77. Tama Ba ang Pananaw na “Ang Kabutihang Natanggap Ay Dapat Suklian Nang May Pasasalamat”?

Ni Pei Zhiming, Tsina

Noong unang bahagi ng 2017, ipinangaral sa akin ng kapitbahay kong si Li Lan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matapos ang isang panahon ng pagsisiyasat, nakumpirma ko ang gawain ng Diyos at nagsimulang maunawaan ang ilang katotohanan. Lalo na nang makita ko na ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay gumagawa para linisin ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at na hangga’t taos-pusong hinahangad ng mga tao ang katotohanan, maaari silang maligtas at magkamit ng buhay na walang hanggan, labis akong natuwa at nabuhayan ng loob. Napagtanto ko na hindi ito isang bagay na mabibili ng pera o materyal na bagay, at lubos akong nagpapasalamat kay Li Lan mula sa kaibuturan ng puso ko. Naalala ko noong una kong tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, napipigilan ako sa mga pagtitipon dahil inuusig ako ng asawa ko, at lubhang negatibo ang kalagayan ko, at ang pagmamahal at pagtitiyaga ni Li Lan ang patuloy na tumulong at sumuporta sa akin, pumipigil sa akin sa pagbagsak. Unti-unti, naunawaan ko ang ilang katotohanan at nagkaroon ng pananalig. Hindi na ako napipigilan ng asawa ko at nakakadalo na ako at nagagawa ang mga tungkulin ko nang normal. Kapag ginagawa ko ang mga tungkulin ko, tinutulungan ako ni Li Lan sa pag-aalaga ng aking mga anak at sa pamamahala sa mga gawaing bahay. Madalas kong naiisip, “Ang kakayahan kong manampalataya sa Diyos at gawin ang mga tungkulin ko nang maluwag na hindi pinipigilan ng asawa ko ay dahil lahat sa tulong ni Li Lan. Si Li Lan ay isang taong may malaking naitulong sa akin, at siya ang taong kailanman ay hindi ko malilimutan. Kailangan kong makahanap ng pagkakataon na masuklian ang kabutihan nya sa hinaharap.”

Isang araw ng Oktubre 2021, sinabi sa akin ng lider, “Puro tungkol sa mga gawaing bahay ang sinasabi ni Li Lan sa mga pagtitipon, at ito ay nakaaabala sa mga kapatid at hindi nila matutukan ang pagninilay at pakikipagbahaginan sa mga salita ng Diyos. Nakipagbahaginan na kami sa kanya at ilang beses na naming ipinunto ang kanyang pag-uugali, at tinanggap naman niya ito sa salita, pero pagbalik na pagbalik niya sa kasunod na pagtitipon, ganoon pa din ang ginagawa niya. Malubha na ang pag-uugali niya bilang isang hindi mananampalataya, at nangangalap ang iglesia ng mga pagtataya mula sa mga kapatid tungkol sa kanya. Dahil magkalapit ang mga bahay ninyo at matagal mo na siyang nakakasalamuha, pakisulat ang pagtataya mo tungkol sa kanya.” Nang marinig ko ang sinabing ito ng lider, nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko. Alam ko naman talaga ang sitwasyon ni Li Lan; magkalapit ang mga bahay namin, at madalas siyang pumunta sa bahay namin. Kapag binabasa namin ang mga salita ng Diyos at nagbabahaginan tungkol sa mga kalagayan namin, napansin kong hindi talaga nakatuon ang isip niya sa mga salita ng Diyos, at madalas siyang magkuwento ng mga walang kabuluhang bagay tungkol sa pamilya, minsan tungkol sa kawalan sa kanya ng pakialam ng asawa niya, at sa susunod naman tungkol sa pagiging suwail ng anak niya. Nakikipagbahaginan ako sa kanya na dapat niyang tanggapin ito bilang mula sa Diyos at hanapin ang katotohanan para matuto ng mga aral, pero hindi niya kailanman tinanggap ang mga bagay na ito, at noong nagkita ulit kami, pareho pa rin ang mga kinukuwento niya, at talagang naiinis ako rito. Dagdag pa rito, hindi niya kailanman inilalagay ang puso niya sa kanyang mga tungkulin, at palagi siyang pabaya sa kanyang gawain na mga pangkalahatang gawain. Ilang beses ko na siyang itinama at isiniwalat sa kanyang pagganap sa kanyang mga tungkulin, pero tinatanggap lang niya ito sa salita at pagkatapos ay ipinagpapatuloy pa rin ang dating gawi. Ngayon ay ginugulo na rin niya ang mga kapatid, na nagiging dahilan para hindi sila magkaroon ng mapayapang mga pagtitipon, at sa kabila ng maraming paalala at tulong, hindi pa rin niya tinatanggap ang payong ito. Nakita kong hindi talaga tinatanggap ni Li Lan ang katotohanan at palagi niyang ginagambala at ginugulo ang buhay iglesia, at malinaw na hindi siya nababagay na manatili sa iglesia. Pero naisip ko na kung isisiwalat ko ang pag-uugali nya, kailangang paalisin si Li Lan bilang isang hindi mananampalataya, at labis akong nalungkot sa ideyang ito. Nagnilay ako sa katunayang nagawa kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at nagkaroon ako ng pagkakataong hangarin ang katotohanan at maligtas, ang lahat ay dahil ipinangaral sa akin ni Li Lan ang ebanghelyo. At sa mga panahong ako ay negatibo at mahina, si Li Lan ang patuloy na tumulong at umalalay sa akin. Dagdag pa rito, kapag gumagawa ako ng mga tungkulin ko sa labas, madalas akong tinutulungan ni Li Lan sa pag-aalaga ng aking mga anak at sa pag-aasikaso ng mga gawaing bahay. Sabi nga sa kasabihan, “Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal,” at higit pa rito, napakaraming naitulong sa akin ni Li Lan, kaya kung isisiwalat ko ang pag-uugali niya bilang isang hindi mananampalataya, hindi kaya magpapakita iyon na wala akong konsensiya? Sa ganitong pag-iisip maingat kong sinabi sa lider, “Sa nakalipas na dalawang taon, hindi na ako nakikipagtipon kay Li Lan at kaya hindi ko siya gaanong kilala.” Ipinagtanggol ko rin si Li Lan, at sinabi ko, “Si Li Lan ay masigasig, at kahit inuusig siya ng kanyang pamilya, gusto talaga niyang gampanan ang mga tungkulin niya.” Sinabi ng lider, “Isang sister na nakasalamuha ni Li Lan nang dalawang beses ang nakapansin na nakakaabala ito sa buhay iglesia, at may pagkilatis siya tungkol kay Li Lan. Kung tutuusin, dapat ay mas kilala mo siya, talaga bang wala kang anumang pagkilatis tungkol sa kanya?” Nang mapagtanto kong nasiwalat na ang kasinungalingan ko, medyo nahiya ako, pero nang maisip ko kung gaano kabuti sa akin si Li Lan, ayaw ko pa ring magsulat ng pagtataya tungkol sa kanya. Pagkaalis ng lider, nakaramdam ako ng pagkabalisa, para bang may mabigat na batong nakadagan sa puso ko. Isang araw, umuwi ang anak kong babae mula sa pagtitipon at sinabi sa akin, “Habang nasa pagtitipon, panay ang kuwento ni Li Lan tungkol sa mga usapin sa bahay, at imposible para sa amin na magkaroon nang maayos na pagtitipon, at sa kabila ng paulit-ulit na pakikipagbahaginan at paglalantad ng mga kapatid sa kanya, hindi pa rin siya nagbabago. Ang lahat ay nagsabing ayaw na nilang makasama siya sa pagtitipon.” Nang marinig ko ang sinabing ito ng anak kong babae, alam kong ginugulo pa rin ni Li Lan ang buhay iglesia, at lubha akong nakonsensiya, iniisip ko, “Kung ilalantad ko ang ugali ni Li Lan, baka mas mapabilis ang pagpapaalis kay Li Lan sa iglesia, at hindi na gaanong maaabala ang mga kapatid. Pero kung isusumbong ko siya sa lider, aakusahan kaya ako ni Li Lan na walang utang na loob at walang konsensiya kapag nalaman niya? Paano ko siya haharapin?” Sa pag-iisip ng mga ito, labis akong naguluhan, at sa huli, hindi pa rin ako nagbigay ng pagtataya tungkol kay Li Lan.

Makalipas ang ilang sandali, isang sister na gumagawa ng gawain ng pag-aalis ang dumalo sa isang pagtitipon kasama namin, at bigla niya akong tinanong kung may alam ako tungkol kay Li Lan. Bumilis ang tibok ng puso ko at naisip ko, “Bakit bigla na lang nagtatanong ang sister tungkol kay Li Lan? Paano ko sasagutin ito? Kung sabihin ko na may alam ako tungkol sa kanya, tatanungin ako ng sister nang detalyado tungkol sa pag-uugali ni Li Lan, at kung sasabihin ko ang totoo, malamang na mapapaalis si Li Lan. Puwede ko namang sabihin na wala akong alam, pero nakapagsinungaling na ako minsan. Kung magsisinungaling ako ulit, hindi ba ako magiging isang walanghiyang sinungaling?” Labis akong naguluhan, kaya agad akong nagdasal sa Diyos, “Diyos ko! Tiyak na pinahintulutan Mo ang tanong ng sister na ito, pakibigyan Mo ako ng lakas para maisagawa ang katotohanan.” Pagkatapos manalangin, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Lahat kayo ay nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba ay isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba ay may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapahihintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matugunan sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba ay taong sumusunod sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mong isipin ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Ang bawat tanong ng Diyos ay tumagos sa puso ko. Umaasa ang Diyos na isasaalang-alang ko ang Kanyang pasanin at pangangalagaan ang interes ng iglesia, at na kaya kong agad na ilantad at iulat ang sinumang nagdudulot ng gulo sa buhay iglesia. Madalas akong nakikipag-ugnayan kay Li Lan, at malinaw sa akin ang mga kilos niya. Palagi siyang tumatangging tanggapin ang katotohanan, at tuwing may mga pagtitipon, binabanggit niya ang mga usaping pampamilya at ginugulo ang mga tao sa mapayapang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Sa kabila ng maraming beses na pagbabahaginan at pagtatama, hindi pa rin siya nagsisi, at labis na nitong nagulo ang buhay iglesia. Dapat kong isagawa ang katotohanan para mapangalagaan ang kapakanan ng iglesia, ibigay nang tapat ang mga detalye ng sitwasyon na naunawaan ko, at alisin si Li Lan sa iglesia sa tamang panahon, para magkaroon ng mapayapang kapaligiran ang mga kapatid kung saan maisasabuhay ang buhay iglesia. Ito ay may pagsasaalang-alang sa layunin ng Diyos at sa Kanyang pasanin. Kaya sinabi ko ang totoo sa sister tungkol sa hindi nagbabagong pag-uugali ni Li Lan, at isa-isa niyng isinulat ang lahat ng sinabi ko sa kanya. Matapos kong sabihin ang mga bagay na ito sa kanya, nakaramdam ako ng kapayapaan at ginhawa sa aking puso. Hindi nagtagal, pinaalis si Li Lan sa iglesia, at hindi na naabala ang mga kapatid sa tuwing may mga pagtitipon.

Pero pagkatapos, ramdam ko pa rin na may utang na loob ako kay Li Lan. Kalaunan, nang mabanggit ko ito sa isang kapatid, nakipagbahaginan siya sa akin, “Ang palagi mong nararamdaman na may utang ka kay Li Lan ay dulot ng impluwensya ng pananaw na ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian.” Binigyan ako ng kapatid ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang ideya na ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian ay isa sa mga klasikong pamantayan sa tradisyonal na kultura ng Tsino para husgahan kung ang isang tao ba ay moral o imoral. Kapag kinikilatis kung ang pagkatao ng isang tao ay mabuti o masama, at kung gaano katuwid ang moralidad ng kanyang asal, isa sa mga pinagbabatayan ay kung sinusuklian ba niya ang mga pabor o tulong na natatanggap niya—kung siya ba ay isang tao na buong-pasasalamat na sinusuklian ang kabutihang natanggap o hindi. Sa tradisyonal na kultura ng Tsina, at sa tradisyonal na kultura ng sangkatauhan, itinuturing ito ng mga tao bilang mahalagang pamantayan ng moralidad. Kung hindi nauunawaan ng isang tao na ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian, at siya ay walang utang na loob, kung gayon, siya ay itinuturing na walang konsensiya at hindi nararapat na makaugnayan, at dapat siyang kasuklaman, itaboy, at tanggihan ng lahat. Sa kabilang banda, kung nauunawaan ng isang tao na ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian—kung siya ay tumatanaw ng utang na loob at sinusuklian ang mga pabor at tulong na natatanggap niya sa abot ng kanyang makakaya—itinuturing siya na isang taong may konsensiya at pagkatao. Kung ang isang tao ay nakatatanggap ng mga pakinabang o tulong mula sa ibang tao, pero hindi niya ito sinusuklian, o nagpapahayag lang siya ng kaunting pasasalamat dito sa simpleng ‘salamat’ at wala nang iba pa, ano ang iisipin ng ibang taong iyon? Mababahala kaya siya tungkol dito? Iisipin ba niya, ‘Ang taong iyon ay hindi nararapat na tulungan, hindi siya mabuting tao. Kung ganoon ang reaksiyon niya kahit labis ko siyang tinulungan, wala siyang konsensiya o pagkatao, at hindi nararapat na makaugnayan’? Kung muli niyang makasasalamuha ang ganitong uri ng tao, tutulungan pa rin ba niya ito? Hindi niya ito gugustuhin man lang(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). “Mula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan, napakaraming tao na ang naimpluwensiyahan ng ideya, pananaw, at pamantayang ito ng wastong asal tungkol sa pagsukli sa kabutihan. Kahit pa ang taong nagpakita ng kabutihan sa kanila ay isang masama o tiwaling tao at itinutulak sila nitong gumawa ng mga kasuklam-suklam at masamang gawa, nilalabag pa rin nila ang sarili nilang konsensiya at katwiran, pikit-mata silang sumusunod upang suklian ang kabutihan nito, na nagdudulot ng maraming nakapipinsalang kahihinatnan. Masasabing maraming taong, matapos maimpluwensiyahan, malimitahan, mapigilan, at maigapos ng pamantayang ito ng wastong asal, ay pikit-mata at maling nagtataguyod sa pananaw na ito ng pagsukli sa kabutihan, at malamang na tulungan at suportahan pa nila ang masasamang tao. Ngayong narinig na ninyo ang Aking pagbabahagi, malinaw na sa inyo ang sitwasyong ito at matutukoy na ninyo na hangal na katapatan ito, at na maituturing ang pag-uugaling ito na pag-asal nang hindi nagtatakda ng anumang limitasyon, at walang-ingat na pagsukli sa kabutihan nang walang anumang pagkilatis, at na wala itong kabuluhan at halaga. Dahil natatakot ang mga taong makastigo sila ng opinyon ng madla o makondena ng iba, napipilitan silang ilaan ang kanilang mga buhay sa pagsukli sa kabutihan ng iba, isinasakripisyo pa nga nila ang kanilang buhay sa prosesong ito, na isang nakalilinlang at hangal na paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay. Bukod sa naigapos ng kasabihang ito mula sa tradisyonal na kultura ang pag-iisip ng mga tao, naglagay rin ito ng hindi kinakailangang bigat at abala sa kanilang buhay at nagbigay sa kanilang mga pamilya ng karagdagang pagdurusa at mga pasanin. Maraming tao na ang nagbayad ng malalaking halaga upang masuklian ang kabutihang natanggap—ang tingin nila sa pagsukli sa kabutihan ay isang responsabilidad sa lipunan o sarili nilang tungkulin at maaari pa nga nilang igugol ang buong buhay nila sa pagsukli sa kabutihan ng iba. Naniniwala silang ganap na likas at makatwiran na gawin ang bagay na ito, isang hindi matatakasang tungkulin. Hindi ba’t hangal at katawa-tawa ang perspektiba at paraang ito ng paggawa sa mga bagay-bagay? Ganap nitong inihahayag kung gaano ka-ignorante at kawalang-kaliwanagan ang mga tao. Ano’t anuman, maaaring ang kasabihang ito tungkol sa wastong asal—ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian—ay naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, ngunit hindi ito naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Hindi ito katugma ng mga salita ng Diyos at isa itong maling pananaw at paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pag-aatubili kong ibigay ang mga detalye tungkol sa pag-uugali ni Li Lan ay dahil sa pagkakagapos at paglilimita ng pananaw ng pagiging mapagpasalamat at pagsusukli ng kabutihan. Mula pagkabata, madalas akong turuan ng mga magulang ko na maging mapagpasalamat at magsukli ng kabutihan. Naniniwala ako na kapag may isang tao na gumawa ng pabor sa akin, kailangan kong maghanap ng paraan para suklian sila, at kung hindi ko ito magagawa, pupunahin ako ng mga tao kapag nakatalikod ako at tatawagin akong walang utang na loob. Kaya itinuring ko ang pagiging mapagpasalamat at pagsukli ng kabutihan bilang isang prinsipyo ng pag-asal. Dinala ko ang ganitong pananaw sa mundo, sinusuklian ko nang doble ang kabutihan ng sinumang mabait sa akin, at gustong makisalamuha sa akin ng lahat ng kapitbahay ko, na lalong nagpapaniwala sa akin na sa pagkilos nang ganito ay naging isa akong taong may konsensiya at pagkatao. Matapos kong matagpuan ang Diyos, nabuhay pa rin ako ayon sa mga tradisyonal na ideyang ito, at dahil ipinangaral sa akin ni Li Lan ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, sinuportahan at tinulungan niya ako noong ako ay mahina at negatibo, at inasikaso din niya ang mga anak ko at ang mga gawaing bahay, tunay akong nagpapasalamat kay Li Lan. Naramdaman ko na ang kakayahan kong gawin ang mga tungkulin nang normal hanggang sa puntong ito ay dahil sa pakikipagbahaginan at tulong ni Li Lan. Naramdaman ko na siya ang isang taong hindi ko kailanman malilimutan. Sa totoo lang, sa madalas kong pakikisalamuha kay Li Lan, napansin ko na lagi lang siyang nakatuon sa mga tao at pangyayari, na hindi niya tinanggap ang mga bagay mula sa Diyos o natuto man lamang ng mga aral, at hindi niya isinapuso ang mga tungkulin niya. Kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos kasama siya, puro walang kabuluhang bagay tungkol sa pamilya ang sinasabi niya, at kaya nakaramdam ng pagkabahala at kaguluhan ang lahat. Ipinakita ng kanyang pag-uugali na hindi siya mananampalataya, at ayon sa mga prinsipyo, dapat siyang paalisin. Dapat ay agad kong iniulat sa mga lider ang pag-uugali ni Li Lan para mapaalis siya sa iglesia. Pero para masuklian ang kabaitan ni Li Lan at maiwasang matawag na walang utang na loob, hindi lang ako nabigong iulat ang kanyang pag-uugali kundi pinangalagaan at pinagpasasa ko pa siya, ninanais na manatili siya sa iglesia. Hindi ba’t pinoprotektahan ko ang isang hindi mananampalataya? Gumagawa ako ng kasamaan at sumasalungat sa Diyos! Ang iglesia ay kung saan sumasamba ang hinirang na mga tao ng Diyos sa Kanya, at ito ay isang lugar para magbahaginan ng mga salita ng Diyos ang mga kapatid. Pero dahil sa mga panggugulo ni Li Lan, hindi kampanteng makapagnilay ng mga salita ng Diyos ang mga kapatid. At para masuklian ang sinasabing kabaitan ni Li Lan sa akin, hind ko siya inilantad. Sa anong paraan mayroon akong konsensiya o pagkatao? Hindi ko talaga makilala ang pagkakaiba ng mabuti at masama, ng tama at mali. Nagawa ko talagang mapoot sa akin ang Diyos! Sa pagkatanto ko nito, napuno ako ng pagsisisi at pagkakonsensiya, kaya nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, nakikita ko na ako ay mahigpit na nakagapos sa tradisyonal na pananaw na ito ng pagiging mapagpasalamat at pagsusukli ng kabutihan, at hindi ko na makilala ang pagkakaiba ng tama sa mali o ng mabuti sa masama. Diyos ko! Nais kong magsisi sa Iyo.”

Kalaunan, nakabasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang tradisyonal na pangkultural na konsepto na ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’ ay kailangang kilatisin. Ang pinakamahalagang bahagi ay ang salitang ‘kabutihan’—paano mo dapat tingnan ang kabutihang ito? Anong aspekto at kalikasan ng kabutihan ang pinatutungkulan nito? Ano ang kabuluhan ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? Dapat alamin ng mga tao ang mga sagot sa mga tanong na ito, at sa anumang pagkakataon ay hindi sila dapat mapigilan ng ideyang ito ng pagsusukli ng kabutihan—para sa sinumang naghahangad sa katotohanan, ito ay lubos na mahalaga. Ano ang ‘kabutihan’ ayon sa mga kuru-kuro ng tao? Sa mas mababang antas, ang kabutihan ay ang pagtulong sa iyo ng isang tao kapag may problema ka. Halimbawa, ang pagbibigay sa iyo ng isang tao ng isang mangkok ng kanin kapag gutom na gutom ka, o isang bote ng tubig kapag uhaw na uhaw ka, o pag-alalay sa iyong makatayo kapag nadapa ka at hindi makabangon. Lahat ito ay paggawa ng kabutihan. Ang dakilang paggawa ng kabutihan ay ang pagliligtas sa iyo ng isang tao kapag nasa desperado kang kalagayan—iyon ay kabutihan na nakapagliligtas ng buhay. Kapag nasa mortal kang panganib at may tumutulong sa iyong makaiwas sa kamatayan, sa esensya ay sinasagip niya ang iyong buhay. Ang mga ito ay ilan sa mga bagay na sa tingin ng mga tao ay ‘kabutihan.’ Ang ganitong uri ng kabutihan ay higit na nalalagpasan ang anumang maliliit at materyal na pabor—ito ay dakilang kabutihan na hindi masusukat sa pera o materyal na mga bagay. Ang mga nakatatanggap nito ay nakararamdam ng pasasalamat na imposibleng maipahayag sa iilang salita lamang ng pagpapasalamat. Ngunit tumpak ba na sukatin ng mga tao ang kabutihan sa ganitong paraan? (Hindi.) Bakit sinasabi mong hindi ito tumpak? (Dahil ang panukat na ito ay nakabatay sa mga pamantayan ng tradisyonal na kultura.) Ito ay isang sagot na batay sa teorya at doktrina, at bagamat mukhang tama ito, hindi nito natutukoy ang diwa ng usapin. Kaya, paano ito maipapaliwanag ng isang tao sa mga praktikal na termino? Pag-isipan itong mabuti. Kamakailan, nabalitaan Ko ang tungkol sa isang video online ng isang lalaking nakalaglag ng pitaka nang hindi niya namamalayan. Isang maliit na aso ang nakapulot sa pitaka at hinabol ang lalaki, at nang makita ito ng lalaki, binugbog niya ang aso dahil inakala niyang ninakaw nito ang pitaka niya. Kakatwa, hindi ba? Mas wala pang moralidad ang lalaking iyon kaysa sa aso! Ang ikinilos ng aso ay ganap na alinsunod sa mga pamantayang pangmoralidad ng tao. Ang isang tao ay makasisigaw sana ng ‘Nalaglag ang pitaka mo!’ Ngunit dahil hindi nakapagsasalita ang aso, tahimik lang nitong pinulot ang pitaka at sumunod sa lalaki. Kaya, kung ang isang aso ay kayang isakatuparan ang ilan sa mabubuting asal na hinihikayat ng tradisyonal na kultura, ano ang sinasabi nito tungkol sa mga tao? Ang mga tao ay ipinanganak na may konsensiya at katwiran, kaya mas may kakayahan silang gawin ang mga bagay na ito. Hangga’t may konsensiya ang isang tao, maisasakatuparan niya ang mga ganitong uri ng responsabilidad at obligasyon. Hindi na kailangang magsumikap o magbayad ng halaga, kaunting pagsisikap lang ang kinakailangan nito at paggawa lang ito ng isang bagay na nakatutulong, isang bagay na kapaki-pakinabang sa iba. Ngunit ang kalikasan ba ng ganitong kilos ay talagang maituturing na ‘kabutihan’? Umaabot ba ito sa antas ng paggawa ng kabutihan? (Hindi.) Dahil hindi, kailangan pa bang pag-usapan ng mga tao ang pagsukli rito? Hindi na ito kakailanganin(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). “Kung minsan, gagamitin ng Diyos ang mga serbisyo ni Satanas upang tulungan ang mga tao, ngunit kailangan nating siguraduhing sa Diyos tayo magpapasalamat sa gayong mga pagkakataon at hindi tayo magsusukli ng kabutihan kay Satanas—ito ay usapin ng prinsipyo. Kapag dumarating ang tukso sa anyo ng isang masamang taong nagkakaloob ng kabutihan, kailangan munang maging malinaw sa iyo kung sino talaga ang tumutulong at umaalalay sa iyo, kung ano ang sarili mong sitwasyon, at kung may ibang landas na puwede mong tahakin. Dapat maging handa kang umangkop sa pagharap sa gayong mga sitwasyon. Kung gusto kang iligtas ng Diyos, kahit kaninong serbisyo pa ang gamitin Niya upang maisakatuparan ito, dapat mo munang pasalamatan ang Diyos at tanggapin ito na mula sa Diyos. Hindi mo dapat idirekta lang sa mga tao ang iyong pasasalamat, lalong huwag mong ialay ang iyong buhay sa isang tao bilang pasasalamat. Isa itong malaking pagkakamali. Ang mahalaga ay mapagpasalamat ang iyong puso sa Diyos, at tinatanggap mo ito mula sa Kanya(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung paano titingnan ang kabaitan ng mga tao. Sa iglesia, kapag ang mga tao ay negatibo, mahina, o nahaharap sa mga pagsubok, nagbabahaginan sa katotohanan ang mga kapatid para tulungan at suportahan ang isa’t isa. Ito ay responsabilidad ng lahat ng hinirang na mga tao ng Diyos, at ito ang hinihingi ng Diyos mula sa Kanyang hinirang na mga tao. Nang usigin ako ng aking asawa, nakapagbahagi si Li Lan ng katotohanan sa akin at natulungan niya ako. Responsabilidad niya ito at hindi ito maituturing na kabaitan. Naunawaan ko rin na tungkol sa aking kakayahang marinig ang tinig ng Diyos at tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, parang si Li Lan ang nangaral ng ebanghelyo sa akin, pero sa likod nito ay ang kataas-taasang kapangyarihan at pagtatakda ng Diyos, kaya dapat sana ay nagpapasalamat ako sa Diyos para sa Kanyang biyaya. Matapos kong matagpuan ang Diyos, hindi ako nadapa dahil sa pag-uusig ng asawa ko, at nagawa ko pa ring makapagpatuloy sa aking mga tungkulin. Ito ay hindi tagumpay ng sinumang tao, kundi resulta ng pagdidilig at pagkain ng mga salita ng Diyos. Pero hindi ko ito tinanggap mula sa Diyos at hindi ako nagpasalamat sa Kanya, at sa halip ay nagpahayag ako ng pasasalamat sa isang tao. Naging walang utang na loob ako at nagrebelde laban sa Diyos!

Sa aking paghahanap, nakabasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagturo sa akin kung paano tatratuhin ang mga tumulong sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Isaalang-alang mo rin ang sitwasyong ito: Dati ay may tumulong sa iyo, naging mabait sa iyo sa mga partikular na paraan at nakaapekto sa iyong buhay o sa kung anong malaking pangyayari, ngunit ang kanyang pagkatao at ang landas na kanyang tinatahak ay hindi naaayon sa sarili mong landas at sa kung ano ang iyong hinahangad. Hindi pareho ang wikang sinasalita ninyo, hindi mo gusto ang taong ito at, marahil, sa isang antas ay masasabing magkaibang-magkaiba ang inyong mga hilig at ang inyong mga hinahangad. Ang inyong mga landas sa buhay, ang inyong mga pananaw sa mundo, at ang inyong mga pananaw sa buhay ay pawang magkakaiba—kayong dalawa ay ganap na magkaibang uri ng tao. Kaya, paano mo dapat harapin at paano ka dapat tumugon sa tulong na dati niyang ibinigay sa iyo? Isa ba itong makatotohanang sitwasyong maaaring maganap? (Oo.) Kaya, ano ang dapat mong gawin? Madali ring harapin ang sitwasyong ito. Yamang magkaibang landas ang tinatahak ninyong dalawa, pagkatapos mo siyang bigyan ng anumang materyal na kabayaran sa abot ng iyong makakaya, natutuklasan mong masyado talagang magkaiba ang inyong mga paniniwala, hindi kayo maaaring tumahak sa iisang landas, ni hindi kayo maaaring maging magkaibigan at hindi na kayo maaaring makisalamuha sa isa’t isa. Paano ka dapat magpatuloy, yamang hindi na kayo maaaring makisalamuha sa isa’t isa? Layuan mo siya. Maaaring naging mabuti siya sa iyo dati, ngunit nanggagantso at nandaraya siya sa lipunan, gumagawa siya ng lahat ng uri ng kasuklam-suklam na bagay at hindi mo gusto ang taong ito, kaya lubos na makatwirang lumayo ka sa kanya. Maaaring sabihin ng ilan, ‘Hindi ba’t kawalan ng konsensiyang kumilos sa ganoong paraan?’ Hindi ito kawalan ng konsensiya—kung talagang mahaharap siya sa ilang paghihirap sa kanyang buhay, pwede mo pa rin siyang tulungan, ngunit hindi ka maaaring magpapigil sa kanya o umayon sa kanya sa paggawa ng mga masama at imoral na gawa. Hindi rin kinakailangang magpaalipin sa kanya dahil lamang sa tinulungan ka niya o ginawan ka niya ng malaking pabor dati—hindi mo obligasyon iyon at hindi siya karapat-dapat sa ganoong uri ng pakikitungo. May karapatan kang magpasyang makihalubilo, gumugol ng panahon, at makipagkaibigan pa nga sa mga taong gusto mo at kasundo mo, sa mga taong tama. Maaari mong tuparin ang iyong responsabilidad at obligasyon sa taong ito, karapatan mo ito. Siyempre, maaari ka ring tumangging makipagkaibigan at makipagtransaksyon sa mga taong hindi mo gusto, at hindi mo kailangang tumupad ng anumang obligasyon o responsabilidad sa kanya—karapatan mo rin ito. Kahit magpasya ka pang talikuran ang taong ito at tumangging makihalubilo sa kanya o tumupad ng anumang responsabilidad o obligasyon sa kanya, hindi ito magiging mali. Kailangan mong magtakda ng mga partikular na limitasyon sa paraan ng iyong pag-asal, at tratuhin mo ang iba’t ibang tao sa iba’t ibang paraan. Hindi ka dapat makisama sa masasamang tao o sumunod sa masama nilang halimbawa, ito ang matalinong pasya. Huwag kang magpaimpluwensiya sa iba’t ibang salik tulad ng pasasalamat, mga damdamin, at ng opinyon ng madla—ito ay paninindigan at pagkakaroon ng mga prinsipyo, at ito ang nararapat mong gawin(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naging mas maliwanag ang puso ko. Dapat magkaroon ng paninindigan at mga prinsipyo ang isang tao sa kanilang pag-asal, at para sa mga tumulong sa atin, kailangan nating isaalang-alang ang landas na kanilang tinatahak. Kung sila ay nasa tamang landas, dapat tayong maging mapagparaya at mapagpasensya kapag hindi umaayon sa mga katotohanang prinsipyo ang mga kilos nila at tulungan sila sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa katotohanan. Pero kung sila ay nasa landas ng paglaban sa Diyos, dapat natin silang ilantad at iulat, at kung hindi sila magsisisi, kailangan nating lumayo sa kanila at itakwil sila. Tulad ng minsang pagtulong ni Li Lan sa akin, kung siya ay nakaranas ng mga paghihirap sa buhay, maaari akong magbigay sa kanya ng ilang materyal na tulong, pero ngayong ginugulo niya ang buhay iglesia at nasa landas ng paglaban sa Diyos, hindi ko siya maaaring samahan sa kanyang maling gawain. Kailangan ko siyang ilantad at protektahan ang kapakanan ng iglesia. Ito ang pagkilala ng pagkakaiba ng tama sa mali at ang pagkilos nang may prinsipyo.

Ang paghatol at paglalantad ng mga salita ng Diyos ang nagbigay-daan sa akin na agad maitama ang mga maling pananaw ko, at hindi na malimitahan ng tradisyonal na pananaw na ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na masuklian. at para maunawaan na tanging sa pagtingin sa mga tao at bagay ayon sa mga salita ng Diyos ay saka tayo makakaayon sa Kanyang mga layunin. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  76. Mga Pagninilay Matapos Mawala ang Tungkulin Ko

Sumunod:  80. Ang Mga Kahihinatnan ng Iresponsableng Pagganap sa Tungkulin

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger