99. Pagkatapos Kong Matuklasang Naaresto ang Katrabaho Ko at Nagkanulo sa Diyos sa Ilalim ng Pagpapahirap

Ni Shu Chang, Tsina

Noong kalagitnaan ng Marso 2024, nakatanggap ako ng isang sulat galing sa mga nakatataas na lider. Sabi rito, si Xiaodi, na nakapareha kong gumawa ng mga tungkulin, ay naaresto at nagkanulo sa Diyos, naging Hudas. Ipinagkanulo niya ang gawain ng iglesia, at ang mga lider at manggagawa. Hinimok ako ng mga lider na magtago nang husto. Nabigla ako. “Mukhang walang muwang at matapat si Xiaodi sa panlabas, at nakakapagtiis ng pagdurusa at nakakapagbayad ng halaga noong ginagawa ang tungkulin niya. Ilang beses, dumating sa amin ang mapapanganib na sitwasyon pero kailanman ay hindi siya umatras. Ginawa pa rin niya ang tungkulin niya. Magkasama pa nga kaming sumumpa, nangangakong mas pipiliin naming mamatay kaysa maging Hudas. Mahigit isang taon na mula nang maaresto siya, at wala pang anumang balita. Akala ko ay nanindigan siya. Paano siya naging Hudas?” Hindi ko talaga ito mapaniwalaan. Kung ipinagkanulo ako ni Xiaodi, hindi ba’t magiging isa ako sa pinaka-pinaghahanap ng CCP? Pagkatapos ay naisip ko ang isang sulat galing sa iglesia sa bayan ko na medyo matagal ko nang natanggap. Sabi rito ay pumunta ang mga pulis sa bahay ko para arestuhin ako. Minanmanan at kinuwestiyon din nila ang pamilya ko, at nagkabit sila ng CCTV camera sa tapat ng bahay ko. Kasabay ito ng panahong naaresto si Xiaodi. Talagang pinaiigting ng mga pulis ang mga pagsisikap nila para hanapin ako. Naisip ko, “Sa mahabang panahon, paulit-ulit na mabagsik na nagsalita ang CCP. Sinasabi nila na kahit na mamatay sa pambubugbog ang mga taong sumasampalataya sa Diyos, mawawalan ng kabuluhan ang mga kamatayan nila. Kasama ako sa listahan ng pinaka-pinaghahanap nila. Kung maaaresto ako, kahit na hindi ako mamatay sa pambubugbog, mabubugbog ako hanggang sa mabaldado ako.” Pagkatapos ay naalala ko na dati, marami nang kapatid na napahirapan para makakuha ng mga sapilitang pag-amin pagkatapos silang maaresto. Sumikip ang dibdib ko. “Kung mabubugbog ako hanggang sa mamatay o mabaldado, hindi ba’t matatapos na ang buhay ko ng pananampalataya sa Diyos? Magkakaroon ba ako ng anumang makabuluhang hinaharap?” Nang maisip ko ito, nagdalamhati at napigilan ako. Nauna nang ipinagkanulo si Xiaodi ng isang Hudas ilang taon ang nakakaraan, pero kailanman ay hindi sumuko ang CCP sa paghahanap sa kanya. Isa akong superbisor, at pinaghahanap ng CCP. Talagang hindi ako pakakawalan ng mga pulis. Kung talagang mamamatay ako sa pambubugbog pagkatapos maaresto, paano ako maliligtas? Pagkatapos, wala na akong lakas para gawin ang tungkulin ko. Kapag nagkakaroon ng mga problema sa gawain ng iglesia, wala akong ganang pangasiwaan ang mga iyon. Buong araw, natatakot ako na maaaresto ako ng mga pulis at mapapahirapan, at na hindi ako makakaligtas. Puno ng pag-aalala ang puso ko.

Napagtanto kong masama ang kalagayan ko at nakaapekto na ito sa tungkulin ko. Lumapit ako sa Diyos para magdasal at maghanap: Kapag dumarating sa akin ang kapaligirang ito, anong mga aral ang dapat kong matutuhan? Pagkatapos ay naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at hinanap ko ito para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anong mga pagsubok ang kaya ninyong tiisin ngayon? Mangangahas ba kayong sabihin na mayroon kayong pundasyon, kaya ba ninyong manindigan kapag nahaharap sa mga tukso? Ang mga tukso ng pangtutugis at pang-uusig ni Satanas, halimbawa, o ng katayuan at katanyagan, ng pag-aasawa, o kayamanan, kaya ba ninyong malampasan ang mga tuksong ito? (Malalampasan namin ang ilan sa mga ito.) Ilang antas ng mga tukso ang mayroon? At aling antas ng tukso ang kaya ninyong lampasan? Halimbawa, maaaring hindi ka natatakot kapag nababalitaan mong may inaresto dahil sa pananalig sa Diyos, at maaaring hindi ka natatakot kapag nakikita mong inaaresto at pinapahirapan ang iba—ngunit kapag ikaw ang inaresto, kapag nasumpungan mo ang iyong sarili sa sitwasyong ito, kaya mo bang manindigan? Isa itong malaking tukso, hindi ba? Sabihin natin, halimbawa, may kakilala kang isang tao, isang taong may mabuting pagkatao, na masigasig sa kanyang pananampalataya sa Diyos, na tinalikuran ang pamilya at propesyon para magampanan ang kanyang tungkulin at dumanas siya ng labis na paghihirap: Biglang dumating ang isang araw na inaresto at sinentensiyahan siyang makulong dahil sa kanyang pananalig sa Diyos, at pagkatapos ay nabalitaan mong binugbog siya hanggang sa mamatay. Isa ba itong tukso sa iyo? Ano ang magiging reaksyon mo kapag nangyari ito sa iyo? Paano mo ito dadanasin? Hahanapin mo ba ang katotohanan? Paano mo hahanapin ang katotohanan? Sa panahon ng gayong tukso, paano ka makakapanindigan, at makakaunawa sa mga layunin ng Diyos, at paano mo makakamit ang katotohanan mula rito? Naisip mo na ba ang gayong mga bagay? Madali bang lampasan ang gayong mga tukso? Di-pangkaraniwan ba ang mga bagay na iyon? Paano ba dapat danasin ang mga bagay na katangi-tangi at sumasalungat sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao? Kung wala kang landas, malamang ba na magreklamo ka? Magagawa mo bang hanapin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos at makita ang diwa ng mga problema? Magagamit mo ba ang katotohanan para matukoy ang mga tamang prinsipyo ng pagsasagawa? Hindi ba’t ito ang dapat na makita sa mga naghahangad sa katotohanan? Paano mo malalaman ang gawain ng Diyos? Paano mo ito dapat danasin para magawang makamtan ang mga bunga ng paghatol, pagdadalisay, pagliligtas at pagpeperpeko ng Diyos? Anong mga katotohanan ang dapat na maunawaan para malutas ang napakaraming kuru-kuro at mga hinaing ng mga tao laban sa Diyos? Ano ang mga pinakakapaki-pakinabang na katotohanan na dapat mong isangkap sa iyong sarili, ang mga katotohanang magtutulot sa iyo na makapanindigan sa gitna ng iba’t ibang pagsubok? Gaano kalaki ang tayog ninyo ngayon? Anong antas ng mga tukso ang kaya ninyong lampasan? May ideya ba kayo? Kung wala, ito ay walang katiyakan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Nahiya ako sa bawat tanong ng Diyos. Dati, naniwala ako na mula nang magsimula akong sumampalataya sa Diyos ay masidhi akong naghangad, tumalikod sa mga bagay-bagay, at gumugol ng sarili ko. Sumailalim ang iglesia sa maraming malaking pag-aresto, pero hindi naging masyadong mahina ang loob ko. Naaresto ang ilang kapatid na kilala ko, pero hindi nito naapektuhan ang kakayahan kong gawin ang tungkulin ko. Gayumpaman, nang mabalitaan kong naging Hudas si Xiaodi, naging isang kasabwat ng malaking pulang dragon, at ipinagkanulo ako, inalala ko kung minamanmanan na ba ako ng mga pulis. Pakiramdam ko ay puwede akong maaresto saanmang lugar o anumang oras, kaya naging mahina ang loob ko at natakot ang puso ko, at nawalan ako ng pananalig sa Diyos. Nakita ko na ang nauna kong naunawaan ay doktrina na wala talagang anumang katotohanang realidad. Nang dumating sa akin ang mga kapighatian at pagsubok, hindi ako lumapit sa Diyos para hanapin ang mga layunin ng Diyos, at hindi ko inisip kung paano magpapatotoo sa Diyos. Sa halip, naging negatibo at nagpakatamad ako sa gawain ko. Talagang masyado akong mapaghimagsik! Sa pagkakataong ito, nakadama ako ng paninisi sa sarili sa puso ko. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Dapat mong seryosohin ang iyong tayog at pagsasagawa. Sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi ka dapat magtangkang gumawa nang wala sa loob para kaninuman—matatamo mo man ang katotohanan at buhay sa huli o hindi ay nakasalalay sa iyong sariling paghahangad(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (3)). Nang makita ko ang mga hinihingi ng Diyos at tingnan ko ang sarili kong tayog, labis akong nabalisa. Mababa ang kasalukuyan kong tayog, at wala akong anumang katotohanang realidad. Kung magpapatuloy akong hindi masipag na naghahanap at nagsasangkap sa sarili ko ng katotohanan, kung talagang maaaresto ako isang araw, masyado akong mahihirapang manindigan. Ayaw kong sa huli ay magtapos ang pagsunod ko sa Diyos sa isang marka ng kahihiyan.

Sa mga debosyonal ko, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, at naunawaan ko ang kahulugan ng pagdanas ng pagpipino at kapighatian. Nagkamit din ako ng kaunting pagkilatis kay Xiaodi. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng panlulupig, ang tao ay isasailalim sa pagpipino at kapighatian. Yaong mga makakapagtagumpay at nakakapanindigan sa kanilang patotoo sa panahon nitong kapighatian ay yaong mga gagawing ganap sa kahuli-hulihan; sila ang mga mananagumpay. Sa panahon nitong kapighatian, kinakailangan sa tao na tanggapin ang pagpipinong ito, at ang pagpipinong ito ang huling pagkakataon sa gawain ng Diyos. Ito ang huling panahon na pipinuhin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tanggapin itong huling pagsubok, kailangan nilang tanggapin itong huling pagpipino. Yaong mga lugmok sa kapighatian ay walang gawain ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos, ngunit yaong mga tunay na nalupig na at tunay na naghahangad sa Diyos ay makakatayong matatag sa kahuli-hulihan; sila yaong mga may angking pagkatao, at siyang mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Kahit na ano ang ginagawa ng Diyos, ang mga matagumpay na ito ay hindi mawawalan ng mga pangitain at patuloy pa ring magsasagawa ng katotohanan nang hindi nabibigo sa kanilang patotoo. Sila yaong mga makalalampas sa matinding kapighatian sa wakas. Bagaman yaong mga naglalagay ng kanilang mga sarili sa mapanganib na sitwasyon para mabuhay ay maaari pa ring magpatuloy ngayon, walang makatatakas sa pangwakas na kapighatian, at walang makatatakas mula sa pangwakas na pagsubok. … Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan ang pagsubok ng kanilang gawain, samantalang yaong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang mga pagsubok ng Diyos. Hindi magtatagal, sila ay mapatatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian. Kung ang tao ay tunay na naghahanap sa Diyos o hindi ay nalalaman sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang gawain, iyon ay, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa pagpapasya ng tao mismo. Hindi tinatanggihan ng Diyos ang sinumang nang basta-basta; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakahikayat sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makahihikayat sa tao. Kung ang paniniwala ng tao ay tunay o hindi, ay napapatotohanan ng mga katunayan at hindi mapagpapasyahan ng tao. Walang duda na ang ‘trigo ay hindi magagawang mapanirang damo, at ang mapanirang damo ay hindi magagawang trigo.’ Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay mananatili sa kaharian sa kahuli-hulihan, at hindi tatratuhin nang hindi maganda ng Diyos ang sinumang tunay na nagmamahal sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na patapos na ngayon ang gawain ng Diyos. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang lahat ng kategorya ng mga tao. Ginagamit ng Diyos ang mga pag-aresto at ang pag-uusig ng malaking pulang dragon, at ang lahat ng uri ng pagsubok at kapighatian para ihiwalay ang mga tunay na mananampalataya sa mga huwad na mananampalataya, para ihiwalay ang trigo sa mga panirang damo. Ang mga pagsubok ay isang magandang pagsusuri para sa bawat tao. Anumang mga pagsubok at kapighatian ang dumating sa kanila, mas gugustuhin ng mga taong tunay na sumasampalataya at sumusunod sa Diyos na tiisin ang pagdurusa ng laman o mawalan pa nga ng buhay kaysa ipagkanulo ang mga interes ng iglesia. Nakakapanindigan sila sa pag-asa sa Diyos. Katulad lang ito ng maraming kapatid na naaresto at napagtagumpayan ang kahihiyan at pagpapahirap na ipinataw ng mga pulis. Anumang kasuklam-suklam o brutal na pamamaraan ang ginamit ng mga pulis, kailanman ay hindi nila itinatwa o ipinagkanulo ang Diyos. Tungkol naman sa mga taong walang tunay na pananampalataya, kahit gaano pa sila mukhang kasigasig sa panlabas o gaano man nila nagawang tumalikod sa mga bagay-bagay, gumugol ng sarili, magtiis ng pagdurusa, at magbayad ng halaga, sa sandaling manganib ang mga interes ng laman nila, itinatatwa at ipinagkakanulo nila ang Diyos. Ang mga taong ito ay mga oportunistang palihim na pumasok sa sambahayan ng Diyos, at nabunyag sa pamamagitan ng pag-uusig at kapighatian. Ito ang ibig sabihin ng paggamit ng Diyos sa malaking pulang dragon para magserbisyo. Sa ganitong paraan, napaghihiwalay ang mga tunay na mananampalataya at huwad na mananampalataya, ang trigo at mga panirang damo. Nandito ang karunungan ng gawain ng Diyos. Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, nakadama ako ng kasiglahan sa puso ko. Kahit na mukhang walang muwang at matapat si Xiaodi sa panlabas, at hindi siya nakagawa ng anumang kapansin-pansing masamang bagay sa maraming taon ng pananampalataya sa Diyos—nakagawa pa nga siya ng ilang mabuting bagay—hindi siya interesado sa katotohanan. Kadalasan, ayaw niyang makipagbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos, at sa kabila ng pananampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon, hindi talaga siya nagkaroon ng katotohanang realidad. Nang maharap siya sa pagpapahirap, mga pananakot, at mga tukso ng malaking pulang dragon, itinatwa niya ang Diyos, ipinagkanulo ang Diyos, at lubos na ipinagkanulo ang gawain ng iglesia, nagiging isang tuta at kasabwat ng CCP. Ipinapakita ng mga katunayan na nang tinalikuran niya ang mga bagay-bagay at ginugol ang sarili niya dati, hindi siya nagsasagawa ng katotohanan. Isa siyang panirang damo, na tinangay ng hangin. Isa siyang ganap na hindi mananampalataya, na nabunyag sa gawain ng Diyos. Naunawaan ko rin na hindi puwedeng basta mo lang tingnan kung gaano karaming mabuting bagay ang nagawa ng isang tao sa panlabas para mapagpasyahan kung nagtataglay siya ng realidad o hindi. Sa halip, kailangan mong tingnan kung kaya niyang isagawa ang katotohanan at kung kaya niyang magpatotoo sa gitna ng mga kapighatian at pagsubok. Napagtanto ko na, katulad lang ni Xiaodi, tumuon lang ako sa pagtitiis sa pagdurusa at paggugol sa sarili ko sa panlabas, pero hindi ako tumuon sa pagsisikap sa katotohanan, at hindi nagtaglay ng ni katiting na katotohanang realidad. Kahit na, hindi tulad ni Xiaodi, wala akong anumang nagawa para ipagkanulo ang Diyos, mahina naman ang loob ko at natatakot ako kapag dumarating sa akin ang mapapanganib na kapaligiran, at nagiging negatibo at nagpapakatamad ako sa gawain ko, nawawala ang patotoo ko. Nang pagnilayan ko ito, naramdaman kong hindi lang pagsubok ang kapaligirang isinaayos ng Diyos para sa akin, ito rin ang kaligtasan ko. Binigyang-daan ako nitong makita nang malinaw ang tunay kong tayog, at makitang nasa bingit ako ng panganib. Kung ipagpapatuloy ko ang hindi paghahangad sa katotohanan, kung maaaresto ako ay mabubunyag at matitiwalag ako katulad lang ni Xiaodi. Lumapit ako sa Diyos at nagdasal na handa akong tingnan ang pagkabigo ni Xiaodi bilang isang babala at aral, at lubos na pagnilayan at kilalanin ang sarili ko.

Pagkatapos, pinag-isipan ko: Ano ba ang pinakaugat ng pamumuhay ko sa isang negatibong kalagayan pagkatapos ipagkanulo ng isang Hudas? Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang inaalala lamang ng marami sa sumusunod sa Diyos ay kung paano magtamo ng mga pagpapala o umiwas sa sakuna. Sa sandaling nabanggit ang gawain at pamamahala ng Diyos, tumatahimik sila at nawawalan ng lahat ng interes. Iniisip nila na ang pag-unawa sa gayong nakapapagod na isyu ay hindi makakatulong sa paglago ng kanilang buhay o magbibigay ng anumang pakinabang. Dahil dito, bagaman narinig nila ang impormasyon tungkol sa pamamahala ng Diyos, hinaharap nila ito nang hindi seryoso. Hindi nila ito nakikita bilang isang mahalagang bagay na dapat tanggapin, lalo nang hindi nila ito nauunawaan sa pamamagitan ng pagturing dito bilang isang bahagi ng kanilang buhay. Iisa lamang ang simpleng pakay ng gayong mga tao sa pagsunod sa Diyos, at ang pakay na iyon ay ang magkamit ng mga pagpapala. Ang gayong mga tao ay ayaw magbigay-pansin sa anumang ibang bagay na hindi direktang may kinalaman sa pakay na ito. Para sa kanila, walang layon na mas lehitimo kaysa maniwala sa Diyos upang makatanggap ng mga pagpapala—ito ang mismong halaga ng kanilang pananalig. Kung may isang bagay na hindi nakakatulong sa pakay na ito, nananatili silang ganap na hindi naaantig nito. Ganyan ang karamihan sa mga taong naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang pakay at intensyon ay mukhang lehitimo, dahil habang naniniwala sila sa Diyos, gumugugol din sila para sa Diyos, inaalay ang kanilang sarili sa Diyos, at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Isinusuko nila ang kanilang kabataan, tinatalikuran ang pamilya at propesyon, at gumugugol pa nga ng maraming taon na malayo sa tahanan na abalang-abala. Para sa kapakanan ng kanilang pinakalayon, binabago nila ang kanilang sariling mga interes, ang kanilang pananaw sa buhay, at maging ang direksyong kanilang hinahanap; subalit hindi nila mabago ang pakay ng kanilang pananampalataya sa Diyos. Paroo’t parito sila para sa pamamahala ng sarili nilang mga minimithi; gaano man kalayo ang daan, at gaano man karami ang mga hirap at balakid sa daan, nananatili silang matiyaga at walang takot sa kamatayan. Anong kapangyarihan ang nagtutulak sa kanila na patuloy na ialay ang kanilang sarili sa ganitong paraan? Ang kanila bang konsensiya? Ang kanila bang dakila at marangal na katangian? Ang kanila bang determinasyong labanan ang mga puwersa ng kasamaan hanggang sa pinakahuli? Ang kanila bang pananalig na magpatotoo sa Diyos nang hindi naghahanap ng kapalit? Ang kanila bang katapatan sa pagiging handang isuko ang lahat upang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos? O ang kanila bang diwa ng debosyon na laging isakripisyo ang personal na maluluhong kahilingan? Ang magbigay pa rin ng napakalaki ang isang taong hindi kailanman naunawaan ang gawain ng pamamahala ng Diyos, sa payak na pananalita, ay isang himala! Sa sandaling ito, huwag nating talakayin kung gaano kalaki ang naibigay ng mga taong ito. Ang kanilang pag-uugali, gayunman, ay lubos na karapat-dapat nating himayin. Bukod sa mga pakinabang na lubos na nauugnay sa kanila, maaari kayang may iba pang dahilan kaya ang mga taong hindi kailanman nauunawaan ang Diyos ay nagbibigay ng napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating di-matukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isa lamang hayagang pansariling interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng mga pagpapala. Sa madaling salita, ito ang relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho nang husto ang empleyado para lang makatanggap ng mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon na nakabatay lang sa interes, transaksiyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pagkakaunawaan, tanging walang magawang pinipigilang indignasyon at panlilinlang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang mga layunin at pananaw ng mga tao na nasa likod ng pananampalataya sa Diyos. Hindi sumasampalataya ang mga tao sa Diyos para makamit ang katotohanan at buhay. Sa halip, ginagawa nila ito para makakuha ng mga walang-hanggang pagpapala. Ang inilantad ng mga salita ng Diyos ay ang mismong pag-uugali ko. Pinagnilayan ko ang mga nauna kong masigasig na paggugol. Anumang mga panganib ang dumating sa akin, kailanman ay hindi ako tumigil sa paggawa ng tungkulin ko. Ito ay dahil matibay ang pananampalataya ko na sa pamamagitan ng patuloy na paggugol sa sarili ko sa ganitong paraan ay makukuha ko ang proteksyon ng Diyos at sa huli ay magkakaroon ako ng magandang hantungan at kalalabasan. Nang ipagkanulo ako ng isang Hudas at maging isang pinaghahanap na tao, maharap sa panganib na maaresto sa anumang oras, nag-alala ako na kung maaaresto ako at hindi ako makakatindig sa pagpapahirap at maipagkakanulo ko ang Diyos, mawawala sa akin ang pagkakataon kong maligtas. Pakiramdam ko ay naglaho ang mga pag-asa kong magkamit ng mga pagpapala, kung kaya’t nawala ang pananamapalataya ko sa Diyos at ayaw ko nang asikasuhin ang gawain ng iglesia. Nakita ko na ang lahat ng sakripisyo at paggugol ko ay ganap na udyok ng pagnanais kong magkamit ng mga pagpapala. Nang maramdaman kong may pag-asa akong magkamit ng mga pagpapala, naging aktibo at masigla ako sa paggawa ng tungkulin ko, pero nang makita kong maglaho ang mga pag-asa kong magkamit ng mga pagpapala, pinanghinaan ako ng loob. Naglahong parang bula ang lakas para sa paghahangad at ang motibasyon para sa paggawa ng tungkulin ko na dati kong taglay. Ipinakita ng mga katunayan na maraming taon na akong sumasampalataya sa Diyos, pero ang ugnayan ko sa Diyos ay parang ugnayan ng isang empleyado sa amo niya: nagsakripisyo at gumugol ako sa panlabas para bilang kapalit ay makakuha ng mga pakinabang at ng isang magandang hantungan mula sa Diyos. Ang paggugol ko ay puno ng mga karumihan at panlalansi na talagang walang anumang sinseridad sa Diyos. Talagang makasarili at ubod ako ng sama, na nagdulot sa Diyos na kamuhian at kasuklaman ako. Kung hindi ginamit ng Diyos ang kapaligirang ito para ibunyag ako, patuloy akong magpupursige sa maling pananaw ko sa paghahangad. Sasampalataya ako hanggang sa huli, para lang maabandona at matiwalag ng Diyos. Nang maunawaan ko ito, naramdaman kong nasa likod ng pamamatnugot ng Diyos sa mga kapaligirang ito ang masusing layunin ng Diyos. Ang lahat ng ito ay para linisin ang mga karumihan sa pananampalataya ko sa Diyos, baguhin ang mga maling pananaw ko sa kung ano ang hahangarin, at akayin ako na tumahak sa tamang landas. Pagmamahal ito ng Diyos. Pagliligtas ito ng Diyos sa akin. Gayumpaman, nagkamali ako ng pagkaunawa sa Diyos at nagreklamo tungkol sa Diyos. Talagang wala akong katwiran! Masyado kong matinding nasaktan ang puso ng Diyos!

Kalaunan, napagtanto kong namumuhay ako sa kalagayan ng kahinaan ng loob at takot dahil din natatakot akong mamatay. Tumutuon sa problemang ito, nabasa ko ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Paano namatay ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Sa mga disipulo, may mga pinukol ng bato, ipinakaladkad sa kabayo, ipinakong patiwarik, pinaghiwa-hiwalay ng limang kabayo ang katawan—sinapit nila ang lahat ng uri ng kamatayan. Ano ang dahilan ng kanilang kamatayan? Binitay ba sila nang naaayon sa batas para sa mga krimen nila? Hindi. Ipinapalaganap nila ang ebanghelyo ng Panginoon, pero hindi ito tinanggap ng mga tao ng mundo, at sa halip ay kinondena, binugbog, at pinagalitan sila, at pinatay pa nga sila—ganyan kung paano sila minartir. … ganito namatay ang kanilang mga katawan at sumakabilang-buhay; ito ang paraan nila ng paglisan sa mundo ng tao, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ganoon din ang kanilang kinalabasan. Anuman ang paraan ng kanilang kamatayan at paglisan o kung paano man ito naganap, hindi ito ang paraan ng Diyos sa pagtukoy sa pangwakas na mga kinalabasan ng mga buhay na iyon, ng mga nilikhang iyon. Ito ay isang bagay na dapat mong malinaw na makita. Sa kabaligtaran, ginamit nila mismo ang mga kaparaanang iyon upang kondenahin ang mundong ito at upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos. Ginamit ng mga nilikhang ito ang kanilang napakahalagang buhay—ginamit nila ang huling sandali ng kanilang buhay upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, upang magpatotoo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at upang ipahayag kay Satanas at sa mundo na tama ang mga gawa ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay Diyos, na Siya ang Panginoon, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kahit hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, hindi nila kailanman itinatwa ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi ba ito isang anyo ng paghatol sa mundong ito? Ginamit nila ang kanilang mga buhay upang ipahayag sa mundo, upang tiyakin sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, na ang Panginoong Jesus ay Cristo, na Siya ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, na ang gawain ng pagtutubos sa buong sangkatauhan na ginawa Niya ay nagpapahintulot sa sangkatauhang ito na patuloy na mabuhay—hindi nagbabago ang katunayang ito magpakailanman. Yaong mga naging martir dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus, hanggang sa anong punto nila tinupad ang kanilang tungkulin? Hanggang sa pinakahuling punto ba? Paano naipakita ang pinakahuling punto? (Inialay nila ang kanilang buhay.) Tama iyan, buhay nila ang kanilang naging kabayaran. Pawang panlabas na mga bagay ang pamilya, kayamanan, at ang materyal na mga bagay sa buhay na ito; ang tanging bagay na may kaugnayan sa sarili ay ang buhay. Sa bawat nabubuhay na tao, ang buhay ang bagay na pinakakarapat-dapat na pakaingatan, ang pinakamahalagang bagay at, sa katunayan, nagawa ng mga taong ito na ialay ang pinakamahalagang pagmamay-ari nila—ang buhay—bilang patunay at patotoo sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Hanggang sa araw na sila ay mamatay, hindi nila itinatwa ang pangalan ng Diyos, at hindi rin nila itinatwa ang gawain ng Diyos, at ginamit nila ang kanilang mga huling sandali ng buhay upang magpatotoo sa pag-iral ng katunayang ito—hindi ba ito ang pinakamataas na anyo ng patotoo? Ito ang pinakamahusay na paraan ng pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin; ito ang pagtupad sa kanyang pananagutan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Pagkatapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na palagi akong namumuhay sa kahinaan ng loob at takot pangunahin na dahil sobra-sobra kong pinahahalagahan ang buhay ko at natatakot akong maaaresto ako at mamamatay sa pambubugbog. Ang takot sa kamatayan ang nakamamatay kong kahinaan. Ngayon, hindi ako naaresto pero sa sobrang tindi ng takot ko ay ni hindi ko maipagpatuloy ang paggawa sa tungkulin ko. Kung maaaresto ako, lalo pa akong hindi makakapanindigan, at maaaring anumang oras ay maipagkanulo ko ang Diyos. Kung palagi akong matatakot na maaresto, at palagi kong ipagpapatuloy ang pamumuhay sa ganitong paraan, maghahangad lang na iligtas ang sarili ko, gaya ng tingin ng Diyos, ano ang pagkakaiba ko sa mga patay? Naisip ko ang mga taong iyon na naging mga Hudas. Mga sakim sila sa buhay at takot na mamatay. Para manatiling buhay, hindi sila nag-atubiling ipagkanulo ang mga kapatid nila at ipagkanulo ang Diyos. Naging marka sila ng kahihiyan. Ano ang ibig sabihin ng pamumuhay nang ganito? Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang sinumang mag-ibig iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa Akin ay makakasumpong niyaon(Mateo 16:25). Inusig ang mga apostol na sumunod sa Panginoong Jesus dahil sa pagpapakalat sa ebanghelyo ng Diyos. Ang ilan ay pinaghati-hati ng limang kabayo, ang ilan ay pinagbabato hanggang sa mamatay, at si Pedro ay ipinako nang patiwarik sa krus para sa Diyos. Ginamit nila ang mga buhay nila para magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos. Sa panlabas, patay na ang laman nila, pero ang mga kaluluwa nila ay bumalik sa Diyos. Sa mga huling araw, maraming kapatid ang naaresto ng CCP dahil sa pagpapakalat ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, at sumailalim sa iba’t ibang pagpapahirap. Kahit na mamatay sila sa pambubugbog o mabaldado, hindi nila itinatwa ang Diyos. Ito ang pagdanas ng pag-uusig para sa katuwiran. Ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang bagay. Kumpara sa kanila, talagang nahiya ako. Kailangan kong gawin ang tungkulin ko sa gitna ng pag-uusig at kapighatian. Kahit na maaresto ako ng CCP at mamatay sa pambubugbog o mabaldado, magiging pagdurusa iyon para sa katuwiran, at kung mamamatay ako, magiging kamatayan ito na may kaluwalhatian.

Noong Hunyo 2024, nakatanggap ako ng isang sulat: Sinabi ng isang sister na naaresto at kalaunan ay pinakawalan na noong kinuwestyon siya ng mga pulis, ang nilalaman nito ay pawang tungkol sa mga detalye ng paggawa namin ng tungkulin namin noong nakaraang taon. Naisip ko, “Kung ganoon kadetalyado ang interogasyon ng CCP, determinado silang mahanap kami anuman ang kailangan nilang gawin. Gusto nilang arestuhin ang bawat isa sa amin!” Hindi ko mapigilang medyo kabahan. “Ngayon, sinusubukan pa rin kaming arestuhin ng CCP. Isa akong superbisor—isa ako sa mga pinaka-pinaghahanap nilang tao. Sa sandaling maaresto ako ng mga pulis, siguradong bubugbugin nila ako hanggang sa nasa bingit na ako ng kamatayan. Kung mamamatay ako sa pambubugbog, hindi na ako magkakaroon ng anumang pagkakataong magawa ang tungkulin ko. Paano na ako makapaghahangad ng katotohanan at makapagtatamo ng kaligtasan kapag nagkagayon?” Napagtanto kong iniisip ko na naman ang sarili kong mga interes. Naalala ko ang eksena sa dulo ng pelikulang Isang Mapanganib na Paglalakbay para sa Pag-eebanghelyo. Tinutugis ng CCP ang bida hanggang sa huli. Gayumpaman, nangaral pa rin siya ng ebanghelyo at nagpatotoo sa Diyos. Nang maalala ko ang eksenang ito at ang kanta sa dulo ng pelikula, sobrang nabigyang-inspirasyon ang puso ko. Dahil iniutos ng Diyos na sumampalataya ako sa Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, dapat akong magkaroon ng determinasyong magdusa. Dapat akong maging handang ibuwis ang buhay ko, kung hindi ay hindi ko maipagpapatuloy ang pagtahak sa landas na ito. Anumang uri ng kapaligiran ang kailanganin kong harapin sa susunod, dapat kong tuparin ang tungkulin ko sa lahat ng pagkakataon. Kalaunan, magkahiwalay kaming kumilos ng sister na katrabaho ko. Nakipagbahaginan kami sa mga kapatid namin kung paano gagawa ng mga hakbang ng pag-iingat, at, habang binibigyang-pansin ang seguridad, nagpursige pa rin kami sa paggawa ng mga tungkulin namin. Sa pagbabalik-tanaw sa nakaraang taon o higit pa, nang tugisin ako ng CCP at kailanganin kong tumakas kung saan-saan, kahit na nakaranas ako ng kaunting pagdurusa at pagpipino, ang nakamit ko naman ay isang bagay na hindi ko makakamit sa isang komportableng kapaligiran. Tulad lang ito ng sinasabi ng Diyos: “Sabihin mo sa Akin, sino sa bilyon-bilyong tao sa mundo ang labis na pinagpala na makarinig ng napakaraming salita ng Diyos, na makaunawa ng napakaraming katotohanan ng buhay, at makaunawa ng napakaraming misteryo? Sino sa kanila ang personal na nakakatanggap ng patnubay ng Diyos, ng panustos ng Diyos, ng Kanyang pag-aalaga at proteksyon? Sino ang lubos na pinagpala? Iilan-ilan lamang. Kaya naman, dahil kayong kakaunti ay nakakapamuhay sa sambahayan ng Diyos ngayon, nakakatanggap ng Kanyang kaligtasan, at nakakatanggap ng Kanyang panustos, nagiging sulit ang lahat kahit pa mamatay kayo ngayon din. Kayo ay labis na pinagpala, hindi ba? (Oo.) Kung titingnan ito mula sa perspektibang ito, hindi dapat matakot nang sobra ang mga tao sa usapin ng kamatayan, at hindi rin sila dapat malimitahan nito. Kahit na hindi mo pa natatamasa ang anuman sa kaluwalhatian at kayamanan ng mundo, natanggap mo naman ang habag ng Lumikha at narinig ang napakaraming salita ng Diyos—hindi ba’t kasiya-siya ito? (Oo.) Ilang taon ka mang mabuhay sa buhay na ito, lahat ito ay sulit at wala kang pagsisisihan, dahil palagi mong ginagampanan ang iyong tungkulin sa gawain ng Diyos, naunawaan mo ang katotohanan, naunawaan mo ang mga misteryo ng buhay, at naunawaan mo ang landas at mga layunin na dapat mong hangarin sa buhay—napakarami mo nang natamo! Namuhay ka nang makabuluhan! Kahit pa hindi mo ito maipaliwanag nang napakalinaw, nakapagsasagawa ka ng ilang katotohanan at nagtataglay ka ng kaunting realidad, at iyon ay nagpapatunay na mayroon ka nang natamong ilang panustos sa buhay at naunawaang ilang katotohanan mula sa gawain ng Diyos. Napakarami mo nang natamo—napakasagana nito—at iyon ay isang napakalaking pagpapala! Sa buong kasaysayan ng tao, walang sinuman sa lahat ng kapanahunan ang nakatamasa ng pagpapalang ito, ngunit natatamasa ninyo ito. Handa na ba kayong mamatay ngayon? Kung may gayong kahandaan, ang inyong saloobin sa kamatayan ay magiging tunay na mapagpasakop, tama ba? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (4)). Naisip ko kung gaano ako katiwali, pero ngayon, sapat pa rin akong mapalad na sumunod sa Diyos, at sapat akong mapalad na maranasan ang pag-uusig at kapighatian sa bansa ng malaking pulang dragon at matanggap ang pagsasanay ng kaharian ng Diyos. Ito ang pinakamalaking pagpapala ko. Sa pagbubunyag ng kapaligirang ito, malinaw kong nakita ang tunay kong tayog, at medyo nabago ko ang pananaw ko sa paghahangad sa mga pagpapala at sa maling landas na tinatahak ko sa pananampalataya sa Diyos. Pagpapala ito ng Diyos sa akin. Nang mag-isip ako sa ganitong paraan, napaluha ako sa pagpapasalamat. Hindi ko alam kung anong mga salita ang gagamitin para ipahayag ang mga damdamin ko sa sandaling iyon. Paulit-ulit lang akong nagpapasalamat sa Diyos sa puso ko. Ngayon, kahit gaano pa kapanganib ang kapaligiran o magkakaroon man ako ng magandang kalalabasan o hantungan sa hinaharap, handa akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at tuparin ang tungkulin ko.

Sinundan:  95. Paano Tratuhin ang mga Magulang Alinsunod sa Layunin ng Diyos

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger