98. Ang Pinakamatalinong Desisyong Ginawa Ko
Ipinanganak ako sa isang karaniwang pamilya ng mga magsasaka, at mula pagkabata, itinuro sa akin ng aking mga magulang na kailangan kong mag-aral nang mabuti para sa aking paglaki, magtatagumpay ako at mamumuhay nang maginhawa, at hindi matutulad sa kanila na walang pinag-aralan at na ang kaya lang ikabuhay ay ang pagsasaka, dahil hindi lang ito mahirap at nakapapagod, minamaliit din ito ng iba. Kaya, ipinangako ko sa sarili ko na mag-aaral ako nang mabuti at kikita ng maraming pera para mamuhay ng marangyang buhay. Paglaki ko, naging doktor ako. Matapos kong magpakasal, nagtrabaho ako nang mabuti para mapahusay ang aking mga propesyonal na kasanayan, nag-aaral nang mabuti, at kumukuha ng mga sertipikasyon. Ginugol ko ang aking mga araw na parang isang makina, minsan ay natutulog lang ng dalawang oras kada araw. Dahil sa aking pagsisikap, nakapasok ako sa isang malaking ospital sa malaking lungsod at nagsimulang kumita ng malaking suweldo. Dahil kumikita ako nang malaki, kinainggitan ako ng lahat ng aking mga kapitbahay, kamag-anak, at kaibigan. Nalugod ako at nakaramdam ng superyoridad, iniisip na, “Napakaganda talagang magkaroon ng maraming pera!” Bagaman nagkaroon ako ng malalang insomnia dahil sa sobrang pagtatrabaho at halos hindi na ako makatulog sa gabi, naisip ko pa rin na sulit ang lahat ng ginawa ko. Noong Marso 2013, nagbukas ako at ang isang kasamahan ko ng isang malaking klinikang pang-outpatient. Mayroon kaming ilang departamento at ilang retiradong doktor, at napakaganda ng negosyo. Sa isang hapunan, pinuri ako lahat ng aking mga kamag-anakan, kaibigan, at kaklase dahil sa aking kakayahan, sinasabing, “Napakabata mo pa, pero mayroon ka nang bahay at kotse, at ngayon ay nakapagbukas ka pa ng isang malaking klinika. Talagang marami ka nang nakamit sa ganitong edad!” Napakasaya ko, at ginusto kong palakihin at pagandahin pa ang aking negosyo. Kalaunan, naging legal na kinatawan ako ng klinika, at pinamahalaan ko ang lahat ng aspekto ng klinika, malaki man o maliit. Sa panahong iyon, tinanggap ko na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa loob ng mahigit dalawang buwan, at sa pamamagitan ng mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang lahat ng mayroon ako ay nagmula sa Diyos, at na ang Diyos ang nagkakaloob, nagkokontrol, at ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Dinala ako ng Diyos sa Kanyang sambahayan at binigyan ako ng pagkakataong maligtas at naramdaman kong labis akong pinagpala. Sa mga pagtitipon, aktibo akong nakilahok sa pagbabahaginan, at ang bawat pagtitipon ay nagdulot sa akin ng matinding kasiyahan at maraming pakinabang. Labis kong nagustuhan ang ganitong mga araw, at kahit na napakaabala sa aking trabaho, sinikap ko pa ring maglaan ng oras para makadalo sa mga pagtitipon.
Pagkalipas ng tatlong buwan, tinanong ako ng lider kung handa ba akong mangasiwa ng pagpapatuloy ng mga pagtitipon ng grupo at sumubaybay sa gawain ng ebanghelyo ng mga kapatid. Gusto ko talagang isagawa ang aking tungkulin, pero nang naisip ko kung paanong sa isang naunang pagtitipon, nang mag-refer ang isang kasamahan ng pasyente sa klinika, nawalan ng mahigit isang libong yuan ang klinika dahil hindi nila ako makontak sa telepono. Galit akong sinermunan ng kasamahan ko noong panahong iyon, at sinabi niya na kung mangyayari uli iyon, kakailanganin kong bayaran ang mga pagkalugi. Binago pa nga niya ang mga bank card para sa mga transaksiyon ng klinika sa kanyang pangalan. Ngayon, kung tatanggapin ko ang tungkuling ito, kakailanganin nito ng maraming oras, at mas mawawalan ako ng oras sa klinika. Natakot ako na baka maapektuhan ang negosyo, kaya tumanggi ako. Makalipas ang ilang panahon, nilapitan akong muli ng lider, sinasabing may agarang tungkulin, at na wala silang mahanap na tamang tao para dito noong oras na iyon, at tinanong niya ako kung handa akong makipagtulungan. Labis na nagtalo ang kalooban ko, dahil naging lalo pang abala ang mga trabaho sa klinika, at kailangan ding dumalo ng mga medikal na institusyon sa mga pagsasanay; ako ang legal na kinatawan, kaya kung hindi ako pupunta, kakailanganin kong muling mag-aral para makapagsanay, at maaantala nito nang ilang buwan ang negosyo at magreresulta sa malalaking pagkalugi. Kaya nagpalusot ako para iwasang muli ang tungkulin. Kinagabihan, nakaramdam ako ng kaunting pagkabalisa dahil sa pagpapalusot ko para iwasan ang tungkulin, kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, gusto kong gawin ang aking tungkulin, pero napakaabala ng klinika, at talagang hindi ko ito maiwan. Talagang nababalisa ako sa pagtanggi ko sa aking tungkulin, pakiusap, gabayan Mo ako para maunawaan ang Iyong layunin.”
Kalaunan, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ngayon, kung ano ang kinakailangan sa inyo na kamtin ay hindi mga karagdagang hinihingi, kundi ang tungkulin ng tao, at ang kailangang gawin ng lahat ng tao. Kung kayo ay walang kakayahan na gampanan man lamang ang inyong tungkulin, o magawa ito nang mainam, hindi ba’t pinahihirapan ninyo lamang ang inyong mga sarili? Hindi ba’t sinusuyo ninyo ang kamatayan? Paano pa kayo makakaasa na magkaroon ng hinaharap at mga posibilidad? Ang gawain ng Diyos ay ginagawa para sa kapakanan ng sangkatauhan, at ang pakikipagtulungan ng tao ay ibinibigay para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos. Pagkatapos na nagawa ng Diyos ang lahat ng nararapat Niyang gawin, ang tao ay kinakailangang maging pursigido sa kanyang pagsasagawa, at makipagtulungan sa Diyos. Sa gawain ng Diyos, ang tao ay hindi dapat magkulang sa pagsisikap, nararapat mag-alay ng kanyang katapatan, at hindi dapat magpasasa sa napakaraming kuru-kuro, o maupo nang walang-kibo at maghintay ng kamatayan. Kayang isakripisyo ng Diyos ang Kanyang Sarili para sa tao, kaya bakit hindi maibigay ng tao ang kanyang katapatan sa Diyos? May iisang puso at isip ang Diyos tungo sa tao, kaya bakit hindi makapag-alok ng kaunting pakikipagtulungan ang tao? Gumagawa ang Diyos para sa sangkatauhan, kaya bakit hindi magampanan ng tao ang ilan sa mga tungkulin niya para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos? Nakarating na ang gawain ng Diyos nang ganito kalayo, gayunman kayo ay nakakakita pa rin ngunit hindi kumikilos, kayo ay nakakarinig ngunit hindi gumagalaw. Hindi ba’t ang mga taong ganyan ay ang mga layon ng kapahamakan? Nailaan na ng Diyos ang Kanyang lahat para sa tao, kaya bakit, ngayon, hindi pa rin magampanan ng tao nang masigasig ang kanyang tungkulin? Para sa Diyos, ang Kanyang gawain ay ang Kanyang uunahin, at ang gawain ng Kanyang pamamahala ay ang pinakamahalaga. Para sa tao, ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pagtupad sa mga kinakailangan Niya ay kanyang unang prayoridad. Ito ay dapat maunawaan ninyong lahat” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Ang Diyos ay buong-pusong nakatuon sa pagliligtas sa sangkatauhan, tahimik na nagbabayad ng halaga. Siya Mismo ay nagkatawang-tao at nagpahayag ng milyun-milyong salita rito sa lupa, nagbibigay ng lahat ng katotohanang kailangan ng sangkatauhan, pinahihintulutan ang mga tao na magkamit ng katotohanan at maligtas. Pero naging walang utang na loob ako, at para sa kapakanan ng negosyo ng klinika, ilang beses kong tinanggihan ang aking tungkulin para kumita ng mas maraming pera at mamuhay nang marangya nang hindi man lang isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia. Paano ako matatawag na isang taong nananampalataya sa Diyos? Tuwing naaalala ko ang lahat ng pagkakataong tinanggihan ko ang aking tungkulin, labis akong nakokonsensiya. Ayaw ko nang mamuhay gaya ng dati, nang wala ni katiting na konsensiya. Sa sandaling iyon, nagkaroon ako ng ideya. Puwede kong parentahan ang klinika, at kahit na mas kaunti ang kikitain ko, magiging sapat na iyon, at magagawa ko ang tungkulin ko nang may kapanatagan. Tinawagan ko ang katrabaho ko para ipahayag ang aking mga iniisip, pero sinabi niya, “Hangal ka ba? May magandang kinabukasan ang klinikang ito; kung magpapapatuloy tayo nang ganito, yayaman tayo sa loob ng dalawang taon, at makukuha natin ang lahat ng gustuhin natin. Kailangan nating mabuhay nang medyo praktikal. Sa lipunang ito, walang rerespeto sa iyo kung wala kang pera!” Nag-alinlangan ako dahil sa mga salitang iyon ng aking katrabaho, iniisip na, “Kung parerentahan ko ang shares ko sa klinika, hindi ako kikita ng kasinlaki ng dati, at maaaring hindi ko pa mabawi ang aking inisyal na puhunan; ano na lang ang iisipin ng mga kamag-anak at kaibigan ko sa akin?” Kaya, nanalangin ako sa Diyos para sa paggabay. Naalala ko ang isang pagtitipon kung saan nagsalita ang mga kapatid tungkol sa kung paano makikilatis ang mga pakana ni Satanas at maninindigan sa patotoo sa gitna ng mga pagsubok at tukso, at nagsimula akong maghanap ng mga salita ng Diyos tungkol sa paksang ito. Sabi ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng mga tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga tao, pangyayari, at bagay na nakatatagpo natin araw-araw ay para bang mga pakikipag-ugnayan sa pagitan mga tao, pero sa likod nito ay isang espirituwal na labanan, at kailangan nating manindigan sa ating patotoo. Katulad noong hinarap ni Job ang kanyang mga pagsubok, bagaman tila sa isang kisapmata ay nawala sa kanya ang kanyang mga anak at ninakaw ng mga kawatan ang kanyang ari-arian, sa realidad, ang mga tukso ni Satanas ang nasa likod nito. Nang nanindigan si Job sa kanyang patotoo sa Diyos, napahiya si Satanas at tumakas. Sa panlabas, ang mabuting payo ng aking katrabaho ay tila para sa aking sariling kapakanan, pero sa likod nito ay ang pagpapakana ni Satanas, dahil sinusubukan ni Satanas na gamitin ang pera para tuksuhin akong ipagpatuloy na pamahalaan ang klinika, dahilan para mawalan ako ng oras para gawin ang aking mga tungkulin, at sa gayon ay mapalayo ako sa Diyos. Hindi ako dapat magpalinlang sa mga pakana ni Satanas. Kaya sinabi ko sa katrabaho ko, “Tulungan mo akong parentahan ang klinika, kunin mo ang 60%, at akin naman ang 40%, at patuloy pa ring kikita ang share mo ng dibidendo.” Sinabi ng katrabaho ko na kakausapin niya ang isa sa kanyang mga kaklase para kunin ito, pero sa hindi inaasahan, masyadong binabaan ng taong iyon ang presyo kaya’t sa huli ay hindi rin nito ito nirentahan. Hindi ko lubos na maunawaan, bakit hindi nito nirentahan ang klinika sa gayong kababang presyo? Kalaunan, nalaman ko na ang kaklase ng aking kasamahan ay kanya palang nobyo, at na nagsabwatan sila para pilitin akong parentahan ang klinika sa mababang halaga. Sobra akong nagalit, pakiramdam ko na habang tapat kong tinatrato ang aking katrabaho, nilinlang niya naman ako. Naramdaman ko na nakatatakot na talaga ang mundo, at wala na talagang mga tunay na kaibigan! Naisip ko na ang pananampalataya sa Diyos ay mabuti, at ang mga kapatid ay dalisay at tapat, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, nagbabahaginan tungkol sa katotohanan, at naghahangad na iwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon, kaya ayaw ko nang pamahalaan ang klinika kasama ang aking katrabaho. Pero nang naisip ko ang lahat ng ipon na ipinuhunan ko nang ilang taon sa pagbubukas ng klinika, at kung paanong sumusuko ako bago ko pa man kitain pabalik ang inisyal na kapital, inisip ko kung ano ang magiging tingin ng iba sa akin. Sinasabi ng lahat na malakas kumita ang pagpapatakbo ng isang klinika, pero kung mawawala ang lahat ng pera ko dahil dito, ano na lang ang iisipin sa akin ng aking mga kaibigan at kamag-anak? Ano ang iisipin ng mga kasamahan ko sa akin? Noong naisip ko ang tungkol sa lahat ng ito, nakadama ako ng matinding kagipitan at kalungkutan, at naisip kong wala na akong ibang pagpipilian kundi ang manatili sa klinika.
Noong Setyembre 2013, isang batang lalaki, may isa’t kalahating taong gulang, ang nagpunta sa klinika para sa IV drip. Sa unang araw, ginawa ko ang skin test para sa medikasyon, at pinakumpirma ko rin sa mga magulang ng bata kung may kasaysayan ba ito ng alerhiya, pero sa hindi inaasahan, sa ikatlong umaga, pagkaraang matapos ang IV drip, nang aalisin ko na ang karayom, biglang tumirik ang mga mata ng bata, nagsimulang mangisay ang kanyang katawan, at nangasul ang kanyang mukha, pagkatapos ay napapikit nang mariin ang kanyang mga mata at hindi na siya makasigaw. Nagimbal ako, at nagmadali akong gamutin ito bilang isang alerhiya sa gamot. Lumipas ang dalawang minuto, At ang mukha ng bata ay halos naging itim-lila, na para bang patay na siya. Sobra akong natakot, at lubos akong nataranta, iniisip na, “Tapos na! Tapos na! Mamamatay ang batang ito sa aking mga kamay. Ano ang gagawin ko kung mamatay siya?” Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong natatakot, kaya’t patuloy akong nanalangin sa Diyos sa aking puso, “O Diyos, pakiusap, bantayan Mo ang batang ito! O Diyos, pakiusap, iligtas Mo siya!” Pagkalipas ng ilang sandali, malakas akong kinutuban, “Ang likidong tinanggap ng batang ito ay may potassium. Posible kayang hyperkalemia ito?” Kaagad akong tumakbo sa silid-gamutan, pinalabnaw ang ineksiyon ng calcium, at binigyan ang bata ng intravenous push. Tinawag ko ang Diyos sa aking puso habang ibinibigay ang ineksiyon. Sa kalagitnaan ng pag-iineksiyon, biglang umiyak nang malakas ang bata, napaluwa siya ng plema at laway, at hindi na nangingitim ang mukha niya gaya noong una. Nang matapos kong ibigay ang ineksiyon ng calcium, hindi na naninigas at nagbalik na sa normal ang kamay ng bata. Sa sandaling iyon, napagtanto ko kung gaano talaga karupok ang buhay. Alam ko rin na dininig ng Diyos ang aking panalangin at iniligtas ang batang ito. Patuloy kong pinasalamatan Diyos sa aking puso. Pagkatapos noon ay tumawag kami ng ambulansya para dalhin ang bata sa ospital. Sa mga sumunod na araw, napuno ako ng pag-aalala at takot, tinatanong sa sarili ko, “Ano ang mangyayari sa batang ito? Magkakaroon kaya siya ng seryosong komplikasyon? Magkano ang danyos na kailangan kong bayaran?” Natakot din ako na kung may mangyari uling katulad nito kung saan may manganganib na buhay, mawawala ang lahat ng aking pera, reputasyon, at mga pakinabang. Parang may isang napakalaking batong nakadagan sa aking dibdib at gabi-gabi akong hindi makatulog. Sa hindi inaasahan, ilang araw lang ang lumipas, isang aksidente na naman ang nangyari. Isang lalaking nasa katanghaliang gulang ang pumunta sa klinika para sa isang IV. Ginawa ko ang skin test bago ibigay ang gamot at kinumpirma sa kanya kung wala siyang kasaysayan ng alerhiya. Sa kalagitnaan ng IV, biglang nahirapan sa paghinga ang lalaki at kinapos siya ng hininga. Ang maputla niyang mukha ay nagkulay mangitim-ngitim na asul. Natakot ako at nabalisa, iniisip na, “Hindi pa nga nalulutas ang isyu ng sa bata, at ngayon nagkaaksidente rin ang pasyenteng ito! Ito na ba ang katapusan ko?” Naramdaman kong parang nadudurog ang aking puso at hindi na ako naglakas-loob na mag-isip pa. Nanalangin ako sa Diyos para sa Kanyang proteksiyon, at unti-unting kumalma ang aking puso. Kaagad kong isinunod ang mga pamamaraan para sa paggamot ng alerhiya at nagawa ko siyang iligtas. Noong panahong iyon, sunod-sunod ang naging mga insidente sa klinika, at kung hindi dahil sa pangangalaga at proteksiyon ng Diyos, at Kanyang paggabay sa pagbibigay-liwanag sa akin tungkol sa mga pamamaraang pang-emergency, maaaring patay na ang dalawang taong iyon, at gaano kalaking pera man ang kitain ko sa buong buhay ko, hindi ko kailanman mababayaran ang danyos! Noon ko napagtanto na ang pera, kasikatan, pakinabang, at mga materyal na kayamanan ay parang kastilyong buhangin, na maaaring maglaho ang mga ito anumang oras. Tanging sa pamumuhay sa harap ng Diyos at sa mahusay na paggawa sa aking tungkulin ako magkakaroon ng tunay na kapayapaan at kapanatagan.
Pagkatapos, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko sa isang pagtitipon: “Kung maglalatag Ako ng kaunting pera sa harap ninyo ngayon mismo at bibigyan kayo ng kalayaang pumili—at hindi Ko kayo kokondenahin nang dahil sa pinili ninyo—pipiliin ng karamihan sa inyo ang pera at tatalikuran ang katotohanan. Ang mas mababait sa inyo ay tatalikuran ang pera at atubiling pipiliin ang katotohanan, habang yaong mga nag-aalangan ay susunggaban ang pera sa isang kamay at ang katotohanan sa kabilang kamay. Hindi ba kusang lalabas ang tunay ninyong kulay sa ganoon? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at ng anumang bagay na matapat kayo, lahat kayo ay pipili sa ganitong paraan, at magiging pareho pa rin ang ugali ninyo. Hindi ba’t ganoon? Hindi ba marami sa inyo ang nag-alinlangan sa pagitan ng tama at mali? Sa lahat ng pakikibaka sa pagitan ng positibo at negatibo, ng itim at puti—sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng pagkakasundo at pagkakawatak, ng kayamanan at kahirapan, ng katayuan at pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maitakwil, at iba pa—tiyak na hindi kayo mangmang sa mga ginawa ninyong desisyon! Sa pagitan ng nagkakasundong pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang una, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang una, at ayaw pa nga ninyong magbago ng isip; sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang una; sa pagpili sa pagitan ng inyong mga anak at asawa, at sa Akin, pinili ninyo ang una; at sa pagitan ng kuru-kuro at ng katotohanan, pinili pa rin ninyo ang una. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo, talagang namangha Ako. Hindi inaasahan na ang inyong puso ay walang kakayahan na maging malambot. Ang dugo ng puso na ginugol ko sa loob ng maraming taon ay kagulat-gulat na walang idinulot sa akin kundi ang inyong pang-aabandona at kawalan ng gana, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailantad sa harapan ng lahat. Ngunit ngayon ay hinahangad pa rin ninyo ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kalalabasan? Naisaalang-alang na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo? Ang una pa rin kaya? Bibiguin at palulungkutin pa rin kaya ninyo Ako nang husto? Ang puso ba ninyo ay magtataglay pa rin ng kaunting marubdob na damdamin lang? Hindi pa rin kaya ninyo malalaman kung paano aaliwin ang puso Ko?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?). Nakita ko ang agarang layunin at maingat na pagsisikap ng Diyos sa Kanyang mga salita. Nais ng Diyos na ang bawat isa sa atin ay maghangad ng katotohanan para makamit ang kaligtasan. Naisip ko kung paanong simula nang buksan ko ang klinika, palagi ko na lang iniisip kung paano kikita ng mas maraming pera at mamuhay nang marangya at kung paano ko makakamit ang paghanga at inggit ng iba. Naisip ko rin kung paanong ilang beses kong tinanggihan ang aking mga tungkulin at kung paanong ayaw kong gumugol ng oras at lakas para sa paghahangad ng katotohanan at paggawa ng aking mga tungkulin. Gusto kong manampalataya sa Diyos at maligtas, pero gusto ko ring kumita ng mas maraming pera. Sinubukan kong panghawakan ang parehong kayamanan at katotohanan, at kung magmintis ako sa oportunidad na makamit ang katotohanan at maligtas, magiging huli na ang lahat para maghinagpis at magngitngit ng mga ngipin sa pagsisisi sa gitna ng mga sakuna. Naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?” (Mateo 16:26). Sa sandaling iyon, napagtanto ko kung gaano ako naging hangal at kung paanong hindi ko malinaw na nakita ang mga bagay-bagay. Hindi ko naunawaan kung ano talaga ang pinakamahalagang bagay na dapat hangarin sa buhay. Kung hindi dahil sa dalawang aksidenteng iyon, hindi sana nagbago ang manhid at matigas kong puso. Kung hindi dahil sa awa at proteksiyon ng Diyos, maaaring namatay ang dalawang taong iyon, at kahit pa isakripisyo ko ang buhay ko, wala rin itong magiging silbi. Marahil ay kakailanganin kong mabuhay sa hinagpis ng pagkakautang sa parehong buhay at pera, at hindi na ako kailanman makahahanap ng kapayapaan. Nang naisip ko kung paanong paulit-ulit kong tinanggihan ang aking mga tungkulin, naramdaman kong hindi talaga ako karapat-dapat sa pagmamahal at pagliligtas ng Diyos. Ayaw ko nang isuko ang oportunidad na magkamit ng katotohanan para lang maghangad ng pera. Kalaunan, tinawagan ko ang aking katrabaho at sinabi sa kanya ang tungkol sa paglilipat ng klinika. Nakita ng katrabaho ko kung gaano ako kadeterminado at hindi na siya nagsalita pa. Pagtagal-tagal, dahil masyadong malupit ang mga hinihingi niya, hindi tagumpay na nailipat ang klinika. Tumingala ako sa Diyos at ipinagkatiwala ko ang lahat sa Kanya, umaasang magbubukas Siya ng daan para sa akin. Kalaunan, isang grupo ng mga doktor mula sa isang ospital sa bayan ang nagrenta ng klinika at pumirma ng dalawang taong kontrata. Pagkatapos noon, nagsimula akong gawin ang aking mga tungkulin sa iglesia, at madalas na dumalo sa mga pagtitipon, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at nakipagbahaginan ng katotohanan, at natagpuan ko ang kapayapaan at kapanatagan sa aking puso.
Gayumpaman, makalipas ang isang taon at dalawang buwan, winakasan ng kabilang partido ang kontrata. Nang nakita ako ng katrabaho ko, sinabi niyang, “Kung babalik ka para patakbuhin ang klinika, ginagarantiyahan kong yayaman ka. Kung hindi mo gagawin, bibilhin ko ang bahagi mo ng klinika sa mababang halaga.” Sinabi ng isa ko pang katrabaho, “Mapatatakbo namin itong dalawa, puwede mong asikasuhin ang mga sarili mong gawain at hindi ito makaaabala sa iyong pananalig. Maraming pasyente ang nagtitiwala pa rin sa iyo. Tutulong ako sa pagdadala ng mga pasyente mula sa ospital, at sa loob ng isang taon, magkakaroon tayo ng limpak-limpak na pera, at pagdating ng araw na iyon, magkakaroon tayo ng parehong pera at tagumpay sa ating mga propesyon. Kaiinggitan tayo ng lahat!” Naisip ko, “Kung pamamahalaan ko ang klinika, hindi ko lang mababawi ang ipinuhunan ko, magkakaroon din ako ng marangyang buhay.” Pero pagkatapos ay naisip ko, “Kung pamamahalaan ko ito, tiyak na maaapektuhan ang aking mga tungkulin.” Matapos itong pag-isipan, nagpasya akong tumanggi. Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang isipan ng mga tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay kasikatan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa kasikatan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa kasikatan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gagawa ng kahit anong paghuhusga o pagpapasya para sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at, suot-suot ang mga kadenang ito, wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at patuloy silang naglalakad nang may matinding paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, samakatwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas. Kung titingnan ngayon ang mga kilos ni Satanas, hindi ba lubos na kasuklam-suklam ang masasamang motibo nito? Marahil ay hindi pa rin ninyo malinaw na nakikita ngayon ang masasamang motibo ni Satanas dahil iniisip ninyo na hindi mabubuhay ang tao kung walang kasikatan at pakinabang. Iniisip ninyo na kung tatalikuran ng mga tao ang kasikatan at pakinabang, hindi na nila makikita ang daan sa kanilang harapan, hindi na nila makikita ang kanilang mga layon, na magiging madilim, malabo at mapanglaw ang kanilang hinaharap. Ngunit, unti-unti, balang araw ay mauunawaan ninyong lahat na ang kasikatan at pakinabang ay malalaking kadenang ginagamit ni Satanas upang igapos ang tao. Pagdating ng araw na iyon, lubusan mong lalabanan ang pagkontrol ni Satanas at ang mga kadenang ginagamit ni Satanas upang igapos ka. Pagdating ng oras na nais mong iwaksi ang lahat ng bagay na ikinintal sa iyo ni Satanas, ganap kang hihiwalay kay Satanas at talagang kamumuhian mo ang lahat ng naidulot ni Satanas sa iyo. Saka lamang magkakaroon ng tunay na pagmamahal at pananabik sa Diyos ang sangkatauhan” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Ginagamit ni Satanas ang salapi upang tuksuhin ang mga tao, at tiwaliin silang sumamba sa salapi at ipagpitagan ang mga materyal na bagay. At paano naipapamalas sa mga tao ang pagsambang ito sa salapi? Inaakala ba ninyo na hindi niyo kayang manatiling buhay sa mundong ito nang walang salapi, na ang kahit isang araw na walang salapi ay imposible? Ang katayuan ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila, gayundin ang paggalang na karapat-dapat sa kanila. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mayayaman sa kanilang mataas na katayuan. Nakatayo sila nang tuwid at nagmamalaki, nagsasalita nang malakas at namumuhay nang may pagmamataas. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na gagawin ng marami ang anumang sakripisyo para makakuha ng pera? Hindi ba isinasakripisyo ng maraming tao ang kanilang dignidad at integridad sa paghahanap ng mas maraming salapi? Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sundin ang Diyos para lamang sa salapi? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao? Hindi ba’t masama si Satanas sa paggamit sa pamamaraang ito at sa kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao hanggang sa ganitong antas? Hindi ba ito malisyosong pandaraya?” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). Napakalinaw ng paglalantad ng mga salita ng Diyos. Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang para kontrolin ang kaisipan ng mga tao, at para ilihis at gawin tayong tiwali. Sa loob ng maraming taon, naghangad ako ng parehong kasikatan at pakinabang, at nagsumikap na maging kapansin-pansin. Umasa ako sa mga kasabihang “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” “Una ang pera,” “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” at “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa.” Ang mga satanikong pilosopiyang ito ang nagsilbing gabay sa aking buhay, at inakala ko na kung may pera ako, mayroon ako ng lahat ng bagay. Ginusto ko lang talaga na kumita ng mas maraming pera, magpayaman nang husto, makamit ang paghanga at inggit ng iba, at mamuhay nang marangya. Naisip ko na gaano karaming hirap man ang pagdusahan ko para sa pera, kasikatan, at pakinabang, sulit itong lahat, at kahit alam kong nagkatawang-tao ang Diyos at nagpapahayag ng katotohanan para iligtas ang mga tao, hindi ko maayos na hinangad ang katotohanan o ginawa ang aking mga tungkulin. Sa paghahangad ko ng pera, paulit-ulit kong tinanggihan ang aking mga tungkulin at lalo pang napalayo sa Diyos. Ang totoo, maykaya na ang aking pamilya, at wala na kaming alalahanin sa pagkain o pananamit, pero hindi pa rin ako nasiyahan, at ginusto pa ring kumita ng mas maraming pera. Pinahalagahan ko ang pera, kasikatan, at pakinabang nang higit sa lahat, dahilan para mawala sa akin ang pagkakataong gawin ang aking mga tungkulin at magkamit ng katotohanan. Doon ko lang napagtanto na binulag na ako ng pera, kasikatan, at pakinabang, na naging alipin ako ng pera, at kung hindi ako magbabalik-loob, magiging biktima ako ng kasikatan at pakinabang.
Pagkatapos, nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos: “Inuubos ng mga tao ang panghabambuhay na enerhiya sa paglaban sa kapalaran, at ginugugol ang buong buhay nila sa pagiging abala para tustusan ang kanilang pamilya at pabalik-balik silang nagmamadali alang-alang sa katanyagan at pakinabang. Ang mga bagay na pinahahalagahan ng mga tao ay ang pagmamahal ng pamilya, salapi, at kasikatan at pakinabang at itinuturing nila ang mga ito bilang ang pinakamahahalagang bagay sa buhay. Lahat ng tao ay nagrereklamo tungkol sa pagiging malas, subalit isinasantabi pa rin nila sa kanilang isipan ang mga usapin na pinakanararapat na unawain at siyasatin ng mga tao: bakit buhay ang tao, paano dapat mamuhay ang tao, at ano ang kahalagahan at kabuluhan ng buhay. Ilang taon man silang mabubuhay, ginugugol lamang nila ang buong buhay nila sa pagiging abala sa paghahanap ng kasikatan at pakinabang, hanggang sa lumipas na ang kabataan nila at nagkaroon na sila ng uban at kulubot, hanggang sa mapagtanto nila na hindi mapapahinto ng kasikatan at pakinabang ang pagtanda nila, na hindi maaaring punan ng salapi ang kahungkagan ng puso nila, at hanggang sa maunawaan nila na walang sinuman ang makakatakas mula sa mga batas ng pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, at na walang makakatakas sa mga pagsasaayos ng kapalaran. Tanging kapag kailangan na nilang harapin ang huling sugpungan ng buhay nila tunay na nauunawaan nila na kahit na magmay-ari ang isang tao ng napakalaking kayamanan at napakaraming ari-arian, kahit marami siyang pribilehiyo at may mataas na katayuan, walang sinuman ang maaaring makatakas sa kamatayan at bawat isa ay babalik sa kanyang orihinal na posisyon: isang nag-iisang kaluluwa, na walang anuman sa pangalan niya” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa paghahanap ng salapi at kasikatan at pakinabang; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, iniisip na ang mga ito ang tanging paraan nila ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito ay maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malibre sa kamatayan. Subalit kapag malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at tila walang-kakayahan, at walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi o kasikatan at pakinabang, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng pera ang buhay, na hindi mabubura ng kasikatan at pakinabang ang kamatayan, na alinman sa pera o kasikatan at pakinabang ay di-makapagpapahaba ng buhay ng isang tao nang kahit na isang minuto o kahit na isang segundo” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung ang isang tao ay gumugugol ng buong buhay niya sa paghahangad sa pera, kasikatan, at pakinabang, sa huli, magiging walang silbi ang lahat ng ito. Ang dalawang insidenteng ito na may muntik nang mamatay sa klinika ang nagpatanto sa akin na kapag dumating ang panganib, hindi mapuprotektahan ng pera at kayamanan ang kaligtasan ng isang tao o maililigtas ang buhay niya, at na ang Diyos ang tanging Nag-iisang tunay na kinakailangan ng tao at maaasahan niya, at tanging ang Diyos ang naghahari at kumokontrol sa kapalaran ng isang tao. Naisip ko rin ang isa kong kapitbahay. Pangkalahatang manedyer siya ng isang kagawaran sa Bank of China, ang asawa niya ay ang direktor ng kawanihan ng transportasyon, at ang ama niya ay hepe ng seksiyon sa People’s Bank of China. Mayaman at maimpluwensiya ang kanyang pamilya, at noong panahong iyon, lahat sa aming kapitbahayan ay humahanga at naiinggit sa kanya, ngunit sa edad na tatlumpu’t dalawa, na-diagnose siya na may kanser sa dibdib at hindi nagtagal ay pumanaw. May kamag-anak din ako na mayaman at tanyag, pero kalaunan, namatay siya habang naglalakbay. Malinaw sa akin na gaano man karaming pera, kasikatan, o paghanga ang makamit mo, kapag dumating ang kamatayan, hindi ka maliligtas ng pera, kasikatan, at pakinabang. Ang pera, kasikatan, at pakinabang ay makapagbibigay lang sa iyo ng pansamantalang kasiyahan at kaluguran sa laman, at kung wala ang pangangalaga at proteksiyon ng Diyos, mamamatay ka. Sa ganoong sitwasyon, ano pa ang magiging halaga ng pagkakaroon ng maraming pera? Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, Binigyan Mo ako ng pagkakataong hangarin ang katotohanan at maligtas, pero hindi ko ito pinahalagahan. Ginugol ko ang lahat ng aking oras at lakas sa paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang. Tunay na bulag at hangal ako! Ngayon, alam ko nang ang paghahangad na magkamit ng katotohanan at ang paggawa ng aking mga tungkulin ang pinakamakabuluhan at pinakamahalagang mga bagay na magagawa ko.” Pagkatapos noon, tinawagan ko ang katrabaho ko at sinabing gaano kalaki man ang malulugi ko sa aking shares at sa inisyal na kapital ko sa klinika, handa akong ilipat ang mga ito. Hindi nagtagal, inilipat ko ang shares ko ng klinika. Bagaman nalugi ako ng libo-libo, noong sandaling ginawa ko iyon, naramdaman kong lumaya ako at naging masaya.
Paglaon, naglaan ako ng mas maraming oras at lakas sa aking mga tungkulin, at tuwing may oras ako, binabasa ko ang mga salita ng Diyos at mas naunawaan ang maraming katotohanan. Mas natuto rin akong makilatis pa ang mga pamamaraan ni Satanas sa pagtitiwali ng tao. Napakasarap sa pakiramdam na malaman na sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos at paggawa sa aking mga tungkulin, mauunawaan ko ang katotohanan! Kamakailan, sinabi ng ilan sa mga kaibigan ko na magbabayad sila para makipagtulungan sa akin sa pagbubukas ng isang klinika, hinihikayat akong ipagpatuloy ang pagpapatakbo nito, at pinayuhan naman ako ng iba na magtrabaho ako sa isang ospital, pero hindi na ako naiimpluwensiyahan ng mga bagay na ito. Pinili kong gawin ang mga tungkulin ng isang nilikha, at na mangaral ng ebanghelyo, at magpatotoo sa Diyos. Ito ang pinakamakabuluhan at pinakamahalagang gawain na magagawa ko sa mundong ito, at ito ang pinakamatalinong desisyon na ginawa ko sa aking buhay.