16. Nakakapagtuon na Ako Ngayon sa Aking Tungkulin

Ni Breanna, Italya

Peb 21, 2024, Maaraw

Ngayon, bigla pinadalhan ako ng superbisor ng gawaing nakabatay sa teksto ng isang mensahe: Sa mga araw na ito, bakit hindi ka maglaan ng ilang oras para magsulat ng isang iskrip? Pagkatapos, tingnan natin kung maaari kang sanayin para gampanan ang mga tungkulin ng pagsusulat ng iskrip. Nang makita ko ang mensaheng ito, nakaramdam ako ng di-mapigilang kasiyahan. Libangan ko ang pagsusulat. Kung magagampanan ko ang mga tungkulin ng pagsusulat ng iskrip, makakamit ko ang pangarap kong maging isang manunulat. Higit pa rito, ang lahat ng mga iskriprayter ay mga taong may lalim at may mga ideya, na kayang makuha ang respeto ng kanilang mga kapatid. Ngayong mayroon na akong pagkakataon na gumampan ng mga tungkulin ng pagsusulat ng iskrip, dapat ko itong pahalagahan at panghawakan.

Peb 24, 2024, Maulap

Mahamog at maulap sa labas. Nakapatong ang isang pisngi ko sa isang kamay at patuloy kong iginagalaw ang mouse sa kabila, habang nakatitig nang mabuti sa screen ng kompyuter. Gayumpaman, libu-libong milya ang layo ng isipan ko. Ibinigay ko ang test script sa superbisor isang araw na ang nakaraan, at hindi ko alam kung kailan darating ang sagot. Bigla, may tumunog na notification. Isa itong voice message na ipinadala ng superbisor: Nabasa ko na ang iyong test script. Mayroon pa ring marami-raming kakulangan. Sa ngayon, siguro maaari ka munang magsanay sa pagsusuri ng mga artikulo. Hindi ito ang nais kong resulta. Sa aking mga kuru-kuro, naniniwala ako na ang gampanin ng pagsusuri ng mga artikulo ay walang anumang teknikal na nilalaman, at sa paggawa ng gampaning ito sa halip na pagsusulat ng iskrip, hindi ko lubos na maipapakita ang mga talento ko at hindi ako mapapahalagahan ng iba. Gayumpaman, anuman ang mangyari, isa pa rin itong tungkuling may kaugnayan sa teksto. Nagtatalo ang kalooban at naguguluhan, tinanggap ko ito.

Marso 6, 2024, Maaraw

Nahaharap sa maraming naipong artikulo, bagama’t binabasa ko ang mga ito, patuloy kong binabalikan sa aking isip ang sinabi ng superbisor. Mayroon man lang ba siyang plano na kuhanin ako para magsulat ng mga iskrip? Inisip ba niya na dahil matagal na akong hindi nakagawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, hiniling niyang suriin ko muna ang mga artikulo para magamit ko ang pagkakataong ito para sangkapan ang sarili ko ng katotohanan? Pagkatapos, naalala ko ang masasayang oras, noong nagsusulat pa ako ng mga iskrip. Bagama’t nakakapagod and paggawa ng tungkuling iyon, ang bawat araw ay napakasaya. Sa paggabay ng lider, mabilis akong umunlad sa aking mga propesyonal na kasanayan, at madalas akong nakikipag-ugnayan at nakikipag-usap sa mga lider at direktor tungkol sa mga problema. Talagang iginalang ako ng lahat. Pero ngayon, ang nagagawa ko lang ay ang mga nakakabagot at di-napapansing gawain ng pagsusuri ng mga artikulo. Kapag tinatanong ako ng mga kapatid na kakilala ko kung anong tungkulin ang ginagampanan ko, ni hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanila. Pakiramdam ko na bagama’t ginagampanan ko ang mga tungkuling nakabatay sa teksto, kaunting pag-aayos lang sa gilid ang ginagawa ko: Hindi ko nararamdaman kahit kaunti na karapat-dapat sa tawag ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng pagkakataon na magsulat ng mga iskrip. Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nagiging negatibo, at hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagbabasa ng mga artikulong hawak ko. Pagkatapos, naghanap ako ng mga salita ng Diyos para basahin. Sabi ng Diyos: “Para sa lahat ng gumaganap ng tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng paraan para isagawa ang pagpasok sa katotohanang realidad ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay, at bitiwan ang kanilang mga makasariling pagnanais, mga personal na intensyon, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan. Unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito man lang ay dapat gawin ng isang tao. Kung ni hindi man lang ito magawa ng isang taong gumaganap ng tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi iyon pagganap ng kanyang tungkulin. Dapat mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at isaalang-alang ang gawain ng iglesia. Unahin mo muna ang mga bagay na ito; pagkatapos niyan, saka mo lamang maaaring isipin ang katatagan ng iyong katayuan o kung ano ang tingin sa iyo ng iba. Hindi ba ninyo nararamdaman na mas dumadali ito nang kaunti kapag hinahati ninyo ito sa dalawang hakbang at gumagawa kayo ng ilang kompromiso? Kung magsasagawa ka nang ganito sa maikling panahon, madarama mo na hindi naman pala mahirap na bigyang-kasiyahan ang Diyos. Bukod pa riyan, dapat mong magawang tuparin ang iyong mga responsabilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at ang iyong tungkulin, at isantabi ang iyong mga makasariling pagnanais, intensyon, at motibo; dapat kang magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng iglesia, at ang tungkulin na dapat mong gampanan. Pagkatapos danasin ito sa sandaling panahon, madarama mo na magandang umasal sa ganitong paraan. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, at hindi pagiging isang mababang-uri at kasuklam-suklam na tao; pamumuhay ito nang makatarungan at marangal sa halip na pagiging kasuklam-suklam, mababang-uri, at walang silbi. Madarama mo na ganito dapat kumilos ang isang tao at ito ang wangis na dapat niyang isabuhay. Unti-unti, mababawasan ang pagnanais mong bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napuno ako ng pagsisisi sa sarili. Lumuluha akong lumapit sa Diyos para magdasal, “Mahal kong Diyos, labis na kulang ang konsensiya ko, at ako ay lubos na makasarili at kasuklam-suklam. Ang pagbibigay sa akin ng iglesia ng pagkakataong gampanan man lang ang mga tungkuling nakabatay sa teksto ay ang pagtataas Mo sa akin, pero nanatili akong walang kasiyahan, palaging isinasaalang-alang ang sarili kong kahihiyan at katayuan. Sa panlabas, gusto kong pagbutihin ang mga propesyonal na kasanayan ko at magkaroon ng mas mahusay na pagsasanay, pero ang mga layunin sa likod nito ay pawang tungkol sa sarili kong reputasyon at katayuan. Ang tanging isinaalang-alang ko ay kung mahalaga ba ang sarili kong tungkulin o hindi, kung bibigyan ba ako nito ng pagkakataong makakuha ng atensyon o hindi, at kung magagamit ko ba ito para makuha ang respeto ng iba. Nang hindi matugunan ang mga pagnanais ko, nakaramdam ako ng paglaban at pagiging negatibo, at inayawan ko pa ngang gampanan ang tungkuling ito. Nakikita ko na ako ay labis na makasarili at kasuklam-suklam! Matagal na akong hindi nakagawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, at wala akong pagkaarok sa maraming prinsipyo. Wala rin akong malinaw na pagkaunawa sa katotohanan. Kung talagang hilingin sa akin na magpunta at magsulat ng mga iskrip, marahil ay hindi ko kakayanin ang trabaho. Ang nararapat na pagsasaayos ay para magsanay muna ako sa pagsusuri ng mga artikulo, pero nakaramdam pa rin ako ng paglaban dito. Talagang wala ako sa katinuan! Mahal na Diyos, naging labis na mapaghimagsik ako. Hindi ko na nais isaalang-alang ang sarili kong mga interes. Handa akong magpasakop sa mga pagsasaayos ng iglesia, at gampanan nang maayos ang kasalukuyan kong tungkulin.” Pagkatapos kong magdasal, mas narelaks ako, at hindi na nagulo o nalimitahan ang puso ko ng bagay na ito. Nang muli akong magbasa ng mga artikulo, napakalma ko ang puso ko.

Marso 19, 2024, Maulap

Halos isang buwan ko nang ginagampanan ang mga tungkuling nakabatay sa teksto, at nakakita ako ng kaunting problema sa mga artikulong nabasa ko. Ang ilan sa mga artikulong sinuri at pinili ko ay nagawan na ng mga video. Napakasaya ko, at may pananalig ako na magagampanan ko nang maayos ang tungkuling ito. Naalala ko na dalawang araw na ang nakalipas, sinabi ng superbisor na, “Ngayon, kulang ang iglesia ng mga iskriprayter. Kung interesado ka, maaari kang magsanay ng pagsusulat ng mga iskrip.” Nag-iwan sa akin ng isang malaking impresyon ang mga salitang iyon. Mukhang may pag-asa pa rin akong makapagsulat ng mga iskrip. Bagama’t katamtaman lang ang kakayahan ko, hangga’t sinasangkapan ko ang sarili ko ng maraming katotohanan, unti-unti rin akong huhusay. Dahil dito, talagang inaabangan ko ang bawat sesyon ng pag-aaral ng pangkat. Sa ganitong paraan, mas marami pa akong matututuhang mga prinsipyo at mapagbubuti ko pa ang mga propesyonal kong kasanayan. Pagkalipas ng mahabang panahon, posible pa ngang maiangat ako para magsulat ng mga iskrip. Ngayon ay araw ng pag-aaral ng pangkat. Tulad ng nakasanayan, maaga akong gumising, pero bago magsimula ang sesyon ng pag-aaral, sinabi sa akin ng superbisor na, “Maaari kang dumalo kung nais mo ayon sa sarili mong iskedyul, pero ayos lang kung hindi.” Bigla, nakaramdam ako ng kaunting pagkailang. Bakit hindi niya hiniling sa aking mag-aral? Hindi ba’t nabanggit niya sa akin ang tungkol sa pagsasanay sa pagsusulat ng mga iskrip? Mukhang wala talagang plano ang superbisor na linangin ako. Makalipas ang ilang panahon, nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari sa dalawang ibang sister na nagsusulat ng mga iskrip. Sinabi ng supervisor na, “Wala ang lahat dito ngayon. Pag-aralan na lang natin ito bukas.” Pinilit ko ang sarili kong manatiling kalmado habang sumasagot ako, “OK.” Pagkatapos kong mag-offline, nakatulala ako nang matagal. Pakiramdam ko ay tuluyan nang nawasak ang pangarap kong magkaroon ng pagkakataong magsulat ng mga iskrip. Inisip ba ng superbisor na hindi ako karapat-dapat sa paglilinang, at hindi sapat ang kakayahan ko para magsulat ng mga iskrip? Bakit parang hindi naman talaga mahalaga kung dumalo ako sa sesyon ng pag-aaral ng pangkat o hindi? Sobrang bagsak ng emosyon ko ngayon. Hindi ako makahanap ng lakas sa anumang ginagawa ko, at labis na hindi ako naging epektibo sa paggawa ng tungkulin ko. Kadalasan, nakakabasa ako ng isang dosenang artikulo o higit pa sa isang araw, pero ngayon kaunti lang ang nabasa ko. Labis ding naguluhan ang pag-iisip ko, at ayaw ko nang pagsikapang isipin ang mga problemang hindi ko naman nauunawaan. Nais ko na lang umiyak. Tumulo ang mga luha ko nang hindi ko mapigilan. Sa puso ko, sinabi ko sa Diyos na, “Mahal kong Diyos, gusto kong magsanay kung paano magsulat ng mga iskrip, at mag-ambag ng kaunting kakayahan ko. Gaano man ako kailangang magdusa, ayos lang. Bakit ba hindi ako kailanman iniangat? Mahal kong Diyos. Hindi ko nauunawaan ang Iyong layunin….”

Marso 20, 2024, Maaraw

Ang awit ng madaling araw sa labas ng aking bintana ang gumising sa akin mula sa aking mga panaginip. Tulad ng dati, binuksan ko ang aking telepono at binasa ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang inyong mga prinsipyo sa inyong pag-asal? Dapat kayong umasal ayon sa inyong puwesto, hanapin ang tamang lugar para sa inyo, at gawin nang mabuti ang tungkulin na nararapat ninyong gampanan; ito lamang ang taong may katwiran. Bilang halimbawa, may mga taong mahuhusay sa mga partikular na propesyonal na kasanayan at may pagkaunawa sa mga prinsipyo, at dapat nilang akuin ang responsabilidad at gawin ang panghuling pagsisiyasat sa larangang iyon; may mga taong makapagbibigay ng mga ideya at malilinaw na pagkaunawa, nagiging inspirasyon sa iba at tinutulungan silang mapabuti ang kanilang mga tungkulin—sa gayon ay dapat silang magbigay ng mga ideya. Kung matatagpuan mo ang tamang lugar para sa iyo at makagagawa nang tugma sa iyong mga kapatid, magiging pagtupad mo iyon sa iyong tungkulin—ito ang ibig sabihin ng pag-asal nang ayon sa posisyon mo. Sa umpisa, maaaring makapagbigay ka lamang ng ilang ideya, ngunit kung susubukan mong magbigay ng iba pang mga bagay, at sa huli ay nagsisikap nang mabuti na gawin ito, ngunit hindi pa rin magawa; at pagkaraan, kapag ibinibigay ng iba ang mga bagay na iyon, hindi ka komportable, at hindi nais makinig, at ang iyong puso ay nasasaktan at napipigilan, at nagrereklamo ka tungkol sa Diyos at sinasabing ang Diyos ay hindi matuwid—ito ay ambisyon. Anong disposisyon ang nagiging sanhi ng ambisyon sa isang tao? Ang mapagmataas na disposisyon ang nagiging sanhi ng ambisyon. Ang mga kalagayang ito ay tiyak na maaaring lumitaw sa inyo sa anumang sandali, at kung hindi ninyo hahanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga ito, at walang pagpasok sa buhay, at hindi kayang magbago ukol dito, ang antas ng kuwalipikasyon at kadalisayan ng inyong pagganap sa inyong mga tungkulin ay magiging mababa, at ang mga resulta ay hindi rin magiging masyadong maganda. Hindi ito pagsasagawa ng inyong tungkulin nang kasiya-siya at nangangahulugan na hindi nagtamo ang Diyos ng kaluwalhatian mula sa inyo. Binigyan ng Diyos ang bawat tao ng iba’t ibang kalakasan at kaloob. Ang ilang tao ay may kalakasan sa dalawa o tatlong larangan, ang ilan ay may kalakasan sa isang larangan, at ang ilan ay walang anumang kalakasan—kung makadudulog kayo nang wasto sa mga bagay na ito, mayroon na kayong katwiran. Ang isang taong may katwiran ay mahahanap ang kanyang lugar, kayang umasal ayon sa kanilang puwesto at gawin nang mahusay ang kanilang mga tungkulin. Ang isang taong hindi kailanman matagpuan ang kanyang lugar ay isang taong palaging may ambisyon. Palagi siyang naghahangad ng katayuan at mga pakinabang sa puso niya. Hindi siya kailanman nasisiyahan sa kung ano ang mayroon siya. Para makakuha ng mas maraming pakinabang, sinusubukan niyang kumuha ng mas marami pa hangga’t kaya niya; palagi siyang umaasang masiyahan ang kanyang maluluhong pagnanais. Iniisip niya na kung mayroon siyang mga kaloob at mahusay ang kanyang kakayahan, dapat siyang higit na magtamasa ng biyaya ng Diyos, at na ang pagkakaroon ng ilang maluluhong pagnanais ay hindi isang pagkakamali. May katwiran ba ang ganitong klase ng tao? Hindi ba’t kawalanghiyaan ang palaging magkaroon ng maluluhong pagnanais? Nadarama ng mga taong may konsensiya at katwiran na kawalanghiyaan ito. Hindi gagawin ng mga taong nakauunawa sa katotohanan ang mga kahangalang ito. Kung inaasam mong matupad ang iyong tungkulin nang tapat upang masuklian ang pagmamahal ng Diyos, hindi ito isang maluhong pagnanais. Ito ay naaayon sa konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao. Pinasasaya nito ang Diyos. Kung talagang nais mong gawin nang maayos ang iyong tungkulin, kailangan mo munang mahanap ang tamang lugar para sa iyo, at pagkatapos ay gawin ang iyong makakaya nang buong puso, nang buong isip, nang buong lakas, at gawin ang pinakamakakaya mo. Ito ay pasok sa pamantayan, at ang gayong pagganap sa tungkulin ay may antas ng kadalisayan. Ito ang dapat gawin ng isang tunay na nilikha(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Habang binabasa ko ang mga salita ng Diyos, naramdaman kong nasa tabi ko ang Diyos, pinapakalma ako. Nakaramdam ng init ang puso ko. Sinasabi sa atin ng Diyos ang mga prinsipyo para sa ating sariling asal; ang paghahanap ng ating lugar; ang pag-asal ayon sa ating katayuan, at ang pagpapalawak ng mga talentong mayroon tayo. Dapat tiyakin ng ilang taong may mahusay na propesyonal na kasanayan at matibay na pagkaarok sa prinsipyo na maaasikaso nila ang mga huling pagsusuri nang maayos; at iyong mga hindi makakagawa ng mga huling pagsusuri ay maaaring magbigay ng mga ideya o mungkahi, at makipagtulungan sa kanilang mga kapatid para matapos nila nang magkakasama ang kanilang mga tungkulin. Sa ganitong paraan, malulugod ang Diyos. Nagnilay ako sa aking sarili. Isinaayos ng iglesia na sumuri ako ng mga artikulo. Ang isang aspekto nito ay sanhi ng pangangailangan sa gawain, at ang isa pang aspekto nito ay batay sa aking kakayahan at tayog. Pero palagi akong may mga mapangahas na ambisyon. Kahit na lantaran namang hindi sapat ang kakayahan kong magsulat ng mga iskrip, nagrereklamo pa rin ako sa Diyos dahil hindi Niya ako binibigyan ng ganoong pagkakataon. Talagang napakayabang ko! Palagi kong nais ipangalandakan ang sarili ko, at palagi kong gustong maging isang babaeng may talentong pampanitikan, na iginagalang ng iba. Sa sandaling hindi natupad ang pagnanais na ito at wala akong plataporma kung saan maipangangalandakan ang mga talento ko, naging negatibo ako at nagpabaya. Ayaw ko na nga ring magbasa ng mga artikulo, at ayaw ko nang pagsikapang isipin ang mga problemang hindi ko naman nauunawaan. Nakahadlang ito sa progreso ng pagsusuri ng mga artikulo. Nakita ko na dinala ko ang aking mapangahas na ambisyon sa paggampan ng tungkulin ko Hindi ako kontento sa lugar ko: Mas luntian ang damo sa kabila, at hindi ko man lang kayang ilagay ang puso ko sa paggawa ng aking pangunahing gawain. Palagi kong nais gawin ang isang tungkuling hindi abot ng aking mga kakayahan. Kung palagi akong ganito ka-impraktikal, hindi ko na magagampanan nang maayos ang tungkulin ng pagsusuri ng mga artikulo, lalo na ang pagsusulat ng mga iskrip. Napagtanto ko na masyadong mapanganib ang kalagayan ko. Kung hindi ko ito agad malulutas, mabubunyag at matitiwalag ako anumang oras!

Marso 24, 2024, Maulap

Alam kong ang pinakamatinding kahinaan ko ay ang reputasyon at katayuan, pero kailanman ay hindi ko pinagsikapang lutasin ang isyung ito. Ngayon, naghanap ako ng mga salita ng Diyos na nagsisiwalat kung paano naghahangad ng reputasyon at katayuan ang mga anticristo. Binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kumpara sa mga normal na tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nasa loob ng kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na layon. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo; iyon ang dahilan kaya kinokonsidera nila ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang hinahangad, ano man ang kanilang mga layon, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila isasantabi ang paghahangad nila sa reputasyon at katayuan. Maaari mo silang ilagay sa gitna ng anumang grupo ng mga tao, at ang pawang maiisip nila ay reputasyon at katayuan pa rin. Kahit na naniniwala rin sa Diyos ang mga anticristo, itinuturing nila ang paghahangad sa reputasyon at katayuan bilang katumbas ng pananalig sa Diyos at tinatrato ang dalawang bagay na ito nang magkapantay. Ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananalig sa Diyos, hinahangad din nila ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Masasabi na sa puso ng mga anticristo, ang paghahangad ng katotohanan sa kanilang pananalig sa Diyos ay ang paghahangad sa reputasyon at katayuan, at ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan; ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang magkamit ng katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na wala silang kasikatan, pakinabang, o katayuan, na walang tumitingala sa kanila, nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, sobrang bigong-bigo sila, naniniwala silang wala nang saysay pang maniwala sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at sinasabi nila sa kanilang sarili na, ‘Bigo ba ang gayong pananalig sa diyos? Hindi ba’t wala na akong pag-asa?’ Madalas na kinakalkula nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso. Kinakalkula nila kung paano sila makalilikha ng sariling puwang sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng matayog na reputasyon sa iglesia, kung paano nila mapapakinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at mapapasuporta sa kanila kapag kumikilos sila, kung paano nila mapapasunod sa kanila ang mga tao nasaan man sila, at kung paano sila magkakaroon ng maimpluwensiyang tinig sa iglesia, at ng kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao. Bakit palagi silang nag-iisip ng ganoong mga bagay? Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, matapos marinig ang mga sermon, hindi ba talaga nila nauunawaan ang lahat ng ito, hindi ba talaga nila nagagawang makilala ang lahat ng ito? Talaga bang hindi nabago ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan ang kanilang mga kuru-kuro, ideya, at opinyon? Hindi talaga iyon ang kaso. Ang problema ay nasa kanila, ito ay lubos na dahil hindi nila minamahal ang katotohanan, dahil sa puso nila, tutol sila sa katotohanan, at bilang resulta, lubos nilang hindi tinatanggap ang katotohanan—na natutukoy ng kanilang kalikasang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Sinabi ng Diyos na sa mga anticristo, ang nananalaytay sa kanilang mga buto at sa kanilang dugo ay ang pagpapahalaga sa reputasyon at katayuan. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang unang isinasaalang-alang nila ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, at kung paano kikilos para sundan at igalang sila ng mga tao. Sa sandaling hindi na nila makamtan ang reputasyon at katayuan, para bang ninakawan sila ng kanilang mismong buhay, at pakiramdam nila ay parang wala nang kabuluhan ang buhay. Ang paghahangad ko ay katulad ng sa isang anticristo. Naalala ko ang isang makatang babae na sinamba ko noong ako ay nasa paaralan. Inakala ko na kaunti lamang ang mga makatang babae na may talento noong sinaunang panahon, at naisip ko na kung mas bihira ang isang bagay, mas madali itong hangaan. Nais ko ring makamit ang isang bagay sa hinaharap. Ayaw kong maging isang hamak na walang pangalang tao. Itinuring ko ang mga batas sa pananatiling buhay na itinanim sa akin ni Satanas, tulad ng, “Dapat laging magsikap ang mga tao na maging mas magaling kaysa sa kanilang mga kasabayan,” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” bilang matatalinong kasabihan. Noong nasa paraalan pa ako, nag-aral ako nang mabuti para makapasok ako sa komite ng klase. Pagkatapos ng klase, nang makauwi na ang ibang kaklase ko, nanatili ako sa silid-aralan para bantayan ang ilan sa aking mga kaklase habang tinatapos nila ang kanilang mga takdang-aralin. Sa huli, pinahalagahan ako ng guro. Sa totoo lang, hindi naman pinakamataas ang grado ko sa klase, pero para mangibabaw ako sa mga kaklase ko, palagi akong nagpapasikat sa harap ng guro sa halip na mag-aral nang masigasig at pag-aralan ang iba’t ibang asignatura. Sa huli, bagama’t nakapasok ako sa komite ng klase, isa lang itong walang saysay na titulo. Gayumpaman, hindi pa rin ako nagsawa sa kasiyahang dulot sa akin ng ningning ng katayuan. Nang magsimula akong manampalataya sa Diyos, bagama’t napagtanto ko na mali ang paghahangad ng reputasyon at katayuan, at na hindi tinitingnan ng Diyos kung gaano kataas o kababa ang katayuan ng isang tao, tanging kung hinahangad ba nila ang katotohanan o hindi, sa puso ko, hindi ko pa rin mabitawan ang pagkauhaw ko sa reputasyon at katayuan, at labis kong pinahalagahan kung binibigyang-halaga at iginagalang ba ng iba ang tungkulin ko. Kung isa itong hindi kapansin-pansing tungkulin, labis akong magdurusa at hindi ako magkakaroon ng interes sa anumang gawin ko. Katulad lang ito ng paraan kung paano ako itinaas ng Diyos para gawin ang mga tungkuling ito na nakabatay sa teksto pero pakiramdam ko ay hindi kasinghalaga ng pagsusulat ng mga iskrip ang pagsusuri ng mga artikulo, kung kaya sa puso ko ay minaliit ko ang tungkuling ito at palagi kong gustong magsulat ng mga iskrip. Mula sa isang kaswal na pahayag na ginawa ng superbisor, naramdaman kong tila walang anumang layunin ang superbisor na linangin ako, at nakaramdam ako ng matinding kalungkutan. Wala akong lakas para gumawa ng kahit ano. Humina rin ang kahusayan ko sa pagsusuri ng mga artikulo, na nakaapekto sa pag-usad ng pagsusumite ng artikulo. Nakita kong iginapos ako nang napakahigpit ng mga kaisipan at pananaw ni Satanas. Ang totoo, kailangan nating maunawaan ang ilang katotohanan at maarok ang ilang prinsipyo para sumuri ng mga artikulo. Kung hindi, hindi natin masusukat kung aling mga artikulo ang may halaga at nakakapagpalago. Kung napakalma ko sana ang puso ko at masusing napag-isipan ang mga katotohanang tinatalakay ng bawat artikulo, marami sana akong nakamit pagkatapos ng ilang panahon. Gayumpaman, hindi ko napagtanto kung gaano kalaki ang pabor na ipinakita sa akin. Hindi ko hinanap ang mga katotohanang prinsipyo na dapat kong pasukin sa tungkuling ito para magsikap na magkaroon ng pag-usad. Sa halip, mali ang pagkaunawa ko sa Diyos at nagreklamo ako na hindi ako binigyan ng Diyos ng pagkakataon para magsanay. Masyadong sarado ang isip ko sa katwiran! Kung hindi ko pinagtutuunan ang paghahangad ng katotohanan, kahit na pinayagan akong magsulat ng mga iskrip at nasiyahan ang aking pride, hindi ko pa rin magagawang makapagsulat ng magaganda dahil wala akong anumang katotohanang realidad.

Sa pamamagitan ng pagninilay, napagtanto ko na ang totoo, nais ko lang magsulat ng mga iskrip para makamit ang mga personal kong adhikain at layon. Itinuring ko ang paggampan sa aking tungkulin bilang isang tuntungan para makamit ko ang aking mga adhikain. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa mundo, itinuturing na nararapat na hangaring isakatuparan ang sariling mga adhikain. Anumang adhikain ang hinahangad mo, ayos lang basta’t legal ang mga ito at hindi lumalabag sa anumang moral na limitasyon. Walang sinuman ang kumukuwestiyon sa anuman, at hindi ka maiipit sa mga usapin ng kung ano ang tama o mali. Hinahangad mo ang anumang personal mong gusto, at kung makuha mo ito, kung makamit mo ang iyong layon, kung gayon ay matagumpay ka; pero kung hindi mo ito maabot, kung mabigo ka, problema mo na iyon. Gayumpaman, kapag pumasok ka sa sambahayan ng Diyos, na isang espesyal na lugar, anuman ang mga dinadala mong adhikain at pagnanais, dapat mong bitiwan ang mga ito. Bakit ganoon? Ang paghahangad sa mga adhikain at pagnanais, anuman ang partikular mong hinahangad—pag-usapan na lang natin ang mismong paghahangad—ang mga paraan ng pagkilos nito at ang landas na tinatahak nito ay umiikot lahat sa egoismo, pansariling interes, katayuan, at reputasyon. Dito sa mga bagay na ito umiikot lahat. Sa madaling salita, kapag hinahangad ng mga tao na maisakatuparan ang kanilang mga adhikain, ang tanging nakikinabang ay ang kanilang sarili. Makatarungan bang hangarin ng isang tao na matupad ang kanyang mga adhikain alang-alang sa katayuan, reputasyon, banidad, at mga pisikal na interes? (Hindi.) Alang-alang sa pansarili at pribadong mga adhikain, kaisipan, at pagnanais, ang mga pamamaraang pinanghahawakan nila ay lahat makasarili at nakatuon sa pansariling pakinabang. Kung ikukumpara natin ang mga ito sa katotohanan, hindi makatarungan o lehitimo ang mga ito. Dapat bitiwan ng mga tao ang mga ito, hindi ba’t tiyak iyon? (Oo.) … Ang iglesia, ang sambahayan ng Diyos, ay isang lugar kung saan isinasakatuparan ang kalooban ng Diyos, ipinoproklama ang Kanyang salita, pinatototohanan Siya, at nakatatanggap ng paglilinis at kaligtasan ang mga hinirang Niya. Gayong klase ng lugar ito. Sa isang lugar na gaya nito, mayroon bang anumang gampanin o proyekto, kahit ano pa man ito, na naaayon sa katuparan ng mga pansariling adhikain at pagnanais? Walang gawain o proyekto ang tumutugon sa layon ng pagtupad sa mga personal na adhikain at pagnanais, wala ring umiiral na anumang aspekto ng mga ito para sa pagsasakatuparan ng mga pansariling adhikain at pagnanais. Kaya, dapat bang umiral sa sambahayan ng Diyos ang pansariling adhikain at pagnanais? (Hindi dapat.) Hindi dapat, dahil sumasalungat ang mga pansariling adhikain at pagnanais sa anumang gawain na nais gawin ng Diyos sa iglesia. Ang mga personal na adhikain at pagnanais ay sumasalungat sa anumang gawaing ginagawa sa iglesia. Sumasalungat ang mga ito sa katotohanan, lumilihis mula sa kalooban ng Diyos, mula sa pagpoproklama ng Kanyang mga salita, mula sa pagpapatotoo sa Kanya, at mula sa gawain ng paglilinis at pagliligtas para sa mga hinirang ng Diyos. Anuman ang mga adhikain ng isang tao, hangga’t ang mga ito ay mga pansariling adhikain at pagnanais, hahadlangan ng mga ito ang mga tao sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, at makaaapekto o makahahadlang sa pagpoproklama ng Kanyang mga salita at pagpapatotoo sa Kanya. Siyempre, hangga’t ang mga ito ay mga pansariling adhikain at pagnanais, hindi makatatanggap ang mga tao ng paglilinis at kaligtasan. Hindi ito usapin lang ng pagiging magkasalungat ng dalawang panig, talagang likas na hindi maaaring umiral ang mga ito nang sabay. Habang itinataguyod ang mga sarili mong adhikain at pagnanais, hinahadlangan mo ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos, ang gawain ng pagpoproklama ng Kanyang mga salita at pagpapatotoo sa Kanya, at pati na rin ang kaligtasan ng mga tao at, siyempre, ng iyong sarili. Sa madaling salita, anuman ang adhikain ng mga tao, ang mga ito ay hindi para sumunod sa kalooban ng Diyos, at hindi makakamit ng mga ito ang tunay na resulta ng ganap na pagpapasakop sa Diyos. Kapag hinahangad ng mga tao ang kanilang mga adhikain at pagnanais, ang kanilang pinakalayon ay hindi para maunawaan ang katotohanan, o maunawaan kung paano dapat na umasal, kung paano palugurin ang mga layunin ng Diyos, at kung paano gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin at tuparin ang kanilang papel bilang nilikha. Hindi ito para magkaroon ang mga tao ng tunay na takot sa Diyos at pagpapasakop sa Kanya. Sa kabaligtaran, habang mas naisasakatuparan ang mga adhikain at pagnanais ng isang tao, mas nalalayo ang isang tao sa Diyos at mas nalalapit siya kay Satanas. Katulad nito, kapag mas hinahangad ng isang tao ang kanyang mga adhikain at natatamo ang mga ito, nagiging mas mapanghimagsik laban sa Diyos ang puso ng isang tao, mas lumalayo ang isang tao sa Diyos, at sa huli, kapag natutupad na ng isang tao ang kanyang mga adhikain gaya ng nais niya at naisasakatuparan at natutugunan ang kanyang mga pagnanais, lalo lang siyang nasusuklam sa Diyos, sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at sa lahat ng tungkol sa Diyos. Maaari pa nga na lumakad siya sa landas ng pagtatwa, paglaban, at pagsalungat sa Diyos. Ito ang huling kalalabasan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (7)). Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pagkaunawa sa maling paghahangad na nakatago sa puso ko. Itinuring ko ang sambahayan ng Diyos at ang iglesia bilang isang lugar para matupad ang mga personal kong adhikain, at itinuring ko ang sari-saring tungkulin sa iglesia na parang iba’t ibang propesyon sa mundo. Gusto ko ang gawaing nakabatay sa teksto, at pakiramdam ko ay maaari kong ipamalas ang aking halaga sa gawaing ito. Naramdaman ko rin na ang mga taong sumusulat ng panitikan ay mas malalim at mas maraming ideya, at sila ay pinahahalagahan at binibigyang-pansin ng mga tao. Ang panimulang punto ko, ang aking pinagmumulan sa paggampan ng aking tungkulin ay mali: Ito ay para mangibabaw sa karamihan, at hindi para hangarin ang katotohanan o makamtan ang katotohanan. Bagama’t ginagampanan ko ang tungkulin ng pagsusuri ng mga artikulo, bihira kong hanapin ang mga prinsipyo o sangkapan ang sarili ko ng katotohanan sa tungkulin ko, para mapabuti ang kahusayan ko sa pagbabasa ng mga artikulo at ang abilidad ko sa paghusga sa mga problema. Sa halip, hinihintay ko lang na maiangat ako. Nang sabihin ng superbisor na ang pinag-aaralan namin ay walang kaugnayan sa aking kasalukuyang tungkulin, inisip ko na wala talagang plano ang superbisor na linangin ako, kaya inilabas ko ang pagkadismaya sa puso ko sa pamamagitan ng pagiging negatibo at pagpapabaya. Hindi ba’t naging lubos na wala akong katwiran? Napagtanto ko na makasarili ang paghahangad ng ating sariling mga adhikain: Hindi ito magkakaroon ng anumang epekto sa pagsusulong ng ating tungkulin, at makakahadlang pa ito sa gawain ng iglesia. Sa totoo lang, katamtaman lang ang kakayahan ko, at medyo kulang ang mga kasanayan ko sa wika. Ang pinakamahalaga, hindi ko lubusang nauunawaan ang maraming katotohanan, at hindi talaga ako karapat-dapat sa trabaho ng pagsusulat ng mga iskrip. Nararapat lamang na isaayos na magsuri ako ng mga artikulo. Pinayagan ako ng iglesia na magsanay sa mga tungkuling nakabatay sa teksto. Gayumpaman, hindi ako kontento sa posisyon, at mali pa ang pagkaunawa ko sa Diyos. Tunay talagang wala akong katwiran! Gaya ng sinasabi ng Diyos: “Anuman ang mga adhikain ng isang tao, hangga’t ang mga ito ay mga pansariling adhikain at pagnanais, hahadlangan ng mga ito ang mga tao sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, at makaaapekto o makahahadlang sa pagpoproklama ng Kanyang mga salita at pagpapatotoo sa Kanya. Siyempre, hangga’t ang mga ito ay mga pansariling adhikain at pagnanais, hindi makatatanggap ang mga tao ng paglilinis at kaligtasan.” Ngayon, mas maliwanag ang puso ko, at nauunawaan ko kung bakit hinihiling ng Diyos na bitawan ng mga tao ang kanilang mga adhikain. Sa totoo lang, ang iglesia ay isang lugar kung saan isinasakatuparan ang kalooban ng Diyos. Isa itong lugar kung saan maaaring maghangad ng katotohanan ang mga tao, maging malinis, at magkamit ng kaligtasan. Gayumpaman, ang landas na tinahak ko ay taliwas sa layunin ng Diyos. Sa panahong ito, pinag-isipan ko kung paano ko makakamit ang mga adhikain ko araw araw at naging labis akong sensitibo. Kahit ang isang kaswal na salita na sinabi ng iba ay nakakaapekto sa kalagayan ko habang ginagampanan ko ang aking tungkulin, at buong araw na balisa ang puso at isip ko. Bagama’t hindi ako kailanman naglakas-loob na magsabi ng anumang reklamo tungkol sa Diyos, nilabanan ko ang Diyos sa puso ko, at napakalayo ng ugnayan ko sa Diyos. Isa talaga itong uri ng tahimik na pagtutol. Nilalabanan ko ang Diyos at naghihimagsik ako laban sa Diyos! Patuloy kong hinangad ang katuparan ng aking mga adhikain. Ito ang pananaw ng isang walang pananampalataya. Kung nagpatuloy ako sa landas na ito, bukod sa hindi mababago kailanman ang mga disposisyon ko, kundi makapagdadala rin ako ng pagkagambala at pagkakagulo sa gawain ng iglesia. Kaya ang ginagawa ko ay hindi paghahanda sa mabubuting gawa: Ito ay pag-iipon ng masasamang gawa. Nang mapagtanto ko ito, mula sa kaibuturan ng puso ko ay handa akong bitiwan ang maluluhong pagnanais ko at gampanan nang maayos ang kasalukuyan kong tungkulin at bigyang-kasiyahan ang Diyos.

Abril 2, 2024, Maaraw

Ngayon, natagpuan ko ang isang landas ng pagbitaw sa reputasyon at katayuan sa isang sipi ng mga salita ng Diyos. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kaya, ano ang mga tungkulin at responsabilidad ng isang nilikha? Malinaw na inilalatag ng salita ng Diyos ang mga tungkulin, obligasyon, at responsabilidad ng mga nilikha, hindi ba? Mula sa araw na ito, isa ka nang tunay na miyembro ng sambahayan ng Diyos, ibig sabihin, kinikilala mo ang iyong sarili bilang isa sa mga nilikha ng Diyos. Dahil dito, mula sa araw na ito, dapat mong muling planuhin ang mga plano mo sa buhay. Hindi mo na dapat hangarin at sa halip ay bitiwan mo na dapat ang mga adhikain, pagnanais, at layon na dati mong itinakda sa buhay mo. Sa halip, dapat mong baguhin ang iyong pagkakakilanlan at perspektiba para makapagplano sa mga layon at direksiyon sa buhay na dapat mayroon ang isang nilikha. Una sa lahat, hindi ang pagiging isang lider ang dapat mong layon at direksiyon, o ang mamuno o mangibabaw sa anumang industriya, o ang maging isang kilalang taong gumagawa ng partikular na gampanin o isang taong bihasa sa partikular na kasanayan. Ang layon mo dapat ay ang tumanggap ng iyong tungkulin mula sa Diyos, ibig sabihin, ang alamin kung ano dapat ang gawain mo ngayon, sa sandaling ito, at unawain kung anong tungkulin ang kailangan mong gampanan. Kailangan mong itanong kung ano ang hinihingi sa iyo ng Diyos at kung anong tungkulin ang isinaayos para sa iyo sa Kanyang sambahayan. Dapat kang makaunawa at malinawan sa mga prinsipyong dapat maintindihan, mapanghawakan, at masunod tungkol sa tungkuling iyon. Kung hindi mo maalala ang mga ito, maaari mong isulat ang mga ito sa papel o i-rekord ang mga ito sa iyong computer. Maglaan ka ng oras para suriin at pag-isipan ang mga ito. Bilang miyembro ng mga nilikha, ang dapat na pangunahin mong layon sa buhay ay ang tuparin ang iyong tungkulin bilang isang nilikha at maging isang kalipikadong nilikha. Ito dapat ang pinakapangunahing layon mo sa buhay. Ang pangalawa at mas partikular ay kung paano gawin ang iyong tungkulin bilang isang nilikha at maging isang kalipikadong nilikha. Siyempre, dapat lang na talikuran ang anumang layon o direksyon na nauugnay sa iyong reputasyon, katayuan, banidad, kinabukasan, at iba pa(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (7)). Binigyang-liwanag ng mga salita ng Diyos ang puso ko. Isa akong nilikha at dapat kong tuparin ang aking mga tungkulin ayon sa aking kinalalagyan. Dapat kong bitawan ang aking mga sariling adhikain at pagnanais, at magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Hindi alintana kung ang tungkuling isinaayos ng iglesia para sa akin ngayon ay gusto ko o hindi, o kung sa tingin ko ito ay mahalaga o walang kuwenta, basta’t nagmumula ito sa Diyos, dapat ko itong tanggapin nang may perpektong pagsunod. Ngayon, ako ay responsable sa pagsusuri ng mga artikulo, kaya dapat kong piliin ang mabubuting artikulo ayon sa mga prinsipyo, at pagsikapan ang mga problemang hindi ko nauunawaan para makamit ang magagandang resulta sa gampaning ito.

Abril 3, 2024, Maaraw

Kamakailan, isang bagong sister ang sumapi sa aming pangkat. Nagsasanay siya para magsulat ng mga iskrip. Muling nabahala ang puso ko. Hindi ba’t sinabi ng superbisor na walang kakulangan sa mga iskriprayter? Bakit siya naghanap ng bago sa halip na iangat ako? Talaga bang hindi ako mahusay? Napagtanto ko na muli akong naaapektuhan ng reputasyon at katayuan, at agad akong nagdasal sa puso ko. Kahit na sino pa ang maiangat, ang kailangan kong gawin ngayon ay ipagpatuloy ang tungkulin ko at hindi magulo nito. Pagkatapos, naglaan ako ng oras at pagsisikap sa paghahanap ng mga prinsipyong may kaugnayan sa kung paano pumili ng magagandang artikulo, at kung paano susukatin kung ang pagkaunawa sa isang artikulo ay praktikal. Tinalakay ko sa mga sister ko ang anumang bagay na hindi ko nauunawaan, at ginampanan ko ang aking tungkulin nang may positibong saloobin. Hindi na ako naghangad ng katayuan. Unti-unti, naging mas panatag ang puso ko, at nagawa kong mas maibuhos pa ang isipan ko sa tungkulin ko. Naramdaman ko rin ang pamumuno ng Diyos sa paggampan ng aking tungkulin. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  12. Mga Pagninilay Matapos Maaresto

Sumunod:  19. Kapag Namamayani ang Pagnanasa sa Katayuan

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger