36. Alam Ko Na Ngayon Kung Paano Tratuhin Nang Wasto Ang Aking Anak na Babae

Ni Su Xin, Tsina

Mababa lang ang pinag-aralan ng mga magulang ko at ang kaya lang nilang gawin ay mabibigat na trabaho, kaya binigyan nila ng malaking pagpapahalaga ang edukasyon namin ng kapatid ko, at nagtipid sila at nag-ipon para mapag-aral kami. Madalas na sinasabi ng nanay ko na hindi siya pinayagan ng kanyang ama na pumasok sa paaralan, kaya wala siyang nagawa kundi gugulin ang kanyang buhay bilang isang maybahay, at sinabi niya sa amin na huwag namin siyang tularan. Handa siyang isakripisyo ang lahat para mapag-aral kami sa kolehiyo, para lang magkaroon kami ng magandang trabaho sa hinaharap. Matapos makapasok ang aking kapatid sa isang kilalang mataas na paaralan, kahit na medyo kapos kami sa bahay, humingi pa rin ng tulong sa iba ang mga magulang ko para mabili ang lahat ng uri ng gamit sa pag-aaral at supplements para sa aking kapatid. Samantalang ako naman, kulang na lang ako ng ilang puntos para makapasok sa mataas na paaralan, kaya gumastos ang mga magulang ko ng mahigit 7,000 yuan para mapag-aral ako sa mataas na paaralan. Pagkatapos ng graduation, natuto ako ng isang kasanayan at nagbukas ako ng maliit na negosyo. Nang makita ko ang lahat ng katulad na tindahan sa paligid ko, nakaramdam ako ng matinding presyur. Naisip ko na hindi talaga madaling makakuha ng matatag na puwesto sa merkado. Kahit papaano ay nauunawaan ko na kung bakit handang magsumikap ang mga magulang ko para mabigyan kami ng pinakamagandang edukasyon. Ito ay para makakuha kami ng mas magandang posisyon sa lipunan. Naisip ko na kapag nagkaroon ako ng mga anak, magiging isang masigasig na ina ako, magsisikap ako para kumita ng pera, at lilinangin ko ang mga anak ko para makapag-aral sila nang maayos.

Pagkatapos kong ikasal, nagkaroon ako ng anak na babae, at naisip ko na, “Hindi ko maaaring hayaan na matalo ang anak ko sa simula pa lang. Dahil ipinanganak ko siya, kailangan kong tuparin ang responsabilidad ko bilang isang ina, linangin siya nang maayos, at gawin ang aking makakaya para ilatag ang daan para sa kanya at planuhin ang kanyang hinaharap. Sa ganitong paraan, makakakuha siya ng magandang trabaho at mamumuhay nang hindi inaalala ang mga pangunahing pangangailangan. Kung hindi ko paghahandaan ang kanyang hinaharap ngayon, magiging iresponsable akong ina.” Noong natututo pa lang na magsalita ang anak ko, kinukuwentuhan ko siya, binabasahan ng mga klasikong tula, at tinuturuan siyang kumilala ng mga karakter, at nagpalabas pa ako ng mga English learning programs para sa kanya. Maagang natutong magsalita ang anak ko, at sa murang edad, nakakabasa na siya ng mga aklat ng kuwento nang mag-isa. Nang makita ko kung gaano siya katalino, lalo akong nagkaroon ng kumpiyansa na linangin siya nang wasto, iniisip ko na kapag nagtagumpay siya, magiging karangalan ko iyon bilang isang ina.

Nang magsimula ang anak ko sa kindergarten, naisip ko na napakahalaga ng maagang edukasyon sa paghubog sa katalinuhan ng isang bata, kaya maingat akong pumili ng isang mental arithmetic na kindergarten para sa kanya, at para matiyak na magkakaroon ng tamang tindig at pisikal na ganda ang anak ko, ipinasok ko siya sa mga dance lessons noong siya ay limang taon gulang. Noong magsisimula na siya sa elementarya, nakiusap ako sa isang tao na hanapin ang pinakamagandang paaralan para sa kanya, at tiniyak ko na mayroon siyang guro sa klase na may mahusay na kalipikasyon na nagtuturo ng de-kalidad na mga klase. Nagsumikap akong kumita ng pera para mapag-aral ko ang aking anak. Nagtrabaho ako mula umaga hanggang gabi, at madalas ay hindi tama ang oras ng aking pagkain. Minsan, kumakain lang ako ng isang beses sa isang araw. Sa tuwing umuuwi ang anak ko mula sa paaralan, minamadali ko siyang tapusin ang kanyang takdang-aralin at pagkatapos ay sinusuri ko ito, at kapag nakakita ako ng isang pagkakamali, pinapasagot ko siya ng sampu pang karagdagang tanong bilang parusa. Minsan kapag naglalakad kami ng anak ko sa lansangan, nakakakita kami ng mga taong namumulot ng basura, at tahimik kong sinasabi sa anak ko na, “Kung hindi ka mag-aaral nang mabuti, ganyan ang magiging trabaho mo. Iyan ba ang gusto mo?” At umiiling na lang siya. Kalaunan, natuklasan ko na talagang mahilig sa musika ang anak ko, at kahit anong kanta, kaya niyang kantahin ito pagkatapos lamang niyang mapakinggan nang dalawang beses. Naisip ko na, “Boses-bata pa rin siya, kaya baka maaga pa para sa kanya na matuto ng vocal music. Hahayaan ko munang mag-aral siya ng instrumento para matuto siyang magbasa ng musika. Sa ganoong paraan, kung nais niyang magpatuloy sa musika balang araw, magiging mas madali na ito.” Kung kaya, noong nasa ikalawang baitang siya, ipinasok ko siya sa mga klase ng guzheng. Noong una, dahil sa pagiging mausisa, pumayag ang anak ko na matuto ng guzheng, pero habang araw-araw siyang nakaupo sa harap ng guzheng, nagsasanay ng iba’t ibang finger techniques at tumutugtog ng mga paulit-ulit na nota, umaayaw na siya. Madalas siyang sumisimangot at tumitingin sa akin nang may mga luha sa kanyang mga mata, sinasabi niya na, “Inay, ayaw ko nang magsanay. Gusto kong maglaro sandali.” Pero sinusuyo ko siyang magpatuloy sa pagsasanay, at wala nang nagagawa ang anak ko kundi magpatuloy sa pagsasanay habang lumuluha. Sumama rin ang loob ko nang makita ko na nakakaramdam siya ng labis na hindi makatarungang pagtrato. Lalo na nang makita ko na puno ng hangnail ang maliliit na daliri ng anak ko, Nasaktan ako at naguluhan. Nais ko ring hayaang maglaro nang malaya ang anak ko, pero ang lipunan ay labis na nakasentro sa realidad at malupit, at kung wala siyang magandang edukasyon o kasanayan, paano siya mamumuhay sa lipunan? Lahat ng mga bata ay nagsusumikap, at hindi ko maaaring hayaan ang anak ko na magpabaya. Kung ayaw niyang mapunta sa hulihan ng pila balang araw, kailangan niyang magsumikap ngayon pa lang, at kailangan kong akuin ang responsabilidad at tiyakin na hindi siya mahuhuli. Sana lang ay maunawaan ng anak ko ang mga masusing pagsasaalang-alang ko bilang isang ina. Kalaunan, madalas kong sinasabi sa anak ko na, “Ngayon, matindi ang kompetisyon sa lipunan, at kung hindi mahusay ang iyong edukasyon, at wala kang mga espesyal na kasanayan, magiging mababa ang tingin sa iyo bilang nasa hulihan ng pila. Nais ng nanay na matuto ka ng guzheng para magkaroon ka ng mas maraming pagpipiliang trabaho sa hinaharap. Maaaring hindi mo ako nauunawaan ngayon, pero mauunawaan mo rin ako kapag lumaki ka na.” Nang may pagtanggap, sinabi ng anak ko na, “Inay, puwede bang huwag mo na akong kulitin? Hindi naman ako nakakagawa ng sarili kong mga desisyon. Kailangan ko lang sundin ang lahat ng sinasabi mo.” Nang makita ko ang anak ko na ganito, tinanong ko minsan ang sarili ko, Tama ba talaga ang ginagawa kong ito? Noong panahong iyon, natagpuan ko na ang Diyos, at nakipagbahaginan na rin sa akin ang isang sister, sinabi niya sa akin na hindi dapat tayo humingi nang sobra-sobra sa ating mga anak, at gawin na lang natin ang bahagi natin bilang mga magulang, at kung magtagumpay man ang ating mga anak o magkaroon ng magandang propesyon, hindi ito nakasalalay sa mga magulang, lahat ng ito ay bahagi ng pagtatakda ng Diyos, at kailangan nating ipagkatiwala ang lahat sa Diyos. Pakiramdam ko, dahil sa ganito katinding kompetisyon sa lipunan, kung ang isang tao ay walang magandang edukasyon o espesyal na talento, talagang mahirap para sa kanya na makakuha ng matatag na posisyon. Talagang may talento ang anak ko, at kung hindi ko siya lilinangin nang wasto, hindi ba niya ako sisisihin dahil sa pagiging iresponsable ko bilang isang ina kapag lumaki na siya? Hindi ko seryosong tinanggap ang payo ng sister ko, at patuloy kong nilinang ang anak ko ayon sa sarili kong plano.

Habang nag-aaral ng guzheng ang anak ko, ipinasok ko rin siya sa ibang klase tulad ng Ingles at pagsulat. Ang mga huling araw ng linggo at mga pista-opisyal ang pinakaabalang oras para sa anak ko, at araw-araw ay para bang lagi siyang nagmamadaling lumipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa—tinatapos ang isang klase at nagmamadaling tumuloy sa kasunod. Tuwing nakikita ng anak ko ang mga batang naglalaro sa baba, tinitingnan niya ang mga ito nang may pananabik at pagkainggit, at sinasabi niya na, “Inay, gusto kong maglaro sa labas tulad ng ibang bata. Hindi ba’t dapat may araw tayo ng pahinga tuwing Linggo? Pero mas abala pa ako ngayon kaysa sa mga araw ng pasukan. Kailan ba ako puwedeng tumigil sa pagpapakapagod at gumawa na lang ng kung anong gusto ko?” Sinabi ko nang may pagtanggap, “Alam kong pagod ka at gusto mong magpahinga at magpakasaya, pero habang naglalaro ka, ang ibang bata ay nagsisikap, at maaari kang mahuli. Kung gusto mo ng magandang hinaharap, kailangan mong magsikap ngayon. Bata ka pa at hindi mo pa nauunawaan kung gaano katindi ang kompetisyon sa lipunan. Mauunawaan mo rin kapag lumaki ka na.” Ginamit ko ang iba’t ibang paraan para hikayatin siyang mag-aral. Nagsikap ang anak ko para matugunan ang mga inaasahan ko, at inilathala sa lokal na pahayagan ang kanyang isinulat. Mahusay niyang natutunan ang guzheng at madalas siyang magtanghal at lumahok sa mga kompetisyon, at madalas din siyang magtanghal sa mga sayawan. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa mga tagumpay ng anak ko at naniwala ako na may katwiran ang mga pagsisikap ko. Naramdaman ko na kapag nagkaroon ng magandang hinaharap ang anak ko, natupad ko na ang mga responsabilidad ko bilang isang ina.

Kalaunan, pumasok ang anak ko sa middle school, at nakahanap ako ng guro sa klase na may mataas na advancement rate para sa kanya. Para matiyak na hindi maaantala ang mga pag-aaral niya, sinuri ko ang lahat ng mga kaklase ng anak ko na nakakasalamuha niya sa paaralan, natatakot ako na ang pakikihalubilo niya sa mga hindi masyadong masigasig mag-aral ay makakaapekto sa kanyang pag-aaral. Madalas magreklamo ang anak ko sa akin, “Para akong isang ibon sa loob ng hawla. Wala talaga akong kalayaan. Araw-araw, pumupunta lang ako mula paaralan papunta sa bahay tapos papunta sa mga cram classes. Ang tanging ginagawa ko lang ay mag-aral, mag-aral, mag-aral. Inay, alam mo ba kung anong pakiramdam niyon? Gusto kong maging malaya. Maski ang mga isda sa aquarium natin ay mas may kalayaan pa kaysa sa akin. Buti pa sila, nakakalangoy sa napakalaking tangke nila. Wala nga rin akong ganoon kalaking espasyo.” Tuwing nagrereklamo nang ganito ang anak ko, naguguluhan ako. Alam ko na hindi siya masaya, pero sa ganito katinding kompetisyon sa lipunan, ano pa ang magagawa ko? Ang magagawa ko lang ay magtiyaga na hikayatin siya, “Hindi naman sa ayaw kitang bigyan ng kalayaan; iyon nga lang, kung hindi ka magsisikap ngayon, paano ka makakaangat sa buhay? Hindi ka pa nakakapasok sa lipunan, kaya hindi mo pa nauunawaan kung gaano katindi ang kompetisyon. Naranasan ko na ito, at ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo.” Tuwing naririnig ito ng anak ko, tumatahimik na lang siya. Unti-unti, napansin kong bihira nang magsalita ang anak ko, at kapag umuuwi siya mula sa paaralan, nagkukulong na lang siya sa kanyang kwarto. Inakala ko na baka nagrerebelde lang siya dahil nagdadalaga na, at na lilipas din ito sa paglipas ng panahon.

Hindi ko inasahan na isang araw, noong nasa ikatlong taon siya ng middle school, pagkatapos lang ng ilang salita, tuluyan nang nasira ang pag-uusap namin. Nakikita ko minsan ang anak ko na nasa telepono, kaya sinabi ko sa kanya na, “Napakatindi na ng mga klase mo ngayon at malapit na ang pagsusulit. Dapat bawasan mo ang paggamit ng telepono!” Sinabi ng anak ko na, “Tinitingnan ko lang ito sandali habang nagpapahinga ako.” Nagpatuloy ako, “Anong kabutihan ang idudulot sa iyo ng pagtingin sa telepono mo! Nakakasagabal lang iyan sa mga pag-aaral mo!” Tumahimik siya sandali, pagkatapos ay bigla na lang niya akong sinigawan habang lumuluha, “Bakit ba kailangan kong makinig sa lahat ng sinasabi mo? Naisip mo na ba ito? Binigyan mo ba ako ng kalayaan kahit kailan, mula noong bata pa ako hanggang ngayon? Kinokontrol at minamanipula mo ang lahat sa buong buhay ko. Ikaw ang pumili ng paaralan ko, ikaw ang pumili ng mga guro ko sa elementarya at middle school, pinag-aral mo ako ng sayaw, guzheng, pagsulat, Ingles, at lahat ng uri ng extracurricular classes, at kailangan kong pakinggan ang lahat ng sinasabi mo! Isinaalang-alang mo ba ang mga damdamin ko kahit minsan? Mahal mo ba talaga ako? Ayaw na kitang makita.” Noong gabing iyon, lumayas ng bahay ang anak ko. Sa sandaling iyon, halos bumigay ako. Hindi ko talaga maunawaan; hindi ba’t ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya ay para sa kanyang sariling kabutihan? Bakit hindi nauunawaan ng anak ko kung anong nasa puso ko? Nababalisa ako sa pag-aalala na baka may mangyari sa kanya, kaya agad kong tinawagan ang malalapit na kaklase niya para itanong ang kanyang kinaroroonan. Sinabi nilang lahat na hindi nila alam. Parang tumigil ang puso ko. Saan kaya siya pumunta? May ginawa kaya siyang padalos-dalos? Kung may mangyari sa kanya, paano ako mabubuhay sa sarili ko? Umiyak ako sa kawalan ng magagawa at nagdasal sa Diyos, “Diyos ko, galit ang anak ko at lumayas siya, at natatakot ako na may mangyari sa kanya. Diyos ko, tulungan Mong mapanatiling kalmado ang puso ko. Alam kong pinayagan Mo ang sitwasyong ito, pero hindi ko nauunawaan kung anong aral ang dapat kong matutunan mula rito. Pakiusap, gabayan Mo ako para maunawaan ko ang Iyong layunin.”

Makalipas ang tatlo o apat na araw, nagpasabi ang anak ko na ayaw na niyang umuwi, at na ang huling taong nais niyang makita ay ako. Nang marinig ko ito, para akong sinaksak sa puso, at tumulo ang mga luha sa mukha ko. Palagi kong iniisip na ako ay isang responsable at masigasig na ina, at mula nang isilang ang anak ko, pinlano ko ang lahat para sa kanya, nais kong lumaki siya nang walang mga problema at magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap. Pero pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa kanya, ang tanging natanggap ko bilang kapalit ay ang pag-iwas at ang pagkamuhi niya sa akin. Pakiramdam ko ay talagang nabigo ako bilang isang ina. Madalas akong palihim na umiiyak mag-isa, at sa pinakamatitinding sandali na wala akong magawa, ibinubuhos ko sa Diyos ang sakit at pagkalito na nasa aking kalooban. Sa sandaling iyon, binasa ko ang mga pinakahuling salita ng Diyos, kung saan nagbahagi Siya tungkol sa anim na yugto sa buhay ng tao, at kaagad na natanggal ang buhol sa aking puso. Nagbasa ako ng mga salita ng Diyos: “Maliban sa pagsisilang at pagpapalaki ng anak, ang responsabilidad ng mga magulang sa buhay ng mga anak nila ay ang panlabas lang na bigyan sila ng isang kapaligiran na kalalakihan nila, at iyon na iyon, sapagkat walang makaiimpluwensiya sa kapalaran ng tao maliban sa itinadhana ng Lumikha. Walang sinuman ang makakakontrol sa uri ng magiging kinabukasan ng isang tao; ito ay matagal nang naitakda, at kahit pa ang sariling mga magulang ay hindi mababago ang kapalaran ng isang tao. Kaugnay naman sa kapalaran, kanya-kanya ang bawat isa, at bawat isa ay may sariling kapalaran. Kaya, walang magulang ang makahahadlang sa kapalaran sa buhay ng isang tao ni kaunti o maka-uudyok sa kanya kahit kaunti pagdating sa papel na ginagampanan niya sa buhay. Maaaring sabihin na ang pamilya kung saan naitadhanang maisilang ang isang tao, at ang kapaligiran na kinalalakihan niya, ay mga paunang kondisyon lamang upang matupad niya ang sarili niyang misyon sa buhay. Hindi tinutukoy ng mga ito sa anumang paraan ang kapalaran ng isang tao sa buhay o ang uri ng tadhana kung saan tinutupad ng isang tao ang kanyang misyon. Kung kaya’t walang magulang ang makakatulong sa kanyang anak na matupad ang misyon niya sa buhay, at gayundin, walang kaanak ninuman ang makakatulong sa kanya na akuin ang sarili niyang papel sa buhay. Kung paano tinutupad ng isang tao ang kanyang misyon at sa anong uri ng pinamumuhayang kapaligiran niya ginagampanan ang kanyang papel ay ganap na itinatakda ng kanyang kapalaran sa buhay. Sa madaling salita, walang iba pang obhetibong mga kondisyon ang makakaimpluwensiya sa misyon ng isang tao, na itinadhana ng Lumikha. Ang lahat ng tao ay umaabot sa hustong pag-iisip ayon sa kanilang partikular na kinalakhang mga kapaligiran; pagkatapos, unti-unti, sa bawat hakbang, tumutungo sila sa kanilang sariling mga landas sa buhay at tinutupad ang mga tadhana na plinano para sa kanila ng Lumikha. Sa likas na paraan at nang hindi sinasadya ay pumapasok sila sa malawak na karagatan ng sangkatauhan at inaako ang sarili nilang mga papel sa buhay, kung saan ay sinisimulan nila ang pagtupad sa kanilang mga responsabilidad bilang mga nilalang para sa kapakanan ng pagtatadhana ng Lumikha, para sa kapakanan ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Kapag ang isang tao ay nililisan ang kanyang mga magulang at nagsasarili, ang panlipunang mga kondisyon na kakaharapin niya, at ang uri ng trabaho o karera na makukuha niya ay kapwa iniaatas ng kapalaran at walang kinalaman sa kanyang mga magulang. May ilang tao na pumipili ng isang magandang kurso sa kolehiyo at pagkatapos ay nakakatagpo ng isang kasiya-siyang trabaho pagkaraang makapagtapos at gumagawa ng matagumpay na unang hakbang sa paglalakbay sa kanilang mga buhay. May ilang tao na natututo at nagiging dalubhasa sa maraming iba’t ibang kasanayan ngunit kailanman ay hindi makahanap ng trabaho na angkop sa kanila o hindi kailanman makahanap ng posisyon, lalo na ng isang karera; sa simula ng kanilang paglalakbay sa buhay, natatagpuan nila ang kanilang mga sarili na nahahadlangan sa bawat liko, dinadagsa ng mga ligalig, madilim ang hinaharap at walang katiyakan ang kanilang mga buhay. Ang ilang tao ay masigasig sa kanilang pag-aaral, ngunit halos napapalampas ang lahat ng kanilang mga pagkakataon na makatanggap ng mas mataas na pinag-aralan; tila itinadhanang kailanman ay hindi magtamo ng tagumpay at ang kanilang kauna-unahang hangarin sa paglalakbay sa kanilang buhay ay nililipad ng hangin. Hindi alam kung ang daraanan ay patag o mabato, nararamdaman nila sa kauna-unahang pagkakataon kung gaano kapuno ng mga pagbabago ang tadhana ng tao, kung kaya’t itinuturing ang buhay nang may pag-asa at pangamba. May ilang tao, kahit hindi gaanong nakapag-aral, ay nakapagsusulat ng mga aklat at nakapagtatamo ng kaunting katanyagan; ang ilan, bagaman halos ganap na walang pinag-aralan, ay kumikita ng pera mula sa negosyo at dahil doon ay nasusuportahan ang kanilang mga sarili. … Kahit ano pa ang mga pagkakaiba sa kakayahan, talino, at determinasyon, ang mga tao ay pantay-pantay lahat sa harap ng tadhana, na hindi tumitingin sa pagkakaiba ng malaki o maliit, ng mataas o mababa, ng pinaparangalan o hinahamak. Ang pinagsisikapang hanapbuhay, ang ginagawa ng isang tao upang kumita, at kung gaano karami ang natitipong kayamanan ng isang tao sa buhay ay hindi napagpapasyahan ng sariling mga magulang, ng sariling mga talento, ng sariling mga pagpupunyagi o sariling mga ambisyon, at sa halip ay itinadhana ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kasama sa mga responsabilidad ng mga magulang ang pagsilang at pagpapalaki sa kanilang mga anak. Pero ang kapalaran ng kanilang mga anak, propesyon, o kung sila man ay magiging mahirap o mayaman, hindi ito mga bagay na kayang baguhin ng mga magulang. Ang kapalaran na itinakda ng Diyos sa isang tao ay iyon na at walang sinuman ang makakapagbago nito. Hindi ko naunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at inisip ko na dahil napakatindi ng kompetisyon sa lipunan, para makakuha ng posisyon sa lipunan, kailangang magkaroon ang isang tao ng edukasyon o kasanayan, kung hindi, masasadlak siya sa mahirap na pamumuhay, at kung hindi ko lilinangin nang wasto ang aking anak, hindi ko matutupad ang responsabilidad ko bilang isang ina. Dahil pinanghawakan ko ang maling pananaw na ito, nagsimula akong magplano ng kanyang kinabukasan noong siya ay napakabata pa. Pinili ko ang pinakamahusay na kindergarten para sa kanya at ipinasok ko siya sa mga klase para sa iba’t ibang kasanayan, at habang ang ibang mga bata ay naglalaro sa labas, ang anak ko naman ay nagmamadaling pumunta sa iba’t ibang klase. Sa murang edad, nakagapos na siya, at ginugol niya ang kanyang mga araw na parang isang robot. Bawat hakbang ay itinulak siya pasulong ng planong inihanda ko para sa kanya, at ito ang naging dahilan ng pagkawala ng kaligayahan niya sa pagkabata na nararapat sana sa kanya. Dahil nagtatrabaho ako mula umaga hanggang gabi para kumita ng pera, sa mahabang panahon, hindi regular ang pagkain ko, at ito ay humantong sa mga problema sa tiyan. Hindi lang ako tahimik na nagdusa, kundi tinulak ko rin ang anak ko na maglayas ng bahay. Ang lahat ng ito ay bunga ng kabiguan kong maunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Bagama’t nananampalataya ako sa Diyos, ang pananampalataya ko sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay sa salita lamang, at ang totoo, hindi talaga ako naniniwala sa mga salita ng Diyos, at hindi ko tinitingnan ang mga tao o bagay at hindi ako kumikilos at umaasal ayon sa mga hinihingi ng Diyos, na naging dahilan para kami ng anak ko ay labis na mapagod at magdusa sa katawan at isipan. Hindi ko kailanman pinagnilayan kung tama ba talaga ang paraan ko ng pagtuturo sa aking anak. Mababago ba talaga nito ang kinabukasan ng anak ko? Nang balikan ko ang nakaraan, hindi naman ganoon kasama ang mga grado ko sa paaralan, at inisip ko na maaari akong pumasok sa isang teacher training university at magkaroon ng matatag na trabaho sa hinaharap, pero sa hindi inaasahan, bumagsak ako sa entrance exam sa kolehiyo at hindi ako nakapasok kahit saan. Pagkatapos kong gumradweyt, natuto ako ng isang kasanayan, at sa simula, nagplano akong magbukas ng pabrika ng damit, pero hindi maganda ang takbo ng industriya ng pananamit, kaya kinailangan kong magbago ng propesyon at magbukas ng isang hair salon. Inisip ko itong palawakin, pero dahil sa iba’t ibang kadahilanan, hindi ko ito itinuloy. Unti-unti, narating ko ang kinaroroonan ko, at wala sa mga ito ang nangyari ayon sa aking mga plano. Hindi ko nga kayang baguhin ang kapalaran ko, paano ko pa kaya babaguhin ang kapalaran ng anak ko? Itinakda na ng Diyos ang kapalaran ng anak ko noong isinilang siya, at kung anong uri ng trabaho niya sa hinaharap at kung magkakaroon siya ng magandang buhay, ay itinakda nang lahat ng Diyos. Gaano man kahusay ang aking pagpaplano o gaano man kalawak ang aking paglilinang at pagtuturo sa kanya, hindi ko mababago ang kapalaran niya. Hindi ko kinilala ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagtatakda ng Diyos, at inisip ko na kaya kong baguhin ang kapalaran ng anak ko sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap na linangin at turuan siya. Talagang kaawa-awa at mangmang ako. Lahat ng ginagawa ko para sa aking anak ay tila tama sa panlabas, at gumagawa ako ng mga plano para sa kanyang hinaharap, pero sa katunayan, ang ginagawa ko ay lampas na sa mga responsabilidad ng isang magulang. Kumikilos ako laban sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos!

Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kung saan pupunta ang isang tao, ano ang gagawin niya, sino o ano ang kanyang makakatagpo, ano ang sasabihin niya, at ano ang mangyayari sa kanya sa bawat araw—mahuhulaan ba ng mga tao ang alinman sa mga bagay na ito? Maaaring sabihin na maliban sa hindi mahuhulaan ng mga tao ang lahat ng pangyayaring ito, higit pa rito, hindi nila makokontrol kung paano uusad ang mga bagay na ito. Sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao, ang mga di-mahuhulaang pangyayaring ito ay nagaganap sa lahat ng oras, mga karaniwang kaganapan na ang mga ito. Ang kaganapan nitong ‘maliliit na usapin ng pang-araw-araw na buhay’ at ang mga paraan at mga batas ng pag-unlad ng mga ito, ay palagiang pagpapaalala sa sangkatauhan na walang nangyayari nang sapalaran, at na ang proseso ng bawat pag-unlad, ang pagiging di-maiiwasan ng bawat pangyayari ay hindi mababago ayon sa kagustuhan ng tao. Ang kaganapan ng bawat pangyayari ay naghahatid ng isang babala ng Lumikha para sa sangkatauhan, at nagbibigay rin ito ng mensahe na hindi maaaring makontrol ng mga tao ang kanilang sariling kapalaran. Kasabay nito, pagpapabulaanan din ito sa ambisyon at pagnanais ng sangkatauhan na walang saysay na pag-asang ilagay sa sarili nilang mga kamay ang kanilang kapalaran. Ang pagpapabulaanang ito ay parang isang malakas na sampal sa mukha na paulit-ulit na humahampas sa sangkatauhan, na pumipilit sa mga tao na pagnilay-nilayan kung sino mismo ang may kataas-taasang kapangyarihan at kontrol sa kapalaran nila. At habang ang kanilang mga ambisyon at mga pagnanais ay palagiang nasisira at nadudurog, hindi rin maiwasan ng mga tao na di-sinasadyang tumugma sa mga pagsasaayos ng kapalaran, at tanggapin ang realidad, ang kalooban ng Langit, at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Ang trahedya ng tao ay hindi sa hinahanap niya ang maligayang buhay, hindi sa hinahangad niya ang kasikatan at kayamanan o sa nakikipagsagupa siya sa sarili niyang kapalaran sa gitna ng hamog, kundi pagkatapos niyang makita ang pag-iral ng Lumikha, matapos niyang matutuhan ang katotohanan na ang Lumikha ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao, hindi pa rin siya makaalis mula sa maling landas, hindi maiahon ang sarili mula sa putik, ngunit pinatitigas ang kanyang puso at nagpupumilit sa kanyang mga pagkakamali. Mas nanaisin pa niyang patuloy na makibaka sa putikan, matigas ang ulong nakikipagpaligsahan sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, nilalabanan ito hanggang sa mapait na katapusan, nang wala ni katiting na pagsisisi. Magpapasya lamang siyang sumuko at bumalik kapag siya ay nakahiga na nang wasak at nagdurugo. Ito ang tunay na trahedya ng tao. Kaya sinasabi Ko, ang mga pumipili na magpasakop ay matatalino, at ang mga pumipiling makibaka at kumawala ay hangal(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagsimula akong magnilay sa aking sarili. Nang balikan ko kung paano ko nilinang ang anak ko, palagi akong naniniwala na basta’t pinlano ko ang hinaharap ng anak ko at isinagawa ko ang planong iyon, siguradong magtatagumpay siya sa kanyang propesyon. Pagkatapos kong matagpuan ang Diyos, ibinahagi sa akin ng mga kapatid na ang hinaharap ng isang anak ay itinakda ng Diyos, na hindi ito kayang kontrolin ng mga magulang, at na dapat tayong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Pero hindi ko pa rin binitawan ang sarili kong mga pananaw, sa paniniwalang ang tagumpay ng anak ko sa kanyang propesyon ay nakasalalay sa kanyang pagsisikap. Hindi naniniwala ang mga tao sa mundo sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at iniisip nila na ang tadhana ng isang tao ay nasa sarili niyang mga kamay. Naniniwala sila na ang isang tao ay makakaangat sa iba sa pamamagitan lamang ng pagtitiis sa hirap, at pikit-mata nilang nilalabanan ang mga pagtatakda ng Diyos at ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Kahit na nanampalataya ako sa Diyos, hindi ako naniwala sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao, at mayroon akong perspektiba katulad ng sa mga walang pananampalataya, nais kong baguhin ang kalaparan ng anak ko sa pamamagitan ng pagsusumikap bilang tao. Sa anong paraan ako naging isang mananampalataya? Ang mga pananaw ko ay katulad lang ng sa mga hindi mananampalataya. Hindi talaga ako karapat-dapat mamuhay sa harap ng Diyos! Batid na batid ko na ang Diyos ang Panginoon ng sangnilikha at ang may kataas-taasang kapangyarihan at kumokontrol sa lahat. pero dahil sa mga makasarili kong pagnanais, pinipilit kong makawala sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at baguhin ang hinaharap ng aking anak. Nagdulot ito ng labis na sakit at kapahamakan sa amin ng anak ko, at higit pa rito, paglaban ito sa mga pagtatakda ng Diyos. Nang mapagtanto ko ito, ayaw ko nang lumaban sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at naging handa akong ilagay ang anak ko sa mga kamay ng Diyos; kung magiging mahusay man siya o mahina sa kanyang pag-aaral, handa akong magpasakop. Pagkatapos magdasal, mas nakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko.

Hindi nagtagal, bumalik ang anak ko. Sinabi niya na nagtatrabaho siya sa isang restaurant. Nang makita kong pumayat ang anak ko, malungkot kong tinanong, “Aalis ka ba ulit?” Tumango ang anak ko, pinipigilan niya ang kanyang mga luha. Kinontrol ko ang sarili ko para hindi ako maiyak, at sinabi ko na, “Napakahirap doon sa labas. Bakit hindi ka na lang bumalik sa bahay?” Umiyak ang anak ko at sinabi niya na, “Wala akong kalayaan dito.” Ang sagot ng anak ko ay parang isang kutsilyo na tumagos sa aking laman, at pakiramdam ko ay parang nadudurog ang puso ko. Hindi ba’t lahat ng ito ay dahil itinulak ko siya? Ipinagkait ko sa anak ko ang kalayaan at kaligayahan, hanggang umabot sa punto na mas pinipili niyang lumabas at magdusa kaysa bumalik sa bahay. Sa anong paraan ako naging isang masigasig na ina? Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at niyakap ko ang anak ko, walang tigil ang pag-iyak ko. Umiyak din nang may hinagpis ang anak ko, at sinabi ko na, “Nagkamali ako. Hindi ako naging isang mabuting ina; hindi dapat kita pinilit nang sobra. Ipinagkait ko sa iyo ang lahat ng iyong kalayaan sa bahay, at nagdulot ako sa iyo ng labis na sakit. Pakiusap, umuwi ka na. Hindi na kita pipiliting aralin ang lahat ng mga bagay na pinag-aaralan mo.” Nang bumalik ang anak ko, hindi ko na siya pinilit na mag-aral katulad ng dati. Hinayaan kong mahubog siya sa natural na paraan, at mas pinagtuunan ko ng pansin ang pag-aasikaso sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan at pamumuhay at nakipag-usap ako sa kanya tungkol sa pananalig. Unti-unti, mas dumalas na ang pagsasalita ng anak ko at naging mas masayahin siya, at ang bahay ay napuno ng tawanan. Isang araw, sinabi ng anak ko na, “Inay, nagbago ka na; hindi mo na ako pinipilit mag-aral tulad ng dati.” Sinabi ko na, “Ang maliit na pagbabagong ito sa akin ay dahil sa paggabay ng salita ng Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang responsabilidad ko ay ang palakihin ka nang malusog at bigyan ka ng wastong edukasyon sa pag-iisip. Kung magtatagumpay ka man sa akademya o magkakaroon ng posisyon sa lipunan sa hinaharap ay isinaayos at itinakdang lahat ng Diyos. Nagkamali ako sa pagpupumilit ko sa iyo noon. Nagdulot ito sa ating dalawa ng labis na sakit, pero huwag kang mag-alala, hindi na kita pipilitin muli.” Umiyak kaming dalawa ng anak ko. Kalaunan, pumasok ang anak ko sa isang paaralang bokasyonal at palagi siyang kabilang sa mga nangungunang mag-aaral sa kanyang mga pagsusulit. Halos gabi-gabi niya akong tinatawagan, ipinapaalam niya sa akin ang lahat ng nangyari sa paaralan sa araw na iyon, at ang aming ugnayan ay naging tulad sa magkaibigan. Talagang naramdaman ko sa puso ko kung gaano kabuti ang pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos, at nagkaroon ako ng kaunting pagkilatis sa kung makatwiran ba ang mga inaasahan ko sa aking anak. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May ilang ekspektasyon ang lahat ng magulang sa kanilang mga anak. Malaki man o maliit ang mga ito, malapit o malayo, ang mga ekspektasyong ito ay isang saloobin na mayroon ang mga magulang sa pag-asal, kilos, buhay ng kanilang mga anak, o sa kung paano sila hinaharap ng kanilang mga anak. Ang mga ito ay isa ring uri ng partikular na hinihingi. Ang mga partikular na hinihinging ito, mula sa perspektiba ng kanilang mga anak, ay mga bagay na dapat gawin ng kanilang mga anak, dahil, batay sa mga tradisyonal na kuru-kuro, hindi pwedeng sumuway ang mga bata sa utos ng kanilang mga magulang—kung gagawin nila iyon, hindi sila mabuting anak. Dahil dito, malalaki at mabibigat na pasanin ang dinadala ng maraming tao tungkol sa bagay na ito. Kaya, hindi ba’t dapat maunawaan ng mga tao kung makatwiran ba o hindi ang mga partikular na ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak, at kung dapat bang mayroong ganitong mga ekspektasyon ang kanilang mga magulang o hindi, pati na rin kung alin sa mga ekspektasyong ito ang makatwiran, alin ang hindi makatwiran, alin ang marapat, at alin ang sapilitan at hindi marapat? Higit pa rito, mayroong mga katotohanang prinsipyo na dapat unawain at sundin ng mga tao pagdating sa kung paano nila dapat harapin ang mga ekspektasyon ng magulang, kung paano nila dapat tanggapin o tanggihan ang mga ito, at kung anong saloobin at perspektiba ang dapat nilang gamitin sa pagtingin at pagharap sa mga ekspektasyong ito. Kapag hindi nalutas ang mga bagay na ito, madalas na dinadala ng mga magulang ang mga ganitong uri ng pasanin, iniisip na responsabilidad at obligasyon nila na magkaroon ng mga ekspektasyon sa kanilang mga anak, at natural na mayroong higit pang mga bagay na dapat nilang taglayin. Iniisip nila na kung wala silang mga ekspektasyon sa kanilang mga anak, kapareho lang ito ng hindi pagtupad sa kanilang mga responsabilidad o obligasyon sa kanilang mga anak, at katumbas ng hindi paggawa sa mga dapat gawin ng mga magulang. Iniisip nila na magiging masamang magulang sila kung gagawin nila ito, mga magulang na hindi tumutupad sa kanilang mga responsabilidad. Samakatuwid, pagdating sa usapin ng mga ekspektasyon nila sa kanilang mga anak, di-sinasadyang bumubuo ng iba’t ibang hinihingi ang mga tao para sa kanilang mga anak. Mayroon silang iba’t ibang hinihingi para sa iba’t ibang anak sa iba’t ibang panahon at sa ilalim ng iba’t ibang sitwasyon. Dahil sa ganitong uri ng pananaw at pasanin nila pagdating sa kanilang mga anak, ginagawa ng mga magulang ang mga bagay na dapat nilang gawin ayon sa mga di-opisyal na panuntunang ito, tama man o mali ang mga ito. Mayroong mga hinihingi ang mga magulang sa kanilang mga anak habang tinatrato ang mga pamamaraang ito bilang isang obligasyon at responsabilidad, at kasabay nito, ipinipilit nila ang mga ito sa kanilang mga anak, hinihimok ang kanilang mga anak na tamuhin ang mga ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). “Gaano man kalaki ang mga ekspektasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak, at gaano man inaakala ng mga magulang na wasto at nararapat ang mga ekspektasyon nila sa kanilang mga anak, hangga’t lumalabag ang mga ekspektasyong ito sa katotohanan na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa tadhana ng tao, dapat bitiwan ng mga tao ang mga ekspektasyong ito. Masasabi na isa rin itong negatibong bagay; hindi ito wasto o positibo. Sumasalungat ito sa mga responsabilidad ng magulang at lagpas ito sa saklaw ng mga responsabilidad na iyon, at binubuo ito ng mga di-makatotohanang ekspektasyon at hinihingi na salungat sa pagkatao. … Noong huli, nagbahaginan tayo tungkol sa ilang di-normal na kilos at asal, pati na rin sa ilang labis-labis na pag-uugali, na ipinapakita ng mga magulang sa kanilang mga anak na wala pa sa hustong gulang, na nagdudulot ng iba’t ibang negatibong impluwensiya at tensyon sa kanilang mga anak, na sumisira sa pisikal, mental, at espirituwal na kapakanan ng mga anak. Ang mga bagay na ito ay nagpapahiwatig na ang ginagawa ng mga magulang ay hindi naaangkop at hindi nararapat. Ito ay mga kaisipan at kilos na dapat bitiwan ng mga taong naghahangad sa katotohanan, sapagkat, mula sa perspektiba ng pagkatao, ang mga ito ay isang malupit at di-makataong paraan ng pagwasak sa pisikal at mental na kapakanan ng isang bata(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (19)). Isinisiwalat ng Diyos na kapag itinuturing ng mga magulang ang kanilang mga hindi makatwirang inaasahan at kahilingan sa kanilang mga anak bilang mga responsabilidad at obligasyon na kailangan nilang tuparin para sa kanilang mga anak, at pagkatapos ay pinipilit nilang matugunan ito ng kanilang mga anak, nakakapahamak at nakakasira ito sa mga anak. Nagnilay ako sa aking sarili. Mula pagkabata, nakita ko kung gaano nagsakripisyo ang mga magulang ko para tiyakin na magkakaroon kami ng magagandang trabaho sa hinaharap, at talagang hinangaan ko ang mga magulang ko at inisip ko na sila ay masigasig, at inisip ko na kapag nagkaanak ako, gagawin ko rin ang ginawa ng mga magulang ko, at magiging responsable at mabuting ina ako. Pagkatapos maisilang ng anak ko, inisip ko na dahil napakabata pa ng anak ko, hindi pa niya alam ang marahas na realidad at kung gaano kalupit ang kompetisyon sa lipunan, at dahil naranasan ko na ito, kailangan kong magplano para sa kanyang hinaharap at maglatag ng daan para sa kanyang kinabukasan, at kahit na may kaakibat itong pagdurusa at labis na pagkapagod, kailangan kong magtipid at mag-ipon ng pera at gawin ang lahat ng aking makakaya para maturuan at malinang siya upang magkaroon siya ng maraming talento at maliwanag na hinaharap. Inisip ko na responsabilidad at obligasyon ko ito bilang isang ina. Sinunod ko ang aking plano na turuan at linangin ang aking anak, ipinasok ko siya sa iba’t ibang extracurricular classes, at sinuri ko pa ang mga pakikisalamuha niya sa kanyang mga kaklase para hindi maantala ang mga pag-aaral niya. Madalas ko siyang bigyan ng payo mula sa sarili kong karanasan, at kahit na nagrereklamo ang anak ko dahil sa pagod at kawalan ng kalayaan, sinusuyo ko pa rin siya at hinihikayat na magtiis sa pansamantalang paghihirap na ito. Hindi ko kailanman inisip na may mali rito. Naniwala ako na ginagawa ko ito para sa sarili niyang kabutihan at na naging responsable ako para sa kanya. Kahit na nakipagbahaginan sa akin ang mga kapatid ko, hindi ko pa rin ito pinag-isipang muli, at hindi ko man lang inisip ang damdamin ng anak ko. Hindi ko inisip na siya ay bata pa o kung ano ang kailangan niya sa kanyang edad, at ipinilit ko lang ang mga inaasahan ko sa kanya, nagdulot ako ng napakalaking presyur, mga limitasyon, at sakit sa kanyang musmos na puso at isipan. Hindi ko tinutupad ang mga responsabilidad at obligasyon ko bilang isang ina sa paraang ito, at ang mga kilos ko ay nakabatay lamang sa mga hindi makatwirang inaasahan ng tao. Itinuring ko ang mga inaasahan ko bilang responsabilidad ng isang ina, at pinilit ko ang anak ko hanggang sa siya ay lumayas ng bahay. Ang tinatawag kong “responsabilidad” ay nagdulot ng sakit sa amin ng anak ko.

Isang araw, tinanong ako ng sister na katuwang ko, “Palagi mong iniisip na ang paglinang mo sa iyong anak ay pagtupad sa responsabilidad ng isang ina, pero hindi mo siya kailanman pinayagang gawin kung ano ang nagpapasaya sa kanya, sa halip, hiningi mong matugunan niya ang mga inaasahan mo. Hindi ba’t parang may tiwaling disposisyon sa likod nito?” Dinala ko ang tanong na ito sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng dasal, at binasa ko ang Kanyang mga salita: “Ano ang batayan ng mga ekspektasyong ito? Saan nagmumula ang mga ito? Nagmumula ang mga ito sa lipunan at sa mundo. Ang layon ng lahat ng ekspektasyong ito ng magulang ay upang matutong umangkop ang mga anak sa mundo at sa lipunang ito, upang ang mga ito ay hindi maitiwalag ng mundo o ng lipunan, at upang ang mga ito ay magkaroon ng posisyon sa lipunan, makakuha ng permanenteng trabaho, magkaroon ng matatag na pamilya, at magandang kinabukasan, kaya nagkakaroon ng iba’t ibang ekspektasyon ang mga magulang para sa kanilang mga anak. Halimbawa, ngayon ay medyo uso ang maging isang computer engineer. Sinasabi ng ilang tao: ‘Magiging isang computer engineer ang anak ko sa hinaharap. Marami siyang kikitaing pera sa larangang ito, may dala-dala siyang computer buong araw, gumagawa ng mga gawaing pang-computer engineering. Magiging maganda rin ang imahe ko kung magkagayon!’ Sa mga sitwasyong ito, kung saan walang anumang ideya ang mga anak, itinatakda ng kanilang mga magulang ang kanilang kinabukasan. Hindi ba’t mali ito? (Mali nga.) Ang mga inaasam ng kanilang mga magulang sa mga anak nila ay ganap na nakabatay sa kung paano tinitingnan ng isang taong nasa hustong gulang ang mga bagay-bagay, pati na rin sa mga pananaw, perspektiba, at mga kagustuhan ng isang taong nasa hustong gulang na tungkol sa mga usapin ng mundo. Hindi ba’t pansariling saloobin lang ito? (Oo.) Kung pagagandahin mo ang pagsasalarawan dito, maaari mong sabihin na pansariling saloobin lang ito, ngunit ano ba talaga ito? Ano ang iba pang pakahulugan dito? Hindi ba’t ito ay pagiging makasarili? Hindi ba’t ito ay pamimilit? (Ganoon na nga.) Gusto mo ang kung anong trabaho at propesyon, nasisiyahan kang mamuhay nang may matatag na posisyon at mamuhay nang magara, naglilingkod bilang opisyal, o bilang isang mayamang tao sa lipunan, kaya ipinagagawa mo rin sa mga anak mo ang mga bagay na iyon, na maging ganoong klase rin sila ng tao, at na tahakin nila ang ganoong uri ng landas—ngunit masisiyahan ba silang mamuhay sa gayong kapaligiran at magtrabaho nang ganoon sa hinaharap? Nababagay ba sila sa ganoon? Ano ang tadhana nila? Ano ang mga pagsasayos at kapasyahan ng Diyos sa kanila? Alam mo ba ang mga bagay na ito? May ilang taong nagsasabi na: ‘Wala akong pakialam sa mga bagay na iyon, ang mahalaga ay ang mga bagay na gusto ko, bilang kanilang magulang. Mag-aasam ako para sa kanila batay sa sarili kong mga kagustuhan.’ Hindi ba’t masyadong makasarili iyon? (Oo.) Masyadong makasarili ito! Kung pagagandahin ang pagsasalarawan dito, ito ay pansariling saloobin lang, ito ay pagpapasya nang sila lamang, pero ano ba ito, sa realidad? Ito ay sobrang makasarili! Hindi isinasaalang-alang ng mga magulang na ito ang kakayahan o mga talento ng kanilang mga anak, wala silang pakialam sa mga pagsasaayos ng Diyos sa bawat tadhana at buhay ng tao. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga bagay na ito, ipinipilit lang nila ang sarili nilang mga kagustuhan, mga intensiyon, at mga plano sa kanilang mga anak habang nangangarap nang gising. May ilang taong nagsasabi: ‘Kailangan kong ipilit ang mga bagay na ito sa anak ko. Masyado pa silang bata para maunawaan ang mga ito, at pagdating ng araw na maunawaan na nila ang mga ito, magiging masyado nang huli.’ Ganoon ba ang lagay? (Hindi.) Kung talagang masyado nang huli, kapalaran nila iyon, hindi iyon responsabilidad ng kanilang mga magulang. Kung ipipilit mo ang mga bagay na nauunawaan mo sa iyong mga anak, mauunawaan ba nila ito nang mas mabilis dahil lang sa nauunawaan mo ang mga ito? (Hindi.) Wala namang koneksiyon ang paraan ng pagtuturo ng mga magulang at kung kailan mauunawaan ng mga anak ang mga usapin tulad ng kung anong uri ng landas sa buhay ang dapat piliin, anong klase ng propesyon ang dapat piliin, at kung ano ang mangyayari sa kanilang buhay. Ang mga anak ay may sariling mga landas, sariling bilis, at sarili nilang mga batas. … Maaga mong ipinapapasan sa iyong mga anak ang presyur na iyon para hindi sila gaanong mahirapan sa hinaharap, at kailangan nilang pasanin ang presyur na iyon sa edad na wala pa silang nauunawaan—sa paggawa nito, hindi ba’t pinipinsala mo ang iyong mga anak? Talaga bang ginagawa mo ito para sa ikabubuti nila? Mas mainam kung hindi nila nauunawaan ang mga bagay na ito, nang sa gayon ay makapamuhay sila nang ilang taon nang komportable, masaya, dalisay, at simple. Kung mauunawaan na nila ang mga bagay na iyon nang maaga, iyon ba ay magiging isang biyaya o isang kasawian? (Kasawian.) Oo, ito ay magiging isang kasawian(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang mga hindi makatwirang inaasahan ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay naimpluwensiyahan ng masasamang kalakaran at ng lipunan, at ang lahat ng bagay na ito ay mula kay Satanas. Tulad lang sa sitwasyon ko, mababa lang ang pinag-aralan ko at wala akong mga espesyal na kasanayan, at nakakaraos lang ako sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap sa lipunan, habang ang mga may mataas na edukasyon o espesyal na kasanayan ay hindi gaanong nahihirapan, at kaya nilang mamuhay nang hindi nag-aalala sa mga pangunahing pangangailangan sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga utak at pananalita. Naimpluwensiyahan ako ng mapanlihis at mapanlinlang na mga satanikong pilosopiya na “Maliliit ang ibang paghahangad, ang mga libro ang nakahihigit sa lahat ng ito,” “Ang kaalaman ay kapangyarihan; kayang baguhin ng kaalaman ang iyong kapalaran,” at “Ang mga nagpapagal gamit ang kanilang isipan ay namamahala sa iba, at ang mga nagpapagal gamit ang kanilang mga kamay ay pinamamahalaan ng iba.” Inisip ko na tanging ang kaalaman at ang mga espesyal na kasanayan lang ang makakapagbago sa kapalaran ng isang tao at makakapagdala sa kanya sa magandang buhay, kaya batay sa karanasan ko, ako na mismo ang gumawa ng plano para sa musmos kong anak, pinilit ko siyang matuto ng kaalaman at mga kasanayan, hindi ko isinaalang-alang kahit kaunti kung nais ba ng anak ko ang mga bagay na ito. Nakatuon lang ako sa paglinang sa anak ko para magkaroon siya ng mga talento at maging isang natatanging tao. Ginagamit ni Satanas ang mga pilosopiyang ito para ilihis ang mga tao, na naging sanhi ng aking maling paniniwala na tanging ang kaalaman lamang ang makakapagpabago sa kapalaran ng isang tao, at ang tanging naisip ko ay kung paano lilinangin ang anak ko para mabago ang kanyang kapalaran. Nang balikan ko, napagtanto ko na walang tunay na kahulugan ang aking ginawa, na itinakda na ng Diyos kung ano ang kahihinatnan ng anak ko, at walang sinuman ang makakapagbago nito. Wala akong pagkilatis sa mga tiwaling pamamaraan o malisyosong layunin ni Satanas, at mahigpit kong pinilit ang anak ko na kumilos ayon sa aking kagustuhan. Bilang resulta, sa murang edad ng anak ko, nagpasan siya ng labis na presyur at sakit, at ang dati niyang inosente at masayang kabataaan ay nasira ng aking pagiging makasarili. Hindi ba’t ipinapahamak ko ang anak ko? Sa panlabas, tila isinasaalang-alang ko ang hinaharap ng anak ko, pero ang totoo, ipinipilit ko ang sarili kong mga kagustuhan at pagnanais sa kanya, lahat ng ito ay para sa aking mga makasariling pagnanais at para magdala ng kaluwalhatian sa aking sarili. Talagang makasarili ako! Hindi ko lubos maisip—kung hindi dahil sa mga salita ng Diyos na gumagabay sa akin, ano kaya ang nangyari sa anak ko kung nagpatuloy ako sa paggapos at pagpigil sa kanya? Nang mapagtanto ko ito, taos-puso akong nagpasalamat sa Diyos sa pagbibigay-liwanag at paggabay sa akin, hinayaan Niyang mas higit kong maunawaan ang aking tiwaling kalikasan.

Nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Sa pamamagitan ng pagsusuri sa diwa ng mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak, makikita natin na ang mga ekspektasyong ito ay makasarili, na salungat ang mga ito sa pagkatao, at higit pa rito ay walang kinalaman ang mga ito sa mga responsabilidad ng mga magulang. Kapag nagpapataw ang mga magulang ng iba’t ibang ekspektasyon at hinihingi sa kanilang mga anak, hindi nila tinutupad ang kanilang mga responsabilidad. Kung gayon, ano nga ba ang kanilang ‘mga responsabilidad’? Ang pinakabatayang responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang ay ang turuan ang kanilang mga anak na magsalita, turuan sila na maging mabait at huwag maging masamang tao, at gabayan sila sa positibong direksiyon. Ito ang kanilang mga pinakabatayang responsabilidad. Bukod dito, dapat nilang tulungan ang kanilang mga anak sa pag-aaral ng anumang uri ng kaalaman, talento, at iba pa, na angkop sa mga ito, base sa edad, kakayahan, husay at mga hilig ng kanilang mga anak. Tutulungan ng mga medyo mas mabuting magulang ang kanilang mga anak na maunawaan na ang mga tao ay nilikha ng Diyos at na may Diyos na umiiral sa sansinukob na ito, ginagabayan ang kanilang mga anak na magdasal at magbasa ng mga salita ng Diyos, kinukwentuhan ang mga ito ng ilang istorya mula sa Bibliya, at umaasa sila na susunod ang kanilang mga anak sa Diyos at gagampanan ang tungkulin ng isang nilikha paglaki ng mga ito, sa halip na hangarin ang mga kalakaran ng mundo, masangkot sa iba’t ibang komplikadong pakikipag-ugnayan sa mga tao, at mapinsala ng iba’t ibang kalakaran ng mundo at lipunang ito. Ang mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang ay walang kinalaman sa kanilang mga ekspektasyon. Ang mga responsabilidad na dapat nilang tuparin sa kanilang papel bilang mga magulang ay ang bigyan ng positibong gabay at angkop na tulong ang kanilang mga anak bago umabot sa hustong gulang ang mga ito, pati na rin ang agarang pag-aalaga sa mga pangangailangan sa katawan ng mga ito, tulad ng pagkain, kasuotan, tirahan, o sa mga panahong nagkakasakit sila(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). Itinuro ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa sa akin, at alam ko na ngayon kung paano ko tatratuhin nang wasto ang mga anak ko. Dapat palakihin at pag-aralin nang tama ng mga magulang ang mga anak nila nang ayon sa mga pangangailangan ng mga ito sa iba’t ibang edad. Kapag bata pa ang mga anak, kailangan nila ang kanilang mga magulang para turuan sila kung paano kumilos, kung paano magkaroon ng normal na kaisipan bilang tao, kung paano maging isang mabuting tao, at dapat alagaan ng mga magulang ang kalusugan ng mga anak nila, upang lumaking malusog ang mga ito hanggang umabot sa hustong gulang. Hindi dapat ipilit ng mga magulang ang mga maling kaisipan, mga pressure, at mga pasanin sa kanilang mga anak, at kung may pagkakataon, maaari nilang ikuwento sa kanilang mga anak kung paano nilikha ng Diyos ang kalangitan at ang mundo at ang lahat ng bagay, kung paano Siya kumikilos upang akayin at iligtas ang mga tao at maaari nilang gabayan ang kanilang mga anak para manampalataya sa Diyos, at bigyan ang mga ito ng positibong direksyon at tulong. Ito rin ang responsabilidad at obligasyon ng isang magulang. Ngayon, hindi nagtatrabaho ang anak ko sa larangang may kaugnayan sa kanyang espesyalidad, at hiniling sa akin ng ate ko na hikayatin ko ang anak kong maghanap ng trabaho batay sa kanyang espesyalidad, pero alam ko na anuman ang trabaho ng anak ko, itinakda na ito ng Diyos. Maaari akong magbigay ng payo sa anak ko, pero malaya siyang mamili ayon sa kanyang kagustuhan. Pagkatapos, ibinahagi ko sa aking anak ang mga kaisipan ko. Sinabi ng anak ko na, “Gusto ko ang kasalukuyang trabaho ko.” Sinabi ko na, “Dahil sinabi mo iyan, iginagalang ko ang iyong pasya.” Naging madali ang pakikipag-usap ko sa kanya at walang anumang pamimilit o pressure. Naranasan ko na ang pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos ay talagang nakakapagpalaya. Salamat sa Diyos para sa Kanyang paggabay!

Sinundan:  35. Ang Pagiging Tuso at Taksil ay Nakahahadlang sa Maayos na Paggawa ng Iyong Tungkulin

Sumunod:  37. Ang Karanasan ng Isang Otsenya Anyos na Babae Matapos Mabingi

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger