59. Ang Pagkakasundo Ba ay Nangangahulugan ng Maayos na Pagtutulungan?

Ni Cecily, Hapon

Sa simula ng 2022, ako ay responsable sa gawain ng ilang iglesia. Isang araw, nag-uusap tungkol sa gawain ang ilan sa amin nang mabanggit ni Brother Michael na may isang iglesia na naghalal kay Sister Clara bilang lider. Nang marinig ko ang pangalang iyon, kumabog ang aking dibdib, at naisip ko, “Noong maging lider siya dati, hindi niya nagawang makipagtulungan nang maayos sa mga kapatid, at palagi siyang nakikipagpaligsahan para sa kasikatan at pakinabang, at ibinubukod pa ang may ibang pananaw, na nagdulot ng pinsala sa mga kapatid, at kalaunan, siya ay inalis sa tungkulin dahil sa kanyang pagtahak sa landas ng isang anticristo. Maaari kayang napagtanto na niya ang kanyang mga nakaraang pagsalangsang? Kung hindi pa siya nagsisisi, hindi magiging angkop na muli siyang ihalal bilang isang lider.” Ngunit naisip ko rin, “Si Michael ang pangunahing responsable sa iglesiang ito. Kung ipapahayag ko ang aking mga alalahanin, iisipin kaya niyang pinapahirapan ko siya? Magpapahirap iyon sa aming pagtutulungan sa hinaharap. Hindi bale na, hindi ko naman talaga ganoon kakilala si Clara, at hindi ba’t mas alam naman ni Michael kaysa sa akin kung tunay bang nakikilala ni Clara ang kanyang sarili? Mas mabuti pang huwag ko na lang itong banggitin.” Dahil sa takot na sumalungat sa iba, pinili kong manahimik. Sinabi rin ng ilang kapatid sa aming grupo, “Bagamat hindi ganoon kataas ang tingin ng iba kay Clara, maaari natin siyang sanayin sandali at tingnan natin kung ano ang mangyayari, at kung hindi siya angkop, maaari natin siyang tanggalin sa tungkulin.” Nakita kong iniisip ng lahat na angkop si Clara, at ako lang ang may ibang opinyon, kaya ayokong magsalita, iniisip ko, “Hindi ko alam ang kasalukuyang kalagayan ni Clara. Kung tunay na siyang nagsisi, iisipin kaya ng lahat na mabilis akong humusga at hindi maganda ang aking pagkatao? Hindi bale na, mas mabuti pang huwag na lang akong magsalita.”

Isang gabi, tinanong ako ng isang sister, “Napagtanto na ba ni Clara ang kanyang mga pagsalangsang? Natutugunan ba niya ang mga kondisyon upang maging isang lider? Hindi ko alam kung anong mga prinsipyo ang ginagamit ninyo sa paghusga sa kanya.” Ang sunud-sunod na mga tanong ay ikinagulat ko, ngunit alam kong tiyak na may layunin ang Diyos dito. Nagpatuloy ang sister, “Noong siya ay maging isang lider noon, hinangad ni Clara ang kasikatan at pakinabang, na labis na nakagambala at nakagulo sa gawain ng iglesia, at sa mga pagtitipon, ang kanyang pakikipagbahaginan ay hindi nagpakita ng anumang pagninilay sa sarili. Nag-aalala ako na ngayong nahalal siyang muli bilang lider, maaaring bumalik siya sa dati niyang gawi, na makakasama sa gawain ng iglesia. Hindi ba natin dapat pag-aralan nang mas maigi ang kanyang pag-uugali?” Nang marinig ko ang mga alalahanin ng sister, nakaramdam ako ng pagkabalisa. Ang totoo, ganoon din ang aking alalahanin, ngunit natatakot akong isipin ni Michael na sinusubukan ko siyang pahirapan, at dahil sang-ayon naman ang ibang mga kapatid, ayokong sumalungat kaninuman, kaya sumunod na lang ako sa desisyon ng lahat. Naging pabaya at iresponsable ako sa isang mahalagang usapin gaya ng pagpili ng lider! Labis akong nakonsensiya nang maisip ko ito. Nang gabing iyon, hindi ako mapakali at hindi ako makatulog. Kinaumagahan, kinausap ko ang ilan sa mga kapatid sa aming pangkat tungkol sa isyung ito. Matapos marinig ito, mas siniyasat ni Michael ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa isang may alam. Sa huli, sumang-ayon ang lahat na hindi pa napagtatanto ni Clara ang kanyang mga pagsalangsang, at dahil hindi niya tinanggap ang katotohanan, hindi siya karapat-dapat na maging lider, kaya siya ay tinanggal sa tungkulin. Pagkatapos noon, mas lalo akong nakaramdam ng pagkakautang at pagkakasala, iniisip ko, “Sa usaping ito tungkol sa pagiging lider ni Clara, malinaw na iba ang opinyon ko pero hindi ko ito sinabi at sumunod na lang ako sa lahat. Talagang naging iresponsable ako!” Binasa ko ang ilang salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay mapagpalugod ng mga tao, hindi nila isinusumbong o inilalantad ang iba kapag nakikita nilang gumagawa ng masasamang bagay ang mga ito. Sila ay madaling pakisamahan at madaling maimpluwensiyahan. Sumusunod sila sa mga huwad na lider at mga anticristo na nanggugulo sa gawain ng iglesia, hindi nila pinapasama ang loob ng sinuman, at palagi silang nakikipagkompromiso, walang pinapanigan. Kung titingnan, tila mayroon silang pagkatao—hindi sila kumikilos nang may kalabisan, at mayroon silang kaunting konsiyensiya at katwiran—pero kadalasan, tahimik lang sila at hindi nagpapahayag ng kanilang mga ideya. Ano ang masasabi mo sa gayong mga tao? Hindi ba’t tuso sila at mapanlinlang? Ganito talaga ang mga mapanlinlang na tao. Kapag may nangyayari, maaaring hindi sila nagsasalita o nagpapahayag ng anumang pananaw nang basta-basta, kundi laging nananahimik. Hindi ito nangangahulugan na sila ay makatwiran; bagkus, nagpapakita ito na magaling siyang magpanggap, na may itinatago siya, na malalim ang kanyang katusuhan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). “Kailangang may pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Hindi kasama rito ang pagtahak sa landas ng pagtitimpi, hindi pagkapit sa mga prinsipyo, pagsisikap na huwag makasakit ng sinuman, pagsipsip kahit saan ka magpunta, pagiging matatas at wais sa lahat ng iyong nakakasalamuha, at panghihikayat sa lahat na magsabi nang maganda tungkol sa iyo. Hindi ito ang pamantayan. Ano kung gayon ang pamantayan? Ito ay ang magawang magpasakop sa Diyos at sa katotohanan. Ito ay ang pagharap sa tungkulin at sa iba’t ibang uri ng tao, pangyayari, at mga bagay nang may mga prinsipyo at pagpapahalaga sa responsabilidad. Ito ay malinaw na nakikita ng lahat; ang lahat ay maliwanag tungkol dito sa kanilang puso. Bukod doon, sinisiyasat ng Diyos ang mga puso ng mga tao at inaalam ang kanilang sitwasyon, bawat isa sa kanila; kahit sino pa sila, walang makakaloko sa Diyos. Palaging ipinagyayabang ng ilang tao na nagtataglay sila ng mabuting pagkatao, na hindi sila kailanman nagsasabi nang masama tungkol sa iba, hindi kailanman pinipinsala ang mga interes ng sinuman, at sinasabi nilang hindi sila kailanman naghangad ng mga pag-aari ng ibang tao. Kapag mayroong pagtatalo sa mga interes, pinipili pa nga nilang dumanas ng kawalan kaysa samantalahin ang iba, at iniisip ng lahat ng iba na mabubuti silang tao. Gayumpaman, kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, tuso at madaya sila, palaging nagbabalak para sa kanilang sarili. Hindi nila kailanman iniisip ang kapakanan ng sambahayan ng Diyos, hindi nila kailanman tinatrato na madalian ang mga bagay na tinatrato ng Diyos na madalian o nag-iisip gaya ng pag-iisip ng Diyos, at hindi nila kailanman kayang isantabi ang sarili nilang mga kapakanan upang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila kailanman tinalikdan ang sarili nilang mga interes. Kahit na nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang masasamang tao, hindi nila inilalantad ang mga ito; wala silang mga prinsipyo o kung anuman. Anong uri ng pagkatao ito? Hindi ito mabuting pagkatao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Labis akong napahiya nang suriin ko ang sarili ko ayon sa mga salita ng Diyos. Sinasabi ng Diyos na ang pamantayan ng mabuting pagkatao ay ang pagkakaroon ng tapat na puso sa Diyos at sa iba, pagiging responsable sa paggawa ng mga bagay, at pagkakaroon ng tapang na pigilan ang pagkasira ng gawain ng iglesia sa pamamagitan ng pagtindig at pagsasalita kapag nakikita ng isang tao na napipinsala ang gawain. Ito ang tunay na pagkatao at tapat na pag-uugali. Kung may nakikitang problema ang isang tao ngunit siya ay hindi nagpapahayag ng opinyon, nananatiling tahimik, at hindi sumasalungat kaninuman, maaaring tila makatwiran siya, ngunit ang totoo, siya ay mapagpakana, tuso, at mapanlinlang. Nang pagnilayan ko ang sarili ko tungkol sa usapin ni Clara, malinaw na may mga alalahanin ako sa aking puso, nag-aalala na baka hindi niya pa napagninilayan o napagtatanto ang kanyang mga nakaraang pagsalangsang, at ngayong nahalal siyang muli, malamang na bumalik siya sa dati niyang mga gawi, na makasasama sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng mga kapatid, ngunit natakot akong salungatin ang mga tao at hindi maunawaan ng aking mga katrabaho. Nag-alala rin ako na kung mali ang aking opinyon, sasabihin ng lahat na masyado akong mapanghusga at hindi maganda ang pagkatao ko, kaya hindi ako nagsalita ng kahit na ano. Upang mapanatili ang aking mabuting imahe sa paningin ng iba, at upang mapanatili ang maayos na relasyon sa aking mga katrabaho, pinili kong manahimik at maging mapagpalugod ng mga tao, kahit pa magdusa ang gawain ng iglesia. Tunay ngang mapanlinlang at kasuklam-suklam ang aking pagkatao! Napakagaling kong magtago sa likod ng isang magandang imahe, kaya’t hindi alam ng mga kapatid sa paligid ko ang tunay kong iniisip, iniisip pa nilang madali akong pakisamahan, hindi nakikipagtalo sa iba, at mayroon akong mabuting pagkatao. Ngunit sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng nasa aking puso. Hindi ko itinataguyod ang gawain ng iglesia at sa halip ay lagi kong pinipili na panatilihin ang relasyon ko sa iba. Sa anong paraan ko ba isinasagawa ang katotohanan o tinutupad ang aking tungkulin? Kasuklam-suklam ako sa paningin ng Diyos!

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung wala kang normal na kaugnayan sa Diyos, anuman ang gawin mo upang mapanatili ang iyong mga kaugnayan sa ibang tao, gaano ka man magsumikap o gaanong lakas man ang iyong ibuhos, ang lahat ng ito ay magiging sa isang pilosopiya lamang ng tao sa mga makamundong pakikitungo. Pangangalagaan mo ang iyong katayuan sa mga tao at makakamit ang kanilang papuri sa pamamagitan ng mga pananaw ng tao at mga pilosopiya ng tao, sa halip na magtatag ng mga normal na interpersonal na kaugnayan ayon sa salita ng Diyos. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao, at sa halip ay magpapanatili ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung handa kang ibigay sa Diyos ang puso mo at matutuhang magpasakop sa Kanya, natural lamang na magiging normal ang iyong mga interpersonal na kaugnayan. Sa gayon, hindi itatatag sa laman ang mga kaugnayang ito, kundi sa pundasyon ng pagmamahal ng Diyos. Halos wala kang magiging pakikipag-ugnayan sa laman sa ibang mga tao, ngunit sa espirituwal na antas ay magkakaroon ng pagsasamahan at pagmamahalan, kapanatagan, at paglalaan sa pagitan ninyo. Lahat ng ito ay ginagawa sa pundasyon ng pagnanais na mapalugod ang Diyos—ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pamamagitan ng mga pilosopiya ng tao sa mga makamundong pakikitungo, likas na nabubuo ang mga ito kapag nagdadala ang isang tao ng pasanin para sa Diyos. Hindi kinakailangan ng mga ito na gumawa ka ng anumang pagsisikap na gawa ng tao, kailangan mo lamang magsagawa ayon sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na upang magkaroon ng normal na relasyon sa mga tao, kailangang unang maitaguyod ng isang tao ang normal na relasyon sa Diyos. Kailangang ibigay ng isang tao ang kanyang puso sa Diyos, hindi ang panatilihin ang kanyang mga makalamang relasyon sa iba batay sa mga pilosopiya ni Satanas para sa mga makamundong pakikitungo, o isaalang-alang ang kanyang katayuan o imahe sa puso ng iba; dapat niyang gawin ang kanyang tungkulin nang may matapat na puso, at kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng bagay. Sa ganitong paraan, ang relasyon ng isang tao sa mga kapatid ay natural na magiging normal. Ang mga relasyong pinananatili sa pamamagitan ng pag-asa sa mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo ay hindi normal na mga relasyon, at ang mga ito ay kinasusuklaman ng Diyos. Ang ganitong mga relasyon ay kadalasang hindi nagtatagal. Sa pagninilay sa usapin tungkol kay Clara, iresponsable kong sinunod ang karamihan, namuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya na “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan,” at “Sumambit ng mabubuting salita na umaayon sa mga damdamin at katwiran ng iba, dahil naiinis ang iba sa pagiging prangka.” Naniwala ako na sa pakikitungo sa iba sa ganitong paraan, maiiwasan ko ang hidwaan at mapapanatili ang mga relasyon. Akala ko, makapagdudulot ito ng maayos na pagtutulungan. Ngunit sa realidad, kabaligtaran ang nangyari. Sa pamumuhay ayon sa mga pilosopiyang ito para sa mga makamundong pakikitungo, lalo akong naging tuso at mapanlinlang. Kapag may nangyayari, ang inuuna ko ay ang protektahan ang aking reputasyon at katayuan, at mapanatili ang aking relasyon sa iba. Bagamat maaari nitong pansamantalang mapanatili ang pagkakasundo, wala namang sinseridad sa ganitong uri ng pakikipagtulungan, at hindi ito nagdudulot ng tunay na suporta at pagpigil sa isa’t isa. Isinaayos ng iglesia na magtulungan kami sa aming mga tungkulin, umaasang pangangasiwaan at babantayan namin ang isa’t isa sa mahahalagang bagay. Ngunit ako ay naging iresponsable, kumilos bilang mapagpalugod ng mga tao, nakikita ang mga problema ngunit hindi ito binabanggit, kaya’t nagdulot ng pinsala sa gawain ng iglesia. Napaka-iresponsable ko!

Kalaunan, nagpatuloy akong maghanap ng kasagutan, tinanong ko ang aking sarili, “Ano nga ba talaga ang tunay na maayos na pakikipagtulungan?” Isang sister ang nagpadala sa akin ng ilang sipi mula sa mga salita ng Diyos: “Kung nais mong tuparin nang maayos ang iyong mga tungkulin at palugurin ang mga layunin ng Diyos, kailangan mo munang matutong matiwasay na gumawa kasama ang iba. Kapag nakikipagtulungan ka sa iyong mga kapatid, dapat mong isipin ang mga sumusunod: ‘Ano ba ang pagkakasundo? May pagkakasundo ba sa kanila ang pananalita ko? May pagkakasundo ba sa kanila ang mga iniisip ko? May pagkakasundo ba sa kanila ang paraan ko ng paggawa ng mga bagay-bagay?’ Isaalang-alang kung paano makipagtulungan nang may pagkakasundo. Paminsan-minsan, nangangahulugan ang pagkakasundo ng pagtitimpi at pagpaparaya, ngunit nangangahulugan din ito ng paninindigan at pagtataguyod ng mga prinsipyo. Hindi nangangahulugan ang pagkakasundo na ilagay sa kompromiso ang mga prinsipyo upang maging maayos ang mga bagay-bagay, o sikaping maging ‘mapagpalugod ng mga tao,’ o manatiling mahinahon—at lalo nang hindi ito nangangahulugang manuyo ka sa isang tao. Ang mga ito ay mga prinsipyo. Kapag naunawaan mo na ang mga prinsipyong ito, kikilos at magsasalita ka alinsunod sa mga layunin ng Diyos, at maisasabuhay mo rin ang realidad ng katotohanan, nang hindi mo namamalayan, at sa ganitong paraan ay madaling makamit ang pagkakaisa(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tungkol sa Maayos na Pakikipagtulungan). “Sasabihin ng ilan: ‘Sinasabi mong wala akong kakayahang makipagtulungan sa kahit na kanino—aba, mayroon akong kapareha! Mahusay siyang nakikipagtulungan sa akin: pumupunta siya kung saan ako pumupunta, ginagawa ang ginagawa ko; pumupunta siya kahit saan ko siya pinapapunta, ginagawa kung ano ang ipinagagawa ko sa kanya, paano ko man ito ipinagagawa sa kanya.’ Iyan ba ang ibig sabihin ng pakikipagtulungan? Hindi. Tinatawag iyang pagiging isang alalay. Ginagawa ng isang alalay ang ipinag-uutos mo—pakikipagtulungan ba iyon? Malinaw, siya ay alipores, walang mga ideya o pananaw, lalong walang mga sarili niyang opinyon. At higit pa riyan, ang pag-iisip niya ay sa isang mapagpalugod ng mga tao. Hindi siya maingat sa anumang ginagawa niya, kundi pabasta-bastang gumagawa ng mga bagay-bagay, at hindi niya itinataguyod ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Anong layunin ang maidudulot ng pakikipagtulungang tulad nito? Kung kanino man siya nakapareha, ginagawa lang niya ang ipinag-uutos nito, alipores kailanman. Pinapakinggan niya anuman ang sinasabi ng iba at ginagawa ang anumang ipinagagawa sa kanya ng iba. Hindi iyon pakikipagtulungan. Ano ang pakikipagtulungan? Kailangang magawa ninyong makipagtalakayan ng mga bagay-bagay sa isa’t isa, at maipahayag ang inyong mga pananaw at opinyon; dapat punan at isuperbisa ninyo ang isa’t isa, at maghanap sa isa’t isa, magtanong sa isa’t isa, at udyukan ang isa’t isa. Iyon ang pakikipagtulungan nang maayos. Sabihin, halimbawa, na inasikaso mo ang isang bagay ayon sa sarili mong kalooban, at may nagsabi, ‘Mali ang ginawa mo, ganap na labag sa mga prinsipyo. Bakit mo ito inasikaso kung paano mo gusto, nang hindi hinahanap ang katotohanan?’ Dito, sasabihin mo, ‘Tama iyan—natutuwa akong inalerto mo ako! Kung hindi, puwedeng magdulot ito ng kapahamakan!’ Iyan ang pag-uudyok sa isa’t isa. Ano, kung gayon, ang pagsusuperbisa sa isa’t isa? Ang bawat isa ay may tiwaling disposisyon, at puwedeng maging pabasta-basta sa paggawa ng kanyang tungkulin, pinangangalagaan lamang ang sarili niyang katayuan at karangalan, hindi ang mga kapakanan ng sambahayan ng Diyos. Ang gayong mga kalagayan ay naroroon sa bawat tao. Kung nalaman mong may problema ang isang tao, dapat magkaroon ka ng pagkukusang makipagbahaginan sa kanya, paalalahanan siya na gawin ang kanyang tungkulin ayon sa mga prinsipyo, habang hinahayaan itong tumayo bilang isang babala sa iyong sarili. Iyon ay pagsusuperbisa sa isa’t isa. Ano ang tungkulin ng pagsusuperbisa sa isa’t isa? Nilalayon nitong pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at iiwas din ang mga tao sa maling landas. Ang pagkikipagtulungan ay may ibang gampanin, bukod sa pag-uudyok sa isa’t isa at pagsusuperbisa sa isa’t isa: pagtatanong sa isa’t isa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang aking tunay na kalagayan. Madalas, kapag nakikipagtulungan ako sa mga kapatid, para akong isang papet, hindi ipinapahayag ang aking sariling pananaw, at hindi ginagampanan ang anumang tungkuling tagapangasiwa. Ang tunay na pagtutulungan ay may kasamang pagbibigay ng paalala at pangangasiwa sa isa’t isa. Dahil lahat tayo ay may maraming tiwaling disposisyon, may posibilidad tayong sundin ang ating sariling kagustuhan at kumilos nang padalus-dalos sa ating tungkulin. Kung makapagbibigay tayo ng patnubay, tulong, o pagpupungos sa isa’t isa habang nakikipagtulungan, maiiwasan nating mapinsala ang gawain at tumahak sa maling landas. Bukod dito, dahil hindi natin lubos na nauunawaan ang katotohanan at lahat tayo ay may mga kakulangan at kahinaan, maraming isyu ang hindi maisasaalang-alang nang komprehensibo; kung minsan, ang mga paalala mula sa mga kapareha o katrabaho ay maitatama sa tamang panahon ang mga paglihis at mababawasan ang mga pagkakamali sa gawain. Napakahalaga talaga ng pangangasiwa at pagpapaalala sa isa’t isa! Ngunit lagi kong inakala na ang maayos na pagtutulungan ay nangangahulugan na may mapayapang pagkakasundo at naniwala akong ang pagsasabi ng pagkukulang ng iba o pagbibigay ng mungkahi ay mapasasama ang loob ng mga tao. Tunay ngang baluktot ang aking perspektiba sa mga bagay-bagay! Sa katunayan, ang tunay na maayos na pagtutulungan ay hindi tungkol sa pagkakasundo ng lahat at walang sinumang sinasalungat, o tungkol sa pagwawalang-bahala sa mga bagay at pagiging mapagpalugod ng mga tao. Ito ay tungkol sa paninindigan sa mga prinsipyo, pagiging matatag, at pagkakaroon ng pagpapahalaga sa katarungan. Kapag nakikita natin ang mga kapareha nating kapatid na lumalabag sa mga prinsipyo, dapat natin silang paalalahanan, tulungan, o pungusan. Hindi ito upang pahirapan ang iba o ipahayag ang personal na hinanakit, kundi upang gampanan ang ating mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo at ito ay isang paggawa ng katarungan upang maitaguyod ang gawain ng iglesia. Dahil sa aking mga nakalilinlang na pananaw, nakakita ako ng mga problema ngunit hindi ko binanggit ang mga iyon, nagbulag-bulagan ako. Paano ito naging maayos na pakikipagtulungan sa aking mga kapatid? Ito ay pamumuhay lang ayon sa mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo at pagiging iresponsable sa aking mga tungkulin. Ang ganitong uri ng pakikipagtulungan ay nabigong gumanap ng anumang tungkulin ng pangangasiwa. Nang maisip ko ito, nagsimula akong makaramdam ng pagkamuhi sa sarili.

Kalaunan, nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa mga hinihingi ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag tama ang landas mo ng pagsasagawa, at kumikilos ka sa tamang direksiyon, magiging maganda at maliwanag ang kinabukasan mo. Sa paraang ito, mamumuhay ka nang panatag ang puso mo, matutustusan ang espiritu mo, at makakaramdam ka ng kasiyahan at katuparan. Kung hindi ka makalaya sa mga pagpigil ng laman, kung palagi kang napipigilan ng mga damdamin, mga pansariling interes, at mga satanikong pilosopiya, nagsasalita at kumikilos sa malihim na paraan, at palagi kang nagtatago sa mga anino, kung gayon namumuhay ka sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Gayumpaman, kung nauunawaan mo ang katotohanan, nakakalaya ka sa mga pagpigil ng laman, at nagsasagawa ka sa katotohanan, unti-unti kang magtataglay ng wangis ng tao. Magiging prangka at diretso ka sa mga salita at gawa mo, at magagawa mong ihayag ang iyong mga opinyon, ideya, at ang mga kamaliang nagawa mo, tinutulutan ang lahat ng tao na makita nang malinaw ang mga ito. Sa huli, makikilala ka ng mga tao bilang isang bukas na tao. Ano ang isang bukas na tao? Ito ay isang taong nagsasalita nang may lubos na katapatan, pinaniniwalaan ng lahat ng tao na ang mga salita niya ay tototo. Kahit na di-sinasadyang nagsisinungaling o nagsasabi sila ng maling bagay, kaya silang patawarin ng mga tao, dahil alam nilang hindi ito sinasadya. Kung napagtatanto nila na nagsinungaling sila o nakapagsabi ng mali, humihingi sila ng tawad at itinatama nila ang kanilang sarili. Ito ay isang bukas na tao. Ang ganitong tao ay nagugustuhan at pinagkakatiwalaan ng lahat. Kailangan mong umabot sa antas na ito para makamit ang tiwala ng Diyos at tiwala ng iba. Hindi ito simpleng gampanin—ito ang pinakamataas na antas ng dignidad na maaaring taglayin ng isang tao. Ang ganitong tao ay may respeto sa sarili(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Nais ng Diyos na tayo ay maging prangka at diretsahan sa ating mga salita at gawa, na hayagan nating ibahagi sa iba ang ating mga iniisip at ideya, at na talakayin natin ang mga bagay nang magkakasama, at na maging matatapat na tao tayo. Ang ganitong mga tao ay minamahal ng Diyos at namumuhay nang may dangal. Sa sumunod naming talakayan ng mga bagay-bagay, sinadya kong ipahayag ang aking mga iniisip at pananaw upang lantarang makipagbahaginan sa mga kapatid na nakikipagtulungan sa akin. Hindi ko na itinago o ikinubli ang mga bagay-bagay o sinubukang maging mapagpalugod ng mga tao. Kahit hindi pa ganap ang aking mga iniisip, inilalahad ko pa rin ang mga ito. Kapag mali ang aking mga pananaw, isinasantabi ko ang aking pride at tinatanggap ang mga opinyon ng iba. Ang pagsasagawa nang ganito ay nagdala ng kapayapaan at katiyakan sa aking puso.

Isang araw, pinag-uusapan namin kung dapat bang muling tanggapin sa iglesia ang isang sister na nagngangalang Anne. Si Anne ay may mapagmataas na disposisyon at palagiang tumatangging tanggapin ang katotohanan. Maraming beses na siyang binahaginan ng mga lider, ngunit hindi niya kailanman pinagnilayan o sinikap na kilalanin ang kanyang sarili. Sa halip, pinalala pa niya ang sitwasyon sa pamamagitan ng paghusga sa mga lider sa harap ng mga kapatid, na nagdulot ng pagkagambala at panggugulo sa buhay iglesia. Sa kalaunan, siya ay inihiwalay upang magnilay sa kanyang sarili. Pagkatapos noon, ipinagpatuloy pa rin niyang gawin ang kanyang mga tungkulin, at kamakailan, naging epektibo siya sa pangangaral ng ebanghelyo. Maraming katrabaho ang sumang-ayon na muling tanggapin si Anne sa iglesia, ngunit ako ay nag-atubili, iniisip ko, “Bagamat nagkaroon ng kaunting tagumpay si Anne sa pangangaral ng ebanghelyo, may malisyoso siyang disposisyon at siya ay taong hindi tumatanggap ng katotohanan. Hindi pa niya tunay na kinikilala ang kanyang dating masasamang gawa, at wala pang malinaw na palatandaan ng kanyang pagsisisi. Ang pagtanggap sa kanyang muli sa iglesia dahil lamang sa panandaliang tagumpay niya sa pangangaral ng ebanghelyo ay tila hindi angkop.” Ngunit naisip ko, “Ilang katrabaho na ang sumang-ayon, at kung ako lang ang hindi sumasang-ayon, ano ang iisipin ng lahat? Iisipin ba nila na palagi akong may ibang opinyon at masyado akong mahirap pakisamahan? Dahil sumasang-ayon ang lahat, baka mas mabuting manahimik na lang ako.” Ngunit bigla kong naalala ang nangyari kay Clara, kung saan iresponsable akong sumunod na lang sa karamihan at hindi nagkaroon ng tapang na panindigan ang mga katotohanang prinsipyo, na nagresulta sa pagkaantala ng gawain ng iglesia. Nakaramdam ako ng kaunting takot, kaya agad akong nanalangin sa Diyos, at sinabi, “Diyos ko, sumang-ayon na ang lahat na tanggaping muli si Anne sa iglesia, ngunit hindi pa rin ako panatag tungkol dito. Ayaw kong magdesisyon nang padalos-dalos nang walang linaw sa pagkakataong ito. Nais kong kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo ako.” Pagkatapos manalangin, hinanap ko ang mga prinsipyo para sa pagtanggap ng mga tao pabalik sa iglesia, at sinabi sa mga prinsipyo: Ang mga taong palagiang mayabang, palalo, at naghahasik ng kaguluhan ay hindi na maliligtas. Ang masasamang tao ay mananatiling masama at hindi tunay na makapagsisisi. Ang mga babalik sa iglesia ay hinding-hindi dapat makagambala sa iglesia at dapat nilang makasundo ang karamihan. Iyon lamang ganitong mga tao ang angkop na muling matanggap sa iglesia. Ang mga taong nakapipinsala at hindi nakakatulong sa iglesia ay hindi dapat muling tanggapin. Nang ikumpara ko ito sa ugali ni Anne, naisip ko kung paanong masyadong mayabang ang kanyang disposisyon, at kung paanong palagian niyang tinatanggihan ang katotohanan, at kahit ilang beses siyang binahaginan ng mga kapatid, hindi siya nagnilay o nagsisi. Kahit nagkaroon siya ng panandaliang tagumpay sa pangangaral ng ebanghelyo, hindi siya isang taong tumatanggap sa katotohanan, at kung may anumang makakaapekto sa kanyang mga interes, malamang na bumalik siya sa dati niyang gawi at patuloy na manggulo sa gawain ng iglesia. Hindi angkop na tanggapin muli ang ganoong klaseng tao sa iglesia. Pagkatapos nito, inilahad ko ang aking opinyon at sumang-ayon ang ilang katrabaho, at sa huli, hindi natanggap si Anne pabalik sa iglesia. Nang makita ko ang kinalabasan na ito, nakaramdam ako ng kapayapaan at katiwasayan sa pagsasagawa ng aking tungkulin sa ganitong paraan.

Tinulungan ako ng karanasang ito na maunawaan kung gaano kahalaga ang magkaroon ng matapat na puso sa tungkulin ng isang tao. Ang pagkakaroon ng matapat na saloobin sa tungkulin ng isang tao at pagsasagawa ng katotohanan nang hindi natatakot na sumalungat sa iba ay nagpoprotekta sa gawain ng iglesia.

Sinundan:  58. Bakit Ba Palagi Kong Gustong Tumaas ang Ranggo Ko?

Sumunod:  60. Natututong Magpasakop sa Gitna ng Karamdaman

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger