95. Paano Tratuhin ang mga Magulang Alinsunod sa Layunin ng Diyos
Noong bata pa ako, madalas kong marinig na sinasabi ng aking lola na, “Tingnan mo ang batang iyon mula sa ganito-at-ganyang pamilya, napakawalang malasakit na walang utang na loob, isang napakasamang anak. Labis na nagsikap ang kanyang mga magulang para palakihin siya, pero hindi siya naging mabuting anak sa kanyang mga magulang. Makukuha ng langit ang katarungan nito!” Tinuruan niya akong tratuhin nang maayos ang aking mga magulang at maging mabuting anak sa aking mga biyenan paglaki ko, at sinabi rin niya na ang pagiging mabuting anak ay ganap na likas at may katwiran, at na kung ang isang tao ay hindi isang mabuting anak, gumagawa siya ng isang malaking pagtataksil at wala siyang konsensiya. Kaya, sa bata kong puso, naniwala ako na paano man ako tratuhin ng aking mga magulang, kailangan ko pa ring maging mabuting anak sa kanila, at na kung hindi ako magiging isang mabuting anak, makagagawa ako ng isang malaking pagtataksil at maparurusahan ng langit sa huli. Simula pagkabata, lubos kong sinusunod ang aking mga magulang, at nang magsimula akong magtrabaho at kumita ng pera, ginawa ko ang makakaya ko para maging isang mabuting anak sa aking mga magulang. Kapag may sakit sila, naroon ako sa tabi nila para alagaan sila tuwing may oras ako, at tuwing may mga pagdiriwang, binibilhan ko sila ng lahat ng uri ng mga regalo. Ang makitang masaya at kontento ang aking mga magulang ay lubos na nagpapasaya sa akin. Noong 2001, tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos ng ilang panahon, sinimulan kong gawin ang aking tungkulin sa iglesia, pero humahanap pa rin ako ng oras para umuwi sa bahay at bumisita sa aking mga magulang. Pagkalipas ng mahigit sampung taon, dahil sa pagkakanulo ng isang Judas, nagpunta ang mga pulis sa aking bahay para arestuhin ako. Sa proteksiyon ng Diyos, nagawa kong makatakas, pero sa sobra kong pagmamadali, maraming bagay ang hindi ko naipaliwanag sa aking mga magulang. Kailangan pang alagaan ng aking matandang biyenan ang aking anak, at iniisip ko pa lang na nadadamay ang aking mga magulang at biyenan ay nagdulot sa akin ng pakiramdam na para bang ako ang dahilan ng problema. Naisip ko ang lahat ng pagsisikap ng mga magulang ko sa pagpapalaki sa akin, at kung gaano kahirap para sa kanila na tustusan ang aking pagkain, damit, at edukasyon. Ngayong tumatanda na sila, kailangan nila ang mga anak nila para alagaan sila at para makapiling nila, pero hindi ko lang hindi nagampanan ang mga responsabilidad ko bilang isang anak, idinamay ko pa sila, dahilan para mag-alala at mabahala sila para sa akin. Naisip ko kung sasabihin kaya ng mga magulang at kapitbahay ko na wala akong konsensiya at pagkatao, at tatawagin akong isang hindi mabuting anak. Noong panahong iyon, dahil sa pagmamatyag ng malaking pulang dragon, hindi ako naglakas loob na tumawag sa bahay. Wala akong ideya kung kumusta na ang mga magulang ko, kaya nag-alala ako. Hindi ko mapakalma ang aking puso habang ginagawa ang tungkulin ko, at madalas lumilipad ang isipan ko. Lubos nitong naapektuhan ang pag-usad ng aking gawain. Alam kong kailangan kong kaagad na baguhin ang ganitong kalagayan, kaya’t nanalangin ako sa Diyos, ipinagkakatiwala ang lahat sa Kanya, at hinihingi ang Kanyang gabay.
Habang ginagawa ko ang aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dahil sa pangongondisyon ng tradisyonal na kultura ng mga Tsino, sa tradisyonal na kuru-kuro ng mga Tsino ay naniniwala sila na kailangan silang maging mabuting anak sa kanilang mga magulang. Ang sinumang hindi nagiging mabuting anak sa kanyang magulang ay isang suwail na anak. Naitanim na ang mga ideyang ito sa mga tao mula pagkabata, at itinuturo ang mga ito sa halos bawat sambahayan, pati na rin sa bawat paaralan at sa lipunan sa pangkalahatan. Kapag napuno ng mga ganoong bagay ang ulo ng isang tao, iniisip niya, ‘Mas mahalaga ang pagiging mabuting anak kaysa sa anupaman. Kung hindi ko ito susundin, hindi ako magiging mabuting tao—magiging isa akong suwail na anak at itatakwil ako ng lipunan. Ako ay magiging isang taong walang konsensiya.’ Tama ba ang pananaw na ito? Nakita na ng mga tao ang napakaraming katotohanang ipinahayag ng Diyos—hiningi ba ng Diyos na magpakita ang tao ng pagiging mabuting anak sa kanyang mga magulang? Isa ba ito sa mga katotohanan na dapat maunawaan ng mga mananampalataya sa Diyos? Hindi. Nagbahagi lamang ang Diyos sa ilang mga prinsipyo. Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao sa iba ayon sa hinihingi ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahangad ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban; ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot at naghihimagsik laban sa Diyos—ito ang mga taong kinasusuklaman ng Diyos, at dapat din natin silang kasuklaman. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. … Ginagamit ni Satanas ang ganitong uri ng tradisyonal na kultura at mga kuru-kuro ng moralidad upang igapos ang mga kaisipan mo, ang utak mo, at ang puso mo, na nagiging dahilan para hindi mo matanggap ang mga salita ng Diyos; ikaw ay nasakop na ng mga bagay na ito ni Satanas, at nawalan na ng kakayahan na tanggapin ang mga salita ng Diyos. Kapag nais mong isagawa ang mga salita ng Diyos, ginugulo ng mga bagay na ito ang kalooban mo, na nagdudulot na salungatin mo ang katotohanan at ang mga hinihingi ng Diyos, at nagiging dahilan para mawalan ka ng lakas na iwaksi ang impluwensiya ng tradisyonal na kultura. Pagkatapos mong magsikap nang ilang panahon, nagkokompromiso ka: pinipili mong paniwalaan na ang mga tradisyonal na kuru-kuro ng moralidad ay tama at naaayon sa katotohanan, kaya tinatanggihan o tinatalikuran mo ang mga salita ng Diyos. Hindi mo tinatanggap ang mga salita ng Diyos bilang katotohanan at binabalewala mo ang mailigtas, dahil pakiramdam mo ay nabubuhay ka pa rin sa mundong ito, at makakaligtas ka lang sa pamamagitan ng pagsandig sa mga bagay na ito. Dahil hindi mo kayang tiisin ang ganting-paratang ng lipunan, mas nanaisin mong piliin na isuko ang katotohanan at ang mga salita ng Diyos, isinasailalim ang sarili mo sa mga tradisyonal na kuru-kuro ng moralidad at sa impluwensiya ni Satanas, pinipiling salungatin ang Diyos at hindi isagawa ang katotohanan. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t ang tao ay kahabag-habag? Hindi ba nila kailangan ang pagliligtas ng Diyos? May mga taong maraming taon nang nananampalataya sa Diyos, ngunit wala pa ring kabatiran sa usapin ng pagiging mabuting anak sa magulang. Talagang hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Hindi nila kailanman malalagpasan ang balakid na ito ng mga makamundong relasyon; wala silang tapang, ni pananalig, lalo nang wala silang determinasyon, kaya hindi nila kayang mahalin at sundin ang Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Habang pinag-iisipan ko ang mga salita ng Diyos, bigla kong napagtanto na palagi akong namumuhay sa isang kalagayan kung saan nakadarama ako ng pagkakautang at pagkakonsensiya sa aking mga magulang, at ito ay dahil sa mga tradisyonal na kaisipan ni Satanas na malalim nang naitanim sa aking puso. Katulad ng madalas ituro sa akin ng aking lola, “Kailangan mong maging mabuting anak sa iyong mga magulang, at kung hindi, makagagawa ka ng isang malaking pagtataksil,” “Kailangan mong ipakita ang iyong pagiging mabuting anak sa iyong mga magulang, kung hindi, parurusahan ka ng langit.” Palagi kong itinuturing ang mga salitang ito bilang mga prinsipyo sa kung paano ako umaasal. Mula pagkabata, sinikap kong sundin ang aking mga magulang at iwasang galitin sila. Nang magsimula akong kumita ng pera, ginawa ko ang makakaya ko para maging mabuting anak sa aking mga magulang, at tuwing may mga pagdiriwang, binibilhan ko sila ng lahat ng uri ng mga regalo, at kapag nagkakasakit sila, dinadala ko sila sa ospital para magpagamot. Ang makitang masaya ang aking mga magulang ay nagpapasaya rin sa akin. Nang tinugis ako ng malaking pulang dragon at napilitang tumakas mula sa aking tahanan, hindi lang ako nabigong alagaan ang aking mga magulang, kundi nadamay ko pa sila, dahilan para mag-alala sila sa akin. Nakaramdam ako ng pagkakautang sa aking mga magulang at hindi ako makatuon sa aking tungkulin, na nagdulot sa pagkaantala ng aking gawain. Alam ko na bilang isang nilikha, ang tungkulin ko ay isang responsabilidad na hinding-hindi ko maaaring talikuran, pero patuloy pa rin akong namuhay ayon sa mga nakalilinlang na pananaw na, “Ang paggalang sa magulang ay isang katangiang dapat taglayin nang higit sa lahat” at “Huwag maglakbay nang malayo habang nabubuhay pa ang iyong mga magulang.” Dahil hindi ko magawang maging mabuting anak sa aking mga magulang, nakaramdam ako ng pagkabagabag sa aking konsensiya at hindi mapigilang lumipad ng aking isipan habang ginagawa ko ang aking tungkulin. Nakita ko kung gaano talaga kalalim akong napinsala ng tradisyonal na kultura.
Sa aking paghahanap, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Ang pagpapakita ba ng pagiging mabuting anak sa mga magulang ang katotohanan? (Hindi.) Ang pagiging mabuting anak sa mga magulang ay isang tama at positibong bagay, ngunit bakit natin sinasabing hindi ito ang katotohanan? (Dahil ang mga tao ay hindi nagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang nang may mga prinsipyo at hindi nila nakikilatis kung anong uri talaga ng tao ang kanilang mga magulang.) Ang paraan kung paano dapat tratuhin ng isang tao ang kanyang mga magulang ay nauugnay sa katotohanan. Kung naniniwala ang iyong mga magulang sa Diyos at tinatrato ka nang mabuti, dapat ka bang maging mabuting anak sa kanila? (Oo.) Paano ka naging mabuting anak? Iba ang pakikitungo mo sa kanila sa pakikitungo mo sa mga kapatid. Ginagawa mo ang lahat ng sinasabi nila, at kung matatanda na sila, kinakailangang manatili ka sa tabi nila upang alagaan sila, na pumipigil sa iyo na lumabas upang gampanan ang iyong tungkulin. Tama bang gawin ito? (Hindi.) Ano ang dapat mong gawin sa gayong mga pagkakataon? Depende ito sa mga pangyayari. Kung kaya mo pa rin silang alagaan habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin nang malapit sa iyong tahanan, at hindi tinututulan ng iyong mga magulang ang pananalig mo sa Diyos, dapat mong tuparin ang iyong responsabilidad bilang isang anak at tulungan ang iyong mga magulang sa ilang gawain. Kung mayroon silang karamdaman, alagaan mo sila; kung may bumabagabag sa kanila, aliwin mo sila; kung ipahihintulot ng iyong kalagayang pinansiyal, ibili mo sila ng mga bitamina na pasok sa budget mo. Subalit, ano ang dapat mong piliing gawin kung ikaw ay abala sa iyong tungkulin, walang magbabantay sa iyong mga magulang, at sila rin naman, ay nananampalatya sa Diyos? Anong katotohanan ang dapat mong isagawa? Yamang ang pagiging mabuting anak sa mga magulang ay hindi ang katotohanan, kundi isa lamang responsabilidad at obligasyon ng tao, ano, kung gayon, ang dapat mong gawin kung ang iyong obligasyon ay sumasalungat sa iyong tungkulin? (Gawing prayoridad ang aking tungkulin; unahin ang tungkulin.) Ang isang obligasyon ay hindi naman talaga tungkulin ng isang tao. Ang pagpili na gampanan ang tungkulin ng isang tao ay pagsasagawa ng katotohanan, samantalang ang pagtupad sa isang obligasyon ay hindi. Kung may ganito kang kondisyon, maaari mong tuparin ang responsabilidad o obligasyong ito, pero kung hindi ito pinahihintulutan ng kasalukuyang kapaligiran, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong sabihin na, ‘Kailangan kong gawin ang aking tungkulin—iyon ang pagsasagawa ng katotohanan. Ang pagiging mabuting anak sa aking mga magulang ay pamumuhay ayon sa aking konsensiya at hindi ito umaabot sa pagsasagawa ng katotohanan.’ Kaya, dapat mong unahin ang iyong tungkulin at itaguyod ito. Kung wala kang tungkulin ngayon, at hindi malayo sa bahay ang pinagtatrabahuhan mo, at malapit ang tirahan mo sa iyong mga magulang, maghanap ka ng mga paraan para alagaan sila. Gawin mo ang makakaya mo para tulungan silang mabuhay nang mas maayos at mabawasan ang paghihirap nila. Pero depende rin ito sa kung anong klase ng tao ang mga magulang mo. Ano ang dapat mong gawin kung ang mga magulang mo ay may masamang pagkatao, kung palagi ka nilang hinahadlangan na sumampalataya sa Diyos, at kung lagi ka nilang inilalayo sa pananampalataya sa Diyos at paggampan sa iyong tungkulin? Anong katotohanan ang dapat mong isagawa? (Pagtanggi.) Sa pagkakataong ito, kailangan mo silang tanggihan. Natupad mo na ang iyong obligasyon. Ang iyong mga magulang ay hindi sumasampalataya sa Diyos, kaya wala kang obligasyong magpakita ng pagiging mabuting anak sa kanila. Kung sumasampalataya sila sa Diyos, sa gayon ay kapamilya sila, mga magulang mo. Kung hindi sila sumasampalataya, magkaibang mga landas ang tinatahak ninyo: Sumasampalataya sila kay Satanas at sumasamba sa haring diyablo, at tinatahak nila ang landas ni Satanas; sila ay mga taong tumatahak ng mga landas na kaiba sa mga sumasampalataya sa Diyos. Hindi na kayo isang pamilya. Itinuturing nilang mga kalaban at kaaway ang mga mananampalataya sa Diyos, kaya wala ka nang obligasyong alagaan sila at kailangan nang ganap na putulin ang ugnayan sa kanila. Alin ang katotohanan: ang pagiging mabuting anak sa mga magulang o ang paggampan sa tungkulin? Siyempre, ang paggampan sa tungkulin ang katotohanan. Ang paggampan sa tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay hindi lamang tungkol sa pagtupad sa obligasyon at paggawa ng kung ano ang dapat gawin. Ito ay tungkol sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Ito ang atas ng Diyos; ito ay obligasyon mo, responsabilidad mo. Isa itong tunay na responsabilidad; na tuparin ang iyong responsabilidad at obligasyon sa harap ng Lumikha. Ito ang hinihingi ng Lumikha sa mga tao, at ito ang malaking usapin ng buhay. Samantalang ang pagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang ay responsabilidad at obligasyon lamang ng isang anak. Tiyak na hindi ito iniatas ng Diyos, at lalo nang hindi ito naaayon sa hinihingi ng Diyos. Samakatwid, sa pagitan ng pagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang at paggampan sa tungkulin, walang duda na ang paggampan sa tungkulin ng isang tao, at iyon lamang, ang pagsasagawa ng katotohanan. Ang paggampan sa tungkulin bilang isang nilikha ay ang katotohanan, at isa itong tungkuling dapat gampanan. Ang pagpapakita ng pagiging mabuting anak sa mga magulang ay tungkol sa pagiging mabuting anak para sa mga tao. Hindi ito nangangahulugang ginagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin, ni nangangahulugang isinasagawa niya ang katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). “Lubhang mahalaga kung paano mo itinuturing ang mga atas ng Diyos, at isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensiya at dapat kang parusahan. Ito ay talagang natural at makatuwiran na dapat tapusin ng mga tao ang anumang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung hindi mo sineseryoso ang mga atas ng Diyos, ipinagkakanulo mo Siya sa pinakamalalang paraan. Sa ganito, mas kahabag-habag ka pa kaysa kay Hudas, at dapat na sumpain. Dapat matamo ng mga tao ang lubos na pagkaunawa sa kung paano tatratuhin ang ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila at, kahit papaano, dapat maunawaan nilang ang mga tagubiling ipinagkakatiwala Niya sa sangkatauhan ay mga pagtataas at natatanging pabor mula sa Diyos, at na ang mga ito ay mga pinakamaluwalhating bagay. Ang iba pang mga bagay ay maaari nang abandonahin. Kahit na kailangang isakripisyo ng isang tao ang kanyang sariling buhay, dapat pa rin niyang tuparin ang tagubilin ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang mga prinsipyo kung paano dapat tratuhin ang mga magulang ng isang tao. Kapag ang pagiging mabuting anak ng isang tao sa kanyang mga magulang ay sumasalungat sa pagtupad ng kanyang tungkulin, dapat unahin niya ang kanyang tungkulin, sapagkat ang pagtupad sa tungkulin ng isang tao ay ang pinakamahalagang bagay sa kanyang buhay. Ang pagiging mabuting anak ng isang tao sa kanyang mga magulang ay kinapapalooban ng pagtupad sa mga responsabilidad at obligasyon, pero gaano man niya kahusay isinasakatuparan ang mga bagay na ito, hindi ito pagsasagawa ng katotohanan. Tanging ang pagtupad ng tao sa kanyang tungkulin bilang isang nilikha ang tunay na pagsasagawa ng katotohanan. Dahil ang mga tungkulin ay ang atas ng Lumikha sa mga nilikha, ang mga ito ang pinakamataas na responsabilidad at ganap na likas at may katwirang tapusin ang mga ito. Hindi ko naunawaan ang katotohanan at itinuring ko ang pagiging mabuting anak sa aking mga magulang bilang isang prinsipyo sa pag-asal. Kapag abala ako sa aking tungkulin o kapag tinutugis ako at tumatakas at hindi ko maalagaan ang aking mga magulang, naramdaman ko ang pagkakautang ko sa aking mga magulang at inisip ko na hindi ako isang mabuting anak, at napagtanto ko lang na mali ang perspektiba kong ito nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos. Mapalad ako na marinig ang tinig ng Diyos. Natanggap ko ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, nakakain at nakainom ng marami sa Kanyang mga salita, at nakaunawa ng ilang katotohanan pero hindi ko kailanman naisip na suklian ang pagmamahal ng Diyos. Wala talaga akong pagkatao at konsensiya! Ngayon ay alam ko na na ang pagtupad sa aking tungkulin bilang isang nilikha ang pinakamataas na priyoridad, at na kasinghalaga ito ng aking sariling buhay, na dapat kong gawin ang lahat ng aking makakaya para matupad ito, dahil ang hindi pagtupad nito ay isang malaking kataksilan. Pagkatapos niyon, napayapa ang aking puso at nagawa kong pagtuunan ang aking tungkulin.
Noong kalagitnaan ng Mayo 2020, palihim akong pumunta sa bahay ng aking mga magulang. Maganda ang saloobin ng aking ama noong una niya akong nakita, pero makalipas ang ilang sandali, biglang nagbago ang ekspresyon niya at sinimulan niya akong pagalitan. Kinuwestiyon niya ako tungkol sa kung ano ang pinaggagagawa ko nitong mga nakaraang taon, at sinabi rin niya sa akin na dalawang taon na ang nakalipas ay nagkasakit siya nang malubha at muntik nang mamatay, pero hindi man lang niya nakita kahit anino ko. Nag-alala siya na baka mahuli kami ng aking asawa habang nangangaral kami ng ebanghelyo at hindi siya makatulog sa gabi, at labis na nabalisa ang kanyang isipan. Tinawag pa niya akong isang walang malasakit na walang utang na loob at isang masamang anak. Umasa siya noon na aalagaan ko siya sa kanyang pagtanda, pero matapos ang lahat ng ginawa niya para sa akin, halos mamatay siya sa galit dahil sa akin …. Habang nakikinig ako sa kanya, pakiramdam ko ay parang tinutusok ng mga karayom ang aking puso. Naisip ko kung paano nagpakahirap sa pagtatrabaho ang aking ama para palakihin ako, tustusan ang aking pagkain at damit, at suportahan ang aking edukasyonl at na hindi lang ako nabigo na maging isang mabuting anak kundi pinag-alala ko pa siya sa akin. Kahit noong malubha siyang nagkasakit, wala ako roon para alagaan siya o samahan siya. Hindi talaga ako naging isang mabuting anak! Nakaramdam ako ng napakalaking pagkakautang sa aking mga magulang. Habang nakikinig ako, dumadaloy ang mga luha sa aking mga mata, at ginusto ko talagang manatili nang mas matagal sa bahay para maalagaan ko ang aking mga magulang at makabawi sa pagkukulang na ito sa aking puso. Sa mga sandaling iyon, hindi ko mapayapa ang puso ko nang mahabang panahon, kaya tahimik akong nanalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanyang protektahan Niya ang aking puso para hindi ito magulo. Pagkatapos manalangin, lubos na kumalma ang aking puso, at naalala ko ang mga salita ng Diyos na aking nakain at nainom. Malinaw kong naunawaan sa aking puso na ang pagiging mabuting anak ng isang tao sa kanyang mga magulang ay hindi pagsasagawa ng katotohanan, na ang pagtupad ng tungkulin ng isang tao bilang isang nilikha ang ibig sabihin ng tunay na pagsasagawa ng katotohanan, at na ang abandonahin ang tungkulin ng isang tao para manatili sa piling ng kanyang mga magulang at tuparin ang mga responsibilidad niya bilang isang anak ay pagkakanulo sa Diyos at na ito ay magiging isang malaking kataksilan. Pagkatapos noon, mahinahon akong nangatwiran sa aking ama, at unti-unting lumambot ang kanyang saloobin, at nagmadali akong umalis matapos kong tapusin ang ipinunta ko para gawin.
Pagkatapos niyon, tuwing naaalala ko ang mga sinabi ng aking ama, nakararamdam ako ng matinding kirot sa aking puso. Matatanggap ko kung hindi ako nauunawaan ng iba, pero bakit kinailangang sabihin ng aking ama ang mga bagay na iyon sa akin? Noong panahong iyon, bagaman ginugugol ko ang mga araw ko sa paggawa ng aking tungkulin, naging mabigat ang aking puso, pakiramdam ko ay may dala akong mabigat na pasanin, at na palagi akong nakokonsensiya. Habang nabubuhay ako sa mga negatibong emosyon na ito, nagdilim at napigil ang aking puso at bumaba nang husto ang kahusayan ko sa paggawa ng aking tungkulin. Tumagal ito marahil ng isa hanggang dalawang buwan bago unti-unting nagbago ang aking kalagayan. Kalaunan, matapos kong mabasa ang katotohanang ibinabahagi ng Diyos tungkol sa kung paanong hindi mo pinagkakautangan ang mga magulang, nagsimula kong makita nang mas malinaw ang relasyon ng mga magulang at mga anak at nakawala ako mula sa mga mapaniil na damdaming ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga tao ay may ganitong hininga at buhay, at ang pinagmulan at ugat ng mga bagay na ito ay hindi ang kanilang mga magulang. Sadyang nilikha ang mga tao sa pamamagitan ng pagsilang sa kanila ng kanilang mga magulang—sa pinaka-ugat, ang Diyos ang nagbibigay sa mga tao ng mga bagay na ito. Samakatuwid, hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay, ang Tagapamahala ng iyong buhay ay ang Diyos. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya ang buhay ng sangkatauhan, at binigyan Niya ng hininga ng buhay ang sangkatauhan, na siyang pinagmulan ng buhay ng tao. Samakatuwid, hindi ba’t ang linyang ‘Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay’ ay madaling unawain? Ang hininga mo ay hindi binigay sa iyo ng iyong mga magulang, at lalong hindi binigay sa iyo ng iyong mga magulang ang karugtong nito. Ang Diyos ang nangangasiwa at namumuno sa bawat araw ng iyong buhay. Ang iyong mga magulang ay hindi makapagpapasya kung ano ang magiging takbo ng bawat araw sa iyong buhay, kung ang bawat araw ay magiging masaya at maayos, kung sino ang makakasalamuha mo araw-araw, o kung sa anong kapaligiran ka mamumuhay sa bawat araw. Sadya lamang na pinangangasiwaan ka ng Diyos sa pamamagitan ng iyong mga magulang—ang iyong mga magulang ang mga taong ipinadala ng Diyos para mag-alaga sa iyo. … Sa madaling salita, sila ay mga ordinaryong nilikha lamang. Kaya lang, mula sa perspektiba mo, mayroon silang isang espesyal na pagkakakilanlan—ipinanganak at pinalaki ka nila, sila ang iyong mga amo at ang iyong mga magulang. Ngunit mula sa perspektiba ng Diyos, sila ay mga ordinaryong tao lamang, sila ay mga miyembro lamang ng tiwaling sangkatauhan, at walang espesyal sa kanila. Maging sila ay hindi ang mga tagapamahala ng sarili nilang buhay, kaya paano sila magiging mga tagapamahala ng buhay mo? Bagamat ipinanganak ka nila, hindi nila alam kung saan nanggaling ang buhay mo, at hindi nila maitatakda kung anong panahon, anong oras, at kung saang lugar darating ang iyong buhay, o kung paano ang magiging buhay mo. Wala silang alam sa mga bagay na ito. Para sa kanila, sila ay pasibong naghihintay lamang, naghihintay sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang mga pagsasaayos. Masaya man sila tungkol dito o hindi, naniniwala man sila rito o hindi, ano’t anuman, ang lahat ng ito ay pinangangasiwaan at nangyayari sa ilalim ng mga kamay ng Diyos. Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay—hindi ba’t madaling unawain ang usaping ito? (Madali lang.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). “Sa pagpapalaki sa iyo, ginagampanan lamang ng iyong mga magulang ang kanilang responsabilidad at obligasyon, at hindi ito dapat binabayaran, at hindi ito dapat isang transaksiyon. Kaya, hindi mo kailangang harapin ang iyong mga magulang o pangasiwaan ang iyong relasyon sa kanila ayon sa ideya ng pagsukli sa kanila. Kung talaga ngang tinatrato mo ang iyong mga magulang, sinusuklian sila, at pinangangasiwaan ang iyong relasyon sa kanila ayon sa ideyang ito, hindi iyon makatao. Kasabay nito, malamang na mapipigilan at magagapos ka ng mga damdamin ng iyong laman, at mahihirapan kang makalabas sa mga obligasyong ito, hanggang sa maaaring maligaw ka pa. Hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang, kaya wala kang obligasyon na isakatuparan ang lahat ng ekspektasyon nila. Wala kang obligasyong magbayad para sa mga ekspektasyon nila. Ibig sabihin, maaari silang magkaroon ng sarili nilang mga ekspektasyon. May sarili kang mga pasya, at ang landas sa buhay at tadhana na itinakda ng Diyos para sa iyo, na walang kinalaman sa iyong mga magulang. Kaya, kapag sinabi ng isa sa iyong mga magulang na: ‘Hindi ka mabuting anak. Hindi ka bumalik para makita ako sa loob ng napakaraming taon, at napakaraming araw na ang nakalipas mula noong huli mo akong tawagan. May sakit ako at walang nag-aalaga sa akin. Wala talagang saysay ang pagpapalaki ko sa iyo. Talagang isa kang walang malasakit na ingrata, at walang utang na loob na paslit!’ kung hindi mo nauunawaan ang katotohanang ‘Hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang,’ kapag narinig mo ang mga salitang ito, magiging kasingsakit ito ng isang kutsilyo na sumasaksak sa puso mo, at mararamdaman mo ang pagkondena ng iyong konsensiya. Babaon ang bawat isa sa mga salitang ito sa puso mo, at mahihiya kang harapin ang iyong magulang, pakiramdam mo ay may utang na loob ka sa kanya, at lubos kang makokonsensiya sa kanila. Kapag sinabi ng iyong magulang na isa kang walang malasakit na ingrata, talagang mararamdaman mong: ‘Tama talaga siya. Pinalaki niya ako hanggang sa edad na ito, at hindi pa niya natamasa ang aking tagumpay. Ngayon ay may sakit siya, at umaasa siya na makakapanatili ako sa kanyang tabi, pinagsisilbihan at sinasamahan siya. Kailangan niya ako para masuklian ang kanyang kabutihan, pero wala ako roon. Isa talaga akong walang malasakit na ingrata!’ Ituturing mo ang iyong sarili bilang isang walang malasakit na ingrata—makatwiran ba iyon? Isa ka bang walang malasakit na ingrata? Kung hindi mo nilisan ang iyong tahanan para gampanan ang iyong tungkulin sa ibang lugar, at nanatili ka sa tabi ng iyong magulang, mapipigilan mo kaya ang pagkakasakit niya? (Hindi.) Makokontrol mo ba kung mabubuhay o mamamatay ang mga magulang mo? Makokontrol mo ba kung sila ay mayaman o mahirap? (Hindi.) Anuman ang sakit na makukuha ng iyong mga magulang, hindi iyon dahil sa pagod na pagod sila sa pagpapalaki sa iyo, o dahil sa nangulila sila sa iyo; lalong hindi sila magkakaroon ng alinman sa mga malubha, seryoso, at posibleng nakamamatay na sakit nang dahil sa iyo. Kapalaran nila iyon, at wala itong kinalaman sa iyo. Gaano ka man kabuting anak sa iyong mga magulang, ang pinakamainam na magagawa mo ay bawasan nang kaunti ang pagdurusa ng kanilang laman at ang kanilang mga pasanin, ngunit tungkol sa pagkakasakit nila, anong sakit ang nakukuha nila, kailan sila mamamatay, at saan sila mamamatay—may kinalaman ba ang mga bagay na ito sa iyo? Wala, walang kinalaman ang mga ito. Kung mabuti kang anak, kung hindi ka isang walang malasakit na ingrata, at ginugugol mo ang buong araw kasama sila, binabantayan sila, hindi ba sila magkakasakit? Hindi ba sila mamamatay? Kung magkakasakit sila, hindi ba’t magkakasakit pa rin naman talaga sila? Kung mamamatay sila, hindi ba’t mamamatay pa rin naman talaga sila? Hindi ba’t tama iyon? … Hindi mahalaga kung tawagin ka ng iyong mga magulang na isang walang malasakit na ingrata, ang mahalaga ay ginagawa mo ang tungkulin ng isang nilikha sa harap ng Lumikha. Hangga’t hindi ka isang walang malasakit na ingrata sa mga mata ng Diyos, sapat na iyon. Hindi mahalaga kung ano ang sasabihin ng mga tao. Ang sinasabi ng iyong mga magulang tungkol sa iyo ay hindi tiyak na totoo, at ang sinasabi nila ay hindi kapaki-pakinabang. Kailangan mong gawing iyong batayan ang mga salita ng Diyos. Kung sinasabi ng Diyos na ikaw ay isang sapat na nilikha, kung gayon, hindi mahalaga kung tinatawag ka ng mga tao na isang walang malasakit na ingrata, wala silang anumang mapapala. Kaya lang sadyang maaapektuhan ang mga tao sa mga insultong ito dahil sa epekto ng kanilang konsensiya, o kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan at maliit ang kanilang tayog, at medyo hindi magiging maganda ang lagay ng kanilang kalooban, at makararamdam sila ng kaunting depresyon, ngunit kapag bumalik sila sa harap ng Diyos, ang lahat ng ito ay malulutas, at hindi na magiging problema para sa kanila” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). “Bilang anak, dapat mong maunawaan na hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang. Maraming bagay ang dapat mong gawin sa buhay na ito, at lahat ito ay mga bagay na dapat gawin ng isang nilikha, na ipinagkatiwala sa iyo ng Panginoon ng paglikha, at walang kinalaman ang mga ito sa pagsukli mo sa kabutihan ng iyong mga magulang. Ang pagpapakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, pagsukli sa kanila, pagpapakita sa kanila ng kabutihan—ang mga bagay na ito ay walang kinalaman sa iyong misyon sa buhay. Masasabi rin na hindi mo kinakailangang magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, na suklian sila, o tuparin ang alinman sa iyong mga responsabilidad sa kanila. Sa madaling salita, maaari mong gawin ito nang kaunti at gampanan nang kaunti ang iyong mga responsabilidad kapag pinahihintulutan ng iyong sitwasyon; kapag hindi, hindi mo kailangang piliting gawin ito. Kung hindi mo magagampanan ang iyong mga responsabilidad na magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, hindi ito isang masamang bagay, sumasalungat lang ito nang kaunti sa iyong konsensiya, moralidad ng tao, at mga kuru-kuro ng tao. Ngunit kahit papaano, hindi ito sumasalungat sa katotohanan, at hindi ka kokondenahin ng Diyos dahil dito. Kapag nauunawaan mo ang katotohanan, hindi uusigin ang iyong konsensiya sa bagay na ito” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng bagay, at na ang buhay ko ay nagmula sa Diyos. Humihinga ako sa hiningang ipinagkaloob ng Diyos at nagtatamasa ng pagpapalusog ng mga salita ng Diyos, at nagtamasa rin ako ng napakaraming biyaya ng Diyos. Alam kong dapat kong tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilikha at suklian ang pagmamahal ng Diyos, at na ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng konsensiya at pagkatao. Sa panlabas, tila ang aking mga magulang ang nagsilang at nagpalaki sa akin, at na nagpakahirap sila para palakihin ako, nagtutustos para sa aking pagkain, pananamit, at edukasyon, pero sa totoo lang, ang lahat ng ito ay isinaayos at inorden ng Diyos. Ginagampanan lang ng mga magulang ang mga responsabilidad at obligasyon nila, hindi ito matatawag na kabutihan, at hindi ko kailangang suklian o gantihan ito. Namumuhay ako sa mga kaisipan at pananaw ni Satanas nang hindi hinahanap ang katotohanan, itinuturing ang aking mga magulang na parang pinagkakautangan ko sila, iniisip na dahil nagpakahirap ang aking mga magulang sa pagpapalaki sa akin, dapat kong suklian ang kanilang kabutihan. Nang nagkasakit nang malubha ang aking ama, wala ako roon para alagaan siya, at ipinadama nito sa akin na isang akong walang malasakit na walang utang na loob at isang masamang anak, at madalas na napupuno ng pagkakonsensiya ang aking puso. Bagaman tila ginagawa ko ang aking tungkulin, naaapektuhan ng aking mga damdamin ng pagkakonsensiya ang kahusayan ng aking gawain. Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na bilang isang nilikha, hindi ako dumating sa mundong ito para maging mabuting anak sa aking mga magulang, at na mas mahalaga para sa akin na tapusin ang aking misyon at tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilikha. Ito ang dapat gawin ng isang taong may konsensiya at pagkatao. Naunawaan ko rin na may mga prinsipyo kung paano dapat tratuhin ang mga magulang. Kung pinahihintulutan ito ng mga kondisyon, maaari kong tuparin ang aking mga responsabilidad at obligasyon bilang isang anak at alagaan ang aking mga magulang, pero kung hindi, hindi ko kailangang makonsensiya, ni hindi ko kailangang makaramdam ng pasanin habang ginagawa ko ang aking tungkulin. Sa realidad, ang relasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay isang simpleng ugnayang biyolohikal, at walang sinuman ang may pagkakautang sa sinuman. Kung aabandonahin ko ang aking tungkulin para umuwi at maging isang mabuting anak para suklian ang kabutihan ng aking mga magulang, o kung makokonsensiya at masisiraan ako ng loob dahil sa hindi ko magawang maging isang mabuting anak sa aking mga magulang at sa gayon ay naaantala ang aking tungkulin, talagang wala akong konsensiya at pagkatao!
Pagkatapos ay nabasa ko ang ilan pang mga salita ng Diyos: “Tumatahak ka sa tamang landas, pinili mong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha, at humarap sa Panginoon ng paglikha upang matanggap ang kaligtasan ng Diyos. Iyon lang ang tamang landas sa mundong ito. Tama ang ginawa mong pasya. Gaano man karami sa mga hindi nananampalataya, kabilang na ang iyong mga magulang, ang hindi makaunawa sa iyo o nadidismaya sa iyo, hindi ito dapat makaapekto sa iyong pagpapasya na tumahak sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos o sa iyong determinasyon na gampanan ang iyong tungkulin, at hindi rin ito dapat makaapekto sa iyong pananalig sa Diyos. Dapat kang magtiyaga, dahil tumatahak ka sa tamang landas. Higit pa rito, dapat mong bitiwan ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang. Hindi sila dapat maging mga pabigat sa iyo habang tinatahak mo ang tamang landas. Sumusunod ka sa tamang landas, ginawa mo ang pinakatamang kapasyahan sa buhay; kung hindi ka sinusuportahan ng iyong mga magulang, kung palagi ka nilang pinagagalitan dahil sa pagiging isang walang malasakit na ingrata, mas lalong dapat mo silang makilatis, at bitiwan sila sa emosyonal na aspekto, at hindi magpapigil sa kanila. Kung hindi ka nila sinusuportahan, pinapatibay-ang-loob, o binibigyang-ginhawa, magiging ayos ka lang—hindi ka makapagkakamit o mawawalan ng anumang bagay kung mayroon ang mga bagay na ito o wala. Ang pinakamahalaga ay ang mga ekspektasyon ng Diyos para sa iyo. Hinihikayat ka ng Diyos, tinutustusan ka, at ginagabayan ka. Hindi ka nag-iisa. Kung wala ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang, magagampanan mo pa rin ang tungkulin ng isang nilikha, at sa batayang ito, magiging isang mabuting tao ka pa rin. Ang pagbitiw sa mga ekspektasyon ng iyong mga magulang ay hindi nangangahulugang wala ka nang etika at moral, at lalong hindi ito nangangahulugan na tinalikuran mo na ang iyong pagkatao, o moralidad at katarungan. Ang dahilan kung bakit hindi mo natupad ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang ay dahil pinili mo ang mga positibong bagay, at pinili mong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha. Walang mali rito, ito ang pinakatamang landas. Dapat kang magtiyaga at manatiling matatag sa iyong pananampalataya. Posible na hindi mo makukuha ang suporta ng iyong mga magulang, at lalong hindi ang kanilang pagsang-ayon, dahil nananampalataya ka sa Diyos at ginagampanan mo ang tungkulin ng isang nilikha, ngunit hindi ito mahalaga. Hindi ito mahalaga, walang anumang nawala sa iyo. Ang pinakamahalagang bagay ay na kapag pinili mong tahakin ang landas ng pananampalataya sa Diyos at ng paggampan sa tungkulin ng isang nilikha, nagkakaroon ang Diyos ng mga ekspektasyon at mataas na inaasam para sa iyo. Habang nabubuhay sa mundong ito, kung malalayo ang mga tao sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak, makapamumuhay pa rin sila nang maayos. Siyempre, maaari silang mamuhay nang normal pagkatapos na mawalay sa kanilang mga magulang. Kapag nalalayo sila sa patnubay at mga pagpapala ng Diyos, saka sila nasasadlak sa kadiliman. Kung ikukumpara sa mga ekspektasyon ng Diyos sa mga tao at sa Kanyang patnubay, ang mga ekspektasyon ng magulang ay talagang hindi mahalaga at walang kabuluhan” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). “Sa mundong ito, anong uri ng mga tao ang pinakakarapat-dapat na respetuhin? Hindi ba’t iyong mga tumatahak sa tamang landas? Ano ang tinutukoy rito ng ‘tamang landas’? Hindi ba’t nangangahulugan ito ng paghahangad sa katotohanan at pagtanggap sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba’t ang mga tumatahak sa tamang landas ay mga taong sumusunod at nagpapasakop sa Diyos? (Oo.) Kung ikaw ay ganitong uri ng tao, o sinisikap mong maging ganito, at hindi ka naiintindihan ng iyong mga magulang, at palagi ka pa nga nilang minumura—kung, kapag ikaw ay nanghihina, nanlulumo, at hindi mo alam ang gagawin, maliban sa hindi ka nila sinusuportahan, binibigyang-ginhawa, o hinihikayat, madalas din nilang iginigiit na bumalik ka para maging mabuting anak sa kanila, na kumita ka ng maraming pera at alagaan sila, na huwag silang biguin, na hayaan silang makibahagi sa iyong tagumpay, at mamuhay nang maganda kasama ka—hindi ba’t dapat isantabi ang ganitong mga magulang? (Oo nga.) Ang mga ganitong magulang ay karapat-dapat ba sa iyong respeto? Sila ba ay karapat-dapat sa pagiging mabuti mong anak? Karapat-dapat ba sila sa pagtupad mo sa iyong responsabilidad sa kanila? (Hindi.) Bakit hindi? Ito ay dahil tutol sila sa mga positibong bagay, hindi ba’t isa itong katunayan? (Oo.) Ito ay dahil napopoot sila sa Diyos, hindi ba’t isa iyong katunayan? (Oo.) Ito ay dahil hinahamak nila ang pagtahak mo sa tamang landas, hindi ba’t isa iyong katunayan? (Oo.) Hinahamak nila ang mga taong nakikibahagi sa mga makatarungang layon; kinukutya at minamaliit ka nila dahil sinusunod mo ang Diyos at ginagampanan mo ang iyong tungkulin. Anong klase ng mga magulang ang ganito? Hindi ba’t sila ay kasuklam-suklam at ubod ng sama na mga magulang? Hindi ba’t sila ay makasariling mga magulang? Hindi ba’t sila ay buktot na mga magulang? (Ganoon nga sila.) Inilagay ka sa listahan ng mga pinaghahanap at tinugis ka ng malaking pulang dragon dahill sa iyong pananampalataya sa Diyos, nagtatago ka, hindi ka makauwi, at ang ilang tao ay kinailangan pa ngang mangibang-bansa. Sinasabi ng lahat ng iyong mga kamag-anak, kaibigan, at kaklase na ikaw ay naging isang pugante, at dahil sa mga tsismis at sabi-sabing ito na mula sa ibang tao, iniisip ng iyong mga magulang na dahil sa iyo ay nagdusa sila nang hindi makatarungan, at pinahiya mo sila. Bukod sa hindi sila nakauunawa, sumusuporta, o nakikisimpatiya sa iyo, bukod sa hindi nila sinasaway ang mga taong nagpapakalat ng mga tsismis na iyon, at iyong mga namumuhi at nandidiskrimina sa iyo, kinapopootan ka rin ng mga magulang mo, ang mga bagay na sinasabi nila tungkol sa iyo ay katulad ng sa mga taong hindi nananampalataya sa Diyos at ng sa mga nasa kapangyarihan. Ano ang tingin mo sa mga magulang na ito? Mabuti ba sila? (Hindi.) Kung gayon, nararamdaman mo pa rin ba na may utang ka sa kanila? (Hindi.) … Madalas na sinasabi ng ilang magulang: ‘Ang pagpapalaki sa iyo ay mas masahol pa sa pagpapalaki ng aso. Kapag nagpapalaki ka ng aso, napakalapit nito sa iyo at marunong itong magwagwag ng buntot kapag nakikita ang amo nito. Ano ang maaasahan ko sa pagpapalaki sa iyo? Buong araw kang nananampalataya sa Diyos at ginagampanan mo ang iyong tungkulin, hindi ka nagnenegosyo, hindi ka nagtatrabaho, ni ayaw mo nga ng maayos na kabuhayan, at sa huli, pinagtatawanan na tayo ng lahat ng kapitbahay natin. Ano ang napala ko sa iyo? Wala akong nakuhang ni isang magandang bagay mula sa iyo, ni hindi ako naging bahagi ng anumang tagumpay.’ Kung sinunod mo ang masasamang kalakaran ng sekular na mundo, at nagsumikap kang maging matagumpay roon, malamang na susuportahan, hihikayatin, at bibigyang-ginhawa ka ng iyong mga magulang kung magdurusa ka, magkakasakit, o malulungkot. Gayunpaman, hindi sila natutuwa o nagagalak sa katunayang nananampalataya ka sa Diyos at na may pagkakataon kang maligtas. Sa kabaligtaran, kinamumuhian at sinusumpa ka nila. Batay sa kanilang diwa, ang mga ganitong magulang ay mga kalaban mo at mga sinumpaang kaaway, hindi mo sila kauri, at hindi sila tumatahak sa landas na gaya ng sa iyo. Bagamat sa panlabas ay mukha kayong magkakapamilya, batay sa iyong mga diwa, paghahangad, kagustuhan, landas na sinusundan, at iba’t ibang saloobin ng pagharap mo sa mga positibong bagay, sa Diyos, at sa katotohanan, hindi mo sila kauri. Samakatuwid, kahit gaano kadalas mo pa sabihing, ‘May pag-asa akong maligtas, tinahak ko na ang tamang landas sa buhay,’ hindi sila matitinag, at hindi sila magiging masaya para sa iyo, o magagalak para sa iyo. Sa halip, mapapahiya sila. Sa emosyonal na antas, ang mga magulang na ito ay ang iyong pamilya, ngunit batay sa kanilang mga kalikasang diwa, hindi mo sila pamilya, sila ay mga kaaway mo” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). Pagkatapos basahin ang mga salitang ito ng Diyos, lalong nagliwanag ang aking puso. Malinaw na ibinahagi ng Diyos ang mga prinsipyo kung paano dapat tratuhin ang mga magulang. Hindi ito tungkol sa bulag na pagsunod sa lahat ng sinasabi ng mga magulang; dapat makilatis ng isang tao kung anong klase ng tao sila. Naalala ko kung paanong sa aking mga tungkulin, madalas akong naimpluwensiyahan ng mga salita ng aking ama, at ito ay dahil hindi ko makilatis ang mga paimbabaw na panlilinlang na sinabi niya at dahil hindi ko tiningnan ang mga tao o bagay, o hindi ako umasal batay sa mga salita ng Diyos. Gusto ng aking ama na kumita ako ng pera para maging mabuting anak sa kanila at para tustusan sila sa kanilang pagtanda at para bigyan sila ng karangalan. Noon, kapag nasa bahay ako, nagdadala ako ng mamahaling sigarilyo, alak, at masasarap na pagkain kapag binibisita ko ang aking ama tuwing may mga pagdiriwang. Kapag may sakit siya, sinasamahan ko siya sa ospital para magpagamot, at pinuri niya ako sa pagiging isang masunurin at maunawaing anak, tinatawag akong isang mabuting anak. Pero ngayong hindi ko na siya mabisita, at dahil hindi ko na natutugunan ang kanyang mga pisikal na pangangailangan, hindi siya nasisiyahan sa akin. Hindi ako makauwi dahil tinutugis ako ng malaking pulang dragon, pero hindi siya nagalit sa malaking pulang dragon. Sa halip, pakiramdam niya ay nagdala ako sa kanya ng kahihiyan, sinusumpa ako bilang isang walang malasakit na walang utang na loob at isang masamang anak, ibinubulalas ang anumang masasakit na salita na naiisip niya sa akin. Isinantabi niya pa ang ugnayan namin bilang mag-ama. Hindi ginagawa ng aking ama ang mga bagay na ito para sa aking kabutihan. Kung talagang nagmalasakit siya sa akin, sinuportahan niya dapat ako sa pagtahak sa tamang landas sa buhay sa pananampalataya sa Diyos at paghahangad sa katotohanan. Sa halip, hindi niya lang ako hindi sinuportahan kundi ininsulto pa niya ako, at isang beses ay tumalon pa nga siya sa ilog para magtangkang gamitin ang kamatayan niya para pilitin ako. Nakita ang tunay niyang kalikasan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkamuhi sa Diyos, na ang diwa niya ay iyong sa lumalaban-sa-Diyos na diyablo, at na siya ay kalaban ng Diyos. Ang isang amang tulad niyon ay hindi karapat-dapat na pagmalasakitan ko at na maging mabuting anak ako sa kanya. Pero wala akong pagkilatis sa kanyang diwa at palagi kong naramdaman na binibigo ko siya. Talagang isa akong hangal na may magulong isip, bulag sa pagkakaiba ng tama at mali! Nang nakilatis ko ang diwa ng aking ama, hindi na ako nakaramdam ng pagkakautang sa kanya.
Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natutuhan ko kung paano tratuhin ang aking mga magulang, at naunawaan ko rin na tanging ang pagtupad ng aking tungkulin bilang isang nilikha at ang paghahangad sa katotohanan ang tamang landas sa buhay, at na dapat akong magpatuloy sa landas na ito nang walang pag-aalinlangan. Pagkatapos noon, pinakawalan ko ang pakiramdam na nagpapabigat sa aking puso at inilaan ang buong puso ko sa aking mga tungkulin, at sa paglipas ng panahon, naging mas mahusay ako sa aking mga gawain. Ang pagkakaroon ko ng mga pagkaunawa at pakinabang na ito ay dahil lahat sa kaliwanagan at gabay ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!