22. Napakahalaga ng Paghahanap sa mga Prinsipyo sa Tungkulin ng Isang Tao

Ni Daisy, Greece

Dati ay mayroon akong ganitong kuru-kuro sa tungkulin ko: Akala ko basta’t mabuti ang mga intensyon ko, at gusto kong tuparin ang tungkulin ko, makukuha ko ang pagsang-ayon at pagtanggap ng Diyos dahil sa mabuting mga intensyon ko, at na pagpapalain Niya ng magagandang resulta ang tungkulin ko. Pero nang mapuna, mapagsabihan, at mapungusan pa nga ako sa kabila ng mga pagsisikap ko, pakiramdam ko ay naagrabyado ako. Napaisip ako, “Hindi ba’t sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao? Bakit negatibo ang nakukuha ng mabubuting intensyon ko?” Pagkatapos, nagiging negatibo, pasibo, at sobrang ingat ko sa tungkulin ko. Madalas kong tinatanggap ang ganoong mga sitwasyon nang may pagkainis, at kailanman ay hindi naging malinaw sa akin kung saan ako nagkakamali sa paggawa sa tungkulin ko sa ganitong paraan. Naging isang tinik ito sa dibdib ko. Nang magdasal at maghanap ako sa mga kamakailang karanasan ay saka lang ako nagkamit ng kaunting pagkaunawa sa isyung ito.

Pinangangasiwaan ko ang gawaing pangvideo sa iglesia sa nagdaang dalawang taon, at noong Mayo 2024, natuklasan ng lider na ang kuha na ginamit sa isang video ng himno ay hindi tugma sa tema nito, at na kailangan itong ulitin. Kalaunan, pinanood ko ang video. Nalaman ko na medyo kakaiba ang ilan sa kuha na ginamit ng pangkat ng mga gumagawa, pero hindi ito tumutugma sa damdaming sinusubukang iparating ng kanta. Naisip kong maaring gusto nilang gumamit ng makabagong ideya pero nabigo silang arukin ang mga prinsipyo. Kinabukasan, detalyadong nakipagbahaginan ang lider tungkol sa mga problema sa video, at pinungusan din niya ang pangkat ng mga gumagawa ng video. Tinamaan talaga ako sa isang pangunahing puntong binanggit niya. Sinabi ng lider na wala silang anumang prinsipyo sa mga tungkulin nila, na hindi nila nauunawaan ang katotohanan, hindi nila nakikilatis nang malinaw ang mga bagay-bagay, at hindi sila naghahanap. Kumikilos lang sila batay sa mga kuru-kuro, imahinasyon, at mabuting mga intensyon nila, at ang resulta, nagdulot sila ng mga pagkagambala at pagkakagulo. Nang marinig ko ito, napaisip ako, “Hindi ba’t ito ang pagkakamaling madalas kong nagagawa sa tungkulin ko?” Ang mga video na nagagawa namin kamakailan ay medyo nakakabagot pagdating sa pormat ng presentasyon, at maraming kapatid ang nagmungkahing kailangan naming gumamit ng makabagong ideya. Naisip ko, “Totoo iyon, problema nga namin iyon sa mga video namin. Kaya, matuto at gumawa tayo ng matapang na pag-usad. Ipakita natin sa lahat na malikhain tayo at hindi nakakulong sa nakaraan.” Kaya, naghanap ako ng ilang sangguniang video, iniisip na puwede kaming gumamit ng makabagong ideya pagdating sa pormat. Nang ipakita namin ang mga draft sa ilang kapatid, sinabi nilang napakamakabago nito. Dahil gumamit kami ng ilang bagong pormat sa pagkakataong ito, naisip ko, “Siguro dapat naming hayaan ang lider na tingnan at suriin ito.” Pero pagkatapos ay nag-alala ako, “Paano kung makakita ang lider ng ilang isyu ng prinsipyo at tanggihan niya ang mga pormat na ito? Dapat siguro ay hindi namin ito ipakita sa lider at i-upload na lang kung palagay namin ay ayos ito.” Pero hindi ako napalagay tungkol dito, kaya kinakabahang ipinasa ko ang video sa lider para sa pagsusuri. Humantong ang lider sa pagtutukoy ng maraming isyu. Sinabi niya na hindi tugma sa tema ang ilan sa mga pormat, at sinabi rin niyang masyadong simple ang mga ideya namin at na wala kaming pagkilatis. Nanlumo ako nang husto. Alam kong may mga problema pa sa video, pero mabuti ang mga intensyon namin at gusto naming gumamit ng makabagong ideya. Puno ng sigasig ang puso, gusto kong magawa nang maayos ang gawain. Bakit ba hindi nagsabi ang lider ng ilang salita ng pagpapalakas ng loob para mapalubag ang loob namin tungkol dito?

Pagkatapos, pinagnilayan ko, “Bakit ba nang hamakin at pungusan ako ng lider sa tungkulin ko, pakiramdam ko ay naagrabyado ako at naisip pa ngang hindi ako nauunawaan ng lider?” Nagdasal ako sa Diyos, hinahangad na maunawaan kung saan ako nagkamali sa tungkulin ko. Sa mga debosyonal ko, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa paggampan sa iyong tungkulin, hindi ka talaga maaaring sumunod sa iyong personal na mga kagustuhan, ginagawa ang anumang gusto mong gawin, anuman na magiging masaya kang gawin, o anumang makakaganda sa iyo. Ito ay pagkilos alinsunod sa sariling kagustuhan ng isang tao. Kung umaasa ka sa sarili mong personal na mga kagustuhan sa pagganap sa iyong tungkulin, na iniisip na ito ang hinihingi ng Diyos, at na ito ang magpapasaya sa Diyos, at kung sapilitan mong iginigiit ang iyong personal na mga kagustuhan sa Diyos o isinasagawa ang mga iyon na para bang ang mga iyon ang katotohanan, na inoobserbahan ang mga ito na para bang ang mga ito ang mga katotohanang prinsipyo, hindi ba ito isang pagkakamali? Hindi ito paggampan sa iyong tungkulin, at ang paggampan sa iyong tungkulin sa ganitong paraan ay hindi matatandaan ng Diyos. Hindi nauunawaan ng ibang tao ang katotohanan, at hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng tuparin nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Sa tingin nila, nagsikap na sila at ibinigay na nila rito ang kanilang puso, naghimagsik na sila laban sa kanilang laman at nagdusa na sila, pero kung gayon, bakit hindi nila kailanman magawa ang kanilang tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan? Bakit palaging hindi nalulugod ang Diyos? Saan nagkamali ang mga taong ito? Ang pagkakamali nila ay na hindi nila hinahanap ang mga hinihingi ng Diyos, at sa halip ay kumikilos sila ayon sa mga sarili nilang ideya—ito ang dahilan. Itinuring nilang katotohanan ang mga sarili nilang hangarin, kagustuhan, at mga makasariling motibo, at itinuring nila ang mga ito na para bang ang mga ito ang gustung-gusto ng Diyos, na para bang ang mga ito ang Kanyang mga pamantayan at hinihingi. Itinuring nilang katotohanan ang pinaniwalaan nilang tama, mabuti, at maganda; mali ito. Ang totoo, kahit maaaring iniisip minsan ng mga tao na tama ang isang bagay at na umaayon ito sa katotohanan, hindi ito agad nangangahulugan na umaayon ito sa mga layunin ng Diyos. Habang mas iniisip ng mga tao na tama ang isang bagay, lalo dapat silang maging maingat at lalo nilang dapat hanapin ang katotohanan upang makita kung natutugunan ng iniisip nila ang mga hinihingi ng Diyos. Kung sumasalungat ito mismo sa Kanyang mga hinihingi at sa Kanyang mga salita, hindi ito katanggap-tanggap, kahit pa iniisip mong tama ito, isa lamang itong kaisipan ng tao, at hindi ito aayon sa katotohanan gaano mo man naiisip na tama ito. Kung tama ba o mali ang isang bagay ay kailangang tukuyin batay sa mga salita ng Diyos. Gaano mo man naiisip na tama ang isang bagay, mali ito at kailangan mo itong iwaksi, maliban na lang kung may basehan ito sa mga salita ng Diyos. Katanggap-tanggap lamang ito kapag nakaayon ito sa katotohanan, at maaaring maging pasok sa pamantayan ang paggampan mo sa iyong tungkulin sa pamamagitan lamang ng pagtataguyod sa katotohanang prinsipyo sa ganitong paraan. Ano nga ba ang tungkulin? Isa itong atas na ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao, bahagi ito ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at isa itong responsabilidad at obligasyon na dapat pasanin ng bawat isa sa mga taong hinirang ng Diyos. Karera mo ba ang tungkulin? Isa ba itong personal na usaping pampamilya? Tama bang sabihin na sa sandaling mabigyan ka ng tungkulin, nagiging personal mong gawain ang tungkuling ito? Talagang hindi iyon ganoon. Kaya paano mo dapat tuparin ang iyong tungkulin? Sa pamamagitan ng pagkilos alinsunod sa mga hinihingi, salita, at pamantayan ng Diyos, at sa pagbabatay ng iyong pag-uugali sa mga katotohanang prinsipyo sa halip na sa pansariling pagnanais ng tao. Sinasabi ng ilang tao, ‘Sa sandaling ibigay sa akin ang isang tungkulin, hindi ko ba ito sariling gawain? Ang tungkulin ko ay pananagutan ko, at hindi ko ba sariling gawain kung ano ang pinananagutan ko? Kung pangangasiwaan ko ang aking tungkulin bilang sarili kong gawain, hindi ba’t nangangahulugan ito na gagawin ko ito nang maayos? Gagawin ko kaya ito nang maigi kung hindi ko ito itinuring na sarili kong gawain?’ Tama ba ang mga salitang ito o mali? Mali ang mga ito; salungat ang mga ito sa katotohanan. Ang tungkulin ay hindi mo personal na gawain, gawain ito ng Diyos, bahagi ito ng gawain ng Diyos, at dapat mong gawin kung ano ang ipinagagawa ng Diyos; sa pamamagitan lamang ng paggampan sa iyong tungkulin nang may pusong nagpapasakop sa Diyos ka maaaring maging pasok sa pamantayan. Kung palagi mong ginagampanan ang iyong tungkulin ayon sa iyong sariling mga kuru-kuro at imahinasyon, at ayon sa iyong sariling mga kagustuhan, hindi ka kailanman magiging pasok sa pamantayan. Ang paggampan sa iyong tungkulin nang ayon lamang sa gusto mo ay hindi paggampan ng iyong tungkulin, dahil ang ginagawa mo ay wala sa saklaw ng pamamahala ng Diyos, hindi ito ang gawain ng sambahayan ng Diyos; sa halip, nagsasagawa ka ng sarili mong proyekto, isinasakatuparan ang sarili mong mga gampanin, kung kaya’t hindi ito natatandaan ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang ng mga Katotohanang Prinsipyo Magagampanan Nang Mabuti ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mentalidad ko ang mismong inilantad ng Diyos. Inisip ko na basta’t gugugol ako ng pagsisikap at pag-iisip, at magbabayad ng halaga para subukan at tukuyin ang mga bagay-bagay, matutupad ko ang tungkulin ko at kung ganoon ay dapat malugod ang Diyos. Pero hindi ko isinaalang-alang kung tumutugon sa mga prinsipyo ang “mabubuting intensyon” ko. Minsan, sa kainitan ng sandali, iisipin kong angkop o mabuti ang isang bagay at sisige na lang at gagawin ito, nang hindi masigasig na hinahanap ang mga prinsipyo o kumakalma para maghanap ng impormasyon, mag-aral, o magbuod. Kaya ang resulta, madalas na hindi umaayon sa mga prinsipyo ang nagagawa ko. Halimbawa, kapag gumagawa ng mga video ng himno, tumutuon ang mga walang pananampalataya sa pagkuha sa atensyon ng mga tao at sa pagpapataas sa bilang ng mga nanonood ng video, at gumagamit sila ng masasalimuot na transisyon ng eksena at mga makabagong pamamaraan ng pag-eedit para gawing mas magarbo ang mga video. Pero ang pangunahing layon namin sa paggawa ng mga video ay ang tulungan ang mga taong patahimikin ang sarili nila at makinig sa mga salita ng Diyos. Ito ay para ipakalat ang mga salita ng Diyos at magpatotoo tungkol sa Kanya. Kung gagamitin natin ang mga personal na kagustuhan o ang mga pamantayan ng mga walang mananampalataya bilang mga prinsipyo kung paano gagawin ang mga tungkulin natin, madalas na magkakaroon ng mga paglihis, at hindi nagpapatotoo sa Diyos ang mga resulta. Gayundin, limitado ang kakayahan ko, at wala akong kapasidad na magdesisyon nang may pagkilatis. Kahit na nais kong tuparin ang tungkulin ko, at gusto kong sundin ang mga prinsipyo sa paggawa ng mga bagay-bagay, at gusto kong gumamit ng makabagong ideya at umiwas sa pag-uulit, dahil hindi ko nauunawaan ang katotohanan at hindi ko nakikita nang malinaw ang mga bagay-bagay, madalas akong nagkakaroon ng mga paglihis sa pagkaunawa ko sa mga prinsipyo, at hindi maganda ang mga resulta ng gawain ko. Halimbawa, sa pagkakataong ito, gusto naming gamitan ng makabagong ideya ang pormat ng video, kaya nagmadali akong gumamit ng mga bagong elementong natutuhan ko sa video, pero ang realidad, mga pangunahing konsepto lang ng natutuhan ko ang naarok ko, at hindi ko isinaalang-alang kung tumutugma ang pormat ng biswal na presentasyon sa tema ng video o kung ang ilang pamamaraan ay ginamit nang naaayon sa mga prinsipyo. Ang resulta, mahina ang pagiging epektibo ng video, at may mga simpleng pagkakamali pa nga. Tinukoy ng lider ang mga problema ko, sinasabi na hangal ako at walang pagkilatis. Pakiramdam ko pa nga ay naagrabyado ako, at na walang malasakit ang lider. Pakiramdam ko ay maganda ang mga motibo ko, kaya kahit na may mga paglihis o isyu, dapat akong sabihan ng lider ng ilang salita ng pagpapalubag-loob para sa mabuting mga intensyon ko. Sa puntong ito, naisip ko, “Naaayon ba sa mga prinsipyo ang gayong hinihingi ko?” Sa sambahayan ng Diyos, kailangang magawa ang mga bagay-bagay nang may maingat na atensyon sa mga prinsipyo, at ang tama ay tama, at ang mali ay mali. Kung ang mga nagagawa ko ay tutugon sa mga prinsipyo at magtatamo ng magagandang resulta, natural na gagamitin ng iglesia ang mga iyon. Pero kung lalabag ang mga iyon sa mga prinsipyo at hindi makapagpapatotoo sa Diyos, hindi gagamitin ng lider ang mga iyon, at malinaw rin niyang ipapaalam ang mga isyu ko. Ang gayong direktang paalala ay hindi para ilantad ang mga kahinaan ko o atakihin ako, kundi para tulungan akong makita nang malinaw ang mga kapintasan at pagkukulang ko, para mas hanapin ko ang mga prinsipyo at mas pagsikapan ang pagpapabuti sa mga propesyonal kong kasanayan sa hinaharap. Sa ganitong paraan, makagagawa ako ng mas magagandang video. Ang gayong mga paalala at pagpupungos ang pinakamabubuting paraan para tulungan ang mga tao na magawa ang tungkulin nila. Pero hindi ko matukoy ang tama sa mali, at gusto kong makarinig ng mga pampalubag-loob at maunawaing salita, at nang kausapin ako ng lider nang medyo mahigpit lang, naging mapanlaban ang pakiramdam ko. Para bang, basta’t mabuti ang mga intensyon ko, kahit na makagawa ako ng pagkakamali, hindi ako dapat punahin, at dapat na mabigyang-daan akong umiwas sa pagkapahiya. Hindi ba’t ito ang pilosopiya ni Satanas para sa mga makamundong pakikitungo? Nang pag-isipan ko ito, talagang walang katwiran ang ganoong mga hiling, at hindi ito ang pag-uugali ng isang taong tumatanggap sa katotohanan. Hindi mga pribadong usapin ang mga tungkulin namin. Ang bawat tungkulin ay tungkol sa gawain ng sambahayan ng Diyos at nagpapatotoo sa Diyos, kaya dapat namin itong pangasiwaan nang may pag-iingat at pagmamalasakit, at nang may may-takot-sa-Diyos na puso, at dapat na mas maghanap kami, at mas kumonsulta sa iba para maiwasan naming gumawa ng mga gawaing nagpapahiya sa Diyos na batay sa mga kuru-kuro o imahinasyon namin. Ang pag-asa lang sa mabubuting intensyon at sigasig nang hindi hinahanap ang mga prinsipyo ay puwedeng maging sanhi para makalikha ang isang tao ng mga pagkagambala at pagkakagulo sa mga tungkulin niya.

Kalaunan, pinagnilayan ko, “Alam ko nang dapat kong hanapin ang mga prinsipyo kapag nahaharap sa mga usapin sa mga tungkulin ko, pero minsan, iniisip kong talagang mabuti ang isang bagay at pagkatapos ay agad-agad ko lang itong ginagawa nang hindi ninanais na hanapin ang mga prinsipyo. Bakit ba napakatigas ng ulo ko?” Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa mga intensyon ko sa mga tungkulin ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang palagiang pagnanais ba na ipakita ang kadalubhasaan ng isang tao at ang pagpapasikat ng kanyang mga abilidad sa sambahayan ng Diyos ang tamang panimula? (Hindi.) Bakit ito mali? Pakipaliwanag ang dahilan. (Ang layunin nila ay magpakitang-gilas at maitangi ang kanilang sarili—hinahangad nila ang sarili nilang propesyon. Hindi nila iniisip kung paano nila magagampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin o kung paano kumilos sa paraang kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa halip, gusto nilang kumilos ayon sa sarili nilang mga kagustuhan, nang hindi pinangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos o hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo.) Paano tinitingnan ng iba ang bagay na ito? (Ang palaging pagpapakitang-gilas sa tuwing may nangyayari ay isang satanikong disposisyon. Hindi nila iniisip kung paano gawin ang kanilang mga tungkulin at magpatotoo sa Diyos; palagi nilang gustong magpatotoo sa kanilang sarili, at likas na mali ang landas na ito.) Ang panimulang puntong ito ay likas na hindi tama, tiyak iyon. Kaya, bakit ito mali? Isa itong isyu na lahat kayo ay hindi kayang pabulaanan. Tila lahat kayo ay napipigilan, at na gusto ninyong lahat na ipakita ang inyong kadalubhasaan para maipakitang-gilas ang inyong mga abilidad—hindi ba’t tama iyon? Sa mga walang pananampalataya, may isang kasabihan, ano ito? ‘Naglalagay ng kolorete ang isang matandang babae—para bigyan ka ng isang bagay na titingnan’ Hindi ba’t ito ang ibig sabihin ng ‘pagpapakitang-gilas sa iyong mga abilidad’? (Oo.) Ang pagpapakitang-gilas sa iyong mga abilidad ay nangangahulugan ng pagnanais na ipakita ang iyong mga kakayahan at magpasikat, upang magkamit ng katanyagan at katayuan sa ibang tao, at upang hangaan. Sa pinakamababa, ito ay tungkol sa pagnanais na gamitin ang pagkakataong maipakitang-gilas ang mga abilidad ng isang tao upang ipaalam at abisuhan ang iba na: ‘Mayroon akong ilang tunay na kasanayan, hindi ako isang ordinaryong tao, huwag ninyo akong maliitin, isa akong indibidwal na may talento.’ Kahit papaano, iyon ang kahulugan sa likod nito. Kaya, kapag ang isang tao ay may ganoong mga intensiyon at laging gustong ipakitang-gilas ang kanyang mga abilidad, ano ang likas na katangian nito? Gusto niyang hangarin ang sarili niyang propesyon, pamahalaan ang sarili niyang katayuan, matiyak ang kanyang posisyon at katanyagan sa mga tao. Ganoon lang iyon kasimple. Hindi nila ito ginagawa para gampanan ang kanilang tungkulin, o para sa kapakanan ng sambahayan ng Diyos, at hindi sila naghahangad sa katotohanan at kumikilos ayon sa mga prinsipyo at hinihingi ng sambahayan ng Diyos. Ginagawa nila ito para sa kanilang sarili, upang mas maging kilala sila, upang maiangat ang kanilang halaga at reputasyon; ginagawa nila ito para ihalal sila ng mga tao bilang superbisor o lider. Sa sandaling mahalal sila bilang lider o manggagawa, hindi ba’t magkakaroon na sila ng katayuan? Hindi ba’t magiging sentro na sila ng atensyon? Ito ang kanilang hinahangad, gayon kasimple ang kanilang panimulang punto—ito ay walang iba kundi ang paghahangad ng katayuan. Sadya nilang hinahangad ang katayuan, at hindi nila pinoprotektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos o ang mga interes nito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (6)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na napakahalaga ng mga intensyon at motibo ng isang tao sa mga tungkulin niya. Kung gagamitin ng isang tao ang tungkulin niya bilang isang paraan para magpasikat, ipapakita ang mga talento niya para magkamit ng paghanga at mapataas ang reputasyon niya, malamang na kikilos siya nang padalos-dalos, at tutuon ang mga kaisipan niya sa sarili niyang reputasyon at katayuan. Ang paggawa ng tungkulin ng isang tao sa ganoong paraan ay simpleng pakikilahok sa sarili niyang mga negosyo. Pinagnilayan ko rin, “Bakit ba napakaraming lumilitaw na problema kapag ginagawa ko ang tungkulin ko?” Ito ay dahil problematiko ang mga intensyon ko. Sa tungkulin ko, hindi ko iniisip kung paano magpapatotoo sa Diyos o magtatamo ng mas magagandang resulta. Sa halip, gusto kong gamitin ang gawain ko para patunayang isa akong taong may mga ideya at pagkamalikhain, at na hindi ako nakakulong sa mga dati pa ring ideya. Ang lahat ng ito ay para makuha ang papuri ng iba. Halimbawa, kamakailan ay binigyan kami ng ilang kapatid ng ilang mungkahi, sinasabing kulang sa pagkakaiba-iba ang pormat ng mga video na ginagawa namin. Naisip ko, “Kung hindi pa rin ako gagamit ng makabagong ideya, iisipin ba nilang hindi ako malikhain?” Para maiwasang maiwan sa kanila ang impresyon iyon, nagsimula akong mag-aral ng mga video, kumukuha ng mga istilong mukhang sikat at maraming interesadong panoorin, at naisip kong subukang gumawa ng mga pag-usad sa susunod na video na gagawin ko para mag-iba ang tingin sa akin ng mga tao. Nang ipakita namin ang mga sample ng video sa ilang kapatid, sinabi nilang ganap na makabago ito, kaya talagang nasiyahan ako sa sarili ko, at nasabik akong makita ng mas maraming tao ang video sa lalong madaling panahon. Ni ayaw ko nga itong ipasa sa lider para sa pagsusuri, dahil nangangamba akong baka magtukoy siya ng ilang isyu ng prinsipyo pagkatapos itong panoorin, hinahadlangan na ma-upload ang video. Ayaw ko lang maghanap mula sa kanya. Nang pagnilayan ang lahat ng ito, nakadama ako ng pangamba. Napagtanto kong mali ang mga intensyon ko sa tungkulin ko, at na masyadong matigas ang ulo ko. Kamuntik ko nang i-upload ang isang video na maraming problema, at bukod sa hindi na ito makapagpapatotoo sa Diyos, sa halip ay maipapahiya pa Siya nito. Hindi lubos maisip ang mga kahihinatnan nito.

Kalaunan, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Alam ba ninyo kung ano ang pinaka-ipinagbabawal sa pagseserbisyo ng tao sa Diyos? May ilang lider at manggagawa na gusto palaging naiiba sila, na maging higit na nakatataas sa iba, na magpasikat, at makadiskubre ng ilang bagong panlalansi, para maipakita sa Diyos kung gaano talaga sila kahusay. Gayumpaman, hindi sila nakatuon sa pag-unawa sa katotohanan at pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Ito ang pinakahangal na paraan ng pagkilos. Hindi ba’t ito ang tumpak na pagbubunyag ng isang mapagmataas na disposisyon? … Dahil doon, huwag na huwag kang magpadalos-dalos na gawin ang anumang gusto mo. Paanong hindi mo isinasaalang-alang ang kahihinatnan nito? Kapag sinalungat mo ang disposisyon ng Diyos at nilabag mo ang Kanyang mga atas administratibo, at pagkatapos ay itiniwalag ka, wala ka nang masasabi(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sinasabi ng Diyos na ang pinakaipinagbabawal na bagay na puwedeng gawin ng isang tao sa tungkulin niya ay ang palaging gustuhing maging kakaiba at magpasikat. Para ipakita kung gaano sila kahusay at kabihasa, madalas na kumikilos ang mga tao sa isang pikit-mata at padalos-dalos na paraan batay sa sarili nilang kalooban. Ito ang pagbubunyag ng isang mapagmataas na disposisyon. Katulad na lang ng pagkakataong ito nang gawin namin ang video, hindi ko naunawaan ang katotohanan at mababaw lang ang kaalaman ko sa mga propesyonal na kasanayang sangkot dito, hindi ko masusing sinaliksik ang marami sa mga pormat ng programa at pamamaraan ng pagpipresenta, at humiram lang ako ng mga ideya batay sa kung ano ang magaan sa loob ko. Lalo na nang magkaroon ako ng ilang ideya para sa video na sa palagay ko ay malikhain o inspirado, talagang nasiyahan ako sa sarili ko at nagkaroon ng malaking kumpiyansa sa sarili ko, at naisip kong siguradong magbabago ang tingin sa akin ng mga tao dahil sa paggawa ng video na ito. Kung naging mas makatwiran ako, at natukoy ko ang kawalan ko ng pagkaunawa sa katotohanan at kawalan ng abilidad na makita nang malinaw ang mga bagay-bagay, bago sumubok ng isang bagong pormat, masusi sana akong magsasaliksik at kokonsulta sa iba, at paulit-ulit kong susuriin ang video at mas maghahanap pagkatapos itong gawin para masigurong walang mga isyu bago ito i-upload. Pero may bulag akong kumpiyansa sa sarili ko, na isang tanda ng kahangalan at kamangmangan. Talagang mapagmataas at ignorante ako! Hindi ko nauunawaan ang sarili kong mga kapabilidad at hindi ako naghahanap kapag gumagawa ako ng mga bagay-bagay. Sa pamamagitan ng paggawa sa tungkulin ko batay sa mga kagustuhan ko, malamang na magdudulot ako ng mga pagkagambala. Talagang mapanganib ang paggawa sa tungkulin ko sa ganitong paraan!

Sa mga debosyonal ko, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na nagdulot para maging mas malinaw sa akin ang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung mabibigo kang kumilos batay sa mga katotohanang prinsipyo at sa halip ay kikiling ka sa mga maling kaisipan at pananaw ng mga walang pananampalataya, at ibabatay mo ang iyong mga kilos sa mga bagay na ito, kung gayon, mawawalan ng saysay ang mga pagsusumikap mo. Kahit pa nagbayad ka ng malaking halaga at namuhunan ng labis na pagsisikap, mawawalan pa rin ito ng saysay sa kahuli-hulihan. Paano tinitingnan ng Diyos ang bagay na ito? Paano Niya ito inilalarawan? Paano Niya ito hinaharap? Sa pinakamababang batayan, ang iyong mga gawa ay hindi mabuti, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng patotoo sa Diyos o nagdadala ng kaluwalhatian sa Kanya, at ang halagang ibinayad mo at ang iginugol mong pag-iisip ay hindi maaalala; ang lahat ng ito ay walang saysay. Naiintindihan mo ba? (Oo.) Bago ka gumawa ng anuman, maglaan ka ng oras para mag-isip nang mabuti, higit kang makipagbahaginan sa iba, maghanap ka ng kalinawan sa mga prinsipyo bago ka kumilos, at huwag kang kikilos nang mainit ang ulo o pabigla-bigla, nang inuudyukan ng iyong pagkamakasarili at mga pagnanais. Anuman ang kalalabasan, sa huli ay kakailanganin mo itong pasanin nang mag-isa, at anuman ang resulta, magkakaroon ng hatol mula sa Diyos. Kung inaasam mong hindi mawalan ng saysay ang mga kilos mo, na tatandaan ang mga ito ng Diyos, o ang mas mainam pa, na maging mabubuting gawa ang mga ito na ikalulugod ng Diyos, dapat ay mas madalas mong hanapin ang mga prinsipyo. Kung wala kang pakialam sa mga bagay na ito, kung hindi mahalaga sa iyo kung mabuti ba o ikinalulugod ba ng Diyos ang iyong mga gawa, at kung wala ka man lang pakialam kung mapaparusahan ka ba, kundi iniisip mong, ‘Hindi ito mahalaga, tutal, hindi ko naman ito makikita o mararamdaman ngayon,’ kung mayroon kang mga ganitong kaisipan at pananaw, kung gayon, kapag kumilos ka ay hindi ka magkakaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso. Magiging matapang ka, walang kontrol, at hindi maingat, walang pakialam o pagpipigil sa anumang bagay. Kung wala kang may-takot-sa-Diyos na puso, malamang na lilihis ang direksiyong tinatahak mo sa iyong pagkilos. Ayon sa likas na katangian at mga likas na gawi ng tao, ang panghuling resulta ay malamang na bukod sa hindi ikalulugod at tatandaan ng Diyos ang iyong mga kilos, ay magiging mga pagkagambala, kaguluhan, at masasamang gawa pa ang mga ito. Kaya, napakalinaw kung ano ang iyong kahihinatnan sa huli, at kung paano ito tatratuhin at pangangasiwaan ng Diyos. Samakatuwid, bago ka gumawa ng anumang bagay, bago mo pangasiwaan ang anumang usapin, dapat mo munang pagnilayan kung ano ang gusto mo, isaalang-alang nang maigi kung ano ang magiging panghuling resulta ng usaping ito, at saka ka lang magpatuloy. Kung gayon, ano ang napapaloob sa isyung ito? Napapaloob dito ang iyong saloobin at ang mga prinsipyong sinusunod mo kapag gumagawa ka ng anumang bagay. Ang pinakamabuting saloobin ay ang hanapin nang mas madalas ang mga prinsipyo at huwag ibatay ang iyong panghuhusga sa iyong mga sariling pandama, kagustuhan, layunin, pagnanais, o agarang interes; sa halip, dapat mong hangarin ang mga prinsipyo, mas madalas na magdasal at maghanap sa harap ng Diyos, mas madalas na ikonsulta sa mga kapatid ang mga usapin, at makipagbahaginan at lapitan ang mga kapatid na kasama mo sa paggawa para magawa ang mga tungkulin mo. Unawain mo nang tama ang mga prinsipyo bago ka kumilos; huwag kang kumilos nang pabigla-bigla, huwag kang malito. Bakit ka nananalig sa Diyos? Hindi mo ito ginagawa para makakuha ng pagkain, magpalipas ng oras, makisabay sa uso, o matugunan ang iyong mga espirituwal na pangangailangan. Ginagawa mo ito upang maligtas. Kung gayon, paano ka maliligtas? Kapag gumagawa ka ng anumang bagay, dapat ay konektado ito sa kaligtasan, sa mga hinihingi ng Diyos, at sa katotohanan, hindi ba?(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (15)). “Dahil ito ang sambahayan ng Diyos, tama at nararapat lamang na gampanan ng mga tao ang mga tungkuling dapat nilang gampanan dito. Ngunit hindi ito ginagawa ng mga tao para sa kanilang sarili, para sa kanilang pang-araw-araw na pag-iral, buhay, pamilya, o propesyon. Kung gayon, para saan nila ito ginagawa? Para sa gawain ng Diyos, at para sa pamamahala ng Diyos. Anuman ang partikular na propesyon o uri ng gawain ang sangkot dito, ito man ay kasingliit ng isang bantas o ng estilo ng pag-format, o kasinghalaga ng isang partikular na bagay sa trabaho, lahat ito ay nasa saklaw ng gawain ng Diyos. Samakatuwid, kung mayroon kang katwiran, dapat mo munang tanungin ang iyong sarili, ‘Paano ko dapat isakatuparan ang gawaing ito? Ano ang mga hinihingi ng Diyos? Anong mga prinsipyo ang isinusulong ng sambahayan ng Diyos?’ Pagkatapos, isa-isang ilista ang mga nauugnay na prinsipyo at kumilos nang mahigpit na alinsunod sa bawat tuntunin at prinsipyo. Hangga’t naaayon ito sa mga prinsipyo at hindi lumalampas sa saklaw ng mga ito, lahat ng gagawin mo ay magiging angkop, at ituturing at ikaklasipika ito ng Diyos bilang paggampan mo sa iyong tungkulin. Hindi ba’t isa itong bagay na dapat maunawaan ng mga tao? (Oo.) Kung nauunawaan mo ito, hindi ka dapat laging nag-iisip-isip kung paano mo gustong gawin ang mga bagay-bagay o kung ano ang gusto mong gawin. Ang pag-iisip at pagkilos sa ganitong paraan ay wala sa katwiran. Dapat bang gawin ang mga bagay na wala sa katwiran? Hindi, hindi dapat gawin ang mga ito. Kung nais mong gawin ang mga ito, ano ang dapat mong gawin tungkol dito? (Maghimagsik laban sa aking sarili.) Dapat kang maghimagsik laban sa iyong sarili at bitiwan mo ang iyong sarili, at unahin ang iyong tungkulin at ang mga hinihingi at prinsipyo ng sambahayan ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (6)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, gumaan ang loob ko, at naunawaan ko kung ano ang bumubuo sa isang mabuting gawa. Ibig sabihin, ang paggawa sa mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo at mga hinihingi ng Diyos, sa gayon ay nagpapatotoo at lumuluwalhati sa Diyos. Matatawag lang na isang mabuting gawa ang isang kilos kapag natamo ang mga positibong resultang ito, at saka lang ito sasang-ayunan at tatanggapin ng Diyos. Kung bulag tayong kikilos batay sa sarili nating kalooban o mga alab ng damdamin nang hindi hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, kahit gaano pa karaming pagsisikap ang igugol, at gaano pa kalaking halaga ang bayaran natin, walang saysay at hindi talaga umaayon sa mga layunin ng Diyos ang lahat ng ito. Maaari pa nga itong sumalungat sa mga prinsipyo at magdulot ng mga pagkagambala at pagkakagulo. Napagtanto ko na napakahalaga ng mga intensyon ng isang tao sa paggawa sa mga bagay-bagay, at na malaki rin ang importansiya ng landas na tinatahak ng isang tao. Gayundin, ang paggawa ng tungkulin ko sa sambahayan ng Diyos ay hindi isang usapin ng pag-aasikaso sa mga pribadong usapin ko, at hindi ako puwedeng basta kumilos kung paano ko gustuhin. Gaya nga ng sinasabi ng Diyos, kahit para sa isang bagay na sinliit ng isang bantas o pormat, dapat ay hanapin ng isang tao ang mga nauugnay na prinsipyo. Nauugnay ito sa saloobin ng isang tao sa tungkulin niya at kung mayroon siyang may-takot-sa-Diyos na puso. Samakatwid, bago gumawa ng anuman, dapat muna nating pagnilayan kung anong mga prinsipyo ang sangkot dito, kung ano ang hinihingi ng Diyos, kung paano magagawa ang gawain para mabigyang-lugod ang Diyos, at kung paano magtatamo ng mga positibong resulta. Sa pamamagitan ng higit na pagninilay sa mga isyung ito, maingat tayong makakakilos nang may mas matinding pagnanais para magdasal at maghanap, at sadya rin nating hahanapin ang mga nauugnay na prinsipyo. Kahit na walang malinaw na mga prinsipyong makikita sa oras na iyon, puwede tayong maghangad ng mas maraming pagbabahaginan mula sa mga taong nakauunawa sa katotohanan o dalubhasa sa mga kasanayang ito, at maghanap ng medyo angkop na landas kung paano kikilos. Kung karamihan sa mga tao ay hindi makita nang malinaw ang isang usapin, puwede tayong maghanap mula sa Itaas, at dapat nating gawin ang makakaya natin nang hindi lumalagpas sa hangganan ng kakayahan natin, at kung pagkatapos ay makakakita ng mga paglihis, dapat nating ibuod at itama ang mga iyon. Sa ganitong paraan, magiging medyo tumpak ang pagganap sa tungkulin natin. Kalaunan, kapag ginagawa ang tungkulin ko, sadya akong nagdadasal sa Diyos, at naghahanap kung paano magtatamo ng mga positibong resulta. Lalo na tungkol sa mga bagay na medyo nasisiyahan ako at maganda ang pakiramdam ko, nabawasan na ang kumpiyasa ko sa sarili, at naghahanap ako ng ilang tao para sa kumpirmasyon. Kung karamihan sa mga tao ay sasang-ayon na angkop ang isang bagay, magpapatuloy ako ayon dito. Sa pamamagitan ng paggawa sa tungkulin ko sa ganitong paraan, mas napalagay ako. Halimbawa, kamakailan ay sinubukan namin ang isang bagong pormat ng poster, at nagsama kami ng ilang bagong elemento. Kinausap ko ang mga kapatid tungkol sa mga bagay-bagay para gumawa muna ng ilang plano. Hindi kami sigurado kung naaangkop ang direksyong pinatutunguhan namin, kaya naghanap kami mula sa lider. Sa proseso ng paggawa, nagtanong ang ilang tao, at patuloy kaming naghanap para sa mga isyu na hindi malinaw sa amin. Sa paghananap namin, ipinaalam ng lider ang ilang problema sa mga poster namin, kung kaya’t pinag-aralan namin ang mga nauugnay na propesyonal na kasanayan at kaalaman tungkol sa aspektong ito, at sa wakas, naging medyo mas angkop ang mga poster na nilikha namin.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto ko na ang proseso ng paggawa ng isang tao ng tungkulin niya ay isang proseso ng paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo, at na dapat na magkaroon ang isang tao ng may-takot-sa-Diyos na puso at hanapin niya ang tamang mga prinsipyo kapag ginagawa ang tungkulin niya. Sa paggawa niyon, doon lamang siya makakakilos nang naaayon sa mga layunin ng Diyos. Bukod sa nagdudulot ito ng kapayapaan ng isip, binibigyang-daan din nito ang isang tao upang umusad sa mga propesyonal na kasanayan niya. Higit sa lahat, sa pamamagitan ng paghahanap, gumugugol ang isang tao ng mas maraming oras na tahimik sa harapan ng Diyos, mas tumutuon sa nararapat niyang gawin, at nagiging mas malapit din ang ugnayan niya sa Diyos. Ang mga ito ang mga bunga ng pagkilos ayon sa mga prinsipyo. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  21. Ang Nasa Likod ng Kabiguan Kong Mangasiwa o Mangumusta

Sumunod:  23. Dapat Bang Buong-pasasalamat na Suklian ang Kabutihang Natanggap?

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger