17. Ang Mga Kahihinatnan ng Hindi Paggampan ng Tungkulin Ayon sa mga Prinsipyo

Ni Xiaoxiao, Tsina

Noong unang bahagi ng 2022, ako ang responsable sa gawain ng sampung iglesia. Sa mga ito, may tatlong iglesia kung saan medyo mahina ang kakayahan ng mga lider at diyakono, at hindi maganda ang buhay iglesia. Dagdag pa rito, kulang sa mga lider at diyakono ang ilan sa iba pang iglesia, kaya may pagmamadali kong inorganisa ang mga kapatid para magsagawa ng mga halalan. Dahil walang maayos na pagkaunawa ang mga kapatid sa mga prinsipyo ng mga halalan, napakabagal ng progreso ng gawain ng halalan. Kalaunan, nagsaayos ang mga nakatataas na lider ng isang pagtitipon kasama kami para alamin ang dahilan ng mabagal na progreso ng mga halalan. Nakipagbahaginan din sila tungkol sa kahalagahan ng paghahalal ng mga lider at diyakono. Nang marinig ko ito, nabalisa ang puso ko. Naisip ko na, “Kulang na kulang ng mga lider at diyakono ang mga iglesiang nasa responsabilidad ko. Hindi ba’t ipinapakita nito na napakahina ng kakayahan ko sa gawain? Ano ang iisipin ng mga lider tungkol sa akin? Hindi ito maaari. Kailangan kong agad na magsagawa ng mabilisang halalan para punan ang mga bakanteng posisyon ng lider at diyakono. Ipapakita nito sa lahat na kaya ko pa ring gumawa ng ilang tunay na gawain.” Pagkatapos, nagmadali akong mag-organisa ng mga halalan para sa mga lider at diyakono, pero hindi ko ibinahagi nang detalyado ang tungkol sa mga prinsipyo ng paghahalal ng mga lider at diyakono. Inisip ko na basta’t ang mga nahalal na tao ay medyo maagap sa paggampan ng kanilang tungkulin at kaya nilang magtiis ng pagdurusa at magbayad ng halaga, ayos na iyon. Matapos ang isang yugto ng pagsusumikap, unti-unting nakapaghalal ng mga lider at diyakono ang mga iglesia. Napakasaya ko nang makita ko ang mga “resulta” na ito. Inisip ko na wala nang kukuwestiyon sa aking kapabilidad sa gawain ngayon. Gayumpaman, hindi ko inasahan na kalaunan ay nagsumite ang dalawang sister ng maraming ulat na nagsasabing ang isa sa mga bagong halal na lider, si Brother Chen Lin, ay walang pagpapahalaga sa katarungan, may matinding disposisyon na mapagpalugod ng mga tao, at hindi angkop na maging isang lider. Naisip ko na, “Ang bawat tao ay may mga katiwalian at kakulangan. Masyadong mataas ang mga hinihingi mo. Kung susundin natin ang iyong mga pamantayan sa pagtimbang sa mga tao, kailan pa natin mapupunan ang lahat ng posisyon para sa mga lider at diyakono?” Inisip ko na walang anumang problema sa paghalal kay Chen Lin, at ang isyu ay hindi kaya ng dalawang sister na iyon na tratuhin nang patas ang mga tao. Kaya, sumulat ako ng isang liham sa mga sister para makipagbahaginan sa kanila at subukang kumbinsihin sila. Gayumpaman, sa loob ng ilang araw, muling sumulat ang mga sister sa akin at sinabing, “Napakaseryoso ng mapagpalugod ng mga taong disposisyon ni Chen Lin. Hindi niya pinoprotektahan ang gawain ng iglesia, at hindi siya angkop na maging isang lider.” Pero noong panahong iyon, namumuhay ako sa tiwaling disposisyon, at nagmamadali kong ninais na maihalal ang mga lider at manggagawa, kung kaya hindi ko pinagtuunan ng pansin ang bagay na ito.

Makalipas ang maikling panahon, nakatanggap ako ng isang liham mula sa mga nakatataas na lider na nagsasabing, “Napakaseryoso ng mapagpalugod ng mga taong disposisyon ni Chen Lin. Hindi niya pinoprotektahan ang gawain ng iglesia, at hanggang ngayon, wala siyang ipinapakitang tanda ng pagsisisi. Ayon sa mga prinsipyo, hindi siya angkop na maging isang lider.” Sa sandaling mabasa ko ang liham, napagtanto ko na noong nakaraan ay nagpadala na ng ilang liham ang mga sister para iulat ang mga problema kay Chen Lin, pero hindi ko sineryoso ang mga ito at hindi ko hinanap, at nakaramdam pa nga ako ng labis na paglaban ukol dito. Nakita ko na naging napakamakasarili ko at mapagmagaling ako! Hindi ko tinanggap ang mga mungkahi ng iba, at kumilos ako ayon sa sarili kong kalooban. Sa mga oras na iyon, labis akong nahiya na nais kong lamunin ako ng lupa. Nag-init ang buong mukha ko sa kahihiyan, at nagsimulang mapuno ang isip ko ng nag-uunahang alalahanin, “Lagot ako. Ngayon, alam na ng mga nakatataas na lider na hindi ko ginagampanan ang aking tungkulin ayon sa prinsipyo. Baka mag-imbestiga sila para alamin ang tungkol sa aking pagganap. Hindi ba ako matatanggal sa ganoong sitwasyon?” Sa kaunting araw na iyon, nakaramdam ako ng tensyon at pagkabalisa. Naalala ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung mayroon kang pagkakataong kumilos nang ayon sa sarili mong kalooban, mayroon ka ring pagkakataon na hanapin ang katotohanan, at dapat mong gamitin ang katotohanan bilang prinsipyo para sa iyong mga kilos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (15)). Habang pinag-iisipan ko nang mabuti ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ang puso ko ng matinding sakit na para bang sinasaksak ako ng patalim. Oo, nagkaroon ako ng pagkakataong hanapin ang katotohanan, pero dahil hindi ko hinangad ang katotohanan, hindi ko hinanap ang mga prinsipyo at kumilos ako ayon sa sarili kong kalooban sa aking mga tungkulin. Ito ay nakagambala at nakagulo sa gawain. Sa panahong iyon, sabik ako sa agarang tagumpay sa mga halalan at hindi ko hinanap ang mga prinsipyo, na naging dahilan ng pagkakahalal sa maling tao. Nang tukuyin ito ng aking mga kapatid, hindi ako nagnilay sa aking sarili at hindi ko itinama ang problema. Paano ito naging paggampan ng aking tungkulin? Gayumpaman, hindi ko nakamtan ang anumang pagkaunawa sa kalikasan ko at sa landas na tinatahak ko, at hindi nagtagal, muling umusbong ang dati kong problema. Sa panahong iyon, nagpadala ng liham ang mga nakatataas na lider para sabihin na ang bawat iglesia ay kinakailangang magbigay ng ilang taong may talento para gampanan ang mga tungkulin sa iba pang lugar, inaambag ang kanilang bahagi sa gawain ng iglesia. Pagkatapos, nagmadali akong suriin ang mga kandidato. Nang basahin ko ang listahan ng mga pangalang sinuri ko, talagang naging masaya ako. Hindi ko maiwasang isipin na, “Hindi ba’t ganoon nga na ang pagbibigay ng mas maraming tao ay isang matibay na pagpapakita ng aking kapabilidad sa gawain? Dapat akong magsumikap para makita ng mga nakatataas na lider na kaya ko pa ring gumawa ng ilang tunay na gawain.” Sa panahon iyon, may isang brother sa listahan na may rekord ng pagkakaaresto dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Hindi malinaw kung siya ba ay wanted, at kung mapanganib ba para sa kanyang magtungo sa isang mahabang paglalakbay. Medyo hindi ako mapalagay, pero upang makapagbigay ng mas maraming taong may talento para makita ng mga lider na nagbubunga ng mga resulta ang aking gawain, isinaayos ko na magampanan ng brother na ito ang mga tungkulin sa ibang lugar. Hindi ko inasahan na maaaresto siya habang papunta siya para gampanan ang kanyang mga tungkulin Hindi nagtagal, sumulat ang mga nakatataas na lider at sinabing ang ilan sa mga taong ibinigay namin ay hindi angkop na gumawa ng mga tungkulin sa ibang lugar. Pinaalalahanan nila kami na gawin ang mga bagay ayon sa mga prinsipyo at huwag magbigay ng mga tao batay lamang sa pagiging masigasig. Nang mabasa ko ang liham, nais kong lamunin ako ng lupa. Nais ko na lang talagang gumapang at magtago sa isang butas sa lupa. Dama ang takot, tinanong ko ang sarili ko, “Ito ba ay paggampan ng aking tungkulin? Isa itong hayagang paggambala at panggugulo!” Sa gitna ng pagdurusa, lumapit ako sa Diyos para magdasal, hinihiling sa Diyos na bigyang-liwanag at gabayan ako para maunawaan ang aking sariling tiwaling disposisyon.

Kalaunan, nagbasa ako ng mga salita ng Diyos: “Kahit gaano pa sila kaabalang tingnan, kahit gaano pa sila kalayo maglakbay, kahit gaano pa kalaki ang isakripisyo, isuko, at igugol nila, maituturing bang mga naghahangad ng katotohanan ang mga uri ng taong nagsasalita at kumikilos lamang alang-alang sa katayuan? Talagang hindi. Para sa katayuan, magbabayad sila ng anumang halaga. Para sa katayuan, daranas sila ng anumang paghihirap. Para sa katayuan, hindi sila titigil kahit anong mangyari. Sinusubukan nilang hanapan ng baho ang iba, palabasing may kasalanan ang mga ito, o pahirapan at yurakan ang ibang tao. Ni hindi sila natatakot na maparusahan at mapaghigantihan; kumikilos sila alang-alang sa katayuan nang hindi man lang iniisip ang mga kahihinatnan. Ano ba ang hinahangad ng mga taong kagaya nito? (Katayuan.) Ano ang pagkakatulad nito kay Pablo? (Ang paghahangad ng putong.) Hinahangad nila ang putong ng katuwiran, naghahangad sila ng katayuan, kasikatan, at pakinabang, at itinuturing nilang lehitimong paghahangad ang paghahangad sa katayuan, kasikatan, at pakinabang sa halip na hangarin ang katotohanan. Ano ang pinakapangunahing katangian ng gayong mga tao? Ito ay na sa lahat ng aspekto, kumikilos sila alang-alang sa katayuan, kasikatan, at pakinabang(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Mayroong Buhay Pagpasok). “Para sa mga anticristo, kung ang reputasyon o katayuan nila ay inaatake at inaalis, mas seryosong bagay pa ito kaysa sa pagtatangkang kitilin ang kanilang buhay. Kahit gaano pa karaming sermon ang pakinggan nila o kahit gaano pa karaming salita ng Diyos ang basahin nila, hindi sila makakaramdam ng kalungkutan o pagsisisi na hindi nila naisagawa kailanman ang katotohanan at na natahak nila ang landas ng mga anticristo, o na nagtataglay sila ng kalikasang diwa ng mga anticristo. Sa halip, lagi silang nag-iisip ng paraan upang magkamit ng katayuan at pataasin ang kanilang reputasyon. Masasabi na ang lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay ginagawa upang magpakitang-gilas sa harap ng iba, at hindi ginagawa sa harap ng Diyos. Bakit Ko nasasabi ito? Ito ay dahil labis na nahuhumaling ang gayong mga tao sa katayuan na itinuturing nila ito bilang pinakabuhay na nila, bilang panghabambuhay nilang layon. Higit pa rito, dahil mahal na mahal nila ang katayuan, hindi sila kailanman naniniwala sa pag-iral ng katotohanan, at masasabi pa ngang hinding-hindi sila naniniwala na mayroong Diyos. Kaya, paano man sila magkalkula upang magkamit ng reputasyon at katayuan, at paano man nila subukang magpanggap upang lokohin ang mga tao at ang Diyos, sa kaibuturan ng kanilang puso, wala silang kamalayan o paninisi sa sarili, lalo na ng anumang pagkabalisa. Sa kanilang patuloy na paghahangad sa reputasyon at katayuan, walang pakundangan din nilang itinatanggi ang nagawa ng Diyos. Bakit Ko sinasabi iyon? Sa kaibuturan ng puso ng mga anticristo, naniniwala sila na, ‘Lahat ng reputasyon at katayuan ay nakakamtan sa pamamagitan ng sariling pagsusumikap ng tao. Sa pagkakamit lamang ng matibay na posisyon sa gitna ng mga tao at pagkakamit ng reputasyon at katayuan niya matatamasa ang mga pagpapala ng diyos. May halaga lamang ang buhay kapag ang mga tao ay nagkakamit ng ganap na kapangyarihan at katayuan. Ito lamang ang pamumuhay na tulad ng isang tao. Sa kabaligtaran, walang silbi ang mamuhay sa paraang sinasabi sa salita ng diyos—ang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng diyos sa lahat ng bagay, ang bukal sa loob na lumugar sa posisyon ng isang nilikha, at ang mamuhay gaya ng isang normal na tao—walang titingala sa gayong tao. Dapat pagsumikapan ng isang tao ang kanyang katayuan, reputasyon, at kaligayahan; dapat ipaglaban at sunggaban ang mga ito nang may positibo at maagap na saloobin. Walang ibang magbibigay ng mga ito sa iyo—ang pasibong paghihintay ay hahantong lang sa kabiguan.’ Ganito magkalkula ang mga anticristo. Ito ang disposisyon ng mga anticristo. Kung umaasa kang tatanggapin ng mga anticristo ang katotohanan, aaminin ang mga pagkakamali, at magkakaroon sila ng tunay na pagsisisi, imposible ito—hinding-hindi nila ito kayang gawin. Taglay ng mga anticristo ang kalikasang diwa ni Satanas, at kinamumuhian nila ang katotohanan, kaya, kahit saan man sila magpunta, kahit na pumunta sila sa dulo ng mundo, hinding-hindi magbabago ang ambisyon nila ng paghahangad sa reputasyon at katayuan, at pati na rin ang kanilang pananaw sa mga bagay-bagay, o ang landas na kanilang tinatahak(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inilalantad ng mga salita ng Diyos na itinuturing ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan bilang mas mahalaga kaysa sa mismong buhay. Anuman ang gawin nila, palagi nilang sinusubukang patibayin ang kanilang reputasyon. Itinuturing nila ang reputasyon at katayuan bilang layunin at direksyon sa kanilang paghahangad, at handa silang magbayad ng anumang halaga para sa katayuan. Ginagawa nila ang mga bagay ayon sa sarili nilang kalooban, at hindi sila naghahanap ng mga katotohanang prinsipyo kahit kaunti. Ginagawa lang nila ang mga bagay sa paraang labis na kapaki-pakinabang sa kanilang kasikatan, pakinabang, at katayuan. Hindi ba’t ganito mismo ang pag-uugali ko sa panahong iyon? Bagama’t sa panlabas, kaya kong tiisin ang paghihirap at bayaran ang halaga sa paggampan ng aking tungkulin, ang lahat ng ginawa ko ay para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Kung ito man ay paghalal ng mga lider at diyakono o pagbibigay ng mga taong may talento, sabik ako sa agarang tagumpay. Ninais kong ipakita sa aking mga kapatid na nakamit ko ang mga resulta sa paggampan ng aking tungkulin at na may kapabilidad ako sa gawain, nang sa gayon ay makuha ang paghanga at pagsang-ayon ng lahat. Nang hindi maihalal ang mga angkop na lider o diyakono, napagtanto ko na dapat sana ay nakipagbahaginan ako sa aking mga kapatid tungkol sa mga prinsipyo ng mga halalan, pero para maipakita sa mga nakatataas na lider na kaya kong mabilis na tapusin ang mga halalan para sa mga lider at diyakono, masyado akong naging sabik sa agarang tagumpay, at hindi ko naisagawa ang mga halalan ayon sa mga prinsipyo. Nang tukuyin ng aking mga sister na naghalal kami ng hindi angkop na tao, hindi ko ito tinanggap, at inisip ko pa na masyadong mahigpit ang kanilang mga kahilingan. Nag-isip pa ako ng mga paraan para kumbinsihin sila at patunayan na ang mga taong inihalal namin ay angkop. Bilang isang lider, ang pagkilos ko na may paglabag sa mga prinsipyo para protektahan ang sarili kong kasikatan, pakinabang, at katayuan sa isang bagay na kasinghalaga ng halalan sa iglesia, ay lantarang panlilinlang at paglaban sa Diyos. Dagdag pa, sa usapin ng pagbibigay ng mga taong may talento, ang isang taong tunay na nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos ay magiging masigasig na tugunan ang mga agarang pangangailangan ng Diyos, at magbibigay ng mga karapat-dapat na tao para mag-ambag ng kanilang bahagi ukol sa ebanghelyo ng kaharian. Gayumpaman, para maipakita sa mga tao na mayroon akong kapabilidad sa gawain, nilagay ko sa listahan ang ilang tao na halata namang wala akong malinaw na pagkaunawa para lang mapunan ang mga bilang. Katulad nitong brother na may rekord ng pagkaaresto. Hindi malinaw sa akin ang kanyang sitwasyon, kaya para makatiyak ay kinailangan kong ipagpatuloy ang pagmamasid sa mga nangyayari sa kanya. Gayumpaman, dahil nais ko lamang na makapagbigay ng mas maraming tao para mapangalagaan ang sarili kong dangal at katayuan, sa huli ay naaresto ang brother. Nakita ko kung paano ako naghangad ng reputasyon at katayuan at hindi ako nagtrabaho ayon sa prinsipyo, at binalewala ko pa ang kaligtasan ng aking mga kapatid para lang mapangalagaan ang sarili kong dangal at katayuan, maliban sa hindi pagsasaalang-alang ng mga interes ng iglesia. Ipinahamak ko ang aking mga kapatid. Tinatahak ko ang landas ng mga anticristo. Kung hindi ako magsisisi, itataboy at ititiwalag ako ng Diyos.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay nagkukunwaring gumagawa ng gawain ng iglesia subalit naghahangad naman ng sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan, nagsasagawa ng sarili nilang proyekto, bumubuo ng sarili nilang maliit na grupo, ng sarili nilang munting kaharian—ginagawa ba ng ganitong uri ng tao ang kanyang tungkulin? Lahat ng gawaing ginagawa nila, sa diwa, ay nakakagambala, nakakagulo, at nakakapinsala sa gawain ng iglesia. Ano ang kahihinatnan ng paghahangad nila ng kasikatan, pakinabang, at katayuan? Una, naaapektuhan nito kung paano kinakain at iniinom ng mga taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos nang normal at paano nila nauunawaan ang katotohanan, hinahadlangan nito ang kanilang buhay pagpasok, pinipigilan silang pumasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos, at inaakay sila patungo sa maling landas—na nakakapinsala sa mga taong hinirang, at dinadala sila sa kapahamakan. At ano ang ginagawa nito sa gawain ng iglesia sa huli? Ito ay panggugulo, pamiminsala, at pagbuwag. Ito ang kahihinatnang idinudulot ng paghahangad ng mga tao ng kasikatan, pakinabang, at katayuan. Kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin sa ganitong paraan, hindi ba’t masasabing ito ay pagtahak sa landas ng isang anticristo? Kapag hinihingi ng Diyos na isantabi ng mga tao ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, hindi naman sa pinagkakaitan Niya ang mga tao ng karapatang mamili; bagkus, ito ay dahil habang naghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, nagagambala at nagugulo ng mga tao ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng mga taong hinirang ng Diyos, at maaari pa nga silang makaimpluwensiya sa pagkain at pag-inom ng maraming tao ng mga salita ng Diyos, sa pag-unawa nila sa katotohanan, at sa pagkamit nila ng pagliligtas ng Diyos. Ito ay isang katunayang hindi mapag-aalinlanganan. Kapag hinahangad ng mga tao ang sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan, siguradong hindi nila hahangarin ang katotohanan at hindi nila matapat na tutuparin ang kanilang tungkulin. Magsasalita at kikilos lamang sila alang-alang sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, at lahat ng gawaing ginagawa nila, nang wala ni katiting na eksepsiyon, ay alang-alang sa mga bagay na iyon. Ang umasal at kumilos sa gayong paraan ay walang pagdududang pagtahak sa landas ng mga anticristo; ito ay isang paggambala at panggugulo sa gawain ng Diyos, at lahat ng iba’t ibang kahihinatnan nito ay nakakahadlang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian at sa pagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos sa loob ng iglesia. Kaya, maaaring sabihin ng isang tao nang may katiyakan na ang landas na tinatahak ng mga naghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan ay ang landas ng paglaban sa Diyos. Ito ay sadyang paglaban sa Kanya, pagkontra sa Kanya—ito ay ang makipagtulungan kay Satanas sa paglaban sa Diyos at pagsalungat sa Kanya. Ito ang kalikasan ng paghahangad ng mga tao ng kasikatan, pakinabang, at katayuan. Ang mali sa mga taong naghahangad ng pansarili nilang mga interes ay ang hinahangad nila ang mga mithiin ni Satanas, at ang mga ito ay mga buktot at hindi makatarungang layon. Kapag hinahangad ng mga tao ang mga personal na interes gaya ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, hindi nila namamalayang nagiging kasangkapan na pala sila ni Satanas, nagagamit na sila ni Satanas, at, higit pa rito, nagiging kinatawan na sila ni Satanas. Isang negatibong papel ang ginagampanan nila sa iglesia; sa gawain ng iglesia, at sa normal na buhay iglesia at normal na paghahangad ng mga taong hinirang ng Diyos, ang epekto nila ay ang mang-abala at maminsala; mayroon silang masama at negatibong epekto(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)). Kapag inihahambing ang sarili kong pag-uugali sa pag-uugali ng mga anticristo na inilantad ng Diyos, nakita kong pareho ang mga ito. Sinamantala ko ang mga pagkakataong ipinagkaloob ng paghahalal ng mga lider at diyakono at pagbibigay ng mga taong may talento para magsagawa ng mga personal na hakbangin, sinusubukang ipakita sa mga tao na may kapabilidad ako sa gawain at makamit ang hangarin kong hangaan ako ng mga tao. Bagama’t sa panlabas ay parang ginagampanan ko ang aking tungkulin nang may matinding dedikasyon, sa loob, puno ako ng sarili kong mga ambisyon at pagnanais. Para makapaghangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, naging pabaya ako at nagsagawa ng panlilinlang sa mahalagang gawain ng iglesia. Ano ang kaibahan ng pag-uugali kong ito at ng sa isang anticristo? Ang paghahalal ng mga lider at diyakono at ang pagbibigay ng mga taong may talento ay parehong ginagawa para sa kapakanan ng gawain ng iglesia at ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ang layon na ito ay tiyak na hindi para maghalal ng ilang hindi angkop na tao para lamang mapunan ang mga bilang. Kung ang mga hindi angkop na tao ang mahahalal para umako ng gawain, hindi lamang nito mabibigong isulong ang gawain ng ebanghelyo, magiging dahilan pa ito ng mga paggambala at panggugulo, na magdudulot ng kapahamakan sa mga kapatid. Itinuring ko na mas mahalaga ang kasikatan, pakinabang, at katayuan kaysa sa anumang bagay. Hindi ko talaga isinapuso ang tungkulin ko kahit kaunti, lalong wala akong anumang bakas ng pusong may-takot-sa-Diyos. Ang uri ng saloobin ko sa aking tungkulin ay tunay na nagdudulot ng pagkasuklam ng Diyos! Kung hindi ako magsisisi, ititiwalag ako ng Diyos. Dati, palagi kong pinaniniwalaan na kung mas mabilis na mahahalal ang mga lider at diyakono, mas mainam, at kapag mas maraming taong may talento ang naibigay, lalo akong sinasang-ayunan ng Diyos. Ang pananaw na ito ay baligho. Ang pinapahalagahan ng Diyos ay kung, sa paggampan ng ating tungkulin, nagpapakita tayo ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at ginagawa natin ang mga bagay ayon sa prinsipyo.

Pagkatapos, nagdasal ako sa Diyos para maghangad ng isang landas ng pagsasagawa. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Anumang tungkulin ang iyong ginagampanan, kailangan mong hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, unawain ang mga layunin ng Diyos, alamin kung ano ang Kanyang mga hinihingi sa tungkuling iyon at unawain kung anong mga resulta ang dapat mong makamit sa paggampan ng tungkuling iyon. Makakakilos ka lang nang may mga prinsipyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga iyon. Sa paggampan sa iyong tungkulin, hindi ka talaga maaaring sumunod sa iyong personal na mga kagustuhan, ginagawa ang anumang gusto mong gawin, anuman na magiging masaya kang gawin, o anumang makakaganda sa iyo. Ito ay pagkilos alinsunod sa sariling kagustuhan ng isang tao. Kung umaasa ka sa sarili mong personal na mga kagustuhan sa pagganap sa iyong tungkulin, na iniisip na ito ang hinihingi ng Diyos, at na ito ang magpapasaya sa Diyos, at kung sapilitan mong iginigiit ang iyong personal na mga kagustuhan sa Diyos o isinasagawa ang mga iyon na para bang ang mga iyon ang katotohanan, na inoobserbahan ang mga ito na para bang ang mga ito ang mga katotohanang prinsipyo, hindi ba ito isang pagkakamali? Hindi ito paggampan sa iyong tungkulin, at ang paggampan sa iyong tungkulin sa ganitong paraan ay hindi matatandaan ng Diyos. Hindi nauunawaan ng ibang tao ang katotohanan, at hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng tuparin nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Sa tingin nila, nagsikap na sila at ibinigay na nila rito ang kanilang puso, naghimagsik na sila laban sa kanilang laman at nagdusa na sila, pero kung gayon, bakit hindi nila kailanman magawa ang kanilang tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan? Bakit palaging hindi nalulugod ang Diyos? Saan nagkamali ang mga taong ito? Ang pagkakamali nila ay na hindi nila hinahanap ang mga hinihingi ng Diyos, at sa halip ay kumikilos sila ayon sa mga sarili nilang ideya—ito ang dahilan. Itinuring nilang katotohanan ang mga sarili nilang hangarin, kagustuhan, at mga makasariling motibo, at itinuring nila ang mga ito na para bang ang mga ito ang gustung-gusto ng Diyos, na para bang ang mga ito ang Kanyang mga pamantayan at hinihingi. Itinuring nilang katotohanan ang pinaniwalaan nilang tama, mabuti, at maganda; mali ito. Ang totoo, kahit maaaring iniisip minsan ng mga tao na tama ang isang bagay at na umaayon ito sa katotohanan, hindi ito agad nangangahulugan na umaayon ito sa mga layunin ng Diyos. Habang mas iniisip ng mga tao na tama ang isang bagay, lalo dapat silang maging maingat at lalo nilang dapat hanapin ang katotohanan upang makita kung natutugunan ng iniisip nila ang mga hinihingi ng Diyos. Kung sumasalungat ito mismo sa Kanyang mga hinihingi at sa Kanyang mga salita, hindi ito katanggap-tanggap, kahit pa iniisip mong tama ito, isa lamang itong kaisipan ng tao, at hindi ito aayon sa katotohanan gaano mo man naiisip na tama ito. Kung tama ba o mali ang isang bagay ay kailangang tukuyin batay sa mga salita ng Diyos. Gaano mo man naiisip na tama ang isang bagay, mali ito at kailangan mo itong iwaksi, maliban na lang kung may basehan ito sa mga salita ng Diyos. Katanggap-tanggap lamang ito kapag nakaayon ito sa katotohanan, at maaaring maging pasok sa pamantayan ang paggampan mo sa iyong tungkulin sa pamamagitan lamang ng pagtataguyod sa katotohanang prinsipyo sa ganitong paraan. Ano nga ba ang tungkulin? Isa itong atas na ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao, bahagi ito ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at isa itong responsabilidad at obligasyon na dapat pasanin ng bawat isa sa mga taong hinirang ng Diyos. Karera mo ba ang tungkulin? Isa ba itong personal na usaping pampamilya? Tama bang sabihin na sa sandaling mabigyan ka ng tungkulin, nagiging personal mong gawain ang tungkuling ito? Talagang hindi iyon ganoon. Kaya paano mo dapat tuparin ang iyong tungkulin? Sa pamamagitan ng pagkilos alinsunod sa mga hinihingi, salita, at pamantayan ng Diyos, at sa pagbabatay ng iyong pag-uugali sa mga katotohanang prinsipyo sa halip na sa pansariling pagnanais ng tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang ng mga Katotohanang Prinsipyo Magagampanan Nang Mabuti ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin). Mula sa mga salita ng Diyos ay naunawaan ko na para magampanan nang maayos ang ating tungkulin at mapalugod ang Diyos, dapat muna nating ituwid ang ating mga layunin, bitawan ang personal na mga ambisyon at pagnanais, at huwag kumilos para sa kapakanan ng kasikatan, pakinabang, at katayuan. Hindi rin natin dapat ituring ang ating sariling mga ideya at kagustuhan bilang ang mga katotohanang prinsipyo. Sa halip, dapat nating hanapin ang mga hinihingi ng Diyos, at gampanan ang ating tungkulin ayon sa mga layunin ng Diyos. Tanging sa ganitong paraan natin magagawa ang mga bagay sa pamamaraang may prinsipyo. Sa sambahayan ng Diyos, anuman ang aspekto ng tungkulin, may mga katotohanang prinsipyo itong kaugnay. Halimbawa, kapag naghahalal ang iglesia ng mga lider at diyakono, kailangan nating hanapin ang mga prinsipyo at pamantayan para sa paghahalal ng mga lider at diyakono. Una, sila dapat ay mga taong naghahangad ng katotohanan, may mabuting pagkatao, at may pagpapahalaga sa katarungan. Ang mga tiwaling disposisyon ng ilang kapatid ay maaaring medyo mas seryoso, pero maaari pa rin nilang tanggapin ang katotohanan, at maunawaan ang kanilang mga sarili pagkatapos ng pagpupungos, at magsumikap tungo sa mga hinihingi ng Diyos. Ang paghahalal ng ganitong uri ng tao ay umaayon sa mga prinsipyo. Sa kabaligtaran, ang ilang tao ay mayroong matalas na isipan, mga kaloob, at panlabas na sigasig, at kaya nilang tiisin ang pagdurusa sa paggawa ng kanilang tungkulin, pero wala silang anumang sariling buhay pagpasok; sa paggawa ng kanilang tungkulin, bulag nilang hinahangad ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, nagbubulalas ng mga salita at doktrina para mailihis ang mga tao. Kapag pinungusan sila, hindi pa rin nila mauunawaan ang kanilang mga sarili. Kung ganitong uri ng tao ang lider, hindi niya malulutas ang anumang problema, at ipapahamak lang niya ang mga kapatid at ang gawain ng iglesia.

Kalaunan, inirekomenda namin si Sister Li Ling na magtungo sa ibang lugar para gampanan ang mga tungkulin. Ilang araw lamang bago umalis ang sister, sumulat ang ilang kapatid ng liham ng pag-uulat para sabihing hindi nagdala ng pasanin si Li Ling sa paggawa ng kanyang tungkulin, hindi gumawa ng tunay na gawain, at medyo mayabang. Noon pa ay hindi niya gusto ang dalawang sister na katuwang niya, at madalas niyang husgahan at maliitin ang mga ito sa harap ng ibang kapatid, na naging sanhi para magkaroon ang iba ng negatibong pananaw laban sa mga ito. Lumikha ito ng kaguluhan sa pangkat, at bilang resulta ay naging negatibo ang dalawang sister. Nagmadali akong sumulat sa mga sister na humahawak sa liham ng pag-uulat, at hiniling ko sa kanilang isiwalat ang mga problema kay Li Ling sa isang simpleng pamamaraan para makaalis agad si Li Ling. Pagkatapos, napagtanto ko na mali ang kalagayan ko. Talaga bang ang dahilan kung bakit ako nagmamadali ay para magbigay ng mga taong may talento sa sambahayan ng Diyos? Hindi ba ito dahil naisip ko na ang pagbibigay ng isa pang taong may talento ay magpapaganda sa aking imahe? Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi talaga mahirap ang gampanan ang iyong tungkulin, at hindi rin ito mahirap gawin nang may debosyon at nang pasok sa pamantayan. Hindi mo kailangang isakripisyo ang iyong buhay o gumawa ng anumang natatangi o mahirap, kailangan mo lamang sundin ang mga salita at tagubilin ng Diyos nang matapat at matatag, nang hindi idinaragdag ang sarili mong mga ideya o isinasakatuparan ang sarili mong proyekto, kundi tumatahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Kung magagawa ito ng mga tao, halos magkakaroon sila ng wangis ng tao. Kapag mayroon silang tunay na pagpapasakop sa Diyos, at naging matapat na tao, tataglayin nila ang wangis ng isang tunay na tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Magkakasundong Pagtutulungan). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na dahil ang tungkulin ay hindi isang personal na bagay, kundi isang gawaing ibinigay ng Diyos, dapat natin itong gawin ayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Tanging sa ganitong paraan lang tayo magiging ayon sa mga layunin ng Diyos. Dapat kong bitawan ang aking mga layunin at itigil ang pagbibigay-pansin sa kung hinahangaan man ako ng iba o hindi. Dapat kong bigyang-pansin ang paghahangad ng katotohanan at maayos na paggampan sa aking tungkulin ayon sa mga prinsipyo. Ito ay pagtugon sa wastong gawain at pagtahak sa tamang landas. Kung, sa kapakanan ng sarili kong kasikatan, pakinabang, at katayuan, hindi ko seryosong naberipika at natugunan ang mga problema kay Li Ling, iyon ay pagkilos nang may malinaw na paglabag sa mga prinsipyo. Nang maisip ko ito, napagtanto kong hindi ko na maaaring ipagpatuloy ang pagsasaalang-alang sa sarili kong reputasyon at katayuan, at nagmadali akong sumulat ng isang liham na humihiling sa mga kapatid na beripikahin ang liham ng pag-uulat. Matapos ang beripikasyon, nakumpirmang walang kakayahan si Li Ling sa pagtrato nang patas sa mga tao, na may hilig siyang maliitin at husgahan ang mga tao, at na hindi siya nakikipagtulungan nang maayos sa mga tao, at wala siyang pasanin sa kanyang tungkulin. Nang malantad ang mga problema ni Li Ling at siya ay natanggal, hindi siya nagnilay sa kanyang sarili, hindi niya ito tinanggap, at nagpahayag siya ng pagkadismaya. Kung kaya, hindi namin siya pinayagang gumawa ng mga tungkulin sa ibang lugar. Sa pamamagitan ng karanasan ko, napagtanto ko na sa paggawa ng ating mga tungkulin, kailangan nating ituwid ang ating mga layunin, bitawan ang sarili nating mga pagnanais, at isagawa ang mga bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Tanging sa ganoong paraan lamang makakaramdam ng kapanatagan at kapayapaan ang ating puso.

Sinundan:  16. Nakakapagtuon na Ako Ngayon sa Aking Tungkulin

Sumunod:  18. Ibinunyag Ako ng mga Pag-uusig at Pagsubok

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger