97. Mas Mababa ba ang Isang Tao Kung Gumaganap Siya ng Tungkulin ng Pagpapatuloy sa Bahay?
Lumaki ako sa isang liblib na baryo sa bundok, at dahil sa kahirapan ng aming pamilya, hinamak kami ng mga kapitbahay. Madalas ituro sa akin ng aking mga magulang, “Ang isang tao ay kailangang magkaroon ng ambisyon at mamuhay nang may dignidad. Huwag mong hayaang hamakin ka ng ibang tao. Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.” Dahil sa impluwensiya ng mga salitang ito, nag-aral ako nang mabuti sa paaralan para makamit ang paghanga ng iba. Araw-araw akong nagpuyat hanggang alas-11 o alas-12 ng gabi, nag-aaral sa liwanag ng gasera. Pagkatapos magsimula ng trabaho, nag-overtime ako at nagsikap para makuha ang pagsang-ayon ng aking amo at ang paggalang ng aking mga katrabaho. Palagi akong napipili bilang isang huwarang empleyado. Dahil sa mga parangal na ito, pakiramdam ko ay tumaas ang aking posisyon at katayuan. Nang matagpuan ko ang Diyos, naging masigasig din ako sa aking paghahangad, at pagkatapos ng isang taon, nahalal ako bilang lider ng iglesia. Kalaunan, itinaas ang posisyon ko bilang isang tagapangaral at superbisor ng gawaing nakabatay sa teksto. Dahil palagi akong naglilingkod bilang isang lider o superbisor simula nang mahanap ko ang Diyos, iniisip ko na ako ay isang taong naghahangad ng katotohanan. Pero noong katapusan ng Agosto 2022, tinanggal ako dahil sa paghahangad ko ng reputasyon at katayuan, sa hindi ko paggawa ng tunay na gawain, at kawalan ng anumang resulta sa aking tungkulin. Sa panahong iyon ng aking pagninilay-nilay sa bahay, talagang namighati ako at nahirapan. Kaya’t nagpasya ako sa sarili ko, “Kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon, gagawin ko nang maayos ang aking tungkulin.”
Pagkalipas ng isang buwan, isang gabi, sinabi ng lider sa akin, “May ilang kapatid na gumagawa ng mga video na kailangang lumipat dahil sa mga alalahaning pangkaligtasan, at wala pa silang nahanap na angkop na tahanang nagpapatuloy. Gusto naming ikaw ang magpatuloy sa kanila.” Nang marinig kong sinabi ito ng lider, naisip ko, “Bakit isasaayos nila na gawin ko ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay? Iniisip ba nila na hindi pa ako lubos na nagnilay para makilala ang aking sarili matapos ang pagtatanggal sa akin, kaya gusto nila akong magserbisyo sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay? Hindi ba’t hindi mahalaga ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay? Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga kapatid kapag nalaman nila ito? Sasabihin ba nila na ginagawa ko ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay dahil hindi ko hinahangad ang katotohanan? Ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay ay kinapapalooban ng pagharap sa mga kaldero at kawali araw-araw, at ng mahirap at nakapapagod na gawain. Kahit magawa ko ito nang maayos, hindi ito mapapansin ng mga kapatid. Bukod pa rito, iyong mga gumagawa sa iglesia ng tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay ay kadalasang mga kapatid na may mababang kakayahan o matanda na. Bagaman hindi na ako ganoon kabata, hindi pa naman ako umabot sa puntong ang nagagawa ko lang ay ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay! Isa pa, palagi akong isang lider at tagapangasiwa simula nang natagpuan ko ang Diyos; bakit nila isinasaayos na gawin ko ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay?” Hindi ako makapagpasakop sa aking puso, kaya gumawa ako ng ilang palusot para tumanggi. Pagkaalis ng lider, nakaramdam ako ng pagkalito at pagsisisi. Naisip ko kung paanong, sa kabila ng maraming taon ko ng pananampalataya sa Diyos, wala pa rin akong pagpapasakop sa aking tungkulin. Sa anong paraan ako isang mananampalataya? Sa anong paraan ako nagtataglay ng anumang konsensiya o katuwiran? Lumuhod ako at nanalangin sa Diyos, “O Diyos! Ngayong araw, sinubukan ng lider na isaayos para gawin ko ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay, pero hindi ako makapagpasakop at naghanap pa nga ako ng mga palusot para tumanggi. Hindi ko alam kung anong aspekto ng aking tiwaling disposisyon ang nagdulot nito. Hinihiling ko ang Iyong kaliwanagan at paggabay para matulungan akong makilala ang aking sarili.” Pagkatapos kong manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos tungkol sa pagtupad ng mga tungkulin, kaya hinanap ko ang mga iyon para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga tungkulin ay mula sa Diyos; mga responsabilidad at atas ang mga ito na ipinagkakatiwala ng Diyos sa tao. Kung gayon, paano dapat unawain ng tao ang mga iyon? ‘Dahil ito ay aking tungkulin at ang atas na ipinagkatiwala ng Diyos sa akin, ito ay aking obligasyon at responsabilidad. Tama lamang na tanggapin ko ito bilang aking obligadong tungkulin. Hindi ko maaaring tanggihan o ayawan ito; hindi ko mapipili ang gusto ko. Kung ano ang dumating sa akin ay iyon talaga ang dapat kong gawin. Hindi naman sa wala akong karapatang mamili—hindi lang talaga ako dapat mamili. Ito ang katwirang dapat mayroon ang isang nilikha.’ Ito ay isang saloobin ng pagpapasakop” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Anuman ang tungkulin mo, huwag mong diskriminahin kung ano ang mataas at mababa. Ipagpalagay na sinasabi mong, ‘Bagama’t ang gampaning ito ay isang atas mula sa Diyos at ang gawain ng sambahayan ng Diyos, kung gagawin ko ito, baka maging mababa ang tingin ng mga tao sa akin. Ang iba ay may gawain na tinutulutan silang mamukod-tangi. Ibinigay sa akin ang gampaning ito, na hindi ako hinahayaang mamukod-tangi kundi nangangailangan ng pagsisikap ko nang hindi nakikita, hindi ito patas! Hindi ko gagawin ang tungkuling ito. Ang tungkulin ko ay dapat magbibigay-daan sa akin na mamukod-tangi sa iba at tinutulutan akong magkapangalan—at kahit na hindi ako magkapangalan o mamukod-tangi, dapat pa rin akong makinabang dito at maging pisikal na maginhawa.’ Ito ba ay katanggap-tanggap na saloobin? Ang pagiging maselan ay hindi pagtanggap sa mga bagay mula sa Diyos; ito ay pagpili ayon sa iyong mga sariling kagustuhan. Hindi ito pagtanggap ng iyong tungkulin; ito ay pagtanggi sa iyong tungkulin, isang pagpapamalas ng iyong paghihimagsik laban sa Diyos. Ang ganoong pagkamaselan ay nahahaluan ng mga pansarili mong kagustuhan at pagnanais. Kapag isinasaalang-alang mo ang iyong sariling pakinabang, ang iyong reputasyon, at iba pa, ang saloobin mo sa iyong tungkulin ay hindi mapagpasakop” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga tungkulin ay mga atas ng Diyos sa tao, at na ang mga ito ay kanilang responsabilidad, at hindi natin dapat ikategorya ang mga tungkulin ayon sa mga ranggo. Higit pa rito, hindi natin dapat piliin ang mga tungkulin batay sa mga kagustuhan natin para lang sa ating pagpapahalaga sa sarili at katayuan, at sa halip, dapat tayong tumanggap at magpasakop, at tingnan ang mga ito bilang obligasyon na hindi natin maaaring talikuran. Ito ang ibig sabihin ng pagiging isang taong may konsensiya at katwiran, at ito ang saloobin na dapat taglayin ng isang tao sa kanyang mga tungkulin. Nang mabasa ang paglalantad ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na mali ang saloobin at perspektiba ko sa aking mga tungkulin. Ikinategorya ko ang mga tungkulin sa mga ranggo, naniniwala na ang pagiging isang lider o manggagawa ay nangangahulugang ang isang tao ay naghangad sa katotohanan, at na nagbigay ito sa kanya ng katayuan at posisyon, at na kung saanman siya magpunta, tinitingala siya ng mga kapatid. Ang paggawa ng gayong mga tungkulin ay tila mas marangal, habang ang paggawa ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay sa aking paningin ay tila nangangailangan lang ng pagsisikap, at hindi nagbibigay sa akin ng pagkakataong makilala o magkamit ng anumang katayuan o posisyon, at na iyong mga gumagawa ng tungkuling ito ay hindi kailanman hahangaan ng iba. Dahil sa nakalilinlang na pananaw na ito, nang isinaayos ng lider para gawin ko ang tungkulin na pagpapatuloy sa bahay, naghanap ako ng mga palusot para tumanggi. Palagi kong isinaalang-alang ang aking pagpapahalaga sa sarili sa halip na ang mga pangangailangan ng gawain ng iglesia. Paano ako nagkaroon ng kahit kaunting pagkatao? Hindi ako dapat magkaroon ng mga sarili kong pagpili at hinihingi kaugnay sa aking mga tungkulin. Isinaayos ng lider na gawin ko ang tungkulin na pagpapatuloy sa bahay batay sa mga pangangailangan ng gawain ng iglesia, at dapat ay nagsimula ako sa pagtanggap at pagsunod sa pagsasaayos na ito.
Kalaunan, nabasa ko ang pagbabahagi ng Diyos tungkol sa paggawa ni Noe ng arka, at nakita kong hindi gumawa ng anumang palusot si Noe nang naharap siya sa atas ng Diyos, at na walang pasubali siyang tumanggap at nagpasakop. Itinayo niya ang arka habang ipinangangaral ang ebanghelyo, tuloy-tuloy na nagpursigi sa loob ng 120 taon. Bagaman hindi ako maikukumpara kay Noe, dapat kong tularan ang kanyang halimbawa at maging isang mapagpasakop na tao. Pagkatapos nito, sinabi ko sa lider na handa akong gumawa ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay, pero hindi nagtagal, dahil sa pandemya ng COVID-19, pansamantalang ipinagpaliban ang tungkuling ito na pagpapatuloy sa bahay Sa unang pagtitipon matapos alisin ang lockdown, sinabi ng lider, “Ngayong inalis na ang lockdown, gusto naming isaayos na ipagpatuloy mo ang iyong tungkulin na pagpapatuloy sa bahay.” Napahiya talaga ako nang sandaling iyon, dahil bukod sa dalawang diyakonong naroroon, naroon din ang dalawang kapatid na mga manggagawa ng ebanghelyo. Nagsimula akong magkimkim ng mga reklamo sa lider, iniisip na, “Bakit kailangan mong sabihin ito sa harap ng napakaraming kapatid? Ngayon ay alam na ng lahat na gumagawa ako ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay, paano ko na lang muling maipakikita ang mukha ko?” Naramdaman kong namumula ang aking mukha, at naisip ko na parang kinukutya ako ng mga kapatid dahil sa hindi ko paghahangad sa katotohanan at sa pagkakatalaga ko sa tungkulin na pagpapatuloy sa bahay dahil dito. Kinalaunan sa pagtitipon, aktibong nagbahaginan ang mga kapatid kung paano ipangangaral ang ebanghelyo at lulutasin ang mga relihiyosong kuru-kuro, pero wala akong natandaan sa mga ito, dahil patuloy ko lang na inisip ang tungkol sa kung paanong ang ilan sa kanila ay mga lider at manggagawa at ang iba ay mga manggagawa ng ebanghelyo samantalang gumagawa lang ako ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay. Habang mas lalo ko itong iniisip, mas naiinis ako. Sa pagtitipong iyon, parang napakabagal talaga ng paglipas ng oras, at ang mga salitang “gumagawa ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay” ay patuloy na umaalingawngaw sa aking isipan. Pagkatapos ng pagtitipon, napuno ang isipan ko ng mga tanong kung ano ang iisipin ng mga kapatid tungkol sa akin, at naniwala ako na dahil alam na ng lahat na gumagawa ako ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay, lubusan na akong nawalan ng dangal at katayuan. Sa mga sumunod na araw, nawalan ako ng ganang gumawa ng anuman, at naglakad ako nang nakayuko ang aking ulo saanman ako nagpunta. Natatakot talaga ako na makatagpo ang aking mga kapatid, dahil takot ako na malaman nilang gumagawa ako ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay.
Sa mga sumunod na araw, nag-isip ko, “Ang pagsasaayos ng lider na gawin ko ang tungkulin na pagpapatuloy sa bahay ay malinaw na dahil sa mga pangangailangan ng gawain ng iglesia, pero bakit ako natatakot na malaman ito ng iba? Bakit ayaw kong magpasakop sa pagtatalaga sa akin ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay? Anong uri ng tiwaling disposisyon ang nagdudulot nito?” Pagkatapos nito, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kumpara sa mga normal na tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nasa loob ng kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na layon. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo; iyon ang dahilan kaya kinokonsidera nila ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang hinahangad, ano man ang kanilang mga layon, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila isasantabi ang paghahangad nila sa reputasyon at katayuan. Maaari mo silang ilagay sa gitna ng anumang grupo ng mga tao, at ang pawang maiisip nila ay reputasyon at katayuan pa rin. Kahit na naniniwala rin sa Diyos ang mga anticristo, itinuturing nila ang paghahangad sa reputasyon at katayuan bilang katumbas ng pananalig sa Diyos at tinatrato ang dalawang bagay na ito nang magkapantay. Ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananalig sa Diyos, hinahangad din nila ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Masasabi na sa puso ng mga anticristo, ang paghahangad ng katotohanan sa kanilang pananalig sa Diyos ay ang paghahangad sa reputasyon at katayuan, at ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan; ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang magkamit ng katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na wala silang kasikatan, pakinabang, o katayuan, na walang tumitingala sa kanila, nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, sobrang bigong-bigo sila, naniniwala silang wala nang saysay pang maniwala sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at sinasabi nila sa kanilang sarili na, ‘Bigo ba ang gayong pananalig sa diyos? Hindi ba’t wala na akong pag-asa?’ Madalas na kinakalkula nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso. Kinakalkula nila kung paano sila makalilikha ng sariling puwang sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng matayog na reputasyon sa iglesia, kung paano nila mapapakinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at mapapasuporta sa kanila kapag kumikilos sila, kung paano nila mapapasunod sa kanila ang mga tao nasaan man sila, at kung paano sila magkakaroon ng maimpluwensiyang tinig sa iglesia, at ng kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao. Bakit palagi silang nag-iisip ng ganoong mga bagay? Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, matapos marinig ang mga sermon, hindi ba talaga nila nauunawaan ang lahat ng ito, hindi ba talaga nila nagagawang makilala ang lahat ng ito? Talaga bang hindi nabago ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan ang kanilang mga kuru-kuro, ideya, at opinyon? Hindi talaga iyon ang kaso. Ang problema ay nasa kanila, ito ay lubos na dahil hindi nila minamahal ang katotohanan, dahil sa puso nila, tutol sila sa katotohanan, at bilang resulta, lubos nilang hindi tinatanggap ang katotohanan—na natutukoy ng kanilang kalikasang diwa” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na talagang pinahahalagahan ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan. Anuman ang gawin nila sa anumang grupo ng mga tao, itong lahat ay para makamit ang paghanga at pagsamba ng mga tao, Ang reputasyon at katayuan ay ang mga layong hinahangad nila sa buong buhay nila. Sa pagninilay sa sarili kong hangarin, napagtanto ko na ang mga pananaw ko ay katulad ng sa isang anticristo. Itinuring ko ring mas mahalaga ang reputasyon at katayuan kaysa sa lahat ng iba pa. Mula pagkabata, itinuro sa akin ng aking mga magulang na ang isang tao ay dapat na magkaroon ng ambisyon at dignidad, at huwag hayaang hamakin siya ng iba, at na “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.” Ang mga satanikong lasong ito ay nagkaugat nang malalim sa aking puso, at naniwala ako na ang magawang tingalain ng iba sa anumang grupo ay ang nagbibigay ng kaluwalhatian. Noong nag-aaral pa ako, nilayon kong manguna sa mga pagsusulit para magkamit ako ng paghanga at papuri mula sa mga guro at kaklase. Madalas akong nagpupuyat sa paggawa ng takdang-aralin, at pagkatapos ng bawat pagsusulit, may pagmamalaki kong tinanggap ang mga sertipiko ko ng tagumpay. Pagkatapos magsimula ng trabaho, para makuha ang pagkilala ng aking mga superyor at papuri ng aking mga katrabaho, nag-oovertime ako, ginagamit pa nga ang mga araw ng pahinga ko para magtrabaho. Naging masigasig talaga ako na magtrabaho nang maigi. Matapos matagpuan ang Diyos, nagpatuloy ako sa pamumuhay ayon sa mga lasong ito, at anumang tungkulin ang ginagawa ko, ang una kong isinasaalang-alang ay kung magkakamit ako ng reputasyon at katayuan, at kung magagawa kong makamit ang pagpapahalaga ng iba. Pakiramdam ko na ang pagiging isang lider sa iglesia ay magtutulak sa iba na tingalain ako at magkakaloob sa akin ng posisyon at katayuan, at na kahit saan ako magpunta, hahangaan ako. Kaya masaya kong tinanggap ang tungkuling ito, at handa akong magdusa at magbayad ng halaga para aktibong makipagtulungan. Nang itinalaga ako para gawin ang tungkulin na pagpapatuloy sa bahay, alam na alam kong laganap ang pag-aresto ng CCP sa mga Kristiyano at na malubha ang sitwasyon, at na agarang nangangailangan ang mga kapatid ng ligtas na lugar para gawin ang kanilang mga tungkulin. Pero isinaalang-alang ko lang ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan, at inakala na ang paggawa ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay ay hindi kapansin-pansin at magpapababa ng tingin ng iba sa akin, kaya naghanap ako ng mga palusot para tumanggi. Mahigpit akong nakapagapos sa reputasyon at katayuan, at sa lahat ng aking ginawa, palagi kong inisip kung ano ang iisipin ng mga kapatid sa akin, at na pinahalagahan ko ang reputasyon at katayuan nang higit sa lahat ng bagay. Ako ay talagang makasarili at kasuklam-suklam, at hindi karapat-dapat tawaging tao! Naisip ko ang aking panahon ng pagtatanggal at pagninilay. Noong panahong iyon, araw-araw kong inasam na magawa ang aking tungkulin. Pero ngayong binigyan ako ng Diyos ng oportunidad na gawin ang isang tungkulin, nagiging mapili ako at palaging namumuhay para sa aking pagpapahalaga sa sarili, ganap na nabigong tingnan ang aking tungkulin bilang atas mula sa Diyos. Dahil isinaayos ng lider na gawin ko ang tungkulin na pagpapatuloy sa bahay, kinailangan kong tanggapin ito mula sa Diyos at gawin ang tungkuling ito nang maayos at may kaseryosohan para magkaroon ng ligtas na kapaligiran ang mga kapatid sa paggawa ng kanilang mga tungkulin. Nanalangin ako sa Diyos nang may pagsisisi, “O Diyos, dumating sa akin ang tungkuling ito sa pamamagitan ng Iyong mga pamamatnugot at pagsasaayos, pero napipigilan ako ng aking pagpapahalaga sa sarili, at napagtanto kong mapili ako at ayaw magpasakop. Talagang wala akong konsensiya! O Diyos, handa akong magpasakop at gawin ang tungkuling ito nang maayos para mapalugod Ka.”
Sa pamamagitan ng pagninilay, napagtanto ko na ang pag-ayaw ko na gumawa ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay ay nagmula sa isa pang nakalilinlang na pananaw, at iyon ay na inisip kong hindi kapansin-pansin ang tungkulin na pagpapatuloy sa bahay, at na ginawa ang mga ito ng mga nakatatandang kapatid na may mahinang kakayahan, at na iyong mga gumagawa ng mga tungkulin ng pamumuno ay tinitingala ng mga tao saanman sila magpunta at sila ay mga taong naghangad sa katotohanan, at ang mga tungkuling ito ay nagpapakita na ang isang tao ay may posisyon at katayuan. Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Lahat ay pantay-pantay sa harap ng katotohanan. Ang mga iniaangat at nililinang ay hindi gaanong nakahihigit sa iba. Ang lahat ay naranasan ang gawain ng Diyos sa loob ng halos parehong panahon. Ang mga hindi pa naiaangat o nalilinang ay dapat ding maghangad sa katotohanan habang ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin. Walang sinumang maaaring magkait sa iba ng karapatang hangarin ang katotohanan. Ang ilang tao ay mas masigasig sa paghahangad nila ng katotohanan at may kaunting kakayahan, kaya sila iniaangat at nililinang. Ito ay dahil sa mga pangangailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Bakit may gayong mga prinsipyo ang sambahayan ng Diyos sa pag-aangat at paggamit sa mga tao? Dahil may pagkakaiba-iba sa kakayahan at karakter ng mga tao, at pumipili ang bawat tao ng magkakaibang landas, ito ay humahantong sa magkakaibang kahihinatnan sa pananalig ng mga tao sa Diyos. Iyong mga naghahangad sa katotohanan ay naililigtas at nagiging mga tao ng kaharian, habang iyong mga hindi talaga tinatanggap ang katotohanan, na hindi tapat sa paggawa ng kanilang tungkulin, ay itinitiwalag. Nililinang at ginagamit ng sambahayan ng Diyos ang mga tao batay sa kung hinahangad nila ang katotohanan, at sa kung tapat sila sa paggawa ng kanilang tungkulin. Mayroon bang pagkakaiba sa herarkiya ng iba’t ibang tao sa sambahayan ng Diyos? Sa ngayon, walang herarkiya pagdating sa iba’t ibang posisyon, halaga, katayuan o kalagayan ng iba’t ibang tao. Kahit man lang sa panahon na gumagawa ang Diyos para iligtas at gabayan ang mga tao, walang pagkakaiba ang mga ranggo, posisyon, halaga, o katayuan sa pagitan ng iba’t ibang tao. Ang tanging mga bagay na nagkakaiba ay nasa paghahati ng gawain at sa mga tungkuling ginagampanan. Siyempre, sa panahong ito, ang ilang tao, bilang eksepsiyon, ay iniaangat at nililinang para gumawa ng ilang espesyal na trabaho, samantalang ang ilang tao ay hindi nakakatanggap ng gayong mga oportunidad dahil sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng mga problema sa kanilang kakayahan o kapaligiran ng pamilya. Ngunit hindi ba inililigtas ng Diyos ang mga hindi pa nakakatanggap ng gayong mga oportunidad? Hindi iyon ganoon. Mas mababa ba ang kanilang halaga at posisyon kaysa sa iba? Hindi. Lahat ay pantay-pantay sa harap ng katotohanan, lahat ay may oportunidad na hangarin at makamit ang katotohanan, at tinatrato ng Diyos ang lahat nang patas at makatwiran. Sa anong punto mayroong kapansin-pansing pagkakaiba sa mga posisyon, halaga, at katayuan ng mga tao? Ito ay kapag dumating ang mga tao sa dulo ng kanilang landas, at natapos ang gawain ng Diyos, at sa wakas ay nabuo ang isang kongklusyon tungkol sa mga saloobin at pananaw na ipinapakita ng bawat tao sa proseso ng paghahangad ng kaligtasan at habang ginagawa ang kanilang tungkulin, pati na rin sa iba’t ibang mga pagpapamalas at saloobin nila tungkol sa Diyos—ibig sabihin, kapag may kompletong talaan sa aklat ng Diyos—sa panahong iyon, dahil iba-iba ang kalalabasan at hantungan ng mga tao, magkakaroon din ng pagkakaiba sa kanilang halaga, mga posisyon, at katayuan. Saka lamang mahihinuha at halos matitiyak ang lahat ng bagay na ito, samantalang sa ngayon, pare-pareho ang lahat” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (5)). Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na sa harap ng katotohanan at mga salita ng Diyos, pantay-pantay ang lahat, at na wala talagang pagkakaiba sa mga posisyon na itinuturing na mataas o mababa. Sa sambahayan ng Diyos, itinatalaga ang mga tao para gawin ang iba’t ibang tungkulin batay sa kanilang kakayahan, mga kalakasan, o mga pangangailangan ng iglesia, at ang pagkakaiba lang sa pagitan ng mga indibidwal ay ang tungkuling ginagawa nila. Gayumpaman, anuman ang tungkuling ginagampanan, ang posisyon at katayuan ng lahat ay magkakapareho. Ang pagiging isang lider o manggagawa ay hindi nangangahulugang ang isang tao ay may mas mataas na posisyon kaysa sa iba, at ang isang taong gumagawa ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay ay hindi nasa mas mababang posisyon o katayuan kaysa sa mga gumaganap ng mga ibang tungkulin. Pero naniwala ako na ang pagiging isang lider o manggagawa ay tanda niyong mga naghahangad sa katotohanan, at na saanman sila magpunta, tinitingala sila, samantalang ang paggawa ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay ay tila mahirap na gawain lang, at samakatwid ay mas mababa sa posisyon at katayuan. Mali talaga ang aking mga pananaw! Naalala ko ang isang matandang kapatid sa iglesia na gumagawa ng tungkulin na pagpapatuloy sa bahay simula nang matagpuan niya ang Diyos, pero tama ang kanyang mga layunin, tapat siya sa kanyang tungkulin, at may paggabay siya ng Diyos. Samantala, ang ilan ay maraming taon nang naging mga lider at manggagawa, pero dahil hindi nila hinangad ang katotohanan, hinanap lang nila ang reputasyon at katayuan, at nakisali sa mga personal na adyenda, umaabot pa nga sa punto na ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, at inaatake at ibinubukod ang iba para sa sarili nilang kapakinabangan. Sa huli, tinukoy sila bilang masasamang tao o mga anticristo at pinatalsik mula sa iglesia, at dahil dito, nawalan sila ng pagkakataong maligtas. Mula sa mga katunayang ito, nakita ko na pantay-pantay ang lahat sa harap ng katotohanan. Kung maliligtas ang isang tao ay walang kinalaman sa mga tungkuling ginagawa niya, kanyang edad, o kanyang katayuan. Ang susi ay kung ang isang tao ay naghahangad sa katotohanan at kung siya ay tapat sa kanyang mga tungkulin. Ang Diyos ay matuwid, at tinitingnan Niya kung tinataglay ng mga tao at kung nagbago ang disposisyon nila. Ito ang pamantayang ginagamit ng Diyos sa pagsukat sa mga tao.
Makalipas ang ilang buwan, hiniling sa akin ng lider na patuluyin ang mga kapatid na gumagawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Sa aking puso, nagsimula akong mag-isip, “Dati akong superbisor ng mga gawaing nakabatay sa teksto, at ang mga taong ito ay mga miyembro ng pangkat ko noon, pero ngayon ay pinatutuloy ko na lang sila. Ano ang iisipin nila sa akin?” Nang mag-isip ako ng ganito, napagtanto ko na iniisip ko na naman ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan. Kaya tahimik akong nanalangin sa Diyos, at naalala ko ang isang sipi ng Kanyang mga salita: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pride, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagbubulay-bulay kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging tapat, kung natupad mo ang iyong mga responsabilidad, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at unawain ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyonal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi ka makakuha ng magagandang resulta—ngunit nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling pagnanais o kagustuhan. Sa halip, palagi mong isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ka makapagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin, naituwid naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, maaabot mo ang pamantayan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, at, kasabay nito, magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patotoo” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang Kanyang mga layunin at natutunan rin ang isang landas ng pagsasagawa. Dati, palagi akong namumuhay para sa dangal at katayuan, pero sa araw na ito, dapat akong tumanggap at magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, isaalang-alang ang mga interes ng iglesia at gawin nang maayos ang aking tungkulun. Kaya pumayag ako kaagad. Pagkalipas ng ilang araw, dumating ang mga kapatid na gumagawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto sa aking bahay para sa isang pagtitipon. Nang makita ko sila, hindi ko naramdamang nasaktan ang aking dangal, sa halip ay nadama ko na ang paggawa ng anumang tungkulin ay isang pagtataas mula sa Diyos. Sa mga sumunod na araw, masigasig akong nakipagtulungan, at nag-isip kung paano mapananatili ang isang maayos na kapaligiran para makapagtipon at magawa ng mga kapatid ang mga tungkulin nila sa isang ligtas at payapang lugar. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, nakaramdam ako ng kapayapaan at kapanatagan sa aking puso, at napagtanto ko na ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay ay nagbibigay rin ng mga aral na matututunan at mga katotohanang dapat hanapin.