75. Hindi Na Ako Napipigilan ng Aking Hantungan

Ni Li Yishun, Tsina

Noong una kong matagpuan ang Diyos, labis akong masigasig, at pagkalipas ng dalawang buwan, nagsimula akong gumawa ng mga tungkulin sa pangkalahatang usapin. Kalaunan, umako ako ng tungkulin sa pagho-host at sa kabila ng pagiging abala sa iba’t ibang uri ng gampanin, hindi ako kailanman nagreklamo tungkol sa mga paghihirap o sobrang pagkapagod. Naniwala ako na upang maligtas, kailangan kong maghanda ng mas maraming mabuting gawa, at na kailangan kong magtiis ng higit pang pagdurusa at magbayad ng halaga sa aking mga tungkulin. Pagkalipas ng dalawang taon, noong 2007, napili ako bilang lider ng iglesia, at naglaan ako ng mas higit pang pagsisikap at mas lalo ko pang ginugol ang sarili ko. Hindi ako marunong magbisikleta, kaya naglalakad lang ako patungo sa mga pagtitipon sa mga lugar kung saan mahirap ang transportasyon. Hindi ako nakakaramdam ng pagod, na para bang hindi maubos ang lakas ko, at pakiramdam ko ay pinanonood ng Diyos ang mga pagsisikap ko, at na sa hinaharap, gagantimpalaan ng Diyos ng isang magandang hantungan ang mga sakripisyo ko. Kalaunan, aktibo akong nakipagtulungan sa anumang tungkuling isinaayos ng iglesia, at bagaman nagdulot ng ilang tunay na paghihirap ang matanda kong edad, hindi ako kailanman napigilan ng mga bagay na ito.

Noong 2017, sa edad kong 76, isinaayos ng mga lider na gawin ko ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia. Tuwang-tuwa ako, pakiramdam ko, kahit nasa ganitong edad na ako, may pagkakataon pa rin akong gawin ang mga tungkulin ko, na tunay na pagbibigay-biyaya at pagtataas ng Diyos sa akin! Sinabi ko sa sarili ko na pahalagahan ang pagkakataong ito na magawa ang aking mga tungkulin. Noong mga panahong iyon, lubos akong abala sa mga tungkulin at kadalasan akong natutulog nang dis-oras sa gabi, pero hindi ako napapagod. Isang araw noong 2019, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at medyo nahirapan akong huminga habang naglalakad. Matapos magpatingin sa ospital, na-diagnose ako na may mataas na presyon ng dugo at sakit sa puso, at pinayuhan ako ng doktor na magpaospital para makapagpagamot. Nabalisa ako, iniisip na, “Hindi isa o dalawang araw lang ang manatili sa ospital; kung maoospital ako, tiyak na kakailanganin ng mga lider na makahanap ng ibang tao na sasalo sa tungkulin ko, kung gayon, hindi ba’t mawawalan ako ng pagkakataong magawa ang tungkuling ito? Sa edad kong ito at sa mga isyu ko sa kalusugan, hindi na rin ako makakagawa pa ng ibang mga tungkulin. Kung madi-discharge ako at makakapagbigay lang ako ng ospitalidad para sa maliliit na pagtitipon ng grupo, anong mabubuting gawa ang magagampanan ko sa gayong isang maliit na tungkulin? Kung walang mabubuting gawa, paano ako maliligtas? Hindi, talagang hindi ko puwedeng talikuran ang tungkulin ko para magpaospital sa pagpapagamot. Isa pa, kung makikita ako ng Diyos na nagpapatuloy sa mga tungkulin ko sa gitna ng aking karamdaman, tiyak na poprotektahan Niya ako.” Mabilis kong sinabi, “Hindi ako mananatili sa ospital; uuwi na lang ako at iinom ng gamot para sa pagpapalunas.” Pagkatapos noon, ipinagpatuloy kong gawin ang mga tungkulin ko araw-araw gaya ng nakagawian.

Isang gabi makalipas ang dalawang taon, bigla akong nakaramdam ng matinding pananakit mula sa aking baywang hanggang sa aking balakang. Kinabukasan, dinala ako ng anak kong babae sa ospital para sa isang pagsusuri, at na-diagnose ako na may spinal fracture na sanhi ng osteoporosis. Para akong nahilo, at tila ba ay tinakluban ako ng langit. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko, at tinakasan ako ng lakas ko. Naupo ako sa isang upuan, nakakaramdam ng isang hindi maipaliwanag na kirot sa puso ko, hindi malaman kung paano harapin ang realidad na ito. Naisip ko, “Napakaraming taon ko nang nananampalataya sa Diyos, at bagaman hindi ako nagdusa ng matitinding paghihirap sa aking mga tungkulin, nagtiis ako ng maraming maliliit na suliranin. Higit pa rito, dahil kasalukuyan kong ginagawa ang mga tungkulin ko, paanong bigla akong tinamaan ng sakit na ito? Hindi kaya ginagamit ito ng Diyos para pigilan ako sa paggawa ng mga tungkulin ko?” Lubusan akong nalungkot. Pagkatapos, naisip ko, “Kahit na gumaling ako sa sakit na ito sa hinaharap, sa edad ko, hindi na ako makakagawa ng anumang mahahalagang tungkulin. Sa pinakamainam, makakapagbigay lang ako ng ospitalidad sa mga pagtitipon. Hindi ko magagawang magdusa o gumugol ng sarili ko, kaya anong mabubuting gawa ang maaaring magmula sa paggawa ng mga tungkulin ko nang ganoon? Naiinggit talaga ako sa mas batang mga kapatid na kayang gumawa ng iba’t ibang uri ng tungkulin. Ang ganda siguro kung maibabalik ko lang ang orasan nang ilang dekada! Bakit hindi hinayaan ng Diyos na ipanganak ako nang ilang dekada na mas maaga?” Pagkauwi ko, wala akong nagawa kundi humiga lang, at kinailangan kong kumilos nang dahan-dahan. Hindi ko kayang gumawa ng anumang tungkulin. Nang dumating ang mga sister, nahirapan ako kahit sa pagbukas lang ng pinto. Talagang nakaramdam ako ng pagkanegatibo, iniisip na, “Naging inutil na ba ako? Nananampalataya ako sa Diyos sa loob ng maraming taon, palaging ginagawa ang mga tungkulin ko, nagdurusa at labis na ginugugol ang aking sarili. Minsan akong naniwala na maliligtas ako, pero hindi ko kailanman pinangarap na magiging inutil ako at hindi makakagawa ng anumang tungkulin.” Bumigat ang loob ko sa mga naisip na ito. Namuhay ako sa isang kalagayan ng pagkanegatibo, at hindi makatagpo ng kapayapaan ang puso ko sa harap ng Diyos. Naging madilim talaga ang espiritu ko. Kaya, nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, mula nang magkasakit ako at hindi ko magawa ang mga tungkulin ko, medyo nasisiraan ako ng loob. Palagi akong nag-aalala na hindi ako maliligtas, at hindi ko alam kung anong aspekto ng katotohanan ang dapat kong hanapin para malutas ito. Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo po ako para makilala ko ang mga isyu ko.”

Kalaunan, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Mayroon ding matatandang kapatid na ang edad ay 60 hanggang bandang 80 o 90, at dahil sa kanilang katandaan, nakakaranas din sila ng ilang paghihirap. Sa kabila ng kanilang edad, hindi palaging tama o makatwiran ang kanilang pag-iisip, at ang kanilang mga ideya at pananaw ay hindi palaging naaayon sa katotohanan. May mga problema rin ang mga matatandang ito, at palagi silang nag-aalala, ‘Hindi na masyadong malakas ang katawan ko at may mga limitasyon na sa kung anong tungkulin ang aking magagampanan. Kung gagampanan ko lamang itong maliit na tungkulin na ito, tatandaan kaya ako ng Diyos? Minsan ay nagkakasakit ako, at kailangan ko ng mag-aalaga sa akin. Kapag walang nag-aalaga sa akin, hindi ko magampanan ang aking tungkulin, kaya ano ang magagawa ko? Matanda na ako at hindi ko na naaalala ang mga salita ng Diyos kapag binabasa ko ito at nahihirapan akong maunawaan ang katotohanan. Kapag nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, magulo at hindi maayos ang pagsasalita ko, at wala akong karanasan na karapat-dapat na ibahagi. Matanda na ako at kulang na ako sa enerhiya, malabo na ang aking paningin at hindi na ako malakas. Ang lahat ay mahirap na para sa akin. Maliban sa hindi ko magampanan ang aking tungkulin, madali rin akong makalimot ng mga bagay-bagay at magkamali. Minsan ay nalilito ako at nagdudulot ako ng problema sa iglesia at sa aking mga kapatid. Gusto kong makamtan ang kaligtasan at mahangad ang katotohanan ngunit napakahirap nito. Ano ang puwede kong gawin?’ Kapag iniisip nila ang mga ito, nagsisimula silang mabahala, iniisip na, ‘Bakit ba kung kailan matanda na ako ay saka lang ako sumampalataya sa Diyos? Bakit ba hindi ako katulad niyong mga nasa edad 20 at 30, o maging niyong mga nasa edad 40 at 50? Bakit ba natagpuan ko lang ang gawain ng Diyos kung kailan napakatanda ko na? Hindi naman sa masama ang aking kapalaran; kahit papaano ngayon ay natagpuan ko na ang gawain ng Diyos. Maganda ang kapalaran ko, at naging mabuti ang Diyos sa akin! May isang bagay lang na hindi ako nasisiyahan, at iyon ay ang masyado na akong matanda. Hindi na matalas ang aking memorya, at hindi na rin malakas ang kalusugan ko, ngunit matatag ang kalooban ko. Kaya lang ay hindi na ako sinusunod ng katawan ko, at inaantok ako pagkatapos kong makinig nang matagal-tagal sa mga pagtitipon. Minsan ay pumipikit ako upang magdasal at nakakatulog ako, at lumilipad ang isip ko kapag nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos. Matapos magbasa nang kaunti, inaantok ako at nakakatulog, at hindi ko nauunawaan ang mga salita. Ano ang magagawa ko? Nang may ganitong mga praktikal na suliranin, mahahangad at mauunawaan ko pa ba ang katotohanan? Kung hindi, at kung hindi ako makapagsasagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ba’t mawawalan ng saysay ang lahat ng aking pananampalataya? Hindi ba’t mabibigo akong makamtan ang kaligtasan? Ano ang puwede kong gawin? Nag-aalala ako nang husto! …’ … hindi totoo na wala nang magagawa ang matatanda, o hindi na nila kayang gampanan ang kanilang mga tungkulin, at lalong hindi totoo na hindi nila kayang hangarin ang katotohanan—marami silang pwedeng gawin. Ang iba’t ibang maling pananampalataya at maling paniniwala na naipon mo sa buong buhay mo, pati na rin ang iba’t ibang tradisyonal na ideya at kuru-kuro, mga kamangmangan at katigasan ng ulo, mga bagay na konserbatibo, mga bagay na hindi makatwiran, at mga bagay na baluktot na naipon mo ay nagkapatong-patong na sa puso mo, at dapat kang gumugol ng mas maraming oras kaysa sa mga kabataan upang alisin, suriin, at kilalanin ang mga bagay na ito. Hindi totoo na wala kang magagawa, o na dapat kang mabagabag, mabalisa, at mag-alala kapag wala kang ginagawa—hindi ito ang iyong gawain o responsabilidad. Una sa lahat, dapat magkaroon ng tamang pag-iisip ang matatanda. Bagamat tumatanda ka na at medyo tumatanda na rin ang iyong katawan, dapat ay parang sa kabataan pa rin ang iyong pag-iisip. Bagamat tumatanda ka na, ang iyong pag-iisip ay bumabagal na at ang iyong memorya ay humihina na, kung nakikilala mo pa rin ang iyong sarili, nauunawaan pa rin ang mga salitang sinasabi Ko, at nauunawaan pa rin ang katotohanan, pinatutunayan niyon na hindi ka pa matanda at sapat pa ang iyong kakayahan. Kung ang isang tao ay nasa 70 na ngunit hindi pa rin niya nauunawaan ang katotohanan, ipinapakita nito na napakababa ng kanyang tayog at hindi niya kaya ang gawain. Samakatuwid, walang kinalaman ang edad pagdating sa katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos at pagnilayan ang kalagayan ko, napagtanto ko na ang kalagayan ko ay ang mismong inilantad ng Diyos, at nakaramdam ako ng kahihiyan. Sa loob ng maraming taon, nanampalataya ako sa Diyos at tumuon sa panlabas na gawain sa halip na magsikap sa katotohanan, at wala akong malinaw na pagkaunawa sa mga katotohanan tungkol sa kung paano gumagawa ang Diyos para iligtas ang mga tao. Nang sandaling magkasakit ako, nalantad ang lahat ng aking tiwaling disposisyon at mga nakalilinlang, may pagkiling na kaisipan at pananaw. Noong malusog ako, walang karamdaman o sakunang sumasapit sa akin, araw-araw kong ginagawa ang mga tungkulin ko gaya ng ginagawa ng sinumang taong bata pa, at talagang nakaramdam ako ng saya. Habang tumatanda ako, sunod-sunod akong nagkaroon ng iba’t ibang sakit, at palagi akong nag-aalala kung kailan ako muling magkakasakit at hindi na makakagawa ng mga tungkulin ko. Madalas akong mag-alala at madismaya, nalulugmok sa mga negatibong emosyon. Kalaunan, nang magkasakit ako at hindi ko magawa ang mga tungkulin ko, tuluyan akong nalugmok at nagkamali pa nga ako ng pagkaunawa sa Diyos, iniisip na nais ng Diyos na itiwalag ako at na hindi na Niya ako ililigtas, kaya hindi ako makabangon at namuhay sa negatibong kalagayan. Ngayon naunawaan ko na bagaman matanda na ako at may sakit, at hindi makalabas para gawin ang mga tungkulin ko, malinaw pa rin ang isipan ko, nauunawaan ko pa rin ang mga salita ng Diyos, at kaya ko pa ring hanapin ang katotohanan para lutasin ang aking tiwaling disposisyon. Sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, nagkamit ako ng pananalig. Tahimik kong sinabi sa sarili ko na habang nabubuhay pa ako, kailangan kong samantalahin ang limitadong pagkakataong ito na magsikap para sa katotohanan at gamitin ang katotohanan para lutasin ang may pagkiling at nakalilinlang na mga kaisipan at pananaw sa loob ko. Nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, noong nagawa kong igugol ang sarili ko sa aking mga tungkulin noon, naramdaman ko na talagang hinangad ko ang katotohanan, pero ngayong nagkasakit na ako, nagkaroon ako ng mga maling pagkaunawa at sobra akong nabigatan ng pagkanegatibo. Ano ba mismo ang naging sanhi nito? Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo po ako para matuto ako ng aral.”

Nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang lahat ng sumasampalataya sa Diyos ay handa lamang na tanggapin ang biyaya, mga pagpapala, at mga pangako ng Diyos, at handa lamang tanggapin ang Kanyang kabaitan at habag. Ngunit walang naghihintay o naghahanda na tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, ang Kanyang mga pagsubok at pagpipino, o ang Kanyang pagkakait, at walang ni isang tao ang naghahandang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang Kanyang pagkakait, o ang Kanyang mga sumpa. Normal ba o hindi normal ang relasyong ito sa pagitan ng mga tao at ng Diyos? (Hindi normal.) Bakit mo nasabing hindi normal ito? Ano ang kulang dito? Ang kulang dito ay hindi taglay ng mga tao ang katotohanan. Ito ay dahil napakaraming kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, palagi silang nagkakamali ng pagkaunawa sa Diyos, at hindi nila inaayos ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan—kaya’t malaki ang posibilidad na magkakaroon ng mga problema. Sa partikular, nananampalataya lamang ang mga tao sa Diyos para sila ay pagpalain. Nais lamang nilang makipagkasundo sa Diyos, at humingi ng mga bagay mula sa Kanya, ngunit hindi nila hinahangad ang katotohanan. Napakamapanganib nito. Sa sandaling makatagpo sila ng isang bagay na salungat sa kanilang mga kuru-kuro, agad silang magkakaroon ng mga haka-haka, hinaing, at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, na maaari pa ngang umabot sa pagtataksil sa Kanya. Malubha ba ang mga kahihinatnan nito? Anong landas ang tinatahak ng karamihan ng mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos? Bagamat maaaring nakapakinig na kayo sa napakaraming sermon at pakiramdam ninyo ay marami na kayong naunawaan na katotohanan, ang totoo ay tinatahak pa rin ninyo ang landas ng pananampalataya sa Diyos para lamang makinabang hangga’t maaari(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (11)). “Nananampalataya ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t umiiral ito sa puso ng lahat? Isang katunayan na umiiral nga ito. Bagama’t hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at hangaring magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay hindi matinag-tinag noon pa man. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang kaalaman na batay sa karanasan ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang halagang binabayaran nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagpapakapagod para dito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung mawawala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Ang inilantad ng Diyos ay ang tunay kong kalagayan. Sa loob ng maraming taon ng pananampalataya sa Diyos, ang mga paggugol at pagdurusa ko ay bunsod lahat ng pagnanais ko na magkamit ng mga pagpapala. Itinuring kong mga alas ang aking mga sakripisyo at mga paggugol para ipagpalit sa pagpasok sa kaharian. Naniwala ako na kung mas marami akong tiniis na paghihirap, mas malaki ang halagang ibinayad ko, at mas marami akong inihandang mabuting gawa, mas magiging kalipikado ako na maligtas. Kaya, tumuon ako sa pagdurusa at paggugol sa mga tungkulin ko, pero nang magkasakit ako at hindi ko na magawa ang mga tungkulin ko, nalugmok ako. Tunay akong ibinunyag nito sa kung ano talaga ako. Kapag may makukuha akong pakinabang, nagagawa kong isantabi ang lahat, magtiis ng mga paghihirap, magbayad ng halaga, at gumugol ng sarili ko, pero nang makita kong nawala na ang pag-asa kong makatanggap ng mga pagpapala, sumuko ako sa sarili ko, at sa isang iglap, lumitaw ang lahat ng magling pagkaunawa at reklamo. Nakita ko na ginagawa ko ang mga tungkulin ko para lang magkamit ng mga pagpapala, itinuturing ang aking mga pagsisikap, pagdurusa, at paggugol bilang mga paraan para makipagtawaran sa Diyos. Tunay akong kasuklam-suklam! Sa ginawa ko, hindi lang ako kinasuklaman at kinamuhian ng Diyos, kundi nainis din ako sa sarili ko. Ang taong katulad ko ay hindi karapat-dapat sa pagliligtas ng Diyos! Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, nakita ko na nasa maling landas ako sa aking pananalig, at na kung hindi ako magsisisi, nakatadhana akong mabigo.

Isang araw, higit pa akong nagbasa ng mga salita ng Diyos: “Ang pananalig sa Diyos ay hindi tungkol sa pagtatamo ng biyaya o ng pagpapaubaya at awa ng Diyos. Tungkol saan ito, kung gayon? Tungkol ito sa pagkakaligtas. Kaya, ano ang tanda ng kaligtasan? Ano ang mga pamantayan na hinihingi ng Diyos? Ano ang kailangan para maligtas? Ang kalutasan ng tiwaling disposisyon ng isang tao. Ito ang pinakamahalagang punto ng usapin. Kaya sa huli, kapag naisaalang-alang na ang lahat, gaano ka man nagdusa o gaano man kalaking halaga ang ibinayad mo, o gaano ka man katunay na mananampalataya na gaya ng ipinahahayag mo—kung sa huli ay hindi man lang nalutas ang iyong tiwaling disposisyon, nangangahulugan ito na hindi ka isang taong naghahangad ng katotohanan. O maaaring sabihin na kaya hindi nalutas ang iyong tiwaling disposisyon ay dahil hindi mo hinahangad ang katotohanan. Nangangahulugan ito na hindi mo man lang tinahak ang landas ng kaligtasan; nangangahulugan ito na walang naging epekto sa iyo ang lahat ng sinasabi ng Diyos at lahat ng ginagawa Niya upang iligtas ang tao, at wala itong kinahantungang patotoo mula sa iyo, at hindi ito nagbunga sa loob mo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (2)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang kaligtasan ay hindi nasusukat sa kung gaano karaming daan ang nalakbay ng isang tao o kung gaano kalaki ang halagang ibinayad niya. Gaano man karaming daan ang nalakbay ng isang tao o gaano man siya nagdusa, kung hindi nagbago ang kanyang disposisyon, hindi siya maliligtas at matitiwalag siya sa huli. Sa pamamagitan lang ng paghahangad sa katotohanan at pagbabago ng sariling disposisyon, makakamit ng isang tao ang pagsang-ayon ng Diyos. Noon, naniwala ako na kung mas maraming tungkulin ang ginagawa ko at mas matindi ang pagdurusa ko, magiging mas malaki ang pagkakataon kong maligtas. Kaya, tumuon lang ako sa paggawa ng gawaing panlabas, ginugugol ang aking sarili at nagdurusa, iniisip na kung gagawin ko ang mga bagay na ito, magkakaroon ako ng pagkakataong maligtas, at inakala ko pa ngang makatarungan ang paghahangad ko. Napagtanto ko na tunay na baluktot ang mga pananaw ko. Noong nagkasakit ako, hindi ko hinanap ang katotohanan para lutasin ang aking tiwaling disposisyon, sa halip, nagkaroon ako ng mga maling pagkaunawa at nagreklamo ako laban sa Diyos, at namuhay ako sa isang kalagayan ng pagkanegatibo. Dahil sa kawalan ko ng paghahangad sa katotohanan, gaano man karaming daan ang aking nilakbay o gaano man ako nagdusa, kung hindi magbabago ang aking disposisyon sa buhay, hindi ko makukuha ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pagkakataong ibinibigay ng Diyos sa mga tao para gawin ang kanilang mga tungkulin ay naglalayong bigyan sila ng kakayahang tumuon sa buhay pagpasok sa panahong ginagawa ang kanilang mga tungkulin, at pahintulutan silang makakilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at patuloy na magnilay-nilay sa kanilang sarili at maghangad sa katotohanan para lutasin ang kanilang tiwaling disposisyon. Sa pamamagitan lang ng paggawa ng mga bagay na ito makakamit ng mga tao ang kaligtasan mula sa Diyos. Narinig ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos na pinamagatang “Nais ng Diyos na Hangarin ng Sangkatauhan ang Katotohanan at Mabuhay”:

…………

3  Para sa bawat tao, hindi mahalaga ang iyong kakayahan, o edad, o kung ilang taon ka nang nananampalataya sa Diyos, dapat kang magsumikap tungo sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Hindi mo dapat bigyang-diin ang anumang obhetibong mga palusot; dapat mong hangarin ang katotohanan nang walang kondisyon. Huwag iraos lang ang mga bagay-bagay. Ipagpalagay nang itinuring mo ang paghahangad sa katotohanan bilang isang dakilang usapin ng buhay mo, at nagpupursigi at nagsusumikap ka para dito, at marahil ang mga katotohanang nakamit at nagawa mong maabot ay hindi ang mga inaasam mo, pero sinabi ng Diyos na bibigyan ka Niya ng nababagay na hantungan dahil sa saloobin mo ng paghahangad sa katotohanan at sa sinseridad mo—napakaganda niyon!

4  Sa ngayon, huwag tumuon sa kung ano ang kahahantungan at kalalabasan mo, o kung ano ang mangyayari at ano ang magaganap sa hinaharap, o kung maiiwasan mo ba ang sakuna at hindi ka mamamatay—huwag mong isipin o hilingin ang mga bagay na ito. Tumuon ka lang sa mga salita at mga hinihingi ng Diyos, at hangarin mo ang katotohanan, gawin nang maayos ang iyong tungkulin, at tugunan ang mga layunin ng Diyos, at iwasang biguin ang anim na libong taong paghihintay ng Diyos, at ang Kanyang anim na libong taon ng pananabik. Bigyan ng kaunting kapanatagan ang Diyos; hayaan Siyang makakita ng pag-asa sa iyo, at hayaang matupad ang Kanyang mga kahilingan sa iyo. Sabihin mo sa Akin, tatratuhin ka ba ng Diyos nang masama kung gagawin mo ito? At kahit na ang mga resulta sa huli ay hindi ang ninanais ng mga tao, bilang mga nilikha, dapat silang magpasakop sa lahat ng bagay sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, nang walang anumang mga personal na plano. Tama na magkaroon ng ganitong mentalidad.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan

Pagkatapos nito, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang paghahangad sa katotohanan ay isang malaking bagay sa buhay ng tao. Wala nang ibang bagay na kasinghalaga ng paghahangad sa katotohanan, at wala nang ibang usapin ang mas hihigit pa sa pagkamit sa katotohanan. Naging madali ba, na sumunod sa Diyos hanggang sa kasalukuyan? Magmadali kayo, at ituring na mahalaga ang paghahangad ninyo sa katotohanan! Ang yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ang pinakaimportanteng yugto ng gawain na ginagawa ng Diyos sa mga tao sa Kanyang anim na libong taon ng pamamahala. Ang paghahangad sa katotohanan ang pinakamataas na ekspektasyon ng Diyos sa Kanyang mga hinirang na tao. Umaasa Siya na tinatahak ng tao ang tamang landas, ang paghahangad sa katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan). Mula sa mga salita ng Diyos, naramdaman ko ang masisidhing layunin ng Diyos, at tunay na naantig ang puso ko. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko sa pagsisisi at pagkakonsensiya. Sa pagbabalik-tanaw sa mga taon ng pananalig ko sa Diyos, nakita ko na hindi ako nakatuon sa paghahanap ng katotohanan sa mga salita ng Diyos, kundi nakatuon lang sa panlabas na gawain, at na halos hindi nagbago ang aking disposisyon sa buhay. Biniyayaan ako ng Diyos ng pagkakataong gawin ang mga tungkulin ko, naglalayong hangarin ko ang katotohanan at buhay pagpasok sa panahon ng aking mga tungkulin, pero naligaw ako, ginagamit ang mga tungkulin ko para subukang makipagtawaran sa Diyos. Sa anong paraan ako mayroong konsensiya o katwiran? Hindi na ako makatuon sa aking kalalabasan at kahahantungan. Hindi mahalaga kung paano ako tatratuhin ng Diyos o kung magkakaroon ba ako ng magandang kalalabasan, kailangan kong taimtim na hangarin ang katotohanan at gawin ang tungkulin ko sa abot ng aking makakaya para bigyang-ginhawa ang puso ng Diyos. Kalaunan, nang medyo bumuti ang kalusugan ko, nagsimula akong gumawa ng mga tungkulin sa pagho-host.

Pagkatapos nito, dahil sa matinding pang-uusig at pag-arestong ginawa ng CCP, hindi na ako makagawa ng mga tungkulin sa pagho-host. Pakiramdam ko ay medyo naligaw ako. Pero naisip ko, kahit hindi ko magawa ang tungkulin ko, maaari pa rin akong mag-isang magsagawa sa bahay ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at maglaan ng higit pang pagsisikap sa pagbubulay-bulay ng mga ito, at maaari din akong magsulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan, maghanap ng katotohanan at magnilay-nilay sa sarili ko. Dagdag pa rito, may mga aral na maaari kong matutunan sa bahay. Noon, palagi kong nais na ako ang masunod, na magsalita mula sa isang posisyon ng katayuan, at makipagtalo kapag may nangyayari, na kinapapalooban ng aking mayabang na disposisyon na kailangan kong lutasin. Kaya, binasa ko ang mga salita ng Diyos at pinagnilayan ko ang aking sarili, at kapag may nangyayari sa akin, sinasadya kong magpasakop at matuto ng mga aral, natututong isantabi ang sarili ko at tanggapin ang patnubay ng iba. Ngayon, matanda na ako at hindi ko na kayang gumawa ng anumang mahalagang tungkulin. Pero sinasabi ng Diyos: “Naging madali ba, na sumunod sa Diyos hanggang sa kasalukuyan? Magmadali kayo, at ituring na mahalaga ang paghahangad ninyo sa katotohanan! Ang yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ang pinakaimportanteng yugto ng gawain na ginagawa ng Diyos sa mga tao sa Kanyang anim na libong taon ng pamamahala. Ang paghahangad sa katotohanan ang pinakamataas na ekspektasyon ng Diyos sa Kanyang mga hinirang na tao. Umaasa Siya na tinatahak ng tao ang tamang landas, ang paghahangad sa katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan). Ang mga salita ng Diyos ay nagbibigay-inspirasyon sa akin, at handa akong magsikap sa paghahangad ng katotohanan. Habang nabubuhay ako, hahangarin ko ang katotohanan at masigasig akong susunod sa Diyos!

Sinundan:  73. Mga Kabatirang Nakamit Mula sa Pagkakapungos

Sumunod:  76. Mga Pagninilay Matapos Mawala ang Tungkulin Ko

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger