80. Ang Mga Kahihinatnan ng Iresponsableng Pagganap sa Tungkulin

Ni Daisy, USA

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Isang karangalan ang gawin ang tungkulin mo sa anim-na-libong-taong gawain ng pamamahala ng Diyos. Isa itong karangalan para sa bawat tao. Hindi ito kahiya-hiya; ang susi ay kung paano mo tinatrato at sinusuklian ang karangalang ito na natanggap mo mula sa Diyos. Itinaas ka ng Diyos; huwag mong balewalain ang Kanyang kabutihan. Dapat mong malaman kung paano suklian ang biyaya ng Diyos. Paano mo ba ito dapat suklian? Hindi kailangan ng Diyos ang pera o buhay mo, at hindi Niya ninanais ang anumang pamanang kayamanan mula sa pamilya mo. Ano ba ang nais ng Diyos? Nais ng Diyos ang sinseridad at katapatan mo(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (19)). Sa pagbabasa ng siping ito ng mga salita ng Diyos, naisip ko ang sarili kong karanasan dati, noong iresponsable ako sa aking tungkulin at pinungusan ako. Itinaas ako ng Diyos sa tungkulin ng isang lider, pero hindi ko ito pinahalagahan at tinrato ko ang tungkulin bilang pabigat at abala, na humantong sa mga pagkaantala ng gawain at nagdulot sa akin ng pagkakautang at mga panghihinayang.

Noong Abril 2023, itinalaga sa akin ng nakatataas na lider na ako at ang dalawang kapareha kong sister ang maging responsable para sa gawaing pangvideo at gawain ng sermon. Noong una, puno ako ng determinasyon, itinatalaga sa ibang tungkulin ang hindi angkop na mga lider ng pangkat at superbisor kasama ang aking mga kaparehang sister, sinusubaybayan ang pag-usad ng gawain ng bawat pangkat, tinutukoy ang mga paglihis sa gawain, pinaplano ang gawain, at iba pa. Bagama’t mabigat ang gawain at naging abala ako rito, medyo masaya naman ako. Kalaunan, isinaayos ng nakatataas na lider na tutukan ko ang pagsubaybay sa gawain ng pagsusulat ng iskrip. Napakalaking hamon para sa akin ang trabahong ito, at nadama ko na sa kabila ng paggawa sa pinakamakakaya ko, maaaring hindi ko ito magawa nang maayos. Pero dahil direkta itong itinalaga ng nakatataas na lider, hindi ako nangahas na pabayaan ang gampaning ito, kaya ibinuhos ko ang halos buong lakas ko sa gawain ng pagsusulat ng iskrip. Kapag tinatanong ako ng mga kapatid mula sa ibang pangkat, sinasagot ko kaagad ang madadali, pero ang anuman na humihingi ng pag-iisip o oras at lakas para isaalang-alang, ay kunwaring hindi ko nakikita, o direkta kong ipinapasa sa aking mga kaparehang sister para sila ang mag-asikaso. Pagkatapos kong makita ang mga iyon ay isini-set ko pa nga ang maraming mensahe bilang “hindi nabasa.” Sa panahong ito, pinaalalahanan din ako ng aking mga kaparehang sister na subaybayan ko ang gawain ng ibang pangkat. Sasang-ayon ako sa salita lang, pero kalaunan ay gumawa lamang ako ng kaunting mababaw na gawain, at makalipas ang ilang araw, nayayamot ako at ayaw kong maabala para asikasuhin ito. Minsan may kaunting libreng oras ako, at naisip ko na siguro ay puwede kong subaybayan ang gawain ng iba, pero naisip ko, “Talagang wala pa rin akong mga propesyonal na kasanayan, at magiging mas maganda na gugulin ang oras na ito sa pag-aaral ng mas maraming propesyonal na kaalaman, para humusay ako nang mabilis hangga’t kaya ko at pangasiwaan nang mas maayos ang gawain ng pagsusulat ng iskrip. Hindi ito pagpapabaya sa aking wastong gawain; dapat maunawaan ng aking mga kaparehang sister.” Sa ganitong paraan, nawala ang kaunting pagkakosensiya na iyon sa puso ko.

Isang araw, nalaman kong ang pagsulong ng gawaing pangvideo ay mabagal at nagpadala ako ng mensahe sa lider ng pangkat para maunawaan ang sitwasyon. Nagpadala sa akin ang lider ng pangkat ng mahabang listahan ng mga dahilan. Ang nakita ko lang ay nakikipagtalo siya kaya gusto kong maunawaan ang mga detalye, pero naisip ko, “Kakain ng mas maraming oras ang pag-unawa sa mga detalye, at dahil ang gawaing ito ay pangunahing responsabilidad ng aking kaparehang sister, susubaybayan niya rin ito, kaya hindi ako dapat masyadong mag-alala para iwasang maantala ang sarili kong gawain.” Hindi nagtagal, nalaman ng nakatataas na lider na ang mabagal na pag-usad ng gawaing pangvideo ay matinding nakaantala sa gawain, kaya mahigpit niya kaming pinungusan dahil sa pagiging iresponsable, at tinanggal ang sister na responsable para sa gawaing ito. Pagkatapos niyon, ginisa ako ng lider, tinatanong niya, “Sa tingin mo ba na dahil lamang itinalaga ka para pangasiwaan ang gawain ng pagsusulat ng iskrip, na basta’t ginagawa mo nang maayos ang trabahong iyon, ang mga isyu sa ibang gawain ay walang kinalaman sa iyo gaano man kalaki ang mga iyon? Takot ka bang magdusa ng paghihirap? Napakairesponsable mo, humahawak ka ng posisyon nang hindi gumagawa ng aktuwal na gawain. Isa ka lamang huwad na lider, hindi nararapat sa tiwala o paglilinang!” Labis akong nasaktan sa mga salita ng nakatataas na lider. Alam ko na kamakailan ay hindi ko sinubaybayan ang maraming gampanin, at na totoo ang sinabi ng lider sa pagpupungos sa akin, pero pagkatapos niyon, medyo naghinanakit din ako, iniisip na, “Hindi totoo na hindi man lang ako gumawa ng tunay na gawain. Gusto ko lamang ituon ang lakas ko sa gawain ng pagsusulat ng iskrip. Hindi iyon ganoong kalaking problema, hindi ba?” Kaya naghanap ako ng mga nauugnay na salita ng Diyos tungkol sa aking kalagayan, at nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang mga anticristo ay walang konsensiya, katwiran, o pagkatao. Bukod sa wala silang kahihiyan, kundi may isa pa rin silang tanda: Hindi pangkaraniwan ang kanilang pagiging makasarili at ubod ng sama. Ang literal na kahulugan ng kanilang ‘pagiging makasarili at ubod ng sama’ ay hindi mahirap maunawaan: Bulag sila sa anumang bagay maliban sa sarili nilang mga interes. Nakatuon ang kanilang buong atensiyon sa anumang bagay na may kinalaman sa sarili nilang mga interes, at magdudusa sila para dito, magsasakripisyo, itututok ang kanilang sarili para dito, at ilalaan ang kanilang sarili para dito. Magbubulag-bulagan naman sila at hindi papansinin ang anumang walang kinalaman sa kanilang sariling mga interes; magagawa ng iba ang anumang gusto nila—walang pakialam ang mga anticristo kung may sinumang nagiging mapanggambala o mapanggulo, at para sa kanila, wala itong kinalaman sa kanila. Basta sarili lamang nila ang kanilang iniintindi. Subalit mas tumpak na sabihin na ang ganitong uri ng tao ay ubod ng sama, mababa, at marumi; inilalarawan natin sila bilang ‘makasarili at ubod ng sama.’ … Kahit ano pa ang suungin nilang gawain, hindi kailanman iniisip ng mga anticristo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang isinasaalang-alang lamang nila ay kung maaapektuhan ba ang kanilang sariling mga interes, ang iniisip lamang nila ay ang medyo magaan na gawaing nasa harapan nila na napapakinabangan nila. Para sa kanila, ang pangunahing gawain ng iglesia ay isang bagay lamang na ginagawa nila sa libre nilang oras. Hinding-hindi talaga nila ito sineseryoso. Gumagalaw lang sila kapag pinapakilos sila, ginagawa lamang ang gusto nilang gawin, at ginagawa lamang ang gawain na alang-alang sa pagpapanatili ng sarili nilang katayuan at kapangyarihan. Sa paningin nila, ang anumang gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang buhay pagpasok ng mga taong hinirang ng Diyos ay hindi mahalaga. Anuman ang mga paghihirap ng ibang mga tao sa kanilang gawain, anuman ang mga isyung matuklasan at maiulat sa kanila, gaano man sinsero ang kanilang mga salita, walang pakialam ang mga anticristo, hindi nila isinasangkot ang kanilang sarili, na para bang wala itong kinalaman sa kanila. Gaano man kalaki ang mga problemang lumilitaw sa gawain ng iglesia, lubos silang walang pakialam. Kahit pa nga nasa harapan na nila mismo ang isang problema, hinaharap lang nila ito nang pabasta-basta. Kapag tuwiran lamang silang pinungusan ng Itaas at inutusang ayusin ang isang problema ay saka lamang sila padabog at totohanang magtatrabaho nang kaunti at magpapakita ng resulta sa Itaas; pagkatapos na pagkatapos nito, magpapatuloy sila sa sarili nilang gawain. Wala silang interes at walang pakialam pagdating sa gawain ng iglesia, sa mahahalagang bagay na may mas malalawak na konteksto. Binabalewala pa nga nila ang mga problemang natutuklasan nila, at nagbibigay sila ng mga walang ganang sagot o ginagamit ang kanilang mga salita upang balewalain ka kapag tinatanong sila tungkol sa mga problema, hinaharap lamang ang mga ito nang may labis na pag-aatubili. Pagpapamalas ito ng pagiging makasarili at ubod ng sama, hindi ba?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, tunay na nahiya ako. Ganito ko ginawa ang tungkulin ko. Noong una ay masigasig at determinado akong pasanin ang gawain, dahil alam ko na kung lumitaw ang mga problema sa gawaing ito, kapwa ako at ang aking mga kaparehang sister ang mananagot. Kaya ginawa ko ang pinakamakakaya ko para makipagtulungan, dahil kapag nagawa nang maayos ang gawain, makikinabang din ako. Kalaunan, itinalaga ako ng nakatataas na lider na pangunahing subaybayan ang gawain ng pagsusulat ng iskrip at nag-alala ako na kung hindi ako makakagawa nang maayos, ibubunyag nito ang aking mahinang kakayahan at kawalan ng abilidad na gumawa ng aktuwal na gawain, kaya inilagay ko ang buong atensiyon ko sa gawain ng pagsusulat ng iskrip, sinusubukang asikasuhin hangga’t maaari ang gawain ng pangkat, ang kanilang propesyonal na pag-aaral, at mga kalagayan ng mga miyembro ng pangkat. Bagama’t mabuti na lalong magsikap sa gawain ng pagsusulat ng iskrip, kalaunan, kahit na malinaw na may oras at lakas ako para subaybayan ang ibang gawain, ayaw kong maabala nito. Minsan, para hindi mapahiya, labag sa loob akong gumagawa ng kaunting mababaw na gawain, iniraraos ko lang ito, iniisip na ang ilang gawain ay hindi ko direktang responsabilidad, at na kung lumitaw ang mga problema, hindi ako direktang pananagutin ng lider. Naisip ko na kung hindi ako masyadong magsisikap, hindi ako masyadong maaapektuhan, at magiging mas mabuting gugulin ang oras na mas matuto ng mga propesyonal na kasanayan, kaya, kapag mukhang lohikal, ipinapasa ko ang gawain sa iba, nagiging isang manager na hindi direktang nakikisangkot. Nakita ko na ang kalagayan kung paano ko ginawa ang tungkulin ko ay katulad na katulad ng sa anticristo, na mapagkalkula at metikuloso sa paggawa ng mga bagay. Para sa anumang bagay na makikinabang ang reputasyon at katayuan ko ay mas pinag-iisipan ko at handa akong magdusa at magbayad ng halaga samantalang binabalewala ang anumang hindi kapaki-pakinabang sa akin, kumikilos lamang kapag pinipilit ako at walang pakialam kapag nakikita kong lumilitaw ang mga problema. Sa ganoong paraan ng paggawa sa tungkulin ko, kagaya lang ako ng isang trabahador o walang pananampalataya. Natamasa ko ang pagdidilig ng napakaraming salita ng Diyos pero hindi ko inisip na gawin nang maayos ang tungkulin ko, at ang iniisip ko lang ay sarili kong reputasyon at katayuan. Naging tunay na makasarili at kasuklam-suklam ako!

Kalaunan, isinaalang-alang ko rin na ang dahilan kung bakit hindi talaga ako nakonsensiya sa pagpapabaya ko sa ibang gawain, ay dahil nadama ko na ang gawain sa pagsusulat ng iskrip na kakukuha ko lang ay mahirap at humingi ng higit na atensiyon ko, kaya kahit na binalewala ko ang ibang gawain, mauunawaan ng lahat, at hindi ito magiging parang hindi ako gumagawa ng aktuwal na gawain. Pero bakit sinabi ng nakatataas na lider na ako ay isang huwad na lider? Tiningnan ko ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa at binasa ang mga iyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bilang isang lider, responsable ka sa lahat ng gawain, hindi lang sa isang gampanin. Kung nakikita mo na talagang mahalaga ang isang partikular na gampanin, puwede mong pangasiwaan ang gampaning iyon, pero kailangan mo ring maglaan ng oras para mag-inspeksiyon, maggabay, at magsubaybay sa iba pang mga gampanin. Kung kontento ka lang sa paggawa nang maayos sa isang gampanin, at pagkatapos ay itinuturing mong tapos na ang mga bagay-bagay, at magtatalaga ka ng mga gampanin sa ibang mga tao nang hindi nagmamalasakit o nagtatanong tungkol sa kanila, isa itong iresponsableng pag-uugali at kapabayaan sa responsabilidad. Kung isa kang lider, ilang gampanin man ang pinananagutan mo, responsabilidad mong palaging magtanong tungkol sa mga ito at mag-usisa, at kasabay nito, inspeksiyunin ang mga ito at lutasin agad ang mga problema pagkalitaw pa lamang ng mga ito. Trabaho mo ito. Kaya nga, lider ka man sa rehiyon, lider sa distrito, lider sa iglesia, o lider o superbisor ng anumang pangkat, kapag nalaman mo na ang saklaw ng iyong mga responsabilidad, kailangan mong suriin nang madalas kung gumagawa ka ba ng tunay na gawain, kung natupad mo ba ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng isang lider o manggagawa, pati na kung aling mga gampanin—mula sa ilang ipinagkatiwala sa iyo—ang hindi mo nagawa, alin ang ayaw mong gawin, alin ang mga nagbunga ng mga hindi magandang resulta, at alin ang mga may prinsipyong hindi mo naarok. Ito ang lahat ng bagay na dapat mong suriin nang madalas. Kasabay nito, kailangan mong matutong makipagbahaginan at magtanong sa ibang tao, at kailangan mong matutong tumukoy, sa mga salita ng Diyos at sa mga pagsasaayos ng gawain, ng isang plano, mga prinsipyo, at isang landas para sa pagsasagawa. Sa anumang pagsasaayos ng gawain, nauugnay man ito sa administrasyon, sa mga tauhan, o sa buhay iglesia, o kaya ay sa anumang uri ng propesyonal na gawain, kung binabanggit nito ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, ito ay isang responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa, at nasa saklaw ng responsabilidad ng mga lider at manggagawa—ito ang mga gampaning dapat mong asikasuhin. Natural, dapat itakda ang mga priyoridad batay sa sitwasyon; walang gawaing maaaring maiwan. Sinasabi ng ilang lider at manggagawa, ‘Hindi tatlo ang ulo ko at hindi anim ang braso ko. Napakaraming gampanin sa pagsasaayos ng gawain; tiyak na hindi ko kakayanin kung ako ang aatasang mangasiwa ng lahat ng ito.’ Kung may ilang gampaning hindi mo kayang personal na makisangkot, nagsaayos ka ba ng ibang tao na gagawa ng mga ito? Pagkatapos gawin ang pagsasaayos na ito, nagsubaybay ka ba at nag-usisa? Sinuri mo ba ang gawain nila? Siguradong may oras ka naman para mag-usisa at magsuri, hindi ba? Tiyak na mayroon! Sinasabi ng ilang lider at manggagawa, ‘Paisa-isang trabaho lang ang kaya kong gawin. Kung uutusan mo akong magsagawa ng pagsusuri, paisa-isang gampanin lang ang kaya kong suriin; ang anumang hihigit pa roon ay hindi na magagawa.’ Kung ganoon, wala kang kuwenta, lubhang mahina ang kakayahan mo, wala kang kakayahan sa gawain, hindi ka akma para maging lider o manggagawa, at dapat kang bumaba sa posisyon. Gumawa ka na lang ng gawaing nababagay sa iyo—huwag mong antalahin ang gawain ng iglesia at ang paglago ng buhay ng hinirang na mga tao ng Diyos dahil lang sa napakahina ng kakayahan mo para gumawa ng gawain; kung wala kang ganitong katwiran, ikaw ay makasarili at ubod ng sama. Kung mayroon kang ordinaryong kakayahan pero nagagawa mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, kung handa kang magsanay, at hindi ka sigurado kung kaya mong gawin nang maayos ang gawain, kung gayon, dapat kang maghanap ng ilang taong may mahusay na kakayahan para makipagtulungan sa iyo sa gawain. Magandang pamamaraan ito, at maituturing na pagkakaroon ng katwiran(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (10)). Pinabulaanan ng unang pangungusap ng mga salita ng Diyos ang mga kuru-kuro ko. Sinasabi ng Diyos na responsable ang mga lider sa pangkalahatang gawain, at na dapat silang magkaroon ng detalyadong pagkaarok sa bawat gampanin sa loob ng saklaw ng kanilang responsabilidad. Kapag sinusubaybayan ang gawain, puwede nilang ayusin ang prayoridad batay sa pagiging agaran ng mga ito, tumutuon sa pagsubaybay ng partikular na mahahalagang gampanin, at iniaatas ang ibang gampanin sa ibang kapatid kapag nabibigatan sila, pero hindi sila dapat maging manager na hindi direktang nakikisangkot, na ipinapasa ang mga gampanin sa iba at pagkatapos ay binabalewala ang mga ito. Dapat pa rin nilang regular na kumustahin at suriin ang mga ito, at agad na lutasin ang anumang isyu. Hindi puwedeng magtiwala ang isang tao sa sarili niyang mga imahinasyon, at subaybayan lamang ang mga gampaning itinuturing niyang mahalaga, habang binabalewala ang ibang gampanin; ito ay pagpapabaya sa tungkulin. Inakala ko na sa pagtuon ko araw-araw sa gawain ng pagsusulat ng iskrip, pakikipagtulungan sa pagsusulat ng iskrip at pakikipagtalakayan sa lahat tungkol sa mga isyu, ay gumagawa ako ng aktuwal na gawain. Hindi ko tiningnan ang mga bagay batay sa mga salita ng Diyos sa halip ay ginawa ang tungkulin ko ayon sa sarili kong mga imahinasyon, na nangahulugang maraming gampanin, na kinumusta ko lang paminsan-minsan, kalaunan ay nabalewala nang hindi ako nakokonsensiya, at nang pungusan ako ng nakatataas na lider dahil sa pagpapabaya sa aking mga tungkulin, naghinanakit pa ako. Tunay na manhid ako! Ang katotohanan ay kahit na abala ako sa isang gampanin sa loob ng ilang panahon, hindi ito dahilan para hindi ko subaybayan ang ibang gawain. Gaya ng sinasabi ng Diyos: “Kung may ilang gampaning hindi mo kayang personal na makisangkot, nagsaayos ka ba ng ibang tao na gagawa ng mga ito? Pagkatapos gawin ang pagsasaayos na ito, nagsubaybay ka ba at nag-usisa? Sinuri mo ba ang gawain nila? Siguradong may oras ka naman para mag-usisa at magsuri, hindi ba? Tiyak na mayroon!” Sa panahong ito, pangunahin akong nakatuon sa gawain ng pagsusulat ng iskrip, pero kung may puso ako, dapat sana ay nagkaroon din ako ng pasanin para sa ibang gawain at sinubukang balansehin ito hangga’t maaari. Kung wala akong lakas, puwede ko itong sabihin nang malinaw sa aking mga kaparehang sister, at mas ipasubaybay sa kanila ang mga gampanin, at kung lumitaw ang mga problema, puwede naming talakayin at lutasin ang mga iyon. Kung ako ang responsable sa maraming gampanin at wala akong kakayahan, puwede akong mag-ulat sa nakatataas na pamunuan, para hindi maantala ang gawain. Ang pinakaisyu ay hindi sa wala talaga akong oras, kundi ayaw kong magbigay ng oras. Kawalan ito ng responsabilidad, at isang tanda ng pagiging isang huwad na lider. Nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, naging napakairesponsable ko sa aking mga tungkulin at tunay na hindi nararapat maging lider. Hindi ako nagpapasalamat sa maraming pagkakataon ng pagsasanay na ibinigay sa akin ng sambahayan ng Diyos, at tinrato ko bilang isang pabigat at abala ang aking mga tungkulin. Tunay na wala akong konsensiya o pagkatao! Dahil hindi ako tinanggal ng sambahayan ng Diyos, handa akong magsisi at pahalagahan ang pagkakataong ito, at masigasig na gagawin nang maayos ang mga tungkulin ko mula ngayon.”

Kalaunan, itinalaga ako ng nakatataas na lider para maging responsable sa gawain ng paggawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. Lubos akong nagpapasalamat, iniisip na, “Sa pagkakataong ito ay tunay akong magsisisi at aakuin ko ang mas maraming responsabilidad sa aking mga tungkulin.” Mula noon, puno ang mga araw ko, at madalas akong abala hanggang dis-oras ng gabi. Gumawa ako hanggang dis-oras ng gabi sa loob ng ilang panahon, at nang nakita ko ang kaunting pagbuti sa mga resulta ng gawain, napakasaya ko, iniisip na nakagawa ako ng kaunting tunay na gawain sa pagkakataong ito, at na dapat makita ng nakatataas na lider ang pagsisisi ko. Kalaunan, nakakita ako ng isang superbisor para subaybayan ang paggawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan, at naging medyo maluwag ang iskedyul ko, at nagka-oras akong dumalo sa ibang gawain ng iglesia. Pero ang nangyari kalaunan ay ibinunyag na naman ako. Noong panahong iyon, may kailangang bilhin ang iglesia, at dahil sangkot dito ang pananalapi ng iglesia, hiniling ng isa sa aking mga kaparehang sister na talakayin ito sa akin. Noong una, kaya kong sumali sa mga talakayan, pero pagkatapos ng ilang beses, sa tingin ko ay nakakagulo ito, iniisip na ang pagtatalakay sa usaping ito ay umuubos ng maraming oras, na ito ay pangunahing responsabilidad ng aking kaparehang sister, at kung ito ay magagawa nang maayos, hindi malalaman ng nakatataas na lider kung sumali ako. Inisip ko na mas mabuti para sa akin na gugulin ang oras sa paggawa ng mas maraming video ng patotoong batay sa karanasan, dahil nakikita ang mga resulta niyon. Pero nang maisip ko kung paanong ito ay saklaw rin ng responsabilidad ko, kailangan kong pabasta-bastang sumali sa mga diskusyon upang hindi mapahiya. May kaunting gawaing pangvideo rin sa isa pang pangkat na paminsan-minsan kong padalhan ng mensahe para usisain. Minsan nababagabag ako, pero naiisip ko, “Kamakailan ay wala namang mga problema, kaya itutuon ko ang aking oras sa gawain na kasalukuyang binibigyang-diin ng nakatataas na lider, dahil kapag lumabas ang mga problema sa mga gampaning ito, ako ang direktang responsable sa mga ito.” Kaya pinabayaan ko ang pagsubaybay sa mga detalye ng gawaing pangvideo ng pangkat na ito hanggang sa isang araw, biglang nakipag-ugnayan sa amin ang nakatataas na lider, na nagsasabing may mahigit sa sampung video ang naipon na hindi pa napoproseso, at tinanong niya kung alam namin ito. Nang marinig ko ito, kumabog ang puso ko, at naisip ko, “Tapos na ako. Direkta kong responsabilidad ang gawaing ito. Hindi ba’t ang malaking problemang ito ay dahil sa pagpapabaya ko sa aking mga tungkulin?” Pagkatapos niyon, pinungusan ako ng nakatataas na lider, sinabi nito, “Katutugon lamang sa mga isyu mo noong nakaraan, at ngayon ay nagiging iresponsable ka na naman! Noong itinalaga ka sa gawain ng pagsulat ng iskrip, iyon lang ang inasikaso mo, at ngayong ikaw ang pinamahala sa mga video ng patotoong batay sa karanasan, ito lamang ang inaasikaso mo. Sa tingin mo ba talaga na bilang isang lider, dapat ka lamang tumutok sa iyong mga gampanin at balewalain ang iba? Natatakot ka sa mga paghihirap, walang pagpapahalaga sa pasanin, at hindi mo hinahangad ang katotohanan! Paanong ang isang gaya mo ay magiging responsable sa maraming gampanin?” Pagkatapos niyon, tinanggalan ako ng ilang responsabilidad. Ang maitalaga sa ibang tungkulin nang gaya nito ay talagang nagpapasama ng loob ko, at naisip ko, “Masyado akong makasarili, kasuklam-suklam, at walang pagkatao. Siguro ay talagang hindi na ako maliligtas.” Pero pagkatapos niyon, medyo naghinanakit din ako, iniisip na, “Kamakailan ay tunay na nagsisikap ako, kaya bakit na naman ako pinungusan dahil sa pagiging iresponsable? Hindi man lang ba talaga ako nagbago?”

Minsan, lubos akong naantig ng ilang pakikipagbahaginan ng Diyos sa paksa ng paggawa sa mga tungkulin ng isang tao, at sa wakas ay nagsimula akong magkamit ng kaunting pagkaunawa sa mga isyu ko. Sabi ng Diyos: “Paano dapat kumilos ang mga tao, o mula sa anong kalagayan at kondisyon sila dapat gumawa ng mga makatarungang gawa, para masabing naghahanda sila ng mabubuting gawa? Sa pinakamababa, dapat mayroon silang positibo at maagap na saloobin, dapat maging tapat sila habang ginagawa ang kanilang tungkulin, dapat magawa nilang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang pagiging positibo at maagap ang susi; kung palagi kang pasibo, problema iyan. Para bang hindi ka kasapi ng sambahayan ng Diyos at hindi mo ginagawa ang iyong tungkulin, na para bang wala kang pagpipilian kundi gawin ito para kumita ng sahod sa ilalim ng hinihingi ng tagapag-empleyo—hindi kusa, kundi napakapasibo. Kung hindi lang sangkot ang mga interes mo, talagang hindi mo ito gagawin. O kung walang nagsabi sa iyo na gawin ito, tiyak na hindi mo ito gagawin. Kung gayon, ang paggawa ng mga bagay sa ganitong pamamaraan ay hindi paggawa ng mabubuting gawa. Kaya, napakahangal ng mga taong gumagamit ng ganitong pamamaraan; pasibo sila sa lahat ng ginagawa nila. Hindi nila ginagawa kung ano ang naiisip nilang gawin, ni ginagawa kung ano ang kaya nilang maisakatuparan sa loob ng ilang panahon at nang may pagsisikap. Naghihintay lang sila at nagmamasid. Problema ito at sobrang kahabag-habag. … Binigyan ka ng Diyos ng kakayahan at ng maraming mas nakakahigit na kondisyon, na nagtutulot sa iyong makilatis ang usaping ito at maging mahusay sa gawaing ito. Gayumpaman, wala kang tamang saloobin, wala kang katapatan at sinseridad, at ayaw mong gawin ang lahat ng makakaya mo para magawa ito nang maayos. Lubhang nadidismaya ang Diyos dito! … Ipagpalagay na ang saloobin mo sa katotohanan at sa tungkulin mo ay palaging pabaya at palaiwas, at pumapayag kang gawin ang mga bagay-bagay sa panlabas pero sobra kang tamad na gawin ito kapag walang nakakakita, at nagpapatumpik-tumpik ka, at wala kang pag-aapura o positibong saloobin ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Bagamat hindi ka nanggagambala o nanggugulo, gumagawa ng masama, o kumikilos nang walang habas na pagkasutil at gumagawa ng mga maling gawa nang walang ingat, at mukha kang isang tao na taos-puso at may magandang asal, hindi mo positibo at aktibong nagagawa ang hinihiling ng Diyos sa iyo, sa halip, mapanlinlang kang tumatalikod sa responsabilidad at umiiwas sa totoong gawain. Kung gayon, anong landas ba talaga ang tinatahak mo? Kahit na hindi ito ang landas ng mga anticristo, sa pinakamababa, ito ang landas ng isang huwad na lider(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (11)). Pagkatapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, sinimulan kong pagnilayan ang sarili ko. Mula noong huling pungusan ako ng nakatataas na lider, alam ko na naging iresponsable ako sa aking mga tungkulin at gusto kong magsisi sa lalong madaling panahon. Noong una, araw-araw akong gumawa hanggang dis-oras ng gabi, at nagbunga ng kaunting resulta ang mga tungkulin ko, kaya inakala kong nagpakita ako ng pagsisisi, pero kalaunan, kung ang gawain ay hindi tinutukan ng nakatataas na pamunuan, sa tingin ko ay nakakagulo ito at ayaw kong maabala nito. Nakita ko na ang “pagkukusa” at “pagkamaagap” na ipinakita ko ay mapanlinlang at hindi dalisay. Dahil takot akong maitalaga sa ibang tungkulin o matanggal pagkatapos pungusan, para mapanatili ang aking banidad at katayuan, nagtiis ako ng paghihirap at ginugol nang sandali ang sarili ko, pero sa pinakamainam, ang pag-uugaling ito ay pagpapanatili ng sarili. Gaya ng sinasabi ng Diyos tungkol sa bayarang trabahador na ginagawa lamang ang hinihingi ng kanyang amo para sumahod, ang ginagawa nila ay hindi mula sa puso. Sa ganitong saloobin, ang pagganap ko sa aking mga tungkulin ay hindi maituturing na mabubuting gawa. Ang tunay na pagganap sa mga tungkulin ay maagap at nagtataglay ng pagpapahalaga sa pasanin. Kinasasangkutan ito ng katapatan sa mga tungkulin at paghahanap ng mga katotohanang prinsipyo upang matiyak na nagawa nang maayos ang gawain. Pinagnilayan ko ang paggampan ko kamakailan: Noong ipinamahala sa akin ng pamunuan ang paggawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan, pinagtuunan ko lamang ang trabahong ito, pero pagdating sa iba pang gawain, hangga’t hindi ito kinasasangkutan ng mga interes ko, ganap na walang pakialam ang saloobin ko, at tinrato kong pabigat at abala ang ibang gawain. Ang isyu ng hindi nagawang video ay isang pagbubunyag sa akin, at napagtanto ko na hindi talaga ako nagsisi. Ang ipinakita kong katiting na mabuting pag-uugali ay isang lamang pagsisikap na panatilihin ang katayuan ko at mabawi ang reputasyon ko, at hindi pa rin nagbago ang saloobin ko sa aking mga tungkulin. Ginawa ko lamang ang mga gampaning itinalaga ng nakatataas na pamunuan at ang mga may kaugnayan sa reputasyon at katayuan ko. Hindi ito tunay na pagganap sa aking mga tungkulin. Ang katotohanan ay, ang pagiging lider ay humihingi sa isang tao na umako ng mas maraming problema kaysa sa ibang kapatid. Kung ayaw kong maging responsable, dapat ay aktibo kong sinabi sa nakatataas na pamunuan, at hayaan ang iba na pangasiwaan ang tungkulin, sa halip na hawakan ang posisyon nang hindi gumagawa ng aktuwal na gawain. Napinsala nito ang sambahayan ng Diyos. Hindi ba’t nagiging isang huwad na lider lang ako na tinatamasa ang mga kapakinabangan ng isang posisyon nang hindi gumagawa ng aktuwal na gawain? Pinag-isipan ko kung paano ako tinimbang ng nakatataas na pamunuan bilang “hindi nararapat pagkatiwalaan o linangin!” Ganitong-ganito ako. Binalewala ko ang pangkalahatang gawain ng iglesia, at tunay na hindi nararapat pagkatiwalaan. Unti-unting nabawasan ang gawaing ako ang responsable, at nang talagang mawala ko ito, totoong pinagsisihan ko ito. Inakala ko na hangga’t nakatuon ako sa gawaing direktang itinalaga ng pamunuan sa akin, kaya kong mapanatili ang katayuan ko, pero ang nakuha kong kapalit ay ang pagkawala ng mga tungkulin ko at pagkawala ng mga oportunidad upang maghanda ng mabubuting gawa at magkamit ng katotohanan. Ito ang pinakamalaking kawalan ko. Kung nagpatuloy ako nang may ganitong saloobin sa mga tungkulin ko, tiyak na ituturing ako bilang “palagiang iresponsable at pabaya” at ganap na magiging katapusan na ng aking personal na integridad. Sa paggawa niyon, sinisira ko ang aking pagkakataong gawin ang mga tungkulin at sinisira ang pagkakataon kong maligtas!

Pagkatapos niyon, madalas kong isipin ang usaping ito, nadaramang naging napakamakasarili ko, isinasaalang-alang lamang ang sarili kong mga interes sa aking mga tungkulin. Pagkatapos ay naalala ko ang ilang nauugnay na mga salita ng Diyos, kaya tiningnan at binasa ko ang mga iyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katitinding damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Kaya, ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Paulit-ulit kong binasa ang sipng ito. Sinasabi ng Diyos na bago maranasan ng mga tao ang Kanyang gawain at maunawaan ang katotohanan, iba’t ibang lason at panuntunan ng pananatiling buhay ang ikinikintal ni Satanas at nagiging buhay ng mga tao, kaya isinasabuhay ng mga tao ang imahe ni Satanas, at kinokontrol ng kalikasan ni Satanas ang bawat salita at kilos ng mga tao. Lubos akong nagawang tiwali ni Satanas, at naging napakasarili sa buong buhay ko. Kapag humihingi ng tulong ang pamilya o mga kaibigan ko, masaya akong sasang-ayon kung makikinabang ako rito, o kung ang taong iyon ay gusto kong mapasaya o mapalapit sa akin, handa rin akong tumulong nang buong puso. Pero kung wala man lang akong pakikinabangan, sa tingin ko ay nakakagulo ito, at ni ayaw kong maabala ng mga ito. Sasabihin ng tatay ko sa akin, “Bakit masyado kang walang pakialam?” Pero wala akong pakialam sa sasabihin niya, at inisip ko na ganito lang talaga ang mga tao! Kapag ginagawa ko ang mga tungkulin ko sa iglesia, mayroon pa rin akong sariling mga adyenda, at tututok lamang ako sa mga gampaning makikinabang ako, bihirang isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia. Halimbawa, kapag ang ilang kapatid ay nasa masamang kalagayan, kung ako ang direktang responsable sa kanila, tutulungan ko sila nang may pagmamahal, dahil makatutulong ito na magtatag ng imahe ko bilang isang mabuting lider sa mga mata nila. Pero kung hindi ako ang may direktang responsabilidad sa kanila, kung gayon, kahit na makita ko sila na namumuhay sa mga tiwaling disposisyon, iisipin ko na ang pagtulong sa kanila ay mangangahulugan ng paghahanap ng mga salita ng Diyos at paggugugol ng lakas, ng pagsisikap para pagnilayan ito, kaya para sa akin ay nakakagulo ito at ayaw kong maabala nito, o kung hindi ay magsasabi lang ako ng ilang mababaw na salita bilang sagot. Inakala ko na nagiging matalino ako sa paggawa nito, pero nang pag-isipan ko ito, ano ang idinulot sa akin ng pagiging makasarili? Sa realidad, ang pagsubaybay sa iba’t ibang gampanin ay kinasasangkutan ng iba’t ibang katotohanan sa pagtingin sa mga bagay at tao at ng iba’t ibang prinsipyo ng pangangasiwa sa mga problema, at sa hindi pakikilahok sa ilang trabaho, hindi ko namamalayang nawawala ko ang maraming pagkakataon na makamit ang katotohanan. Dagdag pa rito, biniyayaan ako ng Diyos ng pagkakataon na gawin ang tungkulin ng pamumuno, binibigyang-kakayahan akong matutong kunin ang mga alalahanin at magkaroon ng mga pasanin, at unti-unting ipanumbalik ang aking normal na pagkatao. Pagliligtas ito ng Diyos sa akin, pero ayaw kong akuin ang mas maraming responsabilidad o problema. Palagi kong sinasabing nagpapasalamat ako sa Diyos at na gusto ko Siyang suklian, pero ang talagang ipinakita ko ay panlilinlang sa Diyos. Talagang wala akong pagkatao! Kung hindi ko pa rin hinangad ang pagbabago, kapag natapos na ang gawain ng Diyos, ang pagtatrabaho ko ay matatapos na at parurusahan ako.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “… Ang paggawa sa tungkulin mo nang hindi gumagawa ng masama ay isang bagay na dapat mong makamit bilang isang normal na tao. Pero ang paghahanda ng mabubuting gawa ay nangangahulugan na dapat aktibo at positibo mong isagawa ang katotohanan at tuparin ang iyong tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Dapat kang magkaroon ng katapatan, maging handang magtiis ng mga paghihirap at magbayad ng halaga, maging handang tumanggap ng responsabilidad, at dapat magawa mong kumilos nang positibo at aktibo. Karaniwang maituturing na mabubuting gawa ang mga kilos na ginagawa ayon sa mga prinsipyong ito. Malaki o maliit na mga usapin man ito, karapat-dapat mang gunitain o hindi ang mga ito, pinahahalagahan man ito ng mga tao o itinuturing nilang walang halaga, o kung iniisip man ng mga tao na kapansin-pansin ang mga ito, sa mga mata ng Diyos, mabubuting gawa ang lahat ng ito. Kung naghahanda ka ng mabubuting gawa, sa huli ay magdadala ito sa iyo ng mga pagpapala, hindi ng mga kapahamakan. … Kung gayon, paano ba talaga natutukoy ang mabubuting gawa? Ito ay kapag, sa pinakamababa, nakakatulong ang ginagawa mo sa buhay pagpasok mo at ng mga kapatid, at kapag kapaki-pakinabang ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kung kapaki-pakinabang sa iyong sarili, sa iba, at sa sambahayan ng Diyos ang mga kilos mo, kung gayon, mabisa at sinasang-ayunan ng Diyos ang paggampan mo sa harap ng Diyos. Bibigyan ka ng Diyos ng marka. Kaya, suriin mo kung gaano karaming mabubuting gawa ang naipon mo sa paglipas ng mga taon. Mababawi ba ng mabubuting gawang ito ang mga pagsalangsang mo? Pagkatapos mabawi ang mga ito, ilang mabuting gawa na lang ang natitira? Kailangan mong bigyan ng marka ang sarili mo at tiyakin ito sa puso mo; hindi ka dapat malito sa bagay na ito(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (11)). Ang mga salita ng Diyos ay binigyan ako ng isang landas. Ang pagsisisi ay hindi puwedeng basta salita lang. Ang pagsasabi lamang na kinamumuhian mo ang sarili mo ay hindi nangangahulugang may tunay na pagbabago. Ang susi ay ang obserbahan kung ano talaga ang isinasabuhay ng isang tao at ang saloobin niya sa kanyang tungkulin, lalo na sa mga usaping may kinalaman sa gawain ng iglesia. Kung magbubulagbulagan man ang isang tao sa mga problema at mananatiling tagapanood o itataguyod ang mga interes ng iglesia ay ang nagpapakita ng karakter ng isang tao. Sa pagbabasa ng pakikipagbahaginan ng Diyos tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng mabubuting gawa at masasamang gawa, naunawaan ko na ang hindi paggawa ng masama o pagdudulot ng mga paggambala at panggugulo ay hindi ginagawang mabuting tao ang isang tao, at sa pinakamalala, maituturing ang isang tao na taong totoo. Ang mabubuting gawa ay kinasasangkutan ng elemento ng pagkukusa at ng isang proseso ng paghahanap sa katotohanan. Kinasasangkutan ang mga ito ng pangangasiwa sa mga usapin na ayon sa mga prinsipyo upang umayon sa mga layunin ng Diyos. Ang gayong pagsasagawa ay katumbas ng tunay na mabubuting gawa. Sa huli, tinutukoy ng Diyos ang kalalabasan ng mga tao batay sa kung gumawa ba sila ng mabubuting gawa. Sa pagbabalik-tanaw, karamihan sa mga pagganap ko sa mga tungkulin pagkatapos manampalataya sa Diyos ay para sa reputasyon at pakinabang, at bihira para sa akin na maagap na isagawa ang katotohanan. Hindi ko aktibong inilantad o iniulat ang mga huwad na lider o anticristo, at bihira kong tulungan ang mga kapatid na lutasin ang kanilang mga paghihirap at problema. Kadalasan, sinusunod ko lamang ang mga panuntunan ni Satanas sa pananatiling buhay: “Inaasikaso ng bawat tao ang kanilang sarili; wala silang pakialam sa katabi.” Bilang isang lider ng iglesia, ayaw kong gawin ang marami sa gawain ko na saklaw ng responsabilidad ko, at ang aking pagiging isang manager na hindi direktang nakikisangkaot ay nakaantala sa gawain. Masamang gawa ang mga ito. Kung huhusgahan batay sa mga katotohanang prinsipyo, napagtanto ko na sa loob ng maraming taon ng pananampalataya sa Diyos, halos wala akong inihandang mabuting gawa, at na sa katunayan ay nakapagtala ako ng maraming masamang gawa. Nadama kong nasa matinding panganib ako, kaya nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, bagama’t gumawa ako ng mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos sa mga nakalipas na taon, hindi ko tinrato ang sarili ko bilang isang tao ng sambahayan ng Diyos, at halos hindi ako kailanman naging maagap sa pagtataguyod ng gawain ng iglesia. Naging masyado akong makasarili at kasuklam-suklam! Diyos ko, gusto kong magsisi. Pakiusap, tulungan at siyasatin Mo ako. Handa akong isagawa ang katotohanan para bigyang-kasiyahan Ka.”

Pagkatapos niyon, nagsimula akong planuhin ang oras ko para sa aking mga tungkulin, at makatwirang isinaayos ang pang-araw-araw na gawain ko at pinaplano ko ang pangsusunod na araw na gawain bago magpahinga sa bawat gabi. Tinulungan din ako nitong makatuon at maisagawa ang mas maraming gawain, at nagawa ko ring lumahok sa ibang gawain. Pagkatapos magsagawa nang ganito nang ilang panahon, nalaman ko na ang makatwirang pagpaplano ay nagpabuti sa kahusayan ng gawain at hinayaan akong makagawa ng mas maraming gawain sa isang araw. Minsan kapag ang mga kapatid sa ibang pangkat ay lumalapit sa akin para humingi ng tulong, inaako ko rin ang mga problemang ito, at sa proseso ay nanalangin ako sa Diyos para matanggap ang pagsisiyasat Niya. Kung sumang-ayon akong gawin ang isang bagay, kailangan ko itong isapuso at hindi ko puwedeng basta iraos ito. Minsan nahihirapan pa rin akong subaybayan ang gawain ng iba, pero kapag napagtatanto ko ito, aktibo akong naghihimagsik laban sa sarili ko, at sinusubukang asikasuhin ang mga detalye ng gawain sa abot ng makakaya ko. Alam ko na malalim na nakaugat ang satanikong kalikasan ko, at na hindi sapat ang dalawang beses na pagpupungos para lutasin ito, kaya nanalangin ako sa Diyos na siyasatin ang puso ko, para ituwid at disiplinahin Niya ako kapag iresponsable ako sa aking mga tungkulin, tinutulutan akong isabuhay ang normal na pagkatao at maging isang tao na may konsensiya at pagkatao. Sobra din akong nagpapasalamat sa Diyos sa dalawang beses na pagkakapungos, na nagbigay-daan sa akin na mapagtanto ang mga seryosong kahihinatnan ng pagiging iresponsable sa aking mga tungkulin, at na magising at medyo magbago.

Sinundan:  77. Tama Ba ang Pananaw na “Ang Kabutihang Natanggap Ay Dapat Suklian Nang May Pasasalamat”?

Sumunod:  81. Sa Likod ng Pag-iwas sa Tungkulin

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger