79. Ayaw Maging Isang Lider—Ano Ba Ang Sobra Kong Ikinababahala?
Noong halalan ng iglesia noong 2023, narinig ko na gusto akong iboto ng ilang kapatid, pero sa puso ko, ayaw kong maging isang lider. Naalala ko na may ilang panahon na ang nakalilipas, isinaayos ng isang lider na ilipat ng ilang kapatid ang mga handog, pero dahil sa pagpili sa mga maling tao, nasamsam ng malaking pulang dragon ang mga handog, at naaresto ang ilang kapatid. Iniimbestigahan ng iglesia ang mga partikular na kadahilanan. Bagaman hindi tinanggal ang lider na ito, isa pa rin itong malaking pagsalangsang. Naisip ko rin ang isang sister na nakilala ko dati na, habang bilang isang lider, ay kumilos ayon sa kanyang sariling kalooban at inantala ang gawain, na kalaunan ay naging isang huwad na lider at tinanggal. Nang naisip ko ang mga bagay na ito, nangamba ako, naniniwala na ang responsabilidad ng pagiging isang lider ay mahalaga, at maaari siyang matanggal anumang oras kung nilabag niya ang mga prinsipyo sa kanyang mga kilos. Naisip ko, “Ngayon ay naabot na ng gawain ng Diyos ang huli nitong yugto, at ito rin ang panahon kung kailan tinutukoy ng Diyos ang kalalabasan ng bawat tao. Kung, sa kritikal na panahong ito, ay hindi lamang ako nabigong maghanda ng mabubuting gawa kundi gumawa rin ng kasamaan at nakondena, paano ako posibleng magkakaroon ng magandang kalalabasan? Mas mabuting kumuha ng isang trabahong may isang gampanin na walang dalang panganib.” Taglay ang ganitong kaisipan, ayaw kong akuin ang papel ng isang lider. Makalipas ang ilang araw, sa panahon ng halalan ng iglesia, nahalal ako bilang isang lider. Nang makita ko ang resultang ito, hindi ako naging masaya; sa halip, nalungkot ako at nasaktan, iniisip na, “Ang hindi pagtanggap nito ay magpapakita ng kawalan ng pagpapasakop. Kung tatanggapin ko ito, hindi ko lamang kakailanganing higit na magsikap at higit na magtiis kaysa sa iba, kundi gayundin, kapag nagulo ko ang gawain, hindi ito magiging isang maliit na problema. Kung nasalungat ko ang disposisyon ng Diyos, ang paglalakbay ko sa pananampalataya sa Diyos ay matatapos, at hindi ba’t ang lahat ng taon na nanampalataya ako sa Diyos ay mawawalan ng saysay? Mas mabuting gawin ko nang maayos ang kasalukuyang tungkulin ko sa isang praktikal na paraan.” Nang nag-isip ako sa ganitong paraan, sa puso ko ay nakadama ako ng pagsisisi, pero nang isaalang-alang ko ang malaking responsabilidad ng pagiging lider, at kung gaano siya kabilis mabubunyag at matitiwalag kapag nakagawa siya ng isang pagkakamali, ayaw ko pa ring akuin ang papel ng isang lider. Nakadama ako ng pamalagiang paghihirap sa loob, gaya ng isang hilahan-ng-lubid. Kaya nanalangin ako sa Diyos, hinihingi sa Kanya na patnubayan at gabayan ako.
Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, at labis akong naantig. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung pakiramdam mo ay kaya mong gampanan ang isang partikular na tungkulin, ngunit takot ka ring magkamali at matiwalag, kaya naman ikaw ay kimi, hindi umuusad, at hindi umuunlad, isa ba iyang mapagpasakop na saloobin? Halimbawa, kung hinirang ka ng iyong mga kapatid na maging lider nila, maaari mong madama na obligado kang gampanan ang tungkuling ito dahil ikaw ang hinirang, ngunit hindi mo tinitingnan ang tungkuling ito nang may maagap na saloobin. Bakit hindi ka maagap? Dahil may mga iniisip ka tungkol dito, at pakiramdam mo ay, ‘Ni hindi man lang magandang bagay ang maging isang lider. Para bang kaunting galaw mo lang ay maaari kang malagay sa alanganin. Kung magiging mahusay ang paggawa ko, wala namang gantimpala, ngunit kung hindi maganda ang trabaho ko, pupungusan ako. At ang mapungusan ay hindi pa ang pinakamalala. Paano kung palitan ako o itiwalag? Kung mangyayari iyon, hindi ba’t katapusan na ng lahat para sa akin?’ Sa puntong iyon, nagsisimula kang malito. Ano ang saloobing ito? Ito ay pagiging mapagbantay at maling pagkaunawa. Hindi ito ang saloobing dapat taglayin ng mga tao sa kanilang tungkulin. Ito ay isang demoralisado at negatibong saloobin. Kung gayon, paano ba dapat ang isang positibong saloobin? (Dapat tayong maging bukas-puso at tapat, at magkaroon ng tapang na akuin ang mga pasanin.) Ito ay dapat na maging saloobin ng pagpapasakop at aktibong pakikipagtulungan. Ang inyong sinasabi ay medyo walang kabuluhan. Paano ka magiging bukas-puso at tapat kung natatakot ka nang ganito? At ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng tapang na akuin ang mga pasanin? Anong mentalidad ang magbibigay sa iyo ng tapang na akuin ang mga pasanin? Kung palagi kang natatakot na may mangyayaring hindi maganda at hindi mo ito mapapangasiwaan, at marami kang pag-aatubili sa iyong kalooban, kung gayon ay pundamental kang mawawalan ng tapang na tanggapin ang mga pasanin. Ang ‘pagiging bukas-puso at tapat,’ ‘pagkakaroon ng tapang na akuin ang mga pasanin,’ o ‘hindi pag-atras kailanman kahit pa sa harap ng kamatayan’ na sinasabi ninyo, ay tila katulad ng mga islogang isinisigaw ng galit na mga kabataan. Malulutas ba ng mga islogang ito ang mga praktikal na problema? Ang kinakailangan ngayon ay ang tamang saloobin. Para magkaroon ng tamang saloobin, dapat mong maunawaan ang aspektong ito ng katotohanan. Ito ang tanging paraan para malutas ang iyong mga suliranin sa iyong kalooban, at para matulutan kang maluwag na tanggapin ang atas na ito, ang tungkuling ito. Ito ang landas ng pagsasagawa, at ito lamang ang katotohanan. Kung gumagamit ka ng mga salitang tulad ng ‘pagiging bukas-puso at tapat’ at ‘pagkakaroon ng tapang na akuin ang mga pasanin’ para tugunan ang takot na iyong nararamdaman, magiging epektibo ba ito? (Hindi.) Ipinahihiwatig nito na ang mga bagay na ito ay hindi ang katotohanan, o ang landas ng pagsasagawa. Maaari mong sabihin, ‘Ako ay bukas-puso at tapat, ako ay may tayog na hindi matitinag, walang ibang kaisipan o karumihan ang aking puso, at mayroon akong tapang na akuin ang mga pasanin.’ Sa panlabas ay inaako mo ang iyong tungkulin, ngunit kalaunan, pagkatapos pag-isipan ito nang ilang sandali, nararamdaman mo pa ring hindi mo ito kayang akuin. Maaaring natatakot ka pa rin. Dagdag pa rito, maaari mong makita ang iba na pinupungos, at lalo kang matatakot, tulad ng isang nilatigong aso na takot sa sinturon. Mas mararamdaman mong masyadong mababa ang iyong tayog, at na ang tungkuling ito ay isang pagsubok na napakalaki at mahirap lagpasan, at sa huli ay hindi mo pa rin makakayang akuin ang pasaning ito. Ito ang dahilan kaya hindi nalulutas ng pagbigkas ng mga islogan ang mga praktikal na problema. Kaya paano mo aktuwal na malulutas ang problemang ito? Aktibo mo dapat na hanapin ang katotohanan at magkaroon ng isang nagpapasakop at nakikipagtulungan na saloobin. Ganap na malulutas niyon ang problema. Walang silbi ang pagkamahiyain, takot, at pag-aalala. Mayroon bang anumang kaugnayan sa pagitan ng kung mabubunyag ka at maititiwalag at sa pagiging isang lider? Kung hindi ka isang lider, mawawala ba ang iyong tiwaling disposisyon? Sa malao’t madali, kailangan mong lutasin ang problema ng iyong tiwaling disposisyon. Dagdag pa rito kung hindi ka isang lider, hindi ka magkakaroon ng mas marami pang oportunidad na magsagawa at magiging mabagal ang iyong pag-usad sa buhay, na may kakaunting pagkakataon para magawang perpekto. Bagaman medyo mas marami ang pagdurusa sa pagiging isang lider o manggagawa, nagdudulot din ito ng maraming pakinabang, at kung kaya mong tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan, maaari kang magawang perpekto. Napakalaking pagpapala niyon! Kaya dapat kang magpasakop at aktibong makipagtulungan. Ito ang iyong tungkulin at ang iyong responsabilidad. Anuman ang daan sa hinaharap, dapat kang magkaroon ng puso ng pagpapasakop. Ito dapat ang iyong saloobin sa pagtupad mo ng iyong tungkulin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). Lubusang inilantad ng mga salita ng Diyos ang mga kaisipan sa puso ko kaya nahiya at napahiya ako. Pinagnilayan ko ang sarili ko kung bakit ako naging masyadong takot na maging isang lider. Ito ay dahil sa nakita ko kung paanong ang isang lider ay pumili ng mga maling tao noong nagsasaayos ng paglilipat ng mga handog, na nagresulta sa pagkakasamsam ng malaking pulang dragon sa mga handog at pagkakaaresto sa mga kapatid, at kung paano iniimbestigahan at pinangangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang usapin. Samakatwid, nag-alala ako na kung naging isang lider ako at nakagawa ng malaking pagkakamali sa gawain, hindi lamang ito magdudulot ng mga kawalan sa iglesia kundi maaantala rin ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Magiging malaking pagsalangsang iyon, at mabilis akong mabubunyag at matitiwalag. Kaya, mas ligtas na umako lang ng isang trabahong may isang gampanin. Palagi kong isinaalang-alang ang sarili kong mga interes, hindi nangangahas na tanggapin ang tungkulin ng pagiging isang lider. Nakita ko na naging napakamakasarili ko, na walang bakas ng pagpapasakop. Bagaman ang pagiging isang lider ay kinapapalooban ng mas maraming gawain, nagbibigay ito ng mas maraming oportunidad para sa pagsasanay, mas maraming pagkakataon na makamit ang katotohanan, at mas mabilis na buhay paglago. Nasa likod nito ang mga taimtim na layunin ng Diyos, pero hindi ko naunawaan ang mga layunin ng Diyos, sa halip, sa puso ko ay nagkimkim ako ng pagiging mapagbantay at ng mga maling pagkaunawa sa Diyos. Hindi ba’t napakasakit niyon sa Diyos? Dapat akong magpasakop at aktibong makipagtulungan, na hinahanap ang katotohanan para lutasin ang aking pagiging mapagbantay at mga maling pagkaunawa sa Diyos.
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kahit na isubsob niya ang sarili sa kanyang tungkulin, magbitiw siya sa kanyang trabaho, at talikuran niya ang kanyang pamilya, kung hindi niya ibinibigay sa Diyos ang kanyang puso, at nagiging mapagbantay siya laban sa Diyos, iyon ba ay isang mabuting kalagayan? Iyon ba ang normal na kalagayan ng pagpasok sa katotohanang realidad? Hindi ba’t nakakatakot ang pag-usbong ng kalagayang ito sa hinaharap? Kung magpapatuloy ang isang tao sa ganitong kalagayan, makakamit ba niya ang katotohanan? Makakamit kaya nila ang buhay? Makapapasok ba sila sa katotohanang realidad? (Hindi.) Alam ba ninyo na kayo mismo ay nagtataglay ng mismong kalagayang ito? Kapag namalayan na ninyo ito, iniisip ba ninyo na: ‘Bakit ba palagi akong mapagbantay laban sa Diyos? Bakit ba palaging ganito ako mag-isip? Masyadong nakakatakot ang mag-isip nang ganito! Ito ay pagsalungat sa Diyos at pagtanggi sa katotohanan. Ang pagiging mapagbantay ba laban sa Diyos ay kapareho ng paglaban sa Kanya’? Ang kalagayan ng pagiging mapagbantay laban sa Diyos ay kagaya lamang ng pagiging isang magnanakaw—hindi ka nangangahas mamuhay sa liwanag, natatakot kang ilantad ang iyong mala-demonyong mukha, at kasabay nito, nangangamba ka: ‘Hindi pinaglalaruan ang Diyos. Kaya niyang hatulan at kastiguhin ang mga tao sa lahat ng oras at lugar. Kung gagalitin mo ang Diyos, sa mga hindi malalang kaso, pupungusan ka Niya, at sa mga malalang kaso, parurusahan ka Niya, bibigyan ng sakit, o pahihirapan ka. Hindi kakayanin ng mga tao ang mga bagay na iyon!’ Hindi ba’t mayroong ganitong mga maling pagkaunawa ang mga tao? Ito ba ay may-takot-sa-Diyos na puso? (Hindi.) Hindi ba’t nakakatakot ang ganitong kalagayan? Kapag ang isang tao ay nasa ganitong kalagayan, kapag mapagbantay siya laban sa Diyos, at palaging may ganitong mga kaisipan, kapag palagi siyang mayroong ganitong saloobin sa Diyos, tinatrato ba niya ang Diyos bilang Diyos? Ito ba ay pananalig sa Diyos? Kapag nananalig ang isang tao sa Diyos sa ganitong paraan, kapag hindi niya tinatrato ang Diyos bilang Diyos, hindi ba iyon isang problema? Ang pinakamalala, hindi tinatanggap ng mga tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ni hindi nila tinatanggap ang katunayan ng Kanyang gawain. Iniisip nila: ‘Totoong maawain at mapagmahal ang Diyos, pero mapag-poot din Siya. Kapag sumapit ang poot ng Diyos sa isang tao, nakapipinsala ito. Kaya Niyang patayin ang mga tao anumang oras, sirain ang sinumang naisin Niya. Huwag gisingin ang galit ng Diyos. Totoong hindi pinahihintulutan ng Kanyang pagiging maharlika at pagkapoot ang anumang pagkakasala. Dumistansiya ka sa Kanya!’ Kung ang isang tao ay may ganitong uri ng saloobin at mga ideyang ito, magagawa ba nilang lubos at taos-pusong humarap sa Diyos? Hindi nila magagawa” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maiwawaksi ng Isang Tao ang mga Gapos ng Isang Tiwaling Disposisyon). Habang pinagbubulayan ko ang mga salita ng Diyos at pinagninilayan ang sarili ko, napagtanto ko na bagaman nanampalataya na ako sa Diyos sa loob ng maraming taon, sa panlabas ay tinalikuran ang pamilya at propesyon ko para gawin ang tungkulin ko, sa katunayan ay hindi ko kailanman ibinigay sa Diyos ang puso ko. Palagi akong kumakapit sa mga panuntunan ni Satanas para manatiling buhay, gaya ng “Kapag mas malaki sila, mas mahirap kapag sila’y nahulog” at “Malungkot sa itaas,” tinatrato ang mga ito bilang mga kasabihan at matatalinong salita. Namumuhay ako ayon sa mga panuntunan ni Satanas para manatiling buhay, na hindi nananampalataya sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Tiningnan ko na gaya lang ng mundo ang sambahayan ng Diyos, hindi patas at walang katuwiran, at inisip ko na ang Diyos ay gaya ng mga tiwaling tao, naniniwalang kahit ang isang maliit, na hindi sinasadyang pagkakamali ay hahantong sa pagkondena at pagtitiwalag. Kaya nang makita ko ang iba na pinupungusan o itinitiwalag, sa puso ko ay lalo akong naging mas mapagbantay laban sa Diyos. Nag-alala ako na kung naging isang lider ako at hindi ko nagawa nang maayos ang gawain, tatanggalin at ititiwalag ako, at na magiging mas ligtas na gawin lamang ang isang trabahong may isang gampanin. Dahil sa mga nakalilinlang na pananaw na ito, hindi ako makapagpasakop sa pamamatnugot at mga pagsasaayos ng Diyos. Sa realidad, kung mabubunyag at matitiwalag ba ang isang tao ay walang kinalaman sa kanyang katayuan. Natutukoy ito sa pamamagitan ng landas na tinatahak niya. Kung hindi hinahangad ng isang tao ang katotohanan, kahit na wala siyang katayuan, mabubunyag at matitiwalag pa rin siya. Maaaring may mga paglihis o kabiguan ang ilang lider at manggagawa sa kanilang gawain, pero kalaunan ay kaya nilang hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang kanilang sarili, ginagawa ang lahat ng pagsisikap para kumilos ayon sa mga prinsipyo, at habang lalo nilang ginagawa ang kanilang mga tungkulin, lalo silang nagkakamit ng malalim na pagkaunawa sa katotohanan. Para sa gayong mga tao, ang pag-ako sa papel ng isang lider ay isang paraan para maperpekto sila. Ang lider na nakilala ko dati ay tinanggal dahil hindi siya nagbigay ng oras at lakas sa mga katotohanang prinsipyo, ginambala at ginulo ang gawain, at nagmatigas sa pagtangging kilalanin ang kanyang sarili. Kahit nalantad at napagbahaginan na ang mga isyu niya, nakipagtalo siya at ipinagtanggol niya ang kanyang sarili sa halip na magsisi. Humantong ito sa pagtatanggal sa kanya. Gayundin, ang mga anticristong iyon na pinatalsik ng sambahayan ng Diyos ay hindi nawasak ng katayuan, o itiniwalag dahil sa isang pagsalangsang. Ito ay dahil sa noong panahon nila bilang mga lider, kumilos sila nang walang ingat at may pagkadiktador, at bumuo ng mga pangkat para magtatag ng malalayang kaharian, na labis na gumambala sa gawain ng iglesia. Kahit na matapos pungusan at bigyang-babala, nagmatigas silang tumangging magsisi. Pinatalsik at itiniwalag sila dahil kabilang sila sa kategorya ng mga tao na tutol sa katotohanan at namumuhi rito. Ang kanilang kabiguan ay itinakda ng kanilang kalikasang diwa at ng landas na kanilang tinahak. Sa sambahayan ng Diyos, ang desisyon na tanggalin o itiwalag ang isang tao ay hindi batay sa panandaliang pag-uugali ng isang tao o sa isang pagkakamaling nagawa niya, kundi sa halip ay sa kanyang kalikasang diwa at palagiang pag-uugali. Bukod doon, binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng maraming pagkakataon para magsisi. Hindi totoo na patatalsikin o ititiwalag ang sinumang matuklasang nakagawa ng isang pagkakamali. Gaya ng lider ng aming iglesia, bagaman may malaking isyu sa mga pagsasaayos para sa paglilipat ng mga handog, hinanap niya ang katotohanan pagkatapos, pinagnilayan ang kanyang sarili, at nagpakita ng kagustuhang magsisi. Bilang resulta, hanggang ngayon ay hindi pa siya tinatanggal. Nakita ko na ang paniniwala ko sa “Kapag mas malaki sila, mas mahirap kapag sila’y nahulog” ay pundamental na hindi naaayon sa katotohanan, at napagtanto ko kung gaano kabaluktot ang pananaw ko! Palagi akong nababahala sa sarili kong hinaharap at kapalaran, natatakot na kung naging isang lider ako at nagulo ang gawain, hindi ako magkakaroon ng magandang kalalabasan at destinasyon. Kung ang mga maling paghahangad at pananaw na ito ay hindi malutas sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan, kung gayon kahit na hindi ako naging isang lider, dahil sa kalikasan ko ng paglaban sa Diyos na lubos na malalim na nakaugat sa akin, kalaunan ay matitiwalag ako. Noong sandaling iyon, nadama ko na ang pamumuhay ayon sa pilosopiya ni Satanas ay talagang mapanganib, dahil maaari nitong itulak ako na maghimagsik laban sa Diyos at lumayo sa Kanya sa anumang oras o lugar.
Pagkatapos noon, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Hindi kailanman sinusunod ng mga anticristo ang mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at palagi nilang mahigpit na iniuugnay ang kanilang tungkulin, kasikatan, pakinabang, at katayuan sa inaasam nilang pagtamo ng mga pagpapala at sa kanilang hantungan sa hinaharap, na para bang sa sandaling mawala ang kanilang reputasyon at katayuan, wala na silang pag-asang magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at pakiramdam nila ay katulad ito ng mawalan ng buhay. Iniisip nila, ‘Kailangan kong mag-ingat, hindi ako dapat maging pabaya! Ang sambahayan ng diyos, ang mga kapatid, ang mga lider at manggagawa, at maging ang diyos ay hindi maaasahan. Hindi ko mapagkakatiwalaan ang sinuman sa kanila. Ang taong pinakamaaasahan mo at ang pinakakarapat-dapat mong pagkatiwalaan ay ang iyong sarili. Kung hindi ka nagpaplano para sa iyong sarili, sino ang mag-aasikaso sa iyo? Sino ang mag-iisip sa kinabukasan mo? Sino ang mag-iisip kung makatatanggap ka ba ng mga pagpapala o hindi? Kaya, kailangan kong magplano at magkalkula nang maingat para sa sarili kong kapakanan. Hindi ako puwedeng magkamali o maging pabaya kahit kaunti, kung hindi, ano ang gagawin ko kung may sumubok na manamantala sa akin?’ Kaya, nagiging mapagbantay sila laban sa mga lider at manggagawa ng sambahayan ng Diyos, natatakot na may makakilatis o makahalata sa kanila, at na pagkatapos ay matatanggal sila at masisira ang mga pinapangarap nilang pagpapala. Iniisip nila na dapat nilang panatilihin ang kanilang reputasyon at katayuan para magkaroon sila ng pag-asang magkamit ng mga pagpapala. Itinuturing ng isang anticristo ang pagiging pinagpala na higit pa kaysa sa kalangitan, higit pa kaysa sa buhay, mas mahalaga pa kaysa sa paghahangad ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, o personal na kaligtasan, at mas mahalaga pa kaysa sa maayos na paggawa sa kanilang tungkulin, at pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan. Iniisip niya na ang pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan, ang paggawa nang mabuti sa kanyang tungkulin at pagkaligtas ay pawang mumunting mga bagay na hindi na kailangang banggitin o pagkomentuhan pa, samantalang ang pagtatamo ng mga pagpapala ay ang tanging bagay sa buong buhay niya na hindi kailanman malilimutan. Sa anumang masagupa niya, gaano man kalaki o kaliit, inuugnay niya ito sa pagiging pinagpala, at napakaingat at napakaalisto niya, at lagi siyang may nakahandang malulusutan para sa kanyang sarili” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na anumang sitwasyon ang harapin ng mga anticristo, isinasaalang-alang muna nila kung magkakamit ba sila ng mga pagpapala o hindi. Hangga’t ang isang bagay ay kapaki-pakinabang para sa pagkakamit ng mga pagpapala, gagawin nila ito, samantalang kung hindi, hindi nila ito gagawin. Hindi nila kailanman isinasaalang-alang ang kanilang mga responsabilidad o tungkulin, ni ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa pagninilay ko sa aking sariling pag-uugali, napagtanto ko na kumilos ako sa parehong paraan. Inihalal ako ng mga kapatid bilang lider—pagtataas ito ng Diyos at isang oportunidad para sa akin na magsanay. Dapat ay aktibo akong nakipagtulungan, pero masyado kong pinahalagahan ang pagkakamit ng mga pagpapala, isinasaalang-alang muna ang sarili kong kinabukasan at kapalaran. Nang isipin ko ang malalaking responsabilidad ng pagiging isang lider, at ang potensyal na negatibong epekto sa kinabukasan at kapalaran ko kung makagawa ako ng anumang pagsalangsang, naging atubili akong akuin ang tungkulin. Itinuring ko ang pagkakamit ng mga pagpapala na mas mahalaga kaysa sa sarili kong mga tungkulin at responsabilidad. Naging tunay na makasarili ako at walang pagkatao! Sa pagkatanto nito, nanalangin ako ng pagsisisi sa Diyos, at aktibong inako ang tungkulin ng pagiging isang lider.
Hindi nagtagal, ako ang pinamahala sa paglilipat ng mga handog. Sa puso ko ay nakadama pa rin ako ng kaunting takot, nag-aalala na isang pagkakamali ang maaaring mangyari dahil sa aking mga hindi wastong pagsasaayos, kaya gusto kong umurong. Noong sandaling iyon, nakilala kong hindi tama ang kalagayang ito, kaya lumapit ako sa Diyos upang manalangin, “O Diyos, nakikita ko na napakamakasarili ko at nakatuon na naman sa sarili kong kinabukasan at kapalaran. Ang tungkuling ito na dumating sa akin ngayon ay pagsubok Mo sa akin. Hindi ako dapat mamuhay sa takot, isinasaalang-alang ang sarili kong mga interes. Dapat akong umasa sa Iyo at makipagtulungan ayon sa mga prinsipyo, aktibong inaako ang pasaning ito, nang hindi isinasaalang-alang ang mga personal na pakinabang o kawalan.” Pagkatapos manalangin, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Anong uri ng tao ang nangangahas na umako ng responsabilidad? Anong uri ng tao ang may tapang na magbuhat ng mabigat na pasanin? Ang sinumang nangunguna at buong tapang na humaharap sa pinakamahalagang sandali sa gawain ng sambahayan ng Diyos, na hindi natatakot na magpasan ng isang mabigat na responsabilidad at magtiis ng matinding paghihirap kapag nakita niya ang gawain na pinakaimportante at pinakamahalaga. Iyon ay isang taong tapat sa Diyos, isang mabuting sundalo ni Cristo. Ito ba ay ang kaso kung saan ang lahat ng natatakot na umako ng responsabilidad sa kanilang tungkulin ay ginagawa iyon dahil hindi sila nakauunawa sa katotohanan? Hindi; isa itong problema sa kanilang pagkatao. Wala silang pagpapahalaga sa katarungan o responsabilidad, sila ay mga taong makasarili at ubod ng sama, hindi tunay na mananampalataya ng Diyos, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Dahil dito, hindi sila maliligtas” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga sinserong nananampalataya sa Diyos at may mabuting pagkatao ay ginagawa ang kanilang tungkulin nang may pagpapahalaga sa responsabilidad. Pinoprotektahan nila ang mga interes ng sambahayan ng Diyos nang walang pagsasaalang-alang sa personal na mga pakinabang o kawalan. Lalo na sa kritikal na gawain, hinaharap nila nang direkta ang mga paghihirap, at nagagawang pasanin ang mabibigat na pasanin at isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Gaano man kalalaki ang banta, hindi sila umaatras kundi nagagawang magtiwala sa Diyos para maranasan ang mga bagay. Tunay na may konsensiya at katwiran ang gayong mga tao. Sila ang mga haligi ng iglesia at sila iyong mga kinalulugdan ng Diyos. Pero sa mga palaging isinasaalang-alang ang kanilang sariling mga pakinabang at kawalan habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin, at hindi man lang pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, wala silang pagkatao, at makasarili at kasuklam-suklam. Sa mga mata ng Diyos, sila ay mga hindi mananampalataya at walang pananampalataya. Sa pagninilay ng lahat ng ito, nalungkot ako at labis na nagsisisi, at naging handa akong akuin ang responsabilidad na ito at aktibong makipagtulungan upang ilipat sa lalong madaling panahon ang mga handog sa isang ligtas na lugar. Pagkatapos magsagawa sa ganitong paraan, nakadama ako ng diwa ng kapayapaan at muling katiyakan sa puso ko.
Kung hindi dahil sa pagsasaayos ng Diyos sa mga kapaligiran upang ibunyag ako, hindi ko malalaman ang aking makasarili at kasuklam-suklam na tiwaling disposisyon at mga maling perspektiba kung ano ang hahangarin, ni mauunawan ang lubusang pagsisikap ng Diyos sa pagliligtas sa mga tao. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagsasaayos ng mga kapaligirang ito, at sa kaliwanagan at gabay sa pamamagitan ng Kanyang mga salita na humantong sa kaalaman at pagbabagong ito.