ang mga layuning dapat hangarin ng mga tao. Sabihin natin, halimbawa, na ang mapungusan ay nagdudulot sa iyong magkaroon ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa, at hindi mo na magawang magpasakop. Bakit hindi mo magawang magpasakop? Dahil pakiramdam mo ay nakuwestiyon ang iyong hantungan o ang iyong pangarap na mapagpala. Nagiging negatibo ka at sumasama ang loob mo, at gusto mong sukuan ang iyong tungkulin. Ano ang dahilan nito? May problema sa iyong hangarin. Kaya paano ito dapat lutasin? Kinakailangan na agad mong talikuran ang mga maling ideyang ito, at na agad mong hanapin ang katotohanan para lutasin ang problema ng iyong tiwaling disposisyon. Dapat mong sabihin sa iyong sarili, ‘Hindi ako dapat sumuko, dapat ko pa ring magawa nang mabuti ang tungkuling dapat gawin ng isang nilikha, at isantabi ang aking pagnanais na mapagpala.’ Kapag binitiwan mo ang pagnanais na mapagpala at tinahak mo ang landas ng paghahangad sa katotohanan, mawawala ang bigat na pasan mo sa iyong mga balikat. At magagawa mo pa rin bang maging negatibo? Kahit na may mga pagkakataon pa rin na negatibo ka, hindi mo ito hinahayaang limitahan ka, at sa puso mo, patuloy kang nagdarasal at nakikibaka, binabago ang layunin ng iyong paghahangad mula sa paghahangad na mapagpala at magkaroon ng hantungan, ay nagiging paghahangad sa katotohanan, at iniisip mo, ‘Ang paghahangad sa katotohanan ay ang tungkulin ng isang nilikha. Para maunawaan ang ilang partikular na katotohanan ngayon—wala nang mas dakilang pag-aani, ito ang pinakadakilang pagpapala sa lahat. Kahit na ayaw sa akin ng Diyos, at wala akong magandang hantungan, at gumuho ang aking mga pag-asa na mapagpala, gagawin ko pa rin ang aking tungkulin nang maayos, obligado akong gawin iyon. Anuman ang dahilan, hindi ko ito hahayaang makaapekto sa wasto kong paggampan sa aking tungkulin, hindi ko ito hahayaang maapektuhan ang pagsasakatuparan ko sa atas ng Diyos; ito ang prinsipyong sinusunod ko sa aking pagkilos.’ At sa pamamagitan nito, hindi ba’t nadaig mo ang mga paglilimita ng laman? Maaaring sabihin ng ilan, ‘Paano kung negatibo pa rin ako?’ Kung gayon ay hanapin ninyong muli ang katotohanan para lutasin ito. Ilang beses ka mang malugmok sa pagiging negatibo, kung patuloy mo lang hahanapin ang katotohanan para lutasin ito, at patuloy na magpupunyagi para sa katotohanan, unti-unti kang makaaahon mula sa iyong pagiging negatibo. At balang araw, madarama mo na wala ka nang pagnanais na magtamo ng mga pagpapala at hindi ka na nalilimitahan ng hantungan at kalalabasan mo, at na mas madali at mas malaya kang mabubuhay nang wala ang mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Mayroong Buhay Pagpasok). “Si Job ay hindi nakipagpalitan sa Diyos, at hindi humiling o humingi sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa pamumuno sa lahat ng bagay, at hindi nakasalalay sa kung siya ay nagkamit ng pagpapala o hinagupit ng kalamidad. Naniwala siya na kung magbibigay man ng pagpapala ang Diyos sa mga tao o kaya ay magdudulot ng kapahamakan sa kanila, ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at dahil dito, anuman ang kalagayan ng isang tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, pinagpala ang tao, at kapag dumating ang sakuna sa tao, ito ay dahil din sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay namamahala at nagsasaayos ng lahat tungkol sa tao; ang pabago-bagong kapalaran ng tao ay pagpapamalas ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at sa ano mang perspektiba mo ito tinitingnan, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan at nalaman ni Job sa mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng mga inisip at ikinilos ni Job ay umabot sa mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinangi ng Diyos ang kaalamang ito ni Job, at pinahalagahan Niya si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Ang pusong ito ay palaging naghihintay sa utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit ano pa ang oras o lugar, tinanggap nito ang anumang dumating sa kanya. Walang hiniling si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang maghintay, tumanggap, humarap at magpasakop sa lahat ng pagsasaayos na nanggaling sa Diyos; naniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at ito mismo ang nais ng Diyos. … Dahil ang puso ni Job ay dalisay, at hindi lingid sa Diyos, at ang kanyang pagkatao ay tapat at mabait, at mahal niya ang katarungan at ang lahat ng positibo. Tanging ang tao na kagaya nito na may taglay na ganitong uri ng puso at pagkatao ang nakasunod sa daan ng Diyos, at kayang magkaroon ng takot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang ganitong tao ay maaaring makakita sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, maaaring makakita sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at nagawang makamit ang pagpapasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Tanging ang taong ganito lamang ang maaaring tunay na makapagbigay ng papuri sa pangalan ng Diyos. Ito ay dahil sa hindi siya tumingin kung siya man ay pagpapalain ng Diyos o padadalhan ng kapahamakan, dahil alam niya na ang lahat ay pinamamahalaan ng kamay ng Diyos, at para sa tao, ang pag-aalala ay isang tanda ng kahangalan, kamangmangan, at kawalan ng katwiran, tanda rin ito ng pag-aalinlangan sa katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at ng kawalan ng takot sa Diyos. Ang kaalaman ni Job ang siya mismong ninais ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Napakapraktikal ng mga salita ng Diyos at pinakitaan ako ng mga ito ng isang landas ng pagsasagawa. Kapag nahaharap ako sa mga sitwasyon at pakiramdam ko ay naglalaho ang pag-asa kong magtamo ng mga pagpapala, dapat akong magdasal sa Diyos, bitiwan ang layunin kong magkamit ng mga pagpapala, at isantabi ang mga hinihingi ko sa Kanya. Kahit na sa huli ay hindi ako makatanggap ng mga pagpapala at hindi ako maligtas, dapat ko pa ring panghawakan ang tungkulin ko at hangarin ang katotohanan, at danasin ang mga kapaligirang pinamatnugutan ng Diyos nang may saloobin ng pagpapasakop. Sa ganitong paraan, hindi na ako mapipigilan ng pagnanais sa mga pagpapala. Katulad lang ni Job, hindi niya sinubukang makipagtawaran sa Diyos at wala siyang mga hinihingi sa Kanya. Nang dumating sa kanya ang mga pagsubok, nawala sa kanya ang lahat ng ari-arian at anak niya, at nabalot pa nga siya ng masasakit na sugat, pero hindi siya nagreklamo laban sa Diyos. Naunawaan niyang ang buhay ng mga tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at na kung anong mga kapaligirang nararanasan ng isang tao sa bawat yugto ay pauna nang itinadhana at isinaayos ng Diyos. Kung kaya, palaging nagagawang harapin ni Job ang lahat ng bagay na isinaayos ng Diyos nang may matapat at mapagpasakop na saloobin. Kumpara kay Job, kulang na kulang ako! Palagi kong sinusubukang makipagtawaran sa Diyos, palaging inaalala na kung matatanggal ako, hindi ako maliligtas o makakatanggap ng mga pagpapala. Palagi kong hinihingi sa Diyos na gawin ito o iyon, at hindi ako komportableng ipagkatiwala ang sarili ko sa Kanya. Sa realidad, isinaayos na ng Diyos kung kailan ako pupunta sa alinmang lugar o gagawa ng alinmang tungkulin, at kung kailan ako haharap sa mga pagsubok. Hindi mahalaga ang mga kapaligirang nararanasan ng mga tao; ang mahalaga ay ang landas na tinatahak nila. Kung maliligtas o matitiwalag sila ay hindi dulot ng mga kapaligirang hinaharap nila. Kung palagi kong susubukang makipagtawaran sa Diyos at hahangarin ang mga pagpapala, pero sa huli, hindi talaga magbabago ang disposisyon ko, kahit na hindi ako matanggal, matitiwalag pa rin ako. Kung tatahakin ko ang landas ng paghahangad sa katotohanan, at kung, kapag nahaharap sa mga kabiguan at pagbubunyag ay kaya kong hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang sarili ko, at magkakaroon ng mga pagbabago sa buhay disposisyon ko, sa huli ay maliligtas ako ng Diyos. Nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, pakiramdam ko ay parang nabunutan ako ng malaking tinik, nagkakamit ng kapayapaan at kapanatagan. Nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, noon pa man ay inaalala ko nang matatanggal ako habang ginagawa ang tungkulin ko, na nagdulot sa aking magkaroon ng negatibong kalagayan at maging pasibo sa tungkulin ko. O Diyos, nagkamali ako. Kailangan kong tularan si Job, hindi alalahanin ang mga pagpapala o kasawian, at hanapin lang ang katotohanan at magpasakop sa Diyos sa bawat sitwasyon, at tuparin ang tungkulin ko.”

Pagkalipas ng ilang panahon, may ilang baguhan na hindi pa rin regular na dumadalo sa mga pagtitipon. Nabalisa ako, at nag-alalang matatanggal ako, kaya agad akong lumapit sa Diyos sa panalangin, hinihingi sa Kanyang patnubayan akong magpasakop sa sitwasyon. Matanggal man ako o hindi, ang dapat kong gawin ay pagnilayan ang sarili ko at hanapin ang mga katotohanang prinsipyo. Pagkatapos magdasal, labis akong naging mas kalmado. Sinimulan kong pag-isipan kung saan nagmumula ang isyu ng hindi magagandang resultang ito sa pagdidilig ng mga baguhan. Sa mga talakayan kasama ang ibang kapatid, natuklasan ko ang mga paglihis ko. Pagdating sa mga baguhang hindi regular ang pagdalo, sandali lang akong nakikipagbahaginan sa kanila tungkol sa kahalagahan ng mga pagtitipon, hinihimok sila, at ipinagdarasal ang mga suliranin nila. Ang resulta, may ilang baguhang dadalo sa isa o dalawang pagtitipon pero pagkatapos ay babalik na sa hindi regular na pagdalo. Ang pangunahing isyu ay na hindi ko naarok ang ugat at pinakapunto ng problema. Para lutasin ang isyung ito, kailangan kong matutuhang gawin ang mga tungkulin ko ayon sa mga prinsipyo. Sa isang aspekto, kailangan kong pagandahin ang kalidad ng buhay iglesia. Kapag natamasa at natanggap ng mga kapatid ang panustos sa pamamagitan ng buhay iglesia, natural na gugustuhin nilang dumalo sa mga pagtitipon. Sa isa pang aspekto, kailangan kong matutuhang kilatisin ang iba’t ibang uri ng tao. Tungkol sa mga baguhang naghahangad sa katotohanan, kailangan kong tumuon sa pagdidilig sa kanila, pagtulong sa kanilang maunawaan ang mga salita ng Diyos at mga layunin ng Diyos. Kinakailangan nila ito para malagpasan nila ang iba’t ibang paghihirap, at makadalo sila sa mga pagtitipon at magawa nila nang normal ang mga tungkulin nila. Tungkol naman sa mga taong hindi naghahangad sa katotohanan at hindi interesado sa mga pagtitipon, kung makumpirmang mga hindi sila mananampalataya, kailangan ko silang sukuan, kaysa patuloy akong gumawa ng walang saysay na gawain. Pagkatapos maunawaan ang mga bagay na ito, nagkaroon ako ng direksyon sa paggawa ng mga tungkulin ko. Kalaunan, inorganisa kong sama-samang pag-aralan ng mga tagadilig ang mga prinsipyo. Pinagbahaginan namin kung paano pagagandahin ang kalidad ng buhay iglesia, at nagbahagian din sila ng mga epektibong pamamaraan sa isa’t isa. Pagkalipas ng ilang panahon, bumuti ang buhay iglesia. Ngayon, minsan ay hindi pa rin ako nakakakuha ng magagandang resulta sa mga tungkulin ko, pero hindi ko na inaalala kung matatanggal ako. Sa halip, hinaharap ko ang mga sitwasyon nang may mapagpasakop na saloobin, hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, at nagsisikap na gawin nang maayos ang mga tungkulin ko. Napapalagay ang puso ko dahil dito. Salamat sa Diyos sa patnubay Niya!

Sinundan:  50. Paano Ituring ang Kabaitan ng Pagpapalaki ng mga Magulang

Sumunod:  53. Natutuhan Kong Maging Responsable sa Tungkulin Ko

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger