50. Bakit Napakamakasarili Ko?

Ni Zhou Yun, Tsina

Noong Mayo 2020, isa akong lider sa iglesia. Naging katuwang ko si Sister Chen Dan, at kami ang responsable sa gawain ng iglesia. Para mapadali ang pagsubaybay sa gawain, nagtulungan kaming dalawa sa pamamagitan ng paghahati ng mga gampanin. Ako ang responsable sa gawain ng ebanghelyo, samantalang si Chen Dan naman ang responsable sa gawain ng pagdidilig at pagpapaalis. Sa panahong iyon, dahil sa mga hinihingi ng gawain, kinailangan naming maghanap ng ilan pang manggagawa ng ebanghelyo at tagadilig. Pinag-usapan namin ni Chen Dan ang bagay na iyon, at pagkatapos, naghiwalay kami para maghanap ng mga tao at magsaayos ng gawain. Makalipas ang ilang araw, bumalik si Chen Dan mula sa isang pagtitipon, at napakasaya niyang sinabi na naisaayos niya ang ilang kapatid na talagang may mahuhusay na kakayahan para magdilig sa mga baguhan. Nang marinig ko ito, nabahala ako. Naisip ko, “Kung naisaayos mo silang lahat na pumunta at magdilig sa mga baguhan, ano na ang gagawin ko? Kulang pa ako ng mga tao para sa gawain ng ebanghelyo! Kalaunan, maisasaayos na ang lahat ng gawain mo, at hindi ba’t mapag-iiwanan ang gawain ko? Mukhang kailangan ko na ring maghanap agad ng mga manggagawa ng ebanghelyo at magsaayos ng gawain ng ebanghelyo. Kung hindi, kapag hindi nakumpleto nang maayos ang gawain ko, ano na lang ang iisipin sa akin ng mga nakatataas na lider at ng mga kapatid ko? Sasabihin ba nila na hindi ako gumagawa ng tunay na gawain?” Dahil dito, nang makipagtipon ako sa mga kapatid ko pagkatapos, tanging ang gawain ng ebanghelyo at ang ebanghelyo lang ang ibinahagi ko. Hindi ko pinagtuunan ang pakikipagbahaginan tungkol sa gawain ng pagdidilig. Saka ko lang ito mabilis na binanggit noong malapit nang matapos ang pagtitipon, kahit na wala ito sa loob ko. Kahit narinig kong sinabi ng aking mga kapatid na nakaranas ng ilang paghihirap ang gawain ng pagdidilig, nagkunwari akong hindi ko narinig, at hindi ako nakipagbahaginan tungkol dito para malutas ang mga problema. Naisip ko na, “Responsabilidad ni Chen Dan ang gawain ng pagdidilig. Siya dapat ang lumutas sa mga problemang ito. Basta’t ginagawa ko ang gawain na responsabilidad ko at ginagampanan ko ito nang maayos, iyon lang ang mahalaga. Hindi ko dapat labis na alalahanin ang ibang bagay.” Sa pag-uulat ng aming gawain, nakita ko na ang lahat ng tagadilig na nahanap ni Chen Dan ay talagang may mahuhusay na kakayahan, habang ang mga manggagawa ko sa ebanghelyo ay may katamtamang kakayahan. Nakaramdam ako ng bahagyang paglaban, “Lahat ng mga manggagawang may mahuhusay na kakayahan ay naitalaga para magdilig ng mga baguhan, samantalang ang lahat ng manggagawang mayroon ako ay may katamtamang kakayahan. Tiyak na maaapektuhan ang mga resulta ng gawain ko. Sa kalaunan, kung mas maganda ang mga resulta ng gawain ng pagdidilig kaysa sa gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t tila magiging mas mababa ako kaysa kay Chen Dan? Ano na lang ang iisipin ng mga lider sa akin?” Nang maisip ko ito, labis akong nabahala, at nais kong humanap pa ng ilang kapatid na may mahusay na kakayahan, na umaako ng pasanin sa paggawa ng kanilang tungkulin, para mangaral ng ebanghelyo. Naisip ko ang dalawang kapatid na nagdidilig ng mga baguhan. Dati, inilipat sila ng tungkulin dahil hindi nila inako ang kanilang pasanin sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, at sa kasalukuyan, sila ay nasa bahay para magsagawa ng mga espirituwal na debosyonal at pagninilay. Mayroon ding isang mangangaral na dating natanggal. Ngayon, nakamit nilang lahat ang kaunting pagkaunawa sa kanilang mga sarili, at gusto na rin nilang gumawa ng mga tungkulin, kaya maaari ko nang isaayos na makapangaral sila ng ebanghelyo. Pagkatapos, naisip ko na may kakulangan sa mga tagadilig, dahil maraming baguhan ang sumapi sa iglesia kamakailan. Sa ilang iglesia, walang sinuman ang makapagdilig sa mga baguhan, kung kaya mas nararapat na maisaayos silang magdilig ng mga baguhan. Pero nang muli kong pag-isipan, “Kung lahat sila ay pupunta at magdidilig sa mga baguhan, magkukulang pa rin ng tao para sa aking gawain ng ebanghelyo. Kalaunan, kung hindi bubuti ang mga resulta ng gawain ko, hindi ba’t magmumukhang wala akong kakayahan sa gawain? Ano na lang ang iisipin ng mga nakatataas na lider sa akin? Bukod dito, napakahalaga ring mangaral ng ebanghelyo sa ngayon. Kung kulang ang mga taong mangangaral ng ebanghelyo, hindi rin ito pupuwede.” Nang maisip ko ito, nagmadali akong nagsaayos para makapangaral kaagad ng ebanghelyo ang tatlong kapatid. Kalaunan, may ilang baguhan na hindi nadiligan sa wastong oras dahil sa kakulangan ng mga tagadilig, at isang dosena o higit pang baguhan ang umalis sa iglesia. Nabahala at nag-alala si Chen Dan, at labis na nakapanlulumo ang kanyang kalagayan. Sinisi ko rin ang aking sarili sa loob-loob ko. Pakiramdam ko ay naging iresponsable ako pagdating sa gawain, at hindi ako nagpakita ng pagmamahal kay Chen Dan. Kung nakapagtalaga sana kami ni Chen Dan ng mga taong may pagkakaisa at nagtutulungan sa gawain, hindi sana umalis ang mga baguhan dahil hindi sila nadiligan sa tamang oras, at hindi sana sirang-sira ang loob ni Chen Dan nang ganito. Pero pagkatapos ay naisip ko rin, “Responsabilidad ni Chen Dan ang gawain ng pagdidilig—hindi ito ang pangunahing responsabilidad ko. Basta’t inaasikaso ko ang sarili kong gawain, iyon lang ang mahalaga.” Sa ganitong paraan, hindi ako nabahala o nag-alala tungkol sa mga problemang naganap sa gawain ng pagdidilig.

Isang araw, dumating ang isang liham mula sa mga nakatataas na lider, na naghihikayat ng progreso sa gawain ng pagpapaalis ng iglesia. Nakikita ko na dahil hindi maganda ang kalusugan ni Chen Dan at abala siya sa ibang gawain, hindi niya kailanman nasubaybayan o naipatupad ang gawain ng pagpapaalis. Naisip ko na, “Kung hindi kaagad naipatupad ang gawaing ito, hindi ba’t maaantala ito? Siguro kailangan ko itong subaybayan at ipatupad.” Pero pagkatapos ay nagbago ang isip ko, “Responsabilidad ni Chen Dan ang gawain ng pagpapaalis. Kahit na magawa ko ito nang maayos, hindi ito ituturing bilang sarili kong kontribusyon. Bukod pa rito, labis ding abala ang gawain ng ebanghelyo sa ngayon. Kung pupunta ako at susubaybayan ko ang gawain ng pagpapaalis, paano kung iyon pa ang makaantala sa gawain ng ebanghelyo at pungusan ako ng mga nakatataas na lider?” Nang isaalang-alang ko ito, ayaw ko nang pumunta. Nang gabing iyon, bigla na lang sumakit ang ulo ko, na para bang sasabog na ito. Napagtanto ko na marahil ito ang pagdidisiplina ng Diyos sa akin dahil napakamakasarili ko at ayaw kong makialam sa gawain ng pagpapaalis. Nagmadali akong magdasal sa Diyos nang may pagsisisi, “Mahal na Diyos, alam kong hindi maaaring maantala ang gawain ng pagpapaalis, pero dahil ang gawain ay responsabilidad ni Chen Dan, ayaw kong makialam. Napakamakasarili ko at ubod ako ng sama! Handa akong maghimagsik laban sa aking laman para masubaybayan at maipatupad ang gawain ng pagpapaalis sa lalong madaling panahon.”

Kinaumagahan, napakasakit pa rin ng ulo ko. Pinilit ko ang sarili kong tapusin ang pagpapatupad sa gawain ng pagpapaalis, at unti-unting nawala ang sakit ng ulo ko. Pagbalik ko, nagnilay ako sa aking sarili. Binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa sambahayan ng Diyos, ang lahat ng naghahangad sa katotohanan ay nagkakaisa sa harap ng Diyos, hindi watak-watak. Pinagsisikapan nilang lahat ang iisang layunin: ang tuparin ang kanilang tungkulin, gawin ang gawaing itinatalaga sa kanila, kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, gawin ang hinihingi ng Diyos, at matugunan ang Kanyang mga layunin. Kung ang iyong layunin ay hindi para dito, kundi para sa sarili mong kapakanan, para mapalugod ang mga makasarili mong ninanasa, iyan ay pagbubunyag ng isang tiwali at satanikong disposisyon. Sa sambahayan ng Diyos, ang mga tungkulin ay ginagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, samantalang ang mga kilos ng mga walang pananampalataya ay pinamamahalaan ng kanilang mga satanikong disposisyon. Ito ay dalawang landas na labis na magkaiba. Ang mga walang pananampalataya ay kinikimkim ang sarili nilang mga pakana, ang bawat isa sa kanila ay may sarili nilang mga pakay at plano, at ang lahat ay nabubuhay para sa sarili nilang mga interes. Ito ang dahilan kung bakit nag-aagawan silang lahat para sa sarili nilang kapakanan at ayaw nilang isuko ang kahit kapiraso ng kanilang pakinabang. Nahahati sila, hindi nagkakaisa, dahil hindi iisa ang kanilang layunin. Magkatulad ang intensiyon at kalikasang nasa likod ng kanilang ginagawa. Lahat sila ay para sa kanilang sarili lamang ang ginagawa. Walang katotohanang naghahari sa ganyan; ang naghahari at namumuno sa ganyan ay isang tiwali at satanikong disposisyon. Kinokontrol sila ng kanilang tiwali at satanikong disposisyon at hindi nila matulungan ang sarili nila, kaya’t lumulubog sila nang lumulubog sa kasalanan. Sa sambahayan ng Diyos, kung ang mga prinsipyo, pamamaraan, motibasyon, at panimulang punto ng inyong mga kilos ay hindi naiiba sa mga walang pananampalataya, kung kayo ay pinaglaruan, kinontrol, at minanipula rin ng isang tiwali at satanikong disposisyon, at kung ang panimulang punto ng inyong mga kilos ay ang sarili ninyong mga interes, reputasyon, pagpapahalaga sa sarili, at katayuan, ang pagganap ninyo sa inyong tungkulin ay hindi maiiba sa paraan kung paano ginagawa ng mga walang pananampalataya ang mga bagay-bagay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga tunay na nananampalataya sa Diyos at naghahangad ng katotohanan ay nakakayang maghanap ng katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo. Sa pakikipagtulungan sa iba para gumampan sa tungkulin, wala silang personal na pakinabang o mga pagnanais. Lahat ng kanilang ginagawa ay para magampanan nang maayos ang kanilang tugkulin at matugunan ang Diyos. Sa kabaligtaran, ang mga walang pananampalataya ay namumuhay sa kanilang satanikong disposisyon. Ginagawa nila ang mga bagay para lamang protektahan ang kanilang mga sariling interes, at kinikimkim nila ang sarili nilang mga pakana kapag nakikipagtulungan sa iba. Nakikipagkompetensiya sila para sa kasikatan at pakinabang, nasasangkot sila sa inggitan at alitan, at wala silang konsensiya sa pagkakamit ng kanilang mga personal na layunin, inaabuso at niloloko ang isa’t isa. Ikinumpara ko ang mga salita ng Diyos sa sarili kong kalagayan. Batid na batid ko na kulang ang mga tagadilig, at wala ni isang magdidilig sa ilang baguhan, at batid na batid ko na nababahala at nag-aalala si Chen Dan dahil dito. Gayumpaman, para maprotektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan, pinilit kong isaayos ang mga magagaling sa pagdidilig ng mga baguhan para pumunta at mangaral ng ebanghelyo. Nagresulta ito sa pag-alis ng ilang baguhan dahil hindi sila nadiligan sa tamang oras, na nakapinsala sa gawain ng pagdidilig. Malinaw kong alam na hindi maganda ang kalusugan ni Chen Dan at hindi niya agarang nasubaybayan at naipatupad ang gawain ng pagpapaalis, at na dapat kong ipatupad ang gampaning ito sa lalong madaling panahon. Gayumpaman, natakot ako na ang paggugol ng malasakit at pag-iisip sa gampaning ito ay makakahadlang sa gawain ng ebanghelyo, at na kapag lumala ang mga resulta ng gawain ng ebanghelyo kalaunan, magmumukha akong masama. Kaya pinanood ko lang habang naaantala ang gawain ng pagpapaaalis kaysa makialam. Nang balikan ko ang aking mga kilos, talagang wala itong pinagkaiba sa mga walang pananampalataya. Ganap na kumikilos ang mga walang pananampalataya ayon sa pilosopiya ni Satanas sa mga makamundong pakikitungo. Sila ay talagang makasarili at ubod ng sama. Inaalala lang nila ang sarili nilang mga interes at wala silang pakialam kung mabuhay o mamatay ang iba. Bagama’t sa teknikal ay isa akong mananampalataya, nagsalita at kumilos ako gaya ng isang walang pananampalataya. Ang lahat ng ginawa ko ay may halong pagpapakana para sa sarili kong mga interes. Ang inalala ko lang ay ang maprotektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan. Inasikaso ko ang gawaing ako ang responsable habang hindi ko binigyan ng anumang pansin ang ibang gawain, at hindi ko isinaalang-alang ang kabuuang gawain ng iglesia kahit kaunti. Tumayo lang ako at pinanood na mapahamak ang gawain ng iglesia nang walang anumang nararamdaman. Napakamakasarili ko at ubod ako ng sama! Nagpakita ba ako ng kahit kaunting pagkatao o katwiran sa lahat ng ito? Ang paggawa ba ng tungkulin ko nang ganito ay ayon sa mga layunin ng Diyos?

Kalaunan, hinarap ko ang aking kalagayan sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng kaugnay na mga salita ng Diyos. Binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang mga anticristo ay walang konsensiya, katwiran, o pagkatao. Bukod sa wala silang kahihiyan, kundi may isa pa rin silang tanda: Hindi pangkaraniwan ang kanilang pagiging makasarili at ubod ng sama. Ang literal na kahulugan ng kanilang ‘pagiging makasarili at ubod ng sama’ ay hindi mahirap maunawaan: Bulag sila sa anumang bagay maliban sa sarili nilang mga interes. Nakatuon ang kanilang buong atensiyon sa anumang bagay na may kinalaman sa sarili nilang mga interes, at magdudusa sila para dito, magsasakripisyo, itututok ang kanilang sarili para dito, at ilalaan ang kanilang sarili para dito. Magbubulag-bulagan naman sila at hindi papansinin ang anumang walang kinalaman sa kanilang sariling mga interes; magagawa ng iba ang anumang gusto nila—walang pakialam ang mga anticristo kung may sinumang nagiging mapanggambala o mapanggulo, at para sa kanila, wala itong kinalaman sa kanila. Basta sarili lamang nila ang kanilang iniintindi. Subalit mas tumpak na sabihin na ang ganitong uri ng tao ay ubod ng sama, mababa, at marumi; inilalarawan natin sila bilang ‘makasarili at ubod ng sama.’ … Kahit ano pa ang suungin nilang gawain, hindi kailanman iniisip ng mga anticristo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang isinasaalang-alang lamang nila ay kung maaapektuhan ba ang kanilang sariling mga interes, ang iniisip lamang nila ay ang medyo magaan na gawaing nasa harapan nila na napapakinabangan nila. Para sa kanila, ang pangunahing gawain ng iglesia ay isang bagay lamang na ginagawa nila sa libre nilang oras. Hinding-hindi talaga nila ito sineseryoso. Gumagalaw lang sila kapag pinapakilos sila, ginagawa lamang ang gusto nilang gawin, at ginagawa lamang ang gawain na alang-alang sa pagpapanatili ng sarili nilang katayuan at kapangyarihan. Sa paningin nila, ang anumang gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang buhay pagpasok ng mga taong hinirang ng Diyos ay hindi mahalaga. Anuman ang mga paghihirap ng ibang mga tao sa kanilang gawain, anuman ang mga isyung matuklasan at maiulat sa kanila, gaano man sinsero ang kanilang mga salita, walang pakialam ang mga anticristo, hindi nila isinasangkot ang kanilang sarili, na para bang wala itong kinalaman sa kanila. Gaano man kalaki ang mga problemang lumilitaw sa gawain ng iglesia, lubos silang walang pakialam. Kahit pa nga nasa harapan na nila mismo ang isang problema, hinaharap lang nila ito nang pabasta-basta. Kapag tuwiran lamang silang pinungusan ng Itaas at inutusang ayusin ang isang problema ay saka lamang sila padabog at totohanang magtatrabaho nang kaunti at magpapakita ng resulta sa Itaas; pagkatapos na pagkatapos nito, magpapatuloy sila sa sarili nilang gawain. Wala silang interes at walang pakialam pagdating sa gawain ng iglesia, sa mahahalagang bagay na may mas malalawak na konteksto. Binabalewala pa nga nila ang mga problemang natutuklasan nila, at nagbibigay sila ng mga walang ganang sagot o ginagamit ang kanilang mga salita upang balewalain ka kapag tinatanong sila tungkol sa mga problema, hinaharap lamang ang mga ito nang may labis na pag-aatubili. Pagpapamalas ito ng pagiging makasarili at ubod ng sama, hindi ba? Higit pa rito, anuman ang tungkuling ginagawa ng mga anticristo, ang iniisip lamang nila ay kung tutulutan ba sila nitong mangibabaw; hangga’t patataasin nito ang kanilang reputasyon, pinipiga nila ang kanilang utak makaisip lamang ng paraan kung paano matutuhan ito, at kung paano ito isasakatuparan; ang iniintindi lamang nila ay kung magiging bukod-tangi ba sila dahil dito. Anuman ang gawin o isipin nila, iniisip lamang nila ang sarili nilang kasikatan, pakinabang at katayuan. Anuman ang tungkuling ginagawa nila, nakikipagkompetensiya lamang sila para makita kung sino ang mas mataas o mas mababa, kung sino ang mananalo at sino ang matatalo, kung sino ang mas may reputasyon. Ang mahalaga lamang sa kanila ay kung gaano karaming tao ang sumasamba at tumitingala sa kanila, gaano karami ang sumusunod sa kanila, at kung gaano karaming tagasunod ang mayroon sila. Hindi nila kailanman ibinabahagi ang katotohanan o nilulutas ang mga totoong problema. Hindi nila kailanman iniisip kung paano gawin ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin, hindi rin sila nagninilay-nilay kung naging tapat ba sila, kung natupad ba nila ang kanilang mga responsabilidad, kung nagkaroon ba ng mga paglihis o pagpapabaya sa kanilang gawain, o kung mayroon bang anumang mga problema, lalong hindi nila pinag-iisipan kung ano ang hinihingi ng Diyos, at kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi nila binibigyang-pansin ni bahagya ang lahat ng bagay na ito. Determinado lang silang nagsisikap at gumagawa ng mga bagay-bagay alang-alang sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, upang maisakatuparan ang sarili nilang mga ambisyon at pagnanais. Pagpapamalas ito ng pagiging makasarili at ubod ng sama, hindi ba? Lubos nitong inilalantad kung paanong ang kanilang mga puso ay nag-uumapaw sa sarili nilang mga ambisyon, pagnanais, at walang katuturang hinihingi; lahat ng ginagawa nila ay naiimpluwensiyahan ng kanilang mga ambisyon at pagnanais. Kahit ano pa ang gawin nila, ang motibasyon at pinagmumulan ay ang sarili nilang mga ambisyon, pagnanais, at walang katuturang hinihingi. Ito ang pinakatipikal na pagpapamalas ng pagiging makasarili at ubod ng sama(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga anticristo ay makasarili at ubod ng sama, at wala silang konsensiya at katwiran. Kahit gaano man nila isakripisyo at gugulin ang kanilang mga sarili sa pananampalataya nila sa Diyos at sa paggawa ng kanilang tungkulin, nagbabayad lamang sila ng halaga para sa kanilang sariling reputasyon at katayuan, at hindi pinoprotektahan ang gawain ng iglesia kahit kaunti. Nang maisip ko ang sarili kong mga pagpapamalas, hindi ba’t katulad din ito ng sa mga anticristo? Para makuha ang paghanga ng mga lider, ikinumpara ko sa lahat ng pagkakataon ang mga resulta ng tungkulin ko sa mga resulta ng tungkulin ni Chen Dan. Para mapabuti ang mga resulta ng gawain ko at maprotektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan, kahit alam na alam kong kulang ang mga tagadilig, pinigilan ko ang aking konsensiya at nilabag ko ang mga prinsipyo, isinaayos ko para magpunta at mangaral ng ebanghelyo ang mga taong magagaling sa pagdidilig ng mga baguhan. Ikinulong ko ang mga tao sa ilalim ng sarili kong awtoridad para mapagsilbihan nila ang aking reputasyon at katayuan, at hindi ko isinaalang-alang ang kabuuang gawain ng iglesia kahit kaunti. Nagresulta ito sa pag-alis ng ilang baguhan dahil hindi sila nadiligan sa tamang oras. Higit pa rito, matagal na panahon kong pinanood na naaantala ang gawain ng pagpapaalis nang hindi ito sinusubaybayan o ipinapatupad, hindi handang gumugol ng kahit kaunting malasakit para magtanong tungkol dito. Tunay ngang ako ay makasarili, sakim, ubod ng sama, at malupit, wala akong kahit katiting na konsensiya o katwiran. Inihalal ako ng mga kapatid para maging isang lider, kaya nararapat na magpakita ako ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at protektahan ko ang gawain ng iglesia nang may nagkakaisang puso at isipan kasama ang mga kapatid, para makapagdala ng marami pang tao sa sambahayan ng Diyos na tatanggap ng kaligtasan mula sa Diyos. Gayumpaman, sa bawat pagkakataon ay namumuhay ako ayon sa pilosopiya ni Satanas sa mga makamundong pakikitungo, sinusunod ko ang mga lason tulad ng “Bawat isa ay para sa sarili at ang demonyo na ang bahala sa iba” at “Hangarin mong maging bukod-tangi at mahusay.” Sa lahat ng ginawa ko, ang prinsipyo ko ay ang paggawa para sa aking sarili, para sa aking sariling pakinabang. Ang tanging ginawa ko ay magpakana para sa sarili kong mga interes at protektahan ang aking reputasyon at katayuan. Kahit na nakita kong umalis ang mga baguhan, napahamak ang gawain ng iglesia, at nakita ko rin ang negatibong kalagayan ni Chen Dan, ang sister na katuwang ko, hindi pa rin ako natinag. Napakamanhid ko at walang puso! Nang makita ko kung paanong ibinunyag ng aking mga pagpapamalas ang disposisyon ng mga anticristo, nakita ko na talagang naglalakad ako sa landas ng mga anticristo! Nang maunawaan ko ito, napuno ako ng pagsisisi, at kinamuhian ko ang aking sarili. Nagdasal ako sa Diyos nang may pagsisisi, at handa akong hanapin ang katotohanan para lutasin ang aking tiwaling disposisyon.

Sa aking mga espirituwal na debosyonal, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Napakahusay ng ginawa ng Diyos na pagpapahayag ng katotohanan at pagliligtas sa mga tao, at ibinuhos Niya ang lahat ng Kanyang puspusang pagsisikap dito. Labis na sineseryoso ng Diyos ang pinakamakatarungang layuning ito; ang lahat ng Kanyang puspusang pagsisikap ay iginugol para sa mga taong ito na nais Niyang iligtas, ang lahat ng Kanyang mga ekspektasyon ay itinuon din sa mga taong ito, at ang mga huling resulta at kaluwalhatiang nais Niyang makamit mula sa Kanyang 6,000-taong plano ng pamamahala ay maisasakatuparan lahat para sa mga taong ito. Kung may isang tao na nakikipagtunggali laban sa Diyos, kumokontra, gumugulo, o sumisira sa resulta ng layuning ito, patatawarin ba siya ng Diyos? (Hindi.) Sumasalungat ba ito sa disposisyon ng Diyos? Kung palagi mong sinasabing sumusunod ka sa Diyos, naghahangad ng kaligtasan, tumatanggap sa pagsisiyasat at patnubay ng Diyos, at tumatanggap at nagpapasakop sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, ngunit habang sinasabi mo ang mga salitang ito, ginagambala, ginugulo, at sinisira mo ang iba’t ibang gawain ng iglesia, at dahil sa iyong panggugulo, paggambala, at pagsira, dahil sa iyong kapabayaan o pagpapabaya sa tungkulin, o dahil sa iyong mga makasariling pagnanais at alang-alang sa paghahangad sa sarili mong mga interes, ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang mga interes ng iglesia, at ang marami pang ibang aspekto ay napinsala, hanggang sa puntong lubhang nagulo at nasira ang gawain ng sambahayan ng Diyos, paano, kung gayon, dapat timbangin ng Diyos ang iyong kalalabasan sa iyong aklat ng buhay? Paano ka dapat ilarawan? Sa totoo lang, dapat kang parusahan. Tinatawag itong pagtamo ng nararapat sa iyo. Ano ang nauunawaan ninyo ngayon? Ano ang mga interes ng mga tao? (Buktot ang mga ito.) Sa totoo lang, ang mga interes ng mga tao ay ang lahat ng kanilang maluluhong pagnanais. Sa tuwirang salita, ang lahat ng ito ay mga tukso, ang mga ito ay kasinungalingan lahat, at ang mga ito ay mga pain lahat na ginagamit ni Satanas para tuksuhin ang mga tao. Ang paghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at paghahangad ng sariling mga interes—pakikipagtulungan ito kay Satanas sa paggawa ng kasamaan, at pagkontra ito sa Diyos. Para hadlangan ang gawain ng Diyos, naglalagay si Satanas ng iba’t ibang kapaligiran para tuksuhin, guluhin, at ilihis ang mga tao, at para pigilan ang mga tao na sumunod sa Diyos, at pigilan silang magpasakop sa Diyos. Sa halip, nakikipagtulungan sila kay Satanas at sinusunod ito, sadyang tumitindig para guluhin at sirain ang gawain ng Diyos. Gaano man magbahagi ang Diyos tungkol sa katotohanan, hindi pa rin sila natatauhan. Gaano man sila pungusan ng sambahayan ng Diyos, hindi pa rin nila tinatanggap ang katotohanan. Hindi talaga sila nagpapasakop sa Diyos, sa halip ay iginigiit nilang masunod ang kagustuhan nila at gawin ang mga bagay ayon sa nais nila. Bilang resulta, ginugulo at sinisira nila ang gawain ng iglesia, lubha silang nakakaapekto sa pag-usad ng iba’t ibang gawain ng iglesia, at nagdudulot ng napakalaking pinsala sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Napakalaki ng kasalanang ito, at tiyak na parurusahan ng Diyos ang mga gayong tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naramdaman ko na hindi kinukunsinti ng disposisyon ng Diyos ang pagsalungat ng tao. Inilaan ng Diyos ang kanyang masusing pagsusumikap sa pagliligtas at pagkakaroon ng isang grupo ng tao. Kung gagampanan natin ang ating tungkulin para mapanatili ang sarili nating mga interes, at makapinsala ito sa gawain ng iglesia, ito ay pagkilos lamang bilang isang alipin ni Satanas para mangwasak at mambuwag. Ito ay paggawa ng kasamaan at paglaban sa Diyos. Kokondenahin at paparusahan ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Naisip ko, anong papel ang ginampanan ko sa paggawa ng aking tungkulin? Bilang isang lider ng iglesia, hindi lamang ako nabigong manguna sa pagprotekta sa gawain ng iglesia, kundi ginamit ko pa ang pagkakataong dulot ng paggawa ng aking tungkulin para maghangad ng reputasyon at katayuan, at makipaglaban sa mga tao para sa reputasyon at mga pakinabang. Nakagambala at nakagulo ito sa gawain ng iglesia. Magkatuwang kami ni Chen Dan sa paggawa ng gawain ng iglesia. Dapat sana ay binantayan ko at pinrotektahan ang lahat ng mga gampanin ng iglesia, para magpatuloy sa pag-unlad ang gawain ng iglesia. Ito ang mga tungkulin ng aking papel, at ang responsabilidad na nakataya ang pangalan kong hindi takasan. Hinati namin ang responsabilidad sa gawain para mapabuti ang kahusayan ng gawain namin at makapagtrabaho kami nang mas maayos, pero hindi ito nangangahulugan na wala akong responsabilidad sa gawain na responsabilidad ng aking sister: Hindi ko maaaring takasan ang responsabilidad ko kapag nagkakaroon ng mga problema sa mga gampanin ng iglesia. Gayumpaman, ako ay makasarili at sakim. Nang hatiin namin ang mga gampanin, hindi ako nakipagtulungan sa aking sister bilang isang pangkat. Isinaayos ko ang mga tungkulin ng mga tao sa paraang salungat sa mga prinsipyo para protektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan. Nagsanhi ito ng pag-alis ng mga baguhan dahil sa kawalan ng pagdidilig, at labis na nakapinsala sa gawain ng iglesia. Dagdag pa rito, paulit-ulit na hiniling ng sambahayan ng Diyos na matapos agad ang gawain ng pagpapaalis, para mapaalis at mapatalsik sa iglesia ang mga hindi mananampalataya, masasamang tao at mga anticristo. Sa ganitong paraan, maaaring magtamasa ang mga hinirang ng Diyos ng mabuting buhay iglesia at magkaroon sila ng mabilis na paglago sa buhay. Gayumpaman, kahit nakita ko na hindi nasusubaybayan at naipapatupad ang gawain ng pagpapaalis, ayaw ko pa ring makialam. Hindi ba’t ang kalikasan ng mga kilos na ito ay nagbibigay-daan sa masasamang tao at mga anticristo na manatili sa iglesia at magpatuloy sa paggawa ng kasamaan at magdulot ng pagkakagulo? Nang pagnilayan ko ang mga kaisipang nabunyag ko, at ang lahat ng mga nagawa ko, napagtanto ko na wala sa mga iyon ang pagprotekta sa gawain ng iglesia o ang pagtugon sa Diyos. Ang lahat ng iyon ay paghihimagsik laban sa Diyos at paglaban sa Diyos, at ang tanging naidulot nito sa gawain ng iglesia ay paggambala at panggugulo. Ginagampanan ko ang papel ni Satanas para guluhin at buwagin ang gawain ng iglesia. Kumokontra ako sa Diyos! Hindi kinukunsinti ng disposisyon ng Diyos ang pagsalungat ng tao. Kung hindi ako nagsisi at nagbago, kokondenahin at paparusahan ako ng Diyos sa huli. Nang maisip ko ito, natakot ako sa nagawa ko, at nagdasal ako sa Diyos nang may pagsisisi, “Mahal na Diyos, sa paggawa ng tungkulin ko, pinrotektahan ko lang ang aking personal na reputasyon at katayuan, at ginulo ko ang gawain ng iglesia. Talagang nagdulot ito ng Iyong pagkasuklam at pagkamuhi. Diyos ko, handa akong magsisi, at makipagkasundong makipagtulungan kay Chen Dan para maayos na magampanan ang aming tungkulin nang may pagkakaisa.”

Kalaunan, nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging tapat, kung natupad mo ang iyong mga responsabilidad, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at intindihin ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyonal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi ka makakuha ng magagandang resulta—ngunit nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling pagnanais o kagustuhan. Sa halip, palagi mong isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ka makapagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin, naituwid naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, maaabot mo ang pamantayan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, at, kasabay nito, magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patotoo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Itinuro ng mga salita ng Diyos sa akin ang isang landas ng pagsasagawa. Naunawaan ko na sa paggawa ng mga tungkulin, kailangang magkaroon ang isang tao ng mga tamang layunin, bitawan ang mga personal na interes, at unahin ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng mga hinirang ng Diyos. Tanging sa paggawa ng tungkulin sa ganitong paraan, maisasagawa ang katotohanan at makapagbibigay ng patotoo. Sa sambahayan ng Diyos, walang gawain, sa anumang aspekto, na kayang matapos ng isang tao nang mag-isa. Kailangan palaging punan ng mga kapatid ang mga pagkukulang ng isa’t isa, magtulungan nang may pagkakaisa, at makamit ang gawain ng Banal na Espiritu para matapos nang maayos ang gawain. Hindi ko na kayang magpatuloy sa pagiging napakamakasarili at ubod ng sama. Dapat akong makipagtulungan sa aking sister nang hindi alintana kung anong gawain ang nasa responsabilidad ng isa sa amin. Tanging sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan ito aayon sa mga layunin ng Diyos. Kaya naman, nagtapat ako ng aking saloobin kay Chen Dan at nakipagbahaginan tungkol sa kalagayan ko at sa pagkaunawa ko sa aking sarili. Iminungkahi ko rin na sa hinaharap, anumang gawain ang maging responsabilidad ng isa sa amin, gagampanan namin nang magkatuwang, at kung makaranas man kami ng mga problema o paghihirap, magkasama naming hahanapin ang katotohanan para malutas ang mga ito. Masayang sumang-ayon si Chen Dan. Kalaunan, makatwiran naming isinaayos ni Chen Dan ang mga manggagawa ayon sa mga pangangailangan ng gawain ng iglesia. Muli naming itinalaga ang dalawang sister na magaling sa pagdidilig para magpunta at magdilig ng mga baguhan. Naibsan nito ang isyu ng kakulangan sa mga tagadilig.

Mula noon, hinati namin ni Chen Dan ang aming mga gampanin, pero gumawa pa rin kami bilang isang pangkat. Anumang gawain ang maging responsabilidad ng isa sa amin, palagi kaming nagbabahaginan tungkol dito at isinasaayos namin ito nang magkasama. Para naman sa mga problemang hindi pa namin malinaw na nauunawaan, magkasama kaming nagdasal at naghangad na makahanap ng mga kaugnay na katotohanan para malutas ang mga ito. Bagama’t paminsan-minsan ay nakikita ko pa rin na maaaring mabunyag ang mga maling layunin ko, maaari naman akong magdasal sa Diyos nang taimtim at magsagawa ng katotohanan. Isang gabi, plano kong gampanan ang gawain na nasa responsabilidad ko, pero, sa hindi inaasahan, binanggit ni Chen Dan na nasa masamang kalagayan ang lider ng pangkat ng mga tagadilig. Hindi niya alam kung paano ito lulutasin, at nais niyang sumama ako sa kanya sa pagtitipon para tumulong sa pagbabahagi at paglutas ng problem. Naisip ko na, “Kung sasama ako sa iyo sa pagtitipon, hindi ba’t maaantala ang gawain ko? Bukod pa rito, kung tutulungan kitang lutasin ang problemang ito, bubuti ang mga resulta ng iyong gawain, at mapag-iiwanan naman ang gawain ko. Hindi ba’t hahangaan ka ng mga tao?” Nang maisip ko ito, napagtanto ko na mali ang kalagayan ko at agad akong nagdasal sa Diyos sa aking puso. Naalala ko ang ilang salita ng Diyos na nabasa ko noon: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Agad akong nagising. Dapat kong unahin ang gawain ng iglesia, bitawan ang mga personal na interes, at tuparin ang sarili kong tungkulin. Pagkatapos, nagmadali akong pumunta sa pagtitipon kasama ang aking sister. Sa pamamagitan ng pagtitipon at pakikipagbahaginan, nalutas namin ang kalagayan ng lider ng pangkat ng mga tagadilig, at nakaramdam ako ng kapayapaan at kapanatagan sa aking puso.

Sinundan:  48. Ang Pag-aalis ng aking mga Pagpapanggap ay Tunay na Nakakarelaks

Sumunod:  53. Pagtakas sa Pagkulong ng Pamilya Ko

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger