24. Mga Pagninilay-nilay Tungkol sa Pagpapasasa sa Kaginhawahan

Ni Ding Xin, Tsina

Noong Agosto 2022, responsable ako sa gawain ng pagdidilig sa mga baguhan sa iglesia. Nagpapasalamat ako nang husto sa Diyos dahil nakagagawa ako ng gayon kahalagang tungkulin, at lihim na nagpasyang talagang gagawin ko nang maayos ang tungkuling ito. Dahil hindi pa ako nagiging responsable sa gawain ng pagdidilig noon at wala akong pagkaarok sa mga prinsipyo, masinsinan kong pinag-aralan, at pinagsikapang maging pamilyar sa mga nauugnay na prinsipyo. Kung may anumang kalagayan o problema ang mga baguhan, dali-dali akong magbabahagi at lulutasin ang mga iyon kasama ang sister na katrabaho ko. Kahit na bawat araw ay abala, nakadama ako ng maraming lakas sa puso ko, at nakalutas ng ilang problema. Pagkalipas ng ilang panahon, natuklasan ko na maraming detalyeng sangkot sa gawaing ito. Bukod sa kailangan kong lutasin nang nasa oras ang iba’t ibang problema at paghihirap ng mga baguhan, kailangan ko ring suriin at kumustahin ang gawain ng mga tagadilig at lutasin ang mga paghihirap nila, tumuklas ng mga taong may talento, maglinang ng mga tagadilig, at iba pa. Nagsimula kong maramdaman na napakahirap lang talagang gawin nang maayos ang gawaing ito. Humihingi ito ng maraming pag-iisip at ng pagbabayad ng malaking halaga. Masyado itong nakakapagod! Kaya, palagi akong umaasa na mas kaunti ang haharapin kong problema para maging mas maluwag ang gawain ko. Kalaunan, nalagay ako sa mas malaki pang presyur sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga baguhang nangangailangan ng pagdidilig. Naisip ko, “Kakailanganin ng napakaraming oras at pagsisikap para madiligan nang maayos ang lahat ng baguhan at mabantayan nang maayos ang lahat ng bagay. Masyado itong nakakapagod!” Samakatwid, nagsimula akong sa mga tagadilig lang makipagtipon. Ipinasa ko sa mga tagadilig ang responsabilidad para sa lahat ng baguhan na mas marami ang kuru-kuro at hindi ko na masyadong inintindi ang mga ito. Minsan, nagtatanong ako tungkol sa gawain ng mga tagadilig, pero iniraraos ko lang ang gawain. Pagkalipas ng ilang panahon, nagsimula ang palagiang paglitaw ng mga problema sa gawain ng pagdidilig. Ang ilang baguhan ay negatibo at mahina, at hindi regular na nakikipagtipon; ang ilan ay nailihis ng mga walang batayang sabi-sabi at panlilinlang ng mga pastor ng relihiyon. Ang iba naman ay hinadlangan at inusig ng mga pamilya nila, kung kaya’t hindi regular na nakikipagtipon, at iba pa. Namumuhay rin ang mga tagadilig sa mga paghihirap, at medyo negatibo sila. Nagpadala ng sulat ang mga lider na humihiling na hanapin ko agad ang dahilan at ayusin ang mga paglihis. Pinaalalahanan din nila ako na dapat kong personal na diligan ang mga baguhang iyon na may mga kuru-kuro, pero mahusay ang kakayahan. Kailangan ko talagang makibahagi sa paglutas sa mga problema ng mga baguhan at tulungan silang magtatag ng pundasyon sa tunay na daan. Nang makita kong sabihin ito ng mga lider, sumama ang loob ko. Nadama ko na ito ang resulta ng hindi ko paggawa ng tunay na gawain. Pagkatapos, dali-dali akong pumunta para pagbahaginan at lutasin ang mga problema ng mga baguhan, pero hindi maganda ang naging mga resulta. Nagsimula kong maramdaman na masyado lang talagang mahirap ang gawaing ito, at magiging mabuti kung maiiba ko ang tungkulin ko sa isa na medyo mas madali. Minsan, ipinaalam ng nga tagadilig ang ilang problema at paghihirap sa gawain. Gusto kong maghanap ng ilang prinsipyo at pagkatapos ay talakayin sa kanila kung paano lutasin ang mga problemang ito, pero pagkatapos ay naisip ko, “Masyadong maraming oras at pagsisikap ang kinakailangan para humanap ng mga prinsipyo. May mahusay na kakayahan ang sister na kapareha ko at marunong siyang magbahagi nang maayos at lumutas ng mga problema. Hihingin ko na lang sa kanyang pumunta at lutasin ang mga iyon.” Kaya hindi ko hinanap ang mga prinsipyong dapat ay hinanap ko, at hindi ako nagbahagi tungkol sa dapat ay ibinahagi ko. Hinintay ko lang ang sister ko na lutasin ang mga bagay-bagay. Kalaunan, nang may mga nangyaring mga bagay-bagay sa amin, ginamit kong palusot ang sarili kong mahinang kakayahan at ipinasa ang lahat ng pinakaproblematiko at pinakamahirap na gawain sa kapareha ko, na para bang ganap iyong makatwiran at natural. Paunti nang paunti ang pasaning dinadala ko sa paggampan sa tungkulin ko. Kada araw, ginagawa ko lang ang mga kasalukuyang gampanin, gumagawa sa isang mekanikal na paraan. Sa panahong iyon, palaging nakakadama ang puso ko ng kawalan ng kapayapaan at kapanatagan. Dahil patuloy na bumababa ang mga resulta, madalas na kinukumusta ng mga lider ang gawain para maunawaan kung ano ang nangyayari. Napigilan ako at hindi ako mapalagay, na parang masyadong maraming problema at paghihirap na kailangang lutasin. Pakiramdam ko, nasa ilalim ako ng masyadong matinding presyur at masyadong maraming bagay na dapat alalahanin. Madalas akong nababagabag, at nagrereklamo, “Hindi pa ako masyadong nagtatagal sa paggawa ng tungkuling ito. Bakit ba hindi ako mauunawaan ng mga lider? Bakit napakahigpit ng pagsubaybay nila sa gawain?” Sana talaga ay wala nang mga problemang lumitaw sa gawain.

Isang araw, nagkaroon ako ng COVID-19. Bigla akong nilagnat at sumakit ang buong katawan ko. Wala talaga ako anumang lakas. Hindi ako makalunok ng pagkain o makatulog sa gabi. Sa puso ko, palagi akong nagdarasal sa Diyos, “Mahal kong Diyos, dumating sa akin ang karamdaman at sakit ng katawain na ito nang may layunin Mo. Pero ngayon, hindi ko pa rin alam kung aling aral ang dapat kong matutuhan. Nawa ay gabayan Mo akong maunawaan ang sarili kong mga problema.” Pagkatapos magdasal, pinagnilayan ko ang kalagayan at kondisyon ko sa paggawa ng tungkulin ko sa yugto ng panahong ito. Naisip ko kung paanong isang makabuluhang bagay ang paggawa sa tungkulin ko, pero bakit ba madalas akong napipigilan at nagdadalamhati? Paano ba ako napunta sa kondisyong ito habang ginagawa ang tungkulin ko? Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kung palaging naghahangad ng pisikal na kasiyahan at kaginhawahan ang mga tao, at ayaw nilang magdusa, kung gayon, maging ang katiting na pisikal na pagdurusa at dagdag na pagod, o ang pagdurusa nang medyo higit kaysa sa iba ay magpaparamdam sa kanila ng pagkapigil. Isa ito sa mga sanhi ng pagkapigil. Kung hindi ituturing ng mga tao ang kaunting pisikal na pagdurusa bilang isang malaking bagay, at hindi sila maghahangad ng pisikal na kaginhawahan, sa halip ay hahangarin nila ang katotohanan at hahangaring tuparin ang kanilang mga tungkulin upang mapalugod ang Diyos, kadalasan ay hindi sila makadarama ng pisikal na pagdurusa. Kahit pa minsan ay mararamdaman nilang medyo abala, pagod, o patang-pata sila, pagkatapos nilang makatulog nang kaunti at magising nang may panibagong sigla, magpapatuloy sila sa kanilang gawain. Magtutuon sila sa kanilang mga tungkulin at sa kanilang gawain; hindi nila ituturing ang kaunting pisikal na pagkapagod na malaking isyu. Subalit, kapag umuusbong ang isang problema sa pag-iisip ng mga tao at palagi silang naghahangad ng pisikal na kaginhawahan, anumang oras na medyo maagrabyado o hindi makuntento ang kanilang katawan ay uusbong ang ilang negatibong emosyon sa kanila. Kaya, bakit laging nakukulong sa negatibong emosyong ito na pagkapigil ang ganitong uri ng tao, na palaging gustong gawin ang gusto niya at bigyang-layaw ang kanyang laman at magpakasaya sa buhay, sa tuwing hindi siya kontento? (Ito ay dahil naghahangad siya ng kaginhawahan at pisikal na kasiyahan.) Totoo iyan sa ilang tao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Pagkatapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kaya namumuhay ako sa pagpipigil at pagdadalamhati ay hindi dahil masyadong mahirap gawin ang gawaing ito. Ang pangunahing dahilan ay may problema sa mga kaisipan at pananaw ko. Hindi pagtatamo ng katotohanan ang hinahangad ko, at hindi rin ang pagtupad sa tungkulin ng isang nilikha. Sa halip, pisikal na kaginhawahan ang hinahangad ko. Inisip ko lang kung paano mababawasan ang pag-aalala ko at mas mapapadali ang mga bagay-bagay para sa sarili ko. Nang naging mabigat ang trabaho at kinailangan kong maglaan ng higit na malasakit dito, dumanas ng mas maraming paghihirap, at magbayad ng mas malaking halaga, nagmaktol at naging mapanlaban ang pakiramdam ko. Nang maharap ako sa maraming problema at paghihirap sa gawain, itinuring kong masyadong nakayayamot ang mga iyon at nagreklamo ako kung gaano kahirap ang mga bagay-bagay para sa akin, o ipinasa ang mga iyon sa ibang kapatid para harapin at lutasin nila. Ginusto ko pa ngang ipagpalit ang tungkulin ko sa isa na mas madali para matakasan ko ang kapaligirang ito. Alam na alam ko namang kapag kinukumusta ng mga lider ang gawain ay tinutupad nila ang mga responsabilidad ng isang lider, pero nang magsimula silang mahigpit akong subaybayan, nakakaapekto sa mga interes ng laman ko, pakiramdam ko ay sinasamantala at sobra akong pinagtatrabaho, at nagmamaktol ako tungkol sa ganito at nagrereklamo tungkol sa ganoon. Sa realidad, inirereklamo ko talaga na hindi maganda ang kapaligirang isinaayos ng Diyos. Pagkadismaya ito sa Diyos, at pagiging mapanlaban sa Diyos. Paglaban ito sa Diyos! Talagang naging masyado akong mapaghimagsik, at nawalan ng lahat ng bakas ng isang may-takot-sa-Diyos na puso!

Kalaunan, ipinagpatuloy ko ang paghanap sa katotohanan at pagninilay sa sarili ko. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag palaging nagrereklamo ang mga tao tungkol sa mga paghihirap habang ginagawa ang tungkulin nila, ayaw nilang gumugol ng anumang pagsisikap, at sa sandaling magkaroon sila ng kaunting libreng oras ay nagpapahinga sila, nakikipagdaldalan, o nakikisali sa paglilibang at pagsasaya. At kapag dumarami na ang gawain at nasisira nito ang takbo at nakagawian nila sa mga buhay nila, hindi sila nasisiyahan at nakokontento rito. Nagmamaktol at nagrereklamo sila, at nagiging pabasta-basta sila sa paggawa ng kanilang tungkulin. Pag-iimbot ito sa mga kaginhawahan ng laman, hindi ba? … Gaano man kaabala ang gawain ng iglesia o gaano man sila kaabala sa kanilang mga tungkulin, ang karaniwang gawain at normal na kondisyon ng kanilang buhay ay hindi nagagambala kailanman. Kailanman ay hindi sila pabaya sa anumang maliliit na detalye ng buhay ng laman at lubos nilang nakokontrol ang mga iyon, nang napakahigpit at napakaseryoso. Pero, kapag hinaharap ang gawain ng sambahayan ng Diyos, gaano man kalaki ang usapin at kahit sangkot dito ang kaligtasan ng mga kapatid, pabaya sila sa pagharap dito. Ni wala silang pakialam sa mga bagay na iyon na kinasasangkutan ng atas ng Diyos o ng tungkuling dapat nilang gawin. Wala silang inaakong pananagutan. Ito ay pagpapakasasa sa mga kaginhawahan ng laman, hindi ba? Angkop bang gumawa ng tungkulin ang mga taong nagpapakasasa sa mga kaginhawahan ng laman? Sa sandaling banggitin ng isang tao ang paksa ng paggawa sa kanyang tungkulin, o talakayin ang tungkol sa pagbabayad ng halaga at pagdanas ng paghihirap, iling nang iling ang ulo nila. Masyado silang maraming problema, ang dami nilang mga reklamo, at puno sila ng pagkanegatibo. Walang silbi ang mga gayong tao, hindi sila kalipikadong gumawa ng kanilang tungkulin, at dapat silang itiwalag(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (2)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko sa wakas na ang problemang ito ng pagpapasasa sa kaginhawahan at pagiging iresponsable kapag ginagawa ang tungkulin ng isang tao ay labis na malubha sa kalikasan. Ang mga taong palaging nagpapasasa sa kaginhawahan ay gumagawa sa tungkulin nila sa isang mautak at tusong paraan, pinipili ang madadaling bahagi at kinatatakutan ang mahihirap na bahagi, at ayaw dumanas ng paghihirap o magbayad ng halaga. Sa tuwing nakakakita sila ng mga paghihirap, tumatakbo sila at naghahanap ng iba’t ibang pagdadahilan at palusot para ipasa sa iba ang gawaing may nakapaloob na matinding paghihirap o maraming problema. Ang ganitong uri ng tao ay hindi mapagkakatiwalaan at hindi angkop na pumasan ng gawain. Ako ay naging ganito mismong uri ng tao. Alam na alam ko namang responsable ako sa gawain ng pagdidilig at dapat kong diligan ang mga baguhan at lutasin ang mga kuru-kuro at problema nila nang nasa oras para makapagtatag sila ng pundasyon sa tunay na daan sa lalong madaling panahon. Ito ang pangunahing saklaw ng tungkulin ko, at ang mga responsabilidad na dapat kong tuparin. Gayumpaman, nagrereklamo ako na maraming problema ang mga baguhan, at na masyadong magulo at nakapapagod lutasin ang mga problema. Kaya nakahanap ako ng mga palusot para ipasa sa mga tagadilig ang lahat ng baguhang may mga kuru-kuro at paghihirap at hindi na talaga inintindi ang mga ito, tulad ng isang amo na hindi nakikialam. Ibig sabihin nito, hindi nalutas ang mga problema ng mga baguhan nang nasa oras at nahadlangan ang pag-usad ng gawain ng pagdidilig. Nang maharap ang mga tagadilig sa mga paghihirap at problema sa gawain nila, lantaran akong naging abala sa laman at ayaw kong lutasin ang mga iyon. Pero, naging sobra akong tuso, nakakaisip ng isang palusot sa pamamagitan ng pagsasabing mahina ang kakayahan ko, para makatwiran kong maipasa ang lahat ng paghihirap at problema sa sister na kapareha ko. Dahil naging abala ako sa laman, nagpasasa sa kaginhawahan, at hindi nakagawa ng tunay na gawain, hindi naging maganda ang mga resulta ng gawain ng pagdidilig. Sa kabila nito, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko, at nang kumustahin ng mga lider ang gawain at matuklasan kung ano ang nangyayari, naging mapanlaban pa nga ako sa kanila at naghinanakit sa kanila. Masyado akong hindi tinablan ng katwiran! Sa ganitong uri ng kalagayan at pag-uugali, paano ako naging karapat-dapat maging isang superbisor? Hindi ko ginagawa ang tungkulin ko: gumagawa ako ng kasamaan! Sumama ang loob ko at nagsisi ako sa puso ko, at naisip ko na pinahintulutan ng Diyos ang pagkakaroon ko ng pandemyang ito. Nagdasal ako sa Diyos, na nawa ay akayin Niya akong patuloy na pagnilayan at alamin ang sarili kong mga problema.

Hindi nagtagal, nasa isang pagtitipon ako at nagtapat ako sa lahat para talakayin ang kalagayan ko. Binasahan ako ng lider ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa tiwaling disposisyon ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga huwad na lider ay hindi gumagawa ng tunay na gawain, ngunit alam nila kung paano kumilos gaya ng isang opisyal. Ano ang unang bagay na ginagawa nila kapag nagiging lider sila? Ito ay ang kunin ang pabor ng mga tao. Ginagamit nila ang pamamaraang ‘Ang mga bagong opisyal ay sabik magpasikat’: Una ay gumagawa sila ng ilang bagay para magpalakas sa mga tao at nangangasiwa sila ng ilang bagay na nagpapabuti sa pang-araw-araw na kapakanan ng lahat. Sinisikap muna nilang mag-iwan ng magandang impresyon sa mga tao, para maipakita sa lahat na kaayon sila ng masa, para purihin sila ng lahat at sabihin na, ‘Kumikilos na parang isang magulang namin ang lider na ito!’ Pagkatapos ay opisyal na silang mamumuno. Pakiramdam nila ay mayroon na silang popular na suporta at matatag na ang kanilang posisyon; pagkatapos, nagsisimula silang magtamasa ng mga pakinabang ng katayuan na para bang nararapat iyon sa kanila. Ang kanilang mga kasabihan ay, ‘Ang buhay ay tungkol lamang sa pagkain at pananamit,’ ‘Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya,’ at ‘Magpakasaya ka na ngayon, bukas ka na mag-alala.’ Nagpapakaligaya sila sa bawat araw na dumarating, nagpapakasaya sila hangga’t kaya nila, at hindi nila iniisip ang hinaharap, lalong hindi nila isinasaalang-alang kung anong mga responsabilidad ang dapat tuparin ng isang lider at kung anong mga tungkulin ang dapat nilang gawin. Nangangaral sila ng ilang salita at doktrina at ginagawa ang ilang gampanin para magpakitang-tao tulad ng nakagawian—hindi sila gumagawa ng anumang tunay na gawain. Hindi nila tinutuklas ang mga tunay na problema sa iglesia at hindi ganap na nilulutas ang mga iyon, kaya ano ang silbi ng paggawa nila ng gayong mga paimbabaw na gampanin? Hindi ba’t mapanlinlang ito? Maipagkakatiwala ba ang mahahalagang gampanin sa ganitong uri ng huwad na lider? Naaayon ba sila sa mga prinsipyo at kondisyon ng sambahayan ng Diyos sa pagpili ng mga lider at manggagawa? (Hindi.) Walang anumang konsensiya o katwiran ang mga taong ito, wala silang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad, subalit nais pa rin nilang magkaroon ng posisyon bilang opisyal, na maging isang lider, sa iglesia—bakit masyado silang walang kahihiyan? Para sa ilang taong may pagpapahalaga sa responsabilidad, kung mahina ang kanilang kakayahan, hindi sila maaaring maging lider—lalo pa ang mga taong walang silbi na wala talagang pagpapahalaga sa responsabilidad; lalong hindi sila kalipikadong maging mga lider. Gaano ba katamad ang gayong mga matakaw at batugang huwad na lider? Kahit may natuklasan silang isyu, at alam nila na isyu ito, hindi nila ito sineseryoso at hindi pinapansin. Napaka-iresponsable nila! Bagama’t magaling silang magsalita at tila may kaunting kakayahan, hindi nila kayang lumutas ng iba’t ibang problema sa gawain ng iglesia, na humahantong sa pagkahinto ng gawain; patuloy na nagkakapatong-patong ang mga problema, pero hindi inaabala ng mga lider ang kanilang sarili sa mga ito, at iginigiit na isagawa ang ilang mababaw na gampanin gaya ng nakagawian na. At ano ang resulta sa huli? Hindi ba’t ginugulo nila ang gawain ng iglesia, hindi ba’t sinisira nila iyon? Hindi ba’t nagsasanhi sila ng kaguluhan at kawalan ng pagkakaisa sa iglesia? Ito ang hindi maiiwasang kalalabasan(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). Pakiramdam ko ay nakatayo akong kaharap ang Diyos habang inilalantad Niya ako. Ako ang uri ng tamad na taong inilantad ng Diyos. Alang-alang sa pagpapasasa sa kaginhawahan, hindi ko nalutas ang mga problemang nakita ko, at hindi talaga ako nakagawa ng anumang tunay na gawain. Sa pag-iisip sa yugto ng panahong ito, alam ko ang lahat ng tungkol sa mga kuru-kuro at problema ng mga baguhan, at nakikita ko ang mga paghihirap at kalagayan ng mga tagadilig. Pero hindi ko naisip kung paano hahanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problemang ito sa lalong mabilis na panahon. Sa halip, sinubukan ko lang umiwas sa abala sa pamamagitan ng pagsunod lang sa pamamaraan at pagraraos ng gawain, sandali lang nagbabahagi. Bumigkas ako ng kaunting doktrina para lokohin ang mga tao at hanggang doon na lang. Minsan, direkta ko pa ngang ipinapasa ang mga problema sa kapareha ko o sa mga tagadilig, para sila ang lumutas. Pinili ko lang ang madadaling gampanin at iniwanan ang mga nakakapagod na gampanin, at naging abala ako sa laman sa bawat sitwasyon. Alam na alam ko namang napakahalaga ng pagdidilig sa mga baguhan, dahil naaapektuhan nito kung makapaninindigan ang mga baguhan sa tunay na daan. Gayumpaman, hindi ko ginustong magbayad ng halaga, at hindi ko nilutas ang mga problemang nakita ko. Tinakbuhan ko rin ang mga problema at iniwasan ang mga responsabilidad ko, at kahit na malinaw kong nakikita na dumaranas ng mga kawalan ang gawain, hindi ko talaga ito binigyang-pansin. Talagang labis akong walang konsensiya at masyadong naging iresponsable! Sa kabila nito, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko, at inisip na dahil maikling panahon pa lang akong naging responsable sa gawaing ito, dapat ay maging maunawain ang mga lider sa mga paghihirap ko at hindi humingi nang sobra-sobra sa akin. Talagang lubos akong walang katwiran! Namumuhay ako sa pag-asa sa mga satanikong pilosopiya na tulad ng “Magpakasaya ka na ngayon, bukas ka na mag-alala,” at “Lagpasan ang bawat araw sa isang pabasta-bastang paraan.” Kapag ginagawa ang tungkulin ko, hindi ko inaasikaso ang gawaing marapat kong gawin. Gumagawa lang ako ng ilang hindi nauugnay at hindi mahalagang bagay, at iniraraos lang ang mga araw ko. Sa panlabas, hindi halatang wala akong ginagawa araw-araw, pero ang katunayan, hindi talaga ako gumagawa ng anumang tunay na gawain, at hindi ko tinutupad ang mga responsabilidad na dapat kong tinutupad. Ano ang pagkakaiba ng pag-uugali ko sa pag-uugali ng isang salaula o isang tambay na hindi nag-aasikaso sa gawaing marapat nilang gawin? Dati, hinahamak ko ang ganoong mga tao, hindi kailanman iniisip na nasa parehong kategorya nila ako. Nasuklam ako sa sarili ko! Ang isang tulad ko, na walang integridad at ganap na hindi mapagkakatiwalaan, ay talagang hindi karapat-dapat sa paggawa ng mga tungkulin. Tinatahak ko ang landas ng mga huwad na lider at huwad na manggagawa. Ngayon, sa pagdating sa akin ng karamdaman, wala akong anumang lakas para gawin ang mga tungkulin ko kahit na gusto ko. Labis akong nanghihinayang sa pagsasayang ng oras noong maganda ang kalusugan ko. Kung hindi magagamot ang karamdamang ito at mamamatay ako, mag-iiwan ako ng walang-hanggang pagsisisi sa buhay na ito. Habang mas nag-iisip ako, lalo akong nababalisa. Palagi akong may pakiramdam na inabandona na ako ng Diyos, at napagtanto ko na kung magpapatuloy ako nang hindi hinahangad ang katotohanan o ginagawa nang maayos ang tungkulin ko, talagang matitiwalag na ako.

Isang araw sa espirituwal na debosyon, nakabasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, may ilang tao na ayaw magtiis ng anumang pagdurusa, at sa tuwing nahaharap sila sa isang problema, nagrereklamo sila na masyado itong mahirap at tumatanggi silang magbayad ng halaga. Anong klaseng saloobin iyan? Iyan ay saloobing pabasta-basta. Kung gagampanan mo ang iyong tungkulin nang pabasta-basta, at haharapin ito nang may saloobing walang galang, ano ang magiging resulta? Mabibigo kang gumawa nang mahusay maging sa isang tungkulin na kaya mong gampanan nang maayos—ang iyong paggampan ay hindi pasok sa pamantayan, at ang Diyos ay lubos na hindi masisiyahan sa saloobin mo sa iyong tungkulin. Kung nanalangin ka sa Diyos, hinanap ang katotohanan, at nagsisikap nang lubos para dito, kung nakipagtulungan ka sa ganitong paraan, naihanda sana nang maaga ng Diyos ang lahat ng bagay para sa iyo, nang sa gayon ay kapag nag-aasikaso ka ng mga bagay-bagay, ang lahat ay magiging nasa ayos, at magbubunga ng magagandang resulta. Hindi mo kakailanganing gumugol ng napakaraming lakas; kapag ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo upang makipagtulungan, inaayos na ng Diyos ang lahat para sa iyo. Kung ikaw ay tuso at tamad, kung hindi mo inaasikaso nang wasto ang iyong tungkulin, at palagi kang napupunta sa maling landas, hindi gagawa ang Diyos sa iyo; mawawala sa iyo ang pagkakataong ito, at sasabihin ng Diyos, ‘Wala kang silbi; hindi kita magagamit. Tumayo ka sa tabi. Gusto mo ang pagiging tuso at batugan, ano? Gusto mo ang pagiging tamad, at pagpapakasasa sa kaginhawahan, hindi ba? Kung gayon, magpakasasa ka sa kaginhawahan magpakailanman!’ Ibibigay ng Diyos ang biyaya at pagkakataon na ito sa ibang tao. Ano ang masasabi ninyo: Ito ba ay kawalan o pakinabang? (Isang kawalan.) Ito ay isang napakalaking kawalan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Lubhang mahalaga kung paano mo dapat ituring ang mga atas ng Diyos. Isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensiya at dapat mong tanggapin ang iyong kaparusahan. Ganap na likas at may katwiran na tapusin ng mga tao ang mga atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanya mismong buhay. Kung kaswal mo lang na tinatrato ang mga atas ng Diyos, ito ay isang napakalubhang pagkakanulo sa Diyos. Dito, mas kasuklam-suklam ka kaysa kay Hudas, at dapat kang sumpain(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, nadama ko ang katuwiran at ang hindi nalalabag na disposisyon Niya. Naunawaan ko na ang tungkulin natin ay isang atas mula sa Diyos, at isang responsabilidad na obligadong hindi natin dapat tanggihan. Ang walang paggalang at iresponsableng pagtrato sa tungkulin ay pagkakanulo sa Diyos. Isa itong matinding pagsalangsang. Dapat na sumpain ang ganitong uri ng tao. Ang mga taong hindi nagsasaalang-alang sa personal nilang mga interes ng laman at tumatrato nang seryoso at responsable sa tungkulin nila ay makapagkakamit ng gawain at gabay ng Diyos. Sa proseso ng paggawa sa tungkulin nila, unti-unti nilang nauunawaan ang katotohanan at natatamo ang katotohanan, at nagagawa ang mga bagay nang may prinsipyo. Gayumpaman, hindi ko minahal ang katotohanan. Ginusto ko lang ng ginhawa. Hindi ko ginawa ang mga bagay na malinaw na bahagi ng mga pangunahing responsabilidad ko, at kahit na paminsan-minsan ay gumagawa ako ng kaunti, iniraraos ko lang ito sa isang pabasta-bastang paraan. Pakitang-tao lang akong gumagawa ng kaunting gawain, para lansihin ang Diyos at lokohin ang mga kapatid ko. Talagang masyado akong mapanlinlang! Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao. Sinisiyasat Niya ang bawat kilos na ginagawa ko at ang bawat kaisipan at ideyang mayroon ako. Ang isang tulad ko, na nagpapasasa sa kaginhawahan at makasarili at mapanlinlang, ay lubos na hindi mapagkakatiwalaan at nagtatamo ng pagkasuklam at pagkamuhi ng Diyos. Pero hindi ko pa rin pinagnilayan ang sarili ko. Pinaalalahanan ako ng mga lider, pero nagpapakita pa rin ako ng pagsasaalang-alang sa laman, na nagreresulta sa hindi ko pagtatamo ng gawain ng Banal na Espiritu sa paggawa ng mga tungkulin ko at hindi ko pagkakilatis sa mga problema. Nangangahulugan din ito na hindi nalulutas nang nasa oras ang mga paghihirap ng mga baguhan. Gumawa ako ng mga pagsalangsang sa mga tungkulin ko. Ngayon, ang pagkakaapekto sa akin ng pandemyang ito ay ang pagdating sa akin ng pagtutuwid ng Diyos. Isa rin itong pagbubunyag sa akin ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Kung patuloy akong hindi magsisisi, kahit na hindi ako paalisin ng iglesia, sinisiyasat naman ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi gagawa sa akin ang Banal na Espiritu. Darating ang panahon, sasailalim ako sa pagtitiwalag. Gaya nga ng sinasabi ng Bibliya: “Ang kasaganaan ng mga hangal ang wawasak sa kanila” (Kawikaan 1:32). Sinasabi rin ng Makapangyarihang Diyos: “Iyang buong pag-iimbot mong kinahuhumalingan ngayon ay ang mismong bagay na sumisira sa iyong kinabukasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao). Nang maunawaan ko ito, napuno ako ng pagsisisi, at lubos kong kinamuhian ang sarili ko. Nagdasal ako sa Diyos, “Mahal kong Diyos, masyado akong makasarili at mapanlinlang. Sa paggawa ng mga tungkulin ko, pabasta-basta ako at nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa laman. Naapektuhan nito ang gawain ng iglesia. Mahal kong Diyos, handa akong magsisi. Nawa ay gabayan Mo akong baguhin ang kalagayang ito.”

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ano ang halaga ng buhay ng isang tao? Ito ba ay para lamang sa pagpapakasasa sa laman tulad ng pagkain, pag-inom, at pagpapakaaliw? (Hindi.) Kung gayon, ano ito? Mangyaring ibahagi ang inyong mga saloobin. (Upang matupad ang tungkulin ng isang nilikha, ito man lang ay dapat na makamit ng isang tao sa kanyang buhay.) Tama iyan. … Sa isang aspekto, ito ay tungkol sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa isa pa, ito ay tungkol sa paggawa ng lahat ng bagay na saklaw ng iyong abilidad at kapasidad sa abot ng iyong makakaya, kahit umabot man lang sa punto kung saan hindi ka inuusig ng iyong konsensiya, kung saan maaaring maging payapa ang konsensiya mo at mapatunayang katanggap-tanggap ka sa paningin ng iba. Sa mas malalim na pagtingin, sa buong buhay mo, saang pamilya ka man isinilang, anuman ang pinag-aralan mo, o ang iyong kakayahan, dapat mong pagbulayan kung ano ang pinakamahahalagang katotohanan na dapat maunawaan ng mga tao sa buhay—halimbawa, anong uri ng landas ang dapat tahakin ng mga tao, pati na kung paano sila dapat mamuhay para magkaroon ng mga makabuluhang buhay. Kahit papaano ay dapat tuklasin mo nang kaunti ang tunay na halaga ng buhay; hindi mo maaaring ipamuhay ang buhay na ito nang walang saysay, at hindi ka maaaring pumarito sa mundong ito nang walang saysay. Sa isa pang aspekto, habang nabubuhay ka, dapat mong tuparin ang iyong misyon; ito ang pinakamahalaga. Hindi ang pagtapos ng isang malaking misyon, tungkulin, o responsabilidad ang pag-uusapan natin, pero kahit papaano, dapat may maisakatuparan ka. Halimbawa, sa iglesia, ibinubuhos ng ilang tao ang lahat ng kanilang pagsisikap sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, inilalaan ang lakas ng kanilang buong buhay, nagbabayad ng malaking halaga, at nakapagpapabalik-loob ng maraming tao. Dahil dito, pakiramdam nila ay hindi naging walang kabuluhan ang buhay nila, at na mayroon silang halaga at kapanatagan. Kapag nahaharap sa sakit o kamatayan, kapag ibinubuod ang kanilang buong buhay at ginugunita ang lahat ng kanilang ginawa, ang landas na kanilang tinahak, napapanatag ang kanilang puso. Hindi sila nakokonsensiya o nagsisisi. Ang ilang tao ay nagsisikap nang husto habang namumuno sa iglesia o habang nagiging responsable para sa isang partikular na aspekto ng gawain. Inilalabas nila ang kanilang pinakamalaking potensyal, ibinibigay ang lahat ng kanilang lakas, iginugugol ang lahat ng kanilang sigla at binabayaran ang halaga para sa gawain nila. Sa pamamagitan ng kanilang pagdidilig, pamumuno, tulong, at suporta, tinutulungan nila ang maraming tao, sa kabila ng sarili nilang mga kahinaan at pagkanegatibo, na maging matatag at na manindigan, na hindi umatras, at sa halip ay bumalik sa presensya ng Diyos at makapagpatotoo pa nga sa Kanya sa wakas. Higit pa rito, sa panahon ng kanilang pamumuno, naisasakatuparan nila ang maraming mahalagang gawain, inaalis ang higit sa iilang masamang tao, pinoprotektahan ang maraming hinirang ng Diyos, at binabawi ang ilang mabigat na kawalan. Ang lahat ng tagumpay na ito ay nagaganap sa panahon ng kanilang pamumuno. Sa pagbabalik-tanaw sa landas na kanilang tinahak, paggunita sa gawain nila at sa halagang binayad nila sa paglipas ng mga taon, wala silang nararamdamang pagsisisi o pagkakonsensiya. Wala silang nararamdamang pagsisisi tungkol sa paggawa ng mga bagay na ito at naniniwala sila na namuhay sila ng buhay na may halaga, at mayroon silang katatagan at ginhawa sa puso nila. Kamangha-mangha iyon! Hindi ba’t ito ang bungang nakamit nila? (Oo.) Ang pakiramdam na ito ng katatagan at kaginhawaan, ang kawalan ng pinagsisisihan, ang mga ito ang resulta at ani ng paghahangad sa mga positibong bagay at sa katotohanan. Huwag nating taasahan ang ating ekspektasyon sa mg atao. Isaalang-alang natin ang isang sitwasyon kung saan nahaharap ang isang tao sa isang gampanin na dapat niyang gawin o handa siyang gawin sa kanyang buhay. Matapos mahanap ang kanyang lugar, matatag siyang naninindigan sa kanyang posisyon, pinanghahawakan ang kanyang posisyon, ginugugol ang lahat ng dugo ng puso niya at ang lahat ng enerhiya niya, at isinasakatuparan at tinatapos ang dapat niyang gawin at tapusin. Kapag sa wakas ay tumayo na siya sa harap ng Diyos upang magbigay-ulat, medyo nasisiyahan siya, walang paratang o pinagsisisihan sa kanyang puso. Naaalo siya at nararamdaman niyang may nakamit siya, na nakapamuhay siya ng buhay na may halaga(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (6)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko, na iniutos ng Diyos na dapat akong mabuhay sa mga huling araw, tanggapin ko ang gawain ng Diyos, at gumawa ako ng mga tungkulin sa iglesia. Ayaw Niyang magpakita ako ng pagsasaalang-alang sa laman, magpasasa sa kaginhawahan, at sayangin ko ang buhay ko sa pagmumukhang abala pero wala namang natatamo. Ang layunin ng Diyos ay tumahak ako sa tamang landas ng buhay, mas hanapin ko ang katotohanan habang ginagawa ang tungkulin ko, at lutasin ko ang mga problema at paghihirap ng mga kapatid ko ayon sa mga salita ng Diyos, para magawa ko ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo at magawa ang tungkulin ko sa paraang pasok sa pamantayan. Ang isang buhay lang na ginugugol sa ganitong paraan ang mahalaga. Naisip ko kung paanong ginawa ko ang tungkulin ko sa isang mautak at tusong paraan. Kahit na maginhawa ang laman, nasa pagdadalamhati at kadiliman naman ang kaibuturan ng puso ko, at wala lang talaga akong kapayapaan o kaligayahan. Alang-alang sa panandaliang kaginhawahan at kasiyahan, bukod sa hinadlangan ko ang sarili kong buhay pagpasok, nag-iwan pa ako ng napakaraming pagsisisi sa tungkulin ko. Talagang masyado akong mapagmatigas at masyadong hangal! Nagdasal ako sa Diyos at nagpasya na kahit hindi pa ako lubusang gumagaling mula sa karamdaman ko, handa akong baguhin ang maling kalagayan ko at maghimagsik laban sa laman para agad na malutas ang mga kuru-kuro at kalagayan ng mga baguhan, magawa nang maayos ang gawain ko, at matupad ang mga responsabilidad at tungkulin ko.

Pagkatapos, hinahanap ko ang katotohanan kasama ang kapareha ko para lutasin ang mga problemang lumitaw sa gawain. Karaniwan, inaakay ko rin ang mga tagadilig para sama-samang hanapin ang mga prinsipyo, at pana-panahong ibuod ang mga paglihis at problema sa gawain at maghanap ng isang landas para lutasin ang mga iyon. Isang araw, sinabi ni Sister Zhen Xin na isang baguhan na dinidiligan niya ang nagdulog ng ilang problema. Hindi niya alam kung paano lutasin ang mga iyon at gusto niya akong magbahagi tungkol sa mga iyon. May ilang problemang hindi ko alam kung paano pagbahaginan o lutasin agad-agad. Nagsimula kong maisip, “Kakailanganin ng maraming pag-iisip at paghahanap para makakuha ng malinaw na kasagutan sa mga problemang ito. Kakailanganin nito ng maraming oras. Abala naman! Puwedeng pabayaan ko lang ang mga problemang ito at hingin sa kapareha ko na lutasin ang mga ito kalaunan.” Nang maisip ko ito, napagtanto kong nagpapakita na naman ako ng pagsasaalang-alang sa laman. Dali-dali akong nagdasal sa Diyos, “Mahal kong Diyos, alam kong nag-iimbot na naman ako sa kaginhawahan at natutuksong maging mautak at tuso, handa akong maghimagsik laban sa laman at ilaan ang buong lakas ko sa paglutas sa mga problemang ito. Nawa ay gabayan Mo ako!” Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag tunay na nagmamahal ang isang tao sa katotohanan, maaari siyang magkaroon ng pusong may masidhing paghahangad para sa Diyos, ng tapat na puso, at motibasyon na isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Kapag nagtataglay ng totoong lakas, nagagawa niyang magbayad ng halaga, ilaan ang kanyang lakas at oras, talikdan ang mga personal niyang pakinabang, at bitiwan ang lahat ng bagay na kinasasangkutan ng laman, inaalis ang balakid sa daan para sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, sa pagsasagawa ng katotohanan, at pagpasok sa realidad ng salita ng Diyos. Kung, para makapasok sa realidad ng salita ng Diyos, mabibitiwan mo ang sarili mong mga kuru-kuro, mabibitiwan ang mga interes ng sarili mong laman, reputasyon, katayuan, kasikatan, at kasiyahang panlaman—kung mabibitiwan mo ang lahat ng gayong bagay, lalo kang makakapasok sa katotohanang realidad. Hindi mo na poproblemahin pa ang anumang paghihirap at kaligaligang mayroon ka—madaling malulutas ang mga ito—at madali kang makakapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Para makapasok sa katotohanang realidad, ang pagkakaroon ng tapat na puso at pusong may masidhing paghahangad para sa Diyos ang dalawang kondisyong hindi maaaring mawala. Kung tapat na puso lang ang mayroon ka, pero lagi kang naduduwag, wala kang masidhing paghahangad para sa Diyos, at umuurong ka kapag may nakakaharap kang mga paghihirap, hindi ito sapat. Kung mayroon ka lamang isang masidhing paghahangad para sa Diyos sa iyong puso, at medyo padalos-dalos ka, at mayroon ka lang ng ganitong kalooban, pero wala kang sinserong puso kapag may nangyayari sa iyo, at umuurong ka, at pinipili mo ang sarili mong mga interes, hindi rin ito sapat. Pareho mong kailangan ang isang tapat na puso at isang pusong may masidhing paghahangad para sa Diyos. Ang antas ng katapatan sa iyong puso at ang tindi ng masidhing paghahangad mo para sa Diyos ang tumutukoy sa kapangyarihan ng iyong motibasyon na isagawa ang katotohanan. Kung wala kang tapat na puso at walang masidhing paghahangad para sa Diyos sa iyong puso, hindi mo mauunawaan ang mga salita ng Diyos at hindi ka magkakaroon ng motibasyon na isagawa ang katotohanan. Kapag ganito, hindi ka makakapasok sa katotohanang realidad at mahihirapan kang magtamo ng kaligtasan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). Sobrang nabigyan ako ng inspirasyon ng mga salita ng Diyos. Kapag ginagawa ang tungkulin ko, palagi akong umaatras sa mga paghihirap at umuurong sa mahihirap na bahagi. Ang pangunahing isyu ay na hindi ko tinatrato ang tungkulin ko nang taos sa puso, at ayaw kong magdusa o magbayad ng halaga para isagawa ang katotohanan. Nang maisip ko ito, napagtanto ko na kapag hindi ko malutas ang mga problema ng mga baguhan, nangangahulugan ito na hindi ko nauunawaan ang aspektong iyon ng katotohanan. Ito ang sandali kung kailan dapat kong hanapin ang katotohanan at sangkapan ang sarili ko ng katotohanan. Puwedeng idulot sa akin ng ganitong uri ng kapaligiran na mapalapit sa Diyos at umasa sa Diyos, at, higit pa rito, isa itong pagkakataon para makamit ko ang katotohanan. Dapat kong pahalagahan ang mga pagkakataong ito, maghimagsik ako laban sa sarili kong laman, at umasa sa Diyos para hanapin ang katotohanan at lutasin ang mga problemang ito, binabayaran ang halagang nararapat kong bayaran. Sa ganitong paraan ko lang matatamo ang kaliwanagan at paggabay ng Diyos, at unti-unting mauunawaan at makakamit ang katotohanan. Kung palagi akong magpapasasa sa kaginhawahan, aatras sa mga paghihirap, at uurong kapag mahirap ang mga bagay-bagay, kailanman ay hindi ako makakapasok sa katotohanang realidad at magiging imposible sa aking makamit ang katotohanan. Sa huli, ako ang mapipinsala. Pagkatapos itong maunawaan, nagdasal ako sa Diyos, at naghanap ng ilan sa mga salita ng Diyos na nauugnay sa mga problema ng mga baguhan. Kalaunan, nagdaos kami ni Zhen Xin ng isang pagtitipon para sa mga baguhan para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan, nilutas namin ang mga problema ng mga baguhan. Nagkaroon ang mga baguhan ng isang landas ng pagsasagawa pagkatapos maunawaan ang katotohanan, at nalutas ang mga paghihirap at problema nila. Pinasalamatan ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng puso ko! Sa pamamagitan ng paghahanap talaga sa katotohanan para malutas ang mga problema, nakilatis ko rin ang ilang problema, at naunawaan ang ilang katotohanan na hindi ko naunawaan noon. Sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin ko sa ganitong paraan, napalagay at napanatag ang puso ko.

Pagkatapos ng karanasang ito, nakita ko na may pahintulot ng Diyos ang lahat ng iba’t ibang paghihirap at problemang nararanasan ko kapag ginagawa ang tungkulin ko, at hindi sadyang pinapahirap ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa akin. Ang layunin ng Diyos ay ang gamitin ang iba’t ibang paghihirap at problemang ito para udyukan akong hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, at gamitin ang iba’t ibang paghihirap na ito para ibunyag ang katiwalian at mga kakulangan ko, para hanapin ko ang katotohanan para lutasin ang sarili kong tiwaling disposisyon. Kung hindi, palagi akong mamumuhay nang umaasa sa tiwaling disposisyon ko, at magpapasasa sa kaginhawahan, magiging mautak at tuso habang ginagawa ang tungkulin ko. Bukod sa maaantala nito ang gawain ng iglesia, sa huli, sisirain ako nito. Ang mga salita ng Diyos ang gumising sa akin, na isang taong hangal at matigas ang ulo. Salamat sa Diyos sa pagliligtas Niya!

Sinundan:  23. Dapat Bang Buong-pasasalamat na Suklian ang Kabutihang Natanggap?

Sumunod:  25. Hindi Ko Pinanghihinayangang Iwan ang Aking Matatag na Trabaho

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger