25. Mga Pagninilay Matapos Akuin ang Responsabilidad at Magbitiw sa Puwesto

Ni Li Xue, Tsina

Noong 2021, napili ako bilang lider ng iglesia. Dahil palagi akong gumagawa ng mga gawaing may iisang gampanin noon, hindi ako masyadong pamilyar sa kabuuang gawain ng iglesia, kaya nag-alala ako na kung hindi ko ito magagawa nang maayos ay matatanggal ako, at talagang magiging kahiya-hiya ito. Pero naisip ko, “Anumang tungkulin ang ginagawa natin sa bawat yugto ay nauna nang tinukoy ng Diyos, dahil pinili ako ng mga kapatid bilang lider, nangangahulugan ba iyon na tingin nila ay magagawa ko ang gampanin?” Kaya nagpasya akong tanggapin at subukan iyon sa pamamagitan ng pagsasanay. Kalaunan, nang kami ng kapareha kong sister na si Zhou Yun ay naghahatian na ng mga gampanin, pinili ko ang kaunting gampanin na medyo may kakayanan akong gawin, iniisip na kung magsisikap ako, magagawa ko nang maayos ang trabaho. Hindi nagtagal, panahon na para ibuod ang gawain, at napagtanto ko na maraming detalye ang mga gawain na hindi ko pa naaarok, at sa pagkatapos niyon, ginusto kong pangasiwaan ang gawain sa mas tiyak na paraan. Pero nang subukan ko na ngang gawin ito, nalaman ko na hindi ito kasingsimple ng akala ko, at maraming problema at paghihirap na ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Naisip ko, “Halos dalawang buwan ko nang ginagawa ang tungkuling ito, at napakarami pa ring gawaing hindi ko pa natatapos nang maayos. Sasabihin ba ng nakatataas na lider na wala akong kakayahan sa gawain para pangasiwaan ang tungkuling ito?” Habang mas iniisip ko ito, mas tumitindi ang pressure na nararamdaman ko, kaya ninais kong kausapin ang nakatataas na lider para pagawain na lang ako ng gawaing may iisang gampanin. Sa ganoong paraan, kahit paano ay hindi ako magmumukhang napakawalang kakayahan. Kaya sinabi ko sa lider, “Pakiramdam ko ay mahina ang kakayahan ko, at hindi ako akma para mamuno sa gawain ng iglesia. Sa halip, mas gusto ko sanang gumawa na lang ng gawaing may iisang gampanin lang.” Sinabi ng lider, “Normal lang na makaramdam ka ng pressure kapag nagsisimula ka pa lang gumawa, bubuti ang pakiramdam mo tungkol dito pagkatapos mong magsanay nang ilang panahon.” Nang marinig kong sinabi ito ng lider, naisip ko, “Hindi pa lang pala ako nakapagsanay nang matagal kaya ganito. Kung magsasanay ako nang mas mahabang panahon pa at magsusumikap nang kaunti, magagawa ko ba nang maayos ang gawain?” Pagkatapos, patuloy kong ibinuhos ang sarili ko sa aking tungkulin, natututo kay Zhou Yun kapag nahaharap sa bagay na hindi ko nauunawaan. Unti-unti, nagawa kong maarok ang ilan sa gawain.

Noong Hunyo 2022, itinalaga si Zhou Yun sa ibang tungkulin, at napunta ang gawain ng iglesia sa akin at sa bagong napiling lider, si Sister Wu Fan. Pero hindi ako masyadong pamilyar sa gawain na pinangasiwaan ni Zhou Yun, at dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Wu Fan noong panahong iyon, karamihan ng gawain ay napunta sa akin, at nakaramdam ako ng napakatinding pressure. Dahil wala akong maraming kasanayang propesyonal, sa mga pagtitipon, nagagawa ko lang makipagbahaginan sa mga kapatid para malutas ang ilan sa mga kalagayan nila, pero hindi ko tinutugunan ang mga problema at paglihis na lumilitaw sa kanilang gawain. Isang beses nang dumalo ako sa isang pagtitipon, sinabi ng mga kapatid, “Noong nandito si Zhao Yun sa mga pagtitipon, kapag nagkakaproblema kami sa gawain namin, tinitingnan talaga niya ang mga dahilan at nilulutas ang mga problema, pero kapag dumarating ka sa mga pagtitipon, nilulutas mo lang ang mga kalagayan at bihira mo kaming tulungan na suriin at ibuod ang gawain namin. Humaharap kami sa mga paghihirap dahil nakakaapekto sa mga kalagayan namin ang mahinang paggampan namin sa aming gawain.” Pagkatapos ay nirekomenda ng mga kapatid na panoorin ko ang video ng patotoong batay sa karanasan na: Kung Paano Ako Naging Isang Huwad na Lider. Naisip ko, “Sinasabi nilang hindi ako kasinggaling ni Zhou Yun; hindi kaya iniisip nila na wala akong anumang kakayahan sa gawain at sinisimulan na nilang kilatisin ako? Iuulat ba nila ako? Ang pangkalahatang resulta ng gawain ng iglesia ay hindi ganoon kahusay nitong nakakaraan, at kung mauwing iulat nga talaga ako, at tingnan ng nakatataas na lider ang gawain, siguradong sasabihin niya na mahina ang kakayahan ko at na wala pa rin akong kakayahang pangasiwaan ang gawain matapos ang gayon kahabang panahon. Kung dumating sa punto na iulat at tanggalin ako, magiging sobrang nakakahiya iyon. Mas mabuting akuin ko na lang ang responsabilidad at magbitiw sa puwesto nang maaga, at sa ganoong paraan, kahit paano ay makapagpapakita ako ng kaunting kamalayan sa sarili.” Noong panahong iyon, paminsan-minsang pumapasok sa isip ko ang ideya na akuin ang responsabilidad at magbitiw sa puwesto. Isang araw, aksidente kong narinig na tinatalakay nina Wu Fan at ng nakatataas na lider ang ilang paglihis sa aking gawain. Naisip ko sa sarili ko, “Iniisip ba nila na wala rin akong kakayahan at kakayanang gumawa?” Pagkatapos, naisip ko kung paanong wala pang ibinubungang anumang resulta ang gawain nitong nakaraan, pati na ang mga bagay na sinabi ng mga kapatid tungkol sa akin, kaya nagsulat ako ng liham ng pagbibitiw.

Matapos ipadala ang liham, nabalisa ako. Nanalangin ako sa Diyos at naghanap kung naaayon ba sa mga prinsipyo ang pagbibitiw ko sa puwesto. Kalaunan, nabasa ko na sa “Ang mga Prinsipyo sa Pag-ako ng Responsabilidad at Pagbibitiw sa Puwesto,” sinasabi roon na: “(1) Sinumang huwad na lider o manggagawa na hindi tumatanggap sa katotohanan, hindi kayang gumawa ng praktikal na gawain, at sa ilang panahon ay nagkulang sa gawain ng Banal na Espiritu, ay dapat managot at magbitiw sa puwesto; (2) Sinumang tumatangging magpalabas at magsakatuparan ng mga kaayusan ng gawain o sermon at pagbabahagi, at hinahadlangan ang mga hinirang ng Diyos na mapangunahan at mapastol mula sa Nakatataas, ay dapat managot at magbitiw sa puwesto; (3) Sinumang lumalabag sa mga kaayusan ng gawain at tinatakbuhan ang kanyang pananagutan, na nakapagdudulot ng matinding kawalan at sakuna sa gawain ng bahay ng Diyos at sa Kanyang mga hinirang, ay dapat managot at magbitiw sa puwesto” (170 Mga Prinsipyo ng Pagsasagawa ng Katotohanan, 65. Ang mga Prinsipyo sa Pag-ako ng Responsabilidad at Pagbibitiw sa Puwesto). Nakita ko na nasa prinsipyo na akuin ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad at magbitiw sa puwesto. Ang mga lider at manggagawa na hindi makagawa ng tunay na gawain, na hindi nagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain o humahadlang sa gawain, at nagdudulot ng malalaking kawalan sa gawain ng sambahayan ng Diyos ay dapat umako ng responsabilidad at magbitiw sa puwesto. Sa pagsuri ko sa aking sarili gamit ang mga prinsipyo, nakita ko na noong panahon ko bilang lider, bagaman medyo mahihina ang mga resulta ko, hindi ko inantala o hinadlangan ang pag-unlad ng gawain, at hindi ako ganap na walang kakayahan sa paggawa ng tunay na gawain. Gaya noong nahadlangan ang gawain ng pagdidilig, sa pamamagitan ng paghahanap at pagbabahaginan ko, napabuti nang bahagya ang mga kalagayan ng mga baguhan na dinidiligan, at sinimulan nilang gawin ang kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya. Minsan, dahil sa kawalan ko ng kakayahang makilatis ang mga problema, naipapatupad ang gawain na hindi maayos na naisakatuparan, o kaya ay nagkakaroon ng mga paglihis. Gayumpaman, sa paghahanap ng mga kaugnay na prinsipyo, nagawa kong baguhin ang sitwasyon, at hindi ko nagambala o nagulo ang gawain ng iglesia. Bukod pa rito, hindi pa ako naging lider o manggagawa noon, at hindi ko naunawaan ang mga prinsipyong kasangkot sa iba’t ibang gampanin, ngunit sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasanay, unti-unti kong naarok ang ilang prinsipyo at nagawang tukuyin ang ilang problema. Kahit hindi masusi ang mga solusyon ko, hindi ako ganap na walang kakayahang gumawa ng tunay na gawain. Sa paghatol sa pamamagitan ng mga prinsipyo, nakita ko na hindi ko pa naabot ang punto kung saan dapat kong akuin ang responsabilidad at magbitiw sa puwesto. Kaya, naghanap ako at nagnilay-nilay, tinatanong ang sarili ko, “Bakit ba nang maharap ako sa mga bagay na ito ay hindi ko hinanap ang katotohanan o ibinuod ang mga dahilan ng kawalan ng resulta sa gawain ko, kundi naramdaman kong kailangan kong akuin ang responsabilidad at magbitiw sa puwesto?” Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Sa halip na hanapin ang katotohanan, karamihan sa mga tao ay may kani-kanilang sariling mga adyenda. Napakahalaga para sa kanila ng sarili nilang mga interes, reputasyon, at ang posisyon o katayuang pinanghahawakan nila sa isip ng ibang tao. Ang mga bagay na ito lamang ang pinakaiingat-ingatan nila. Napakahigpit ng pagkapit nila sa mga bagay na ito at itinuturing ang mga ito bilang kanilang sariling buhay. At hindi gaanong mahalaga sa kanila kung paano sila ituring o itrato ng Diyos; sa ngayon, binabalewala nila iyon; sa ngayon, isinasaalang-alang lamang nila kung sila ang namumuno sa grupo, kung mataas ba ang tingin sa kanila ng ibang tao, at kung matimbang ba ang kanilang mga salita. Ang una nilang inaalala ay ang pag-okupa sa posisyong iyon. Kapag sila ay nasa isang grupo, ang ganitong uri ng katayuan, at ganitong mga uri ng oportunidad ang hanap ng halos lahat ng tao. Kapag masyado silang talentado, siyempre gusto nilang maging pinakamataas sa grupo; kung medyo may abilidad naman sila, gugustuhin pa rin nilang humawak ng mas mataas na posisyon sa grupo; at kung mababa ang hawak nilang posisyon sa grupo, pangkaraniwan lamang ang kakayahan at mga abilidad, gugustuhin din nilang maging mataas ang tingin sa kanila ng iba, hindi nila gugustuhing maging mababa ang tingin sa kanila ng iba. Sa reputasyon at dignidad nagtatakda ng limitasyon ang mga taong ito: Kailangan nilang panghawakan ang mga bagay na ito. Maaaring wala silang integridad, at hindi nila taglay ang pagsang-ayon ni pagtanggap ng Diyos, pero hinding-hindi maaaring mawala sa kanila ang respeto, katayuan, o paggalang na hinahangad nila mula sa iba—na siyang disposisyon ni Satanas. Pero walang kamalayan ang mga tao tungkol dito. Ang paniniwala nila ay dapat silang kumapit sa kapirasong reputasyong ito hanggang sa pinakahuli. Wala silang kamalay-malay na kapag ganap na tinalikdan at isinantabi ang mga walang kabuluhan at mabababaw na bagay na ito saka lamang sila magiging totoong tao. Kung iniingatan ng isang tao ang mga bagay na ito na dapat iwaksi bilang buhay, mawawala ang kanyang buhay. Hindi nila alam kung ano ang nakataya. Kaya, kapag kumikilos sila, lagi silang may reserbasyon, lagi nilang sinusubukang protektahan ang sarili nilang reputasyon at katayuan, inuuna nila ang mga ito, nagsasalita lamang para sa kanilang sariling kapakinabangan, upang huwad na ipagtanggol ang kanilang sarili. Lahat ng ginagawa nila ay para sa kanilang sarili(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Isinisiwalat ng Diyos na ang pagpapahalaga sa reputasyon at katayuan ng isang tao nang higit sa kanyang buhay ay nagbubunyag ng isang satanikong disposisyon. Sa pagninilay-nilay, napagtanto ko na ang pangunahing dahilan kaya gusto kong magbitiw sa puwesto ay upang protektahan ang reputasyon at katayuan ko, at dahil labis kong inaalala ang aking katayuan. Noong hindi epektibo ang gawain at tinukoy ng mga kapatid ang mga paglihis at problema sa gawain ko, natakot ako na sabihin nilang isa akong huwad na lider, at na humahawak ako ng isang posisyon nang walang ginagawang tunay na gawain. Ayaw kong matahin ako ng iba at sabihang hindi magaling, kaya para protektahan ang aking reputasyon at katayuan, ginusto kong ganap na lumayo, upang kahit paano ay makita ng mga kapatid na may kaunti pa rin akong kamalayan sa sarili, sa gayon ay mapapanatili ang huling piraso ng dignidad ko. Sa katunayan, totoo ang mga paglihis at pagkukulang sa mga tungkulin ko na tinukoy ng mga kapatid, at tinutulungan nila ako habang pinoprotektahan din ang gawain ng iglesia, pero hindi ko ito tinanggap sa isang positibong paraan. Sa halip, ipinagpalagay ko na iniisip nilang mahina ang kakayahan ko at wala akong mga kakayanan sa gawain, at mas ikinatakot ko pa nga na sabihin nilang isa akong huwad na lider na hindi kayang gumawa ng tunay na gawain, at mangangahulugan ito na hindi ko na kakayaning ipakita pa muli ang mukha ko. Kaya mas ginusto kong magbitiw sa puwesto kaysa mapahiya at mawalan ng katayuan. Bagaman kaugnay sa kawalan ko ng kakayahang gumawa ang mahihinang resulta sa gawain ko, hindi ito ang pangunahing dahilan ng kagustuhan kong magbitiw sa puwesto. Ang pangunahing rason ay dahil nakita ko na hindi ko nagawa nang maayos ang gawain ko at napahiya ako sa harap ng mga kapatid, kaya mas ginusto kong isuko ang mga tungkulin at responsabilidad ko kaysa masira ang imahe at katayuan ko sa puso ng iba. Napagtanto ko na pinahahalagahan ko ang reputasyon ko nang higit kaysa sa mga tungkulin ko at sa katotohanan, at na kung hindi ko babaguhin ang kalagayan kong ito, mauuwi akong walang makakamit na anuman!

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Lubhang mahalaga kung paano mo dapat ituring ang mga atas ng Diyos. Isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensiya at dapat mong tanggapin ang iyong kaparusahan. Ganap na likas at may katwiran na tapusin ng mga tao ang mga atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung kaswal mo lang na tinatrato ang mga atas ng Diyos, ito ay isang napakalubhang pagkakanulo sa Diyos. Dito, mas kasuklam-suklam ka kaysa kay Hudas, at dapat kang sumpain. Dapat matamo ng mga tao ang lubos na pagkaunawa sa kung paano tatratuhin ang mga atas ng Diyos at kahit papaano, dapat nilang maunawaan: ang pagkakatiwala ng Diyos sa tao ng mga atas ay ang Kanyang pagtataas sa tao, ang Kanyang espesyal na pagpapakita ng biyaya sa tao, ito ang pinakamaluwalhati sa lahat ng bagay, at ang lahat ng iba pang bagay ay maaaring abandonahin—maging ang sariling buhay ng isang tao—pero dapat makompleto ang mga atas ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Pinag-isipan ko nang paulit-ulit ang mga salita ng Diyos. Naglalaman ang mga salitang ito ng paghatol, at nakaramdam ako ng pagkabalisa at pagkakonsensiya. Para protektahan ang aking reputasyon at katayuan, inako ko ang responsabilidad at nagbitiw ako sa puwesto, at inisip ko pa nga na mayroon akong kamalayan sa sarili, pero sa mga mata ng Diyos, ang kalikasan nito ay pagkakanulo. Binigyan ako ng iglesia ng pagkakataong maging isang lider para protektahan ko ang gawain ng iglesia, at kasabay niyon, upang isagawa ko ang pagpasok sa iba’t ibang aspekto ng katotohanan. Ito ay pagtataas sa akin ng Diyos at isang pasanin din na ibinigay Niya sa akin. Kung mayroon akong kahit katiting na pagkatao at katwiran, at may-takot-sa-Diyos na puso, hindi ko sana ginustong magbitiw sa puwesto at ipagkanulo ang Diyos, at gaano man kahirap ang gawain, mananalangin lang ako at aasa sa Diyos, gagawin ang pinakamakakaya ko para tuparin ang mga responsabilidad ko ayon sa kakayahan ko, at kahit papaano man lang, hindi ko hahayaang maapektuhan ang gawain ng iglesia. Pero nang maharap ako sa mga paghihirap sa aking tungkulin at maapektuhan ang gawain, hindi lang ako nabigong protektahan ang gawain ng iglesia, umurong din ako. Alam na alam ko na bagong lider pa lang si Wu Fan at hindi siya pamilyar sa gawain, at marami pang hindi nalutas na isyu sa gawain ng iglesia, pero pinili ko pa ring magbitiw sa puwesto, nakita ko na nawalan ng silbi ang aking konsensiya. Nang mapagtanto ito, nanalangin ako nang nagsisisi sa Diyos, “O Diyos, ayaw ko nang mabuhay ayon sa aking tiwaling disposisyon. Anumang hirap ang makatagpo ko sa aking mga tungkulin, ayaw ko nang magbitiw sa puwesto, at hangga’t kaya kong gawin ang tungkuling ito, handa akong umasa sa Iyo para magawa ito nang maayos.”

Pagkatapos niyon, sinimulan kong maghanap ng mga solusyon batay sa aking mga pagkukulang. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Bilang isang lider, matapos isaayos ang gawain, dapat mong subaybayan ang pag-usad ng gawain. Kahit hindi ka pamilyar sa larangang iyon ng gawain—kahit wala kang anumang kaalaman tungkol dito—makakahanap ka ng paraan para magawa ang gawain mo. Makakahanap ka ng isang taong tunay na nakakaarok dito, na nakakaunawa sa naturang propesyon, para magsuri at magbigay ng mga mungkahi. Mula sa kanilang mga mungkahi matutukoy mo ang angkop na mga prinsipyo, kaya magagawa mong subaybayan ang gawain. Pamilyar ka man o hindi o nauunawaan mo man o hindi ang propesyong pinag-uusapan, sa pinakamababa ay kailangan mong pangunahan ang gawain, subaybayan ito, at patuloy na mag-usisa at magtanong tungkol sa pag-usad nito. Kailangan mong magkaroon ng pagkaintindi tungkol sa gayong mga bagay; ito ang responsabilidad mo, bahagi ito ng iyong trabaho(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (4)). Ibinahagi ng Diyos ang isang napakatiyak na landas ng pagsasagawa sa kung paano dapat gumawa ng tunay na gawain ang mga lider at manggagawa. Kailangan ng mga lider at manggagawa na aktuwal na makibahagi sa gawain, tingnan ang mga dahilan kung bakit hindi epektibo ang gawain ng mga kapatid, makisali sa mga talakayan upang humanap ng mga solusyon, at hindi lang ipatupad ang gawain o magbigay ng simpleng pagbabahaginan sa mga isyu na natatagpuan nila at ikonsiderang tapos na iyon doon. Kailangan din nilang tukuyin ang mga dahilan sa likod ng mga isyung ito at magsubaybay nang detalyado. Kung ito ay isang isyu sa mga kalagayan ng mga kapatid, kailangan nilang aktuwal na magbahagi ng katotohanan para lutasin ito, at kung ito ay isyu sa kasanayan, kailangan nilang magbuod at mag-aral kasama ang mga kapatid upang makahanap ng mga solusyon. Noon, inakala ko na hindi ko naunawaan ang gawaing nauugnay sa kasanayang propesyonal, at na sapat na ang makipagbahaginan para lutasin ang mga kalagayan ng mga kapatid, pero ngayon, napagtanto ko na ito ay isang paglihis, dahil ang simpleng pakikipagbahaginan sa mga kalagayan ay hindi makalulutas ng mga aktuwal na problema, at hindi pa rin magkakaroon ng anumang resulta ang gawain. Hinihingi nito na gumawa ang mga lider at manggagawa nang may pagkakasundo kasama ang mga kapatid para humanap ng mga solusyon, at humanap ng mga kaugnay na prinsipyo upang mapagbahaginan at mapasok ang mga ito nang magkakasama. Nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, bumuti ang aking kalagayan. Binahaginan at tinulungan din ako ng nakatataas na lider sa mga sumunod na araw, at sa huli, hindi sinang-ayunan ng iglesia ang aking pagbibitiw sa puwesto. Nang makita ko kung paanong naging napakamapaghimagsik ko pero binigyan pa rin ako ng isang pagkakataon ng sambahayan ng Diyos, naramdaman ko ang malalim na pagkakautang ko sa Diyos, at handa akong baguhin ang aking dating ugali patungkol sa tungkulin ko at magsimulang gumawa nang maayos. Mula noon, kapag may mga isyu na lumilitaw sa gawain, tatalakayin at pag-uusapan namin ito ng mga kapatid, at kung ito ay isang isyu sa kasanayan, isasangguni at hihingi ako ng mga mungkahi mula sa mga kapatid, at hahanap din talaga ako ng mga prinsipyo at kaugnay na propesyonal na kaalaman upang matuto ako hinggil sa mga paghihirap sa aking tungkulin. Matapos ang ilang panahon, medyo napabuti ang mga resulta ng mga kapatid sa kanilang mga tungkulin.

Kalaunan, sa pakikipagbahaginan sa mga kapatid, nagkamit ako ng kaunting mas malalim na pagkaunawa sa mga dahilan kung bakit ginusto kong magbitiw sa puwesto. Binasa ko ang ilang salita ng Diyos: “Huwag hayaan ang sinuman na isipin na ang kanyang sarili ay perpekto, bantog, marangal, o namumukod-tangi sa iba pa; ang lahat ng ito ay dulot ng mapagmataas na disposisyon at kamangmangan ng tao. Ang palaging pag-iisip na katangi-tangi ang sarili—ito ay sanhi ng isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagagawang tanggapin ang kanyang mga pagkukulang, at hindi kailanman nagagawang harapin ang kanyang mga pagkakamali at pagkabigo—dulot ito ng isang mapagmataas na disposisyon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). “Madalas na ganito ang mga mapagmataas at mapagmagaling na tao. Sinasabi ng Diyos na huwag kainipan ang mga solusyon, sinasabi Niyang hanapin ang katotohanan at kumilos nang may mga prinsipyo, pero hindi isinasaalang-alang nang mabuti ng mga mapagmataas at mapagmagaling na tao ang mga hinihinging ito ng Diyos. Sa halip, ipinagpipilitan nilang subukang isakatuparan ang mga bagay sa isang bugso ng lakas at enerhiya, na gawin ang mga bagay sa maayos at magandang paraan, at higitan ang iba sa isang kisap-mata. Gusto nilang maging superman at ayaw nilang maging ordinaryong tao. Hindi ba’t sumasalungat ito sa mga batas ng kalikasan na inilatag ng Diyos para sa tao? (Oo.) Halata namang hindi sila mga normal na tao. Wala silang normal na pagkatao, at masyado silang mapagmataas. Binabalewala nila ang mga hinihingi na nasa saklaw ng normal na pagkatao na inilatag ng Diyos para sa sangkatauhan. Binabalewala nila ang mga pamantayan na maaaring maabot ng mga taong may normal na pagkatao na itinakda ng Diyos para sa sangkatauhan. Samakatwid, hinahamak nila ang mga hinihingi ng Diyos at iniisip na, ‘masyado namang mababa ang mga hinihingi ng Diyos. Paanong magiging normal na tao ang mga mananampalataya sa Diyos? Dapat mga katangi-tangi silang mga tao, mga indibidwal na nangingibabaw at nakahihigit sa mga regular na tao. Dapat mga dakila at bantog silang tao.’ Binabalewala nila ang mga salita ng Diyos, iniisip na bagamat tama at katotohanan ang mga salita ng Diyos, masyadong karaniwan at ordinaryo lang ang mga ito, kaya hindi nila pinapansin ang Kanyang mga salita at hinahamak nila ang mga ito. Pero sa mga normal at ordinaryong salitang ito mismo na lubhang hinahamak ng mga diumano’y superman at dakilang tao, itinuturo ng Diyos ang mga prinsipyo at landas na dapat sundin at isagawa ng mga tao. Lubhang tapat, obhetibo, at praktikal ang mga salita ng Diyos. Hindi talaga mataas ang hinihingi ng mga ito sa mga tao. Lahat ng ito ay mga bagay na kaya at dapat makamit ng mga tao. Hangga’t may kaunting normal na katwiran ang mga tao, hindi sila dapat mag-alangan, sa halip ay dapat nilang tanggapin ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan nang matatag, gampanang mabuti ang kanilang mga tungkulin, mamuhay sa harapan ng Diyos, at ituring ang katotohanan bilang prinsipyo ng kanilang pag-uugali at mga kilos. Hindi sila dapat maging sobrang ambisyoso(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pagnanais kong magbitiw sa puwesto ay dahil sa aking mapagmataas na disposyon. Hindi ko inilagay ang sarili ko sa posisyon ng isang ordinaryong tao, at lumabis ang pagtingin ko sa aking sarili. Inisip ko na ang pagpili ng mga kapatid sa akin bilang lider ay nagpapahiwatig na positibo ang tingin ng lahat sa akin. Kaya ginusto kong gawin nang maayos ang mga tungkulin ko para patunayang mahusay ako, at magkamit ng mga papuri ng mga kapatid. Gayumpaman, nang hindi ko ito maabot, hindi ko maharap nang diretso ang mga pagkukulang at kakulangan ko, at lalong hindi ko kayang harapin nang tama ang mga kabiguan ko. Noong una akong maging lider, ginusto kong maging magaling sa gawain ko upang hangaan ako ng iba, pero matapos ang ilang panahon, hindi ko pa rin ganap na maarok ang mga prinsipyo, at patuloy na lumilitaw ang mga problema sa aking gawain. Kaya pakiramdam ko ay sobrang kulang ako. Lalo na nang maitalaga sa ibang tungkulin si Zhou Yun, nakita ko na sa kabila ng paggawa ng napakaraming gawain, puno pa rin ng mga isyu at paglihis ang gawain ko. Hindi lang hindi kinilala ng mga kapatid ang gawain ko, tinukoy maging ng mga lider ang aking mga paglihis at problema sa gawain ko. Naramdaman ko na kulang ang aking kapasidad at kakayahan sa gawain, kaya sumuko ako at sinubukang magbitiw sa puwesto. Nakita ko na masyadong mataas ang pagturing ko sa aking sarili, iniisip na bilang isang lider, hindi ako puwedeng mabigo o magkaroon ng mga paglihis sa aking mga tungkulin, kung hindi, hindi ko magagawa ang mga tungkulin ko ng pamumuno, na mangangahulugang nagpapasimula ako ng gulo at wala akong katwiran. Hindi maiiwasan na ang isang normal na tao ay may mga pagkukulang at mga bagay na hindi niya makakamit sa kanyang tungkulin, at ito ay ganap na normal sa paningin ng Diyos, dahil ang mga tao ay mga normal na tao lamang at hindi nila kayang lampasan ang saklaw ng normal na pagkatao na itinatag ng Diyos. Dati, gumawa lang ako ng gawain na may iisang gampanin at hindi ako nakisali sa kabuuang gawain ng iglesia, at sinamahan ng aking pangkaraniwang kakayahan, mabagal akong pumasok sa mga prinsipyo para sa iba’t ibang gampanin sa iglesia. Nangangahulugan ito na normal na magkaroon ng mga paglihis at kapintasan sa aking mga tungkulin. Nang tukuyin ito ng mga kapatid, ito ang mismong panahon na dapat pumasok ako sa mga prinsipyo, pero hindi ko ito tinrato nang tama, at sa tuwing may mga problema o paglihis na lumilitaw sa aking gawain, nakikita ko ang mga ito bilang mga pagtanggi ng mga kakayahan ko sa gawain. Habang pinagninilayan ang mga pag-uugaling ito, napagtanto ko na talagang mapagmataas at ignorante ako, at na masyadong mataas ang pagturing ko sa aking sarili. Ang pinakanakamamatay na kapintasan ko ay iyong napakamapagmataas ako, pero hindi ko kilala ang sarili ko. Binigyan ako ng mga kapatid ng gabay, pero hindi ko iyon tinanggap, at hindi ko talaga tiningnan ang sarili ko bilang isang ordinaryong tao. Nakita ko na ganap na wala akong katwiran.

Matapos ang ilang panahon, hindi gaanong naging maganda ang mga resulta ng gawaing pangvideo na responsabilidad ko, at tinukoy ng nakatataas na lider ang ilang isyu. Nang makita ko na nasiwalat ang mga problema sa gawain, naisip ko sa sarili ko, “Ano ang iisipin sa akin ng lider? Siguradong sasabihin niya na hindi ko kayang mangasiwa ng gawain ayon sa mga prinsipyo at na hindi ako gumawa ng tunay na gawain.” Pero hindi ko naramdaman na masyado akong nalimitahan, dahil naunawaan ko na ang pagsasabi sa akin ng lider ng mga kakulangan at pagkukulang sa aking mga tungkulin ay isang tulong sa akin upang magawa ko ang aking mga tungkulin nang maayos, kaya nagawa kong harapin nang tama ang mga bagay na ito. Kasunod niyon, pagdating sa mga isyu na binanggit ng lider, ako at ang mga kapatid ay magkakasamang nag-aral ng kaugnay na teknikal na kaalaman, at pagkatapos sinuri talaga namin at ibinuod ang mga problema sa mga video. Ang ganitong uri ng aktuwal na pagtutulungan ay nakatulong para ayusin ang ilang isyu at paglihis sa gawain, at nagkamit ang mga kapatid ng kaunting direksyon sa kanilang mga tungkulin. Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto ko na ang pag-iwas sa mga paghihirap ay hindi ang daan para malutas ang mga problema, na mahalagang hanapin ang katotohanan at matutuhang maarok ang mga prinsipyo, at na tanging sa paggawa lamang ng mga tungkuin ayon sa mga prinsipyo magkakaroon ng resulta sa gawain. Ngayon ay mas magaan na ang pakiramdam ko, at nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang paggabay!

Sinundan:  24. Isang Pagninilay-nilay Tungkol sa Pagtataas sa Aking Sarili at Pagpapakitang-gilas

Sumunod:  26. Bakit Hindi ako Makapagpasakop na Maitalaga sa Ibang Tungkulin

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger