84. Hindi Ko na Pinananatili ang Aking Mabuting Imahe

Ni Yao Yongxin, Tsina

Bago pa man ako isilang, pumanaw na ang aking ama dahil sa karamdaman, naiwan ang aking ina para itaguyod mag-isa ang limang magkakapatid, nagpupunyagi na may maipantawid-buhay. Walang sinuman sa nayon ang gumalang sa amin. Mula pa sa mga pinakauna kong alaala, palagi kaming tinuturuan ng aming ina, “Dapat may dignidad ang isang tao. Bagaman mahirap tayo, dapat hindi tayo mawalan ng loob.” “‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.’ Dapat kang mag-iwan ng mabuting pangalan sa iyong buong buhay. Kung wala kang mabuting reputasyon, ano pa ang silbi ng iyong pamumuhay? Saan ka man magpunta, dapat kang mag-iwan ng magandang impresyon sa mga tao. Anuman ang gawin mo, huwag mong hayaan na magsalita nang masama ang iba tungkol sa iyo. Sa halip, siguraduhin mong matatandaan ng mga tao ang iyong kabutihan.” Sa ilalim ng matagalan at taimtim na paggabay ng aking ina, ang kasabihang “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” ay malalim na nag-ugat sa aking puso. Ito ang naging direksiyon ng aking pag-uugali at asal, at lubos kong inalala ang imahe ko sa paningin ng iba sa lahat ng aking ginawa. Naalala ko noong teenager pa lang ako, narinig kong magreklamo ang aking hipag na hindi tumutulong ang aking ina at ate sa pag-aalaga ng mga anak niya. Naisip ko na hindi ko siya dapat hayaang magsalita nang masama tungkol sa akin sa aking likuran, kaya kusa kong inalagaan ang mga anak niya, nilalabhan ang mga damit ng mga ito, at pinapakain ang mga ito. Kalaunan, madalas akong purihin ng aking hipag sa harap ng iba, sinasabing ako ang pinakamabuti sa aming pamilya. Pinuri din ako ng mga taganayon. Lubos akong natuwa nang marinig ang lahat ng ito. Matapos kong mag-asawa, naratay sa kama ang aking biyenan, at matapos siyang alagaan sa loob ng ilang panahon, hindi na ito kinaya ng aking katawan. Nang bisitahin ko ang aking ina, nagreklamo ako sa kanya. Pinayuhan niya ako, “Kailangan mong maging mabuti sa iyong biyenan; hindi ka dapat mag-iwan ng masamang reputasyon.” Pinag-isipan ko ang sinabi ng aking ina at sinang-ayunan ko siya. Ang mabuhay ng isang habambuhay ay tunay na tungkol sa pag-iiwan ng mabuting pangalan, at pag-iwas sa isang masamang reputasyon. Dapat sana ay nagsalitan kami ng dalawa kong hipag sa pag-aalaga sa aking biyenan. Pero para bumuo ng isang mabuting reputasyon sa nayon, inako ko ang pag-aalaga sa kanya nang mag-isa sa loob ng sampung taon hanggang sa pumanaw siya. At nakatanggap ako ng papuri mula sa mga taganayon at nagkaroon ako ng mabuting reputasyon na ninanais ko.

Pagkatapos kong magsimulang manalig sa Diyos, ipinagpatuloy ko ang pag-alala sa mga turo ng aking ina. Lubos kong inalala ang pagsusuri ng mga kapatid sa iglesia sa akin, natatakot na ang anumang pagkakamaling magawa ko ay makapagbibigay sa kanila ng masamang impresyon sa akin. Noong panahong iyon, taimtim kong hinangad ang aking pananalig, masigasig na binabasa ang salita ng Diyos, at aktibong nakikilahok sa pagbabahaginan tuwing mga pagtitipon. Hindi nagtagal, nagsimula akong gampanan ang tungkulin ko bilang lider ng iglesia. Para mapanatili ang mabuting imahe sa puso ng mga kapatid, lalo kong pinagtuunan ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, para makita nila ako bilang isang taong nakapagbabahagi ng katotohanan at isang mahusay na lider. Sinikap ko ring panatilihin ang magagandang relasyon ko sa aking mga katrabaho. Sa tuwing humihingi sila ng tulong sa akin, ginagawa ko ang lahat para matulungan sila. Minsan, hindi sila dumadalo sa mga pagpupulong ng grupo dahil sa mga personal na usapin, o inilalapit nila sa akin ang mga hindi nalutas na suliranin at hinihingi sa akin na magbahagi para maharap ang mga problema sa halip na sila mismo ang lumutas. Inako ko rin ang mga gampaning ito. Dahil nadagdagan ang gawain, maaga akong umaalis ng bahay at gabi nang umuuwi araw-araw. Hindi ko naman talaga ginustong maging sobrang abala araw-araw. Bukod pa rito, madalas akong pigilan ng asawa ko sa pagtupad ng aking mga tungkulin at palagi akong kinagagalitan pagkauwi ko sa bahay. Kahit nakararamdam ako ng pait at pagod, palagi akong nangangako na tutulong sa aking mga katrabaho, gaano man ito kahirap, para mapanatili ang magandang opinyon nila sa akin. Sa tuwing may mga hinaing ang mga kapatid sa buhay nila o mga paghihirap sa mga tungkulin nila, pumupunta sila sa akin, at inaalo ko sila at naghahanap ako ng ilang salita ng Diyos para makipagbahaginan sa kanila. Sa iglesia, natanggap ko ang papuri ng lahat ng kapatid.

Minsan, nang makipag-usap ako kay Sister Zheng Lu tungkol sa aking kalagayan, nabanggit niya na sinabi ng ilang kapatid na mapagmataas ako at na nagsalita ako nang marahas ang tono. Nagulat ako, at sinubukan kong hulaan kung sino ang may gayong opinyon sa akin. Habang pinagninilayan ang bawat pakikisalamuha ko sa mga kapatid, naalala ko na noong pinangasiwaan ko ang isang ulat kamakailan, nang hindi bineberipika ang mga detalye, agad-agad akong bumuo ng isang partikular na paglalarawan batay sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon at pinilit ko ang iba na sumang-ayon dito. Talagang naging mapagmataas at palalo ako. Pero nang mapagtanto na may ganitong opinyon sa akin ang mga kapatid, medyo naging mahirap ito para sa akin na tanggapin, at labis akong nanlumo, iniisip, “Palagi kong inakala na napakaganda ng imahe ko sa puso ng mga kapatid. Pero lumalabas na napakaterible nito. Nakakahiya talaga ito! Paano ko sila haharapin sa hinaharap?” Sa isang iglap, parang gumuho ang mundo ko, at nakaramdam ako ng matinding kabiguan, napuno ang isipan ko ng tungkol sa mga negatibong opinyon nila sa akin. Noong gabing iyon, nagpaikot-ikot ako sa kama, hindi makatulog, at tahimik na lumuha. Pinag-isipan ko pang isuko ang aking tungkulin. Sobra akong pinanghinaan, na parang nawala ang sigla ko. Para mapagandang muli ang aking imahe sa puso ng mga kapatid, kapag dumadalong muli sa mga pagtitipon, pinagtutuunan ko ng partikular na pansin ang tono ng aking tinig at mga ekspresyon. Kapag kinakausap ko sila, sinusubukan kong gumamit ng banayad at malumanay na tono. Kapag napapansin ko ang mga isyu sa kanilang mga tungkulin, iniiwasan kong punahin o ilantad ang mga isyu nang deretsahan. Sa halip, sinusuyo ko silang tapusin ang mga bagay-bagay, umaasa na mararamdaman nilang madali akong lapitan sa halip na mapagmataas at palalo. Minsan, sa isang pagtitipon para isagawa ang gawain, sobrang huli na nang dumating ang isang lider ng grupo dahil sa mga usapin sa bahay, na inantala ang pagtitipon. Iniulat ng ilang kapatid na wala siyang pasanin sa kanyang tungkulin, at na palagi siyang huling dumating sa mga pagtitipon. Gusto kong punahin ito at pungusan siya, pero pagkatapos ay naisip ko, “Kung pupungusan ko siya, magsasalita ba siya nang masama sa mga kapatid tungkol sa akin, na sinasabi kung gaano ako karahas at kung paanong pinupungusan ko siya? Kung gayon, hindi ba’t mag-iiwan iyon ng masamang impresyon sa akin sa puso ng mas maraming kapatid?” Para mapanatili ang aking dangal at katayuan, pinigil ko ang sarili ko at magiliw na sinabi sa lider ng grupo, “Sa susunod, pakiusap, huwag kang magpahuli, kung hindi ay maaantala ang gawain.” Pagkasabi nito, napagtanto ko na kung ipagpapatuloy ko ang ganitong hindi pagpuna sa mga isyu niya, magkakaroon ito ng epekto sa buhay iglesia. Gayumpaman, natakot ako na magkakaroon siya ng masamang impresyon sa akin, kaya hindi ko pinuna ang mga ito. Pagkatapos ng pagtitipon, sobra akong napagod sa pagpapanggap nang ganito. Nanatiling hindi nagbabago ang lider na iyon ng grupo pagkatapos. Nagpatuloy siya sa pagpapabaya sa kanyang tungkulin, walang pagpapahalaga sa pasanin. Nakaramdam ako ng pagpipigil at pagdadalamhati, maging hanggang sa punto ng pag-iisip na hindi ko maipagpapatuloy ang tungkuling ito dahil masyado itong nakapapagod.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kinokondisyon ng pamilya ang mga tao gamit ang hindi lamang isa o dalawang kasabihan, kundi napakaraming sikat na kasabihan at talinghaga. Halimbawa, madalas bang binabanggit ng mga nakatatanda sa iyong pamilya at ng iyong mga magulang ang kasabihang ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad’? (Oo.) Sinasabi nila sa iyo: ‘Dapat mamuhay ang mga tao para sa kapakanan ng kanilang reputasyon. Walang ibang hinahangad ang mga tao sa buhay nila, maliban sa gumawa ng magandang reputasyon sa iba at magbigay ng magandang impresyon. Saan ka man magpunta, magbigay ka ng mas maraming pagbati, magiliw na komento, at papuri, at magsabi ng mas maraming mabuting salita. Huwag pasamain ang loob ng mga tao, sa halip ay gumawa ng mas maraming mabuting bagay at kilos.’ Itong partikular na epekto ng pagkokondisyon ng pamilya ay may tiyak na epekto sa pag-uugali o mga prinsipyo ng pag-asal ng mga tao, na may hindi maiiwasang kahihinatnan kung saan binibigyang-halaga nila ang kasikatan at pakinabang. Ibig sabihin, binibigyang-halaga nila ang kanilang sariling reputasyon, katanyagan, ang impresyong nililikha nila sa isipan ng mga tao, at ang pagtingin ng iba sa lahat ng kanilang ginagawa at bawat opinyon na kanilang ipinapahayag. Sa lubos na pagpapahalaga sa kasikatan at pakinabang, hindi sinasadyang nabibigyan mo ng kaunting halaga kung naaayon ba sa katotohanan at mga prinsipyo ang tungkuling ginagampanan mo, kung napapalugod mo ba ang Diyos, at kung sapat mong natutupad ang iyong tungkulin. Itinuturing mo ang mga bagay na ito bilang hindi gaanong mahalaga at mas mababang priyoridad, samantalang ang kasabihang ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,’ na ikinondisyon sa iyo ng iyong pamilya, ay nagiging napakahalaga sa iyo. Dahil dito, labis mong binibigyang-pansin kung paano pumapasok sa isipan ng mga tao ang bawat detalye ng iyong sarili. Sa partikular, binibigyan ng espesyal na atensiyon ng ilang tao kung ano talaga ang tingin ng ibang tao sa kanila kapag nakatalikod sila, hanggang sa puntong nakikinig sila nang palihim, nakikinig sa mga kalahating-bukas na pinto, at panakaw pa ngang sumusulyap sa kung ano ang isinusulat ng ibang tao tungkol sa kanila. Sa sandaling may bumanggit sa pangalan nila, iniisip nila na, ‘Kailangan kong magmadali at pakinggan kung ano ang sinasabi nila tungkol sa akin, at kung mayroon ba silang magandang opinyon tungkol sa akin. Naku, sinabi nilang tamad ako at na gusto kong kumain ng masasarap na pagkain. Kung gayon, dapat akong magbago, hindi ako pwedeng magpakatamad sa hinaharap, dapat akong maging masipag.’ Matapos magsipag nang ilang panahon, iniisip nila, ‘Pinakikinggan ko kung sinasabi ba ng lahat na tamad ako, at tila walang nagsabi nito kamakailan.’ Ngunit hindi pa rin sila mapalagay, kaya’t pasimple nila itong binabanggit sa kanilang mga pakikipag-usap sa mga nakapaligid sa kanila, sinasabing: ‘Medyo tamad ako.’ At tumutugon ang iba ng: ‘Hindi ka tamad, mas masipag ka na ngayon kaysa sa dati.’ Dahil dito, agad silang napapanatag, lubos na nagagalak, at gumiginhawa ang pakiramdam. ‘Tingnan mo nga naman, nagbago na ang opinyon ng lahat sa akin. Mukhang napansin ng lahat ang pagbuti ng ugali ko.’ Ang lahat ng ginagawa mo ay hindi para maisagawa ang katotohanan, ni hindi para mapalugod ang Diyos, sa halip, ito ay para sa sarili mong reputasyon. Sa ganitong paraan, ano ang nagiging matagumpay na resulta ng lahat ng iyong ginagawa? Ito ay matagumpay na nagiging isang relihiyosong gawain. Ano ang nangyari sa iyong diwa? Naging tipikal na modelo ka ng isang Pariseo. Ano ang nangyari sa landas mo? Ito ay naging landas ng mga anticristo. Ganyan ito binibigyang-kahulugan ng Diyos. Kaya, ang diwa ng lahat ng iyong ginagawa ay nabahiran, hindi na ito pareho; hindi mo isinasagawa ang katotohanan o hinahangad ito, sa halip ay hinahangad mo ang kasikatan at pakinabang. Sa huli, kung ang Diyos ang tatanungin, ang pagganap ng iyong tungkulin—sa isang salita—ay hindi sapat. Bakit ganoon? Dahil nakatuon ka lamang sa sarili mong reputasyon, sa halip na sa ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, o sa iyong tungkulin bilang isang nilikha. Ano ang nararamdaman mo sa puso mo kapag nagbibigay ang Diyos ng gayong kahulugan? Na ang iyong pananampalataya sa Diyos sa lahat ng taon na ito ay naging walang saysay? Ibig bang sabihin niyon hindi mo talaga hinahangad ang katotohanan?(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na naimpluwensiyahan ang mga tao ng kasabihang, “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.” Partikular nilang inaalala kung ano ang tingin sa kanila ng iba. Nakatuon sila sa sarili nilang katayuan at imahe sa puso ng iba, palaging nagsisikap sa kanilang mga salita at pagkilos para makapag-iwan ng mabuting impresyon sa iba at magkaroon ng positibong reputasyon. Hindi ko maiwasang magnilay tungkol sa aking matinding hangarin na magkaroon ng mabuting imahe sa puso ng iba, napagtatanto na naimpluwensiyahan ito ng ganitong kaisipan at pananaw. Noong bata pa ako, narinig kong magsalita nang masama ang aking hipag tungkol sa aking ina at ate. Para maiwasan ang hipag ko na magsalita nang masama tungkol sa akin, kusang-loob kong nilabhan ang damit ng kanyang mga anak at pinakain ang mga ito. Pagkatapos kong mag-asawa, para bumuo ng mabuting reputasyon sa mga tao, kusang-loob kong inalagaan ang nakaratay kong biyenan sa loob ng sampung taon. Bagaman sobra akong pagod at nag-aatubili, tiniis ko ang mga paghihirap na iyon gaano man iyon kahirap. Nang magsimula akong manampalataya sa Diyos, para mag-iwan ng mabuting impresyon sa mga kapatid, masigasig kong hinangad ang aking pananalig at aktibong ginawa ang aking tungkulin. Nang maantala ng aking mga katrabaho ang tungkulin nila dahil sa mga personal na usapin, hindi ko ito pinuna kundi tinulungan ko pa silang matapos ito. Ang makarinig ng papuri mula sa iba ay lubos na nagpasaya at nagbigay-motibasyon sa akin na gumawa ng aking tungkulin, handang tiisin ang anumang paghihirap. Nang marinig ko ang mga negatibong puna mula sa mga kapatid, labis akong nalungkot na gusto ko pa ngang abandonahin ang aking tungkulin. Pinagtuunan ko ang pagpapanumbalik ng aking imahe sa kanilang mga puso. Kapag nakikipagkita ako sa mga kapatid, maingat akong nakikipag-usap sa kanila, sinisikap na gawing mas banayad pa ang aking tono at binabati sila nang may ngiti, para makita nilang madali akong lapitan. Nang makita ko na ang lider ng grupo ay madalas na nahuhuli sa mga pagtitipon at hindi responsable, dapat sana ay tinukoy at inilantad ko ang kanyang mga isyu. Pero natakot ako na ang pagpupungos sa kanya ay mag-iiwan ng masamang impresyon tungkol sa akin sa puso ng iba. Kaya nagbulag-bulagan ako, binawasan ang bigat ng isyu at sinabi ito sa isang mahinahon at marahang paraan, para magkaroon ng magandang impresyon sa akin ang lahat. Bilang isang lider ng iglesia, nang makita ko ang mga kapatid na pabasta-bastang ginagawa ang kanilang mga tungkulin at inaantala ang gawain, dapat sana ay nakipagbahaginan ako sa kanila, tinukoy ang mga isyu nila at pinungos sila, tinulungan silang malaman ang kanilang mga isyu at maitama ang mga ito agad-agad. Pero para magkaroon ang lahat ng magandang opinyon sa akin at mapanatili ko ang aking magandang reputasyon, hindi ako nag-atubiling labagin ang mga hinihingi ng Diyos para pagbigyan sila at kunsintihin sila. Hindi ko talaga isinaalang-alang ang gawain ng iglesia. Paano aayon sa mga layunin ng Diyos ang paggawa ko ng tungkulin ko nang ganito? Sa pagninilay ko sa aking mga kilos, napagtanto ko kung gaano talaga kasuklam-suklam ang mga ito!

Nagpatuloy akong magbasa ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng mas malalim na pagkaunawa sa aking pag-uugali. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi mo hinahangad ang katotohanan, sa halip ay binibigyan mo ng espesyal na atensiyon ang sarili mong reputasyon, at ang pinag-uugatan nito ay ang mga epekto ng pagkokondisyon na nagmumula sa iyong pamilya. Alin ang pinakanangingibabaw na kasabihang ikinondisyon sa iyo? Ang kasabihang, ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,’ ay malalim nang nakaugat sa puso mo at naging salawikain mo na ito. Naimpluwensiyahan at nakondisyon ka ng kasabihang ito mula noong bata ka pa, at maging paglaki mo ay madalas mong inuulit ang kasabihang ito para maimpluwensiyahan ang susunod na henerasyon ng iyong pamilya at ang mga taong nakapaligid sa iyo. Siyempre, ang mas malala pa ay pinanghawakan mo ito bilang iyong pamamaraan at prinsipyo sa pag-asal at pagharap sa mga bagay-bagay, at bilang layon at direksiyon pa nga na hinahangad mo sa buhay. Ang layon at direksiyon mo ay mali, kaya naman tiyak na negatibo ang huling kalalabasan. Sapagkat ang diwa ng lahat ng ginagawa mo ay para lamang sa iyong reputasyon, at para lamang isagawa ang kasabihang ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.’ Hindi mo hinahangad ang katotohanan, at ikaw mismo ay hindi alam iyon. Sa tingin mo ay walang mali sa kasabihang ito, dahil hindi ba’t dapat mamuhay ang mga tao para sa kapakanan ng kanilang reputasyon? Tulad ng karaniwang kasabihan na, ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.’ Ang kasabihang ito ay tila napakapositibo at marapat, kaya hindi mo namamalayang tinatanggap mo ang epekto ng pagkokondisyon nito at itinuturing ito bilang isang positibong bagay. Sa sandaling ituring mo ang kasabihang ito bilang isang positibong bagay, hindi mo namamalayang hinahangad at isinasagawa mo ito. Kasabay nito, hindi mo namamalayan at nalilitong napagkakamalan mo ito bilang ang katotohanan at bilang isang pamantayan ng katotohanan. Kapag itinuring mo ito bilang isang pamantayan ng katotohanan, hindi ka na nakikinig sa sinasabi ng Diyos, at hindi mo na rin nauunawaan ito. Pikit-mata mong isinasagawa ang salawikaing ito, ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,’ at kumikilos ka alinsunod dito, at sa huli, ang nakukuha mo roon ay isang magandang reputasyon. Nakamit mo ang nais mong makamit, ngunit sa paggawa nito ay nalabag at natalikuran mo ang katotohanan, at nawalan ka ng pagkakataong maligtas. Ipagpalagay na ito ang huling kalalabasan, dapat mong bitiwan at talikuran ang ideya na ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,’ na ikinondisyon sa iyo ng iyong pamilya. Hindi ito isang bagay na dapat mong panghawakan, ni hindi ito isang kasabihan o ideya na dapat mong pag-ukulan ng panghabambuhay na pagsisikap at lakas sa pagsasagawa. Ang ideya at pananaw na ito na ikinikintal at ikinokondisyon sa iyo ay mali, kaya dapat lang na bitiwan mo ito. Ang dahilan kung bakit dapat mo itong bitiwan ay hindi lamang sa hindi ito ang katotohanan, kundi dahil ililigaw ka nito at sa huli ay hahantong sa iyong pagkawasak, kaya’t napakaseryoso ng mga kahihinatnan. Para sa iyo, hindi ito isang simpleng kasabihan lamang, kundi isang kanser—isang pamamalakad at pamamaraan na nagtitiwali sa mga tao. Dahil sa mga salita ng Diyos, sa lahat ng hinihingi Niya sa mga tao, hindi kailanman hiniling ng Diyos sa mga tao na maghangad ng isang magandang reputasyon, o maghangad ng katanyagan, o gumawa ng magandang impresyon sa mga tao, o magtamo ng pagsang-ayon sa mga tao, o kumuha ng pahintulot mula sa mga tao, ni hindi Siya naghikayat na mamuhay ang mga tao para sa kasikatan o para mag-iwan ng magandang reputasyon. Nais lamang ng Diyos na gampanan nang maayos ng mga tao ang kanilang tungkulin, at magpasakop sila sa Kanya at sa katotohanan. Samakatuwid, patungkol sa iyo, ang kasabihang ito ay isang uri ng pagkokondisyong mula sa iyong pamilya na dapat mong bitiwan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, labis akong naantig. Ang kasabihang “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” ay nagdudulot talaga ng malaking pinsala sa mga tao. Pinagnilayan ko kung paanong tumatak sa akin ang mga turo ng aking ina mula pa noong pagkabata ko, na nagresulta sa paghahangad ko sa “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.” Para makabuo ng isang magandang reputasyon sa mga tao, kahit kapag nahaharap ako sa mga bagay na malinaw na ayaw o hindi ko dapat gawin, nagpakababa ako para makipagkompromiso at gawin ito. Matapos kong magsimulang manampalataya sa Diyos, itinuring ko pa ring karunungan ang kasabihang ito, palaging inuuna ang imahe ko sa puso ng iba kaysa sa aking mga tungkulin. Nang tinukoy ng kapatid ang aking mapagmataas na disposisyon at marahas na tono, nilayon niyang tulungan akong magnilay sa aking sarili at iwaksi ang aking tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng katotohanan. Pero sa halip na magnilay sa sarili, ikinubli ko ang aking sarili at nagpanggap ako, nililihis ang mga kapatid gamit ang aking huwad na panlabas na imahe. Nang mapansin kong may ilang kapatid na iresponsable sa paggawa ng kanilang tungkulin at inantala ang gawain ng iglesia, hindi ko ito tinukoy sa kanila at hindi ko sila tinulungan, kundi patuloy ko silang sinuyo, umaasta na para bang mapagmahal at pasensiyosa ako, para magkaroon sila ng mataas na pagpapahalaga sa akin. Sa totoo lang, ang lahat ng aking kilos ay pawang paimbabaw na pagpipigil at pagbabalatkayo, nagsasakatawan ng pagiging mapag-imbabaw. Inililihis ko ang mga kapatid at higit pa riyon ay nililinlang ang Diyos. Naipaalala nito sa akin ang mga Pariseo na sa panlabas ay tila banal, mapagpakumbaba, at mapagmahal. Sadya silang nanalangin sa mga kanto at nagturo ng mga kasulatan sa templo araw-araw para ipakita ang kanilang pagiging maka-Diyos at katapatan sa Diyos, para suportahan sila ng lahat. Gayumpaman, ang ginawa nila ay hindi pagsunod sa mga salita ng Diyos, kundi pagpapanggap para linlangin at ilihis ang iba gamit ang kanilang panlabas na mabuting pag-uugali. Napagtanto ko na ang ugali ko ay katulad ng sa mga Pariseo. Kung hindi ko hahangarin ang pagbabago sa aking disposisyon at mabibigo akong magsagawa ng katotohanan sa aking mga tungkulin, gaano pa man ako kagaling magbalatkayo o gaano kalaking paghanga man ang matanggap ko mula sa iba, ang kalalabasan ko ay magiging kagaya ng sa mga Pariseo—susumpain at parurusahan ng Diyos. Ipinakita sa akin ng Diyos ang Kanyang biyaya sa pagbibigay sa akin ng oportunidad na magsanay bilang isang lider, na may layong tulungan akong magawa nang maayos ang aking mga tungkulin at maipagpatuloy ang gawain ng iglesia. Kapag nakita ko ang mga isyu sa mga tungkulin ng mga kapatid, dapat kong tukuyin ang mga ito, at makipagbahaginan sa kanila para malutas ang mga isyung iyon. Ito ay aking responsabilidad at hinihingi ng Diyos sa akin. Gayumpaman, naghangad lang ako ng sariling kasikatan at pakinabang, namuhay nang walang integridad at dignidad. Ayaw ko nang magpalinlang kay Satanas. Dapat kong gawin ang tungkulin ko nang maayos.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit papaano, ang hinirang na mga tao ng Diyos ay dapat magtaglay ng konsensiya at katwiran, at makisalamuha, makihalubilo, at makipagtulungan sa iba ayon sa mga prinsipyo at pamantayang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Ito ang pinakamainam na pamamaraan. Nakapagpapalugod ito sa Diyos. Kaya, ano ang mga katotohanang prinsipyo na hinihingi ng Diyos? Na maging maunawain ang mga tao sa iba kapag ang iba ay mahina at negatibo, maging mapagsaalang-alang sa pasakit at mga paghihirap, at pagkatapos ay mag-usisa sa mga bagay na ito, mag-alok ng tulong at suporta, at basahan sila ng mga salita ng Diyos para tulungan silang malutas ang kanilang mga problema, binibigyang-daan silang makaunawa sa mga layunin ng Diyos at huminto sa pagiging mahina, at dinadala sila sa harap ng Diyos. Hindi ba’t naaayon sa mga prinsipyo ang ganitong paraan ng pagsasagawa? Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Natural na ang mga ganitong uri ng ugnayan ay mas lalo pang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kapag ang mga tao ay sadyang nagsasanhi ng mga panggugulo at paggambala, o sadyang ginagawa nang pabasta-basta ang kanilang tungkulin, kung nakikita mo ito at nagagawa mong ipaalam ang mga bagay na ito sa kanila, sawayin sila, at tulungan sila ayon sa mga prinsipyo, naaayon ito sa mga katotohanang prinsipyo. Kung magbubulag-bulagan ka, o kukunsintihin mo ang pag-uugali nila at pagtatakpan sila, at kung aabot ka pa nga sa pagsasabi ng magagandang bagay para purihin at hangaan sila, ang ganitong mga paraan ng pakikisalamuha sa mga tao, pagharap sa mga isyu, at pangangasiwa sa mga problema ay malinaw na salungat sa mga katotohanang prinsipyo, at walang batayan sa mga salita ng Diyos. Kaya, ang mga paraang ito ng pakikisalamuha sa mga tao at pagharap sa mga isyu ay malinaw na di-wasto, at talagang hindi ito madaling matuklasan kung hindi hihimayin at kikilatisin ang mga ito ayon sa mga salita ng Diyos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (14)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hinihingi ng Diyos sa mga tao na makitungo sa isa’t isa ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kapag nakikitang negatibo, mahina, o may mga pagkukulang ang mga kapatid, dapat tayong makipagbahaginan para tulungan sila nang may pagmamahal, para maunawaan nila ang mga layunin ng Diyos, pagnilayan at makilala ang mga isyu nila, at makausad sa kanilang buhay pagpasok. Kung may isang tao na may problematikong saloobin sa kanyang mga tungkulin, nagdudulot ng mga pagkagambala, panggugulo, at pagkaantala sa gawain, dapat natin siyang ilantad at pungusan ayon sa mga prinsipyo. Hindi tayo dapat magbulag-bulagan para mapanatili ang ating sariling dangal at katayuan. Halimbawa, noong madalas na nahuhuling dumating ang lider ng grupo sa mga pagtitipon at naaapektuhan nito ang buhay iglesia, dapat ay pinungusan, inilantad, at hinimay ko siya. Bukod pa rito, kapag tinutukoy ng mga kapatid ang aking mga problema, dapat kong tanggapin ang mga ito, taimtim na pagnilayan ang aking mapagmataas na disposisyon, at isagawa ang katotohanan para maiwaksi ang aking katiwalian, sa halip na magbalatkayo para mapanatili ang isang magandang imahe sa kanilang puso. Matapos maunawaan ang mga prinsipyong ito ng pagsasagawa, nakaramdam ako ng kagaanan at ginhawa.

Kalaunan, nang pumunta ako sa isa pang iglesia para subaybayan ang gawain ng ebanghelyo, nalaman ko na ang diyakono ng ebanghelyo ay iresponsable at walang pasanin sa kanyang tungkulin. Mapanlaban pa nga siya nang pangasiwaan at subaybayan ng mga lider ng iglesia ang kanyang gawain. Sa ganitong sitwasyon, dapat sana ay tinukoy ko ito para matulungan, mailantad at mapungusan siya. Gayumpaman, naisip ko na iyon ang unang pagkakataon na dadalo ako sa pagtitipon doon. Ano na lang ang iisipin ng iba sa akin kung ilalantad ko ang kanyang mga problema pagdating na pagdating ko? Paano ako makikipagtulungan sa kanila sa hinaharap kung hindi maganda ang naging unang impresyon nila sa akin? Nang magkaroon ako ng mga kaisipang ito, napagtanto kong nababahala akong muli sa aking reputasyon at katayuan. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Dapat mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at isaalang-alang ang gawain ng iglesia. Unahin mo muna ang mga bagay na ito; pagkatapos niyan, saka mo lamang maaaring isipin ang katatagan ng iyong katayuan o kung ano ang tingin sa iyo ng iba(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Nang pag-isipan ko ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sa anumang sitwasyon, dapat kong unahin ang mga interes ng iglesia. Ang diyakono ng ebanghelyo ay iresponsable sa kanyang tungkulin at nagpabagal sa progreso ng gawain ng ebanghelyo. Bukod pa rito, tumanggi siyang tumanggap ng superbisyon. Kung hindi ko pinuna ang mga isyu niya, aantalain nito ang gawain ng ebanghelyo at walang magiging kapakinabangan sa kanyang buhay pagpasok. Hindi ko na puwedeng ipagpatuloy ang pagpapanatili ng aking imahe at katayuan sa puso ng iba. Anuman ang maging tingin sa akin ng kapatid, kailangan kong isagawa ang katotohanan at pangalagaan ang mga interes ng iglesia. Pagkatapos ay pinuna ko ang mga isyu sa tungkulin ng kapatid, at ibinahagi ang kahalagahan ng pangangasiwa at pagsubaybay ng mga lider at manggagawa sa gawain, ang mga responsabilidad ng diyakono ng ebanghelyo, at kung paano responsableng gampanan ang mga tungkulin. Pagkatapos ng aking pagbabahagi, napagtanto ng kapatid na naging pabasta-basta siya sa paggawa ng tungkulin niya. Inilahad niya ang tungkol sa kanyang kalagayan at ipinahayag ang kanyang kahandaang magbago. Kalaunan, naging mas maagap siya sa kanyang tungkulin, at nagsimulang umusad ang gawain ng ebanghelyo.

Sa pamamagitan ng mga karanasang ito, napagtanto ko na mahalagang magsagawa ng katotohanan at gawin ang tungkulin ng isang tao nang naaayon sa mga prinsipyo. Kung palagi kong pangangalagaan ang aking mga personal na interes at pananatilihin ang aking dangal at katayuan sa paggawa ng aking tungkulin, hindi lang ako nagdudulot ng pinsala sa gawain ng iglesia, nagdadala rin ako ng kapinsalaan sa mga kapatid at sa aking sarili. Ang mga salita ng Diyos ang tumulong sa akin na magkaroon ng ganitong kabatiran at pagbabago. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  83. Mga Aral na Natutuhan sa Pagkilatis sa Isang Masamang Tao

Sumunod:  87. Ang Pagtupad sa Aking Tungkulin Ang Aking Misyon

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger