81. Sa Likod ng Pag-iwas sa Tungkulin
Noong Marso 2023, ginagawa ko ang tungkulin ko bilang isang mangangaral sa iglesia. Dahil nagkamit ako ng kaunting resulta sa mga tungkulin ko, nagsimula kong maramdamang may magagaling akong kakayahan sa gawain at mahusay na kakanyahan. Habang ginagawa ang mga tungkulin ko, kumikilos ako nang may mapagmataas na disposisyon nang hindi hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo. Nagambala at nagulo nito ang gawain, at natanggal ako. Pagkatapos matanggal, talagang naging negatibo ako, at naisip kong nagambala at nagulo ko ang gawain ng iglesia, at sigurado akong wala na akong pagkakataong maligtas. Araw-araw akong namuhay nang nagdurusa. Pagkatapos magnilay-nilay nang mahigit sampung araw, isinaayos ng iglesia na gumawa ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Natatakot akong mabunyag at matanggal ulit, kaya palagi kong pinapanatiling alerto ang sarili ko, sinisigurong ginagawa ko ang mga tungkulin ko ayon sa mga prinsipyo at iniiwasang kumilos batay sa mapagmataas kong disposisyon.
Makalipas ang tatlong buwan, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Tinanong ako ng nakatataas na pamunuan kung ano ang palagay ko rito, at kahit na alam kong galing sa Diyos ang tungkuling ito at na hindi ako puwedeng tumanggi, naging sobrang mapanlaban ako. Sa isip-isip ko, “Talagang hindi ako puwedeng maging isang lider ng iglesia. Responsable ang isang lider sa pangkalahatang gawain, at dapat niyang unawain, himukin, at kumustahin ang lahat ng aspekto ng gawain, at dahil mas marami siyang responsabilidad, nakakapagbunyag siya ng mas marami sa mga katiwalian niya at mas mabilis na nabubunyag. Kung magiging isa akong lider at pagkatapos ay babalik na naman sa dati kong mga gawi, at magagambala at magugulo ko na naman ang gawain dahil sa mapagmataas kong disposisyon at mabubunyag at matatanggal ako, magiging isa itong malubhang problema, at baka mapaalis at matiwalag pa nga ako. Pagkatapos ay hindi na ulit ako magkakaroon ng anumang pagkakataong gawin ang mga tungkulin ko, at paano pa ako maliligtas kung ganoon?” Pagkatapos itong pag-ispan, pakiramdam ko ay medyo mas ligtas na gumawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, kaya tumanggi ako, sinasabing, “May mga isyu ako sa kalusugan, at napakaraming nakapaloob na responsabilidad sa pagiging isang lider. Kung igugugol ko ang mga araw ko nang ganoon kaabala, hindi ito kakayanin ng katawan ko. Dapat ay humanap kayo ng iba.” Sa huli, hiniling sa akin ng mga lider na pag-isipan pa ito at saka ako tumugon.
Noong gabing iyon pagkauwi ko, nilagnat at nagtae ako, at napagtanto kong nasa likod ng mga bagay na ito ang mga layunin ng Diyos. Naisip ko, “Sa lahat ng taon ng pananampalataya ko sa Diyos, tinanggap at sinunod ko ang anumang tungkuling isinaayos ng iglesia para sa akin, at kahit na may mga isyu ako sa kalusugan, hindi naman nakakaapekto ang mga iyon sa kakayahan kong gawin ang mga tungkulin ko. Kung ganoon ay bakit ayaw kong magpasakop sa pagkakataong ito nang ihalal nila ako bilang isang lider?” Kaya nagdasal at naghanap ako mula sa Diyos. Pagkatapos magdasal, agad akong naghanap ng mga nauugnay na salita mula sa Diyos para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May isa pang uri ng epekto ng pagkokondisyon na ipinipilit ng pamilya. Halimbawa, palaging sinasabi sa iyo ng iyong mga kapamilya na: ‘Huwag masyadong mamukod-tangi sa karamihan, dapat mong rendahan ang iyong sarili at magsanay na pigilan nang kaunti ang iyong mga salita at kilos, pati ang iyong mga personal na talento, abilidad, IQ, at iba pa. Huwag maging iyong tipo ng tao na namumukod-tangi. Katulad ito ng mga kasabihang, “Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril,” at “Ang nakausling tahilan ang unang nabubulok.” Kung gusto mong protektahan ang iyong sarili, at magkaroon ng pangmatagalan at matatag na puwesto sa grupong kinabibilangan mo, huwag kang maging ibon na nag-uunat ng leeg, dapat mong rendahan ang iyong sarili at huwag mag-asam na makaangat sa lahat. Isipin mo ang lightning rod na siyang unang tinatamaan kapag may bagyo, dahil tinatamaan ng kidlat ang pinakamataas na tuktok; at kapag napakalakas ng ihip ng hangin, ang pinakamataas na puno ang unang sumasalo sa hagupit nito at nalilipad; at kapag malamig ang panahon, ang pinakamataas na bundok ang unang nagyeyelo. Ganoon din sa mga tao—kung palagi kang nangingibabaw sa iba at nakakakuha ng atensiyon, at napapansin ka ng mga Partido, seryoso nitong ikokonsidera na parusahan ka. Huwag maging ibong nag-uunat ng kanyang leeg, huwag lumipad nang mag-isa. Dapat kang manatili sa loob ng kawan. Kung hindi, kapag may anumang kilusang panlipunang protesta na nabuo sa paligid mo, ikaw ang unang maparurusahan, dahil ikaw ang ibong lumalabas. Huwag kang maging lider o pinuno ng grupo sa iglesia. Kung hindi, sa oras na may anumang mga kawalan o problema na nauugnay sa gawain sa sambahayan ng Diyos, bilang ang lider o superbisor, ikaw ang unang pupuntiryahin. Kaya, huwag kang maging ang ibong nag-uunat sa kanyang leeg, dahil ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril. Dapat kang matutong itago ang iyong ulo at yumukyok na parang pagong.’ Naaalala mo ang mga salitang ito mula sa iyong mga magulang, at kapag dumating na ang oras na kailangang pumili ng isang lider, tinatanggihan mo ang posisyon, sinasabing, ‘Naku, hindi ko kayang gawin ito! Mayroon akong pamilya at mga anak, masyado na akong abala sa kanila. Hindi ako pwedeng maging lider. Kayo na dapat gumawa nito, huwag ninyo akong piliin.’ Ipagpalagay na nahalal ka pa rin bilang lider, nag-aatubili ka pa rin na gawin ito. ‘Kailangan ko yatang magbitiw,’ sabi mo. ‘Kayo na ang maging lider, ibinibigay ko sa inyo ang buong pagkakataon. Tinutulutan ko kayong akuin ang posisyon, ipinapaubaya ko na sa inyo.’ Nagninilay-nilay ka sa puso mo, ‘Huh! Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril. Kapag mas mataas ang pag-akyat mo, mas matindi rin ang lagapak mo, at malungkot doon sa tuktok. Hahayaan kitang maging lider, at pagkatapos mong mapili, darating ang panahon na magiging isa ka mismong katatawanan. Kahit kailan ay hindi ko ginustong maging isang lider, ayaw kong umangat, na nangangahulugang hindi ako babagsak nang napakataas. Isipin mo, hindi ba’t si gayo’t ganito ay natanggal bilang lider? Matapos matanggal, itiniwalag siya—hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataong maging isang ordinaryong mananampalataya. Ito ay isang perpektong halimbawa ng mga kasabihang “Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril” at “Ang nakausling tahilan ang unang nabubulok.” Hindi ba’t tama Ako? Hindi ba’t pinarusahan siya? Dapat matuto ang mga tao na protektahan ang kanilang sarili, kung hindi, ano ang silbi ng utak ng mga tao? Kung mayroon kang utak sa ulo mo, dapat mong gamitin ito para protektahan ang iyong sarili. Hindi malinaw na nakikita ng ilang tao ang isyung ito, pero ganyan talaga sa lipunan at sa anumang grupo ng mga tao—‘Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril.’ Igagalang ka nang husto habang iniuunat mo ang iyong leeg, hanggang sa sandaling mabaril ka. Pagkatapos, mapagtatanto mo na sa malao’t madali, ang mga taong naglalagay sa kanilang sarili sa unahan ay mapaparusahan dahil sa kanilang ginawa.’ Ito ang mga masigasig na turo ng magulang at pamilya mo, at pati na ang tinig ng karanasan, ang purong karunungan ng kanilang buhay, na ibinubulong nila sa iyong tainga nang walang pag-aalinlangan” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na namumuhay ang mga tao ayon sa mga pilosopiyang itinanim ni Satanas na tulad ng, “Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril,” “Ang nakausling tahilan ang unang nabubulok,” “Kung ano ang taas ng paglipad, siyang lakas ng lagapak kung bumagsak,” at “Malungkot sa itaas.” Naniniwala silang hindi dapat mamukod-tangi sa madla ang isang tao o kumilos nang buong-tapang, at na isa itong pamamaraan para maprotektahan ng isang tao ang sarili niya. Namumuhay ako ayon sa mga pananaw na ito, at naniniwala na sa pagiging isang lider at pag-ako ng mas maraming responsabilidad ay makakapagbunyag ako ng mas maraming katiwalian, at na kung ano ang taas ng paglipad ko, siyang lakas ng lagapak ko kung bumagsak. Nang maisip ko ito, ginusto kong protektahan ang sarili ko at maging isang ordinaryong mananampalataya lang, iniisip na ito ang pinakaligtas na piliin. Isa pa, dahil minsan na akong natanggal dati, kung matatanggal ulit ako, baka ni wala nang matira sa akin na pagkakataon para maging isang ordinaryong mananampalataya. Dahil sa mga walang kabuluhan at katawa-tawang pananaw na ito, nang mahalal ako bilang isang lider, ang una kong naisip ay na kung hindi ko magagawa nang maayos ang tungkuling ito, baka mabunyag at matiwalag ako, na mangangahulugang hindi ako maliligtas at maiiwan ako na walang mabuting kalalabasan o hantungan. Kaya nakahanap ako ng mga dahilan para tumanggi. Naisip ko kung paanong kumikilos ang mga walang pananampalataya batay sa prinsipyo ng hindi masyadong pagsasalita at hindi masyadong pamumukod-tangi para magkaroon ng matatag na buhay, at para protektahan ang sarili nila at magkaroon ng matatag na posisyon sa grupo, at napagtanto kong kapareho ng sa mga walang pananampalataya ang pananaw ko. Nang maharap sa isang tungkulin, hinusgahan ko ito ayon sa mga satanikong pilosopiyang ito, namumuhay sa maling pagkaunawa at pagiging mapagbantay laban sa Diyos habang tinatanggihan ang tungkuling iyon. Talagang naging makasarili at mapanlinlang ako!
Sa paghahanap ko, nabasa ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Iniisip ng ilang tao, ‘Ang sinumang namumuno ay hangal at mangmang at nagdudulot ng sarili nilang kapahamakan, sapagkat ang pagganap bilang isang lider ay hindi maiiwasang magdulot sa mga taong maghayag ng katiwalian upang makita ng Diyos. Nahahayag ba ang labis na katiwalian kung hindi nila ginawa ang gawaing ito?’ Napakakatawa-tawang ideya! Kung hindi ka kikilos bilang isang lider, hindi ka ba maghahayag ng katiwalian? Ang hindi pagiging lider, kahit na nagpapakita ka ng mas kaunting katiwalian, ay nangangahulugan ba na nakamit mo na ang kaligtasan? Ayon sa argumentong ito, ang lahat ba ng mga hindi naglilingkod bilang mga lider ang siyang makakaligtas at maliligtas? Hindi ba’t ang pahayag na ito ay lubos na katawa-tawa? Ang mga taong naglilingkod bilang mga lider ay gumagabay sa mga hinirang ng Diyos upang kainin at inumin ang salita ng Diyos at upang maranasan ang gawain ng Diyos. Mataas ang hinihinging ito at pamantayang ito, kaya hindi maiiwasan na ang mga lider ay maghahayag ng ilang tiwaling kalagayan kapag nagsisimula pa lang silang magsanay. Ito ay normal, at hindi ito kinokondena ng Diyos. Hindi lamang na hindi ito kinokondena ng Diyos, kundi binibigyang-liwanag, tinatanglawan, at ginagabayan rin Niya ang mga taong ito, at binibigyan sila ng dagdag na pasanin. Hangga’t kaya nilang magpasakop sa patnubay at gawain ng Diyos, mas mabilis silang uunlad sa buhay kaysa sa mga ordinaryong tao. Kung sila ay mga taong naghahangad ng katotohanan, matatahak nila ang landas ng pagpeperpekto ng Diyos. Ito ang bagay na pinakapinagpala ng Diyos. Hindi ito nakikita ng ilang tao, at binabaluktot nila ang mga katotohanan. Ayon sa pagkaunawa ng tao, gaano man magbago ang isang lider, walang pakialam ang Diyos; titingnan lamang Niya kung gaano kalaking katiwalian ang inihahayag ng mga lider at manggagawa, at kokondenahin Niya sila batay lamang dito. At para sa mga hindi lider at manggagawa, dahil kaunting katiwalian lamang ang inihahayag nila, kahit hindi sila magbago, hindi sila kokondenahin ng Diyos. Hindi ba’t ito ay katawa-tawa? Hindi ba’t ito ay kalapastanganan sa Diyos? Kung napakalubha mong nilalabanan ang Diyos sa puso mo, maliligtas ka ba? Hindi ka maliligtas. Pangunahing pinagpapasyahan ng Diyos ang mga kahihinatnan ng mga tao batay sa kung taglay nila ang katotohanan at mayroon silang tunay na patotoo, at ito ay pangunahing nakasalalay sa kung sila ay mga taong naghahangad ng katotohanan. Kung hinahangad nga nila ang katotohanan, at tunay silang makapagsisisi pagkatapos silang hatulan at kastiguhin dahil sa paggawa ng paglabag, hangga’t hindi sila nagsasabi ng mga salita o gumagawa ng mga bagay na lumalapastangan sa Diyos, tiyak na makapagkakamit sila ng kaligtasan. Ayon sa inyong mga guni-guni, ang lahat ng ordinaryong nananalig na sumusunod sa Diyos hanggang sa wakas ay makapagkakamit ng kaligtasan, at ang mga nagsisilbing lider ay dapat itiwalag lahat. Kung kayo ay hihilingin na maging lider, iisipin ninyo na hindi magiging mabuti na hindi gawin ito, ngunit kung kayo ay magsisilbing lider, hindi sinasadyang maghahayag kayo ng katiwalian, at iyon ay magiging katulad lang ng pagpapadala ng inyong sarili sa gilotina. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay dulot ng inyong mga maling pagkaunawa sa Diyos? Kung ang mga kahihinatnan ng mga tao ay pinagpapasyahan batay sa katiwalian na kanilang inihahayag, walang sinuman ang maliligtas. Kung ganoon nga, ano ang magiging silbi ng paggawa ng Diyos sa gawain ng pagliligtas? Kung ganito nga talaga, nasaan ang pagiging matuwid ng Diyos? Hindi makikita ng sangkatauhan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Samakatuwid, lahat kayo ay mali ang pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, na nagpapakita na kayo ay walang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Paminsan-minsan, gumagamit ang Diyos ng isang partikular na bagay upang ibunyag ka o disiplinahin ka. Kung gayon ba ay nangangahulugan ito na tiniwalag ka na? Nangangahulugan ba ito na dumating na ang katapusan mo? Hindi. … Sa katunayan, sa maraming pagkakataon, ang pag-aalala ng mga tao ay nagmumula sa kanilang pansariling mga interes. Sa pangkalahatan, natatakot sila na baka wala silang kahinatnan. Palagi nilang iniisip, ‘Paano kung ibunyag, itiwalag, at tanggihan ako ng Diyos?’ Ito ang maling interpretasyon mo sa Diyos; ang mga ito ay isang panig na pala-palagay mo lamang. Kailangan mong alamin kung ano ang layunin ng Diyos. Kapag ibinubunyag Niya ang mga tao, hindi ito para itiwalag sila. Ibinubunyag ang mga tao para ibunyag ang kanilang mga pagkukulang, pagkakamali, at kalikasang diwa, para makilala nila ang kanilang sarili, at maging kaya nila ang tunay na pagsisisi; sa kadahilanang ito, ang pagbubunyag sa mga tao ay para tulungan ang buhay nilang lumago. Kung walang dalisay na pagkaunawa, malamang na magkamali ng pag-unawa ang mga tao sa Diyos at maging negatibo at mahina. Maaari pa nga silang magpatangay sa kawalan ng pag-asa. Sa katunayan, ang maibunyag ng Diyos ay hindi naman nangangahulugan na ititiwalag ka. Ito ay para tulungan kang malaman ang sarili mong katiwalian, at pagsisihin ka. Kadalasan, dahil suwail ang mga tao, at hindi naghahanap ng kasagutan sa katotohanan kapag nagbubunyag sila ng kanilang katiwalian, kailangang magdisiplina ng Diyos. At dahil dito, minsan, ibinubunyag Niya ang mga tao, ibinubunyag ang kanilang kapangitan at pagiging kaawa-awa, tinutulutan silang makilala ang kanilang sarili, na nakakatulong para lumago ang kanilang buhay” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan at Pagpapasakop sa Diyos Maaaring Matamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na bilang mga lider at manggagawa, gaano man karaming tiwaling disposisyon ang ibinubunyag nila o anumang mga pagsalangsang ang nagawa nila dati, basta’t hinahangad nila ang katotohanan at kaya nilang pagnilayan at kilalanin ang sarili nila at magkaroon ng tunay na pagsisisi at pagbabago, makapagtatamo sila ng kaligtasan. Para sa mga taong hindi mga lider, kahit na kaunti lang ang katiwaliang nabubunyag sa kanila, kung hindi nila hinahangad ang katotohanan o wala silang anumang tunay na pagkaunawa sa sarili nila, sa huli ay hindi magbabago ang disposisyon nila, at hindi pa rin magiging posible na maligtas sila. Sa katunayan, kung maliligtas o matitiwalag tayo ay walang kinalaman sa kung anong mga tungkulin ang ginagawa natin o kung mataas o mababa ang katayuan natin. Ang susi ay nakasalalay sa personal na paghahangad natin, iyon ay kung hinahangad natin ang katotohanan at minamahal ang katotohanan. Hindi nagtitiwalag ang sambahayan ng Diyos ng mga tao batay sa mga panandaliang kilos o pag-uugali, kundi sa halip ay pinagpapasyahan ang mga bagay na ito batay sa palagiang pag-uugali ng isang tao at sa kalikasang diwa niya. Katulad lang ng mga masamang tao at anticristong iyon na pinaalis o itinawalag, tutol at namumuhi sila sa katotohanan, at madalas silang lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo sa mga tungkulin nila at gumagawa ng maraming kasamaan. Ayaw nilang magsisi sa kabila ng maraming beses na pagbabahaginan, at iyon ang dahilan kung bakit pinapaalis at itinitiwalag sila ng sambahayan ng Diyos. Ang dating pagtatanggal sa akin ay dahil sa masyadong mapagmataas na disposisyon ko, sa pagkabigo kong sumunod sa mga prinsipyo sa mga tungkulin ko at sa paggambala at panggugulo ko sa gawain ng iglesia. Gayumpaman, hindi layon ng pagtatanggal sa akin na itiwalag ako, kundi sa halip ay bigyang-daan akong pagnilayan ang sarili ko at tunay na magsisi sa pamamagitan ng karanasang iyon, at pagkatapos kong magkamit ng kaunting pagkaunawa sa sarili ko, isinaayos ng iglesia na gumawa ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Napagtanto ko na ang pagbubunyag sa akin ng Diyos dito ay naglalayong baguhin at dalisayin ako, hindi na itiwalag ako. Nang maharap ako sa mga sitwasyon nang hindi hinahanap ang katotohanan, hindi ko naunawaan ang saloobin ng Diyos sa mga tao at ang mga masusing konsiderasyon Niya. Katawa-tawa kong naisip na dahil minsan na akong natanggal, kung makakagawa ako ng isa pang pagkakamali, mapapaalis at matitiwalag ako. Hindi ba’t nagkakamali ako ng pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos?
Kalaunan nakabasa pa ako ng mas maraming salita ng Diyos at nagkamit ng kaunting pagkaunawa sa kalikasang diwa ko. Sabi ng Diyos: “Ang mga anticristo hindi naniniwala na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at hindi sila naniniwala na matuwid at banal ang Kanyang disposisyon. Tinitingnan nila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at hinaharap nila ang gawain ng Diyos gamit ang mga perspektiba, kaisipan, at tusong pag-iisip ng tao, gumagamit ng lohika at pag-iisip ni Satanas para tukuyin ang disposisyon, pagkakakilanlan, at diwa ng Diyos. Maliwanag na hindi lang hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang disposisyon, pagkakakilanlan, at diwa ng Diyos; sa kabaligtaran, puno sila ng mga kuru-kuro, pagkontra, at paghihimagsik laban sa Diyos at wala silang kahit katiting na tunay na pagkakilala sa Kanya. Isang tandang pananong ang depinisyon ng mga anticristo sa gawain ng Diyos, sa disposisyon ng Diyos, at sa pagmamahal ng Diyos—puno ng pagdududa, at puno sila ng pag-aalinlangan at puno ng pagtatatwa at paninirang-puri dito; kung gayon, ano naman ang tungkol sa Kanyang pagkakakilanlan? Kumakatawan sa Kanyang pagkakakilanlan ang disposisyon ng Diyos; sa gayong pagtrato sa disposisyon ng Diyos, maliwanag ang kanilang pagtrato sa pagkakakilanlan ng Diyos—direktang pagtatatwa. Ito ang diwa ng mga anticristo” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaanim na Bahagi)). “Kinalulugdan Ko ang mga hindi mapaghinala sa iba, at gusto Ko ang mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; nagpapakita Ako ng labis na pagkalinga sa dalawang uri ng mga taong ito, dahil matatapat silang mga tao sa Aking paningin. Kung mapanlinlang ka, magiging malihim at mapaghinala ka sa lahat ng tao at bagay, kaya ang pananampalataya mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananampalataya. Sa kakulangan ng tunay na pananampalataya, mas lalo kang salat sa tunay na pagmamahal. At kung malamang na pagdudahan mo ang Diyos at sinasadya mong gumawa ng haka-haka tungkol sa Kanya, kung gayon walang kaduda-dudang ikaw ang pinakamapanlinlang sa lahat ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na pinagdududahan at itinatanggi ng mga anticristo ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Hindi sila naniniwala na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, ni naniniwala sa matuwid at banal na disposisyon Niya. Sa halip, pinag-aaralan nila ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng mga pananaw at pangangatwiran ng tao, at puno sila ng mga kuru-kuro, hinala, pagtanggi, at mga pagdududa sa Diyos. Nakita kong naging pareho ng sa isang anticristo ang saloobin ko. Palagi kong pinaghihinalaan ang Diyos. Pagkatapos kong matanggal bilang isang mangangaral, hindi ako naghanap para maunawaan ang mga paraan kung paano ako lumaban at naghimagsik laban sa Diyos, ni pinagnilayan kung paano ko nagambala at nagulo ang gawain ng iglesia. Wala talaga akong pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at sa halip, ang tingin ko sa Diyos ay para bang isa Siyang tagapamahala, iniisip na sa sandaling makagawa ang isang tao ng isang pagsalangsang, hindi Niya ito bibigyan ng pagkakataong magsisi, at na paaalisin at ititiwalag Niya ito. Naisip ko kung paanong sa pagharap sa pagtatanggal na ito, ang mga layunin ng Diyos ay ang himukin akong pagnilayan at kilalanin ang sarili ko at matuto ako ng aral. Ang pagkakapili sa akin bilang isang lider ay pagbibigay sa akin ng Diyos ng isa pang pagkakataong magsanay, at biyaya at pagtataas din Niya ito. Pero sa halip na magpasalamat para sa pagmamahal at pagliligtas ng Diyos, naghinala ako sa Diyos, nagsagawa ng panlilinlang laban sa kanya, at tumanggi sa tungkulin ko, tinatrato ang pagkakataong ito para magawa ang tungkulin ko bilang isang pakana para ibunyag at itiwalag ako. Hindi ba’t hinuhusgahan ko ang mga bagay-bagay bilang mabuti o masama at binabaluktot ang mga katunayan? Talagang wala akong pagkatao! Kung patuloy akong mamumuhay sa mga satanikong panlilinlang na gaya ng “Malungkot sa itaas,” at “Kung ano ang taas ng paglipad, siyang lakas ng lagapak kung bumagsak,” at hindi ko hahanapin ang mga katotohanang prinsipyo sa mga tungkulin ko at mananatili akong palaging mapagbantay at nagkakamali ng pagkaunawa sa Diyos, ang kahahantungan ko lang sa huli ay kasusuklaman ako ng Diyos at ibubunyag at ititiwalag Niya ako. Nag-alay ako ng isang panalangin ng pagsisisi sa Diyos: “O Diyos, naging masyado akong mapanlinlang at buktot, palaging mapaghinala at mapagbantay laban sa Iyo. Pero ginagamit Mo pa rin ang mga salita Mo para bigyang-liwanag at patnubayan akong maunawaan ang mga layunin Mo. Talagang hindi ako karapat-dapat sa pagliligtas Mo! O Diyos, handa akong magsisi at magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos Mo, at hindi na maghimagsik laban sa Iyo at saktan ang puso Mo.”
Pagkatapos nito, nagbasa pa ako ng mas maraming salita ng Diyos, at nagkamit ng isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang totoo, para sa karamihan ng mga tao, kahit ano pang mga tiwaling disposisyon ang inihahayag nila habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, hangga’t hinahanap nila ang katotohanan para lutasin ang mga ito, unti-unti nilang mababawasan ang dami ng mga paghahayag ng katiwalian, at sa huli ay magagampanan nila nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Ito ang proseso ng pagdanas ng gawain ng Diyos. Sa sandaling maghayag ka ng tiwaling disposisyon, dapat mong hanapin ang katotohanan para lutasin ito, at kilatisin at suriing mabuti ang sataniko mong disposisyon. Ito ang proseso ng pakikipaglaban sa sataniko mong disposisyon, at mahalaga ito para sa iyong karanasan sa buhay. Habang nararanasan mo ang gawain ng Diyos at binabago mo ang iyong disposisyon, ginagamit mo ang mga katotohanang nauunawaan mo para makipagtagisan laban sa sataniko mong disposisyon, at sa huli ay malulutas mo ang mga tiwali mong disposisyon at mapagtatagumpayan mo si Satanas, at sa gayon ay magkakamit ka ng pagbabago sa disposisyon. Ang proseso ng pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay ang paghahanap at pagtanggap sa katotohanan upang mapalitan ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at ang mga salita at doktrina, at para palitan ang mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo at ang iba’t ibang maling pananampalataya at maling paniniwalang nagmumula kay Satanas, unti-unting pinapalitan ng katotohanan at ng salita ng Diyos ang mga bagay na ito. Ito ang proseso ng pagtatamo ng katotohanan at ng pagbabago sa disposisyon ng isang tao. Kung gusto mong malaman kung gaano na nagbago ang disposisyon mo, kailangan mong makita nang malinaw kung gaano karaming katotohanan ang nauunawaan mo, kung gaano karaming katotohanan ang isinagawa mo na, at kung gaano karaming katotohanan ang naisasabuhay mo. Dapat mong makita nang malinaw kung ilan sa mga tiwali mong disposisyon ang napalitan na ng mga katotohanang naunawaan at natamo mo na, at kung hanggang saan nakokontrol ng mga ito ang mga tiwaling disposisyong nasa loob mo, ibig sabihin, kung hanggang saan nagagabayan ng mga katotohanang nauunawaan mo ang mga kaisipan at intensyon mo, at ang pang-araw-araw mong buhay at pagsasagawa. Marapat mong makita nang malinaw kung, kapag may nangyayari sa iyo, ang mga tiwaling disposisyon mo ba ang nakalalamang, o kung ang mga katotohanan bang nauunawaan mo ang namamayani at gumagabay sa iyo. Ito ang pamantayan kung saan sinusukat ang iyong tayog at pagpasok sa buhay” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Sa ngayon, pagsikapan mo lang ang katotohanan, pagtuunan ang pagpasok sa buhay, at hangarin na tuparin nang maayos ang iyong tungkulin. Walang pagkakamali rito! Paano ka man pakitunguhan ng Diyos sa huli, sigurado itong matuwid; hindi ka dapat magduda rito at hindi mo kailangang mag-alala. … Kung paminsan-minsan ay nagiging talipandas ka nang hindi mo namamalayan, at tinutukoy iyon sa iyo ng Diyos at pinupungusan ka, at nagbabago ka at nagpapakabuti, hindi ito panghahawakan ng Diyos laban sa iyo. Ito ang normal na proseso ng pagbabago ng disposisyon, at ang tunay na kabuluhan ng gawain ng pagliligtas ay ipinapakita sa prosesong ito. Ito ang susi” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang mga layunin Niya. Ang gawain ng Diyos ay ang baguhin at linisin ang mga tiwaling disposisyon natin. Dahil matindi na tayong nagawang tiwali ni Satanas, patuloy tayong nagbubunyag ng katiwalian sa mga tungkulin natin. Samakatwid, dapat ay sadya nating hanapin ang katotohanan para lutasin ito, magkaroon tayo ng tunay na pagsisisi, at unti-unting umusad sa buhay pagpasok natin. Sa paggawa lang nito tayo magtatamo ng kaligtasan sa huli. Sa realidad, ang pinakamalaking balakid sa kaligtasan ay ang sariling tiwaling disposisyon ng isang tao, na walang kinalaman sa kung anong tungkulin ang ginagawa niya. Kahit na hindi ko gawin ang tungkulin ng isang lider, kung hindi malulutas ang tiwaling disposisyon ko, mabubunyag at matitiwalag pa rin ako sa huli. Bilang isang nilikha, kailangan kong tanggapin ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos at magpasakop sa mga ito, at kailangan kong ibigay ang lahat ko sa mga tungkulin ko at hindi na ako magkamali ng pagkaunawa o maging mapagbantay laban sa Diyos! Matapos maunawaan ang mga layunin ng Diyos, hindi na ako natatakot na mabunyag o matiwalag bilang isang lider, kaya sumulat ako sa nakatataas na pamunuan para tanggapin ang tungkuling ito.
Sa pamamagitan ng karanasang ito, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa mapanlinlang kong disposisyon ng paghihinala at pagiging mapagbantay laban sa Diyos, at nagkamit din ako ng kaunting kabatiran sa mga nakalilinlang na pananaw ko. Napagtanto ko na kapag ibinubunyag ng Diyos ang mga tao, hindi ito para itiwalag sila, kundi sa halip ay para dalisayin at iligtas sila, paano man Siya kumikilos. Salamat sa Diyos!