45. Mga Pagninilay-nilay sa Aking Takot na Akuin ang Responsabilidad

Ni Li Zhen, Tsina

Noong Abril 2022, isinaayos ng mga lider para gawin ko ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia. Hindi ko pa kailanman nagawa ang gawaing ito dati at hindi ko naarok ang mga prinsipyo para sa pagkilatis sa iba’t ibang uri ng tao, kaya nag-alala ako, “Kaya ko ba itong gawin? Paano kung magkamali ako sa pag-aalis ng isang taong hindi naman dapat alisin? Hindi ba’t makakagawa ako ng isang malaking kasamaan? Isa itong malubhang pagsalangsang!” Pero naisip ko noon na hindi ko puwedeng iwasan ang tungkulin ko. Hindi lang ako ang gumagawa ng tungkuling ito; mayroon ding ibang mga sister na nakikipagtulungan. Kung may hindi ako nauunawaan, maaari akong matuto mula sa kanila, kaya tinanggap ko ang tungkuling ito. Kalaunan, nalaman ko na ilang taon nang ginagawa ni Sister Song Ping ang tungkuling ito, at na mahusay niyang naaarok ang mga prinsipyo para sa pagkilatis sa iba’t ibang uri ng mga tao. Naging lubos akong palaasa sa kanya, iniisip na, “Hindi ko pa naarok ang mga prinsipyo at hindi ko alam kung paano gawin ang gawaing ito, kaya susunod na lang ako kay Song Ping at hahayaan ko siyang akayin ako.” Kalaunan, nagsikap akong sangkapan ang sarili ko ng mga prinsipyo para sa pagkilatis ng iba’t ibang uri ng tao, at aktibong lumahok sa gawain, umaasang mabilis na maaarok ang mga prinsipyo at mapapasan ang gawain. Napagtanto ko na ang gawain ng pag-aalis ay naiiba sa ibang gawain, dahil kahit kaunting pagkakamali lang ay magiging seryoso at hahantong sa pagpapanagot sa akin, kaya naisip kong pinakamainam na maging masusi at maingat. Kapag nag-oorganisa ng mga materyal para sa pag-aalis, kung may nakakaharap akong isang bagay na medyo masalimuot o may mga pinagtataluhan tungkol sa paglalarawan nito, agad kong tinatanong si Song Ping, at pagkatapos lang niyang masuri ito saka ako nagiging komportable na asikasuhin ito. Sa gawain ko, nakaasa rin ako kay Song Ping. Ginawa ko ang anumang sinabi niyang gawin ko, at iniiwasan kong magkusa hangga’t maaari. Nagtulungan kami nang ganito sa loob ng isang taon.

Noong Mayo 2023, sumulat ang mga lider na nagsasabing plano nilang italaga si Song Ping na pangasiwaan ang ibang gawain. Nang marinig ang balitang ito, naisip ko, “Ililipat si Song Ping; ako ang pinakamatagal na sa papel na ito sa pangkat, kaya kakailanganin kong manguna sa pagpasan ng gawain.” Sa pag-iisip nito, hindi ko maiwasang mag-alala, “Bagama’t naarok ko na ang ilang prinsipyo para sa pagkilatis ng mga tao sa loob ng taong ito ng pagsasanay, kapag nahaharap sa masasalimuot na problema, hindi ko pa rin alam kung paano haharapin ang mga ito, at kailangan ko ang tulong ni Song Ping para suriin ang mga ito. Bukod dito, sa lahat ng panahong ito, maging ito man ay pagbubuod ng mga paglihis sa gawain o paglilinang sa mga tao, ang mga gampaning ito ay pangunahing responsabilidad ni Song Ping, at kapag nagkakaroon ng mga isyu sa gawain, kinokonsulta rin ng mga lider si Song Ping. Kung aalis si Song Ping, ano ang gagawin ko kung hindi ko kayang pasanin ang mga responsabilidad na ito? Kasangkot dito ang gawain ng pag-aalis mula sa maraming iglesia, paano kung lilitaw ang mga problema o paglihis sa gawain, na makakagambala at makakagulo sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia? Kung mangyari iyon, ako ang magiging direktang responsable at kailangan kong pasanin ang mga kahihinatnan. Ang gawain ng pag-aalis ay iba sa ibang gawain. Kung mabibigo akong makilatis ang isang problema at maiiwan ko ang mga anticristo at masasamang tao sa iglesia, kung gayon ay kinukupkop ko sila, at makikibahagi ako sa kanilang kasamaan. Kung magkamali ako sa pagpapatalsik ng isang taong hindi dapat patalsikin, na magiging sanhi ng maling pagsasakatuparan ng katarungan, kung gayon ay makakagawa rin ako ng kasamaan dito. Alinmang kaso ay magiging isang malubhang pagsalangsang, at kung pananagutin ako ng sambahayan ng Diyos, sa pinakamababa, maaari akong matanggal, at kung malubha ang mga kahihinatnan, maaari pa akong mapatalsik.” Sa pag-iisip sa lahat ng ito, lubhang bumigat ang puso ko, at napakatindi ng pressure na naramdaman ko. Pero hindi ko mapigilan si Song Ping sa pag-alis. Habang lumilipas ang mga araw, sa papalapit na pag-alis ni Song Ping, lalong tumindi ang pagkabalisa ko, at hindi mapanatag ang puso ko sa pagganap ng aking tungkulin. Nang mapagtanto kong mali ang kalagayan ko, nanalangin ako sa Diyos, hinihiling na patnubayan ako ng Diyos na makilala ang sarili kong mga problema.

Pagkatapos manalangin, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Natatakot ang ilang tao na umako ng responsabilidad habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Kung binibigyan sila ng iglesia ng isang trabahong gagawin, iisipin muna nila kung hinihingi ng trabaho na umako sila ng responsabilidad, at kung oo, hindi nila tatanggapin ang trabaho. Ang mga kondisyon nila sa pagganap ng isang tungkulin ay, una, na ito ay dapat na isang maluwag na trabaho; pangalawa, na hindi ito matrabaho o nakapapagod; at pangatlo, na kahit anong gawin nila, wala silang aakuing anumang responsabilidad. Ito lang ang uri ng tungkuling tinatanggap nila. Anong uri ng tao ito? Hindi ba ito isang hindi mapagkakatiwalaang, mapanlinlang na tao? Ayaw niyang pasanin kahit ang pinakamaliit na responsabilidad. Kinatatakutan pa nga niya na mababasag ng mga dahon ang kanyang bungo kapag nahulog ang mga ito mula sa mga puno. Anong tungkulin ang magagampanan ng taong tulad nito? Ano ang pakinabang niya sa sambahayan ng Diyos? Ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay may kinalaman sa gawain ng pakikipaglaban kay Satanas, gayundin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Anong tungkulin ang walang mga kaakibat na responsabilidad? Masasabi ba ninyong may kaakibat na responsabilidad ang pagiging lider? Hindi ba’t mas mabigat ang kanilang mga responsabilidad, at hindi ba’t mas lalo silang dapat na umako ng responsabilidad? Nagpapalaganap ka man ng ebanghelyo, nagpapatotoo, gumagawa ng mga video, at iba pa—anuman ang iyong gawain—hangga’t nauukol ang mga ito sa mga katotohanang prinsipyo, may mga kaakibat itong responsabilidad. Kung walang prinsipyo ang pagganap mo ng iyong tungkulin, makakaapekto ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at kung natatakot kang umako ng responsabilidad, hindi mo magagampanan ang anumang tungkulin. Duwag ba ang isang taong natatakot na umako ng responsabilidad sa pagganap ng kanyang tungkulin, o may problema sa kanyang disposisyon? Dapat ay masasabi mo ang pagkakaiba. Ang katunayan ay hindi ito isyu ng karuwagan. Kung kayamanan ang habol ng taong iyon, o gumagawa siya ng isang bagay para sa kanyang sariling interes, paanong siya ay napakatapang? Tatanggapin niya ang anumang panganib. Subalit kapag gumagawa siya ng mga bagay-bagay para sa iglesia, para sa sambahayan ng Diyos, wala siyang tinatanggap na anumang panganib. Ang gayong mga tao ay makasarili at ubod ng sama, ang pinakataksil sa lahat. Ang sinumang hindi umaako ng responsabilidad sa pagganap ng isang tungkulin ay walang ni katiting na sinseridad sa Diyos, lalong wala siyang katapatan. Anong uri ng tao ang nangangahas na umako ng responsabilidad? Anong uri ng tao ang may tapang na magbuhat ng mabigat na pasanin? Ang sinumang nangunguna at buong tapang na humaharap sa pinakamahalagang sandali sa gawain ng sambahayan ng Diyos, na hindi natatakot na magpasan ng isang mabigat na responsabilidad at magtiis ng matinding paghihirap kapag nakita niya ang gawain na pinakaimportante at pinakamahalaga. Iyon ay isang taong tapat sa Diyos, isang mabuting sundalo ni Cristo. Ito ba ay ang kaso kung saan ang lahat ng natatakot na umako ng responsabilidad sa kanilang tungkulin ay ginagawa iyon dahil hindi sila nakauunawa sa katotohanan? Hindi; isa itong problema sa kanilang pagkatao. Wala silang pagpapahalaga sa katarungan o responsabilidad, sila ay mga taong makasarili at ubod ng sama, hindi tunay na mananampalataya ng Diyos, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Dahil dito, hindi sila maliligtas(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Ang inilantad ng Diyos ay ang tunay kong kalagayan. Nang malaman kong ililipat si Song Ping at na kakailanganin kong akuin ang gawain, ang una kong naisip ay hindi ang umasa sa Diyos para akuin ang gawaing ito, kundi ang isaalang-alang kung pananagutin ba ako at haharapin ng sambahayan ng Diyos, at kung magkakaroon pa rin ba ako ng pag-asang maligtas, sakaling magkaroon ng mga paglihis o problema sa gawain sa hinaharap. Hindi ko man lang isinaalang-alang kung paano pangangasiwaan ang gawain sa hinaharap. Bilang isang taong makasarili at kasuklam-suklam na sariling interes lang ang isinasaalang-alang kapag may nangyayari, paano ko magagampanan nang maayos ang aking tungkulin? Naaalala ko na noong una, takot akong magkamali at akuin ang responsabilidad nang italaga sa akin ang tungkuling ito, at kahit na kalaunan ay tinanggap ko ang tungkuling ito, takot pa rin akong umako ng responsabilidad, at hindi ako handang magkusa at dalhin ang pasanin sa tungkulin ko at nakaasa ako kay Song Ping sa lahat ng bagay. Kapag nakakatagpo ng mga materyal na mahirap kilatisin at ilarawan, at kapag may ilang gampanin na kailangang isagawa, hinahayaan ko si Song Ping na manguna at gumawa ng mga huling pasiya, at kuntento na akong maging isang tagasunod lamang. Sa ganitong paraan, kung may lumitaw na anumang paglihis o problema, hindi ko kakailanganing akuin ang pangunahing responsabilidad o magdusa at magbayad ng halaga, at matatamasa ko ang lahat ng pakinabang sa sitwasyon. Namumuhay sa tuso, makasarili at kasuklam-suklam na disposisyong ito, nagsanay ako sa tungkuling ito sa loob ng isang taon nang walang anumang kapansin-pansing pag-unlad, at kahit hanggang sa puntong ito, hindi ako makagawa ng gawain nang mag-isa. Hindi ba’t pinipinsala ko lang ang sarili ko? Ngayong ililipat si Song Ping at kailangan kong akuin ang gawain nang mag-isa, isa itong pagkakataong bigay ng Diyos para ako ay makapagsanay, pero hindi ko naunawaan ang layunin ng Diyos, ni hindi ko man lang alam kung paano magpasalamat. Palagi kong isinasaalang-alang ang sarili kong mga interes, nababalisa at nag-aalala. Hindi ba’t pinahihirapan ko lang ang sarili ko? Ang totoo, bawat gampanin sa sambahayan ng Diyos ay kinapapalooban ng mga katotohanang prinsipyo, at ang pagganap ng anumang tungkulin ay nangangailangan ng pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo at pagpapahalaga sa responsabilidad. Ang gawain ng Diyos ay malapit nang magtapos, at isa-isang nabubunyag ang iba’t ibang uri ng tao. Patuloy na ibinabahagi ng Diyos ang mga katotohanan tungkol sa pagkilatis para tulungan tayong makilatis ang lahat ng uri ng taong nabibilang kay Satanas, upang maalis natin mula sa iglesia ang iba’t ibang diyablo at Satanas na gumagambala at gumugulo sa gawain ng Diyos, na nagbibigay sa hinirang na mga tao ng Diyos ng isang mabuting kapaligiran upang hangarin ang katotohanan. Ngayong ginagawa ko na ang gawain ng pag-aalis, may responsabilidad at obligasyon akong akayin ang mga kapatid ko sa paghahanap sa katotohanan at paglago sa pagkilatis, para alisin mula sa iglesia ang mga gumagawa ng masama at gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia. Kung takot akong umako ng responsabilidad at nabigong gampanan ang tungkulin ko, hindi ba’t mawawalan lang ako ng silbi? Paano maliligtas ng Diyos ang gayong tao? Sa pag-iisip sa mga bagay na ito, Napagtanto kong hindi na ako maaaring mamuhay pa sa maling kalagayang ito, kung hindi ay maaapektuhan nito ang kakayahan kong gampanan ang mga tungkulin ko sa hinaharap.

Kalaunan, nabasa ko ang ilang salita ng Diyos: “Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa katunayan, ang pagsasakatuparan ng lahat ng likas sa loob ng tao, na ibig sabihin ay, yaong posible para sa tao. Noon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga depekto ng tao sa kanyang paglilingkod ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng pagpapasailalim niya sa paghatol; hindi ito nakapipigil o nakaaapekto sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumitigil sa paglilingkod o sumusuko at umuurong dahil sa takot na maaaring may mga sagabal sa kanilang paglilingkod ang pinakaduwag sa lahat. Kung hindi kayang ipahayag ng mga tao ang nararapat nilang ipahayag habang naglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanila, at sa halip ay iniraraos lang nila ang mga bagay-bagay, naiwala na nila ang tungkuling dapat taglayin ng isang nilalang. Ang gayong mga tao ay kilala bilang ‘mga walang-kabuluhan’; sila ay mga walang-silbing yagit. Paano matatawag nang wasto na mga nilalang ang gayong mga tao? Hindi ba mga tiwali silang nilalang na maningning sa labas ngunit bulok sa loob? … Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o nagdurusa ng kasawian. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa kapag nagawang perpekto at nagtamasa ng mga biyaya ng Diyos ang isang tao matapos magdanas ng paghatol. Ang magdusa sa kasawian ay tumutukoy sa kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbago matapos siyang magdanas ng pagkastigo at paghatol; hindi niya nadanas na magawang perpekto kundi maparusahan. Ngunit nakatatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdurusa sa kasawian, dapat tuparin ng mga nilikha ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahangad sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang makatanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na magdusa ng kasawian. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos: Ang pagganap sa tungkulin ng isang tao ay walang kinalaman sa pagtanggap ng mga pagpapala o pagdanas ng kasawian. Ang magawa ang tungkulin ng isang tao sa harap ng Lumikha ay ang hulog ng langit na bokasyon at responsabilidad ng isang nilikha, at hindi dapat kabilangan ng anumang mga kondisyon o gantimpala. Hindi mataas ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao. Hinihiling lang Niya na ilaan natin ang ating puso at pagsisikap at gawin kung ano ang makakaya natin. Tungkol naman sa anumang paglihis, pagkukulang, o kapintasan na maaaring lumitaw sa pagganap ng ating mga tungkulin, talagang normal ito. Kung walang katotohanan, hindi natin makikita nang malinaw ang mga bagay-bagay, at puno tayo ng mga tiwaling disposisyon, madalas tayong kumikilos ayon sa disposisyon ni Satanas, kaya hindi maiiwasang magkaroon ng mga paglihis at pagkakamali sa ating mga tungkulin. Ngunit hangga’t hinahangad natin ang katotohanan, at patuloy na hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo sa pagganap ng ating mga tungkulin upang lutasin ang ating mga tiwaling disposisyon, unti-unti nating mababawasan ang mga paglihis at pagsalangsang, at ang pagganap natin sa ating mga tungkulin ay mas bubuti pa. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi kailanman sinusunggaban ang maliliit na pagkakamali o pagsalangsang para parusahan ang mga tao, bagkus ay nagbibigay ng mga sukdulang pagkakataon para sa pagsisisi. Tanging ang mga palaging gumagawa ng masama at sadyang gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia ang aalisin mula sa iglesia at ititiwalag. Ang totoo, ako ang may pinakamalalim na karanasan sa larangang ito ng gawain ng pag-aalis sa iglesia. Naisip ko ang tungkol sa mga anticristo at masasamang tao na pinatalsik ng sambahayan ng Diyos; walang natiwalag dahil sa hindi pagkaunawa sa mga katotohanang prinsipyo o dahil sa maliliit na paglihis o problemang naganap habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Sa halip, pinatalsik sila dahil palagi silang gumagawa ng masama, sadyang lumalabag sa mga prinsipyo para sa pansariling pakinabang, reputasyon, o katayuan, lubhang ginagambala at sinisira ang gawain ng sambahayan ng Diyos, tumatangging tanggapin ang katotohanan, at nananatiling hindi nagsisisi. Ito ay tinukoy ng matuwid at banal na diwa ng Diyos. Nakakita na ako ng napakaraming katunayan ngunit hindi ko pa rin kilala ang matuwid na disposisyon ng Diyos, iniisip na ang sambahayan ng Diyos ay tulad ng mundong walang pananampalataya, iniisip na ang responsabilidad para sa anumang maliit na isyu ay papasanin ko at hahantong sa pagkabunyag at pagkatiwalag ko. Hindi ba’t ito ay kalapastanganan sa Diyos?

Pagkatapos nito, pinag-isipan ko ang mga bagay-bagay at naghanap, “Bakit palagi kong isinasaalang-alang ang sarili kong mga interes at natatakot akong akuin ang mga responsabilidad sa mga tungkulin ko? Anong uri ng satanikong disposisyon ang kumukontrol sa akin?” Sa aking paghahanap, nabasa ko pa ang mga salita ng Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katitinding damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Kaya, ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga satanikong lason tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” at “Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril” ay malalim nang nakaugat sa puso ko. Namuhay ako ayon sa mga satanikong lasong ito, at sukdulang makasarili, kasuklam-suklam, tuso, at mapanlinlang ang kalikasan ko. Lagi kong unang isinasaalang-alang ang sarili kong mga interes, ginagawa lamang kung ano ang mapapakinabangan ko, at hindi ko ginagawa ang anumang hindi ko mapapakinabangan o na maaaring maging dahilan para akuin ko ang responsabilidad. Gaya noong una kong ginampanan ang gawain ng pag-aalis, takot akong magdulot ng mga paglihis at umako ng responsabilidad dahil hindi ko naaarok ang mga prinsipyo, kaya tumanggi akong akuin ang pasanin, kusang-loob na sumusunod sa likuran ni Song Ping bilang isang tagasunod, iniisip na kung may lilitaw na anumang problema o paglihis, hindi ako ang aako ng pangunahing responaibilidad. Ngayong itatalaga na sa iba si Song Ping, kinailangan kong magkusa at akuin ang pasaning ito dahil napakatagal ko na sa tungkuling ito, pero takot akong papanagutin para sa anumang paglihis sa gawain, kaya ayaw kong akuin ang pasanin, at nagpakalunod sa mga nakakasupil na damdamin. Namuhay ako ayon sa mga satanikong lasong ito, palaging sinusubukang linlangin ang Diyos. Sa panlabas, mukha akong tuso, palaging pinangangalagaan ang sarili kong mga interes, pero ang totoo, naging hangal talaga ako, dahil nawalan ako ng maraming pagkakataon upang matamo ang katotohanan, at lubhang napinsala ang buhay pagpasok ko. Sa pag-iisip tungkol dito, hindi ba’t ang pananalig ko sa Diyos at pagsunod sa Kanya ngayon ay para sa pag-asang matamo ang katotohanan at maligtas ng Diyos? Pero sa mga tungkulin ko, namuhay ako ayon sa aking makasarili, kasuklam-suklam, tuso, at mapanlinlang na satanikong kalikasan, hindi kailanman hinahanap o isinasagawa ang katotohanan, at hindi ako kaisa sa puso at isipan ng Diyos. Paano ko posibleng matatamo ang katotohanan at maliligtas ng Diyos sa ganitong paraan? Mula noon, hindi ko na kayang mamuhay ayon sa mga satanikong lasong ito. Kinailangan kong hanapin ang katotohanan, hanapin ang mga layunin ng Diyos, at gampanan ang aking mga tungkulin ayon sa Kanyang mga hinihingi.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao? Una, ang hindi pagkakaroon ng pagdududa sa mga salita ng Diyos. Isa iyon sa mga pagpapamalas ng isang matapat na tao. Bukod dito, ang pinakamahalagang pagpapamalas ay ang paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay—ito ang pinakamahalaga. Sinasabi mong ikaw ay matapat, pero palagi mong iniiwasang isipin ang mga salita ng Diyos at ginagawa lang ang anumang gusto mo. Pagpapamalas ba iyon ng isang matapat na tao? Sinasabi mo, ‘Bagama’t mahina ang kakayahan ko, mayroon akong matapat na puso.’ Gayumpaman, kapag may tungkulin na itinalaga sa iyo, natatakot kang magdusa at magpasan ng responsabilidad kung hindi mo ito magagawa nang maayos, kaya nagpapalusot ka para iwasan ang tungkulin mo o nagmumungkahi ka na iba na lang ang gumawa nito. Pagpapamalas ba ito ng isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat siyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging tapat sa tungkulin na dapat niyang gampanan, at magsikap na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan: Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi nagiging walang sigla sa iyong tungkulin, at hindi nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang mga pagpapamalas ng katapatan. Ang isa pa ay ang pagganap nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa sa mga bagay-bagay nang tama, at pagsasapuso at pagmamahal sa iyong tungkulin para palugurin ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Kung hindi mo isasakatuparan ang iyong nalalaman at nauunawaan, at kung 50 o 60 porsyento lang ng iyong pagsisikap ang iyong ibinibigay, kung gayon ay hindi mo ibinibigay rito ang buong puso at lakas mo. Sa halip, ikaw ay tuso at nagpapakatamad. Matatapat ba ang mga taong gumaganap sa kanilang mga tungkulin sa ganitong paraan? Hinding-hindi. Walang silbi sa Diyos ang gayong mga tuso at mapanlinlang na tao; dapat silang itiwalag. Matatapat na tao lamang ang ginagamit ng Diyos para gumanap ng mga tungkulin. Kahit ang mga tapat na trabahador ay kailangang maging matapat. Ang mga taong palaging pabasta-basta at tuso at naghahanap ng paraan para magpakatamad ay pawang mapanlinlang, at mga demonyo silang lahat. Wala sa kanila ang tunay na nananalig sa Diyos, at ititiwalag silang lahat(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang Kanyang mga hinihingi. Umaasa ang Diyos na itatrato natin Siya at ang ating mga tungkulin nang may matapat na puso, ginagawa ang lahat ng ating magagawa nang hindi isinasaalang-alang ang mga pansariling interes o nagpapakana para sa sarili natin. Sa ganitong paraan, masisiyahan ang Diyos. Naisip ko kung paanong hindi lang ako ang gumaganap ng tungkuling ito, dahil mayroon ding mga bagong sister at mga lider na nakikipagtulungan sa akin, at kung mas tatalakayin ko ang mga bagay-bagay sa kanila at hahanapin ang mga prinsipyo nang hindi iginigiit ang sarili kong paraan, maiiwasan ko rin ang mga problema at paglihis. Nang matanto ko ito, wala na akong anumang alalahanin at naging handa akong akuin ang gawain at tuparin ang mga responsabilidad ko. Pagkaalis ni Song Ping, nagkusa akong linangin ang mga bagong sister, at kapag nag-oorganisa ng mga materyal, tinatalakay ko ang mga hindi malinaw na isyu sa mga sister, na nagpahintulot sa akin na makita ang mga bagay-bagay nang mas tumpak at maiwasan ang ilang paglihis at problema. Di-nagtagal pagkatapos noon, nagpadala ng liham ang mga nakatataas na lider na humihiling ng pagsisiyasat kung mayroong mga huwad na lider o anticristo sa iglesia hinihiling sa amin na sumulat ng mga liham sa bawat iglesia upang ipatupad ang gawaing ito. Medyo kinabahan ako, nag-aalala na kung hindi ko naipahayag nang malinaw ang mga bagay-bagay sa liham at hindi naibahagi nang malinaw ang mga prinsipyo, mailigaw ko ang mga kapatid, at magdulot ng mga paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia, tiyak na pananagutin ako. Tatanggalin kaya nila ako noon? Sa sandaling ito, napagtanto kong iniisip ko na naman ang sarili kong mga interes, kaya nanalangin ako sa Diyos, gustong maghimagsik laban sa sarili ko at hindi mamuhay ayon sa tiwaling disposisyon ko. Pagkatapos, nakipag-usap ako sa mga bagong sister, itinatala ang iba’t ibang aspejkto ng gawain na kailangang ipatupad, at pagkatapos ay sinimulan kong isulat ang liham. Nang matapos ko ito, nirebisa at ginawa naming perpekto ito batay sa mga mungkahi ng mga lider, at pagkatapos ay ipinadala namin ito. Sa panahong ito, patuloy kong sinubaybayan ang sitwasyon ng pagpapatupad ng iglesia sa gawaing ito, at kaagad na nakipag-usap sa mga kapatid sa sandaling matuklasan ko ang anumang problema o paglihis, na sa huli ay natukoy ang ilang huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain at ang ilan na palaging gumagawa ng masama at gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia, at gumawa kami ng mga pagsasaayos at inaksyunan ang mga ito.

Pagkatapos pagdaanan ito, napagtanto ko kung gaano kabuti ang kapaligirang isinaayos ng Diyos. Kung wala ang kapaligirang ito, hindi ko sana nakilala ang mga isyu ko, at mamumuhay pa rin sana ako ayon sa aking makasarili at kasuklam-suklam na satanikong disposisyon, kuntento na maging isang tagasunod lamang, at hindi gumagawa ng anumang tunay na pag-unlad. Ang saloobin ko sa aking mga tungkulin ay medyo nabago na ngayon, at lahat ng ito ay bunga ng mga salita ng Diyos!

Sinundan:  40. Nang Dumapo ang Hindi Inaasahang Sakit sa Mata

Sumunod:  53. Pagtakas sa Pagkulong ng Pamilya Ko

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger