31. Ang Pagpili ng Isang Punong-guro ng Paaralan

Ni Zhang Qing, Tsina

Ipinanganak ako sa isang karaniwang pamilya, at parehong magsasaka ang mga magulang ko. Dahil mahirap ang pamilya ko, diniskrimina at hinamak kami ng iba, kaya nagkaroon ako ng mga damdamin ng imperyoridad mula pa noong bata ako. Madalas akong turuan ng mga magulang ko na mag-aral nang mabuti para magtagumpay ako sa hinaharap, at para hindi ako matulad sa pamumuhay nila, iginugugol ang mga araw ko sa pag-aasikaso sa isang maliit na pitak ng lupa. Ipinasya kong magsikap para may marating ako, mangibabaw at magkaroon ng nakatataas na buhay.

Noong Hunyo 2012, pagkatapos magtapos, naging isa akong guro, pero dahil labis akong mapagkompetensiya, hindi ako naging kontento sa takbo ng buhay ko. Sa isang pulong, nakita kong mahusay na nagsasalita si Punong-Gurong Liu sa podyum. Tumalikod ako, at napansin kong maraming guro ang nakatingin kay Punong-Gurong Liu nang may inggit at paghanga sa mga mata nila. Naisip ko, “Mas mainam siguro kung ako ang nagsasalita sa podyum! Pero ngayon, isa lang akong karaniwang guro, isa lang sa marami, kaya kailangan kong magtrabaho nang husto at mas pagsikapan ang pagtuturo ko. Sa ganoong paraan, sa malao’t madali, magiging punong-guro din ako.” Sa mga sumunod na araw, walang kapaguran akong nagtrabaho, ginagamit pa nga ang oras ng pahinga ko para gumawa ng mga plano ng aralin at pag-aralan ang materyales sa pagtuturo, at kung may sinumang estudyante sa klase ko na nahihirapang arukin ang materyal, isasakripisyo ko ang oras ng tanghalian ko at mananatili hanggang gabi para turuan siya, hanggang sa maunawaan niya ito. Buong araw akong nagtatrabaho, araw at gabi, at araw-araw, sa sobrang pagod ko ay sumasakit na ang likod at baywang ko. Pag-uwi ko sa bahay, pagod na pagod ako, at bumabagsak na lang ako sa kama. Gusto ko talagang itigil ang trabaho ko at magpahinga, pero kapag naiisip ko si Punong-Gurong Liu na mahusay na nagsasalita sa podyum, at ang mga tingin ng inggit at paghanga mula sa mga guro, inuudyukan ko ang sarili ko, iniisip na, “Nagdurusa ako ngayon para magtamasa ng mas magandang buhay kalaunan at para makuha ang paghanga ng iba. Magiging sulit ang lahat ng pagdurusang ito!” Kaya kukuhanin ko ang kopya ko ng “Sikolohiyang Pang-edukasyon” para pag-aralan. Sa pamamagitan ng mga pagsisikap ko, napabilang sa mga nangunguna ang mga resulta ng pagtuturo ko. Sa loob lang ng tatlong taon, mula sa isang karaniwang guro ay naging pinuno ako ng grupo ng pananaliksik sa pagtuturo, naging teknikal na direktor, ikalawang punong-guro, at kalaunan ay naging punong-guro ako. Napakasaya ko! Wala pa akong tatlumpung taong gulang, pero humawak na ako ng posisyon ng pamumuno. Sa loob ng ilang panahon, tinrato ako ng mga guro at magulang nang may malaking paggalang, ang mga kamag-anak, kapitbahay, at kaklase ay tumitinging lahat sa akin nang may inggit at paghanga sa mga mata nila, at taas-noo ang mga magulang ko dahil sa akin. Talagang nakaramdam ako ng pagmamalaki, at labis na nasiyahan ang banidad ko. Kasunod ng pagtaas ng ranggo ko, lumaki rin ang suweldo ko, umasenso ang materyal kong kayamanan kasabay nito, at nabili ko ang marami sa mga luhong dati ay hindi ko maabot noong kabataan ko. Sa wakas ay natupad ko na ang hiling ko noong bata ako at nagkaroon ako ng buhay na karapat-dapat sa paggalang. Pakiramdam ko, nagbunga na ang lahat ng pagsisikap at puspusan kong pagtatrabaho.

Gayumpanan, kalaunan, hindi naging kasingganda ang buhay gaya ng iniisip ko. Pagkatapos kong maging punong-guro, kahit na mukhang nagkamit ako ng katanyagan at paghanga, nagdulot din sa akin ang posisyon ng palagiang hirap at pagod. Bilang punong-guro, naging karaniwan ang mga pagbiyahe para sa trabaho at pagtitipon, at para makuha ang paggalang ng mga nakakataas sa akin at para mapanatili ang posisyon ko, unti-unti akong natutong uminom at sumipsip sa iba. Minsan, sinabi sa akin ng isang lider ng kagawaran ng edukasyon, “Tingnan mo lang si Punong-Gurong Shao, alam niya kung paano gamitin ang mga kalamangan niya para magkamit ng mas malalaking pakinabang para sa sarili niya. Ang kabataan ay isang kalamangan, pero alam mo man lang ba kung paano ito sulitin? Kailangang gamitin ng mga babae ang mga kalamangan nila para mas malayo ang marating at mas magtagal.” Alam kong umangat si Punong-Gurong Shao sa posisyon ng pinuno ng grupo ng edukasyon sa kawanihan ng edukasyon sa pamamagitan ng pagiging kabit ng mga opisyal ng gobyerno. Nasusuklam ako sa mga diskarte nila. Sa tuwing maiisip ko ang mga hapunan, kung saan kakailanganin kong uminom at makinig sa karumihan ng mga nakatataas sa akin, lubos akong nasusuklam at sa maraming pagkakataon ay gusto kong tumakbo palayo, pero alang-alang sa posisyon ko bilang punong-guro, wala akong anumang magawa kundi ang sumunod. Madalas din akong inilalabas ng tagapamahala ng paaralan para sa mga pagtitipon, ipinapakilala ako sa mga prominenteng tao sa sektor ng edukasyon, kunwari ay para sa layunin ng mga propesyonal na pag-uusap, pero sa realidad, ito ay para gawin akong kabit nila at ibenta ang katawan ko. Lubos akong nasuklam. Sa tuwing tatawagan nila ako, nilalansi ko sila. Pero dahil hindi ako umaayon sa gusto nila, sobrang hindi nasisiyahan sa akin ang tagapamahala, at minsan ay pinagdidiskitahan ako sa trabaho. Kahit na napakaayos ng pagkakagawa sa mga ulat ng trabaho ko, at mahusay ang pagkakabalangkas sa mga plano ko ng negosyo, palagi niyang gustong maghanap ng mali, kaya hindi ako makapagsalita. Minsan, nagkataong nakita kong ang telepono ng nakatataas sa akin ay puno ng mga litrato ko, at bigla akong nilukob ng hindi maipaliwanag na takot, at naisip ko, “Ako na ba ang magiging susunod na biktima nila?” Takot na takot ako. Pagod na pagod ako araw-araw, pagod sa lahat ng pagtitipon at pagbiyahe para sa trabaho, at palagi akong kinakabahan, nag-aalalang pagsasamantalahan ako ng nakatataas sa akin. Pakiramdam ko ay nanganganib ako araw-araw, nagdurusa na para bang tumutulay ako sa isang alambre. Natatakot akong hindi sapat ang puspusang pagtatrabaho ko para maabot ang mga hinihingi ng nakatataas sa akin, at na manganganib ang posisyon ko bilang punong-guro. Kaya mas puspusan pa akong nagtrabaho para magawang perpekto ang trabaho ko, para masigurong walang makikitang anumang kapintasan ang nakatataas sa akin. Para matamo ito, araw at gabi akong nagtatrabaho, minsan ay ni hindi nagkakaroon ng oras para uminom ng isang baso ng tubig sa buong araw. Madalas akong nahihilo at nahahapo, at sa katagalan, nagsimula nang matuyot at mangati ang lalamunan ko, at minsan sa sobrang tindi ng pag-ubo ko ay umuubo ako ng dugo. Gayumpaman, nakatuon pa rin ang mga kaisipan ko kung paano mapapanatili ang posisyon ko bilang punong-guro. Araw-araw, taon-taon, kada araw ay naiipon ang presyur sa loob ko, at sa loob ng ilang panahon, nagkaroon ako ng insomnia. Pakiramdam ko ay nasa bingit na ako ng depresyon. Nakita akong ganito ng biyenan kong babae, at pinayuhan akong magbitiw bilang punong-guro at maghanap ng ibang trabaho. Ipinangaral din niya sa akin ang ebanghelyo, at nakahanap siya ng isang sipi ng salita ng Diyos para basahin ko. Sabi ng Diyos: “Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating nagmamadali at nag-aabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong mga sariling kinabukasan, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, isa ka pa rin bang nilikha?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Nang mabasa ko ang salitang “kapalaran,” naisip ko: Ang taong inaasam ko bilang asawa ay isang taong nakakaunawa sa pag-iibigan at sentimyento, pero ang taong kasama kong pumasok sa bulwagan ng kasalan ay isang taong hindi nakakaunawa sa mga ideya ng pakikibagay o pag-iibigan, isang taong walang imahinasyon at pagkamalikhain. Mula pagkabata, gusto ko nang makamit ang paghanga ng iba sa pamamagitan ng mga pagsisikap ko, naniniwalang magdadala ito ng kasiyahan. Gayumpaman, pagkatapos maging isang punong-guro, natuklasan kong bukod sa hindi ako masaya, lalo pa akong naging miserable kaysa sa dati. Sa isang punto ay nasadlak pa nga ako sa depresyon. Noon ko napagtanto na ang kapalaran ng isang tao ay isang bagay na hindi niya makokontrol.

Kalaunan, nakabasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang Makapangyarihan sa lahat ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nakakaramdam Siya ng pagtutol sa mga taong ito na talagang walang anumang kamalayan, dahil kinailangan Niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, at bigyan ka ng tubig at pagkain, upang magising ka at hindi ka na mauhaw o magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman mo ang kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat). Pagkatapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, labis akong naantig. Naramdaman kong nauunawaan ng Diyos nang napakabuti ang mga tao at nakikita ko ang pagmamahal Niya sa sangkatauhan. Nagbalik-tanaw ako kung paano ako nagtrabaho nang araw at gabi para maging punong-guro, at kung paanong, pagkatapos maging punong-guro, madalas akong bumibiyahe para sa trabaho at mga pagtitipon, habang sinusubukan kong mambola at magpalakas sa mga nakatataas sa akin. Napakatindi ng presyur sa isipan ko araw-araw. Wala akong mahanap na sinumang mapagsasabihan, ni ng anumang ligtas na kanlungan para sa nagugulumihanan kong kaluluwa. Kinausap ko ang nanay ko, at pinayuhan niya ako, “Kailangan mong magtrabaho nang husto at malaman kung paano pangangasiwaan ang mga bagay-bagay sa harap ng mga nakatataas sa iyo. Kung mawawala sa iyo ang trabaho mo, hahamakin tayo ng mga kapitbahay.” Sinabi ko sa asawa ko, at pinayuhan lang niya ako, sinasabing, “Bubuti ang mga bagay-bagay pagtagal-tagal.” Pero sa paglipas ng panahon, natagpuan ko ang sarili kong nasa bingit ng panlulupaypay. Sino bang makakaunawa sa mga nararamdaman ko? Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos ko naunawaan na tanging ang Diyos ang nakakaunawa sa mga tao, at na nararamdaman Niya ang matinding paghihinanakit ko, habang sinasabi Niya sa aking huwag umiyak o maguluhan, at na tatanggapin Niya ang pagdating ko. Naramdaman kong ang Diyos lang ang tunay na nakakakilala sa puso ko, at na puwede kong sabihin sa Kanya ang lahat ng bagay, at nakahanap ng labis na kaginhawahan ang kaluluwa ko. Gusto kong siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, pero nang maisip ko kung gaano ako kaabala sa trabaho, napaisip ako kung kailan ako magkakaroon ng oras. Kaya sinubukan kong magdasal sa Diyos at ipahayag ang mga kaisipan ko sa Kanya, “O Diyos! Ayaw kong mamuhay nang ganito, lubos itong nakakapagod. Pakiusap, magbukas Ka ng landas para sa akin!” Sa sandaling iyon, tinawagan ako ng ate ko at hiniling sa aking magtrabaho sa isang kindergarten. Iyon lang ang nag-iisang pampublikong kindergarten sa buong lalawigan, at ang paaralang iyon ang may pinakamagandang pasilidad na pang-edukasyon at mga kalagayan sa pagtuturo sa lalawigan. Kahit na gusto kong pumunta, marami na akong isinakripisyo para makuha ang posisyon ng punong-guro, kaya pakiramdam ko ay mahihirapan akong isuko ang lahat ng iyon ngayon. Pero nang maisip ko ang mga hindi angkop na kilos sa akin ng nakatataas sa akin, nasuklam ako. Kaya pinag-isipan kong pumasok sa kindergarten na ito, iniisip na siguro, sa pamamagitan ng mga pagsisikap ko, kalaunan ay itataas ng mga bagong nakatataas sa akin ang posisyon ko bilang pinuno ng kindergarten, at pagkatapos ay mababawi ko ang katayuan ko. Sa ganitong paraan, puwede kong kapwa siyasatin ang gawain ng Diyos at makuha ang paggalang ng mga tao. Pareho ko iyong magagawa sa ganitong paraan!

Noong Hulyo 2019, nagbitiw ako bilang punong-guro at pumasok sa kindergarten. Gayumpaman, hindi kasingsimple at dali ang pagtatrabaho sa edukasyon sa maagang pagkabata gaya ng inakala ko, at madalas ay kailangan kong sumailalim sa iba’t ibang pagsasanay at kompetisyon para sa mga pangunahing kasanayan sa pagtuturo, kaya araw-araw akong abala. Partikular na, nang makita ko ang sumasang-ayon na tingin ng mga nakatataas sa mga katangi-tanging guro, nainggit ako, at hindi ko namalayang tumahak ako sa paghahangad na makamit ang paggalang ng iba. Nagsimula akong mag-aral ng piano, magsanay sa pagsayaw, at labis-labis na magsaayos ng iba’t ibang programa, hindi talaga iniiwanan ng libreng oras ang sarili ko, at ang layunin kong hanapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay naisantabi ng magulong iskedyul ko sa trabaho. Kalaunan, sa pamamagitan ng puspusang pagtatrabaho, mabilis kong naitaguyod ang sarili ko sa kindergarten, at naging mataas ang pagpapahalaga sa akin ng mga nakatataas sa akin. Pero nagdulot din sa akin ng pagkabagabag ang mataas na pagtingin sa akin. Minsan ay nagpapasulat sa akin ang mga nakatataas sa akin ng ilang talumpati sa debate at iskrip sa presentasyon, pero dahil sa umaga ay kailangan kong turuan ang mga estudyante ko, kailangan kong mag-overtime sa gabi para madaliin ang mga draft. Talagang gipit ako sa oras araw-araw. Nakikita ko rin ang mga kasamahan ko sa paligid ko na ngumingiti habang itinatago ang kalupitan, dahil matindi silang nakikipagkompetensiya para sa katayuan. Nakakulong sa sitwasyong ito, pakiramdam ko ay bumalik ako sa dati kong buhay. Nanatili ang katawan ko sa isang kalagayan ng palagiang pagkahapo at matinding presyur, at pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko araw-araw. Nakaramdam din ako ng matitinding pangingirot sa mga dibdib ko, na para bang tinutusok ako ng mga karayom. Pakiramdam ko ay ganap na wala akong magawa, at hungkag ang puso ko. Isang araw noong Oktubre, nag-organisa ang paaralan ng konsultasyon sa kalusugan. Nang suriin ako ng doktor, sinabi niya nang seryoso ang mukha, “Maraming isyu sa mga dibdib mo.” Tinanong ko, “Kanser ba ito?” Sabi ng doktor, “Hindi pa ito sigurado, pero dapat kang magpa-needle biopsy sa lalong madaling panahon, dahil ang maagang pagtuklas ay nangangahulugan ng maagang gamutan.” Pakiramdam ko ay nagdilim ang mundo, at tinanong ko sa sarili ko, “Kanser kaya talaga ito?” Nilukob ako ng isang hindi maipaliwanag na pakiramdam na wala akong magawa, at bumagsak ako sa sahig. Pagkatapos niyon, pumunta ako sa opistal ng probinsya para matukoy ang karamdaman ko. Sinabi ng doktor na hyperplasia ito ng mga dibdib, mga bukol, at maraming nodule. Pinayuhan niya akong regular itong subaybayan at magpatingin kada tatlo hanggang anim na buwan, pero sinabi niya sa aking kung lalaki ang mga nodule, malamang na kakailanganin ko ng operasyon. Ipinakita ng ulat na sa puntong ito, nasa stage 3 na ang mga nodule. Sinabi ng doktor na kung magiging stage four ito, maaari itong maging kanser. Habang mas iniisip ko ito, lalo akong natatakot. Hindi ko lang maunawaan kung paanong ang isang taong tulad ko na halos wala pang tatlumpung taong gulang ay magkakaroon ng ganoon kalubhang karamdaman. Pakiramdam ko ay pagsasakluban ako ng langit at lupa. Mabigat ang katawan ko habang pinipilit ang sarili kong umuwi, sinasara ang pinto, at humihiga sa kama. Umagos ang mga luha sa mukha ko, at patuloy kong tinatanong ang sarili ko, “Ano ba ang masyado kong pinaghirapang pagtrabahuhan sa mga nagdaang taon na ito? Talaga bang isinakripisyo ko ang kalusugan ko para lang makamit ang paghanga ng iba? Ano ba ang idinulot sa akin ng paghanga ng iba? Bakit ba namumuhay pa rin ako sa ganitong pasakit kahit na nasa akin na ang paghanga ng mga tao? Paano ba ako magkakaroon ng makabuluhan at mahalagang buhay?”

Isang araw, sa pasakit at kalituhan ko, dumating ang mga kapatid para imbitahan ako sa isang pagtitipon, at nagsimula akong makibahagi sa buhay iglesia. Nakita ko ang mga kapatid ko na naghahangad sa katotohanan at naghahangad ng pagbabago sa disposisyon sa ilalim ng pagdidilig at panustos ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita kong minamahal at sinusuportahan nila ang isa’t isa, nang hindi nakikipagkompetensiya para sa kasikatan o pakinabang, o nagpapakana laban sa isa’t isa. Ibang-iba ito sa nakita ko sa trabaho ko at sa mga pagtitipon. Natagpuan ko ang sarili kong nahahatak ng mga salita ng Diyos, at sinimulan kong aktibong makibahagi sa mga pagtitipon at mamuhay ng buhay iglesia. Sa isa sa mga debosyonal ko, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa katunayan, gaano man katayog ang mga mithiin ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng ninanais matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay pawang nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa buhay ng bawat tao, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Gumagamit si Satanas ng isang napakabanayad na paraan, isang paraan na lubos na naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, at na hindi masyadong agresibo, para magdulot sa mga tao na tanggapin nila nang hindi nila namamalayan ang mga gawi at batas nito upang manatiling buhay, makagawa ng mga layon sa buhay at direksyon sa buhay, at magtaglay ng mga adhikain sa buhay. Gaano man tila kataas pakinggan ang mga salitang ginagamit ng mga tao para pag-usapan ang mga adhikain nila sa buhay, ang mga adhikain na ito ay mahigpit na nauugnay sa ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Ang lahat ng hinahabol ng sinumang dakila o sikat na tao—o, sa katunayan, ng sinumang tao—sa buong buhay niya ay nauugnay lang sa dalawang salitang ito: ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng kasikatan at pakinabang, may kapital sila na magagamit nila para magtamasa ng mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang magsaya sa buhay. Iniisip nila na sa sandaling mayroon na silang kasikatan at pakinabang, may kapital na silang magagamit para maghangad ng kasiyahan at makibahagi sa walang-pakundangang pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito na ninanais nila, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, puso, at maging ang lahat ng mayroon sila, kasama na ang kanilang kinabukasan at kapalaran, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang walang pag-aatubili, ni wala ni isang sandali ng pagdududa, at hindi kailanman natutunan na bawiin ang lahat ng minsang mayroon sila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling isuko na nila ang kanilang sarili kay Satanas at maging tapat dito sa ganitong paraan? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila ay ganap at lubos na nalugmok sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa kasikatan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang kung ano ang maliwanag, ang makatarungan, o ang mga bagay na iyon na maganda at mabuti. Ito ay dahil, para sa mga tao, masyadong malakas ang pang-aakit ng kasikatan at pakinabang; ang mga ito ay mga bagay na puwedeng hangarin ng mga tao nang walang katapusan sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan. Hindi ba’t ito ang aktuwal na sitwasyon?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang isipan ng mga tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay kasikatan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa kasikatan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa kasikatan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gagawa ng kahit anong paghuhusga o pagpapasya para sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at, suot-suot ang mga kadenang ito, wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at patuloy silang naglalakad nang may matinding paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, samakatwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas. Kung titingnan ngayon ang mga kilos ni Satanas, hindi ba lubos na kasuklam-suklam ang masasamang motibo nito? Marahil ay hindi pa rin ninyo malinaw na nakikita ngayon ang masasamang motibo ni Satanas dahil iniisip ninyo na hindi mabubuhay ang tao kung walang kasikatan at pakinabang. Iniisip ninyo na kung tatalikuran ng mga tao ang kasikatan at pakinabang, hindi na nila makikita ang daan sa kanilang harapan, hindi na nila makikita ang kanilang mga layon, na magiging madilim, malabo at mapanglaw ang kanilang hinaharap. Ngunit, unti-unti, balang araw ay mauunawaan ninyong lahat na ang kasikatan at pakinabang ay malalaking kadenang ginagamit ni Satanas upang igapos ang tao. Pagdating ng araw na iyon, lubusan mong lalabanan ang pagkontrol ni Satanas at ang mga kadenang ginagamit ni Satanas upang igapos ka. Pagdating ng oras na nais mong iwaksi ang lahat ng bagay na ikinintal sa iyo ni Satanas, ganap kang hihiwalay kay Satanas at talagang kamumuhian mo ang lahat ng naidulot ni Satanas sa iyo. Saka lamang magkakaroon ng tunay na pagmamahal at pananabik sa Diyos ang sangkatauhan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko ang mga mapaminsalang layunin ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang bilang pain para paunti-unting akitin ang mga tao sa buhawi ng paghahangad sa kasikatan at pakinabang, at habang nagdurusa at naghihirap ang mga tao para sa mga bagay na ito, nagiging masama, mapanlinlang, at tuso sila, nawawalan ng wangis ng isang normal na tao at sa huli ay nahuhulog sa bangin ng imoralidad. Pinagnilayan ko ang sarili ko, at napagtanto kong magmula noong bata ako, nadoktrinahan na ako ng mga ideyang tulad ng “Layunin mong mamukod-tangi at mangibabaw,” at “Magbigay karangalan sa iyong mga ninuno” at ng ibang satanikong lasong tulad ng “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa.” Naniwala akong dapat hangarin ng isang tao ang kasikatan at pakinabang habang nabubuhay siya, at na magkakaroon lang ang isang tao ng isang mahalaga at kagalang-galang na buhay sa pamamagitan ng pagtatamo ng katayuan at pamumukod-tangi. Tinrato ko ang mga satanikong lasong ito bilang mga kasabihang may kabatiran, at itinuring ang mga ito bilang mga layon ko sa buhay. Nang makita kong mahusay na nagsasalita si Punong-Gurong Liu sa podyum, tumatanggap ng paghanga ng iba, pakiramdam ko ay kahanga-hanga ito at gusto kong maging isang taong katulad ni Punong-Gurong Liu. Para sa layong ito, nagtrabaho ako mula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, pinag-aaralan ang mga materyales sa pagtuturo araw at gabi, at isinakripisyo ang oras ng pahinga ko para magturo sa mga estudyante. Kahit na pagod ang katawan ko at gusto kong magpahinga, itinulak akong magpatuloy ng kaisipang makamit ang posisyon ng punong-guro at matamo ang kasikatan at pakinabang, kaya nagtiis at nagpursige ako. Kalaunan, sa pamamagitan ng pagtatrabaho ko nang husto, nakuha ko ang posisyon ng punong-guro, at natikman ang kasiyahan na mahanggaan ng iba. Pero unti-unti akong namuhay sa isang paraang ganap na walang wangis ng tao. Para mapanatili ang posisyon ko bilang punong-guro, pinagbigyan ko ang mga pananaw ng mga nakatataas sa akin, pinupuri at binobola sila, lalo pang nagiging tuso at mapanlinlang. Kalaunan, nang pumasok ako sa kindergarten, nakita kong natatanggap ng mga kasamahan kong mas katangi-tangi sa akin ang paghanga ng mga nakatataas, kaya nainggit na naman ako. Sinimulan kong puspusang magsanay sa piyano, pagsasayaw, at sa sitara, at palagi kong pinagsisikapan nang husto ang pagsasaliksik sa bawat pampublikong aralin at mataas na kalidad na aralin, ninanais na mamukod-tangi sa mga tao at makuha ang paghanga ng mga taong nakapaligid sa akin. Araw gabi akong nagpakapagod para sa kasikatan at pakinabang, nakakalimutan ang mga pangunahing hinihingi sa pag-asal ng tao, habang tumutugon ako sa mga prinsipyo ni Satanas para mabuhay at nagiging tuso at mapanlinlang. Ganap akong nabulag ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, habang nakontrol ng mga bagay na ito ang mga kaisipan ko para maidulot sa aking maging masayang magbayad ng halaga para sa mga ito. Naging mas importante ang tingin ko sa kasikatan, pakinabang, at katayuan kaysa sa anupamang bagay, at kahit na nalaman ko na ang tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi ko hinangad na magsiyasat. Talagang ignorante at hangal ako! Naisip ko ang nakababatang kapatid kong lalaki, na tumakbo sa halalan para sa punong-guro ng isang mataas na paaralan, at kung gaano karaming beses siyang nagpuyat sa paghahanda ng talumpati niya para sa halalan. Ginugol niya ang mga araw niyang pinipiga ang utak niya sa pagpaplano kung anong mga regalo ang ibibigay sa mga nakatataas sa kanya, at sa mga hapunan at pagtitipon, palagi niyang sinusubukang makaisip ng mga bagong paraan para bolahin sila. Nang makita niyang ilan sa mga kandidato ay nagbibigay sa mga nakatataas ng mga regalong daan-daang libo ang halaga, pakiramdam niya ay lubos siyang walang magawa, dahil natatakot siyang hindi matutuwa ang mga nakatataas sa mga regalo niya at na mawawala ang pagkakataon niya sa posisyon ng punong-guro, kaya namuhay siya sa isang kalagayan ng pagdurusa at kawalan ng magagawa. Naisip ko rin ang nakatataas sa akin, na, dahil sa madalas na mga kasiyahan at pag-inom ay nagkaroon ng malubhang diyabetis kalaunan. Kinailangan niyang kontrolin ang blood sugar niya gamit ang mga ineksiyon ng insulin araw-araw, at madalas din siyang makaranas ng heartburn at matinding pananakit ng tiyan…. Maliwanag na ipinakita sa akin ng malilinaw na halimbawang ito na ang kasikatan, pakinabang, at katayuan ay mga pamamaraan nga kung saan ginagawang tiwali at pinipinsala ni Satanas ang mga tao, at na mga patibong ang mga ito na inilalatag ni Satanas para sa mga tao, inaakit ang mga taong igugol ang buhay nila na puspusang hinahangad ang kasikatan, pakinabang, at katayuan. Kung magpapatuloy ako sa maling landas na ito, sa huli ay mawawala sa akin ang pagkakataon kong maligtas at tutungo ako sa kapahamakan at pagkawasak. Nang maunawaan ko ito, ipinasya kong maayos na sumpalataya sa Diyos, kumain at uminom ng mga salita Niya, at tumahak sa tamang landas ng buhay.

Noong 2022, dahil sa malubhang pandemya, hindi ako makalabas, kaya nanatili ako sa bahay, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos at sinasangkapan ang sarili ko ng katotohanan, at naging labis na panatag at masaya ang puso ko. Nang hindi ko namamalayan, bumalik na sa normal ang pagtulog ko, at nabawasan din ang kirot sa mga dibdib ko. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos. Pagkatapos alisin ang mga paghihigpit dahil sa pandemya, bumalik ako sa trabaho sa paaralan, pero ayaw ko nang umakyat sa mataas na posisyon, at gusto ko na lang maging isang karaniwang guro. Hindi nagtagal, isang araw, may kompetisyong inorganisa ang kawanihan ng edukasyon ng lalawigan para sa posisyon ng direktor ng kindergarten business director. Mahinang sinabi sa akin ng nakatataas sa akin, “Maya-maya, aakyat ka para lumaban. Sa mga kakayahan mo sa gawain, nararapat sa iyo ang posisyong ito.” Pagkarinig dito, nasabik akong makibahagi, iniisip na kung talagang magtatagumpay ako sa kompetisyon, makakamit ko ang paghanga ng iba at matatamasa ang kapwa kasikatan at pakinabang katulad lang ng dati. “Bakit hindi?” Naisip ko. Pero pagkatapos ay naalala kong itinalaga ako ng iglesia na mamahala sa ilang grupo para sa mga pagtitipon nila, kaya kung magiging direktor ako, paano ako magkakaroon ng oras para sa mga pagtitipon at magagawa ang mga tungkulin ko? Sa sandaling iyon, naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?(Mateo 16:26). Sa pagninilay sa kasulatang ito, nagkamit ako ng kaunting kabatiran. Dumarating ang mga tao sa mundong ito, at ginugugol nila ang mga araw nila sa pagiging palaging abala, nakikipagkompetensiya para sa kasikatan at pakinabang. Kahit na mataas ang katayuan nila, kumikita sila ng malalaking kayamanan, at nasa kanila na ang buong mundo, nagkakaroon sila ng mga karamdaman sa buong katawan nila dahil sa pagkahapo, sa huli ay pumapanaw sila. Hindi ba’t walang saysay lang ang lahat ng iyon? Sa pagbabalik-tanaw sa naging karanasan ko mula sa pagiging isang karaniwang guro hanggang sa pagiging isang punong-guro, sa pangalan, ako ang pinuno ng mga guro, pero sa sandaling talagang maupo na ako sa posisyon ng pamumunong iyon, hindi naging kasingperpekto ang mga bagay-bagay gaya ng inakala ko. Kahit na tumaas ang suweldo ko at tiningala ako ng mga tao, ginugol ko naman ang mga araw ko nang pagod na pagod, nagkakaroon ng mga isyu sa kalusugan, at nasa bingit ng depresyon ang kaisipan. Wala talaga sa pera at katayuang ito ang makakabawas sa pagdurusa ko. Sa halip, iniwanan lang ako ng mga itong lalong nagiging hungkag at walang magawa. Naisip ko ang kapareha ko na si Bb. Liang, na katangi-tangi sa lahat ng aspekto, at na kalaunan ay naging pinuno ng grupo ng pagtuturo at pagsasaliksik. Pero sa isang konsultasyon ng kalusugan, natuklasang may thyroid nodule siya na stage-four na, na pinaghihinalaang isang tumor na may kanser. Kailangan niyang umasa sa gamot para sa gamutan nang buong buhay niya at kailangan din niyang pumunta sa ospital paminsan-minsan para sa mga needle biopsy. Pagkatapos ay naisip ko ang mabuting kaibigan ko na si Bb. Du, na bata at maganda. Napakahalaga niya sa bawat pagtatanghal at aktibidad ng paaralan, at paborito rin siya ng mga nakatataas. Nagtamasa siya ng parang walang hanggang kaluwalhatian. Pero kalaunan, nagkaroon siya ng malubhang leukemia at naging kritikal ang kondisyon. Habang mas iniisip ko ito, lalo kong nadaramang walang halaga ang kasikatan at pakinabang, at na kahit matamo ng isang tao ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, kung sa huli ay mawawala ang kalusugan nila, walang saysay ang lahat ng kasikatan at kayamanan at ang lahat ng mga pakinabang na iyon. Naisip ko, “Kung makikipagkompetensiya ako para sa posisyon ng direktor at aakyat na naman sa mas mataas na posisyon, hindi ba’t lalo lang akong aakayin niyon sa landas ng paghahangad sa kasikatan, pakinabang, at katayuan? Kahit gaano pa kataas ang posisyon o gaano pa ako pakahangarin ng mga tao, isang landas lang na walang balikan ang tatahakin ko, na hahantong sa pagkawasak ko.” Nang maisip ko ito, nagpasya akong umatras sa kompetisyon. Sa sandaling iyon, nakadama ako ng matinding katiwasayan at gumaan ang loob ko, na para bang nakawala ako sa mga kadenang matagal nang nakakabit sa akin, tunay na gumiginhawa at napapalaya.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Paano mo dapat ipamuhay ang iyong buhay? Paano mo ba dapat ibigin ang Diyos, at gamitin ang pag-ibig na ito para matugunan ang Kanyang mga layunin? Wala nang mas mahalagang bagay sa iyong buhay. Higit sa lahat, ikaw ay dapat magkaroon ng ganitong mga adhikain at pagtitiyaga, at hindi dapat maging tulad ng mga walang lakas ng loob. Dapat mong matutunan kung paano maranasan ang isang makahulugang buhay, at maranasan ang makahulugang mga katotohanan, at hindi dapat ituring ang iyong sarili nang pabasta-basta sa ganitong paraan. Ang iyong buhay ay lilipas nang hindi mo namamalayan. At pagkatapos, magkakaroon ka pa ba ng isa pang pagkakataon para ibigin ang Diyos? Maaari bang ibigin ng tao ang Diyos pagkatapos niyang bawian ng buhay? Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng konsensya na katulad ng kay Pedro. Ang buhay mo ay dapat na maging makahulugan, at hindi mo dapat pinaglalaruan ang iyong sarili(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Mula sa mga salita ng Diyos, nadama ko ang mga pag-asa Niya sa sangkatauhan. Naisip ko kung paano ako namuhay noon para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Ayaw ko nang magkaroon ng ganoong uri ng buhay. Sa mga huling araw, ang lahat ng maraming salita ng Diyos ay para sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Makapagsasabuhay lang ang mga tao ng tunay na wangis ng tao sa pamamagitan ng pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos. Pagtataas ng Diyos na makagawa ako ng tungkulin ko sa iglesia, at ang paggawa sa tungkulin ko ay ang misyon at responsabilidad ko. Dapat kong gawin nang maayos ang tungkulin ko ayon sa mga hinihingi ng Diyos, taimtim na hangarin ang katotohanan at magsabuhay ng kaunting wangis ng tao, at maging isang taong nakikinig sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya.

Noong Marso 2023, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Dahil medyo abala ang pagiging isang lider at nagtatrabaho pa rin ako bilang isang guro, palagi kong nararamdamang hindi sapat ang mga oras sa isang araw. Kaya naiisip kong magbitiw sa trabaho ko bilang isang guro, pero pagkatapos ay naiisip ko kung ano ang isiipin sa akin ng mga kamag-anak at kapitbahay ko kung magbibitiw ako. Sasabihin ba nilang hangal ako sa pagsuko sa ganoon kagandang trabaho? Baka pagtsitsismisan o iismidan pa nila ako kapag nakatalikod ako! Hindi ba’t magiging katatawanan lang ako sa mga kuwentuhan ng mga tao? Habang mas pinag-iisipan ko ito, lalo akong nababagabag, at sa loob ng ilang panahon, hindi ko alam ang gagawin. Kalaunan, nakakita ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, at gumaan ang pakiramdam ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung napakababa ng katayuang panlipunan ng isang tao, napakahirap ng kanyang pamilya, at mababa ang antas ng edukasyon niya, pero nananampalataya siya sa Diyos sa isang praktikal na paraan, at minamahal niya ang katotohanan at mga positibong bagay, kung gayon sa mata ng Diyos, mataas o mababa ba ang halaga niya, marangal o aba ba ito? Mahalaga siya. Kung titingnan ito sa ganitong perspektiba, saan ba nakadepende ang halaga ng isang tao—kung mataas man o mababa, marangal man o hamak? Nakadepende ito sa kung paano ka nakikita ng Diyos. Kung nakikita ka ng Diyos na isang taong naghahangad ng katotohanan, kung gayon ikaw ay may kabuluhan at mahalaga—ikaw ay isang mahalagang sisidlan. Kung nakikita ng Diyos na hindi mo hinahangad ang katotohanan at na hindi mo tapat na ginugugol ang sarili mo para sa Kanya, kung gayon ikaw ay walang kabuluhan at walang halaga—ikaw ay isang hamak na sisidlan. Gaano man kataas ang pinag-aralan mo o gaano man kataas ang katayuan mo sa lipunan, kung hindi mo hinahangad o inuunawa ang katotohanan, kung gayon kailanman hindi magiging mataas ang halaga mo; kahit na maraming taong sumusuporta sa iyo, nagtataas sa iyo, at sumasamba sa iyo, isa ka pa ring hamak na kasuklam-suklam. Kaya, bakit ganito ang tingin ng Diyos sa mga tao? Bakit ang isang ‘marangal’ na tao, na may mataas na katayuan sa lipunan, na pinupuri at hinahangaan ng maraming tao, na maging ang katanyagan niya ay napakataas, ay nakikita ng Diyos bilang hamak? Bakit ang paraan ng pagtingin ng Diyos sa mga tao ay ganap na salungat sa mga pananaw ng mga tao sa iba? Sinasadya ba ng Diyos na maging kasalungat Siya Mismo ng mga tao? Hinding-hindi. Ito ay dahil ang Diyos ay katotohanan, ang Diyos ay katuwiran, samantalang ang tao ay tiwali at walang katotohanan o katuwiran, at sinusukat ng Diyos ang tao sa Kanyang sariling pamantayan, at ang pamantayan Niya sa pagsukat ay ang katotohanan. Puwedeng medyo mahirap itong unawain, kaya para mas madali itong maintindihan, ang pamantayan ng panukat ng Diyos ay batay sa saloobin ng tao sa Diyos, sa saloobin niya sa katotohanan, at sa saloobin niya sa mga positibong bagay—hindi na ito mahirap unawain(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Mapaminsala, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong ang makaharap sa Diyos ngayon at makaganap sa tungkulin ng isang nilikha ang pinakamalaking pagpapala. Hindi sinusukat ng Diyos ang mga tao batay sa kung gaano kataas ang katayuan o posisyon nila sa mundo, o kung gaano karaming tao ang tumitingala o sumasamba sa kanila. Tinitingnan ng Diyos kung kaya ng isang taong humarap sa Kanya, pakinggan ang tinig Niya, at tanggapin ang pagliligtas Niya, at kung kayang hangarin ng isang tao ang katotohanan sa pananalig niya at mahalin ang mga positibong bagay. Kung kaya ng isang taong humarap sa Diyos at kumilos ayon sa mga hinihingi Niya, mahalaga ang taong iyon sa paningin ng Diyos. Pinahahalagahan ng Diyos ang ganoong mga tao. Sa kabaligtaran, kung ang isang tao ay may mataas na katayuan sa lipunan at malaking kapangyarihan, pero hindi humaharap sa Diyos o tumatanggap sa pagliligtas Niya, ang ganoong tao ay kasuklam-suklam sa Diyos, dahil ang mga bagay lang na isinasabuhay niya ay kasamaan at mga negatibong bagay. Nang mapagtanto ito, nakadama ako ng matinding paglaya. Isang napakalaking pagpapala na buong-puso kong maigugol ang sarili ko para sa Diyos. Magiging mahalaga at makabuluhan lang ang isang paghahangad sa pamamagitan ng pagtahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan sa sambahayan ng Diyos para matingnan ang mga tao at bagay, umasal, at kumilos batay sa mga salita ng Diyos. Kaya ipinaalam ko ang pagbibitiw ko sa nakatataas sa akin nang walang anupamang pag-aatubili. Pagkalipas ng ilang panahon, naaprubahan ang pagbibitiw ko, at inilaan ko ang sarili ko sa full-time na paggawa sa mga tungkulin ko sa iglesia. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagsagip sa akin mula sa mga gapos ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at sa pagtulong sa aking mahanap ang tamang direksyon sa buhay!

Sinundan:  30. Kung Paano Ko Hinarap ang Kanser Ko sa Buto

Sumunod:  32. Kung Paano Ko Dapat Tratuhin ang mga Pagsalangsang Ko

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger