5. Ang mga Araw ng Amnesia

Ni Chen Jing, Tsina

Lagpas ng alas-5 ng hapon noong Mayo 1, 2003. Naglalakad ako pauwi pagkatapos ng isang pagtitipon, nang makita ko si Sister Li Nan na nakatayo sa tabi ng pampublikong telepono. Kumaway siya sa akin, pinalalapit ako. Mukhang balisa siya, na para bang may gusto siyang sabihin sa akin, kaya nagmadali akong lumapit. Sinabi niya sa pigil na bulong na nag-page siya sa isa pang sister, pero hindi pa siya sinasagot ng sister. Habang nag-uusap kami, tumunog ang pampublikong telepono. Akala ko tumatawag na pabalik ang sister, kaya sinagot ko ito. Sa gulat ko, boses ito ng lalaki. Napagtanto ko na may mali, kaya agad kong binaba ang telepono. Halos wala na kaming nasabi ni Li Nan sa isa’t isa nang makita naming huminto ang isang berdeng dyip na may kalabog hindi kalayuan sa aming kinatatayuan. Apat o limang pulis na nakasibilyan ang nagsilabasan at patakbong dumiretso sa amin, sumisigaw sila habang tumatakbo, “Heto na sila! Bilis! Sila nga! Ang mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos!” Sa pagharap sa biglaang pag-aresto, para bang umakyat sa lalamunan ang puso ko, at patuloy akong nagdasal nang tahimik sa Diyos, sinasabing, “Mahal kong Diyos, protektahan mo ang puso ko, huwag Mo akong hayaang maging isang Hudas.” Nang matapos akong magdasal, napagtanto ko na nasa akin pa rin ang pager at IC card ko, kaya hinulog ko ang mga ito sa kanal na nasa tabi ko nang hindi sila nakatingin. Pagkatapos, napagtanto ko na dala ko ang mga rekord mula sa pagtitipon, kaya agad ko itong kinuha, pinunit, at itinapon sa sahig. Isa sa mga pulis ang nakakita at sumigaw, “Anong pinupunit ng babaeng iyon?” Galit na galit na hinablot ng isa pang pulis ang mga punit-punit na papel at itinulak niya kami ni Li Nan sa kanilang dyip, habang walang tigil kaming pinagmumura.

Sa istasyon ng pulis, inusisa kami ng magkahiwalay. Nang makapasok ako sa silid, nakita ko ang tatlong pulis na nakatayo sa likod ng mesa. Tiningnan nila ako na para akong isang kalaban at rinig na rinig ko ang pag-ngingitngit ng kanilang mga ngipin. Nakaramdam ako ng kaunting kaba at patuloy akong nagdasal sa Diyos, “Mahal kong Diyos, huwag Mo akong hayaang maging isang Hudas. Anuman ang itanong nila sa akin, hindi ko dapat ipagkanulo ang aking mga kapatid.” Pagkatapos magdasal, unti-unting kumalma ang puso ko. Isang pulis ang nagsimulang magbato ng mga tanong sa akin, “Ano ang pangalan mo? Saan ka nakatira? Ilang taon ka na? Gaano katagal ka nang nananampalataya sa Diyos? Sinu ang mga lider mo? Ilang tao ang nasa iglesia? …” Ibinigay ko lang sa kanila ang tunay na pangalan at tirahan ko at wala akong sinabi tungkol sa iglesia. Hinampas nang malakas ng isang pulis ang mesa at sinabing, “Magsalita ka! O may kalalagyan ka sa amin!” Hindi ako nagsalita, at ang tatlo sa kanila ay salit-salitan akong tinanong nang tuloy-tuloy sa loob ng ilang oras. Naisip ko na, “Mukhang hindi sila titigil hangga’t wala akong sinasabing anuman. Baka maaari kong ibigay sa kanila ang pangalan ng isang taong napatalsik? Ang taong iyon ay hindi na kabilang sa iglesia.” Pero pumasok sa isip ko ang mga salita ng Diyos: “Tungo sa yaong mga hindi nagpakita sa Akin ni katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, hindi na Ako magiging maaawain, sapagkat natatakdaan ang abot ng habag Ko. Higit pa rito, wala Akong gugustuhin sa sinumang minsan na Akong ipinagkanulo, mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila. Ito ang disposisyon Ko, hindi alintana kung sino man ang taong iyan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Hindi sinasalungat ang disposisyon ng Diyos. Labis na kinasusuklaman ng Diyos ang mga nagkakanulo sa Kanya. Patuloy akong tinatanong ng mga pulis para ipagkanulo ko ang iglesia. Kung nagsabi ako ng isang bagay, tiyak na patuloy nila akong pipilitin para sa karagdagang impormasyon. Hindi ko magagawang ipagkanulo ang Diyos. Sa pag-iisip nito, wala akong sinabi sa kanila. Nang makita nilang hindi pa rin ako nagsasalita, lumapit sa akin ang isang middle-aged na pulis na may mahalay na ngiti at hinawakan niya ang baba ko. Sinabi niyang, “Siguro magsasalita ka kapag hinalikan kita? O paano kaya kung gugulin natin ang gabi nang magkasama?” Lalo akong nasuklam sa kung gaano sila kabuktot, at galit na galit kong sinabi na, “Isa kang pulis. Paano ka nakakapagsalita ng ganyan? Ganyan magsalita ang mga kriminal!” Lumapit ang isa sa kanila, iniunat ang kanyang leeg at humihingal, sumigaw siya, “Magsasalita ka ba o hindi? Kung hindi, bubugbuin ka namin hanggang sa mamatay ka! Ipapatikim namin sa iyo ang aming mga batuta” Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang batuta. Natakot ako noon at sa puso ko, agad akong tumawag sa Diyos para bigyan ako ng lakas at pananalig at para huwag akong hayaang maging isang Hudas. Tinitigan ako nang masama ng isang pulis at dali-daling sumugod. Agad kong pinrotektahan ang aking dibdib gamit ang mga braso ko pero inundayan pa rin niya ako ng isang malakas na hampas na nagdulot sa akin ng pagkahilo. Mabagsik niyang sinabi na, “Tuturuan kita dahil ayaw mong magsalita! Ngayon, tingnan mo kung anong kaya kong gawin sa iyo!” Hawak ang kanyang batuta, sumigaw ang isa pang pulis, “Tuturuan kita dahil hindi ka umaamin. Tingnan natin kung magugustuhan mo ito!” Habang sinasabi niya ito, itinaas niya ang kanyang batuta at marahas na inihampas sa akin. Agad akong umikot pakanan at tumama nang malakas ang batuta niya sa kaliwang bahagi ng ulo ko. Pagkatapos niya akong hampasin, nakarinig na lang ako ng ugong sa ulo ko, pagkatapos, bumagsak ako sa sahig at nawalan ng malay. Nagising na lang ako nang hindi alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Talagang blangko ang isip ko at wala akong maalala. Naisip ko na, “Paano ako napunta rito?” Namanhid ang ulo ko at may bahagyang kirot. Nakahiga ako sa sahig at hindi makagalaw. Ang tanging naramdaman ko ay nanlambot ang kanang kamay ko, hindi ko maramdaman ang kanang bahagi ng katawan ko, at hindi ko ito makontrol, na para bang naparalisa ang kalahati ng katawan ko. Paglipas ng mahabang panahon, sa wakas ay naalala ko na naaresto ako dahil sa pananampalataya sa Diyos. Nang makita ang kalagayan ko, tumigil sa pagtatanong sa akin ang mga pulis. Binuhat nila ako, dinala ako sa kulungan, at hinagis ako sa sahig.

Pagkadating ko sa kulungan, nagtipon sa paligid ko ang ilang sister, at nang makita nila na nabugbog ako nang ganito, galit nilang sinabi na, “Paano sila naging napakalupit? Paano nila nagawang bugbugin ang isang taong walang kasalanan at gawing ganito? Wala talaga silang pagkatao! Talaga namang isang grupo sila ng mga diyablo!” Hinaplos ng mga sister ang aking mga kamay at binti at inalo nila ako. Labis akong naantig at nagsimula akong umiyak. Alam ko na ito ay pagmamahal ng Diyos at nabalot ng init ang puso ko. May walong sister na nakakulong kasama ko. Isa si Xin Ming sa kanila. Kaming dalawa ay nasa parehong selda. Noong una akong dumating sa kulungan, medyo malinaw pa ang isip ko, normal pa ang aking pagsasalita at mga reaksyon, pero nahirapan akong igalaw ang kanang bahagi ng katawan ko. Hindi ko maiunat nang deretso ang kanang braso ko, at kailangan ko itong ipuwesto na parang may binubuhat akong basket. Hindi ko mahugasan nang maayos ang mukha ko, at hindi ko pa nga kayang pisilin ang toothpaste mula sa tube. Sa oras ng pagkain, ang kaliwang kamay ko na lang ang kaya kong gamitin para hawakan ang kutsara. Kapag naglalakad, kaya ko lang hilahin ang kanang paa ko, na para bang paralisado ang kalahati ng katawan ko. Natakot ang mga sister ko na humantong ako sa pagkaparalisa, kaya tinulungan nila akong mag-ehersisyo araw-araw tuwing break sa tanghalian. Hinahawakan ng isang sister ang aking braso, tumutulong naman ang isa sa pagmamasahe ng braso ko para dumaloy ang dugo, habang tinutulungan ako ng isa pang sister na igalaw ang aking binti, ginagamit niya ang kanyang paa para itulak ako pasulong nang unti-unti o kaya ay yumuyuko at iginagalaw ang binti ko pasulong gamit ang kanyang mga kamay. Nang makita kong humantong sa ganitong kalagayan ang katawan ko, talagang nanghina ako, iniisip ko na, “Naparalisa ako sa isang bahagi ng katawan ko. Hindi ko kayang alagaan ang sarili ko, at pinapahirapan ko ang aking mga sister dahil kailangan nila akong alagaan. Hindi ba’t naging wala akong silbi?” Labis akong nabagabag nang maisip ko ito. Habang nakakaramdam ng pagiging negatibo at panghihina, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hinihingi sa atin ang lubusang pananalig at pag-ibig sa yugtong ito ng gawain. Maaari tayong matisod mula sa pinakamaliit na kapabayaan, dahil ang yugtong ito ng gawain ay iba mula sa lahat ng mga nauna: Ang pineperpekto ng Diyos ay ang pananalig ng mga tao, na kapwa di-nakikita at di-nahahawakan. Ang ginagawa ng Diyos ay na maging pananalig, pag-ibig, at buhay ang mga salita(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … (8)). Binigyan ako ng pananalig ng mga salita ng Diyos. Pinahintulutan ng Diyos na mangyari ito sa akin para maperpekto ang pananalig ko. Bagaman nilumpo ako ng mga pulis, dahil ginamit ng Diyos ang mga sister para alagaan at bantayan ako, ibinabahagi nila sa akin ang mga salita ng Diyos, naranasan ko ang Kanyang pagmamahal. Bagaman wala akong ideya kung kailan ako gagaling, ang makita ang patuloy na paggabay sa akin ng Diyos ay nagbigay sa akin ng pananalig para magpatuloy.

Sa kulungan, tinulungan ako ng mga sister na mag-ehersisyo araw-araw. Binibihisan nila ako sa umaga, inaabutan nila ako ng ininit na tinapay na mais sa mga oras ng pagkain, at sa gabi tinutulungan nila akong maglatag ng higaan ko. Madalas din silang nagbabahagi sa akin ng mga salita ng Diyos at umaawit ng mga himno para sa akin. Labis akong naantig nang makita kong inaalagaan nila ako nang ganito. At labis kong kinamuhian ang mga pulis dahil iniwan nila akong lumpo, kaya maging ang paggawa ng mga normal na bagay ay mahirap. Sa kabila nito, pinauupo pa rin nila ako mula madaling araw hanggang alas-7 ng gabi araw-araw tulad ng iba at nanlalamig ang buo kong katawan hanggang sa kaibuturan. Sa gabi, pinapagawa pa nila ako ng tungkulin ng isang oras, pero nagsasalitan ang mga sister para kunin ang lugar ko para matulungan ako. Makalipas ang isang buwan, hinatulan ako ng CCP ng dalawang taon ng muling pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatrabaho dahil sa “panggugulo sa kaayusang panlipunan.” Labis akong nabagabag. Paralisado ang kalahating katawan ko at hindi ko kayang alagaan ang sarili ko, at para akong walang silbing tao—paano ko kaya malalampasan ang dalawang mahahabang taon na ito? Inalo ako ng mga sister, sinasabing, “May Diyos tayong masasandigan at tutulungan Niya tayo. Dapat tayong magkaroon ng pananalig sa Diyos!” Habang dinadala papuntang bilangguan, umawit ng maraming himno ang mga sister. Isa sa mga iyon ay ang “Nais Kong Makita ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos,” na labis na nakaantig sa akin: “Nang may mga ipinagkatiwala ng Diyos sa aking puso, hindi ako kailanman magpapasakop kay Satanas. Kahit mapugot ang aking ulo at dumanak ang aking dugo, hindi mapapayuko ang gulugod ng mga tao ng Diyos. Magbibigay ako ng matunog na patotoo para sa Diyos, at ipapahiya ang mga diyablo at si Satanas. Pauna nang itinakda ng Diyos ang pasakit at mga paghihirap, magiging matapat at masunurin ako sa Kanya hanggang kamatayan. Hinding-hindi ko na muling paiiyakin ang Diyos at hinding-hindi ko na siya pag-aalalahanin. Iaalay ko ang aking pagmamahal at katapatan sa Diyos at tatapusin ko ang aking misyon upang luwalhatiin Siya(Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Habang nakikinig, labis na lumakas ang loob ko at nagsimulang umawit kasama nila, at habang lalo akong umaawit, lalong lumalakas ang pananalig ko. Bagaman nalumpo ako at nahatulan ng pagkakabilanggo, nagkaroon ng kahulugan ang pagdurusang ito. Sa pagdurusang ito ay makakapagpatotoo ako sa Diyos at maipapahiya ko ang diyablong si Satanas. Isa itong maluwalhating bagay. Nang maisip ko ito, hindi na ako nakaramdam ng pagkanegatibo at naging handa na akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Habang patuloy kaming umaawit, lalo pa kaming naantig, at ang ilan ay napaiyak habang sila ay umaawit—hindi dahil nananabik silang umuwi o nababalisa sa pagkakahatol sa kanila, kundi dahil naramdaman nila ang kaligayahan at kagalakan sa kanilang mga puso at naramdaman nila na maluwalhati ang magpatotoo sa Diyos!

Nakita ng mga guwardiya ng bilangguan doon na hindi ko kayang gumawa ng pisikal na trabaho at ayaw nila akong papasukin. Pinag-usapan nila ito nang matagal bago sila napilitang papasukin ako. Itinalaga nila ako na magtrabaho sa pagawaan. Nang makita ng superbisor na wala akong kayang gawin, ipinadala niya ako para maglinis ng mga banyo. Dahil wala akong pakiramdam sa kanang bahagi ng katawan ko, naglalakad ako na nakapasan nang lubos sa kaliwang binti ko at nahihirapan akong maglakad, kinakaladkad ko ang kanang binti ko. Kapag naglalampaso ng sahig, nakayuko ako sa kaliwang binti at kinakalakad ang aking kanang binti, hirap na hirap akong maglampaso gamit lamang ang kaliwang kamay ko. Tuwing natatapos akong maglampaso sa isang bahagi, labis akong nahihirapang makatayong muli. Araw-araw akong naglilinis mula madaling araw hanggang alas-10 ng gabi. Sa loob ko, pakiramdam ko ay inagrabyado ako, iniisip ko, “Pinagtatrabaho nila ako kahit ganito ang kalagayan ng katawan ko, hindi talaga nila tinatrato ang mga tao bilang mga tao!” Lalo pa akong nagalit nang araw-araw akong pinag-eehersisyo tuwing umaga ng mga guwardiya kasama ang mga bilanggo sa pangkat ng mga nagsasanay. Kinailangan naming tumakbo, at dahil nakatayo ako sa gitna ng pangkat, kapag nagsisimula nang tumakbo ang lahat, nababangga nila ako. Sa kabila nito, hindi pa rin nila ako pinapayagang huminto. Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga ehersisyo, kaya pinarusahan ako ng pinuno ng departamento sa pamamagitan ng pagpapalakad sa akin paikot ng bakuran. Hindi ko maitaas ang kanang binti ko, kaya kinakaladkad ko ito habang naglalakad. Pagkatapos ng isang mahabang pag-ikot sa bakuran, pagod na pagod na ako para magpatuloy pa, at butas na ang mga gilid ng sapatos ko. Habang lumilipas ang panahon, hindi ko na nakayanan at nakaramdam ako ng matinding panghihina sa loob ko. Nakipagbahaginan sa akin si Xin Ming, pinalakas niya ang loob ko at inalo, at sinambit niya sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat kang magdusa ng paghihirap para sa katotohanan, dapat mong isakripisyo ang iyong sarili para sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa para magkamit ng higit pang katotohanan. Ito ang dapat mong gawin. … Dapat mong hangarin ang lahat ng maganda at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makabuluhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Sa pakikinig sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sa pamamagitan ng pagdurusang ito, nais ng Diyos na itanim sa akin ang katotohanan. May kahulugan ang pagtitiis sa pagdurusang ito at dapat ko itong maranasan nang may pananalig. Bagaman ako ay lumpo at kailangan pa ring magtrabaho, kasama ko ang Diyos, at ang mga sister ay nasa tabi ko, madalas na nagbabahagi sa akin ng mga salita ng Diyos. Naramdaman ko na kailanman ay hindi ako iniwan ng Diyos. Naramdaman ko ang pagmamahal ng Diyos.

Dahil hindi ako nabigyan ng anumang gamot, lalong lumala ang kondisyon ko araw-araw. Hindi na ako naglakas-loob na igalaw ang kanang bahagi ng aking katawan, dahil kapag ginagawa ko, hindi ko nakakayanan ang sakit. Hindi ako makabangon mula sa pagkakahiga at kailangan ko pang magpatulong sa mga sister para makatayo. Nanigas nang husto ang kanang kamay ko at hindi man lang ako makapagmumog kapag nagsesepilyo ako. Nakiusap si Xin Ming sa pinuno ng departamento at sa wakas ay tumigil na sila sa pag-uutos sa akin na maglinis ng mga banyo. Pero hindi nila ako pinapayagang humiga. Araw-araw kailangan kong maupo nang mahigit 10 oras bago nila ako pinapayagang matulog. Tiniis ko ang sakit at bahagyang sumandal sa pader, hindi ako naglakas-loob na gumalaw. Kalaunan, lumala nang lumala ang kondisyon ko. Nagsimulang manginig ang kaliwang kamay ko kapag humahawak ng kutsara at nahuhulog ko ang pagkain ko kung saan-saan tuwing oras ng kainan. Lubusang nablangko ang isip ko, na para bang wala akong iniisip. Bukod sa alam kong nananampalataya ako sa Diyos at nais kong marinig ang mga sister na nagbabahagi ng mga salita ng Diyos, wala na talaga akong alam na iba pa. Palaging pira-piraso ang mga alaala ko. Nakakalimutan ko ang mga bagay na kamakailan lang nangyari at pansamantala ko lang natatandaan ang mga bagay-bagay. Mabagal ang reaksyon ng utak ko at nakatitig lang ako nang blangko sa mga bagay. Minsan ay tumatawa akong parang tanga nang hindi ko namamalayan. Saka lang ako nagkakaroon ng kaunting kamalayan at tumitigil sa pagtawa kapag sinasabihan ako ng sister na tumigil. Ang IQ ko noong oras na iyon ay parang sa isang bata, at nagsasalita ako nang putol-putol at napakabagal. Madalas akong nakasalampak sa kama, nakatitig sa mga kamay at paa ko, at madalas akong humahagikgik nang hindi ko namamalayan. Isang beses, bumalik si Xin Ming sa selda pagkatapos magtrabaho at nagsimula akong ngumiti sa kanya na para bang nakakita ako ng kamag-anak. Tinapik niya ako sa balikat at nagtanong, “Anong nginingitian mo? Alam mo ba kung ano ang pangalan ko?” Patuloy lang akong ngumiti, umiling at sinabi ko na, “Hindi … ko … alam.” Pagkaraan ng kaunting saglit, naalala ko at sinabi ko na, “Ang … pangalan mo … ay … Ming.” Pero kahit gaano ko man isipin, hindi ko talaga maalala ang apelyido niya. Nakita ng pinuno ng labor camp ang kondisyon ko at natakot siyang mamatay ako sa kampo at siya ang umako ng responsabilidad, kaya pinayagan niyang pumunta ang doktor ng kampo para bigyan ako ng infusion. Pero basta-basta lang akong binigyan ng gamot ng doktor nang hindi muna ako sinusuri. Dahil dito, bukod sa hindi bumuti ang kondisyon ko, kundi mas lumala pa ito. Nagsimulang mamaga ang mga kamay at paa ko, hindi ko maigalaw ang mga daliri ko, at ang mga daliri ko sa paa ay namumula at namamaga na para bang may frostbite ako. Wala silang nagawa kundi dalhin ako sa ospital panlalawigan. Sa pagsusuri ay natuklasan na mayroon akong subdural accumulation of fluid na dulot ng tama sa ulo, na umiipit sa mga ugat at nagiging sanhi ng hemiplegia. Sinabi ng doktor na kung hindi agad maaalis ang fluid sa pamamagitan ng operasyon, maaari akong mamatay. Pero hindi kayang tustusan ng pamilya ko ang operasyon, kaya ibinalik na lang nila ako sa labor camp. Sa daan pabalik, bahagya kong narinig na sinabi nila na, “Hindi niya kayang tustusan ang gamutan pero hindi natin siya maaaring hayaan na mamatay dito. Dapat natin siyang bigyan ng medical parole.” Pabalik-balik ang alaala ko at hindi ako masyadong nababahala tungkol sa anumang bagay. Ang tanging alam ko lang ay nananampalataya ako sa Diyos, at ipinagkakatiwala ko sa Diyos ang buhay at kamatayan ko.

Nang makabalik ako sa kampo, inilagay nila ako sa ibang selda at hindi ko makausap ang mga sister na kasama ko. Sobrang pasakit ang pinagdaraanan ko noong panahong iyon. Nakaupo lang ako sa kama habang pinagmamasdan ang pintuan, umaasang makakita ng isang sister. Kapag kasama ko ang mga sister, madalas nilang ibinabahagi ang mga salita ng Diyos sa akin at pinalalakas ang loob ko, pero ngayon ay nakaramdam ako ng labis na kalungkutan at kawalan ng patutunguhan. Hindi gumagana nang maayos ang utak ko, at hindi ko maalala ang mga salita ng Diyos, hindi ko rin marinig ang mga sister na nagbabahagi sa akin ng mga salita ng Diyos—ayaw na ba sa akin ng Diyos? Nakaramdam ako ng matinding sakit at naisip ko kung ano ang kahulugan ng buhay ko nang wala ang Diyos. Pagkatapos, naisip kong mamatay. Tumigil ako sa pagkain. May isang tao sa selda ang nagtungo para hanapin si Xin Ming, at lumapit siya sa akin nang wala ang superbisor. Sobrang saya ko nang makita siya. Lumapit siya sa kama ko at tinapik ako. Habang tumutulong siyang magmasahe ng kamay at braso ko, nagtanong siya, “Bakit hindi ka kumakain? Makakabuti ba sa kalusugan mo iyon?” Habang lumuluha, sinabi ko, “Namiss … kita. Nilagay … nila … ako dito … kung saan … wala ni isa … na magbabahagi … ng mga salita ng Diyos … sa akin. Ang … lungkot-lungkot … ko. Ayaw na ba … sa akin … ng Diyos? Wala nang … kahulugan … ang buhay ko.” Inalo ako ni Xin Ming, sinabi niya, “Gusto pa rin tayo ng Diyos. Hinihintay lang Niya na magpatotoo tayo para sa Kanya! Kailangan nating mabuhay nang maayos!” Pagkatapos, nagsambit siya sa akin ng isang himno ng mga salita ng Diyos: “Determinado Akong Mahalin ang Diyos”: “Lahat ng bagay, lahat—ay pawang nasa Iyong mga kamay; ang aking kapalaran ay nasa Iyong mga kamay at hawak Mo ang buhay ko mismo sa Iyong mga kamay. Ngayon, hangad kong mahalin Ka, at hayaan Mo man akong mahalin Ka o hindi, paano man manggulo si Satanas, determinado akong mahalin Ka. Ako mismo ay nakahandang hanapin ang Diyos at sundin Siya. Ngayon, kahit gusto akong iwanan ng Diyos, susundin ko pa rin Siya. Gusto man Niya ako o hindi, iibigin ko pa rin Siya, at sa huli, kailangan ko Siyang makamit. Iniaalay ko ang aking puso sa Diyos, at anuman ang Kanyang gawin, susundin ko Siya sa aking buong buhay. Anuman ang mangyari, kailangan kong ibigin ang Diyos at kailangan ko Siyang makamit; hindi ako titigil hangga’t hindi ko Siya nakakamit(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa). Sinabi ni Xin Ming sa akin na, “Kailangan tayong magkaroon ng tunay na pananalig sa Diyos! Anumang mangyari sa atin, kailangan nating sumunod sa Kanya hanggang sa huli. Hindi dapat matinag ang paninindigan na mayroon tayo noon. Ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos at ang pagkakaroon ng tunay na pananalig. Iba na ang sitwasyon ngayon at wala dito ang mga sister, kaya iniisip mong ayaw na sa iyo ng Diyos. Hindi ba’t nagkakamali ka sa pagkaunawa mo sa Diyos? Nasaan ang pananalig mo? Isinaayos ng Diyos ang sitwasyong ito para sa atin, umaasa na maninindigan tayo sa ating patotoo tungkol sa Kanya. Kailangan nating panatilihin ang ating pananalig sa Diyos!” Pagkatapos ng pagbabahagi ni Xin Ming, alam ko na hindi naman sa ayaw sa akin ng Diyos, at na kailangan kong mabuhay nang maayos at hindi ako maaaring maging duwag. Kailangan kong sundan ang Diyos hanggang sa huli, anuman ang mangyari. Muli akong nagkaroon ng pag-asa, nagliwanag ang puso ko, at muli akong naging masaya. Nang paalis na si Xin Ming, kinuha ko ang kamay niya, ayaw ko siyang pakawalan, at sinabi ko na, “Nais kong … marinig … ang mga salita … ng Diyos.” Sinabi niya na babalik siya para makita ako at pinayuhan niya akong magdasal pa sa Diyos kapag nahihirapan ako, at papakinggan ako ng Diyos. Nang makaalis na siya, nagdasal ako sa Diyos, sinabi ko na, “Mahal… kong Diyos, pakiramdam ko … ay talagang … nag-iisa ako, wala … akong kasama … rito, hindi … gumagana … nang maayos … ang utak ko, gusto kong … marinig ang … Iyong mga salita, pakiusap … bigyan mo ako … ng kasama, gusto kong … marinig ang … Iyong mga salita.”

Kinabukasan pagkatapos kong sambitin ang dasal na ito, sinabi ng pinuno ng departamento na, “Chen, heto ang kasamahan mo sa selda. Puwede ka niyang samahan.” Nang makita kong si sister He Li pala, sobrang saya ko! Alam kong narinig ng Diyos ang dasal ko. Masaya rin si He Li na makita ako. Niyakap niya ako, at sinabi na, “Nabalitaan ko na labis kang nasaktan dahil sa pambubugbog, at matagal ko nang nais na makita ka, at sa wakas ay nakita na kita ngayon!” Maingat akong inalagaan ni He Li araw-araw, tinulungan akong mag-ehersisyo, nakipagkuwentuhan sa akin, at madalas siyang nakikipagbahaginan sa akin tungkol sa mga salita ng Diyos, pinalalakas ang loob at inaalo ako. Sa paglipas ng panahon, nagsimulang tumugon ang isip ko, at kaya ko nang makipag-usap sa kanya. Isang araw, tiningnan ko ang mga kamay ko, at sinabi ko kay He Li na, “Kailan ba … bubuti ang … kondisyon ko? Bubuti … pa ba ito?” Pagkatapos, nakipagbahaginan siya sa akin, “Hindi ba’t sinabi ng Diyos ang mga salitang ito? ‘Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pinakamakapangyarihang manggagamot! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. Hangga’t may natitira kang hininga, hindi ka hahayaan ng Diyos na mamatay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). ‘Habang sumasailalim sa mga pagsubok, normal sa mga tao ang manghina, o magkaroon ng pagkanegatibo sa kanilang kalooban, o hindi malinawan sa mga layunin ng Diyos o sa landas ng pagsasagawa. Ngunit anuman ang mangyari, kailangan mong magkaroon ng pananalig sa gawain ng Diyos, at, tulad ni Job, huwag itanggi ang Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Kailangan nating mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos at huwag malugmok sa kawalan ng pag-asa. Makapangyarihan ang Diyos, at nasa Kanyang mga kamay kung gagaling tayo mula sa karamdaman. Talagang hindi tayo dapat magreklamo! Hindi kailanman nawalan ng pananalig sa Diyos si Job, sa kabila ng matitinding pagsubok, kaya kailangan nating maniwala sa mga salita ng Diyos, at magkaroon ng tunay na pananalig sa Kanya!” Sobrang saya ko, habang nakikinig dito. Naisip ko na napakaganda ng mga salita ng Diyos.

Mga bandang Disyembre nang medyo bumuti ang kalagayan ko. Hinuhugasan ko ang mga paa ko nang bigla kong napansin na maputi ang kanang binti at paa ko. Ang kuko ko sa paang iyon ay hindi tumubo nang anim na buwan. Hindi ko pa ito napansin noon. Naisip ko na, “Hindi na nagpapakita ng senyales ng paggaling ang braso at binti ko. Sa hitsura nila, siguradong mamamatay na ako. 41 lang ako. Mamamatay ba talaga ako nang ganito?” Nakaramdam ako ng kaunting bigat sa puso ko at nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos ko, inaresto ako dahil sa pananalig ko sa Iyo. Kung mamamatay man ako, hindi ko ito pagsisisihan. Kung mabubuhay pa ako, magpapatuloy ako sa pananampalataya sa Iyo!” Pabalik-balik kong ipinagdasal ang mga salitang ito sa puso ko. Pagkatapos ng dasal, naramdaman kong dumaloy ang dugo ko sa aking katawan at nakaramdam ako ng kaunting init. Hindi ko pa ito naramdaman noon. Kinabukasan, habang tinutulungan ako ni He Li papunta sa banyo, natuklasan kong kaya ko nang iangat nang kaunti ang kanang binti ko. Bago iyon, laging kailangan hilahin ni He Li ang binti ko sa may pintuan tuwing pupunta ako ng banyo. Ngayon, yuyuko na sana siya, pero bago pa niya mahila ang binti ko, nagawa ko na ito nang mag-isa! Nang makita namin ito, sobrang saya namin, at labis kaming nagpasalamat sa Diyos. Noong Disyembre 26, naaprubahan ang medical parole ko. Hindi ko inasahan na mangyayari ito. Noong panahong iyon, dalawang tao lamang ang maaaring bigyan ng medical parole, pero tatlong tao sa bilangguan ang may malubhang sakit, kaya nagulat ako na ako ang nabigyan nito. Sinabi ng superbisor na, “Chen, nandito na ang asawa mo para sunduin ka. Maaari ka nang umuwi. Magsisilbi ka ng isang taon na sentensiya sa iyong tahanan. Hindi ka pinapayagang mangaral ng ebanghelyo at ipapaalam namin sa iyong lokal na pamahalaan na bantayan ka.” Napakasaya ko. Masaya rin si Xin Ming para sa akin. Agad-agad niya akong tinulungang kunin ang mga gamit ko at inalalayan niya ako palabas ng selda. Kinailangang magbayad ng asawa ko ng piyansa na 2,000 yuan sa labor camp bago ako nakalabas mula sa impiyernong ito sa mundo.

Ang nagawa ko lang nang makauwi ako ay humiga sa kama. Hindi ko maigalaw ang mga braso o binti ko. Para akong Jello. Talaga ngang mahirap ang taong iyon sa bahay. Nagkaroon kami ng utang na mahigit sa 10,000 yuan. Kinailangan pa naming mangutang para sa aking medical parole. Hindi ako makatanggap ng anumang gamutan dahil wala kaming pera. Nagdurusa ako minsan dahil namuhay ako sa karamdaman, pero alam kong nasa mga kamay ito ng Diyos at nasa Diyos kung gagaling man ako o hindi. Ang Diyos ang aking pinakamalaking sandigan. Madalas akong nagdadasal sa Diyos at unti-unti akong lumakas nang espirituwal. Sabik na sabik akong magbasa ng mga salita ng Diyos noong panahong iyon, pero dahil binabantayan pa rin ako ng CCP, hindi ako malapitan ng mga kapatid. Isang mananampalataya ang nanay ko, at dinalhan niya ako ng isang sulat-kamay na kopya ng mga salita ng Diyos. Tuwang-tuwa ako at agad ko itong kinuha sa kanya. Paulit-ulit ko itong binasa. Kahit hindi ko matandaan ang anuman sa mga ito, nauunawaan ko naman ito. Nakaramdam ako ng labis na kagalakan at kapanatagan at hindi ko na naisip kung mabubuhay o mamamatay ba ako. Basta’t nakakabasa ako ng mga salita ng Diyos, magiging kontento na ako. Pagkalipas ng dalawa o tatlong buwan, nakakalakad na ako nang papilay-pilay na may suporta, nang hindi na kailangang uminom ng gamot o magpaturok ng ineksiyon, at nakakakain na ako nang mag-isa.

Isang araw noong 2004, nakakita ako ng pakete ng papel sa aking drawer. Nang buksan ko ito, nakita ko ang isang nabuhol na cassette tape, at naisip ko, “Isa ba itong cassette tape ng mga himno?” Hiniling ko sa anak ko na tanggalin ito sa pagkabuhol at ilagay sa player, at sa gulat ko, nagsimula itong tumugtog. Sabik na sabik akong marinig na tumutugtog ang mga himno ng mga salita ng Diyos! Pagkatapos niyon, nakikinig ako sa mga himnong ito araw-araw, paulit-ulit, mas lumiliwanag ang puso ko sa tuwing nakikinig ako. Nakaramdam ako ng labis na inspirasyon lalo na nang mapakinggan ko ang “Awit ng mga Mananagumpay”: “Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang inihanda para sa inyo? Sinikap na ba ninyong kamtin ang mga pangakong binitiwan para sa inyo? Kayo ay, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, hindi mawawala sa inyo ang paggabay ng liwanag. Kayo ang magiging mga panginoon ng lahat ng bagay. Kayo ay magiging mga mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng bansa ng malaking pulang dragon, kayo ay tatayo sa gitna ng di-mabilang na tao bilang patunay ng Aking tagumpay. Kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at magniningning kayo ng Aking liwanag ng kaluwalhatian sa buong sansinukob(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19). Naunawaan ko na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay gamitin ang pag-uusig ng malaking pulang dragon para maperpekto ang grupo ng mga mananagumpay. Bagaman nakaranas ako ng mga paghihirap at naging lumpo, naperpekto ang pananalig ko sa pamamagitan ng sitwasyong ito, at nakaya kong manindigan dahil sa gabay ng mga salita ng Diyos. Nang maging lumpo ako, hindi lamang nawala ang alaala ko, kundi hindi ko rin kayang alagaan ang sarili ko. Paulit-ulit akong nakaramdam ng pagiging negatibo at kahinaan, at tanging sa tulong ng Diyos, sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbabahagi sa akin ng mga sister tungkol sa Kanyang mga salita, nahanap ko ang pananalig para malampasan ang mahirap na sitwasyong ito. Ipinakita nito sa akin na ang mga salita ng Diyos ang ilaw at sa anumang oras kaya nitong bigyang-liwanag ang daraanan ng mga tao at bigyan sila ng isang landas na susundan. Sa pagdanas ng sitwasyong ito, bagama’t medyo nagdusa ang aking laman, naunawaan ko ang katotohanan, yumabong ang pananalig ko sa Diyos, at nakamit ko ang kaunting pagkaunawa sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Naging labis na makahulugan ang pagdurusa ko! Pinalakas ako ng mga salita ng Diyos at araw-araw ay mas bumuti ang kondisyon ko. Bumalik nang husto ang alaala ko at nakapagsalita na ako nang malinaw. Pagsapit ng 2005, nakalakad na ako nang dahan-dahan. Sa pagtatapos ng taong iyon, mag-isa akong sumakay ng tren para bisitahin ang nakababata kong kapatid sa ibang lungsod at nangaral ako sa kanya ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Nang makita ng mga kamag-anak ko ang mabilis kong paggaling, sinabi ng ilan na, “Talaga ngang may Diyos!” Sinabi ng ilan na, “Tunay ngang makapangyarihan ang Diyos mo!” Tinanggap din ng biyenan ng nakatatandang kapatid ko ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw pagkatapos mapakinggan ang karanasan ko. Kalaunan, tuluyan nang gumaling ang kondisyon ko. Hindi na pilay ang binti ko at naging normal na ako. Namangha ang mga tao sa paligid ko nang makita nila kung gaano kabilis ang paggaling ko. Minsan, nakasalubong ko si Xin Ming sa kalsada, at hindi ko maipahayag kung gaano ako kasaya. Agad ko siyang niyakap at labis kaming naantig na kami ay napaiyak. Nang magkaroon ako ng follow-up check up noong 2018, matagal na tiningnan ng doktor ang X-ray ko nang may pagkamangha at sinabi niya na na-calcify na ang pamamaga ng dugo sa ulo ko. Isang tunay na himala na ma-calcify ang pamamaga nang walang anumang gamutan matapos magtamo ng matinding pinsala ang utak ko! Nang marinig kong sinabi ito ng doktor, buong puso akong nagpasalamat sa Diyos! Dahan-dahan akong gumaling mula sa pagiging isang paralisadong tao na malapit nang mamatay hanggang sa maging isang normal na tao—isang bagay na walang sinumang maglalakas-loob na isipin.

Matapos kong maranasan ito, nakita ko na ang Diyos ang nangangasiwa sa lahat ng bagay at na ang mga buhay at kamatayan ng mga tao ay nasa Kanyang mga kamay. Tulad ng sinasabi ng Diyos: “Ang puso at espiritu ng tao ay hawak ng Diyos, at lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man sa lahat ng ito o hindi, ang anuman at ang lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito humahawak ng kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Labis na yumabong ang pananalig ko sa Diyos sa pamamagitan ng espesyal na karanasang ito. Binigyan ako ng Diyos ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Anumang pag-uusig o kapighatian ang maaari kong harapin sa hinaharap, palagi akong magiging matatag sa aking pananalig na sumunod sa Diyos, at gagampanan ko nang maayos ang tungkulin ko para masuklian ang Kanyang pagmamahal.

Sinundan:  4. Paano Bumitaw at Hayaan ang mga Anak na Matutong Magsarili

Sumunod:  7. Ang Hindi Pagiging Isang Alipin sa Pag-aasawa ay Tunay na Kalayaan

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger