92. Mga Pagninilay-nilay Tungkol sa Mapagkompetensiyang Pakikibaka Para Magtagumpay

Ni Xiao En, Tsina

Ipinanganak ako sa isang liblib at mahirap na nayon, at dahil mahirap lang ang pamilya ko, hinahamak ako ng mga kamag-anak mula pagkabata. Ipinasya ko, “Dapat akong mag-aral nang mabuti, at sa hinaharap, pagkatapos kumita ng maraming pera, puwede akong mangibabaw, mamukod-tangi, at magbigay karangalan sa pamilya ko.” Sa paaralan, sinasamantala ko ang bawat sandali para mag-aral, madalas na nag-aaral sa liwanag ng kandila hanggang alas dos o alas tres ng madaling araw. Minsan, sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako, at nagising lang ako nang magliyab ang buhok ko. Kahit na mahirap ang buhay, matibay akong naniniwala na, “Kailangang tiisin ng isang tao ang pinakamatitinding hirap para maging pinakadakila sa mga tao.” Pero laking gulat ko na noong pagsusulit sa pagpasok ng kolehiyo, sa isang karaniwang unibersidad lang ako nakapasok. Ambisyoso ako at hindi ko matanggap ang kinalabasang ito. Kaya nagpasya akong ulitin ang taon ng eksaminasyon. Noong taon na iyon, nag-aral pa ako nang mas mabuti, pero nang i-anunsiyo ang mga resulta ng eksaminasyon, bumagsak ulit ako. Nang matanggap ko ang mga resulta ko, nadurog ang puso ko. Ang pagpasok sa isang prestihiyosong unibersidad ang tanging pagkakataon ko para mabago ang tadhana ko, at hindi ko inasahang babagsak ako sa eksaminasyon. Noong panahong iyon, ginugol ko ang mga araw ko nang tuliro at hindi malaman ang gagawin, kaya pumasok ako bilang isang trabahador sa isang lugar ng konstruksiyon, naglilipat ng mga laryo. Nabugbog ang mga kamay ko hanggang sa mapuno ang mga ito ng mga hiwa at duguang paltos, at sa gabi, hindi ako makatulog sa sakit, at tahimik akong umiiyak sa ilalim ng kumot. Naisip ko, “Magiging ganito ba kaordinaryo ang buhay ko sa buong buhay ko? Hindi ko matatanggap iyon!” Naniwala ako na ang tadhana ay nasa sarili kong mga kamay, kaya ginusto kong sumubok ulit para baguhin ang kapalaran ko, at nag-aral pa ako nang mas matindi noong sumunod na taon. Pero kahit gaano ako magsikap, hindi pa rin ako makapasok sa isang nangungunang unibersidad. Wala akong magawa kundi tanggapin ang kapalaran ko at pumasok sa isang ordinaryong kolehiyo ng aviation.

Pagkagradweyt, nagtrabaho ako sa isang kompanya ng lokal na pagmementena ng sasakyang panghimpapawid. Noong simula, kaya ko lang gumawa ng manwal na trabaho sa pagawaan. Nababasa ang mga damit ko sa pawis sa nakakapasong init, at iniisip ko, “Napakahirap ng buhay na ito. Hindi ako puwedeng makontento sa pagiging isang karaniwang trabahador lang. Kailangan kong mag-aral ng Ingles at pagbutihin ang mga teknikal na kasanayan ko, para makuha ko ang pagkilala ng amo ko at maiangat ako. Pagkatapos ay puwede akong makakuha ng mas mataas na posisyon at mas malaking suweldo.” Bukod sa pagkatuto mula sa mga katrabahong may kasanayan, ginamit ko pa nga ang oras ng pagbibiyahe ko para magbasa ng mga materyal sa trabaho. Minsan, kapag may mga isyu sa sasakyang panghimpapawid sa kalagitnaan ng gabi, at natutulog ang iba at ayaw pumunta, nagpiprisinta akong pumunta para lutasin ang problema, nagkakamit ng mga kasanayan at karanasan. Sinunggaban ko ang bawat pagkakataon para mag-ensayo at magsanay. Makalipas ang ilang buwan, bukod sa naging nagsasanay na inhinyero na ako, nadoble rin ang suweldo ko, at naitalaga akong magtrabaho kasama ang mga pangkat ng mga banyagang eksperto sa iba’t ibang proyekto. Pero kahit na tumaas na ang katayuan at suweldo ko, hindi pa rin ako nakontento. Para mabilis na makabili ng kotse at bahay sa siyudad at magkaroon ng nakakataas na buhay, nagtatrabaho ako sa umaga at tumatanggap ng mga part-time na trabaho sa gabi. Madalas na sa sobrang abala ko ay ni wala na akong oras para kumain, karaniwang tatlo o apat na oras lang ang tulog kada araw, at minsan ay nagtatrabaho buong gabi. Para akong makinang tagagawa ng pera, walang pagod na nagtatrabaho araw at gabi. Sa loob lang ng dalawang taon, kumita ako ng mahigit isang milyong yuan, nakabili ng kotse at ng bahay sa siyudad, at nakuha ko ang paghanga at inggit ng mga kaibigan at katrabaho ko. Lalo na noong bumalik ako sa bayan ko para sa Chinese New Year, dumating mula sa malayo ang mga taong minsang nanghamak sa pamilya ko, iniimbitahan pa nga ako sa mga bahay nila para kumain. Nag-aalay pa nga ng tagay sa akin ang matatanda, nagtatanong kung puwede kong tulungan ang mga anak nila na makahanap ng mga trabaho. Hindi mailarawang pakiramdam ng tagumpay ang nadama ko, naiisip na, “Ang sarap magkaroon ng pera at katayuan. Sa wakas, naitataas ko na ang noo ko!” Pero sa pagtatrabaho nang ganito araw at gabi, nagsimulang malagas nang husto ang buhok ko, at nagsimulang mamanas ang katawan ko. Namaga at namanhid ang mga binti ko, at nahirapan na akong maglakad. Gusto ko talagang lumiban nang isa o dalawang araw, pero naisip ko kung paanong sa pagkuha ng sick leave ay masisira ang mga tsansa ko sa mga pagsusuri at pag-aangat sa susunod na taon, kaya kailangan ko itong tiisin. Araw-araw ay pahirap.

Sa tuwing bumibista ako sa biyenan kong babae noong mga taon na iyon, ipinapakita niya sa akin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at palagi akong kinakausap tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Sinasabi niya, “Walang katapusan ang paghahangad sa pera. Hindi mo dapat sirain ang kalusugan at buhay mo para sa pera. Malubhang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at ang lahat ay puspusang nakikipaglaban para sa pera, kasikatan, at pakinabang, at namumuhay nang napakamiserable! Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan sa mga huling araw para iligtas ang mga tao mula sa pinsala ni Satanas, at maililigtas lang ang isang tao ng Diyos, at makakaligtas sa malaking kalamidad, sa pamamagitan ng tunay na pagsisisi at pagsunod sa Kanya. Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, kaya dapat mo nang itigil ang pagtuon lang sa pagkita ng pera at sumampalataya ka rin sa Diyos!” Alam kong isang mabuting bagay ang pananampalataya sa Diyos, pero pakiramdam ko ay kakasimula lang ng propesyon ko, at gusto kong maging kilalang tao ako, kaya tinanggihan ko ang biyenan kong babae, at ipinagpatuloy ang walang pagod na pagtatrabaho para sa pera, mas malalim na lumulubog sa ipo-ipo ng kayamanan. Sinabi rin sa akin ng biyenan kong babae, “Talagang handa kang ibuwis ang buhay mo para sa pera.”

Sa isang kisapmata, 2015 na. Nakabili na ako ng dalawang bahay, dalawang kotse, at nakapagbukas ng dalawang kompanya, pero hindi pa rin ako kontento. Para kumita ng mas maraming pera at makabili ng magarang kotse, nagsimula ako ng isang pabrika, madalas ay nagtatrabaho araw at gabi nang walang pahinga. Patuloy akong kumita ng mas marami pang pera, at saanman ako pumunta, tinatawag akong “amo” ng mga tao. Kontentong-kontento ako, at umasta ako nang may pagmamalaki. Naisip ko, “Iba talaga ang pakiramdam ng pagiging mayaman.” Pero sa matinding presyur, mabilis na takbo ng pamumuhay na ito, lubhang nasasaid ang kalusugan ko. Madalas akong nakakaidlip habang nagmamaneho papunta sa trabaho, at minsan, kamuntik na akong malaglag sa isang overpass. Para makatipid sa gastos, ayaw kong kumuha ng mas maraming trabahador, kaya ako mismo ang gumagawa ng karamihan ng trabaho sa pagawaan. Minsan, habang minamadali ang isang order, natusok ang daliri ko ng baril ng pako. Umagos nang matindi ang dugo, at naluha ako sa sakit, pero para mabilis na matapos ang order, ipinagamot ko lang nang mabilisan ang sugat at bumalik na sa pagawaan para ipagpatuloy ang pagtatrabaho. Dahil hindi ko ito agad naipagamot, sobrang namaga ang daliri ko at nagkaroon ng mga pangmatagalang komplikasyon, at sa tuwing malamig o maulan, sobra itong sumasakit at kumakati. Namumuhay ako sa palagiang tensiyon araw-araw. Pagod ang katawan at isipan ko, at matindi ang sakit na nararamdaman ko. Naisip ko, “Bakit ba ako masyadong puspusang nagtatrabaho? Ito ba talaga ang buhay na hinahangad ko? Para saan ba ako nabubuhay sa mundong ito?”

Noong 2017, tinanggap ng asawa ko ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, at ipinakita niya sa akin ang isang video ng isang himno ng mga salita ng Diyos. Naantig ako nang husto sa mga liriko ng awiting ito.

Hinahanap ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu

1  Ang sangkatauhan, na lumayo mula sa panustos ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat, ay hindi nakakaalam kung bakit sila nilikha, subalit takot pa rin sa kamatayan. Wala silang tulong o masasandalan, ngunit atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata, at nagpapakatatag sila para mapanatili ang matamlay na katawan na walang anumang damdamin sa kanilang kaluluwa, habang namumuhay sila nang walang dangal sa mundong ito. Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa, walang layunin na tulad ng iba. Tanging ang Banal na Isa ng alamat ang magliligtas sa mga tao, na habang nananaghoy sa kanilang pagdurusa, ay lubhang umaasam sa Kanyang pagdating. Ang gayong paniniwala ay matagal nang hindi pa rin nagaganap sa mga yaong walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy pa ring inaasam ito ng mga tao.

2  Ang Makapangyarihan sa lahat ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nakakaramdam Siya ng pagtutol sa mga taong ito na talagang walang anumang kamalayan, dahil kinailangan Niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, at bigyan ka ng tubig at pagkain, upang magising ka at hindi ka na mauhaw o magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman mo ang kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras.

…………

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat

Habang binabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakadama ako ng init na kailanman ay hindi ko pa nararanasan. Sa mga nagdaang taon, masyado akong nagpakahirap para kumita ng pera at namuhay sa ganoong pasakit at kapaguran. Pagod na pagod ako at wala akong direksyon, pero hindi ko alam kung paano makakawala, at ngayon, nakakita ako ng pag-asa. Ang Diyos ang lumikha sa tao. Tanging ang Diyos ang makakapagligtas sa mga tao mula sa pagdurusang ito. Ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang tanging paraan para matanggap ang malasakit at proteksyon ng Diyos, at makamit ang pagliligtas ng Diyos, para makapamuhay ang isang tao nang kalmado at malaya. Dati, tinanggihan ko ang pagliligtas ng Diyos dahil gusto kong kumita ng pera. Kailanman ay hindi ko inisip na kahahabagan pa rin ako ng Diyos at hindi Niya susukuan ang pagliligtas sa akin. Hinihintay pa rin Niya akong bumalik. Naantig ako nang husto, kaya tinanggap ko ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos, madalas akong dumadalo sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid para pagbahaginan ang mga salita ng Diyos.

Minsan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag hindi alam ng mga tao kung tungkol saan ang kapalaran o kapag hindi nila nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, nangangapa at nag-aapuhap lang sila sa hamog batay sa sarili nilang kalooban, at na masyadong mahirap ang paglalakbay na iyon, at nagdudulot ito ng masyadong pasakit sa puso. Kaya kapag napagtanto ng mga tao na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao, pinipili ng matatalino na alamin at tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at magpaalam sa masasakit na araw ng ‘pagsubok na bumuo ng isang mabuting buhay gamit ang sarili nilang mga kamay’ sa halip na patuloy na makipagbuno laban sa kapalaran at hangarin ang mga diumano’y mga layon sa buhay sa sarili nilang paraan. Kapag walang Diyos ang isang tao, kapag hindi niya makita ang Diyos, kapag hindi niya tunay at malinaw na malaman ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang bawat araw ay walang kabuluhan, walang halaga, at hindi masukat ang sakit. Nasaan man ang isang tao, at anuman ang kanyang trabaho, ang diskarte niya para manatiling buhay at ang mga layong hinahangad niya ay walang ibang idinudulot sa kanya kundi walang-katapusang pasakit sa puso, at pighati na mahirap malampasan, hanggang sa hindi na niya makayang lumingon sa kanyang nakaraan. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, pagpapasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos, at paghahangad na matamo ang tunay na buhay ng tao, saka lang unti-unting makakalaya ang isang tao mula sa lahat ng pasakit sa puso at pighati, at unti-unting maiwawaksi sa sarili niya ang lahat ng kahungkagan ng buhay ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Namumuhay tayo sa ganoong pagdurusa dahil hindi natin alam ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at wala tayong mga tamang layon sa buhay. Ginawa kong mga layon ko sa buhay ang pera, kasikatan, at pakinabang, umaasang mababago ang tadhana ko sa pamamagitan ng sarili kong mga pagsisikap. Para kumita ng mas maraming pera, iniligay ko ang sarili ko sa matinding presyur araw-araw, tensiyonadong-tensiyonado ako, at humina ang kalusugan ko. Kamuntik pa nga akong malaglag mula sa isang overpass habang nagmamaneho. Kahit na kumita nga ako ng kaunting pera at nakamit ko ang paghanga at inggit ng mga kamag-anak at kaibigan, talagang masakit at mapait ang ganoong uri ng buhay. Kahit na makakabili ang pera ng magagandang bahay at kotse, at makapagbibigay-daan sa aking magtamasa ng magandang materyal na buhay, at matutugunan ang banidad ko sa pagkakamit ng paghanga ng iba, hindi ako nito mabibigyan ng kapayapaan o kapanatagan. Hindi ako binigyan ng tunay na kaligayahan ng pera na hinahangad ko; sa halip, ginawa ako nitong isang alipin ng pera, at idinulot sa aking mamuhay sa pagdurusa. Lalo na ngayon, habang nangyayari na ang malaking kalamidad at kumakalat sa buong mundo ang mga pandemya, at nakitil ang buhay kahit ng mayayamang tao, napagtanto ko na walang halaga ng pera ang makakabili ng buhay. Gaya nga ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?(Mateo 16:26). Kaya nagpasya akong baguhin ang maling paghahangad ko sa buhay, at simulang hangarin ang katotohanan, gawin nang maayos ang mga tungkulin ko, at magsabuhay ng isang makabuluhang buhay.

Kalaunan, napaisip din ako, “Bakit ba palaging nagdudulot ng pasakit sa mga tao ang paghahangad sa kayamanan, kasikatan, at pakinabang?” Sa mga debosyonal ko, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa isyung ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Pilosopiya ni Satanas ang ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo.’ Nangingibabaw ito sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao; maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran. Ito ay dahil ikinintal ito sa puso ng bawat isang tao, na sa una ay hindi tinanggap ang kasabihang ito, ngunit pagkatapos ay binigyan ito ng hayagang pagtanggap noong maranasan na nila ang tunay na buhay, at nagsimula nilang maramdaman na totoo nga ang mga salitang ito. Hindi ba ito proseso ni Satanas na ginagawang tiwali ang mga tao? … Ginagamit ni Satanas ang salapi upang tuksuhin ang mga tao, at tiwaliin silang sumamba sa salapi at ipagpitagan ang mga materyal na bagay. At paano naipapamalas sa mga tao ang pagsambang ito sa salapi? Inaakala ba ninyo na hindi niyo kayang manatiling buhay sa mundong ito nang walang salapi, na ang kahit isang araw na walang salapi ay imposible? Ang katayuan ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila, gayundin ang paggalang na karapat-dapat sa kanila. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mayayaman sa kanilang mataas na katayuan. Nakatayo sila nang tuwid at nagmamalaki, nagsasalita nang malakas at namumuhay nang may pagmamataas. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na gagawin ng marami ang anumang sakripisyo para makakuha ng pera? Hindi ba isinasakripisyo ng maraming tao ang kanilang dignidad at integridad sa paghahanap ng mas maraming salapi? Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sundin ang Diyos para lamang sa salapi? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao? Hindi ba’t masama si Satanas sa paggamit sa pamamaraang ito at sa kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao hanggang sa ganitong antas? Hindi ba ito malisyosong pandaraya?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang isipan ng mga tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay kasikatan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa kasikatan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa kasikatan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gagawa ng kahit anong paghuhusga o pagpapasya para sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at, suot-suot ang mga kadenang ito, wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at patuloy silang naglalakad nang may matinding paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, samakatwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ginagamit ni Satanas ang mga salita ng mga sikat na tao at mga dakilang tao, ang nagdodoktrinang impluwensiya ng kaalaman, at ang edukasyon mula sa mga paaralan para magtanim sa mga tao ng iba’t ibang nakalilinlang na panuntunan para mabuhay at pananaw tungkol sa buhay, na nagdudulot sa sunod-sunod na henerasyon na hangarin at pagsikapan ang kasikatan at pakinabang, at sa huli ay mawasak sa buhawi ng paghahangad na ito. Sa ganitong paraan ako naturuan mula pagkabata, gamit ang mga ideyang tulad ng “Kailangang tiisin ng isang tao ang pinakamatitinding hirap para maging pinakadakila sa mga tao,” at “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” at iba pang ganoong panuntunan ni Satanas para mabuhay na malalim na nag-ugat sa puso ko. Naniwala akong hindi puwedeng mabuhay ang isang tao nang walang pera, na kinakailangang magkaroon ng pera para magtamasa ng materyal na bagay at para makamit ang paghanga at inggit ng iba, na sa ganitong paraan lang makakapamuhay nang may dignidad ang isang tao, at na kung walang pera, ituturing na nakakababa at hahamakin ang isang tao, na hahantong sa isang miserable at mabigat na pag-iral. Para magtamo ng kasikatan at pakinabang, nag-aral ako nang mabuti sa loob ng mahigit isang dekada, at pagkatapos magsimulang magtrabaho, araw at gabi akong nagpakapagod para sa mga pag-aangat at pagtataas ng suweldo. Lumaki nang lumaki ang mga pagnanais ko, at habang mas marami akong natatamo, lalong dumarami ang ninanais ko, hindi kailanman nakokontento. Kahit nang pagurin ko ang katawan ko hanggang sa punto ng pagkakaroon ng karamdaman, tumanggi pa rin akong magpahinga. Maraming beses nang nagpatotoo sa akin ang biyenan kong babae tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, at alam kong mabuti ang pagsampalataya sa Diyos, pero tumanggi pa rin akong itigil ang paghahangad sa pera, inilalaan ang lahat ng oras at lakas ko sa paghabol sa kasikatan at pakinabang. Sa huli, kahit na natamo ko ang kasikatan at pakinabang, kailanman ay hindi nakaranas ng kapayapaan at kapanatagan ang kaluluwa ko; sa halip, naiwan akong pagod na pagod at labis na nagdadalamhati. Ngayon, malinaw kong nakita na, lahat ng pagdurusang ito ay dulot ng paggawang tiwali at pamiminsala ni Satanas. Ang kasikatan at pakinabang ay mga patibong na inilalatag ni Satanas para akitin ang mga tao patungo sa impiyerno; mga malupit na pamamaraan ang mga iyon kung saan ginagawang tiwali at pinipinsala ni Satanas ang mga tao, idinudulot sa mga taong lalong mapalayo sa Diyos at mamuhay nang mas masakit, sa huli ay humahantong sa kamatayan nila sa pamamagitan ng pamiminsala ni Satanas. Kung hindi dahil sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, hindi ko makikita ang masasamang layunin ni Satanas ng paggamit sa kasikatan at pakinabang para gawing tiwali at pinsalain ang mga tao, at patuloy akong mapapahirapan ni Satanas, ilalagay pa nga sa panganib ang sarili kong buhay. Ngayon ay gusto ko na lang taos-pusong sumampalataya sa Diyos at hangarin ang katotohanan, at hindi na malansi ni Satanas sa paghahangad sa pera. Pagkatapos, sa tuwing may oras kami, sama-sama ang pamilya naming nagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakikinig ng mga himno, at nanonood ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. Hindi na ako namumuhay sa mga araw na iyon ng pagpapakakuba sa pagtatrabaho para sa pera, kundi sa halip, madalas kong ibinabahagi ang katotohanan sa mga kapatid, at tinatamasa ang pagdidilig at panustos ng mga salita ng Diyos. Nakadama ako ng kapayapaan at kapanatagan na kailanman ay hindi ko pa nararanasan.

Sa ikalawang bahagi ng 2021, dahil sa pagbagsak ng industriya, nagsara ang pabrika ko dahil sa kawalan ng mga order. Kahit na medyo sumama ang loob ko, hindi na ako katulad ng dati, na pinipiga ang utak ko para mapanatili ang normal na operasyon ng pabrika. Sa halip, nagpasakop at umasa ako sa Diyos para danasin ito, lalo pang gumagaan ang loob na hindi na napipigilan ng pera. Noong panahong iyon, natanggap ako sa isang part-time na trabaho sa isang lugar, at kahit na hindi malaki ang suweldo, sapat na ito para tustusan ang araw-araw na gastusin ng pamilya namin, at higit sa lahat, binigyan ako nito ng oras para makadalo sa mga pagtitipon at magawa nang maayos ang mga tungkulin ko.

Hindi nagtagal, natukso ako ng isang bagay. Isang araw, nilapitan ako ng may-ari ng isang kompanyang bukas sa pampublikong pamumuhunan, hinihingi sa aking pamahalaan ang isang bagong biling kompanya niya, nag-aalok ng taunang suweldo na 500,000 yuan. Naisip ko, “Malaki ang pondo ng kompanyang ito. Kung tatanggapin ko ang trabahong ito, magiging executive ako, at siguradong tataas ulit ang tingin sa akin ng mga kamag-anak at kaibigan ko.” Pero pagkatapos ay naisip ko, “Kung papayag ako, kakailanganin kong bumiyahe nang madalas at pumunta sa lahat ng uri ng kaganapan ng pakikipag-ugnayan sa trabaho; magiging isang luho na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at dumalo sa mga pagtitipon, lalo na ang gawin ang tungkulin ko. Sa wakas ay nakatakas na ako sa buhawi ng paghahangad sa pera, at may oras na ako para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, dumalo sa mga pagtitipon, at gumawa ng mga tungkulin ko. Hindi ko na puwedeng sayangin ang oras ko sa mga walang kabuluhang bagay na ito.” Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Bilang isang normal na tao, na naghahangad na mahalin ang Diyos, ang pagpasok sa kaharian upang maging isa sa mga tao ng Diyos ang iyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi naniniwala sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang paghahangad sa katotohanan para magtamo ng pagbabago sa disposisyon at makapasok sa kaharian bilang mga tao ng Diyos ay ang pinakamakabuluhang paraan para magkaroon ng buhay at ng tunay na kinabukasan. Ginamit ni Satanas ang amo na ito para tuksuhin ako gamit ang posisyon na “executive,” sinusubukan akong muling mahulog sa buhawi ng pagpapakaabala para sa kasikatan at pakinabang, at ganap na mawalan ng pagkakataon sa pagliligtas ng Diyos. Hindi ako puwedeng mahulog sa pakana ni Satanas. Ngayon ang kritikal na oras para sa pagliligtas ng Diyos at paggawang perpekto sa mga tao, sandaling panahon pa lang akong sumasampalataya sa Diyos at kaunting-kaunti lang sa katotohanan ang nauunawaan ko, kaya ito na ang huling pagkakataon ko para hangarin ang katotohanan at magkamit ng buhay. Kung mawawala ang pagkakataong ito, magiging huli na para maghangad kapag natapos na ang gawain ng Diyos. Kaya tinaggihan ko siya, at nakadama ako ng matinding kapanatagan.

Ngayon, ginagawa ko ang mga tungkulin ko sa iglesia at madalas na ibinabahagi ang mga salita ng Diyos sa mga kapatid. Unti-unti, nakakaunawa ako ng ilang katotohanan at nakakakilatis ng maraming bagay, at wala na sa akin ang pagdurusa at kapagurang dating mayroon ako. Nadarama ko ang kapanatagan at paglaya sa puso ko na kailanman ay hindi ko pa naramdaman, na hindi mabibili ng anumang halaga ng pera. Tunay na pagmamahal at pagliligtas ito ng Diyos!

Sinundan:  90. Hindi na Ako Kailanman Magrereklamong Muli Tungkol sa Kapalaran Ko

Sumunod:  95. Ang Pagsukli ba sa Kabutihan ng Kapwa ay Isang Prinsipyo ng Sariling Asal?

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger