96. Naiwaksi ko ang mga Negatibong Emosyon ng Pagkagipit
Ginagawa ko ang tungkulin ng pagbuo ng musika sa iglesia. Noong Oktubre 2020, isinaayos ng mga lider ng iglesia na kami ni Brother Wang Chen ang magiging responsable sa pagsusuri ng gawain ng mga kompositor. Noon, hindi ako nakaramdam ng labis na presyur at mayroon pa akong kaunting libreng oras sa bawat araw. Pagkaraan ng ilang araw, itinaas ng iglesia ang tungkulin ko bilang superbisor. Akala ko, ang pagiging superbisor ay nangangahulugan ng pangangasiwa sa lahat ng bagay, na tiyak na magiging abala ako araw-araw, at hindi na magiging magaan sa akin ang mga bagay-bagay gaya ng dati, kaya medyo nag-atubili ako. Pero pagkatapos ay naisip ko, “Nilinang ako ng iglesia sa loob ng napakaraming taon, kaya dapat akong magkaroon ng konsensiya, isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at ibigay ang buong pagsisikap ko para makipagtulungan.” Nang maisip ito, sumang-ayon ako sa papel.
Pagkatapos niyon, sa tungkulin ko, bukod sa kailangan kong magbahagi para lutasin ang mga di-wastong kalagayan ng mga miyembro ng aking pangkat, kailangan ko ring tumugon sa mga liham para sagutin ang mga katanungan nila. Minsan, hindi pa nga ako natatapos magsuri ng gawain, may mga liham nang nangangailangan ng agarang tugon, at hindi man lang ako nagkakaroon kahit kaunting sandali para makapagpahinga. Minsan gusto kong magpahinga nang kaunti, pero kung hindi ko agarang sasagutin ang ilang liham, makakaapekto ito sa gawain, kaya, kailangan kong mabilis na matugunan ang mga ito. Kalaunan, napansin ng lider na may mga isyu ang ilan sa gawaing sinuri ni Wang Chen, at iminungkahi na muli kong suriin ang mga ito. Mas lalo akong nawalan ng oras dahil dito. Nakita ko ang lahat ng detalyeng ito na kailangang matugunan, at talagang nagipit ako. Walang ni isa sa mga gampaning ito ang maaaring pabayaang hindi natatapos, at kung magpapatuloy ang ganito, lubusang mapapagod ang isip ko. Nagsimula akong manabik sa mga sandaling makakapagpahinga lang ako. Naalala ko kung gaano kadali noong hindi pa ako superbisor at tanging pagsusuri lang ng mga gawain ang kailangan kong gawin, at na baka mas mabuti pang bumalik na lang ako sa dati kong tungkulin! Pero pagkatapos ay naisip ko, “Pagiging masuwayin iyon!” Kaya, atubili akong nagpatuloy. Paglipas ng ilang panahon, naramdaman kong para akong makina, na palaging tensiyonado ang utak ko. Palaging napakaraming isyu na kailangang tugunan at asikasuhin. Bagaman hindi naman ako mukhang huminto, at ginawa ko ang lahat ng dapat kong gawin, parang hinahatak na lang ako ng gawain. Wala akong naramdamang anumang pagpapahalaga sa pasanin sa puso ko, at hindi ako naghahanap ng mga resulta. Tinatapos ko lang ang mga gampaning hawak ko nang parang robot, at hindi ako kailanman umusad sa gawain ko. Sinabi ni Wang Chen na wala akong pagpapahalaga sa pasanin, pero ayaw kong marinig ito at nagsimula akong magreklamo sa puso ko, “Masyado na akong abala, sa daming bagay na aasikasuhin, paano ko pa mapapamahalaan ang lahat? Hindi ba sobra na ang hinihingi ninyo sa akin? Gaano karaming kamay at ulo ba ang mayroon ako sa tingin ninyo? Hindi dalawa ang katawan ko.” Hindi ko pinagnilayan ang sarili ko at nagkaroon pa nga ako ng pagkiling laban kay Wang Chen. Minsan ay naiisip ko, “Siguro dapat magbitiw na lang ako at bumalik sa paggawa ng pansolong gampanin, hindi iyon gaanong nakakapagod.” Dahil mali ang kalagayan ko, hindi ko man lang napansin ang mga halatang isyu sa gawain. Noong ipinaalam ni Wang Chen na nakaapekto sa pag-usad ng gawain ang aking pabayang saloobin at kawalan ng malasakit sa tungkulin, saka lang ako nagsimulang sadyang magnilay sa aking sarili at magdasal sa Diyos, “Diyos ko, pakiramdam ko ay napakahirap ng tungkuling ito para sa akin. Sobrang akong nababagabag at nahihigpitan, madalas gusto kong sumuko sa tungkulin ko. Alam kong mali ang kalagayang ito, pero hindi ko makilala ang mga problema ko. Pakiusap, bigyang-liwanag Mo po ako at tulungan akong baguhin ang maling kalagayang ito.”
Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa pangkalahatan, ang mga normal na tao ay nakakaramdam ng kaunting panghihina ng loob kapag naririnig ang tungkol sa mga suliraning ito, nakadarama sila ng presyur, ngunit ang mga tapat at mapagpasakop sa Diyos, kapag nahaharap sa mga suliranin at nakadarama ng presyur, ay tahimik na nananalangin sa kanilang puso, humihiling ng paggabay sa Diyos, upang madagdagan ang kanilang pananalig, para sa kaliwanagan at tulong, at humihiling din ng proteksiyon mula sa paggawa ng mga pagkakamali, para matupad nila ang kanilang katapatan at makapagsikap sila nang husto upang magkaroon ng malinis na konsensiya. Gayumpaman, ang mga tulad ng mga anticristo ay hindi ganito. Kapag naririnig nila ang tungkol sa mga partikular na mga pagsasaayos sa gawain mula kay Cristo na kailangan nilang ipatupad at na may ilang suliranin dito, nagsisimula silang makaramdam ng paglaban sa loob nila, at ayaw na nilang magpatuloy. Ano ang anyo ng pag-ayaw na ito? Sinasabi nila: ‘Bakit hindi kailanman nangyayari sa akin ang magagandang bagay? Bakit palagi akong binibigyan ng mga problema at mga hinihingi? Ako ba ay itinuturing na walang ginagawa o isang aliping dapat utus-utusan? Hindi ako madaling manipulahin! Sinasabi mo ito nang napakadali, bakit hindi mo mismo ito subukang gawin!’ Ito ba ay pagpapasakop? Ito ba ay isang saloobin ng pagtanggap? Ano ang kanilang ginagawa? (Lumalaban, sumasalungat.) Paano lumilitaw ang paglaban at pagsalungat na ito? Halimbawa, kung sasabihan silang, ‘Bumili ka ng ilang kilo ng karne at magluto ng adobo para sa lahat,’ tututulan ba nila ito? (Hindi.) Ngunit kung sasabihin sa kanila, ‘Ngayon, bungkalin mo ang lupang iyon, at habang nagbubungkal, kailangan mong tapusin ang pag-aalis ng mga bato bago ka kumain,’ aayaw na sila. Kapag may kasama nang pisikal na hirap, suliranin, o presyur, lumilitaw ang kanilang pagkayamot, at ayaw na nilang magpatuloy; nagsisimula silang lumaban at magreklamo: ‘Bakit hindi nangyayari sa akin ang magagandang bagay? Kapag oras na para sa mga madaling gawain, bakit hindi ako napapansin? Bakit ako ang pinipili para sa mahirap, nakakapagod, o maruming gawain? Ito ba ay dahil tila wala akong muwang at madaling manipulahin?’ Dito nagsisimula ang panloob na paglaban. Bakit masyado silang mapanlaban? Ano ang ‘marumi at nakakapagod na gawain’? Ano ang ‘mga suliranin’? Hindi ba’t lahat ng ito ay bahagi ng kanilang tungkulin? Ang sinumang itinalaga ay dapat itong gawin; ano pa ba ang dapat pagpilian? Ito ba ay tungkol sa sadyang pagpapahirap sa kanila? (Hindi.) Ngunit naniniwala sila na ito ay sadyang pagpapahirap sa kanila, paglalagay ng presyur sa kanila, kaya hindi nila tinatanggap ang tungkuling ito mula sa Diyos at ayaw nilang tanggapin ito. Ano ang nangyayari dito? Ito ba ay na kapag nahaharap sila sa mga suliranin, kailangang magtiis ng pisikal na hirap, at hindi na makapamuhay nang komportable, ay nagiging mapanlaban na sila? Ito ba ay pagpapasakop nang walang kondisyon, nang walang reklamo? Umaayaw na sila sa pinakamaliit na suliranin. Anumang bagay na ayaw nilang gawin, anumang gawain na sa tingin nila ay mahirap, hindi kanais-nais, nakakababa, o minamaliit ng iba, ay labis nilang nilalabanan, tinututulan, at tinatanggihan, hindi sila nagpapakita ng kahit kaunting pagpapasakop” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaapat na Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na kapag ang isang taong may pagkatao ay nahaharap sa mga suliranin at presyur sa kanyang tungkulin, nagagawa niyang magdasal, umasa sa Diyos, at gawin ang kanyang makakaya para makipagtulungan, sa halip na maging mapanlaban o mapangontra. Pero kapag ang isang anticristo ay nahaharap sa kahit kaunting paghihirap o presyur sa kanyang tungkulin at kailangan niyang magdusa o magbayad ng halaga, ang una niyang ginagawa ay lumaban, maghimagsik, at magreklamo. Naiisip pa nga nila na sinusubukan ng mga tao na gawing mahirap ang buhay para sa kanila, na tinatrato sila na parang hindi sapat na gumagawa ng gawain, at pinagtatrabaho silang parang alipin. Mula rito, makikita ang sukdulang pagkamakasarili at kaimbihan ng mga anticristo, at na hindi man lang nila isinasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Hindi ba’t ganito ang inaasal ko? Biyaya ng Diyos sa akin ang pagkakataong ito na maging superbisor, pero nang makita ko ang napakaraming trabaho at kung gaano kahigpit na sinusubaybayan ng mga lider ang bawat gampanin, pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng matinding presyur at na kakailanganing magdusa nang husto ang laman ko, kaya hindi ako naging handa at tunay na naging mapanlaban. Pakiramdam ko ay masyadong mapanghigpit at mahirap ang tungkuling ito. Nawalan ako ng pagpapahalaga sa pasanin para sa gawain, at hindi ko binigyang-pansin ang mga gampaning dapat ko sanang sinubaybayan. Nang ipaalala sa akin ni Wang Chen na wala akong pagpapahalaga sa pasanin, pakiramdam ko ay ayaw ko pa rin, at nagkaroon pa nga ako ng pagkiling laban sa kanya. Nakita ko na ang saloobin ko sa sitwasyong ito na ipinamatnugot at isinaayos ng Diyos ay paglaban at pagkontra, at hindi ako nagpapasakop kahit kaunti. Hindi ba’t ibinubunyag ko ang mismong disposisyon ng isang anticristo? Ito man ay mahigpit na pagsubaybay ng mga lider sa gawain o ang pagtukoy ng kapareha kong brother sa mga isyu ko, lahat ito ay alang-alang sa pagprotekta sa mga interes ng iglesia at pagtiyak na magtatamo ng magagandang resulta ang gawain. Dapat ko itong tanggapin mula sa Diyos at gawin ang makakaya ko para makipagtulungan. Ito ang uri ng konsensiya at katwiran na dapat taglayin ng isang normal na tao. Pero nakaramdam ako ng lubos na paglaban at hindi ako nagnilay sa sarili ko. Nadama ko pa ngang naagrabyado ako at naisipan kong bitiwan ang tungkulin ko. Nakita ko na wala talaga akong katwiran! Ang pagtrato ko sa tungkulin ko sa ganitong paraan ay nagpakita na wala akong pagkatao! Hindi ko man lang isinaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at inisip ko lang ang pansarili kong mga interes na makalaman, ayaw gawin ang lahat ng makakaya ko para palugurin ang Diyos, at nakaapekto ito sa gawain ng iglesia. Dahil dito, tunay nga akong naging mapaghimagsik at nasaktan ko ang puso ng Diyos. Kaya, nagdasal ako sa Diyos, handang baguhin ang saloobin ko sa aking tungkulin.
Pagkatapos niyon, naalala ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa maraming pagkakataon, ang mga pagsubok ng Diyos ay mga pasaning ibinibigay Niya sa mga tao. Gaano man kabigat ang pasaning ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, iyan ang bigat ng pasaning dapat mong akuin, sapagkat nauunawaan ka ng Diyos, at alam Niyang kaya mong tiisin ito. Ang pasaning bigay sa iyo ng Diyos ay hindi hihigit sa iyong tayog o sa mga limitasyon ng iyong pagtitiis, kaya walang duda na makakayanan mong tiisin iyon. Anumang uri ng pasanin ang ibinibigay sa iyo ng Diyos, anumang uri ng pagsubok, tandaan mo ang isang bagay: Nauunawaan mo man o hindi ang mga layunin ng Diyos at binibigyang-liwanag at tinatanglawan ka man o hindi ng Banal na Espiritu pagkatapos mong manalangin, dinidisiplina o binabalaan ka man ng Diyos sa pagsubok na ito o hindi, hindi mahalaga kung hindi mo ito nauunawaan. Basta’t hindi ka nagpapaliban sa pagganap sa iyong tungkulin at tapat mong napanghahawakan ang iyong tungkulin, malulugod ang Diyos, at maninindigan ka sa iyong patotoo” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay sa Katotohanan Magkakaroon ng Daan Pasulong). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga pasaning ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay nasa kanilang makakayang tiisin at hindi ito lalampas sa mga limitasyon ng tao dahil nauunawaan ng Diyos ang bawat tao. Ang tungkuling ito na dumating sa akin ay isang pagsubok mula sa Diyos, at hindi ko puwedeng iwasan ang tungkulin ko alang-alang sa kaginhawahan ng aking laman. Kaya, nagdasal ako sa Diyos, naghimagsik laban sa aking sarili, at nagpasakop, sinisikap kong baguhin ang dati kong saloobin sa aking tungkulin. Makatwiran kong pinlano ang oras ko batay sa pang-araw-araw na dami ng trabaho, at inuna ko ang mga gampanin ko, na nagpabuti sa kabuuang kahusayan ng gawain. Pagkalipas ng ilang panahon, minsan, kapag dumarami ang trabaho, nakakaramdam pa rin ako ng pagkagipit, pero kaya kong sadyang maghimagsik laban sa sarili ko at aktibong magsumikap pataas, nagkukusang maghanap ng mga prinsipyo para lutasin ang mga problema. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagtutulungan, bumuti ang kabuuang resulta ng gawain.
Pagkalipas ng ilang panahon, nabalitaan ko na nagplano ang iglesia na itaas ang tungkulin ko para magawa ko ang aking tungkulin sa ibang lugar, at nang maisip ko kung paanong mas dadami ang trabaho mula noon, hindi namamalayang muling lumitaw ang mga negatibo kong emosyon ng pagkagipit. Bagaman alam kong mali ang kalagayang ito, hindi ko alam kung paano ito lutasin. Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang ibig sabihin ng hindi magawa ng isang tao kung ano ang gusto niya? Ang ibig sabihin nito ay ang hindi magawang kumilos ayon sa bawat pagnanais na sumasagi sa isip ng isang tao. Ang magawa ang gusto niya, kung kailan niya gusto, at kung paano niya gusto ay isang bagay na hinihingi ng mga taong ito kapwa sa kanilang trabaho at buhay. Subalit, dahil sa iba’t ibang kadahilanan, kasama na ang mga batas, kapaligirang pinamumuhayan, o mga patakaran, sistema, kondisyon, at pamamaraan ng pagdidisiplina ng isang grupo, at iba pa, hindi makakilos ang mga tao ayon sa sarili nilang mga kagustuhan at imahinasyon. Dahil dito, pakiramdam nila sa kaibuturan ng kanilang puso ay napipigilan sila. Sa diretsahang pananalita, nangyayari ang pagkapigil na ito dahil ang pakiramdam ng mga tao ay agrabyado sila—ang pakiramdam pa nga ng ilang tao ay na ginawan sila ng mali. Sa prangkang pananalita, ang hindi magawa ng isang tao ang gusto niya ay nangangahulugang hindi siya makakikilos nang ayon sa sarili niyang kalooban—nangangahulugan ito na hindi maaaring maging sutil o malayang mapagpalayaw ang isang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan at mga paglilimita ng iba’t ibang obhetibong kapaligiran at kondisyon. Halimbawa, ang ilang tao ay palaging pabasta-basta at naghahanap ng mga pamamaraan para magtamad-tamaran habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Kung minsan, kailangan sa gawain ng iglesia ang pagmamadali, pero gusto lang nilang gawin kung ano ang gusto nila. Kung hindi masyadong maganda ang pisikal nilang pakiramdam, o mainit ang ulo nila o malungkot sila nang dalawang araw, ayaw nilang magtiis ng paghihirap at magbayad ng halaga para magawa ang gawain ng iglesia. Sa partikular ay tamad sila at nag-aasam ng ginhawa. Kapag wala silang motibasyon, magiging mabagal ang kanilang katawan, at hindi nila gugustuhing gumalaw, pero natatakot silang pungusan ng mga lider at tawaging tamad ng kanilang mga kapatid, kaya wala silang magawa kundi gampanan ang gawain nang mabigat ang loob kasama ng iba. Subalit, labis silang magiging umaayaw, hindi masaya, at mabigat ang loob dito. Madarama nilang ginawan sila ng masama, na inagrabyado sila, na naiinis sila, at pagod na pagod. Gusto nilang kumilos ayon sa sarili nilang kalooban, pero hindi sila nangangahas na kumawala o sumalungat sa mga hinihingi at istipulasyon ng sambahayan ng Diyos. Bilang resulta, sa paglipas ng panahon ay nagsisimulang umusbong sa kalooban nila ang isang emosyon—ang pagkapigil. Sa sandaling mag-ugat sa kanila ang emosyon na pagkapigil na ito, magsisimula silang unti-unting magmukhang matamlay at mahina. Gaya ng isang makina, hindi na sila magkakaroon ng malinaw na pagkaunawa sa ginagawa nila, pero gagawin pa rin nila ang anumang sabihin sa kanilang gawin araw-araw, sa paraang sinabi sa kanila na gawin iyon. Bagama’t sa panlabas ay magpapatuloy silang isagawa ang kanilang mga gampanin nang hindi humihinto, nang hindi tumitigil sandali, nang hindi lumalayo sa kapaligiran ng kanilang pagganap sa kanilang mga tungkulin, sa kanilang puso ay mararamdaman nilang napipigilan sila, at iisipin nila na ang buhay nila ay sobrang nakakapagod at puno ng hinaing” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na sa tuwing nahaharap ako sa napakaraming trabaho at presyur sa tungkulin ko, nahihigpitan ako. Ito ay pangunahing nag-ugat sa pagnanais ko na gawin ang tungkulin ko ayon sa sarili kong mga kagustuhan, at sa sandaling hindi umaayon ang tungkulin ko sa mga pagnanais ng aking laman at hindi ko magawa ang mga bagay ayon sa gusto ko, nahihigpitan at nahihirapan ako. Noon, responsable lang ako sa pagsusuri ng gawain at hindi ko kailangang mag-alala nang husto, at walang gaanong paghihirap o presyur noon, kaya nagagawa kong makipagtulungan nang normal. Pero pagkatapos maging superbisor, kailangan kong akuin ang responsabilidad para sa lahat ng aytem ng gawain, at kailangan kong isaalang-alang at subaybayan ang bawat aytem ng gawain. Higit pa roon, inutusan ako ng mga lider na pangasiwaan ang gawaing sinuri ni Wang Chen, na nangangahulugang kailangan kong gumugol ng mas maraming oras at lakas. Nakaramdam ako ng paglaban, at ayaw kong magpasakop, pero hindi ako nangahas na tumanggi, dahil natakot ako na sasabihin ng mga lider na wala akong pagpapahalaga sa pasanin. Bagaman mukhang gumagawa ako ng gawain, nag-atubili ako at hindi ako handa sa loob-loob ko. Minsan, madalian ko lang tinitingnan ang isang gawain, iniisip na sapat na ito, pero pagkatapos, kung may mga lumitaw na problema, kakailanganin kong ulitin ito. Kapag tinutukoy ni Wang Chen ang mga problema ko, nakikipagtalo ako at mapagmatigas na lumalaban, at naiisip ko pa nga na magbitiw. Napakaraming taon kong natamasa ang pagtustos ng mga salita ng Diyos, pero hindi ako nagsikap na gawin nang maayos ang tungkulin ko para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Kapag kailangan kong maging tapat, ginagawa ko ang mga bagay ayon sa sarili kong mga kagustuhan, gusto ko pa ngang iwasan ang tungkulin ko at balewalain ang gawain ng iglesia. Tunay na wala akong pagkatao! Sa pagbabalik-tanaw sa mga eksenang ito, napagtanto ko na talagang medyo seryoso ang isyu ko. Kung ang aking mga mapanghigpit na emosyon ay hindi malutas sa tamang panahon, lalo lang akong masisiraan ng loob at mabubulok, hindi magagawa nang maayos ang tungkulin ko.
Kalaunan, nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng mas malinaw na pagkaunawa sa mga problema ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang sanhi ng pagkapigil ng mga tao? Tiyak na hindi ito dahil sa pisikal na pagkapagod, kung gayon, ano ang nagsasanhi nito? Kung palaging naghahanap ng pisikal na kaginhawahan at kasiyahan ang mga tao, kung palagi silang naghahangad ng pisikal na kasiyahan at kaginhawahan, at ayaw nilang magdusa, maging ang katiting na pisikal na pagdurusa, ang pagdurusa nang medyo higit sa iba, o ang pagkaramdam na nagtrabaho sila nang mas mabigat kaysa karaniwan, ay magpaparamdam sa kanila ng pagkapigil. Isa ito sa mga sanhi ng pagkapigil. Kung hindi ituturing ng mga tao ang kaunting pisikal na pagdurusa bilang isang malaking bagay, at hindi sila maghahangad ng pisikal na kaginhawahan, sa halip ay hahangarin nila ang katotohanan at gugustuhing tuparin ang kanilang mga tungkulin upang mapalugod ang Diyos, kadalasan ay hindi sila makadarama ng pisikal na pagdurusa. Kahit pa paminsan-minsan ay mararamdaman nilang medyo abala, pagod, o patang-pata sila, pagkatapos nilang matulog ay magigising sila na mas magaan ang pakiramdam, at pagkatapos ay magpapatuloy sila sa kanilang gawain. Magtutuon sila sa kanilang mga tungkulin at sa kanilang gawain; hindi nila ituturing ang kaunting pisikal na pagkapagod na malaking isyu. Subalit, kapag umuusbong ang isang problema sa pag-iisip ng mga tao at palagi silang naghahangad ng pisikal na kaginhawahan, anumang oras na medyo maagrabyado o hindi makuntento ang kanilang katawan ay uusbong ang ilang negatibong emosyon sa kanila. … Madalas silang nakakaramdam ng pagkapigil sa mga bagay na ito at ayaw nilang tumanggap ng tulong mula sa kanilang mga kapatid o mapangasiwaan ng mga lider. Kung magkakamali sila, hindi nila hahayaan ang iba na pungusan sila. Ayaw nilang malimitahan sa anumang paraan. Iniisip nila, ‘Nananalig ako sa Diyos para makahanap ako ng kaligayahan, kaya bakit ko pahihirapan ang sarili ko? Bakit kailangang maging sobrang nakakapagod ang buhay ko? Dapat mamuhay nang masaya ang mga tao. Hindi nila dapat masyadong pansinin ang mga patakarang ito at ang mga sistemang iyon. Ano ang silbi ng palaging pagsunod sa mga iyon? Sa ngayon, sa sandaling ito, gagawin ko kung anong gusto ko. Walang sinuman sa inyo ang dapat na may masabi tungkol doon.’ Partikular na sutil at talipandas ang ganitong uri ng tao: Hindi nila hinahayaang magtiis ng anumang pagpipigil ang kanilang sarili, at hindi rin nila nais na maramdamang napipigilan sila sa anumang kapaligiran sa trabaho. Ayaw nilang sumunod sa mga patakaran at prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, ayaw nilang tanggapin ang mga prinsipyong dapat pinanghahawakan ng mga tao sa kanilang pag-asal, at ni ayaw nilang sundin ang sinasabi ng konsensiya at katwiran na dapat nilang gawin. Gusto nilang gawin ang gusto nila, gawin ang anumang magpapasaya sa kanila, ang anumang mapakikinabangan nila at makakaginhawa sa kanila. Naniniwala sila na ang mamuhay sa ilalim ng mga pagpipigil na ito ay lalabag sa kanilang kalooban, na magiging isa itong uri ng pang-aabuso sa sarili, na magiging napakahirap nito para sa kanila, at na hindi dapat mamuhay nang ganoon ang mga tao. Iniisip nila na dapat mamuhay ang mga tao nang malaya at napakawalan na, bigyang-layaw ang kanilang laman at mga pagnanais nang walang limitasyon, pati na rin ang kanilang mga adhikain at kahilingan. Iniisip nila na dapat nilang bigyang-layaw ang lahat ng kanilang ideya, sabihin ang anumang gusto nila, gawin ang anumang gusto nila, at pumunta kung saan man nila gusto, nang hindi kinakailangang isaalang-alang ang mga kahihinatnan o ang mga damdamin ng ibang tao, at lalo na nang hindi kinakailangang isaalang-alang ang sarili nilang mga responsabilidad at obligasyon, o ang mga tungkuling dapat gampanan ng mga nananalig, o ang mga katotohanang realidad na dapat nilang itaguyod at isabuhay, o ang landas sa buhay na dapat nilang sundan. Ang grupong ito ng mga tao ay palaging gustong gawin ang gusto nila sa lipunan at sa ibang tao, pero saanman sila magpunta, hindi nila iyon matatamo kailanman. Naniniwala sila na binibigyang-diin ng sambahayan ng Diyos ang mga karapatang pantao, na binibigyan nito ng lubos na kalayaan ang mga tao, at na inaalala nito ang sangkatauhan, at ang pagpaparaya at pagtitimpi sa mga tao. Inaakala nila na matapos nilang dumating sa sambahayan ng Diyos ay dapat malaya nilang mabigyang-layaw ang kanilang laman at mga ninanasa, pero dahil may mga atas administratibo at patakaran ang sambahayan ng Diyos, hindi pa rin nila magawa ang gusto nila. Kaya, ang negatibong emosyon nilang ito na pagkapigil ay hindi malulutas kahit pagkatapos nilang sumapi sa sambahayan ng Diyos. Hindi sila nabubuhay para tuparin ang anumang uri ng mga responsabilidad o para tapusin ang anumang misyon, o para maging isang tunay na tao. Ang pananalig nila sa Diyos ay hindi para tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, tapusin ang kanilang misyon, at kamtin ang kaligtasan. Kahit sino pa ang mga taong kasama nila, kahit ano pa ang mga kapaligiran nila, o ang propesyon nila, ang sukdulan nilang minimithi ay ang mahanap at mabigyang-kasiyahan ang kanilang sarili. Ang layunin ng lahat ng kanilang ginagawa ay umiikot dito, at ang mabigyang-kasiyahan ang kanilang sarili ang kanilang ninanasa sa buong buhay nila at ang minimithi ng kanilang paghahangad” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). “Sa lipunan, sino ang mga taong hindi nag-aasikaso ng kanilang nauukol na gawain? Sila ang mga walang ginagawa, ang mga hangal, tamad, basagulero, sanggano, at tambay—mga ganyang tao. Ayaw nilang matuto ng anumang bagong kasanayan o kakayahan, at ayaw nilang maghangad ng mga seryosong propesyon o maghanap ng trabaho para makaraos sila. Sila ang mga walang ginagawa at ang mga tambay ng lipunan. Pumapasok sila nang pailalim sa iglesia, at pagkatapos ay gusto nilang may makuha sila nang walang kapalit, at na matamo nila ang parte nila sa mga pagpapala. Sila ay mga oportunista. Ang mga oportunistang ito ay hindi kailanman handang gumawa ng kanilang mga tungkulin. Kung hindi masusunod ang gusto nila, kahit bahagya lang, pakiramdam nila ay napipigilan sila. Palagi nilang ninanais na makapamuhay nang malaya, ayaw nilang gumanap ng anumang uri ng gawain, pero gusto pa rin nilang kumain ng masasarap na pagkain at magsuot ng magagandang kasuotan, at kumain ng anumang naisin nila at matulog kailan man nila gusto. Iniisip nila na kapag dumating ang ganitong araw ay tiyak na magiging napakaganda nito. Ayaw nilang magtiis ng ni katiting na paghihirap at nagnanais sila ng buhay na mapagpalayaw. Labis pa ngang nakakapagod sa mga taong ito ang mabuhay; nagagapos sila ng mga negatibong emosyon. Madalas silang nakakaramdaman ng pagkapagod at pagkalito dahil hindi nila magawa ang gusto nila. Ayaw nilang pangasiwaan ang kanilang nauukol na gawain o harapin ang mga bagay-bagay na nauukol sa kanila. Ayaw nilang manatili sa isang trabaho at paulit-ulit itong gawin mula simula hanggang katapusan, na tratuhin ito bilang sarili nilang propesyon at tungkulin, bilang kanilang obligasyon at responsabilidad; ayaw nila itong gawin nang maayos at makamit ang mga resulta, o na gawin ito sa pinakamataas na pamantayang maaari. Hindi sila kailanman nag-isip nang ganyan. Gusto lang nilang kumilos nang pabasta-basta at na gamitin ang tungkulin nila bilang paraan para kumita ng ikabubuhay. Kapag nahaharap sila sa kaunting kagipitan o sa isang uri ng pagkontrol, o kapag medyo tinaasan ang pamantayang kailangan nilang maabot, o pinagpasan sila ng kaunting responsabilidad, pakiramdam nila ay hindi sila komportable at na napipigilan sila. Umuusbong sa kalooban nila ang mga negatibong emosyong ito, pakiramdam nila ay sobrang nakakapagod mabuhay, at miserable sila. Isang pangunahing dahilan kung bakit pakiramdam nila ay sobrang nakakapagod mabuhay ay dahil walang katwiran ang ganitong mga tao. Napinsala ang kanilang katwiran, ginugugol nila ang buong araw sa pagpapantasya, pamumuhay sa isang panaginip, sa mga ulap, palaging iniisip ang mga pinakaimposibleng bagay. Iyan ang dahilan kung bakit napakahirap lutasin ng kanilang pagkapigil. Hindi sila interesado sa katotohanan, sila ay mga hindi mananampalataya. Ang tanging magagawa natin ay ang hingin sa kanila na lisanin ang sambahayan ng Diyos, na bumalik sa mundo at hanapin ang sarili nilang lugar ng kadalian at kaginhawahan” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga mapanghigpit na emosyon na nararamdaman ng mga tao ay hindi sanhi ng pisikal na pagdurusa o pagkahapo, at na ang mga ito ay pangunahing dahil sa mga problema sa lagay ng kaisipan at perspektiba ng isang tao. Naisip ko, “Habang nahaharap sa parehong sitwasyon kung saan ang isang tao ay kinakailangang magtiis ng kaunting pasanin, magbayad ng kaunti pang halaga, magdusa sa pisikal, mag-alala, at gumugol ng lakas, bakit hindi nakakaramdam ng pagkagipit ang ilang tao, at pakiramdam pa nga nila ay pagtataas ito ng Diyos, nagsisikap na gawin nang maayos ang kanilang mga tungkulin at suklian ang pagmamahal ng Diyos habang itinuturing itong mahirap at mapanghigpit na usapin ng iba? Sa totoo lang, hindi ito dahil napakaabala nila sa gawain, ito ay pangunahing dahil sa pagiging masyado nilang mapagsaalang-alang sa laman at palaging gustong maghangad ng kaginhawahan. Ang mga tao ay nakakahanap ng kagalakan sa kung ano ang hinahangad at pinananabikan nila. Kung ang mga pinananabikan nila ay mga positibong bagay, at kung hinahangad nila ang pagkamit sa katotohanan at pagtupad sa tungkulin ng isang nilikha para palugurin ang Diyos, kung gayon, kung mas magsisikap pa sila sa kanilang mga tungkulin, hindi sila mahihigpitan, at sa halip, makakaramdam sila ng kaluwagan at kagalakan.” Ang dahilan kung bakit ko naramdaman ang mga mapanghigpit na emosyong ito ay pangunahing dahil sa nakabatay sa mga maling pananaw ang paghahangad ko. Namuhay ako ayon sa satanikong pilosopiya ng “Sa paglasap ng alak at pag-aaliw sa musika, gaano nga ba katagal ang buhay?” at “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya.” Naniwala ako na ang isang tao ay dapat mamuhay paano man niya gusto, nang masaya at komportable, nang walang anumang pagpigil o limitasyon, at na ang pamumuhay sa ganitong paraan ay ang epitome ng kalayaan. Kung palaging napipigilan ang isang tao at hindi siya makakilos nang malaya, masasakal siya, at katulad lang ito ng pang-aabuso sa sarili. Naalala ko noong nag-aaral pa ako, maraming kaklase ang nagsisikap para makakuha ng magagandang trabaho sa hinaharap, samantalang ako naman ay nakakaramdam na ng pagpipigil kahit sa loob ng 45-minutong klase. Kahit pagkatapos mapabilang sa mga manggagawa, ayaw kong magapos ng mga panuntunan at regulasyon ng kompanya, at kung palagi akong nasa kalagayan ng matinding tensiyon, nararamdaman ko na kailangan kong magpalit ng posisyon. Nang mahanap ko na ang Diyos, pinanghawakan ko pa rin ang ganitong lagay ng pag-iisip, palaging inuuna ang pagtugon sa sarili kong mga pagnanais, nais kong maisaayos ang iskedyul ng gawain ko ayon sa nais ko, at hindi maharap sa anumang presyur. Kung masyadong abala ang tungkulin ko at mataas ang presyur, at hindi ko magagawa ang mga bagay ayon sa gusto ko, nagiging masuwayin at nahihigpitan ako, at iniraraos ko lang ang tungkulin ko, nagiging negatibo at nagpapakatamad pa nga. Dahil dito, naapektuhan ang mga resulta ng gawain. Ang saloobin ko sa aking tungkulin ay hindi mapagkakatiwalaan at naging dahilan ng pagkasuklam ng Diyos sa akin. Sa paggawa ng tungkulin ko ayon sa mga kapritso ko at pagpapalugod sa aking laman, malinaw na pinapabayaan ko ang marapat kong gawain. Ang perspektiba ko sa mga usapin at bagay na hinahangad ko ay kapareho ng sa mga tambay at walang kuwenta sa lipunan, pero mali kong inakala na ang pamumuhay sa ganitong paraan ay nangangahulugang hindi ako mapipigilan at magkakaroon ako ng personalidad. Tunay na hangal ako! Lalo na nang makita ko na sinasabi ng Diyos tungkol sa mga gayong tao na “Napinsala ang kanilang katwiran,” “sila ay mga hindi mananampalataya,” at “ang hingin sa kanila na lisanin ang sambahayan ng Diyos, na bumalik sa mundo at hanapin ang sarili nilang lugar ng kadalian at kaginhawahan,” Lalo akong nagsisi at nakonsensiya. Lumapit ako sa Diyos sa panalangin, “Diyos ko, handa akong baguhin ang dati kong mga maling perspektiba ng paghahangad, at hindi na maghangad na gawin ang mga bagay-bagay ayon sa aking mga kapritso. Gusto kong maging isang responsableng tao na nagdadala ng pasanin, at gaano man kalaki ang mga suliranin o presyur na kinakaharap ko, tapat kong gagawin ang tungkulin ko para mapanatag ang puso Mo.”
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga tunay na nananampalataya sa Diyos ay lahat ng mga indibidwal na nag-aasikaso ng kanilang nauukol na gawain, lahat sila ay handang gampanan ang kanilang mga tungkulin, kaya nilang magpasan ng isang gawain at gawin iyon nang maayos ayon sa kanilang kakayahan at sa mga patakaran ng sambahayan ng Diyos. Siyempre, sa simula ay maaaring maging mahirap masanay sa buhay na ito. Maaari mong maramdamang pagod na pagod ang iyong katawan at isip. Subalit, kung talagang may paninindigan kang makipagtulungan at handa kang maging isang normal at mabuting tao, at na magtamo ng kaligtasan, kailangan mong magbayad ng kaunting halaga at hayaan ang Diyos na disiplinahin ka. Kapag nahihimok kang maging sutil, kailangan mong maghimagsik laban dito at bitiwan ito, paunti-unting bawasan ang iyong pagkasutil at mga makasariling ninanasa. Dapat kang humingi ng tulong ng Diyos sa mahahalagang bagay, sa mahahalagang oras, at sa mahahalagang gampanin. Kung tunay kang may paninindigan, dapat mong hilingin sa Diyos na ituwid at disiplinahin ka, at na bigyang-liwanag ka upang maunawaan mo ang katotohanan, sa ganoong paraan ay makakukuha ka ng mas magagandang resulta. Kung tunay kang may paninindigan, at magdarasal ka sa Diyos sa Kanyang presensya at magsusumamo ka sa Kanya, kikilos ang Diyos. Babaguhin Niya ang iyong kalagayan at mga iniisip. Kung gagawa nang kaunti ang Banal na Espiritu, aantigin ka nang kaunti, at bibigyang-liwanag ka nang kaunti, magbabago ang iyong puso, at magbabago ang iyong kalagayan. Kapag nangyari ang pagbabagong ito, madarama mong ang pamumuhay nang ganito ay hindi nakapipigil. Ang pagkapigil mong kalagayan at mga emosyon ay magbabago at mababawasan, at magiging iba ang mga ito sa dati. Madarama mong ang pamumuhay nang ganito ay hindi nakakapagod. Masisiyahan kang gampanan ang iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Madarama mo na magandang mamuhay, umasal, at gumampan ng iyong tungkulin sa ganitong paraan, nagtitiis ng mga paghihirap at nagbabayad ng halaga, sumusunod sa mga patakaran, at ginagawa ang mga bagay-bagay nang ayon sa mga prinsipyo. Madarama mong ito ang uri ng buhay na dapat mayroon ang mga normal na tao. Kapag namumuhay ka ayon sa katotohanan at ginagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin, madarama mong panatag at payapa ang iyong puso, at na makabuluhan ang iyong buhay. Iisipin mo: ‘Bakit ba hindi ko ito alam noon? Bakit ba ako naging masyadong sutil? Dati, namumuhay ako ayon sa mga pilosopiya at disposisyon ni Satanas, namumuhay bilang hindi tao o multo, at habang lalo akong nabubuhay, lalo iyong nagiging masakit. Ngayong nauunawaan ko na ang katotohanan, naiwawaksi ko na nang kaunti ang aking tiwaling disposisyon, at nadarama ko ang tunay na kapayapaan at kasiyahan ng isang buhay na ginugugol sa pagtupad ng aking tungkulin at pagsasagawa sa katotohanan!’ Hindi ba’t nagbago na kung gayon ang lagay ng iyong kalooban? (Oo.) Sa sandaling mapagtanto mo kung bakit pakiramdam mo noon ay napipigilan at miserable ang buhay mo, sa sandaling mahanap mo ang pinag-uugatan ng iyong pagdurusa, at malutas ang problema, magkakaroon ka ng pag-asang magbago. Hangga’t pinagsusumikapan mo ang katotohanan, lalong pinagsisikapan ang mga salita ng Diyos, higit pang nagbabahagi tungkol sa katotohanan, at nakikinig din sa mga patotoong batay sa karanasan ng iyong mga kapatid, magkakaroon ka ng mas malinaw na landas, at hindi ba’t bubuti ang kalagayan mo pagkatapos niyon? Kung bubuti ang iyong kalagayan, unti-unting mababawasan ang iyong mga emosyon ng pagkapigil, at hindi ka na magagapos ng mga ito” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga tunay na nagmamahal sa katotohanan at nag-aasikaso ng kanilang mga marapat na tungkulin ay nakakaunawa at nagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at palagi nilang isinasaisip ang mga wastong bagay. Itinuturing nilang responsabilidad at misyon nila ang pagtupad sa kanilang mga tungkulin at pagpapalugod sa Diyos. Kahit na maraming suliranin at matitinding presyur, magdarasal at aasa sila sa Diyos at gagawin nila ang kanilang makakaya sa bawat gampanin. Kapag nararamdaman nila na gusto nilang magmatigas, nagagawa nilang maghimagsik laban sa kanilang sarili at hilingin ang pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos. Naalala ko si Noe noong tinanggap niya ang atas ng Diyos. Naunawaan niya ang mga apurahang layunin ng Diyos, kaya, nang maharap sa napakalaking gampanin ng pagtatayo ng arka, kahit na matindi ang hirap at presyur, walang balak si Noe na iwasan o takasan ito, hindi rin niya ito tinrato nang pabasta-basta. Sa halip, nabalisa sila at gusto lamang niyang tapusin ang atas ng Diyos sa lalong madaling panahon. Maingat niyang pinakinggan ang bawat tagubilin ng Diyos at isinagawa ang mga ito, at natakot siya na may makaligtaang anumang detalye na makakaapekto sa kalidad at pag-usad ng gawain. Sa pagninilay-nilay sa sarili ko, tunay na wala talaga akong pagkatao. Hindi naman sobra ang hinihingi ng Diyos sa akin, binigyan Niya lang ako ng ilang karagdagang pasanin batay sa kung ano ang kaya kong makamit sa aking tayog at kakayahan, at ginagawa Niya ito para higit akong makapagsanay, mas mabilis makausad sa buhay, at magawa ang tungkulin ko nang pasok sa pamantayan sa madaling panahon. Gayumpaman, hindi ko naunawaan kahit kaunti ang puso ng Diyos; talagang may pagkakautang ako sa Kanya. Kung itatalaga sa akin na magbuhat ng mas maraming pasanin, talagang hindi ko na puwedeng biguing muli ang puspusang mabubuting layunin ng Diyos. Pagkatapos na pagkatapos kong matutuhan ang aral na ito, sumulat sa akin ang lider, hinihiling na gawin ko ang mga tungkulin ko sa ibang lugar. Alam kong ito ay ang Diyos na nagbibigay ng isa pang pasanin sa akin, at gaano man kalaki ang presyur na kalakip nito, kailangan kong pasanin ang responsabilidad na ito. Ito rin ay isang pagkakataon para makabawi ako sa aking pagsalangsang, kaya, sumang-ayon ako. Pagkatapos kong lumipat sa panibagong lugar na iyon para gawin ang tungkulin ko, dumami nga ang trabaho ko, at nakakaramdam pa rin ako ng matinding presyur. Gayumpaman, nang maisip ko na proteksiyon sa akin ng Diyos ang karagdagang pasanin na ito, pinipigilan akong magpakasasa sa aking laman at tinutulungan akong ituon ang lakas ko sa aking mga tungkulin, alam kong hindi ko na puwedeng sundin ang laman ko, na kailangan kong maging responsable at may pananagutan, at na kailangan kong matutunang isaalang-alang ang puso ng Diyos. Dahil nagbago ang perspektiba ko, bagaman may ilan pa ring suliranin at presyur sa gawain, hindi na ako nahihigpitan. Sa halip, itinuturing kong isang uri ng responsabilidad ang presyur. Labis akong nakakaramdam ng pagpapalaya at natatamasa ko na ang kapayapaan at kagalakan sa aking mga tungkulin.