33. Pagkatapos Masaksihang Mabunyag at Matiwalag ang Marami

Ni Yi Xin, Tsina

Noong Pebrero 2023, dahil sa pagkakanulo ng isang Hudas, pumunta ang mga pulis sa bahay ko para kuwestyunin ako tungkol sa pananalig ko sa Diyos. Dahil nakikitang hindi ako makalakad dahil sa nekrosis ng buto sa hita, hindi nila ako kinuha. Noong panahong iyon, hindi ako makagawa ng anumang tungkulin, at dahil sa mga panganib sa kaligtasan, hindi makapunta ang mga kapatid sa bahay ko. Sa simula, alam kong pinahihintulutan ng Diyos ang ganitong uri ng kapaligiran, pero nang maisip ko na hindi ko magagawa ang mga tungkulin ko, hindi man lang ako makakapagtrabaho, napaisip ako kung ibinubunyag at itinitiwalag ako ng Diyos sa pamamagitan ng kapaligirang ito. Naisip ko rin na maraming tao sa iglesia ang sunod-sunod na nabunyag at natiwalag sa nagdaang dalawang taon. Halimbawa na lang si Wang Tao. Gumawa siya ng tungkuling nakabatay sa teksto, sumampalataya sa Diyos nang maraming taon, tumalikod sa pagkabata at pag-aasawa, at kailanman ay hindi nagpakasal kahit sa edad niyang lampas apatnapu o limampung taong gulang, palagi niyang ginagawa ang tungkulin niya nang malayo sa bahay, pero kalaunan ay nabunyag na isang hindi mananampalataya at napaalis. Nariyan din si Li Li, na pagkatapos sumampalataya sa Diyos sa maikling panahon ay iniwan ang negosyo ng pamilya niya para tumuon sa pananalig niya. Kahit paano pa siya siniraang-puri at kinutya ng mundo, o paano pa siya tinutulan ng anak niya, ginawa pa rin niya ang mga tungkulin niya, at nagdudusa siya nang matindi at nagbabayad ng halaga kapag nangangaral ng ebanghelyo at nagkamit ng ilang tao. Sa huli, nabunyag na isa siyang masamang tao at napaalis. At marami-raming tao ang napaalis dahil sa pagiging Hudas pagkatapos mahuli. Dahil nakikitang isa-isang nabubunyag at natitiwalag ang mga pamilyar na mukhang ito, pakiramdam ko ay talagang dumating na ang gawain ng Diyos sa puntong kinaklasipika ang lahat ng tao ayon sa uri, at na kahit hindi ako pinaalis ng iglesia, hindi ko naman magawa ang tungkulin ko, hindi rin ako puwedeng makipag-ugnayan sa mga kapatid ko. Ibig bang sabihin nito ay ginagamit ng Diyos ang kapaligirang ito para itiwalag ako at ayaw na Niya sa akin? Nang maisip ito, naging napakanegatibo at napakalungkot ko, at nagtataka rin ako. Hindi ba’t pinili ng Diyos ang ganito karaming tao para iligtas sila? Bakit isa-isa silang nabubunyag at natitiwalag sa huli? Sa ganitong paraan, sa pagtatapos ng gawain ng Diyos, kakaunti na lang ang matitira. Ito ba talaga ang layunin ng Diyos? Lalo na kapag nababasa ko sa mga salita ng Diyos ang tungkol sa pagganap sa mga tungkulin, naiisip ko, “Ni hindi nga ako makalakad ngayon, paano ko magagampanan ang mga tungkulin ko? Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao; malamang ay alam Niyang masyado akong tiwali, kaya itiniwalag Niya ako sa pamamagitan ng karamdaman. Ano ba ang saysay ng masipag kong paghahangad sa katotohanan? Hindi ako maliligtas sa hinaharap, at hindi rin ako magkakaroon ng anumang magandang kalalabasan o destinasyon.” Naging sobrang negatibo ako na ayaw ko nang gumawa ng anumang bagay. Wala akong ganang magbasa ng mga salita ng Diyos, at hindi ko alam kung anong sasabihin kapag nagdarasal ako sa Diyos. Madalas akong umiiyak dahil sa pagiging negatibo. Alam kong mali ang kalagayan ko, at ayaw kong ipagpatuloy ang pagiging sobrang negatibo. Kaya nagdasal ako sa Diyos, sinasabing, “O Diyos, napakasama ng kalagayan ko. Pakiramdam ko ay ayaw Mo na sa akin at itiniwalag Mo na ako. O Diyos, pakiusap, akayin Mo akong maunawaan ang layunin Mo at patnubayan Mo akong makaalis sa negatibong kalagayang ito.” Patuloy akong nagdarasal sa Diyos nang paulit-ulit.

Kalaunan, nakita ko ang siping ito sa mga salita ng Diyos: “Naging lubhang abala ang gawain sa iglesia sa mga nagdaang taon, kaya ang paglilipat at pagbabago ng tungkulin, pati na rin ang pagbubunyag, pagtitiwalag, at pagpapaalis ng mga miyembro sa bawat grupo ay medyo naging madalas. Sa proseso ng pagpapatupad sa gawaing ito, ang paglilipat ng mga miyembro ng grupo ay partikular na naging madalas at malawak. Gayumpaman, gaano man karami ang nagiging paglilipat o gaano man nagbabago ang mga bagay-bagay, ang determinasyon ng mga tunay na nananalig at nag-aasam sa Diyos na hangarin ang katotohanan ay hindi nagbabago, ang kanilang pagnanais na makamtan ang kaligtasan ay hindi nagbabago, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay hindi kumukupas, at palaging nasa mabuting direksiyon ang kanilang pag-unlad at patuloy silang nagpupursige sa pagganap ng kanilang mga tungkulin hanggang ngayon. May mga taong mas higit pang mahusay kaysa rito, na sa pamamagitan ng palaging pagkakalipat sa tungkulin, natatagpuan nila ang tamang lugar para sa kanila, at natututunan nila kung paano hanapin ang mga prinsipyo sa kanilang tungkulin. Gayumpaman, ang mga hindi naghahangad sa katotohanan, ang mga walang pagmamahal sa mga positibong bagay at tutol sa katotohanan, ay hindi gumaganap nang mahusay. May ilang taong kasalukuyang pinipilit ang kanilang sarili na ipagpatuloy ang pagganap sa kanilang mga tungkulin, samantalang ang totoo, ang kalagayan ng kanilang kalooban ay magulong-magulo na, at sila ay lugmok na sa depresyon at pagkanegatibo. Gayumpaman, hindi pa rin sila umaalis sa iglesia, at tila ba nananalig sila sa Diyos at patuloy pa rin nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, ngunit ang totoo, nagbago na ang kanilang mga puso, at iniwan at tinalikdan na nila ang Diyos. Ang ilan ay nagpapakasal at bumabalik sa kanilang tahanan upang mamuhay ng kanilang buhay…. Ang ilang tao ay patuloy na hinahangad ang kanilang pangarap na yumaman; ang ilan ay patuloy na hinahangad ang isang opisyal na propesyon at ang makamtan ang kanilang pangarap na maging opisyal o burukrata; ang ilan ay hinahangad ang kasaganaan ng pagkakaroon ng mga anak, kaya nagpapakasal sila at nagsisimulang magpamilya; ang ilang tao ay tinutugis dahil sa kanilang pananalig sa Diyos, inuusig sila ng ilang taon hanggang sa manghina sila at magkasakit, at pagkatapos ay tinatalikdan nila ang kanilang mga tungkulin at bumabalik sila sa kanilang tahanan upang doon ipamuhay ang kanilang natitirang oras sa mundo. Magkakaiba ang sitwasyon ng bawat isa. May mga kusang umaalis at pinapatanggal sa listahan ang kanilang pangalan, may mga hindi mananampalataya na pinapaalis, at may mga gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan at sila ay pinapatalsik. Ano ang nasa kaibuturan ng lahat ng tao na ito? Ano ang kanilang diwa? Malinaw na ba ninyong nakita ito? … Kaya, nang magsimula silang manalig sa Diyos, puno sila ng sigla, iniwan nila ang kanilang tahanan, trabaho, at madalas silang nag-aalay at umaako ng mga peligrosong trabaho para sa sambahayan ng Diyos. Paano mo man sila tingnan, silang lahat ay tapat na iginugol ang kanilang sarili para sa Diyos. Kaya bakit nagbago na sila ngayon? Dahil ba ayaw sa kanila ng Diyos at ginamit sila ng Diyos sa simula pa lang? (Hindi.) Patas at pantay-pantay ang pagtrato ng Diyos sa lahat at binibigyan Niya ng oportunidad ang lahat. Silang lahat ay namuhay ng buhay iglesia, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at namuhay nang tinutustusan, dinidiligan, at pinapastol ng Diyos, kaya bakit sila lubhang nagbago? Batay sa kanilang ugali noong una silang magsimulang manalig sa Diyos at sa kanilang ugali noong kanilang iniwan ang iglesia, para bang sila ay dalawang magkaibang tao. Idinulot ba ng Diyos na mawalan sila ng pag-asa? Idinulot ba ng sambahayan ng Diyos o ng mga gawa ng Diyos na labis silang madismaya? Nasaktan ba ng Diyos, ng mga salitang ipinapahayag ng Diyos, o ng gawaing ginagawa ng Diyos ang kanilang dignidad? (Hindi.) Kung gayon ay ano ang dahilan? Sino ang makapagpapaliwanag nito? … (Diyos ko, sa tingin ko, nang unang manalig ang mga taong ito sa Diyos, umasa sila sa kanilang kasiglahan at mabuting layunin, at nagawa nilang gawin ang ilang bagay, ngunit ngayon ay mas lalong seryosong tinatrato ng sambahayan ng Diyos ang lahat ng gawain nito. Hinihingi nito sa mga tao na gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ngunit hindi tinatanggap ng mga taong ito ang katotohanan, kumikilos sila nang walang ingat at ginagawa nila ang anumang naisin nila kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, at madalas silang pinupungusan. Kaya lalo nilang nadarama na hindi nila puwedeng iraos lang ang mga bagay-bagay nang ganoon, hanggang sa wakas ay umalis na sila sa sambahayan ng Diyos. Sa tingin ko ay isang dahilan ito.) Hindi sila puwedeng magpatuloy nang iniraraos lang ang mga bagay-bagay—totoo ba ang pahayag na ito? (Oo.) Hindi sila puwedeng magpatuloy nang iniraraos lang ang mga bagay-bagay—ito ay sinasabi para sa mga taong iniraraos lang ang mga bagay-bagay. May mga taong nagsisimulang manalig sa Diyos na hindi lang iniraraos ang mga bagay-bagay, na lubos na taimtim, na labis na sineseryoso ang usaping ito, kaya bakit hindi sila nagpapatuloy? (Dahil, sa kanilang likas na katangian, ang mga taong ito ay hindi nagmamahal sa katotohanan. Nanalig sila sa Diyos upang makatanggap ng mga pagpapala. Nakikita nila na ang sambahayan ng Diyos ay palaging nagsasalita tungkol sa katotohanan, at tutol at mapanlaban sila sa katotohanan, at lalo silang umaayaw na dumalo sa mga pagtitipon at makinig sa mga sermon, at dito sila nalalantad.) Ito ay isang uri ng sitwasyon, at maraming tao ang ganito. Mayroon ding mga taong palaging walang ingat sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, na hindi kailanman nagtatrabaho nang maayos o hindi kailanman inaako ang responsabilidad sa anumang tungkulin na kanilang ginagawa. Hindi dahil sa wala silang kakayahan o hindi sila sapat na mahusay para sa gawain, kundi dahil sa hindi sila masunurin at hindi nila ginagawa ang mga bagay-bagay nang ayon sa kung ano ang hinihingi ng sambahayan ng Diyos. Palagi nilang ginagawa ang mga bagay-bagay ayon sa kung paano nila ito gustong gawin, hanggang sa wakas ay nagsasanhi sila ng pagkagambala at kaguluhan dahil sa kanilang kawalan ng ingat at paggawa ng anumang naisin nila. Hindi sila nagsisisi paano man sila pinupungusan, kaya sa huli ay ipinapadala sila palayo. Ang mga taong ito na ipinapadala sa malayo ay may kasuklam-suklam na disposisyon at may mapagmataas na pagkatao. Saan man sila magpunta, gusto nilang sila ang may huling salita, hinahamak nila ang lahat, at kumikilos sila na parang malulupit na pinuno, hanggang sa wakas ay tinatanggal sila. Pagkatapos mapalitan at maitiwalag ang ilang tao, nararamdaman nilang wala nang maayos na nangyayari sa kanila saanman sila magpunta, at wala nang nagpapahalaga o pumapansin sa kanila. Wala nang tumitingala sa kanila, hindi na puwedeng sila ang may huling salita, hindi na nila nakukuha ang gusto nila, at wala na silang pag-asa na magkaroon ng anumang katayuan, at lalong wala na silang pag-asang makapagkamit ng mga pagpapala. Nararamdaman nilang wala na silang pag-asang patuloy na iraos lang ang mga bagay-bagay sa iglesia, wala na silang interes dito, kaya pinipili na lang nilang umalis—maraming tao ang ganito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (4)).

Ang daan tungo sa pananalig sa Diyos ay mabato at baku-bako. Ito ay inorden ng Diyos. Anuman ang mangyari, kagaya man ito o hindi ng kagustuhan ng mga tao, o umaayon man ito o hindi sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, o nakikini-kinita man nila ito o hindi, hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang pamamatnugot. Ang kahalagahan ng paggawa ng Diyos sa lahat ng ito ay na tinutulutan nito ang mga tao na matuto ng leksiyon mula rito at malaman ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang layon ng pagkaalam sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay hindi para salungatin ng mga tao ang Diyos, ni hindi para ang mga tao, na nakauunawa sa Diyos, na magkaroon ng mas higit na kapangyarihan at kapital na magagamit para makipagkumpitensiya sa Kanya. Sa halip, iyon ay para anuman ang sumapit sa mga tao, matututuhan nilang tanggapin ito mula sa Diyos, dapat nilang hanapin ang katotohanan para maunawaan ang katotohanan, at pagkatapos ay isagawa ito para makamit ang tunay na pagpapasakop, at magkaroon ng tunay na pananampalataya sa Kanya. Nauunawaan ba ninyo ito? (Oo.) Kung gayon, paano ninyo ito isasagawa? Tama ba ang inyong landas ng pagsasagawa tungkol sa gayong mga bagay? Tinatrato ba ninyo ang bawat bagay na nangyayari sa inyo nang may pusong nagpapasakop at saloobing naghahanap sa katotohanan? Kung isa kang taong naghahangad sa katotohanan, tataglayin mo ang gayong pag-iisip. Anuman ang mangyari sa iyo, tatanggapin mo na mula ito sa Diyos, at magpapatuloy ka upang hanapin ang katotohanan, at arukin ang Kanyang mga layunin, at ituring ang mga tao at bagay batay sa Kanyang mga salita. Sa lahat ng bagay na nangyayari sa iyo, mararanasan mo at malalaman ang gawain ng Diyos, at makakaya mong magpasakop sa Kanya. Kung hindi ka isang taong naghahangad sa katotohanan, anuman ang sumapit sa iyo, hindi mo ito haharapin nang ayon sa mga salita ng Diyos, ni hindi mo hahanapin ang katotohanan. Iraraos mo lang ang gawain, nang hindi nagkakamit ng anumang katotohanan bilang resulta. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasaayos ng maraming bagay na hindi naaayon sa kanilang mga kuru-kuro, upang sanayin sila na hanapin ang katotohanan, sa gayon ay magkamit sila ng pagkaunawa sa Kanyang mga gawa, at makita nila ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat at karunungan, para unti-unting lumago ang kanilang buhay. Bakit ba iyong mga naghahangad sa katotohanan ay nararanasan ang gawain ng Diyos, nakakamit ang katotohanan at nagagawa silang perpekto ng Diyos, samantalang ang mga hindi naghahangad sa katotohanan ay tinitiwalag? Ito ay dahil ang mga naghahangad sa katotohanan ay kayang hanapin ito anuman ang mangyari sa kanila, kaya’t nasa kanila ang gawain at kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at sa gayon ay naisasagawa nila ang katotohanan, nakapapasok sila sa realidad ng mga salita ng Diyos, at nagagawa Niya silang perpekto; samantala, ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay nakikitang hindi umaayon ang gawain ng Diyos sa kanilang mga kuru-kuro, ngunit hindi nila ito nilulutas sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan, at maaari pa nga silang maging negatibo at magreklamo. Sa paglipas ng panahon, dumarami ang kanilang mga kuru-kuro sa Diyos, at nagsisimula silang magduda at magtatwa sa Kanya. Bilang resulta, itinataboy at tinitiwalag sila ng gawain ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (11)).

Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang layunin ng Diyos. Anumang uri ng kapaligiran ang ipinapatnugot ng Diyos, umaasa Siyang matututo ang mga tao ng mga aral mula rito, mahahanap ang katotohanan, at makikilatis ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, sa gayon ay ginagawang perpekto ang mga taong tunay na sumasampalataya sa Diyos at naghahangad sa katotohanan. Gayumpaman, ayaw ng mga taong hindi naghahangad sa katotohan na hanapin ang katotohanan o matuto ng mga aral mula sa mga kapaligirang pinamatnugutan ng Diyos, at sa halip ay negatibo at nagrereklamo sila tungkol sa Diyos, kaya sa huli ay ititiwalag Niya sila. Ngayon, habang nakikita kong isa-isang nabubunyag at natitiwalag ang mga tao sa iglesia, isinasaalang-alang ang kawalan ko ng kakayahang gawin ang mga tungkulin ko dahil sa karamdaman, inakala kong ibinubunyag at itinitiwalag ako ng Diyos, na nagdulot sa aking maging negatibo. Kailangang malutas ang lahat ng ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan; hindi ako puwedeng patuloy na mamuhay sa pagiging negatibo. Pinagnilayan ko kung ano ang ibinubunyag ko. Pakiramdam ko ay pinamatnugutan ng Diyos ang mga kapaligirang ito para ibunyag at itiwalag ang mga tao, na ang Diyos lang ang may ayaw sa mga tao. Tama ba ang pananaw na ito? Sa pamamagitan ng pagninilay sa mga salita ng Diyos, may isang bagay akong naunawaan: Matuwid ang Diyos sa paraan ng pagtrato Niya sa lahat ng tao. Napakarami na Niyang ipinahayag na katotohanan para itustos sa atin, malinaw na ipinapaliwanag ang mga prinsipyo at landas sa lahat ng aspekto, at sinasabi rin sa atin ang mga kahihinatnan ng pamumuhay batay sa mga tiwaling disposisyon natin at sa pagtahak sa maling landas. Tapos, namamatnugot ang Diyos ng mga kapaligiran para subukin ang mga tao, para makita kung kaya nilang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo at manindigan sa patotoo nila. Sa panahong ito, hindi pinipilit o inuudyukan ng Diyos ang mga tao na pumili sa isang partikular na paraan; binibigyan Niya ng kalayaan ang mga tao. Kung kayang hanapin ng mga tao ang katotohanan at magpasakop sa kapaligirang pinamatnugutan ng Diyos, pagnilayan at kilalanin ang sarili nila, at magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, ang kapaligirang hinaharap nila ay isang pamamaraan para magawa silang perpekto. Gayumpaman, kung kailanman ay hindi nila hahanapin ang katotohanan, lalabanan at magrereklamo sila tungkol sa kapaligirang pinamatnugutan ng Diyos, at pababayaan pa nga ang sarili nilang mawalan ng pag-asa, ang kapaligirang ito ay magsisilbi para ibunyag at itiwalag sila. Ang huling kalalabasan ng isang tao ay nauugnay sa sarili niyang mga pagpili at sa landas na tinatahak niya. Katulad lang ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos). Nang isipin ko ang mga masamang tao, anticristo, at hindi mananampalatayang iyon sa iglesia na nabunyag at natiwalag, ang lahat ng ito ay nauugnay sa mga personal nilang pagpili at sa pagkabigo nilang hangarin ang katotohanan. Katulad ni Wang Tao, kahit na noong simula ay tinalikuran niya ang lahat para gawin ang mga tungkulin niya, palagi niyang tinatanggihang tanggapin ang katotohanan, palaging labis na sinusuri ang mga tao at bagay. Hindi niya pinakinggan ang pakikipagbahaginan ng lider, ayaw rin niyang gawin ang tungkulin niya. Walang pasensiya pa nga niyang sinabi, “Malay ba natin kung kailan matatapos ang gawain ng Diyos! Ayaw ko nang gawin ang tungkulin ko, gusto kong magtrabaho at kumita ng kaunting pera.” Pinagbahaginan ng lider ang kabuluhan ng pananampalataya sa Diyos at paggawa ng mga tungkulin, pero umastang mataas si Wang, sinasabing, “Kung ganoon ay tanggalin mo ako. Hindi ko kayang gawin ang tungkuling ito.” Sinabi pa nga niya, “Kahit paano ka makipagbahaginan sa akin, hindi ko gagawin ang tungkulin ko—sige na at patalsikin mo ako kung gusto mo.” Tungkol naman kay Li Li, kahit na nagawa niyang talikuran ang mga bagay-bagay, igugol ang sarili niya, at gawin ang mga tungkulin niya, hindi niya tinanggap ang mga bagay-bagay mula sa Diyos, at ayaw niyang tanggapin nang lubusan ang katotohanan, labis niyang sinusuri ang mga tao at bagay, hinuhusgahan pa nga ang mga kapatid at ginugulo ang buhay iglesia. Sa kabila ng maraming pagsubok ng mga kapatid na makipagbahaginan sa kanya, ayaw niyang magbago. Kalaunan, walang naging bunga ang pangangaral niya ng ebanghelyo, at nagpakalat pa siya ng pagiging negatibo, nagdudulot ng mga kaguluhan sa gawain ng ebanghelyo. Nang pungusan siya ng pamunuan, tila tinanggap niya ito, pero kalaunan ay ipinagkalat niya ang pagkadismaya niya sa lider, inaakit ang iba sa panig niya at idinudulot sa kanilang magkimkim ng mga negatibong panghuhusga laban sa lider, hindi nagpapakita ng anumang pagkakonsensiya. Nakita kong nabunyag at natiwalag sila dahil sa palagian nilang pagtangging tanggapin ang katotohanan, sa pagkabigo nilang pagnilayan at kilalanin ang sarili nila sa pamamagitan ng mga sitwasyong hinarap nila, at sa tendensiya nilang kumilos ayon sa mga tiwaling disposisyon nila, ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia. Pero mali kong pinaniwalaang ang Diyos lang ang may gustong magtiwalag sa mga tao, na ayaw na Niya sa mga tao. Isa itong maling pagkaunawa sa Diyos, at maituturing pa nga itong kalapastanganan sa Diyos. Naisip ko rin kung paanong nagkaroon ako ng karamdamang nakahadlang sa aking lumabas para gawin ang tungkulin ko, at dahil sa mga panganib sa kapaligiran ko, hindi puwedeng makipag-ugnayan sa akin ang mga kapatid. Naniwala akong ibinunyag at itiniwalag ako ng Diyos, pero isa rin itong maling pagkaunawa sa Diyos. Sa realidad, pinamatnugutan ng Diyos ang ganoong mga kapaligiran para subukin ako, para makita kung anong landas ang pipiliin ko. Kung ipinagpatuloy ko ang pagrereklamo at maling pagkaunawa, pamumuhay sa pagiging negatibo, hindi pagbabasa ng mga salita ng Diyos, hindi pagdadasal sa Diyos o paglapit sa Kanya, o pag-iisip pa ngang talikuran ang Diyos, mabubunyag at matitiwalag nga ako ng kapaligirang ito. Pero kung makakapagpasakop ako sa kapaligirang ito, mapagninilayan at matutukoy ang mga katiwaliang ibinubunyag ko, at mahahanap ang katotohanan para lutasin ang mga iyon, magagawa akong perpekto ng ganitong uri ng kapaligiran. Napagaan nang husto ang puso ko sa pagkaunawa sa mga bagay na ito. Ngayon, kahit hindi ko magawa ang mga tungkulin ko sa kapaligirang ito, kailangan kong magpasakop, hanapin ang katotohanan, at lutasin ang tiwaling disposisyon ko.

Pinagnilayan ko: Bakit ba naging masyado akong negatibo nang maharap sa kapaligirang ito? Pagkatapos, nabasa ko ang siping ito sa mga salita ng Diyos: “Nananampalataya ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t umiiral ito sa puso ng lahat? Isang katunayan na umiiral nga ito. Bagama’t hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at ninanais na magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay hindi matinag-tinag noon pa man. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang kaalaman na batay sa karanasan ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang halagang binabayaran nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagpapakapagod para dito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung mawawala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao. Marahil, habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin o ipinamumuhay ang buhay ng iglesia, nararamdaman nilang nagagawa nilang talikdan ang kanilang mga pamilya at masayang gugulin ang kanilang sarili para sa Diyos, at na mayroon na silang kaalaman ngayon tungkol sa kanilang motibasyon na tumanggap ng mga pagpapala, at naisantabi na nila ang motibasyong ito, at hindi na sila napamumunuan o napipigilan nito. Pagkatapos, iniisip nilang wala na silang motibasyon pa na mapagpala, pero kabaligtaran ang pinaniniwalaan ng Diyos. Mababaw lang kung tingnan ng mga tao ang mga bagay-bagay. Kapag walang mga pagsubok, maganda ang pakiramdam nila sa kanilang sarili. Basta’t hindi sila umaalis sa iglesia o hindi itinatatwa ang pangalan ng Diyos, at nagpupursigi silang gumugol para sa Diyos, naniniwala silang nagbago na sila. Pakiramdam nila ay hindi na personal na kasiglahan o pabugso-bugsong damdamin ang nagtutulak sa kanila sa pagganap ng kanilang tungkulin. Sa halip, naniniwala silang kaya na nilang hangarin ang katotohanan, at kaya na nilang patuloy na hanapin at isagawa ang katotohanan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, nang sa gayon ay nadadalisay ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nakakamit nila ang ilang tunay na pagbabago. Gayunpaman, kapag may mga nangyayari na tuwirang may kinalaman sa hantungan at kalalabasan ng mga tao, paano sila umaasal? Nahahayag ang katotohanan sa kabuuan nito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong sumasampalataya lang ako sa Diyos para magkamit ng mga pagpapala. Dati, nang hindi ako nahaharap sa anumang sitwasyon, kaya kong aktibong gawin ang mga tungkulin ko. Inaako ko ang anumang gawaing itinatalaga ng iglesia; kahit kapag may karamdaman ako, nagpupursige ako sa paggawa ng mga tungkulin ko. Pero ngayong may malubha akong karamdaman, hindi ako makagawa ng anumang tungkulin, at hindi puwedeng makipag-ugnayan sa akin ang mga kapatid. Pakiramdam ko ay itiniwalag na ako ng Diyos, at wala na akong magandang kalalabasan o destinasyon. Naging negatibo ako hanggang sa puntong ayaw ko nang gumawa ng kahit na ano, hangarin ang katotohanan, o magsikap na bumuti. Ni wala nga akong ganang basahin ang mga salita ng Diyos, at namuhay ako sa isang kalagayan ng pagiging negatibo. Iyon pala, aktibo kong ginagawa ang mga tungkulin ko para magkamit ng mga pagpapala, kapalit ng magandang kalalabasan at destinasyon mula sa Diyos. Nang makita kong wala nang anumag pag-asang makatanggap ng mga pagpapala, nawalan na ako ng motibasyong sumampalataya sa Diyos—walang anumang sinseridad sa pananampalataya ko sa Diyos at pagganap sa tungkulin. Akala ko dati ay sinsero ang pananalig ko sa Diyos, na isa akong taong naghahangad sa katotohanan, at sa tuwing may mangyayari, agad kong hahanapin ang katotohanan para lutasin ito. Ganap akong ibinunyag ng karanasang ito. Nang makita kong wala nang anumang pag-asa para sa mga pagpapala, naging negatibo ako at tumigil sa paghahanap sa katotohanan. Paano ako naging isang taong naghahangad sa katotohanan? Kahit pa hindi ako humarap sa ganitong uri ng kapaligiran at maipagpapatuloy ko ang paggawa sa mga tungkulin ko, kung hindi magbabago ang tiwaling disposisyon ko, at hindi tama ang mga motibasyon at pananaw ko sa pananampalataya sa Diyos at paggawa sa mga tungkulin ko, sa huli, magiging pakay ako para sa pagtitiwalag ng Diyos dahil sa hindi pagkakamit sa katotohanan. Ang Diyos ang lumikha sa tao, kaya dapat nating sampalatayanan ang Diyos at gawin ang mga tungkulin natin. Ito ang responsabilidad natin bilang nilikha. Pero sinusubukan kong makipagnegosasyon sa Diyos nang may layuning magkamit ng mga pagpapala. Nagkaroon ba ako ng kahit katiting na katwiran o konsensiya? Nagsisi at nadama kong may pagkakautang ako sa puso ko, kaya nagdasal ako sa Diyos, sinasabing, “O Diyos, talagang wala akong konsensiya. Hindi ako sinserong sumasampalataya sa Iyo; ang lahat ng ito ay para sa mga pagpapala. O Diyos, handa akong magsisi at magbago. Anuman ang kalalabasan ko sa hinaharap, taimtim akong sasampalataya sa Iyo at susunod sa Iyo, at masipag na maghahangad sa katotohanan.”

Kalaunan, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ng kaunting kaalaman tungkol sa mga pananaw ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May mga nagtatanong, ‘Hindi ba’t nais ng Diyos na maligtas ang bawat tao at hindi Niya nais na masadlak sa perdisyon ang sinuman? Kung gumamit ang Diyos ng gayong paraan upang kumilos, gaano karaming tao ang maliligtas?’ Bilang tugon, itatanong ng Diyos, ‘Ilang tao ang nakikinig sa Aking mga salita at sumusunod sa Aking daan?’ Kasingdami lang ng kung ilan ang naroroon—ito ang pananaw ng Diyos at ang pamamaraan ng Kanyang gawain. Wala nang higit pang ginagawa ang Diyos. Ano ang kuru-kuro ng tao sa bagay na ito? ‘Naaawa ang Diyos sa sangkatauhang ito, nag-aalala Siya sa sangkatauhang ito, kaya kailangan Niyang pasanin ang responsabilidad hanggang sa wakas. Kung susundin Siya ng tao hanggang wakas, tiyak na maliligtas ito.’ Tama ba o mali ang kuru-kurong ito? Naaayon ba ito sa mga layunin ng Diyos? Noong Kapanahunan ng Biyaya, normal para sa mga tao na magkaroon ng ganitong mga kuru-kuro, dahil hindi nila kilala ang Diyos. Sa mga huling araw, sinabi na ng Diyos sa mga tao ang lahat ng katotohanang ito, at nilinaw na rin ng Diyos sa kanila ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain ng pagliligtas sa mga tao, kaya napakawalang-saysay kung nasa puso pa rin ng mga tao ang mga kuru-kurong ito. Sinabi na sa iyo ng Diyos ang lahat ng katotohanang ito, kaya kung, sa huli, sasabihin mo pa rin na hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos at hindi mo alam kung paano magsagawa, at magsasabi ka pa rin ng gayong mga mapaghimagsik at mapagkanulong mga salita, maliligtas ba ng Diyos ang gayong tao? May ilan na palaging iniisip na, ‘Ginagawa ng Diyos ang gayon kadakilang gawain, dapat Niyang makamit ang mahigit sa kalahati ng mga tao sa mundo, at dapat Siyang gumamit ng malaking bilang ng mga tao, malakas na puwersa, at malaking bilang ng mga personalidad na may mataas na ranggo upang magpatotoo sa kaluwalhatian ng Diyos! Magiging kahanga-hanga iyon!’ Ito ang kuru-kuro ng tao. Sa Bibliya, kapwa sa Luma at Bagong Tipan, ilan sa naroon, sa kabuuan, ang naligtas at ginawang perpekto? Sino ang nagawang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan sa huli? (Sina Job at Pedro.) Silang dalawa lang. Sa pananaw ng Diyos, sa katunayan, ang matakot sa Kanya at lumayo sa kasamaan ay ang tumugon sa pamantayan ng pagkilala sa Kanya, ng pagkilala sa Lumikha. Ang mga taong tulad nina Abraham at Noe ay matuwid sa mga mata ng Diyos, ngunit mas mababa pa rin sila kina Job at Pedro. Siyempre, hindi gaanong gumawa ang Diyos noon. Hindi Siya naglaan para sa mga tao tulad ng ginagawa Niya ngayon, ni nagsalita ng napakaraming malinaw na salita, ni gumawa ng gawain ng pagliligtas sa gayon kalaking antas. Maaaring hindi Siya nakapagkamit ng maraming tao, ngunit ito ay nasa loob pa rin ng Kanyang paunang pagtatakda. Anong aspekto ng disposisyon ng Lumikha ang makikita rito? Inaasam ng Diyos na makapagkamit ng maraming tao, ngunit kung sa katunayan ay hindi makakamit ang maraming tao—kung ang sangkatauhang ito ay hindi makakamit ng Diyos habang ginagawa Niya ang Kanyang gawain ng pagliligtas—mas gugustuhin ng Diyos na abandonahin sila at iwaksi sila. Ito ang tinig sa kalooban at pananaw ng Lumikha. Pagdating sa bagay na ito, ano ang mga hinihingi o mga kuru-kuro ng tao sa Diyos? ‘Dahil gusto Mo akong iligtas, Ikaw dapat ang maging responsable hanggang sa wakas, at pinangakuan Mo ako ng mga pagpapala, kaya dapat Mo akong bigyan ng mga iyon at hayaan na makamit ang mga iyon.’ Sa loob ng tao, maraming ‘dapat’—maraming hinihingi—at isa ito sa kanyang mga kuru-kuro. Sinasabi ng iba, ‘Gumagawa ang Diyos ng gayon kadakilang gawain—isang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala—kung sa huli ay dalawang tao lamang ang makakamit Niya, iyan ay magiging isang kahihiyan. Hindi ba’t magiging walang saysay ang Kanyang mga pagkilos kung magkagayon?’ Iniisip ng tao na hindi dapat ganoon, ngunit masaya ang Diyos na magkamit ng kahit na dalawang tao. Ang tunay na layunin ng Diyos ay hindi lamang ang makamit ang dalawang iyon, kundi ang magkamit ng higit pa roon, ngunit kung hindi gigising at makauunawa ang mga tao, at lahat sila ay may maling pagkaunawa at lumalaban sa Diyos, at lahat sila ay walang pag-asa at walang halaga, mas gugustuhin pa ng Diyos na huwag na silang matamo. Iyan ang disposisyon ng Diyos. Sinasabi ng ilang tao, ‘Hindi pupuwede iyon. Hindi ba’t matatawa si Satanas kung ganoon?’ Maaaring tumatawa si Satanas, ngunit hindi ba’t pare-pareho lang ang natalong kaaway ng Diyos? Nakamit pa rin ng Diyos ang sangkatauhan—ang ilan sa kanila na kayang maghimagsik laban kay Satanas at hindi makokontrol nito. Nakamit ng Diyos ang mga tunay na nilalang. Ang mga hindi ba nakamit ng Diyos ay binihag ni Satanas pagkatapos noon? Hindi pa kayo ginawang perpekto—masusunod ba ninyo si Satanas? (Hindi.) Sinasabi ng ilang tao: ‘Kahit pa ayaw sa akin ng Diyos, hindi ko pa rin susundin si Satanas. Kahit pa mag-alok ito sa akin ng mga pagpapala, hindi ko tatanggapin ang mga iyon.’ Walang sinuman sa mga hindi nakamit ng Diyos ang sumusunod kay Satanas—hindi ba’t nagkakamit ang Diyos ng kaluwalhatian kung gayon? May kuru-kuro ang mga tao tungkol sa dami ng mga taong nakakamit ng Diyos o sa antas ng pagkakamit Niya sa kanila; naniniwala sila na hindi dapat makamit ng Diyos ang iilan lamang. Nagkakaroon ng gayong kuru-kuro ang tao dahil, sa isang panig, hindi maarok ng tao ang isipan ng Diyos at hindi nito maunawaan kung anong uri ng tao ang nais makamit ng Diyos—palaging may distansya sa pagitan ng tao at ng Diyos; sa kabilang panig, ang pagkakaroon ng gayong kuru-kuro ay isang paraan para aliwin ng tao ang kanyang sarili at palayain niya ang kanyang sarili kapag ang kanyang tadhana at kinabukasan ang pinag-uusapan. Naniniwala ang tao, ‘Napakakaunting tao ang nakamit ng Diyos—napakaluwalhati sana na makamit Niya tayong lahat! Kung hindi nagwaksi ang Diyos ng kahit isang tao, bagkus nilupig Niya ang lahat, at sa huli ay ginawang perpekto ang lahat, at ang paksa tungkol sa pagpili at pagliligtas ng Diyos sa mga tao, ni ang Kanyang gawain ng pamamahala, ay hindi nauwi sa wala, kung nagkagayon, hindi ba’t lalo pang mapapahiya si Satanas? Hindi ba’t magkakamit ang Diyos ng higit na kaluwalhatian?’ Kaya masasabi niya ito ay dahil sa isang banda hindi niya kilala ang Lumikha at sa isa pang banda ay dahil mayroon siyang pansariling makasariling motibo: Nag-aalala siya sa kanyang kinabukasan, kaya’t iniuugnay niya ito sa kaluwalhatian ng Lumikha, at dahil doon ang kanyang puso ay nakadarama ng ginhawa, iniisip na maaari niyang makuha itong pareho. Karagdagan pa rito, sa tingin din niya ay ‘Ang pagkakamit ng Diyos sa mga tao at pagpapahiya kay Satanas ay matibay na katibayan ng pagkatalo ni Satanas. Sabay-sabay na nakakamit ang tatlong ito!’ Talagang mahusay ang mga tao sa pag-iisip ng kung paano sila makikinabang. Medyo tuso ang kuru-kurong ito, hindi ba? May mga makasariling motibo ang mga tao, at hindi ba’t mayroong paghihimagsik sa mga motibong ito? Hindi ba’t mayroon ditong paghingi sa Diyos? Mayroon ditong hindi binibigkas na paglaban sa Diyos na nagsasabing, ‘Kami ay Iyong hinirang, pinamunuan, pinaghirapan nang husto, pinagkalooban ng Iyong buhay at ng Iyong kabuuan, pinagkalooban ng Iyong mga salita at katotohanan, at pinasunod sa Iyo sa loob ng maraming taon. Magiging malaking kawalan kung hindi Mo kami makakamit sa bandang huli.’ Ang gayong dahilan ay isang pagtatangkang kikilan ang Diyos, na obligahin Siya na kamtin sila. Ito ay pagsasabi na kung hindi sila makakamit ng Diyos, hindi iyon kawalan sa kanila, at na ang Diyos ang siyang magdurusa ng kawalan—tama ba ang pahayag na ito? Sa loob nito, kapwa naroroon ang mga hinihingi ng tao, at ang kanyang mga imahinasyon at kuru-kuro: Gumagawa ang Diyos ng gayon kadakilang gawain, kaya’t kailangan Niyang magkamit ng gaano man karaming tao. Saan nagmumula ang ‘kailangan’ na ito? Nagmumula ito sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, sa kanyang di-makatwirang mga hinihingi, at sa kanyang banidad, na may kaunting pagkakahalo ng kanyang mapagmatigas at mabangis na disposisyon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos (2)).

Mula sa mga salita ng Diyos, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili kong mga kuru-kuro. Dati, inakala kong hindi dapat ibunyag at itiwalag ng Diyos ang mga tao; dapat Siyang magkamit ng mas maraming tao para makatanggap Siya ng mas maraming kaluwalhatian. Kaya, nang makita kong isa-isang nabubunyag at natitiwalag ang mga tao sa iglesia, nagtaka ako: Kung napakarami ng mga taong nabubunyag at natitiwalag, ilan pa ang maliligtas sa huli? Lalo na nang hindi ko magawa ang mga tungkulin ko dahil sa karamdaman, nadama ko ring ibinubunyag at itinitiwalag ako ng Diyos. Nagkamali ako ng pagkaunawa sa Diyos at nakipagtalo pa nga sa Kanya sa puso ko, “Hindi ba’t ang gawain ng Diyos ay tungkol sa pagliligtas sa mga tao? Bakit natitiwalag kaming lahat sa huli?” Ipinakita nito ang kawalan ko ng kaalaman sa gawain ng Diyos. Ang totoo, hindi pa rin nagbabago ang layunin ng Diyos na magligtas ng mga tao, at umaasa Siyang magkakamit ng mas maraming tao. Basta’t handa ang mga taong matapat na magtrabaho para sa Diyos, hindi Niya sila basta-bastang ititiwalag. Gayumpaman, kung hindi pahahalagahan ng mga tao ang pagliligtas ng Diyos, hindi nila hahanapin ang katotohanan kapag nahaharap sa mga sitwasyon, hindi gagampanan ang mga tungkulin nila ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at sa halip ay magdudulot ng mga paggambala at panggugulo at sa huli ay makakagawa ng mas maraming pinsala kaysa sa kabutihan sa pagtatrabaho nila, matitiwalag lang sila. Matuwid at banal ang disposisyon ng Diyos. Hindi Niya hinahangad ang dami kundi ang kalidad ng mga tao. Ang gusto Niyang makamit ay mga tunay na nilikhang kayang sinserong sumamba at maging kaayon Niya, kahit pa kaunti sila. Isa pa, ang pag-asa ko na magliligtas ang Diyos ng mas maraming tao sa halip na magbubunyag at magtitiwalag sa kanila ay nagtataglay ng sarili kong pagkamakasarili. Dahil kung ganoon, hindi ako matitiwalag, at magiging tiyak ang kinabukasan at destinasyon ko. Kaya, nang pakiramdam ko ay ibinubunyag at itinitiwalag ako ng Diyos, naging negatibo ako at ayaw ko nang hangarin ang katotohanan. Nangatwiran ako sa Diyos sa puso ko: Hindi ba’t pinili kami ng Diyos para iligtas kami? Bakit isa-isang ibinubunyag at itinitiwalag ang napakarami sa amin? Ang implikasyon ko ay na hindi kami dapat itiwalag ng Diyos; dapat Niya kaming iligtas hanggang sa huli. Hindi ba’t taglay nito ang kalikasan na kapareho ng sa mga salita ni Pablo: “Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, napanatili ko ang pananalig: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8)? Pagpoprotesta ito laban sa Diyos! Isa itong napakalupit na disposisyon. Ang totoo, kahit ano pang kapaligiran ang pinamamatnugutan ng Diyos, ito ay para idulot sa ating hanapin ang katotohanang nakapaloob doon at makamit ang katotohanan, para maiwaksi natin ang tiwaling disposisyon natin at maligtas tayo. Katulad lang ng kapaligirang ito: Kahit na hindi ito umaayon sa mga kuru-kuro ko at nagdulot ito sa akin ng kaunting pasakit, ibinunyag nito ang motibasyon sa loob ko na makatanggap ng mga pagpapala, idinudulot sa aking matukoy ang mga karumihan sa likod ng pananampalataya ko sa Diyos at pagganap sa tungkulin, at binibigyang-daan akong itama ito at magbago. Nakita kong ang kapaligirang ito ay pagliligtas para sa akin. Gumawa ang Diyos ng mga masusing pagsisikap para iligtas tayo. Bukod sa ipinapahayag Niya ang katotohanan para tustusan tayo, namamatnugot pa Siya ng iba’t ibang kapaligiran para danasin natin para linisin at gawin tayong perpekto. Pero lumaban at nagreklamo ako tungkol sa mga kapaligirang pinamatnugutan ng Diyos. Talagang hindi ko alam kung anong makakabuti para sa akin! Ang pagpili sa akin ng Diyos na tumanggap ng gawain Niya sa mga huling araw ay biyaya na Niya. Dapat akong magpasalamat sa Kanya. Kahit na sa huli ay hindi ako tumanggap ng mga pagpapala o magkaroon ng magandang kalalabasan, dapat pa rin akong magpasakop sa Diyos at hindi makipagtalo sa Kanya.

Kalaunan, nakakita pa ako ng mas marami sa mga salita ng Diyos: “Simulan ninyo itong seryosong hangarin mula ngayon—ngunit paano ninyo ito dapat hangarin? Kailangan ninyong pagnilayan ang mga usapin kung saan madalas kayong nagrerebelde sa Diyos. Paulit-ulit nang nagsaayos ang Diyos ng mga sitwasyon para sa iyo upang turuan ka ng aral, upang baguhin ka sa pamamagitan ng mga bagay na ito, upang itimo ang Kanyang mga salita sa iyo, upang papasukin ka sa isang aspekto ng katotohanang realidad, at upang pigilan kang mamuhay alinsunod sa tiwaling disposisyon ni Satanas sa mga bagay na iyon, at upang sa halip ay mamuhay ka alinsunod sa mga salita ng Diyos, upang tumimo sa iyo ang Kanyang mga salita at maging buhay mo ang mga ito. Ngunit madalas kang nagrerebelde sa Diyos sa mga bagay na ito, hindi nagpapasakop sa Diyos ni tumatanggap ng katotohanan, hindi itinuturing ang Kanyang mga salita na mga prinsipyong dapat mong sundin, at hindi isinasabuhay ang Kanyang mga salita. Nakasasakit ito sa Diyos, at paulit-ulit kang nawawalan ng pagkakataon para sa kaligtasan. Kaya, paano mo dapat baguhin ang iyong sarili? Magmula sa araw na ito, sa mga bagay na matutukoy mo sa pamamagitan ng pagninilay-nilay at malinaw na mararamdaman, dapat kang magpasakop sa pangangasiwa ng Diyos, tanggapin ang Kanyang mga salita bilang ang katotohanang realidad, tanggapin ang Kanyang mga salita bilang ang buhay, at baguhin ang paraan ng iyong pamumuhay. Kapag nahaharap ka sa mga sitwasyong tulad nito, dapat kang maghimagsik laban sa iyong laman at mga kagustuhan, at kumilos ka alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Hindi ba’t ito ang landas ng pagsasagawa? (Ito nga.) … Gayunpaman, kung nais mong matamo ang kaligtasan, kung nais mong isagawa at maranasan ang mga salita ng Diyos, at matamo ang katotohanan at buhay, kailangan mong mas magbasa ng mga salita ng Diyos, magkaroon ng pagkaunawa sa katotohanan, makapagsagawa at makapagpasakop sa Kanyang mga salita, at magsimula sa pamamagitan ng pagsasagawa sa katotohanan at pagtataguyod sa mga katotohanang prinsipyo. Ilang simpleng pangungusap lamang ito, subalit hindi alam ng mga tao kung paano isagawa o danasin ang mga ito. Anuman ang iyong kakayahan o pinag-aralan, at anuman ang iyong edad o ilan ang taon ng pananampalataya, anu’t ano man, kung nasa tamang landas ka ng pagsasagawa sa katotohanan, sa tamang mga mithiin at direksyon, at kung ang hinahangad at iginugugol mo ay alang-alang lahat sa pagsasagawa sa katotohanan, walang dudang ang matatamo mo sa huli ay ang katotohanang realidad at ang mga salita ng Diyos na nagiging buhay mo. Una ay tukuyin mo ang iyong mithiin, pagkatapos, unti-unti kang magsagawa alinsunod sa landas na ito, at sa huli, tiyak na may makakamit ka. Naniniwala ba kayo rito? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (20)). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang landas ng pagsasagawa. Kung gusto kong hangarin ang katotohanan at maligtas, dapat akong magpasakop sa mga kapaligirang pinamamatnugutan ng Diyos, hanapin ang katotohanan, at magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos. Kahit na hindi ako makagawa ng anumang tungkulin ngayon o hindi ko magawang makipag-ugnayan sa mga kapatid, nakita ko ang proteksyon ng Diyos sa sitwasyong ito. Sa kabila ng malubha kong karamdaman, ipinagkaloob sa akin ng Diyos ang bawat hininga, at buhay pa ako. Puwede ko pa ring basahin ang mga salita ng Diyos sa bahay; hindi ipinagkait sa akin ng Diyos ang karapatang basahin ang mga salita Niya. Pero hindi ako marunong magpasalamat. Sa halip na pahalagahan ang proteksyon ng Diyos, naging negatibo ako at nagkamali ng pagkaunawa sa Kanya. Talagang wala ako sa katwiran. Kailangan kong mas pagnilayan at kilalanin ang sarili ko, hanapin ang mga nauugnay na salita ng Diyos para tugunan ang sarili kong katiwalian—magiging pagpapamalas iyon ng paghahangad sa katotohanan.

Pagkalipas ng ilang panahon, nakagawa na ulit ako ng mga tungkulin ko, pumipili ng mga sermon ng ebangelyo. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng isa pang pagkakataong magawa ang tungkulin ko. Sa pagganap sa tungkulin ko, binigyang-pansin ko ang pagsusuri sa tiwaling disposisyong ibinunyag ko. Minsan, kung magtatamo ako ng kaunting resulta sa tungkulin ko, hindi ko mapigilang matuwa sa sarili ko, iniisip na medyo magaling ako. Pero kapag hindi masyadong nagbubunga o nalilihis ng landas ang tungkulin ko, nagiging negatibo ako, inaalala kung ano ang tingin sa akin ng iba. Bilang tugon sa mga pagbubunyag na ito tungkol sa sarili ko, hinanap ko ang mga salita ng Diyos para sa kalutasan. Pagkatapos magsagawa nang ganito sa loob ng ilang panahon, nasiyahan nang husto ang puso ko. Salamat sa Diyos sa patnubay Niya!

Sinundan:  32. Kung Paano Ko Dapat Tratuhin ang mga Pagsalangsang Ko

Sumunod:  34. Ang Natutuhan Ko Sa Pagpapakitang-gilas ng Aking Sarili

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger