58. Talaga Bang Mabuting Pagkatao ang “Pagiging Mapagparaya sa Iba”?

Ni Li Kun, Tsina

Noong 2022, nagdidilig ako ng mga baguhan sa iglesia, at napansin ko na ang lider ng iglesia na si Liu Jing ay nakatuon lamang sa sarili niyang mga pangunahing responsabilidad, na bihira niyang subaybayan ang ibang mga gampanin, at na hindi siya nakikipagtulungan nang matiwasay sa isa pang lider, si Sister An Xin, na madalas nakaaantala sa gawain ng iglesia. Kalaunan, tinanggal si Liu Jing, at ako ang napili bilang lider ng iglesia, at palihim kong naisip sa sarili ko, “Dapat akong makipagtulungan nang matiwasay kay An Xin, para ipakita sa mga kapatid na tiyak na hindi ako magiging tulad ni Liu Jing na pinalalaki ang maliliit na bagay at makitid ang pag-iisip, na nakatuon lang sa sarili kong mga pangunahing responsabilidad nang walang pakialam sa ibang mga gampanin.” Para mapabuti ang kahusayan sa gawain, hinati namin ang mga gampanin. Pangunahin akong responsable para sa gawain ng ebanghelyo at gawaing nakabatay sa teksto, habang si An Xin naman ang pangunahing responsable para sa gawain ng pagdidilig at gawain ng pag-aalis. Para makita ng mga kapatid na mayroon akong mabuting pagkatao at na ako ay isang maunawaing tao, nagkusa rin akong akuin ang ilang pangkalahatang gawain. Pagkatapos niyon, ginugol ko ang aking oras sa pakikipagtipon sa lahat o sa pagsusubaybay sa gawain ng ebanghelyo at gawaing nakabatay sa teksto. Unti-unti, napansin ko na nabawasan ang pagpapahalaga ni An Xin sa pasanin sa kanyang mga tungkulin kaysa dati, at ang ilang gampanin ay pabasta-basta na lamang niyang ginagawa, nang hindi sinusubaybayan nang maayos. Nais kong ipaalam ito sa kanya, ngunit pagkatapos ay naisip ko, “Walang taong perpekto, lahat ay may mga pagkakataong ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin nang pabasta-basta. Hindi dapat masyadong mataas ang maging pamantayan ko sa kanya. Tutal, kung ipapaalam ko iyon, magmumukha akong mabagsik. Magpupuyat na lang ako at susubaybayan ang mga gampaning hindi niya natapos.” Kaya, inako ko ang lahat ng gawaing hindi niya natapos. Noong panahong iyon, nais kong matuto pa tungkol sa mga prinsipyo ng pangangaral ng ebanghelyo, ngunit wala akong sapat na oras. Medyo naging atubili ako, ngunit ayokong isipin ni An Xin na inaasikaso ko lamang ang sarili kong mga gampanin, kaya pinilit ko ang sarili kong tiisin ito.

Kalaunan, nakita ko na pabawas nang pabawas ang pagpapahalaga ni An Xin sa pasanin sa kanyang mga tungkulin, at na hindi siya nagmamadaling mangolekta ng impormasyon tungkol sa ilang taong kailangang paalisin. Nagkataong abala noon ang gawain ng ebanghelyo, kaya kung susubaybayan ko ang gawain ng pag-aalis, hindi ko mapapamahalaan nang maayos ang gawain ng ebanghelyo, kaya pinaalalahanan ko si An Xin na kolektahin ang impormasyon sa lalong madaling panahon. Ngunit pagkatapos, tila hindi pa rin siya nagmamadali, at naisip kong makipagbahaginan sa kanya tungkol dito, ngunit natakot ako na kung masyado akong maraming masabi, magdaramdam siya sa akin, kaya nilunok ko na lang ang mga salita ko. Gayundin, nais kong makibahagi si An Xin sa pangkalahatang gawain sa iglesia, para magkaroon ako ng libreng oras na masubaybayan ang gawain ng ebanghelyo, ngunit pagkatapos ay naisip ko, “Mas matanda si An Xin sa akin at hindi maganda ang kalusugan, kaya kung hihilingin ko sa kanya na akuin ang mas maraming gawain, magmumukhang kulang ako sa pang-unawa sa kanyang mga paghihirap at wala akong pagmamahal. Mas mabuti pang ako na lang ang gumawa nang kaunti pa. Titiisin ko na lang ang pagod.” Labis akong naging atubili sa kalooban ko, ngunit natakot ako na kung ipapahayag ko ang mga damdaming ito, iisipin ng mga kapatid na pinapalaki ko ang maliliit na bagay, at naisip ko, “Ano kaya ang sasabihin nila tungkol sa akin kapag nagkaganoon? Hahayaan ko na lang, at gagawin ko na lang ang lahat ng makakaya ko sa gawaing kaya kong masubaybayan!” Sa mga sumunod na araw, madalas akong magpuyat, at sa paglipas ng panahon, ang aking pinipigilang pagkadismaya ay nagsimulang umapaw, ngunit pagkatapos ay naisip ko kung paanong dahil pinamamahalaan ko ang lahat ng gawain, tiyak na iisipin ni An Xin na mayroon akong mabuting pagkatao, kaya pinigil ko ito. Ganito rin ako kapag nakikisalamuha sa ibang mga kapatid. Hindi nauunawaan ng ilang kapatid ang mga isyung may kinalaman sa mga setting ng seguridad sa computer at mga update sa software, pero puwede naman silang matuto sa pamamagitan ng panonood ng mga tutorial, pero hinihintay pa rin nila ako na tulungan silang i-set up ito. Nagreklamo ako sa sarili ko, “Napakarami kong gawain ng pamumuno na dapat gawin, bakit hindi ninyo gawin ang mga bagay na ito nang kayo lang sa halip na hintayin ako para tulungan kayo?” Ngunit hindi ako naglakas-loob na ipaalam ang kanilang mga isyu, dahil sa takot na magmumukha akong masyadong pinapalaki ang maliliit na bagay at mapunahin, at na magkakaroon sila ng masamang impresyon sa akin, kaya nagpasya akong tulungan na lang sila nang kaunti pa kung kaya ko naman. Sa ganitong paraan, palagi akong nagpaparaya at nakikipagkompromiso sa iba, nagiging mahigpit sa aking sarili habang nagiging mapagparaya sa iba. Ang mga kapatid ay naging labis na umaasa sa akin, kaya inisip kong ako ay may mabuting pagkatao, hindi nagpapalaki ng maliliit na bagay, at kayang makipagtulungan kahit kanino. Lalo na kapag naririnig kong sinasabi ng mga kapatid na mukha akong pagod na pagod at abala, labis na gumiginhawa ang kalooban ko, iniisip kong sulit ang aking pagdurusa. Sa loob ng sumunod na ilang buwan, inako ko ang iba’t ibang uri ng mga gampanin sa iglesia, kaya nawalan na ako ng oras para sa mga debosyonal, at hindi ko nasubaybayan ang gawain ng ebanghelyo. Bunga nito, walang sinuman ang pumapasok sa mga prinsipyo sa pangangaral ng ebanghelyo, walang mga paglihis na matukoy sa gawain, at ang gawain ng ebanghelyo ay walang ibinungang resulta. Mabagal din ang pag-usad ni An Xin sa gawain ng pag-aalis, at ang mga problema sa mga tagadilig ay hindi nasubaybayan o nalutas. Nang makita ito, labis akong nabalisa at nakaramdam ng kawalang-magawa sa kalooban ko. Sa puntong ito, lumapit ako sa harap ng Diyos para manalangin, “Diyos ko, Nagbayad ako ng malaking halaga sa aking mga tungkulin bilang isang lider, ngunit ang gawain ay hindi nagbunga ng anumang resulta. Pakiusap, bigyang-liwanag at patnubayan Mo ako upang makilala ko ang aking mga problema.”

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Pagbahaginan na natin ngayon ang sumunod na kasabihan tungkol sa wastong asal—‘Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba’—ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito? Ang ibig sabihin nito ay dapat maging mahigpit ang mga hinihingi mo sa iyong sarili at maging maluwag sa ibang tao, para makita nila kung gaano kaganda ang kalooban mo at kung gaano ka kamapagbigay. Bakit dapat itong gawin ng mga tao, kung gayon? Ano ang layon nitong makamit? Posible ba itong magawa? (Hindi.) Ito ba ay talagang natural na pagpapahayag ng normal na pagkatao? (Hindi.) Dapat mong ikompromiso nang husto ang sarili mo para gawin ito! Dapat kang maging malaya sa mga pagnanasa at hinihingi, kinakailangang makaramdam ka ng mas kaunting kagalakan, magdusa nang higit pa, magbayad ng mas malaking halaga at mas magtrabaho pa para hindi na kailangang mapagod ang iba. At kung umaangal, nagrereklamo, o hindi gumagawa nang maayos ang iba, hindi ka dapat labis na humingi sa kanila—ang humigit-kumulang ay sapat na. Naniniwala ang mga tao na isa itong tanda ng marangal na moralidad—pero bakit huwad itong pakinggan para sa Akin? Hindi ba ito huwad? (Huwad ito.) Sa ilalim ng normal na mga sitwasyon, ang natural na pagpapahayag ng pagkatao ng isang ordinaryong tao ay ang maging mapagparaya sa kanyang sarili at mahigpit sa iba. Isa iyang katunayan. … Kung ang mga tao ay inaasahang mamuhay ayon sa ideya ng pagiging ‘mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba,’ anong paghihirap ang dapat nilang pagdaanan? Kaya ba talaga nila itong tiisin? Ilang tao ang makakagawa nito? (Wala.) At bakit ganoon? (Ang mga tao ay likas na makasarili. Kumikilos sila ayon sa prinsipyo na ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’) Talaga ngang ipinanganak ang tao na makasarili, ang tao ay isang makasariling nilalang, at lubos na nakatuon sa satanikong pilosopiyang iyon: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Iniisip ng mga tao na magiging nakapipinsala sa kanila, at hindi natural, ang hindi maging makasarili at hindi ingatan ang kanilang sarili kapag may nangyayari sa kanila. Ito ang pinaniniwalaan ng mga tao at ganito sila kumikilos. Kung ang mga tao ay inaasahan na hindi maging makasarili, at maging mahigpit sa mga hinihingi sa kanilang sarili, at handang mawalan sa halip na magsamantala sa iba, at kung inaasahan silang masayang magsasabi, kapag may nagsasamantala sa kanila, ‘Nagsasamantala ka pero ayos lang sa akin ito. Isa akong mapagparayang tao, hindi kita babatikusin o susubukang gantihan, at kung hindi ka pa sapat na nakinabang, huwag kang mag-atubiling magpatuloy’—isa ba itong makatotohanang inaasahan? Ilang tao ang kayang gawin ito? Ganito ba ang karaniwang asal ng tiwaling sangkatauhan? Malinaw na hindi normal na nangyayari ito. Bakit kaya? Dahil ang mga taong may mga tiwaling disposisyon, lalo na ang mga makasarili at ubod ng samang tao, ay nagsisikap para sa kanilang mga sariling interes, at hinding-hindi makakaramdam ng pagkakontento dahil sa pag-iisip sa iba. Kaya, ang hindi pangkaraniwang bagay na ito, kapag nangyayari ito, ay isang anomalya. ‘Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba’—ang pahayag na ito tungkol sa wastong asal ay malinaw na isang hinihingi lang na hindi tumutugma sa mga katunayan o sa pagkatao, na ipinapataw sa tao ng mga panlipunang moralista na hindi nauunawaan ang pagkatao. Para itong pagsasabi sa daga na hindi ito puwedeng magbutas o sa pusa na bawal itong manghuli ng mga daga. Tama bang hingiin ang ganoon sa mga ito? (Hindi. Taliwas ito sa mga batas ng pagkatao.) Malinaw na hindi tugma sa realidad ang hinihinging ito, at napakahungkag nito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (6)). Sinasabi ng Diyos na ang kalikasan ng tao ay likas na makasarili, na palaging pinagpaplanuhan at iniisip ng mga tao ang sarili nilang mga interes, at na kapag nakikisalamuha sa iba, hangad lamang ng mga tao na magkaroon ng pakinabang at iwasan ang pagkalugi. Sapat na ito para ipakita na ang mga tiwaling tao ay talagang hindi maaabot ang antas ng pagiging “mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba.” Sa pagninilay sa aking pakikipagtulungan kay An Xin sa aming mga tungkulin, nang mapansin ko na hindi siya nagmamadaling tipunin o ayusin ang mga materyales tungkol sa mga taong kailangang paalisin, gusto ko talagang ipaalam ito sa kanya, ngunit natakot ako na baka sabihin niyang masyado akong mahigpit at hindi ako maunawain. Para ipakita sa lahat na talagang mapagbigay ako at hindi isang taong pinapalaki ang maliliit na bagay, patuloy kong kinunsinti ang kanyang pag-uugali, mahigpit na hinihingi sa sarili ko na gumawa pa nang higit hangga’t kaya ko, nananatiling abala araw-araw. Dahil dito, nawalan ako ng oras para sa mga debosyonal, at ang gawain ng ebanghelyo na pangunahin kong responsabilidad ay wala ring ibinungang resulta. Sa panlabas, tila sinusunod ko ang ideya na “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba,” ngunit nang makompromiso ang mga interes ng aking laman, nakaramdam ako ng sama ng loob at pag-ayaw, at napuno pa nga ako ng mga reklamo. Nagkunwari din akong mapagbigay ako. Noon ko lang tunay na natanto na ang kasabihang “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba” ay talagang mapagpaimbabaw, at na hindi talaga ito ang katotohanan. Ang pamumuhay ayon sa pahayag na ito tungkol sa moral na pag-uugali ay iniwan akong hapong-hapo, kapwa pisikal at mental.

Pagkatapos nito, lumapit ako sa harap ng Diyos upang ipagpatuloy ang pagninilay sa aking sarili. Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Masasabi nang may katiyakan na karamihan sa mga taong humihingi sa kanilang sarili na tuparin ang moralidad ng pagiging ‘mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba,’ ay nahuhumaling sa katayuan. Bunsod ng kanilang mga tiwaling disposisyon, hindi nila maiwasang hangarin ang reputasyon sa gitna ng mga tao, katanyagan sa lipunan, at katayuan sa paningin ng iba. Ang lahat ng bagay na ito ay nauugnay sa kanilang pagnanais para sa katayuan, at hinahangad ang mga ito nang nakakubli sa kanilang wastong asal. At paano nangyayari ang mga paghahangad nilang ito? Ang mga ito ay ganap na nagmumula sa at ibinubunsod ng kanilang mga tiwaling disposisyon. Kaya, anuman ang mangyari, tuparin man ng isang tao ang moralidad ng pagiging ‘mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba’ o hindi, at kung nagagawa man niya ito nang perpekto o hindi, hinding-hindi nito mababago ang kanyang pagkataong diwa. Sa ipinapahiwatig nito, nangangahulugan ito na hindi nito mababago sa anumang paraan ang kanyang pananaw sa buhay o sistema ng pagpapahalaga, o magagabayan ang kanyang mga saloobin at perspektiba sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Hindi ba iyon ang kaso? (Oo nga.) Kapag mas may kakayahan ang isang tao na maging mahigpit sa kanyang sarili at mapagparaya sa iba, mas nagiging mahusay siya sa pagkukunwari, pagpapanggap, at sa panlilihis sa iba sa pamamagitan ng mabuting pag-uugali at kalugud-lugod na mga salita, at mas likas siyang nagiging mapanlinlang at buktot. Kapag mas ganitong uri siya ng tao, mas nagiging malalim ang kanyang pagmamahal at paghahangad sa katayuan at kapangyarihan. Gaano man kamukhang dakila, kapuri-puri at tama ang kanyang panlabas na wastong asal, at gaano man ito kalugud-lugod pagmasdan para sa mga tao, ang hindi masabing paghahangad na nasa kaibuturan ng kanyang puso, pati na ang kanyang kalikasang diwa, at maging ang kanyang mga ambisyon, ay maaaring sumambulat mula sa kanya anumang oras. Samakatwid, gaano man kabuti ang kanyang wastong asal, hindi nito maikukubli ang kanyang likas na pagkataong diwa, o ang kanyang mga ambisyon at pagnanais. Hindi nito maikukubli ang kanyang kahindik-hindik na kalikasang diwa na hindi nagmamahal ng mga positibong bagay at tutol at napopoot sa katotohanan. Gaya ng ipinapakita ng mga katunayang ito, ang kasabihang ‘Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba’ ay talagang katawa-tawa—inilalantad nito ang mga ambisyosong tao na tinatangkang gumamit ng gayong mga kasabihan at pag-uugali para pagtakpan ang kanilang mga hindi kabanggit-banggit na ambisyon at pagnanais(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (6)). Inilantad ng mga salita ng Diyos kung ano talaga ako. Pinagnilayan ko kung paanong tinanggap ko ang posisyon ng pamunuan nang may ambisyon at pagnanais, nais na magtatag ng isang mabuting imahe sa mga puso ng mga kapatid. Nang makita kong si An Xin ay kulang sa pagpapahalaga sa pasanin sa kanyang tungkulin, hindi ko siya inilantad ni tinulungan, bagkus ay kinunsinti ko pa siya, inako ko mismo ang gawaing hindi niya nasubaybayan, ginagamit ang tila mabuting pag-uugali bilang pagkukunwaring mapagbigay. Nang makita ko na ang mga kapatid ay hindi nagkukusang mag-aral ng mga kasanayan sa computer, pasibong naghihintay na asikasuhin ko ito, nais kong punahin ang kanilang mga problema, ngunit natakot akong sabihin nilang hindi ako maunawain sa kanila, kaya patuloy lang akong nagparaya. Nang maubos ang aking lakas at hindi na kaya ng isip ko, nagdamdam ako at naging hapong-hapo ako, at nakaramdam ako ng sama ng loob at pag-ayaw. Ngunit upang makita ng lahat na hindi ko pinapalaki ang maliliit na bagay, na ako ay mapagsaalang-alang, mapagparaya, at palaging iniisip ang iba, tiniis ko ang lahat at hindi ko pinuna ang kanilang mga problema, na nagresulta sa hindi ko pagkakagawa nang maayos sa aking mga pangunahing responsabilidad. Ginawa ko ang lahat ng ito upang protektahan ang aking imahe at katayuan sa mga puso ng mga tao. Talagang mapagpaimbabaw ako!

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng ilang bagong pagkaunawa sa aking sarili. Sabi ng Diyos: “May ilang taong tila talagang masigla sa pananampalataya nila sa Diyos. Gustong-gusto nilang mag-asikaso at magmalasakit sa mga aktibidad ng iglesia, at palagi silang nangunguna. Gayumpaman, sa hindi inaasahan, nadidismaya nila ang lahat sa sandaling maging mga lider na sila. Hindi sila tumutuon sa paglutas sa mga praktikal na problema ng hinirang na mga tao ng Diyos, sa halip ay ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila upang kumilos para sa kapakanan ng sarili nilang reputasyon at katayuan. Gustong-gusto nilang magpasikat para igalang sila ng iba, at palagi nilang ikinukuwento kung paano nila ginugugol ang sarili nila at paano sila nagpapakasakit para sa Diyos, pero hindi nila inilalaan ang mga pagsisikap nila sa paghahanap sa katotohanan at sa buhay pagpasok nila. Hindi ito ang inaasahan sa kanila ng sinuman. Kahit na nagpapakaabala sila sa gawain nila, nagpapasikat sa bawat okasyon, nangangaral ng ilang salita at doktrina, nakakamit ang paggalang at pagsamba ng ilang tao, inililihis ang puso ng mga tao, at pinatatatag ang katayuan nila, ano ang resulta nito sa huli? Kung gumagamit man ang mga taong ito ng maliliit na pabor para suhulan ang iba, o nagpapakitang-gilas ng kanilang mga kaloob at abilidad, o gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan para ilihis ang mga tao at sa pamamagitan noon ay matamo ang magandang opinyon ng mga ito, anumang pamamaraan ang gamitin nila para makuha ang loob ng mga tao at magkaroon ng puwang sa puso ng mga ito, ano ang nawala sa kanila? Nawala sa kanila ang oportunidad na makamit ang katotohanan habang ginagawa ang mga tungkulin ng isang lider. Gayundin, dahil sa iba’t ibang pagpapamalas nila, naipon nang naipon ang masasama nilang gawa na magdadala ng kanilang pangwakas na kalalabasan. Gumagamit man sila ng maliliit na pabor para manuhol at mambitag ng mga tao, o nagpapasikat ng kanilang mga sarili, o nagpapakitang-tao para ilihis ang mga tao, at gaano man karaming benepisyo at gaano man kalaking kasiyahan ang tila nakukuha nila sa paggawa nito sa panlabas, kung titingnan ito ngayon, tama ba ang landas na ito? Ito ba ang landas ng paghahanap sa katotohanan? Isa ba itong landas na makapagdadala ng kaligtasan sa isang tao? Malinaw na hindi ito. Gaano man katalino ang mga pamamaraan at pandarayang ito, hindi maloloko ng mga ito ang Diyos, at ang lahat ng ito sa huli ay kokondenahin at kasusuklaman ng Diyos, dahil nakatago sa likod ng ganoong mga pag-uugali ay ang matinding ambisyon ng tao at isang saloobin at diwa ng pagsalungat sa Diyos. Sa puso ng Diyos, talagang hindi Niya kailanman kikilalanin ang mga taong ito bilang mga taong gumagawa ng kanilang mga tungkulin, at sa halip ay ilalarawan Niya ang mga ito bilang mga taong gumagawa ng masama. Anong hatol ang ipinapataw ng Diyos kapag hinaharap ang mga taong gumagawa ng masama? ‘Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.’ Kapag sinabi ng Diyos, ‘Magsilayo kayo sa Akin,’ saan Niya gustong pumunta ang ganoong mga tao? Ipinapasa Niya ang mga ito kay Satanas, sa mga lugar na kinasasakupan ng mga pulutong ng mga Satanas. Ano ang pangwakas na kahihinatnan para sa kanila? Pahihirapan sila ng masasamang espiritu hanggang sa mamatay sila, na ang ibig sabihin ay lalamunin sila ni Satanas. Hindi gusto ng Diyos ang mga taong ito, na nangangahulugang hindi Niya ililigtas ang mga ito, hindi sila mga tupa ng Diyos, lalong hindi mga tagasunod Niya, kaya hindi nabibilang ang mga ito sa mga taong ililigtas Niya. Ganito inilalarawan ng Diyos ang mga taong ito. Kaya, ano talaga ang kalikasan ng pagtatangkang kunin ang loob ng mga tao? Ito ay paglakad sa landas ng isang anticristo; pag-uugali at diwa ito ng isang anticristo. Higit pang malubha rito ay ang diwa ng pakikipagtagisan laban sa Diyos para sa hinirang na mga tao Niya; mga kaaway ng Diyos ang ganoong mga tao. Ganito inilalarawan at ikinakategorya ang mga anticristo, at ganap na tumpak ang lahat ng ito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinusubukan Nilang Kuhain ang Loob ng mga Tao). Inilalantad ng Diyos na hindi hinahangad ng mga tao ang katotohanan, at na pagkatapos nilang tumanggap ng mga posisyon ng pamunuan, gumagamit sila ng iba’t ibang pamamaraan at panlilinlang upang kunin ang loob ng mga tao at iligaw ang mga ito. Tila ba nauunawaan nila ang mga paghihirap at nararamdaman ng iba, ngunit ang kanilang layon ay ang protektahan ang kanilang reputasyon at katayuan, at ang tingalain sila ng iba. Ito ang landas ng mga anticristo. Ang inilalantad ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Mula pagkabata, naimpluwensyahan ako ng kasabihang “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba.” Naniwala ako na sa pakikisalamuha sa iba, dapat maging maunawain at mapagparaya ang isang tao, mas maging mapagsaalang-alang sa iba, kaya ang pagtitiis ng kaunting hirap o ang pagpapakapagod ay maliit na bagay lang, at ang paggawa nito ay tanda ng marangal na karakter. Namuhay ako ayon sa tradisyonal na kultura ni Satanas. Nang makita kong ginagampanan ni An Xin ang kanyang mga tungkulin nang pabasta-basta, hindi ko ito inilantad, at inako ko pa nga ang gawaing hindi niya nasubaybayan. Bunga nito, nabawasan nang nabawasan ang kanyang pagpapahalaga sa pasanin para sa kanyang mga tungkulin. Nang makita ko ang mga kapatid na nagiging tamad, at ayaw magsumikap na matuto ng ilang simpleng computer setting nang sila lang, bukod sa hindi ko pinuna ang kanilang mga problema, ginawa ko pa ito para sa kanila, na nag-akay sa kanila na basta na lang umasa sa akin para sa lahat ng bagay. Upang makamit ang paghanga ng mga kapatid, nagkunwari akong maunawain, kahit na lubos na labag ito sa aking kalooban, na nanlilihis sa iba. Gumawa ako ng mga bagay para pagbigyan ang mga interes ng laman ng mga tao upang makuha ko ang kanilang loob, lalo pang nagiging buktot, mapanlinlang, at mapagpaimbabaw. Bagama’t nakamit ko ang paghanga ng mga tao, napinsala ko ang gawain ng iglesia at nagdulot ako ng pinsala sa mga kapatid; hindi maganda ang naging resulta ng gawain ng ebanghelyo at naantala ang gawain ng pag-aalis. Hindi ko ginagampanan ang aking mga tungkulin, gumagawa ako ng kasamaan. Nilalakaran ko ang landas ng isang anticristo. Nang matanto ko ito, umiyak ako at nanalangin sa Diyos, “Diyos ko! Lagi kong sinusubukang protektahan ang aking katayuan sa puso ng mga tao, na umantala sa gawain ng iglesia. Hindi ako karapat-dapat sa Iyong pagliligtas. Nais kong magsisi sa harap Mo at gampanan ang aking mga tungkulin sa isang praktikal na paraan.” Kalaunan, nagtapat ako kay An Xin tungkol sa aking kalagayan kamakailan, at ipinaalam ko ang mga problemang nakita ko sa kanya. Pagkarinig nito, handa siyang pagnilayan ang kanyang sarili at matuto ng aral. Nang marinig kong sabihin ito ni An Xin, kapwa ako nakonsensiya at medyo naalo. Nakaramdam ako ng pagkakonsensya dahil sa pamumuhay ko ayon sa tradisyonal na kultura ni Satanas, dahil malinaw kong nakita ang mga problema ni An Xin ngunit nabigo akong punahin ang mga iyon, ngunit masaya ako dahil sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, sa wakas ay nakapaghimagsik ako laban sa aking sarili at naisagawa ko ang katotohanan.

Pagkatapos nito, lumapit ako sa harap ng Diyos upang manalangin at magnilay. Natanto ko na mayroon akong katulad na mga problema sa aking pakikitungo kay Sister Li Yun, ang diyakono ng pangkalahatang gawain. Batay sa kanyang kakayahan, may ilang gampanin na kaya niyang gawin nang maayos, ngunit pinagbibigyan niya ang kanyang laman at ayaw magsumikap. Napansin ko ang kanyang mga problema ngunit hindi ko pinuna ang mga iyon, at sa halip ay pinagbigyan ko ang kanyang laman, iniisip na magbabayad na lang ako ng kaunti pang halaga at gagawa nang kaunti pa, para hindi niya masabing hindi ako mapagsaalang-alang sa kanya. Natanto ko na namumuhay rin ako ayon sa tradisyonal na ideyang kultural na “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba.” Nais kong purihin niya ako dahil sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Kaya lumapit ako sa harap ng Diyos at nanalangin, humihiling sa Diyos na patnubayan akong maghimagsik laban sa aking maling mga intensyon at umasal at kumilos ayon sa Kanyang mga salita. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pride, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagbubulay-bulay kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging tapat, kung natupad mo ang iyong mga responsabilidad, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng mga prinsipyo kung paano umasal at gumawa ng mga bagay. Ang pagganap sa aking mga tungkulin ay hindi dapat pakitang-tao, at dapat kong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at ituwid ang aking mga intensyon, unahin ang gawain ng iglesia. Sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa nang ganito ako makakaayon sa layunin ng Diyos. Nais ng Diyos na gampanan natin ang kani-kanya nating papel at na magtulungan tayo nang matiwasay sa ating mga tungkulin, upang magampanan natin nang mas mahusay ang ating mga tungkulin sa paglipas ng panahon. Kailangan kong maghimagsik laban sa aking mga maling intensyon at pakitunguhan ang aking mga kapatid nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Para sa mga may mahusay na kakayahan, kung kaya nilang gumawa ng mahusay na trabaho ngunit hindi nila iyon ginagawa, kung nagpapabaya o nagiging pabasta-basta sila, kailangang punahin at ilantad ang kanilang mga problema upang malaman nila ang kanilang katiwalian, matupad nila ang kanilang mga responsabilidad, at makapagsanay pa nang higit. Para sa mga kapatid na may mahinang kakayahan, kung tunay silang may mga paghihirap, kailangan nila ng matiyagang tulong at suporta, na nagpapahintulot sa kanilang gawin ang kanilang bahagi sa abot ng kanilang makakaya. Sa pagsasagawa nang ganito, naituon ko ang aking lakas sa aking mga pangunahing tungkulin nang hindi naaantala ang gawain ng ebanghelyo. Isang araw pagkatapos ng isang pagtitipon, nilapitan ko si Li Yun, at pagkatapos maunawaan ang kanyang aktuwal na mga paghihirap, nilinaw ko ang gawaing kailangan niyang gawin sa loob ng kanyang mga responsabilidad, at ipinaalam ko ang kanyang mga problema. Sinabi ni Li Yun, “Talagang wala akong naging pagpapahalaga sa pasanin sa aking mga tungkulin kamakailan. Sa iyong pakikipagbahaginan nito sa akin, alam ko na ngayon kung paano magsagawa, at handa akong pasanin ang aking mga responsabilidad.” Nang marinig ang mga salita ni Li Yun, nakaramdam ako ng matinding kahihiyan. Nakita ko na ang pagtulong sa aking mga kapatid na matupad ang kanilang mga responsabilidad at magampanan ang kanilang sariling mga papel sa kanilang mga tungkulin ay mas kapaki-pakinabang para sa gawain ng iglesia.

Ngayon, hindi na ako nakikisalamuha sa aking mga kapatid batay sa tradisyonal na ideyang kultural na “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba” at ipinapaalam ko at tinutulungan sila sa kanilang mga problema, nang hindi sinusubukang protektahan ang aming mga relasyon sa laman. Natuklasan kong ang pag-asal sa ganitong paraan ay nakapagpapanatag at nakapagpapalaya. Ang mga pagbabagong ito ay pawang bunga ng salita ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan:  57. Hindi Na Ako Nababagabag Dahil sa Aking Karamdaman

Sumunod:  59. Ano ang Nasa likod ng Pag-aatubiling Magbuhat ng Pasanin

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger