28. Mababago Ba ng mga Magulang ang Kapalaran ng Kanilang mga Anak?

Ni Zheng Qi, Tsina

Matapos kong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na sa pamamagitan lang ng pananampalataya at pagsamba sa Diyos magkakaroon ng magandang kapalaran at hantungan ang sangkatauhan. Naunawaan ko rin na sa madilim at masamang mundong ito, ang pananalig sa Diyos ang tanging tamang landas sa buhay. Noong panahong iyon, nasa middle school ang anak ko, at madalas ko siyang kausapin tungkol sa pananampalataya sa Diyos, sinasabi ko sa kanya na nilikha ng Diyos ang mga tao kaya dapat lang na manampalataya at sumamba sila sa Kanya. Sa puso ko, umaasa akong mananampalataya sa Diyos ang anak ko kasama ko. Sa ganoong paraan, matatanggap niya ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, at magkakaroon siya ng magandang hantungan. Hindi nagtagal pagkatapos kong manalig sa Diyos, nagsimula akong gumawa ng tungkulin sa iglesia. Pero dahil inaaresto at inuusig ng CCP ang mga Kristiyano, at nagkakalat pa ito ng mga walang batayang tsismis kung saan-saan, sinimulan akong hadlangan at usigin ng asawa ko, sa takot na baka maaresto ako dahil sa aking pananalig at madamay rin ang pamilya ko, at madalas siyang makipagtalo sa akin. Pero suportadung-suportado ng anak ko ang pananalig ko, at madalas niyang sinusubukang hikayatin ang tatay niya na huwag akong hadlangan. Sa tuwing umuuwi ang anak ko kapag weekend, tuwing may oras ako, kinukuwentuhan ko siya ng mga istorya mula sa Bibliya at nagbabasa kami ng mga salita ng Diyos. Minsan, kapag nakikita ko siyang nanonood ng TV at hindi aktibong nagbabasa ng mga salita ng Diyos, nababalisa ako, at paulit-ulit kong hinihiling sa kanya na magbasa ng mga salita ng Diyos kasama ko. Pasalita siyang sumasang-ayon, pero hindi naman gumagalaw sa kinauupuan niya, kaya nagagalit ako, at kung minsan ay napapagalitan ko siya. Kapag nakikita niyang galit na ako, dali-dali siyang lalapit para magbasa ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos. Halata ko namang wala sa loob niya ang ginagawa niya kasama ko, pero sa isip ko, kahit papaano, mas mabuti na iyon kaysa sa hindi talaga siya nagbabasa ng mga salita ng Diyos. Nang mag-high school ang anak ko, nagsimula akong gumawa ng tungkulin sa isang kalapit na iglesia, at tuwing weekend, sinisikap kong umuwi para makausap siya tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Kalaunan, nagkolehiyo na ang anak ko, at ibinili ko siya ng MP5 player para madala niya sa eskuwela at magkaroon siya ng oras na basahin ang mga salita ng Diyos. Noong tumagal-tagal, tinatawagan ko siya para paalalahanan, sinasabihan siyang “uminom ng bitamina,” na ipinapahiwatig na dapat siyang magbasa pa ng mga salita ng Diyos. Kapag umuuwi ang anak ko para magbakasyon, ang una kong tanong agad sa kanya ay, “Nagbabasa ka ba ng mga salita ng Diyos sa eskuwela?” Kapag sinasabi niyang binabasa niya ang mga ito kapag may oras siya, nakakahinga ako nang maluwag.

Noong tagsibol ng 2011, may nagsumbong sa mga awtoridad tungkol sa pananalig ko, kaya para maiwasan ang pag-aresto ng CCP, kinailangan kong umalis ng bahay para gawin ang aking mga tungkulin. Noong panahong iyon, nasa ikalawang taon sa kolehiyo ang anak ko sa malayong lugar, at naglalakbay ako nang dose-dosenang milya para lang gumamit ng pampublikong telepono para tawagan siya, at paalalahanan siya, “Huwag mong kalimutang ‘uminom ng iyong mga bitamina.’” Kapag naririnig kong nangangako siyang gagawin niya iyon, gumagaan ang loob ko. Palagi akong umaasa na pagkatapos niyang magtapos, sasamahan niya ako sa pananampalataya sa Diyos, at madalas akong nagdarasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na antigin ang puso ng anak ko at gabayan siyang manampalataya sa Diyos. Pero salungat sa mga gusto ko ang nangyari. Noong taglagas ng 2013, pumasok ang anak ko sa isang akademyang pangmilitar pagkatapos niyang magtapos. Doon na ako nabalisa, “Ang CCP ay isang ateistang partido, at hindi nito pinapayagan ang mga tauhan ng militar na magkaroon ng pananalig. Pagpasok sa akademya, hindi lang pagbabawalan ang anak ko na magbasa ng mga salita ng Diyos, kundi araw-araw rin siyang ibe-brainwash ng CCP, at itatanim sa isip niya ang mga ideyang ateista. Kung magpapatuloy ito, tiyak na mapapalayo siya nang mapapalayo sa Diyos. Magagawa pa kaya niyang manampalataya sa Diyos? Noong mga nakaraang taon, palagi kong inaasahan na mananampalataya ang anak ko sa Diyos at magkakaroon ng magandang hantungan, pero ngayon, ang pangarap kong iyon ay tuluyan nang gumuho.” Kapag naiisip kong pumunta ang anak ko sa impiyernong lugar na iyon, hindi ako makakain o makatulog, at hindi ko mapigilang umiyak. Naalala ko noong high school siya, umuuwi siya tuwing ikalawang linggo, at madalas, hindi ako makauwi sa tamang oras dahil sa mga tungkulin ko. Kalaunan, nang umalis ako ng bahay para gawin ang mga tungkulin ko, wala na akong oras para makipagbahaginan sa kanya. Naisip ko na kung sa aming lugar lang ako gumawa ng tungkulin, sana ay mas marami kaming nabasang mga salita ng Diyos at mas nagabayan ko siya, at baka hindi siya naligaw ng landas. Kapag naiisip ko ito, pakiramdam ko ay hindi ko nagampanan ang mga responsabilidad ko bilang isang ina, at pakiramdam ko ay may pagkakautang ako sa anak ko. At higit pa rito, nag-aalala ako tungkol sa kanyang kinabukasan at kapalaran. Kalaunan, marami akong nakita na kabataang kapatid sa iglesia na halos ka-edad ng anak ko, at nakita ko silang nananampalataya sa Diyos at tumatahak sa tamang landas, habang ang anak ko naman ay hinahangad ang mundo. Palagi akong nakakaramdam ng panghihinayang tungkol sa kanya, nagsisisi na hindi ako nagsikap nang higit pa para sa kanya, at na hindi ako nakapagbasa ng mas maraming salita ng Diyos kasama siya. Kapag hindi ako abala sa aking mga tungkulin, naiisip ko siya at napupuno ako ng paninisi sa sarili at kalungkutan.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, at medyo nabitiwan ko ang ilang alalahanin ko tungkol sa anak ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Maliban sa pagsisilang at pagpapalaki ng anak, ang responsabilidad ng mga magulang sa buhay ng mga anak nila ay ang panlabas lang na bigyan sila ng isang kapaligiran na kalalakihan nila, at iyon na iyon, sapagkat walang makaiimpluwensiya sa kapalaran ng tao maliban sa itinadhana ng Lumikha. Walang sinuman ang makakakontrol sa uri ng magiging kinabukasan ng isang tao; ito ay matagal nang naitakda, at kahit pa ang sariling mga magulang ay hindi mababago ang kapalaran ng isang tao. Kaugnay naman sa kapalaran, kanya-kanya ang bawat isa, at bawat isa ay may sariling kapalaran. Kaya, walang magulang ang makahahadlang sa kapalaran sa buhay ng isang tao ni kaunti o maka-uudyok sa kanya kahit kaunti pagdating sa papel na ginagampanan niya sa buhay(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Mali ang sabihin na, ‘Ang pagkabigo ng mga anak na sumunod sa tamang landas ay may kinalaman sa kanilang mga magulang.’ Sinuman ito, kung siya ay isang partikular na uri ng tao, tatahak siya sa isang partikular na landas. Hindi ba’t natitiyak ito? (Oo.) Ang landas na tinatahak ng isang tao ay tumutukoy sa kung ano siya. Ang landas na tinatahak niya at kung magiging anong uri siya ng tao ay nakasalalay sa kanya. Ito ay mga bagay na pauna nang itinakda, likas, at may kinalaman sa kalikasan ng tao. Kaya, ano nga ba ang silbi ng mga turo ng magulang? Kaya ba nitong pamahalaan ang kalikasan ng isang tao? (Hindi.) Hindi kayang pamahalaan ng mga turo ng magulang ang kalikasan ng tao at hindi nito kayang lutasin ang problema sa kung anong landas ang tatahakin ng isang tao. Ano ang tanging maituturo ng mga magulang? Ang ilang simpleng pag-uugali sa pang-araw-araw na buhay ng kanilang mga anak, ilang medyo paimbabaw na kaisipan at mga tuntunin ng sariling asal—ito ang mga bagay na may kinalaman sa mga magulang. Bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, dapat tuparin ng mga magulang ang kanilang responsabilidad, na turuan ang kanilang mga anak na sumunod sa tamang landas, mag-aral nang mabuti, at magsumikap na maging mas magaling kaysa sa iba paglaki nila, na huwag gumawa ng masasamang bagay o maging masamang tao. Kailangan ding pangasiwaan ng mga magulang ang pag-uugali ng kanilang mga anak, turuan ang mga ito na maging magalang at bumati sa mga nakatatanda sa tuwing nakikita ang mga ito, at turuan ang kanilang mga anak ng iba pang mga bagay na may kaugnayan sa pag-uugali—ito ang responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang. Ang pag-aalaga sa buhay ng kanilang anak at pagtuturo sa kanila ng ilang pangunahing tuntunin ng sariling asal—iyan ang saklaw ng impluwensiya ng magulang. Tungkol naman sa personalidad ng kanilang anak, hindi ito maituturo ng mga magulang. Ang ilang magulang ay mahinahon lang at ginagawa nila ang lahat nang hindi nagmamadali, samantalang ang kanilang mga anak ay lubos na walang pasensiya at hindi mapirmi sa kinaroroonan ng mga ito kahit sandali man lang. Lumalayo sila nang sila-sila lang para maghanapbuhay pagdating ng 14 o 15 taong gulang nila, gumagawa sila ng kanilang sariling mga desisyon sa lahat ng bagay, hindi nila kailangan ang kanilang mga magulang, at kayang-kaya nilang magsarili. Itinuturo ba ito ng kanilang mga magulang? Hindi. Kaya, ang personalidad, disposisyon, at maging ang diwa ng isang tao, pati na ang landas na kanyang pipiliin sa hinaharap, ay walang kinalaman sa kanyang mga magulang. … May problema sa ekspresyon na ‘Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang.’ Bagaman may responsabilidad ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak, ang tadhana ng isang anak ay hindi naitatakda ng kanyang mga magulang, kundi ng kalikasan ng isang anak. Malulutas ba ng edukasyon ang problema sa kalikasan ng isang anak? Talagang hindi nito malulutas iyon. Ang landas na tinatahak ng isang tao sa buhay ay hindi naitatakda ng kanyang mga magulang, kundi ito ay pauna nang itinakda ng Diyos. Sinasabi na ‘Ang kapalaran ng tao ay itinakda ng Langit,’ at ang kasabihang ito ay ibinuod ng karanasan ng tao. Bago umabot sa hustong gulang ang isang tao, hindi mo malalaman kung anong landas ang kanyang tatahakin. Kapag nasa hustong gulang na siya, at may sariling mga kaisipan at kakayahang magnilay-nilay sa mga problema, magpapasya siya kung ano ang gagawin sa labas sa mas malawak na komunidad. Sinasabi ng ilang tao na gusto nilang maging mataas na opisyal, ang iba naman ay nagsasabing gusto nilang maging abogado, at ang iba ay gustong maging manunulat. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang pasya at mga ideya. Walang sinuman ang nagsasabi na, ‘Hihintayin ko na lang na turuan ako ng aking mga magulang. Anuman ang ituro nila sa akin, magiging ganoon ako.’ Walang taong ganito kahangal. Kapag umabot na sila sa hustong gulang, nagsisimulang mapukaw at unti-unting nahihinog ang mga ideya ng mga tao, kaya lalong nagiging malinaw ang landas at mga layon sa kanilang hinaharap. Sa panahong ito, unti-unting nagiging halata at malinaw kung anong klaseng tao sila at kung saang grupo sila nabibilang. Mula sa puntong ito, unti-unting malinaw na natutukoy ang personalidad ng bawat tao, pati na rin ang kanilang disposisyon, ang landas na kanilang hinahangad, ang kanilang direksyon sa buhay, at ang grupong kinabibilangan nila. Saan nakabatay ang lahat ng ito? Sa huli, ito ay pauna nang itinakda ng Diyos—wala itong kinalaman sa mga magulang ng isang tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na responsabilidad ng mga magulang na isilang at palakihin ang kanilang mga anak, bigyan sila ng magandang kapaligiran para sa kanilang paglaki, turuan silang maging mabuti, lumakad sa tamang landas, at huwag gumawa ng masama bago sila sumapit sa hustong gulang, pati na rin ang ituro sa kanila ang mga pinakapundamental na prinsipyo ng pag-asal. Gayunpaman, ang kapalaran ng isang anak at ang landas na tatahakin niya sa buhay ay pawang itinakda na ng Diyos, at hindi ito mga bagay na kayang pagpasyahan o kontrolin ng mga magulang. Kapag nasa hustong gulang na ang mga anak, mayroon na silang sariling mga ideya at pagpili, at ang mga bagay tulad ng kung anong uri sila ng tao, kung saang grupo sila nabibilang, at ang landas na pinipili nilang tahakin ay nagiging malinaw lahat. Pero nakalilinlang ang aking pag-iisip na kapag lumaki na ang anak ko at hindi siya nanampalataya sa Diyos o lumakad sa tamang landas, ito ay kabiguan ko bilang isang ina, at na ito ay dahil hindi ko siya nabasahan ng mas maraming salita ng Diyos o mas nagabayan, na naging dahilan para tahakin niya ang landas ng mundo. Sa nakalipas na sampung taon, namuhay ako sa matinding paninisi sa sarili, palaging nararamdaman na may pagkakautang ako sa kanya. Maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos, pero hindi ko tinitingnan ang mga tao at bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos. Nakakahiya talaga! Ang pagpili ng anak ko na huwag tahakin ang landas ng pananalig ay itinatakda rin ng kanyang kalikasan na hindi nagmamahal sa katotohanan. Sa totoo lang, madalas ko siyang kausapin sa bahay tungkol sa pananampalataya sa Diyos, pero hindi siya interesado sa mga salita ng Diyos. Sa tuwing kailangan ko siyang tawagin at hikayatin, nagbabasa lang siya ng ilang salita ng Diyos para pagbigyan ako. Habang lumalaki siya, nahumaling siya sa mundo, kasikatan, at pakinabang, kaya natural lang na hinangad niyang tahakin ang landas ng mundo. Kahit pa hindi ako umalis ng bahay para gawin ang tungkulin ko at nanatili ako sa bahay para basahan siya ng mga salita ng Diyos araw-araw, hindi pa rin siya mananampalataya sa Diyos. Ang kanyang kapalaran at ang landas na kanyang tatahakin ay hindi mga bagay na kaya kong kontrolin bilang kanyang ina. May kaugnayan ito sa kanyang kalikasan at nakasalalay rin sa paunang pagtatalaga ng Diyos. May isang sister na inilaan ang sarili sa paggawa ng kanyang tungkulin nang full-time pagkatapos magtapos sa kolehiyo, pero dinala siya sa istasyon ng pulis ng kanyang di-nananampalatayang ama. Pagkatapos niyang mapalaya, nagpatuloy siyang manampalataya sa Diyos at gawin ang kanyang tungkulin. May isa pang sister na pumasok sa isang prestihiyosong unibersidad, at nang marinig niya ang mga salita ng Diyos, labis siyang naantig at nagpasyang manampalataya sa Diyos, kaya isinuko niya ang kanyang pag-aaral sa graduate school at nagsimula siyang gawin ang kanyang tungkulin at gugulin ang kanyang sarili para sa Diyos nang full-time. Mula sa mga katotohanang ito, nakita ko na ang landas na pinipiling tahakin ng mga tao ay tunay na walang kaugnayan sa kanilang mga magulang.

Isang araw sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang mga hinihingi ng ilang magulang sa kanilang mga anak ay: ‘Ang aming mga anak ay dapat na tumahak sa tamang landas, manampalataya sa Diyos, tumalikod sa sekular na mundo, at bumitiw sa kanilang trabaho. Kung hindi, kapag pumasok na kami sa kaharian, hindi makakapasok ang aming mga anak, at mahihiwalay kami sa kanila. Napakaganda sana kung ang buong pamilya namin ay sama-samang makakapasok sa kaharian! Maaari kaming magsama sa langit, tulad ng pagsasama namin dito sa lupa. Habang nasa kaharian kami, hindi namin dapat iwan ang isa’t isa, dapat magkakasama kami sa buong kapanahunan!’ Subalit, hindi naman pala nananampalataya ang kanilang mga anak sa Diyos, bagkus ay hinahangad ng mga ito ang mga makamundong bagay, at nagsusumikap na kumita ng maraming pera at na maging napakayaman; sinusuot nila ang anumang uso, ginagawa at pinag-uusapan nila ang anumang sikat, at hindi nila tinutupad ang mga kahilingan ng kanilang mga magulang. Bilang resulta, sumasama ang loob ng mga magulang na ito, nagdarasal at nag-aayuno ang mga ito dahil dito, nag-aayuno nang isang linggo, 10 araw, o nang dalawang linggo, at nagsusumikap nang husto para sa kapakanan ng kanilang mga anak tungkol sa usaping ito. Madalas silang nagugutom na nakakaramdam na sila ng pagkahilo, at madalas silang nagdarasal sa harap ng Diyos habang umiiyak. Subalit, kahit gaano pa sila magdasal o gaano man sila magsikap, hindi naaantig ang kanilang mga anak at hindi alam ng mga ito kung paano mamulat. Habang mas lalong tumatangging manampalataya ang kanilang mga anak, mas lalong naiisip ng mga magulang na ito na: ‘Naku, binigo ko ang aking mga anak, nadismaya sila nang dahil sa akin. Hindi ko naipalaganap ang ebanghelyo sa kanila, at hindi ko sila naisama tungo sa landas ng kaligtasan. Ang mga hangal na iyon—ito ang landas patungo sa mga pagpapala!’ Hindi sila mga hangal; sadyang wala silang ganitong pangangailangan. Ang mga magulang na ito ang mga hangal, dahil sinusubukan nilang itulak ang kanilang mga anak patungo sa landas na ito, hindi ba? Kung may ganitong pangangailangan ang kanilang mga anak, kinakailangan pa ba ng mga magulang na magsalita tungkol sa mga bagay na ito? Kusa nang mananampalataya ang kanilang mga anak. Palaging iniisip ng mga magulang na ito: ‘Binigo ko ang mga anak ko. Bata pa lamang sila ay hinikayat ko na silang magkolehiyo, at simula nang magkolehiyo sila, hindi na sila nag-iba ng landas. Hindi sila tumitigil sa paghahangad ng mga makamundong bagay, at sa tuwing bumabalik sila, wala silang ibang kinukwento kundi ang tungkol sa trabaho, pagkita ng pera, tungkol sa kung sino ang itinaas ang ranggo o bumili ng kotse, sino ang nakapag-asawa ng mayaman, sino ang pumunta ng Europa para mag-advance studies o maging exchange student, at sinasabi nila kung gaano kaganda ang takbo ng buhay ng ibang tao. Sa tuwing umuuwi sila, ikinukwento nila ang mga bagay na iyon, at ayaw kong marinig ang mga iyon, pero wala akong magawa. Kahit anong sabihin ko para mahimok silang manampalataya sa Diyos, ayaw pa rin nilang makinig.’ Dahil dito, nagkakaroon ng hidwaan ang mga magulang at ang kanilang mga anak. Sa tuwing nakikita nila ang kanilang mga anak, sumasama ang ekspresyon ng kanilang mga mukha; kapag nakikipag-usap sila sa kanilang mga anak, sumisimangot sila. Hindi alam ng ibang anak kung ano ang gagawin, at iniisip nila na: ‘Hindi ko alam kung ano ang problema sa mga magulang ko. Kung hindi ako nananampalataya sa Diyos, edi hindi. Bakit ba palaging ganito ang trato nila sa akin? Akala ko pa naman, kapag mas nananampalataya ang isang tao sa Diyos, nagiging mas mabuting tao siya. Bakit napakaliit ng pagmamahal ng mga mananampalataya para sa kanilang mga pamilya?’ Masyadong nag-aalala ang mga magulang na ito sa kanilang mga anak na halos puputok na ang kanilang ugat, at sinasabi nila na: ‘Hindi ko sila anak! Pinuputol ko na ang anumang ugnayan namin, itinatakwil ko na sila!’ Sinasabi lang nila iyon, pero hindi talaga iyon ang nararamdaman nila. Hindi ba’t hangal ang mga ganitong magulang? (Oo.) Palagi nilang gustong kontrolin at pangasiwaan ang lahat, palaging gustong pangasiwaan ang kinabukasan ng kanilang mga anak, ang pananalig at mga landas na tinatahak ng mga ito. Napakahangal nito! Hindi ito nararapat(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). Talagang tumpak ang isinisiwalat ng Diyos; iyan mismo ang nasa isip ko, at ganoon din ako kumilos. Noong nag-aaral pa ang anak ko, pinlano ko na sa puso ko na pagkatapos niyang magtapos, magkasama kaming mananampalataya sa Diyos at papasok kami sa kaharian bilang mag-ina. Napakaganda sana niyon! Kaya, kapag nasa bahay ang anak ko, naglalaan ako ng oras para kausapin siya tungkol sa pananampalataya sa Diyos, paulit-ulit siyang hinihimok na magbasa ng mga salita ng Diyos. Kapag hindi siya nakikinig, nagagalit ako at kung minsan ay pinapagalitan pa siya. Noong nag-aaral siya sa unibersidad sa ibang lungsod, naglalakbay ako nang dose-dosenang milya para tawagan siya at paalalahanan siya na magbasa ng mga salita ng Diyos, at di-makatwiran akong nanalangin sa harap ng Diyos at mapilit na humingi sa Kanya, hinihiling sa Kanya na antigin ang puso ng anak ko at akayin ito na manalig. Ni hindi ko nga kayang kontrolin ang sarili kong kapalaran, pero patuloy ko pa ring sinusubukang pamatnugutan at manipulahin ang kapalaran ng anak ko, sa kagustuhang ipatahak sa kanya ang landas na pinlano ko para sa kanya. Talagang napakayabang ko at masyadong tiwala sa sarili! Nang malaman kong pinili ng anak ko ang landas ng mundo, nabalisa ako at hindi mapakali, hindi makakain o makatulog, at pinagsisihan kong hindi ako nagsikap nang higit pa para gabayan siya patungo sa landas ng pananalig. Ang totoo, nababalisa ako dahil natatakot akong kung hindi mananampalataya sa Diyos ang anak ko, mahuhulog siya sa sakuna. Dahil kontrolado ng aking mga damdamin, binalewala ko ang mga layunin ng Diyos, at pinilit ko lang na hilahin ang anak ko na manalig sa Diyos nang labag sa kanyang kalooban. Di-makatwiran pa akong nanalangin sa Diyos na tulungan akong tuparin ang pangarap kong makapasok sa kaharian kasama ang aking anak. Lahat ng ginawa ko ay talagang kahangalan, at tunay na kasuklam-suklam sa Diyos!

Kalaunan, nabasa ko pa ang mga salita ng Diyos: “Bilang mga magulang, pagdating sa saloobin na dapat nilang itaguyod sa kanilang mga anak na nasa hustong gulang na, bukod sa pagpapala sa mga ito nang tahimik at pagkakaroon ng mabubuting ekspektasyon mula sa mga ito, anumang klase ng kabuhayan, uri ng tadhana o buhay mayroon ang mga ito, maaari lamang itong hayaan ng mga magulang na mangyari. Walang magulang ang makakapagbago ng alinman sa mga ito, at hindi rin nila ito makokontrol. Bagamat ikaw ang nagsilang at nagpalaki sa iyong mga anak, gaya ng napag-usapan natin noon, hindi ang mga magulang ang panginoon ng tadhana ng kanilang mga anak. Ipinagbubuntis ng mga magulang ang pisikal na katawan ng kanilang mga anak at sila ang nagpapalaki sa mga ito hanggang sa umabot na sa hustong gulang ang mga ito, ngunit pagdating sa kung ano ang magiging uri ng tadhana ng kanilang mga anak, hindi ito isang bagay na ibinibigay o pinipili ng mga magulang, at lalong hindi ang mga magulang ang nagpapasya tungkol dito. Ninanais mong maging maayos ang iyong mga anak, ngunit may garantiya ba na iyon ang mangyayari? Hindi mo ninanais na makatagpo sila ng kasawian, kamalasan, at lahat ng uri ng masasamang pangyayari, ngunit ibig bang sabihin niyon ay maiiwasan nila ang mga ito? Anuman ang kinakaharap ng iyong mga anak, walang alinman sa mga bagay na iyon ang nasasailalim sa kagustuhan ng tao, at wala rin sa mga iyon ang naitatakda ng iyong mga pangangailangan o ekspektasyon. Kaya, ano nga ba ang itinuturo nito sa iyo? Sapagkat nasa hustong gulang na ang mga anak, may kakayahan na silang alagaan ang kanilang sarili, na magkaroon ng sarili nilang mga kaisipan, pananaw sa mga bagay-bagay, prinsipyo ng pag-asal, at pananaw sa buhay, at hindi na sila naiimpluwensiyahan, nakokontrol, napipigilan, o napapamahalaan ng kanilang mga magulang, tunay na nga silang nasa hustong gulang. Ano ang ibig sabihin na sila ay nasa hustong gulang na? Nangangahulugan ito na ang kanilang mga magulang ay dapat nang bumitiw. Sa nasusulat na wika, ito ay tinatawag na ‘pagbitiw,’ pagpapahintulot sa mga anak na tuklasin at tahakin ang sarili nilang landas sa buhay nang sila lang(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (19)). “Bilang isang taong sumasampalataya sa Diyos at naghahangad sa katotohanan at kaligtasan, ang natitirang enerhiya at oras sa buhay mo ay dapat igugol sa pagganap ng iyong tungkulin at sa anumang ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos; hindi ka dapat gumugol ng anumang oras sa iyong mga anak. Hindi pag-aari ng iyong mga anak ang buhay mo, at hindi ito dapat gamitin para sa kanilang buhay o pananatiling buhay, o para tugunan ang iyong mga ekspektasyon sa kanila. Sa halip, dapat itong ilaan sa tungkulin at sa ipinagkatiwalang gampanin ng Diyos sa iyo, pati na rin sa misyon na dapat mong tuparin bilang isang nilikha. Dito nakasalalay ang halaga at kabuluhan ng iyong buhay. Kung handa kang mawalan ng iyong sariling dignidad at maging alipin ng iyong mga anak, na mag-alala para sa kanila, at gawin ang lahat para sa kanila upang matugunan ang mga sarili mong ekspektasyon sa kanila, walang kabuluhan at walang halaga ang lahat ng ito, at hindi ito gugunitain. Kung magpapatuloy kang gawin ito at hindi mo bibitiwan ang mga ideya at kilos na ito, nangangahulugan lamang ito na hindi ka isang taong naghahangad sa katotohanan, na hindi ka isang kwalipikadong nilikha, at na labis kang mapaghimagsik. Hindi mo iniingatan ang buhay o ang oras na ibinigay sa iyo ng Diyos. … Sa sandaling matupad na ang obligasyong ito, at nasa hustong gulang na ang iyong mga anak, kung sila ba ay magtatagumpay nang husto o mananatiling payak, ordinaryo, at simpleng indibidwal, wala itong kinalaman sa iyo, dahil hindi ikaw ang nagtatakda ng kanilang tadhana, at hindi mo rin ito sariling pasya, at lalong hindi ikaw ang nagbigay sa kanila ng kanilang tadhana—ito ay inorden ng Diyos. Dahil ito ay inorden ng Diyos, hindi ka dapat makialam o makisali sa kanilang buhay o pananatiling buhay. Ang kanilang mga gawi, pang-araw-araw na nakagawian, at saloobin sa buhay, anuman ang mga estratehiya nila para manatiling buhay, anuman ang pananaw nila sa buhay, anuman ang saloobin nila sa mundo—ang mga ito ay sarili nilang mga pagpapasya, at hindi mo na problema ang mga ito. Wala kang obligasyon na ituwid sila o pasanin ang anumang paghihirap alang-alang sa kanila para lang matiyak na masaya sila araw-araw. Ang lahat ng ito ay hindi kinakailangan. Ang tadhana ng bawat tao ay itinatakda ng Diyos; kaya, kung gaano karaming pagpapala o pagdurusa ang mararanasan nila sa buhay, kung anong klaseng pamilya, buhay may asawa, at mga anak ang magkakaroon sila, kung anong mga karanasan ang pagdaraanan nila sa lipunan, at kung anong mga pangyayari ang kanilang mararanasan sa buhay, hindi nila mahuhulaan o mababago ang mga gayong bagay, at mas lalo nang walang kakayahan ang mga magulang na baguhin ang mga iyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (19)). Ginawang napakalinaw ng mga salita ng Diyos kung ano ang dapat saloobin natin sa pagtrato sa ating mga anak. Kapag napalaki na ng mga magulang ang kanilang mga anak hanggang sa hustong gulang, tapos na ang kanilang mga responsabilidad. Tungkol naman sa kung anong landas ang tatahakin ng kanilang mga anak o kung anong kapalaran ang sasapitin nila, hindi iyon mga bagay na mapagpapasyahan ng mga magulang. Matagal ko nang natupad ang mga responsabilidad ko sa aking anak, kaya hindi ko dapat di-makatwirang pakialaman ang buhay ng anak ko o ang landas na tinatahak niya. Kailangan kong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos at tanggapin ang lahat mula sa Diyos. Naisip ko si Job. Bilang isang ama, umasa rin siyang mananampalataya at sasamba sa Diyos ang kanyang mga anak tulad niya, pero may mga prinsipyo si Job sa kung paano niya tinatrato ang kanyang mga anak. Ipinangaral lang niya ang ebanghelyo sa kanila at tinupad ang kanyang responsabilidad bilang isang ama, at tungkol naman sa kung mananampalataya ba sila sa Diyos, hindi sila sinubukang pilitin ni Job na manampalataya nang labag sa kanilang kalooban, at hindi niya pinakialaman ang landas na pinili nila. Hindi siya nanalangin sa harap ng Diyos para sa kanyang mga anak, na nagsusumamo sa Diyos na antigin ang kanilang mga puso para manampalataya sa Kanya. Nagpasakop lang siya sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ang pagsasagawa ni Job ay nakaayon sa mga layunin ng Diyos. Sa paghahambing ng sarili ko kay Job, napahiya ako. Kumain at uminom ako ng napakaraming salita ng Diyos, pero walang puwang ang Diyos sa puso ko. Kapag nahaharap sa mga sitwasyon, hindi ko hinahanap ang katotohanan o inaarok ang mga layunin ng Diyos, sa halip, pikit-mata lang akong kumikilos ayon sa gusto ko. Kailangan kong tularan ang halimbawa ni Job at tratuhin ang aking anak ayon sa mga katotohanang prinsipyo.

Ngayon, ang anak ko ay hinahabol pa rin ang mundo, pero hindi na ako nag-aalala para sa kanyang kinabukasan o kapalaran, at hindi na rin ako nalulungkot o nagagalit para sa kanya. Ang mga salita ng Diyos ang nagpabago sa aking mga nakalilinlang na pananaw. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  27. Ang Pagkakatuklas na may Isang Taong Nagkanulo sa Diyos Matapos Mahuli at Pahirapan

Sumunod:  29. Hindi Ko Na Iniiwasan ang mga Paghihirap

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger