63. Nagpapatuloy sa Paghahangad ng Katotohanan Kahit Matanda Na

Ni Hongcao, Tsina

Sa edad na animnapu, tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipon at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, na ang Diyos ang naggabay, nagtustos, at nagpakain sa sangkatauhan hanggang sa araw na ito, at na sa mga huling araw, pumarito muli ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at akayin ang mga tao sa isang magandang destinasyon. Napuno ako ng galak, at nadama ko na kahit sa aking katandaan, ang makapasok sa sambahayan ng Diyos at matanggap ang gayong dakilang kaligtasan mula sa Kanya ay tunay na isang malaking pagpapala! Kaya masigasig ako sa aking paghahangad, at hindi nagtagal, nahalal ako bilang isang lider ng grupo at pagkatapos ay bilang lider ng iglesia. Gaano man karaming balakid at kabiguan ang nakaharap ko, hindi ako kailanman tumigil sa paggawa ng aking mga tungkulin sa mga gampaning ito. Naniniwala ako na sa paggawa nang ganoon, makakamit ko ang pagsang-ayon ng Diyos.

Noong 2022, pitumpu’t anim na taon na ako. Habang nagkakaedad ako, humihina ang memorya ko, at bumabagal ang mga reaksyon ko. Isang araw, nakasakay ako sa e-bike para gawin ang tungkulin ko. Medyo mabilis ang patakbo ko, at gusto kong bumagal, pero dahil kinabahan ako at hindi kaagad tumugon ang utak ko, ipisil ko pareho ang harap at likod na preno, at nahulog ako pati ang bisikleta sa isang maliit na tulay na mga tatlo o apat na metro ang taas. Mabuti na lang, hindi ako nasaktan. Sa puso ko ay malinaw sa akin na proteksiyon ito ng Diyos. Kinabukasan, pumunta ako sa isang nagpapatuloy na bahay na madalas kong puntahan para sa pagtitipon, pero biglang nablangko ang isip ko, at hindi ko na lang maalala kung paano pumunta roon. Dahil doon, hindi ako nakadalo sa pagtitipon. Dahil sa pagsasaalang-alang sa edad at kaligtasan ko, ang lider ng iglesia ay nagsaayos na patuluyin sa bahay ko ang mga kapatid para sa mga pagtitipon at para diligan ang ilang baguhan sa malapit kapag may oras ako. Nang oras na para i-host ko ang mga pagtitipon para sa mga baguhan, nagsaayos ang lider para isakay ako ng isang sister. Medyo nadismaya ako, iniisip na, “Noong malusog ako dati, kaya kong lumabas at gawin ang tungkulin ko anumang oras. Ngayon, kailangan ko pa ng isang tao para samahan ako upang makadalo sa mga pagtitipon. Hindi ba’t naging isang pasanin na ako sa iglesia? Ngayon ay ginagawa ko lamang ang katiting na tungkuling ito, at iniisip ko kung maaalala ito ng Diyos at kung maliligtas pa rin ako. Habang taon-taon ay tumatanda ako, lalong magiging magulo ang utak ko. Magagawa ko pa rin kaya ang tungkulin ko? Kung hindi ko magagawa ang tungkulin ko, paano ako maliligtas?” Lalo na noong kalaunan ay nakipagtipon ako sa mga baguhan, at nakita ko kung gaano sila kabata, katalas umarok ng katotohanan, at kabilis sa kanilang mga reaksiyon, habang minsan, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, bigla akong natitigilan kapag sinusubukang magbahagi, at hindi ko maalala kung ano ang gusto kong ibahagi. Sa puso ko ay nadismaya ako habang iniisip na, “Talagang tumanda na ako, at napakaraming aspekto na talagang hindi ko na masabayan.” Hindi nagtagal, ang dalawang baguhan na dinidiligan ko ay nahaharap sa mga isyung pangkaligtasan at hindi makadalo sa mga pagtitipon, at dahil sa ilang kadahilanan, hindi na rin makapagpatuloy ng mga kapatid sa bahay ko para sa mga pagtitipon. Dahil nakikita kong unti-unting nawawala ang mga tungkulin ko, tunay na pinanghinaan ako ng loob, “Ngayon ay talagang hindi na ako makagawa ng anumang tungkulin. Masyado na akong matanda at walang silbi. Wala na akong pag-asa para sa kaligtasan!” Naging napakanegatibo ko na nadama kong ganap akong nanlupaypay. Hindi nagtagal, nagkasakit ako, at walang tigil ang pag-ubo ko at nahihirapang huminga. Bagaman komunsulta ako sa doktor at medyo bumuti ang kondisyon ko, naisip ko kung gaano na ako tumatanda at kung gaano lumalala ang kalusugan ko, at inisip ko kung paano ko pa rin magagawa ang mga tungkulin ko. Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nadidismaya, nadaramang lubos akong paralisado. Pagkatapos niyon, naging hindi regular ang mga pananalangin ko, at ayaw ko nang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Sa mga bakanteng oras ko, nagsimula pa nga akong manood ng mga drama sa TV. Noon ko lamang napagtanto na mali ang kalagayan ko, at nanalangin ako kaagad sa Diyos, “O Diyos! Ngayong matanda na ako at mahina ang pangangatawan, sa tingin ko ay hindi ko na kayang gawin ang anumang tungkulin, at na wala akong pag-asang maligtas. Napakanegatibo ko na wala na nga akong ganang mabuhay. O Diyos! Pakiusap, ilabas Mo po ako sa maling kalagayang ito.”

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na sobrang nauugnay sa aking kalagayan. Sabi ng Diyos: “Mayroon ding matatandang kapatid na ang edad ay 60 hanggang bandang 80 o 90, at dahil sa kanilang katandaan, nakakaranas din sila ng ilang paghihirap. Sa kabila ng kanilang edad, hindi palaging tama o makatwiran ang kanilang pag-iisip, at ang kanilang mga ideya at pananaw ay hindi palaging naaayon sa katotohanan. May mga problema rin ang mga matatandang ito, at palagi silang nag-aalala, ‘Hindi na masyadong malakas ang katawan ko at may mga limitasyon na sa kung anong tungkulin ang aking magagampanan. Kung gagampanan ko lamang itong maliit na tungkulin na ito, tatandaan kaya ako ng Diyos? Minsan ay nagkakasakit ako, at kailangan ko ng mag-aalaga sa akin. Kapag walang nag-aalaga sa akin, hindi ko magampanan ang aking tungkulin, kaya ano ang magagawa ko? Matanda na ako at hindi ko na naaalala ang mga salita ng Diyos kapag binabasa ko ito at nahihirapan akong maunawaan ang katotohanan. Kapag nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, magulo at hindi maayos ang pagsasalita ko, at wala akong karanasan na karapat-dapat na ibahagi. Matanda na ako at kulang na ako sa enerhiya, malabo na ang aking paningin at hindi na ako malakas. Ang lahat ay mahirap na para sa akin. Maliban sa hindi ko magampanan ang aking tungkulin, madali rin akong makalimot ng mga bagay-bagay at magkamali. Minsan ay nalilito ako at nagdudulot ako ng problema sa iglesia at sa aking mga kapatid. Gusto kong makamtan ang kaligtasan at mahangad ang katotohanan ngunit napakahirap nito. Ano ang puwede kong gawin?’ Kapag iniisip nila ang mga ito, nagsisimula silang mabahala, iniisip na, ‘Bakit ba kung kailan matanda na ako ay saka lang ako sumampalataya sa Diyos? Bakit ba hindi ako katulad niyong mga nasa edad 20 at 30, o maging niyong mga nasa edad 40 at 50? Bakit ba natagpuan ko lang ang gawain ng Diyos kung kailan napakatanda ko na? Hindi naman sa masama ang aking kapalaran; kahit papaano ngayon ay natagpuan ko na ang gawain ng Diyos. Maganda ang kapalaran ko, at naging mabuti ang Diyos sa akin! May isang bagay lang na hindi ako nasisiyahan, at iyon ay ang masyado na akong matanda. Hindi na matalas ang aking memorya, at hindi na rin malakas ang kalusugan ko, ngunit matatag ang kalooban ko. Kaya lang ay hindi na ako sinusunod ng katawan ko, at inaantok ako pagkatapos kong makinig nang matagal-tagal sa mga pagtitipon. Minsan ay pumipikit ako upang magdasal at nakakatulog ako, at lumilipad ang isip ko kapag nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos. Matapos magbasa nang kaunti, inaantok ako at nakakatulog, at hindi ko nauunawaan ang mga salita. Ano ang magagawa ko? Nang may ganitong mga praktikal na suliranin, mahahangad at mauunawaan ko pa ba ang katotohanan? Kung hindi, at kung hindi ako makapagsasagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ba’t mawawalan ng saysay ang lahat ng aking pananampalataya? Hindi ba’t mabibigo akong makamtan ang kaligtasan? Ano ang puwede kong gawin? Nag-aalala ako nang husto! Sa ganitong edad, wala nang mahalaga pa. Ngayong nananalig na ako sa Diyos, wala na akong mga inaalala o ikinababalisa, at malalaki na ang aking mga anak at hindi na nila ako kailangan para alagaan o itaguyod sila, ang pinakahinihiling ko sa buhay ay ang mahangad ang katotohanan, magampanan ang tungkulin ng isang nilikha, at sa huli ay makamtan ang kaligtasan sa mga taon na natitira sa akin. Gayunpaman, kung titingnan ngayon ang aking aktuwal na sitwasyon, malabo ang mata dahil sa katandaan at magulo ang isip, mahina ang kalusugan, hindi magampanan nang maayos ang aking tungkulin, at minsan ay nagdudulot ng mga problema kapag sinusubukan kong gawin ang lahat ng aking makakaya, tila ba hindi magiging madali para sa akin na makamit ang kaligtasan.’ Paulit-ulit nilang iniisip ang mga bagay na ito at nababalisa sila, at pagkatapos ay iniisip nila, ‘Tila ba ang magagandang bagay ay nangyayari lamang sa mga kabataan at hindi sa matatanda. Mukhang kahit gaano pa kaganda ang mga bagay, hindi ko na matatamasa pa ang mga ito.’ Habang lalo nilang iniisip ang mga bagay na ito, lalo silang nababahala at lalo silang nababalisa. Hindi lamang nila inaalala ang kanilang sarili, kundi nasasaktan din sila. Kung umiyak sila, nararamdaman nilang hindi ito karapat-dapat na iyakan, at kung hindi sila umiyak, palagi nilang nadarama ang kirot at ang sakit. Kaya ano ang dapat nilang gawin? Partikular na may matatandang nais gumugol ng kanilang buong oras para sa Diyos at gumanap ng kanilang tungkulin, ngunit mahina ang kanilang katawan. Mayroong may altapresyon, mataas ang blood sugar, may problema sa gastrointestinal, at hindi sapat ang kanilang lakas para matugunan ang mga hinihingi ng kanilang tungkulin, kaya nababahala sila. Nakikita nila ang mga kabataan na nakakakain at nakakainom, nakakatakbo at nakakatalon, at naiinggit sila. Habang mas nakikita nila ang mga kabataan na nagagawa ang gayong mga bagay, mas lalo silang nababagabag, iniisip na, ‘Nais kong gampanan nang maayos ang tungkulin ko at hangarin at unawain ang katotohanan, at nais ko ring isagawa ang katotohanan, kaya bakit napakahirap nito? Napakatanda ko na at wala akong silbi! Ayaw ba ng Diyos sa matatanda? Talaga bang walang silbi ang matatanda? Hindi ba kami makapagkakamit ng kaligtasan?’ Malungkot sila at hindi nila magawang maging masaya paano man nila ito pag-isipan. Ayaw nilang palampasin ang gayon kagandang panahon at pagkakataon, ngunit hindi nila magugol ang kanilang sarili at magampanan ang kanilang tungkulin nang buong-puso at kaluluwa gaya ng mga kabataan. Nahuhulog sa malalim na pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala ang matatandang ito dahil sa kanilang edad. Sa tuwing nahaharap sila sa ilang pagsubok, kabiguan, paghihirap, o hadlang, sinisisi nila ang kanilang edad, at napopoot pa nga sila sa kanilang sarili at hindi nila gusto ang kanilang sarili. Pero anu’t anuman, wala itong saysay, walang solusyon, at wala silang daan pasulong(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Sobra tayong nauunawaan ng Diyos. Ang kalagayan at kondisyon ko ay gaya ng inilantad ng Diyos: Nag-alala ako na habang nagkakaedad ako, at patuloy na humihina ang pangangatawan at memorya ko, hindi ko magagawang gampanan ang mga tungkulin ko at samakatwid ay hindi ako maliligtas, at kahit na gawin ko ang mga tungkulin sa abot ng makakaya ko, natakot akong hindi maaalala ng Diyos dahil napakakaunti ng ginawa ko, kaya nahulog ako sa kalagayan ng pagkabahala. Sa pagsasaalang-alang sa aking edad at kaligtasan, isinaayos ng lider na gawin ko ang tungkulin ng pagpapatuloy ng mga kapatid sa bahay ko para sa mga pagtitipon, habang nagdidilig din ng ilang baguhan. Medyo nadismaya ako, at nag-alala ako na hindi sasang-ayunan ng Diyos ang mga limitadong tungkuling ito na ginagawa ko. Nakita ko na hindi ako kasing-alerto ng mga kabataan, at nag-alala ako na habang nagkakaedad ako, patuloy lang akong mapag-iiwanan sa bawat paraan, at na ang mga tungkuling kaya kong gawin ay patuloy na mababawasan. Kalaunan, partikular habang isa-isang nawawala ang mga tungkulin ko at nagkasakit ako, lalo pa akong nadismaya at sumama ang loob, naniniwala na kung hindi ko gagawin ang mga tungkulin ko, lalo pang iilap ang pag-asa ko para sa kaligtasan. Kaya nahulog ako sa isang kalagayan ng pagkabalisa at kalungkutan, nawala ang motibasyon kong manalangin at magbasa ng mga salita ng Diyos, sa halip ay ginugol ko ang aking oras sa panonood ng mga drama sa TV. Hindi ba’t namumuhay lamang ako sa kalagayan ng pagkasira ng loob at pagsalungat sa Diyos? Lumapit ako kaagad sa Diyos at nanalangin, “O Diyos, gusto kong lumabas sa kalagayang ito ng pagkasira ng loob. Pakiusap bigyang-liwanag at gabayan Mo ako.”

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ng kaunting pagkaunawa sa mga karumihan sa aking pananalig. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nananampalataya ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t umiiral ito sa puso ng lahat? Isang katunayan na umiiral nga ito. Bagama’t hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at hangaring magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay hindi matinag-tinag noon pa man. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang kaalaman na batay sa karanasan ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang halagang binabayaran nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagpapakapagod para dito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung mawawala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Ang mga layunin at karumihan ng mga tao sa kanilang pananalig ay ginawang napakalinaw ng Diyos sa Kanyang paglalantad. Ginugugol ng mga tao ang kanilang sarili, nagpapakapagod, nagdurusa, at nagbabayad ng halaga para sa Diyos sa pag-asang tatanggap sila ng mga pagpapala. Kung hindi nila makita ang mga pagpapala o pangako ng Diyos, nanlalambot sila gaya ng mga pumutok na lobo, nawawalan ng motibasyon na gawin kahit ang kanilang mga tungkulin. Ito mismo ang uri ng kalagayan kung nasaan ako. Sa pagbalik-tanaw ko noong una kong tinanggap ang gawain ng Diyos, nakita ko na ang paggawa sa mga tungkulin sa pananalig ng isang tao ay maaaring humantong sa kaligtasan at pananatiling buhay, kaya masigasig ako sa aking paghahangad, at dumating man ang mga dagok, o anupaman ang mga panganib ng pang-uusig ng CCP, hindi ako umatras o nag-antala sa aking mga tungkulin. Naniwala ako na hangga’t ginagawa ko ang aking pinakamakakaya, tatandaan ito ng Diyos at makakamit ko ang Kanyang pagsang-ayon. Habang nagkakaedad ako, humihina ang memorya at pisikal na lakas ko, at pakaunti nang pakaunti ang mga tungkuling kaya kong gawin. Kahit na noong ang iilang natitirang tungkulin na kaya kong gawin gaya ng pagdidilig sa mga baguhan at pag-host sa mga kapatid para sa mga pagtitipon ay naging imposible para sa akin na makipagtulungan, nagsimula akong maniwala na hindi na ako maliligtas o makapapasok sa kaharian, at nagsimula ko nang sukuan ang sarili ko. Napagtanto ko na ang dati kong matinding motibasyon sa aking mga tungkulin ay naudyukan ng isang nakatagong pagnanais para sa mga pagpapala, at nang hindi ako makapagkamit ng mga pagpapala, ayaw ko nang manalangin o magbasa ng mga salita ng Diyos. Sa paggawa ko nang ganito sa aking mga tungkulin, paano ako nagkaroon ng anumang sinseridad sa Diyos? Hinahanap ko lang ang mga pakinabang mula sa Diyos, at sinusubukang ikalakal ang aking paggampan sa aking mga tungkulin para sa mga pagpapala sa hinaharap. Hindi ba’t sinusubukan ko lang na makipagtawaran sa Diyos? Sa paggawa nito, sinusubukan kong linlangin ang Diyos. Habang lalo ko itong iniisip, lalo kong nadaramang wala akong konsensiya at katwiran, at na tunay akong may pagkakautang sa Diyos! Sa katunayan, sa pagbabalik-tanaw, nakita ko na lubos kong natamasa ang pagdidilig at pagtustos mula sa mga salita ng Diyos sa mga lumipas na taong ito ng pananampalataya sa Kanya, at lubos akong nakatanggap ng biyaya Niya. Noong pumanaw ang asawa ko at nagdadalamhati at nahihirapan akong lampasan ang buong matinding pagsubok, ang mga salita ng Diyos ang nagbukas ng puso ko at nagpahintulot sa akin na harapin ito nang tama. Gayundin, noong nahulog ako mula sa gayon kataas na tulay habang sakay ng aking e-bike, parehong hindi napinsala ang bike at ako. Ito ay pawang proteksiyon ng Diyos. Sa buong paglalakbay kong ito, biniyayaan ako ng Diyos sa mga hindi mabilang na pagkakataon, pero nang maisip ko na wala akong makukuhang mga pagpapala, natagpuan ko ang sarili ko na puno ng mga maling pagkaunawa at pagrereklamo, at inilalayo ang sarili ko sa Diyos. Paano ako naging masyadong walang pagkatao? Noong itinalaga ako ng iglesia sa ibang tungkulin, ito ay dahil sa hindi ligtas para sa akin na lumabas para gawin ang mga tungkulin ko sa pagsasaalang-alang sa aking edad, at maaantala nito ang gawain ng iglesia. Ang pagtatalagang ito sa ibang tungkulin ay kapaki-pakinabang kapwa sa akin at sa gawain ng iglesia, at dapat sana ay tinanggap ko ito mula sa Diyos. Kung hindi dahil sa pagtatalaga sa akin ng ibang mga tungkulin, hindi ko sana malalaman ang kasuklam-suklam na mga layunin na nakatago sa likod ng aking maraming taon ng pananalig sa Diyos. Naisip ko si Pablo sa Kapanahunan ng Biyaya. Naglakbay siya sa maraming lugar sa Europa upang ipangaral ang ebanghelyo, nagbabayad ng malaking halaga at nagtitiis ng sobrang pagdurusa, pero ang layunin niya ay ang hanapin ang korona at mga pagpapala mula sa Diyos, sa halip na tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha, at sa huli, pinarusahan siya ng Diyos. Ginagawa ko rin ang tungkulin ko para magkamit ng mga pagpapala, at kung hindi ko hinanap na baguhin ang disposisyon ko, sa huli ay parurusahan ako ng Diyos gaya ni Pablo. Ayaw kong magpatuloy sa landas ng kabiguan ni Pablo. Kinailangan kong magsisi at magkumpisal sa Diyos, at sa natitirang oras ko, hahangarin ko ang katotohanan at hindi na hahanapin ang mga pagpapala.

Sa panahon ng debosyonal ko, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang nais ng Diyos ay magawang perpekto ang bawat tao, sa kahuli-hulihan ay makamit Niya, ganap na malinis Niya, at maging mga tao na Kanyang minamahal. Sinasabi Ko man na kayo ay paurong o may mahinang kakayahan, pawang totoo ang mga ito. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na binabalak Kong talikuran kayo, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa inyo, na ang ibig sabihin ay ang gawain na Aking ginagawa ay isang pagpapatuloy ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Basta’t ikaw ay handa, basta’t patuloy kang naghahangad, sa huli ay magagawa mong makamit ang resultang ito, at walang sinuman sa inyo ang matatalikuran. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa katunayan na ikaw ay may pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga hihingin sa iyo ay magiging alinsunod sa kakayahang ito; kung sinasabi mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pagdalo sa iba’t ibang mga pangkalahatang usapin, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagpapasakop hanggang sa pinakahuli, at ang paghahangad na magkaroon ng pinakadakilang pag-ibig sa Diyos—ito ang kailangan mong tuparin, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, senyoridad, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Isa itong bagay na hindi mababago ng sinumang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na inaasam ng Diyos na ang lahat ng sumusunod sa Kanya ay puwedeng maperpekto at matamo Niya. Hindi tumitingin ang Diyos sa kakayahan, edad, o sa klase o dami ng mga tungkuling kayang gawin ng isang tao para matukoy kung maliligtas siya. Hangga’t sinserong naghahangad ang isang tao, kayang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at tapat na ginagawa ang kanyang tungkulin, kung gayon ang ganoong tao ay ililigtas ng Diyos. Namumuhay ako sa aking sariling mga kuru-kuro, inaakalang dahil tumatanda na ako, may mga isyu sa kalusugan, at hindi makagawa ng maraming tungkulin, hindi ako sasang-ayunan ng Diyos, at na wala akong magiging anumang pag-asa sa kaligtasan. Naging napakanegatibo ko na nawala ko na lahat ang motibasyon ko. Hindi ko hinanap ang katotohanan at itinuring ang Diyos gaya ng isang amo mula sa makasanlibutang mundo, na pinananatili ang mga empleyado kapag nakakatulong, pero tinatanggal ang nakatatanda kapag hindi na ito kapaki-pakinabang. Ginamit ko ang perspektiba ni Satanas para sukatin ang Diyos, at sa ganito, mali ang pagkaunawa ko at nilalapastangan Siya! Ngayon ay naunawaan ko na gusto ng Diyos ang mga naghahangad sa katotohanan, naghahanap ng pagbabago sa kanilang disposisyon, at nakakamit Niya. Nakita ko na hangga’t hinahangad ko ang katotohanan, nakikinig sa mga salita ng Diyos, at masigasig na ginagawa ang tungkulin ko, hindi ako aabandonahin ng Diyos. Gaya ngayon, kahit na hindi ako puwedeng maging lider ng grupo o lider ng iglesia at gawin ang mga tungkulin ko sa ibang rehiyon, puwede ko pa ring gawin ang aking pinakamakakaya para ipangaral ang ebanghelyo at suportahan ang mga kapatid na nakadarama ng pagkanegatibo at kahinaan. Anumang tungkulin ang gawin ko, hangga’t ibinibigay ko ang puso ko sa pakikipagtulungan, tumutuon sa paghahanap ng katotohanan at kumikilos ayon sa mga prinsipyo sa aking mga tungkulin, at nagpapasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, magkagayon ito ay aayon sa layunin ng Diyos.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at mas sumigla pa ang puso ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi totoo na wala nang magagawa ang matatanda, o hindi na nila kayang gampanan ang kanilang mga tungkulin, at lalong hindi totoo na hindi nila kayang hangarin ang katotohanan—marami silang pwedeng gawin. Ang iba’t ibang maling pananampalataya at maling paniniwala na naipon mo sa buong buhay mo, pati na rin ang iba’t ibang tradisyonal na ideya at kuru-kuro, mga kamangmangan at katigasan ng ulo, mga bagay na konserbatibo, mga bagay na hindi makatwiran, at mga bagay na baluktot na naipon mo ay nagkapatong-patong na sa puso mo, at dapat kang gumugol ng mas maraming oras kaysa sa mga kabataan upang alisin, suriin, at kilalanin ang mga bagay na ito. Hindi totoo na wala kang magagawa, o na dapat kang mabagabag, mabalisa, at mag-alala kapag wala kang ginagawa—hindi ito ang iyong gawain o responsabilidad. Una sa lahat, dapat magkaroon ng tamang pag-iisip ang matatanda. Bagamat tumatanda ka na at medyo tumatanda na rin ang iyong katawan, dapat ay parang sa kabataan pa rin ang iyong pag-iisip. Bagamat tumatanda ka na, ang iyong pag-iisip ay bumabagal na at ang iyong memorya ay humihina na, kung nakikilala mo pa rin ang iyong sarili, nauunawaan pa rin ang mga salitang sinasabi Ko, at nauunawaan pa rin ang katotohanan, pinatutunayan niyon na hindi ka pa matanda at sapat pa ang iyong kakayahan. Kung ang isang tao ay nasa 70 na ngunit hindi pa rin niya nauunawaan ang katotohanan, ipinapakita nito na napakababa ng kanyang tayog at hindi niya kaya ang gawain. Samakatuwid, walang kinalaman ang edad pagdating sa katotohanan, at higit pa rito, walang kinalaman ang edad pagdating sa mga tiwaling disposisyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na kahit na nagkakaedad ang mga tao, nanghihina ang kanilang mga pisikal na kakayahan at kumakaunti ang mga tungkuling kayang gawin, hindi ibig sabihin na hindi na nila kayang hangarin ang katotohanan. Ang matatanda, gaya ng mga kabataan, ay marami ring tiwaling disposisyon at nakaipon ng iba’t ibang satanikong lason. Kailangan nilang gumugol ng mas maraming oras na malalimang sinusuri at hinihimay ang mga isyung ito. Namuhay ako nang maraming dekada, na kapwa mapagmataas at mapanlinlang. Sa loob ko, naipon ko ang iba’t ibang tradisyonal na kuru-kuro at satanikong pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo. Kailangan lutasin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng paghahanap ng katotohanan. Gaya sa iglesia, may isang sister na madalas makipagkwentuhan at lumihis sa paksa sa mga pagtitipon, na nakagugulo sa buhay iglesia. Gusto kong sabihin ito sa kanya pero takot akong masaktan siya. Namuhay ako ayon sa satanikong pilosopiya na “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan,” kaya hindi ko ito kailanman sinabi sa kanya. Sa mga pagtitipon, kapag nakikita ko ang ilang kapatid na hindi alam kung paano magbahagi sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanilang mga kalagayan, nadama kong mas magaling ako sa pagbabahagi kaysa sa kanila, at nagbunyag ng isang mapagmataas na disposisyon, na hinahamak sila. Gayundin, sa pagkakataong ito, dahil nakikita kong tumatanda ako, natakot ako na hindi ko na magagawa ang mga tungkulin ko at hindi maliligtas, at naging napakanegatibo ko na hindi na ako muling makabangon. Napagtanto ko na napakatindi ng pagnanais ko para sa mga pagpapala. Kailangang lutasin ang lahat ng isyung ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan. Nang mapagtanto ko ito, nakakita ako ng isang landas para sa pagsasagawa. Kahit na tumatanda ako, hindi ibig sabihin na wala akong mga tungkulin o bagay na gagawin. Kailangan kong tumuon sa pag-alam at pagtugon sa aking tiwaling disposisyon sa mga pang-araw-araw na usapin na nakakaharap ko. Ang lahat ng ito ay tungkuling dapat kong gawin. Kaya ko ring sumulat ng mga artikulo, matuto ng mga himno, matutong sumayaw, at mangaral ng ebanghelyo. Maraming tungkulin ang kaya kong gawin! Pagkatapos niyon, tumutok ako sa pag-alam sa aking katiwalian sa pang-araw-araw na mga usaping nakakaharap ko. Sa gabi, isusulat ko ito at hahanap ng mga salita ng Diyos para lutasin ito, at pagkatapos ay isusulat ang aking pagkaunawang batay sa karanasan. Hindi nagtagal, nang bumuti ang kalusugan ko, itinuloy ko ang aking tungkulin na pagpapatuloy sa bahay. Inisip ko kung paano protektahang mabuti ang tinutuluyang bahay na ito upang makapagtipon ang mga kapatid nang hindi nag-aalala. Hangga’t nabubuhay ako, patuloy kong tutuparin ang tungkulin ko. Kahit na sa hinaharap ay hindi ko na magawa ang mga tungkulin ko, patuloy kong kakainin at iinumin ang mga salita ng Diyos para lutasin ang katiwalian ko at magpasakop sa pagpapamatnugot at mga pagsasaayos ng Diyos.

Sinundan:  59. Ang Pagkakasundo Ba ay Nangangahulugan ng Maayos na Pagtutulungan?

Sumunod:  64. Ang Mga Kahihinatnan ng Pagkukunwaring Nakakaunawa

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger