95. Ang Pagsukli ba sa Kabutihan ng Kapwa ay Isang Prinsipyo ng Sariling Asal?

Ni Li Chun, Tsina

Isang araw noong Pebrero 2022, hiniling sa akin ng lider ng iglesia na sumulat ng pagsusuri tungkol kay Wu Jun. Nagulat ako at naisip ko, “Nagsasagawa ng gawain ng pag-aalis ang iglesia sa panahong ito. Nangangalap kaya ang iglesia ng pagsusuri tungkol kay Wu Jun bilang paghahanda sa pagpapaalis sa kanya?” Sa sandaling iyon, bumalik sa isip ko ang mga tagpo ng pakikisalamuha ko sa kanya. Noong 2019, ginampanan ni Wu Jun ang tungkuling nakabatay sa teksto, at ako ang responsable sa gawaing nakabatay sa teksto ng iglesia. Noong panahong iyon, madalas siyang nakikipagtalo nang walang katapusan sa brother na katuwang niya tungkol sa mga walang kabuluhang bagay. Sa mga pagtitipon, hinihiling niya sa amin na husgahan ang mga pagtatalo. Nakipagbahaginan kami sa kanya, hinihikayat siyang huwag masyadong isipin ang mga bagay-bagay, bagkus ay tanggapin ito mula sa Diyos at matuto ng mga aral. Gayumpaman, tinanggihan niya ito at pagkatapos ay nagpatuloy sa parehong pamamaraan. Noong panahong iyon, kailangang ituon ang bawat pagtitipon sa paglutas ng mga problema niya, at hindi kami makapagsagawa ng normal na pagbabahaginan. Parehong labis na nagulo ang buhay iglesia at gawain ng iglesia. Dahil hindi hinanap ni Wu Jun ang katotohanan, palagi siyang nakikipagdebate tungkol sa tama at mali, at hindi niya tinatanggap ang paggabay o tulong ng iba, sa huli ay tinanggal siya sa kanyang tungkulin. Noong 2021, naging responsable ako sa gawain ng ebanghelyo ng ilang iglesia. Noong panahong iyon, si Wu Jun ay isang manggagawa ng ebanghelyo sa iglesia at lubos niyang sinusuportahan ang diyakono ng ebanghelyo, si Li Cheng. Hindi gumawa ng tunay na gawain si Li Cheng, kaya nangalap ng pagsusuri tungkol kay Li Cheng ang mga lider mula sa mga kapatid, pero sinabi ni Wu Jun sa mga kapatid na, “Kung may magsasalita ng masama tungkol kay Li Cheng, makikipagtalo ako sa kanila!” Kasunod nito, tinanggal ng mga lider si Li Cheng batay sa mga prinsipyo. Labis na hindi nasiyahan si Wu Jun sa bagay na ito at namuhay siya sa kalagayang puno ng paglaban, nagpakita siya ng kayabangan at hayagang pagtutol dito. Sa mga pag-uusap tungkol sa gawain ng ebanghelyo, nagmumukmok siya at nananatiling tahimik. Sa ilang okasyon, ibinulalas pa nga niya ang kanyang pagkadismaya sa mga pagtitipon bago pa dumating ang lahat, sinasabi niyang, “Sa katuwang kong brother lang tinatalakay ng mga lider ang gawain, hindi sila lumalapit sa akin. Hindi ko na nga alam ngayon kung tinanggal na ba ako!” Pinaalalahanan ko siya noon na masyado niyang iniisip ang mga bagay-bagay, at pinayuhan ko siyang tanggapin ito mula sa Diyos, matuto ng mga aral, at pagtuunan ang pagninilay sa sarili. Pero hindi lang niya ito tinanggihan, kundi nakipagtalo rin siya at nangatwiran para sa kanyang sarili. Hindi nagtagal, siya ay natanggal, pero wala siyang gaanong pagkilala sa kanyang sarili at nagpatuloy siya sa panggugulo at paggawa ng eksena. Hinusgahan din niya ang mga lider, sinabi niyang hindi nila alam kung paano gampanan ang kanilang gawain. Marami pa siyang ibang katulad na pag-uugali.

Sa pagninilay rito, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi ba’t kasuklam-suklam na may mga taong gustong magbusisi at gumamit ng mga pamamaraan na hindi epektibo kapag may nangyayari sa kanila? Isa itong malaking problema. Ang mga taong malinaw ang pag-iisip ay hindi gagawa ng pagkakamaling ito, ngunit ganito ang mga taong hangal. Palagi nilang iniisip na ginagawang mahirap ng iba ang mga bagay-bagay para sa kanila, na sadyang pinahihirapan sila ng iba, kaya palagi nilang inaaway ang ibang tao. Hindi ba’t paglihis ito? Hindi sila nagsisikap pagdating sa katotohanan, mas gusto nilang iwasan ang mahalagang usapin kapag may nangyayari sa kanila, humihingi sila ng mga paliwanag, nagsisikap na huwag mapahiya, at palagi silang gumagamit ng mga solusyon ng tao para harapin ang mga bagay na ito. Ito ang pinakamalaking hadlang sa pagpasok sa buhay. Kung nananalig ka sa Diyos sa ganitong paraan, o nagsasagawa sa ganitong paraan, hinding-hindi mo makakamit ang katotohanan dahil hindi ka kailanman lumalapit sa Diyos. Hindi ka kailanman lumalapit sa Diyos para tanggapin ang lahat ng isinaayos ng Diyos para sa iyo, ni hindi mo ginagamit ang katotohanan para harapin ang lahat ng ito, sa halip ay gumagamit ka ng mga solusyon ng tao para pangasiwaan ang mga bagay-bagay. Samakatuwid, sa mga mata ng Diyos, masyado ka nang nalihis mula sa Kanya. Hindi lamang nalayo ang puso mo sa Kanya, ang buo mong pagkatao ay hindi namumuhay sa Kanyang presensiya. Ganito ang tingin ng Diyos sa mga taong palaging sinusuri nang husto ang mga bagay-bagay at nagbubusisi. … Sinasabi ko sa inyo na anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang mananampalataya sa Diyos—pinangangasiwaan man niya ang mga panlabas na bagay, o ang isang tungkulin na may kaugnayan sa iba’t ibang gawain o larangan ng kadalubhasaan sa sambahayan ng Diyos—kung hindi siya madalas na humaharap sa Diyos, at namumuhay sa Kanyang presensiya, at hindi siya naglalakas-loob na tanggapin ang Kanyang pagsisiyasat, at hindi niya hinahanap ang katotohanan mula sa Diyos, kung gayon, isa siyang hindi mananampalataya, at siya ay hindi naiiba sa isang taong walang pananampalataya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang sinumang labis na sumusuri sa mga tao at bagay at nakikipagtalo sa kung ano ang tama at mali, palaging kumakapit sa sarili niyang mga pananaw, naniniwalang tama siya, nang hindi tinatanggap ang mga bagay-bagay na mula sa Diyos o hinahangad ang katotohanan, ay hindi taos-pusong nananampalataya sa Diyos. Sa diwa, ang ganitong tao ay hindi mananampalataya. Dahil sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, naisip ko na, “Ganito mismo si Wu Jun. Kung magiging tapat ako sa pagsusulat tungkol sa kanyang pag-uugali, malamang na mapaalis siya.” Sa sandaling maisip ko na magsusulat ako ng pagsusuri tungkol sa kanya, pumasok sa isip ko ang mga pagkakataong tinulungan niya ako noon. Noong dalawa o tatlong taon pa lang akong nananampalataya sa Diyos, pumanaw ang asawa ko at nagkaroon ng ilang problema sa bahay, na naging dahilan para mahulog ako sa negatibong kalagayan. Noong panahong iyon, tumigil ako sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, tumigil ako sa pag-awit ng mga himno, at hindi na rin ako dumalo sa mga pagtitipon. Sa loob ng mahigit isang buwan, ganap akong namuhay sa kadiliman at naisip ko pa nga na ayaw ko nang mabuhay pa. Nang malaman ni Wu Jun ang tungkol sa sitwasyon ko, paulit-ulit siyang nakipagbahaginan sa akin, naghahandog ng tulong at suporta. Sa bawat pagkakataon, gabi na siya nakakauwi. Labis akong naantig sa kanyang mga kilos. Makalipas ang ilang panahon, unti-unti akong nakalabas sa aking pagiging negatibo. Si Wu Jun ang tumulong sa akin sa pinakanegatibo at pinakamasakit na panahon ng buhay ko. Nang maisip ko ito, lalong tumindi ang pasasalamat ko sa kanya. Naisip ko, “Noong tinulungan at sinuportahan niya ako, iyon ay para ilapit ako sa Diyos. Ngayon, kung susulat ako ng pagsusuri tungkol sa kanya, makakaapekto ito sa kung mapapaalis siya sa iglesia o hindi. Kung talagang mapaalis si Wu Jun at alam niyang ako ang nagsiwalat sa kanya, tiyak na sasabihin niyang wala akong utang na loob. Paano pa ako haharap sa kanya?” Nang maisip ko ito, sumulat ako nang may pagkukunwari, “Kamakailan, hindi na kami madalas nagkakausap ni Wu Jun; dalawang pagtitipon lang ang aming dinaluhan nang magkasama, at hindi ko siya masyadong kilala.”

Makalipas ang ilang araw, nakatanggap ako ng isa pang liham mula sa lider ng iglesia, hinihiling na isulat ko ang tungkol sa pag-uugali ni Wu Jun. Naisip ko na, “Paulit-ulit akong hinihingan ng lider na magsulat ng pagsusuri tungkol kay Wu Jun. Kung isusulat ko ang tungkol sa lahat ng kanyang pag-uugali, kasama ng mga impormasyong ibinigay ng ibang kapatid, malamang na magiging makatwiran ang paglalarawan sa kanya bilang isang hindi mananampalataya. Inaalis ng iglesia ang mga tao batay sa palagian nilang pag-uugali. Hindi huhusgahan nang hindi makatarungan ang isang mabuting tao, at walang masamang tao ang makakatakas dito. Kailangan kong makipagtulungan sa gawain ng pag-aalis ng iglesia at isulat ang tungkol sa kanyang pag-uugali, kung hindi, ito ay pagtatakip at pagpoprotekta sa kanya.” Pero naisip ko na, “Kung talagang mapapaalis si Wu Jun, paano ko pa siya haharaping muli? Kapag nalaman niyang ako ang sumulat ng pagsusuri tungkol sa kanya, sasabihin ba niyang wala akong konsensiya? Kung umabot sa ganoon, talagang mababansagan akong walang utang na loob, at sino pang magnanais na makatrabaho o makasama ako?” Nang mapag-isipan ko ito, nais kong makahanap ng pagkakataon na makipagbahaginan kay Wu Jun bago ko isulat ang pagsusuri. Kaya, nagsulat lang ako ng ilang maiikling pangungusap nang hindi ipinapahayag ang mga sarili kong pananaw. Pagkatapos kong maipadala ang liham, medyo hindi ako mapalagay, “Inuuna ko ba ang mga personal na ugnayan kaysa sa mga interes ng iglesia?” Pero naisip ko na baka hindi naman ito isang malaking bagay, at hindi naman ito napakalaking paglabag sa mga prinsipyo, dahil ang layunin ko ay tulungan ang brother. Saglit ko lang itong inisip, at pagkatapos ay hindi ko na ito pinagtuunan pa. Makalipas ang ilang panahon, pumunta ang lider sa bahay na tinutuluyan ko dahil sa ilang bagay, at nang makita niya ako, tahasan niyang sinabi na, “Kapatid, inatasan kang sumulat ng pagsusuri tungkol kay Wu Jun. Bakit mo ito ipinagpaliban nang napakatagal? Hindi mo ba kayang maging matapat at isulat ito nang buo, hanggang sa pinakamaliit na detalye? Talagang naaantala mo ang mga bagay sa ganitong paraan.” Sa pagharap sa ganoong pagsaway, labis akong nahiya at naisip ko na, “Mahigit isang buwan ko nang ipinagpapaliban ang pagsusuring ito, at talagang wala na akong maidadahilan pa.” Sa mga sandaling iyon ako nagsimulang magnilay, iniisip ko kung ano ang ugat na sanhi sa likod ng pag-aalinlangan kong magsulat ng tapat na pagsusuri.

Kalaunan, nagbasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na tumutugon mismo sa kalagayan ko. Sabi ng Diyos: “Ang ideya na ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian ay isa sa mga klasikong pamantayan sa tradisyonal na kultura ng Tsino para husgahan kung ang isang tao ba ay moral o imoral. Kapag kinikilatis kung ang pagkatao ng isang tao ay mabuti o masama, at kung gaano katuwid ang moralidad ng kanyang asal, isa sa mga pinagbabatayan ay kung sinusuklian ba niya ang mga pabor o tulong na natatanggap niya—kung siya ba ay isang tao na buong-pasasalamat na sinusuklian ang kabutihang natanggap o hindi. Sa tradisyonal na kultura ng Tsina, at sa tradisyonal na kultura ng sangkatauhan, itinuturing ito ng mga tao bilang mahalagang pamantayan ng moralidad. Kung hindi nauunawaan ng isang tao na ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian, at siya ay walang utang na loob, kung gayon, siya ay itinuturing na walang konsensiya at hindi nararapat na makaugnayan, at dapat siyang kasuklaman, itaboy, at tanggihan ng lahat. Sa kabilang banda, kung nauunawaan ng isang tao na ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian—kung siya ay tumatanaw ng utang na loob at sinusuklian ang mga pabor at tulong na natatanggap niya sa abot ng kanyang makakaya—itinuturing siya na isang taong may konsensiya at pagkatao. Kung ang isang tao ay nakatatanggap ng mga pakinabang o tulong mula sa ibang tao, pero hindi niya ito sinusuklian, o nagpapahayag lang siya ng kaunting pasasalamat dito sa simpleng ‘salamat’ at wala nang iba pa, ano ang iisipin ng ibang taong iyon? Mababahala kaya siya tungkol dito? Iisipin ba niya, ‘Ang taong iyon ay hindi nararapat na tulungan, hindi siya mabuting tao. Kung ganoon ang reaksiyon niya kahit labis ko siyang tinulungan, wala siyang konsensiya o pagkatao, at hindi nararapat na makaugnayan’? Kung muli niyang makasasalamuha ang ganitong uri ng tao, tutulungan pa rin ba niya ito? Hindi niya ito gugustuhin man lang(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). “Kapag nasa kagipitan o panganib ang ilang tao at nagkataong nakatanggap sila ng tulong mula sa isang masamang tao na nagbibigay-daan sa kanilang makaalis sa kanilang suliranin, naniniwala silang ang masamang taong iyon ay isang mabuting tao at handa silang gumawa ng bagay para sa kanya upang ipakita ang kanilang pasasalamat. Gayunpaman, sa gayong mga pagkakataon, susubukan ng masamang taong isangkot sila sa mga kasuklam-suklam nitong gawain at gamitin sila upang magsakatuparan ng masasamang gawain. Kung hindi sila makatatanggi, maaari itong maging mapanganib. Magtatalo ang kalooban ng ilang gayong tao sa mga sitwasyong ito, dahil iisipin nilang kung hindi nila tutulungan ang masama nilang kaibigan sa paggawa ng ilang masamang gawa, magmumukhang hindi sila nagsusukli nang sapat sa pagkakaibigang ito, subalit makalalabag naman sa kanilang konsensiya at katwiran ang paggawa ng mali. Dahil doon, hindi nila malaman ang gagawin. Isa itong resulta ng pagkaimpluwensiya sa ideyang ito ng tradisyonal na kultura ng pagsusukli sa kabutihan—naigagapos, naitatali, at nakokontrol sila ng ideyang ito. Sa maraming pagkakataon, pinapalitan ng mga kasabihang ito mula sa tradisyonal na kultura ang katwiran ng konsensiya ng tao at ang normal niyang paghatol; natural, naiimpluwensiyahan din ng mga iyon ang normal na paraan ng pag-iisip at tamang pagpapasya ng tao. Ang mga ideya ng tradisyonal na kultura ay hindi tama at direktang nakaaapekto sa mga pananaw ng tao ukol sa mga bagay-bagay, na nagdudulot sa kanyang gumawa ng masasamang desisyon. Mula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan, napakaraming tao na ang naimpluwensiyahan ng ideya, pananaw, at pamantayang ito ng wastong asal tungkol sa pagsukli sa kabutihan. Kahit pa ang taong nagpakita ng kabutihan sa kanila ay isang masama o tiwaling tao at itinutulak sila nitong gumawa ng mga kasuklam-suklam at masamang gawa, nilalabag pa rin nila ang sarili nilang konsensiya at katwiran, pikit-mata silang sumusunod upang suklian ang kabutihan nito, na nagdudulot ng maraming nakapipinsalang kahihinatnan. Masasabing maraming taong, matapos maimpluwensiyahan, malimitahan, mapigilan, at maigapos ng pamantayang ito ng wastong asal, ay pikit-mata at maling nagtataguyod sa pananaw na ito ng pagsukli sa kabutihan, at malamang na tulungan at suportahan pa nila ang masasamang tao. Ngayong narinig na ninyo ang Aking pagbabahagi, malinaw na sa inyo ang sitwasyong ito at matutukoy na ninyo na hangal na katapatan ito, at na maituturing ang pag-uugaling ito na pag-asal nang hindi nagtatakda ng anumang limitasyon, at walang-ingat na pagsukli sa kabutihan nang walang anumang pagkilatis, at na wala itong kabuluhan at halaga. Dahil natatakot ang mga taong makastigo sila ng opinyon ng madla o makondena ng iba, napipilitan silang ilaan ang kanilang mga buhay sa pagsukli sa kabutihan ng iba, isinasakripisyo pa nga nila ang kanilang buhay sa prosesong ito, na isang nakalilinlang at hangal na paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay. Bukod sa naigapos ng kasabihang ito mula sa tradisyonal na kultura ang pag-iisip ng mga tao, naglagay rin ito ng hindi kinakailangang bigat at abala sa kanilang buhay at nagbigay sa kanilang mga pamilya ng karagdagang pagdurusa at mga pasanin. Maraming tao na ang nagbayad ng malalaking halaga upang masuklian ang kabutihang natanggap—ang tingin nila sa pagsukli sa kabutihan ay isang responsabilidad sa lipunan o sarili nilang tungkulin at maaari pa nga nilang igugol ang buong buhay nila sa pagsukli sa kabutihan ng iba. Naniniwala silang ganap na likas at makatwiran na gawin ang bagay na ito, isang hindi matatakasang tungkulin. Hindi ba’t hangal at katawa-tawa ang perspektiba at paraang ito ng paggawa sa mga bagay-bagay? Ganap nitong inihahayag kung gaano ka-ignorante at kawalang-kaliwanagan ang mga tao. Ano’t anuman, maaaring ang kasabihang ito tungkol sa wastong asal—ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian—ay naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, ngunit hindi ito naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Hindi ito katugma ng mga salita ng Diyos at isa itong maling pananaw at paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang ideya na dapat suklian nang may pasasalamat ang kabutihang natanggap ay isa sa mga pamantayan sa tradisyonal na kulturang Tsino sa paghusga kung ang asal ba ng isang tao ay moral o imoral. Ang tradisyonal na edukasyong kultural na ito ang mismong dahilan ng pagkabaluktot ng kaisipan at perspektiba ng mga tao. Kapag nakakatanggap ang isang tao ng mga pabor o tulong mula sa iba, kung nasusuklian niya ang kabutihang iyon nang may pasasalamat, itinuturing siya bilang isang taong may konsensiya at pagkatao, nakukuha niya ang pagsang-ayon ng iba. Kung hindi naman, binabansagan siyang walang utang na loob, at walang konsensiya at pagkatao, at dahil dito, nahaharap siya sa pag-alipusta ng iba at ng lipunan, at maging sa pagtaboy at pagbukod. Sa pagbabalik-tanaw ko, mula pa noong magkaroon ako ng kamalayan sa mga bagay-bagay, naimpluwensiyahan at naturuan ako ng mga ideyang “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian” at “Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal.” Basta’t nakakatanggap ako ng mga pabor o tulong mula sa iba, iniisip ko kung paano ko sila masusuklian. Kung hindi ko man ito magawa agad, humahanap ako ng pagkakataon para makabawi kalaunan. Naniwala ako na tanging sa paggawa nito ako maituturing na isang taong may konsensiya at pagkatao, isang taong may katangiang nagpapakita ng mataas na moralidad. Palagi kong itinuturing ang pahayag na ito tungkol sa kagandahang asal bilang isang patnubay na prinsipyo kung paano ako aasal sa mundo, ginagamit ko ito sa pagtatakda ng mga pamantayan at pagsasaayos ng aking mga salita at kilos. Halimbawa, tinulungan ako ng bayaw ko na makalipat mula sa kabundukan patungo sa karatig-lungsod, at tinulungan niya rin akong makapagsimula ng isang pamilya. Kaya, itinuring ko siya bilang isang dakilang tagapagbigay-tulong, hindi ko kailanman nakakalimutan ang kabutihang ipinakita niya sa akin. Tuwing pista-opisyal o kapistahan, nagdadala ako ng mga regalo para dalawin siya. Sa paggawa nito lang ako napapanatag, naniniwalang ito ang kahulugan ng pagiging isang mabuting tao na may konsensiya. Nang manampalataya ako sa Diyos, nagpatuloy akong kumilos at umasal ayon sa pamantayang ito ng kagandahang-asal na ang kabutihang tinanggap ay dapat suklian nang may pasasalamat. Noong ako ay nasa pinakamahina at pinakanegatibong kalagayan ko, si Wu Jun ang walang pagod na lumalapit para makipagbahaginan sa akin, tumutulong at sumusuporta sa akin. Kaya itinuring ko siyang tagapagbigay-tulong at natakot ako na kung magsusulat ako ng pagsusuring nagsisiwalat sa kanya, baka magdulot ito sa akin ng masamang reputasyon bilang walang utang na loob at walang konsensiya. Dahil dito, ayaw kong magsulat nang tapat tungkol sa kanyang pag-uugali. Nagsinungaling pa ako at kumilos nang may panlilinlang, ginagamit ko ang dahilang, “Kamakailan, hindi na kami madalas nagkakausap ni Wu Jun; dalawang pagtitipon lang ang aming dinaluhan nang magkasama, at hindi ko siya masyadong kilala,” para pagtakpan ang mga katunayan. Nang muli akong hingan ng lider na magsulat ng pagsusuri, nagsulat ako nang padalos-dalos, binanggit ko lang ang mga walang-kabuluhang bagay, hindi rin ako nagpahayag ng malinaw na opinyon. Alam na alam ko na hindi tinatanggap ni Wu Jun ang katotohanan, at mahilig siyang mag-isip nang labis tungkol sa mga tao at mga bagay, na nakagambala at nakagulo kapwa sa buhay iglesia at gawain ng iglesia. Kaya dapat ay isinulat ko ang mga katunayan nang direkta at matapat, mahigpit na nakaayon sa katotohanan, pero para masuklian ko ang kanyang kabutihan, nagpatumpik-tumpik ako at kumilos ako laban sa aking konsensiya. Talagang mapaghimagsik ako! Noon ko lang napagtanto na ang pamumuhay sa tradisyonal na ideyang kultural na “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian” ay nagtulak sa aking gumawa ng mga bagay na labag sa mga prinsipyo at naghimagsik laban sa Diyos, na naging dahilan para kapootan at kasuklaman Niya ako. Kailangan kong agad na hanapin ang katotohanan para malutas ang isyung ito.

Sa paghahanap ko, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ang mga pahayag sa wastong asal gaya ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’ ay hindi eksaktong sinasabi sa mga tao kung ano ang mga responsabilidad nila sa lipunan at sa sangkatauhan. Sa halip, paraan ang mga ito upang igapos at pwersahin ang mga tao na kumilos at mag-isip sa partikular na paraan, gusto man nila o hindi, at kahit ano pa ang sitwasyon o konteksto ng pagsapit sa kanila ng mga kabutihang ito. Maraming halimbawang katulad nito mula sa sinaunang Tsina. Halimbawa, ang isang nagugutom na pulubing batang lalaki ay inampon ng isang pamilya na nagpakain, nagbihis, nagsanay sa kanya sa martial arts, at nagturo sa kanya ng lahat ng uri ng kaalaman. Naghintay ang pamilya na lumaki siya, at pagkatapos ay sinimulang gamitin siya bilang mapagkakakitaan, pinalalabas siya para gumawa ng masama, pumatay ng mga tao, at gumawa ng mga bagay na ayaw niyang gawin. Kung titingnan mo ang kuwento niya batay sa lahat ng pabor na natanggap niya, kung gayon ay mabuting bagay ang pagkakaligtas sa kanya. Pero kung iisipin mo ang mga napilitan siyang gawin kalaunan, mabuti ba talaga ito o masama? (Masama ito.) Pero sa ilalim ng pagkokondisyon ng tradisyonal na kultura gaya ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,’ hindi nakikita ng mga tao ang pagkakaiba nito. Sa panlabas, mukhang walang pagpipilian ang batang lalaki kundi gumawa ng masasamang bagay at manakit ng mga tao, maging mamamatay-tao—mga bagay na hindi gugustuhing gawin ng karamihan. Ngunit hindi ba’t ang katunayang ginawa niya ang masasamang bagay na ito at pumatay siya ayon sa utos ng kanyang amo, sa kaibuturan, ay nagmumula sa kanyang pagnanais na suklian ang kanyang amo para sa kabutihan nito? Partikular na dahil sa pagkokondisyon ng tradisyonal na kultura ng Tsina gaya ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,’ hindi mapigilan ng mga taong maimpluwensiyahan at makontrol ng mga ideyang ito. Ang paraan ng kanilang pagkilos, at ang mga layunin at motibasyon sa likod ng mga pagkilos nila ay tiyak na napipigilan ng mga ito. Nang malagay sa ganoong sitwasyon ang batang lalaki, ano kaya ang unang naisip niya? ‘Iniligtas ako ng pamilyang ito, at naging mabuti sila sa akin. Hindi pwedeng hindi ako tumanaw ng utang na loob, dapat kong suklian ang kanilang kabutihan. Utang ko ang buhay ko sa kanila, kaya dapat ko itong ilaan sa kanila. Dapat kong gawin ang anumang hinihingi nila sa akin, kahit pa nangangahulugan iyon ng paggawa ng masama at pagpatay ng mga tao. Hindi ko pwedeng isaalang-alang kung tama ba ito o mali, dapat ko lang suklian ang kabutihan nila. Karapat-dapat pa ba akong matawag na tao kung hindi ko gagawin ito?’ Dahil dito, kahit kailan naisin ng pamilya na pumatay siya ng isang tao o gumawa ng masama, ginagawa niya ito nang walang pag-aatubili o pasubali. Kaya, hindi ba’t ang kanyang asal, mga ikinikilos, at ang kanyang walang pag-aalinlangang pagsunod ay pawang dinidiktahan ng ideya at pananaw na ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? Hindi ba’t isinasakatuparan niya ang pamantayang iyon ng moralidad? (Oo.) Ano ang nakikita mo mula sa halimbawang ito? Mabuti ba o hindi ang kasabihang ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? (Hindi, walang prinsipyo rito.) Ang totoo, ang isang taong nagsusukli sa kabutihan ay mayroon namang prinsipyo. Ito ay ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian. Kung may gumagawa sa iyo ng kabutihan, dapat mo itong suklian. Kung hindi mo ito magagawa, hindi ka tao at wala kang masasabi kung ikaw ay kokondenahin dahil dito. Ayon sa kasabihan: ‘Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal,’ pero sa sitwasyong ito, ang natanggap ng batang lalaki ay hindi munting kabutihan bagkus ay isang kabutihang nagligtas ng buhay niya, kaya mas higit ang dahilan niyang suklian din ito ng buhay. Hindi niya alam kung ano ang mga limitasyon o mga prinsipyo ng pagsusukli sa kabutihan. Naniniwala siya na ang kanyang buhay ay ibinigay sa kanya ng pamilyang iyon, kaya dapat niya itong ilaan sa kanila bilang kapalit, at gawin ang anumang hinihingi nila sa kanya, kasama na ang pagpatay o iba pang paggawa ng kasamaan. Ang ganitong paraan ng pagsusukli sa kabutihan ay walang mga prinsipyo o limitasyon. Naging kasabwat siya ng masasama at sa paggawa nito ay sinira niya ang kanyang sarili. Tama bang suklian niya ang kabutihan sa ganitong paraan? Hinding-hindi. Kahangalan ang ganitong pagsasagawa ng mga bagay-bagay. Totoong iniligtas siya ng pamilyang ito at hinayaan siyang patuloy na mabuhay, ngunit dapat na may mga prinsipyo, limitasyon, at moderasyon sa pagsusukli ng isang tao sa kabutihan. Iniligtas nila ang buhay niya, ngunit ang layon ng buhay niya ay hindi ang gumawa ng kasamaan. Ang kabuluhan at halaga ng buhay, pati na ang misyon ng tao, ay hindi ang gumawa ng kasamaan at pumatay, at hindi siya dapat mabuhay para lamang sa layuning suklian ang kabutihan. Maling pinaniwalaan ng batang lalaki na ang kabuluhan at halaga ng buhay ay ang buong-pasasalamat na suklian ang kabutihang natanggap. Maling-mali ang pagkaunawang ito. Hindi ba’t resulta ito ng pagkakaimpluwensiya ng pamantayang ito ng wastong asal na, ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? (Oo.) Nailigaw ba siya ng impluwensiya ng kasabihang ito tungkol sa pagsusukli sa kabutihan, o natagpuan ba niya ang tamang landas at mga prinsipyo ng pagsasagawa? Napakalinaw naman na siya ay nailigaw—mas malinaw pa ito sa sikat ng araw(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Sumusunod ang mga tao sa pamantayang moral sa tradisyonal na kultura na ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian, at basta’t nagpapakita sa kanila ng kabutihan ang iba, pakiramdam nila ay obligado silang suklian ito nang walang pag-aalinlangan. Ang ganitong kilos at asal ay maaaring humantong sa pagkawala ng mga prinsipyo at ng mga pinakamababang pamantayan. Minsan, sa pagtatangka nilang masuklian ang kabutihan, maaaring gumawa pa ng krimen o masama ang mga tao, inilalagay ang kanilang mga buhay sa panganib. Talagang kahangalan ito! Dahil sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, nagnilay ako sa aking sarili. Nang hilingin sa akin ng lider na magsulat tungkol sa pag-uugali ni Wu Jun, alam na alam ko na palagi niyang tinatanggihan ang katotohanan at ginugulo ang gawain ng iglesia. Gayumpaman, sa pagtatangkang masuklian ang kanyang kabutihan at maiwasang mabansagang walang utang na loob at walang konsensiya, nagpatumpik-tumpik ako at hindi ko siya isiniwalat, binalewala ko pa ang sarili kong damdamin ng paninisi sa sarili. Dahil dito, naantala ako nang mahigit isang buwan. Pinapaalis ng sambahayan ng Diyos ang mga hindi mananampalataya, lumilikha ng mabuting kapaligiran at kaayusan para sa mga kapatid, nang sa gayon ay magkaroon sila ng normal na buhay iglesia. Ito ang layunin ng Diyos. Pero ako, na binalewala ang mga interes ng iglesia at ang buhay pagpasok ng aking mga kapatid, ay ninais na manatili si Wu Jun sa iglesia. Sa katunayan, ang kalikasan ng aking mga kilos ay pagtatakip at pagpoprotekta ng isang hindi mananampalataya, binibigyan siya ng kalayaang magdulot ng panggugulo at paggambala sa iglesia. Ang ginagawa ko ay hinahadlangan ko ang gawain ng pag-aalis ng iglesia. Talagang gumagawa ako ng kasamaan at lumalaban sa Diyos! Nawalan ako ng mga prinsipyo at ng mga pinakamababang pamantayan para sa sariling asal. Wala akong ibang ginawa kundi bulag na suklian ang kabutihan. Katulad ng kalikasan nito ang paggawa ng isang pulubi ng kasamaan, tulad ng pagpatay, para masuklian ang kabutihan. Talagang kahangalan ito! Sa sandaling iyon, napagtanto ko sa wakas na ginagamit ni Satanas ang mga kasabihan sa tradisyonal na kultura tungkol sa kagandahang asal, mga kasabihang karaniwang itinuturing na mabuti ng mga tao, para sila ay ilihis at gawing tiwali. Ito ay talagang tuso at buktot!

Pagkatapos, pinag-isipan ko kung bakit mali ang ideyang ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian. Pagkatapos, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang mga responsabilidad at obligasyon sa lipunan na kayang tuparin ng tao, ang mga gawang dapat na likas na kayang gawin at nararapat na gawin ng tao, at ang mga simpleng pagseserbisyo na nakatutulong at kapaki-pakinabang sa iba—sa anumang paraan ay hindi maituturing na kabutihan ang mga bagay na ito, dahil ang lahat ng ito ay mga sitwasyon kung saan tumutulong lamang ang tao. Ang pagbibigay ng tulong sa isang taong nagkataong nangangailangan nito, sa isang angkop na oras at lugar, ay isang lubhang normal na pangyayari. Responsabilidad din ito ng bawat miyembro ng sangkatauhan. Isa lamang itong uri ng responsabilidad at obligasyon. Ibinigay ng Diyos sa mga tao ang mga likas na ugaling ito nang likhain Niya sila. Anu-ano bang likas na gawi ang tinutukoy Ko rito? Ang tinutukoy Ko ay ang konsensiya at katwiran ng tao. … Gayundin, kayang gampanan ng mga tao ang kanilang mga tungkulin at responsabilidad sa sambahayan ng Diyos at ito ang nararapat gawin ng sinumang may konsensiya at katwiran. Kaya, ang pagtulong sa mga tao at pagiging mabuti sa kanila ay napakadali para sa mga tao, ito ay nasa saklaw ng likas na gawi ng tao, at isang bagay na kayang-kayang gawin ng mga tao. Hindi na kailangang iranggo ito nang kasingtaas ng kabutihan. Gayunpaman, maraming tao ang itinutumbas ang pagtulong sa iba sa kabutihan, at palaging pinag-uusapan ito at patuloy na sinusuklian ito, iniisip na kung hindi, wala silang konsensiya. Mababa ang tingin nila sa kanilang sarili at hinahamak ang sarili, at nag-aalala pa na masusumbatan sila ng opinyong publiko. Kailangan bang mag-alala tungkol sa mga bagay na ito? (Hindi.) Maraming tao ang hindi ito makilatis, at patuloy na napipigilan ng isyung ito. Ganito ang hindi maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo. Halimbawa, kung pumunta ka sa disyerto kasama ang isang kaibigan at naubusan siya ng tubig, tiyak na papainumin mo siya sa tubig mo, hindi mo siya basta pababayaang mamatay sa uhaw. Kahit na alam mong mababawasan ng kalahati ang itatagal ng isang bote ng tubig mo kapag dalawang tao ang umiinom dito, ibabahagi mo pa rin ang tubig sa kaibigan mo. Bakit mo naman gagawin iyon? Dahil hindi mo matitiis na inumin ang tubig mo habang nakatayo sa tabi ang kaibigan mong nagdurusa sa pagkauhaw—hindi mo talaga matitiis na makita iyon. Ano ang magdudulot sa iyong hindi matiis na makita ang kaibigan mong nagdurusa sa pagkauhaw? Ang katwiran ng iyong konsensiya ang nagdudulot sa pakiramdam na ito. Kahit na ayaw mong tuparin ang ganitong uri ng responsabilidad at obligasyon, idudulot ng konsensiya mong hindi mo matiis na hindi ito gawin, dahil dito ay bibigat ang kalooban mo. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay resulta ng mga likas na gawi ng tao? Hindi ba’t ang lahat ng ito ay ipinapasya ng konsensiya at katwiran ng tao? Kung sasabihin ng kaibigan na, ‘May utang na loob ako sa iyo sa pagpapainom mo sa akin sa iyong tubig sa sitwasyong iyon!’ hindi ba’t mali ring sabihin ito? Wala itong kinalaman sa kabutihan. Kung nabaligtad ang mga pangyayari, at may pagkatao, konsensiya at katwiran ang kaibigang iyon, ibabahagi niya rin sa iyo ang tubig niya. Isa lang itong pangunahing responsabilidad sa lipunan o ugnayan sa pagitan ng mga tao. Ang mga pinakapangunahing ugnayan sa lipunan o responsabilidad o obligasyon ay pawang nabubuo dahil sa katwiran ng konsensiya ng tao, sa kanyang pagkatao at sa mga likas na gawing ipinagkaloob ng Diyos sa tao sa panahon ng paglikha sa tao. Sa mga normal na kalagayan, hindi na kinakailangang ituro ng mga magulang o itanim ng lipunan ang mga bagay na ito sa isip ng tao, at lalong hindi na kinakailangan ang paulit-ulit na pagpapaalala mula sa iba na nagsasabi sa iyong gawin ang mga iyon. Kakailanganin lang ang pag-eeduka para sa mga taong walang konsensiya at katwiran, para sa mga taong walang normal na kakayahang makaunawa—halimbawa, sa mga taong may kapansanan sa pag-iisip o sa mga mahina ang pang-unawa—o para sa mga taong mahina ang kakayahan, at ignorante at matigas ang ulo. Hindi na kailangang ituro ang mga bagay na ito sa mga taong may normal na pagkatao—taglay ang mga iyon ng lahat ng taong may konsensiya at katwiran. Kaya, hindi angkop na masyadong eksaherado na sabihing isang anyo ng kabutihan ang ilang pag-uugali o pagkilos gayong dala lang ito ng likas na gawi at naaayon ito sa konsensiya at katwiran(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). “Kung gusto kang iligtas ng Diyos, kahit kaninong serbisyo pa ang gamitin Niya upang maisakatuparan ito, dapat mo munang pasalamatan ang Diyos at tanggapin ito na mula sa Diyos. Hindi mo dapat idirekta lang sa mga tao ang iyong pasasalamat, lalong huwag mong ialay ang iyong buhay sa isang tao bilang pasasalamat. Isa itong malaking pagkakamali. Ang mahalaga ay mapagpasalamat ang iyong puso sa Diyos, at tinatanggap mo ito mula sa Kanya(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Habang pinag-iisipan ko ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pagtulong sa kapwa ay isang likas na katangiang ibinigay ng Diyos sa mga tao nang likhain Niya ang mga ito. Hangga’t may taglay na konsensiya at katwiran ang isang tao, kaya niya itong gawin. Isa lamang itong simpleng gawa ng paglilingkod at hindi maituturing na kabutihan. Halimbawa, nang tulungan at suportahan ako ni Wu Jun noong ako ay mahina, hindi iyon maituturing na kabutihan, dahil isa siyang lider ng iglesia noong panahong iyon, at ang pagtulong at pagsuporta sa mahihinang kapatid ay tungkulin at responsabilidad niya. Bukod pa rito, kahit hindi siya naging lider ng iglesia, basta’t mayroon siyang konsensiya at katwiran, mag-aalok pa rin siya ng tulong at makikipagbahaginan kapag nakita niyang nagiging negatibo o mahina ang isang brother o sister. Higit pa rito, ang pagbuti ng kalagayan ko ay pangunahing dulot ng pagiging epektibo ng mga salita ng Diyos sa akin. Dapat akong magpasalamat sa pag-ibig ng Diyos at tuparin ang aking tungkulin para matugunan at masuklian ang Diyos, sa halip na palaging isipin ang kabutihan ni Wu Jun at kung paano siya masusuklian. Ngayong naatasan akong magsulat ng pagsusuri tungkol kay Wu Jun, dapat akong magsagawa ng katotohanan at maging matapat, magsulat nang tapat. Tatasahin at ilalarawan siya ng iglesia batay sa mga prinsipyo. Kahit pa sa huli ay paalisin siya, ito ay bunga ng paulit-ulit niyang pag-uugali na labis na pag-iisip tungkol sa mga tao at bagay-bagay, na pagtanggi niya sa katotohanan, at na paggambala at panggugulo niya sa gawain ng iglesia. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos na ipinataw sa kanya. Pagkatapos, nagdasal ako sa Diyos nang may pagsisisi, “O Diyos ko, sa pagsusulat ko tungkol sa pag-uugali ni Wu Jun, hindi ako naging matapat. Isinulat ko lang ito nang pabasta-basta, nagsinungaling at nanlinlang, nakaantala sa gawain ng pag-aalis. Kinasuklaman at kinapootan Mo ang pag-uugali ko. O Diyos ko, handa akong manumbalik sa Iyo at isulat nang tapat ang pag-uugali ni Wu Jun. Nawa’y siyasatin Mo ang aking puso.” Pagkatapos, kinompleto ko ang pagsusuri at ipinasa ko ito sa lider ng iglesia. Kalaunan, inilarawan si Wu Jun bilang hindi mananampalataya at inalis mula sa iglesia. Nang marinig ko ang balitang ito, nakaramdam ako ng pagkakautang at pagkondena sa sarili. Nakita ko kung paano naantala ang gawain ng pag-aalis dahil sa kabiguan kong isagawa ang katotohanan.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, malinaw kong nakita na hindi isang positibong bagay ang ideyang “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian.” at gaano man ito pinaninindigan nang mabuti, hindi pa rin ito ang pagsasagawa ng katotohanan, bagkus ay hindi ito kaayon ng katotohanan. Sa hinaharap, kailangan kong magsagawa ayon sa mga hinihingi ng Diyos, tingnan ang mga tao at mga bagay, at kumilos at umasal ayon sa mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  92. Mga Pagninilay-nilay Tungkol sa Mapagkompetensiyang Pakikibaka Para Magtagumpay

Sumunod:  97. Paalam sa mga Araw ng Paghahabol sa Pera

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger