25. Hindi Ko Pinanghihinayangang Iwan ang Aking Matatag na Trabaho

Ni Zheng Ze, Tsina

Galing ako sa isang pamilya ng mga magsasaka, at ang buong pamilya namin ay umaasa sa pagsasaka para mabuhay. Araw-araw na kumakayod ako at ang aking asawa nang may mukhang nakayukod sa lupa at likod na nakaharap sa langit, nagsusumikap buong taon para sa maliit na gantimpala. Kinailangan pa naming umasa sa kung ano-anong pagkakakitaan para matustusan ang mga karaniwang gastusin ng pamilya. Napakahirap ng aming kalagayan. Kalaunan, isang kamag-anak ang gumamit ng kanyang mga koneksiyon para isaayos ako na maging isang pansamantalang manggagawa sa isang kalapit na destileriya na pag-aari ng estado. Ang mga regular na empleyado sa pabrika ang gumagawa ng magagaang gawain, samantalang kaming mga pansamantalang manggagawa ang madalas na gumagawa ng marurumi at nakapapagod na gawain. Gayumpaman, ang suweldo namin ay kalahati lang niyong sa mga regular na manggagawa. Sa panahong mababa ang produksiyon, kaming mga pansamantalang manggagawa ay masisisante pa nga, at kailangan naming humanap ng ibang trabaho. Dahil wala akong kasanayan, karamihan sa mga nakukuha kong trabaho ay puro gawaing pisikal at hindi regular. Isang araw, maaaring may trabaho ako, pero kinabukasan ay maaaring wala na kong anumang trabaho, kaya natetengga lang ako. Napakahirap talaga ng aming buhay. Madalas kong naiisip na, “Magiging napakabuti kung magkakaroon ako ng isang regular na trabaho. Hindi ko kakailanganing mag-alala tungkol sa paghahanap ng trabaho at magagawa kong kumita nang mas maraming pera at magtamasa ng mas masaganang buhay.” Hindi nagtagal, nagplano ang destileriya ng pagpapalawak. May ilang lupa sa aming baryo ang kinamkam nang walang kabayaran. Gayumpaman, basta’t may sampung miyembro ang isang pamilya, makakakuha ang pamilya ng isang posisyong may hinihinging kota, para regular na magtrabaho sa destileriya. May mahigit isang dosenang katao sa aming pamilya, at ako lang ang nabigyan ng pagkakataong magtrabaho sa destileriya. Labis na nainggit ang lahat ng kapitbahay at pakiramdam ko ay napakapalad ko, “Naging regular na empleyado ako sa isang kumpanyang pag-aari ng gobyerno sa batang edad ko na ito. Kinaiinggitan at matatag ang trabahong ito. Makatatanggap ako ng suweldo sa oras at hindi lang garantisado ang kabuhayan ko, makakakuha pa ako ng pensiyon pagtanda ko at mga benepisyo tulad ng insurance sa pensiyon at insurance na medikal. Kailangan kong magtrabaho nang husto at mapanatili ang trabahong ito na pinaghirapan kong makuha.” Sa trabaho, labis akong nagsikap. Hindi ako kailanman naging tuso at nagtamad-tamad. Hindi nagtagal, pinili akong maging lider ng pangkat, na medyo may mataas na suweldo kaysa sa ibang empleyado. Mas lalo kong pinahalagahan ang matatag na trabahong ito. Lalo na sa panahon ng kasagsagan ng produksiyon, kapag napakaabala ng destilerya, madalas akong nagtatrabaho nang mahigit sa sampung oras sa isang araw. Nanakit ang balakang ko at namaga ang likod ko sa sobra kong pagod. Nanlambot ako sa bigat ng trabaho Gayumpaman, sa sandaling naisip ko ang pasahod na ilang ulit na mas mataas kaysa sa karaniwan, at ang mga benepisyo tulad ng bonus sa katapusan ng taon, pakiramdam ko ay sulit ang matinding pagod. Ganito ako nagtrabaho sa loob ng isang dekada.

Noong taglagas ng 2005, ipinangaral sa akin ng hipag ko ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, nalaman ko na ang mga tao ay nilikha ng Diyos, ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng lahat ng sangkatauhan, at ang lahat ng sangkatauhan ay dapat na manampalataya at sumamba sa Diyos. Pagkatapos niyon, madalas akong nakipagtipon sa mga kapatid para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at umawit ng mga himno ng papuri sa Kanya. Ikinalugod ko ito, at nakaramdam ng paglaya ang aking puso. Hindi naglaon, nakagawa ako ng mga tungkulin. Responsable ako para sa mga pagtitipon ng tatlong grupo. Noong panahong iyon ay mahina ang bentahan sa destilerya, at kalahating araw lang akong nagtatrabaho. May araw din ako ng pahinga tuwing Linggo. Hindi ako hinadlangan ng trabaho ko sa pagpunta sa mga pagtitipon o paggawa ng aking tungkulin.

Pagsapit ng taglagas ng 2006, naging sobrang abala ang destileriya. Kinailangan kong magtrabaho nang hindi bababa sa sampung oras kada araw. Madalas sabihin ng tagapangasiwan ng desteleriya sa mga pulong, “Ngayon ay ang panahon ng kasagsagan ng produksiyon. Bilang lider ng pangkat, kailangan mong mag-isip ng mga paraan para maabot ang iyong kota ng produksiyon sa loob ng partikular na panahon. Hindi ka dapat lumiban, dumating nang huli, o umalis nang maaga sa panahong ito! Kung hindi ka magtatrabaho nang husto, matatanggal ka!” Pagkarinig ko nito, nakaramdam ako ng pagpigil sa aking puso. Natakot ako na baka masisante ako kung may anumang bagay sa gawain na hindi magagawa nang maayos Bagaman gusto kong pumunta sa mga pagtitipon at gawin ang aking tungkulin, sadyang hindi ako makahanap ng oras. Labis akong naguluhan, “Napakaabala ko na hindi man lang ako makadalo sa mga pagtitipon. Ganito ba dapat ang isang mananampalataya sa Diyos? Kung madalas akong magliliban para dumalo sa mga pagtitipon, maaantala ang gawain ko at masisisante ako. Kung mawawala sa akin ang matatag na trabahong ito, paano ko magagarantiya ang kabuhayan ng pamilya ko sa hinaharap? Hindi iyon maaari. Anuman ang mangyari, hindi dapat mawala sa akin ang trabahong ito. Iisipin ko ang tungkol sa mga pagtitipon pagkalipas ng panahon ng kasagsagan ng produksiyon.” Pagkatapos noon, inilaan ko ang sarili kong puso at isipan sa aking trabaho. Nagtrabaho ako mula alas-siyete ng umaga hanggang hatinggabi araw-araw. Minsan, nag-overtime pa nga ko hanggang alauna o alas-dos ng madaling-araw. Sa sobrang pagod ko ay nanghina ako sa bigat ng trabaho. Pag-uwi ko, nakakatulog ako sa sandaling lumapat ang ulo ko sa unan. Hindi man lang ako makapanalangin o makapagsagawa ng mga debosyonal. Araw-araw, napupuno ang ulo ng mga kaisipan tungkol sa kung paano maaabot ang aking quota sa produksiyon sa loob ng itinakdang panahon. Nagtrabaho ako na parang isang makina, hindi tumitigil. Unti-unti, napalayo nang napalayo ang puso ko sa Diyos.

Sa panahong ito, dumating sa akin ang ilang di-kanais-nais na pangyayari. Dahil ayaw ko ng pambobola at hindi ko inaya sa hapunan ang direktor, itinalaga lang ako sa marumi at nakapapagod na gawain. Nang makita ng mga miyembro ng aking pangkat na gumagawa ng mas madaling gawain ang mga pangkat, madalas silang magreklamo sa akin, “Tingnan mo ang mga lider ng ibang pangkat. Alam nila kung ano ang dapat sabihin para mapasaya ang direktor, at nagagawa nila ang madadaling trabaho. Masyado kang matigas, at hindi mo binibigyan ang direktor ng mga regalo o nililinang ang relasyon mo sa kanya; hindi mo sinusubukang pasayahin siya. Kailangan naming gawin ang lahat ng marumi at nakapapagod na gawaing ito dahil bahagi kami ng iyong pangkat.” Minsan, sinasadya pa nga nilang magprotesta para magpatumpik-tumpik, kaya napakabagal ng pag-usad ng gawain. Kapag nakikita ng direktor ang sitwasyong ito, pinagagalitan niya ako sa pamumuno sa isang pangkat na nagpapatumpik-tumpik sa gawain nila. Labis akong nabalisa. Pagod na pagod na nga ako dahil sa mabigat na pang-araw-araw na gawain; ngayon ay dumaragdag pa ang pagrereklamo ng mga empleyado at ng direktor sa akin, nagdulot ng matinding pagod sa aking katawan at isipan ang pagpapahirap na iyon. Pakiramdam ko ay sadyang sobrang nakapapagod ang buhay. Minsan, sobrang galit pa nga ako na ayaw ko nang gawin ang aking trabaho, pero wala akong pagpipilian kundi ang harapin ito dahil sa dala nitong seguridad. Pakiramdam ko ay wala akong magawa, kinailangan ko lang na magpatuloy.

Sa isang iglap, lumipas ang panahon ng kasagsagan ng produksiyon, at hindi na naging kasing abala ang destileriya. Plano ko sana ang magpahinga, pero nagkasakit ako. May mababa akong lagnat na hindi mapawi-pawi, walang lakas ang buo kong katawan, at walang epekto ang pag-inom ng mga gamot o pagpapainiksyon. Sa bahay na lang ako nagpagaling. Sa tuwing umuuwi ako galing ospital, nakikita ko ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga pulumpon ng mga tao sa kalsada at naiinggit ako sa mabuti nilang kalusugan. Bagaman abala at nagkukumahog ako, kumikita ng kaunting pera, kung wala ang mabuting kalusugan, ano pa ang silbi niyon? Bigla kong napagtanto na gaano karaming pera man ang kitain ko, hindi ito kasinghalaga ng pagkakaroon ng mabuting kalusugan. Naisip ko iyong dati, noong pumupunta pa ako sa mga pagtitipon at ginagawa ang tungkulin ko kasama ang mga kapatid. Nakaramdam ako ng labis na kapanatagan sa puso ko noon. Pagkatapos ay tiningnan ko ang kasalukuyan kong sakiting kalagayan, hindi talaga makagawa ng anumang gawain, at nakaramdam ako ng kalungkutan at kawalang magawa. Sa oras ng aking pagkabagabag, dinalaw ako ni Sister Jiang Yu sa aking bahay para suportahan ako at yayain akong dumalo sa mga pagtitipon. Sa kahihiyan, sinabi ko, “Gaano katagal na ba mula noong huli akong dumalo sa isang pagtitipon? Puwede pa rin ba akong pumunta sa mga pagtitipon?” Sinabi ni Jiang Yu na puwede akong pumunta, at isinaayos ang ilang kapatid na magtipon sa aking bahay. Masaya akong pumayag. Noong araw ng pagtitipon, lumuhod ako at nanalangin sa Diyos. Noong panahong iyon, pakiramdam ko na ako ay isang makulit at suwail na bata: Naligaw ako palayo sa aking tahanan at labis na nagdusa, pero sa sandaling lito ako at hindi alam ang gagawin, nagbalik ako sa yakap ng aking mga magulang. Naghalo-halo lahat ang mga damdamin ng kagalakan, kahihiyan, at pagkakautang, at hindi ko alam kung paano ipahahayag ang mga ito. Nanangis ako at nanalangin sa Diyos, “Mahal kong Diyos, sobra akong napalayo sa Iyo at masyadong naghimagsik laban sa Iyo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang pagkakautang ko sa Iyo. Sa buong panahong ito, puro trabaho lang ang iniisip ko. Ganap kong isinantabi ang mga pagtitipon at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at patuloy lang ako na nagtrabaho buong araw na parang isang makina, pagod ang katawan at isipan at nagtitiis ng hindi maipaliwanag na pagdurusa. Ngayon lang na maysakit ako ko napagtanto na ang pamumuhay nang malayo sa Iyong pagkalinga at proteksiyon ay pamumuhay na parang isang naglalakad na bangkay; isa itong buhay ng kahungkagan at pasakit. Pero hindi Mo inalala ang aking mga pagsalangsang, at ginamit pa ang kapatid ko para tulungan at suportahan ako. Salamat sa pagpaparaya at awang ipinakita Mo sa akin! Handa akong bumalik sa Iyo, makipagtipon sa aking mga kapatid para kumain at uminom ng Iyong mga salita, at gawin ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya.” Nakita kong sa pagitan ng aking mga kapatid, walang mga hadlang o alitan, lalo na ang matitinding tunggalian na mayroon sa destileriya. Pakiramdam ko na sadyang dalawang magkaibang mundo ang mga ito, at naging payapa at panatag ang aking puso. Pagkalipas ng isang buwan, gumaling ang aking karamdaman nang halos hindi ko namamalayan. Sa puso ko, labis akong nagpapasalamat sa Diyos.

Kalaunan, binisita ako ni Jiang Yu sa aking bahay para makita ako. Nang narinig niya ang aking karanasan, inawitan niya ako ng isang himno ng mga salita ng Diyos: “Ang Tadhana ng Tao ay Kontrolado ng mga Kamay ng Diyos.”: “Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating nagmamadali at nagpapakaabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong sariling kinabukasan, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, matatawag ka pa rin bang isang nilikha? Sa madaling sabi, paano man gumagawa ang Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay para sa kapakanan ng tao. Katulad lang ito ng kung paanong ang mga langit at lupa at ang lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos para magsilbi sa tao: Nilikha ng Diyos ang buwan, ang araw, at ang mga bituin para sa tao, nilikha Niya ang mga hayop at mga halaman para sa tao, nilikha Niya ang tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig para sa tao, at iba pa—ang lahat ng ito ay ginawa alang-alang sa pag-iral ng tao. At kaya, paano man kinakastigo at hinahatulan ng Diyos ang tao, ang lahat ng ito ay alang-alang sa kaligtasan ng tao. Kahit na tinatanggal Niya sa tao ang makalamang mga inaasahan nito, ito ay alang-alang sa pagdadalisay sa tao, at ang pagdadalisay sa tao ay ginagawa alang-alang sa pag-iral ng tao. Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya paano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Ikinuwento sa akin ni Jiang Yu ang karanasan niya kung paanong dati siyang abalang-abala para kumita ng pera sa mundo, at kung paanong nagtungo siya sa sambahayan ng Diyos matapos mabigo. Sinabi rin niya: “Tayo mga tao ay mga nilikha at sadyang hindi natin kayang kontrolin ang sarili nating kapalaran. Kahit gaano pa tayo kaabala at nagkukumahog, umaasa sa sarili nating lakas, hindi ibig sabihin nito na makukuha natin ang resultang ating inaasam. Ngayon, ang Diyos ay nagkatawang-tao at pumarito sa mundo para gumawa para sa pagliligtas sa tao. Ginagamit din ni Satanas ang salapi at mga kalayawan ng laman para akitin at iligaw ang mga tao, na nagpupuno sa puso nila ng pagnanasa sa laman at sa pera; sa huli, mahuhulog sila sa bitag ni Satanas. Dapat nating sangkapan ang sarili natin ng mas maraming katotohanan—doon lang natin makikilatis ang mga pakana ni Satanas.” Nang marinig kong magbahagi si Jiang Yu nang ganito, labis akong naantig. Ginusto ko palaging umasa sa sarili kong pagsisikap para magawa nang maayos ang aking trabaho, makuha ang tiwala ng direktor, at mapanatili ang aking matatag na trabaho para magarantiyahan ang aking kabuhayan sa hinaharap. Dahil dito, hindi ako dumalo sa mga pagtitipon o gumawa ng tungkulin ko; palagi akong subsob sa trabaho, at ganap na okupado ng pera ang aking puso. Dahil dito, hindi lang ako nabigong makuha ang pagpapahalaga ng direktor, kundi nagtiis din ako ng paghihirap dulot ng aking karamdaman. Ang masamang karanasang ito ay nag-iwan ng matinding pagod sa aking katawan at isipan at nagdulot sa di-maipaliwanag na pagdurusa. Doon ko lang napagtanto na gaano man ako nagplano, nagkalkula, o nagsikap, hindi ko nagawang baguhin ang aking kapalaran. Namuhay ako sa pag-asa sa mga satanikong panuntunan ng “Bumuo ng masayang buhay gamit ang sarili mong mga kamay,” at “Mas mabuting magkaroon ng isang matatag na trabaho kaysa sa isang trabahong may malaking kita.” Ginusto kong makamit ang inaasam kong buhay sa pamamagitan ng sarili kong mga pagsisikap, pero sa huli, naharap ako sa mga balakid at nadismaya sa bawat pagkakataon. Sa pinakahuli, humantong ito sa kabiguan. Tulad ng sinasabi ng Diyos: “Kahit na parating nagmamadali at nagpapakaabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili.” Napakabulag at mangmang ko talaga, walang kaalam-alam sa sarili kong mga kakayahan! Dahil sa inilantad ng mga salita ng Diyos, nagising ang manhid kong puso, at sa wakas ay napagtanto ko na ang karamdaman at pasakit na dumating sa akin noong panahong iyon ay pagkastigo at pagdidisiplina ng mga kamay ng Diyos. Higit pa roon, ito ay pagliligtas ng Diyos sa akin. Kung hindi, malamang na nakagapos pa rin ako sa pera at nahulog na sa bitag ni Satanas, hindi kayang palayain ang aking sarili.

Noong Abril 2007, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Panahon ng mababang produksiyon noon. Medyo madali at tahimik ang trabaho, kaya hindi ako nahadlangan nito sa pagpunta sa mga pagtitipon o paggawa ng aking tungkulin. Kalaunan, may nangyaring labis na nakaapekto sa akin. Dahil ang trabaho sa destileriya ay nangangailangan ng matagal na pagyuko at pagbubuhat ng mabibigat na aytem, at pagkakababad sa malamig na tubig, may ilang matatandang empleyado ang nagkasakit dahil sa kanilang trabaho. Karamihan sa kanila ay may lumbar disc herniation, rayuma, cervical spondylosis, at iba pa. Sa sobrang pagdurusa ng ilan ay naparalisa na sila sa kama, hindi na kayang alagaan ang sarili nila. Minsan, habang tensiyonado kaming nagpapakaabala sa paghahanda ng mga materyales para sa produksiyon, nakita ko ang isang empleyadong nakahandusay sa sahig na may maputlang kompleksiyon, may kapanglawan at kawalang magawa sa mga mata niya. Sinabi sa akin ng mga kasamahan ko na inatake ang empleyado ng cervical spondylosis niya. Nahilo siya, nagsuka, at muntik nang mawalan ng malay. Dati, masigla siyang nagtatrabaho. Hindi ko kailanman naisip na ang pag-atake ng cervical spondylosis ay makapagpapabagsak sa isang tao anumang oras. Doon ko napagtanto na gaano man kalakas ang isang tao, wala siyang kakayahang lumaban kapag nahaharap sa karamdaman. Napakawalang kabuluhan at napakarupok talaga ng mga tao! Naisip ko kung paanong bagama’t kumita ng kaunting pera ang matatandang empleyadong ito, kalahati ng buhay nila ang ipinuhunan nila rito. Gaano man kaganda ang mga benepisyo o suweldo nila, hindi na nila kailanman maibabalik ang kalusugan nila, at lalong hindi nila mapapawi ang pasakit na dala ng pagpapahirap ng karamdaman. Kahit pa mayroon sila ng lahat ng pera sa mundo, ano ang magiging silbi niyon? Hindi ba’t ang buhay nila ay magiging puro pasakit at kahungkagan pa rin? Parehong masama ang kalagayan ng aking cervical at lumbar vertebrae, at may rayuma ako. Kung magpapatuloy ako nang ganito, hindi ba’t isang araw ay mapaparalisa na lang ako? Ang matatandang empleyadong ito ay nagsikap halos buong buhay nila para kumita ng pera. Hindi sila nagtamasa ng magandang buhay at nagkaroon sila ng di-matiis na pasakit na dulot ng pagpapahirap ng karamdaman. Nagsilbi rin itong paalala sa akin. Kung ang mga tao ay hindi sumasamba sa Diyos at walang proteksiyon ng Diyos, maaari silang pinsalain ni Satanas anumang oras: Ang pagkapit sa isang matatag na trabaho ay hindi kayang magdala ng kaligayahan. Nagsimula akong mag-alinlangan, “Gusto ko pa bang ipagpatuloy na gawin ang trabahong ito?”

Hindi nagtagal, nahalal ako bilang isang mangangaral. Tinanong ako ng mga lider kung handa ba akong gawin ang tungkuling ito. Inisip kong magiging mas abala pa ako kung magiging mangangaral ako, at halos mawawalan na ako ng anumang oras para magtrabaho. Kakailanganin ko bang magbitiw sa aking trabaho? Kung magbibitiw ako sa aking trabaho, maghihirap ako sa buhay, pero makahahadlang sa gawain ng iglesia ang pagtatrabaho. Naisip ko rin kung paanong may pagkakautang na ako dahil dati, inabandona ko ang tungkulin ko dahil sa pagiging abala ko sa trabaho. Kung tatanggihan ko muli ang tungkulin, hindi ba’t magiging napakamapaghimagsik ko na niyon? Sa kalituhan, maraming beses akong nanalangin sa Diyos para hanapin ang pinakamainam na paraan ng pagsasagawa. Pagkatapos, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ngayon ang panahon kung kailan ang Aking Espiritu ay gumagawa ng dakilang gawain, at ang panahon na sinisimulan Ko ang Aking gawain sa mga bansang Hentil. Higit pa riyan, ito ang panahon na pinagbubukud-bukod Ko ang lahat ng nilalang, inilalagay ang bawat isa sa kanya-kanyang kaukulang uri, upang ang Aking gawain ay maaaring magpatuloy nang mas mabilis at mas may kakayahan na magkamit ng mga resulta. At kaya nga, ang Aking hinihingi pa rin sa inyo ay ang ialay mo ang iyong buong pagkatao para sa lahat ng Aking gawain, at, higit pa rito, na malinaw mong makilatis at makita nang may katumpakan ang lahat ng gawaing Aking nagawa na sa iyo, at igugol ang lahat ng iyong pagsisikap tungo sa Aking gawain nang ito ay magkamit ng mas magagandang resulta. Ito ang dapat mong maunawaan. Tigilan ang pakikipaglaban sa isa’t isa, ang paghahanap ng daang palabas, o paghahanap ng kaginhawahan para sa iyong laman, para maiwasan na maantala ang Aking gawain at maantala ang iyong magandang kinabukasan. Ang paggawa ng gayon, sa halip na pangalagaan ka, ay makakapagdudulot lang sa iyo ng pagwasak. Hindi ba kahangalan ito para sa iyo? Iyang buong pag-iimbot mong kinahuhumalingan ngayon ay ang mismong bagay na sumisira sa iyong kinabukasan, samantalang ang pasakit na iyong tinitiis ngayon ay ang mismong bagay na nangangalaga sa iyo. Dapat mong malinaw na malaman ang mga bagay na ito, upang maiwasang mabiktima ng mga tukso kung saan mahihirapan kang makawala, at iwasang mangapa sa makapal na hamog at hindi makita ang araw. Kapag nahawi ang makapal na hamog, masusumpungan mo ang iyong sarili na nasa paghatol ng dakilang araw(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao). Naipaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na nasa mahalagang yugto tayo ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Kung ang iniisip ko lang ay ang pagpapanatili sa aking matatag na trabaho at paghahangad ng isang masagana at maginhawang buhay, sa huli ay malulugmok ako sa laman at lalamunin ni Satanas, tuluyang mawawala ang pagkakataon kong mailigtas ng Diyos. Pinagnilayan ko kung paanong noong dati, bagaman nanampalataya ako sa Diyos at dumalo sa mga pagtitipon, hindi ko pinagtutuunan ang paghahangad sa katotohanan o pagtupad sa responsabilidad ng isang nilikha sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin ko nang maayos. Inisip ko lang ang tungkol sa paghahangad sa isang masagana at maginhawang buhay. Inakala ko na sa pagkakaroon ng matatag na trabahong ito, hindi ko na kakailangang mag-alala tungkol sa mga gastusin sa pang-araw-araw na buhay, at magkakaroon ako ng kasiguruhan sa aking pagtanda. Kaya, inilaan ko ang lahat ng aking pagsisikap at oras sa aking trabaho—kumakaripas at nagsisikap mula madaling-araw hanggang takipsilim, takot na takot na baka hindi ko maabot ang quota ko sa benta nang nasa oras at mawala sa akin ang matatag kong trabaho. Tuwing may alitan sa pagitan ng trabaho at paggawa ng aking tungkulin, binabalewala ko talaga ang gawain ng iglesia. Binibitiwan ko ang mga pagtitipon at ang aking tungkulin, at ibinubuhos ang lahat ng aking oras at pagsisikap sa pagpapanatili sa aking matatag na trabaho. Dahil dito, hindi lang ito nabigong magdala sa akin ng kapanatagan at kapayapaan ng isipan, sa halip, pinagdusa ako nito sa paghihirap ng karamdaman, hanggang sa naubos ang lakas ng aking katawan at isipan, at lalo akong napalayo sa Diyos. Naisip ko kung paanong biniyayaan ako ng Diyos ng pagkakataong magsanay bilang isang mangangaral para sa kapakanan ng aking buhay paglago, pero ako, na hindi alam kung ano ang nakabubuti para sa akin, ay tumanggi sa aking tungkulin dahil ginusto ko pa rin na matugunan ang sarili kong mga makalamang kasiyahan. Talagang ganap na wala akong konsensiya at katwiran! Naisip ko rin ang aking mga walang-pananampalatayang katrabaho sa destileriya. Hindi nila natanggap ang pagdidilig at panustos ng mga salita ng Diyos, at patuloy silang nagpapakapagod at naghihirap sa trabaho. Dahil dito, hindi lang nila nabigong kamtin ang inaasam nilang buhay, kundi may ilan pa sa kanila ang naparalisa sa kama at pinahirapan ng mga karamdamang bumalot sa kanilang katawan. Ang mga aral na ito mula sa mga dating kasawian ng iba ay mga babala at paalala sa akin! Kung ipinagpatuloy kong magmatigas sa aking sutil na kamangmangan, nag-aararo habang lumilingon, mapalalampas ko ang isa-sa-isang-milenyong pagkakataon ng pagliligtas ng Diyos sa mga tao sa mga huling araw. Kapag dumating ang malalaking sakuna, malulugmok ako sa kadiliman kasama ang mga hindi mananampalataya, tumatangis at nagngangalit ang aking mga ngipin. Sa panahong ito, kapag nahaharap ako sa mga paghihirap sa paggawa ng aking tungkulin, nananalangin ako para mahanap ang katotohanan, at nakausad nang kaunti ang aking buhay, at naunawaan ko ang ilang katotohanan. Ito ay mga pakinabang na hindi ko pa kailanman naranasan noon. Nang maisip ko ito, tinanggap ko ang tungkulin ng isang mangangaral.

Pagkatapos kong maging isang mangangaral, lalo pa akong naging abala. Pagkaraan ng ilang panahon, dumating muli ang panahon ng kasagsagan ng produksiyon. Madalas na magkasabay ang oras ng mga pagtitipon sa oras ng trabaho, at lalong humirap nang humirap para sa akin na humingi ng pahintulot para lumiban. Minsan, may pagkainis na sinabi sa akin ng direktor: “Kung araw-araw ka na lang hihingi ng pahintulot para lumiban, mabuti pang magbitiw ka na lang!” Nang marinig kong sinabi ito ng direktor, nakaramdam ako ng pagpigil sa aking puso at nagsimula akong mag-alinlangan: “Kung gusto kong gawin nang maayos ang tungkulin ko, kailangan kong magbitiw. Pero medyo nagdadalawang-isip pa rin akong pakawalan ang matatag na trabahong ito. Naging regular na empleyado lang ako ng kumpanyang pag-aari ng estadong ito matapos dumaan sa matinding paghihirap. Kung imumungkahi kong magbitiw ako ngayon, hinding-hindi papayag ang aking pamilya anuman ang mangyari. Sa susunod na dalawang taon, kakailanganin ng aking anak na bumili ng bahay at mag-asawa: Maraming paparating na mga gastusin! Kung talagang magbibitiw ako, kakailanganin kong mamuhay sa hirap mula ngayon. Pag matanda na ako, kakailanganin kong maghirap para matustusan maging ang mga pang-araw-araw na gastusin.” Habang nag-aalinlangan ako, maraming beses akong nanalangin sa Diyos para maghanap ng kasagutan. Naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid: sapagkat ang mga ito’y hindi naghahasik, ni umaani, ni nagtitipon man sa mga kamalig; ngunit ang mga ito’y pinakakain ng inyong Ama sa langit. Hindi ba lalong higit ang halaga ninyo kaysa sa mga ito?(Mateo 6:26). Naisip ko rin ang mga salita ng Diyos: “Panatilihin mong nasa gawain ng iglesia ang iyong pag-iisip. Isantabi mo ang mga inaasam ng iyong sariling laman, maging desidido ka tungkol sa mga usaping pampamilya, buong-puso mong ialay ang iyong sarili sa gawain ng Diyos, at unahin mo ang gawain ng Diyos at ipangalawa ang iyong sariling buhay. Ito ang kagandahang-asal ng isang banal(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). Binigyan ng Diyos ang mga ibon sa himpapawid ng mga kaparaanan manatili silang buhay. Hindi nila kailangang gumugol ng buong araw sa kakakilos para lang umiral: Makakapanatili silang buhay nang hindi nagpapakapagod buong taon. Pagkatapos ay naisip ko ang tungkol sa aking sarili: Ang halaga ng perang gagastusin ng anak ko sa pagpapakasal, at kung magpapakahirap ba ako para sa pagkain at pananamit sa aking katandaan, lahat ng ito ay nakapaloob sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ano ang silbi ng masyadong pag-aalala tungkol sa hinaharap? Naalala ko noong pinangunahan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Ehipto, wala silang makain pagdating nila sa ilang. Pinagkalooban sila ng Diyos ng manna at pugo para makakain sila hanggang sa mabusog. May ilang tao, sa takot na magugutom sila sa hinaharap, ang palihim na nagtago ng kaunting manna para makain sa ibang araw. Pero kinabukasan, nabulok na ang manna. Samantalang iyong mga taos-pusong sumunod sa mga salita ng Diyos, at sumunod sa Kanya saan man Niya sila dalhin, ay inakay sa huli ng Diyos patungo sa lupaing pangako ng Canaan. Ngayon, hindi naman talaga ako nagkukulang sa mga pangunahing pangangailangan: Dapat ay makuntento ako sa pagkakaroon lang ng pagkain at pananamit. Gayumpaman, palagi akong nag-aalala na hindi ako makahahanap ng paraan para matustusan ang aking kabuhayan sa hinaharap; masyadong maliit ang pananalig ko sa Diyos. Ngayon, sabik ang Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay ang pinakamataas na priyoridad. Hindi lang natin dapat akayin sa harapan ng Diyos ang mas marami pang tao na mapait na nahihirapan sa kadiliman, kinakailangan din nating diligan ang mga baguhan sa oras para makapag-ugat sila sa tunay na pamamaraan. Dapat kong unahin ang aking tungkulin at ilaan ang buo kong puso sa aking tungkulin. Ito lang ang naaayon sa layunin ng Diyos. Kaya taimtim akong nanalangin sa Diyos sa usapin ng pagbibitiw sa aking trabaho. Naisip ko na kung magbibitiw ako nang kusa, tiyak na hindi papayag ang aking pamilya, at tiyak na mariin silang tututol at hahadlang sa akin sa paggawa ng aking tungkulin. Sakto namang nakararanas ako noon ng pananakit sa aking lumbar vertebrae, kaya ginamit ko itong dahilan para humingi ng pahintulot para sa isang pangmatagalang pagliban. Pagkatapos noon, hindi na talaga ako pumasok sa trabaho at nailalaan ko na ang buo kong oras sa aking tungkulin.

Paglaon, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Bilang isang normal na tao, na naghahangad na mahalin ang Diyos, ang pagpasok sa kaharian upang maging isa sa mga tao ng Diyos ang iyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi naniniwala sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan. Ang grupong ito lamang ng mga tao, na pinili ng Diyos, ang magagawang isabuhay ang isang buhay na pinakamakabuluhan: Walang sino pa man sa lupa ang magagawang isabuhay ang isang buhay na may gayong halaga at kahulugan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). Ngayon, pinagpala ako ng Diyos sa pamamagitan ng pagdadala Niya sa akin sa harapan Niya. Mapalad ako dahil narinig ang mga pagbigkas at salita ng Lumikha, naunawaan ang ilang katotohanan, nakilatis ang ilang bagay, nagkamit ng kaunting pagkilatis sa pinsala at kahihinatnan ng paghahangad sa pera, nagawang iwan ang mga araw ng kahungkagan at pasakit, ng paghahabol sa pera, natupad ang tungkulin ng isang nilikha, at tumahak sa tamang landas sa buhay. Ang lahat ng ito ay pagliligtas ng Diyos sa akin. Bagaman mas kaunti ang mga materyal na kasiyahan ko, ang aking puso ay nakararamdam ng kapanatagan, kalinawan, at nabigyang-liwanag. Sa pangangaral ng ebanghelyo, naranasan ko na ang pagdadala ng mas maraming mananampalataya sa harapan ng Diyos para magkamit ng Kanyang pagliligtas ay ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang bagay sa lahat.

Pagkatapos nito, ipinagkatiwala ko ang kabuhayan ko sa hinaharap sa mga kamay ng Diyos, at tumigil ako sa aking pagpaplano at mga kalkulasyon. Ang puso ko ay hindi na napipigilan ng gayong mga bagay, at nagawa kong patahimikin ang aking puso at gumawa ng aking tungkulin. Sa panahong ito, sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang maraming katotohanan, at naunawaan ko ang sarili kong satanikong kalikasan, at ang aking mga tiwaling disposisyon ay unti-unting nagbabago. Binigyan ako nito ng mas malaking pananalig para sumunod sa Diyos. Ang hindi ko inaasahan ay noong 2015, halos isang dekada matapos kong iwan ang destileriya, nagbayad ang destileriya ng subsidiya sa mga dating empleyado na umabot sa 60,000 yuan. Ang ibang empleyado ay gumastos nang maraming pera sa mga regalo at libangan, at nagpakapagod para makuha ito, pero natanggap ko ito nang hindi gumagastos ni isang kusing. Ipinakita nito sa akin nang mas malinaw na ang Diyos ay ang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng ito, at hindi ito isang bagay na maaaring pagplanuhan ng mga tao para sa sarili nila. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  24. Mga Pagninilay-nilay Tungkol sa Pagpapasasa sa Kaginhawahan

Sumunod:  26. Mga Pagninilay sa Paghahangad ng Katayuan

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger