65. Isang Kaunting Kaalaman Tungkol sa Pagkamakasarili at Pagiging Ubod ng Sama

Ni Nana, Tsina

Noong 2020, nakikipagtulungan ako sa dalawang sister, sina Li Na at Yang Yang, para gumawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Pagkaraan ng ilang panahon, napili ako bilang lider ng pangkat. Naisip ko, “Matagal na akong gumagawa ng gawaing nakabatay sa teksto, at ngayon ako na ang lider ng pangkat, kaya, kailangan kong makipagtulungan sa kanila nang sa gayon ay magawa namin nang maayos ang aming mga tungkulin.” Bata pa sila, kaya madalas akong mas mapagparaya sa kanila sa pang-araw-araw na buhay, at kapag nakikita ko silang nahaharap sa mga problema sa gawain o na hindi malinaw sa kanila ang ilang prinsipyo, hinahanap ko ang katotohanan kasama nila para lutasin ang mga bagay na ito. Parehong sinabi nina Li Na at Yang Yang na madali akong pakisamahan, matiyaga, at responsable sa aking mga tungkulin. Pakiramdam ko rin na may kakayahan akong isaalang-alang ang pangkalahatang gawain, at na mayroon akong tiyaga, mapagmahal, at na mayroon akong mabuting pagkatao. Noong panahong iyon, ang lahat ay napakapositibo sa kanilang mga tungkulin, at ang gawain ay nagbunga ng ilang resulta. Pinuri rin ako ng superbisor, at nasiyahan ako, at inisip ko na kailangan kong mas galingan pa sa hinaharap.

Kalaunan, dahil sa pagdami ng trabaho at pagkabimbin ng mga sermon, isinaayos ng superbisor na makipagtulungan si Sister Wang Nan sa amin sa aming mga tungkulin. Napansin kong medyo mabilis si Wang Nan sa parehong pagsasala at pagsusulat ng mga sermon, at na mas mabagal ang pag-usad ko kaysa sa kanya. Naisip ko, “Kung makita ng superbisor na ang pag-usad ng pagsasala sa sermon ay malinaw na bumilis sa pagdating ni Wang Nan, iisipin ba niya na kulang ang mga kapabilidad ko sa gawain, na hindi ako kasinghusay ni Wang Nan, o na hindi ako gumagawa ng aktuwal na gawain, at na ito ang dahilan ng pagkabimbin ng mga sermon? Hindi iyon maaari, kailangan kong magmadali para salain ang mga sermon at hindi mapag-iwanan ni Wang Nan.” Noong panahong iyon, nakaranas ng ilang problema si Yang Yang habang nagsasala ng mga sermon, at alam kong dapat ko siyang pagbahaginan at tulungan, pero naisip ko, “Ang paglutas sa mga problema ni Yang Yang ay mangangailangan ng pagtulong sa kanya sa pagsusuri ng mga sermon at paghahanap ng mga nauugnay na prinsipyo, at magpapabagal iyon sa sarili kong pag-usad sa pagsasala ng mga sermon. Pagkatapos, baka sasabihin ng superbisor na hindi ako kasinghusay ng bagong sister, kahit matagal na akong gumagawa sa mga tungkulin ko. Hindi bale na, hindi muna ako mag-aalala tungkol doon sa ngayon.” Kaya, hindi ako nag-usisa tungkol sa mga suliranin ni Yang Yang. Pagkalipas ng ilang araw, napansin kong mabagal ang pag-usad ni Yang Yang sa pagsasala ng mga sermon, at bagaman gusto ko siyang bahaginan at tulungan, nang maisip ko ang kakailanganing oras at lakas para dito, tumahimik na lang ako. Isang araw, sinabi ng superbisor na dapat ipasa ni Yang Yang ang ilang gawain kay Li Na, at nakita kong hindi malinaw na naipaliwanag ni Yang Yang ang mga bagay, kaya gusto kong talakayin ang mga detalye sa kanila, pero naisip ko na maaantala nito ang pagsusuri ko sa mga sermon, at saka, dahil hindi naman partikular na itinalaga ng superbisor ang gampaning ito sa akin, naisip ko na mas mabuting huwag akong magtanong tungkol dito at tumuon na lang sa sarili kong gawain. Kalaunan, sina Yang Yang at Li Na, na ang gawain ay hindi nagbubunga ng magagandang resulta, ay nagmungkahi na sama-sama kaming magbahaginan ng mga solusyon, pero ayaw kong lumahok dito dahil pakiramdam ko ay magdudulot ito ng mga pagkaantala, kaya saglit akong nagbahagi ng mga kaisipan ko, at pagkatapos, agad kong ibinalik ang atensiyon ko sa sarili kong gawain.

Kalaunan, dumating ang superbisor para suriin ang gawain, at nakita niya na mayroong mga suliranin sina Li Na at Yang Yang at bumaba ang mga resulta ng kanilang mga tungkulin, at nang malaman ng superbisor na hindi ako gumagabay o nagsusubaybay sa gawain ng mga sister, pinungusan niya ako, sinasabi niya, “Ginagawa mo lang ang gawaing responsabilidad mo, at wala ka man lang pakialam tungkol sa pag-usad ng gawain ng mga sister na katuwang mo, hindi mo naman talaga tinutupad ang mga responsabilidad mo bilang isang lider ng pangkat!” Mahirap para sa akin na tanggapin ang biglaang mapungusan gaya nito, at naisip ko, “Hindi ko kasalanan lahat na hindi nagbubunga ng mga resulta ang mga tungkulin nila, hati kami sa gawain!” Medyo naagrabyado ako. Binasahan ako ng superbisor ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, at doon ko simulang nakilala ang mga problema ko. Sabi ng Diyos: “Ang mga anticristo ay walang konsensiya, katwiran, o pagkatao. Bukod sa wala silang kahihiyan, may isa pa rin silang tanda: Hindi pangkaraniwan ang kanilang pagiging makasarili at ubod ng sama. Ang literal na kahulugan ng kanilang ‘pagiging makasarili at ubod ng sama’ ay hindi mahirap maunawaan: Bulag sila sa anumang bagay maliban sa sarili nilang mga interes. Nakatuon ang kanilang buong atensiyon sa anumang bagay na may kinalaman sa sarili nilang mga interes, at magdudusa sila para dito, magsasakripisyo, itututok ang kanilang sarili para dito, at ilalaan ang kanilang sarili para dito. Magbubulag-bulagan naman sila at hindi papansinin ang anumang walang kinalaman sa kanilang sariling mga interes; magagawa ng iba ang anumang gusto nila—walang pakialam ang mga anticristo kung may sinumang nagiging mapanggambala o mapanggulo, at para sa kanila, wala itong kinalaman sa kanila. Kung sasabihin nang maingat, sarili lamang nila ang kanilang iniintindi. Subalit mas tumpak na sabihin na ang ganitong uri ng tao ay ubod ng sama, napakababa, at marumi; inilalarawan natin sila bilang ‘makasarili at ubod ng sama.’ Paano naipapamalas ang pagiging makasarili at ubod ng sama ng mga anticristo? Sa anumang bagay na kapaki-pakinabang sa kanilang katayuan o reputasyon, nagsisikap silang gawin o sabihin ang anumang kailangan, at kusang-loob silang nagtitiis ng anumang pagdurusa. Pero pagdating sa may kinalaman sa gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, o pagdating sa may kinalaman sa gawain na kapaki-pakinabang sa paglago ng buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, lubos nilang binabalewala ito. Kahit kapag ang masasamang tao ay nanggagambala, nanggugulo, at gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan, dahilan kaya lubhang naaapektuhan ang gawain ng iglesia, nananatili silang walang ginagawa at walang pakialam, na para bang walang kinalaman ito sa kanila. At kung may nakatuklas at nag-ulat ng masasamang gawa ng isang masamang tao, sinasabi nilang wala silang nakita at nagmamaang-maangan sila. Ngunit kung may isang taong nag-ulat sa kanila at naglantad na hindi sila gumagawa ng totoong gawain at naghahangad lamang ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, bigla silang nagagalit nang husto. Mabilis na nagpapatawag ng mga pagpupulong upang talakayin kung paano tutugon, magsasagawa ng mga imbestigasyon upang malaman kung sino ang nagtataksil sa kanila, kung sino ang namuno, at kung sino ang mga sangkot. Hindi sila kakain o matutulog hangga’t hindi nila natutuklasan kung ano ang totoo at hangga’t hindi ganap na nareresolba ang isyu—magiging masaya nga lamang sila kapag napabagsak na nila ang lahat na sangkot sa pag-uulat sa kanila. Pagpapamalas ito ng pagiging makasarili at ubod ng sama, hindi ba? Gawain ba ng iglesia ang ginagawa nila? Kumikilos sila para sa kapakanan ng sarili nilang kapangyarihan at katayuan, ganoon lamang kasimple. Inaasikaso nila ang sarili nilang usapin. Kahit ano pa ang akuin nilang gawain, hindi kailanman iniisip ng mga anticristo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang isinasaalang-alang lamang nila ay kung maaapektuhan ba ang kanilang sariling mga interes, ang iniisip lamang nila ay ang maliit na bahagi ng gawaing nasa harapan nila na napapakinabangan nila. Para sa kanila, ang pangunahing gawain ng iglesia ay isang bagay lamang na ginagawa nila sa libre nilang oras. Hinding-hindi talaga nila ito sineseryoso. Gumagalaw lang sila kapag pinapakilos sila, ginagawa lamang ang gusto nilang gawin, at ginagawa lamang ang gawain na alang-alang sa pagpapanatili ng sarili nilang katayuan at kapangyarihan. Sa paningin nila, ang anumang gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang buhay pagpasok ng mga taong hinirang ng Diyos ay hindi mahalaga. Anuman ang mga paghihirap ng ibang mga tao sa kanilang gawain, anuman ang mga isyung matuklasan at maiulat sa kanila, gaano man kasinsero ang kanilang mga salita, walang pakialam ang mga anticristo, hindi nila isinasangkot ang kanilang sarili, na para bang wala itong kinalaman sa kanila. Gaano man kalaki ang mga problemang lumilitaw sa gawain ng iglesia, lubos silang walang pakialam. Kahit pa nga nasa harapan na nila mismo ang isang problema, hinaharap lang nila ito nang pabasta-basta. Kapag tuwiran lamang silang pinungusan ng ang Itaas at inutusang ayusin ang isang problema ay saka lamang sila padabog na gagawa ng kaunting tunay na gawain at magpapakita ng anuman sa ang Itaas; pagkatapos na pagkatapos nito, magpapatuloy sila sa sarili nilang gawain. Wala silang interes at walang pakialam pagdating sa gawain ng iglesia, sa mahahalagang bagay na may mas malalawak na konteksto. Binabalewala pa nga nila ang mga problemang natutuklasan nila, at nagbibigay sila ng mga pabasta-basta sagot o nag-aalangan silang sumagot kapag tinatanong sila tungkol sa mga problema, hinaharap lamang ang mga ito nang may labis na pag-aatubili. Pagpapamalas ito ng pagiging makasarili at ubod ng sama, hindi ba? Higit pa rito, anuman ang tungkuling ginagawa ng mga anticristo, ang iniisip lamang nila ay kung tutulutan ba sila nitong maging sentro ng atensyon; hangga’t patataasin nito ang kanilang reputasyon, pinipiga nila ang kanilang utak makaisip lamang ng paraan kung paano matutuhan ito, at kung paano ito isasakatuparan; ang iniintindi lamang nila ay kung magiging bukod-tangi ba sila dahil dito. Anuman ang gawin o isipin nila, iniisip lamang nila ang sarili nilang kasikatan, pakinabang at katayuan. Anuman ang tungkuling ginagawa nila, nakikipagkompetensiya lamang sila para makita kung sino ang mas mataas o mas mababa, kung sino ang mananalo at sino ang matatalo, kung sino ang mas may reputasyon. Ang mahalaga lamang sa kanila ay kung gaano karaming tao ang sumasamba at tumitingala sa kanila, gaano karami ang sumusunod sa kanila, at kung gaano karaming tagasunod ang mayroon sila. Hindi sila kailanman nakikipagbahaginan sa katotohanan o nilulutas ang mga totoong problema. Hindi nila kailanman iniisip kung paano gawin ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin, hindi rin sila nagninilay-nilay kung naging tapat ba sila, kung natupad ba nila ang kanilang mga responsabilidad, kung nagkaroon ba ng mga paglihis o pagpapabaya sa kanilang gawain, o kung mayroon bang anumang mga problema, lalong hindi nila pinag-iisipan kung ano ang hinihingi ng Diyos, at kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi nila binibigyang-pansin ni bahagya ang lahat ng bagay na ito. Mahigpit lang silang tumutuon sa gawain at gumagawa ng mga bagay-bagay alang-alang sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, upang matugunan ang sarili nilang mga ambisyon at pagnanais. Pagpapamalas ito ng pagiging makasarili at ubod ng sama, hindi ba?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus). Nang marinig ko ang mga salitang “makasarili,” “ubod ng sama,” at “marumi,” pakiramdam ko ay parang may tumusok sa puso ko, at saka ko lang napagtanto na katulad lang ng sa isang anticristo ang pag-uugali ko. Ang mga anticristo ay handang magsikap, magdusa, at magbayad ng halaga para sa mga bagay na may kaugnayan sa kanilang reputasyon at katayuan, pero pagdating sa mga bagay na walang kaugnayan sa kanilang mga interes, kahit na nakapipinsala ito sa gawain ng iglesia, hindi nila ito pinapansin at nagbubulag-bulagan lang sila. Tunay silang makasarili at ubod ng sama. Naalala ko na noong una, nagawa kong makipagtulungan nang maayos kina Li Na at Yang Yang, at sa tuwing mayroon silang mga problema o suliranin, ginagawa ko ang makakaya ko para tulungan sila at lutasin ang mga ito. Pero nang isama ng superbisor si Wang Nan, natakot ako na kung mapag-iwanan ako ni Wang Nan, sasabihin ng superbisor na hindi ako kasinghusay ni Wang Nan o na hindi ako gumagawa ng aktuwal na gawain. Kaya, huminto ako sa pagmamalasakit sa mga katuwang ko na sister. Nang makita kong nahaharap si Yang Yang sa mga suliranin sa gawain, ayaw kong mag-abala sa pagtulong sa kanya, iniisip na mag-aaksaya lang ito ng oras ko, at tumuon lang ako sa sarili kong gawain. Hiniling ng superbisor kay Yang Yang na ipasa ang ilang gawain kay Li Na, at kahit na nakita kong hindi sila nakapag-usap nang maayos at alam kong maaantala nito ang gawain, natakot ako na maaaksaya ang oras ko kung ibabahagi ko sa kanila ang mga detalye nito, kaya pinili ko na lang na magbulag-bulagan at hindi makisali. Nakahanap pa nga ako ng mga palusot para protektahan ang sarili kong mga interes, iniisip na dahil hindi naman ito itinalaga sa akin ng superbisor, hindi na ito responsabilidad ko. Kalaunan, hindi naging epektibo ang gawain ni Li Na, at namumuhay siya nang nahihirapan, pero sinadya kong iwasan na makipagbahaginan at tumulong sa kanya. Dahil masyado akong makasarili, hindi ko tinulungan ang mga katuwang ko na sister at hindi ko isinaalang-alang ang kabuuang gawain, kaya naantala ang pag-usad. Bagaman mukhang gumugugol ako ng oras at lakas sa gawain, ang totoo, ang lahat ng ginagawa ko ay para maiwasang masira ang kapurihan at katayuan ko. Bilang isang lider ng pangkat, dapat sana ay pinangangasiwaan at sinusubaybayan ko ang pag-usad ng gawain ng bawat miyembro ng pangkat, at kung mayroong mga suliranin o isyu ang sinuman sa kanilang mga tungkulin, dapat sana ay agaran ko itong binanggit at hinanapan ng mga solusyon kasama sila batay sa mga katotohanang prinsipyo. Pero sa halip, ang inalala ko lang ay ang sarili kong gawain at kung masisira ba ang reputasyon at katayuan ko. Hindi ko talaga isinaalang-alang ang kabuuang gawain, at nabigo akong tuparin ang mga responsabilidad ng isang lider ng pangkat. Nakita ko na tunay akong ubod ng sama at marumi, at na ibinubunyag ko ang parehong disposisyon ng sa isang anticristo! Nang mapagtanto ko ito, naramdaman kong tama ang pagpupungos ng superbisor sa akin, at wala akong dahilan para makaramdam na naagrabyado, at kaya nagsimula akong mag-isip tungkol sa kung paano ako makakabawi sa pinsalang naidulot ko sa gawain.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Palaging ipinagyayabang ng ilang tao na nagtataglay sila ng mabuting pagkatao, na hindi sila kailanman nagsasabi nang masama tungkol sa iba, hindi kailanman pinipinsala ang mga interes ng sinuman, at sinasabi nilang hindi sila kailanman nag-iimbot ng mga pag-aari ng ibang tao. Kapag mayroong pagtatalo sa mga interes, pinipili pa nga nilang dumanas ng kawalan kaysa samantalahin ang iba, at iniisip ng lahat ng iba na mabubuti silang tao. Gayumpaman, kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, tuso at madaya sila, palaging nagbabalak para sa kanilang sarili. Hindi nila kailanman iniisip ang kapakanan ng sambahayan ng Diyos, hindi nila kailanman tinatrato na madalian ang mga bagay na tinatrato ng Diyos na madalian o nag-iisip gaya ng pag-iisip ng Diyos, at hindi nila kailanman kayang isantabi ang sarili nilang mga interes upang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila kailanman tinalikdan ang sarili nilang mga interes. Kahit na nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang masasamang tao, hindi nila inilalantad ang mga ito; wala silang mga prinsipyo o kung anuman. Anong uri ng pagkatao ito? Hindi ito mabuting pagkatao. Huwag ninyong pansinin ang sinasabi ng gayong mga tao; dapat ninyong tingnan ang kanilang ipinamumuhay, ang kanilang ibinubunyag, at ang kanilang saloobin kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, pati na ang kanilang kalagayang panloob at ang kanilang minamahal. Kung ang pagmamahal nila sa sarili nilang kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa kanilang katapatan sa Diyos, kung ang pagmamahal nila sa kanilang sariling kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung ang kanilang pagmamahal sa sarili nilang kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa konsiderasyong ipinapakita nila para sa Diyos, nagtataglay ba ang gayong mga tao ng pagkatao? Hindi sila mga taong may pagkatao. Nakikita ng iba at ng Diyos ang kanilang paggawi. Napakahirap para sa gayong mga tao na matamo ang katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, lubha akong napahiya. Noon, palagi kong iniisip na may mabuti akong pagkatao dahil dahil nagawa kong makipagtulungan nang maayos sa aking mga kapatid at maisaalang-alang ang kabuuang gawain, at nagawa ko ring tulungan ang mga kapatid ko. Pero sa paghahayag ng mga katunayan, napagtanto kong hindi pala ako isang taong may mabuting pagkatao. Naramdaman kong naging banta sa reputasyon at katayuan ko ang pagdating ni Wang Nan, kaya para maiwasang sabihin ng superbisor na hindi ako kasinggaling ni Wang Nan, itinuon ko ang buong atensiyon ko sa paggawa nang maayos sa sarili kong gawain. Nang makita kong nagkakaroon ng mga suliranin sa kanilang gawain sina Yang Yang at Li Na at kailangan nila ng tulong, binalewala ko lang sila. Inakala ko na maaapektuhan ang pag-usad ng gawain ko kung tutulungan ko sila, kaya binalewala ko na lang sila, at hindi ako nakisali rito. Bilang resulta, nagkaroon ng mga kawalan ang gawain. Saka ko lang napagtanto na ang dahilan kung bakit dati ay nagagawa kong tumulong sa mga sister ko at isaalang-alang ang kabuuang gawain ay dahil hindi pa naaapektuhan noon ang reputasyon at katayuan ko. Pero ngayong nakataya ang kapurihan at katayuan ko, nalantad ang tunay kong mukha, at para maprotektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan, binalewala ko ang mga interes ng iglesia. Paanong masasabi na mayroon akong mabuting pagkatao? Ang isang taong tunay na may mabuting pagkatao ay tapat sa kanyang tungkulin, at kapag nagkasalungatan ang mga personal na interes at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kaya niyang isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Samantalang ako, nang makita kong nagkakaroon ng mga kawalan ang gawain ng iglesia, ayaw kong isantabi ang mga personal kong interes para matulungan ang aking mga sister. Paanong masasabi na mayroon akong pagkatao! Nang mapagtanto ko ito, talagang nakonsensiya ako at nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, napagtanto ko na tunay akong makasarili, at handa akong magbago at makipagtulungan nang maayos sa mga sister ko. Kahit sino pa ang nahaharap sa mga problema sa kanilang mga tungkulin, handa akong hanapin ang katotohanan kasama sila para lutasin ang mga isyu.” Simula noon, aktibo kong tinatanong sina Li Na at Yang Yang kung ano ang mga problema nila sa kanilang gawain, at kung may binabanggit silang anumang isyu, sama-sama kaming nagbabahaginan at naghahanap ng mga solusyon. Pagkatapos nito, gaano man kaabala ang gawain, palagi akong naghahanap ng oras para talakayin sa mga sister ko ang mga problema sa gawain, at sama-sama kaming nagbabahaginan ng mga landas kung paano lutasin ang mga isyung ito. Nang makita naming unti-unting umuusad ang gawain sa positibong direksiyon, tuwang-tuwa kaming lahat.

Makalipas ang ilang panahon, isinaayos ng lider na magtulungan kami ni Sister Yang Zhen sa mga tungkuling nakabatay sa teksto. Karaniwan naming tinatalakay ang gawain nang magkasama, pero nang maglaon, dahil sa mga pagbabago sa gawain, hinati namin ang mga responsabilidad. Minsan, kailangang beripikahin ni Yang Zhen sa mga kapatid ang ilang materyal. Sa panahong ito, nagpapadala ng mga liham ang lider para mag-usisa tungkol sa gawain niya, at nagpapadala rin ng mga liham ang mga kapatid para magtanong sa kanya. Ang lahat ng ito ay nangangailangan ng mga agarang tugon. Sa simula, nagagawa kong tumulong sa ilan sa mga gampaning ito, pero makalipas ang ilang panahon, naisip ko, “Responsabilidad ito ni Yang Zhen. Kung patuloy ko siyang tutulungan, masasayang lang ang oras ko, at kung ang gawaing responsabilidad ko ay hindi magbubunga ng mga kasinggandang resulta ng kay Yang Zhen, ano na lang ang iisipin sa akin ng lider? Ano pa ang mukhang maihaharap ko?” Pero pagkatapos, naalala ko kung paanong nakatutok lang ako sa sarili kong gawain at binalewala ko ang gawain ng aking mga sister, kaya naapektuhan ang gawain ng iglesia, at alam kong hindi ko iyon puwedeng gawin ulit sa pagkakataong ito. Naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pride, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagbubulay-bulay kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging tapat, kung natupad mo ang iyong mga responsabilidad, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng landas ng pagsasagawa. Kung ito man ay ang gawaing responsabilidad ni Yang Zhen, o ang gawaing responsabilidad ko, ang lahat ng ito ay gawain ng iglesia, at hindi ko dapat palaging isaalang-alang ang kapurihan at katayuan ko. Kung maaantala ang gawain ni Yang Zhen, mapipinsala ang mga interes ng iglesia. Kailangan kong protektahan ang kabuuang gawain ng iglesia. Pagkatapos nito, kapag masyadong abala si Yang Zhen, tinutulungan ko siya sa ilang gampanin, samantalang kasabay nito, inuuna ko ang mga gampanin at gawain ayon sa pagkaapurahan ng mga ito. Nang magsagawa ako sa ganitong paraan, gumaan ang pakiramdam ko.

Noon, palagi kong inakala na may mabuti akong pagkatao, na kaya kong magdusa at magbayad ng halaga sa mga tungkulin ko, at na kaya ko ring makipagtulungan nang maayos sa aking mga kapatid. Pero pagkatapos pagdaanan ang lahat ng ito, nakita ko na talagang makasarili ako, at na ang lahat ng pagdurusa at sakripisyo ko ay para protektahan ang reputasyon at katayuan ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa paghatol at paglalantad ng Kanyang mga salita, na nagpahintulot sa akin na makilala ang sarili ko at gumawa ng ilang pagbabago.

Sinundan:  64. Ang Mga Kahihinatnan ng Pagkukunwaring Nakakaunawa

Sumunod:  66. Paglaya Mula sa Pakiramdam ng Pagiging mas Mababa

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger