46. Kung Paano Nagbago ang Aking Mayabang na Sarili

Ni Liu Bin, Tsina

Noong Agosto 2023, naging magkatuwang kami ni Brother Zhang Hang sa pangangasiwa sa gawain ng ebanghelyo ng ilang iglesia. Sa umpisa, tuwing may mga isyu sa gawain, kusa akong nakikipag-usap at kumukonsulta kay Zhang Hang tungkol sa mga usapin. May pagpapahalaga sa pasanin si Zhang Hang para sa mga tungkulin niya, at lumalapit sa akin para talakayin ang mga isyu at paglihis sa gawain namin. Nagmumungkahi rin siya ng mga landas at solusyon para lutasin ang mga ito, at nagagawa kong tanggapin at gamitin ang mga suhestiyon niya. Kalaunan, napansin ko na walang mga kasanayan si Zhang Hang sa paglutas ng mga isyu at pagsulat ng mga liham ng pakikipag-ugnayan, at naisip ko, “Bago pa lang si Zhang Hang sa tungkulin niya, kaya normal lang na wala pa siyang mga kasanayan. Kailangan kong tratuhin nang tama ang mga pagkukulang niya at tulungan siya sa pamamagitan ng mas higit na pakikipagbahaginan.” Tinulungan ko siyang rebisahin at pagbutihin ang mga liham niya, at palagi ko ring pinapalakas ang loob niya.

Pero makalipas ang ilang panahon, nakita ko na may ilang problema pa rin si Zhang Hang sa pagsusulat ng mga liham ng pakikipag-ugnayan, at di-namamalayang sinimulan kong maliitin at hamakin siya. Dagdag pa, karamihan sa mga solusyon ko sa mga problema at karamihan sa mga tugon ko sa mga liham ay tinatanggap ng pamunuan, unti-unting bumuti ang mga isyu at paglihis sa gawain ng ebanghelyo, at may ilang positibong resulta sa gawain namin. Dahil dito, namuhay ako sa kalagayan ng paghanga sa sarili at naniwala na may kaunti akong kapabilidad sa gawain. Unti-unti, huminto ako sa pagtuon sa paghingi o paghahanap ng mga suhestiyon ni Zhang Hang sa mga tungkulin ko, iniisip na hindi rin naman magbubunga ng anumang magandang payo kung tatanungin ko pa siya, at na sa huli ay gagawin ko pa rin ang mga bagay-bagay ayon sa gusto ko. Pagkatapos niyon, sinimulan ko siyang turuan kung paano solusyunan ang iba’t ibang problema at kung paano pangasiwaan ang iba’t ibang liham, at pinuna ko pa siya nang may paghamak, sinasabi na masyadong makitid ang pagtingin niya sa mga isyu at na nagbibigay lang siya ng mga paimbabaw na solusyon. Sa paglipas ng panahon, medyo napigilan si Zhang Hang dahil sa akin. Naalala ko minsan, pinagsulat ko siya ng isang liham ng pakikipag-ugnayan at ibinahagi ko sa kanya ang proseso ng pag-iisip ko kung paano ito dapat isulat. Pagkatapos, nalaman ko na hindi niya ito isinulat ayon sa mga ideya ko, at nagalit ako, iniisip ko, “Sinabi ko na sa iyo kung paano lutasin ang problemang ito, at ang mga ideya at plano na iminungkahi ko ay napatunayan nang epektibo sa pamamagitan ng pagsasagawa. Hindi man lang nakakalutas ng problema ang isinulat mo!” Kaya, tinanong ko siya sa tonong nang-aakusa, “Bakit hindi mo ito isinulat tulad ng sinabi ko? Hindi naaayos ang ugat ng problema sa paraan ng pagsulat mo rito at hindi nito malulutas ang problema.” Sumagot si Zhang Hang, “Gusto kong isulat ito ayon sa mga proseso ng pag-iisip mo, pero sinubukan ko ito nang ilang beses at hindi ko ito maisulat nang maayos, kaya isinulat ko na lang ito batay sa pagkaunawa ko.” Gusto kong patuloy na punahin siya, pero bigla kong napagtanto na nagsasalita ako dahil sa pagkamainitin ng ulo, kaya tumigil ako. Sa isa pang pagkakataon, iniabot sa akin ni Zhang Hang ang isang liham ng pakikipag-ugnayan na isinulat niya. Napansin ko na may ilang problema rito, at nang hindi namamalayan, muli akong nakaramdam ng paghamak sa kanya. Sinabihan ko siya sa tonong may paninisi, “Tingnan mo rito, masyadong makitid ang pagtingin mo sa isyung ito! Sa bahagi namang ito, hindi umabot sa punto ang pagbabahagi mo, at hindi nito malulutas ang problema!” Matapos kong sabihin ito, yumuko si Zhang Hang at hindi umimik. Nang makita ko ang bagabag na ekspresyon ni Zhang Hang, bigla akong nakonsensiya, “Bakit masyado akong mapanghamak at mapagpuna sa kanya? Hindi ako puwedeng umasal nang ganito sa susunod.” Gayumpaman, kapag lumilitaw ang mga kaparehong sitwasyon, hindi ko pa rin magawang tumulong, bagkus ay minamaliit ko siya. Kalaunan, naging sobrang pasibo si Zhang Hang sa mga tungkulin niya, at sa tuwing nahaharap siya sa mga suliranin o problema, tinatanong muna niya ako kung paano lulutasin ang mga ito. Nilimitahan pa nga niya ang sarili niya bilang isang may mahinang kakayahan at isang hindi angkop para sa tungkulin, at ginusto niyang magbitiw. Nang makita ko si Zhang Hang sa ganitong kalagayan, napagtanto ko na ako ang dahilan kung bakit siya napigilan, at nagdulot ako ng pinsala sa kanya, at noon ko hinanap ang katotohanan para pagnilayan ang sarili ko.

Sa gitna ng isa sa mga debosyonal ko, nakita ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Maraming tao ang nakikita Kong lumalaki ang ulo kapag nagpapakita sila ng talento sa kanilang tungkulin. Kapag nagpapakita sila ng ilang abilidad, iniisip nilang sila ay talagang kahanga-hanga, at pagkatapos ay namumuhay sila sa mga abilidad na ito at hindi na pagbubutihin pa ang sarili. Hindi sila nakikinig sa iba anuman ang sabihin ng mga ito, iniisip na ang maliliit na bagay na ito na taglay nila ay ang katotohanan, at sila ang pinakamataas. Anong disposisyon ito? Ito ay isang mapagmataas na disposisyon. Kulang na kulang sila sa katwiran. Magagawa ba ng isang tao nang maayos ang kanyang tungkulin kapag siya ay may mapagmataas na disposisyon? Magagawa ba niyang magpasakop sa Diyos at sundin ang Diyos hanggang sa wakas? Mas mahirap pa ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito). “Ang pinakamabuti ay maglaan kayo ng higit na pagsisikap sa katotohanan ng pagkilala sa sarili. Bakit hindi natutuwa ang Diyos sa inyo? Bakit kasuklam-suklam para sa Kanya ang inyong disposisyon? Bakit pinupukaw ng inyong pananalita ang Kanyang pagkamuhi? Sa sandaling magpamalas kayo ng katiting na katapatan, pinupuri ninyo ang inyong sarili, at humihingi kayo ng gantimpala para sa maliit na ambag; hinahamak ninyo ang iba kapag nakapagpakita kayo ng kaunting pagpapasakop, at nasusuklam kayo sa Diyos kapag may simpleng gawain kayong naisasakatuparan. … Mayroon bang anumang kapuri-puri sa inyong mga salita at kilos? Yaong mga gumagawa ng kanilang tungkulin at yaong mga hindi; yaong mga namumuno at yaong mga sumusunod; yaong mga tumatanggap sa Diyos at yaong mga hindi; yaong mga nagbibigay ng donasyon at yaong mga hindi; yaong mga nangangaral at yaong mga tumatanggap sa Salita, at iba pa: lahat ng taong iyon ay pinupuri ang kanilang sarili. Hindi ba ito nakakatawa sa inyo? Lubos na nababatid na naniniwala kayo sa Diyos, magkagayunman ay hindi kayo nagiging kaayon sa Diyos. Lubos na nababatid na hindi kayo karapat-dapat, patuloy pa rin kayong nagyayabang. Hindi ba ninyo nadarama na lumala na ang inyong katwiran kaya wala na kayong kontrol sa sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang eksaktong kalagayan ko. Inakala ko na mayroon akong malalim na pagkaunawa sa mga isyu at na malinaw akong nakakapagsulat ng mga liham ng pakikipag-ugnayan, at madalas akong nakakatanggap ng pagsang-ayon mula sa pamunuan, na dahilan para tumaas ang tingin ko sa sarili ko, kaya, nang makita ko na may maraming problema sa mga liham ni Zhang Hang, nakaramdam ako ng matinding paghamak sa kanya. Nang hindi niya isinulat ang mga liham ng pakikipag-ugnayan ayon sa proseso ko ng pag-iisip, hindi ko tinanong kung bakit, bagkus ay pinuna at pinagsabihan ko lang siya, iginigiit na isulat niya ito ayon sa gusto ko. Dahil palagi ko siyang pinupuna at pinagsasabihan, napigilan ko siya, natakot siya na magpahayag ng mga opinyon niya, at naging pasibo siya sa mga tungkulin niya. Nilimitahan pa nga niya ang sarili niya bilang isang walang kakayahan na gawin ang tungkuling ito. Ang totoo, maraming taon nang nangangaral ng ebanghelyo si Zhang Hang at may kaunti siyang karanasan sa gawain ng pagsusubaybay at paggabay, pero dahil napigilan ko siya, hindi nagamit ang mga kasalukuyan niyang kalakasan. Nakita ko na ganap akong nawalan ng katwiran dahil sa kabayangan ko, at na pinipigilan at pinipinsala ko lang ang iba. Paanong masasabi na ginagawa ko ang tungkulin ko? Malinaw na ito ay paggawa ng masama! Naalala ko ang ilang taong nakalipas. Noong ginagawa ko ang mga tungkulin ko bilang lider ng iglesia, at nakita ko na nagbubunga ng ilang resulta ang gawain ko, minaliit ko ang mga katrabaho ko, pakiramdam ko palagi ay mas mahusay ang kakayahan ko at na ang mga pananaw ko ang pinakawasto. Pakiramdam ko, ito man ay usapin ng pagpili o paggamit ng mga tao, pagsasaayos ng gawain, o pangangasiwa ng mga gawain, dapat makinig lang ang lahat sa akin. Hindi ko pinahintulutan ang sinuman na maglahad ng mga naiibang opinyon, at kung may sinumang tumutol, basta ko lang na tinatanggihan ang mga pananaw nila, at minsan, pinagsasabihan at pinupuna ko sila mula sa isang posisyon na may awtoridad. Dahil dito, naramdaman nilang lahat na napipigilan ko sila. Dahil sa aking kayabangan, pagmamagaling, at pagiging basta-basta, lubha kong nagambala at nagulo ang gawain ng iglesia. Nakita ko na muli na naman akong bumalik sa masasama kong gawi, at naging medyo negatibo ako, iniisip na, “Hindi ko na kayang gawin ang tungkuling ito. Kung magpapatuloy ako nang ganito, patuloy akong mamumuhay ayon sa mayabang na disposisyon ko. Hindi lang nito mapipinsala si Zhang Hang, kundi magagambala at magugulo nito ang gawain.” Nalulugmok ako sa pagkanegatibo at maling pagkaunawa, at naging medyo pasibo ako sa mga tungkulin ko.

Kalaunan, napagtanto ko na mali ang kalagayan ko, kaya sadya kong hinanap ang layunin ng Diyos. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Bakit pinamamatnugutan ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito? Hindi ito para ilantad kung sino ka o upang ibunyag at itiwalag ka; ang pagbubunyag sa iyo ay hindi ang panghuling mithiin. Ang mithiin ay gawin kang perpekto at iligtas ka. Paano ka ginagawang perpekto ng Diyos? At paano ka Niya inililigtas? Nagsisimula Siya sa pamamagitan ng pagpapabatid sa iyo ng iyong sariling tiwaling disposisyon, at sa pamamagitan ng pagpapaalam sa iyo ng iyong kalikasang diwa, ng iyong mga pagkakamali, at kung ano ang kulang sa iyo. Tanging sa pag-alam sa mga bagay na ito at pagkakaroon ng malinaw na pag-unawa ng mga ito mo lamang makakayang itaguyod ang katotohanan at unti-unting maiwaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Ito ang Diyos na nagkakaloob sa iyo ng pagkakataon. Ito ang awa ng Diyos. Dapat mong malaman na dapat samantalahin ang pagkakataong ito. Hindi ka dapat sumalungat sa Diyos, makipagtalo sa Diyos, o magkamali ng pagkaunawa sa Kanya. Lalo na kapag naharap sa mga tao, pangyayari, at bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag laging pakiramdaman na hindi ayon sa nais mo ang mga bagay-bagay, huwag laging naisin na matakasan sila o laging magreklamo tungkol sa Diyos at magkamali ng pagkaunawa sa Diyos. Kung lagi mong ginagawa ang mga bagay na iyon, kung gayon ay hindi mo dinaranas ang gawain ng Diyos, at magiging napakahirap para sa iyo na pumasok sa katotohanang realidad(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Malapit). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na kapag ibinubunyag ng Diyos ang mga tao, hindi ito para itiwalag sila, kundi para iligtas sila, para makilala nila ang tiwaling disposisyon nila, magawang hangarin ang katotohanan, at makamit ang pagbabago sa disposisyon. Nakita ko kung gaano talaga kababa ang tayog ko, at na nang ibinunyag ako, hindi ko aktibong hinanap ang katotohanan para lutasin ang tiwaling disposisyon ko, kundi sa halip, naging negatibo ako at tumakas. Hindi ito ang pag-uugali ng isang taong naghahangad sa katotohanan! Kaya, nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, lubha akong ginawang tiwali ni Satanas. Nang magsimulang magbunga ng mga resulta ang gawain ko, itinuring ko ang sarili ko na nakahihigit, nagiging mayabang at palalo, at hinahamak at pinupuna ko ang katuwang kong brother, pinipigilan at pinipinsala siya. O Diyos, ayaw kong mamuhay ayon sa mayabang na disposisyon ko. Pakiusap, iligtas Mo ako, at tulungan ako na magkaroon ng tunay na pagkaunawa sa mayabang at palalo kong kalikasan para magawa kong kapootan ang sarili ko at hangarin ang pagbabago sa disposisyon.”

Pagkatapos, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na direktang tumugon sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mapagmataas ang mga tao, mas hindi sila makatwiran, at kapag mas hindi sila makatwiran, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang itinuturing ng mga taong may mapagmataas na disposisyon ang lahat ng iba pa bilang mas mababa kaysa sa kanila, kundi, ang pinakamasama, wala silang pagsasaalang-alang sa Diyos, at wala silang pusong may takot sa Diyos. Bagama’t maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mapagmataas na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa sa iba—maliit na bagay iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mapagmataas na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging hilig ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos para sa kapangyarihan at kontrol sa iba. Ang ganitong tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya. Ang mga taong mapagmataas at may labis na pagtingin sa sarili, lalo na iyong mga nawalan na ng katwiran sa sobrang mapagmataas, ay hindi kayang magpasakop sa Diyos sa kanilang pananampalataya sa Kanya, at sarili pa nga nila ang kanilang itinataas at pinatototohanan. Ang gayong mga tao ang pinakalumalaban sa Diyos at talagang hindi nagtataglay ng may-takot-sa-Diyos na puso. Kung nais ng mga tao na magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso, kailangan muna nilang lutasin ang mapagmataas nilang disposisyon. Habang mas masinsinan mong nilulutas ang mapagmataas mong disposisyon, mas lalong magkakaroon ka ng pusong may takot sa Diyos, at saka ka lang makakapagpasakop sa Kanya at makakapagtamo ng katotohanan at makikilala Siya. Ang mga nagkakamit lamang ng katotohanan ang siyang tunay na tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ipinaunawa sa akin ng paglalantad ng mga salita ng Diyos na kapag namumuhay ang mga tao ayon sa mayabang na kalikasan nila, nang hindi dumaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, hindi nagbabago ang disposisyon nila, at sa anumang sandali, gagawa sila ng kasamaan at lalabanan nila ang Diyos. Hindi ba’t umaasal ako nang ganoon? Nagawa kong lutasin ang ilang problema, at medyo mas mahusay kaysa sa iba ang mga kasanayan ko sa pagsusulat, kaya itinuring ko ang sarili ko na nakahihigit, at palagi kong minamaliit si Zhang Hang. Ito man ay isang usapin ng paglutas ng mga problema o pagtalakay sa gawain, bihira akong humingi ng opinyon ni Zhang Hang, at kahit na gawin ko iyon, pormalidad lang ito. Palagi akong kumikilos nang nakahihigit at nagbibigay ng mga utos sa kanya. Nang makita kong hindi sinunod ni Zhang Hang ang mga proseso ng pag-iisip ko para magsulat ng isang liham ng pakikipag-ugnayan, sa halip na isaalang-alang ko kung ano ang gusto niyang ipahayag mula sa perspektiba niya, o isipin kung mayroon bang anumang bagay sa isinulat niya ang karapat-dapat gamitin, o kung paano dadagdagan at pagbubutihin ang isinulat niya para magtamo ng mas magagandang resulta, diretsahan ko lang na tinanggihan ang mga ideya niya at pinuna at pinagsabihan ko siya, pinipilit siyang isulat ang liham gaya ng iniutos ko sa kanya. Itinuring ko ang sarili kong mga pananaw bilang ang pamantayan at hindi ko pinahintulutan si Zhang Hang na magkaroon ng sarili niyang mga opinyon. Dahil dito, napigilan ko siya, at kapag nagsusulat ng mga liham, naging sobra siyang maingat, at sinimulan pa nga niyang limitahan ang sarili niya bilang isang walang kakayahan at ginusto niyang magbitiw. Sa realidad, may mga pagkakataong may kabuluhan ang mga proseso ng pag-iisip ni Zhang Hang sa pagsusulat ng mga liham, pero hindi niya lubos na naibabahagi ang mga bagay-bagay. Dapat sana ay pinalawak ko ang isinulat niya para mapabuti ito, pero sa halip, diretsahan kong tinanggihan ang mga ideya niya at pinilit ko siyang sundin ang mga tagubilin ko. Hindi ba’t tinatrato ko ang mga ideya ko na para bang ang mga ito ang katotohanan? Nakita ko kung gaano kalalim ang kayabangan ng kalikasan ko. Namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason ng “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa” at “Ako lang ang dakila.” Si Zhang Hang man ito o ang mga kapatid na katuwang ko noon, ang tanging ginawa ko ay ang pigilan at pinsalain sila, na nakagambala at nakagulo rin sa gawain ng iglesia. Ngayon, nakita ko kung gaano mismo ako kayabang at kapalalo, at na wala talaga akong puso na may takot o nagpapasakop sa Diyos. Tinatahak ko ang landas ng isang kaaway ng Diyos. Naisip ko si Pablo sa Kapanahunan ng Biyaya. Mayroon siyang ilang kaloob at talento sa pangangaral ng ebanghelyo, at marami siyang napabalik-loob, nakapagtatag siya ng maraming iglesia, at nakapagsulat ng maraming liham. Ginawa niya itong kapital, at minaliit niya ang lahat. Sinabi pa nga niya na hindi siya mas mababa kaysa sa sinumang apostol, at madalas niyang itinataas ang sarili niya habang minamaliit ang ibang mga apostol. Naging sobrang mayabang siya na hayagan niyang pinatotohanan na para sa kanya, ang mabuhay ay cristo. Sinalungat nito ang disposisyon ng Diyos, at isinumpa at pinarusahan siya ng Diyos. Hindi ba’t umasal ako katulad ni Pablo? Kinilabutan ako sa pagkakatantong ito. Kung hindi ako magsisisi at maghahangad ng pagbabago sa disposisyon, magiging katulad ng kay Pablo ang kalalabasan ko, at itataboy at ititiwalag ako ng Diyos.

Kalaunan, nagbukas-loob ako kay Zhang Hang tungkol sa kalagayan ko at humingi ako ng tawad sa kanya, at nagbukas-loob din siya tungkol sa kalagayan niya. Mula noon, Matiyaga kong ginabayan si Zhang Hang kung paano tingnan ang mga problema at kung paano magsulat ng mga liham, at minsan, kapag nahihirapan siyang magsulat nang maayos, tumutulong ako sa pagpapabuti ng mga draft niya. Sa pagsasagawa nang ganito, mas napayapa at napanatag ang puso ko. Habang mas nagninilay-nilay pa ako, napagtanto ko na ang isa pang dahilan ng kayabangan ko ay na itinuring ko bilang kapital ang mga kaloob at talento ko. Nabasa ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Nang likhain ng Diyos ang tao, binigyan Niya ng iba’t ibang espesyalidad ang iba’t ibang uri ng tao. Ang ilang tao ay magaling sa panitikan, ang ilang tao ay magaling sa medisina, ang ilang tao ay magaling sa pag-aaral ng mga kasanayan, ang ilang tao ay magaling sa siyentipikong pananaliksik, at iba pa. Ang mga espesyalidad ng mga tao ay ibinigay ng Diyos at hindi dapat ipagyabang. Anuman ang mga espesyalidad na mayroon ang isang tao, hindi ibig sabihin nito na nauunawaan niya ang katotohanan, at tiyak na hindi ibig sabihin nito na nagtataglay siya ng katotohanang realidad. Ang mga tao ay may partikular na mga espesyalidad, at kung nananampalataya sila sa Diyos, dapat nilang gamitin ang mga espesyalidad na ito para gawin ang mga tungkulin nila. Katanggap-tanggap ito sa Diyos. Ang pagyayabang sa isang partikular na espesyalidad o pagnanais na gamitin ito para gumawa ng mga kasunduan sa Diyos—masyadong wala itong katwiran. Hindi pinapaboran ng Diyos ang gayong mga tao. Alam ng ilang tao ang isang partikular na kasanayan, kaya kapag pumupunta sila sa sambahayan ng Diyos, pakiramdam nila ay mas nakatataas sila kaysa sa iba, gusto nilang magtamasa ng espesyal na pagtrato, at pakiramdam nila ay garantisado ang trabaho nila panghabambuhay. Itinuturing nila ang kasanayang ito bilang isang uri ng kapital—anong kayabangan! Kaya, paano mo dapat tingnan ang mga kaloob at espesyalidad na ito? Kung kapaki-pakinabang ang mga bagay na ito sa sambahayan ng Diyos, mga kasangkapan lang ang mga ito para sa pagtupad mo ng iyong tungkulin. Walang kinalaman ang mga ito sa katotohanan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikatlong Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na anuman ang uri ng mga talentong mayroon tayo, magaling man tayo sa pagkanta, pagsayaw, pagsusulat, o pangangaral ng ebanghelyo, ang lahat ng kaloob at talentong ito ay ibinigay ng Diyos. Binibigyan tayo ng Diyos ng mga kaloob at talentong ito upang magamit natin ang mga ito para gawin nang maayos ang mga tungkulin natin. Halimbawa, mayroon akong ilang kasanayan sa pagsusulat, at dapat sana ay ginamit ko ang mga kalakasan ko para matulungan ang mga katuwang kong kapatid na gawin nang maayos ang gawain ng iglesia. Pero ginamit ko bilang kapital ang mga kaloob at talentong ito na ibinigay ng Diyos. Bukod sa hinangaan ko ang sarili ko, palagi ko ring hinahamak at pinipigilan si Zhang Hang, pinipilit siyang sumunod sa mga ideya ko. Mas lalong naging mayabang ang disposisyon ko, at ganap akong walang pagkatao at katwiran. Sa puntong ito, napagtanto ko na ang mga kaloob at talento ay mga kasangkapan lang para matulungan ang isang tao na gawin nang maayos ang tungkulin niya. Ang pagkakaroon ng mga kaloob at talento ay hindi nangangahulugang nauunawaan ng isang tao ang katotohanan o nagkamit na siya ng pagbabago sa disposisyon, at sa pagkakaroon lang ng mga kaloob nang hindi hinahangad ang katotohanan, hindi niya magagawa nang maayos ang mga tungkulin niya, at gagawa pa rin siya ng kasamaan at lalabanan niya ang Diyos. Itinuring kong kapital ang mga kaloob at talentong ibinigay sa akin ng Diyos, iniisip ang mga ito bilang sarili kong mga kasanayan at abilidad, nang hindi man lang nakikilala ang sarili kong pagkakakilanlan o posisyon. Tunay akong walang kahihiyan at kinasuklaman ko ang Diyos!

Kalaunan, may isang pagkakataon na may nahanap kaming ilang isyu at paglihis sa gawain ng pagdidilig, at kinailangan naming magsulat ng liham para magbigay ng mga solusyon sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan. Matapos makipagbahaginan kay Zhang Hang, hiniling ko sa kanya na i-draft muna ang liham. Nang matapos niyang isulat ang liham at ipinakita ito sa akin, napansin ko na kulang pa rin ito ng ilang detalye, at sinimulan ko na naman siyang hamakin. Nang sandaling iyon, napagtanto ko na muli na naman akong nagbubunyag ng isang mayabang na disposisyon. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Palagay ba ninyo ay may taong perpekto? Gaano man kalakas ang mga tao, o gaano man sila kahusay at katalino, hindi pa rin sila perpekto. Dapat itong tanggapin ng mga tao, totoo ito at ito ang saloobin na dapat mayroon ang mga tao upang wastong maharap ang kanilang sariling mga kagalingan at kalakasan o mga kamalian; ito ang pangangatwirang dapat taglayin ng mga tao. Sa gayong pangangatwiran, maaari mong harapin nang wasto ang iyong sariling mga kalakasan at kahinaan pati na ang sa iba, at ito ang magbibigay sa iyo ng kakayahang makipagtulungan nang maayos sa kanila. Kung naunawaan mo ang aspektong ito ng katotohanan at makakapasok ka sa aspektong ito ng katotohanang realidad, makakaya mong makisama nang maayos sa iyong mga kapatid, na humuhugot ng lakas sa kanilang magagandang katangian upang mapunan ang anumang mga kahinaang mayroon ka. Sa ganitong paraan, anumang tungkulin ang iyong ginagampanan o anuman ang iyong ginagawa, lagi kang magiging mas mahusay roon at pagpapalain ka ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na para magkamit ng matiwasay na pakikipagtulungan sa iba, dapat kong tratuhin nang tama ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat tao. Kapag nakita ko ang mga pagkukulang at kahinaan ng iba, hindi ko sila dapat hamakin o maliitin, bagkus ay dapat kong hayaan na mapunan ng mga kalakasan namin ang isa’t isa. Sa ganitong paraan kami makakapagkamit ng magagandang resulta sa mga tungkulin namin. Binigyan ng Diyos ang bawat tao ng iba’t ibang kakayahan at talento. Hindi magaling si Zhang Hang sa pagsusulat ng mga liham ng pakikipag-ugnayan, kaya kailangan kong tratuhin nang tama ang mga pagkukulang niya, at hindi ko puwedeng ikumpara ang mga kalakasan ko sa mga kahinaan niya. Ang totoo, may sariling mga kalakasan si Zhang Hang. Maraming taon na siyang naging responsible sa gawain ng ebanghelyo at pagdidilig, nakapag-ipon na ng maraming karanasan, at nakakuha na ng mga resulta sa gawain niya. Gayumpaman, sa kabila ng lahat ng ito, hindi siya naging mayabang o mapagmagaling, at humihingi pa rin siya ng tulong sa akin tungkol sa mga isyu na hindi niya lubusang nakikilatis. Kapag tinutukoy ko ang mga isyu sa gawain niya, nagagawa rin niyang tanggapin ang mga ito. Ang mga ito ay mga kalakasang hindi ko taglay, at dapat akong matuto mula sa kanya. Nang mapagtanto ko ito, nagawa kong tingnan nang tama ang mga kahinaan at pagkukulang ni Zhang Hang. Pagkatapos, nirebisa at pinagbuti ko ang liham. Nang ipadala ko ang liham, talagang ang sarap ng pakiramdam ko na nagawa kong maghimagsik laban sa sarili ko kaysa mamuhay ayon sa mayabang na disposisyon ko, dahil pinupuno nito ang puso ko ng kapayapaan at kagalakan, at hindi rin nito pinipigilan o pinipinsala ang iba. Ang mga pagbabagong ito na nakamit ko ay bunga lahat ng paggabay sa akin ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  45. Mga Pagninilay-nilay sa Aking Takot na Akuin ang Responsabilidad

Sumunod:  47. Ibinunyag ng Karamdaman ang Hangarin kong Magkamit ng mga Pagpapala

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger