27. Ang Pagkakatuklas na may Isang Taong Nagkanulo sa Diyos Matapos Mahuli at Pahirapan
Isang araw noong katapusan ng 2022, nalaman ko na ipinagkanulo ng lider ng iglesia na si Lin Hui ang Diyos matapos siyang maaresto, naging isang Hudas. Sa interogasyon, tinakot ng pulisya si Lin Hui para ibunyag ang impormasyon tungkol sa pananalapi ng iglesia at sa mga kapatid. Sinabi nila na kung hindi siya aamin, makukulong siya, at ginamit nila ang kinabukasan ng anak niyang babae para pilitin siya. Sa takot na magdusa sa kulungan at sa pag-aalalang mawawalan ng kinabusan ang kanyang anak, naging kasabwat siya ng CCP. Pinangunahan niya ang mga pulis sa pagtukoy sa isang tahanan kung saan nakatago ang mga aklat ng mga salita ng Diyos, at tinulungan pa nga silang i-brainwash ang mga naarestong kapatid. Nang makita kong nailantad si Lin Hui bilang isang Hudas at napatalsik sa iglesia, napaisip ako nang malalim, “Maraming taon nang ginagawa ni Lin Hui ang tungkulin niya bilang isang lider. Ang pakikipagbahaginan niya sa mga kapatid ay karaniwang napakalinaw. Sa lohikal na pagsasalita, ang isang taong masigasig na naghahangad tulad niya ay dapat na may kaunting tayog. Paano siya naging isang Hudas matapos maaresto? Maging si Lin Hui, na naghangad nang ganito, ay hindi nakapanindigan sa kanyang patotoo. Hindi pa ako naging isang lider at hindi ko pa nauunawaan ang maraming katotohanan; paano kung maaresto ako isang araw? Kung sesentensiyahan ako ng mga pulis o gagamitin ang kinabukasan ng pamilya ko para takutin ako, makakapanindigan ba ako sa aking patotoo? Kung hindi ako makakapanindigan at magiging isang Hudas ako, masusumpa ako panghabambuhay! Hindi ba’t ibig sabihin niyon na walang magandang kinabukasan o destinasyon? Paano ako maliligtas at makapapasok sa kaharian?” Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nasisiraan ng loob, at nawalan ako ng gana sa paggawa ng aking tungkulin. Tuwing nababalitaan kong may mga kapatid sa ibang iglesia na naaresto, sobra akong natatakot, palaging nag-aalala na baka maaresto rin ako ng mga pulis at hindi makapanindigan balang araw. Noong panahong iyon, may ilang sister na responsable sa gawain ng pag-aalis na nasa masamang kalagayan at kailangan ng pakikipagbahaginan para malutas ang kanilang mga isyu. Nag-iskedyul ako ng oras at lugar para isang pagpupulong kasama sila. Maya-maya, matapos mabalitaan na may mga panganib sa seguridad sa lugar na iyon, ayaw ko nang pumunta. “Paano kung maaresto ako?” Kalaunan, nakipagbahaginan sa akin ang isang sister, at sa huli, pumunta ako at hindi ipinagpaliban ang mga bagay-bagay.
Pagkatapos nito, hinanap ko kung paano ko dapat unawain ang pagkakanulo ni Lin Hui sa Diyos matapos siyang maaresto. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng panlulupig, ang tao ay isasailalim sa pagpipino at kapighatian. Yaong mga makakapagtagumpay at nakakapanindigan sa kanilang patotoo sa panahon nitong kapighatian ay yaong mga gagawing ganap sa kahuli-hulihan; sila ang mga mananagumpay. Sa panahon nitong kapighatian, kinakailangan sa tao na tanggapin ang pagpipinong ito, at ang pagpipinong ito ang huling pagkakataon sa gawain ng Diyos. Ito ang huling panahon na pipinuhin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tanggapin itong huling pagsubok, kailangan nilang tanggapin itong huling pagpipino. Yaong mga lugmok sa kapighatian ay walang gawain ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos, ngunit yaong mga tunay na nalupig na at tunay na naghahangad sa Diyos ay makakatayong matatag sa kahuli-hulihan; sila yaong mga may angking pagkatao, at siyang mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Kahit na ano ang ginagawa ng Diyos, ang mga matagumpay na ito ay hindi mawawalan ng mga pangitain at patuloy pa ring magsasagawa ng katotohanan nang hindi nabibigo sa kanilang patotoo. Sila yaong mga makalalampas sa matinding kapighatian sa wakas. Bagaman yaong mga naglalagay ng kanilang mga sarili sa mapanganib na sitwasyon para mabuhay ay maaari pa ring magpatuloy ngayon, walang makatatakas sa pangwakas na kapighatian, at walang makatatakas mula sa pangwakas na pagsubok. Para sa mga nagtatagumpay, ang ganoong kapighatian ay isang matinding pagpipino; ngunit para sa mga nangingisda sa maligalig na tubig, ito ang gawain ng lubos na pagtitiwalag. Kahit paano man sila sinusubukan, ang katapatan ng mga taong nasa puso nila ang Diyos ay nananatiling hindi nagbabago; ngunit para sa mga taong walang Diyos sa kanilang puso, sa sandaling ang gawain ng Diyos ay hindi kapaki-pakinabang sa kanilang laman, binabago nila ang kanilang pananaw tungkol sa Diyos, at nililisan pa ang Diyos. Ganoon ang mga hindi maninindigan sa katapusan, na naghahanap lamang ng mga pagpapala ng Diyos at walang pagnanais na gumugol ng kanilang mga sarili para sa Diyos at ialay ang kanilang mga sarili sa Kanya. Ang gayong mga mababang-uri na tao ay patatalsikin lahat kapag natapos na ang gawain ng Diyos, at hindi sila karapat-dapat sa kahit na anong awa. Yaong mga walang pagkatao ay walang kakayahang mahalin ang Diyos nang tunay. Kapag ang paligid ay tiwasay at ligtas, o may pakinabang na matatamo, sila ay lubusang masunurin sa Diyos, ngunit sa sandaling ang kanilang ninanais ay nalagay sa alanganin o hindi nila nakuha, agad silang naghihimagsik. Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at ‘mabait’ na tao tungo sa isang pangit-tingnan at mabangis na mamamatay-tao, biglang itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagbigay ng tulong kahapon, nang walang katwiran o kadahilanan. Kung ang mga demonyong ito ay hindi napalayas, ang mga demonyong ito na papatay nang walang kurap, hindi ba sila magiging tagong panganib? Ang gawain ng pagliligtas sa tao ay hindi nakakamit pagkatapos ng kaganapan ng gawaing panlulupig. Kahit natapos na ang gawain ng panlulupig, ang gawain ng pagdadalisay sa tao ay hindi pa natapos; ang gayong gawain ay matatapos lamang sa sandaling ang tao ay lubusang nagawa nang dalisay, sa sandaling yaong mga tunay na nagpapasakop sa Diyos ay nagawa nang ganap, at sa sandaling yaong mga mapagpanggap na walang Diyos sa kanilang mga puso ay napaalis na. Yaong mga hindi nakalulugod sa Diyos sa huling yugto ng Kanyang gawain ay lubusang ititiwalag, at yaong mga itinitiwalag ay pag-aari ng mga diyablo. Dahil hindi nila kayang paluguran ang Diyos, sila ay suwail sa Diyos, at kahit na sumusunod ang mga taong ito sa Diyos ngayon, ito ay hindi nagpapatunay na sila ang mga mananatili sa wakas. Sa mga salitang ‘yaong mga sumunod sa Diyos hanggang sa katapusan ay tatanggap ng kaligtasan,’ ang kahulugan ng ‘sumunod’ ay tumayo nang matatag sa kabila ng kapighatian. Ngayon, marami ang naniniwala na madali ang sumunod sa Diyos, ngunit kapag ang gawain ng Diyos ay malapit nang matapos, malalaman mo ang tunay na kahulugan ng ‘sumunod.’ Hindi dahil kaya mo pang sumunod sa Diyos ngayon matapos lupigin, ito ay hindi nagpapatunay na isa ka sa mga gagawing perpekto. Yaong mga hindi kinakayang pagtiisan ang mga pagsubok, silang mga hindi kayang maging matagumpay sa gitna ng kapighatian ay hindi makakayang tumayo nang matatag sa kahuli-hulihan, kaya’t hindi makakayang sumunod sa Diyos hanggang sa katapus-katapusan. Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan na nasusubok ang kanilang gawain, samantalang yaong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang mga pagsubok ng Diyos. Hindi magtatagal, sila ay mapatatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian. Kung ang tao ay tunay na naghahanap sa Diyos o hindi ay nalalaman sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang gawain, iyon ay, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa mismong nagiging kongklusyon ng tao. Hindi tinatanggihan ng Diyos ang sinumang nang basta-basta; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakahikayat sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makahihikayat sa tao. Kung ang paniniwala ng tao ay tunay o hindi, ay napapatotohanan ng mga katunayan at hindi magagawan ng kongklusyon ng tao. Walang duda na ang ‘trigo ay hindi magagawang mapanirang damo, at ang mapanirang damo ay hindi magagawang trigo.’ Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay mananatili sa kaharian sa kahuli-hulihan, at hindi tatratuhin nang hindi maganda ng Diyos ang sinumang tunay na nagmamahal sa Kanya” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghihiwalay ng lahat ayon sa kanilang uri. Ang mga damo at trigo, ang mabubuting alipin at masasamang alipin, ang mga tupa at mga kambing ay mabubunyag lang sa pamamagitan ng mga pagsubok at kapighatian. May kabuluhan sa pagpapahintulot ng Diyos na dumaan tayo sa pag-uusig at kapighatian. Para sa mga taos-pusong nananampalataya sa Diyos, ito ay pagpeperpekto; para sa mga naghahanap ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pananamantala at pagpapabasta-basta, ito ay isang pagbubunyag at pagtitiwalag. Ang mga tunay na gusto ang Diyos ay hindi Siya ipagkakaila o ipagkakanulo anumang uri ng pag-uusig o kapighatian ang kaharapin nila, at kayang hanapin ang katotohanan at manindigan sa kanilang patotoo. Pero ang mga hindi taos-pusong sumusunod sa Diyos, kahit pa sa panlabas ay kaya nilang mag-abandona at maggugol nang pansamantala, nagbabalatkayo bilang mananampalataya sa sambahayan ng Diyos, kapag ang kapaligirang isinaayos ng Diyos ay naging hindi na paborable sa kanilang laman at ang pagnanais nila para sa mga pagpapala ay nawasak, kaya nilang kaagad na itatwa at ipagkanulo ang Diyos. Ang mga taong kayang magsagawa ng katotohanan at manindigan sa kanilang patotoo sa gitna ng mga pagsubok ay ang mga taong gustong iligtas at maperpekto ng Diyos. Ang mga hindi kayang manindigan sa kanilang patotoo ay ang mga damo na nabubunyag. Napakarunong ng gawain ng Diyos! Naisip ko ang brother sa pelikula ng iglesia na pinamagatang ‘Mga Alaala ng Aking Kabataan’ na 20 taong gulang lang. Dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos, nagdusa siya pagkaaresto at pag-uusig mula sa CCP. Para pilitin siyang itatwa at ipagkanulo ang Diyos, malupit na ibinuhos ng mga pulis ang tasa-tasa ng kumukulong tubig sa kanyang katawan. Pero tiyak ang brother, na ito ang tunay na daan, at hindi niya itinatwa o ipinagkanulo ang Diyos sa kabila ng pagtitiis niya ng iba’t ibang uri ng pagpapahirap. May pelikula ring Ang Apoy ng Tagapagdalisay, kung saan walang kahihiyang hinuburan ng mga pulis ang sister at ginamit ang mga electric baton para kuryentehin siya upang ipagkanulo niya ang Diyos. Tiniis ng sister ang matinding kahihiyan at pagpapahirap. Sa pasakit na dinadanas niya, nanalangin siya sa Diyos, nanumpang mas pipiliin pa niyang mamamatay kaysa magpasakop kay Satanas, hindi itinatatwa ang Diyos, hindi ipinagkakanulo ang Diyos, nagbibigay ng maganda at malakas na patotoo, at ipinapahiya si Satanas. Nakita ko na ang mga kapatid na tunay na nananampalataya sa Diyos ay hindi magtatatwa o magkakanulo sa Diyos anumang panganib o kapighatian ang hinaharap nila. Pero si Lin Hui, na matagal nang naging lider sa iglesia, ay naging isang Hudas at ipinagkanulo ang mga interes ng iglesia matapos maaresto, naging kasabwat at alipores ng malaking pulang dragon para maiwasan ang malupit na pagpapahirap, para matiyak ang kinabukasan ng kanyang anak, at para subukang mailigtas ang sarili niyang buhay. Maraming taon na siyang nanampalataya sa Diyos at madalas nakipagbahaginan sa mga kapatid, pero hindi siya naniniwala na ang mga kapalaran ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Nang dumating ang kritikal na sandali, nagawa niyang itatwa at ipagkanulo ang Diyos. Kaya, hindi ba’t lahat ng pakikipagbahaginan niya sa iba ay puro salita at doktrina lang? Ibinunyag ng mga katunayan na wala talaga siyang katotohanang realidad. Isa lang siyang hindi mananampalataya na pumuslit sa sambahayan ng Diyos, walang saysay na umaasa na magkakamit ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pagsasamantala. Dati, tiningnan ko lang ang kanyang panlabas na pag-uugali. Dahil naging isang lider na siya at magaling magsalita, inisip ko na mayroon siyang katotohanang realidad. Sa pamamagitan ng pagbubunyag ng Diyos, lumago ang aking pagkilatis. Kasabay nito, nakita ko rin ang aking tunay na tayog. Madalas, kapag walang mapapanganib na sitwasyong nangyayari sa akin, iniisip ko pa nga na mayroon akong kaunting pananalig, pero nang nalaman kong may isang taong pinahirapan at ipinagkanulo ang Diyos, nabuhay ako sa takot at kawalan ng lakas ng loob. Hindi ko hinanap ang katotohanan para matutuhan ang mga aral, ni hindi ko inisip kung paano tutuparin ang aking tungkulin. Nakita ko na wala akong anumang katotohanang realidad. Ngayon na ang panahon para subukin ng Diyos ang gawain ng tao. Kailangan kong sangkapan ang sarili ko ng mas maraming katotohanan para makapanindigan ako sa mga pagsubok at kapighatian.
Kalaunan, pinagnilayan ko rin ang tungkol sa ugat ng aking pagiging negatibo. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kaya, alam ba ninyo kung ano ang nakapaloob sa kaibuturan ng puso ng mga tao? (Ang pananalig sa Diyos upang magtamo ng mga pagpapala; isa itong bagay na nakahimlay sa puso ng mga tao.) Tama iyan, Nananampalataya ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t umiiral ito sa puso ng lahat? Isang katunayan na umiiral nga ito. Bagama’t hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at ninanais na magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay hindi matinag-tinag noon pa man. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang kaalaman na batay sa karanasan ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang halagang binabayaran nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagpapakapagod para dito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung mawawala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Sa pagtingin sa sarili ko batay sa mga salita ng Diyos, sa wakas ay napagtanto ko na ang aking pagiging negatibo at kawalan ng motibasyon ay pangunahing inuudyukan ng aking layunin para sa mga pagpapala. Dati, noong kumportable pa ang kapaligiran, masigasig ako sa aking paghahangad at aktibong ginawa ang aking tungkulin. Pero sa pagbabalik-tanaw, pangunahing nagmula ang motibasyon ko sa kaisipang sa paggawa lang ng aking tungkulin nang maayos magkakaroon ako ng magandang kinabukasan at destinasyon. Ngayong nakita ko si Lin Hui na naging isang Hudas at ipinagkanulo ang Diyos, nag-alala ako na kung maaresto ako, magiging katulad ako ni Lin Hui at mabibigong manindigan sa aking patotoo, at pagkatapos ay hindi ako magkakaroon ng isang magandang kakalabasan o destinasyon, kaya nagsimula akong umatras. Kahit nang ginagawa ko ang aking tungkulin, nagpapabasta-basta lang ako, at kung may anumang panganib, mabilis akong tumatakbo pauwi sa bahay para magtago, walang pakialam kung nagawa ko ba nang maayos ang aking tungkulin, basta’t ligtas ako. Ang pananampalataya ko sa Diyos ay para lang sa pagkakamit ng mga pagpapala at isang magandang destinasyon, at ayaw kong harapin ang anumang panganib o kapighatian. Hindi ko hinanap ang katotohanan para matutuhan ang mga aral sa mga sitwasyong isinaayos ng Diyos. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pananampalataya ko sa Diyos at sa iyong mga hindi mananampalataya na nakikisali sa sambahayan ng Diyos at hindi naghahangad ng katotohanan, walang saysay na umaasa sa mga pagpapala? Kung hindi ko hahanapin ang katotohanan para lutasin ang kalagayang ito, tiyak na babagsak ako kapag dumating sa akin ang mga pagsubok. Sa pagkakataong ito, ibinunyag ako ng Diyos sa pamamagitan ng gayong sitwasyon, at ito ang Kanyang pagliligtas sa akin. Nagpasalamat ako sa Diyos mula sa aking puso.
Kalaunan, pinagnilayan ko rin: Bakit nagkaroon ako ng gayong katinding reaksiyon nang makita kong naaresto at naging isang Hudas ang isang lider? Inakala ko na ang lahat ng lider ay mga taong may mabuting pagkaunawa sa katotohanan at may katotohanang realidad, at na kung maaaresto sila, dapat silang makapanindigan sa kanilang patotoo. Pero naaayon ba ang mga pananaw ko sa katotohanan? Habang naghahanap, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag ang isang tao ay nahalal ng mga kapatid na maging lider, o iniangat ng sambahayan ng Diyos para gawin ang isang tiyak na gawain o gampanan ang isang tiyak na tungkulin, hindi ito nangangahulugan na mayroon siyang espesyal na katayuan o posisyon, o na ang mga katotohanang nauunawaan niya ay mas malalim at mas marami kaysa sa ibang mga tao—lalo nang hindi ito nangangahulugan na ang taong ito ay kayang magpasakop sa Diyos, at hindi Siya ipagkakanulo. Tiyak na hindi rin ito nangangahulugan na kilala niya ang Diyos, at isa siyang taong may takot sa Diyos. Sa katunayan, hindi niya natamo ang anuman dito. Ang pag-aangat at paglilinang ay pag-aangat at paglilinang lamang sa prangkang salita, at hindi katumbas nito na pauna na siyang itinalaga at sinang-ayunan ng Diyos. Ang pag-aangat at paglilinang sa kanya ay nangangahulugan lamang na iniangat na siya, at naghihintay na malinang. At ang huling kalalabasan ng paglilinang na ito ay depende sa kung hinahangad ng taong ito ang katotohanan, at kung kaya niyang piliin ang landas ng paghahangad ng katotohanan” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (5)). “Ang panghawakan ang mga salita ng Diyos at magawang ipaliwanag ang mga ito nang hindi nahihiya ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang realidad; ang mga bagay ay hindi kasing-simple ng iyong iniisip. Kung nagtataglay ka ng realidad ay hindi nababatay sa kung ano ang iyong sinasabi; sa halip, nababatay ito sa iyong isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagpapahayag mo ang mga salita ng Diyos, saka lamang masasabi na taglay mo ang realidad, at saka ka lamang maituturing na nagkamit ng tunay na pagkaunawa at aktuwal na tayog. Kailangan mong matagalan ang mga pagsubok sa loob ng mahabang panahon, at kailangan mong maisabuhay ang wangis na hinihingi ng Diyos. Hindi ito dapat maging pakitang-tao lamang; kailangan itong likas na dumaloy mula sa iyo. Saka ka lamang tunay na magtataglay ng realidad, at saka ka lamang magkakamit ng buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan ang Pagtataglay ng Realidad). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na iniaangat at nililinang ng sambahayan ng Diyos ang mga tao ayon sa mga pangangailangan ng gawain ng iglesia. Ang ilang nagtataglay ng kakayahan at mga paunang kinakailangan para maging mga lider o manggagawa ay nahahalal bilang mga lider o manggagawa o iniaangat para gawin ang partikular na gawain. Ito ay para mabigyan sila ng pagkakataong magsanay. Gayumpaman, hindi ibig sabihin nito na nagtataglay sila ng mga katotohanang realidad, ni hindi ibig sabihin nito na mas mataas ang tayog nila kaysa sa mga kapatid. Magkakaiba lang talaga ang mga tungkuling ginagawa at papel na ginagampanan nila. Sa pagtingin sa sarili ko batay sa mga salita ng Diyos, nakita ko na mali ang perspektiba ko sa mga lider at manggagawa. Halimbawa, nang nakita kong inaaresto si Lin Hui, inakala kong dahil sa isa siyang lider at napakalinaw ng kanyang pagbabahagi, tiyak na hinahangad niya ang katotohanan at may mga katotohanang realidad siya, at kung maaaresto siya, dapat na makapapanindigan siya sa kanyang patotoo. Nang nakita ko na naging isang ganap na Hudas siya, hindi ko ito maunawaan. Nag-alala pa nga ako na dahil hindi ako naging isang lider o manggagawa, hindi ako makapaninindigan kung maaaresto ako. Naunawaan ko na ngayon na ang pagkakaroon ng isang tao ng mga katotohanang realidad ay hindi natutukoy sa kung anong tungkulin ang nagawa nila o gaano karaming doktrina ang kaya nilang sabihin, kundi pangunahing nakabatay sa kung makapagsasagawa sila ng katotohanan kapag nahaharap sa mga usapin. Naisip ko ang isang matandang sister sa iglesia na responsable sa pag-iingat ng mga handog. Nang dinala ng isang Hudas ang mga pulis sa bahay niya para maghalughog at pinagbinantaan siya ng mga pulis at sinubukang pilitin na ibigay sa kanila ang mga handog, hindi natakot ang sister sa masasamang puwersa ni Satanas, at itinaya niya ang kanyang buhay para protektahan ang mga handog, umaasa sa Diyos para matalinong makasagot sa mga pulis, at pagkaalis ng mga pulis, kaagad niyang inilipat ang mga handog sa ligtas na lugar. Sa mata ng mga tao, ang nakatatandang sister ay hindi naging lider at hindi kayang makipagbahaginan o magbigay ng mga sermon, pero nang naharap sa mga usapin, kaya niyang isantabi ang sarili niyang kaligtasan para protektahan ang mga handog at pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang gayong tao ay nagbigay ng patotoo.
Isang dahilan sa kabiguan ni Lin Hui ay ang takot niyang magdusa sa kulungan. Ang isa pang dahilan ay nang ginamit ng malaking pulang dragon ang kinabukasan ng anak niyang babae para takutin siya, hindi siya naniniwalang ang kapalaran ng mga tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Sa pag-iisip sa aking katulad na katayuan, tiningnan ko ang mga salita ng Diyos kaugnay sa aspektong ito ng kalagayan. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating nagmamadali at nag-aabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong mga sariling kinabukasan, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, isa ka pa rin bang nilikha? … Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya paano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang Diyos ay ang Lumikha, ang tao ay isang nilikha, at ang kapalaran ng mga tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Kung ano ang kapalaran ng isang tao ay matagal nang inorden at isinaayos ng Diyos. Kahit pa magplano at magpakana ang mga tao para sa sarili nila, hindi nila kayang kontrolin ang kanilang kapalaran. Ang pag-aalala ko na gagamitin ng mga puwersa ng pulisya ng CCP ang kinabukasan ng aking pamilya para takutin ako ay pangunahing nagmula sa kawalan ko ng tunay na pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Naunawaan ko na kung maaaresto at makukulong talaga ako balang araw, kung madadamay ba o hindi ang pamilya ko ay nasa mga kamay lahat ng Diyos. Ako ay isang nilikha, at hindi ko kayang kontrolin ang sarili kong kapalaran, pero nag-aalala ako tungkol sa kinabukasan ng aking pamilya. Napakahangal ko! Bago pa man maaresto, nag-aalala na ako na mabunyag bilang isang Hudas, kaya’t sinubukan kong iligtas ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtatago sa bahay, hindi man lang ginagawa ang mga tungkuling dapat kong ginagawa, at ganap na walang katapatan sa aking tungkulin. Sa panlabas, hindi ko direktang ipinagkanulo ang Diyos tulad ng ginawa ni Lin Hui bilang isang Hudas, pero sa hindi paggawa nang maayos sa aking tungkulin, hindi ba’t nahulog na ako sa pakana ni Satanas at nawala ang aking patotoo? Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, Si Lin Hui ay nabunyag bilang isang Hudas. Nagbunyag na ako ng maraming maling pananaw at ako ay naging duwag at matatakutin, pero sa pamamagitan ng pagbubunyag na ito, malinaw kong nakita ang aking tunay na tayog at nakita ko kung gaano kaliit ang aking pananalig. O Diyos, pakiusap, gabayan Mo ako para manindigan sa aking patotoo sa mga susunod na pagganap ko ng tungkulin.” Pagkatapos, naisip ko ang mga sister na responsable sa gawain ng pag-aalis na nasa hindi mabuting kalagayan, at naisip ko na may mga gawain pa na kinakailangang talakayin kasama nila. Kaya’t nagsaayos ako ng oras para makipagkita sa kanila, at ang aming pagtitipon ay nagbunga ng kaunting resulta.
Sa pagkakataong ito, ang pagbubunyag ng isang Hudas ay nagbigay-daan para makilala ko ang aking tunay na tayog at para makita kung gaano katindi ang pagnanais ko para sa mga pagpapala. Nagkamit din ako ng kaunting pag-unawa sa aking makasarili at kasuklam-suklam na satanikong disposisyon. Kasabay nito, naipakita rin nito sa akin nang mas malinaw na ang pananampalataya sa Diyos para magkamit ng katotohanan sa isang bansang pinamumunuan ng CCP ay hindi isang madaling bagay. Kailangan talagang itaya ng tao ang sarili niyang buhay! Bagaman mababa pa ang aking tayog, handa akong magpasakop at maranasan ang mga salita at gawain ng Diyos sa ganitong uri ng kapaligiran. Salamat sa Diyos!